PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga. Good morning, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw.
Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas: Alinsunod sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na magbigay ng abot-kaya at dekalidad na pagkain, pumirma ng kasunduan ang Department of Agriculture at Philippine Postal Corporation or PHLPost para palawakin pa ang Kadiwa ng Pangulo Program sa buong bansa.
Sa ilalim ng kasunduan, titiyakin ng DA na ligtas at dekalidad ang mga produktong binibenta habang ang PHLPost naman ang magbibigay ng espasyo at kagamitan para sa maayos na operasyon ng mga tindahan. Ibig sabihin, mula sa anim na post office na dati nang nag-host ng Kadiwa popup stores, palalawakin na ito sa 67 post offices sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao; at inaasahang aabot pa sa 1,500 ang Kadiwa stores sa buong bansa pagsapit ng 2028.
Nakikita natin na malaking tulong ito hindi lang sa postal workers kundi sa buong komunidad na nasasakupan ng mga post office.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Isa pang good news: Binuksan na ng Bureau of Immigration ang bagong OFW Wing sa NAIA Terminal 3. Ang nasabing wing ay para lang sa mga OFW para matiyak ang mabilis at mas epektibong Immigration processing. Ang bagong pasilidad ay alinsunod sa target ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbutihin at ayusin pa ang mga serbisyo para sa mga OFW. Bahagi rin ito ng pagkakilala sa kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng ating bansa.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At ang ating huling good news: Bilang hakbang tungo sa masaganang ani at masaganang buhay para sa ating mga kababayan sa agrikultura, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid (APP) Program ng Department of Agriculture. Ang APP ay isang malawakang inisyatiba na naglalayong bigyan ng pinansiyal at teknikal na tulong ang mga kuwalipikadong magsasaka ng palay.
Sa nasabing programa, makakatanggap ang mga magsasaka ng hanggang 60,000 pesos na credit para sa farm inputs at buwanang allowance. Bukod sa mas mababang interes, insured din ang credit line para maiwasan ang matinding epekto sa mga magsasaka sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang sakuna.
Bukod sa cash assistance, nagkaloob din ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization or PhilMech ng higit anim na milyong halaga ng makinarya sa tatlong farmer cooperatives. Kabilang dito ang rice combine harvester na nagkakahalaga ng 1.22 million pesos at dalawang four-wheel tractors.
Ayon kay Secretary Francisco Laurel Jr., malaking tulong ang APP Program para gawing mas kapaki-pakinabang at bankable ang pagsasaka sa bansa.
At ito po ang mga good news natin sa araw na ito.
Para rin po sagutin ang mga katanungan kaugnay sa survey sa hunger at food security, kasama po natin ngayon si Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Irene Dumlao.
Magandang umaga, Asec. Dumlao.
DSWD ASEC. DUMLAO: Magandang umaga po, Usec Claire, and magandang umaga din po sa lahat ng mga kaibigan natin mula sa media. Unang-una po, niri-recognize ng DSWD na multifaceted po iyong causes ng hunger and poverty kaya nga din po multipronged ang approach din iyong ina-adopt ng amin pong ahensiya.
We remain steadfast sa pagtataguyod ng mga iba’t ibang mga inisyatibo para matugunan po iyong issue sa hunger and poverty and of course doon sa pagpapabuti at pagpapalawig din ng mga existing programs ng amin pong ahensiya. Kabilang na diyan iyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program na namumuhunan sa edukasyon at kalusugan ng mga children beneficiaries dahil naniniwala po tayo driver kasi iyong hunger sa poverty – kapag po hindi malulusog ang mga bata ay nawawalan po sila ng oportunidad para magkaroon ng magandang kinabukasan. Nakakaapekto ito sa kanilang pag-aaral at sa kanilang productivity.
Kung kaya nga po, sabi ko, namumuhunan talaga tayo sa edukasyon at kalusugan, at hindi lamang po iyan ‘no, hindi lamang po iyong pagbabantay sa specific compliance to the conditions of the program ang ginagawa natin; nakikipag-ugnayan din tayo sa ibang ahensiya ng pamahalaan para mabigyan din ng oportunidad ang mga 4Ps members na magkaroon ng trabaho. Isa po diyan iyong ating partnership with the Department of Labor and Employment, mayroon po tayong trabaho para sa 4Ps sa Bagong Pilipinas.
So, batay po doon sa pinakahuling datos, nine events na po iyong naisagawa natin – mahigit 400 iyong hired on the spot sa events na iyon; mahigit 3,000 na mga 4Ps beneficiaries ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng empleyo sa iba’t ibang mga organizations. Ito po iyong nabanggit ko na kinakailangan talagang magtulungan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kasama na iyong pribadong sektor para mabigyan ng kalutasan iyong problema ng kalusugan, hunger and poverty.
Ang at the same time nagpapatuloy din po iyong iba pang mga programa ng amin pong Kagawaran, nandiyan iyong Walang Gutom, nandiyan din iyong Walang Gutom Kitchen na ini-implement po natin dito sa Kamaynilaan. We’re looking at expanding the implementation of this program, tinitingnan din natin na magkaroon din tayo ng Walang Gutom Kitchen sa parte ng Visayas at Mindanao and sa northern area po ng Maynila dahil isa po iyan doon sa naging rekomendasyon din in terms of improving the implementation of the program.
So, again, nagtutulung-tulong po ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. We adopt the whole-of-government approach/the whole-of-society approach sapagkat hindi lamang po gobyerno ang may responsibilidad sa pagtugon sa problema ng kagutuman at kahirapan, kasama po natin ang pribadong sektor at iyan po ay naipakita sa mga iba’t ibang mga programa na ipinapatupad natin.
In fact, banggitin ko na rin po, doon sa idini-digitalize [digitalize] nga natin iyong registration, accreditation and licensing ng mga social welfare and development agencies – we have a lot of good doers po na tumutulong sa department para makapag-provide tayo ng social welfare assistance to the poor, the vulnerable and the marginalized.
MARIZ UMALI/GMA INTEGRATED NEWS: Good morning, ma’am. Ma’am, you mentioned a while ago na multifaceted iyong reasons kung bakit nararanasan natin iyong kahirapan. Can you just at least mention to us what are the factors kasi these programs that you’ve mentioned, iyong multipronged approach have been done by the government for I think since it started, this administration ‘no. So, but still ang lumalabas po kasi from 26.4 percent in February it soared to 35.6 percent in March – so, medyo mataas po ito ‘no and even the non-poor it also rose slightly from 16.2 percent in February to 18.3 percent in March – so, sila hindi na sila mahirap pero iyong hunger levels slightly increased pa rin po. So, number one, what are the factors that contributed to this soaring of hunger? And you’ve already mentioned the approaches to respond to this, how soon are we expecting these numbers to go down?
DSWD ASEC. DUMLAO: Mariz, kung matatandaan mo last year naglabas ang NEDA, PSA na bumaba iyong poverty incidence po sa atin pong bansa – iyan ang nagpapatunay na naggi-gain ng traction iyong mga programs and services na ipinapatupad po ng ating pamahalaan. Maraming factors kasi na nakakaapekto sa mga mahihirap nating pamilya.
Last year nakita po natin six typhoons occurring in three weeks at isa po iyan sa mga kadahilanan kung bakit po bumababa iyong level of well-being noong mga kababayan natin na mahihirap.
Ngayon ang atin pong pamahalaan ay hindi naman po natitigil sa pagbubuo ng mga interventions para hindi po lalong sumadsad sa kahirapan iyong ating mga kababayan. Isa na nga po diyan iyong nabanggit ko, iyong doon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na tinutulungan natin sila to recover from disasters and other shocks na nakakaapekto sa kanila, mayroon din tayo, iyong Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Ito po iyong mga interventions, iyong mga social assistance na ibinabahagi natin because there are unwanted events or mga adverse shocks na nakakaapekto po sa mahihirap na pamilya at kinakailangan na ma-cushion natin iyong impact po nito, kaya ganito, may mga social safety nets din tayo na ipinapatupad.
Inflation is another isyu na nakakaapekto rin po sa well-being ng ating mga kababayang mahihirap kung kaya nga po, mayroon din tayong Ayuda para sa Kapos ang kita Program. Again, it’s a social safety net that cushions the impact of rising inflation to individuals who are affected by rising inflation and whose income do not exceed or iyong kinikita nila ay hindi nag-i-exceed doon sa statutory minimum wage.
So, again, I would like to emphasize, Mariz, na may mga iba’t ibang kadahilanan kung bakit po bumababa iyong level of well-being and bakit may mga pamilya na tingin nila nagugutom sila o naghihirap sila. But then again, ang mahalaga po para sa amin, mayroong mga iba’t ibang mga interventions ang atin pong pamahalaan para ma-cushion iyong impact po nito at hindi po bumaba at ma-trap sa poverty iyong ating mga kababayan.
MARIZ UMALI/GMA7: Ma’am, just a follow-up. So, since we understand that it would take a while for the people to actually feel the effects of the programs that the government is implementing, do we have a timeline para makita iyong numero na bumababa na siya at nararamdaman na talaga ng mga tao?
DSWD ASEC. DUMLAO: Yes, actually sabi ko nga last year bumaba na iyong poverty incidence sa ating bansa.
MARIZ UMALI/GMA7: Ma’am, kasi sa numbers tumaas?
DSWD ASEC. DUMLAO: Yeah, but that is public perception, kasi magkakaiba ng context. Sa government, we make use of family income and expenditure survey, may annual study po na ginagawa diyan. Usually, iyong mga survey na ginagawa ng ibang organizations, on a quarter lang po iyan and then siyempre depende rin iyon doon sa mga questions na tinatanong kasi doon sa mga respondents. While of course we recognize, we acknowledge ito pong mga pag-aaral na ito, tinitingnan natin at ibinabangga doon sa mga scientific studies na isinasagawa ng atin pong pamahalaan.
As to timeline, sabi nga po ni Pangulong Marcos Jr., dapat maibaba natin ang poverty incidence to a single-digit percentage before the end of his term – DSWD is committed is committed in contributing to that attainment of that goal. At pinagsisikapan po namin para mas mapabilis pa iyong pagbaba nitong poverty incidence sa ating bansa.
EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, ma’am. Wala po bang ginagawang assessment iyong ahensiya para makita po kung epektibo pa ba itong mga programang ito like TUPAD, 4Ps, AICS, AKAP para po maiangat iyong well-being, welfare ng ating mga kababayang mahihirap? At para malaman din po or mapag-aralan ng ating ahensiya na baka mayroon pang mas magandang programa na puwedeng makatulong pa po na talagang matugunan iyong kagutuman, iyong kahirapan dito sa ating bansa?
DSWD ASEC. DUMLAO: Eden, kung babalikan natin ang 4Ps Law nakalagay doon na dapat ang impact evaluation study should be conducted. In fact, mayroon po; noong mga naunang taon ay mayroon nang mga isinagawa na impact evaluation studies. Sa kasalukuyan, mayroon po tayong kinomisyon na pag-aaral para makita din natin kung ano na ba iyong naging epekto ng programa after several years that we have been implementing ito. So, hintayin po natin na lumabas.
Kagaya din po doon sa ongoing na pag-aaral doon naman sa Walang Gutom Program dahil mayroon din po tayong partners na nagsasagawa ng pag-aaral hinggil doon sa amount na tinatanggap ng mga beneficiaries and the frequency of availment nung credits na tinatanggap po nila, iyong food credits.
EDEN SANTOS/NET 25: Kabilang po ba, Asec., iyong dagdagan iyong P3,000 na ibinibigay sa kanila para naman mas makaangat sila sa kanilang pamumuhay?
DSWD ASEC. DUMLAO: Yes, isa po iyan doon sa tinitingnan kung akma pa ba iyong halaga na tinatanggap nila para ma-address iyon pong gaps sa pamilya.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, nabanggit po ninyo na magkaiba po iyong standards or iyong metrics na ginamit doon sa survey compared to iyong pang-measure po ng government. So, using po iyong metrics na ginagamit po ng DSWD, where are we now in terms of our goal to eliminate hunger in the Philippines? Are we on target at gaano po kalaki kumbaga iyong difference po nung pinapakita sa survey at iyong lumalabas po sa inyong mga pag-aaral?
DSWD ASEC. DUMLAO: Pia, unang-una, it’s the Philippine Statistics Authority na kasama po natin sa pag-aaral, doon sa pag-aaral na nabanggit ko, iyong family income and expenditure survey, sila po ang nagsasagawa niyan. But sabi ko nga po, ito po ay reference ng amin pong ahensiya to assist iyong implementation nung mga iba’t ibang social protection programs and services.
Batay naman po doon gaya nung lumabas last year na bumaba iyong poverty incidence sa atin pong bansa, we can say na nag-gain po ng traction iyong mga ipinapatupad nating programa kagaya nga po ng Walang Gutom Program, iyong Walang Gutom Kitchen, Tara, Basa!, and of course iyong 4Ps, iyong SLP and the Kalahi-CIDSS, among other social protection programs and services of the department.
And batay nga po doon sa pinaparating din ng ating mga beneficiaries na natutuwa sila doon sa ipinapatupad namin, iyon po ang driving force, actually it’s a motivating force for the department to continue expanding the program implementation and further developing initiatives para mas mapagbuti nga po iyon pang social protection agenda natin.
And, idagdag ko na rin po, na doon sa Walang Gutom, we started kasi in 2023 na nasa mahigit 1,000 iyong mga beneficiaries, the following year, nag-expand tayo to 150,000 and ngayon nasa 300,000 household beneficiaries na ang ating nasi-serve. So, ibig sabihin po, talagang malaki na iyong naiaambag ng atin pong ahensiya sa paglutas nga po ng problema ng kagutuman and malnutrition.
CLAY PARDILLA/PEOPLE’S TELEVISION: Good morning po, Asec. Asec., poverty and hunger have increased nga po. Pero po kung titingnan iyong PSA nabawasan pa po iyong inflation rate natin from Feb to March, nadagdagan din po iyong employment rate natin. Paano po natin niri-reconcile iyong mga ganitong datos and how optimistic is the government na mababawasan pa for the month of April?
DSWD ASEC. DUMLAO: Now, in terms of optimism, oo, optimistic po tayo na mas mag-i-improve pa po iyong condition in terms of improving or reducing poverty incidence in our country and reducing hunger incidence as well. Nakikita nga natin doon sa isinasagawa natin na trabaho para sa 4Ps sa Bagong Pilipinas, gaya ng nabanggit ko earlier, marami po tayong mga nai-register na mayroong mga bagong trabaho. So, I think that matches na rin iyong lumalabas na percentage na bumababa iyong bilang ng mga unemployed.
And gayundin po, makikita natin doon sa ating mga 4Ps beneficiaries, marami po sa kanila nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral and marami nga rin are acing licensure examinations, so sila po ay nabibigyan din ng pagkakataon na makapagtrabaho. Ganundin sa sustainable livelihood program because kina-capacitate rin natin iyong mga beneficiaries to either engage in thriving livelihood activities or makapaghanap ng trabaho.
So iyan po, nakikita natin na kapag binabangga natin, iyan ang nagpapatunay na maganda po iyong mga inisyatibo ng atin pong pamahalaan.
PCO ASEC. DE VERA: Sam Medenilla, Business Mirror.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Kanina po na-mention po ninyo na parang may recommendation sa DSWD na parang i-expand iyong program sa northern Manila, itatanong ko lang po, kung ano pong organization or sino po iyong nag-recommend na kung saan areas na dapat intensify iyong anti-hunger measures? At saka mayroon po kayang list iyong DSWD ng mga areas na mako-consider natin as hunger hotspots?
DSWD ASEC. DUMLAO: Okay, batay po doon sa nabanggit ko ‘no, na expansion noong Walang Gutom Kitchen, iyan po ay dahil pinag-aralan natin with our partners, particularly from the private sector na dito rin po iyong mataas iyong bilang ng mga individual—families and individuals in street situations. Halimbawa doon sa BangUn ‘no, dahil isa rin po iyan—BARMM I mean to say, mayroon rin kasi tayong programa doon iyong BangUn, diyan din natin nakikita na magkaroon ng additional intervention para, again, ma-reduce iyong hunger incidence sa lugar po na iyan.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Bukod po doon, wala na pong iba pa pong parang priority areas iyong DSWD for its anti-hunger measure?
DSWD ASEC. DUMLAO: Well, titingnan po natin doon sa lalabas na result noong—nagkaroon kasi ng pag-aaral iyong pilot implementation noong Walang Gutom Kitchen. So, we’re expecting na ma-finalize po iyan nitong buwan ng Abril kung ano pa iyong karagdagang mga rekomendasyon, iyon po ang ating pong iko-consider doon sa scale up nito.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Last na lang po. Iyong na-mention po nila kanina na pinag-aaralan na itaas iyong 3,000 pesos doon sa pantawid Walang Gutom Program, ano po iyong amount na kino-consider ng DSWD at saka saan factors po iyong na iko-consider para i-increase po iyong amount na 3,000?
DSWD ASEC. DUMLAO: Currently, iyan po ang pinag-aaralan noong ating pong partners na nagsasagawa noong pag-aaral, hindi lamang po iyong amount, but then also the frequency of distributing the monthly food credits
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Ngayon po, ma’am, wala pa pong proposed na amount?
DSWD ASEC. DUMLAO: Wala pa, kasi in each area may halaga po na pinag-aaralan, so hintayin po natin na lumabas na iyong study.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Thank you po, ma’am.
LET NARCISO/ DZRH: Asec., doon po sa mga naka-graduate na ng 4PS, may datos po ba ang DSWD kung ilan sa kanila iyong nagtuluy-tuloy iyong pag-ahon at ilan din naman iyong bumalik as beneficiaries?
DSWD ASEC. DUMLAO: Okay. Let, batay doon sa aming pinakahuling tala, nasa mahigit 700,000 household beneficiaries iyong naka-reach ng level three o iyong self-sufficiency level. Ibig pong sabihin, sila na po iyong kaya na tumayo sa kanila pong mga paa, In fact, sila nga po iyong mga nag-exit na mula sa ating programa.
Ngayon po, ang DSWD in coordination with the local government units, tinitiyak nga po na hindi po muling bumaba iyong kanilang level of well-being. Kung kaya noong—kapag nagsasagawa tayo ng mga Pugay Tagumpay o iyong graduation strategy for our 4Ps beneficiaries, pati po iyong mga case folders nila ay tini-turn over natin sa LGUs para mabantayan po. And then, make sure that again, appropriate interventions are being given to them, especially that—as I earlier mentioned that there are shocks or unwanted events or crisis that might affect the families, so kinakailangan po na we could promptly provide necessary support para, again, hindi po muling bumaba iyong kanilang level of well-being.
PCO ASEC. DE VERA: Anymore questions related to food security, hunger or poverty?
If there none, thank you Usec. Irene. Usec. Claire?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Thank you very much, Asec. Irene Dumlao, ng DSWD.
So, maaari na po natin i-excuse si Asec. Irene Dumlao. At handa na po tayo sagutin ang inyong mga katanungan.
PCO ASEC. DE VERA: Sam Medenilla, Business Mirror.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Good afternoon, ma’am. Itatanong ko lang po, ma’am, kung ano po iyong update doon pagdating sa ginagawa na measures ng government sa reciprocal tariff with the US. Last week na-mention po ni Sir Go na parang plano niyang magpunta sa US for negotiation, may date na po kaya kung kailan?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, Sam, ganito: Kanina nagkausap kami ni Secretary Go at sinabi niyang wala pa pong update, at patuloy pa rin po ang pakikipag-usap, ang pakikipagnegosasyon especially with the ASEAN countries para po sa isang Joint diplomatic outreach, harmonized messaging ng Asian countries. Ito iyong, kumbaga ay ini-emphasize iyong diplomatic engagement rather retaliation, at salitang galing po kay Secretary Go ay cooperation not confrontation.
So nasabi na po niya na sila po ay bibiyahe papuntang US sa May, at wala pa pong update kung kailan po.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Bale, ma’am, iyong sa May, iyon po iyong for the entire ASEAN delegation?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Tayo lang po, iyong Pilipinas po.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Tapos, last question na lang po, ma’am, regarding po doon sa reciprocal tariff pa rin. Na-mention po ng DTI at saka DOF na isa sa parang magiging competitive edge ng Pilipinas iyong 17% tariff niya compared doon sa other ASEAN countries. Recently, nag-impose po iyong US ng parang deferment doon sa mataas na iyon, tapos lahat na lang ay 10%, paano po kaya magiging competitive pa rin iyong Pilipinas, kung iyong other ASEAN countries pantay-pantay na po tayo ng 10%?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Iyan po ang magiging mas magandang opportunity para sa local businesses natin, na mas galingan pa nila ang kanilang mga produkto, ang kanilang mga serbisyo para sa paggawa ng mga produktong puwede nating i-export. Thank you.
TINA MARALIT/ MANILA TIMES: Good afternoon, ma’am. Ma’am, reaction lang po on what came out over the weekend iyong pag-iendorso ni Vice President Sara Duterte sa alyansa candidates congresswoman Camille Villar and Senator Imee Marcos, ano po kayang mensahe ang pinaparating nito sa publiko?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kung hindi po ako nagkakamali, naglabas na rin po ng mensahe si Congressman Toby Tiangco, at lahat po ng question patungkol po diyan ay si Congressman Toby na lang po ang sasagot.
TINA MARALIT/ MANILA TIMES: But, ma’am, is the trust and confidence of the President in these candidates, buo pa rin po kaya?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa kaniyang mga kandidato, definitely yes. Pero muli, kung anuman po iyong iba pang mga detalye patungkol po dito sa recent incidents ay si Congressman Toby Tiangco po ang may authority to talk about that matter.
TINA MARALIT/ MANILA TIMES: Salamat po, ma’am.
LET NARCISO/ DZRH: Usec., may we know what are the President’s plans for the Holy Week?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Naitanong po natin at siya po ay makakasama niya po ang kaniyang pamilya, he will spend his time with his family. At mga detalye ay hindi ko na po maibibigay, iyon lang po.
LET NARCISO/ DZRH: Hindi po sinabi kung saan?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Hindi po sinabi sa amin kung saan.
LET NARCISO/ DZRH: Kailan po mag-start iyon?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo. Basta he will spending his time during his Holy Week most probably starting Thursday. Opo, pero iyon lang po, itong Holy Week na po ay bibigyan niya po naman ng oras ang kaniyang pamilya para po sila’y magkasama-sama dahil sa sobrang busy ng ating Pangulo sa kaniyang mga activities, so iyan po.
TUESDAY NIU/ DZBB: Hi, ma’am. So ibig sabihin po, ma’am, from today until Wednesday may i-expect pa kaming mga activities ni Presidente?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Mayroon pa po.
TUESDAY NIU/ DZBB: Outside of the Palace?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa aking pagkakaalam, mayroon din pong magaganap dito sa Palasyo, pero mga meetings lang po. So, i-include po natin iyong mga meetings.
TUESDAY NIU/ DZBB: Thank you, ma’am.
EDEN SANTOS/ NET25: Good morning po, Usec. Sa last SONA po ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., iyong third SONA ay hinaylayt (highlight) po iyong pagkamit po ng gobyerno sa food security po ng Pilipinas. At ngayon po ilang buwan na lang malapit na ulit iyong kaniyang SONA, kumusta na po iyong status ng food security ng ating bansa? Ano na po iyong mga naipatupad at ipapatupad pang programa at saan na po patungo ngayon?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, kanina lamang po ay bisita natin si Asec. Irene Dumlao, at sinagot niya na po ang ibang katanungan tungkol sa food security. Hanggang doon lamang po ang aking masasagot dahil nasagot niya na po kanina ibang mga programa patungkol po dito.
EDEN SANTOS/ NET25: Pero, nasaan na po tayo ngayon pagdating po doon sa pagtamo ng pamahalaan ng Marcos administration pagdating po doon sa pagkakaroon natin ng seguridad sa pagkain sa ating bansa.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nakita ninyo naman po kung ano pong sinabi ng Asec from the DSWD; nagagampanan po iyan at nagkakaroon po traction dahil sinabi po niya noong nakaraang buwan lamang ay maganda po naman ang naging resulta. At mas maganda po, kung muli nating maisasalang ang ating Asec na si Irene Dumlao para po maitanong ninyo po iyan. Binigyan na po tayo kanina po kasi ng pagkakataon na maitanong ang tungkol sa food security at sana po nadetalye po niya kanina. At nadetalye naman po niya iyong kaniyang mga programa kanina, thank you po.
EDEN SANTOS/ NET25: Thank you.
ANN SOBERANO/ BOMBO RADYO: Usec., good morning, follow up lang po doon sa Holy Week activities ni Presidente. May mga pahabol po bang instructions si Pangulong Marcos sa mga concerned agencies, lalo po at nagsisimula na pong magsiuwian iyong mga kababayan natin and then may balak po siyang magsagawa din ng sariling inspection po? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Opo. Unang-una po, siyempre ang gusto po ng Pangulo natin at ang direktiba po niya ay bigyan po ang ating mga kababayan at hindi lamang po mga kababayan, kung sinuman po ang bumibisita sa ating bansa nang isang safe at convenient travel; maliban po diyan, ang mga naiiwan sa kanilang bahay at hindi naman po nagta-travel at nagbabakasyon ay mabigyan din po ng kanilang proteksiyon.
At kaya po inaasahan po natin ang ating Secretary, si DOTr Secretary Vince Dizon, naglilibot po siya upang malaman po ang mga nagbibiyahe kung may mga overloading at kung anu-ano pa ang maaaring maging problema ng mga vehicles, mga transportation na maaaring i-avail ng ating mga kababayan; at maliban po diyan, ang Bureau of Immigration po ay nagsabi rin po na handa po sila sa pagdagsa po ng tao sa airport at magkakaroon po, magtatalaga po ng 48 personnel para po siguraduhin na lahat ng counter po ay may tao at hindi po maipon ang pila hangga’t sa makakaya po dahil hindi po natin malalaman kung gaano ba po talaga kadami po ang dadagsa sa pag-travel po.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Balik na rin po sa bansa iyong Philippine humanitarian team mula sa Myanmar. May mensahe po ba dito si Pangulong Marcos, Usec?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Nagkaroon po ito ng commendation at sila po talaga ay kumbaga ay pinarangalan po dahil sa kanilang napakatapang na pagsagupa dito sa kanilang obligasyon at sa kanilang duty po. Kaya po ang lahat po ng nanggaling po at tumulong po sa Myanmar, kayo po ay aming pinasasalamatan. Kapuri-puri po ang inyong mga ginawa.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Thank you po.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning po, Usec. May we get Malacañang’s statement po on the beginning of the overseas voting po and maybe your call for the Filipino voters abroad.
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Iyan po ay karapatan po talaga nila. Dito po nila maipapakita ang kanilang boses. Ang ating mensahe mula po sa Palasyo ay gampanan ninyo po ang inyong tungkulin bilang isang Pilipino. Bumoto po kayo nang nararapat. Bumoto po mula sa puso. Huwag pong bumoto dahil lamang sa bulong o dahil kayo ay nabayaran kundi iboto ninyo po ang mga taong nararapat, iyong maaasahan po natin, mga lider na hindi ibibenta ang bansa kahit sa anumang paraan at mga lider na makabayan.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Also, Usec., for the first time, available na rin po iyong internet voting para sa mga OFWs natin – your thoughts on that and maybe what does that say about the innovations of the government po na pinu-push natin?
PCO USEC. CASTRO: Sana po mas maging mas maayos po ito at dahil po dito ay mas mapapabilis po ang pamamaraan ng pagboto ng ating mga kababayan.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Thank you po.
CLEIZL PARDILLA/PEOPLE’S TELEVISION: Good morning po, Usec. Usec., Senator Gatchalian expressed alarm over recent cases of bullying and student’s deaths linked to violence calling it a sign of crisis. What directive po has Malacañang issued to DepEd in response to these incidents at ano pong maipapayo po natin sa mga magulang? Salamat po.
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Nagpalabas na rin po ng mensahe po dito at kinokondena po kung anuman po na bullying, pangha-harass sa mga estudyante po natin, sa mga kabataan po. At kanina rin po nakausap po natin si Asec. Irene Dumlao; sa mga ganito pong sitwasyon ay iyong mga social worker po na naka-assign, pumunta an rin po sa mga schools na nabanggit sa mga involved po ngayon at tinulungan po sila agad. At sabi nga po natin, kahit po ang ating DepEd ay nagkaroon na rin po ng pag-iimbestiga rito especially po iyong tungkol sa nangyari sa Las Piñas, kinausap na po ang principal po dito at ang SDO. So, hinihintay na lang po natin ang ibang mga detalye po at ginawan na po talaga agad ng agarang aksiyon ito ng pamahalaan sa pamamagitan din po ng direktiba ng ating Pangulo.
DARRYL ESGUERRA/PHILIPPINE NEWS AGENCY: Good morning, Usec. Ma’am, can we just get an explanation lang po kung bakit na-veto ni Pangulo iyong proposed amendments on the Revised Baguio City Charter?
PCO USEC. CASTRO: Okay. Banggitin ko na lang po ang kaniyang mensahe and I quote…bibigyan ko po kayo maya-maya lamang po. Sinabi po niya dito na, “I am constrained to veto the bill as it is inconsistent with law and jurisprudence and it may endanger or prejudice the authority previously granted to the BCDA.”
So, kinikilala po ng Pangulo ang karapatan at authority ng BCDA patungkol po dito kaya po na-veto po ang “An Act Amending Sections 23 and 52, and repealing Section 55 of the Republic Act Number 11689 otherwise known as the Revised Charter of the City of Baguio.”
PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you very much, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating briefing ngayong araw. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali sa Bagong Pilipinas.
###