USEC. IGNACIO: Good morning Malacañang Press Corps at sa ating mga bisita from Quezon Province, iyong mga media sa Quezon Province. Let’s now have Presidential Chief Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Good morning, sir.
SEC. PANELO: Good morning. Welcome members of the press from Quezon Province. You can start asking questions courtesy of the house, coming from Joseph Morong, your province mate.
CELINE TUTOR/BLOCKTIMER-LIFE RADIO/LUCENA CITY: Isa po akong anak ng magsasaka, Secretary. Ano po ang plano ng national government—napakababa po ngayon ng presyo ng coconut products, lalo’t higit ang copra. Paano po natin matutulungan ang ating mga magsasaka, Secretary?
SEC. PANELO: Unang-una, gaya ng sinabi na natin dito, merong 10 billion fund na magagamit. Sa coconut lang ba ang tanong mo o pati sa rice?
CELINE TUTOR/BLACKTIMER-LIFE RADIO: Coconut, particularly.
SEC. PANELO: Right now, merong ginagawa ang ating pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka sa coconut. Kung matatandaan mo, iyong pondo sa subsidy hindi nagamit iyon. Pero nagkaroon na ng batas para magamit na ng mga magsasaka. ‘Aantayin na lang natin ang implementasyon noon, para iyong lahat ng benepisyong manggagaling doon ay mapakinabangan ng mga magsasaka kagaya ng tatay mo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Sir, iyon pong Department of Human Settlements, so na-sign-an na ni Presidente iyon yesterday. Meron na bang napipisil siya na Secretary?
SEC. PANELO: Wala pa, wala pa akong naririnig.
JOSEPH MORONG/GMA7: Also, sir in terms of appointment, also. Iyong BTA – Bangsamoro Transition Authority – would you know the members already?
SEC. PANELO: Nag-test ako sa opisina ni ES wala pang sagot kung ano iyong composition.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, pero I understand from the BOL dapat may equal representation iyon, may representatives from women and all of the sectors and also the MNLF, right? So, will there be members from the MNLF that will comprise the BTA, because in the past couple of days si Presidente is sending overtures to Nur, but Chairman Nur has not responded yet. So papaano, sir, iba-balance iyong interest ng MNLF and MILF now that we are putting up the BTA?
SEC. PANELO: Siguro tingnan natin iyong composition, iyong pagbubuo ng mga appointees. ‘Antayin na lang natin. I’m sure the President will know how to balance the composition.
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Hello, sir. Sir, does the Palace have any expectations to the Bangsamoro Transition Authority, do you expect them to lead the new region well?
SEC. PANELO: Expect what?
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Do you have any expectation to the Bangsamoro Transition Authority, do you expect them to lead the region well, unlike the old system sa ARMM?
SEC. PANELO: Oh, certainly. Because you must remember that there have been complaints about the governance in the previous entities and hopefully this new one, given the fact that they have learned their lessons, I’m sure they will lead this time effectively. Otherwise they will answer to the Muslim people.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir, good morning. Sir, may we have your thoughts about the statement of NYC Chairman Cardema saying na nanawagan daw siya kay Presidente na tanggalan ng scholarship iyong mga students na laging nagiging part ng mga anti-government rallies?
SEC. PANELO: Nagiging part, ang pagkakabasa ko doon sa diyaryo mukhang ang sinabi niya iyong suspected. We are government of laws, not of speculations. Kung sinususpetsahan lang natin, hindi naman pupuwede iyon, kailangan meron tayong ebidensiya na mga parte nga sila ng mga grupo na laban sa gobyerno. Kung sila ay sumasama lang sa mga rally, that’s their right—that’s their right – that’s freedom of expression and freedom of assembly.
MARICEL HALILI/TV5: So, meaning sir, Malacañang will not support the idea of stopping these students from joining any rally even it’s anti-government?
SEC. PANELO: Unless you can show us concrete evidence that they are really part of those forces against the government, hindi naman pupuwede iyon.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Hi sir, follow up po to Maricel’s question. By being members of groups like for instance Kabataan Party list, is that evidence enough as far as Malacañang is concerned? Because the President previously said that these are just fronts of communist groups.
SEC. PANELO: Kabataan Party list?
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Leftist group, sir.
SEC. PANELO: Again, the President is a lawyer. If there is evidence to show that indeed it is a front, then necessarily we have to do something about it. The state will protect itself from any attack whether superficially, sublimely or actual. Pero kailangan meron tayong ebidensiya, we are not reckless.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, doon sa BTA oath taking on Friday I was—
SEC. PANELO: BTA? What’s BTA?
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Iyong sa transition authority, sir— Bangsamoro Transition Authority. Will there extra security measures put in place considering that top MILF leaders—I was wondering former rebel leaders will be attending the ceremony.
SEC. PANELO: The usual security measures will be provided by the Presidential Security Group, as well as other allied forces.
KING FORMARAN/LUCENA CITY: Kung familiar ka po sa aming lalawigan, are you familiar sa aming lalawigan?
SEC. PANELO: Lucena?
KING FORMARAN/LUCENA CITY: Quezon Province.
SEC. PANELO: Well noong estudyante ako dumaraan ako diyan papuntang Bicol.
KING FORMARAN/LUCENA CITY: Sir, ang lalawigan po ng Quezon is agricultural na probinsya. Sa Calabarzon, ito iyong pinakamalaking land area na nasa sector ng agrikultura, maraming tao.
Itong rice tariffication na ito, unang-unang tatamaan nito ay ang aming nga farmers bukod pa doon sa empleyado mismo ng mga NFA, maraming NFA na empleyado sa aming lalawigan. Ano pong malinaw na malinaw dito. Kasi sinabi kagabi ng NFA meron na lang silang 14 million na stocks at ito ay hanggang August na lang. So, ano po ang malinaw na ano ng Presidente dito?
SEC. PANELO: Unang-una, gaya ng sinabi natin the other day, merong 10 billion fund para sa industriya ng bigas at ‘yan ay magagamit para matulungan ang ating mga magsasaka.
At gaya na rin ng sinabi ko, mukhang ang mga magsasaka natin – from the very start – iyong kanilang tinutubo sa pagbebenta ng kanilang mga palay ay mukhang hindi naman lumalaki, kasi ang tumutubong malaki iyong middlemen.
SEC. PANELO: Pero noong … kapag iyan kasi binuksan mo ng merkado, may problema ang middleman doon kaya sila nagrereklamo eh: magkakaroon ng kumpetensiya at siguradong babagsak ang presyo ng bigas – para sa kabutihan ng lahat; at iyon namang mga farmers, kaya sila nahihirapan noon because kukonti ang kanilang produce. Why? Simply because, ang dami nga nilang problema: walang mga binhi, walang pang-fertilizer, walang mga pang-irrigation. With that ten billion fund, malaki ang maitutulong sa kanila – lalaki ang produce nila, lalaki ang kita nila.
Q: So papaano kung itong mga papasok, sapagkat niluwagan na natin ngayon eh, puwede na kahit sino mag-import ng bigas, so iyong competition po, papaano po iyon? Baka maaaring mas mura iyong manggagaling sa labas ng bansa compared sa pinu-produce ng ating mga farmers, so apektado rin po sila roon.
SEC. PANELO: Alam mo ‘pag … ang interpolate ng market kasi, kapag may pumasok eh di marami, maraming bigas, mayroon din iyong mga farmers natin – magkukumpetensiya sila. Ang greater majority siyempre ang makikinabang, kasi babagsak ang presyo.
Pero iyon namang sa parte ng mga magsasaka, lalaki ang kita nila simply because matutulungan na sila ng gobyerno unlike before, hindi sila natutulungan. Kung mas malaki ang produce mo, mas malaki ang inu-offer mo sa merkado unlike before na ang nagku-control lang ay iyong mga middlemen.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Hi, sir. Sir, the President himself said that leftist groups are communist’s fronts, right, and that’s why he fired some of the left-leaning member of his Cabinet. So by joining alone a leftist group, if I’m a student, I would lose my scholarship? Because, again, you said that being leftist, that’s being part of the communist groups, and you take communist groups as anti-government forces.
SEC. PANELO: Kung iyong leftist ay talagang may ebidensiya na left at iyong estudyante ay sumali doon na alam niya na iyon ay kalaban ng gobyerno, kung may ebidensiya ka. Eh pero kung hindi naman—hindi naman lahat ng estudyante na sumasali sa isang organisasyon ay alam nila na ganoon: Ang iba, nalalaman nila later on at tumitiwalag; ang iba naman, gusto nila iyon, tumutuloy sila namumundok pa nga para labanan ang gobyerno eh. So depende, pero dapat case to case basis.
We cannot just dismiss or remove the scholarship from them just because we are suspecting them. What I’m saying is, hindi tayo reckless.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But, sir, suppose I’m a member of a leftist group, I intended to join like Kabataan Party List, League of the Filipino Students, CEGP – then I would lose my scholarship just because I’m a member of these organizations?
SEC. PANELO: Unang-una, iyong sinasabi ninyo, suggestion iyon ng Chairman ng National Youth Commission.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But we are asking, sir, if you agree with that suggestion?
SEC. PANELO: ‘Di ba sinagot ko na iyon: Kung may ebidensiya na ikaw ay talagang kalaban ng gobyerno ay dapat wala kang …
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: That’s why I’m asking, sir. Kung kasali ako, kung kasama ako ng Kabataan Party List—
SEC. PANELO: Tatanungin kita: Kung ikaw ay kasama at alam mo na kalaban ng gobyerno at lalaban ka sa amin, eh bakit ka naman bibigyan ng scholarship ng gobyerno?
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: And that’s the reason why I am going to lose my scholarship?
SEC. PANELO: Yes, if you are fighting the government—
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Because I’m a member of it?
SEC. PANELO: No, because you’re fighting the government. Mere membership alone will not suffice. You have to show us evidence that: one, you did join because you want to fight the government. Pero kung sumali ka lang diyan dahil … for whatever reason, baka gusto mo lang maging … pareho rin ng fraternities. Sa UP kaya sumasali noon because status symbol.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, may basis ba iyan sa batas natin? Is it allowed?
SEC. PANELO: Which one?
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Na ganyan, na I’m part of the—
SEC. PANELO: If you’re fighting the government, bakit ka naman … that’s common sense: If you’re fighting the government, eh bakit ka naman papag-aaralin ng gobyerno para patayin mo ang gobyerno?
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But the membership alone, for example, I intended to be part of—
SEC. PANELO: Eh di ba sinabi ko na sa’yo: Not membership alone. You cannot do that.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But it means fighting against the government because that’s ideology.
SEC. PANELO: No, not necessarily. Eh kung hindi mo nga alam—
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: They subscribe to an ideology.
SEC. PANELO: Eh kung hindi mo nga alam eh. Ngayon, if there is an evidence na alam mo from the very beginning at may ginagawa kang … that will concretize, showing that you are fighting the government, we will remove the scholarship – natural lang iyon.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Subscribing to an ideology like communism is a … how do you take it?
SEC. PANELO: Wala nang komunismo ngayon. Hindi ba iyon na nga ang sinasabi ni Presidente, “Hoy, mga komunista, magising na kayo” – wala ng komunismo ngayon. Look at communist China, it’s a capitalist state.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: If scholars subscribe to this and they join a communist group, a leftist group, they would lose their scholarships?
SEC. PANELO: Ang kulit mo naman eh, sinagot ko na paulit-ulit. Not mere membership, Arjay. Hindi pupuwedeng mere membership lang. Kailangan mayroong ebidensiya na more than your membership. Eh kung member ka lang by name, nag-aaral ka nang husto, eh bakit ka naman tatanggalan ng scholarship.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, could you expound when you say evidence?
SEC. PANELO: Aba eh kung nakita na kasama ka sa mga plano against the government. Halimbawa, nagkaroon ng raid tapos ikaw pala ay kasama doon, nagpaplano ka, aba’y ang laking ebidensiya noon. Pero kung sumasama ka lang sa … you just express your dissent to government policies, kasama sa demokrasya iyon.
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Sir, follow up lang. Sir, just qualify the “fighting the government”, does this mean iyong armed, taking up arms or iyong joining protest rallies—
SEC. PANELO: Hindi, ang sinasabi ko iyong kung kasama ka sa pagplano laban sa gobyerno. Eh kung fighting the government ng aktwal, eh di obvious na iyon. Pero iyong mga subtle na kasa-kasama ka sa pagplano …
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Sir, armado, hindi puwede? Taking up arms is not allowed?
SEC. PANELO: Kung armado? Ay hindi pupuwede. Kung armado ka, eh di lalo …
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Sir, iyong mga students, iyong they’re taking up arms, that is not allowed. Pero joining protest rallies is okay because it’s part of freedom of expression.
SEC. PANELO: ‘Di ba si Presidente nga ang nag-i-encourage na magmartsa kayo sa kalsada if you have grievances to the government – that’s a constitutional right. But if you use rallies to foment violence, to incite sedition, that’s a different story. Iba na ang usapan iyon. Pero kung magsasalita ka lang doon … tingnan mo nga si Trillanes, kung ano ang pinagsasabi, tinatawag pang magnanakaw si Presidente, hindi niya pinapatulan.
HENRY URI/DZRH: Secretary, before my question, iyong mga aktibista na umano ay nahuhuli ng mga militar at pulis na kasama na ng mga NPA—
SEC. PANELO: Oh, iyon.
HENRY URI/DZRH: Sa recruitment, organizing iyong kanilang mga protesta, kapag ganoon, definitely ay tatanggalan na ho ng scholarship?
SEC. PANELO: Definitely naman, bakit naman hindi: Unang-una, ididemenda ka, eh di nakakulong ka pa kapag nagkataon, paano ka pa makakapag-aral?
HENRY URI/DZRH: Pero allegedly lang, wala pa namang demanda, kumbaga, wala pang sapat na ebidensiya.
SEC. PANELO: Hindi, pero kung nahuli ka nga na kasama ka ng mga NPA, that alone is probable cause.
HENRY URI/DZRH: All right. Speaking of NPA ho, kahapon sa speech ng Pangulo, may binanggit siya tungkol kay Ka Fidel Agcaoili. Sabi niya, “I think Attorney Agcaoili has sounded off. He was coming to talk again. And I told the military and the police just allow him, for after all, it’s all just … we are on a waiting period about the appropriate time to talk about peace.” Ano ang partikular na punto rito ng Pangulo? Kapag dumating, pumasok ng bansa si Ka Fidel Agcaoili, hindi siya puwedeng arestuhin ng militar at pulis?
SEC. PANELO: Kagaya nga ng sinabi noon pa ni Presidente, they are welcome to come if they want to talk – hindi sila aarestuhin. Kung matatandaan mo noong huli, ‘di ba supposed to be they are coming, kaya lang they expressed apprehension na maaaresto dahil daw may salita si Secretary Año. Eh di ba ang sagot namin doon (recording cut). ‘Di ba sinabi ko na noon, misplaced iyong apprehension nila, eh they were welcome. Eh pero hindi, ayaw naman nilang tumuloy eh.
HENRY URI/DZRH: Sir, as of yesterday o as we speak, anong stand ng gobyerno ngayon, ng ating Pangulo, ng Palasyo ng Malacañang sa peace talks?
SEC. PANELO: The same stand as it has previously made: We will return to the peace talks, one, if they stop their extortion; number two, if they stop attacking our police forces.
HENRY URI/DZRH: Bukas sa pakikipag-usap kung susundin iyong mga kondisyones galing sa side ng pamahalaan, hindi galing sa side ng kaliwa?
SEC. PANELO: Puwede naman silang mag-set ng condition sa parte nila kung reasonable at puwede nating ibigay. Pero hindi ba sinabi na ni Joma Sison, hindi pupuwede dahil kailangan namin ng resources, kailangan namin ang aming pinansyal, sabi niya dahil meron daw silang gobyerno. Hindi ba sabi ko nga, hindi ko alam na may gobyerno kayo. Kailangan nila ng resources, finances, kailangan ng extortion activities kasi iyon ang nagpi-finance sa kanilang pakikipaglaban sa gobyerno, hindi dahil meron silang pamahalaan.
HENRY URI/DZRH: Wala ho bang utos—o meron po bang utos ngayon ang Malacañang sa military at police na maghinay-hinay muna against sa military operations against the NPA?
SEC. PANELO: Ah hindi, ganoon pa rin iyong direktiba.
HENRY URI/DZRH: Which is?
SEC. PANELO: Oh hindi ba, go after them, because they are fighting the government. Now, kung magkaroon tayo ng peace talks o di ceasefire tayo, provided payag kayo doon sa kondisyon na ine-impose ni Presidente.
Q: Sir, good afternoon. Sir, Secretary Año is pushing na ilabas daw iyong narco list ahead of the 2019 midterm elections. Suportado po ba ito ng Palace?
SEC. PANELO: Hindi ba si Presidente na noon ay naglabas na rin noon. So it goes without saying, kung si Presidente mismo naglabas.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, may call iyong isang grupo sa Duterte administration na sana ‘wag alisin sa UN iyong record ng 625 enforced disappearances. What’s your take on that? Can you please give us details on the mission of the group who went there from NSA yata and some PCOO who went to Europe.
SEC. PANELO: I think that question should be directed to the PCOO Secretary. He is the one involved on that.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: As regard, sir, sa position ng isang grupo na sana i-retain iyong 625 forced disappearance case, ano ang position ng Malacañang, sir?
SEC. PANELO: Ano nga iyong grupo… ano ba ang gusto ng grupo?
JOSEPH MORONG/GMA7: Delist, sir.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Alisin, sir.
SEC. PANELO: Sinong grupo ang nagpapa-delist?
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Hindi, nagpapa-delist ang administration; iyong grupo na dapat sabi i-retain iyon sa records eh iyong families of disappeared for justice or desaparecidos?
SEC. PANELO: Specifically, sinong instrumentality ng gobyerno ang nagpapa-delist, ang PCOO?
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: I think that is why they are on a mission sa UN?
SEC. PANELO: I think you should direct first the question to the PCOO Secretary, hindi ko alam iyong kanilang official mission. And then pag may sagot siya, and I’ll respond.
Ang alam ko lang, gaya ng statement kung ibinigay ko sa inyo, ang tungkulin nila doon ay para ipaalam sa lahat, sa mundo at sa mga Filipino kung ano ang mga patakaran natin dito, ano ang ginagawa ng pamahalaan, ano ang dahilan kung bakit tayo masigasig sa pagsira sa illegal na droga dito sa ating bayan at kung papaano natin pinapatupad ang ating mga batas sa lahat ng mga tao anuman ang kanilang tungkulin sa pamahalaan, anuman ang kanilang kalagayan sa antas ng lipunan. Kasi maraming naninira sa atin at napapaniwala naman kasi nga ang tatamad naman kasing mag-verify ng facts o baka naman pag sila ang nandoon, ito di naliliwanagan sila. Iyan ang alam kong misyon nila.
ROSALIE COZ/UNTV/RADIO: Good afternoon, sir. In relation sa signing po ng Universal Healthcare mamaya ni Pangulong Duterte. How does the Executive Branch intend to implement the law given sa sinabi ng Department of Health na may 40 billion pesos pa po na kakulangan para i-implement sa unang taon iyon pong UHC? Hindi pa po naipapasa iyong higher sin tax kung saan kukunin iyong kakulangan po sa budget para maipatupad iyong Universal Healthcare.
SEC. PANELO: Eh kung wala pang pera eh di we will have to—kumbaga, kung ang project mo 10 projects in one year, eh kung hindi mo naman kayang pondohan, di medyo i-reduce mo na muna. Kumbaga, pagkakasyahin muna natin until such time na dumating iyong pondo.
ROSALIE COZ/UNTV/RADIO: So, gradual implementation po. We don’t expect this year na mako-cover ang lahat ng Filipinos doon po sa UHC?
SEC. PANELO: Gradual ang implementation, pero mayroon pa namang ano… there are many ways to augment the resources. I’m sure our government will know how to source funds in accordance with the Constitution.
ROSALIE COZ/UNTV/RADIO: Does Malacañang see the need to increase the contribution po sa PhilHealth this year para i-augment, is that one way po aside from sin tax po? Iyon pong PhilHealth contribution.
SEC. PANELO: Pag-aaralan lahat iyan kung ano ang makakabuti sa ating mga kababayan kaugnay sa kanilang kalusugan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa budget po ano. Wala sa bicam iyong cash-based budgeting, ibig sabihin ang gusto nila obligations-based. Obligations-based is basta may project ka na pinaplano hindi siya subject to… I mean, bibigyan siya ng budget kahit hindi pa tapos iyong mga feasibility studies ‘no.
What Secretary Diokno wants is a cash-based budgeting. Meaning, for one year dapat pinopondohan ng government iyong mga projects na klaro na matatapos, may plano and nakalatag, right. That is that the government—that is what Secretary Diokno wants. Palace position is supporting Secretary Diokno in asserting that the government will implement a cash-based budgeting. Ano po ang position, do you support—
SEC. PANELO: Sinabi mo na iyong posisyon – ‘di ba sinusuportahan? Eh di iyon na iyong posisyon.
JOSEPH MORONG/GMA7: No, I’m asking: Is the Palace, is President Duterte supporting Secretary Diokno’s stand?
SEC. PANELO: Yes.
JOSEPH MORONG/GMA7: Because po?
SEC. PANELO: Because sa palagay ni Secretary Diokno iyon ang mas makakabuti sa ating mga projects.
JOSEPH MORONG/GMA7: Do you think, sir, that it is better in terms of avoiding or preventing corruption?
SEC. PANELO: Sa tingin ko. Iyon ang sinasabi ni Secretary Diokno eh that’s why supportive tayo doon.
JOSEPH MORONG/GMA7: So kahit, sir, wala iyon sa bicam, ipipilit natin ‘no? Kasi it’s not in the bicam, so puwede ba iyong baguhin sa final..?
SEC. PANELO: Ah hindi. Ang bicam ang magde-decide kung anong klaseng pamamaraan. Eh kapag enrolled bill na iyon, eh di either pipirmahan ni Presidente o ibi-veto niya iyong line item. Iyon ang mangyayari doon.
JOSEPH MORONG/GMA7: So at this point, sir, at this stage, at the moment, ang bicam says obligation-based? That’s not what Secretary Diokno wants.
SEC. PANELO: Eh hindi pa naman—maraming miyembro ang bicam eh. Hindi ba nakita na rin natin, sabi hindi ipapasa tapos finally the bicam decided to pass the budget. In other words, hindi pa natin alam. Let us … tingnan natin.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, but it’s ratified already, the bicam.
SEC. PANELO: What do you mean na-ratify?
JOSEPH MORONG/GMA7: Nakalabas na sa kanila, sir. Nasa Palace na yata.
SEC. PANELO: Nasa Palasyo na?
JOSEPH MORONG/GMA7: Will the President exercise a veto power?
SEC. PANELO: If he feels that he should, he will.
JOSEPH MORONG/GMA7: And given that he supports Secretary Diokno, yes?
SEC. PANELO: Logically, yes. But, you know, everything is subject to change without prior notice. The President can always change his mind depending on the situation, depending on the need, depending on the necessity. If he feels na puwede pala ito, iyon ang gagawin niya. He is an experienced man. He was a member of Congress before; he’s been executive for 23 years – so punung-puno siya ng karanasan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, backtrack lang ako a little bit, iyong sa plano ng NYC – Youth Commission, sir. Legally sir, if he says that we, the government should withdraw scholarships of the students who are suspected to be members of leftist organizations, he can do so, on what basis? We don’t have an anti-subversion law, sir.
SEC. PANELO: Hindi naman kailangan magkaroon ng anti-subversion law eh.
JOSEPH MORONG/GMA7: So therefore, the basis is?
SEC. PANELO: Under the revised penal code, mayroong sedition, mayroong rebellion, mayroong conspiracy to commit sedition, conspiracy to commit rebellion. Kung pumasok ka doon, eh papaano ka naman susuportahan ng gobyerno, otherwise, the government will be killing itself.
JOSEPH MORONG/GMA7: Pero kailangan ninyong ma-breach iyon ‘no?
SEC. PANELO: Yes, kailangan. Actually, that’s more of a warning to them. Kumbaga sinasabihan kayo, “Hoy, kung gusto ninyong maging scholar ng bayan eh, maging matino naman kayo,” kung hindi, sayang lang iyong panahon ninyo kasi tatanggalan na kayo, madedemanda pa kayo.
JOSEPH MORONG/GMA7: I think if they are fighting the government, they wouldn’t be in schools.
SEC. PANELO: There will not be… ano?
JOSEPH MORONG/GMA7: Wala na, sir. Later na lang.
SEC. PANELO: No, if you are fighting the government, you will talaga enroll in schools kasi you want to be educated para magaling kang lumaban sa gobyerno.
JOSEPH MORONG/GMA7: Anyway, sir, kasi he is requesting the President to sign an executive order – do you think that will be a possibility? EO?
SEC. PANELO: Executive order na ano?
JOSEPH MORONG/GMA7: To remove.
SEC. PANELO: Eh kung iri-remove mo lang nga on the basis of suspicion, I don’t think the President will sign that.
JOSEPH MORONG/GMA7: Unless you really … may complain sa iyo or cases?
SEC. PANELO: Kailangan mayroong grounds, legal grounds, reasonable ground.
DICK SANTOS/RADYO PILIPINAS-LUCENA: Ano na po ang latest statement sa ika-apat na tranche ng salary increase ng state workers?
SEC. PANELO: Ano ang ano?
DICK SANTOS/RADYO PILIPINAS-LUCENA: Ano na po ang status ng ating ika-apat tranche ng salary increase ng government employees?
SEC. PANELO: Kung napasa na iyong budget at napirmahan na, eh di mayroon ng pera to fund.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, very quick question lang. May plano po ba si President Duterte to attend any program for the EDSA People Power Anniversary on February 25?
SEC. PANELO: Wala, wala pang nababanggit. Um-attend ba siya noon last time, wala naman eh – two years nang wala. So most likely, hindi rin a-attend iyon.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Most likely, hindi siya a-attend.
SEC. PANELO: Maraming trabaho si Presidente. Kahapon nga eh, nagmamadali siyang tapusin, 30 minutes, kasi mayroon pa siyang lakad: Sipag!
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)