Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama with MMDA Atty. Victor Maria Nuñez and Mr. Gabriel Go


Event PCO Press Briefing with MMDA
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO ASEC. VILLARAMA: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Good news muna tayo hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Damang-dama na ng mga nasa vulnerable sector ang ginhawang dala ng “Benteng Bigas Mayroon na” o BBM na rice program sa kanilang pamilya. Tunghayan natin ang kuwento ni Nanay Brenda sa video na ito:

[VTR]

PCO ASEC. VILLARAMA: “Ayusin ang EDSA at pabilisin ang biyahe.” – Iyan ang mahigpit na bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang paghahanda sa pagsasaayos ng EDSA simula June 13, 2025 hanggang 2027. Kaya naman magkakaroon ng ilang adjustments sa EDSA Busway at MRT 3. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO ASEC. VILLARAMA: At bilang paghahanda na rin sa napipintong EDSA Rebuild Project at bilang bahagi na rin ng information campaign ng Metro Manila Development Authority, magpapatupad sila ng dry run ng odd-even scheme sa EDSA mula June 16. At para bigyan tayo ng detalye tungkol dito pati na rin sa No Contact Apprehension Policy, makakasama natin ngayon ang mga taga-MMDA na sina Atty. Victor Maria Nuñez, ang head ng Traffic Discipline Office; at si Mr. Gabriel Go, ang head ng Special Operations Group Strike Force. Magandang umaga po sa inyo, sirs.

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Thank you very much po, Asec. Villarama, and good morning to all the members of the Malacañang Press Corps.

Yes po, actually last Monday we had the press briefing wherein our chairman, Chairman Don Artes, announced that this coming June 16, we will start our odd-even scheme pero po ito ay dry run lamang. It will last for one month and after that, titingnan ho natin, ri-review-hin natin kung effective ba ito at kung may mga modifications or mga adjustments pang mangyayari.

And, I would like also to clarify regarding the issue doon po sa NCAP, about emergency vehicles. Gusto po naming iparating sa inyo na lahat ng emergency vehicles – ambulances, firetrucks, iyong mga gamit po ng ating kapulisan ay exempted po sila. Ang mahirap lamang hong gawin namin, iyong gawing automatic iyong sistema sa NCAP namin na outright exempted sila kasi po pati iyong mga VIP na mga private vehicles na mga wang-wang ay makakasama po ito kapag in-automatic naming isasama sa system.

Pangalawa po, may mga nakita ho kami at sa aming obserbasyon, siguro po iilan sa inyo hindi pa alam na may mga ambulance, iyong mga FV (funeral vehicles), ang tatak “ambulance” but they are operated by funeral services – ginagamit lamang ho pangkuha ng patay, hindi naman po papunta sa hospital. So, we have to validate kung iyong mga may mark na ambulance at may mga wang-wang ay talagang totoo at legit na ambulance or emergency vehicles.

And, pangatlo po, nakikiusap din kami sa mga emergency vehicles na kung wala naman talagang emergency at wala namang rirespondehan ay sana po ay sumunod naman sa batas-trapiko at sana huwag naman pong abusuhin iyong pribilehiyo na binibigay ng ating gobyerno sa kanila. Iyon lamang po.

Mr. Go will also give a briefing regarding our clearing operations sa ating mga alternate roads at Mabuhay Lanes.

MR. GABRIEL GO: Good morning po to everyone.

So, as what Director Nuñez have already discussed to us, once again iri-reiterate lang po namin ‘no iyong courtesy na binibigay po natin when it comes sa mga emergency vehicles. Definitely, hindi naman po natin iaantala ang kanilang mga pagriresponde. So, definitely, rest assured po sa ating mga partners, sa mga volunteer groups, emergency responders, kaagapay ninyo po kami – we are all partners when it comes to disaster and emergency responses.

So, moving forward po sa ating mga steps towards the mitigation with the upcoming EDSA rebuild, so isa po sa mahigpit na pinagbilin ng aming butihing chairman na iyong pagsasagawa po ng ating mga clearing operations, as we all know, we have already established several Mabuhay Lanes and aside from that, mayroon din po tayong mga in-established na mga alternative routes which we have already disseminated sa ating mga social media pages and also sa ibang mga channels po natin.

So, itong ating clearing operation drive, this is not only because we have upcoming rebuild ‘no ng ating major thoroughfare which is the EDSA but is also part of our efforts to cleanup ang ating mga kalsada. As we all know, the volume of vehicles, the traffic congestion is already one of the growing problems that we have sa ating mga kalsada. So, ang ating clearing efforts is to manage also and to lessen, mabigyan ng agarang solusyon, to come up with an abrupt resolution sa problema po natin sa traffic.

So, all our clearing efforts, lahat po iyan – hindi lang po double time but we are also tripling up our efforts. Hindi lang po ito sa mga Mabuhay Lanes as I said, we have already designated several alternate routes na kung saan gagamitin po ito ng ating mga motorista coming from the south, going to the north, from east going to west. So, lahat po ito, ang clearing efforts ng ating ahensiya – this is not only limited to illegal parking but also iyong call po ng ating gobyerno and also the call of the public to also mitigate iyong problema po natin sa safe passage ng mga pedestrians po natin.

So, at the same time we’re clearing illegal parking, we’re clearing obstructions and we are also trying to make ating mga ruta, ating mga kalsada, mga sidewalks po natin walkable. So, for the clearing operations, iyon lang naman po muna.

PCO ASEC. VILLARAMA: So, we can now open the floor to questions from the members of the MPC – Tuesday Niu, DZBB.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, sir. Sabi ninyo kanina lahat po ng obstructions, illegal parking, aalisin na natin; aayusin iyong mga pedestrian lanes. So far, sir, sa operations po ninyo, ang mga sidewalks ba natin, sir, naitabi na natin; iyong mga sidewalk vendors na alam naman natin talagang diyan na sila nabuhay nang matagal, saan sila dadalhin kung mayroon man na mga specific lugar para hindi rin naman sila mawalan ng hanapbuhay?

MR. GABRIEL GO: Actually, to clarify also ‘no, hindi naman po natin pinipigilan or we’re not limiting ang ating mga kababayan na maghanapbuhay. We understand that each and every one of us has … kailangan po natin to make a living, kailangan po natin maiuwi sa ating mga pamilya. But then again, ang lagi po nating pinapaalalahanan, we cannot hamper or at the expense ng public safety. Alam naman po natin, we have several instances na ang mga vendors po, umaabot na po sa kalsada which in return ‘no, nagkakaroon ng traffic congestion problem sa ating mga motorista. And aside from that, as I said, iyong mga pedestrian, ang mga sidewalk po, dapat po ay nilalakaran ng ating mga kababayan nang hindi lang po as a passage but a safe passage para sa kanila.

So, ang mga vendors po natin, as much as possible, when we conduct clearing operations, hindi naman po natin sila totally dini-demolish but we try to mitigate them na alisin po. Mayroon naman pong mga ways and means, mayroon pong mga tindahan, mayroon pong mga specific place na kung saan nakakapagtinda nang maayos, nang safe ang ating mga kababayan. But then again, iyong kagustuhan po natin ‘no na to expand our business, hindi naman po dapat ma-sacrifice ang mobility and also sacrifice the safety of other road users.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Hi! Siguro po kay Atty. Vic iyong question ko. Sir Vic, iyong kahapon nag-meeting kayo with stakeholders, katulad po ng mga TNVS, ano po iyong mga issues na ni-raise nila regarding the EDSA Rebuild Program sa MMDA? And mayroon na rin po bang resolusyon iyong sa motorcycle/bike lane na, I think, early this week ay pina-finalize pa po?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Last Monday, nakipagpulong ho kami kasama si Chairman Don Artes, si Asec. Vigor Mendoza ng LTO doon sa mga TNVS – Angkas, Move It, JoyRide, Grab [garbled], pinag-usapan namin iyan, iyong paghahanda sa EDSA Rebuild, iyong NCAP, iyong suhestiyon na magkaroon ng motorcycle lane, shared or exclusive man iyan sa outmost lane ng EDSA, iyong kung saan po nandoon ang bicycle lane. At wala ho talagang magagawa, kailangang alisin iyong mga bollards because of the EDSA Rebuild, aalisin po talaga iyong nasa outermost lane.

So, most of them are supportive. At sabi nila, wala naman talagang magagawa, we have to comply, we have to support kasi ang timeframe na gusto nating maabot, matapos itong EDSA Rebuild is 18 months to 24 months. So, sabi nila, they are supportive. Magbibigay din ho sila ng iba pang suhestiyon, written suggestion and inputs. Very welcome naman po at hiningi po talaga ni chairman sa kanila iyong mga inputs.

And yesterday, ka-meeting naman ho namin iyong mga motorcycle rider groups, iba’t ibang groups, nandoon din ho si Congressman Rodge Gutierrez ng One Rider. So, ang stand ho nila, ayaw ho nila iyong naiipon lamang sila sa isang lane kasi sabi nila, maraming maaapektuhan na mga riders na nasa TNVS, iyong mga nagdi-deliver, so maaapektuhan naman daw po iyong mga hanapbuhay. Pero iyong grupo po nina Sir Atoy Sta. Cruz ng motorcycle association din po, they are in favor of that na may designated exclusive motorcycle lane because they are, sabi nila, hindi natin puwedeng i-compromise ang safety sa bilis para makauwi ka nang maaga. Kasi in three days, sa paglunsad ho natin ng NCAP, nakita naman po natin, trending sa social media na sumusunod ho talaga hindi lang ang mga motorista, iyong mga riders but also the four-wheel vehicles, hindi ho sila sumasakop sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth.

So, both parties po, magbibigay din ho sina Cong. Rodge ng kanilang inputs and iyong mga motorcycle organization groups na hinarap ho namin, magbibigay din ho sila ng inputs and suhestiyon. Pero ang stand ho nila, iyong isang grupo, ayaw nila ng may motorcycle lane, pero iyong isang grupo ng motorcycle riders ay gusto nila because they are pro-safety daw po. So, iyon lang.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: So, ano pong resolusyon doon, sir, sa motorcycle lanes? Come June 13 may exclusive na po ba or wala pa?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Wala pa po kasi hindi pa namin na-meet naman iyong mga bikers and mga mobility groups. So, we will also set a scheduled meeting with them and papakinggan din namin ang kanilang mga suhestiyon, and after that, saka po kani maglalabas ng pinal na desisyon regarding doon sa motorcycle lane, bike lane. Iyon lamang po.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Siguro po kay ano naman, kay Sir Gab. Na-mention ninyo po kasi, sir, iyong mga clearing operations na ginagawa nila. And mostly po ng mga nakausap naming mga motorista na naapektuhan doon nga po sa NCAP and sa odd-even scheme, ang kanilang target sanang daanan ay iyong mga inner roads. Pero ang problema naman nila, siksikan dahil sa mga double parking, iyong mga illegal parking, iyon ang kinakaharap naman po nila. Ano po ang gagawin doon ng MMDA para magamit naman as alternative roads iyong mga inner roads natin?

MR. GABRIEL GO: Tama po kayo ‘no. Actually, the priority or the … iyong use ng ating mga alternative routes is to make travel time faster, to provide mobility sa ating mga motorista. So, that’s why ‘no ang ating mga clearing operations, hindi lang po natin kinu-conduct ito on a certain time. We do not conduct it in the morning or in the afternoon only; tuloy po ito. We have already launched our intensified clearing operations na kung saan simultaneous ang ating pagki-clearing. We have, like in our cases, special operations po, tatlong grupo po ang nag-o-operate sa isang umaga. So, we are already operating several areas in just a single span of timeframe. So, three hours in the morning, we are already operating Manila, San Juan, Mandaluyong, Navotas, Caloocan.

So, iyong simultaneous operations po natin, it helps in alleviating the problem of illegal parking. And aside from that, mayroon po tayong efforts together hindi lang po dito sa ahensiya ng ating … ng Metropolitan Manila Development Authority but also along with our local government units. That’s why mayroon po tayong mga holistic approach that we are trying to use such as iyong pagki-clearing po natin kasama ang lokal na pamahalaan – nandiyan po ang barangay, nandiyan po ang local traffic enforcement. Because, as we all know, these alternate routes, itong mga alternatibong kalsadang ito, iyong mobility po niyan is ano eh, as I said ‘no, to provide faster travelling time. Kung ito po ay magiging a parking lot, an extension of our parking lot, then it would defeat the purpose.

So, that’s why ang ginagawa po natin, we have to come up … we are doing a holistic  approach na kung saan lahat po ng ahensiya ng enforcement, lokal, ang MMDA, barangay ay nagtutulung-tulong po tayo dahil after the clearing operation, it is also the responsibility ng lokal na pamahalaan at ang mga barangay para tulungan po tayo to monitor or, if ever naman po, kung kailangan po to do follow up operations, nandiyan naman po ang ating ahensiya na tuluy-tuloy po ang ating efforts to go about not only Mabuhay Lanes, alternate routes but also mga ibang major thoroughfares po natin.

KENNETH PACIENTE/PTV: Kay Sir Vic po. Hi, sir. Sir, One Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez sought for the suspension nito nga pong NCAP. Isa po sa mga dahilan na sinabi ay iyong unclear lane markings, conflicting road signs, at delayed issuance of notice of violation. May we get your reaction on this, sir? And paano ninyo po tinutugunan ito pong concern na ito?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes po, valid naman po iyong ni-raise ni Cong. Rodge. And kahapon po ay ipinaliwanag ko ho sa kaniya at sinama ko ho siya mismo sa command center at nakita nila iyong proseso ng NCAP. So, nakita ho nila doon na iyong mga kuha ng CCTV namin sa NCAP will pass through a validation. And kinomit [committed] ko ho sa lahat ng motorcycle group na pagdating doon sa mga lanes na malabo dahil nag-a-asphalt overlay ang DPWH or may mga merging lanes, narrow lanes ay hindi ho kami manghuhuli and binilin ho namin sa aming tauhan na nagba-validate ng mga huli ng NCAP na hindi dapat iyan ina-approve.

Since ang NCAP po namin ay may validation process manually na tinitingnan pa rin ng mga personnel namin whether tama iyong pagkaka-capture at ididiretso sa Notice of Violation, in-assure ko po si Cong. Rodge na hindi iyan mangyayari since ang problema naman sa atin, at hindi maiwasan na may mga asphalt overlay at rehab iyong DPWH sa ibang kalsada outside of EDSA. So, we want to be fair and maging patas sa mga motorista na hindi naman ho ito capture lang nang capture since marami ho kaming ini-invalidate at dini-disapprove na mga kuha ng CCTV, lalung-lalong na iyong sa mga emergency vehicles hindi ho namin iyan tinutuloy para magkaroon ng traffic citation.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir Nuñez, good morning po. Sir, may mga panawagan po sa DOTr and then sa MMDA po regarding with the EDSA rebuild po na baka kung puwede ay i-exempt daw po iyong mga senior citizens natin sa odd-even scheme dahil nagri-rely daw po sila sa mga private vehicles when it comes to medical appointments po nila and checkups. Your comment, sir?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes. Although nakita namin sa balita but we haven’t formally received the formal request letter of the congressman of the Senior Citizens Partylist. So, pag-aaralan ho natin ito. Marami na rin ang tumatawag sa amin ng iba’t ibang request for the odd-even scheme so we will study it kasi baka ma-defeat naman po iyong purpose since ang hinahabol nating timeframe para sa EDSA Rebuild is only 18 to 24 months.

Papakinggan ho namin but at the end of the day, it’s the final decision of our chairman kung magga-grant ho siya ng mga exemptions.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Thank you, sir.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Atty. Vic, magandang umaga po. Attorney, para lang magkaroon ng idea iyong mga motorista, magkano po ba iyong penalty sa bawat violation? At kapag hindi na nai-settle iyong penalty, ano hong mangyayari?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes, we’ve released sa social media iyong top 20 common violations – this is a product of the Single Ticketing System. And kapag hindi naman po na-settle iyong kanilang violation, ang MMDA po ay walang surcharge or interest kahit ilang buwan mo iyang hindi mabayaran hindi po nagdadagdag at wala hong interest. So, ang problema mo lang, kapag hindi mo binayaran kapag magri-renew ka ng iyong rehistro ay mag-a-appear doon at hindi mo puwedeng magrehistro ang iyong sasakyan kung hindi mo siya masi-settle.

And kung magbabayad naman sila, marami na ho tayong online payment partners iyong mga portals even GCash, PayMaya, Bayad Centers, or sa Landbank puwede na ho silang mag-settle doon and they don’t need to go to MMDA para i-settle iyong mga fines ng kanilang traffic violation.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: Anyway, lilipat lang ako ‘no from NCAP. I have it on very deep and serious news information from San Miguel Corporation Tollways that they have very, very grave reservations about proposition na ilibre iyong toll fees doon sa Stage 3 ng Skyway nila. Have you been communicating with sina RSA, with San Miguel Corporation? Have they expressed this apprehension kasi malaki iyong concern nila number one is the amount of money that they will be losing a day that’s about a 150 million; number two is baka mag-ipon iyong mga sasakyan, mag-traffic sa elevated highway hindi tayo sigurado kung kakayanin ng elevated highway iyong load na iyon; number three, is the security and the maintenance that will again pileup the cost onto San Miguel Corporation? May pinag-usapan na ba kayo doon?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Actually, po ang lead agency na nakikipag-usap sa San Miguel Corp. is DOTr and TRB under Sec.  Vince Dizon. Hindi po parte ang MMDA doon sa pakikipag-usap sa kanila. But rest assured, sinabi naman po ni Secretary Vince Dizon during the Senate hearing with Senator Raffy Tulfo, nandoon po iyong San Miguel representative ng Skyway and mukhang positive naman po iyong kanilang response during the Senate hearing. Iyon lamang po.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: Balik lang ako doon sa NCAP. Ewan ko kung natanong na pero iyong apprehension na there are some plate number endings that may end up using their cars only one day a week because compound iyong ano…

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Hindi po. Ang odd-even scheme will be implemented sa EDSA, hindi po kasama diyan iyong Coding na 1, 2, 3, 4. Outside EDSA, iyon pong existing coding ang ipapatupad iyong UVVRP iyong 1, 2, 3, 4 every Monday hanggang Friday lamang. Pero, ang odd-even po, sa EDSA lamang ito ipapatupad, Monday to Saturday. Iyon lamang po.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: Iyon nga iyon eh but it compounds because if for example, I’m number three – bawal ako sa EDSA ng M-W-F, hindi rin ako pupuwedeng gumalaw ng Tuesdays anywhere else within Metro Manila except during window hours – that leaves me one day to use my car in five days.

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Well, iyong coding po kasi iyong UVVRP natin, ini-implement lang natin iyon from 7:00 to 10:00 A.M. and from 5:00 P.M. to 8:00 P.M. – so, during rush hour lamang ito. And kung tulad niyan number three ka, lalabas ka ng Tuesday – better go out early or magpalipas ka after ng 10:00 A.M because may window naman tayo from 10:00 A.M. to 5:00 P.M.

So, I think everybody must also give their share at magsakripisyo during the EDSA rehab/rebuild na 18 to24 months kasi kung everybody will just ask for exemption, sasabihing ito lang ang araw na hindi ko magagamit – we can make use of the window hour 10:00 A.M. to 5:00 P.M. would be enough na window para naman makalabas sila. Iyon lamang, sir.

EDEN SANTOS/NET 25: Sir, good morning po. I-clarify lang namin iyon po bang mga media-marked vehicles ay kasama po doon sa ipinapatupad na odd-even? Sa EDSA lang naman po iyon ‘di ba?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Ever since naman po ang media-marked vehicles are given courtesy ng aming ahensiya. Lahat naman po iyan ever since sa coding hindi ho namin iyan hinuhuli basta mga marked vehicles. Ang mahirap lamang po, marami tayong namu-monitor na mga private vehicles may one-page na naka-print na MEDIA gusto na po magpalusot. Alam naman natin iyan sa mga kasamahan natin, sana huwag naman po i-abuse iyong kortesiya at benepisyong binibigay natin sa ating mga media partners.

Rest assured po na iyong mga marked media vehicles will still be exempted just like iyong nangyayari ngayon sa ating UVVRP program.

EDEN SANTOS/NET 25: Pero, hindi po sila ligtas doon sa mga violations sa NCAP?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Huwag naman po sila sumalubong sa one-way, huwag naman pong mag-beating the red light. Iyon nga po iyong pakiusap namin because this courtesy, itong pribilehiyong ibinibigay natin sa mga kababayan natin, sa mga emergency vehicles, media vehicles – sana naman po ay huwag naman pong abusuhin. Iyon lamang po.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Atty. Nuñez, sir, may mga enterprising motorcycle riders, nakikita natin nilalagyan ng facemask iyong mga plaka nila, obviously effort to evade apprehension. What are we doing about this?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes, sir. Kanina po nagpalabas na kami ng memo sa lahat ng aming field personnel because violation po iyan ng traffic code at ang multa po niyan is 5,000. Baka po hindi alam ng ating mga kababayan na ang multa po niyan ay mahal. Marami kaming na-monitor sa CCTV na nilagyan ng electrical tape, nilagyan ng masking tape.

So, we admire the Filipino ingenuity pero I am warning them na ang penalty for this is 5,000 baka po magulat sila.

So, pinakalat na po namin iyan. Marami ho ang nagpapadala sa amin even kay Chairman Artes ng mga pictures and videos na may mga ginagawa silang kung anu-ano para makaiwas. So, ibig sabihin po nito, gusto talaga nilang mag-violate that’s why natatakot sila kaya kung anu-anong nilalagay sa kanilang mga plaka. But, bawal ho iyon at ang fine po doon is 5,000.

MARICAR SARGAN/BRIGADA NEWS: Sir, good morning. May panawagan po iyong Scamwatch na i-integrate daw po iyong NCAP violation, verification sa eGov to avoid online fraud and nakalipas lang pong araw, may mga link na lumabas kung papaano daw po i-verify kung mayroong violation. Any update po dito?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes, we just had a meeting yesterday with DICT and iyon po ang issues na napag-usapan. Rest assured po, we will inform the public kung anuman po iyong mga developments doon sa isyu na iyan and we are continuously coordinating with DICT para mas mapaganda nga po iyong ating sistema and this would be a whole of a government approach. Thank you.

MARICAR SARGAN/BRIGADA NEWS: [off mic.]

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Hindi pa, pero nagkaroon na ng formal meeting yesterday and every ano naman po, may meeting talaga kami with DICT. So, it was raised yesterday during the meeting.

TUESDAY NIU/DZBB: Attorney, hello po. Nabanggit po ninyo kanina na iyong odd-even, may window hour naman from 10 AM to 5 PM. Ang tanong po…

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Iyong coding po iyan ngayon, UVVRP. Iyong odd-even po kasi sa EDSA lang iyan.

TUESDAY NIU/DZBB: Ang tanong po is naka-synchronize na ba iyong traffic policy system ng lahat ng lungsod dito sa Metro Manila? Kumbaga halimbawa sabi ninyo 10AM to 5PM, sa Makati ba ganoon din, may window hour sila sa ganoong oras para hindi rin naman maipit iyong motorista bandang Makati kung doon siya manggagaling at dadaan doon sa ibang cities?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes, with our single ticketing system, halos po lahat naman ay sumunod na diyan and uniform na iyong aming fines and penalties and napalakas pa rin po iyan ng Supreme Court decision noon sa ALTODAP case wherein ang desisyon po nila pagdating po sa Metro Manila, it’s only the MMDA will have a say pagdating sa traffic laws at may mga LGUs na rin po ngayon na ino-honor iyong decision at nagpapa-deputize na po sa MMDA.

Since, may mga LGUs po kasi na nag-MR (motion for reconsideration) doon sa desisyon ng Supreme Court, kaya ilang LGUs iyong nag-file ng MR na hindi pa sumusunod at hindi pa po nagpa-deputize sa amin.

TUESDAY NIU/DZBB: So, talagang hindi sila makakaiwas sa ganoong sistema doon sa LGU na iyon, kung saan man iyan?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes po, for now, because we are awaiting for the resolution ng kanilang MR and hopefully mailabas na rin para at least alam na nila na pagdating sa Metro Manila, it’s only MMDA ang may jurisdiction pagdating po sa traffic laws and regulations para maging uniform na po talaga lahat.

EDEN SANTOS/UNTV: Sir, kasi alam naman natin na iyong mga kababayan natin, talagang may mga pasaway, ‘di ho ba. Talagang hindi tumitigil sa pagpapa-park sa kanilang labas ng bahay o kaya sa kalsada. Wala po ba tayong plano for long-term solution nitong ganitong problema, buhayin ulit iyong panukalang batas na iyong ‘no garage, no car’ policy para ang mga bibili po ng sasakyan tiyak na mayroong paglalagyan o mayroon silang garahe? Kasi po marami ngayon, bumibili ng sasakyan dahil mura nga, kung saan-saan naman nila pina-park na nagiging cause po ng pakikipag-away ninyo, ng inyong mga tauhan na nagkakamurahan, nagkakademandahan, nagkakasakitan ng loob, ‘di ho ba? Iyon pong long-term solution, ano po yung plano natin tungkol dito?

MR. GABRIEL GO: Well, marami tayong mga long-term solutions that we are looking into ‘no. But iyon nga po eh, this should be a whole government approach, hindi lang po ito, kumbaga magiging shoulder ng isang ahensiya because, case in point, mga barangay roads, mga inner roads, secondary roads, these are all within—yes, the MMDA has the Supreme Court ruling on it,  we have the responsibility or jurisdiction sa buong Kamaynilaan but then again, nandiyan po ang mga katuwang nating mga local traffic enforcement, ang barangay, ang lokal na pamahalaan na kung saan, we have to come-up with a holistic  approach na kung saan, mabibigyan din natin ng tamang serbisyo ang ating mga kababayan.

So, like what you said, ample parking spaces, ito po ay open naman po ang aming ahensiya sa mga suhestiyon ng ating mga lokal na pamahalaan, probably, mayroon po tayong mga certain, for example, baka integrated or common parking spaces na kung saan puwede nating gamitin at makapaghatid tayo, as I said, public service to the people na alam naman po natin may kakulangan sa espasyo when it comes to parking.

And correct, napakamura po ng mga sasakyan. Anytime of the day, marami po sa ating mga kababayan puwede pong bumili. But then again, it all narrows down. Long-term solutions are always there, however with the current situation ng ating environment, ng ating developing roads we have to come up with the immediate action. So, ang immediate actions po natin dito is—don’t get us wrong na hinuhuli lamang namin kayo nang hinuhuli. We are not in the business of apprehending. Wala po tayo diyan, ang gusto po natin, if you have a violation, yes you have to be apprehended, there is a penalty, but again, we also have to tackle the behavioral aspect of our violators.

Kaya po ang ating mga clearing operations, iyong mga paghuhuli po natin, hindi po natin nililimitahan ang sarili po natin, ng ating mga enforcers na may violation ka, ticket ka na lang, and you can move forward, hindi po ganoon.

Now, we have to also tackle iyong reeducating people, reeducating our motorists and somehow para magkaroon po tayo ng sensitive nature and consideration also to the other public or to the other people using the road.

Well, it is also, sa Congress na po ang magsasaad po niyan kung ito po ay bubuhayin natin. But rest assured naman po, marami pong mga mitigation factors and ways that we are looking into.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: For Atty. Vic po. Hi, sir, can you tell us more about the ilo-launch na app ng MMDA to monitor the violations of NCAP?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes po, thank you for raising that up. Within a week or two, maglalabas po kami ng bagong app na parang May Huli Ka.com.  But now, mayroon na po siyang one-time password. Hindi po tulad ng dati na kahit sino, basta alam mo iyong plate number, you can just type and search; that would be a violative of the Data Privacy Act.

So, now, during the meeting with the telco company last Monday, nandoon si Sir Ira na-witness niya kung paano namin gagawin, will ensure the public na ang puwede lang pong mag-search o mag-inquire is the registered owner of the vehicle and may one-time password siya para hindi naman po ma-abuse at hindi natin ma-violate and Data Privacy Law. That’s it.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: May limit po ba kung ilang vehicles po iyong puwedeng i-register with the App or basta lang po, as long as, it’s the same owner, iyon po ang lalabas doon sa app?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Kung mayroon ka pong limang sasakyan, nakarehistro sa iyo, then you can inquire for your five vehicles sa app.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Follow-up lang po, related din po sa NCAP. Is it possible po ba na iyong bike lane is maging shared lane so that motorcycle users can pass through it, if ever po na sobrang trapik na po, for example like EDSA or sa other parts po ng Metro Manila?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes, isa po iyan sa mga posibilidad na na-raise. But then, sabi ko nga po kanina, we cannot see a final decision since we haven’t met with the mobility and bikers’ group. After that, saka lang po kami magkakaroon ng pinal na desisyon regarding that.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Last na lang po, sir. Our office is near the Buendia po, so with regards to the bus terminals in Taft, allowed pa rin po ba silang mag-operate over there considering that we have terminals like PITX?

ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ:  Yes, sir. Actually, I just came from a meeting, nag-host po ang MMDA sa 17 LGUs, iyong mga traffic heads ng 17 LGUs ng NCR just this 9 0’clock and iyong isyu na iyan, we’ve raised that along Buendia-Taft, so rest assured that we will find a solution there, puwede kaming maglagay din ng additional CCTVs to monitor para mas madaling makuha iyong mga nagba-violate na mga Public Utility Vehicles, lalung-lalo na iyong mga nag-i-standby in that area, sir. Thank you po.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Attorney, tungkol doon sa e-vehicle, paano iyong liability nila, kasi wala naman silang lisensiya, wala naman silang rehistro sa pagkakaalam ko – mayroon ba?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Mayroon po, actually, ang hybrid and e-vehicles mayroon ho silang kakaibang plaka, iyong color green. So, mas madali ho naming ma-detect iyong exemption nila because they have a distinct plate now. All hybrid and e-vehicles nirirehistro pa rin ho iyan and ang kakaiba lang ho is their plate, distinct po iyong plate nila kaya madali rin naming malaman kung exempt sila sa coding or odd even scheme.

ALVIN BALTAZAR/ RADYO PILIPINAS: Ang tinutukoy ko, baka nagkakamali din ako attorney, iyong parang trike na e-vehicle?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: E-trikes/e-bikes. Actually, tuluy-tuloy po ang pag-operate namin diyan sa mga major thoroughfares kasi mayroon hong ano iyan, DILG resolution and MMDA resolution din, prohibiting them from plying major thoroughfares kasi marami tayong napanood dati nasa skyway nga, nasa expressway, e-trikes. So, patuloy pa rin ho nating ina-apprehend iyan at hindi rin ho iyan kasama doon sa EVIDA (Electric Vehicle Industry Development Act) Law na exempt sa coding kasi ang nasa EVIDA Law ay ang 4-wheels lamang po.

ALVIN BALTAZAR/ RADYO PILIPINAS: Ano ba ang parusa sa kanila?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Ini-impound po kapag walang lisensiya.

ALVIN BALTAZAR/ RADYO PILIPINAS:  Kasi iyong sa e-trike talaga alam natin walang lisensiya at rehistro, sir, eh. Magkano iyong ano kapag gusto nilang i-recover?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Separate po iyong towing fee, separate din iyong penalty for the violation ng MMDA resolution prohibiting e-Trikes, tricycles from plying major roads in Metro Manila.

ALVIN BALTAZAR/ RADYO PILIPINAS: Salamat po, Attorney.

PCO ASEC. VILLARAMA: Gilbert Perdez, DWIZ.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po attorney. Nabanggit ninyo po kanina iyong maglulunsad kayo ng mayhulika.com na website at puwedeng i-verify doon ng mga owner kung kanilang—kung mayroon silang huli po. Pero nabanggit ninyo po na iyong owner lang, iyong registered owner lang iyong puwedeng mag-verify, paano po iyong mga nagmamay-ari ng mga—iyong mga third owners na nawalan ng contact doon sa unang, iyong pinaka-may-ari talaga ng sasakyan? Paano ho iyon iko-contest ho iyon, eh may huli na siya?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: That’s the solution, ipa-rehistro nila iyong kanilang mga sasakyan, because there’s a new law na nagsasabi na dapat iyong mga second vehicles, must be registered within 20 days from the issuance of the deed of absolute sale. Masyado nang na-abuse iyan, maraming nauso dito na open deed of sale, kasi parang mas mahal ang resale value. But now with this, they’ll be forced to register of vehicles, kasi otherwise magko-compile.

And another thing, magkakaroon din kami ng MOA with LTO, iyong notice of violation po na ipapadala sa mga nag-violate ng NCAP, naka-copy furnish na po ang office of the LTO chief para alam din nila, lalung-lalo na iyong mabibigyan ng mga show cause ng LTO; so, in a few days magkakaroon ho kami ng MOA with that.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Pero kung halimbawa po may—iko-contest po ng violator po iyong ano, eh wala na siyang chance ng i-contest kasi nandoon na po sa ano?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: No. Puwede niya pa ring i-contest kasi may link pa rin siya at puwede siyang mag—malalaman niya lang na may huli siya kapag nagparehistro siya after a year. So, kung hindi na-transfer at hindi niya nakilala kung sino ang pinakaunang owner noon, eh talagang he has no chance but to register it na kasi wala talaga siyang means para maka-inquire, kasi ang mag-a-appear pa rin sa database namin is the original owner na nakarehistro sa LTO. So that would be, I think, a deterrent din na iyong nagpapalipas ng matagal na panahon bago magparehistro, may batas na po iyan na dapat within 20 days ay i-rehistro iyong mga second hand vehicles.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Thank you po

PCO ASEC. VILLARAMA: Last question, Ira Panganiban, DZRJ.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: Sir, two questions iyong una pinatatanong sa akin ni Attorney Consunji, iyon nga iyong mga notice of violations issued pre-TRO noong August 22 sa LTO, mayroon pa ba? Kung hindi pa delivered, when does the MMDA NOV (Metro Manila Development Authority Notice of Violation) prescribe?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Well, iyong during the time of the TRO it won’t have any effect po, kasi naka-TRO nga ho kami, hold po iyon. But prior TRO, they have to settle that, kasi valid pa po iyon.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: Hanggang ngayon?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes. So, from the time lang noong 2022 na nailabas iyong TRO, only then that hindi naman iyan magiging valid at walang—it wouldn’t have any effect, but from last Monday start na po iyan and iyong a day before kami na-TRO that would still be valid and kailangan i-settle at mag-a-appear pa rin iyan sa database ng LTO.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: At sa good news na tanong ko, may good news. Kasi, noong Monday when I met with you guys, kasalubong ko iyong mga telco people – Globe people and the Smart people. You were explaining that aside from that website, where we will text and we will figure out, we will be sent text messages kung nakarehistro iyong telepono namin doon sa registration namin with the MMDA?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes.

IRA PANGANIBAN/DZRJ: Will this happen, when will this happen and how quick will the text message arrive once we violate some law on EDSA?

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Yes po, we’ll work on it double time since nandoon naman kayo, nakipag-coordinate kami sa LTO, it will now be mandatory kapag nagrehistro ulit kayo, nag-renew kayo ng rehistro na magbigay ng phone number and email add. So, that kapag nagkaroon kayo ng violation at tsinek namin sa database, a-appear ang registered owner, email add and the phone number. Then, within one hour you can receive a text message and we can send you the clip kung paano kayo nag-violate ng particular traffic violation sa inyong email add. So, we’re working it out and we’re very happy na very cooperative po sa amin ang LTO and iyong mga telco companies to help us para mas maging mabilis ang pag-send namin ng notification sa mga lumabag ng traffic violation sa NCAP.

PCO ASEC. VILLARAMA: All right, maraming salamat po Attorney Victor Maria Nuñez, at Mr. Gabriel Go ng MMDA, thank you very much po.

MMDA ATTY. VICTOR MARIA NUÑEZ: Thank you very much, magandang umaga po.

PCO ASEC. VILLARAMA: At bago tayo magtapos, mayroon pa rin tayong good news: Ngayon ang ikatlong taon ng ‘Tara Basa’ tutoring program ng DSWD na nagsimula nitong May 19, 2025. Ang ating mga college student tutors ay dumaan sa komprehensibong pagsasanay bago ma-deploy para matiyak na handa silang maturuan ang mga batang hirap bumasa. Nasa 138,000 individuals na binubuo ng mga estudyante sa kolehiyo, mga incoming Grade 2 learners at kanilang mga magulang o guardians ang inaasahang makikinabang sa programang ito. Ito po ay isa lamang sa napakaraming hakbang ng ating pamahalaan upang matugunan ang mababang literacy and comprehension rate ng Pilipinas. Asahan po natin na patuloy na tutugunan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang anumang kakulangang pang-edukasyon. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO ASEC. VILLARAMA: At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

 

###