Press Briefing

Press Briefing of Acting Presidential Spokesperson and PCOO Secretary Martin Andanar

Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang

SEC. ANDANAR: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps. Narito po tayo ngayon sa Butuan City para dumalo sa Joint National Task Force – Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict XIII meeting kung saan panauhin mamaya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Simulan po natin ang ating press briefing ngayong umaga sa isang pasasalamat. Taus-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at tiwala kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa pahayag 2022 first quarter survey ng Publicus Asia, nananatiling most approved at most trusted government official si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may 67.2% approval rating at 61.8% trust rating. Maraming, maraming salamat po. Makakaasa po kayo na magpapatuloy ang tapang at malasakit na liderato na ipinakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hanggang sa huling sandali ng kanyang termino.

Humarap po naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaniyang regular Talk to the People address, at ito ang ilan sa naging salient points:

Muling nagpaalala ang Pangulo na maging maingat at sumunod sa protocols para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19 surge.

Dagdag pa ng Pangulo, ang pagsusuot ng face mask ay mananatili hanggang sa huling araw ng kanyang termino sa June 30, 2022. Inulit din ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Kaugnay nito, inatasan ni Presidente si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na pumunta sa Cotabato at kausapin ang mga opisyal ng BARMM para hikayatin ang kanilang nasasakupan na magpabakuna.

Samantala, inulat naman ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nanatiling nasa minimal risk for COVID-19 ang bansa.

Sinusugan po naman ito ni Secretary Galvez kung saan sinabi ng Kalihim na ang minimal risk status ay dahil sa mataas na COVID-19 vaccination rate.

Iniulat rin sa Talk to The People ni Sec. Galvez na mayroon ng mahigit na 240 million na mga bakuna ang na-deliver sa bansa. Sa bilang na ito, marami sa mga bakuna ay Pfizer, Sinovac, AstraZeneca, at Moderna.

Sa usaping bakuna pa rin, as of April 11, 2022, nasa mahigit 71.8 million ang naka-first dose habang nasa mahigit 66.7 million naman ang nakakumpleto ng dose o fully vaccinated, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa mahigit 12.5 million naman ang naka-booster shots. Over-all, nasa mahigit 144.2 million ang total doses administered.

Sa mga tsikiting na edad lima hanggang labing-isang taon gulang, nasa higit 1.3 million na ang fully vaccinated, samantalang ang mga batang dose hanggang disisiete anyos nasa higit nine million ang fully vaccinated as of April 11, 2022.

Pumunta naman tayo sa ating mga lolo at lola, nasa mahigit 6.6 million ang fully vaccinated seniors as of April 11, 2022.

Masayang ibinalita naman ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na sa unang pagkakataon ay wala ng lugar sa National Capital Region ang naka-lockdown. Nasa tatlong lugar na lamang sa Cordillera Administrative Region ang nasa granular lockdown as of April 9, 2022.

Samantala, inulit ng Pangulo ang kanyang commitment sa bansa na ang halalan sa Mayo ay magiging tahimik, free from violence and intimidation of voters. In other words, peaceful and honest elections.

Sa Bagyong Agaton, ayon sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, as of April 12, 2022, 8 A.M., nasa 274 ang affected barangays. At may halos isanlibo at limandaang pamilya o mahigit apatnalibo limandaang tao ang nailikas o pre-emptively evacuated sa Region VII, VIII at Caraga. Higit na dalawang milyon piso halaga ng assistance ang naipamahagi sa Region X, Caraga at BARMM.

Mamaya ay makakasama natin si PAGASA Administrator, ang aking kababayan na si Dr. Vicente Malano para sa update sa lagay ng panahon.

Kaugnay nito, sa ilalim ng Duterte administration, napaganda ang ating early [warning] systems para matiyak ang tama at, of course, napapanahon na pagbibigay ng disaster information at warning sa local level.

Mula sa sampung doppler radar stations noong June 2016, ito ay naging 17 as of June 2021. Ito po ay magagamit sa pag-monitor ng tropical cyclone and rain monitoring. At mula zero high-frequency doppler radars para sa pag-monitor ng sea waves noong June 2016, ito ay naging 29 as of June 2021.

Pagdating naman sa flood forecasting and warning systems river centers para ma-monitor ang water levels ng ating mga ilog, mula lima noong June 2016, ito ay naging labinlima as of June 2021.

Napakahalagang Duterte legacy po ito para malakas ang ating climate at disaster resilience.

Bago po tayo tumungo at bago po natin tawagin ang ating kababayan na si Dr. Malano, nais po nating batiin ang lahat ng mga pumasa sa bar examinations. Mas dumami po ang ating mga abogado, mas maganda po ito para sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo mga bagong passers ng ating bar examinations. Congratulations po!

At bago po tayo tumungo sa ating mga kasamahan, mga kaibigan sa Malacañang Press Corps, kausapin muna natin si Dr. Malano ng PAGASA.

Administrator Malano, maayong buntag ka nimo. Kumusta ang lagay ng panahon ngayong Semana Santa? Nasaan na po ba si Bagyong Agaton? At kailan po natin mararamdaman si Basyang?

PAGASA ADMINISTRATOR MALANO: Maayong udto, Sec. Andanar. Magandang tanghali, Usec. Rocky Tobias at sa mga nakikinig. Magandang tanghali po sa lahat.

Ngayon po ay mayroon po tayong binabantayan na dalawang bagyo na nasa loob po ng ating Philippine Area of Responsibility.

At sa ngayon ay ipapakita po natin iyong ating presentation patungkol doon sa ating pagmo-monitor ng dalawang bagyong ito.

Nakikita po natin dito sa bandang kaliwa, ito po iyong latest satellite image na atin pong nakuha kani-kanina lang. At makikita po natin dito sa bandang kaliwa or nasa kalagitnaan ng ating central area ng Philippines, lalung-lalo na dito sa may Samar area na nandudoon po ang bagyong si Agaton. At sa bandang kanan naman po iyong makikita po natin na nasa guhit na pula, nandudoon po iyong si Basyang na pumasok lang po kaninang alas-diyes lang po ng umaga. At ito po ang dalawang bagyo na atin pong binabantayan sa ngayon.

At nitong mga nakaraang araw ay malaki pong pinsala ang nangyari na associated with bagyong si Agaton.

Ito po iyong track ng bagyong si Agaton. Nakikita po natin iyong bilog na iyan ay ang tinatawag nating “cone of uncertainty”. Ang ibig sabihin ng “cone of uncertainty”, dito po posibleng dadaan.

Pero iyong guhit po na iyan, iyong blue po na nasa bandang halos ibaba ng itim, ito po iyong mga nakaraang dinaanan ni bagyong si Agaton. At iyong itim naman po, ito iyong forecast position for the next 24 hours.

So sa ngayon po, ang bagyong si Agaton ay naging depression na lang at inaasahan natin na hihina po iyan at magiging low pressure area na lang in the next five days.

Sa ngayon po mayroon pong Signal Number 1, iyon pong lugar natin sa southern portion ng Masbate. Ito po iyong lugar ng Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, at saka Pio Corpuz.

Doon po sa lugar ng Visayas ay ito po iyong Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, and the Northeastern portion of Cebu – Ito po iyong mga bayan ng Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod. And kasama na po iyong Camotes Island at sa bandang Mindanao po, itong Dinagat Island or group of islands.

[Next slide po]

So, ano po iyong ating inaasahan patungkol po dito sa [Bagyong] Agaton?

Ang mangyayari after this, moderate to heavy with at times intense rains. So, ito po iyong lugar ng Eastern Visayas, Bicol Region, northern and central portion of Cebu including Bantayan and Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras and northern and central portions of Negros Provinces.

At mayroon din po tayong inaasahan na light to moderate with at times heavy rains doon sa MIMAROPA, Dinagat Islands, Zamboanga del Norte and the rest of Visayas.

[Next slide po]

So, ang atin pong karagatan po ay magkakaroon po ng rough seas, moderate to rough seas at hindi po ito maayos sa maliliit na sasakyang pandagat.

[Next slide, please]

So, sa atin pong mga nakukuhang report ayon sa binanggit ng ating Secretary kanina ay may marami na pong lugar na apektado dito sa pagdaan nitong si Bagyong Agaton. At ayon po sa mga report na ating nakikita, news report, ay umabot na sa 25 iyong mga nasawi. Ito po ay aking nakuha, itong report na ito sa NDRRMC at sa mga footages ng ating mga kasamahang taga-media.

[Next slide, please]

[Ito iyong mga damage na nangyari.]

So, ito po iyong pangalawang bagyo naman na sabi ko nga kanina ay pumasok lang kaninang alas diyes ng umaga at nagkaroon po tayo ng bulletin. Unang bulletin ngayong alas onse, so, after six hours din po ay magpapalabas na rin po tayo ng pangalawang bulletin.

At ang inaasahan po natin sa bagyong si Basyang, itong bagyong si Basyang na dati-rati po noong bago pa siya pumasok ay ito po iyong bagyong si Malakas at ito po ay kategorya po siya ng typhoon. Ang ibig pong sabihin ay umabot na po siya ng at least 108 kph at sa ngayon po ay nasa 108—118 po, at sa ngayon ay 120 kph ang kaniyang maximum sustained winds at 150 kph iyong kaniyang bugso ng hangin.

At ito pong bagyong si Basyang ay inaasahan po natin na within 12 hours ay lalabas na din po iyan at ang mangyayari po ay dahil ito ay mas malakas kaysa doon sa Agaton, iyong Agaton po ay basically magiging Low Pressure Area na lang iyan at inaasahan po natin ma mag-uumpisa na ang pagganda ng ating panahon sa Huwebes po hanggang—[Next slide, please].

So, ito na po yata iyong ating pinakahuling slide. Maraming salamat po at ito po iyong ating pinaka-latest update ng ating bagyo as of 11:00 A.M. ng umagang ito.

SEC. ANDANAR: Daghang salamat sa imong oras, Dr. Vicente Malano, sir. [Visayan dialect] I will turn it over to USec. Rocky Ignacio for the questions coming from our friends from the Malacañang Press Corps. USec. Rocky?

PAGASA ADMINISTRATOR MALANO: Thank you, sir.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Andanar at kay Admin Malano. Unahin ko na lang po si Admin Malano: Ito pong pagpasok ni Basyang, ang ibig sabihin po makakaranas ng tag-ulan ngayong Holy Week ang malaking bahagi ng bansa? Tama po ba iyon?

PAGASA ADMINISTRATOR MALANO: Ito pong pagpasok ni Basyang ay hindi po siya direktang makakaapekto sa atin kung hindi iyong remnants po ni Agaton, mangyayari hanggang Huwebes po at umpisa ng Huwebes ay mag-i-improve iyong ating kalagayan ng panahon.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Secretary Andanar, tanong po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Secretary, na-approve na kaya ni President Duterte ang new IRR for the Department for Migrant Workers? If yes, is it the version of Secretary Mama-o or that of the BMW Transition Committee?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Sam, ng Business Mirror. Ito’y niri-review pa ng Office of the Executive Secretary.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Kailan kaya expected i-release ng IATF ang new alert level?

SEC. ANDANAR: Sam, hintayin natin ang resulta ng meeting ng IATF sa araw na ito. I’m sure the IATF will come out with something by the end of the day.

USEC. IGNACIO: Opo. From Vic Somintac, nanghihingi po siya ng update tungkol sa calamity fund para daw po sa mga apektado ng bagyo.

SEC. ANDANAR: Kumusta ka na, Vic? Salamat. Ang LGU natin ay ang magsa-submit ng kanilang mga request to the NDRRMC through the concerned Regional DRRMC to be able to process and to access itong mga request nila.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Iyon lang po muna iyong natanggap nating mga tanong mula sa MPC. Thank you Secretary Martin and Admin Malano.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, Usec. Rocky at Admin Malano, at sa lahat po ng mga members ng Malacañang Press Corps. At dito po nagtatapos ang ating press briefing. See you again—

USEC. IGNACIO: Secretary, sandali lang po. Mukhang may pahabol po si—

SEC. ANDANAR: Akala ko tapos na, may pahabol pa pala.

USEC. IGNACIO: [Laughs] Sorry po. May pahabol po si Ace Romero ng Philippine Star: Clarification lang daw po. Ibig sabihin po, within the day po iyong alert level?

SEC. ANDANAR: Well, we will see. I’m sure that the IATF will come out with something by the end of the day. Kung anuman iyong desisyon nila, antabayanan natin kung anong ilalabas nila ngayong araw na ito – whether it’s about the alert level, kung may pagbabago o wala. Let’s just wait for the meeting to happen and to end. Thank you, Ace.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: See you, Rocky. See you again on our next briefing. At salamat sa akong kababayan, si Dr. Malano. Doc, salamat kay Doc ha.

PAGASA ADMINISTRATOR MALANO: Salamat [unclear]…

SEC. ANDANAR: [Dialect] Stay safe, stay dry and healthier everyone. Tandaan, basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ang anumang pagsubok.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center