MODERATOR: Magandang araw pong muli, Malacañang Press Corps. Kasama po natin ngayong hapon si Philippine National Police Chief Lt. Gen. Rodolfo Azurin, Jr. para sa isang press briefing. Sir?
PNP CHIEF LT. GEN. AZURIN: Good afternoon, ladies and gentlemen of the Malacañang Press Corps.
I extend the warmest greetings of the Philippine National Police of a meaningful and significant national observance of press freedom yesterday.
Sa ngalan po ng buong kapulisan ng Philippine National Police, muli, magandang hapon po sa inyong lahat.
Nito lamang pong August 1, ako po ay na-appoint ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maging pinuno ng Philippine National Police. Opisyal po akong naitalaga noong August 3, at kasabay po noon ay ang pagtanggap ko po sa utos at hamon ng ating mahal na Pangulo: Una, iparamdam sa ating kababayan na sila ay ligtas sa kanilang bahay at sa mga lansangan; pangalawa, na masusing imbestigahan, arestuhin at ikulong ang lahat ng kriminal; at pangatlo, na hubugin ang buong kapulisan bilang isang maaasahang kaibigan ng ating kababayan na handang tumulong anong araw man at oras.
Bilang pagtugon po sa hangarin na ito ng ating Presidente at bilang ama ng PNP, ito po ang aking pangako sa inyo: Kaligtasan mo, sagot ko. Life is beautiful. Kasama ang buong PNP, layunin naming siguruhin ang inyong kaligtasan para sa ikauunlad ng ating pamilya at buong bansa.
Ang pundasyon ng aking pangakong ito ay sinusunod sa ating peace and security framework na MKK=K o Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran. Kaya naman ang hiling ko po sa inyong lahat ay ang inyong tiwala at suporta. Tulung-tulong po tayo para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bansa. Iyan ang pangako ng ating mahal na Pangulo, at sisiguraduhin ko na matutupad ito.
Para bigyan po kayo ng aktuwal na datos tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa nakalipas na mahigit isang dekada, makikita ninyo po na patuloy ang pagbaba ng krimen sa ating komunidad. Ang datos po na ito ay nagpapatunay na patuloy na umaaksiyon ang kapulisan para ipatupad ang batas at sa paghabol sa mga kriminal.
Para rin po sa inyong kaalaman, kahapon po ay inilunsad namin ang sabayang pag-serve ng warrant of arrests ng mga wanted persons kung saan ay nakapag-serve tayo ng 12,699 warrants, at ito ay nagresulta ng pag-aresto sa 4,035 wanted persons nationwide. Ikinalulungkot ko rin po na ito ay nagresulta ng pagbuwis ng buhay ng ating dalawang bayaning pulis at pagkasugat ng tatlo.
Ang mga pangalan po ng ating nasawing mga pulis ay iyong hepe po ng Ampatuan Municipal Police Station na si Police Lieutenant Reynaldo Samson, at ang kaniyang driver na si Corporal Salipudin Endab na isa pong kapatid natin na Muslim.
Ang mga nasugatan po na amin pong binisita ng ating mahal na DILG Secretary Benhur Abalos kani-kanina lamang po ay si Police Master Sergeant Renante Quinalayo, Police Corporal Rogelio Dela Cuesta at Police Corporal Marc Clint Dayaday.
Ang mga pulis po natin na ito ay sila po sana ay magsisilbi ng warrant of arrest sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao against Kamir Kambal alyas Meds. Unfortunately nga po, sila po ay natambangan at iyon nga po, ikinasawi ng dalawa nating kapulisan.
Sila ay mga bayani ng ating henerasyon na handang magsakripisyo para sa kapayapaan. Tayo po ay mag-alay muna ng isang minutong panalangin para sa ating mga bagong bayani.
Ang datos po ng pagbaba ng krimen ay patunay din na tumataas ang kakayahan ng inyong kapulisan sa aspeto ng paglutas ng krimen. Makikita po ninyo sa ating datos na tumaas ang ating crime clearance by 94.65% at crime solution efficiency by 82.28% mula 2010 hanggang sa kasalukuyang taon ng 2022.
Patuloy din po ang aking pakikipag-ugnayan sa lahat ng sektor partikular ang pamilya, simbahan at komunidad na tulung-tulong tayong makamtan ang hangad nating lahat na kaunlaran.
Inuulit ko po sa inyo ang aking pangako: Life is beautiful. Kaligtasan mo, sagot ko. Muli, maraming salamat po at handa na po akong sumagot sa inyong mga katanungan.
VANZ FERNANDEZ/POLICE TONITE: Sir, on the crime index, sir. As you have mentioned, we have 94%. Now, how about, can you try to elaborate, sir, iyong mga what is this crime war, I mean, iyong sinabi mo regarding this? Let’s say, we have, let’s say about the iyong patayan or sa mga barangay, what else, on drugs. Can you try to elaborate please?
PNP CHIEF LT. GEN. AZURIN: Okay. Iyon pong sinasabi po natin na pagbaba po ng ating crime index, puwede bang ipakita natin iyong eight focused crime natin? Iyan po, kung makikita po natin, iyon pong eight focused crime natin, ito ay theft, physical injury, robbery, murder, carnapping, rape at homicide.
Kung makikita po natin iyong kulay red po, iyan po, ito po ay first 56 days po ng ating Pangulong BBM, so lahat po ay pababa compared po doon sa mga nagdaang mga taon po – 2010 and 2016 po, iyon po ang ating comparison. The same period po, 56 days of the presidency of the time noong 2010, noong 2016 at ngayon po ay makikita po natin na bumababa po ang crime index natin.
KAT DOMINGO/ABS-CBN NEWS: Sir, good afternoon. Sir, last week, Interior Secretary Benhur Abalos said na pinag-report niya po kayo about the spate of killings in Metro Manila and nearby provinces. May we get an update on that, sir?
PNP CHIEF LT. GEN. AZURIN: Yes, thank you, ma’am. Makikita po natin na there were cases po na nai-post po sa ating social media na kung saan tiningnan po namin, mayroon pong sampung mga cases po na totoo pong nangyari at ito po ay naimbestigahan po ng ating kapulisan. Iyong iba po doon ay na-solve na and then iyong iba naman po ay ongoing po ang investigation.
Kung mapapansin po ninyo ay out of the ten po na nai-post po sa social media po natin, mayroon pong apat po na na-solve na po ng ating kapulisan, nahuli ang mga suspects o nai-file ang kaso, and then mayroon pa po tayong lima na iniimbestigahan. As a matter of fact, kung makikita po ninyo iyong rape with homicide po, iyong nangyari sa Palawan, kay Ms. Jovelyn po – this morning we just filed a case against the perpetrators po.
So more or less out of the ten cases na nai-publish po sa social media natin, lima po ang na-solve while iyong isa po, ‘yung kidnapping po sa Bukidnon between Marohombsar and [unclear] they amicably settled na po iyon. So more or less mga apat na lang po ang ongoing na iniimbestigahan po natin at ito po ay patuloy po na pina-follow up ng ating mga kapulisan sa field.
Q: Sir, last week the Secretary also mentioned na iyong ibang cases daw po doon ay luma na tapos pinost ulit sa social media. May we get a clarification on this, sir?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Yes. May mga lumang mga cases na po na hindi man po nangyari noong panahon po natin ay kung hindi man po napagtuunan ng pansin ng ating kapulisan noon, ito po ay sinasama po natin na imbestigahan. Kasi for as long as hindi pa ho nasu-solve ang mga krimen whether it just happened now or it happened before, ito po ay kailangan po ay pagtuunan ng ating kapulisan. Until hindi ho nasu-solve iyan ay problema rin po ng ating kapulisan na kailangan ay pagtuunan po niya ng pansin.
NEL MARIBOJOC/UNTV: Hi, sir. Magandang hapon. Sir, any update po doon sa Ampatuan ambush? Ano po ang motibo ng mga suspect? Totoo po ba ng BIFF iyong nag-ambush?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Opo. Bale ang nangyari po doon, sabi ko nga po kanina, out of the 12,000 po na isi-serve po ng ating kapulisan nationwide na existing warrant of arrest po sa mga wanted persons po natin, isa po sa area diyan ay iyon pong Ampatuan Municipal Police Station wherein ang ating hepe po na si Lt. Rey Samson kasama po ang kaniyang mga tauhan, they are supposed to serve the warrant of arrest nga po ni alyas Ka Meds. Unfortunately, iyon nga, naunahan po sila, natambangan po sila and it resulted to the death of 2 and the wounding of the three.
We just came from Cotabato City with our dear Secretary Benhur Abalos, tiningnan po namin ang kalagayan ng ating mga pulis na nasugatan. So far ay nasa stable condition naman po sila and we promised that the PNP will shoulder po lahat po ng kanilang pangangailangan, wala ho silang pangamba sa mga gagastusin para po sila ay maka-recover. Iyon naman pong ating hepe po ng ating police station doon na si Lt. Samson, he will be shifted po dito sa Manila because he is from Muntinlupa po and we really feel the pain and sorrow po doon po sa nangyari po sa ating mga kapulisan.
So right now, ang atin pong mga kapulisan together with the CIDG natin doon, they are conducting the investigation. And apparently, mayroon pong claim na iyon pong pinasok ng ating kapulisan is an MILF territory and sinasabi po nila doon na kailangan pala ay nagpapaalam ang ating mga kapulisan/kasundaluhan kung papasok doon. That’s why on my own, I really questioned that because there is only one Philippine National Police, there is only one Armed Forces of the Philippines and we are here to serve po iyong atin pong mga kababayan, so bakit po nila lilimitahan o bakit kailangan po magpaalam ang ating kapulisan doon?
So, this government has given so much dito po sa ating mga brothers po doon sa BARMM. Mapapansin po natin na they have just been appointed. So matagal na po iyan na hinahangad po natin ang kapayapaan sa Mindanao. When I was a 2nd Lieutenant, iyon po ang unang assignment ko and up to now ay parang wala hong nangyaring pagbabago pagdating po sa kapayapaan doo because it seems na uncooperative po iyong ating mga rebeldeng kausap sa ating peace process.
That’s why kanina po, sinabi ko nga po kay SILG, I think it’s also about time for them to show sincerity to this government. Sila po kasi ang lumalabas na parang nasa area po nila itong mga hinahanap natin na wanted persons. So, kung bawat operation po ng ating kapulisan doon ay magpapaalam po ating mga law enforcers, ano ho iyong probability na mahuhuli natin iyong mga ‘yan kung sila man po ay kakilala nila?
Kung hindi man po nila sila kakilala, dapat po ay mula po noong na-appoint po sila sana po ay tumutulong po sila sa pagtugis sa mga kriminal na ito because they are already part of the government. So iyon po ‘yung ating hinihingi po sa ating maa kasamahan doon sa peace process na ito, to show some sincerity to this government also.
JOB MANAHAN/ABS-CBN ONLINE: Hello po, sir. Follow up lang po doon sa killings kanina and doon sa kidnapping. So, sa kidnappings po ba, may nakikita po ba tayong links—or may tinitingnan—ano po ‘yung parang motive doon sa kidnappings? Kasi parang last time sabi some cases are POGO related.
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Yes. Actually po—can we show our records sa kidnapping? Kung mapapansin po natin ay dalawa po kasi iyong pag-classify natin ng kidnapping ngayon – iyon po ang kidnapping for ransom na ‘yung traditional… that was when we were still working in 1998 up to 2000, iyon pong PAOCTF na puro po ang kini-kidnap po diyan ay mga kababayan po natin na Chinese-Filipino/Chinese businessmen wherein humihingi po ng napakaraming ransom ang mga kidnappers po.
Sa ngayon po kasi may mga kidnapping cases po, ‘yun pong mga POGO-related na sila-sila po ay nagkikidnapan and they are not really from here, but they just came here to work. At mapapansin po natin na ang style po nila ng pangingidnap is, iyon po, ang bayaran po ay in terms ng RMB and then they refused to cooperate with the authorities. But kahit papaano po ay iyon pong nakukumbinsi naman po natin na mag-cooperate ay nahuhuli naman po natin iyong mga nangingidnap po sa kanila.
Kung mapapansin po natin for 2021, we have seven cases of kidnapping pero for 2022 po is we only have four na kung saan ay may isang POGO-related po. So iyong traditional po is we only have three cases po as of this time and ongoing po ang ating investigation and may mga na-solve na rin naman po tayo.
LETH NARCISO/DZRH: Good afternoon. Sir, marami na namang mga pulis ang nasasangkot sa iba’t ibang uri ng krimen – illegal drugs, extortion, may nagka-casino. Ano pong ginagawa ng PNP tungkol dito?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Ito po ay parte rin po na ating tinututukan po doon nga po sa ating malasakit na portion sa ating peace and security framework. Doon po kasi sa malasakit na portion na ‘yan ay dalawa po ang ating ina-address: malasakit in terms doon sa ating external issue and malasakit in terms doon sa internal issues natin.
Iyong external issues po natin ay kailangan iyon pong ating mga kapulisan ay naipaparamdam po nila sa lahat po ng ating mamamayan na sila nga po ay kaibigan nila ang pulis, maaasahan po nila at any time po, day or night ay handa pong rumesponde.
On the other hand, part po ng malasakit na kailangang i-address po ng ating kapulisan ay malaman po namin sa ating mga kababayan, sa ating mga komunidad na sino po ba ang ating mga kapulisan na mga involved sa mga ganiyan na mga anomaly. So that the PNP would be able to address itong mga extortion activities, itong involvement sa drugs, itong involvement sa kahit ano pa man pong mga krimen.
Kung mapapansin po ninyo for the past two weeks, we stated relieving people here in National Capital Region. Ang pagri-relieve po namin diyan ay isahan, isang unit. Dito po sa may Paco area na kung saan may mga na-involve po na mga kapulisan po natin, buong istasyon po ng ano … kasama po ang kanilang hepe ay ni-relieve po natin. Because if you are a leader, if you are the head of a unit, dapat sumusunod sa iyo lahat ang iyong mga kapulisan.
So, kung hindi po sumusunod sa iyo ang mga tao mo, kailangan i-synergize natin. Kailangan ay we send them to trainings, so that malaman nila na dapat ay they should work as a team. Ang isa pa po diyan ay ni-relieve din po natin iyong sa Quezon City kung saan po ay na-involve po iyong isang opisyal natin doon po sa hit-and-run sa isang tricycle driver na kung saan ay obviously he tried to evade and then they tried to, iyong imbestigasyon po ay ilihis po nila. So, ni-relieve po natin ang lahat ng iyon, para nang sa ganoon ay sila po ay mag-undergo ng training at ma-refresh po. Baka po nakakalimutan na po nila kung ano po ang kanilang mandato at trabaho bilang pulis.
LETH NARCISO/DZRH: Ano po ang masasabi ninyo, sir, doon sa perception ng mga tao na parang bumalik iyong mga police scalawags sa ilalim ng bagong administrasyon at sa ilalim ng bagong PNP leadership? Thank you.
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Siguro iyong pagbabalik po ng mga scalawags sa ating kapulisan ay masasabi po natin na hindi naman po gaanong totoo po iyon. Sa aking pananaw, siguro ay nagkataon lamang po na this time po ay ang ating mga miyembro ng komunidad are reporting po itong mga scalawags na ito. Because without po iyong mga information po na iniri-report ng ating different sectors ng community, really the PNP would not know kung sino po ang mga pasaway po sa amin.
That is the very reason po, kung bakit may programa po tayo na KASIMBAYANAN — Kapulisan, Simbahan at Pamayanan. Ang atin pong reference point dito ay itong National Capital Region because ang National Capital Region po, ito po ang ating show-window sa buong mundo. Kapag nakita po nila na may mga pasaway po tayo, may mga scalawags po tayo na mga pulis, generally, they would see na ito buong bansa natin ay ganoon po lahat ng kapulisan.
That is why napakaimportante po ang participation ng mga church leaders natin because sila po ang magbi-bridge ng gap between the police and the community through our church leaders po. Sila po ang katuwang po namin para ipaabot po sa sambayanang Pilipino na tulungan po nilang magbago ang kanilang pulis.
And at the same time, sila rin po ang magpapaabot sa amin kung sino po sa mga miyembro ng hanay namin ang mga pasaway, so that the necessary measures, the necessary interventions that will be given to our erring policemen will be done by our leadership either through training, through punishment or to the point of dismissing them from the service.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: General Azurin, magandang hapon po. Bukas po ay September na, ‘ber’ months na, papasok na ang ‘ber’ months. Do we anticipate na tumaas ang crime pagpasok ng ‘ber’ months?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: As always po, lagi po nating ina-anticipate ang pagtaas po ng krimen pagdating po ng ‘ber’ months. That is why, ang atin pong utos po sa ating kapulisan, hindi lamang dito sa National Capital Region ay kailangan po na nandudoon po iyong ating police presence. So, police presence kasi mahirap po na sabihin natin na visibility; mas maganda po na presence para nang sa ganoon ay nararamdaman po sila dapat. Nakikipag-ugnayan po sila dapat sa ating mamamayan at ito rin po ang utos ng ating kagalang-galang na Secretary ng DILG, si Secretary Benhur Abalos.
So, we will be deploying po, ang ating mga mobile forces, even to the point of deploying po, ang ating SAF (Special Action Force). Kailangan po ay all over po ang ating kapulisan, specifically doon po sa mga crime-prone areas and I have directed po, lahat po ng ating mga district directors to inform po, lahat po ng mga barangay kung ano po ang crime affectation ng kanilang barangay, so that we would know kung saan po tayo magdi-deploy. Malalaman din po natin, ano po ang intervention na gagawin natin at ano po ang tulong na kayang ibigay po ng bawat barangay para nang sa ganoon ay iyon bang tulung-tulong, iyong sama-sama po tayo na sugpuin po ang kriminalidad dito po sa ating komunidad.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, follow-up lang, sir. On another matter sana. Sir, ano na pong initial action ng PNP, right after na magbigay ng directive ang Palace na imbestigahan iyong forged signature ni Pangulong Marcos?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Okay. Ongoing po ang imbestigasyon; ibinigay po natin iyang pag-iimbestiga doon sa hepe ng CIDG, si Brigadier General Ronald Lee. Mayroon naman po tayong mga breakthrough doon but we deem it na huwag muna po munang i-ano dahil ongoing pa po ang follow-up. But there are breakthroughs already. We are able to identify iyong mga nag-post po doon. Ang hiling lamang po natin ay iyong kooperasyon po ng mga iniimbestigahan para nang sa ganoon ay hindi naman na nila gagawin iyon.
Because, can you just imagine, mismong opisina ng ating Presidente ay nangyayari po iyon. So, medyo very alarming po, because the Office of the President should be respected, should be given po iyong utmost courtesy. Kung doon na po pino-forge iyan is medyo, huwag naman po sana. Huwag naman po sana …
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, pasensiya na ha. Sabi ninyo may breakthrough na. So, within the next few days, maibibigay na natin iyong report natin?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: I think so.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Mga ilang araw, sir?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Basta, ibibigay na lang po namin.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: General, good afternoon. Regarding doon sa Ampatuan incident, nabanggit ninyo kanina na bakit kailangan nating magpaalam? So you are referring to BARMM officials, when you are saying that kailangan nating magpaalam sa kanila when serving the arrest warrant?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Yes, because that was the very statement of no less than the governor of Maguindanao, si Governor Mariam Mangudadatu when we were talking to him. And mapapansin po natin diyan is, hindi lamang po itong case na ito nangyari iyan eh. If we go back po, nag-umpisa po iyan doon sa Mamasapano. That is why kanina po is, siyempre nandoon iyong emotions, kaya nga po sinabi ko na sana kung gusto po natin ng talagang mag-end po at magkaroon po tayo talaga ng kapayapaan sa Mindanao, iyon pong counterpart po naman natin dapat should show sincerity po na very meaningful dapat iyong kanilang pakikipag-usap sa ating gobyerno na they really want peace. Hindi po iyong peace on their own terms; it should be peace on the agreement of both parties.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, as far as you are concerned, kasi parang lumalabas na parang may mga sinisisi pa, ‘hindi kasi nagpaalam’. So, there is no lapse on the part of the PNP dahil doon, kasi sinabi ninyo hindi naman kailangan magpaalam dapat.
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Opo. Kasi ang ano diyan, sabi ko nga, sabi rin ng ating DILG Secretary, there is only one Philippine National Police ‘di ba? So, dapat nga po ay nakikipagtulungan po sila sa atin, para sa ganoon ay iyon pong katahimikan, ‘di ba. Iyon po iyong marching order sa atin ng ating mahal na Pangulo di ba, na dapat nararamdaman po ng bawat Pilipino na safe po sila sa kanilang tahanan sa lahat po ng lansangan.
So, how can we claim that we are safe kung mayroon tayong hinuhuling kriminal sa lugar nila ay magpapaalam pa tayo. Dapat nga po, sabi ko nga, i-surrender po nila lahat po ng mga kasamahan nila or lahat po ng kakilala nila na nasa territory nila dahil ito pong mga warrant of arrest na ito, this has been existing so many years ago. So, hindi ho sila maki-clear o hindi po mawawala iyong warrant of arrest na iyan, hangga’t hindi po sila nahuhuli.
So, if they really wanted to have peace, i-surrender po nila, kung may mga tao sila o may mga kakilala sila na miyembro na mayroong existing warrant of arrest. And then, they now negotiate with the government if they will be given amnesty, kung puwede bang i-write off iyong mga warrant of arrest nila, because previous governments had been doing that already. So siguro this time ay ipakita nila, otherwise forever po silang wanted.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: General, so nabanggit ninyo iyon iyong ways to show sincerity: Isuko iyong mga pinaghahanap ng batas. But how can we prevent these similar incidents, kasi we have this in Mamasapano and now we have it in Ampatuan. So, what can we do para mapigilan iyong mga ganitong incidents in the future?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: I think, there is really a need for their, iyong kanilang grupo to talk with our decision-makers. Because ang tinatamaan dito ay kami, iyong mga armed services natin. We also have iyong counterpart natin doon, iyong Army. Those are the same sentiments po na sinasabi nila, “Sir, bakit kailangan nating magpaalam, di ba? Akala ba natin, in-embrace na nila ang gobyerno so, dapat tumulong po sila para sa kapayapaan sa Mindanao.”
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Salamat po.
EDEN SANTOS/NET 25: Good afternoon, sir. Sa tingin po ba ninyo, sir, iyong mga criminals ay parang hindi na nila ramdam iyong kamay na bakal sa ilalim ng BBM, kagaya noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte or nakikita ba nila kay PBBM na parang masyado siyang mabait kaya naman lalong lumalakas iyong loob nitong mga kriminal na ito na muling gumawa ng iba’t ibang krimen?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: For me, personally po, ma’am, I don’t see it otherwise, because kung makikita po natin iyong crime volume po, iyong first 56 days compared po noong last year. Last year po is we have—can we show it? We have 35,000 po na crime—ang crime volume po natin last year, the same period is 35,000 po iyan considering po na pandemya po iyon na supposed to be ay mas lesser po ang crime – and yet same period this year, 29,000 lamang po plus ang crime volume.
So, kung mapapansin po natin, ma’am, iyan po… iyong sa peace and order indicator po, we have 35,000 cases po last year compared sa ngayon na nasa new normal na tayo eh, may mga face-to-face na tayo, back to classes na po. So ito po ay… this can be attributed hindi lamang po sa ating kapulisan but kung makikita po natin ay iyon pong kooperasyon po ng lahat po ng sektor ng ating komunidad, ni local chief executive, iyon pong effort po na ginagawa ng ating DILG Secretary kung saan kinakausap po niya ang mga mayors, ang mga barangay.
So, kung makita po natin, ‘pag pinagtulung-tulungan po natin ito, kaya pa po nating pababain ang krimen dito sa atin. Ang kailangan lamang po natin ay maging truthful po tayo dahil lahat po ng niri-report po na krimen whether totoo o hindi po ay inaaksiyunan po ng ating kapulisan. So, para ho maging epektibo pa po ang ating mga kapulisan, sana po iyon pong mga tumutulong po sa atin ay bigyan po tayo ng mga totoong insidente na nagaganap po, totoong krimen po na nagaganap para nang sa ganoon ay ma-follow up pa po ng ating kapulisan.
CRESILYN CATARONG/SMNI: Sir, good afternoon. Cresilyn from SMNI News po. regarding sa ambush sa Maguindanao. Sa tingin ninyo po may dapat na ayusin pagdating doon sa pagsi-serve ng warrant po? Sabi po ni Secretary Galvez na ang Commander 6th ID ay willing to support daw po sa PNP in serving warrants lalo na po doon sa mga tinuturing na mga miyembro ng terrorist groups?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: On the part po ng ating PNP siguro, kung may aayusin man po doon siguro is sabi ko nga sa ating mga kapulisan kanina… dapat ‘pag nagsi-serve po tayo ng mga warrant of arrest sa mga wanted persons, we really need to see the situation on the ground. Kapag sa tingin natin ay kritikal, huwag namang lima lang ang papuntahin natin ‘di ba… huwag lang lima lang. Because siyempre siguro tingin ng ating kapulisan kaya na po nila, hindi po nila alam na may mga nakatambang na po pala at may mga previous threat na po pala sa ating hepe.
That’s why sabi ko nga let us not sacrifice the security of our personnel in doing our job. We also need to secure ourselves ‘di ba. Ang sa akin is we do not need dead heroes; we need living heroes so that they can continue to serve this country. So siguro iyon pong sinasabi na kailangan nagku-coordinate… nagku-coordinate po ang ating kapulisan sa Armed Forces, sinasamahan po tayo. Unfortunately, nga po is ang parang nangyayari diyan is the restriction po na ini-impose po nila na ‘pag papasok ka po sa MILF territory na sinasabi nila eh kailangan magpaalam ka.
So, kung hindi nila kasamahan ito, ba’t kailangan mong magpaalam? ‘Di ba? Kung hindi nila kilala itong mga hinuhuli na ‘to, kung hindi nila miyembro itong mga hinuhuli na ‘to, bakit kailangan po nating magpaalam? Dapat nga po sila na po ‘yung humuhuli, sila na po dapat iyong nagsa-sanitize. Sino po ba iyong law abiding citizen dito sa ating hanay? Sino ba iyong may problema? We surrender and we try to help kapag ganoon po ang tinitingnan po ng ating mga kasamahan po sa BARMM.
Dahil napakatagal na po iyan, 2nd Lieutenant ako iyan na ang problema – kapayapaan. I will be retiring in a few months, kapayapaan pa rin po ang pinag-uusapan po natin sa BARMM. And kailan po matatapos ito kung one-way po? ‘Di ba? Sabi ko nga is the government… the past administration, this government… they gave so much sa peace process na ‘to. Kailangan ay magbigay naman sila ng… iyong tinatawag natin na reciprocity. ‘Di ba … ipakita rin nila na talagang seryoso sila.
Ang masama nga noon sinasabi pa nga ni Governor Mangudadatu, “Sir, hindi ba kayo nagtataka… puro paltik ang sinu-surrender nila.” ‘Di ba? So nasaan iyong sincerity doon on their part ‘di ba? Sa tingin ba natin paltik ang mga baril ng mga ano… homemade lahat ang baril ng mga tao na ‘yan? I don’t believe. Napakaimportante at napakahalaga ng baril sa kanila. I’ve been there so I know na hindi ho ganoon ang klase ng mga equipment po nila.
JOPEL PELENIO/DWIZ: Sir, good afternoon. Regarding po dito, sir, sa mga scalawags, doon po sa mga tiwali at abusado nating mga pulis. Ano pa po ‘yung mga hakbang or mga programs natin para mas mapaigting iyong mga ginagawa nating paglilinis laban dito sa mga nagbabahid-dungis sa mga unipormadong mga pulis?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: Okay. So ang mga hakbangin na ginagawa po natin ay, una, is—that’s part of my inaugural speech before na paigtingin po natin ang ating counterintelligence – kailangan po ay malaman po natin ano po ba ang kalagayan ng ating mga pulis, ano po ba ang kategorya ng pagiging scalawag kung scalawag man ang tawag po natin doon ng ating mga kapulisan.
Because kung sa tingin po natin ay sila po ay incorrigible na at sila naman po nakapagsilbi na po nang sapat-sapat na panahon sa ating kapulisan, they can always file their optional retirement, they get their benefits, and they will not be part of the PNP already. And then kung makita naman po natin na iyong ating kapulisan ay mayroon pa hong pag-asang magbago, we send them to training – i-training po natin sila, ibalik po natin iyong kanilang dating mainit po na pagsiserbisyo. At kung ito naman po ay mga nag-uumpisa pa lang, iyon nga po ‘yung sinasabi dati ng ating Chief PNP Eleazar, iyong ‘broken window’ theory niya na nag-uumpisa pa lang ay ayusin na natin, i-correct na natin para nang sa ganoon ay hindi siya lumala.
Because ako po ay… I always believe po na wala hong pumasok na pulis o wala hong pumasok sa gobyerno na ang layunin po niya ay maging masama. But along the way po, for whatever reason ay medyo napapawalang-landas po ang ating mga kapulisan. And we really need po the cooperation of all sectors in the community, sabi ko nga ho ay pagtulung-tulungan po natin na sugpuin ang krimen po sa ating mga barangay, pagtulung-tulungan po natin na linisin po at pagbaguhin ang ating mga kapulisan dahil at the end of the day po ay pulis po ang magli-lead po at magpapatupad ng batas para po sa kaayusan at katahimikan po nga ating [unclear] …
JOPEL PELENIO/DWIZ: Opo. Sir papaano po iyon, sir, kapag medyo halimbawa mabigat iyong kinasangkutan na kaso? Puwede pa ba silang mapagbigyan o may chance pa po ba?
CHIEF PNP GEN. AZURIN: I think we have to observe the due process of the investigation and kung mapatunayan po na sila po ay kailangan ay i-dismiss ay hindi ho tayo mangingiming i-dismiss po sila. But sabi ko nga kung sa tingin po nila ay hindi na ho nila kayang magbago for whatever reason again, I advise them to just file their optional retirement. That way, at least they can start somewhere … they can get their benefits and then ‘pag hindi pa rin sila magbago, andiyan pa rin po ang ating kapulisan para hulihin po sila.
JOPEL PELENIO/DWIZ: Okay. Maraming salamat po.
MODERATOR: Maraming salamat po, PNP Chief General Azurin, Jr. at sa atin pong mga PNP Senior Officials maraming salamat. Malacañang Press Corps, maraming salamat po.
###
SOURCE: OPS-NIB (News and Information Bureau – Transcription Section)