PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Ang utos ng Pangulo: Siguruhing lahat ng public schools ay konektado. Upang makasabay ang mga estudyante at guro sa makabagong paaralan at paraan ng pag-aaral, personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga ang Camul Elementary School sa Zamboanga del Norte. Namahagi ang Pangulo ng isang malaking TV na may interactive display na parang isang blackboard kung saan puwedeng manood at magkaroon ng interaksyon ang mga bata habang inaaral ang kanilang lesson sa school. Magkakabit din ng internet sa eskuwelahan upang mas mapapadali ng mga guro ang paggawa ng kanilang lesson plan, paghahanap ng mga teaching materials at pagsasaliksik sa mga bagong kaalaman.
Malaking bagay din ang mabilis na internet connection para sa mga estudyante upang mas mapabilis ang paggawa ng kanilang mga assignments at projects na siyang magiging susi upang lahat ng mga batang Pilipino ay nakakasabay sa teknolohiya.
Panawagan naman ni Pangulong Marcos Jr. sa mga guro at principal na alagaan ang mga kagamitan na ipinagkaloob ng pamahalaan at tiyakin na napapakinabangan ito ng lahat ng mga estudyante at guro.
Sa DICT at DepEd naman, ipinag-utos ng Pangulo na tiyaking lahat ng public schools ay konektado sa internet ngayong taon at siguraduhin na walang paaralan at walang bata ang maiiwan sa makabagong paraan ng pag-aaral.
Ang programang ito ng Marcos administration ay patunay lamang na tuluy-tuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng suporta sa bawat batang Pilipino upang masiguro ang kanilang kinabukasan, dahil lahat ay iaangat sa modernong Bagong Pilipinas.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Kaninang umaga ay nagsagawa ng pre-departure briefing si Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Evangeline Jimenez-Ducrocq tungkol sa paparating na state visit ng Pangulo sa India. Panoorin po natin ito:
DFA ASEC. DUCROCQ: Good morning to our friends from the Malacañang Press Corps. We wish to thank the Office of the Press Secretary for inviting us to this briefing.
As previously announced po, President Ferdinand R. Marcos Jr. will embark on a state visit to India from August 4 to August 8, 2025 upon the invitation of Indian Prime Minister Narendra Modi, whose invitation was conveyed in his Independence Day letter to President Marcos last year.
This visit is also part of the year-long celebration of the 75th anniversary of diplomatic relations between the Philippines and India which commenced in November 2024. The purpose of this visit is to further strengthen the Philippines-India partnership to proactively engage India in all aspects of the relations and seize opportunities for greater security, economic, science and technology, and people-to-people cooperation.
We recognize the economic and strategic potentials of India, and we hope to open up possibilities for the future.
Highlight of the President’s visit includes stops in New Delhi and Bangalore. In New Delhi, the President will call on the President of India, Her Excellency President Murmu; have a bilateral meeting with the Prime Minister of India, the Honorable His Excellency Narendra Modi; and he will meet with the president of the Bharatiya Janata Party (BJP) and current Minister of Health and Family Welfare Jagat Prakash Nadda.
The BJP leads the National Democratic Alliance and is the ruling and largest political party in India.
The President will hold two business events: One in New Delhi and a second one in Bangalore which is also known as India’s Silicon Valley. Several Indian CEOs have requested to meet with the President, a number of whose companies are in active preparations to enter the Philippine market as investors.
In his bilateral meeting with PM Modi, the two leaders will discuss closer cooperation and economic, defense and security, political cooperation, trade, investment and economic cooperation, and how to further invigorate people-to-people exchanges. They are also expected to exchange views on regional and international issues of common concern.
The President will have a very tight schedule in India. Following is a rundown of some of his meetings and engagements:
He will arrive in New Delhi in the afternoon of the 4th of August, and he will immediately meet with the Filipino community on the day of his arrival.
The next day, he will have all official events related to his state visit. In the succeeding days, he will participate in business events, meet with the Indian media; deliver a foreign policy address at the Observer Research Foundation.
In Bangalore, he will again participate in business events. His visit will wrap up with the Kapihan with the Media before he leaves for Manila.
The President’s delegation will include Secretary of Foreign Affairs Ma. Teresa Lazaro, Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr., Secretary of Trade and Industry Cristina Roque, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, and several other Cabinet ministers.
I am now ready to take your questions. Thank you.
CATH VALENTE/MANILA TIMES: Hi. Good morning po, ma’am. Ma’am, puwede pong malaman kung ano iyong mga possible agreements na mapipirmahan during the visit of the President, ano po iyong mga areas of cooperation?
DFA ASEC. DUCROCQ: As we earlier said po, the areas of cooperation actually are very wide-ranging but we look forward to expanding them even more. We have, I think, accords of six agreements and to be concluded. Though the working day is not yet over so we expect, I think, more to come on line. These agreements would cover—sandali lang po. So, these agreements range from cooperation in law, culture, science and technology, and many other areas. As I said, the final count, ongoing pa rin siya because the day has not ended. Thank you.
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COM: Good morning. So, the Philippines had purchased several sets of the BrahMos missiles from India, and India has also joined us for maritime patrols in the West Philippine Sea. So, is the President expected to make any more defense agreements like this in India?
DFA ASEC. DUCROCQ: If you are referring to defense procurement po, we would defer this question to the DND because this is under their mandate.
Part of our ongoing relationships with India is in maritime cooperation activities, so we look forward to expanding this … deepening our relationships and expanding our areas of cooperation. Thank you.
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COM: Quick follow-up. Is the Reciprocal Access Agreement possible with India?
DFA ASEC. DUCROCQ: There are no talks to this … on this matter for now.
EDEN SANTOS/NET25: Kukumustahin lang po namin iyong mga kababayan natin sa India dahil isa po sa magiging activity ng Pangulo ay iyong meet and greet with the Filipino community. May we know po ilan iyong ating mga kababayan doon, ilang Pilipino? Anu-ano pong mga profession mayroon itong ating mga kababayan at ano po iyong kanilang ambag para sa ating ekonomiya, at the same time po, sa India papaano sila nakakatulong?
DFA ASEC. DUCROCQ: Thank you po for your question. Iyong meet and greet po, I think we expect around 200 Filipinos, largely concentrated in New Delhi. For the total number of Filipinos, according to our official submission to Congress, there are approximately 1,356 registered Filipinos in India.
DFA ASEC. JIMENEZ-DUCROCQ: I think a number of them are married to Indian nationals and as well as practicing professionals in India. Thank you.
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COM: Is a free trade agreement in the talks?
DFA ASEC. JIMENEZ-DUCROCQ: I think, we already have…I think, there are ongoing talks for the ASEAN-India Trade in Goods Agreement. I think, this has been, if I’m not mistaken, this already has been concluded. For bilateral agreement, it is our aspiration to have one but I believe talks have not started, but it’s always an aspiration.
IVAN MAYRINA/GMA7: Hi, ma’am. For the Silicon Valley of India, can you describe to us what’s in it for the Philippines dito po sa mga inaasahan nating investments from the Indian companies?
DFA ASEC. JIMENEZ-DUCROCQ: I think a number of the companies have already some investments in the Philippines and so we’re looking to expand these investments from the same companies or to reach out to new companies.
The business aspect of the visit especially in Bangalore iyong lead po diyan ay ang Department of Trade and Industry. So, we would encourage you to address these questions to them. But as we said Bangalore is India’s Silicon Valley and as you know in ICT, in technology they are quite strong so we’re hoping to establish a better connection especially for the private sectors.
IVAN MAYRINA/GMA7: Do we have information as to how much possible investments we’re expecting and how many jobs maybe created from these investments?
DFA ASEC. JIMENEZ-DUCROCQ: May I refer this question po to the DTI so that I don’t misspeak. Thank you.
IVAN MAYRINA/GMA7: Understood. Salamat po.
MODERATOR: Thank you, Asec. Evangeline. Thank you, MPC.
PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat po kay, Assistant Secretary Evangeline Jimenez-Ducrocq ng DFA. At maaari na po akong tumanggap ng inyong mga katanungan.
EDEN SANTOS/NET25: Usec., good afternoon po. Regarding po doon sa binanggit ni Pangulong Marcos sa SONA po na zero balance billing, papaano po ba ito maa-avail ng ating mga kababayan from the DOH hospital at the same time po iyong Z Benefit Package naman ng po PhilHealth?
PCO USEC. CASTRO: Okay po. Ito po ay patungkol sa 87 DOH hospitals kung saan maa-avail po iyong zero balance billing. Ang ibig sabihin po nito, lahat po hindi na po ito ika-categorize kung indigent ka o hindi basta you are willing to be at the basic ward accommodation kayo po ay malilibre na po ng inyong gastos sa ospital unang-una po kung kayo ay PhilHealth member – kailangan po iyan. Kung hindi po kayo PhilHealth member, maaari po kayong magpatulong doon para po kayo ay maasikaso at maging PhilHealth member at pagkatapos po noon ay…kapag kayo naman po ay lalabas na ng ospital, so, kailangan ninyo lang pong kumpletuhin iyong inyong mga dokumento at humingi ng tulong sa PhilHealth desk sa nasabing ospital at doon po after that kapag kumpleto na po iyong mga dokumento ninyo ay maaari ninyo na pong ipa-compute ang inyong bills sa ospital.
EDEN SANTOS/NET25: Iyon pong sa Z Benefit Package naman po ng PhilHealth, sabi po doon kahit hindi na rin po PWD, iyong mga ibang sektor po na pili na makaka-avail nito, lahat na rin daw po ay puwede. Ano po iyong puwedeng gawin ng pasyente o iyong kaniyang family para po ma-avail ito?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Mas maganda po malaman din po kung iyong ospital na pupuntahan po ninyo—hindi naman kinakailangan na DOH hospital—kung sila po ay mayroon pong tinatawag na Z Benefit Package, kung mayroon po silang kontrata with the PhilHealth sila po ay mako-cover. So, hindi po kinakailangan na kayo ay nasa ward so kahit po kayo ay nasa private room, nasa public hospital basta po iyong ospital ay may kontrata po sa PhilHealth na Z Benefit Package pasok po iyan.
EDEN SANTOS/NET25: May binabanggit daw po iyong DOH na kailangan ay basic accommodation na iyon po iyong puwede?
PCO USEC. CASTRO: Yes, po para po doon sa libre na bill. Iba po kasi iyong Z Benefit Package, iyon po iyong patungkol sa mga let’s say kidney transplant – so, mayroon pong package po doon; pero iyong zero billing sa DOH hospitals po, sa basic ward accommodation.
EDEN SANTOS/NET25: Thank you po.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, Eden
HARLENE DELGADO/ABS-CBN: Usec., good afternoon po. Usec., some lawmakers have expressed disappointment after the President did not mention in his SONA anything about online gambling. How does the Palace view this po? And also, kumusta po, Usec., iyong ginagawang evaluation ng Pangulo, are we expecting a policy change on online gambling?
PCO USEC. CASTRO: As of now, maganda po kasi—huwag tayo masyadong magpadalus-dalos. Minsan kasi nakikita natin ano ba iyong isinisigaw ng taumbayan pero iyong iba hindi pa po inaaral nang mabuti kung ano ba iyong magiging effect nito sa bayan. Dapat muna po malaman natin saan ba nanggagaling iyong kamalian doon ba sa licensed online gambling app o doon sa mga hindi lisensiyado? So, dapat malaman natin saan ba nagugumon ang ating mga kababayan sa sugal – doon ba sa mga iligal na gambling app? Example na lamang po natin recently alam natin ang e-sabong wala na, ang e-sabong noon nakakapagbigay ng revenue, ng tulong sa pamahalaan. Noong tinanggal po iyan definitely wala na pero bakit may e-sabong? So, sino ang nakikinabang sa iligal na sabong ngayon? Bakit isa pang mambabatas ang nakitaan natin na siyang nagpatunay na mayroon pang e-sabong?
So, dapat ito aralin mabuti ano ba ang dapat gawin dahil kapag nga tinanggal natin talaga agad-agad ang online gambling at maapektuhan naman iyong ibang mga lisensiyado, makakaapekto ba ito sa tulong sa bayan, sa tulong sa mga estudyante, sa tulong sa mga Pilipino? So, hindi po puwedeng magpadalus-dalos ang Pangulo dito. Dapat aralin po dahil sa toto lamang po ang mga revenue po na ibinibigay ng lisensiyado na online gambling ay nakakapagbigay talaga ng tulong sa mamamayan.
So, dapat pong aralin at hindi po dapat na ora-orada at mag-uutos agad na tanggalin agad iyan, dapat inaaral po iyan. Iyang ganiyan po kasi, ang gusto ng Pangulo ay inaaral bago magpadalus-dalos sa aksiyon.
MARICEL HALILI/TV5: Magandang hapon po, Usec. Usec., may lumabas po na panibagong OCTA Research yesterday showing na tumaas iyong trust ratings ni Pangulong Bongbong Marcos. Where do you think we can attribute this improvement on numbers?
PCO USEC. CASTRO: Unang-una, malamang po nakikita na po ng taumbayan kung ano po talaga ang ginagawang trabaho ng Pangulo. At nakakatuwa at nakikita na po nila kung gaano po kasipag ang Pangulo para sa taumbayan at para sa bayan. Ngunit sasabihin po natin muli ang Pangulo po ay hindi maaapektuhan ng anumang numero. Pero siyempre po ito ay ikinagagalak, at kung tumataas man po ang approval at trust rating Pangulo ay nakakatuwa po ito dahil nakikita na nagtatrabaho. Mas mahirap po kasi na bumababa ang rating pero nagtatrabaho; pero mas mabigat iyong hindi nagtatrabaho pero tumataas ang rating.
MARICEL HALILI/TV5: Sino po ang nire-refer ninyo, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Kung sino po iyong hindi nagtatrabaho na mga public officials. Siguro po kung mataas ang rating nila, wow!
MARICEL HALILI/TV5: But do you see a more effectiveness messaging now considering that there’s an improvement on the numbers of the President?
PCO USEC. CASTRO: Yes, I think so kasi po mas nakikita ngayon ng mga kababayan natin kung saan nagpupunta ang Pangulo kasi noon po ay hindi ito masyadong naipapakita marahil ng Pangulo dahil siya po ay trabaho lang nang trabaho hindi siya masyadong partikular kung nakikita ba ito ng taumbayan. But with this, kailangan po talagang makita ng taumbayan para malaman nila at ma-differentiate nila iyong taong nagtatrabaho at iyong nagbabakasyon lang.
JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COM: Good afternoon. Senate President Escudero said that President Marcos could not expect an unchanged budget since Congress has the power of the purse and secretaries themselves would ask lawmakers to make changes in the budget process. Can the Palace elaborate on President Marcos’ warning to lawmakers about the budget?
PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, pinaghihirapan po na makagawa ng budget para sa national expenditure program. Ito ay inaaral, katulad nung binanggit po ni Secretary Amenah Pangandaman na hindi po ito biro-biro. Sa pagsasagawa po nito, iniisa-isa po ito kasama ang Pangulo at lahat ng Cabinet secretaries. At kung anuman po ang nabuo dito, ibig sabihin po, iyan po ang dapat na paglalaanan ng pondo. Hindi po dapat abusuhin iyong sinasabing power of the purse at maraming magkaroon kung mayroon mang insertions at hindi mapapakinabangan na tunay ng taumbayan, iyan lamang po ang gusto ng Pangulo, kaya gusto niya maging malinis ang budget at hangga’t maaari iyong bicam conference with regard to the conference dito sa budget 2026 budget ay bukas sa publiko.
JEAN MANGALUZ/INQ.NET: So, is it accurate to see that the President would veto a budget with anomalous insertions or changes made during the bicam?
PCO USEC. CASTRO: Depende po iyan sa pag-aaral. Kung ang mga insertion na ito ay masasabi naman po natin na may kabuluhan, malamang po ay hindi ma-veto, pero kapag nakita po nila na wala naman po itong pupuntahan at maaaring madala lamang sa pang-aabuso, hindi po mag-aatubili ang Pangulo na ito ay i-veto.
JEAN MANGALUZ/INQ.NET: Last question. Has the President considered the consequences, the possible consequences of a reenacted budget?
PCO USEC. CASTRO: Alam po niya iyan, kaya po niya sinabi. Pero malamang magsasakripisyo po iyan para lamang po makita ng taumbayan na hindi dapat abusuhin ang pondo ng bayan.
ANNA FELICIA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good afternoon, Usec. Ma’am, tanong lang po namin if nakarating na po kay Presidente iyong desisyon ng MILF na i-suspend or i-defer iyong decommissioning ng thousands of combatants and weapons?
PCO USEC. CASTRO: Yes po, at medyo nakakalungkot po na balita iyan, dahil alam naman po natin na ang gobyerno po ay talagang naglalaan ng pondo para sa magandang kinabukasan ng mga nagnanais na bumalik at magkaroon ng normal na buhay. Katulad po ng sinasabi na P100,000 cash assistance po sa bawat combatant, MILF combatant at mayroon din pong nakalaan at inilaan noon na more than 400 billion worth for the socio-economic programs. Hindi lang po iyan, marami pa po at alam naman po natin iyan. So, siguro lamang po ay mas kinakailangan pa ng mas malalimang pag-uusap para mas maging maganda ang kahihinatnan nito para rin sa miyembro po ng MILF.
ANNA FELICIA BAJO/GMA NEWS ONLINE: But, Ma’am, in a resolution signed by MILF Chair Ebrahim, sinabi po nila na not a single one na combatant has undergone transition to productive civilian life. So mukhang may problema sa pag-integrate nila sa civilian life po?
PCO USEC. CASTRO: Mas maganda po kung ibibigay din namin ang report patungkol po diyan, para po maramdaman nila kung ano po ang ginawa ng gobyerno para sa kinabukasan ng mga dating MILF combatants?
ANNA FELICIA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ano po, Ma’am, iyong next course of action na lang po natin dito?
PCO USEC. CASTRO: Makikipag-usap po nang mas masinsinan, para po mas maging maganda ang resulta.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, Usec. Usec., ibang topic naman, iyong tungkol po doon sa nabanggit in Presidente na flood control projects during his SONA. Mayroon na po bang nakikita ang Malacañang na mga officials possible involved dito sa sinabi ni PBBM na rumaraket sa mga flood control at gaano po karami iyong mga binabantayan natin?
PCO USEC. CASTRO: Ngayon, hindi pa natin masasabi in details kung sino at kung anong proyekto ito, mas maganda po kasi kung mag-uulat kami ng verified. Mahirap po kasing magsabi at sabihin kong malamang itong lugar na ito, nakita ng Pangulo, sira ito at isipin niya na nagkaroon dito ng anomalya. So, bubuuin muna po ang karampatang pag-iimbestiga rito para po ang maiiulat namin sa bayan ay iyong verified facts.
MARICEL HALILI/TV5: May nabanggit po ang DPWH na, I think isa doon sa mga concerns nila, iyong sa budget pa rin na once daw kasi na may mga insertions na nangyari sa bicam, hindi nila ma-double check, biglang dumarating na lang na ay flood control projects, pero mayroon palang mga problema sa, let say right of way. So, how do you plan or ano po ang puwedeng gawin ng Malacañang o ng administration?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Since hindi nga po kasama ang ehekutibo sa bicam conference, hindi po nakikita kung paano naisisingit iyong iba at iyon po ang ayaw ng Pangulo. Kaya po sa tulong po ng taumbayan, sa tulong po ninyong lahat, bantayan po natin itong gagawing bicam conference pagdating sa 2026 budget; at ayaw pong maulit ng Pangulo itong nangyaring ganiyan.
IVY REYESBILYONARYO: Hi. Usec., good afternoon po. Bayan Muna reacted to Secretary Eduardo Año’s statement on red tagging. Allow me to quote what they said po, “We have many documented cases of members of community organizations being forced, intimated or deceived into surrendering in exchange for some ayuda and getting their names cleared”. May we have the Palace’s reaction po?
PCO USEC. CASTRO: Ipagpaumanhin, Miss Ivy, hinahanap ko ang issue about Bayan Muna in relation to that. Hindi ko siya nakita kaya hindi ako nakapag … hindi ko na-relay. But anyway, in general naman po, itinanong natin sa Post-SONA—iyan po ba ay may kinalaman sa Post SONA na sagot o noong nakaraang pa during the … before the elections kasi mayroon ding isyu ang Bayan Muna before the elections?
IVY REYES/BILYONARYO: Post-SONA discussion.
PCO USEC. CASTRO: Ah, Post-SONA. Naitanong po kasi natin iyan dahil nga po iyan nga po iyong nadidinig natin na mayroon pang nirireklamo tungkol sa red-tagging. So, sinagot naman po nang maayos ito ni Secretary Año, pero ang pagtanong po na iyon ay para ipaalam din po sa NSC at sa liderato ng NTF-ELCAC na hindi po nararapat ang anumang aksiyon ng red-tagging dahil ito rin po ay ipinagbabawal ayon sa desisyon ng Supreme Court.
HARLEY VALBUENA/PTV4: Good afternoon, Usec. Both COMELEC Chairman George Garcia and DILG Secretary Jonvic Remulla said that the President is expected to sign anytime soon the bill postponing the Barangay and the Sangguniang Kabataan elections anytime soon? So, can you confirm that, Usec.?
PCO USEC. CASTRO: Okay, kung hindi ako nagkakamali parang August 14 po ang pinaka-deadline, so hintayin na lamang po kung ano po ang magiging aksyon ng Pangulo patungkol po dito sa bill na iyan.
HARLEY VALBUENA/PTV4: So, just in case po kasi nag-commence na iyong voter registration for BSKE. So, bago mag-lapse iyong 10-day period sa registration, kailangan pong maihabol if ever isa-sign ng Pangulo?
PCO USEC. CASTRO: Opo, gagawin po ng Pangulo iyan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., just for confirmation. May report daw na August 13 daw po iyong submission ng National Expenditure Program sa House, may info po ba tayo tungkol doon?
PCO USEC. CASTRO: Ayon po kay Secretary Amenah ay makakapag-submit na po at tapos na po or tinatapos na po at makakapag-submit on time.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Usec.
PCO USEC. CASTRO: Thank you po.
Para sa mas matatag na health care system, Pangulong Marcos Jr., namahagi ng mga bagong ambulansiya sa Zamboanga Peninsula at Lanao del Sur sa tulong ng PCSO. Batid ng Pangulo ang pangangailangan ng mga kababayan natin sa maagap na serbisyong medical, kaya bukod sa paninigurado na bawat bayan ay may doktor, ngayon naman ay sinisikap ng administrasyon na lahat ng bayan sa bansa ay may sariling ambulansiya.
Layong patatagin ng additional 106 new ambulances sa Lanao del Sur, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga-Sibugay at Isabela City ang health care system sa buong bansa. Dahil ang utos ng Pangulo: Dapat bawat Filipino ay agarang mabigyan ng atensiyong medikal. Bukod sa bago at maaasahan ang mga ambulansiya, kumpleto rin ang mga ito sa mga kagamitan gaya ng stretcher, oxygen tank, wheelchair, first-aid kit, BP monitor at medicine cabinet.
Malinaw naman ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr., sa mga LGU: Pakaalagaan ang mga ambulansiya upang matagal itong magamit sa serbisyo at lubusang mapakinabangan ng ating mga kababayan. Nasa 1,067 ambulances na ang naipamahagi sa buong bansa sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO at liderato ni GM Mel Robles mula June 2022 hanggang July 2025.
Patuloy lang ang pamamahagi ng mga ambulansiya hanggang sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa ay may sariling emergency vehicle. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang kalusugan ay karapatan ng bawat mamamayan.
[VTR]
At bago tayo magtapos, sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr., nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Development Budget Coordination Committee (DBCC) target para sa buwan ng Hulyo. Sa record ng BOC, umabot sa 84.5 billion pesos ang kanilang DBCC collection for July. Nalampasan ng ahensiya ang target nito nang umabot ang kanilang koleksiyon sa 102%. Sa madaling salita ay nasa 140 million pesos ang surplus collection ng ahensiya kumpara sa 84.4 billion target nito para sa June 2025.
Ang 84.5 billion pesos collection nitong July ay mas mataas din sa nakolekta ng BOC kumpara noong June na umabot sa 77 billion pesos. Mas mataas din dito sa July 2024 collection na 80.4 billion pesos. Sa tala ng Bureau of Customs, ito na ang pinakamataas na koleksiyon sa loob ng isang buwan ngayong 2025.
Sa year-on-year growth, umabot sa 5.2% na significantly higher sa 1.2% growth sa unang semester ng taon. Ito ay sa kabila ng isang linggong suspensiyon ng trabaho.
[VTR]
At isa pong announcement: Nais naming ipabatid na pormal nang itinalaga bilang member ng Board of Directors ng Philippine National Oil Company (PNOC) si Miss Maria Cristina Sheila Canag Cabaraban mula July 1, 2025 hanggang June 30, 2026. Ang kaniyang appointment ay nilagdaan ng Pangulo noong July 14, 2025.
At dito na po nagtatapos ang ating Press Briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
###