Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañan Palace, Manila

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Hi, sir. Good noon. Sir, previously or recently, General Albayalde kept on saying that he will only resign once the President asks him to do so. Now that he already relinquished or resigned from the position of Chief PNP, did the President ask him to do that, to resign?

SEC. PANELO: Wala akong narinig. Tingin ko—I cannot read his mind, but I can only speculate that maybe he had enough of the – according to him – false, unfair accusations and innuendos especially because his family is suffering, baka bumigay iyong mama; parang pinaki-usapan yata ng pamilya.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Right now, sir, hawak na ba ng Pangulo iyong shortlist ng pagpipilian niya na papalit kay General Albayalde?

SEC. PANELO: Wala pang nababanggit si Presidente eh.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Good morning. Sir, do you think this is the most appropriate thing to do on the part of General Albayalde?

SEC. PANELO: Whether it’s appropriate or not, that’s his call. Siya ang person concerned eh.

MARICEL HALILI/TV5: But do you—well, after his decision to resign as PNP Chief, do you still believe that he is innocent with all the accusations?

SEC. PANELO: I will follow the line of the President, “Give me clear proof that he has profited from this drug and linkage that he is involved.” Until such time, the presumption of innocence applies to him.

Any other question?

USEC. IGNACIO: Sir, may tanong lang si Bella Cariaso: “Hindi po ba kayo raw magso-sorry sa mga naaberya sa ginawa ninyong commute challenge last Friday?”

SEC. PANELO: Siguro dapat mag-apologize iyong mga nasa media. Kasi if you recall, I declined coverage despite the pakiusap ng mga MPC, at itinago kung saan ako pupunta at saan ang aking lakad. Pero kung naaberya man, mukhang sandaling-sandali lang din naman iyon sa … sa Cubao lang naman nagkaroon ng ano eh, na stall lang by a few minutes.

USEC. IGNACIO: Ang sabi niya dito: “Ang ending daw po, iyong mga affected ng partial operation ng LRT 2, sila rin ang naaberya last Friday.” May follow up question: “Since you made your point na kaya ninyong mag-commute, next time na maghamon ang militanteng grupong Bayan, hindi ba better kung sa debate na lang daw po ang inyong sagot? I’m sure dudumugin po ng media iyon.”

SEC. PANELO: Eh unang-una, sila naman ang naghamon; pinagbigyan ko lang sila just to put a lie to their thinking that we in the government do not know the suffering of these people.

Teka muna, bago nga pala, I have to correct certain misimpressions. Sinasabi kasi sa diyaryo, it took me four hours to reach Malacañang from my place; which is wrong. Gaya ng paliwanag ko, kasi if I took the route from where I came from, it will only take me 15-20 minutes. Eh di the very purpose of the challenge, precisely nga to suffer, to share in the suffering, hindi mangyayari iyon. Kasi kung 20 minutes, baka earlier pa because it’s 5 o’ clock eh baka five minutes nandito na ako sa Malacañang, naghihintay sa gate.

So I purposely did a circuitous route para nga madanasan ko iyong dinadanas na sinasabi nila ng mga kababayan natin. Kaya from corner Hemady, EDSA, or rather Aurora Boulevard, pumunta muna ako ng Cubao. Bumaba ako ng Cubao and then sumakay na naman ako ng dyip going to Concepcion. From Concepcion pumunta ako ng Cubao where the hoard of media practitioners pounced on me dahil may nag-tweet, may nag-post kung nasaan ako.

And the reason why I did not step down in Cubao—supposed to be doon ako sasakay eh, sa may bandang Hemady. Mayroong LRT doon eh. But since you were all… most of your colleague were already there inside, eh ayaw ko noon kasi nga precisely I declined, I don’t want to make a spectacle. Kung tinuloy ko iyon, talagang spectacle iyon dahil susunod hanggang sa LRT. Marami talagang maaatraso. And that is precisely why I also naki-angkas na lang ako doon sa nagmagandang loob kasi can you imagine maglalakad ako papunta rito. Ilang minuto iyon. Naka-live coverage ka pa, malaking ano iyan eh—precisely I declined the challenge na magkita kami sa Cubao kasi parang gusto nilang magkaroon ng publicity; ayaw ko nga noon. And that is also the reason why nagsombrero ako at nag-shade para hindi ka masyadong pansinin kung sino ka. Iyon ang reason doon.

SANDRA AGUINALDO/GMA7: Sir, on a related topic. Iyong grupo raw na Kongreso ng Mananakay is challenging you na six months commute challenge daw kasi one day is not enough. What is your reaction?

SEC. PANELO: Wala na iyon. Alam mo, kaya ko lang naman pinagbigyan sila ay para ipamukha sa kanila na hindi totoo iyong sinasabi nila na hindi namin nararanasan. Kahit na hindi ka sumakay doon, mararanasan mo kasi araw-araw nakikita mo iyon eh. Kapag dumaan ka doon sa lugar na antayan ng jeepney, ng bus, makikita mo nakapila. Makikita mo rin kung papaano sila nakikipagbunong sumakay. Kapag rush hour talagang ganoon ang nakikita ng lahat kaya hindi na kailangang tumanggap pa ng ganung paghamon.

Ang gawin ninyo na lang, iyong mga mahilig maghamon, eh magbigay kayo ng mga mungkahi kung papaano kayo makakatulong sa pamahalaan, ng mga magagandang proposal. Kagaya ni VP Leni, tama na iyong kritisismo. Kasi sinasabi niya, ‘Aminin mo na may crisis.’ Susmaryosep naman, sinabi na ngang may traffic crisis eh. Hindi lang tayo nagkakaintindihan doon sa… sinabi ko kasing transport crisis, may paralysis. Eh wala naman, eh may crisis pa rin. But hindi makakatulong iyan, magbigay na lang kasi kayo ng proposal para makatulong kayo sa pamahalaan. Iyon ang solusyon doon.

And another thing. You know, I was listening to Engineer Palafox this morning in an interview in one of the stations. Anong sabi niya? ‘Aba’y 20 years plus ay may proposal na ako diyan at tinanggap na ng administrasyon ni Marcos iyan. Kung nangyari iyan – kasi behind tayo ng infrastructure – sana wala tayong ganito.’ Anong nangyari? Anong sabi niya? ‘Eh papaano dumating iyong Cory, ini-scrap iyong proposal na iyon. Tapos inulit iyan sa GMA, ini-scrap naman nung sumunod na Presidenteng PNoy. Kaya ito tayo ngayon.’ Hindi dahil sinisisi. Sinasabi lang sa taumbayan na ganoon kalalim ang problema; ganoon kahaba iyong neglect, iyong pagpapabaya kaya lumaki, lumalim, lumawak ang suliranin diyan sa trapikong iyan.

SEC. PANELO: Marami kasing dapat gawin, infrastructure ang talagang basis niyan. That means you will have to have wide streets, which means you will have to have Skyways, which means you have to construct bridges.

Like for instance, ‘yung bridge. Si Ramon Ang texted me and said, ‘if you want to decongest traffic by thirty percent, sabihin mo sa DPWH mag-construct ng temporary bridge diyan sa Mandaluyong.’ kasi sarado ‘yung bridge eh. Pinadala ko naman kay Secretary Villar pero ang sabi niya, ‘we are thirty percent completion dun sa permanent bridge and because of that mahirap mag-construct ng temporary bridge. Anyway, mayroon tayong ginagawang Skyway yata ‘yun, ayun ang sagot niya.

Sa madalit sabi, ginagawan din ng paraan. At least si Don Ramon Ang ay mayroong suggestion na ibinibigay hindi lang nagki-criticize.

SANDRA AGUINALDO/GMA 7: Sir, sunod ko na rin ‘yung proposal ng isang congressman. Sabi niya—Congressman Siao says he plans to file a Bill requiring public officials including Cabinet members to take public transport at least once a week, sir?

SEC. PANELO: Kung ang purpose lang nun ay para maranasan ng mga opisyales eh…gaya ng sinabi ko, hindi kailangan ‘yun. Pero kung ang purpose mo every now and then mag-share ka sa sympathy, walang problema rin kami dun.

Gaya ng sinabi ko, kaming mga sa members ng Cabinet, pinaglakihan na namin ‘yong sasakyan ng bus, ng jeepney at tricycle. Si Teddy Boy lang yata ang hindi pa nakasakay dun; kasi akala ko si Secretary Dominguez hindi rin nakasakay pero kinorek niya ako nung Cabinet—“Ay, hindi! Sumakay din ako nung bus!”

So, lahat kami diyan dinaanan namin ‘yan. Nadaanan namin ‘yung may pagbuno, papaano makipagbuno diyan sa pagsakay ng jeep, kasi talagang makikipag-unahan ka eh; ganun din sa bus.

ROSALIE COZ/UNTV: Good morning po, sir!

SEC. PANELO: Yes?

ROSALIE COZ/UNTV: Sakto po dun sa binanggit n’yo na imbes na mag-criticize, magbigay na lang ng suhestyon para po ma-resolve ‘yung traffic.

SEC. PANELO: Uhm.

ROSALIE COZ/UNTV: Sabi po ni VP Robredo sa kaniyang weekend radio program, dapat daw pong ipagbawal ang paggamit ng wang-wang dahil insulto raw po ‘to sa publiko at—ito po ‘yung kaniyang sinabi: “Pag palaging ganito ‘yung kalakaran ng government officials, talagang paano mo mararamdaman ‘yung bigat na dinadala ng ating kababayan? Sobrang insulto ‘yun! ‘Yung wang-wang kasi parang sinasabi mo ‘yung mga lakad n’yo hindi importante. Lakad ko lang ‘yung importante”

SEC. PANELO: Bakit? Sino ba nagwa-wangwang? Sino raw ba nagwawang-wang? Ako, hindi na ako nagwawang-wang. Sino ba sa mga Cabinet members nagwawang-wang? Ginagawa lang ‘yun ‘pag may emergency. Kung Cabinet member ang involved, kailangang makarating ka dapat dun sa paroroonan mo. Bihirang-bihira ‘yan. Kahit ako hindi ko—bihirang-bihira ko makita ‘yun.

ROSALIE COZ/UNTV: Pero sir, ever since kasi nagkaroon ng—ever since na naupo si Pangulo, bumalik ‘yung wang-wang policy na naalis during the time of P-Noy.

SEC. PANELO: Pero wala akong masyadong nakikita. Pag ako tinatanong, O bakit ka nag ano? Sabi niya, “kailangan makarating otherwise may problema tayo dun sa event.”

ROSALIE COZ/UNTV: So, sir kayo po personally, ever since naging government official kayo hindi kayo gumamit ng wang-wang?

SEC. PANELO: Never. Except for one when mayroon akong interview na nagkamali ‘yung driver, bumalik. Sa madalit sabi, five minutes hiyang-hiya naman ako. Pero hindi ako gumamit; nag-offer sila. Sabi niya, “Sir, samahan namin kayo” – pero walang wang-wang ‘yun ha. “I-escort ka namin para malaman mo ‘yung mabilis na daanan.” Pero walang wang-wang.

Kasi ako, every time akong sinasalubong sa mga probinsiya, talagang ayaw na ayaw ko na may wang-wang. In fact, tinatakasan ko ‘yang mga ‘yan! Nakasunod sa likod bigla akong kakaliwa, akala nila kung—kasi kadalasan nasa unahan sila ‘di ba? So ‘pag nauna sila, ‘pag kumanan ka hindi rin nila alam na umalis ka eh o umalis ka sa kanila.

Kahit si Presidente ayaw ng wang-wang eh. Kahit nung mayor ‘yan sumasakay ako sa kaniyang pick-up ni ayaw niya nga ‘yung nag-o-overtake, pinapagalitan niya ‘yung driver niya eh. ‘Pag nag-o-overtake sabihin niya “hayaan mo na, makakarating din tayo. Pabayaan mo na sila.”

ROSALIE COZ/UNTV: So, ang policy po ng Duterte administration pagdating sa paggamit ng wang-wang sa panahong—

SEC. PANELO: Personally, si Presidente ayaw niya ng mga ganung wang-wang; but I can understand kung kailangang gamitin mo ang wang-wang on a particular occasion.

ROSALIE COZ/UNTV: Thank you, sir.

HENRY URI/DZRH: Secretary, may reaksiyon si Senator Kiko Pangilinan na ‘yung mga natatanggal na opisyales ng gobyerno, mga matataas na… of course, ‘yung mga Cabinet secretaries like Secretary Aguirre, Wanda Teo, Nic Faeldon, Sid Lapeña at ito daw si General Albayalde, ang duda niya ay baka daw hindi rin naman ito kasuhan at wala ring mangyari at malipat din lamang sa ibang posisyon kagaya ng ginawa kina Faeldon at Lapeña. Anong reaksiyon ng Palasyo rito?

SEC. PANELO: Unang-una, ang pag-file ng kaso kailangan batay sa ebidensiya. Kung wala kang ebidensiya at haka-haka lang, papaano ka naman magpa-file? Baka gustong tulungan ni Senator Kiko, abogado naman siya. O, baka gusto mong tulungan ‘yung mga nagpo-prosecute kasi nag-aantay ng ebidensiya ‘yun. Kung mayroon kang nalalaman na dokumento o testigo na maaaring makatulong sa pagkaso, I think it’s your duty not only as a senator of the Republic but as an ordinary citizen of this country to help prosecute na dun sa mga tingin mong may kasalanan.

HENRY URI/DZRH: ‘Yun hong paglilipat at pagbibigay pa ng puwesto sa kabila ng mga kasong kanilang kinasasangkutan, ito ho kaya ay posible o imposible pang mangyari sa kalagayan po ni General Albayalde?

SEC. PANELO: Si Presidente ‘pag naglipat ng isang opisyal na tinanggal sa posisyon, hindi dahil sa korapsyon; dahil kung korapsyon ‘yun, hindi na makakabalik ‘yun. Ang pagkakaalam ko kaya ‘yan tinanggal dahil kumbaga, more on hindi ka bagay diyan sa posisyon na ‘yan, sa ibang lugar ka na lang. Hindi korapsyon, dahil kung korapsyon tanggal ka agad niya.

HENRY URI/DZRH: So, may pag-asa o wala na si General Albayalde?

SEC. PANELO: Na kay Presidente na ‘yan. Hindi natin alam kung ano ang kaniyang tingin sa kaso ni General Albayalde.

HENRY URI/DZRH: Alright. Thank you.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Good morning, sir! Sir, sa nangyari kay General Albayalde, iuutos na ni Presidente ‘yung… sa intelligence community ‘yung mas mahigpit na pagba-background check sa mga kandidato para sa mga posisyon sa gobyerno? Considering, sir, na maliban diyan sa—granted na halimbawa, wala pa namang kasong kinakaharap—halimbawa sir, may mga controversy na kinasangkutan, puwede bang i-ano…higpitan natin ‘yung background check sa mga presidential appointees para hindi natitisod, na sa term nga ni Presidente eh ‘tisod’ eh.

SEC. PANELO: Eh, mayroon naman talagang nag be-vet doon eh. Pagdating naman kay General Albayalde—in fairness to the man ha, pinapakinggan ko ‘yung isang presscon niya…‘yun ang gusto kong sagutin din ng mga pinapatungkulan niya. Sabi niya, “kung totoo lahat ‘yung sinasabi n’yo, eh tatlong beses n’yo na akong inimbestigahan ba’t wala kayong inihain na kaso sa akin? Bakit ngayon lang kayo nagsasalita?”

I want those investigators to respond to that. Napaka-valid ‘yung kaniyang ni-raise na issue. Three times mong inimbestigahan pagkatapos wala kang charges and then suddenly you’re telling people na involved ka.

And another thing, as a lawyer huh, not as a Spokesman. As an ordinary lawyer watching the proceedings, ‘yung—kasi tinanong ako kanina kung anong tingin ko. Like for instance, ‘yung statement na…’yung kay General Lacadin daw hindi ba malaking pruweba daw ‘yun? Alam mo ang problema doon sa statement ni General mayroon siyang sinabing ‘hindi ko ho alam kung nagbibiro o hindi.’

Sa hukuman, hindi puwede ‘yun. ‘Pag ganiyan ang salita mo, wala na dismiss ang kaso mo. Kasi dapat dun, nung tinawagan po ako, seryoso at talagang pinipilit niya na ganito at sinabi pa nga ho nakatanggap siya ng pera. Mga ganun dapat, pero ‘yung sasabihin mo ‘hindi ko alam kung nagbibiro o hindi,’ ano ba namang klaseng testimonya ‘yun?

SEC. PANELO: Pangalawa, iyon namang kay Mayor Magalong, with due respect to you, eh ang naririnig ko rin kasi, parang hearsay din, parang hindi personal knowledge eh, hindi rin papasok sa hukuman iyon. Iyon ang nagiging problema niyan.

Saka isa pa, mawalang-galang na rin sa ibang senador. Alam mo pag nag-i-imbestiga ka wag ka munang magsalita na guilty ito o ang ebidensiya malakas. Hayaan mo na muna sanang matapos at saka ka gumawa ng rekomendasyon. Otherwise, eh may problema ka talaga, pare-pareho kayong magkakaproblema.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, hihimukin ba ng Palasyo iyong publiko na halimbawang may nalaman silang adverse na info sa isang government official, eh magsumbong sa Palasyo?

SEC. PANELO: Aba, hindi lang hihimukin, di ba palaging sinasabi ni Presidente ‘assert yourself, gumawa kay0 ng gulo, makakarating sa akin iyan, magpakita kayo sa akin, magreklamo kayo, guluhin n’yo, manampal kayo para malaman ko kaagad,’ di ba. Si Presidente mismo ang nag-eencourage eh.

ROSE NOVENARIO/HATAW: So open po iyong ano… lalo hindi naman dumadaan sa Commission on Appointments—

SEC. PANELO: Well, it goes without saying. Pag ang tao merong nalalaman, nandiyan ang 888, di ba, we don’t even require your signature. Kahit iyong mga dumarating sa opisina kong sulat na anonymous, dinediretso ko sa Ombudsman o kung anong departamento, ineembestigahan nila eh.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, noong Cabinet meeting. Wala po bang nabanggit si President Duterte regarding the case of PNP Chief Albayalde?

SEC. PANELO: Wala. Hindi namin napag-usapan, wala sa agenda eh.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Was there a chance for the President to talk to PNP Chief Albayalde before his resignation?

SEC. PANELO: Wala naman siya doon eh. Wala, hindi ko siya nakita doon before or after, I didn’t see him there.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero possible, sir, na even before the meeting pinatawag si PNP Chief Albayalde?

SEC. PANELO: Wala akong narining tungkol doon.

HENRY URI/DZRH: Secretary, iyong mga binanggit ninyo sa mga naghain ng reklamo at iba’t-ibang impormasyon at testimonya laban kay General Albayalde saka iyong imbestigasyon ng mga senador, baka lang ho ito ay misinterpret na you are lawyering for Albayalde.

SEC. PANELO: Not really, because I’m being asked as a lawyer, my observation. That’s not lawyering; I’m giving an objective analysis or assessment, in fairness to all. But let me again be very clear on this, ang Senado talagang merong kapangyarihan at may tungkulin na mag-imbestiga, dapat talaga imbestigahan in aid of legislation.

HENRY URI/DZRH: So, what’s wrong with the Senate investigation, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi, ang sinasabi ko lang, merong isa o isang senador o dalawa na nagko-comment na guilty kaagad, hindi naman pupuwede iyon. Parang unfair naman iyon doon sa inaakusahan nila.

HENRY URI/DZRH: Is it okay if we ask you kung puwede ninyong pangalanan itong senador na binabangigt ninyo?

SEC. PANELO: Tingnan n’yo na lang kung sino iyong… kaibigan ko pa naman iyon. Kaya lang, sometimes you cannot also stop someone to express his, siguro disgust or disappointment, kasi hindi mo rin mapigilan ang sarili mo. But you know, dapat we have to restrain ourselves, especially if you are a lawyer, kasi iyon ang training ng mga abogado.

HENRY URI/DZRH: So is that your advice to your friend from the Senate?

SEC. PANELO: Hindi alam na niya iyon, hindi naman kailangang payuhan iyon, magaling iyon eh – matalino, magaling. At saka hindi ako puwedeng mag-lawyering kay General Albayalde, magaling iyong abogado niya, si Estelito Mendoza.

JINKY BATICADOS/IBC13: Sir, paki-clarify lang po iyong pahayag ninyo kanina sa tanong ni Kuya Henry na hindi naman po talaga nangangahulugan na kapag tinanggal ka ng Presidente sa puwesto kung opisyal ka, korapsyon agad—

SEC. PANELO: Kasi sinasabi niya naman eh.

JINKY BATICADOS/IBC13: Yes sir. Pero tinatanggal ka kasi maaring hindi ka bagay doon. Hindi naman po nagta-trial and error ang Presidente sa pag-appoint, sir?

SEC. PANELO: Hindi. Bakit naman hindi, eh kung sa tingin niya at that time magaling, pero nalusutan, hindi ba? Oh ilipat kita dito dahil honest ka eh. Ang pinakaimportante kasi kay Presidente honest eh.

SANDRA AGUINALDO/GMA: Sir, baka lang may detalye ka pa. You mentioned na nabanggit sa cabinet meeting iyong proposal by the DOE for amendments in the oil deregulation law. May Palace action na po ba doon and ano po iyong gagawin ng Malacañang about that proposal?

SEC. PANELO: Kung ano iyong rekomendasyon ni Secretary Cusi, iyon ang ipapatupad.

BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: Follow up lang po doon sa nuclear energy agreement na nabanggit po sa Cabinet meeting, sir – iyong with Russia, sir. May nabanggit po ba si President kung anong particular concerns niya po doon sa nuclear energy agreement with Russia po. Kasi, I understand DFA Secretary Teddy Locsin said that they already made a convincing argument but it was the President who asked for more time po. So, may we know more details about these concerns of the President?

SEC. PANELO: Wala naman siyang sinabi, baka constitutional concerns, issues.

BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: So, iyong constitutional concern, sir, were these discussed?

SEC. PANELO: Wala ngang diniscuss, I’m just thinking aloud baka iyon.

BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: How about the possibility of nuclear leaks, na mention po ba ito sa Cabinet meeting, sir?

SEC. PANELO: Hindi.

NESTOR CORRALES/INQ.NET: Sir, will General Albayalde still get full benefits as PNP Chief even if he retired ahead of his retirement sa November 8?

SEC. PANELO: Parang non-duty status lang naman yata eh, kumbaga magre-retire siya on the day na ire-retire ka. Sa ngayon, hindi siya mag-a-act sa PNP Chief, pero nandiyan pa rin siya. Terminal leave ba ang tawag doon?

NESTOR CORRALES/INQ.NET: Makukuha niya iyong full benefits niya, sir, even if nag-resign siya sa PNP Chief?

SEC. PANELO: Nag-resign ba siya.

NESTOR CORRALES/INQ.NET: As PNP Chief.

SEC. PANELO: Parang nag-terminal leave eh.

NESTOR CORRALES/INQ.NET: So nag-resign siya, sir.

SEC. PANELO: Nag-resign ba siya?

NESTOR CORRALES/INQ.NET: As PNP Chief.

SEC. PANELO: As PNP Chief, hindi rin, dahil kung… posisyon lang iyon eh.

NESTOR CORRALES/INQ.NET: So makukuha niya iyong full benefits.

SEC. PANELO: Hindi ko alam iyon dahil trabaho na ng nasa budget, nasa finance na iyon. Hindi ko alam ang… how they will compute.

ROSALIE COZ/UNTV: Linawin lang po natin, Sec. Papano n’yo po ika-qualify iyong sinasabi ni Albayalde na nag-avail po siya ng non-duty status, ano po ba ito?

SEC. PANELO: Hindi ko alam, basta alam ko nagte-terminal leave siya. Kasi ang retirement niya pa rin, iyon pa rin di ba, November 8 pa rin eh.

ROSALIE COZ/UNTV: So kailangan po ba ng approval ni President?

SEC. PANELO: Kumbaga, parang vacation leave lang yata ang dating sa akin noon eh.

ROSALIE COZ/UNTV: So hindi kailangan ng approval ng President?

SEC. PANELO: Hindi ba si DILG Secretary na-grant na iyong kanyang request.

ROSALIE COZ/UNTV: So sir, for the Palace, hindi siya tinanggal sa puwesto?

SEC. PANELO: He voluntarily…

ROSALIE COZ/UNTV: Resigned.

SEC. PANELO: Has resigned or stepped down or sought for a non-duty status.

BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: Sa fund releases po. Can you confirm, during the Cabinet meeting po I think na mention po yata ang 331 million fund release for polio po. Can you confirm this po, sir?

SEC. PANELO: Si Secretary Duque dapat ang sumagot sa tanong mo eh, hindi ako familiar doon.

BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: How about iyong sa DA po, di ba na-approved na din po ni President iyong hike doon sa indemnification for backyard raisers po na maapektuhan nung ASF, sir. Tama sir, di ba po?

SEC. PANELO: Ipapatupad ni Secretary Dar kung ano iyong directive sa kanya ni Presidente.

BERNADETTE NICOLAS/BUSINESS MIRROR: But aside from polio and ASF-related fund releases, meron pa po bang ipinag-utos si President?

SEC. PANELO: Wala akong alam.

NESTOR CORRALES/INQ. NET: sir, ay we have Malacañang’s reaction on the gold medal win of Carlos Yulo.

SEC. PANELO: Meron na akong statement doon. We are very proud. Ah iyong bago, di ganundin. Of course, we congratulate the gold medalist, we are always proud every time a Filipino wins. Even a bronze o silver medal, isa lang ang ibig sabihin noon, talagang magaling tayo, kahit na every now and then.

NESTOR CORRALES/INQ. NET: Sir, may details kayo noong courtesy meeting niya with the President either tomorrow or on Wednesday?

SEC. PANELO: Iyong sa India?

NESTOR CORRALES/INQ. NET: Hindi, sir. Iyong si Yulo, sir?

SEC. PANELO: Wala pa, hindi pa nakakarating sa akin. Wala pang nire-release eh.

NESTOR CORRALES/INQ. NET: Sir, may we have details on the visit of Indian President?

SEC. PANELO: Wala pa ngang nire-release na schedule eh. Siyempre ang maglalabas noon iyong Protocol, sila ang nag-e-schedule.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource