Good morning.
[Kiko, maybe you should join me up here. Halika. Samahan mo ako para…]
Good morning, ladies and gentlemen. We’re trying out a new setup, but for this very important occasion. I have just administered the oath of office for the Secretary — for the new Secretary of the Department of Agriculture Francisco Laurel who is standing here next to me.
And, this is because it is time that we have found somebody who understands very well the problems that agriculture is facing and the reason for the timing — I’d like also to put a little background to it — the reason for the timing is that now, we are confident, Secretary Kiko and I are confident that we have a fair understanding, a good understanding of what it is that needs to be done, what are the problems.
And the reason that I held on to the position of Secretary of Agriculture was that I truly believe and I think I was proven right that there are many things that only a president could do and the problems were so important and were so deep that I felt that the authority…
[Oh, I’m sorry, please sit down.]
That the authority and the, I suppose, moral suasion of a president was necessary for us to be able to figure out and it really was. Agriculture is a much, much more complicated thing than most people understand.
But we have come to that point where we have a very good idea of what needs — where the problems lie and what we need to do to solve those problems.
So, before I go any further. Perhaps, I would like to ask our new Secretary to say a few words.
DEPARTMENT OF AGRICULTURE SECRETARY FRANCISCO TIU LAUREL JR.: Hello. Magandang umaga sa inyong lahat. Ako po si Francisco Tiu Laurel Jr., buong puso ko pong tinatanggap ang hamon ng ating mahal na Pangulo na maglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura.
Una sa lahat, nagpapasalamat ako kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang tiwala at sa pagkakataong ibinigay sa akin na makapagsilbi sa sektor ng agrikultura.
Bilang kinatawan ng Pangulo, layunin ko na ipagpatuloy ang kanyang mga adhikain at programa sa sektor ng agrikultura.
Sa mga darating na araw, ilalatag ko sa inyo ang mga plano ng Kagawaran ng Agrikultura in coordination with our President.
Pangunahing adhikain ko ang pagtiyak na sagana ang ating ani at siguraduhing ito ay nakakarating sa hapag ng bawat Pilipino.
Layunin ko na tiyakin na may sapat at masustansyang pagkain na mabibili ang ating mga kababayan sa tamang halaga.
Susi dito ang modernisasyon ng sector ng agrikultura, kasabay ng [pagpapabuti] sa kapakanan ng mga kapatid nating magsasaka at mangingisda. Ating sisiguraduhin na sila’y makikinabang sa mga bunga ng kanilang pagod at pagsisikap.
Malapit sa puso ko ang mga kapatid nating magsasaka at mangingisda dahil personal kong natunghayan ang mga hirap at pangarap nila. Asahan po ninyong laging bukas ang aking tanggapan para sa inyong lahat.
Handa akong makinig at makatrabaho kayo. Higit sa lahat, ako’y handa na magtrabaho para sa inyo. Lubos po akong naniniwala na kaya nating mapalago ang produksyon ng ating agrikultura sa tulong ng ating Presidente, ngunit hindi ko ito kakayanin mag-isa.
Kailangan ko ang tulong at pakikiisa ninyo at ng buong Sambayanang Pilipino.
Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at suporta. Mabuhay ang Kagawaran ng Agrikultura. Mabuhay ang mga Magsasaka at Mangingisda ng Pilipinas!
Salamat! [applause]
PRESIDENT MARCOS: Kaya ito. I’m very happy to have been able to announce this new appointment of one of the most important departments in our government at…
Ito parang isinama na natin ‘yung ating pinag-uusapan dati na lagi natin — ang pagtingin natin sa ating private sector ay partner sa lahat ng mga ating gagawin. Kaya naman ang pagpasok ni Secretary Laurel sa kanyang position na Department of Agriculture Secretary ay para na natin sinama dahil matagal na siya sa industriya ng fisheries.
Nagsimula siya sa pangingisda ngunit ‘yung mga iba’t ibang panig ng agrikultura ay napasukan na niya kaya’t nauunawaan niya, hindi lamang kung ano ‘yung problema kung hindi ang mga solusyon sa problemang ‘yun at bukod pa roon, kilala na niya ang mga tao, ‘yung tinatawag na mga expert na mga professional ay kilala na niya at malapit — madali niyang lapitan para magtulungan para nga mabigyan, matugunan at mabigyan ng solusyon ang mga problema sa larangan ng agrikultura.
Nag-uusap kami — ang bago talaga na hindi natin — na hamon na hindi pa natin naramdaman sa buong kasaysayan ng tao ay ang climate change.
At, ito talaga ay — siyempre, alam naman ninyo ‘yung panahon talagang ‘yan ang inaasahan ng ating mga magsasaka tsaka mangingisda kaya’t wala naman tayong kontrol diyan kaya’t kailangan talaga makapag-isip tayo ng mga bagong sistema, mga bagong estratehiya upang ito naman ay mabigyan natin ng solusyon at hindi pahirapan ang taong-bayan.
Kaya’t malaki ang trabahong ibinigay ko sa ating bagong Kalihim at handa naman kaming lahat, hindi lamang sa pamahalaan, kung hindi pati na sa private sector na siya’y tulungan dahil naging kaibigan na rin natin ito. Matagal ko ng kilala si Secretary Laurel.
I’ve known him since we were boys. So, malakas ang loob ko na ma-i-appoint siya kasi kilala ko pagkatao niya. Alam kong napakasipag nito, unang-una. Pangalawa ay nauunawaan niya nang mabuti ang sistema ng agrikultura dito sa Pilipinas.
Kaya’t inaasahan natin lahat na he will do a very good job.
Maraming, maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat. [applause]
QUESTIONS AND ANSWERS:
Q: Mr. President, good morning.
PRESIDENT MARCOS: Good morning.
Q: So, ano po ‘yung pinaka-unang marching order niyo para sa Department of Agriculture?
PRESIDENT MARCOS: Well, the obvious one is try and gain control of the prices of all the agricultural commodities that are going up at tinatamaan tayo ng, ‘yun na nga, ‘yung napag-usapan ko, climate change. Alam niyo na lahat ‘yung swine flu. Alam niyo na lahat ‘yung avian flu na tumatama sa atin. Kaya’t ‘yan ang una natin.
In the immediate term, hindi lang short-term, kung hindi in the immediate term kailangan natin ma-control at tingnan natin kung paano natin gagawin.
At the same time, kasabay nito is the longer term, ‘yung production at saka cost of production, mechanization, lahat ng mga bagay na ‘yan.
At we will — tinitingnan natin ang mga ginagawa ng ating mga karatig bansa such as Thailand, such as Indonesia, such as Vietnam at baka mayroon tayong matutunan sa kanila na puwede nating — na bagay dito sa Pilipinas and that’s the first thing that our new Secretary will have to do.
Q: Good morning, Mr. President.
PRESIDENT MARCOS: Good morning.
Q: And good morning, Secretary. To Secretary Laurel po. Sir, following your appointment, ano po ‘yung marching order niyo naman po sa Department of Agriculture, sir? Thank you.
SEC. LAUREL: Well, today, I will proceed to the Department of Agriculture and meet everybody.
Well, ang hingiin ko lang sa kanila talaga sa ngayon is their full cooperation dahil importanteng buo ang departamento sa isang goal ‘no which is basically modernization at increase of production. ‘Yan ho ang marching order sa atin ni Presidente.
At ‘yung mga plano ni Presidente i-implement namin to the letter. But I need the team to be intact and buo ang loob para magawa ang — at para ma-meet ang target and goals natin. Thank you.
PRESIDENT MARCOS: Before we finish, I would just like — I know many people are worried about our people, our Filipino nationals in Gaza, in Israel in the middle of the war.
At saka dumating ang balita sa atin na ‘yung mga nasa Gaza hindi pinapalabas pa sa Rafah crossing. And nagtataka ang iba bakit nga hindi. Well, it is unfortunately completely out of our hands. We have no control over this.
It is between the Israelis and the Palestinians. There is also a complication because some of the Filipino nationals, mga babae na may napangasawa na na Palestinian. Hindi pinapalabas ‘yung Palestinian.
So, many of them are undecided kung gusto nilang umalis o hindi dahil siyempre, ayaw naman nilang iwanan ang asawa nila, ayaw nilang iwanan ‘yung kanilang anak.
So, these are the problems that we are facing. However, we have been — I’ve asked Secretary Ricky Manalo to make — well, the Ambassador, Ambassador Ilan Fluss and, of course, he has been able to get in touch with the Foreign Minister of Israel and our Ambassador, Ambassador Junie Laylo was able to see the President yesterday — the President of Israel yesterday.
So, may pangako sila sa atin na maipapalabas na ang mga Pinoy, ang mga Pilipino, maipapalabas na by today or tomorrow. That is what they promised us. Saturday daw at the latest. So, that’s what we’re…
Nakahanda naman lahat ng ating mga bus. Nakahanda na ‘yung mga embassy natin sa Cairo na napunta… Nandoon lang sila. Matagal na silang nag-aantay doon sa tawiran, ‘yung Rafah crossing. And they are ready for when the time comes na tumawid na ang mga Pinoy dadalhin at pauuwiin.
We have also offered our assistance to other ASEAN countries. Maraming Thai, may mga Vietnamese, mayroong mga iba’t iba.
So, sabi namin kung sino mauna, magtulungan na lang tayo. And it looks like we are the ones there first because ang presence naman ng Pinoy in the area is much higher than the others.
So, that is the latest news that I received today, early this morning from our Secretary of the DFA. And sana naman matotoo na para mailabas na natin lahat ng gustong lumabas and bring them back home to safety.
Thank you. Magandang umaga sa inyo.
— END —