SEC. ROQUE: Ngayong linggo, naglabas po ang inyong IATF ng protocols para sa fully vaccinated individuals. Sino pa nga ba ho ang fully vaccinated individuals?
Una, kinakailangan na ang fully vaccinated individual na dalawang linggo o higit na dalawang linggo na siyang nabakunahan pagkatapos niyang makatanggap ng second dose sa two-dose vaccine. Sa mga single-dose vaccine naman, kinakailangang dalawang linggo o higit na dalawang linggo nang nabakunahan ang fully vaccinated individual pagkatapos niyang matanggap ang single dose vaccine.
Pangalawa, ang fully vaccinated individual ay kinakailangang naturukan ng bakuna na nasa Emergency Use Authorization List or Compassionate Special Permit List na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration or Emergency Use Listing ng World Health Organization.
Samantala, patuloy na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated na mga lolo at lola sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine ngunit kailangan pa rin nilang magpakita ng COVID-19 domestic vaccination card na inisyu ng lehitimong vaccinating establishment or certificate of quarantine completion na nagpapakita ng kanilang vaccination status na inisyu ng Bureau of Quarantine.
Pagdating naman po sa interzonal travel na pinapayagan ayon sa pertinent resolutions ng IATF at provisions on Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines as amended, ang pagpapakita ng COVID-19 domestic vaccination card na inisyu ng isang lehitimong vaccinating establishment or certificate of quarantine completion na nagpapakita ng holder’s vaccination status na inisyu ng Bureau of Quarantine ay sufficient alternatives sa testing requirement before travel or upon arrival na hinihingi ng lokal na pamahalaan. Uulitin ko po, tama na po iyong certificate of vaccination at hindi na kinakailangang magpakita ng PCR.
Itong interzonal travel ay mag-a-apply din sa fully vaccinated senior citizens. Kailangan din ng biyahero na sumailalim sa health and exposure screening pagdating sa local government of destination. Sa mga sitwasyon kung saan ang fully vaccinated individuals ay close contacts ng probable and confirmed COVID-19 cases, maaari silang sumailalim sa pinaka-maikling pitong araw na quarantine period kung sila ay mananatiling asymptomatic. Kung sakaling kailangan ng RT-PCR testing, maaari itong gawin not earlier than the fifth day pagkatapos ng date ng huling exposure.
Panghuli, hindi na kinakailangan ng testing at quarantine para sa close contacts na ma-trace paglampas ng pitong araw mua sa huling exposure at nananatiling asymptomatic. Kung nagpositibo sa RT-PCR test o naging symptomatic ang indibidwal, kinakailangang sumunod sa testing at isolation protocols.
Ito na po ang protocol at inaatasan ang Department of Health at iba pang ahensiya ng pamahalaan na amyendahan ang kanilang issuances ayon sa protocol na ito.
Ito po ang inyong latest sa inyong IATF.
Mula po PTV 4 Cordillera, magandang araw sa inyong lahat. Ito po ang inyong Spox Harry Roque.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)