PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw.
Simulan natin into sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Sa kaniyang pagbisita sa Eastern Visayas nitong Biyernes, sinabi ng Pangulo na sa Bagong Pilipinas, palalakasin ang internet access doon lalo na sa mga liblib na lugar bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na mapalawak ang reliable internet connection sa rehiyon.
Sa naging pagpupulong ng Regional Development Council, sinabing may bagong sistema ang gobyerno upang mapabuti ang internet access sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Dito, maaaring magtayo ng mga tower o gumamit ng bagong teknolohiya para makapagbigay ng internet service kahit sa malalayong isla gamit ang satellite.
Bukod sa internet connectivity, tinalakay rin ang iba pang issue sa rehiyon tulad ng supply ng tubig at kuryente, imprastraktura at serbisyong pangkalusugan. Tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pagsisikap ng kaniyang administrasyon para mapabuti ang pamumuhay sa Eastern Visayas.
Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos Jr. ang oath taking ng mga bagong miyembro ng Local Amnesty Board of Eastern Visayas sa Tacloban City.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Ayon sa Pangulo, mahalaga ang papel na gagampanan ng Amnesty Board sa pagsulong ng kapayapaan sa bansa. Ito rin ang magsisilbing mekanismo para matulungan ang mga dating rebelde sa proseso ng reintegration. Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba dahil sa pulitika. Umaasa si Pangulong Marcos na magiging simula ito ng pagkamit ng kapayapaan sa buong bansa.
At ito po ang good news natin sa araw na ito. So, maaari na po tayong sumagot sa inyong mga katanungan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., magandang umaga po. Napag-uusapan iyong internet connectivity, anu-ano ba iyong mga challenges na kinakaharap dito sa pagpapatupad ng internet connectivity lalo na doon sa mga remote areas, sa mga liblib na lugar?
PCO USEC. CASTRO: Of course, hindi ganoon kadali ito lalo na sinabi mo nga liblib na lugar so kinakailangan talaga dito ng imprastraktura at nabanggit din po na tayo ay maaaring makipag-ugnayan/makipag-collaborate sa mga pribadong korporasyon para po maisakatuparan ito.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: I was about to ask that, Usec. eh, iyong partnership natin doon sa private sector.
PCO USEC. CASTRO: Mayroon po, opo.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Usec.
CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. Claire. The government envisions the Philippines as an investment hub. How does bringing internet access to GIDAs accelerate this vision? Thank you po.
PCO USEC. CASTRO: Of course, nowadays, using internet is not just a luxury – it’s a necessity. So, with this, if we can improve the access of all the Filipino people to internet so that they can at least research, make a good use of this internet, it will definitely improve the livelihood—not only the livelihood, even the intellectual capacity of every Filipino.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning, Usec. Doon naman po sa naging meeting ni Pangulong Marcos doon sa Eastern Visayas, nabanggit rin po sa kaniya iyong ilang problema sa lugar tulad ng water and energy supply, infrastructure at saka iyong sa health. Ano po kaya ang naging directive ng Pangulo?
PCO USEC. CASTRO: Ay, ito po ay talaga pong pinagtutuunan ng Pangulo ang Eastern Visayas lalo po’t nakita na po niya nang personal kung ano po talaga ang pangangailangan ng mga kababayan po natin sa Eastern Visayas. Sinabi po natin kanina sa magandang balita po natin na talaga pong tutuunan, pagtutuunan ng pansin kung anuman ang pagkukulang sa nasabing lugar.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Ma’am, on another topic. Si General Manager po ng MRT 3 na-relieve po sa post. Would you know kung bakit po kaya or kung may kapalit na po?
PCO USEC. CASTRO: Ang sabi po sa atin ay nakapag-submit na po yata ng listahan, nakapag-submit na po sa PMS at hinihintay na lamang po kung sino po ang maaaring maging susunod na GM sa MRT.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Listahan, meaning may shortlist, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Mayroon na po.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Ilan po kaya iyong pangalan na—
PCO USEC. CASTRO: Wala po akong personal knowledge pero nai-submit na po ito.
PIER PASTOR/BILYONARYO NEWS CHANNEL: Hi, Attorney. This question is from yesterday pa. Wala po ba talagang repercussions iyong ginagawa nating pag-assist—ginawa nating pag-assist doon sa pag-arrest like iyong we provided the airplane, iyong mga ganoon po? Wala po ba itong magiging masamang epekto?
PCO USEC. CASTRO: Mas magkakaroon po ng repercussion kapag po hindi tayo tumugon sa ating obligasyon na makipag-cooperate sa Interpol.
PIER PASTOR/BILYONARYO NEWS CHANNEL: Yes. Since hindi na tayo member, iyon ang…
PCO USEC. CASTRO: Hindi naman po ang konsiderasyon dito ay iyong pagiging miyembro ng ICC. Ang konsiderasyon pong ibinibigay natin dito ay iyong pakikipag-cooperate po sa Interpol.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Magandang umaga po, Usec. Ano po ang reaksiyon ng Pangulo o ng Palasyo po doon sa desisyon ng Office of the Solicitor General na recusal o pag-atras po na maging kinatawan ng gobyerno sa mga petisyon sa Supreme Court kaugnay po ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte? Iginiit po kasi ng OSG na wala nang kahit anong legal obligation ang gobyerno na makipagtulungan sa ICC dahil nga daw po hindi na tayo miyembro ng Rome Statute.
PCO USEC. CASTRO: Okay. Sa kaniya pong manifestation, sinabi… he wants to be—to recuse himself to represent because he cannot effectively represent the government. First, okay, ginagamit po kasi ito ng ibang mga partido na diumano naniniwala ang SolGen na may kamalian sa ginawa ng pamahalaan sa pakikipagtulungan sa Interpol.
Maliwanag po kung inyong nabasa ang manifestation po ni SolGen Menardo Guevarra. Binanggit lamang po niya na siya po ay naniniwala na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas, iyan din naman po ang tinuran noon pa ng Pangulo. Pero hindi po niya nabanggit kailanman sa kaniyang manifestation na mali ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa Interpol. Iyon po!
So, kung hindi po niya kakayaning ipagtanggol ang gobyerno, ang mga opisyal po ng gobyerno na tumugon sa Interpol, siguro sa kaniya pong damdamin lamang po iyon.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: One follow up lang po, ma’am. May possibility po ba na palitan ang Solicitor General kasi parang he defied iyong mandato niya na maging representative po ng gobyerno sa mga kaso?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa pong napag-uusapan diyan dahil napakabago po talaga nito, lumabas lang po yata ito kagabi. Pero, siguro po mas maganda po kung mismo si SolGen ang mag-assess sa sarili niya kung siya pa po ba ay nararapat na tumayo bilang Solicitor General.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Usec. Kung ganoon po ang sitwasyon ngayon ng OSG, ano po ang natitirang opsiyon or legal remedy ng gobyerno para magkaroon ng representation po doon sa pagtatanggol kay dating Pangulong Duterte sa ICC, if mayroon man na plano nang ganito ang gobyerno?
PCO USEC. CASTRO: Eh, kailangan pong sumagot. Kung sinuman po ang respondent sa Supreme Court, hindi po maaaring hindi sumagot. Kailangan po ipagtanggol kung anong ginawa nila at ipagtatanggol po ito base sa batas.
TUESDAY NIU/DZBB: Mayroon po bang plano ang pamahalaan natin na kumuha ng service, legal service ng private counsels to represent the government for that?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa po kaming napag-uusapan kung ano pong balakin diyan pero sasagot po sila. Kung ito man ay galing sa gobyerno na mga lawyers or private, hindi pa po namin napag-uusapan.
TUESDAY NIU/DZBB: But mayroon, ma’am, na ganoong option na gagawin dahil nga ang OSG ay dumistansiya na?
PCO USEC. CASTRO: Kukuha po sila ng abogado, hindi lang po natin alam kung mula sa gobyerno or mula sa pribado.
TUESDAY NIU/DZBB: Sino po ang kukuha ng abogado?
PCO USEC. CASTRO: Iyong mga respondents po?
TUESDAY NIU/DZBB: Okay. Hindi po from…like respondents din po sa kaso is ES Lucas Bersamin kung tama po ang pagkakaintindi ko and Department of Justice, ganoon po ba iyon, sila ang kukuha ng abogado?
PCO USEC. CASTRO: Kung sila po iyong involve sa kaso kailangan po nilang sumagot, so kailangan din nilang kumuha ng abogado.
TUESDAY NIU/DZBB: Okay. Salamat po.
MARICEL HALILI/TV 5: Quick follow up lang po. Good morning, ma’am. Does the Palace think that it is morally right for SolGen Guevarra na mag-recuse sa kaso considering that during the time of President Duterte he was the Justice Secretary so baka may conflict of interest. Do you see this?
PCO USEC. CASTRO: We have not talked about that but we know that he will recuse himself from representing the government and if it is related with his former post as DOJ Secretary, we have not yet discussed about that.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Attorney Panelo views this act by the SolGen as a win as in fact something that strengthens their case questioning the jurisdiction of the ICC, reaction to that?
PCO USEC. CASTRO: Of course, he will make that statement favorable to their case or to their position when in fact it’s very clear from the statements of SolGen Guevarra that he is only discussing about the jurisdiction of the ICC and that is also the pronouncement of the President that the ICC has no more jurisdiction over the Philippines – so, there’s nothing wrong with that. But never did he, never did SolGen mention that he is against the cooperation of the government with the Interpol. So, how could it be used against the government?
EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, Usec. Sinabi po ni dating presidential spokesperson Harry Roque na hihingi siya ng political asylum sa Netherlands regarding po doon sa kinakaharap niyang kasong human trafficking at saka iyong arrest warrant from the House of Representatives. Ano pong take natin dito? Makakaapekto po ba ito doon sa mga kinakaharap niyang kaso dito sa bansa?
PCO USEC. CASTRO: Hindi naman ito makakaapekto. Unang-una po, magpa-file pa lang po yata siya ng petition at hindi pa po ito nagga-grant. Tandaan po natin, bago po ito mag-grant dapat mapalabas niya po na may well-founded fear of political persecution. Tandaan din po natin na ang mga ebidensiyang nakalap ng PAOCC at that time ay bigla na lang lumapag sa harapan ng PAOCC without even any effort – nakita lang po itong mga dokumentong ito, bank documents ni Atty. Harry Roque sa Lucky South 99; nakita rin ang mga dokumento noong kaniyang assistant, AR dela Serna, in Lucky South 99; third, there is also a document referring to contract of lease with a certain manager, alleged manager of Lucky South 99, bumagsak lang din po iyan sa harapan ng PAOCC. So, how could there be a political persecution if all the pieces of evidence are overwhelming.
So, wala po tayong nakikitang political persecution, harapin na lang po niya ang kaso niya po dito, mas maganda po iyan para maipakita niya sa taumbayan na wala po talaga siya kasalanan.
EDEN SANTOS/NET 25: Is it possible po na makipagtulungan din ang gobyernong Pilipinas sa Interpol para po siya ay mapabalik dito sa bansa since siya po ay nandoon sa Netherlands?
PCO USEC. CASTRO: Hindi pa po natin nakikita po iyan sa ngayon pero siguro po maiiba ang sitwasyon kung siya na iyong may warrant of arrest na inisyu ng korte.
EDEN SANTOS/NET 25: Thank you.
JELBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po, Usec. Iyong mula ho nang dalhin sa ICC iyong dating pangulong Duterte dumami po iyong mga abogado at saka iyong mga legal experts ho na nagsasalita about sa case at pati na rin po sa kampo ng dating pangulo at umaabot po sa punto na pati iyong merits po ng kaso ay nata-touch na. Possible ho ba na malabag dito iyong sub judice rule or applicable po ba iyong rule na ito sa kaso before the ICC po?
PCO USEC. CASTRO: Hangga’t hindi naman po nagsasabi ang ICC na someone is violating the sub judice rule ay magtutuluy-tuloy lang po iyan. Sila lang naman po ang puwedeng magreklamo niyan at magbigay ng order na huwag pag-usapan.
JELBERT PERDEZ/DWIZ: Thank you po.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Ma’am, isang bahagi daw ng reparation sa mga biktima ng crimes against humanity ay iyong pag-freeze ng assets ng akusado kapag nahatulan at pagbibigay, possible, na reparation sa mga biktima. Sakaling magkaroon po ng request for asset freeze will the government comply with the ICC request?
PCO USEC. CASTRO: Okay. Malamang ito po ay ituturo natin sa AMLC. Tandaan po natin kapag may kaso po ng plunder – isasantabi ko muna po iyong ICC – when it comes to freezing of assets, mayroon na pong naisampang kaso si Senator Trillanes na plunder against the former President Duterte and Bong Go, dapat noon pa lang po sana inaral na ng AMLC kung dapat i-freeze because the case is plunder.
Okay. Kung ito po ay magkakaroon man ng issue or magbibigay ng order ang ICC ituturo po natin, ibibigay po natin ito dapat sa AMLC kung kinakailangan po.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: But doesn’t this amount to cooperation with the ICC?
PCO USEC. CASTRO: Kaya nga po ibabato natin sa AMLC.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: But AMLC is under the Philippine government?
PCO USEC. CASTRO: Yes, but if there’s a need for that; ang AMLC walang sinisino. So, kung kinakailangan po para po mabigyan ng reparation, damages kung sinuman ang masasabing nabiktima then kailangan pong ibigay ang hustisya.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: It doesn’t matter if the request comes from the ICC whose jurisdiction we do not recognize?
PCO USEC. CASTRO: Yes, because dapat nating ibigay kung anong dapat na maibigay na hustisya.
IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Thank you.
KAT DOMINGO/ABSCBN: Ma’am, just bringing back the discussion on the SolGen. How necessary is it for the Palace to find another Solicitor General or another government lawyer who is more willing to defend government agencies that executed the arrest?
PCO USEC. CASTRO: What is the importance? It is very important? It’s very significant to get another lawyer who is very competent and very effective in defending the causes of the government.
KAT DOMINGO/ABSCBN: And do you not see that coming from SolGen Guevarra as of now?
PCO USEC. CASTRO: As of the moment, he said he cannot effectively represent the government, so it comes from him.
KAT DOMINGO/ABSCBN: In your assessment, does this warrant a resignation?
PCO USEC. CASTRO: Well, as I’ve told a while ago, he should assess himself.
KAT DOMINGO/ABSCBN: But would you at least recommend to the President?
PCO USEC. CASTRO: No, I would not.
KAT DOMINGO/ABSCBN: Final question from my end, ma’am. Would the agencies involved or iyong mga accused po doon sa case—not really the case but the petition, would they receive some sort of assistance from the national government particularly in Malacañang when it comes to dealing with this case now that the SolGen has recused?
PCO USEC. CASTRO: If it talks about official duty, I believe it should be…the assistance from the government should be given considering that it is official duty. They are not performing in their private capacity.
CHZIANELLE SALAZAR/DZXL: Good morning po, Usec. Kahapon po kinasuhan ng QCPD-CIDG ang isang police vlogger ng inciting to sedition at paglabag sa Cybercrime Prevention Act dahil sa kaniyang mga partisan post sa social media. Sinabi niya rin po directly kay Pangulo na “Kahit Presidente ka pa ng Pilipinas kung mali iyong iuutos mo sa akin, hindi kita susundin. Sino ka ba para sundin ko,” iyon po iyong sabi niya sa kaniyang vlog. Nakarating na pa ba ito kay Pangulong Marcos, ano pong reaksiyon niya or any reaction po?
PCO USEC. CASTRO: Kahit sino naman po sigurong pangulo ay mabibigla po sa tinuran ng sinasabing official – uniformed personnel. Alam po natin na kapag uniformed personnel dapat po impartial at non-partisan – so, doon pa lamang po ay may violation na po siya.
So, kung ano po iyong nararapat na kung mayroon man pong pagdidisiplina o parusa ay siguro dapat lang pong ibigay kung naaayon po sa batas.
CHZIANELLE SALAZAR/DZXL: Ito na rin po ba iyong time na dapat umaksiyon na iyong Palace since sabi ninyo po kahapon na hindi ninyo palalampasin iyong mga statements na may elements ng inciting to sedition?
PCO USEC. CASTRO: Yes, kung ito ay isolated case, kapag may mga ganito po at talaga pong nananawagan ng panggugulo, hindi po talaga ito palalagpasin ng Palasyo.
CHZIANELLE SALAZAR/DZXL: Thank you po.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Is the Palace aware po sa ongoing investigation ng House of Representatives regarding po sa BARMM sa paggamit po ng P6.4 billion na local governments support funds, kung saan ang nasabing pondo ay ibinibigay daw sa mga paborito nilang Barangay? So, ano o ang pahayag dito ng Malacañang, may kinalaman ba ito sa pagpalit sa puwesto kay Chief Minister Ebrahim?
PCO USEC. CASTRO: Alam po natin na may nangyayaring hearing at iyan po ay ating nirerespeto dahil katungkulan naman po nila na magsagawa ng hearing at ito ay may kinalaman din sa kanilang oversight function. So, kung ano po ang iniimbestigahan diyan ay talaga pong nararapat lamang na bigyan ng pansin at itama ang dapat na itama. Wala po itong kinalaman sa pagpapalit po ng Interim Chief Minister dahil mismo si Sir Ebrahim mismo ang nagsabi na kaya po siya bibitaw ay dahil magko-concentrate po siya sa BARMM Parliamentary elections. So iyon po iyon, wala pong kinalaman sa pagpapalit sa ICM.
AILEEN TALIPING/ABANTE: Good morning, Usec., lilihis lang tayo ng kaunti, kasi ito ay may kinalaman doon sa reklamo na umaangal iyong mga magsasaka sa Cagayan dahil binabarat iyong presyo ng palay sa kanila at ang pinapaikot doon ay dahil daw nag-i-import ang gobyerno partikular ni Pangulo ng bigas, ano po ang reaksiyon ng Palasyo dito?
PCO USEC. CASTRO: Base po sa records – nakausap po natin si Secretary Kiko Laurel – base po sa records po, mababa po ang importasyon natin. At hindi po totoo na dahilan po ito, iyong pagbaba po ng pagbibili sa mga magsasaka—bumababa ang bili ng palay, hindi po dahil sa importasyon. Dahil ayon sa records, mas mababa po ang pag-i-import natin ngayon as compared sa nakaraan.
Ganito na lang po: Ang mangyayari po dito, malamang po – ang sabi sa akin ni Secretary Kiko – ang namamayagpag po dito iyong mga local traders. So, ang magiging rekomendasyon po namin ay makipagtulungan po muna iyong mga magsasaka doon sa local government units po para po madala po ito sa NFA buying station; bumibili po ang NFA ng P23 to P24 dry.
Iyan po ang sabi sa atin at tinanong po natin, bakit hindi po tayo diretso—puwede naman po diretso, ang mga farmers na pumunta sa NFA buying station. Ang problema lang malamang ng mga farmers natin ay wala pong sasakyan. Pero ayon po sa ating Secretary, mayroon na po tayong ginagawang procuring po ng trucks at hindi lamang po siguro ngayon, kasi ngayon lang po nagkakaroon ng bidding para po nagkaroon na po tayo ng sasakyan ay maidiretso na po natin iyong mga farmers at hindi na po sila mahirapan na mabenta ang kanilang palay sa NFA.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Usec., babalikan ko lang iyong ICC. Iyong Malacañang ba, it shares the view na iyong kaso ng mga pagpatay na nangyari before we withdrew from the Rome Statute, may hurisdiksiyon iyong ICC doon?
PCO USEC. CASTRO: Okay, magandang katanungan iyan. Una, ang sinabi kasi ng Pangulo is walang jurisdiction ngayon—ngayon, totoo naman po, walang jurisdiction ang ICC ngayon. Pero kung pagbabasehan po natin ang sinabi ng Supreme Court sa kanilang naging desisyon, although it’s an Obiter dictum but still pronouncement pa rin ng Supreme Court, na lahat po ng nangyari na krimen na sakop po ng ICC at ayon rin po sa Rome Statute na naganap prior to the withdrawal from the Rome Statute, mayroon pong jurisdiction ang ICC.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Okay, kasi po noong nasabi po ni former presidential Spokesman and Legal Counsel Salvador Panelo na hindi naman daw talaga nag-take effect sa Pilipinas iyong Rome Statute because it was never published in the Official Gazette ng ating pamahalaan, what do you say to that? So, kapag tama iyong argument na iyon, ibig sabihin, hindi talaga nagkaroon ng jurisdiction iyong ICC, what’s your take on that argument?
PCO USEC. CASTRO: Kung hindi po nag-take effect ito, bakit kailangan silang mag-withdraw in the first place. So, ibig sabihin, na-ratify po ito, so since na-ratify po ito, it means, effective po ito, nag-take effect po siya. So, there is nothing to withdraw kung walang effectivity iyong batas.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: But, will there be effort on the Marcos admin to refute the claim that it was never published?
PCO USEC. CASTRO: There’s nothing.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: May records ba naman tayo na to prove na it was published, kung mayroon man?
PCO USEC. CASTRO: There’s nothing to refute because it was effective until withdrawn, so there is nothing to refute about the said publication – there was ratification.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, iyong publication requirement ba na-comply, iyon po kasi ang lagi niyang argument?
PCO USEC. CASTRO: Ito lang naman ang tanong natin: Kung naniniwala kayong walang effect or hindi effective or hindi nag-take effect ang Rome Statute sa atin dahil walang publication, bakit nga kayo nag-withdraw, hindi ba dapat hindi na kayo nag-withdraw? Wala na kayong ginawa, kasi wala palang—hindi pala tayo naging member, hindi pala tayo sumang-ayon sa nasabing Rome Statute, dapat walang withdrawal ‘di ba? Contradicting iyong sinasabi niya eh!
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, ibig sabihin, there is nothing to withdraw, kung hindi talaga nag-take effect?
PCO USEC. CASTRO: Yes. At iyong withdrawal na iyon ni-recognize ng ICC, ‘di ba.
KRIS JOSE/REMATE: May kumakalat po sa social media na may ilang mga OFWs ang pinupunit po iyong picture ng mahal na Pangulo kasama po si First Lady. Ang sa kanila po, trinaydor daw po ng administrasyon ang Duterte, si former President Duterte at mga supporters nito, reaksiyon po, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Okay, hindi ako magbibigay ng aking opinyon tungkol doon sa social media na nagpakita na nagpupunit ng picture, hindi ko alam kung valid iyan or what, doon tayo sa pagtatraydor na lang ha. Okay, iyong pagtatraydor sa Pangulong Duterte at sa mga supporters, unang-una po, ano po ba dapat ang–papaano po nila masasabing nagtraydor kung tayo naman po ay tumutupad, uulitin po natin, tumutupad lamang po sa ating commitment na makipag-coordinate, makipag-cooperate sa Interpol.
Pangalawa, hindi po pagtatraydor, kung tayo man po ang kapwa nating Filipino na siyang nagrireklamo ng madugong pagkitil ng buhay, eh mabibigyan din po ng hustisya kung madidinig po ang panig ng dating Pangulong Duterte. May pagtatraydor din po ba kung mismo tayo ay nagbibigay ng tsansa para ma-enjoy ni dating Pangulong Duterte iyong due process na ipinagkait niya dati sa mga biktima ng EJK. So, sabi nga po nila, uulitin natin, buti pa nga po si dating Pangulong Duterte, iyong mga pulis na nagsagawa po ng pag-aresto, hindi po sinabi na i-encourage si dating Pangulong Duterte na lumaban na lamang; binigyan po siya, trinato po siya hindi lang bilang isang ordinaryong Filipino, kung hindi dating pangulo.
JOEY VILLARAMA: Thank you for your questions. Thank you, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: At dito po nagtatapos ang ating briefing, maraming salamat Malacañang Press Corps, at magandang tanghali, Bagong Pilipinas.
###