Press Briefing

Press Briefing of Ms. Daphne Oseña-Paez on the Launch of National Rice Awareness Month with Dr. Karen Eloisa Barroga and Dr. Hazel Antonio


Event PCO Press Briefing with DA-PhilRice

MS. OSEÑA-PAEZ: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, and welcome to the press launch of the 2023 National Rice Awareness Month.

Every November, the country celebrates National Rice Awareness Month. This celebration is pursuant to Presidential Proclamation No. 524 signed on January 5th, 2004. This aims to heighten public awareness on efforts to attain rice self-sufficiency and, address malnutrition and poverty. With the theme, “Be RICEponsible”, the National Rice Awareness Month is being spearheaded by the Department of Agriculture and its attached agency, the Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

And to give us details about the celebration and the programs that have been prepared, we have here today Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice and Dr. Hazel Antonio, “Be RICEponsible” campaign lead. Good morning Dr. Barroga and Dr. Antonio.

DR. BARROGA: Good morning.

DR. ANTONIO: Good morning.

MS. OSEÑA-PAEZ: Go ahead. Tell us about how to be “Be RICEponsible”.

DR. BARROGA: Yes, Daphne. We have this “Be RICEponsible” campaign and it’s embedded in the message “ABAKADA” so it’s easier to remember. So A is adlay, mais, saba at iba pa ay ating kainin; BA is brown rice ay atin ding subukan at kainin; KA is kanin ‘no ay huwag sayangin; at DA is dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin; so, it’s easier to remember. This time we are involving the consumers para po ang… dahil ang rice ay ating staple food so it’s important that it’s not just a matter of technology push na iyong farmers ang inaano nating mag-produce nang mag-produce ng rice. But also, the consumers, they have a role to play by avoiding wastage sa ating food, and doing that is also very helpful for our health.

So, those are I think the key messages that we want to say about “Be RICEponsible.” So, it’s November; it’s National Rice Awareness Month. Hazel, would you like to add more?

DR. ANTONIO: Yes. Noong 2013 actually nagsimula iyong “Be RICEponsible” campaign but we continued with the message since last year and it would last until 2028. Ang highlight talaga nito, since mas bago siya ngayon, iyong dapat ay bigas ng Pilipinas ang bilhin. Kasi before our core messages ang kasama lang po doon ay ‘Think our farmers and appreciate their hard work’. Pero this time, we’re encouraging every consumer to buy their products kasi isa din sa mga goals ng DA specifically ng PhilRice under the RiceBIS program ay tulungan iyong ating mga farmers to market their products as milled rice instead na ibenta nila as fresh palay sa farmgate.

Kasi iyon ‘yung isa sa mga reasons kung bakit mababa iyong income nila. So, 49% lang noong consumer prices iyong nakukuha nila and mababa iyong income dahil doon. So kung binibili natin iyong bigas ng 50 pesos, nakukuha nila less than P25 and babawasan pa iyan ng inputs nila so halos wala nang natitira. So, kaya ini-encourage namin sila to sell milled rice.

Now, of course, para may bumili ng milled rice nila, we have to encourage the consumers to buy their products directly. So, now, we’re partnering with institutional buyers to buy from them directly. Just recently nga, mayroon kaming nakuhang order from Philippine Disaster Risk Reduction Network, so they will be buying more than seven million worth of rice mula sa ating mga farmers.

So iyong mga consumers natin, kahit individually, we’re encouraging them to buy the milled rice of our farmers and we’re trying to label them as ‘Philippine Rice’ – iyon po ‘yung makikitang logo doon sa letter ‘D’ ng campaign para kapag nakikita ninyo iyon, you could differentiate what is the local and what is the imported rice kasi ang hirap din naman malaman nila kung ano talaga iyong dapat nilang bilhin na local rice. So, we’re [unclear] the campaign din na dapat makita iyong… ma-label iyong mga local rice as ‘Philippine Rice’ para at least alam nila na ito iyong products ng farmers natin.

MS. OSEÑA-PAEZ: Maybe we could show the logo – best buy Philippine Rice. Now, let’s open the floor to questions. Chona Yu, Radyo Inquirer.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Good morning, ma’am. May data po kaya ang Philippine Rice kung ilan ang consumer wastage ng Pilipinas kada taon?

DR. BARROGA: Ang data po namin, well it’s actually two tablespoon of rice is wasted by every person daily… a day.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Kung iku-compute iyon, ma’am, mga…

DR. BARROGA: That would be costing around seven million pesos.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Seven million a day? Buong taon na po iyon?

DR. BARROGA: Oo, a year – seven million for a year.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: So, ano po siya—

DR. BARROGA: Which could feed 2.5 million Filipinos sana kaysa na-waste.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: So, ano po siya, ten grams actually per person? Just around 384,000 metric tons po siya per year, almost 385,000 metric tons per year.

DR. BARROGA: Per year po, yes po.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: And also, ma’am, how are you going to encourage iyong mga consumers to buy brown rice at saka adlay kasi medyo pricy po siya sa market compared sa ordinary rice?

DR. ANTONIO: Noong 2016, actually we started the campaign doon sa brown rice – iyong “Brown for Good” – and siyempre, para ma-promote… tama po kayo, para ma-promote iyong brown rice, kailangan din pataasin iyong supply at pababain iyong presyo. And that time, ang presyo ng bigas ay P37 lang, would you believe it? So ang ginawa po namin, iprinesyo namin iyong brown sa white kasi isa sa hindrances talaga kung bakit hindi siya nabibili ay iyong price niya kasi ang target market talaga ng mga nagpu-produce ng brown rice ay iyong mga middle to upper class. So trinay (try) namin siya and tumaas naman iyong volume.

So, I think we’ll just have to continually increase the demand para iyong supply din niya ay tumaas at bumaba iyong price. Kasi sa law of supply and demand, kapag tumaas na talaga iyong supply, bababa na iyong presyo. So, ngayon we’re trying din—isa din kasi sa reason kung bakit mahal iyong presyo niya ay iyong mabilis siyang masira. Nagra-rancid kasi siya unlike iyong white rice na puwede mong i-stock for a year. Brown rice kasi, at most mga six months kung properly packed kasi mayroon siyang oil na nandudoon din iyong mga nutrients niya, na kapag inalis natin… so iyon, mawawala din iyong ibang nutrients. So, iyon ‘yung nagpapa-rancid, medyo maanta kaya ang ginagawa natin ngayon, ini-encourage natin iyong meal as you… iyong kailangan nila…

DR. BARROGA: As needed.

DR. ANTONIO: As needed, yes. So, sa PhilRice and PhilMech, nagki-create kami iyong mga bike lang, puwede mong bilhin sa bahay tapos magba-bike ka, tapos mami-mill mo iyong… instead na bigas ang bibilhin mo, palay. So kapag minill (mill) mo siya, matatanggal iyong outer layer, iyong husk tapos brown rice na siya. So, puwede mo siyang gawin, one hour may one kilogram ka na. So iyong mga health buffs puwede nila iyong i-try. Tapos, ikaw na din iyong nag-mill, iyon.

Tapos, iyon nga po, tina-try din natin ngayon na i-promote din siya as… iyong packaging kasi din niya iyong isang nagpapamahal. So kung mabilis lang naman, kung bibilhin mo din agad so iyon na lang sana para medyo mababa na din iyong price.

DR. BARROGA: May I just add about adlay ano. So sa PhilRice naman po, yeah, it’s not commonly available ano saka medyo mahal nga. So, what PhilRice is doing is to really have… of the seeds ‘no, more of the seeds – purify it and have good collection. So, now we have 80 adlay collections conserved at our gene bank and then nagpu-profiling na kami noong nutritional characteristics niya. And then photo documentation ng variety, all the data needed so that we can have more of the adlay varieties available. So iyon naman po ‘yung effort na ginagawa namin sa research, tumulong na kahit na rice… but it’s a good additional staple for us.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Maricel Halili, TV-5.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, ma’am, magandang umaga po. Ma’am, about sa wastage. Ano po iyong dahilan bakit ganoon kadami iyong mga nasasayang na kanin/bigas kada taon?

DR. BARROGA: Ano po bang napapansin natin kapag may fiesta ‘no? Marami kasi iyong sabi ng natin ‘takaw-mata’. So we are… actually the campaign says, get only what you need and what we have done in the past was to encourage a half cup serving as default ‘no. And some of the provinces actually and cities, restaurants in the cities and provinces partnered with us to make sure that we could have a default serving of half cup of rice para hindi sayang iyong ano… maiwasan natin ang wastage.

DR. ANTONIO: Yes. Actually, mayroon lang po tayong 46 na ordinances ng half cup. Mayroon din po tayong proposed Senate bill before by President BBM noong senator pa siya na half cup of rice – hindi lang siya naipasa as batas kasi natabunan siya. Pero we’ll try revive that and to have another Senate bill siguro para sa … iyon, iyong half cup rice. Kasi ang lagi rin nilang sinasabi, mas maganda kung national iyong law para at least kahit saan ka man pumunta, alam mo na dapat magsi-serve sila ng half. And ito naman po ay in consultation with the businesses din, noong trinay namin sa mga provinces and cities, and okay naman sa kanila as along as wala silang masyadong … wala naman daw cost.

MARICEL HALILI/TV5: Iyong na-mention ninyo po kanina na you will encourage the people to buy local rice instead of iyong mga imported rice, paano po ba natin ikukumpara iyong price ng imported rice at saka ng local rice because I wonder kung paano natin sila mai-encourage if the price of imported rice is much cheaper compared to local rice?

DR. ANTONIO: Given tariff naman po ngayon, halos pareho lang talaga sila. Iyong landed price nga plus the tariff, magkapareho iyong presyo. And actually, kung bibilhin nila diretso from our farmers, dapat mas mura kasi direct na; wala na ang middlemen. Kasi isa rin sa nagpapataas talaga ng presyo natin ay iyong mga middlemen natin. So kung sila na mismo iyong magmi-mill, sila na rin iyong magbibenta, mas beneficial po siya both sa farmers at saka sa consumers. So isa rin po iyan sa reason para sana bilhin nila plus iyon pong fact na based sa studies, pinakamababa po talaga iyong nilalagay na chemical pesticides ng ating mga farmers compared sa mga imported na bigas.

DR. BARROGA: Because we practice iyong integrated pest management, iyong judicious spraying, so our rice are actually safer. So iyon po iyong, sinabi nga ni Dr. Antonio kanina, iyong importance of really consolidating iyong mga produce na rice ng ating farmers so that sila mismo, they can really have that volume needed by mga bibili ng rice ‘no, mga institutional buyers, diretso na sa kanila iyong pagbili ng rice. So that will reduce the cost of rice for the consumers. So that’s the expectation.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Eden Santos, NET25.

EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, ma’ams. Papaano po makakatulong or makakatulong ba itong inyong adbokasiya para doon sa aspiration ni Pangulong Ferdinand Marcos po na maibaba sa 20 pesos kada kilo ng bigas kung mas marami pong magsasaka natin ang talagang magtatanim at magpo-produce po ng brown rice?

Iyong mister ko po, brown rice ang binibili namin, kinakain niya, para tumulong na rin sa mga local farmers, at the same time, mas nutritious po.

DR. BARROGA: Well, thank you ‘no, at least brown rice ang pina-patronize ni sir, ng inyong husband. Very nutritious na ‘no, and then maano siya eh, ang tawag namin, satiety – mabilis makabusog – kaya you will eat less of rice but at the same time, you eat the better rice kasi its more nutritious.

Actually, sa Department of Agriculture po, iyong sa 20 peso na price, they are the ones that really have to make a statement on this. But we do hope that with the farmers getting more income ‘no, na kung maiko-consolidate natin ang produce nila and they will be able to group themselves and iyong mga produce nila, then we will have a better price for their produce and they can also offer—dikit-dikit na iyan sa value chain ‘di ba, para mapababa po natin iyong presyo ng bigas.

EDEN SANTOS/NET25: Doon lang po sa hybrid rice seed, ang PhilRice po ba iyong …kasama rin po ba kayo doon sa nagsusulong nito para maitanim ng mga magsasaka sa bansa?

DR. BARROGA: Opo, ma’am, kasi kapag Philippine rice ay any kind of rice, even the pigmented rice, the traditional variety. So we study them. But right now, the private sector is very strong sa hybrid rice. But we also have the public hybrid rice at iyon po ang aming pinagtutulungan na mapadami para po we also have a public hybrid rice in the market, hindi lang from the private sector.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Alexis Romero, Philippine Star.

ALEXIS ROMERO/PHILSTAR: To Dr. Antonio. Regarding the bill on the half rice, what are the salient provisions of this measure you are trying to push or revive?

DR. ANTONIO: Ang nakasaad lang po talaga doon ay iyong dapat available siya and sana default siya sa mga plated na meals, tapos half din iyong presyo niya.

ALEXIS ROMERO/PHILSTAR: So it will require businesses to offer half rice option in order to prevent wastage?

DR. ANTONIO: Yes.

ALEXIS ROMERO/PHILSTAR: So what is PhilRice doing to push for this? Are you going to talk to lawmakers or, perhaps, lobby for its inclusion in the LEDAC priorities?

DR. ANTONIO: Before, nakausap na po namin iyong League of Municipalities, League of Provinces, League of Cities kaya kami mayroong mga local ordinances. Sa ngayon, nakausap din namin iyong office ni Senator Legarda kung puwede nilang i-sponsor iyong bill kasi president na si President BBM, kaya iyon. Ita-try namin na kumuha ulit ng support for this bill.

ALEXIS ROMERO/PHILSTAR: Eh iyong LEDAC? Doon, would you push for its inclusion in the priority bills?

DR. BARROGA: Well, if we could, as much as we could ‘no, have more partners to push for this, I think okay naman po. And the media, of course, to help us create greater awareness about the need to avoid wastage ‘no on rice and only get what you want.

So sana nga ay maging default serving para mabawasan iyong wastage ng rice. It’s not for all, of course, some, the construction workers would need more rice ‘di ba. Iyon naman iyong ano doon eh, mas mataas iyong need nila. So nasa decision mo how much you need. The point is we avoid wastage.

ALEXIS ROMERO/PHILSTAR: If I may, related to that: During the height of, I recall, during the height of issues about the rice supply, there have been debates about some restaurant policies to offer unli rice. There have been debates about that, and some are saying, perhaps there should be moves to somehow address that because it’s one of the reasons daw why there’s wastage. What is PhilRice’s stance on that?

DR. BARROGA: That’s why we have “Be RICEponsible”. Siyempre, businesses ito, that’s their right but we also have to create that awareness that there is much wastage happening. Kaya nagbibigay din po kami ng mga datos na importante para maka-guide sa ating decisions na ito pong kalimitang nagagawa ay nagkakaroon ng wastage. I think, but some of those doing unli rice, they also would want to encourage na huwag mag-aksaya ‘di ba. Kasama rin sa ano nila iyon na you get but you have to finish off iyong rice na iyon. So, I think, there’s common interest naman na we avoid wastage.

DR. ANTONIO: Iyon din po iyong—if I may add. So iyon din po talaga iyong stand namin na kunin lang talaga iyong gusto nila, and sana iyong mga unli rice, ganoon, mag-sanction talaga sila kapag hindi naubos. Kasi iyon naman din iyong sinasabi nila, kapag hindi mo naubos iyong kinuha mo, may fine. So sana maging strict lang sila para iyong mga tao rin ay mas conscious na sila.

DR. BARROGA: Ma-lessen lang po.

DR. ANTONIO: Yes. I think we—sana ma-push nga po iyong Senate bill kasi magkakaroon tayo ng commitment to lessen food wastage. International iyong commitment, so I think we really have to work on it.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Tuesday Niu, DZBB.

TUESDAY NIU/DZBB: Hello, ma’am. Nabanggit po ninyo kanina, may 46 ordinances na po na nag-a-advocate nitong half cup. Could you cite some LGUs po? Saan itong mga ito na mayroon ng mga ordinances?

DR. ANTONIO: Isa po rito iyong Quezon City, Manila—

DR. BARROGA: Patay ba, patay? [Laughter]

DR. ANTONIO: Manila, Puerto Princesa, Davao, Cebu – iyong mga major cities po –
Baguio, kasama rin talaga sila. Iyong lahat halos ng major cities ay nakuha namin – Iloilo.

[OFF MIC]

DR. ANTONIO: Ang bargain naman po namin sa kanila ay just make it available para doon sa mga taong hindi talaga kaya na umubos ng one cup kasi alam naman na nila—

DR. BARROGA: Totoo po iyon. In fact, when I go around, I ask, “Puwede po bang half rice?” But it’s not published or hindi nila sinasabi, but really it’s available so we just have to ask.

MS. OSEÑA-PAEZ: It’s very good. Mariz Umali-Tima, GMA 7.

MARIZ UMALI-TIMA/GMA7: Hi, ma’am. Good morning. Can you just enlighten us how are we addressing these reports that the rice production fell by 1.8% in 2023 and it caused the rice to hit its record-high this September?

DR. BARROGA: Well technology of course, we’re a rice research and development organization so we push for technologies that will increase production. So, iyon po ang gawain ng Philippine Rice Research Institute. In fact in the Rice Competitiveness Enhancement Program that we have ‘no, ito po ay talagang we have this program to really ensure that farmers get to know the latest in technologies to make sure they get higher yield, ma-reduce iyong production cost. But of course there’s the weather, the climate change kaya mayroon din pong mga pag-aaral doon – the Department of Agriculture is also—right now I think they are having a meeting para po maayos iyong magiging response naman natin sa climate change so we’re producing like for example climate smart maps – so, it’s easier for us to decide where are the gaps, where are the areas where yield is lower, ito iyong nakapag-harvest na – so, you become more specific in your interventions.

MARIZ UMALI/GMA 7: In other words, ma’am, we can assure that we will have no problems in terms of supply?

DR. BARROGA: I think that’s for the Department of Agriculture to make a statement po, kami po ay PhilRice eh.

MARIZ UMALI/GMA 7: Ma’am, tanungin ko lang po kasi a while ago you were encouraging the people to directly buy from the farmers. Paano po ba mangyayari iyon kasi bawat isa sa amin, will we really be able to directly buy from farmers? Kasi of course, mayroong mga parang retailers, yes, pero kumbaga parang hindi sa lahat ng areas mangyayari iyan, available na we can directly buy from farmers. Of course, we would love to do that but how can this be possible nationwide?

DR. ANTONIO: So, primarily po we’re starting lang with the areas iyong mga RiceBis natin ngayon, so ang main target talaga nila ay mga institutional buyers. Ngayon, para naman po sa mga consumers, mayroon din po kasi silang mga retail areas like for example iyon pong sa Pangasinan – iyong product nila mismo ay sinuportahan ng kanilang mayor so ibinibenta nila nang walang cost sa farmer doon sa mall. So, iyon pong mga ganoong initiative sana kapag nakita ng mga consumers natin iyong logo ng Philippine rice baka puwedeng bilhin. And sa ngayon na nag-i-start pa lang tayo pero sana eventually kapag mas mapasikat na natin iyong logo and iyong mga products nila.

MARIZ UMALI/GMA 7: Sorry, last. I’m just curious, kapag ba sinabing Philippine rice kahit ano like dinurado, sinandomeng – mga ganiyan or kailangan it will reach a certain quality na talagang parang Japanese rice siya para mataas din iyong quality na kapag sinabi mong Philippine rice mas maraming bibili rin sa kaniya kasi masarap talaga siya?

DR. ANTONIO: In general itong Philippine rice na ito – so lahat ng varieties basta itinanim po sa Pilipinas, actually kahit na imported iyong variety basta dito sa Pilipinas itinanim at produkto ng ating mga farmers. But we’ll be coming up with something like that later on po sa RiceBis.

DR. BARROGA: Like right now we have the NSIC Rc 160 ‘no sa aming language ‘no, and it’s a premium rice, high quality rice. Dapat nagbigay tayo ng sample sa kanila – masarap po! 160 is a premium rice. So, iyong mga iyon maging tatak sana ng Philippine rice so that they will have that association na quality rice siya. Pero siyempre iba-iba iyong needs ng mga tao – may mga tao na ang preference nga ay iyong matigas na rice kasi they want it for sinangag ‘di ba iyong buhaghag – tama po. Buhaghag na rice kasi iyon ang need nila for their business or for the kind of food that they eat. So, mayroon pong mga iba-ibang klase ng rice to cater to the different needs of our consumers.

DR. ANTONIO: So, we’ll be launching that po as Lakambini rice soon and that would be in partnership with RestoPH.

MARIZ UMALI/GMA 7: Kapag ba Lakambini rice magiging mukhang lakambini ang aming figure?

DR. BARROGA: Mauuna kami.

DR. ANTONIO: Pero iyon po iyong ili-label natin na Philippine Rice na talagang masarap. Ipapakilala din natin hopefully sa ibang bansa na parang [inaudible]. At sana po kapag ni-launch namin iyon ay nandoon din kayo.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Pia Gutierrez.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, aside from iyong advocacy natin doon sa half rice mayroon pa po ba tayong ibang efforts to reduce rice wastage for example, mayroon po ba tayong mga education campaign and how to properly store rice or calculate kung ilan iyong ipi-prepare natin for the day or paano natin iri-recycle iyong mga tira-tira, hindi na lang siya basta itatapon kasi hindi lang naman po iyong pagkain ang [inaudible]. Kasi baka iyong iba pilitin nilang kainin iyong hindi nila kaya naman.

MS. OSEÑA-PAEZ: True, true those are great ideas.

DR. ANTONIO: Ang kasama po doon sa aming campaign ay iyong talagang isaing lang din nila iyong kaya nilang kainin kasi madalas din mapapanis kapag may sobra. Pero bukod doon sa mga iyon, nag-i-start kasi sa mga bata pa lang so we partner with DepEd para iyong mga bata kasi sila din iyong isa sa mga reasons—sila din talaga iyong madalas magsayang kung hindi kakainin ng parents nila iyong matitira nilang pagkain.

In partnership with DepEd, mayroon na ring Be RICEponsible na message sa mga textbooks, tapos marami po talagang nagpa-partner na private companies – iyong Robinsons mayroon din silang Be RICEponsible na idini-display; iyong 7-Eleven sa mga packaging nila mga nakasulat na Be RICEponsible don’t waste rice, doon sa mga milled rice na nila iyon. And these are all in partnership lang, wala tayong cost.

Ang campaign po kasi na ito talaga ay parang hindi talaga siya inaangkin ng DA lang, parang it’s everyone’s campaign, parang ganoon.

DR. BARROGA: Whole-of-society. In fact, on November 17 at the Rizal Park we have a ceremonial rice harvesting. So, if in case you don’t know, we have a small rice garden at the Rizal Park where we engage school children and we take that opportunity po na ma-inform sila, ma-educate sila on avoiding rice wastage and the value of brown rice – so, iyon po iyong mga efforts namin. But we need more people to get to know this information on the value of rice and the importance of not wasting rice.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Jean Mangaluz, Inquirer.net.

JEAN MANGALUZ/INQUIRER.NET: Hi, Doc. So can I ask how do you reconcile that there’s so much rice wastage while prices are still so high other than festivities ‘no. So, is there a certain demographic or sector that over-consumes rice, can you elaborate?

DR. ANTONIO: Ang data po na iyan ay galing sa FNRI, 2018 iyong latest nila na data. Sa kanila kasi kami kumukuha, pero based sa data nila iyong wastage nanggagaling talaga siya sa sector na mataas din iyong consumption and sa pagtataya nila nanggagaling siya sa mga probinsiya. So, ina-assume namin na iyong data na iyon ay dahil pinapakain din naman sa mga aso, sa mga pusa, sa mga baboy iyong mga natitira – so hindi sila masyadong conscious actually. Kaya kailangan din namin talagang siguro maayos iyong data na table wastage talaga na talagang natatapon na, hindi iyong napupunta sa pets.

DR. BARROGA: Kaya po table wastage, ma’am, ang ating focus.

DR. ANTONIO: Table wastage na hindi na napupunta sa mga pusa, aso. Kasi kapag nasa bahay ka minsan dadamihan mo kasi bibigay mo naman sa aso ninyo ganoon – so baka iyon dito iyong data.

JEAN MANGALUZ/INQUIRER.NET: Can I follow-up? So, iyong data kanina na two tablespoons a day are wasted accounted na rin po doon iyong mga livestock feed?

DR. ANTONIO: Napupunta iyong iba.

MS. OSEÑA-PAEZ: Gilbert Perdez.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po. Ito ho bang ABaKaDa campaign ay may kinalaman ho ba sa mataas na bilang ng mga may diabetes sa Pilipinas?

DR. ANTONIO: Yes po. Actually, iyong B po ay iyong pagkain ng brown rice. Talaga pong ang target noon ay pagbutihin iyong health natin kasi isa talaga sa mga major na sakit na natin sa Pilipinas ngayon ay ang diabetes and nag-up siya from seven or eight to third na po yata. So, isa talaga sa ways para maiwasan natin iyong type 2 diabetes ay iyong pagkain ng brown rice.

So, i-clarify ko lang po, ito pong brown rice na ito ay hindi isang variety—kahit iyong white rice lang na inalisan ng husk or ng ipa so unpolished rice po talaga siya. So, kaya lang po siya brown kasi nandoon pa iyong darak niya na nagbibigay ng color brown. Iyong darak po na iyon ang pinapakain natin doon sa ating mga baboy kaya sila po iyong healthy kasi nandodoon lahat ng nutrients, ang natitira sa atin iyon na lang pong starch. Kaya pinu-promote po namin siya kasi bukod po sa mas makakatulong siya sa self-sufficiency kasi mataas po iyong milling recovery niya, 10 percent higher than the white rice, makakatulong din siya na na makaiwas sa diabetes, cardiovascular diseases, cancer at saka even high blood pressure. So, marami siyang nutrients ‘kasi maraming B vitamins, protein, antioxidants kaya po mas healthy talaga siya kaysa sa white.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay, clarification from Eden Santos.

EDEN SANTOS/NET 25: Ma’am, doon po sa binanggit ninyong 46 ordinances na nag-a-advocate po noong half cup of rice iba-ibang lugar po ba ito sa Pilipinas o sa Metro Manila lang po?

DR. BARROGA: Pilipinas.

EDEN SANTOS/NET 25: Sa buong Pilipinas na po. What about po iyong i-advocate na lang sa na sa mga restaurant kasi iyong mga unlimited rice na inu-offer diyan, hindi po ba, dati natatandaan ko kapag ‘eat all you can,’ kapag hindi mo naubos ay babayaran mo pa rin ‘di ba – parang mas maganda yata iyon kasi talagang hindi kukuha nang sobra iyong mga costumer. Hindi ninyo po ba ikinonsider iyon na puwede ring mas lalo pa nating palaganapin or isulong iyong babayaran mo kapag hindi mo naubos para hindi rin sila kumuha nang mas maraming rice lalo na doon sa mga resto na nag-o-offer po ng unlimited rice?

DR. ANTONIO: Sa mga ordinances po natin unfortunately hindi po namin siya naisama pero sinabi naman po namin—kasi may mga meetings din po iyon with associations eh so, ang sinabi naman po namin ay kung puwedeng maging strict nga sila sa implementation noong fines pero don’t worry po doon sa Senate bill we’ll include it.

MS. OSEÑA-PAEZ: Okay. Well, thank you so much. Thank you, Dr. Barroga and Dr. Antonio of PhilRice and congratulations for this amazing program ‘Be RICEponsible.’ And now, we’re headed towards lunch, I assume we are all going to have half cup of rice, start with the half cup. Start with us, okay.

So, thank you so much everyone and please remember Be RICEponsible. Good afternoon.

###