USEC. IGNACIO: Good afternoon. Welcome po sa regular press briefing ni Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary, Secretary Karlo Nograles.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Usec. Rocky. Nice to see you physically present. Sana ito nga po iyong umpisa ng ating mga physical presence dito sa ating press briefing.
Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.
First, some good news: The latest data with regard to COVID-19 indicates na medyo makakahinga na po tayo ng maluwag. Several months ago, we were able to overcome the threats posed by the dangerous Delta variant. And now, we appear to have accomplished the same with the Omicron. Dahil dito, nanatiling nasa low-risk classification ang bansa. At habang patuloy na bumubuti ang sitwasyon kaugnay sa COVID-19 ay pinag-aaralan naman ng ating mga eksperto ang pag-de-escalate sa Alert Level 1 ng ilang piling lugar.
That being said, bagaman may dahilan ang marami para mawala ang pangamba dahil malaki na ang kabawasan ng paghihigpit, nais po naming iparating sa inyo na hindi pa po tapos ang laban kontra COVID-19. Nasa gitna pa rin natin ang banta ng virus na ito lalo na sa sektor ng mga nakatatanda at mga hindi bakunado. Hindi po masamang matuwa at lumabas ng tahanan, isuot lamang po nang tama ang inyong mga mask, palagiang maghugas ng kamay, iwasan ang matatao at masisikip na mga lugar, tiyaking maganda ang airflow kung kayo ay nasa loob ng isang establisyemento, at siyempre, magpabakuna lalo na po ang mga senior citizens, at magpa-booster para may dagdag proteksyon.
Humarap kagabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang regular Talk to the People Address. Ito ang ilan sa mga naging highlights:
Nagbigay ng update si Sec. Francisco Duque III sa COVID-19 situation ng bansa, at kaniyang muling binigyan ng diin ang halaga ng pagbabakuna. Inanunsiyo din ng Kalihim na kailangang nasa 80% muna ang vaccination rate ng A2 at A3 population ng isang lugar bago mailagay sa Alert Level 1 bilang additional metric o parameter, maliban sa 70% of the target population ay fully vaccinated. Ang mga nasa A2 ay iyong mga senior citizens at ang A3 naman ay iyong mga may comorbidities.
Ito naman ay sinusugan ng ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, Jr. Ayon sa kanya, tututukan nila ang pagbabakuna sa natitirang tatlong milyong senior citizens at persons with comorbidities, while government is still monitoring developments in the vaccination of the 0-4 years old age group and awaiting approval from stringent regulatory countries.
Samantala, binanggit ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang inilabas na memorandum circular ng kaniyang Departamento sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa dispensing, selling, at reselling ng mga pharmaceutical products sa mga sari-sari stores, bilang pagsunod sa direktiba ng Pangulo. Kaugnay nito, sinabi naman ni Food and Drug Administration Officer-in-Charge Oscar Gutierrez na ang mga sari-sari store ay puwede naman mag-apply bilang retail outlet for nonprescription drugs basta kanilang naisusumite ang mga kaukulang requirements.
Samantala, tulad ng sinabi ko sa aking statement kahapon, naglabas ng desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF), kung saan binigyan ng paborableng tugon at kapasyahan ang acceptance sa national/state COVID-19 vaccination certificates ng mga bansang Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay bilang proof of vaccination for purposes of arrival quarantine protocols, as well as interzonal/intrazonal movement.
Ang mga lugar na ito ay dagdag sa nauna nang mga bansa/teritoryo/hurisdiksyon kung saan ang proof of vaccination ay aprubado na ng IATF. Inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, ang Department of Transportation-One Stop Shop, at ang Bureau of Immigration na kilalanin ang lahat ng proofs of vaccination na aking nabanggit.
Umaabot na sa animnapu’t apat (64) na bansa/teritoryo/jurisdiction ang ating kinikilala at tinatanggap ang kanilang proof of vaccination. Isa-isahin po natin: Armenia, Australia, Austria, Bahrain, Belgium, Canada, Colombia, Czech Republic, France, Georgia, Germany, Hong Kong SAR, India, Iraq, Italy, Japan, Kazakhstan, Kuwait, Monaco, New Zealand, Oman, Qatar, Samoa, Singapore, Slovenia, Sri Lanka, Switzerland, Thailand, The Netherlands, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, United States of America, Vietnam, Brazil, Israel, Timor-Leste, Republic of Korea, Malaysia, Republic of Ireland, Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau SAR, Syria, Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta, at Uruguay.
Sa usaping bakuna: Dumating kagabi, February 21, 2022, ang karagdagang 293,670 doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng Australian government sa pamamagitan ng UNICEF. Thank you, Australia, for your generosity.
Samantala, mayroon na po tayong 134,332,014 na total doses administered as of February 21, 2022. Nasa mahigit 61.8 million na ang naka-first dose habang nasa mahigit 62.6 million ang naka-complete dose o fully vaccinated, kasama na rito ang nabakunahan ng Janssen, ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Nasa mahigit 9.7-M naman ang nakatanggap ng booster/additional doses.
Pumunta naman tayo sa COVID-19 update. Patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso. Ayon sa February 21, 2022 COVID-19 Case Bulletin ng DOH, nasa 1,427 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Ito na ang pinakamababang naitala ngayong taon. Sa bilang na ito, 92.2% ang mild at asymptomatic. Samantala, ang positivity rate ay patuloy na bumababa na nasa 7.5% na lamang – pinakamababa mula noong December 28, 2021 – malapit na tayo sa 5%. Habang nasa 96.9% naman ang porsiyento ng mga gumaling, mahigit 3.5 million naman po ang naka-recover at gumaling mula sa karamdamang ito. Amin naman pong malungkot na ibinabalita na kahapon ay mayroong 79 na pumanaw dahil sa virus na ito. Our fatality rate is currently at 1.53%. This is lower than the 2% global average.
Sa estado naman ng ating mga ospital: Nasa below 30% na ang ating hospital care utilization rate.
Now we have some welcome news for the tourism sector. Nasa 24,826 ang ating inbound arrivals sa iba’t ibang paliparan sa bansa, ayon sa datos ng One Health Pass. Sa bilang na ito, nasa 13,492 ay mga banyaga habang nasa 11,334 ay mga balikbayan. Naka-flash po sa inyong screen ang mga bansang may pinakamalaking bilang ng mga bumisita sa Pilipinas mula nang tayo ay nagbukas noong February 10. Ang mga datos na ito ay as of February 20, 2022.
Please take note that this is just the beginning of our efforts to encourage tourists to visit the country. Bukas na po ang ating mga borders, pero paalala lang po na napakahalaga po ang pagbabakuna para mabuhay ang turismo ng bansa. If we want a surge of tourists instead of a surge of COVID cases, then we enjoin everyone to get vaccinated and to get their booster shots. Tulungan po natin ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa mga tourism-related industries.
Still on other matters: London-based IHS-Markit says the Philippines is set to join the ranks of a small group of countries in the Asia-Pacific Region that will have a GDP exceeding $1 trillion by 2033. This is certainly welcome news. If you would recall, our Economic Team remains optimistic that the COVID-19 pandemic will not derail the Philippine vision to eliminate poverty by 2040.
Malungkot na balita. We express our deepest condolences to the family, friends, and colleagues of Tarlac 1st District Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco who passed away at the age of 58. We join his loved ones in praying for his eternal repose.
Bago tayo pumunta sa mga tanong ng MPC, makakasama natin DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire para magbigay ulat sa national situation. Usec. Rosette, ano po ang ibig sabihin ng adverse events following immunization? At ano po ang karaniwang reaksiyon matapos magpabakuna? Dapat bang matakot ang ating mga kababayan dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Thank you, CabSec. Magandang hapon po, Cabinet Secretary Nograles and of course, good afternoon to Consul General Raly Tejada.
So ngayon magbigay lang kami ng kaunting impormasyon ukol po sa COVID-19 status ng ating bansa at tungkol sa adverse events following immunization.
Magandang balita po ang bungad namin sa inyo, sa kasalukuyan nasa low risk case classification na tayo at nananatili pong negative ang ating one week at two-week growth rates habang moderate risk naman po ang ating average daily attack rate or ADAR. Lahat din po ng ating island groups – Luzon, Visayas at Mindanao – ay nagpapakita na nang unti-unting pagbaba ng mga kaso. Sa lahat po ng rehiyon, mas mababa na po sa isanlibo ang mga naitatalang kaso kada araw para sa linggong ito. Maliban sa CAR at Region XI, ang lahat po ng rehiyon ay nasa low risk case classification na.
Ganoon pa man lahat po ng rehiyon ay nagpapakita na ng negative two-week growth rates na nakakita na po tayo ng pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19. Ang atin din pong national healthcare systems capacity ay nasa low risk maliban lang po sa Region XI na nasa moderate risk ang kanilang ICU utilization rate na kasalukuyan po ay nasa 58%.
Noong panahon po ng Alpha at Beta nagsimulang tumaas ang mga kaso sa huling linggo ng February of 2021 – mula po sa average na one thousand seven hundred ninety-seven (1,797) daily cases noong February 16 to 22, inabot na po sa halos [garbled] linggo para umabot sa peak noong April 15 kung saan nagkaroon po tayo ng 10,825 average daily cases. Pagkatapos po ng pito pang linggo, naobserbahan muli natin ang pagbaba ng mga kaso. Pagsapit po naman ng Hulyo, muling nakita ang pagtaas ng mga kaso dahil naman sa Delta variant – mula sa five thousand five hundred seventy-three (5,573) average daily cases noong July 21 to 27, umabot po tayo sa twenty thousand nine hundred three (20,903) average daily cases noong September 12 pagkalipas ng halos pitong linggo o 42 days. Inabot ng fifteen (15) weeks or one hundred eight (108) days bago naman po natin nakita ang pagbaba ng mga kaso pagkatapos nating maabot ang peak. Mas matagal ito kumpara sa Alpha at Beta variants.
Na-detect ang Omicron sa ating bansa noong Oktubre. Dito po natin nakita ang biglaang pag-angat muli ng mga kaso – mula sa 629 cases kada araw noong December 25 to 30, dumami po ito by 180% at umabot sa 34,903 cases kada araw noong January 18. Ito ay nag-peak sa loob lamang ng tatlong linggo o 19 days. Bagama’t ito ang pinakamabilis at pinakamalaking pag-angat ng kaso na ating nakita, ito rin po ang pinakamabilis na bumaba. Inabot lamang tayo ng tatlong linggo o [garbled] days upang makita muli ang pagbaba ng mga kaso mula sa peak.
Bagama’t pinakamaraming kaso ang naitala sa Omicron period, ang Omicron variant din ang may pinakitang kakaunting severe at critical cases. Karamihan ng severe at critical cases ay nakita noong Delta situation ng ating bansa.
Kasabay nang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, ang pagbaba ng bilang ng ating severe and critical cases na nauospital ay bumababa na rin. Batay sa aming latest data, labindalawa hanggang labinlimang porsiyento na lamang ng national hospital admissions ang malubha at kritikal. Karamihan sa mga nauospital ay mild at moderate ang sintomas. Patotoo ito na mabisang panangga ang mga bakuna laban sa malubha at kritikal na sakit na dulot ng COVID-19.
Kaya po muli, nais pong ipaalala ng Kagawaran ng Kalusugan na hikayatin po natin ang ating mga mahal sa buhay, ating mga kaibigan at ang ating mga kakilala na magpabakuna na sa lalong madaling panahon para sa karagdagang proteksiyon laban sa virus.
Dumako naman po tayo sa usaping adverse events following immunization or what we call AEFI. Ano po nga ba ang AEFI? Ang AEFI, ang adverse events following immunization ay anumang pangyayari matapos ang pagbabakuna. Ang AEFI ay mga sintomas o resulta ng [garbled] test o sakit na maaaring mangyari o maramdaman matapos ang pagbabakuna. Gayun pa man, nais pong linawin ng DOH na hindi po sa lahat ng pagkakataon ay AEFI ang maaaring nararanasan ng isang indibidwal matapos mabakunahan.
Maaaring ang mga nararanasang AEFI ay hindi po dahil sa bakuna. Kagaya halimbawa kung nakaranas po ng pagsusuka ang isang indibidwal matapos siyang mabakunahan ngunit pagkatapos naman ay napatunayan na ito pala ay food poisoning. Maaaring matukoy na AEFI ang nausea ngunit ito ay hindi dahil sa bakuna. Bagama’t matutukoy na hindi karaniwang pangyayari kung saka-sakali ang isang indibidwal ay mamatay pagkatapos mabakunahan sa kadahilanang ito ay maaaring nabangga ng sasakyan habang tumatawid, maituturing pa rin po itong AEFI or adverse event following immunization ngunit hindi po ito dahil sa bakuna.
Narito naman po ang ilang mga karaniwang reaksiyon or AEFI na maaari ninyong maramdaman matapos kayo ay mabakunahan: Una at madalas ay ang pananakit, pamumula, pangangati o iyong pamamaga doon po sa injection site; pangalawa, iyon pagkapagod o parang fatigue; pangatlo, ay ang pananakit nga kasu-kasuan or joints or your muscles. Maaari rin pong makaranas nang pagbigat ng pakiramdam; maaari rin pong lagnatin o makaranas ng panginginig or chills; at panghuli sa ating mga halimbawa ay ang pagkakaroon ng sakit ng ulo or headache
Ang mga nabanggit na reaksiyon ay mga karaniwang senyales ng immune response ng katawan sa bakuna. Ang mga reaksiyong ito ay agaran at kusang nawawala rin sa loob ng isa hanggang tatlong araw. Kung may nararamdaman ho kahit na ano mang sintomas matapos kayo ay mabakunahan, agad ninyo po itong i-report doon po sa inyong vaccination site.
Nais pong linawin ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagkakaiba ng non-serious adverse event following immunization mula sa serious adverse event following immunization. Ang non-serious AEFI ay kagaya ng mga nabanggit sa naunang slide – ito ay ang mga karaniwang nararamdaman matapos mabakunahan at agaran ding nawawala matapos ang ilang araw at maaaring gamutin sa inyong mga sariling tahanan. Sa kabilang banda, ang mga serious AEFI ay ang mga AEFI na maaaring makapagresulta sa pagkamatay, hospitalization, pagtatagal sa kasalukuyang pagkakaospital o ang pagkakaroon ng significant disability or incapacity.
Nais bigyang-diin ng Kagawaran na ang serious AEFI ay very rare o napakadalang pong mangyari. Nasa 30 out of one million doses na naiturok, ang bilang ng mga kaso ng serious AEFIs dito sa ating bansa na ating naitala.
So bakit kailangang tuluy-tuloy po ba ang pagmu-monitor natin sa ating mga adverse events following immunization? Kailangan po itong matukoy at masuri ang relasyon nitong adverse event na ito sa pagbabakuna. Kailangan nating malaman kung ang mga ilang importanteng medical events o tinatawag na adverse events of special interest ay higit na dumadami habang tayo po ay nagbabakuna. Ilang halimbawa nito ay ang sinasabi nating myocarditis at pericarditis.
Nakakatulong din po ang mga datos na nakalap upang mabigyan ng ebidensiya na higit ang kaligtasan at proteksiyon na naibibigay kumpara sa mga posibleng negatibong epekto matapos ang pagbabakuna. Sa madaling salita, the benefits that our vaccine may provide greatly outweigh the risks.
Nais din po naming bigyang-diin mula sa Kagawaran ng Kalusugan na less than 30 per one million doses had serious AEFI cases here in the country. Ipinapakita po sa slide na ito sa tala ng ating Epidemiology Bureau ang bilang ng mga nagtala ng serious AEFI ay higit apat na libong kaso o katumbas na ng nasa 30 sa bawat isang milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19. Mayroon din pong naitala na higit 1,600 na pagkakamatay matapos ang kanilang pagbabakuna o 12 kada one million doses.
Tandaan po natin na ang deaths na ito ay hindi rin po kaagad nangangahulugan na ito ay sanhi o dahil sa bakuna. Kinakailangan at nagsasagawa pa ho tayo noong tinatawag nating causality assessment upang matukoy kung talagang ang mga bakuna ba ang sanhi ng mga naitalang AEFI. Muli, bilang halimbawa ng adverse event following immunization, kung ang isang individual ay mamamatay matapos mabakunahan sa kadahilanan ng freak accident kagaya nang nabangga ng sasakyan, nahulog sa riles ng train, nabagsakan ng mabigat na bagay mula sa mataas na gusali at iba pa, maaari po itong maitukoy o ma-classify na AEFI. Ngunit, again, muli po namin ini-emphasize, hindi po ito dahil sa ating mga bakuna.
Sa slide na ito naman, tatalakayin natin ang proseso po natin ng AEFI surveillance. Ang ating unang proseso ng ating AEFI surveillance ay binubuo ng pagtukoy sa mga adverse event following immunization galing sa ating mga healthcare professionals sa vaccination sites, sa mga hospital o ‘di kaya sa ating mga rural health units.
Maaari rin ang pagtukoy ng AEFI ay mula po sa sariling pagbabantay ng sintomas na puwedeng maramdaman matapos mabakunahan ang ating mga kababayan. Kinakailangan din pong i-report sa mga kinauukulan ang mga adverse events na mararamdaman or mararanasan. Agaran ninyo pong abisuhan ang inyong healthcare workers sa vaccination site o ‘di kaya sa mga hospital at local health offices.
Maaari rin po kayong mag-report ng AEFI—o maaari rin mag-report ng AEFI ang ating mga pharmaceutical companies na tinatawag nilang market authorization holders. Kasama po iyan sa kanilang mga obligasyon nang tayo po ay magkaroon ng commitment na makabili ng bakuna sa kanila.
Kung makakaramdam nang hindi magandang sintomas lalo na kung sa tingin ninyo ay maaari po itong lumala, agaran po tayong mag-report sa ating mga disease surveillance unit sa inyong mga local epidemiology and surveillance units. Dapat tayo ay laging maging tapat sa mga iniri-report po natin upang ang mga susunod na proseso sa AEFI investigation ay mas mapadali.
During the AEFI investigation, kinakalap ang lahat ng mga medical records, ini-interview po ang mga kamag-anak pati na rin po ang mga doktor at health professionals na naging bahagi ng kasong ni-report. Dagdag pa rito ay ang pag-iimbestiga sa vaccination sites kung paano itinago ang mga bakuna at pamamaraan ng pagturok sa ating vaccine recipients. Ibig sabihin, tinitignan din po natin ang proseso ng ating pagbabakuna mismo sa vaccination site.
Kapag nakalap na po natin ang tamang impormasyon, ito po ay pinag-aaralan ng ating mga eksperto sa ating Regional Adverse Events Following Immunization Committee or RAEFIC at ang ating National Adverse Events Following Immunization Committee or NAEFIC. Sa pagtatapos ng kanilang assessment ay nagkakaroon ng maayos na feedback sa ating mga local government tungkol sa naging assessment ng ating mga eksperto. Naiintindihan namin na maaaring hindi ito katanggap-tanggap sa ating mga kababayan, ngunit nais pong ipabatid ng DOH na masusi po itong pinag-aralan ng ating mga eksperto.
Makakaasa rin po ang publiko na ang Food and Drug Administration at ang DOH Epidemiology Bureau ay magkasamang nagtataguyod upang masigurong ang lahat ng AEFI ay properly monitored. Nais din pong linawin ng DOH na ang FDA ang naatasang mamuno ng vaccine safety surveillance sa ating bansa kung kaya’t inyong makikita sa websites ang mag report tungkol sa AEFI ng bakuna laban sa COVID-19.
Ang DOH ang umaagapay sa Food and Drug Administration sa paniniguradong ang mga nai-report sa FDA lalo na po iyong serious AEFI ay nabi-verify at kailangan ng masusing imbestigasyon. Maaring ang aming maipapakitang datos ay naiiba minsan sa inilalabas na report ng FDA lalo na sa mga bilang ng serious adverse events following immunization. Bakit po ba ito nangyayari? Ang VigiFlow na reporting system ng FDA ang kumakalap ng lahat ng reports mula po sa ating mga hospital, sa ating mga vaccination sites, from the surveillance officers at maging mula sa ating publiko. Samantalang ang DOH naman po ay nangangailangan pa ng case investigation form at dagdag patunay na ang mga serious adverse events following immunization na nai-report ay na-validate na ng mga epidemiology and surveillance units.
Ang dagdag na beripikasyon at imbestigasyon ay mahalaga sa pagsasagawa ng causality assessment ng ating mga eksperto. Dahil po ganito ang nagaganap sa ating kasalukuyang sistema, ito po ay nagdaragdag ng oras sa pagsasagawa ng imbestigasyon at pagkalap ng kinakailangang impormasyon.
Sinisigurado po ng DOH na ang pagbi-verify at ginagawa sa bawat serious adverse event following immunization na iniri-report kung kaya’t hindi maiiwasang hindi magtugma minsan ang aming mga numero.
Mas marami po ang namamatay dahil sa COVID-19 kung ikukumpara natin sa ating mga bakuna kaya mahalaga mabakunahan po tayong lahat. Ang bilang po ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa ating bansa ay nasa higit 15,000 sa bawat isang milyong Pilipino.
Kung ito naman ay ikukumpara sa mga assessment ng ating eksperto sa mga AEFI deaths, nasa tatlong death lamang kada one hundred million doses ng bakuna ang may sapat na ebidensiya upang masabi na ang bakuna ay sanhi ng pagkakamatay ng mga indibidwal na ito.
Makikita natin na sa napakalaking pagkakaiba ng mga rates na ito at patunay sa napakalaking benepisyo na nakukuha natin sa bakuna from prevention of having severe disease or, in this case, becoming a fatality due COVID-19.
Kaya naman po, muli hinihikayat ng Kagawaran ang bawat isa na magpabakuna dahil mas mabisang protection pa rin laban sa pagkakaospital o pagkakamatay ang pagiging bakunado.
At para naman po sa ating panghuling paalala, batid po ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Food and Drug Administration na ang mga adverse event following immunization ay amin pong mino-monitor upang sigurado na mas higit pa rin ang benepisyong ating makukuha sa pagbabakuna kaysa sa risk of serious AEFIs na maaari po nating maranasan. Hindi lamang po ang DOH ang nag-aaral at nag-iimbestiga ng mga naitatalang adverse event following immunization kung hindi pati na rin po ang napakarami pa nating eksperto sa ating bansa. Patuloy po ang pag-aaral sa ating mga AEFIs upang matukoy ang mga serious adverse events following immunization na maaaring nakuha mula sa bakuna laban sa COVID-19.
Panghuli, batid po ng Kagawaran ng Kalusugan na ayon sa ating mga datos, ang atin pong mga bakuna ay maituturing pa ring ligtas at totoong epektibo laban sa malubha at critical na sakit na buhat ng virus. Kaya naman magpabakuna na po tayong lahat, at kung tayo po ay eligible na, let us all receive our booster doses.
Maraming salamat po and over to you, CabSec.
CABSEC KARLO NOGRALES: Maraming, maraming salamat, USec. Rosette. Please stay on board for questions from the media. Makakasama rin po natin si Philippine Consul General to Hong Kong Raly Tejada, pinapa-kumusta po ng ating Pangulo ang kalagayan ng ating mga kababayan diyan sa Hong Kong. Pakibigyan kami ng update ilan na po sa ating mga kababayan diyan sa Hong Kong ang tinamaan po ng COVID-19, Consul General?
CONSUL GENERAL RALY TEJADA: Magandang hapon po, Secretary Nograles, at USec. Vergeire. Good afternoon po sa inyong lahat. The Philippine Consulate in Hong Kong wishes to inform the public that all Filipinos needing emergencies assistance due to the recent surge of COVID-19 cases in Hong Kong have been accounted for and assisted. In the current fifth wave that Hong Kong is now experiencing, 61 Filipinos have tested positive with around 31 who approached the Consulate for assistance either for hospital admission or access to isolation rooms. Through the immediate intervention of the consulate and in collaboration with the Hong Kong authorities, our NGO friends and the Filipino Community, I am pleased to report that all of them are safe and have received medical attention and are now staying in an isolation facility.
It must be noted that the severity and magnitude of the fifth wave in Hong Kong took everyone by surprise and affected not just Filipinos but all citizens. It has put a tremendous strain on Hong Kong’s health system prompting Hong Kong to take special measures in order to effectively respond to the current challenge. One of which is to provide an extra 20,000 capacity isolation facility among others to cater to those immediately needing isolation rooms.
I am glad to report that just a few minutes ago, upon our representations, the Hong Kong government through the labor department assured the consulate that all Filipinos in Hong Kong most especially, of course, our hard-working foreign domestic helpers that are needing medical attention and isolation will be treated and taken to an isolation facility if necessary.
The consulate also published a comprehensive yet easy to follow advisory to guide the Filipino community regarding the current health protocols in Hong Kong that everyone must follow if one tests positive for COVID-19.
The Philippine government through the consulate continuous to work hard to assist all Filipinos in Hong Kong, thus we urge all Filipinos in Hong Kong to take utmost care, stay in safe environment and follow all social distancing measures and [garbled] the regulations by the Hong Kong government. Also, please get vaccinated, mga kababayan.
Finally, we wish to assure the Filipino community in Hong Kong that we are ready to respond to all your concerns or request for assistance. All you need to do is just call our 24/7 hotline which is 9155-4023. May I repeat, that is 9155-4023, and we are ready to help.
Thank very much, Secretary Nograles.
CABSEC KARLO NOGRALES: Maraming salamat, ConGen. Please also stay on board for questions from the media. And with that, pumunta po tayo kay USec. Rocky na nandito sa tabi ko para sa mga katanungan mula sa MPC.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. Good afternoon po sa ating mga bisita at siyempre sa Malacañang Press Corps na nami-miss na rin ang Press Briefing Room.
Ang una pong tanong ay mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Palace comment daw, Secretary. President Biden said he was convinced that Russian President Vladimir Putin has decided to launch a further invasion in Ukraine and that he has a reason to believe it will occur in the coming days.
CABSEC NOGRALES: Well, unang-una sa lahat, siyempre we hope that all parties will explore all avenues, sana po ay makapaghanap po tayong lahat ‘no dito sa buong mundo, makapaghanap po nang mabuting avenues para matagumpay nating marating ang kapayapaan. That being said, your government and our President Rodrigo Roa Duterte has been preparing for any and all eventualities and all contingencies ay pinaghahandaan na po ng inyong pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question mula po kay Ace Romero ng Philippine Star for Usec. Vergeire: Usec. Vergeire, Health Secretary Duque cited an additional condition for an area to be placed under Alert Level 1 – at least 80% of seniors and people with health risk should be vaccinated. Why adopt this additional condition? Is Metro Manila qualified based on this new metrics? Similar question po iyan with Ivan Mayrina ng GMA, Carolyn Bonquin ng CNN Philippines.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una po, this is not an additional condition. If you remember there was this IATF resolution I think dated November or December last year kung saan naipatupad natin iyong alert level system at kasama po doon, doon sa metrics ng Alert Level 1 ito pong vaccination coverage – that at least 70% ng eligible population ay bakunado tapos kasama po iyong ating clause for senior citizens diyan. So this is not an additional condition. What was changed was the target number ‘no.
So dati po ang atin pong niri-require lang was just 70% for senior citizens, ngayon tinaasan na po to 80% kasi mataas na po ang bakunahan natin at marami na po tayong bakuna sa ngayon so hindi na po natin kailangan magkaroon ng rason kung bakit mababa pa rin pagdating sa ating mga nakakatanda at sa ating mga persons with comorbidities.
The very reason why we are having this kind of target ‘no, increased target for senior citizens and those with comorbidities, dahil alam po natin sila po iyong pinaka-vulnerable pagdating da COVID-19 at gusto natin ‘pag tayo ay nag-deescalate to Alert Level 1, iyong new normal natin, protektado po itong mga vulnerable population natin para additional safeguard natin iyan para hindi po mao-overwhelm ang ating health care system if ever po na magkakaroon uli tayo ng pagtaas ng kaso.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. Sunod na tanong mula kay Ace Romero ng Philippine Star: Sec. Karlo, will the IATF set more conditions for Alert Level 1?
CABSEC NOGRALES: Iyan po ay pag-uusapan sa IATF meeting natin ‘no. Sa Thursday may IATF meeting tayo, may iri-report po sa amin, sa IATF at pagdidesisyunan po ng IATF kung ano iyong magiging final na requirements natin for any area in the Philippines to be placed under Alert Level 1.
And any announcement for Alert Level 1 and for the other alert levels will be done before March 1 siyempre. So iyong new alert level systems po natin will be for the period March 1 to March 15 and we will make the announcement before March 1.
USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo.
CABSEC NOGRALES: Okay. Tumungo naman po tayo kay Trish Terada ng CNN.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary Karlo. Sir, just on Dr. Naty Castro’s arrest. Several groups have raised their concern over the arrest of Dr. Natividad Castro and initial accounts point to the—that’s being a victim of red-tagging. And iyong mga groups na ‘to, sir, they are reputable groups calling for the immediate end of harassment and intimidation tactics na ginagamit daw po kay Dr. Naty. What does the President know about this? And will he intervene considering nga po, sir, that these are reputable groups calling for action amid the seeming irregularities sa arrest in Dr. Naty?
CABSEC NOGRALES: We’ll refer you to the statement of DILG Secretary Año ‘no and the facts of the case. Una sa lahat hindi po iyon dahil sa “sinasabing red-tagging”. If you look at the facts of case, it is—the arrest was made by virtue of an arrest warrant issued by a regional trial court for serious illegal detention and kidnapping. So may specific crime po that was the cause of the warrant of arrest issued by the RTC court.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But, sir, still even if there is an actual case, some can’t help that this could just be trumped up charges, you know, to officially—to formally make a case against her. And marami din po ngayon tuloy nagtatanong kumbaga—or nagli-link nito sa implementation ng Anti-Terror Law although it’s a different case, although I understand it’s not related to Anti-Terror Law. But doesn’t this call for a review of how the law enforcement units implement the law in general, not just the Anti-Terror Law? Can they just red-tag anyone who’s a human rights advocate even if they insist on saying that this is not a case of red-tag?
CABSEC NOGRALES: Again ‘no, hindi siya case ng red-tagging. Again, the arrest warrant was issued by the court. But even previous to that, dumaan po ito ng proseso ng investigation ng prosecutor and at every avenue and at every opportunity nabigyan po ang mga abogado ng pagkakataon – they had all opportunities to contest it from that point na nag-preliminary investigation, if they did not agree with the findings ng prosecutor, they also had legal remedies after that hanggang dumating na nga sa korte at finile at sinampa sa korte.
And now it has—now that the warrant of arrest as issued by the RTC court was served, it will now take the judicial process and may legal remedies din po doon. So we understand as stated by Secretary Año that maraming abogado ang nagri-represent kay Doc Naty at they would, as lawyers, should know all of the legal remedies available to them.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Yes, sir, maraming lawyers. But iyon nga po, sir, paano kung halimbawang mangyari ito sa isang individual who doesn’t—you know, who doesn’t have as much support from the lawyers or who doesn’t have as much connection, sir? Ang tanong po kasi ngayon dito iyong irregularities of the arrest. When she was arrested, for a while she’s gone incommunicado and the lawyers are actually demanding for still some documents does an explanation. Bakit for a time hindi sila magkaroon ng access to Dr. Naty? Doesn’t that merit an investigation?
CABSEC NOGRALES: All law enforcement authorities and all legal authorities maintain that the proper procedure was followed. And if the lawyer of Dr. Naty would like to [garbled] that, again they have legal remedies available to them and their client. But the legal authorities, law enforcement authorities and all authorities for that matter involved in the case maintain that all legal protocols and procedures were followed.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. Sir, on another topic, iyong sa COMELEC commissioners na lang po. Ilang weeks na rin po since nag-retire po iyong ating tatlong commissioners. Hanggang ngayon po wala pa rin po bang napipili si Pangulo na COMELEC commissioners and can we at least have any information tungkol po doon sa shortlist ng Pangulo with regard to the COMELEC commissioners?
CABSEC NOGRALES: Well, the President is mindful of the deadlines ‘no, the legal and lawful deadlines for the appointment of very important appointees to the COMELEC. So knowing the deadline and knowing that there’s a vetting process at kailangan dumaan din po sa vetting process ay hintayin na lang po natin ‘no. Rest assured that the President will make the appointments soon beating the deadline and making sure that it will not fall within the deadline. So, hintayin na lang po natin.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: How soon, sir? This week?
CABSEC. NOGRALES: Abangan na lang po natin kasi even I cannot give a definite timeline or answer as to a particular date and time.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Secretary Karlo.
CABSEC. NOGRALES: Thank you, Trish. Back to you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Sec. Karlo. Ibigay ko na lang po muna itong follow-up question ni Ace Romero ng Philippine Star, additional query lang daw po: Iyong NCR po ba daw ay qualified doon sa 80% target para mailagay sa Alert Level 1? And nabanggit ninyo po kanina daw na iyong areas na pinag-aaralang puwedeng ilagay sa Alert Level 1, ano daw po iyong mga areas na iyon?
CABSEC. NOGRALES: We will wait ‘no. Like I said, iyong procedure kasi namin sa IATF is before we announce any alert level for a particular period, we want to study the numbers as closely to the period as possible.
So, halimbawa sabihin natin March 1. Sa March 1 po iyon to 15, ang next announcement po natin. Of course, magkakaroon tayo ng IATF meeting sa Thursday but may ilang araw pa bago mag-March 1, over the weekend ‘di ba? May Feb. 25, 26, 27.
So, pag-uusapan pa namin sa IATF on how long we will wait. Maybe perhaps during the weekend pa talaga namin maa-announce ang ating alert level system for March 1. Although on Thursday mayroon na kaming indicative na alert level classifications sa lahat ng mga areas, whether Alert Level 2 ba iyan o mayroon bang mag-Alert Level 1 or mayroon pa bang maiwan na Alert Level 3 halimbawa.
Tingnan natin ‘no. As close to March 1 as possible, that’s when we will definitely make the decision.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod na magtatanong si Ivan Mayrina ng GMA News: What does the President have to say about yesterday’s tragic crash of a PNP chopper en route to Balesin to pick-up the Chief PNP from his vacation? Does the Palace see anything irregular over the use of the organization’s air asset for the chief PNP’s personal trip? Similar question po iyan with Llanesca Panti ng GMA News Online.
CABSEC. NOGRALES: Una sa lahat, kami po ay nakikiramay sa pamilya ng isang crew member na namatay dahil sa crash na ito at we wish the two injured a speedy recovery.
Pangalawa po, DILG or the Department of the Interior and Local Government is currently investigating the circumstances surrounding the fatal crash of the chopper. So, abangan na lang po natin kung ano iyong magiging resulta ng imbestigasyon na iyan ng DILG.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up question po ni Llanesca Panti ng GMA News: May pananagutan po ba dito ang PNP chief?
CABSEC. NOGRALES: We will await the report of the DILG. It is currently being investigated.
USEC. IGNACIO: From Jopel Pelenio ng DWIZ: Halos malapit nang pumalo daw po sa P100.00 ang kada litro ng mga produktong petrolyo. Sa tingin ninyo, dapat na po ba kabilang din sa magiging priority program ng susunod na pangulo ng bansa ang pagbasura sa Oil Deregulation Law na isa rin sa labis na nagpapahirap sa mga Pilipino, hindi lamang sa mga driver ng pampublikong transportasyon?
CABSEC. NOGRALES: Well, I cannot speak for and behalf of the next president or the incoming president. So, pasensiya po.
With regard to any amendments, if any, of any laws, that will have to pass through Congress.
USEC. IGNACIO: From Rose Novenario of Hataw: May koneksiyon po kaya ang pag-aresto kay Doc Naty Castro sa inilabas na EU Parliament Resolution on February 17, 2022 regarding daw po sa possible removal of trade perks sa Philippines due to EJKs, HR violations, etc., considering na isa si Doc Naty sa mga naglatag dati ng kalagayan ng Lumad community sa UN at sa EU Council?
CABSEC. NOGRALES: That is pure speculation.
USEC. IGNACIO: Follow-up po ni Rose Novenario: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa pahayag ng health at human rights organization na “There is a menacing pattern or red-tagging, arrest and killing of doctors and health workers in the country.” Mapipigilan ba ng Palasyo ang mga insidenteng ito at matitiyak na makakamit ng pamilya ng mga biktima ang hustisya?
CABSEC. NOGRALES: Again, wala pong red-tagging na nagaganap.
Pangalawa po, any and all crimes inimbestigahan po iyan ng lahat ng mga kinauukulan, our law enforcement authorities. And if you would notice iyong report po ni Secretary Año kay Pangulo kagabi, index crimes po natin ay bumababa simula noong nanungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Simula noong siya ay naging Pangulo, hanggang ngayon po ay pababa nang pababa po ang index crimes po natin and even over all crimes.
Non-index and index crimes are all going down and our law enforcement agencies continue to work hard para mas lalong mapababa ang krimen dito sa ating bansa at kasama na diyan iyong murders, homicide and other serious crimes.
USEC. IGNACIO: From Leila Salaverria of Inquirer for Consul General Tejada, although may nasagot na po kayo kanina tungkol dito, basahin ko na lang po iyong tanong baka may maidagdag po kayo: What kind of commitment, if any, has the Hong Kong Government made regarding the fate of OFWs who tested positive for COVID?
HK CONSUL GENERAL TEJADA: Kagaya pong nasabi ko, nagpahayag po ang Hong Kong Government kani-kanina lamang po, they reassured us of their support. Lahat po ng magkakasakit na Pilipino dito sa Hong Kong ay ipapagamot po nila at bibigyan ng isolation facility.
So, iyan po ay galing mismo sa government ng Hong Kong, sa kanilang representative from the Labor Department. So, noon pa man eh ganito naman din ang ginagawa ng Hong Kong. Lahat po na nagkakasakit na Pilipino talaga po hindi naman nila tayo binibigo. Lahat sila ay ipinagagamot muna nila at talaga naman pong hanggang gumaling at makalabas ng ospital assisted po nila.
So, they continue doing that and we are confident that they will continue doing so.
USEC. IGNACIO: Opo. ConGen, follow-up question po: Has the Consulate received reports of OFWs being prohibited to leave their employers homes and taking their day-off because of fears they could be infected? If yes, what is being done about this?
HK CONSUL GENERAL TEJADA: Well, of course, sa community po dito sa Hong Kong usap-usapan po nga iyong kung lalabas o hindi sapagkat sa dami nga po ng nagkaka-virus sa labas at talaga na pong napakataas ng surge ng Omicron variant dito po ngayon sa Hong Kong.
Ngunit lagi po namin ipinapaalala po sa ating community na mag-ingat po and stay in a safe environment. Ngunit ayon po sa batas ng Hong Kong kasi ang isang manggagawa ay allowed to have one day off every week, so iyon po ay kanilang dapat i-exercise if they want to. But if they’re going to exercise their rest day, make sure that they are staying in a safe environment and exercising utmost care.
But katulad nga po ng ating pakiusap sa kanila, times are different now. It’s really, really dangerous to go out sapagkat ang ating sitwasyon ay delikado, patuloy ang pag-record ng mataas na numbers of COVID infections. So, nakikiusap kami sa ating mga kababayan to remain safe and stay in a safe environment.
Kung maaari po ay isaalang-alang ang lahat ng social distancing measures at regulations ng Hong Kong Government upang magapi na po natin itong Omicron variant na kasalukuyang nananalasa nga po dito sa Hong Kong.
USEC. IGNACIO: Thank you, ConGen.
Sec. Karlo, kay Leila Salaverria pa rin po ng Inquirer: You said the Administration has taken steps to address [issues] raised by the European Parliament about the human rights situation in the country. But then how does Malacañang explain the reported manner of arrest of Dr. Natividad Castro who was denied access to a lawyer? The police also reportedly did not properly identify themselves and refused to tell her family where she was taken. What does the Palace think of this?
CABSEC. NOGRALES: Well, again, we were assured by DILG Secretary that our legal authorities, our law enforcement authorities did everything by the book. They maintained that proper procedures and protocols were followed.
And again, as stated by Secretary Ed Año, the cases are now in court, we must allow the judicial process to proceed and take its rightful course. The accused shall be entitled to every legal remedy available in her defense and she already has a battery of topnotch lawyers.
USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News for Sec. Karlo and ConGen Tejada: With the surge of cases in Hong Kong, is there a necessity to impose a travel ban for Hong Kong?
CABSEC NOGRALES: No decision on that matter yet as of the moment. We just must ensure that lahat ng ating mga kababayang OFW na pupunta sa ibang lugar ay kailangan fully vaccinated po. Iyan po ang pinakamabisang paraan para ma-assure natin iyong kanilang full protection kapag sila po ay pumunta ng ibang bansa. ConGen?
CONSUL GENERAL TEJADA: Salamat po, Secretary. Susugan ko lamang po ang inyong sinabi, tama po iyan, magpa-vaccinate po tayo sapagka’t iyon lamang po ang scientific way of really getting out dito sa pandemic that we are currently experiencing.
Kung maaari po sana, huwag po sanang mag-ban ng pagpapauwi ng ating mga Pilipino sa Pilipinas sapagka’t marami pa rin pong mga kababayan natin ang patuloy na umuuwi galing Hong Kong papuntang Pilipinas. But of course, that is a decision that I leave to our experts and our superiors in Manila. But of course, due to the—also based sa restrictions, hindi rin po makapunta rito ang mga Filipino. At, you know, these things are things that need to be assessed and discussed by our superiors in Manila.
But patuloy pa rin kasi po ang pag-uwi ng ating mga kababayan sa Pilipinas eh. As we speak, mayroon pa ring mga flights pumupuntang Pilipinas, ngunit ang ban po ngayon ay iyong Hong Kong papuntang—mula Pilipinas papuntang Hong Kong. So, you know, recapping, nasa Pilipinas na po kung … sa ganiyang katanungan.
CABSEC NOGRALES: I-clarify ko lang ‘no, Usec. Rocky: Tayo, ang policy talaga natin sa bansang Pilipinas, lahat ng Pilipinong gustong umuwi ay papayagan po nating umuwi sa bansang Pilipinas. Kung ang tanong is kung iba-ban ba natin ang Pilipino na pumunta ng Hong Kong, iyon po ang ibig kong sabihin na wala po tayong ganiyang klaseng desisyon and it’s really up to the Hong Kong government in terms of banning flights going to Hong Kong from the Philippines ‘no. Wala tayong ano diyan, control diyan.
But again, for our OFWs who go to other countries kabilang na ang Hong Kong, the best protection is iyong pagbibigay natin ng full vaccination po sa kanila. But again, the policy remains: Sinumang Pilipino, saan man sa mundo ay maaaring umuwi sa Pilipinas, wala pong ban against Filipinos coming home to the Philippines. All Filipinos who want to come home to the Philippines welcome na welcome po.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question ni Joseph Morong for ConGen, nasagot na po ni ConGen iyong second question niya. Iyong third question niya for ConGen pa rin po: What are we doing to help those who were terminated because they were positive? Would we know officially how many they are?
CONSUL GENERAL TEJADA: Yes, this really constitutes a very small number of … they’re really a small minority, around three to five. But we’ve gone around and talked to them, investigate the… you know, circumstances surrounding their case.
Pero gaya po ng sinasabi ko lagi, ang ating primary mission is to get them treated first and then, they receive medical attention. At kapag gumaling po sila, we will revisit the situation and we will ask them kung ano po talaga ang nangyari. At kung mapatunayan nga po natin na they were asked to leave because of their sickness, ito po ay … nasasabi po natin lagi na illegal ‘no, illegal dismissal po ito under the employment ordinance of Hong Kong.
Ngunit I’m glad to report din po that, you know, through the representations of the consulate, and advice, many of those who were initially turned away by their employers are now actually back with their employers or went back to their boarding houses. So, in a way, we are proactively ‘no engaging din iyong mga employers, to explain to them that terminating their employees at these difficult times especially when they’re sick is not only illegal, it is immoral. So many of them have been convinced to take back their employees and to make sure that proper care and assistance given to them.
USEC. IGNACIO: Thank you, ConGen. From Sam Medenilla ng Business Mirror: Secretary Karlo, what the government daw po is doing to address the reported cases of bird flu in some farms in Central Luzon? How will the government ensure sufficiency of food supply as it addresses the spread of the said infection?
CABSEC NOGRALES: Yes, I think pertains to the H5N1, highly pathogenic avian influenza, which the Department of Agriculture has confirmed in some farms in Baliuag, Bulacan, Candaba and Mexico in Pampanga. So iyong action/response po ng inyong pamahalaan, immediate culling and proper disposal of all remaining birds in the affected farms; disease investigation; trace back and trace forward; surveillance in the one-kilometer quarantine zone around the infected farms; and following established protocol.
The Department of Agriculture has also informed the Department of Health para magkaroon ng coordinated action to be undertaken to avoid any risk of transmission to humans. The concerned LGUs have already been informed and onboarded sa next steps forward.
The disease, according to DA and BAI, remained isolated in ducks and quails in the two provinces. But nevertheless, the Bureau of Animal Industry is conducting massive surveillance on the one-kilometer radius in the affected area. Our poultry stakeholders have been duly informed, and the Bureau of Animal Industry has advised and tasked them to self-monitor and conduct internal surveillance on their own farms. No test, no movement policy is now instituted in the affected provinces. And all queries regarding this event must be directed to your Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong niya: Na-discuss din po kaya ng Cabinet officials with President Duterte ang expected impact ng Ukraine crisis sa local oil supply? If yes, may mga naging instruction po kaya si President Duterte to address the matter? Similar question po iyan with Kyle Atienza ng BusinessWorld: Does the Ukraine crisis raise questions about the credibility of US preparedness for Asian contingency? And how does the Palace view the crisis?
CABSEC NOGRALES: Again, when I said that the President and your government is preparing for any and all eventualities, and any and all contingencies are being prepared, kasama at kabilang sa kinakausap ni Pangulo iyong mga kagawaran na directly involved at … that will be directly involved for any and all eventualities and contingencies ‘no. Kabilang na diyan ang Department of Transportation. Kabilang na rin po diyan iyong Department of Energy, and of course, our security, justice and peace cluster.
USEC. IGNACIO: Opo. From Sheena Torno ng SMNI News: May panawagan po ang ilang transport group na taasan hanggang ten pesos ang pamasahe sa mga pampublikong transportasyon, kasabay po ito ng patuloy na pagtaas ng langis. Ano po ang tugon ng Malacañang?
CABSEC NOGRALES: Ito po ay under, nasa jurisdiction ng Department of Transportation at ng LTFRB. So pinag-aaralan din po iyan, lahat ng mga issues, hindi lamang po iyan but all the other contingent issues that belong under the jurisdiction ng DOTr at LTFRB. So abangan na lang po natin kung ano ang magiging recommendation nila at magiging desisyon.
USEC. IGNACIO: Ano raw po ang maibibigay na tulong ng gobyerno sa mga tsuper ngayong tumataas ang presyo ng langis?
CABSEC NOGRALES: Yes, again, that belongs under DOTr and LTFRB. But that being said, tulad nang nasabi ko na po noong last press briefing po natin, DOTr and LTFRB are ready to implement iyong sinasabi nating fuel subsidy program under the General Appropriations Act or national budget for 2022. Pero may mga conditions po kasi diyan eh. But as far as the preliminary list is concerned, na-submit na po iyan, iyong mga paperwork ay na-submit na po iyan sa DBM. And then, there’s just that issue about iyong conditionalities bago po mag-take effect at ma-trigger po iyong provision na iyan sa General Appropriations law natin with regard to fuel subsidy. But your DOTr and LTFRB are ready to implement kapag binigyan na po ng go signal.
USEC. IGNACIO: From Lei Alviz ng GMA News for Usec. Vergeire. Iyong first question po niya ay nasagot na ni Usec. Vergeire. Second question: May inaasahan bang spike sa mga kaso dahil sa campaign activities?
USEC: VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So the probability is always there, pero kumpiyansa po tayo ngayon that vaccines are working for us and hopefully maipatupad po natin na for all of those attending these campaign sorties we can only have vaccinated individuals para lesser risk of transmission, lesser risk of infections, lesser risk of the probability of having spikes in the future.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: May updates po ba sa pag-aaral ng DOH sa Omicron sub-lineage BA.2?
USEC: VERGEIRE: Yes ‘no. So, Lei, ang WHO nagbigay ng pahayag noong isang araw na base sa mga current evidences, ang BA.2 na sub-lineage ng Omicron ay mas transmissible. Pero sinabi rin nila mas transmissible kaysa sa BA.1, pero sinabi rin nila na as to the severity of infections, wala pong pagkakaiba. There were no evidences to point that there are differences in severity between BA.1 and BA.2.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire.
From Maricel Halili ng TV5 for Sec. Karlo and Usec. Vergeire: Usec. Badoy criticized the Department of Health for allegedly defending a member of the Central Committee of the NPA. This is following the statement of DOH regarding the arrest of Dr. Maria Natividad Castro. The DOH has recognized the contribution of health workers, especially those who have opted to work with underserved. Ano po ang masasabi ng Malacañang at ng DOH dito? Is this a fair statement?
CABSEC NOGRALES: Ang sinabi po ng Department of Health is, “That all our citizens, healthcare workers included, enjoy the constitutional guarantees of due process and presumption of innocence until proven guilty. We trust our authorities to uphold these rights”.
So hindi po salungat ang ating mga authorities. Our legal authorities, the DILG, our law enforcement authorities and all legal authorities maintain that lahat ng constitutional rights of the accused will be protected and all legal protocols and procedures were followed.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Maricel Halili. Usec. Vergeire, please go ahead sorry.
USEC. VERGEIRE: Ano, we agree with CabSec. Nograles, Usec. Rocky. Iyon naman po ang naipalabas natin. Binigyan din lang po natin ng recognition ano ito pong ating mga doktor for serving among the marginalized individuals or families in our country. But katulad po ng sabi ni CabSec kung ano po iyong proseso diyan naman po tayo ‘no at tayo po ay naniniwala that the processes and the rights of the individual will be preserved and respected.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire.
Sec. Karlo, may follow up lang po, clarification si Joseph Morong?
CABSEC NOGRALES: Yes.
USEC. IGNACIO: Ano daw po: No ban sa incoming passengers, Filipinos or otherwise, from Hong Kong?
CABSEC NOGRALES: Kagaya ng sinabi ko, ang policy po natin any Filipino from anywhere in the world who wants to come home wala naman po tayong ban against Filipinos who want to come home. If the question is: Mayroon bang ban ng Filipinos going to Hong Kong ay that’s up to the Hong Kong government but wala din naman din tayong ini-impose na ban but they just have to follow the protocols and procedures as with any other country ‘di ba. Kung ano iyong mga requirements para pumunta ka ng ibang jurisdiction or ibang territory or ibang country, sundin mo at wala po tayong control diyan. Those are the policies and the rules and regulations of those territories, countries or jurisdictions. But any Filipino who wants to come home to the Philippines, ang sabi ni Pangulo, payagan nating umuwi. Taga-Pilipinas, Pilipino iyan, kababayan natin, so iyan po ang policy never nagbago ‘yan.
USEC. IGNACIO: Second question naman po ni Maricel Halili ng TV-5: What are the chances that President Duterte will endorse Isko-Sara tandem?
CABSEC NOGRALES: Wala pong ini-endorse. Sabi ni Pangulo, he will not endorse any presidential candidate unless there is a justification or he sees the need to do so but so far, up to now po, up to this point ay wala po siyang ini-endorse kagaya ng nasabi na po niya sa past Talk to the People address niya.
USEC IGNACIO: From Ace Romero ng Philippine Star: House Deputy Speaker Mikey Arroyo is urging President Duterte to call for a special session of Congress to allow lawmakers to act on pending bills that seek to reduce fuel prices. Is the President inclined to call for a special session? Why or why not?
CABSEC NOGRALES: Wala pong indication pa in terms of pronouncement from the President to that effect ‘no. Again, you need the House of Representatives and the Senate together, and dapat mag mag-usap muna ang House of Representatives at Senate. And then of course, mag-communicate kay Pangulong Duterte. But as of the moment wala pa pong indication with regard to that, iyang panawagan na iyan.
USEC IGNACIO: From Tuesday Niu ng DZBB: Sec. Karlo, pinatawag daw po ng Malacañang si Dr. Anna Melissa Guerrero, Division Chief ng Pharmaceutical Division ng DOH tungkol sa Botika ng Bayan. Ano po ang resulta ng meeting na ito?
CABSEC NOGRALES: I’ll get back to you on that.
USEC IGNACIO: Okay. Thank you, Sec. Karlo. Thank you, Malacañang Press Corps, at sa ating mga guests.
CABSEC NOGRALES: Maraming salamat, Usec. Rocky, at sa Malacañang Press Corps.
Mga kababayan, as of as of February 20, 2022, nasa 33.5 million na indibidwal ay qualified nang tumanggap ng booster shots, ayon sa Department of Health. Ngunit nakakabahala na nasa 29% lamang ang nagpa-booster sa ating mga kababayan; nasa mahigit 23 milyon pa ang walang booster shots.
Iniisip siguro ng karamihan: Bakit kailangan nito? Bumababa naman na ang kaso ng COVID-19 sa bansa. There is very little risk of getting COVID today. Kuno!
Misguided po ang ganitong pananaw. Kailangan pa rin natin ng dagdag na proteksiyon. Ika nga, it is better to be safe than sorry. Sabi nga ng Pangulo, pinag-aralan ito ng mga eksperto. Ang mga bakunang ibinibigay ng pamahalaan ay garantisadong dekalidad, ligtas at epektibo. Ito ay ating panlaban, hindi kalaban. Pansagip ng buhay, pambangon ng kabuhayan. Magpabakuna at magpa-booster shots na po tayo.
Maraming salamat po and God bless.
USEC: IGNACIO: Thank you, Secretary Karlo Nograles. Thank you po sa ating mga bisita at sa Malacañang Press Corps.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center