PCO ASEC. VILLARAMA: Ladies and gentlemen, Undersecretary Clarissa Castro, the Palace Press Officer.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, March 17.
Bago tayo magsimula sa ating briefing ngayong araw ay nais kong ibahagi ang ilang good news na dala ng ating pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Panoorin po natin ito:
[VIDEO PRESENTATION]
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Makikita po natin na hindi po tumitigil ang administrasyon para tugunan po ang mga programa para po sa kabutihan ng taumbayan.
Kaugnay nito, nakatakda rin pong magsagawa ng mahigit pitumpong job fairs ang Department of Labor and Employment ngayong buwan. Sa Metro Manila, mahigit sampung job fairs pa ang nakatakda sa mga darating na araw. Sinisikap ng gobyerno na makapagbigay ng mas maraming trabaho para matulungan maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ang schedule ng job fairs ay makikita po sa website at social media accounts ng DOLE.
At ngayon, handa na po tayong sumagot sa inyong mga katanungan.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. The spread of misinformation became rampant, and no less than the First Lady has been a victim of fake news. What are the steps being taken by the Palace or PCO to combat misinformation?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: This is very obvious that more fake news are lingering, maybe because of the present situation regarding the arrest of former President Duterte. We are taking steps; like what we had last week, we had this live discussion with the concerned authorities to answer all those issues that had been raised by some people from the mainstream and also from the social media.
So, with this kind of projects that we have with the PCO, like the press briefing and the live discussion, I think people will have this chance to know what is fake news and what is not.
LETH NARCISO/DZRH: I understand NBI is making a plan of action, as well as the PNP, to run after fake news peddlers. Kayo po sa PCO ay nakikipag-ugnayan ba kayo sa mga agencies na ito?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, makikipag-ugnayan po tayo lalung-lalo na po na talagang dumarami po ang fake news para po malihis ang katotohanan. Kitang-kita po ninyo, kahit po mismo si ES, dating ES Medialdea, nakita po natin kung papaano po ba niya nabanggit na nawawala ang dating Pangulong Duterte, na iyon po ay pinasinungalingan mismo ng ICC. So, iyong mga ganoon pong mga iresponsibleng mga pananalita ay dapat po ang tao ay magmasid, mag-isip at matuto pong mag-evaluate para po hindi po nagugulo ang ating isipan at damdamin.
LETH NARCISO/DZRH: Pero naniniwala po ba kayo it’s about time na may masampolan doon sa mga nagpapakalat ng fake news?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Pinag-aaralan po natin iyan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Follow-up to the same question, Eden Santos, NET25.
EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Kumusta na po si dating Pangulong Duterte? Minu-monitor din po ba ng administrasyon iyong kaniyang sitwasyon sa The Hague at iyong kaniyang medical condition? Kasi po noong humarap siya sa ICC, parang medyo kakaiba iyong boses niya. Ang sabi po ni Senator Bong Go ay parang hindi yata binibigay iyong kaniyang gamot?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Iyan po ay kaniyang opinyon lamang, ni Senator Bong Go. Unang-una, wala po siya doon sa lugar. At nadinig po mismo natin sa ICC, kay Judge Motoc, na ang Pangulo po, ang dating Pangulo po, ayon sa mga doktor na tumingin sa kaniya ay nasa magandang kundisyon po – mentally aware, mentally fit – at patuloy po rin na tsinitsek ang kaniyang kundisyon. So, kung mayroon pong ganitong klaseng mga haka-haka, muli, katulad ng sinabi ni Senator Bong Go, dapat siguro ay kaniya munang alamin ang katotohanan dito bago po magbigay ng “baka hindi nabibigay ang kaniyang mga gamot.”
Tandaan po natin, ang ICC po ay may mga doktor po silang naka-assign diyan. Ngayon, kung araw-araw po nating imu-monitor, muli sasabihin natin, wala po kasing jurisdiction na ang Pilipinas kasi po ang dating Pangulong Duterte ay nasa kustodiya na po ng ICC. So, sila na po talaga ang magbibigay ng agarang check-up or mag-a-undergo po ang Pangulong Duterte sa check-up na ibibigay po ng ICC. Pero kung mayroon pong hihilingin, of course, ang dating Pangulong Duterte, maliban po sa kaniya, kahit po iyong mga victims ng EJK, sila rin po ay bibigyan po ng kaukulang tulong kung kakayanin po ito, at kung ito naman po ay hindi po lalabag ng anumang batas natin.
EDEN SANTOS/NET25: Speaking of EJK, nabanggit po ninyo, may mga lumalabas din po sa social media na iyong mga pictures ng mga namatay na sinasabing biktima ng EJK ay hindi naman po pala biktima ng EJK kagaya nung kay Aling Shiela na lumabas po ng socmed, ang anak niya ay namatay under this administration, kay Pangulong Marcos; iyong sa isang doktor, iyong father niya, sabi po EJK, hindi naman po pala EJK. Ano po ang ano ng government dito kung inaano din po natin itong mga fake news, fake news na ito? Puwede po ba din nating aksiyunan iyong mga ganoong ano na sinasama po sila doon sa kaso against former President Duterte pero in fact ay hindi naman po pala totoo iyong mga iyon?
PCO USEC. CASTRO: Siguro sa dinami-dami po ng fake news na lumalabas ngayon makakatulong po ang media, lalo na po ang mainstream media. Kayo na po ang magsabi kung alam ninyo po na peke ito, kayo na po ang mag-fact check, kayo rin po ay pinapaniwalaan dahil may kredibilidad din po kayo, so kung ano po iyong lumalabas na fake news magtulungan po tayo; para sa bayan po ito. Dapat din po nating ipaalam sa taumbayan na lahat ng lumalabas na mga fake news na ganiyan ay dapat na maputol. So, hindi lang naman po para sa EJK pati po iyong mga fake news na lumalabas pabor kay dating Pangulong Duterte.
Sana po ay bigyan din po ng pansin ng media at sana din po sa tulong din po ng mainstream media at ng social media ay maipakita din po natin kung ano po talaga iyong kalagayan noong mga biktima, ng pamilya ng mga biktima ng EJK. Hindi lamang po tayo tutuon kay dating Pangulong Duterte dahil po ang mga biktima po ng EJK ay Pilipino rin po.
EDEN SANTOS/NET 25: Pero ito po ay mga biktima ng EJK na sinasabi na under the previous administration po. Binanggit po ni Leth Narciso kanina kung may masasampolan na ba. Ito po ay identified na talagang kinumpirma ng mga kapitbahay at least kilala na kung sino iyon, tukoy na iyong nag-aano ng fake news using pa nga po iyong kaso ng EJK. Hindi ba tayo gagawa ng aksiyon, ang gobyerno or ang PCO since kayo po ay very active sa paglaban sa fake news?
PCO USEC. CASTRO: Siguro po uunahin natin mismo iyong mga unang nagsalita ng fake news – so, uunahin po ba natin si former ES Medialdea? Kaya sabi ko po kanina ay pag-aaralan po muna.
EDEN SANTOS/NET 25: Thank you po.
MARICEL HALILI/TV 5: Usec., magandang umaga po. May we have the Palace’s reaction on Mayor Baste’s statement over the weekend saying na walang utang na loob si Pangulong Marcos kasi parang nakalimutan na iyong tatay niya iyong nagpalibing kay former President Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani. Your thoughts on this, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. As early as 2016, dati pa pong senador ang Pangulo ngayon, nagpasalamat na po ang Pangulo, 2016 pa po, sa Supreme Court na nagbigay ng desisyon na dapat ilibing ang kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani. Nagpasalamat din po siya at babasahin ko po ang mensahe, 2016 pa po ito nang magpasalamat ang dating Senador Bongbong Marcos and I quote: “We also would like to extend our sincerest gratitude to President Rodrigo Duterte as his unwavering commitment to this issue sustained us these past several months. Our family will forever be thankful for this kind gesture.” Noon pa po sila nagpasalamat at sinabi nga nila na forever silang tatanaw ng utang na loob sa napakagandang gesture ng dating Pangulong Duterte. Pero ang pagtanaw po ng utang na loob ay hindi dapat madiskaril at hindi dapat magtraydor sa batas at sa hustisya.
Ginamit man ni dating Pangulong Duterte ang batas – ito po ay nauugnay sa RA 289 patungkol po sa pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani at sinusugan po ito ng Presidential Proclamation 208 ni dating Pangulong Marcos at mayroon din pong regulation ang AFP G-161-373 na kabilang ang Pangulo or Commander in Chief na entitled to interment at the Libingan ng mga Bayani. Ito ay may basehan noong isinagawa ni dating Pangulong Duterte.
Ang pagpapaaresto naman po o pagsu-surrender kay dating Pangulong Duterte sa ICC ay mayroon din pong kaugnayan na batas at mayroon po tayong sinusunod na commitment para sa Interpol.
Ngayon, hindi po dapat mahinto ng utang na loob ang pagpapatupad ng batas, hindi po dapat traydurin, katulad ng aking sinabi, ang pagpapatupad ng batas ang pagpapatupad ng commitment with the Interpol. Hindi po dapat na dahil lang kaibigan o dahil naging kasama ay hindi na po tutuparin ang batas, at tatraydurin na po ang Konstitusyon dahil lamang sa utang na loob.
Dahil ba sa sinasabing ito ni Mayor Baste Duterte ng tanaw ng utang na loob, ito po ba iyong ginamit kaya ng dating Pangulong Duterte noong i-appoint niya ang isang Chinese national na si Michael Yang bilang kaniyang economic adviser? Hindi po ba ito pagtataksil dahil isang Chinese national ang in-appoint bilang economic adviser? Dahil din po ito sa utang na loob? Tanong lang po iyan.
MARICEL HALILI/TV 5: Ma’am, hindi po ba concerned ang Malacañang with what’s happening in Davao considering the huge support that Davao is giving to the former President?
PCO USEC. CASTRO: Ang mga taga-Davao po ay Pilipino rin. Of course, tayo naman po pati po ang Palasyo, ang Pangulo ay concern po sa nangyayari sa Davao. Pero ang tangi lamang po nating hiling ay sana po ay maging mahinahon at alamin po ang katotohanan – iyon lamang po. Hindi po ba nagkaroon ng pagsasabi itong si Mayor Baste na iri-raid iyong kanilang bahay – again, ito po ay walang katotohanan. Tinanong po natin si General Torre patungkol diyan kung mayroon pong operasyon ng pag-raid sa bahay – kasi iyon po iyong sinasabi nila palagi. Can we consider this as fake news? Can be. Uunahin ba natin silang idemanda dahil nagpakalat ng ganito? Pag-aaralan pero noong sinabi po ni General Torre na walang ganoong operasyon, hindi po ba ang isinagawa nilang pagsasabi na may pagri-raid ay nakagulo sa isipan ng mga taga-Davao City.
Sana po iyong mga kababayan po natin lahat po tayo dito ay Pilipino magmasid lang po muna tayo – iyon lang po ang tanging hiling natin, okay.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Related question, ma’am. At what point does the government draw the line between free speech and inciting to—maybe rebellion or sedition or overthrow of government? Kasi ho words were uttered in those many gatherings over the weekend, minura po ang Pangulo, may mga maaanghang na salita. what point does the government draw the line?
PCO USEC. CASTRO: As we can say, the president is not onion-skinned, okay. Usually po, hindi po siya nadadala ng ganiyan. Pero kapag po nandoon na po iyong elemento ng inciting to sedition, which is of course without any tumultuous uprising but they are encouraging people to sow hatred to the government, to the President, then we have to step up.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: How?
PCO USEC. CASTRO: By filing cases, complaints. But as of the moment, there is no indication on the part of the President that he will do that.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: And is it a cause of concern for the President na hindi lang ho Davao eh, marami hong mga lugar sa buong bansa na nagkaroon ng similar protest actions.
PCO USEC. CASTRO: Hindi po natin mawawala sa kanilang damdamin. Iyan po ay normal dahil mayroon pong naging pangyayari sa kanilang malamang iniidolo at panatiko po sila ng isang leader, hindi po natin pipigilan ang pagsasabi ng kanilang mga damdamin. Huwag lang po sigurong lalampas na magkakaroon po ng alarma at masasabi po natin na iyan po ay sedition or inciting to sedition na po.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Thank you.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec., the President’s sister, Senator Imee Marcos said, she would seek a probe into the arrest of the former President. What’s Malacañang take on this?
PCO USEC. CASTRO: Hindi pa po namin napag-uusapan iyan pero kung iyan po ang nais ni Senadora, she is free to do that.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Will Malacañang be ready to send representatives in the event that such an inquiry pushes through in the Senate?
PCO USEC. CASTRO: If necessary. If the inquiry is in aid of legislation, we will respect the request of Senator Imee.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: So, there will be no effort on the part of the administration to prevent resource persons from attending such a hearing?
PCO USEC. CASTRO: No, we will not do that.
ALEXIS ROMERO/PHIL. STAR: Are you confident you can answer all questions that will be given with regard to that arrest?
PCO USEC. CASTRO: I believe, because we just complied with all the requirements, with the law regarding the arrest of former President Duterte.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Ma’am, isa rin po sa nagbigay ng statement against the government is former PNP Chief and now Senator Ronald dela Rosa, binanatan po niya iyong pag-arrest ng ICC through the Interpol. Let me quote him, sabi po niya: “Hindi iyan nanggaling sa competent authority, hindi iyan nanggagaling sa local natin, hindi iyan niri-recognize natin dahil hindi tayo under sa kanila, kaya dapat magkaisa tayo.” Ano po ang comment ng Palasyo?
PCO USEC. CASTRO: Hindi ba competent authority ang ICC sa paningin po ni Senator Bato? Sabi ko nga po, iyan ay normal na manggagaling kay Senator Bato dahil isa siya sa maaaring ma-consider na co-perpetrator. May takot on his part? Maybe. I cannot answer for him. Pero tandaan po natin, sa aking pagkakaalam, kung hindi ako nagkakamali, may narinig na rin daw po siya na magkakaroon ng warrant of arrest kaya hindi po siya yata napunta sa Hong Kong.
Hindi po ba, kung talagang alam niya na walang warrant of arrest issued by a competent authority, matapang po siyang sinamahan ang dating Pangulong Duterte, and as a matter of fact, dapat nga nauna pa siya kay Senator Robin na pumunta sa Netherlands.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning po, Usec. Usec., despite po nitong mga political noise sa bansa, may nakakausap po ba tayong mga investor, kung may mga idinudulog po ba sila sa bansa o kung confident pa po ba sila sa ekonomiya ng Pilipinas?
PCO USEC. CASTRO: Sa aking palagay po, sa akin pong palagay dahil magkakaroon po kami ng meeting mamaya with the BSP, hindi po naaalarma ang administrasyon patungkol po sa investors dahil ang mga foreign investors po mas gusto po nila na ang bansa at ang mga lider ay sumusunod sa batas. Hindi po nagkakanlong ng mga tao na involved po lalung-lalo na sa crime against humanity, specifically murder. Hindi po inaayunan talaga iyan ng mga foreign investors na magkanlong ka ng mga taong involved sa mga krimen.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., balikan ko lang po iyong 70 job fairs na nakalinya po kanina, kung may figures na po ba kung ilang job opening o ilang job position po iyong equivalent noon?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Mamaya po, ibibigay namin kung mayroon na pong detalye dito, ibibigay po namin sa inyo maya-maya lamang po.
CLAY PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec., Usec., how does the government view Atty. Harry Roque’s appearance in Netherlands matapos po niyang magtago while facing an arrest order for skipping a house inquiry into Philippine Offshore Gaming Operators?
PCO USEC. CASTRO: Actually, I cannot speak on behalf of the Quad Comm, on behalf of the House of Representatives, because it’s the arrest warrant ng House ang hindi napapatupad dahil sa pagtatago ni Atty. Harry Roque. Pero mas maganda po siguro na i-challenge po talaga natin siya na siya po iyong umuwi, kasi ‘di ba, bring home FP Duterte. So, siguro mas magandang isigaw rin po ng mga tao, bring home Roque.
NEL MARIBOJOC/UNTV: Other issue po, tungkol po doon sa pagkadismaya ng MILF Central Committee doon po sa pagkakatalaga ng BARMM Interim Chief dahil sinasabi nila na may paglabag daw po ito doon sa Bangsamoro Organic Law?
PCO USEC. CASTRO: Sinabi naman po ng mga tao na um-attend po doon sa MILF Consultative Assembly na mayroon pong prerogative ang Pangulo na mag-appoint po ng interim Chief Minister. Sa ngayon po, bagong-bago po, ang hiling po sana natin sa pamunuan po ng MILF ay bigyan po muna ng chance. Kapag po hindi naging maayos ang magiging pamumuno po ng bagong na-appoint na ICM, maaari po nating pag-usapang muli ito para po sa ikakaganda ng nasabi poong Bansagmoro, MILF.
NEL MARIBOJOC/UNTV: Hindi po ba nababahala ang Palasyo na maaaring makompromiso iyong peace agreement dahil po dito?
PCO USEC. CASTRO: Hindi naman po, dahil nasa maganda pong pag-uusap iyan. Sabi nga po natin na since may prerogative po ang Pangulo na mag-appoint. Bigyan lang po natin ng chance; kapag po mayroong hindi naging magandang pangyayari, then that’s the time na the President will make an immediate action.
EDEN SANTOS/NET 25: Usec., iyon pong pagkakaaresto ni dating Pangulong Duterte, tatlo po sa ‘Alyansa’ senatorial candidates ang medyo dismayado po ‘no. Hindi po ba ito makakaapekto sa target ng admin na 12-0 sa 2025 mid-term elections po?
PCO USEC. CASTRO: Papaano po bang naging dismayado? May sinabi po ba silang dismayado sila sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte? Mayroon po ba in particular?
EDEN SANTOS/NET 25: May statement po si dating Senator Manny Villar.
PCO USEC. CASTRO: Dating Senator Manny Villar? Hindi naman po siya tumatakbo.
EDEN SANTOS/NET 25: Hindi po. Iyong kanilang partido ay kaalyansa po ng admin – si senatorial candidate, Camille Villar, si senatorial candidate Pia Cayetano and senatorial candidate Imee Marcos po ay hindi dumalo sa last campaign sa Tacloban, sa Leyte po dahil doon sa hindi po tila–hindi nila nagustuhan iyong—or nalungkot sila doon sa pagkakaaresto kay PRRD.
PCO USEC. CASTRO: Kung nalungkot po sila, hindi po natin saklaw ang kanilang damdamin. Isipin na lamang po nila, malapit na po ang eleksiyon, ito ba ay makakaapekto sa mga boto ng tao. Hindi ko po alam kung namamangka sila sa dalawang ilog at hayaan na lamang po nila—hayaan na lang po natin ang kanilang mga damdamin na ganiyan.
EDEN SANTOS/NET 25: So, sa tingin po ninyo hindi makakaapekto sa kabuuan po ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas?
PCO USEC. CASTRO: Sa tingin po ng Pangulo, hindi makakaapekto; hindi ko lang po alam individually kung makakaapekto.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Ma’am, itatanong ko lang po kung ano po iyong topic ng pag-uusapan later ng BSP with President Marcos po kung sakali?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa po kaming agenda, pasensiya na po, mayroon pa lang po kaming scheduled na meeting with the BSP.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Tapos, going po doon sa question ko. Iyong na-report po recently na foreign debt climbs to record, 137.63 billion. Last year po, iyong debt-to-GDP ratio raw ng Pilipinas medyo slightly higher compared doon sa target na 6.6%, ang natala po 60.7. For this year po ba, confident pa rin po ba ang Marcos administration na mari-reach po natin iyong target natin na debt-to-GDP ratio for this year po?
PCO USEC. CASTRO: Of course, lagi po tayong dapat na positive. Ganoon po.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Despite po doon sa mga economic issues at saka geopolitical developments na nangyayari po?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po kasi dapat nating isipin iyong negatibo eh, dapat lagi tayong mag-move forward para sa positive na mangyayari sa Pilipinas.
PCO ASEC. VILLARAMA: Last two questions, Chzianelle Salazar, RMN.
CHZIANELLE SALAZAR/RMN: Good morning po, Usec. Any comments or explanation lang po sa Palace regarding sa 43 cases presented during the ICC hearing, kasi as the basis of charges against former President Duterte? May mga confusion po kasi sa social media na malayo po iyong datos doon sa 30,000 na laging binabanggit ng critics ng Duterte [unclear]?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, kasi po ang nagprisenta naman po ng mga ebidensiya ay malamang hindi lahat naman po ng 30,000 – so hindi naman po lahat. Kapag sinabi po natin na 30,000 talaga iyong napatay according to the records, kung hindi naman po ito nabibigyan pa ng tamang materyales at pieces of evidence, hindi po ito didinggin. Ang normally po, kahit po dito sa Pilipinas, ang inaakyat lang po na kaso ay iyong may mga dokumento na po at masasabi po na may probable cause.
CHZIANELLE SALAZAR/RMN: Pero iyong combined 43 killings po sa prosecutor’s case can still constitute po ba as crimes against humanity or may certain required number po para pumasok siya sa ganoong kaso?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ano na po siguro iyan, sa pagdidesisyon na po iyan ng ICC, wala na po kasi po tayong hawak dito.
CHZIANELLE SALAZAR/RMN: Iyong government po ba ay nag-initiate din po ng independent investigation doon sa 43 cases before pa mapunta sa ICC?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang pagkakaalam po natin, nagkaroon po ng pag-iimbestiga mismo sa Quad Comm. Pero in particular—partikular na ang pamahalaan po ni Pangulong—in particular, ang Palasyo ay wala po, maybe po sa DOJ kung nakapagsampa na po ito ng mga kaso, iyong ibang mga complainants, malamang nasa DOJ po iyan.
CHZIANELLE SALAZAR/RMN: Thank you po.
PCO ASEC. VILLARAMA: Last question, Ann Soberano, Bombo Radyo.
ANN SOBERANO/ BOMBO RADYO: Usec., good morning, pa-expound na lang po, Usec, sana sa sinabi ni DILG Secretary Remulla na apat po sila, kasama si Pangulong Marcos, Secretary Eduardo Año at Secretary Gilbert Teodoro, ang nagplano po para maaresto si ex-President Duterte. Pakiano na lang po iyong circumstances kasi parang ginagamit po ito, parang tini-twist po iyong pagplano at kaliwa’t kanang batikos po ang natatanggap ng mga nasabing opisyal?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Alam mo, wala naman po dapat ibatikos kung nagkaroon man po sila ng pagmi-meeting dahil ito ay ayon sa pagtulong sa Interpol, wala pong masama. Pero ako po, bilang press officer ay wala pong partikular/specific na kaalaman kung ano ang kanilang napag-usapan.
At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa bagong Pilipinas.
###