Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro with OWWA Administrator Arnel Ignacio


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Good morning. Magandang umaga, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Marcos sa Bagong Pilipinas.

Patuloy ang programang Pambansang Pabahay Para sa Pamilyang Pilipino (4PH) ng Marcos administration para mabigyan ng maayos at abot-kayang pabahay ang mga Pilipino. Sa Davao City, 72 five-storey buildings ang magiging available; apat sa mga ito ay kumpleto na at puwede nang mai-turnover habang ang ilan naman ay tuluy-tuloy ang konstruksiyon. Inaasahang makapagbibigay ng benepisyo ito sa 7,200 pamilyang naninirahan malapit sa danger zones at sa mga naapektuhan ng mga ongoing government infrastructure projects sa Davao City. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Good news din ang dala ng Bureau of Immigration. In line with President Marcos Jr.’s directive to enhance national security through digital transformation, the BI advances its border security with the launch of Advanced Passenger Information System (APIS). APIS is a globally recognized system that allows authorities to conduct advance screening of passengers before their arrival, enabling enhanced risk assessment and streamlined immigration procedures.

As part of its phased implementation, the BI has begun pilot testing with major airlines – with Cebu Pacific becoming the first carrier to fully integrate its system with the APIS. The Bureau of Immigration has also successfully conducted connectivity test with Interpol’s I-24/7 database ensuring access to global security watchlist for enhanced monitoring.

At ito po ang mga good news natin sa araw na ito.

Makakasama rin po natin ngayong umaga si OWWA Administrator Arnell Ignacio para naman ibahagi ang ilan sa mga programa ng ahensiya. Pero po bago natin siya makasama, panoorin po muna natin ito:

[VTR]

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Maraming salamat, nandito po ako to bring you good news. Sa kabila po lahat ng nangyayari, ang gusto natin, umpisahan ang ating araw sa mga magagandang balita.

Ito po ang mga nagagawa natin sa OWWA, ang Overseas Workers Welfare Administration, of course with the DMW and gusto lang namin pong ilahad sa inyo na—ito po ang kadalasang binibilin – noong huli kaming nagkita ni Presidente sa Pampanga, iyan lang ang binulong niya sa akin, “Arnell, tuluy-tuloy mo lang ang pangangalaga sa ating OFW,” at araw-araw po iyan ang ginagawa natin.

Doon po sa ilan ninyo pong natunghayan na mga proyekto natin, katulad niyang Migrant’s Brew, that started with the first Migrant’s Brew coffee shop sa central office. Noong simula iyan, parang hindi nila maintindihan [kung] bakit kami nagtatayo ng coffee shop. Ito kasi, nagsimula ito sa aming mga trips abroad and I—nakikita ko iyong mga OFWs natin, minsan sinisilip-silip lang kami kapag nagkakape at amoy na lang ng kape iyong kanilang nilalanghap para ba masiyahan.

So, we started with the first Migrant’s Brew coffee shop and now all over—our 17 offices sa kabuuan ng OWWA, mayroon na po niyan – iyan ho ang sumasalubong. So, bago pa kayo magdiskusyon ng kanilang mga problema at hinaing, magkakape muna sila and napakalaki po ng nagawa nito sa kanilang pakiramdam. Tuwing sinasabi nating mahal natin ang OFW, kadalasan tayo, ang inaalok natin kaagad, “Nagkape ka na ba? Kumain ka na ba?” So, ito ang bungad tuwing ang OFW ay pumupunta sa opisina. I really hope that you can also visit the old OWWA office diyan sa FB Harrison corner Buendia – bagama’t luma iyong building, pinaganda natin nang pinaganda para nga maramdaman ng ating mga OFWs that mayroon silang lugar dito na matatawag nilang kanila.

Nakita ninyo rin ay mayroon tayong AYOS Truck kung napansin ninyo – iyong AYOS Truck na iyan, that is again, sa pangangalaga naman ng OFWs as instructed by the President, President Bongbong Marcos, na lagyan natin ng komprehensibong pangangalaga dahil tuwing mayroong mga bagyo, lindol, ang mga OFWs natin nag-aalala kung paano nila maku-contact iyong kanilang pamilya. Ito pong AYOS Truck na ito ay equipped with Wi-Fi, it has kitchen, shower, generator, lights – ito ho ang nauunang pumunta sa lugar kung saan mayroong trahedya so we can provide them with the Wi-Fi, internet connection so they can get in touch with their OFWs na kamag-anak sa ibang bansa.

Nakita ninyo rin na iyong ating dalawang lounges sa Terminal 1 and Terminal 3 which has been operating 24 hours and, as of now, we’ve breached the 600,000 numero ng mga OFWs na napagsilbihan diyan. Ang maganda lang balita, talagang naubos na iyong mga matitinding kanilang hinaing dahil ngayon, mayroon na silang mapupuntahan. At, I really hope that you can see their reaction each time they come in dito sa mga lounges na matatawag nilang kanila. Maririnig mo sila, “Punta muna tayo doon sa lounge natin,” napakasarap ng pakiramdam. And kung gusto ninyo ng good news, ito hong emosyon na nararanasan namin araw-araw by serving the OFWs, napakasarap sa pakiramdam.

Iyon ding Seafarer’s Hub – for the first time, ang ating mga seafarers ay nagkaroon ng tambayan. For so many years, kumakanta pa ako sa Library way back ’86 [laughs] ‘di ko mapigil, sorry ha – nakikita na natin itong mga seafarers nakatambay diyan sa Kalaw. And hindi lang hirap ng init, hindi lang hirap ng gutom kung hindi naging lugar pa ito kung saan pumupunta iyong mga ambulance chasers at kadalasan napapapirma sila sa mga agreement na ipapanalo daw iyong kaso nila – and then, ending up, wala silang nakukuha.

So, what did we do? Ang sabi ko, lagyan natin sila ng lugar na mayroon nang abogado, mayroong pagkain, may kape, naka-aircon, bukas iyon bente-kuwatro oras. So, kung mayroon tayong mga communication na kailangang ipahatid sa kanila, mayroon din silang lugar. So, ang ating unang-unang Seafarer’s Hub nandiyan sa Mabini corner T.M. Kalaw kung saan sila. And we are very, very happy and very glad and looking forward na after the President has signed the Magna Carta for Seafarers, nakatalaga po rito na magtatayo pa tayo all over the country ng Seafarer’s Hub. So, iyan ang isa rin sa we are eager to do for our seafarers.

And kung napansin ninyo, mayroon tayong ipinakitang OFW Global Center – it is 1,903 square meters of—it’s a whole floor, whole floor na center ito para sa OFWs, bubungad dito iyong pinakamalaki nating Migrant’s Brew Coffee. Of course, we’re working with the DMW and itong lugar na ito, tutulungan tayo ng Department of Foreign Affairs na makuha ang immunity so that’s Philippine territory, itong OFW Global Center. I really hope that we—puwede ba natin silang maisama lahat doon so para makita ninyo naman dahil ito, ang pagkakagawa nito truly world-class, napakagandang lugar.

Kung maaalala ninyo, ang ating mga OFWs, natutulog sila doon sa mga kalye, nakahiga doon, and now, again, caring for OFWs as instructed, mayroon silang lugar na matatawag nilang kanila. At ang location nito, nasa Admiralty, United Center Building at the 18th Floor. Ang elevator nito ay lima. So, nakakatuwa lang kapag iyong mga OFWs pumupunta diyan na hindi makapaniwala na mayroon na silang lugar na matatawag na kanila.

So, ano pa ba iyong aking na-miss?  The 1348, several times this has been tested by the senate, and walang palya na laging may sumasagot. But why are we emphasizing this? Kadalasan po kapag naglalabas tayo ng hotlines, ang sinasabi hindi nila inaasahan iyon dahil wala namang sasagot. Dito, makakaasa sila, 24/7, mayroong sumasagot diyan.

And also, we’d like to emphasize that the problems of OFWs, tuluy-tuloy iyan. Hindi naman talaga mai-eliminate iyan totally and absolutely. But the great difference now is [that] government answers; government works; and government acts swiftly. As we have demonstrated doon sa sinabmit sa aming Escalona case na from Colombia, kaagad-agad natin itong naiuwi through an air ambulance at nakarating na kaagad siya. Ito iyong na-stroke, suffered from massive stroke, he’s a 48-year old chef, from Colombia, naiuwi natin kaagad-agad ito via air ambulance.

So, in a nutshell, what we are trying to say that we have a government who acts, who responds and who feels, at kahit ano pa po ang nangyayari, paulit-ulit lamang kaming binibilinan ng ating Presidente, PBBM, alagad mo iyong mga OFWs – and that is what we are doing.

PCO ASEC. DE VERA: Thank you, Admin. We are now opening the floor for questions from MPC. Tuesday Niu, DZBB.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Admin. Maganda iyong mga accomplishments ng OWWA natin, so far, pero itong latest na mga nangyayari sa bansa, sir, lalo na iyong banta ng ilang grupo ng OFWs para sa zero remittance, so far, sa inyong mga monitoring sa ating mga OFW, Admin, ano po iyong pinakamalakas na pulso ng mga nakakausap ninyo na mga OFW regarding this issue?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Actually, alam ninyo, kapag kami naman ang nakakausap, katulad kagabi, kasama ko iyong 206 na mga inuwi natin sa trafficking, hindi naman ito nababanggit. At kung saka-sakali man na babanggitin nila, ang sasabihin lang natin, kung ano iyong sa tingin ninyo na makakabuti sa inyo, pag-isipan ninyo nang mabuti. But we really do not engage in … sa ganitong usapin since hindi naman nila binabanggit. So far ha, so far, kagagaling ko rin lang ng Singapore and then flew to Thailand, and then kagabi kasama ko sila, wala namang nagbabanggit sa amin.

TUESDAY NIU/DZBB: Follow-up lang, sir. Mayroon ba kayong initiative on the part of the OFW na magsagawa, halimbawa, ng parang meeting with OFWs para bigyan sila ng advice regarding this matter?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Again, hindi siyempre iyong OWWA ang mag-i-encourage or even open the topic. Kapag kasi una nila akong nakikita, parang hindi iyon talaga ang kanilang naaalala eh. Kung minsan nga kahit walang problema, kapag maglalakad ako, ang iisipin nila, kailangan may maiuwi; kailangan may scholarship. So, we have confined, we have confined our interaction with the OFWs with the immediate needs nila. Doon pa rin naman ano eh, Tuesday, doon pa rin sila umiikot sa mga pangangailangan nila na kadalasan nilang nilalapit sa amin. So, kung mayroong gustong umuwi, at kadalasan kasi nakaka—ang topic namin becomes really very light dahil nauuwi ito sa tawanan. Eh alam ninyo naman, ilang taon na rin ako rito, kaibigan na ang trato ko diyan sa mga OFWs natin.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Hi, Admin. Good morning. Admin, kumusta iyong mga kababayan natin doon sa Lebanon? Ilan pa ba iyon mga hindi pa nari-repatriate?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Okay, ganito ‘no. Ito lang kasi … I really hope that you can help us out here. Ang pagri-repatriate, hindi naman iyan nangyayari each time lang na mayroon kayong mababalitaan – it’s a daily thing na ginagawa ng OWWA at ng DMW. Laging mayroon tayong naiuwi, patatlo-tatlo, twenty, you know, hindi iyan tumitigil. So, if there are calls for repatriation, all they need to do is to get in touch with the DMW, OWWA or the DFA, and immediately, napo-provide natin iyan kaagad.

Basta ang ano lang ha, doon sila lumapit sa amin. Kasi ang kadalasan, alam mo, sa Facebook sila lumalapit. Eh kapag sa Facebook, hahanapin pa namin. So, kailangan lang … the 1348 hotline works.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, iyong sa air ambulance, magkano iyong naging … ginugol ng gobyerno doon?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Ito ay umabot ng mga $47,000. Kaya sa mga ganiyang gastusin, hindi na natin iniisip kung malaki. As I have mentioned, ang instruction lang sa amin at ang aming pangkaraniwang nararamdaman, it becomes second nature to people from OWWA and DMW and DFA – kapag may nangailangan, tulungan mo na kaagad.

And I really hope, I really hope that … kayo rin, kapag tumatawag sa amin, wala naman, hindi naman kami tumitingin sa oras eh, we will immediately respond.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, isa na lang. clarification lang doon sa OWWA brewed coffee – libre iyon ano?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Yes, libre iyon. Madalas nga iyan, nagugulat sila na wala pa lang bayad. Kasi nga nasanay tayo kapag pinagkape ka, bibigyan ka lang ng cup ‘di ba at saka iyong stirrer na kahoy – dito hindi. Ang gusto naming maramdaman ng mga OFWs at saka kahit na sino, kapag pumasok ka doon, premium ang ibibigay sa iyo para naman damang-dama mo na hindi ka tinipid.

PCO ASEC. DE VERA: Do you have questions for Admin Ignacio?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: I really hope that na makita ninyo iyong aming bagong bubuksan sa Hong Kong. You know, ang tagal ko na rin dito, but I what I want to share with you is not only the services that we do every day; it’s the feeling na tumubo na sa amin, iyong each time an OFW comes to you and say thank you especially the seafarers whom I discovered ang pinaka-emosyonal, ang lalaki ng katawan sila pa iyong nauunang umiiyak just to say thank you. Kaya alam mo iyong mga pinag-uusapan sa social media na mainit, pagdating doon sa aming daigdig, hindi naman ganiyan ang usapan eh. Kung ano lang iyong basic nilang hinihingi at ang mari-report ko sa inyo, iyong kapag nagresponde tayo, napakaganda ng aming exchange.

I really hope that we can translate that into words because iyon na ang naging buhay natin with the OFWs. And I’d like to think and I’d like to say that a lot have changed lalo na sa ating pagresponde at pag-aasikaso rin, hindi lang nung ibinibigay kung hindi pag-aasikaso rin ng kanilang nararamdaman.

Maraming salamat.

PCO ASEC. DE VERA: Admin, I think we have one more question from Kenneth Paciente.

KENNETH PACIENTE/PTV4: Sir, good morning. Sir, hingi lang po kami ng update doon po sa OFW ID, kung mayroon pong update doon?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: What about it?

KENNETH PACIENTE/PTV4: Magri-release po doon?

OWWA ADMINISTRATOR IGNACIO: Oo. Ito rin ha, again, I’d like to emphasize, mayroon ding order sa atin si Presidente na mag-digitalization na tayo. And we have followed that, kaya kapag kayo ay … iyong ating mga OFWs, kumuha na sila, nag-register sila for the OFW IDs, itong e-card, mayroon iyang available sa Terminal 3, Terminal 1, sa NCR Office at sa mga lounges natin. Ito, bibigyan ka na ng digital copy. So, sa cellphone mo pa lang mayroon ka na and mayroon ka pa rin ng card which takes about five minutes. Five minutes, ano iyon, matagal na iyon; naiinip na iyon.

And doon din sa mga pinupuntahan naming bansa, like ito, we’re going to Hong Kong, right, dadalhin namin iyong machine para iyon ding mga taga-Hong Kong, mabigyan natin ng mga e-cards. Same thing happened when we were in Taiwan. Kung pupuwede lang namin kayong sinasama—and also in Japan. Kasi ano eh, iyong saya, iyon ang gusto kong maramdaman ninyo at ma-experience which is the prime reason why … kung tinatanong ninyo, hindi kami napapagod? Hindi kami napapagod. Thank you. I hope I brought you some good vibes for today. Salamat.

PCO USEC. CASTRO: Thank you very much to OWWA Admin Arnell Ignacio. Ngayon po ay handa na po tayong tumugon sa inyong mga katanungan.

KENNETH PACIENTE/TV4: Hi, Usec.. Good morning po. Usec., balikan ko lang po iyong sa APIS. Nabanggit po ninyo kanina na sumali na po iyong Cebu Pacific doon sa pilot testing. May mga karagdagang airlines pa po ba na inaasahang sasali dito sa pilot testing at kailan po makukumpleto iyong pag-integrate ng lahat po ng airlines?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, tama po na ang Cebu Pacific po ay nag-i-implement na po ito at sa susunod po ay PAL naman na po ang magi-implement din po nito. Kapag po naging smooth na po ang lahat, once everything is smooth, lahat na po ng airlines ima-mandatory na po na magsagawa na rin po ng APIS.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, ma’am. Good morning. The DICT said recently po na mas maraming cyber-attack tayong inaasahan nila habang papalapit ang halalan, and one of the main factors ay iyong paggamit daw po ng mga troll farms pa rin. In relation to this, ma’am, may ibinilin na po bang direktiba o kautusan si Pangulong Marcos kay newly appointed Secretary Henry Aguda ng DICT?

PCO USEC. CASTRO: Actually, sabi nga po natin ha, iyong cyber-attacks po talaga ay nakikita na po, mayroong epekto na po sa bansa. Kaya ang unang-una po ang direktiba po ng Pangulo sa bagong appointed na DICT Secretary ay unang-una po ang programa po ng administrasyon patungkol po sa digitalization, pati po iyong internet connectivity across the country and of course cyber-security ang kailangan nating pagtuunan lalung-lalo na po sa ngayong panahon na mayroong pangangampanya at campaign period.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Mayroon din po bang magiging coordination din po ang PCO sa DICT sa inyo pong mga initiatives and plano po against fake news bilang sa social media, mas lalong kumakalat iyong mga maling impormasyon?

PCO USEC. CASTRO: Opo, hindi lamang po ang PCO, lahat ng ahensiya na may concern patungkol sa mga paglaganap ng fakes news, lahat po tayo ay magtutulung-tulong para po masawata o matigil ang fake news na ito.

ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. How does the Palace view or ano ang reaksyon ng Palasyo sa naging pahayag ni US Defense Secretary Pete Hegseth that the US has great interest in expanding more military to military cooperation between the Philippines and the United States, and pointing out deterrence is necessary especially the Philippines considering threats from the Chinese?

PCO USEC. CASTRO: Opo, magandang-magandang balita po iyan para sa ating bansa. Katunayan nga po ay nagkaroon po ng reaffirmation ng US ironclad commitment to uphold our Mutual Defense Treaty, pero ang mga detalye po niyan ay magkakaroon po mamaya ng presscon ang DND po, mamaya lamang po. So, doon po natin tanungin lahat ang mga katanungan at mga detalye na napag-usapan ni US Secretary of Defense Pete Hegseth at ang Pangulo.

ANN SOBERANO/BOMBO RADYO:  So, with this, ma’am, with the statement of Secretary Hegseth, ibig sabihin po ba na mas bubuhos pa ang tulong ng Amerika sa Pilipinas sa ilalim ng Trump administration?

PCO USEC. CASTRO: Hindi po ako makakapagbigay ng detalye sa ngayon. Sabi nga po natin, maya-maya lamang po ay magkakaroon sila ng presscon at malamang po lahat ng detalye ay makukuha ninyo, maya-maya lamang po.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po, Usec. Usec., today is the birthday of former President Rodrigo Duterte. So, mayroon po bang gustong ipaabot si President Marcos o ang Malacañang sa dating Pangulo?

PCO USEC. CASTRO: Katulad po ng sinabi natin noong nakaraan na dapat lamang po nating batiin ng happy birthday ang dating Pangulong Duterte at kung maaari nga po nating kantahan lahat ng Happy Birthday ang Pangulo.

[Sings birthday song]

And, of course, we wish more years to come, we also wish good health, good fortune, kailangan po niya iyan.

MARICEL HALILI/TV5: And of course, ma’am, ngayon habang sine-celebrate iyong birthday ni FPRRD, we are also expecting different activities both from pro and anti-Duterte and obviously this is very divisive. So, what is your assessment on this? Do you see this as a failure on the part of the government, not just on the part of administration, but on the part of VP Sara as well, considering that the brand of unity has always been the campaign of PBBM since day one?

PCO USEC. CASTRO: Actually, I believe, it’s only the pro-Duterte groups that have the activities to be conducted today. But with regard to the administration, we do not have any activity to celebrate the birthday?

MARICEL HALILI/TV5: Mayroon po kasi, ma’am, sa Netherlands na mga victims na magsasagawa rin ng mga activities.

PCO USEC. CASTRO: Well, anyway, hindi po natin kasi ito mapipigilan kung anuman ang gustong gawin na mga activity ng diumanong mga biktima o iyong mga nakikisimpatya sa mga naging biktima. Tama naman po, siguro dapat malaman din po ng buong mundo na hindi lamang po ang interes ng dating Pangulong Duterte ang madinig, pati po iyong interes ng mga nabiktima ang dapat madinig ng buong mundo.

Hindi po natin masasabing divisive ito, dahil sila ay nagsasabi lang ng kanilang hinaing, ng kanilang mga sentiments, ng kanilang mga opinion, at it’s just a freedom of expression. So, hindi po natin maituturing ito na divisive.

EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. So, since hindi ninyo itinuturing na divisive iyong pagpapakita po ng simpatya o kaya iyong pagpapakita ng kawalan ng simpatya ng magkabilang tagasuporta po kay FPRRD ngayong kaniyang birthday, so iyon pong isasagawang mga pagtitipon ng mga tagasuporta nila sa Davao man o sa ibang lugar dito sa bansa ay okay lang din po iyon? Hindi iyon pipigilan ng ating mga kapulisan?

PCO USEC. CASTRO: Wala pong kautusan na pigilan ang anumang gagawing pagtitipon dahil ito po ay constitutional right ng bawat Pilipino. Huwag lamang po silang lalagpas at maituturing na ang kanilang mga ginagawa ay labag na po sa batas; at may bilin din po ang DOH lalo at umiinit na nag panahon, lagi lang uminom ng tubig, pumunta sa malilim na lugar. In other words, ingat.

EDEN SANTOS/NET25: Anu-ano po iyong mga parameters na puwedeng lumagpas sila sa limitasyon para naman po reminders lang din, paalala doon sa mga magsasagawa ng mga pagtitipon o programa para sa birthday ni FPRRD po?

 PCO USEC. CASTRO: Kapag sumigaw na ibagsak ang gobyerno, isa iyan! Kapag nagpatuloy ng pananalita, para to sow fear, i-promote pa iyong hatred sa government, bordering the line of inciting to sedition, dapat alam po nila iyan.  Dahil sila naman po ay pinamumunuan ng kanilang mga leaders, so dapat alam nila ang kanilang limitasyon; ang bawat responsibilidad ay may kaakibat na obligasyon.

EDEN SANTOS/NET25: Ma’am, since kayo po ay bumati na ng happy birthday…

PCO USEC. CASTRO: Tayong lahat, hindi lamang ako, tandaan natin iyan.

EDEN SANTOS/NET25: Ang Pangulo po ba wala talagang statement or kahit na letter na bumabati po sa dating Pangulo?

PCO USEC. CASTRO: Ang tanong lamang po sa akin kanina ni Miss Maricel ay kung Malacañang, so lahat na po iyan, lahat na po kami bumabati rito ng happy birthday.

EDEN SANTOS/NET25: Pero ang Pangulo po mismo, wala po?

PCO USEC. CASTRO: Pagkatapos po siguro ng kaniyang napakahalagang meeting kay US Secretary of Defense, tanungin natin kung mayroon siyang pabati.

EDEN SANTOS/NET25: Going back po doon sa good news ninyo kanina about pabahay.  Itanong ko lang po kung kumusta na po iyong 4PH ng Marcos Administration? Ilang milyon na po bang pabahay ang naipatayo ng ating administrasyon para sa mga Filipino?

PCO USEC. CASTRO: Kung nakinig ka kahapon sa ating good news, mayroon po tayo patungkol dito sa San Juan; ngayon po sinasabi natin ay dito sa Davao at ibibigay pa po namin iyong iba pang nabuo at mga iba pang darating na programa.

EDEN SANTOS/NET25: So, mayroon po tayong figures?

PCO USEC. CASTRO: Binanggit ko na po iyan kahapon at ngayon din po binanggit natin.

 ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning. Usec., may lumabas lang na balita doon sa recovery ng P65 million worth in line with the voucher program anomaly ng DepEd during the past admin ng agency. Any reaction from the Palace regarding this?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, maganda pong balita ito, dapat nasama po ito sa good news. Dahil sa pamumuno po, tandaan po natin, ito’y nasa pamumuno na po ang DepEd ni Secretary Sonny Angara, naimbestigahan po ng mabuti iyong ghost students, iyong voucher program anomalies at ito po ay magreresulta ng 65 million mari-recover po natin. Tandaan po natin itong mga ghost students na ito ay nagsimula noong 2021 to 2022—ah, 2022 to 2023, ito po ay panahon ni dating Pangulong Duterte, at panahon noong naging DepEd secretary si VP Sara.

So, with this result, we can now say that DepEd will not be put to dumpster. Hindi po mapupunta sa basurahan ngayon ang DOH [DepEd] dahil may ginagawa. Kung nagkataon po kaya na hindi pa siya ang naging pinuno nito, baka hindi pa po ito naimbestigahan. At hindi natin mari-recover ang 65 million pesos na pondo mula sa mga ghost students.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., follow up lang sana, may nasampahan na ba ng asunto tungkol dito at kung mayroon na, ilan iyong mga nakasuhan na?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po ang nasa balita po natin at sinabi ni Secretary Angara, ay nagbigay lamang po sila ng ultimatum, nagbigay ng demand letter para po dito sa mga schools na involved patungkol sa ghost students. At iyon nga po ay base po sa kanilang imbestigasyon makaka-recover po tayo, pero iyong patungkol po sa mga criminal actions at tatanungin po muli natin kung ano po ang balak ni DepEd Secretary Angara patungkol diyan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sige po, Usec. Thank you.

PCO ASEC. DE VERA: Follow up question, Gilbert Perdez, DWIZ, next question.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Magandang umaga po, Usec. Baka may mensahe lang po iyong Malacañang sa mga local candidates po ngayong umarangkada na iyong campaign period at full implementation ng Peñera Doctrine?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Alam naman natin, itong doctrine na ito sinasabi na walang premature campaigning until dumating iyong campaign period, eh papaano magkakaroon ng premature campaigning, kung candidate ka, iko-consider ka na candidate kapag nandiyan na iyong campaign period.

Anyway, ang paalala lang po natin sa lahat ng mga kakandidato, huwag lumabag sa batas. Unang-una, kasi kayo po iyong magsisilbing leader eh, so dapat kayo po iyong manguna na sumusunod sa batas, so iyon lang po iyong paalala natin.

GILBERT PERDEZ/DWIZ:  Baka may mensahe din po kayo o babala po sa mga miyembro ng PNP, AFP laban ho sa possible na pakikilahok sa anumang election activities at siyempre pagpapagamit po sa mga politiko?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, of course, ang PNP kasi dapat it should remain apolitical, so huwag magpapagamit tama po, huwag magpagamit sa politiko, huwag magpagamit sa damdamin. Alam nila, tandaan nila na ang kanilang trabaho ay manatiling loyal sa bansa, loyal sa konstitusyon, iyon lang po.

GILBERT PERDEZ/DWIZ:  May isa pa po akong tanong, iyong kasi po may campaign period, mainit po iyong panahon at iyong ibang lugar po nagdeklara po ng suspension ng klase ang mga eskuwelahan at iyon nga, ini-encourage pa rin po ba ng Malacañang iyong house to house campaign dahil sobrang init po ng panahon at possible na kumalat iyong iba’t ibang sakit ngayong panahon po ng summer?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Naku, sa panahon po ngayon, hindi natin mapipigilan kung ano po ang balak ng mga kandidato kung papaano sila mangangampanya. Siguro naman po alam na nila kung papaano ba alagaan ang sarili nila at alagaan na rin ang mga constituents nila. So, ipapaubaya po natin sa kanila ang desisyon na iyan. But muli, pinapaalala ng DOH na mag-ingat, uminom palagi, pumunta sa malililim na lugar at ingat.

GILBERT PERDEZ/DWIZ:  Thank you po.

PCO ASEC. DE VERA:  Leth Narciso, DZRH. 

LETH NARCISO/DZRH:  Usec., sa mga nakaraang summit po ng Partido Federal ng Pilipinas, tiniyak ni Pangulong Marcos ang tulong na gagawin ang lahat ng kanilang partido ang magagawa para maipanalo iyong kanilang mga kandidato. So, ngayon po nag-start na po ang kampanya sa lokal na posisyon, ano po kayang tulong ang ibinigay o ibibigay pa ng partido ng Pangulo sa kanilang mga ka-partido?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ganyan po kasi, ang makakapagbigay lang po ng detalye ay ang campaign manager nila na si Congressman Toby Tiangco. So, ipapaubaya ko na lang sa kaniya iyong ganiyang katanungan.

PCO ASEC. DE VERA: I think, we don’t have question anymore, Usec.?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. Magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

###