Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro with Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw, April 10. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Alinsunod sa pangakong modernization sa Hukbong Sandatahan ni Pangulong Marcos Jr., pinatibay ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang kakayahang pandagat sa pagdating ng pinakabagong naval asset – ang BRP Miguel Malvar FFG-06, bahagi ito ng Horizon 2 ng AFP Modernization Program upang palakasin ang proteksiyon ng teritoryo at maritime domain awareness ng bansa. Sa bagong barkong ito, muling pinagtibay ng AFP ang kanilang pangakong panatilihing ligtas at matatag ang kinabukasan ng Pilipinas.

[VTR]

Isa pang good news: Nominado muli sa iba’t ibang kategorya sa 2025 World Travel Awards ang Pilipinas. Pasok ang Pilipinas sa mga kategoryang “Asia’s Leading Beach Destination,” “Asia’s Leading Dive Destination,” at “Asia’s Leading Island Destination” na mga napanalunan din ng Pilipinas noong 2024. Maging ang Boracay, Intramuros at Cebu ay nominado rin sa iba’t ibang kategorya. Ang mga nominasyong ito ay patunay sa likas na ganda ng Pilipinas at masigasig na pagtutok ni Pangulong Marcos at ng administrasyon sa turismo.

[VTR]

At sa ating huling good news: Muli po nating pinaalalahanan ang lahat ng miyembro ng PhilHealth na maaaring mag-avail ng Out-Patient Emergency Case Benefit o OECB. Ito’y package sa lahat ng mga PhilHealth-accredited hospitals mula Level 1 hanggang Level 3 simula pa noong February 14, 2025. Ayon sa PhilHealth Advisory No. 2025-0009, hindi na kailangan ng mga hiwalay na accreditation para sa OECB dahil bahagi na ito ng pagsusuri sa mga PhilHealth facilities noong sila ay na-accredit. Kasama sa mga sakit na covered ng OECB packages ang dizziness at diarrhea.

[VTR]

Iyan po ang tagubilin ng ating Pangulo, palakihin at palawigin ang benepisyong makukuha ng taumbayan mula sa PhilHealth. At iyan po ang good news natin sa araw na ito.

At makakasama rin po natin ngayong umaga si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go para sagutin ang ilang katanungan tungkol sa 17% tariff na ipinataw kamakailan ng America. Good morning, Secretary.

SEC. FREDERICK GO: Good morning. I’m ready for your questions on this matter.

Well, okay, the President met with the economic team last Tuesday morning where during that meeting we discussed the tariffs that were being imposed on various countries all over the world ‘no. We also discussed the effect on the exports of all these countries especially our Asian neighbors. We also discussed which sectors, which industries in the Philippines will be affected by these tariffs and the possible effects on our economy. And, of course, we concluded the meeting by discussing possible ways forward, possible next steps, possible actions that your government can take regarding this reciprocal tariffs.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, good morning po. So, Secretary, ano po ang initial assessment after that meeting and, again, gaano po initially iyong posibleng epekto nito sa atin, iyong 17% tariff in terms of exports saka imports?

SEC. FREDERICK GO: Unang-una, ang nakikita po natin ‘no, malinaw na malinaw sa mga reciprocal tariffs na in-impose ng America sa mundo ay medyo advantage po ang Pilipinas nang kaunti ‘no. Kapag nilista ninyo po lahat ng Asian countries ‘no, makikita ninyo po na ang pinakamataas na tariff ay nag-uumpisa sa mga 54% pababa ng 40-plus percent, 30-plus percent, 20-plus percent at ang Pilipinas ay second to the lowest po, at 17% ‘no. Ang isang bansa na mas mababa sa atin ay ang Singapore at10%.  So kapag tiningnan ninyo po iyon, in-analyze ninyo po ay medyo mukhang maganda po para sa Pilipinas; may kaunti po tayong advantage.

However, we are aware that any tariff, any additional tariffs still affects certain industries in the Philippines ‘no which is why we think that may konting effect po ito. Based on the NEDA estimates, posibleng may effect po ito ng 0.1% sa ating GDP in the next two years. So, kaunti lang po iyong effect ‘no.

Of course, we have to also think that this is only one export sector of the country and businesses are generally quite resilient – kung magsara ang isang market, naghahanap po sila ng ibang market na mao-open. So—but to answer your question directly, the estimate is a 0.1% effect on our GDP.

HARLEY VALBUENA/PTV: Hi. Good morning, Secretary. Sir, as the economic adviser of the President what is your advice to him to contain the impacts of the global tariff of the USA?

SEC. FREDERICK GO: Unang-una po, hindi po ako adviser ni Presidente, I’m his special assistant. I work for him [laughs], hindi po ako iyong economic adviser. But, I think there are two things that we have to do now ‘no clearly – one is to engage with our exporters to discuss with them what are the possible measures that they can take and that the government can assist them in this current situation ‘no, that’s the first thing, that’s the most important thing; secondly, we have to monitor kung anong ginagawa ng mga ibang neighbors po natin ‘no, ano iyong mga reaction nila dito sa taripa at ano po ang reaksiyon din ng Estados Unidos sa kanilang mga requests.

But, third and probably this is what you’ve all been waiting for, but… we have reached out to the United States Trade Representative or USTR na tinatawag. Ang office po na ito, ito iyong responsible for all these trade tariffs ‘no. So, we’ve reached out to the USTR and we have communicated with them our desire to engage in a meeting or dialogue with them and they have positively responded so I will be scheduling a trip to the United States to meet with the USTR soon.

HARLEY VALBUENA/PTV: Follow up lang, sir. Speaking of our neighbors, yesterday the DTI Secretary said that they will meet with our economic counterparts in the ASEAN to discuss the global tariffs of the USA. So, natuloy po kaya iyong meeting and if ever, what are the focal points of the meeting?

SEC. FREDERICK GO: Yeah, that is correct. The meeting is ongoing as we speak here right now. I would like to summarize perhaps four points that were raised: The first one is that the ASEAN Trade Ministers have gotten together and have decided to communicate with the US I think three main points – first, is to reaffirm the long, enduring and strong relationship with the US; second though, is to express their concern over these unilateral tariffs that are being imposed on the ASEAN; and third is to engage in a frank and constructive dialogue with the US to reaffirm their readiness or our readiness in ASEAN to work together, to explore mutually acceptable solutions on issues of common interest.

But I would like to say that there are probably two key takeaways here – one, is that every country will continue with their bilateral negotiations with the US and concurrently, conduct a regional discussion with the US. And the keywords are cooperation, not retaliation. And of course, lastly, because this is an ASEAN meeting after all, the most important conclusion is to—as a group is to discuss ways on how to further strengthen and boost intra-ASEAN trade and investment within the region. Binabasa ko lang po kasi ayaw kong magkamali tungkol sa ASEAN meeting.

But as I said, the meeting is still ongoing. So, I think everything I said is I guess in a way subject to confirmation.

MARICEL HALILI/TV 5: Sir, doon sa planned trip po ninyo sa US, are you going to appeal to the US government na baka puwede nilang i-consider huwag na tayong bigyan ng taripa kahit na second to the lowest tayo.

SEC. FREDERICK GO: I think the keywords are probably not appeal, this is a negotiation and of course in my opinion, the best possible outcome is a free trade agreement ‘no – free trade agreement means zero tariffs on their side, zero tariffs on our side – that’s probably the best possible outcome of that meeting but again it’s open communication, dialogue, cooperation and let’s see what we can negotiate.

MARICEL HALILI/TV 5: And this is also a common factor among the ASEAN countries?

SEC. FREDERICK GO: I cannot speak for the other ASEAN countries but for ourselves we are in a—shall we say, semi-good place. But, of course, we cannot be complacent; we need to keep monitoring what the other countries do, and for ourselves we need to negotiate an agreement that we beneficial for our country and for the businesses and enterprises in our country.

MARICEL HALILI/TV 5: Salamat po.

SEC. FREDERICK GO: Thank you. Okay na? Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Secretary Frederick Go. At ngay0on po ay handa na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

MARICEL HALILI/TV 5: Ma’am, magandang umaga po. Ma’am, during the Tri Comm sa Congress, na-mention iyong pangalan ni former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na nasa likod daw noong pagpapakalat noong “polvoron video” na allegedly ay si President Marcos. Nakarating na po ba ito kay PBBM? Ano po iyong naging reaksiyon niya dito?

PCO USEC. CASTRO: Hindi na ito bago at buti na lamang may isang tao na dati nilang kaalyado na sinabi na si Atty. Harry Roque ang nagpakalat. Even before nakita natin ito sa kanilang rally sa Vancouver, Canada. Siya mismo, si Atty. Harry Roque ang nag-utos pa sa ibang mga kaalyado nila na ipakalat at sinabi pa nga niya sigurado siya na ang Pangulo daw ang nasa video.

Kung inyong mari-recall ang kaniyang mga sinabi doon sa Vancouver, Canada o iyong kaniyang mga sinabi noong sila ay nasa panahon na balak na ipakalat itong video na ito. At sa mga previous statements din niya, sa mga interviews sinabi niya nga na ang naging daan dito para sa video na ito ay ang kasamahan niyang si Maharlika. Pinasalamatan niya ito na it was made possible by Maharlika, this video.

So, hindi na po bago ito sa pananaw ng taumbayan kung sino ba talaga ang naging utak o ang nagpakalat ng fake “polvoron video” na ito.

MARICEL HALILI/TV 5: So, does it mean that the President was not surprised when he heard about it? 

PCO USEC. CASTRO: Dahil ito naman po ay inimbestigahan na rin po, natatandaan po natin na inimbestigahan po ito, in-evaluate din po ito ng PNP at ng NBI, at nagkaroon na rin po ng fact check, at nagsagawa po ng panibagong pag-iimbestiga kung ito ay tunay o hindi pero napatunayang manipulated ang sinabing video at may face swap – ito ay galing din sa evaluation ng Deepfakes Analysis Unit na part of India-based Misinformation Combat Alliance.

So, hindi po ito lingid sa kaalaman ng Palasyo dahil ang nais po lamang ng Pangulo ay maipakita sa taumbayan na hindi totoo ang kanilang pinapakalat na video at hindi totoo ang kanilang ibinibintang sa kaniya. 

MARICEL HALILI/TV 5: Ma’am, will there be any legal action from Malacañang? 

PCO USEC. CASTRO: Nakausap po natin ang Pangulo at sinabi po niya na hayaan na lang po natin ang ating mga law enforcement agencies – ang NBI, ang DOJ na magsagawa ng pag-iimbestiga patungkol dito. At kung mayroon dapat na managot, kung napakita talaga ang liability ng kahit sino diyan na involve ay dapat lamang po sigurong masampahan ng kaso kung ito po ay makikita naman po ng DOJ at ng NBI.

MARICEL HALILI/TV 5: Salamat po.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Usec., may we get a statement on the kidnapping and murder of businessman, Mr. Que; confirmed just today by Secretary Remulla.

PCO USEC. CASTRO: Nagkausap po kami kanina lamang po ni General Torre at saka ni General Jean Fajardo at ang una po nilang sinabi sa akin ay magkakaroon po sila ng sariling press conference at noong mga panahon na hindi po sila nagsasalita ay dahil iyon daw po ang bilin ng pamilya. Pero ngayong araw po na ito ay magkakaroon sila ng sariling press conference at ang pinakahuling update po sa akin ay mayroon po silang case conference na nagaganap as of 1o:00 or 10:30.

IVAN MAYRINA/GMA 7: The Filipino-Chinese business community expressed alarm over what they call a spate of kidnapping incidents – sa bilang po nila, 12 so far this year. What does the Palace have to say about this and are we going to take stronger measures to respond to this?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Patuloy po ang pag-iimbestiga po dito. Hindi po ito tutulugan ng gobyerno. Ang lahat po na nagaganap dito ay pinagbilin po ng Pangulo na dapat imbestigahang mabuti para po ma-lessen o ma-eradicate ang mga ganitong klaseng krimen dito sa Pilipinas.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. The Philippine Coast Guard on Tuesday said that it has spotted another Chinese research vessel sailing sa Cagayan Province. Na-detect po ito sa pamamagitan ng Dark Vessel Detection Technology from Canada, and it is the second ship that entered the northern economic zone ng Pilipinas. Ano po ba ang reaksiyon dito ng Malacañang? Parang persistent na po iyong presence ng mga Chinese research vessels sa ating teritoryo.

PCO USEC. CASTRO: Opo. Sa mga ganiyan pong mga issues po ay ipapaubaya po natin sa ating Philippine Coast Guard at nakikipag-ugnayan po tayo sa ngayon kay Commodore Tarriela at malamang po maya-maya lamang po ay ibibigay namin sa inyo ang kaniyang mensahe.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Ma’am, sakaling mapatunayan na nagsasagawa nga talaga ng marine scientific research ang Chinese vessel na iyon, ano po ba ang magiging hakbang ng pamahalaan?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay aalamin po muna natin, hindi po tayo puwedeng mag-speculate at ito po ay sensitibong issue. Kapag po napatunayan at mayroon pong naimbestigahan at mayroon na po tayong data ay ibibigay po namin sa inyo ang sagot agad-agad po.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Thank you po, ma’am.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Ma’am, lately marami pong mga kandidato for the midterm elections ang napapansin because of their misogynistic or insensitive comments made during their campaign. Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo at kung may panawagan din po tayo sa mga kandidato?

Paano nga ba ang ganitong klaseng pananalita noon ay pinapalakpakan na parang ipinagbubunyi ang mga kandidato, ang mga lider na nagsasalita ng walang karespe-respeto lalung-lalo na sa mga kababaihan, ipinagmamalaki at ginagawang katatawanan, ginagawang joke ang pambababae ng mga kalalakihan, ginagawa ring isyu at katatawanan ang mga rape na sitwasyon?

Hindi na po ito dapat, hindi po dapat na gawing idolo ang mga ganitong klaseng tao, hindi po dapat ito pamarisan. Hindi na po dapat ito pinapalakpakan. Kung nagawa ito dati at pinapalakpakan, hindi na po sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Marcos na dapat itong mangyari. Kaya ayon po sa Pangulo, hindi po katanggap-tanggap ang mga kandidatong ganito ang nagiging naratibo sa kanilang pangangampanya. Dapat pong mapanatili ng bawat isa, ng bawat kandidato, lalung-lalo na po ang mga kandidato na nagnanais na maging lider ng bansa. Dapat ipagpatuloy nila ang pag-promote ng respeto, ang integridad at ng truthfulness o katotohanan sa kanilang mga sinasabi habang sila ay nagbibigay ng kanilang mga pangako sa kanilang mga constituents at sa mga botante.

So, masaya po ang Pangulo dahil po mabilis din pong umaaksiyon ang Comelec patungkol po dito sa mga walang karespe-respetong pananalita ng ibang mga kandidato.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, on another topic, on the tariffs din po. President Donald Trump just announced a 90-day pause on the sweeping tariffs imposed on almost all countries except for China, ano po ang reaksiyon dito ng government?  How is the government taking this and acceptable po ba iyong 10% na blanket na tariff rate for the Philippines, at least for this 90-day period?

PCO USEC. CASTRO: Mamaya po ay muli nating kausapin si Secretary Go at tatanungin po natin. Natanong ko po iyan kanina at sabi nga po niya ay kababasa lang po yata niya kanina ng balita at kakausapin din po niya ang Pangulo patungkol po dito.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, wala pa po tayong concrete measures on tariff, tariff sa US so far. So, pinag-uusapan pa lang as we speak, Usec? I was supposed to ask about that later—a while ago.   

PCO USEC. CASTRO: Nandito po kasi kanina si Secretary Go at siya po ang nagpaliwanag patungkol po sa mga maaaring gawing aksiyon ng administrasyon patungkol po diyan.

ACE ROMERO/PHIL. STAR:  Regarding po sa misogynistic comments, you are saying it was cheered before, so are you attributing it to our former president iyong mga ganoong uri ng komento? Para sa record lang po.

PCO USEC. CASTRO: Wala po akong sinasabi na partikular na tao. Kung iyon po ang nasa sa isip po ninyo, iyan po ay karapatan po ninyong mag-isip at mag-judge kung anuman po iyong nasa isip po ninyo.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, the President himself said, it was unacceptable, iyong mga ganoong uri ng mga..?

PCO USEC. CASTRO: Pananalita. Opo, sinabi po niya at tinanong po natin siya kanina kung ano ang kaniyang mensahe, iyon daw po ay unacceptable.

EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, Usec. Balikan ko lang po doon sa diumano’y polvoron video ni Pangulong Marcos. Sabi po ninyo kanina ay naimbestigahan na iyan pero biglang iimbestigahan pa ng DOJ at NBI at napatunayan na po na ito ay fake doon po sa isinagawang pagsusuri noong Indian company. Wala po bang plano ang Malacañang especially ang Pangulong Marcos na magpa-hair follicle test na siyang hinihingi po para matuldukan na itong isyu po ng diumano’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng ating Pangulo?

PCO USEC. CASTRO: Sino po ba ang humihingi?

EDEN SANTOS/NET 25: Marami po sa ating mga kababayan; sa social media na nagri-react dito po na ipinapalabas na video na ito. Actually, parang na-die down na po ito before dahil nga sa sabi nga ng Malacañang, it’s a fake. Pero biglang nabuhay after po noong ginagawang imbestigasyon mismo ng Kongreso, ng Kamara, kaya po lumabas itong video na ito.  And sabi nga po noong vlogger na si Miss Pebbles Cunanan ay si Atty. Harry Roque iyong mastermind nitong video, pero inamin naman ni Miss Maharlika, iyong another vlogger, na parang siya iyong nagbigay lang kay Atty. Roque.

PCO USEC. CASTRO:  Kaya ang tanong ko po, sabi ninyo sa social media, hinihingi, sino po in particular ang masasabi ninyo sa akin na humihingi ng ganitong klaseng pag-test?

EDEN SANTOS/NET 25: Ang atin pong mga kababayan.

PCO USEC. CASTRO: Sino po in particular? Ikaw na po ba ang humihingi.

EDEN SANTOS/NET 25: Sige po, para po masabi lang ninyo na mayroong humihingi, pero marami po sa social media, kung kayo ay nagbabasa po sa socmed, Madame Usec.

PCO USEC. CASTRO: So, isa ka nga sa humihingi? Hindi, tanong ko nga, isa ka ba? Kasi we have to be specific on this. Isa ka ba sa humihingi?

EDEN SANTOS/NET 25: Ang mga kababayan po natin.

PCO USEC. CASTRO: So, isa ka sa humihingi?

EDEN SANTOS/NET 25: Actually, I’m a journalist. Hindi po ako humihingi, pero parang gusto ninyo na mayroon lang kayong…

PCO USEC. CASTRO: Basehan?

EDEN SANTOS/NET 25: Opo, basehan.

PCO USEC. CASTRO: Sino nga po, kasi sabi po ninyo kanina ay napanood yata ninyo sa social media.

EDEN SANTOS/NET 25: Madame Usec., siyempre kami po ay mga Filipino rin, as a journalist, gusto po namin na hindi fake news iyon pong aming ibabalita sa taumbayan. Si Atty. Vic Rodriguez, hindi po ba matagal na rin naman niyang hinihiling iyang hair follicle test.

PCO USEC. CASTRO: Okay, tanong po natin, ano po ba ang basehan para sa paghingi at i-demand sa Pangulo ang isang hair follicle test? Ito po ba ay may pagbibintang na siya ay diumanong gumagamit ng illegal na droga? Kung may pagbibintang – liliwanagin po natin – kung may pagbibintang sa Pangulo, iyong nagbibintang ang dapat na magpatunay kung may ginagamit man o wala. Hindi pupuwedeng gumawa ng kuwento, walang basehan, isang guni-guni para masira ang Pangulo at walang basehan!

Kahit saan po na kaso, kung sino iyong nagbibintang, siya ang magbigay ng pruweba; hindi ninyo puwedeng sabihin na ito gumagamit, patunayan mong hindi. Hindi po iyon ang tamang logic!

Kayo pong nagbibintang, kayong humihingi, na nagdi-demand sa Pangulo, kayo muna ang magpatunay na mayroon siyang ginagawang mali. Kapag wala po kayong napatunayan, wala po kayong karapatang humingi sa Pangulo ng anumang demand patungkol sa hair follicle test. Salamat.

At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps at magandang umaga para sa Bagong Pilipinas.

 

###