Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo


Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacanang

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Magandang umaga, MPC. Welcome sa ating post commute challenge press briefing with Chief Presidential Legal Counsel and Spokesperson Secretary Sal Panelo.

SEC. PANELO: Hello there. Nasaan si Henry? O, ayun pala si Henry eh. Sinong wala? Wala si Joyce? Ah, ayun pala. Chona, wala – absent.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, kamusta po ang inyong pakiramdam after

4 hours of commute? Nakailang rides po ba kayo?

SEC. PANELO: Nakaapat yata ako eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir can we ano… kasi medyo nalilito po kami kung ano ‘yung—

SEC. PANELO: Talagang nilito ko kayo. [laughter] Nilansi ko nga lahat ‘di ba? Iyong ABS-CBN nakaabang doon sa isang kanto eh, so ang ginawa ko—ewan ko kung napansin nila ako, kasi huminto sila nagko-cross na ako eh. Pinara ko iyong isang jeep, kunyari sumakay ako, sinundan yata nila iyon eh. Bumaba kaagad ako, pagsakay ko, baba – kaya wala, wala sila sa likod ko. Ang ganda nanahimik ako nang tatlong oras eh, iyon pala iyong mga pasahero mismo ang nagpo-post.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Yes, sir. Sir, can we get the details from your house. Like, from your house, what ride did you take—

SEC. PANELO: From where I started from, it took me mga 12 minutes walking and then I stayed there for 5-10 minutes sa jeep. Kasi marami namang jeep, kaya lang puno.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Anong jeep sir iyong sinakyan ninyo? Anong karatula, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko na tiningnan, basta sumakay ako. Commuter eh—

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Basta pa-Cubao, sir.

SEC. PANELO: Hindi… Hindi naman papuntang Malacañang ang sinakyan ko eh, talagang sinadya kong umikot. Umikot talaga ako. Pumunta ako ng Cubao, tapos Marikina—

Q: Ha?

SEC. PANELO: Nakarating ako ng Marikina ah.

Q: Bumalik kayo ng Marikina, sir?

SEC. PANELO: Kasi dapat talaga doon ako manggaling eh, pero natulog ako doon sa bahay ng anak ko eh. Diyan, iyong sinasabi ninyong malapit. Pagkatapos bumaba ako ng Concepcion, doon ako natagalan kasi… iyong mga pulis nga lumapit lang sa akin noong nakilala ako eh, pinapara nila iyong mga jeep. Pero hindi ako pumayag na sumakay kasi marami akong kasabay eh, sabi ko mauna na kayong lahat. Tapos gusto pa nga nila mag-taxi. Hindi, mag-antay na lang ako. So mga 20-25 minutes ako doon.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Concepcion sir you rode a jeep going to Cubao, tapos saan po kayo bumaba?

SEC. PANELO: Sa Cubao nga.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Cubao na po mismo, and then ano po ‘yung jeep na sinakyan ninyo? Anong karatula?

SEC. PANELO: Papuntang Marikina. From Cubao, kasi from—

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Hindi, sir. First stop is New Manila and then?

SEC. PANELO: Yes, sumakay ako sa… between Balete and Gilmore yata iyon.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay, sir. Jeep, sir?

SEC. PANELO: Jeep.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay. Going to?

SEC. PANELO: Cubao. Bumaba ako sa Cubao, sumakay ako ng Marikina, bumaba ako ng Concepcion – o, doon ako natagalan kasi puno eh.

Q: [off mic]

SEC. PANELO: Ano ‘yun, dumating ako sa Marikina iyon talagang rush hour eh, mga 6 – 6:10-6:15.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay. And then, Concepcion to… back to Cubao or…?

SEC. PANELO: Back to Cubao. Eh iyon, bigla na lang nagulat ako nagdagsaan ang—kasi ‘di ba traffic.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: And then from Cubao sir, sumakay po kayo ng isa pang jeep?

SEC. PANELO: Sumakay uli ako ng—hindi ko na malaman kung sumakay ako sa jeep with the same jeep. Palagay ko parang another jeep.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Going to Sta. Mesa?

SEC. PANELO: Supposed to be going to Gilmore, parang sumakay ako ng LRT. Pero ang problema nga, nandoon na lahat ang media at saka nandoon pa iyong Anakbayan. Ayoko nang—sabi naman noong driver, “Sir, sa Mendiola na lang kayo. Doon naman ang daan ko eh. May tricycle doon.” Ayun, kaya doon ako bumaba.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: So ilan, sir? Apat?

SEC. PANELO: Mga apat.

Q: [off mic] Ba’t hindi ka nag-round trip, New Manila-Cubao?

SEC. PANELO: Hindi, nag-round trip nga eh. Ah wala namang round trip eh. Siyempre ibababa ka nila kasi Fortune iyon, papunta raw sila ng Fortune eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Opo. Sir, tapos noong bumaba po kayo dito sa may Mendiola, paano po ‘yung… sa motorcycle po—

SEC. PANELO: Pagdating ko sa… diyan sa gate, supposed to be may tricycle ‘di ba? Pero iyong isa sira, iyong isa naman may sakay, so walang available. Eh meanwhile I was creating a scene na eh so I wanted to get out. Eh may nag-offer, wala naman siyang helmet; eh may nag-offer pang isa na may helmet, doon ako sumakay.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Mga nakatambay lang po ‘tong… iyong motorcycle—

SEC. PANELO: Hindi, kadarating lang nga. Parang siguro na-call iyong attention namin. Ang dami, ang daming tao eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Opo. Tapos sabi ninyo po ano, parang night shift daw po ‘yung naghatid sa inyo?

SEC. PANELO: Sabi niya, kasi tinanong ko siya habang nakasakay ako. Sabi ko, “Taga-saan ka ba?” “Sir, city hall ako. Night shift ako. Pauwi na ako.” “Paano ka napunta roon?” “Sir, nakita ko eh, nagkakagulo eh kaya huminto ako.”

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Nag-volunteer po iyon?

SEC. PANELO: Nag-volunteer siya. Ayaw namang magpabayad siyempre.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Pero nag-alok po kayo sir?

SEC. PANELO: Yeah.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Anong pangalan sir, for the record po?

SEC. PANELO: Ronald Rosales from San Juan, Batangas.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Ah okay, sir. Sige sir, thank you po.

SEC. PANELO: Empleyado raw siya ng Manila City Hall. Salamat ha, Ronald Rosales.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, umalis po kayo ng bahay mga 5:15 you said ‘no? Tama ba? So if you’re working an 8-5 schedule, dumating kayo dito sa Palace 8:30. You would be 30 minutes late, right?

SEC. PANELO: Kung ano?

JOSEPH MORONG/GMA7: Kung halimbawang 8 o’clock iyong pasok ninyo?

SEC. PANELO: Hindi ka rin male-late eh, kasi kung saan ako nanggaling, from there to here, 10 minutes lang eh.

JOSEPH MORONG/GMA7: Alin ang 10 minutes, sir?

SEC. PANELO: Kung New Manila.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ah, okay. Kasi kung—

SEC. PANELO: Kung New Manila. Kung Marikina ka galing, mabilis din kasi diretsong ano eh… diretso iyon sa—may diretso kasing Marikina to… iyong dumaraan talaga dito sa Malacañang.

Q: [off mic]

SEC. PANELO: Oo, kung 5. Ang safe talaga umalis sa bahay ninyo sa malayo, mga 5 o’clock.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ano po ‘yun, sir?

SEC. PANELO: Five o’clock dapat ang safe. Eh usually iyon naman talaga ang ano ng tao ngayon eh, otherwise hindi ka talaga aabot sa oras eh. Kasi ang problema mo kahit na magising ka nang maaga, marami ngang sasakyan pero puno na kaagad doon sa pinanggagalingan nila nagsakayan na lahat ang mga tao doon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Oo, correct. Sir, you’ve talked to iyong mga commuters—

SEC. PANELO: Iyon na nga, may mga nakausap ako. Ganoon nga daw talagang kailangan magising sila nang maaga; ganoon daw talaga ang alis nila eh.

JOSEPH MORONG/GMA7: And, what do you think of those sacrifices?

SEC. PANELO: Ah hindi, talagang—‘di ba, we’re against it. Hindi dapat ganoon, kaya nga ginagawa ni Presidente ng lahat ng makakaya niya eh. Pero kung sumunod sila kasi, ang Congress—of course the President lays the blame and he wants to be quoted…. Ah, he lays the blame for the non-grant of emergency powers to Senator Grace. But I told him, ‘o si Senator Grace nga, pero inayunan naman ng Kongreso eh.’ Kahit pa may kumontra kung pumayag sila ‘di sana by this time wala na tayong problema.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, ano ‘yung mga na-realize ninyo during the trip?

SEC. PANELO: What do you mean? Hindi ba ever since sinasabi ko, unang-una kasi laking kalye ako eh. Mula’t sapul sanay na ako diyan sa ganiyang labanan; makipag-unahan ka sa pagkuha ng upuan—sumasakay ako ng bus eh, sumasakay ako ng jeep, ng tricycle. Eh Marikina pa ako, ‘di lalong madami akong biyahe. The same, walang pagbabago eh. Ang pagbabago lang, mas matindi ngayon; mas matindi iyong oras na gugugulin mo kasi dumami na lalo ang sasakyan eh, dumami rin ang tao. Ganoon pa rin ang kalsada natin, hindi naman nadagdagan. Wala pa tayong mga skyways.

JOSEPH MORONG/GMA7: What do you think is the solution?

SEC. PANELO: Tama iyong iniisip ni Presidente. Ang problema kasi sa atin, iyong infrastructure natin eh – we’re 20 years behind. So, that’s why iyong kaniyang Build, Build, Build, iyon ang solusyon doon eh. Kailangan mong i-widen ang roads, kailangan may mga bago kang ruta, kailangan may mga skyways ka, kailangan iyong mga bridges mo na mga single lang ang lane, kailangan i-expand mo.

Infrastructure talaga ang solusyon, plus at the same time iyong number of cars, siguro dapat iretiro na natin iyong mga matatanda para nababawasan. Malaki talaga ang problema, but the President is doing something about it, even if he was deprived of the requested emergency powers.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may Cabinet kayo kanina and you have the experience now. I mean, at least iyong present con—

SEC. PANELO: Anong Cabinet kanina? What do you mean Cabinet?

JOSEPH MORONG/GMA7: Later.

SEC. PANELO: Mamaya mayroon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Oo, correct. And you have the experience now, the benefit of experience of what the riding public is experiencing as of now.

SEC. PANELO: No. But you know, you don’t even have to go through that – we know that. You know why? Kahit nasa kotse ka, nakikita mo ‘yan eh. Nakikita mo when you pass through them, nakikita mo nakapila, nakikita mo nag-aagawan kaya you don’t even have to go through the ordeal – if you can call that ordeal that I went through. Alam na natin ‘yan eh, I see them every day. Kaya ko lang tinanggap iyong hamon, kasi nga parang pinalalabas nila, kaming mga nandito sa puwesto ngayon, hindi namin kayang gawin iyon. Pinasinungalingan ko lang sila. And purposely, I did not respond to the challenge diyan sa Cubao because dinicline ko nga lahat ng coverage pagkatapos ina-announce nila doon daw sila mag-aantay… o eh ‘di publicity nga hinahanap pala nila. Ayoko noon, kaya pinagtaguan ko kayo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong emergency powers, I’m sure inatras na iyan ng DOTr and the President doesn’t want it. But given your experience today, do you think it should be renewed – the call for an emergency power?

SEC. PANELO: Sabi nga ni Presidente, ang problema, you give me now the emergency powers, I have such a limited time. Kung binigay na nila three years ago, so he had 6 years to do it, baka nagawan niya ng paraan kaagad.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, late na.

SEC. PANELO: Siya nga ang nagsasabi, too late the hero na kayo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, nearly four hours.

SEC. PANELO: Four hours kasi umikot ako, pero kung galing ako doon sa pinanggalingan ko, eh siguro in 15 minutes nandito ako.

JOSEPH MORONG/GMA7: Imagine doing this for—

SEC. PANELO: Yes, kasi nga kung alas-singko ako umalis, can you imagine kung galing ka lang sa Gilmore oh sige nga from Gilmore to here, it will take you only 10 minutes, 15 minutes.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero sir, we will that example as somebody, halimbawa, I mean iyong nangyari sa inyo is maybe a person living in Marikina will have to go a work in Manila, correct?

SEC. PANELO: Yeah, kaya kailangan kung nasa Marikina ka, ganoong equidistance ang layo mo, kailangang ganoong oras ka talaga aalis.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong ganyan sir, imagine doing it for 5 days a week, 8 years mo nang ginagawa, do you think kaya ninyo iyon, sir?

SEC. PANELO: Kung sa kaya, kaya iyon. Kasi sanayan, alam mo ang katawan natin can always adjust in hostile environment.

JOSEPH MORONG/GMA7: Do you think that there is a mass transport crisis?

SEC. PANELO: Hindi, mayroong traffic crisis, pero hindi transportation crisis. Kasi when you say transportation crisis wala ka nang sinasakyan, paralyzed ang buong traffic, iyon ang sinabi ko doon sa kaibigan mo, I have to scold him on the air.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sino sir?

SEC. PANELO: EH sino po iyong kaibigan ni Pia. Kasi ang problema kako sa iyo, salita kayo ng salita without looking at the entire transcript, saan ka nagsasalita. So, you mislead the public.

JOSEPH MORONG/GMA7: So that is what you are going to describe iyong situation na nakita ninyo, traffic crisis?

SEC. PANELO: There is a traffic crisis, precisely because on the conditions obtaining, like there’s so many volumes of cars na you cannot accommodate by our roads. Tapos eh, marami pang nagba-violate ng traffic. Hindi pa efficient ang traffic management, kaya patung-patong ang problema eh.

When I pointed, iyon nga ang sabi ko sa anchor na iyon. You made it appear na offensive iyong sinabi kong kailangan tayong magising ng maaga. What I was trying to point out is that, tayong mga Pilipino are very creative. Malikhain tayo eh, may problema tayo, hindi tayo nagngangawa na papabayaan natin na lamunin tayo ng problema. We do something about it, since male-late tayo, oh eh di ang ginagawa natin maaga tayong nagigising. We give ourselves allowance of two to three hours, iyon ang ginagawa nating lahat.

So, it was not an offensive statement, sila lang ang nagsasabi na ‘oh ininsulto mo iyong mga ganito, kasi nagsalita ka pa ng ganyan, adding insult to injury, iyon ang mga banat ng kaibigan ni Pia eh. That is why I complained to the chairman of the ABS CBN, iyan kakong dalawang ano mo ay pagsabihan mo. Basahin kasi iyong buong transcript, like for instance, I criticized LRT, eh mas mahaba iyong criticism ko kaysa iyong isang comment ko, ni-highlight n’yo lang iyong hindi ninyo pa naiintindihan ang ibig kong sabihin.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, after four hours of travel, will you do it again?

SEC. PANELO: Oh walang problema sa akin. Sabi ko nga sa iyo eh, alam mo kami ni Art, in fact lahat yata ng cabinet members dumaan diyan, pinagkalakihan na namin itong gumamit ng bus, ng jeep, ng tricycle, so ordinary sa amin iyon.

MARICEL HALILI/TV5: Pero, sir you have mentioned earlier na supposedly sasakay kayo ng LRT.

SEC. PANELO: Nasira nga dahil biglang dumating iyong mga kasama nating nasa media, eh papano, eh ayaw ko nga ng may gulong ganoon. I don’t want to have spectacle like that. Kasi kung bumaba ako doon, maglalakad ka eh nandoon ang media, mag-aantay ka sa LRT, lalong nagulo. Pati iyong mga commuters mai-inconvenience, so hindi na ako umalis doon sa jeep, dumiretso na lang ako diyan sa kanto.

MARICEL HALILI/TV5: Does it mean sir, na magko-commute ka ulit to check on the situation of LRT?

SEC. PANELO: Secret. Kasi pag nagsabi ka na naman ng yes, eh nako problema na naman.

MARICEL HALILI/TV5: Pero, sir kanina unexpectedly mayroon ding ilang—from militant groups na hindi inaasahan na napasakay doon sa inyong—

SEC. PANELO: Nakapasok doon sa jeep, naunahan kayo.

MARICEL HALILI/TV5: What happen sir, can you tell us ano iyong tumatakbo sa isip ninyo when–?

SEC. PANELO: Wala. Ganito kasi ang drift ng conversation. Eh paano iyan sir, late kayo? Sabi ko hindi ako late, bakit sir? Eh kasi ang cabinet members walang oras naman. Ah, sir so pala exempted pala kayo sir, kaming mga trabahador, pag kami na-late kinakaltasan kami, yakety yak, yakety yak. Oh tingnan mo ‘kako, iyan ang mga style. Sabi ko kaming mga cabinet members walang oras, kasi 24 hours kaming nagtatrabaho. Oh ganoon pala sila, eh bakit kami, eh hindi ko na lang pinansin, para tumigil na, tumigil naman.

MARICEL HALILI/TV5: Were you irritated?

SEC. PANELO: Hindi, kasi mga ganoon hindi mo na pinapatulan iyon.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lang, may we have your reaction on the statement of Nato Reyes saying congratulations Secretary Panelo for arriving in one piece in Malacañang after nearly four hours of commute, medyo late na kayo kung government time iyan.

SEC. PANELO: Hindi iyong four hours na sinasabi, hindi naman from the place sa bahay going to work. Kasi kung going to work lang 10 to 15 minutes nandito na ako. Purposely, sinadya kong umikot iyon, para makita ko kung gaano ang tagal ng biyahe, paano iyong tao, how it will take them to ride in a jeep na puno, kaya makikita mo iyong… At ang realization, hindi na bago, kasi ganyan din ako noon. When I was with Unilab, abogado na ako, ganyan-ganyan din ang ginagawa namin noon. Takbo din kami ng jeep ni Doktora Panelo, nagta-tricycle din kami, nakikipaghabulan ka rin, ganoon eh, wala namang ipinagbago eh. Naging exaggerated lang.

MARICEL HALILI/TV5: On a lighter note sir, magkano iyong binayaran ninyo sa jeep, binigyan ba kayo ng discount?

SEC. PANELO: Hindi tinanong ko, magkano ba? Sir, 10, oh di binayaran ko ng 10, iyong isa 9, sinuklian pa ako. Iyong iba naman ayaw magpabayad, binayaran ko pa rin, kaya sabi ko sa media, hoy magbayad kayo, bayad na sir, kami, dahil baka kawawa naman iyong—

HENRY URI/DZRH: Secretary good morning. Iyong ibang empleyado ho ng gobyerno, anong oras ba sila dapat –iyong hindi ho cabinet secretaries, iyong mga rank-in-file?

SEC. PANELO: Depende kasi iyon sa ano, depende kung nasaan ka nakatira. Kung Marikina ka at ganoon kalayo, eh talagang para dumating ka ng alas-otso, ordinarily kasi, from Marikina to here, kung ordinary ang traffic, tama lang ang isang oras. Pero iyong pag-aantay mo ng sasakyan, eh kagaya ko kanina, 25 minutes akong nag-aantay, ganundin ang magiging problema nila.

HENRY URI/DZRH: Flexible ho ba iyong oras ng mga nagtatrabaho sa gobyerno, like for example iyon pong mga ordinary lang, tama po ba 9 to 6, 8 to 5 po sila, Secretary?

SEC. PANELO: Doon sa Malacañang?

HENRY URI/DZRH: Hindi po, iyong iba pang mga nasa ibang government offices?

SEC. PANELO: Depende siguro, ang iba 8:30, iyong iba eksakto alas-otso.

HENRY URI/DZRH: Pero kung halimbawa pong ang talagang nasa batas po 8 to 5?

SEC. PANELO: Yes

HENRY URI: Iyong iba po paano kaya iyon?

SEC. PANELO: Saka kung naka-bundy clock ka eh tatanggalan ka, kakaltasan ka talaga.

HENRY URI/DZRH: So iyong iba ho kapag halimbawang …puwede ba nilang argument din iyong kagaya po nung sinasabi ninyo na hindi ako late kasi 24 hours naman iyong trabaho namin o it is only applicable sa inyong mga Cabinet secretaries?

SEC. PANELO: Sa Cabinet members kasi 24 hours talaga kami. Sabi ko nga doon sa Anakbayan, eh ‘kako iyong mga reporters nga nagrereklamo na alas dos ng madaling araw gumagawa ako ng statement – kasi nga 24 hours ang trabaho namin, walang oras.

HENRY URI/DZRH: Opo, so linawin lang natin, iyon pong—baka kasi mamaya ay gayahin din iyong ginawa ninyo na ma-late po sila tapos ang argument, ‘Si Secretary Panelo nga mag-a-alas nuebe na dumating, sabi niya puwede naman daw iyon kasi 24 hours ang mga government.’

SEC. PANELO: Eh kasi mas marami ang trabaho namin. Twenty four hours kami, eh sila eight hours lang.

HENRY URI/DZRH: So hindi papalitan ang rule?

SEC. PANELO: Hindi aplikable sa kanila. Mas shorter ang time nila to work.

HENRY URI/DZRH: Ito ho bang inyong challenge na napagtagumpayan ay ikukuwento ninyo, iri-report ninyo sa ating Pangulo?

SEC. PANELO: I’m sure by this time may nagkuwento na sa kaniya.

HENRY URI/DZRH: Pero ano po ang inyong ikukuwento sa kaniya? Puwede ba naming malaman kung papaano—

SEC. PANELO: Depende kung magtatanong siya eh di magkukuwento ako. Kung hindi naman, tahimik lang ako.

HENRY URI/DZRH: What about a formal recommendation na to—

SEC. PANELO: Hindi na kasi alam mo, iyong problema sa traffic ay alam na nila Secretary Tugade iyan eh. Alam na rin ng MMDA. Kaya nga they’re doing something about it. We don’t even have to tell them what’s wrong – they know what is wrong.

HENRY URI/DZRH: So kayo ba ngayon ay sariwa pa o mandirigma na?

SEC. PANELO: Ang sabi sa akin ng katabi ko, “Ang bango ninyo pala, sir.” Sabi ng katabi ko ha. Eh sabi ko mas mabango si Presidente. Kapag natabi ka kay Presidente, mas mabango iyon.

TUESDAY NIU/DZBB: Hi sir. Sir, kanina dumating kayo mga 8:46 sa relos ko, and sabi ninyo hindi pa kayo nakapag-almusal. So pagdating ninyo sir, sa office ninyo, nag-almusal na muna kayo?

SEC. PANELO: Hindi pa muna dahil ang dami pang interview eh – nakakain yata ako after one hour.

TUESDAY NIU/DZBB: Okay. Tapos after one hour, back to work ka na o umidlip ka ba? Papaano ba?

SEC. PANELO: Back to work uli. While working, may interview, hihinto ka doon sa binabasa mong briefer. Interview na naman. Hindi na natapos ang interview, paulit-ulit kaya medyo … iyong isa nga eh, “Sir napagod ba kayo?” Alam mo, iyong mga tanong na iyan ay hindi tinatanong. Sabi ko, kung nagdyi-dyip ka, mapapagod ka rin. “Sir, galit ba kayo?” sabi ko hindi. Alam mo kasi ‘kako, kapag iyan na ang tanong, hindi na dapat tinatanong; tapos sabi sa akin, “Hindi, sir, kasi binabalita namin kung anong nangyari kay Atty. Panelo, kung napagod siya.” “Iha, hindi balita kung anong nangyari sa kapaguran ko” hindi balita iyan eh. Ang balita ay iyong it concerns the public, not the concern of my own body; sigurado, sabi niya, “Suplado.”

TUESDAY NIU/DZBB: So, sir, with your experience today, magbibigay ka ba o mabuti ba na i-note mo, ibigay sa mga concerned government secretaries para may kahinatnan, sir?

SEC. PANELO: Hindi na. Sabi ko na nga, alam na ng mga concerned agencies ang problema. Alam na rin nila ang pagdaranas ng lahat. I will repeat what I said: you cannot be oblivious kapag ikaw ay dumaraan sa mga kalsada, makikita mo talaga ang tao eh: Nag-aabang doon; nakapila; kapag huminto ang dyip, nag-aagawan – makikita mo iyan eh. So alam mo na ang paghihirap nila.

TUESDAY NIU/DZBB: Pero sir, iba pa rin kasi iyong naranasan mo tapos sasabihin mo sa kanila.

SEC. PANELO: Hindi, hindi totoo iyon. You don’t even have to feel pain when you see pain there – hindi totoo iyon. Unang-una, naranasan na rin namin iyan kasi nakikipagbuno rin kami noong mga panahon eh. Ano bang kaibahan noon? Laking kalye kaming lahat eh; wala akong alam na Cabinet member na – kahit si Ben Diokno na mayaman na ngayon, nagbu-bus din iyan when he went to UP – lahat kami nag-bus, nag-dyip, nag-tricycle.

TUESDAY NIU/DZBB: Sir, ngayong burado na sa listahan natin iyong emergency power pero nandiyan pa rin iyong problema, mayroon pa namang natitirang panahon ang Presidente, anong puwedeng magawa doon sa loob ng panahon na iyon na natitira?

SEC. PANELO: Alam na nila Secretary Tugade at ng mga economic managers ang gagawin nila. Mayroon nang programa doon.

TUESDAY NIU/DZBB: So kakayanin pa naman, sir?

SEC. PANELO: Gagawan ng paraan para maibsan ang paghihirap ng taumbayan.

TUESDAY NIU/DZBB: Iyong ano sir, ‘pauwi challenge’ naman – mayroon ba noon?

SEC. PANELO: Secret. Sabi ni Marichu Villanueva, “Huwag kang ganiyan nang ganiyan.” Hate na hate niya raw kapag nakikita niya akong gumaganoon, naaalala niya si Ninoy Aquino doon sa 500 peso bill. Iyon pala kaya ayaw niya, naaalala niya iyong isa.

KRIS JOSE/REMATE: Sir, since mission accomplished na kayo, mayroon po ba kayong mensahe sa mga labor groups, especially kay Bayan SecGen Nato Reyes?

SEC. PANELO: Wala, wala na akong mensahe sa kanila. Ginawa ko na iyong gusto nilang hamon; tinanggap ko na, so tapos na.

KRIS JOSE/REMATE: Sir, sa mga riding public, sa publiko po na galit na galit sa inyo?

SEC. PANELO: Galit kasi nga iyong the way it was reported, parang hindi nila napakinggan iyong entire na sinabi ko. Eh ngayon na pinaliliwanag ko na, I have been receiving text messages na … iyon, maraming galit doon sa kaibigan ni ano. Basahin … nasaan ba iyong telepono ko? Basahin ko iyong commentary ng … isang ano ito, isang Major ng PNP, nanunood daw sila, napakinggan nila iyong interview. Sabi niya “Wa ha ha, ang galing mo talaga, Sir Panelo, at na-bull out mo si Ka Tunying. Buti naman sir, at live mo siyang pinapagalitan sa style ng pagsasalita niya. Tama lahat ang nasabi mo sir, saludo po kami sa inyo sir, sa office namin, nakikinig kami.”

Sabi ko nga kay Tunying, “Alam mo, bata ka pa noong magkasama tayo sa Eagle. Halos trineyn kita eh, hindi ko akalaing magiging ganiyan ka.” Kasi broadcaster ako doon eh, mga bata pa iyong mga iyan eh. I never made any comment with respect to any official na hindi ko nababasa iyong buong transcript; tinitingnan ko iyong context. Eh ang nangyayari sa kanila, narinig lang na ganiyan, banat kaagad. Hindi pupuwede iyong ganoon, that’s not responsible journalism. Masisira ang channel ninyo kapag ganiyan kayo.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir noting lang sir, na na-offend nga iyong public dahil para sa kanila ay naging insensitive nga iyong—

SEC. PANELO: Kasi nga akala nila … pinaliwanag ko iyon kanina. Sabi ko, noong sinabi kong kung gusto nating makarating eh magising tayo nang maaga. Ang ibig kong sabihin noon, we are very creative people. We have a hostile environment but we just don’t sit down and wallow in misery; we do something about it. And how do we do it? Since ganiyan ang traffic, eh di we wake up earlier than usual. Eh ako dati alas-siyete ang gising ko pero ngayon hindi na pupuwede, kailangan alas-singko.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: So para sa inyo, sir, that statement is not insensitive po?

SEC. PANELO: No, that is not insensitive. That was a statement, in fact, praising the creativity of Filipinos, na marunong tayong humarap sa sitwasyon. Hindi lang tayo basta mura dito, mura doon, walang ginagawa. May ginagawa tayo para sa ating mga sarili.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, na-interview namin kanina iyong nakasabay mo sa dyip from Kilusang Mayo Uno and Anakbayan. Sabi nila, natuwa naman daw sila, sir, na you accepted the challenge po. And then, at the same time, naawa din daw sila sa inyo kasi—

SEC. PANELO: Huwag silang maawa.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Kasi nakita raw nila na pawis na pawis kayo and this is not your mode of transportation, and that may edad na raw kayo pero ginawa ninyo raw po iyong challenge, sir. Ano po ang masasabi ninyo doon sa sinabi nila, sir?

SEC. PANELO: Alam mo iyong mga batang iyon eh, ewan ko kung namundok na sila. Mamundok muna sila, nagkamali sila nang hinamon – huwag kayong manghamon dito sa mga gabinete kasi mga laking kalye lahat iyan eh: Si Presidente, laking kalye iyan; Si Tugade bilyonaryo pero nagbu-bus iyan noong mga panahon – hanggang ngayon nagku-commute nga eh.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Since na-mention mo ‘yung mga Cabinet secretaries sir at ginawa mo naman iyong challenge, are you going to challenge other Cabinet secretaries na gawin nila iyong commute challenge?

SEC. PANELO: Hindi na kailangan dahil sinabi ko hindi ko nga kailangang gawin eh, ipinakita ko lang na hindi totoo ‘yung sinasabi ninyo na hindi namin kayang gawin.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Thank you, sir.

GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Hello po. Sir, I noticed you rode a ‘habal’ going to the Palace po—

SEC. PANELO: Iyong motor? Motorsiklo.

GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Opo, nag-motor po kayo.

SEC. PANELO: Motorsiklo iyon, hindi habal iyon. Private iyon.

GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Pero ano sir… with that in mind, do you believe that we should legalize iyong motorcycle taxis, Angkas, since there’s a bill filed right now that will amend the Land Transportation and Traffic Code which will allow two-wheeled vehicles to be used for public vehicle use?

SEC. PANELO: I will leave the wisdom of that to Congress. Hindi ko na papasukin iyon, sila naman ang gumagawa ng batas.

GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Sige, thank you sir.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, pinapatanong lang po ni Henry Uri. Iyong sabi ninyo po kanina na nagkamali iyong mga aktibista sa paghahamon sa inyo—

SEC. PANELO: Kasi akala nila tatanggi ako dahil hindi namin kaya.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Tapos sabi ninyo po mamundok muna sila.

SEC. PANELO: Hindi. Ang ibig kong sabihin, kung hindi pa kayo namumundok, you better try.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Namundok na ho ba kayo, sir?

SEC. PANELO: O hindi ba, namundok ako sa Albay. Bundok, ibig sabihin ‘di doon ka titira sa bundok at magti-teach in ka ng mga magsasaka doon at lahat.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, balikan lang ho natin iyong sabi ninyo po kanina na… iyong comment ninyo po na gising kayo nang maaga para magawan ng—

SEC. PANELO: At iyon ang ginagawa nila kasi nga walang choice eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Yes, sir. You said that you were praising the creativity of the Filipino—

SEC. PANELO: Correct. Kasi kung hindi tayo creative, eh wala, walang mangyayari sa atin.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Pero sir given na iyon nga, sabi ninyo po hindi naman kailangang sumakay ng jeep para maranasan at nakikita ninyo. Do you think na iyong pagiging creative po ay dapat maging status quo po or—

SEC. PANELO: Hindi. Hindi ba ang statement ko, it cannot be permanent. It cannot be constant, we have to change this. Kaya lang, sinasabi ko lang na… tayo kasing mga Pilipino, hindi ba kahit may disgrasya, may delubyo, may storm, after that we recover eh. Malikhain nga tayo, creative tayong tao eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: So you’re saying sir that this time, it is the turn of government of to be creative as well, correct?

SEC. PANELO: O hindi ba, they are trying to do everything nga possible under the sun. Eh long term nga iyong kanilang plano eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir iyong DAR po, the Department of Agrarian Reform decided to scrap today iyong plan to implement safeguard duties on rice tariffication. Tapos si Secretary Dar nag-walkout daw noong presscon kanina noong tinanong siya. How will the government help farmers if palay prices continue to fall, lalo na ngayon the price of palay in new farm gate is lowest in 8 years? Your comment po.

SEC. PANELO: I’ll leave it to the Secretary of DAR, turf niya iyon eh.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: ‘Pag ganoon sir wala po bang—lalo na magkakaroon ng Cabinet meeting—

SEC. PANELO: O ‘di—kung he will raise it, ‘di papakinggan namin.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay, sir. But given iyong ugali po ni Presidente, ano pong likely maging advice ni Presidente?

SEC. PANELO: Siyempre papakinggan ni Presidente kung ano ‘yung concerns nila.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Oo. Pero previously sir, ano po ‘yung—na-raise na po ba kay Presidente iyong pagbagsak po ng presyo ng palay and his guidance on it?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung sinabi ng Department of Agriculture sa kaniya.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay sir, thank you.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir, good afternoon. Sir, I understand iyong Mindanao ngayon is still under martial law, right?

SEC. PANELO: Yes.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir last week, may reports of kidnapping of a British national and his wife, tapos the couple owns a resort and businesses. May panibagong order ba ang Pangulo tapos hindi ba ang martial law kaya na-extend, to protect din iyong mga businesses and other… mga activities po?

SEC. PANELO: Given na two years na iyong martial law doon at mukhang iyong number of crimes eh halos wala, maliban dito sa bago ngayon – ibig sabihin effective. You can just imagine kung walang martial law, baka hindi lang iyon. But just the same, the authorities are doing their level best to protect the inhabitants there.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Any assurance from the administration or this government na safe pa rin pumunta sa Pilipinas?

SEC. PANELO: Oo naman, siyempre safe. Kaya lang accidents happen, kung minsan nalulusutan ka rin.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir at this point, may recommendation na ba for extension o—

SEC. PANELO: Wala pa akong naririnig from the ground forces.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Thank you, sir.

ARIANNE MEREZ/ABS-CBN NEWS.COM: Hi, sir. Sir your comment lang, kanina po may sumabog sa Bilibid maximum security compound—

SEC. PANELO: Hindi ko alam ‘yan.

ARIANNE MEREZ/ABS-CBN NEWS.COM: Yes, sir. Pero so far sir, wala pa pong reported na—hindi pa po alam if may nasaktan. Your comment on this lang, sir. Will the Palace order an investigation?

SEC. PANELO: Hindi, pakinggan muna natin kung ano ba iyon. Hindi natin alam pa iyon eh. We have to wait for the official report.

ARIANNE MEREZ/ABS-CBN NEWS.COM: Sir, nagde-demolish po kasi ng mga kubol doon, iyong mga illegal na kubol ngayon doon, tapos may sumabog po. Do you think sir there were lapses in security?

SEC. PANELO: No, I would be speculating. Let’s just wait for the official report coming from the BuCor Chief.

ARIANNE MEREZ/ABS-CBN NEWS.COM: Okay, sir. But sir, do you think President Duterte is already aware of this?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung aware na siya.

ARIANNE MEREZ/ABS-CBN NEWS.COM: Okay sir, thank you.

ROSALIE COZ/UNTV: Puwede ko rin po unahin iyong other topic bago iyong sa commute? Sir yesterday po, nagpunta po sa UNTV iyong isa pong star witness sa Batocabe Slay Case; tapos ang binabanggit niya po ay kulang iyong ibinigay sa kaniyang reward money sa mga informant dahil po ang nalikom po ng pamahalaan na reward money ay nasa 35 million, pero ang natatanggap pa lang po niya ay 6 million pesos at may alegasyon po siya na may mga ilang pulis daw po na nagbulsa po nito. So, paiimbestigahan po ba ito ng Malacañang since—

SEC. PANELO: Oo, ‘pag mayroon nang—‘pag may official complaint, ‘di imbestigahan natin.

ROSALIE COZ/UNTV: Sa Kongreso po ay naghain na po ng resolusyon para po imbestigahan po ito.

SEC. PANELO: O ‘yun pala eh. Kung iimbestigahan nila ‘di mas lalong magaling.

ROSALIE COZ/UNTV: And sir, normal process din po ba iyong nakalagay po sa isang letter ng PNP-CIDG na kaya po hindi nire-release iyong remaining award money dahil po may hinihintay pang instruction at guidelines from the Office of the President, the Department of Budget and Management and the House of Representatives? May ganoon po bang—

SEC. PANELO: Eh kung iyon ang kanilang paliwanag, then that’s an official explanation.

ROSALIE COZ/UNTV: So, that is official.

SEC. PANELO: Sino ba ang nagbigay ng explanation, iyong Chief?

ROSALIE COZ/UNTV: Police Lt. Col. po from the CIDG.

SEC. PANELO: Oh, eh ‘di pakinggan natin kung ano talaga.

ROSALIE COZ/UNTV: Sir, you stand by your statement na insensitivity iyon pong nabanggit ninyo po na gumising ng mas maaga para makarating sa paroroonan?

SEC. PANELO: No, in fact, that is what we’re doing/all of us are doing, unless you don’t wake up early.

ROSALIE COZ/UNTV: Opo, pero po iyon na po iyong ginagawa ng mga commuter.

SEC. PANELO: Exactly, kaya nga kumbaga pinapakita ko lang sa mga kritiko na tayong mga Filipino gumagawa tayo ng solusyon sa sarili nating problema habang hindi pa natutugunan ng konkreto.

ROSALIE COZ/UNTV: Pero, sir sinasabi po ng iba na gusto n’yo po ba na hindi na matulog iyong mga commuter, dahil po madaling araw nagigising, late na po nauwi, so hindi na po ba matutulog?

SEC. PANELO: Hindi rin totoo iyon na hindi makakatulog, siyempre, whether we like it or not, we will be falling asleep.

ROSALIE COZ/UNTV: Saka sir, iba na po iyong circumstance ngayon, dati po may nagpapaupo pa ng matanda ngayon po pati mga babae sumasabit na sa jeep para lang po makasakay?

SEC. PANELO: Hindi, ever since ganyan ang circumstance.

ROSALIE COZ/UNTV: Kahit sa panahon n’yo po, sir?

SEC. PANELO: Kahit doon sa panahon ko talaga.

ROSALIE COZ/UNTV: Sumasabit na rin ang mga babae?

SEC. PANELO: Ako lang yata ang tumatayo para.

ROSALIE COZ/UNTV: At hindi na po nagpapaupo ng matatanda?

SEC. PANELO: The rest talagang sinasadya na, hindi na titingin, kasi pagod eh. Mahirap talagang nakatayo ka, pero Boy Scout tayo noon, kaya kahit na ano, tatayo ka na lang.

VIC SUMINTAC/DZEC: Sir, gusto ko lang linawin at masarhan na iyong isyu ng mass transport crisis natin. Dahil sa inyo ang definition po ninyo ng mass transport crisis mayroong paralysis.

SEC. PANELO: Oo.

VIC SUMINTAC/DZEC: Ang MRT 3, LRT 1 and LRT 2 ay tinuturing natin na mass transport system sa Metro Manila. Iyong LRT 2 nagkaroon ng problema, from Cubao to Santolan, total paralysis. Wala po bang ‘mass transport’ crisis doon?

SEC. PANELO: May crisis doon sa sinasabi mong particular area na iyon. Matindi iyong entire—you know when you say mass transport crisis, talagang you have to refer to—there is a paralysis of the entire mass transit system. But there is a traffic crisis, definitely and there is a crisis also in the suffering of commuters as well as motorists – walang kaduda-duda iyon.

JOSEPH MORONG-GMA7: Sir, clarification lang, iyong sa Marikina, kasi may mga nagsabi that you were helped by the policemen what exactly happened?

SEC. PANELO: Hindi iyong mga police nang makilala nila ako gusto nilang makasakay kaagad ako, sabi ko hindi naman ako nagmamadali. Tapos hinihinto nila iyong jeep, humihinto naman kahit hindi nila pahintuin eh. Tapos, sabi niya sakay na kayo, Secretary, kasi siyempre may mga kasabay ako eh, hindi paunahin mo na sila.

JOSEPH MORONG-GMA7: You were not escorted? You were not ano ng ano?

SEC. PANELO: No, nagkataong nadaan lang sila, nakita nila ako eh. Huminto lang sila sa tapat ko.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, iyong mga commuters ba makakaasa na by the end of the Duterte administration kahit papaano, gagaan iyong sitwasyon sa trapiko?

SEC. PANELO: Di ba sabi ni Secretary, mayroong mga nagsabi na, ginagawan nila ng paraan di ba. Like for instance iyong sa LRT sabi nila, everyday, ngayon once a week na lang ang bogging down di ba.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, sir can you talk to the commuters kung ano iyong aasahan nila by the end of the Duterte administration pagdating sa sitwasyon ng traffic?

SEC. PANELO: Palagay ko alam ng mga commuters dahil pinapaliwanag naman nila Secretary Tugade iyon na mabigat ang problema natin, pero ginagawan natin ng paraan. So lahat tayo nagdaranas, whether naka kotse ka o commuter ka.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, given na merong ginagawa nga iyong administration, we see it, because we have the build, build, build program exactly to alleviate iyong traffic situation po natin in Metro Manila. Pero may aasahan ba tayo sir, na by the end of this administration, hindi na kailangang gumising ng sobrang aga?

SEC. PANELO: Hopefully ganyan. Kasi like for instance in Makati, I understand magkakaroon ng subway, malaking bagay iyong subway.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: But it will not be finished by 2022, sir?

SEC. PANELO: Oo nga pero pag natapos iyon, maiibsan na iyong problema doon sa area na iyon.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, sir we can safely say na there is—kahit papaano, iyong may solution but not by the end of the Duterte administration.

SEC. PANELO: Hindi what is important, iyong gobyerno natin, may ginagawa.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: But as far as iyong effect sir, iyong results, can we see the results by 2022?

SEC. PANELO: Depende nga sa laki ng problema natin eh, pero mangyayari at mangyayari, kasi ginagawan ng paraan eh. Whether it will come sooner or later, depende siguro sa circumstances.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Iyong makikita natin sir na results, epekto po iyon ng efforts ng Duterte administration, tama po ba?

SEC. PANELO: Which one?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Iyong sinasabi n’yo, sir na sooner or later may makikita tayong results.

SEC. PANELO: Kaya nga, eh kung may ginagawa ang mga departamentong in charge at nagkaroon ng easing of traffic woes, oh di ibig sabihin, may ginawa sila for us.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, can you confirm if Indian Prime Minister Modi will be coming next week?

SEC. PANELO: Parang narinig ko iyon, hindi ko pa alam sa protocol kung kailan. But I heard about it, parang may state visit.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, anong pag-uusapan kaya?

SEC. PANELO: Hindi ko pa alam, I haven’t received any info on that.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: So, before pumunta si Presidente sa Japan, ang possibility of meeting.

SEC. PANELO: Kelan ba iyong sa Japan?

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: October 22.

SEC. PANELO: Iyong state visit kailan ba, parang 16 ba iyon?

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Wednesday sir, kung 16.

SEC. PANELO: Is that 16 or before 16? Or kung prior to Japan di magkakaroon tayo ng ano, narinig ko iyon sa isang cabinet member na mayroon ngang state visit.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Can we confirm sir? So you are confirming now?

SEC. PANELO: No, I’m saying that, that is what I heard, but I haven’t received any official info coming from protocol, kasi protocol ang nakakaalam noon.

MODERATOR: Happy weekend MPC, happy weekend Chief Presidential Legal Counsel and Spokesperson Secretary Sal Panelo.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource