PCO SEC. RUIZ: Hello! Good morning everybody. To the Malacañang Press Corps, magandang umaga po sa inyong lahat.
I would like to announce that we have currently… inayos po natin iyong appointment sa PTV-4. We have accepted the courtesy resignation of former General Manager Toby Nebrida and we already talked to former Executive Secretary Manong Oca Orbos to be his replacement as OIC in the state-run/owned PTV-4. He’s going to be the general manager of PTV-4 as OIC. The papers are in the process and we are expecting a smooth transition in PTV-4.
That’s my announcement for today and, you guys have any questions? Alvin…
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, good morning. Secretary, may mga lumalabas na information regarding doon sa Digi8, iyong anggulo ng mayroong interest, conflict of interest. Would you like to clarify those things na lumabas and nakuha ba iyong side ninyo doon sa story na iyon?
PCO SEC. RUIZ: Okay. Let me clarify that story. Actually, I did not want to dignify the story ‘no kasi it’s fake news. It’s fake news. Unang-una, I don’t own a share; I’m not a stockholder; I am not an owner of Digital 8. I was an authorized representative, to represent the company in the joint venture agreement between IBC-13, Digi8 and PCSO. I never owned that company.
So, parang ginawa lang nila as representative dahil may kaunting pangalan naman tayo, ginawa akong parang spokesperson ng kumpanya – head ng sales and marketing noong October 2024. And in January 17, dahil nga may mga iba naman na akong inaayos na negosyo, ako po’y nag-resign sa kumpanya. I never owned a single share of Digital 8, so maliwanag po iyan.
Ang ikinalulungkot ko lang dito po ay, alam mo, napakabigat po ng akusasyon. Ito nga iyon eh, nandito siya o. Sabing ganoon dito, parang tumama sa Lotto – “Jay Ruiz company bags 206 million contracts from PCSO.” Walang byline, walang pangalan kung sino sumulat nito ‘di ba – online site, walang pangalan. Iba pa, may mga nag-carry pa ng iba.
Alam ninyo po, isa sa mga dahilan kung bakit ako pumayag na maging Presidential Communications Office Secretary ay upang labanan ang fake news. It was actually my topic during the flag-raising ceremony that was held yesterday. One of the fight of this government and in the BBM administration and in my term as PCO, one of my programs is to fight fake news – not knowing na ako pala mismo ang magiging biktima ng fake news.
Sinabihan… ito, can you imagine? Two hundred six million – paparatangan ka ng ganiyan na hindi ka man lang kunan ng panig, na hindi ka man lang tawagan! PCO Secretary ako po, nandito lang ako. Iyong nagsulat nito kung sinuman or kung sinuman iyong may-ari – kilala ko naman, si dating Undersecretary Ray Marfil, nakasama ko siya sa Senate. Kilala ko rin naman si Gil Cabacungan na nakasama ko rin sa House.
Sa journalism, basic po iyong kukunan ka ng dalawang panig – tama ho ba? Hindi, tama ho ba? Tama ‘di ba? Kapag hindi mo kinunan iyong isang panig, ano iyon? Balanse ba iyon? Balanse ba iyon? Hindi, ‘di ba? Isa lang panig ang pinakinggan mo eh. Unang-una, wala ngang dokumento iyong istorya. In the story it says I was an authorized representative—even the document said it. So, all you have to do is easy – tingnan mo sinong may-ari, malalaman kung sino ang tunay na may-ari noon.
So, ngayon nakapagtataka naman na ngayong gumagawa tayo ng mga reporma, na ngayon gumagawa tayo ng mga pagbabago. On my 8th day ha, 8th day may ganito nang istoryang lumalabas. Ano ito demolition job? Fake news ba ito? Ano ang dahilan?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, iyon sana ipa-follow up ko eh. Sa inyo na rin nanggaling, anong nakikita ninyong motibo doon sa mga allegations against you?
PCO SEC. RUIZ: Alam mo, Alvin, marami akong nakikitang dahilan – siguro dalawa/tatlo. Mayroon kasing mga mangyayari dito na kinakailangan kong gawin. Mayroong balasahan na mangyayari, may mga… ang utos ng Executive Secretary – lahat, from Director up, kailangan magsumite ng courtesy resignations. I don’t know kung bakit… I don’t know—mayroon akong slight na siguro kung bakit nila ginagawa ito, ano.
Pero ang pakiusap ko lang, sana naman kunan naman ang panig ko, sana naman… the greater the accusation, the greater the fact-checking and make sure that you ask the person that’s being accused. Isipin mo ito partner ha, masakit na kakilala ko pa, sa mga kakilala ko pa galing na akala ko’y mga kaibigan ko. Pero iyong greater impact nito and consequence – ako okay lang, batuhan ninyo ako ng putik, kasama sa trabaho iyan. Pero ang hindi ko inaakalang mangyayari na doon ako medyo tinamaan, iyong mommy ko 78 years old, may heart disease, na-high blood kahapon. Sabi, “Anak, ano ito?” “Ma, hindi po totoo iyan.”
But remember, a lie told a thousand times drowns out the truth. So, unang-una, ayoko sanang i-dignify kasi nga fake news eh. It will give them a sense of credibility by answering this fake news. By answering, binibigyan ng dahilan, nagkakaroon pa ng sense ng credibility. So ayoko sanang patulan, wala naman sigurong magpi-pickup niyan! Pero nagulat ako, pinatulan ng iba iyong istorya!
I’m not blaming anybody here. Pero sana naman mag-research, tumingin sa dokumento at—kasi una, iyong consequence sa family ko – mom ko hinay-blood, kapatid ko; pangalawa, recently may mga kidnappings ‘di ba, may mga anak ako na wala namang bodyguard iyan. Sasabihin ninyo may 206 million na kinita dito, wala naman. So, naging target pa ngayon kami ng mga masasamang loob. Huwag naman ganoon! Isang tawag lang naman ako eh, isang tawag lang naman ako eh.
Ang dami kong kakilala, common friends na nandoon. In fact, isa nga diyan si Benjie eh, Benjie Liwanag. I asked him two days ago, “Pare, gusto mo ba maging assistant sec…”—nagtatrabaho siya sa Abante, radio operations – we’re close. Sabi ko, “Pare, gusto mo ba? Ikaw naman, pinagkakatiwalaan kita. Baka naman puwedeng dito ka…” ‘di ba. “Usap tayo, mayroon akong iaalok sa iyo na trabaho.” Sabi niya—“Pero tandaan mo, presidential appointee ito, pare ha, kapag umalis ako, magpa-file din ako ng courtesy resignation, lahat tayo.” Ganoon lang iyon, sabi ko.
Sabi niya, “Pare, okay na ako dito. Stable na.” “O sige, tulungan na lang tayo. Kita tayo minsan.” He’s a friend, he works for the publication. Kunin lang sana iyong side ko – iyon lang naman ang gusto ko sanang nangyari dito para hindi na nagkaroon ng pagkakalituhan or misinformation or iyong fake news binigyang-halaga.
I was contemplating on, siyempre iyong una mong reaction ‘di ba, file a legal action against these purveyors of fake news. Pero noong naitulog ko naisip ko baka naman lalo lang tayong ma-distract, ma-distract tayo sa focus na ano ang kinakailangang gawin bilang Presidential Communications Office.
The number one fight of our generation is fake news. I call on us people from the traditional media, sama-sama po nating labanan ang fake news – sumusobra na eh. It’s becoming a very toxic environment na kung saan wala nang rules – murahin mo dito, akusahan mo si ganito na kahit hindi totoo nalulunod ang katotohanan. The voice of truth should be louder than lies. We should be guardians of truth.
Ayaw natin na lumaki ang mga anak natin na puro kasinungalingan, hate speech at kung anu-ano pa, toxicity on the internet na nagri-reflect ngayon sa tunay na buhay kasi dalawa na nga iyong mundo eh – the cyber world and the real world. Iyong cyber world toxicity napupunta rin sa real world toxicity so it’s causing divisiveness, it’s causing many things including hatred.
So, ang akin lang kung may mga ganitong akusasyon, please mag-research po tayo, kausapin natin, ipaliwanag natin. I really did not want to dignify the story but since too many people are asking what’s this and of course I also have responsibility towards my own family. Kasi iyong anak ko si Enzo sabi niya sa akin, “Dad, is it true you made 200 million pesos? Where is it?” Sabi ko, “Anak, hindi iyan totoo. Kung may 200 million tayo bakit pa tayo magtatrabaho dito?” Although ang dami pang tumawag sa mga kaibigan ko sabi nila, “Jay, pabalato naman may 200 ka pala diyan.” ‘Di ba, tapos iyon nga pati asawa ko tuloy hinahanap iyong 200 million na iyan. Wala po, wala pong ganiyang nangyari. At saka iyon nga po, iyong implication sa mental health, sa mga mahal ko sa buhay at iyong implication ng security para sa aking mga mahal sa buhay. Now, I requested for security – for myself and for my family because of this fake news that turned out of hand na. Even Senate President which was fed wrong information also reacted to it.
Kasi ang sinasabi nila ako raw ang may-ari ng Digi8 – hindi nga ko ang may-ari niyan. I have another company na magda-divest ako – it’s a political management firm na doon malamang may conflict of interest kaya doon ako magda-divest. Mayroon din po akong restaurants. Nagsimula po ako sorbetero, alam ni Alvin iyan. Reporter pa lang ako nagbibenta na po ako ng sorbetes – ice cream house po ang tawag diyan. Nagsimula rin ako magbenta ng gulay – buy and sell, hanggang mag-buy and sell ako ng condominium, townhouse hanggang sa maging bahay-bahay na. So, ito po malinis ang pinanggalingan nito; dugo’t pawis po ang pinanggalingan nito walang halong iligal.
So, kailangan kong ipaliwanag ito na noong nakuha akong PCO Secretary kahit papaano naman may kaya na po kami. Ano bang gusto nila? Dapat ba tambay ang maging susunod…dapat ba walang trabaho sa gobyerno o kung saan man? Doon ba dapat manggaling ang PCO Secretary? ‘Di ba may pinanggalingan din ako but as a private citizen.
When I was working as a reporter for ABS-CBN ay sinasabay ko iyon – nagtitinda ako ng sorbetes, nagtitinda ako ng gulay, lahat ginawa ko pero dahil sa pagsisikap ito. So, kapag dinudungisan ninyo ang pangalan ko ng ganito masakit dahil siyempre may mga kapitbahay ako eh, may reputasyon akong inaalagaan eh ‘di ba? Ano na lang ang sasabihin, magsisimba ka nakatingin sa iyo lahat ng tao, “Oh, kumita ka pala ng 200 million,” huwag ganoon! Ni hindi man ako kinunan ng side eh.
Ang masakit nito tumatawag…baliktad ‘di ba, you accused someone…ito may istorya, “Sir Jay, may istorya,” or Jay na lang, “Jay, may istorya, kumita ka raw ng dalawang daang milyon.” At least tawagan mo lang, balance ‘di ba, fair reporting – hindi nangyari iyan eh. O ngayon baliktad, ako pa ngayon ang tumatawag, hindi naman ako sinagot. So, ano ito? Bakit anong dahilan? Ano ang motivation?
We are trying to streamline, which is also an order from the Executive Secretary, to come up with better processes in Presidential Communications Office kasi ang dami ring leaks, ang daming duplication of offices at maraming dapat kailangang baguhin.
Eighth day ko pa lang. Hindi naman ako nagbago, si Jay pa rin ito. Titulo, hindi naman mahalaga sa akin iyan kasi bumagsak na ako minsan eh, naranasan ko na iyong dapang-dapa ako eh. So, alam ko na ngayon una, sino iyong totoo mong kaibigan; pangalawa, kapag desperado ka – alam ko na iyong pakiramdam ng desperado. So, sa akin hindi na mahalaga. Sa puntong ito ang mahalaga lang sa akin, una, oras – kasi ang oras hindi nabibili iyan ‘di ba? Pera kinikita, oras hindi. Ito nga binalanse ko nga eh kasi nawalan na ako ng oras sa pamilya ko eh.
So as you grow older, the most important commodity becomes time. So, I want to make this work. This is my second chance to serve our country. First, I worked as a broadcast journalist. Ang slogan nga namin noon, ‘In the service of the Filipino’ di ba, I deal pa.
So, I was called, I answered the call to help in government – iyon lang po iyon. Wala po akong…wala! Gusto ko lang kahit papaano—iyong eskuwelahan ng anak ko dati sabi, tinuturo ng directress doon, kaya po nating baguhin ang mundo, kayang baguhin ang mundo, kaya nating baguhin ang Pilipinas. Minsan nadi-disillusion ka – wala na iyan, wala na, hindi na mababago iyan, sistema na iyan – kultura ng talangka, pang-iintriga, paninira, lahat na.
Pero naniniwala ako sa edad kong ito kaya pa nating magbago, kaya nating magsama-sama, kaya pa nating magkaroon ng iisang boses dahil ang gusto naman natin as PCO – tatlo po ang programa ng PCO – labanan ang fake news; pangalawa, government communication para sa tao; at pangatlo, people-centered communication, kailangan ang gobyerno ay nararamdaman ng taumbayan – iyon po ang aking mandate as PCO Secretary.
PCO ASEC. DE VERA: Sir, next question, Kris Jose of Remate.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, with this, iyong sinasabi nga po ninyong implication sa family, nagkaroon na ng—parang na-damage na iyong pangalan ninyo and iyon nga pati iyong mga anak.
PCO SEC. RUIZ: Hindi. Alam mo, hindi naman na-damage kasi wala naman masyadong naniniwala. Pero siyempre may mga iba na baka maniwala, kaya tinutuwid ko ito. Alam mo mahalaga ang honor at integrity para sa amin. Hindi naman para lang sa akin iyon ‘di ba? Kasi iyong dala kong pangalan, dalang pangalan ng nanay ko, tatay ko, pinundar nila iyon eh. Tapos, iyong mga anak ko, di ba? This should be a moment of joy and honor for my family. This shouldn’t be a moment of shame, no! It’s the other way around, I was called to serve and I answered that call, tapos ngayon babatuhin ako ng ganitong putik? Mula sa mga taong kakilala ko pa, na alam naman natin dapat balanse ang istorya ‘di ba?
KRIS JOSE/REMATE: Sir, sumagi po ba sa isip ninyo na parang nagsisi kayo na tinanggap ninyo iyong posisyon?
PCO SEC. RUIZ: Walang pagsisisi, walang pagsisisi. Ako po ay nandito para magsilbi – to serve our people, iyon lang. totoo po iyan, wala naman akong—ano ang makukuha ko dito? Pagpasok ko dito ang unang gagawin, reform, streamline, eh di magkakaroon ka ng maraming kaaway, iyong mga mawawalan ng posisyon, iyong mga maapektuhan. Mahirap! Tinanong nga ako, kaya mo ba, Jay? Inisip ko, gusto ko ba ito? Nananahimik ako eh, I live a stress-free life already. Then I was focused on the business.
By the way, I also have dalawang restaurant, isa sa Katipunan and one in Congress, okay. Iyong sa Congress is a yearly contract, iyong contract ay–inimbitahan kami, kasi noong ako ay private citizen ng wife ko, we had this goal to promote, propagate Filipino culture, arts, music and movies not only in the Philippines but in the whole world. We believe that the Filipinos are world class,
So iyan gumawa kami ng mga exhibits sa art, gumawa kami ng exhibit sa—nag-produce kami ng books, gumawa kami ng kanta, lahat ng gusto naming gawin, dahil mayroon naman at ini-exhibit namin iyan, pati pagkain, kasi ginagaya namin iyong nangyari sa South Korea eh, ‘di ba, dati South Korea, hindi naman ganoon kasikat, pero ngayon we reach, we watch their movies, we listen to their music, we eat their food and we dress their fashion. We are turning Korean, iyon ang problema ‘di ba?
But we’re not Koreans? We have to be Filipinos, iyon iyong aming advocacy, nagustuhan nila. Sabi sa akin ‘Jay, tama ka eh, instead na ipakain natin dito or ipainom natin Starbucks coffee, eh bakit hindi na lang Filipino coffee?’ Doon nila nagustuhan iyong concept na ipagmalaki natin ang sariling atin, iyon ang concept noon, iyong Sentro Artista. Iyon iyong dahilan kung bakit naitayo iyong restaurant na iyon, naitayo diyan sa Congress, naitayo dito sa Arton Strip at pati na rin iyong art gallery.
Kapag titingnan ninyo iyong mga art naman doon, hindi naman ganoon kamahalan, hindi naman iyong mga art na may national artist, hindi. It’s a platform for new artist where they can exhibit their art. Iyon ‘yun, kasi baka mamaya, pati iyan madamay!
Ano pa ba ang mayroon ako? Mayroon din po akong leasing company, sabi ko nga sa inyo, nagsimula po ako sa namimili ng condominium, pinapaayos, binibenta after, pini-flip kumbaga. So, ito po galing po lahat, dugo’t pawis namin ng asawa and ayaw ko mahalo eh, kasi ito pinaghirapan natin eh, ‘di ba? Baka sabihin, ‘kaya pala maraming naitayong bahay or what,’ baka kasi madamay! Mali po ako kaya talagang iniingatan ko ito. I also owe it to my family. Sabi kasi nila ‘Jay, huwag ka ng mag—okay na iyong statement natin. Naipaliwanag mo na.’ Hindi, hindi!
Sa Japan, kapag nasira iyong honor mo, ipinaglalaban mo iyon hanggang kamatayan, minsan nagpapakamatay ang mga hapon para sa kanilang honor sa kanilang pangalan, ‘di ba? So ang akin, ipaglalaban ko rin. Alangan namang hindi na ako magsalita, then maipapanalo iyong mga fake news.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, last na lang po. Tama po ba iyong understanding ko na nakarating na po kay Presidente iyong isyu?
PCO SEC. RUIZ: Hindi naman, hindi naman. Hindi naman nakarating doon. Ito lang po, nakarating lang sa nanay ko, nakarating sa asawa ko at nakarating sa anak ko, iyon iyong mahalaga. Kaya ginagawa ko ito para sa kanila, I owe it to them to explain. Kasi ang hirap naman, baka ma-bully sa school eh ‘di ba? Kasi, wala naman silang kinalaman dito, kaya please lang ha, ito na talaga, kapag pinakita iyong mga mukha ng anak ko—please, huwag isasama iyon ha. Okay lang ako, walang problema. Pero not my family, please lang, hindi sila kasama dito.
Kasi iyon nga iyong security concern ko lang, iyong security concern, huwag na iyon, hindi pupuwede iyon.
PCO SEC. RUIZ: Sabi nila, ito nga pala nakakatawa. My driver ako, personal driver, ‘di ba? Sir, iyong asawa ko medyo natatakot na. Bakit naman? Eh nagiging controversial ka masyado, baka raw madamay siya. Paano ka madadamay, wala ngang katotohanan iyan! Hindi ba, tingnan mo ang implication! Ngayon ang tanong: Good people from the private sector, unang upo nila dito, ganiyan ang kanilang haharapin – paninira, pang-iintriga, demolition job, you think you will be able to recruit good people in government kapag ganiyan tayo nang ganiyan? Umpisa pa lang iniintriga ka na? Umpisa pa lang, winawasak ka na? Mali naman, ‘di ba?
PCO ASEC. DE VERA: Tuesday Niu/DZBB.
TUESDAY NIU/DZBB: Hi, sir, good morning po. Sir, given the situation, sabi nga ninyo kanina, kayo mismo nabiktima na ng fake news at mismo sa PCO may leakage, may mga siraan, may mga intriga. What immediate measures po or actions ang ipapatupad ninyo para matigil na po ang mga ito?
PCO SEC. RUIZ: Ako, una, ina-identify natin itong mga salarin na ito. Pinagsasabihan din natin iyong masyadong nagbibigay ng intriga at ngayon kasi noong una open ako sa lahat eh, kasi lahat ng information ‘di ba? Ito kanan, bulong dito, bulong dito, si ganito, si ganiyan, si ganito, si ganito, si ganyan, si ganyan. Ipi-filter mo ngayon kasi marami naman akong kaibigan dito ‘di ba? Palakasan ng boses, palakasan ng bulong. So, kailangan din ma-decipher mo kung sino iyong nagsasabi ng totoo, sino iyong sumisipsip, sino iyong nagpapalakas, sino iyong karapat-dapat.
Performance based ba! Although mahirap gawin ha, mahirap gawin, kasi bawat tao may history, may iba may malalakas na backer, may mga iba may pinagsamahan kayo. So, as I said, you will have to make hard choices, I will have to make hard choices. But I know that if I made the wrong choice it’s my—it’s me on the line ‘di ba? Ulo ko naman ang sisibakin dito. So, ako, I’m coming from—gawin ko na lang ito, minsan lang naman dadaan sa buhay ko ito ‘di ba, so gawin ko na lang siguro iyong tama.
Pero, alam mo kapag nandito ka pala, nasa ganiyang mga desisyon na ganiyan kasi napakarami eh, ang una kong naisip, ang una kong pasok ko dito, PCO ba ito or employment agency? Sorry, boss, iyon ang naranasan ko eh. PCO or employment agency marami kasing gustong magpa-retain, marami rin naman gustong maghanap ng trabaho, naintindihan ko naman iyon, okay lang naman.
Pero we will have to choose the right person/people kasi in the end ako rin ang mananagot, in the end. Tingnan mo, nakailan na pong PCO pang-apat na ba ako? Pang-apat na ‘no, pang-apat. So, one wrong step, one wrong move—para kang nagbabalanse dito parati eh, puwede kang bumagsak. Kaya nga ako I keep my feet on the ground, as much as possible hindi ka masanay doon sa mga nakikita mo iyong influence and puwersa na nakikita ng iba.
Minsan kasi you get lost eh, mawawala ka, mawawala ka, mag-iibang tao ka, mag-iibang anyo. That’s why I constantly talked to my friends in the Malacañang Press Corps also and stay grounded. Kasi pagbaba mo—gulong! Ang buhay, gulong ng palad iyan, ‘di ba paikot o parang tire, parang gulong – baba, taas. Pagbaba mo, sila pa rin ang makikita mo! So, kung nasa taas ka man ngayon, ganoon ka pa rin, hindi ka magbabago at siguro sa akin as PCO Secretary, I always want the constant feedback, the constant dialogue. Sa aking mga kaibigan na tumatawag minsan hindi ko lang nasasagot, kasi ito kapag kasama mo si Presidente nasa kanila iyong telepono, so hindi ka talaga makakasagot.
So, sa mga nagsasabi na ‘o baka naman nagbago si Jay, lumaki na ulo’, hindi po, marami lang din po talagang trabaho. Kasi dalawa eh, iyong management ng PCO office, including the 10 attached agencies, hahanapan mo ng mas magandang proseso, lalo na iyong ibang attached agencies maraming empleyado ang nagrireklamo diyan. Eh papaano mo maipapalabas iyong government messaging kung nagkakagulo iyong mga empleyado sa baba? So iyon muna ang ayusin natin, iyong bahay natin.
TUESDAY NIU/DZBB: Follow up lang, sir. Ngayon, sir, na nabigyan kayo ng chance to explain yourself, I’m sure hindi lang iyan iyong baka maibato sa inyo, baka masundan pa iba, so do you plan on answering back ulit kapag may mga ganitong isyu na naman laban sa inyo o magtatrabaho kana lang?
SEC. SEC. RUIZ: Hindi! Kailangang sagutin eh, pero iyon nga lang, ang pakiusap ko lang sana, kapag may ganiyan bigyan mo naman ng basis, i-fact check mo muna, madali lang naman eh, pumunta kayo SEC tingnan mo, sino bang may-ari nito, nakita mo authorized representative, Jay Ruiz. Siya ba may-ari o binigyan lang siya ng authority na mag-represent ng company? Iyong lang, o ‘di ‘Jay, iyong ganito’.
Kita mo, Tuesday, magkakasama na tayo, ang tagal na nating magkasama, defense beat pa lang kasama mo na ako ‘di ba, ganoon lang ‘di tanungin ninyo ako, tanungin ninyo ako. Open book naman, hindi naman ako pumunta dito para kumita eh, wala akong ganiyang plano. In fact, baka kabawasan pa nga ng kita ito eh, kasi napabayaan ko na ang mga negosyo ko, napabayaan ko na.
So, last question?
PCO ASEC. DE VERA: Raquel Bayan, Radyo Pilipinas.
RAQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sec., good morning. Sec. we understand your reason not to file charges po, pero don’t you think, sir, na iyong hindi natin pagpapanagot sa mga nasa likod nito would set an example na okay lang pala maglabas ng impormasyon na walang basehan kung wala naman po silang legal sanction?
PCO SEC. RUIZ: Alam mo, l thought about it last night, pinagdasal ko po iyan, humingi po ako ng guidance sa Panginoon, ano ba dapat na gawin? Kung kagabi mo ako kinausap, magpa-file ako ng cyber libel sa kanila. Pero this is not about me, this is about government communication. Hindi naman maganda iyong optics ng isang Presidential Communication Office Secretary mag-file laban sa mga taong gumagawa ng fake news, lalo na supposedly sila ay mga online journalist or may sariling—kasi mabigat ding kalaban ah! I mean hindi naman sila kalaban, pero iyong mga bumabanat sa akin medyo may tabloid siya, mayroon sariling broadcast iyon, hindi ko naman sinasabing lahat sila, hindi ko naman sinasabing ganoon. Ibig sabihin, it will—mawawala ako sa focus. Again the focus here is to bring government communication to the people, hindi po ito para sa akin, para sa tao, para sa—ang gobyerno malaman ng mga tao ang programa at polisiya ng gobyerno na puwede nilang pakinabangan.
Kay President BBM din, kay Pangulong BMM, iyon din po ang order sa akin. Ngayon, kung gagawa pa ako ng complaint, siguro kagabi dahil siguro emotional pa ako kagabi eh, at siyempre noong nakatanggap ako ng tawag sa pamilya, medyo—alam mo iyon, medyo pumunta rin iyong dugo sa ulo ko eh, at least noong nai-tulog ko na, mas maganda iyong ganitong direksiyon. Ibalik natin ito sa tamang direksiyon.
RAQUEL BAYAN / RADYO PILIPINAS: Sir, how about public apology, will you demand for that or at least i-take down po iyong [overlapping]?
PCO SEC. RUIZ: Nasa sa kanila na po iyon, or maybe at least ayusin iyong istorya, now, with side ‘di ba? Na at least pasagutin naman nila ako, I think karapatan naman eh, ng bawat iyong isa iyong ganiyan eh – fair, balanced.
YVAN MAYRINA/GMA7: Asec. Dale, isang pahabol lang: Do you be vehemently deny ownership sa Digital8? So, who owns Digital8, for the record?
PCO SEC. RUIZ: For the record, its owned—well, I don’t know if you wants to be dragged in this [unclear], in this issue ano, but you can check naman kung sino, sa SEC, kung sino ang may-ari ng Digital8.
YVAN MAYRINA/GMA7: Is it someone—a former police officer na na-involve sa isang serious crime?
PCO SEC. RUIZ: Again, check na lang po, kung sino po iyong may-ari.
YVAN MAYRINA/GMA7: On final point, lahat ho ba ito nai-declare ninyo sa Pangulo and moving forward, do you intend to perhaps to preempt further attacks on your reputation and your credibility, perhaps divest in all your other business interest, para hindi na ho maulit ito?
PCO SEC. RUIZ: Unang-una, wala nga akong ida-divest ‘di ba, doon sa Digital8 dahil hindi nga akin iyon eh.
YVAN MAYRINA/GMA7: Or the other business?
PCO SEC. RUIZ: The others it’s ongoing. Iyon nga ang hindi naging klaro ‘di ba, I’m going to divest in my other company na may possible lang, pero wala naman ding conflict of interest, kasi unang-una, restaurant ‘di ba, iyong isa leasing company, so I don’t see any…
YVAN MAYRINA/GMA7: The art gallery?
PCO SEC. RUIZ: The art gallery also doesn’t [unclear], it’s a promotion of Filipino art and culture, ‘di ba.
YVAN MAYRINA/GMA7: Thank you, thank you.
PCO SEC. RUIZ: Thank you very much guys.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you very much, Secretary Jay Ruiz.
PCO SEC. RUIZ: Any questions you want, further expound on, just call me. Pero siyempre, please also understand that I have a job to do also, marami akong gagawin eh, maraming kailangang ayusin. Thank you very much guys, until next time.
###