Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing

SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas.

Narito po ang presidential press briefing ngayong araw sa Munisipyo ng Alcala, Probinsiya ng Cagayan, isa po sa pinakamatinding sinalanta ng pagbaha. Wika nga po ni Mayor Tintin Antonio, ito po ay ang pinakamalalang baha in one hundred years.

Makikita ninyo po sa likuran ko ay hindi lawa, ito po ay tubig baha pa rin apat na araw matapos po ang kasagsagan ng pagbaha dito sa Alcala, Isabela.

Kasama po natin maya-maya si Dr. Siringan ng UP Marine Science Institute para sabihin kung bakit nga ba nagkaroon ng ganitong katinding pagbaha lalung-lalo na dito sa Munisipyo ng Alcala. Kasama po natin ngayon si Mayor Cristina Antonio at ang Vice Mayor Joy Duruin ng Munisipyo ng Alcala.

Punta muna po tayo sa ating mga balita, mabuting balita naman po ito: Inanunsiyo po ng Moderna na ang kanilang bakuna laban sa COVID-19 ay 94.5% effective base sa resulta ng kanilang clinical trial.

Kung inyong matatandaan, noong isang linggo lamang, inanunsiyo naman ng Pfizer na ang kanilang vaccine ay more than 90% effective. Anong ibig sabihin nito? Well, palapit na palapit na po ang pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Ngunit tulad ng ating palaging sinasabi at hinihingi ng ating Presidente: dapat abutan ng lahat ng Pilipino ang pagdating bakuna kaya samantala, kinakailangang mag-mask, maghugas at umiwas.

Isa pa pong magandang balita ‘no: Nilagdaan kahapon, November 16, ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Administrative Order #35 na nag-o-authorize ng pagbibigay ng active hazard duty pay sa mga frontline human resources for health habang tayo ay nasa state of national emergency.

Sino ba ang mga frontline human resources for health? Sila iyong mga medical or allied medical personnel na nasa pampublikong sektor. Sila rin ay iyong mga civilian employees na puwedeng regular, contractual or mayroong hawak na casual position na puwedeng full time or part-time. Puwede rin silang contract of service personnel or job order; kasama na rito ang mga duly accredited at registered barangay health workers. Kailangan din nilang mag-physically report for work at may assigned work stations.

Hindi kasama sa active hazard duty pay ang mga consultants at eksperto na may limitadong oras sa pagserbisyo, mga laborers na pakyaw, student workers at apprentices, at mga COS or JO personnel na wala sa ospital, lab or medical and quarantine facilities.

Magkano naman po ang Active Hazard Duty Pay? Ito ay aabot ng hanggang tatlong libong piso bawat buwan. Pro-rated na nakabase sa araw na pinasok bawat buwan.

Isa pa pong magandang balita: Nilagdaan din ng Pangulo kahapon, November 16, ang pagbibigay ng COVID-19 special risk allowance sa private at public health workers na direktang may contact sa mga COVID-19 patients sa panahon ng state of national emergency.

Sinu-sino po ang puwedeng makatanggap ng COVID-19 Special Risk Allowance? Mga health workers na civilian employees na pupuwedeng regular, contractual, or mayroong casual position na pupuwedeng full-time or part-time. Puwede rin silang contract of service personnel or job-order, kasama na rin dito ang mga duly accredited at registered barangay health workers. Sa mga private health workers, kailangan naka-assign sila sa designated COVID-19 units. Kailangan din nilang mag-physically report for work at may assigned work stations.

Magkano naman po ang Active Hazard Duty Pay [COVID-19 Special Risk Allowance]? Ito ay aabot nang hindi lalagpas ng limanlibong piso bawat buwan. Pro-rated na nakabase sa araw na pinasok bawat buwan.

Pang-apat nating magandang balita: Ligtas na nakarating sa Aparri, Cagayan ang ini-report ko kahapon na dalawang Coast Guard aviation force helicopters na nagsasagawa ng walang tigil na relief operations. Mayroon ng 1,940 kilograms na relief goods ang naipamahagi habang nagpapatuloy pa rin ang relief supplies transport measure ng Coast Guard sa Bicol, Metro Manila at iba pang lugar na tinamaan ng Bagyong Ulysses.

COVID-19 report naman po tayo. Ito po ang global updates ayon sa Johns Hopkins: Higit limampu’t apat na milyon na or 54,826,773 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1.3 milyong katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin pa rin po ang Estados Unidos; pumapangalawa po ang India at pumapangatlo po ang Brazil; pang-apat ang Russia at panlima po ang France.

Dito po sa atin, mayroon na po tayong 27,369 active cases ayon sa November 16 case bulletin ng DOH. Sa mga aktibong kasong ito, 83% ay mild, 8.4% ay asymptomatic, 5.3% ay kritikal, 3% ay severe, 0.2% ay moderate. Sa ngayon ay mayroon na tayong nairi-report na 374,366 na recoveries, samantalang nasa 7,839 naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami.

Pumunta naman po tayo sa ating mga critical care capacity ‘no. Fifty percent pa ho ang available na ating mga ICU beds, 59% po ang available nating mga isolation beds, samantalang 71% ang available na ward beds at mayroon po tayong 78% available na ventilators. Pero mga kababayan ha, huwag kayong magnais na maospital – Hugas, mask, iwas.

On another matter, isa pa rin pong mabuting balita, ang panlimang mabuting balita natin ngayong araw: Inilunsad ng DOTr at LTFRB ang direct cash subsidy program para sa PUV operators kahapon. Kasama sa makakatanggap ng ayuda ang mga public utility buses, point-to-point bus, public utility jeepneys, mini bus, UV Express at PhilCab.

Magkano po itong cash assistance? Ito ay one-time 6,500 per unit. Target ng LTFRB na maipamahagi ito ngayong linggong ito.

Dito po nagtatapos ang ating mga balita. Pero kasama po natin muna via Zoom si Dr. Siringan ng UP Marine Science Institute. Doc? Doc, are you in the house now? Tingnan po natin kung nandito na si Dr. Siringan. Okay, wala pa po si Dr. Siringan.

Habang inaantay po natin si Dr. Siringan, punta muna tayo kay Mayor Tin Antonio. Mayor, paki-describe po sa ating mga manunood ‘no sa buong sambayanang Pilipino kung gaano kalala po ang naging pagbaha dito sa munisipiyo ng Alcala, Cagayan Valley.

MAYOR ANTONIO: Maraming salamat po, Spox Harry. Dito sa ating bayan ng Alcala, Cagayan nangyari ang tinatawag na 100-year flood. Ang kahulugan po ng 100-year flood ayon sa pagpapaliwanag po sa atin ay ito ay isang pagbaha na one percent chance lamang ang kaniyang probability na mangyari dapat sa isang taon. At ang nangyari po dito sa ating bayan, out of the 25 barangays of our municipality, 24 po ang nalubog sa baha. Doon po sa 24 na nalubog na barangay, pito ang totally submerged. Ang tubig baha ay umabot ng kinse metro sa kung ano ang normal, tatlong palapag, so hindi lamang po usapin na ang tubig baha ay pumasok sa mga kabahayan kung hindi talagang umapaw po ng tatlong palapag. Ang ating mga kababayan ay talagang naghirap nitong nakaraang linggo dito po sa pagharap nitong pagbaha na ito, itong 100-year flood.

Ang affected families na accounted for ay pumapalo sa 4,630 comprising 12,731 individuals. Ito po iyong mga pamilya na kinupkop ng ating bayan ng Alcala sa mga evacuation centers –mayroon po tayong 11. At kasama rin dito iyong mga displaced families, ibig sabihin po iyong mga pamilya na lumakas ngunit pumunta sa mga barangay centers, pumunta sa higher ground, those who sought higher ground. Hindi po kasama dito ang bilang ng mga pamilya na hindi lumikas ngunit binaha pa rin sa kanilang kabahayan, sa kanilang flooded homes. At atin pong kinukumpleto ang datos patungkol dito.

Pagdating po sa damage sa crops and livestock, sa ating panaya, umabot na ng 52 million. Pababa na po ang tubig baha ngunit ang iniwan nitong bakas ay napakatindi. Madami pong debris, grabe po ang taas ng putik. At sa ngayon ay nakikita natin ang mga kapalayan, ang mga bukirin, lubog pa rin.

Nag-uumapaw pa rin ang Cagayan River. Bakit po nangyari ito? Base po sa paliwanag sa atin – dahil ang ating LGU ay nag-engage ng isang study kay Dr. Fernando Siringan na former Director ng UP Marine Science Institute, isang dalubhasa po sa river and marine geology – ito po ay dahil sa maraming factors. Unang-una, dito po sa ating bayan ng Alcala, mayroon pong mula sa lawak ng Cagayan River na dumadaloy dito na 400 metro na width ay nagkakaroon ng constriction na nagiging 180 meters na lamang doon po sa Barangay Tupang all the way to Barangay Magapit, Lal-lo. Ito po iyong tinatawag na Nassiping Narrow. So mayroon pong bottleneck dito.

Pangalawa po, sa pagpapaliwanag sa atin ayon sa pag-aaral ng ating eksperto na ito pong si Dr. Fernando Siringan ay ang ating Bayan ng Alcala ay dito nagsasalubong ang dalawang ilog – ang Ilog ng Pared River na galing sa Sierra Madre at Bayan ng Baggao, at ang malaking Ilog Cagayan, the mighty Cagayan River – and at that point of confluence, there is backflow and naturally, the water level rises because of the meeting of these two rivers.

At ang pangatlo po na naipaliwanag kung bakit ganito ang sitwasyon ay dahil sa ang tubig ay nanggagaling mula sa napakaraming direksiyon, hindi lamang po sa Magat lalo na kapag mayroon pong pag-ulan o kaya ay mayroong bagyo doon sa upstream o kaya sa Central Luzon, kung hindi nanggagaling po ang tubig mula sa bulubundukin ng Sierra Madre at sa lahat ng bahagi dahil wala na po tayong mga punongkahoy na magho-hold ng tubig kung kaya’t walang nagri-regulate doon sa pag-release ng tubig, diretso lahat dito po sa ating bottleneck dito sa Cagayan River.

So, at this confluence kung kaya’t it’s a complex problem at sana po ay matugunan hindi lang iyong mga kagyat na pangangailangan kung hindi pati rin iyong isang long term solution na inaral na po ng ating mga dalubhasa nito lamang July hanggang October 2020, it’s a very recent study.

Sa mga kagyat na pangangailangan, marami. Sa ngayon, ang ating mga evacuees ay pumupunta na, umuuwi na sa kanilang kabahayan dahil kailangan nilang sabayan ang pagbaba ng tubig para linisan ang kanilang mga bahay kasi kapag natuyo po ang lupa sa loob ng bahay ang hirap pong linisin.

Kailangan sa kagyat na ayuda – tubig! Napakahalaga po ng tubig; it’s drinking water that’s really the problem now. Kailangan po ng ready to eat na makakain dahil ano ang uuwian nila, Spox Harry, sa kanilang kabahayan. They’ve lost everything, their houses, kino-collate pa po natin ang ating totally damaged and partially damaged houses. We have not started that because the water is still receding.

Iyon pong kanilang mga damit, nawala; ang kanilang mga blankets; personal hygiene kits, walang-wala po. Walang uuwian kung hindi, everything is in disarray. Ang kanilang mga pananim wala; ang kanilang kabuhayan, wala; importante po ito, iyong livestock – ang kanilang mga manok, ang kanilang mga baboy, ang kanilang mga kambing, mga kalabaw, inanod po ng baha. Iyan po ang sitwasyon ng ating bayan ng Alcala sa ngayon.

Ngunit tulad ng nabanggit ko po, hindi lang po tulong ng ating pamahalaan sa kagyat ang kinakailangan, ngunit iyon talagang masusing pagtingin sa kung ano nga ba ang ugat ng problemang ito nang paulit-ulit-ulit, ulit-ulit na pagbaha hindi lamang sa bayan ng Alcala kung hindi sa buong Lambak ng Cagayan.

At hindi ito maipupukol lang bilang dahilan sa isang bagay kung hindi sa ating lahat, the way we live, it’s out lifestyle. Kailangan po ng masusing pag-aaral at ito na po iyong ginawa ng ating Bayan ng Alcala. Tinanong po natin ang ating mga dalubhasa, ang ating mga siyentista, sila na mas maalam sa bagay na ito.

Ang mahalaga po lalung-lalo na, sir, ito pong widening ng ating Nassiping Narrows from Barangay Tupang of Alcala all the way to Magamit, Lal-lo nang sa ganoon ay maibsan itong napakalaking mga baha. Kung mapapansin po ninyo, ang pagbaha ay mula dito sa Alacala upstream – Amulung, Iguig, Tuguegarao all the way to Isabela. Paglampas po ng Alcala, walang baha iyon po ay dahil sa konstriksiyon dito sa bayan ng Alcala kung kaya’t dito po—

SEC. ROQUE: Mayor, alam ko po may pag-aaral ng ginawa ang JICA diyan sa Narrow na iyan. Ano ba ho iyong suggested solution ng mga Hapon para magkaroon ng solusyon dito sa pagbaha lalo na dito sa Alcala?

MAYOR ANTONIO: According to the 1987 JICA Report po kasama ang DPWH, 1987 pa po ito, Spox Harry, ito rin po iyong pagpapaluwang nga ng Nassiping Narrows. Ito pong report ng JICA ginawa noong 1987 and it is affirmed dito po sa Siringan-Sarmiento study na isinagawa nito lang Hulyo hanggang Oktubre ng taong ito. At kukunin ko na po ang pagkakataon sir, na isumite po sa inyo nang sa gayon ay makarating sa kinauukulan, sa ating Pangulo, ito pong pag-aaral na ito. It is scientific, malinaw na malinaw kung ano iyong mga interventions na gagawin sa bawat bahagi po ng ating Cagayan River.

Nandito na rin po ang aming proposal na inihanda nang sa ganoon ay sana po masimulan na sa pinakamaagang panahon ito pong isa sa mga solusyon na inirekomenda ng ating mga dalubhasa. Ipinapaubaya po namin sa inyo itong pagtulong nang sa ganoon ay maiwasan na itong one hundred year flood which is a flood that has a chance of happening of one percent in just one year.

Nangyari po ito ngayon ngunit ito po ay pangalawang pagkakataon in eleven months, Spox Harry, dahil noong Disyembre 2019, one hundred year flood na naman po ang nangyari dito sa bayan ng Alcala because of this constriction. And many other things that we need to do in combination with the main recommendation of river channel widening.

SEC. ROQUE: Well, narito nga po tayo sa Alcala para iparating po ang kahandaang tumulong ng ating Presidente para bigyan po ng remedyo ang palaging nagiging problema lalung-lalo na dito sa Alcala at sa buong Cagayan Valley. Susubukan po nating kontakin si Secretary Mark Villar, Director Ting at Jovan Aguinaldo, if you can contact Secretary Mark Villar, so we can link up Mayor Antonio with Secretary Mark Villar.

Samantala, kasama rin po natin ang vice mayor ng Alcala, si Vice Mayor Joy Duruin. Dalawa po iyong aking tanong. Ilang barangay ba ho kayo rito sa Alcala? Ilan ang nalubog? At pangalawa po, kumusta po ang pondo ng Alcala? Mayroon pa ba ho kayong pondo na magagamit para sa kalamidad na ito?

VICE MAYOR DURUIN: Magandang araw po sa ating lahat. Tungkol naman po sa nalubog sa baha na barangay: 24 barangays – pito ang totally submerged at saka…bale 24 po ang suma total na nalubog. 25 ang barangay ng munisipalidad at iyong pito ay totally submerged po.

So, ang calamity fund ng munisipyo ay mayroon namang nakahandang ginamit ng munisipalidad upang gamitin para sa mga kababayan natin.

SEC. ROQUE: Ang advice po ni Secretary Wendel, kung maubos po ang inyong calamity fund puwede po kayong humingi ng quick reaction fund doon sa mga departamento na mayroon pong quick reaction fund na pupuwedeng ma-replenish. Kasama po diyan ang DPWH, ang Department of Education, ang Department of Social Work and Development among others.

Okay. Kasama rin po natin via Zoom, sana po makapasok – dahil si Dr. Siringan hindi nakapasok, ano – ay si Usec. Wimpy Fuentebella para sa update kung ano po iyong mga lugar na naibalik na po ang kuryente.

Wala rin? Okay! Hindi rin po nakapasok yata si Wimpy Fuentebella. And I suppose pati si LWUA Administrator hindi rin makapasok? Okay. Nagkakaroon po tayo ng technical problems, so tuloy-tuloy na po tayo. Kagaya po ng ating ginagawa kapag tayo po ay nag-o-out of town, tatanggap po tayo ng questions sa local media pero unahin po muna natin ang mga tanong galing sa Malacañang Press Corps.

Ang ating moderator po para sa local media, iyong ating PIA na si Oliver Baccay. Unahin muna natin si Oliver. Oliver, sinong unang magtatanong sa local media?

OLIVER BACAY/PIA: Yes. Secretary, kasama natin itong ating mga Cagayan media practitioners. At ang unang magtatanong ay si Ms. Teresa Campos ng Radyo Pilipinas.

TERESA CAMPOS/RADYO PILIPINAS: Thank you. Naimbag nga malem, Spokesperson Harry Roque. Sir, there are mounting calls for an investigation for possible negligence daw ng Magat authorities in the recent flooding here in Cagayan and Isabela. So what can the Palace say about this, sir?

SEC. ROQUE: Well, mabuti na lang po at si Mayor Tintin Antonio ay nag-commission na ng scientific study ‘no na ginawa nga po ni Dr. Siringan ‘no. Apparently isa lang sa dahilan iyong pagbubukas ng Magat Dam; at whether or not may Magat Dam, ang problema talaga iyong pagliit ng Cagayan River na naging dahilan kung bakit talagang matindi ang pagbaha dito sa Alcala at doon sa bayan ng Lal-lo. At ang talagang solusyon diyan ay from 400 meters biglang lumiliit kasi iyong Cagayan River to 180 meters ‘no so iyan ay isang napakalaking dahilan kung bakit nabaha itong parte ng Cagayan.

Siyempre po may impact siguro iyong Magat Dam din ‘no pero hindi po natin maitatanggi na habang hindi po nawa-widen iyong narrow na iyon eh patuloy po ang pagbaha rito. Bukod pa po diyan, iyong problema nga ng illegal logging at saka illegal mining doon sa mga bundok kung saan dito po bumababa sa Cagayan Valley ang tubig. Nandiyan po ang mga bundok ng Ifugao, ang Sierra Madre among others ‘no.

So tama naman pong mag-imbestiga para siguro po lalong mas mapabuti iyong coordination sa pagbubukas ng Magat Dam pero gaya ng aking sinabi kahapon po ‘no bilang abogado, let’s give it a benefit of a doubt right now at dahil nga po dito sa scientific study na ito, iyong liability ng Magat ay parang mahirap na mapruwebahan talaga. Although we would want better coordination and better working relationship lalung-lalo na po sa dissemination.

TERESA CAMPOS/RADYO PILIPINAS: Yes, sir. Last po. Who will be in charge from the Cabinet to ensure and to monitor po iyong mga recommendations discussed with the President the other day at Tuguegarao will be implemented po?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ay magiging trabaho ng task force na bubuuin ng ating Presidente. Sinasapinal na po ang pagbuo ng task force and it will be headed by no less than the Executive Secretary.

OLIVER BACAY/PIA: Thank you very much. Ang susunod po Secretary ay si Marvin Cangcang ng DZGR-Bombo Radyo Tuguegarao.

MARVIN CANGCANG/BOMBO RADYO-TUGUEGARAO: Magandang tanghali po, Secretary, Mayor and the Vice Mayor. Dahil nga po dito sa pandemya na atin pong nararanasan because of itong COVID-19 at alam naman po natin na iyong mga local government units natin ay medyo said na ‘no sa kanila pong pondo lalung-lalo na sa calamity fund, so ano po iyong kagyat na maaari pong mai-augment ng national government para po sa mga LGUs na nawawalan na po ng pondo sa kalamidad?

SEC. ROQUE: Well, ang pangako ko po kay Mayor, hindi kami aalis ngayon nang hindi kami nakipag-ugnayan sa lahat ng departamento na mayroong Quick Reaction Fund ‘no, QRF. Isa sa mga tatawagan namin—ilan sa mga departamentong tatawagan natin ay DSWD, ang DPWH, ang Department of Education para humingi po tayo ng release ng Quick Reaction Fund nang sa ganoong paraan makarating kaagad dito sa Alcala iyong tulong na kinakailangan nila.

MARVIN CANGCANG/BOMBO RADYO-TUGUEGARAO: So, papaano po iyong magiging proseso nito lalung-lalo na sa mga LGUs na medyo nauubusan na po ng calamity fund, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga po, sinabihan na rin po si Governor Mamba noong kami po’y narito noong araw ng Linggo na pupuwede rin po siyang humingi ng Quick Reaction Fund doon sa mga iba-ibang departamento na mayroong Quick Reaction Fund. At kung mauubos po iyong mga Quick Reaction Fund ng mga national agencies eh madali naman po iyang ma-replenish. Iyan din po ang sinabi ni Secretary Avisado.

OLIVER BACAY/PIA: Thank you very much po. Ang susunod po Secretary ay si Joshua Kahulugan ng The Northern Forum.

JOSHUA KAHULUGAN/THE NORTHERN FORUM: Magandang tanghali, Mayor, Vice Mayor, of course, Spox Harry. After more than two decades sa buong Cagayan and even Isabela po, ngayon lang po naranasan itong ganito ulit na pagbaha, malawakang pagtaas na pagbaha and of course dito sa Alcala iyong 100 years na sinasabi ninyo po na na-experience natin na flooding. And we know that Cagayan Valley is daanan po nang malalakas na iba’t ibang mga bagyo taun-taon. Do you think that there’s an urgency na i-implement na po ang proposal na Department of Disaster Resilience within the administration this time?

SEC. ROQUE: Well, suportado nga po iyan ng administrasyon ni Presidente Duterte. At nakikiusap kaming muli sa ating mga kongresista, mga senador na sana po mapabilis ang pagpasa nitong panukalang batas na nagbubuo ng Department of Disaster Resilience.

Bago po tayo magpatuloy, subukan po natin kung makakasama natin si Dr. Siringan on Zoom. Dr. Siringan, are you on the line? Wala pa rin. Sige, next question tayo sa local media. Nagkakaproblema rin po tayo ‘no sa Malacañang—wait, nandiyan na po si Dr. Siringan. Dr. Siringan, go ahead. Dr. Siringan, pakisabi nga po kung ano iyong naging resulta ng inyong pag-aaral.

  1. SIRINGAN: Magbahagi ako ng slides, ishi-share ko siya. Maaari ko bang gawin iyon? I think we’re having some technical difficulties here…

SEC. ROQUE: [Garbled]

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, may tanong po mula kay MJ Blancaflor of Daily Tribune: Is there a forthcoming document from the Office of the President placing the entire island of Luzon under state of calamity?

SEC. ROQUE: Opo. Tinanggap po ng Presidente ang rekomendasyon ng NDRRMC na ilagay ang buong isla ng Luzon. Pero habang wala pa pong desisyon ang ating Presidente eh ang inaasahan po natin na sigurado naman pong mailalagay sa state of calamity iyong mga lugar sa Luzon na talagang naapektuhan po ng pagbaha dulot ng mga sunud-sunod na pag-ulan.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay MJ Blancaflor: OCTA Research Team called for providing COVID-19 testing, contact tracing and isolation facilities for families in evacuation centers displaced by the typhoons. Kakayanin po ba ng government ang resources para dito?

SEC. ROQUE: Bago pa po imungkahi iyan ng OCTA Research Group ay ina-assure ko po kayo na in place na po iyong polisiya ng gobyerno na magbigay po ng COVID testing sa mga evacuation centers at ngayon po ang gagamitin nga po natin para mas marami at mas mabilis ay ang antigen test sa lahat ng ating mga evacuation centers.

USEC. IGNACIO: From Aileen Taliping of Abante Tonite: Nanawagan po ang ibang residenteng biktima rin ng typhoon sa Cagayan, baka puwede daw pong makarating din ang tulong sa bayan ng Lal-lo. Wala pa pong tulong na nakarating sa mga residente ng Barangay San Antonio dahil parang maliit na isla daw po ito – pagkain at tubig ang kailangan nila. Sana daw maiparating sa DSWD at sa provincial government ang kanilang panawagan.

SEC. ROQUE: Mayroon po tayong dala-dalang kakaunting relief goods, so bibigyan din po natin ang Munisipyo ng Lal-lo, Alcala, Pamplona lahat po iyong karatig lugar na pupuwede nating mabigyan at ipararating din po natin sa DSWD na mayroon pa pong isla dito sa Munisipyo ng Lal-lo dito sa probinsiya ng Cagayan para makarating kaagad ang relief goods.

MODERATOR: Ang susunod na magtatanong po si Miss Sofia Senoc ng DZYT Sonshine Radio.

SOFIA/SONSHINE RADIO: Ang question ko lang po ay ano ang response ng gobyerno para masolusyunan muli ang isyu ng illegal logging, pagmimina at quarrying, especially po sa lahat ng mga lugar na inabot ng hindi basta-bastang mga baha?

SEC. ROQUE: Well, naninindigan po si Presidente sa mula’t mula na tutol po siya diyan sa logging activities at ang mandato po ng ating Presidente sa DENR at sa ating kapulisan, paigtingin pa ang kanilang mga ginagawa para matigil po itong illegal logging at tingin ko naman nakikita ng buong bansa kung anong kahirapan ang dinudulot nitong illegal logging na ito at susuportahan ng lahat itong kampanya ni Presidente na ipatupad ang batas laban sa illegal logging.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po mula kay Joyce Balancio: May desisyon na ba si Presidente Duterte sa recommendation ng NDRRMC na state of calamity for entire Luzon?

SEC. ROQUE: Kagaya ng aking nasabi po kanina, hintayin po natin ang desisyon, pero sigurado naman po ako na iyong mga lugar na talagang matinding naapektuhan ng mga bagyong sunud-sunod ay maipapalagay po, mapapasailalim naman po iyan sa state of calamity.

USEC. IGNACIO: Opo, question pa rin mula kay Joyce Balancio: Some lawmakers are saying that there may be a need to pass a third Bayanihan Law to address the economic impact of COVID-19. Is this still needed?

SEC. ROQUE: Well, tingnan po muna natin. Kagaya ng sinabi ni Secretary Dominguez, kung ano ang lalabas dito sa budget na binubuo ngayon sa Kongreso at kung mayroon pong kakulangan, eh pupuwede naman pong magpapasa muli ng Bayanihan 3. Pero sa ngayon po, parang premature pa iyan dahil hindi pa natin nakikita kung ano ang magiging anyo at ano ang mangyayari doon sa proposed budget for 2021, baka naman po kung napaloob na iyan sa 2021 budget ay hindi na po kakailanganin ng Bayanihan 3. Tingnan po muna natin.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin mula kay Joyce Balancio: Kabataan Representative Sarah Elago is urging DepEd and CHED to declare a nationwide academic break amid the pandemic and calamities brought by the recent typhoons. Is Malacañang supporting this?

SEC. ROQUE: Unang-una po, sa ating mga public schools, iyong mga eskuwelahan na nasa ilalim sa DepEd, tayo po ay nasa blended learning at ang primary mode of instruction po natin ay modular. So, hindi po masyadong naapektuhan dahil wala po ngang face to face classes sa lahat ng ating mga eskuwelahan. Pero pagdating po doon sa ating universities ay nagkaroon na po ng en banc meeting ang CHED, at ang decision po ng CHED ay hindi po papayagan itong academic break na hinihingi ng ilan, kung hindi ang desisyon po ng en banc ng CHED ay para mag-extend po iyong mga pamantasan, mga kolehiyo na hindi nakapag-klase dahil sa bagyo ng one or two weeks para po matapos ang kanilang semestre.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Trish Terada, pareho rin po ng tanong ni Joyce Balancio, iyong several universities will be implementing an education freeze amid the impact of recent calamities. Is the national government considering to impose this in all levels considering the current situation?

SEC. ROQUE: Nasagot na po natin iyan. Sabi po ng CHED, mag-i-extend kung kinakailangan doon sa mga eskuwelahan na hindi po nakapagklase dahil sa bagyo.

USEC. IGNACIO: The OCTA Research Team is asking the authorities to provide COVID-19 testing, contact tracing and isolation facilities to families who fled to evacuation centers due to recent typhoons. Will the national government do this? How would you assess the compliance of LGUs’ implementation of minimum health standards in evacuation centers?

SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan. Bago pa man dumating itong mga series of bagyong ito, talagang nadesisyunan na po ng gobyerno na magbigay po ng COVID test, at ngayon po ang gagamitin ay antigen test doon sa iba’t ibang evacuation centers. Ang assessment ko, I think they did as well as they could. Alam mo napakalakas po talaga nitong mga sunud-sunod na bagyong ito. Bagama’t pinapatupad po natin sana iyong social distancing sa evacuation centers, eh minsan po talaga hindi maiwasan dahil halos napakadami p0 nating mga kababayan na talagang sumilong sa mga evacuation centers. Pero ang importunate naman po, sang-ayon naman sa DOH, iyong rekomendasyon nila na magkaroon ng separate facilities para doon sa mga sintomas ay napatupad naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo, may follow up lang po si Maricel Halili doon sa university students and academe tungkol po nationwide academic break: What do you think of the proposed no fail policy for students at times like this, is it logical?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ay bibigyan ng kasagutan ng CHED, pero ngayon po ang nakuha kong kasagutan sa CHED ay iyong hindi po magkakaroon ng academic holiday. Magkakaroon po ng extension para doon sa pamantasan at kolehiyo na hindi nakapag-klase dahil sa mga bagyo.

Bago tayo magpatuloy Usec. Rocky and Oliver. Subukan po natin muli si Dr. Siringan. Doc. Siringan, I hope you can join us now?

MODERATOR: Yes, Secretary, ang susunod po ay si Mr. Cayetano Tudao ng Clearview at stringer din ng GMA.

TUDAO/CLEARVIEW: Magandang hapon, Sec. Roque at sa ating mga bisita, ganoon din sa mga viewers po natin. Sa karanasan po natin habang pag-ikot po noong kasagsagan po nitong malawakang baha, napansin po natin na gusto mang mag-rescue iyong ating mga barangay officials pero wala naman silang bangka o kaya motor boat. Marami po kasi iyong kampante kasi noon na hindi muna lumikas, pero bigla po iyong pagtaas ng tubig. Ito po problema nila noong nagsabay-sabay silang humingi ng rescue, kaso lang walang kagamitan ang ating barangay officials. Sana po ay maiparating po sa inyo at lalung-lalo na sa Malacañang, mahal na Secretary.

USEC. IGNACIO: Opo, nakarating naman po iyan, iyong bumisita sa Cagayan ang ating Presidente noong Linggo. At bagama’t susubukan na mamigay tayo nang mas marami pang mga rescue bangka sa mga local na pamahalaan hinikayat din po natin na ang mga local na pamahalaan ay mag-provide ng (unclear) talagang prone to flooding.

Wala pa rin? Okay, next question sa local media.

OLIVER BACAY/PIA: Siguro susunod si Ms. Joy Bumagat ng DZCV. Joy?

JOY BUMAGAT/DZCV: Yes po. Good afternoon po sa ating lahat. Ngayon pong kasagsagan o kaya ito pong naranasan po natin na malawakang pagbaha [AUDIO CUT]

[COMMERCIAL BREAK]

OLIVER BACAY/PIA: [Coverage resumes] … for the next question, please.

Q: Sec., lumabas po iyong suhestiyon na kailangan ng bawat Pilipino magtanim po ng punong kahoy, maging iyon pong mga kumukuha po ng franchise requirement po bago nila makuha ang kanilang permit. Ano po ang tugon ng Malacañang po dito, sir?

SEC. ROQUE: Iyan po ay magiging polisiya. Iyan po ay minungkahi ni Secretary Tugade sa lahat ng kukuha ng prangkisa, pero iyan po ay ipatutupad niya. At makikipag-ugnayan din po tayo sa DepEd at iba-iba pang mga ahensiya para ang mga estudyante, ang lahat ng mga kumukuha ng lisensiya sa gobyerno ay ma-require po na magtanim ng puno dahil alam po natin na isa sa long-term solution para maiwasan itong ganitong kalalang pagbaha na na-experience dito sa Cagayan ay ibalik po natin ang mga puno sa mga kabundukan.

Usec. Rocky please for questions from the Malacañang Press Corps.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Mula po kay Gillian Cortez ng Business World: Greenpeace called on President Duterte to declare a national climate emergency after the onslaught of recent national calamities. Will the President consider this?

SEC. ROQUE: Well, tingin ko po, pag-aaralan iyan ng Palasyo ‘no dahil sa mga deklarasyon po ni Presidente sa UN General Assembly, sa ASEAN, at inaasahan ko rin po na sasabihin niya ito sa APEC. Talagang binibigyan po ng prayoridad ng Presidente para magkaroon ng permanenteng solusyon dito sa climate change ‘no.

At ang pangyayari nga po dito sa ating bayan ay nagpapakita na kinakailangan po natin ng climate justice na tinatawag; kinakailangan po iyong mga bansang mayayaman na naging dahilan na mayroon tayo ngayong climate change na nagdudulot ng pagbaha at pagdurusa sa ating mga taumbayan ay siya naman ang dapat gumawa ng mga paraan para maibsan ang problema ng climate change.

It remains a top priority of the President dahil alam po natin na may mga pag-aaral na nagsasabi na top five countries of the world po na ang Pilipinas ay amongst the top five most susceptible to climate change.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Gillian Cortez: What are the immediate plans of the administration to address the issue locally which the Palace has repeatedly mentioned should be a top concern?

SEC. ROQUE: Well, gaya nga po ng sinabi na mismo ng Presidente noong nandito po siya sa Cagayan, iyong pagtigil sa illegal mining, iyong pagtigil sa illegal logging, iyong pagtatanim ng mga puno at saka iyong paggagawa po ng imprastruktura na magmi-mitigate po ng climate change, iyan po ang prayoridad ng ating gobyerno.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Joseph Morong ng GMA 7: As IATF spokesperson, would it be wise to conduct a massive testing for COVID-19 in evacuation centers for free?

SEC. ROQUE: Ginagawa na po ngayon iyan, ang gamit po ay antigen test.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Joseph Morong: Based on the OCTA Research positivity rate at NCR is below five percent which is good; your comment please.

SEC. ROQUE: Ginagawa na po natin ang malawakang COVID-19 testing.

Well, nagpapasalamat po tayo sa ating taumbayan dahil sinusunod po nila ang pakiusap ng ating Presidente na mag-mask, maghugas at umiwas. At dahil dito po ‘no, we are now back to the acceptable range as set by the WHO na ang positivity rate should be less than five percent. At four percent, patunay po iyan na ang mga taga-Metro Manila ay nais po talagang pangalagaan ang kanilang kalusugan para sila po ay makapaghanapbuhay na.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, medyo naputol po kayo doon sa kaninang sinabi ninyo. Ang tanong po ni Joseph: Wouldn’t it be wise to conduct a massive testing for COVID-19 in evacuation centers for free?

SEC. ROQUE: Well, sinabi na po ni Secretary Vince Dizon, tinanong ko po siya tungkol rito, ang sabi niya, ginagawa po natin iyan ngayon sa mga evacuation centers, ang ginagamit po natin ay antigen test kits.

USEC. IGNACIO: With regard to vaccine, what commitment have we secured from parties that we have talked to?

SEC. ROQUE: We have firm commitments from the United States, relayed to Secretary Locsin by no less than Secretary Pompeo, that we will have access po to COVID vaccines that may be developed in the United States. Nangako na rin po si President Xi sa ating Presidente mismo na magkakaroon po tayo ng supply na vaccine na madi-develop ng Tsina. Pagdating naman po sa Inglatera, ang AstroZeneca, sila daw po ay sisiguraduhin, sang-ayon po doon sa COVAX agreement, eh ang mahihirap na mga bansa hindi lang ang mga mayayaman ay magkakaroon po ng COVID vaccine.

Pagdating po sa araw ng Huwebes susubukan po nating i-guest si vaccine czar Secretary Galvez para sa mga ulat sa initiatives taken para masiguro na magkaroon tayo ng ating share ng COVID vaccine.

USEC. IGNACIO: From MJ Blancaflor of Daily Tribune: OCTA Research Team called for providing COVID-19 testing, contact tracing and isolation facilities for families in evacuation centers. Kakayanin po ba daw ng government ang resources para dito?

SEC. ROQUE: Kagaya nga ng sinabi ko po, ginagawa natin po iyan. Ang ginagamit po ngayon sa evacuation centers ay antigen test kits.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Melo Acuña: What would be the IATF’s guidelines for the traditional Dawn Masses or Simbang Gabi?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong advice from the IATF. Ang alam ko lang po ay ang mga lokal na pamahalaan ay binigyan na ng diskresyon kung ano iyong magiging oras ng kanilang curfew. At simula December 1 sa Metro Manila po, it has been agreed upon by the Metro Manila mayors na ang curfew nga ay magiging twelve to three para po doon sa simbang Gabi. So, abangan na lang po natin kung ano ang magiging pronouncement ng IATF pagdating po sa Simbang Gabi.

USEC. IGNACIO: Question pa rin po mula kay Melo Acuña: What is the initial report on damages to agriculture by the series of typhoons that hit the country? How would—

SEC. ROQUE: Teka, mali yata ang intindi ko. Wait! Mali iyong pagkakaintindi ko ano?

USEC. IGNACIO: Secretary, alin po doon? Iyong sa tanong po ni Melo Acuña doon sa Simbang Gabi? Secretary?

SEC. ROQUE: Ang tanong pala kanina sa Simbang Gabi. Well, iyong sa Simbang Gabi sa Metro Manila po, binago na nga po ng Metro Manila mayors, effective December 1, iyong curfew, twelve to three, para nga po makapag-Simbang Gabi ang mga taga-Metro Manila.

So, the different local government units can also adjust their curfew times kung nais po nilang makapag-Simbang Gabi ang kanilang mga constituents.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Melo Acuña: Tungkol doon sa mga pinsala po dahil sa sunod-sunod na kalamidad, how would this impact on food production and food security?

SEC. ROQUE: Well, kagaya po ng sinabi ni Secretary Dar noong Linggo dito sa Cagayan, ang mga naapektuhan po natin ay six days’ worth of supply sa ating bigas and we have ninety days’ worth of supply available.

USEC. IGNACIO: What issues would the Philippines bring forward in the coming APEC? Tanong pa rin po ni Melo Acuña.

SEC. ROQUE: Aalamin ko po dahil abala pa rin po tayo sa pagtugon dito sa mga problema na idinulot ng Bagyong Ulysses at Rolly.

USEC. IGNACIO: Secretary, pahabol na tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer: Detail po ng use of antigen test in evacuation centers? Who will provide this and will each and every person be tested and how often?

SEC. ROQUE: Well, siguro po hindi naman natin masisiguro na lahat mabibigyan ng antigen test pero iyong tanong po kasi is kung bibigyan ng test ang mga nasa evacuation center – bibigyan po sila. Kung pupuwede pong mag-PCR dahil may mga bukas na po na PCR eh talaga naman pong expanded na po iyong ating policy pagdating sa PCR test, iyong mga frontliners. At hindi lang po health frontlines, iyong mga economic frontliners ay binibigyan na rin po natin ng libreng PCR test. Pero kung hindi po available ang PCR test, nandiyan din po iyong antigen test at hindi ko po masisigurado na lahat sila ay mabibigyan pero magkakaroon po ng testing sa mga evacuation centers lalung-lalo na po doon sa mga mayroon sintomas.

USEC. IGNACIO: Secretary, may additional na question po, pahabol si Joseph Morong: Saan na ginagawa iyong mga tests?

SEC. ROQUE: Well, ang sabi po sa akin ni Secretary Vince Dizon, sa mga evacuation centers po ay ipinatutupad na iyan.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay! Wala na po tayong mga katanungan. I’m sorry doon sa ating mga guest who could not be connected via Zoom because of internet challenges.

But meanwhile, I’d like to acknowledge po na dito po sa ating press briefing kasama rin po natin si Atty. Joel Butuyan, first husband of Alcala; Mayor Digna Puzon Antonio of the municipality of Pamplona; kasama rin po natin si former Governor Alvaro T. Antonio; si Mayor Jonathan Jose C. Calderon, municipal mayor of Roxas, Isabela; kasama rin po natin si Nick M. Sebastian, municipal vice mayor of Roxas; at ang mga SB members of Roxas – Winnie Domingo, Christopher Castillo, Aristo Herson L. Deray.

So, maraming salamat, Mayor Cristina Antonio and Vice Mayor Joy Duruin. Maraming salamat sa ating miyembro ng local press corps dito sa Cagayan. Maraming salamat sa ating mga kasama sa trabaho sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, USec. Rocky.

At sa ngalan po muli ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na inuulit ang pangako ng Presidente: Wala pong maiiwan, walang iwanan. Babangon po tayong muli.

Maraming salamat po! Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)