Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing

SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas.

Nag-present po ang ating Vaccine Czar na si National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez noong Martes, November 17, kay Presidente Rodrigo Roa Duterte na may kinalaman sa bakuna na inaprubahan naman ng ating Pangulo.

Una, ang proseso para sa advance market commitments para sa bakuna laban sa coronavirus. Ito po iyong proseso ‘no: Iyong pagpipirma ng confidentiality data agreement; iyong negosasyon at pagpirma sa advance market commitments; iyong pagrehistro sa Food and Drug Administration sa pamamagitan ng emergency use authority; iyong advance payment base sa negotiated terms; at mobilization at delivery.

Now, makikita po sa susunod na infographics iyong mga bansang nag-isyu na ng emergency use authorization sa kanilang national regulatory agencies. So makikita ninyo po, sa China, iyong China National Medical Products Administration ay nag-isyu na ng dalawang emergency use authorizations sa Sinopharm at sa Sinovac. At ang Estados Unidos naman po sa US FDA inaasahan na mag-iisyu rin po sila ng emergency use authorization para sa Pfizer mahigit kumulang itong buwan po ng Disyembre. Now, ibig sabihin po nito ay ginagamit na po iyong bakuna sa Tsina; ito po ay for limited time among high risk population.

Now pangalawa, ano pa ho iyong mga pamamaraan para mabili natin itong mga bakunang ito? Well, siyempre po una, sa pamamagitan ng procurement. Sang-ayon po sa batas natin na RA 9184 o iyong Government Procurement Reform Act—sang-ayon sa Government Procurement Reform Act or sang-ayon din sa Bayanihan to Recover as One Act, ang gagawa po nito ay iyong Procurement Service ng Department of Budget and Management.

Pangalawa po, doon sa tinatawag na mga multilateral loans galing po sa Asian Development Bank, sa World Bank – mayroon po kasi silang mga project loans for vaccine – at ito naman po ay tututukan ng Department of Finance.

Pangatlo po, bilateral loans. Iyong utang sa mga bansa na nagpu-produce ng bakuna gaya ng mga pinu-produce sa Inglatera at saka sa Tsina at posible rin po sa Amerika ‘no.

At ito po ha, nakakatuwa naman po ito, mayroon din tayong private sector financing through tripartite agreement. Ano ang ibig sabihin po nito? Magkakaroon po tayo ng kasunduan sa panig ng tatlong partido – iyong gobyerno natin, iyong pharmaceutical company at iyong private sector company. Paano po ito mag-o-operate? Aba’y, nag-commit na po ang ating mga pribadong kumpaniya na sila ang bibili ng isang bilyong dosage dahil hindi naman po sila makabili diretso sa mga gobyerno na nagpu-produce ng mga bakuna ‘no.

So sila po ang bibili; sila ang gagastos pero singkuwenta hanggang otsenta porsiyento, ibibigay nila po sa ating gobyerno para ipamigay sa mga mahihirap. Iyong balanse, gagamitin nila sa kanilang mag empleyado dahil iyong mga empleyado rin naman nila, hindi naman lahat iyan ay mga mayayaman.

So maraming salamat po sa pribadong sektor, sa inyong bayanihan na naman.

Ito naman po ang mga inaprubahang rekumendasyon ng Pangulo matapos magprisenta ang ating Vaccine Czar. Unang-una, papasok po tayo ng advance market commitments kasama ng private vaccine developers, at pagbigay ng advance payment sa kanila. So medyo pumayag na po tayo na magkakaroon po tayo ng advance. Kasi kapag hindi po tayo pumayag ay baka mangulelat tayo doon sa mga bansa na makakakuha ng vaccine.

So alam ko po noong una, ayaw ni Presidente iyan. Pero noong nakita po niya iyong listahan ng mga bansang nag-a-advance payment eh hindi naman tayo magpapahuli ‘no basta mayroon naman tayong pondo; kung kinakailangang ibenta ang mga ari-arian ng gobyerno, gagawin niya iyan. Pero dahil nga importanteng masiguro na mayroon po tayong bakuna, pumayag na po siya nung mga tinatawag na advance payments.

Pangalawa, iyong iba’t ibang modes of financing kasama ang private-public tripartite agreements na walang cost sa pamahalaan. So ito nga po ‘no, sa ngayon, hindi po bababa sa one million dosage na ang kanilang commitment.

Pangatlo, emergency use authorization naiisyu ng Food and Drug Administration sa pamamagitan ng isang executive order. Now, hindi pa po nailalabas ni Presidente ang executive order. Pero kapag nilabas na po iyan ni Presidente at sinabi naman ni Presidente ilalabas niya iyan, mapapabilis po iyong proseso ng paggamit ng mga bakuna na mayroon na ring authorization sa mga FDAs ng mga bansa kung saan na-develop ang vaccines. So ibig sabihin, dati-rati po, bago magamit ang isang bakuna rito na approved na ng US FDA o ng Chinese FDA, kinakailangan muna ng anim na buwan na pagsusuri. Pero kung mapipirmahan po itong executive order na ito, aba’y bente uno araw na lang po ay magagamit na rin natin sa Pilipinas.

So, iyong dalawang bakuna po sa China, Sinopharm at saka Sinovac, anytime ay puwede na pong aprubahan ng Chinese FDA, all we need 20 days puwede na tayong magbakuna dito sa Pilipinas. Ganoon din naman po pagdating sa Pfizer at Moderna na napatunayang 94% ang effectivity laban sa coronavirus. So konting tulog na lang mga kaibigan, mga kababayan, pero habang wala pang bakuna: Mask, hugas, iwas. Kinakailangan abutan po natin ang bakuna. Nandiyan na po baka ngayon pa kayo magkasakit – huwag naman. Sundin po natin ang pakiusap ng Presidente: Mask, hugas, iwas.

Mamaya po ay makakasama pa rin natin siyempre si Vaccine Czar para magbigay nang mas marami pang detalye. Welcome, Secretary Galvez. Excited po kami sa mga balitang ibibigay ninyo sa taumbayan. Maraming salamat po. Sandali na lang po, malalaman na natin ang mga detalye kung paano magkakaroon tayo ng bakuna, ang solusyon dito sa napaka-problematic na pandemya.

Now, tatlong mahalagang dokumento rin po ang napirmahan ni Presidente ha nitong mga nakalipas na araw. Una, ang Executive Order # 119 ukol sa pagkakaroon ng National Administrative Center sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Naplano po ito as early as mga 2019 dahil nga winawarningan tayo na kinakailangan tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo kung magkakaroon tayo ng tinatawag na “The Big One” – lindol, baha, typhoon ‘no. Kinakailangan tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno kaya kinakailangan mayroon tayong alternatibong mga lugar or alternatibong lugar para gumana pa iyong mga iba’t ibang opisina ng gobyerno. Ito’y magsisilbing integrated government center sa labas ng Metro Manila, at kung sakaling magkaroon nga ng kalamidad ay tatayong recovery center at back-up administrative hub.

Alam naman natin na ang seat ng national government ay exposed sa banta ng mapinsalang lindol at iba pang kalamidad, dahil dito, kinakailangang siguraduhin na magiging tuluy-tuloy ang serbisyo ng gobyerno kung sakaling may mangyari. Pero ipanalangin natin, wala naman po sanang mangyari.

Lahat ng mga departamento, mga opisina at mga ahensiya sa ilalim ng executive branch ay inatasang maglagay ng satellite or field offices sa National Government Administrative Center or New Clark City. Kinakailangan magkaroon tayo ng press briefing room ha sa New Clark City, baka tayo mawalan. Gagawin ito in phases at clusters to be determined by the National Disaster Risk Reduction and Management Council na makikipag-ugnayan sa concerned offices.

Sa mga departamento na mayroong regional, field or satellite office na malapit sa New Clark City, maaari nilang ilipat ang kanilang regional office sa NGAC subject to laws, rules and regulations.

Pangalawa, pinirmahan din po ni Presidente ang Executive Order #120 na lumilikha Build Back Better Task Force para sa post-disaster rehabilitation and recovery efforts sa mga lugar na naapektuhan ng mga sunud-sunod na mga bagyo. Tulad ng aking nilabas na statement kahapon, ang Secretary ng DENR ang magiging chairperson samantalang ang Secretary ng DPWH naman ang magiging co-chair. Makikita sa inyong screen ang mga miyembro ng nasabing task forces – halos lahat naman po ay miyembro. Siyempre saling-pusa rin tayo diyan dahil tayo ay magbibigay ng balita doon sa ginagawa ng task force.

So ano naman po ang magiging tungkulin ng task force?

  • Una, ito ay magiging overall at central body para siguraduhin ang whole of government implementation at monitoring ng post-disaster recovery and rehabilitation efforts ng pamahalaan.
  • Pangalawa, pagpapabilis at mangunguna sa paghahanda, pagpapatupad at monitoring ng post-disaster rehabilitation and recovery program.
  • Pangatlo, tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na key life lines na tinatawag. Ito iyong basic needs, serbisyong medikal, ilaw, tubig, telekomunikasyon at transportasyon na puwedeng ma-mobilize pagkaraan ng bagyo.
  • Pang-apat, muling pagtatayo o pagri-repair ng mga bahay para maging resilience sa mga hazards.
  • Panlima, ibalik o kung kakayanin, palakasin ang economic activities sa typhoon-hit areas.
  • Pang-anim, kasama ang DPWH bilang lead, siguraduhin ang mga imprastruktura ay disaster at climate change-resilient.
  • Pampito, pagtatag ng mga komite o technical working groups na base sa identified needs and desired outcomes.
  • Pangwalo, palakasin ang institutional knowledge at expertise ng mga LGUs sa disaster recovery at rehabilitation.
  • Pansiyam, nag-formulate ng protocols, specific timelines at magsagawa ng mga gawain para maipatupad ang objectives ng EO na ito; at panghuli, mag-perform ng iba pang functions ayon sa kautusan ng Presidente or ni Executive Secretary.

Magsusumite po ng quarterly report sa Presidente through the Executive Secretary ang Task Force. Kukunin ang pondo sa pagpapatupad ng Post-Disaster Rehabilitation and Recovery Program sa existing appropriation ng member-agencies ng Task Force.

Napirmahan din po ng Presidente ang Proclamation No. 1051 na nagdideklara ng state of calamity sa buong Luzon. Kung inyong matatandaan, tatlong sunod-sunod na malalakas na bagyo ang tumama sa Pilipinas, noong Oktubre 23 – 27 iyong Bagyong Quinta; noong Oktubre 29 – Nobyembre 2 iyong super Bagyong Rolly; at mula po noong Nobyembre 9 – 12 ay ang Bagyong Ulysses.

Bakit kinakailangan ang magdeklara ng state of calamity? Well, una po, para mapabilis ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng pamahalaan at pribadong sector, kasama na ang international humanitarian assistance. Sa deklarasyong ito, epektibong mako-control ang mga presyo ng basic goods at commodities sa mga lugar na naapektuhan. Mabibigyan din po ng ample latitude na magamit ang pondo para sa rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts.

Kaugnay po nito, ito po iyong mga bagay-bagay na subject sa price freeze. Ito po ay galing sa DTI. Ano ba ho ito:

  • Pagkain – bigas, mais, cooking oil, iyong fresh and other marine products, itlog, baboy, baka, gulay. Okay? Iyong mga root crops, iyong asukal at fresh fruits.
  • Iyong ipatutupad naman ng DTI: Iyong canned fish and other marine products, iyong processed milk, kape, laundry soap, detergent, kandila, tinapay, asin, iyong mga potable water po na nakabote at naka-container at saka iyong locally manufactured instant noodles.
  • Tapos parte naman po ng DENR: Iyong mga firewood and charcoal.
  • Sa parte naman po ng DOH: Iyong mga gamot po na classified as essentials ng DOH.
  • At panghuli po, sa DOE: Iyong liquefied petroleum gas and kerosene.

So, ulitin ko po, dahil mayroon na pong state of calamity sa buong Luzon, mayroon po tayong price freeze doon sa lahat ng mga aking binasa ngayon lamang.

Okay! Ngayon po, pumunta naman tayo sa COVID updates natin. Pero bago po sa COVID updates, nagpapasalamat po kami sa president ng Trulaboratories Corporation dahil ngayon po ay nag-donate sila ng 5,000 antigen test kits para po sa ating mga evacuation centers. Kasama po natin ngayon si Ms. Madeline Pajarillo, ang presidente ng kumpaniya. Ma’am, maraming, maraming salamat po. Sana po huwag kayong magsawang magbigay ng tulong dahil kailangang-kailangan po natin ng mga antigen test kits sa ating mga evacuation centers.

At kanina po, tuluyan na nating ibinigay ang ilan po sa mga na-donate na test kits sa Marikina, sa pamamagitan po ni Councilor Angelito Nuñez. Iyan po sila, at si Councilor Don Favis at saka Montalban sa pamamagitan po ni Councilor Arnold Rivera. Sana po makatulong nang husto itong mga na-donate ni Ma’am Madeline Pajarillo at ng Trulaboratories Corporation na mga antigen tests. Dahil nga po nag-donate nga sila eh inuna rin po nating bigyan ng antigen tests ang mga taga-Office of the Presidential Spokesperson, lahat po ng mga RTVM na nagko-cover dito sa ating press briefing, pati na po iyong mga tauhan ng PTV 4.

Maraming salamat, Ma’am Madeline Pajarillo.

Okay, COVID-19 updates naman po tayo.

Well, mayroon na po tayong 56, 108, 310 cases sa buong mundo at mayroon na po tayong 1, 346, 741 na mga nagsimatay. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos – 11, 498, 000; ang mga namatay po doon ay 250, 000. India po ang pumapangalawa – 8.9 million ang kaso; 131, 000 na mahigit-kumulang ang mga namatay. Pangatlo po ang Brazil – 5.9 million po ang mga kaso; 166, 000 na po ang mga namatay. France po ang pang-apat – 2 million ang mga kaso; mga 46, 000 na po ang mga namatay. At sa Russia po ay mayroon ng 1.9 million na mga kaso at mayroon na pong mga 34, 000 na mga namatay.

Dito po sa atin, ang aktibong kaso po natin ngayon ay 29, 000. Ang aktibong kaso po ngayon ng COVID sa Pilipinas ay 29, 474. Sa numerong ito, ang mild po ay 83.8%; ang asymptomatic ay 8.3%; ang critical ay 4.9%; ang severe ay 2.75; at ang moderate ay 0.22%. Halos 92.1 po ang mild at asymptomatic na mga kaso. Ang recoveries po natin ay nasa 374, 666. samantalang ang mga namatay po dahil sa COVID019 ay 7, 957. Sa ating critical care capacity po, mayroon pa po tayong 47% available sa ating ICU beds. Medyo tumaas po ang gumagamit ha, importante po ito: Mask, Hugas, Iwas. Sa isolation beds mayroon naman tayong 59% na available pa; ang ward beds, mayroon po tayong 70% available pa; at ang mga ventilators, mayroon pa tayong 78% na available.

So, ang mga senior citizens, iyong mga may sakit, mga buntis, manatili po tayo sa ating mga tahanan dahil alam naman po natin ito po iyong mga taong napupunta sa ICU beds. Bagama’t marami pa po tayong available, medyo kumaunti na po ngayon, dati in excess of 50% pa iyong available na ICU beds. So, mas maraming mga senior citizen, may comorbidities at iba pang mga susceptible individuals ang na-confine sa ICU beds. Madali po nating maiwasan ito, kung may sakit, kung buntis, kung senior citizen, maging homeliners po. At paulit-ulit tayo – Mask, Hugas, Iwas.

Kasama po natin ngayon ang ating Chief Implementer pero since wala pa po siya, pumunta na muna tayo sa ating open forum, kapag nandiyan na po si Secretary Galvez, dahil marami tayong gustong itanong sa kaniya, ay papapasukin po natin siya. So, Usec. Rocky, iyong ating unang tanong po.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Ang unang tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon po doon sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na bagama’t sanay na siya sa mga pang-iinsulto ay hindi daw po siya titigil na i-call out ang tao na nagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kaniya pero hindi siya magiging bastos kasi hindi raw po ganiyan ang Pilipino.

SEC. ROQUE: Well, bless her po. Sa atin lang naman po, pinaninindigan natin may basehan po ang Presidente sa kaniyang mga binitawang salita at ako rin po ‘no, tumingin din ako sa Facebook at naintindihan ko naman kung bakit naghimutok ang Presidente ‘no. Ang konteksto po niyan iyong nagti-trending na #NasaanSiPresidente pero napakadami pong tweet ni Vice President na para bagang siya iyong in charge sa relief operations. Tingnan ninyo po ‘to oh, siya daw ang nagpa-deploy ng air assets, tapos siya iyong nagri-report kung anong nangyayari sa Cagayan ‘no.

Ang punto sabi nga ni Presidente, siyempre rirespetuhin ang Vice President dahil vice president siya pero lahat po iyan naka-preposition. Lahat po iyan bago pa dumating ang bagyo pinulong na po ni Presidente at alam na nila ang gagawin. Natural hindi ka naman pupuwedeng balewalain dahil mayroon ka ring posisyon sa gobyerno pero mali naman iyong impresyon na binigay natin na kung hindi dahil kay Vice President baka hindi gumalaw itong mga ito, hindi po. Iyon lang po ang punu’t dulo nitong kontrobersiyang ito.

At hindi po nakakatulong na bagama’t hindi ko alam kung talagang nagsabi si Vice President kung nasaan si Presidente, eh tingnan ninyo ito, kung hindi man siya eh mayroong mga malapit sa kaniya na nagsabi ‘no. Ito o, makita ninyo ‘no, unang-una iyong tweets ng mga malapit sa kaniya ‘no, iyong sarili niyang mga anak ‘ata: “Tulog pa rin, alas otso na.” Galing po iyan kay Tricia Robredo, hindi ko po alam kung anong relasyon nila. Iyong galing naman kay Aika Robredo: “Sabado eh, weekend.”

So iyan po ‘yan ‘no, iyon po ‘yung konteksto – nasaan si presidente, mga tweets na nanggaling—parang sa anak niya ‘no, sabi nila anak daw ‘no. Maybe she can confirm this tapos iyong kaniyang asta na kung hindi dahil sa kaniya eh parang hindi gagalaw ang gobyerno. Hindi po totoo iyon. Talaga pong wala pa iyong bagyo, naroon na po iyong ating mga kasundaluhan, iyong ating mga kapulisan, iyong ating NDRRMC at iyong paghahanda ng ating mga lokal na pamahalaan. To be fair, handa naman po ang mga taong-gobyerno.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay Virgil Lopez ng GMA News Online: Sabi daw po ni Senator Pia Cayetano sa plenary deliberation ng DOH po daw proposed budget for 2021 does not cover the cost of storage and distribution of COVID-19 vaccines. Saan po daw kukunin ang pondo para sa vaccine storage and distribution? Do we have an estimated cost already?

SEC. ROQUE: Well, noong una po sapat naman iyong budget kasi tinataya iyong single dose ng AstraZeneca eh sapat naman po iyong hiningi nating budget tapos mayroon pa po kasing subsidy tayong makukuha dahil doon sa tinatawag na COVAX ‘no. Pero nag-uusap na rin po sila sa Senado at dadagdagan daw po iyan. No objection po kung gusto ng Senado na dagdagan dahil iyan po’y makakabuti sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Last question mula po kay Virgil Lopez: Senator Panfilo Lacson daw po said yesterday that billions of pesos from the government’s amusement ang gaming operation have yet to be remitted to the Universal Healthcare program because of lack of guidelines from the Department of Health. What can the Palace do about this?

SEC. ROQUE: Well, ako po’y medyo naabala rin ‘no doon sa naging anunsiyo ni Senator Lacson. Kasi dito po sa Malacañang, dahil ako nga po iyong pangunahing nagsulong niyan sa Mababang Kapulungan, noong ako’y Spox na at hindi umaandar sa Senado, nagpatawag po ako ng meeting at isa doon sa napakatagal naming pag-usapan, dito po ginawa iyan sa Executive House iyong meeting na iyan, eh iyong porsiyentong ibibigay ng PAGCOR at saka ng PCSO sa Universal Health Care. Siguro mga apat na oras kami na hindi natapos sa aming usapan diyan. Finally nag-agree nga kami sa porsiyento.

So siyempre po naaburido ako noong nalaman ko na hindi pa pala nagri-remit hanggang ngayon ang PAGCOR at PCSO – hindi naman dahil may kasalanan sila kung hindi wala daw guidelines galing sa DOH.

Ang mabuting balita dahil siyempre tinanong natin ang DOH, eh mayroon na naman daw silang napagkasunduan, ng DOH at ng PhilHealth at nag-aantay na ito ng signature ng PCSO at PAGCOR.

Huwag po kayong mag-alala habang buhay po ako, sisiguraduhin nating mapatupad nang tama iyong Universal Healthcare na ating sinulong. Promise po iyan.

Maricel Halili…

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir! Magandang hapon po. Sir, follow up lang doon kay Vice President Leni Robredo. Sir, why is it the President’s so bothered about the impression made by Vice President Robredo that she is in charge during the—at the height of Typhoon Ulysses where in fact the President clearly stated that he is working, he attended the ASEAN Summit? So, why did he have to spend—i don’t know, 20 minutes of his speech ranting against the Vice President? Isn’t this a sign of insecurity on the part of the President?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, bakit naman hindi? Wala namang pagbabawal sa Presidente na ilabas ang kaniyang saloobin. At saka ulitin ko po, ang konteksto kasi iyong talagang pinakakalat ng supporters sa oposisyon nasaan si Presidente. Ako po mismo kung maalala ninyo sa isang press briefing, napikon din ako noong tinatanong nasaan si Presidente kasi nga sinasabi ko hindi dapat na si Presidente mismo ang gumagawa. Sapat na po iyan na nagbigay siya ng mga instructions sa lahat ng ahensiya at departamento ng gobyerno.

Kung ako napikon nang konti, eh siyempre maintindihan naman natin ‘no kung bakit ganoon ang mga salita ni Presidente. Konteksto niyan iyong trending na nanggaling naman sa kampo ng oposisyon, #NasaanSiPresidente, iyong mga tweets ni Vice President na parang siya ang in charge, at siyempre iyong mga tweets din ng kaniyang malalapit sa buhay.

Mayroon din nga palang sinabi iyong kaniyang spokesperson ha na si Barry Gutierrez kaya please lang, huwag naman nating sabihin na parang walang pinagmulan o walang basehan iyong mga sinasabi ni Presidente. Barry, alam mo ang sinabi mo.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, isa doon sa mga ibinatong issue laban kay Vice President, iyong pagsakay daw niya sa C-130 which later on base doon sa documents ni Secretary Lorenzana, hindi naman pala totoo. I mean, given this considera—considering this issue, what are the chances na iyong ibang mga issue na ina-accuse laban kay VP is also not true and if that’s the case, is it prudent for Malacañang to ask for an apology to the Vice President—or will Malacañang ask for an apology to the Vice President if it’s indeed incorrect?

SEC. ROQUE: Unang-una, hindi naman sinabi ni Presidente sumakay siya ng C-130 eh. Hindi naman sinabi ni Presidente na pinalabas niya na iyon laman ng C-130 eh dala-dala ni VP Leni. Eh bakit siya manghihingi ng abiso? Humihingi na ng abiso iyong mga nagsabi noon – si Secretary Lorenzana at saka si Secretary Panelo. Dapat silang humingi kung sila’y nagkamali dahil sila ang nagkamali pero hindi po ang Presidente. Bakit naman hihingi ng abiso ang Presidente na wala siyang pagkakamali?

MARICEL HALILI/TV5: Oo. And, sir, isa pa po na sinabi na issue ni President Duterte iyong tungkol doon sa pag-iikot ni VP Leni and I think he also mentioned the congressman or—basta someone. Who was the President referring to and itong mga hirit na ‘to sir, isn’t this below the belt?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Siguro po ang makapagsasabi niyan si VP Leni rin, make the clarification kung mayroon mang congressman ‘no. Siya na po ang magbigay-liwanag diyan dahil sinasabi niya hindi totoo, eh ‘di sabihin niya ang hindi totoo at sabihin niya kung sino iyong mga malapit sa kaniyang mga congressman. Hanggang doon lang po tayo.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. Is it presidential for the President to speak like that against the Vice President, to the point that he is even threatening the Vice President should she decide to run for presidency in the next election?

SEC. ROQUE: Alam ninyo hindi naman po plastic si Presidente at hindi naman niya ngayon lang ginawa iyan. Consistent po ang behavior ng Presidente. Is that unpresidential? I don’t think so because 91% of the people have said that they trust and they believe that the President is performing well in his duties. Is it unpresidential? According to 91% of our people, no; according to 5%, including the Vice President, yes.

MARICEL HALILI/TV5: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Joey Guilas ng PTV-4: The President said daw po the country must get the best bargain in sourcing for the country’s COVID-19 vaccine. Lagi daw pong nababanggit ang Chinese, Russian, even American vaccines as possible options. Kahapon daw po an Indian vaccine manufacturer which offers a vaccine that is said to be cheaper and is just effective announced willingness daw po to help in the country’s vaccine needs. Are we open to sourcing vaccines from other countries like India?

SEC. ROQUE: Siyempre po, we’re open to purchase the vaccine sa lahat po na magkakaroon ng vaccine. Pero siyempre mayroon tayong expert panel na magri-review kung epektibo at kung sensitive nga po iyong mga bakunang iyan. Pero sa ngayon po kaya naman nauna itong bansang Tsina at saka Amerika, kasi alam natin na sila iyong pinaka-advance na. Iyong Sinopharm nga at saka iyong Sinovac ginagamit na sa Tsina under emergency use at mangyayari na po rin po ‘ata iyan sa madaling panahon diyan sa Estados Unidos. Pero ‘pag dumating na po sa puntong iyan, ganiyang punto iyong vaccine galing India, wala na pong hadlang para kumuha po tayo sa India.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong, mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: I think may nabanggit na po kayo, Secretary. Kung may desisyon si Pangulong Duterte sa executive order para sa FDA to grant emergency EUA.

SEC. ROQUE: Approved in principle, but wala pa po iyong EO, but approved in principle.

USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong: May update na kung successful iyong pilot testing ng antigen testing in Baguio City? If no, bakit kaya ginamit sa mass testing sa evacuation centers?

SEC. ROQUE: Tanungin po natin si Sec. Galvez because Secretary Galvez is in the house now. So, itigil po muna natin ang ating question and answer. Welcome, Secretary Galvez, ang tinatawag na Boy Bakuna. Sir, ang sinabi ko lang naman po ay iyong mga inaprubahan na ni Presidente. So ang detalye po ay iniiwan ko na po sa inyo. Sec. Galvez, you have the floor.

SEC. GALVEZ: Sa ngalan po ng bumubuo ng National Task Force against COVID-19, sa pamumuno po ng ating Defense Secretary Delfin Lorenzana at Interior Secretary Eduardo Año, magandang tanghali po sa inyong lahat. Ang masasabi ko lang po, very promising ang mga resulta na isinasagawa po ng COVID-19 vaccine clinical trials sa mga pharmaceutical companies at sa buong. Nakita po natin na may mga efficacy na even na 95 to 94% and 90% at titiyakin po ng pamahalaan na hindi po mahuhuli ang bansa na magkaroon ng access sa mga bakuna sa oras na ito at ngayon po talaga pong iyong mga iri-release na epektibo, kinakausap pa po natin at mayroon na po tayong apat na mayroong possibility na magkaroon na po tayo ng arrangement, within two weeks to three weeks from now. So, mayroon na po tayong nakahandang financing plan upang mabili ang nasabing vaccine.

Apat po ang ating strategy: Puwede po nating ilagay sa general appropriation; iyong isa po ay puwede po iyong multilateral through ADB at saka iyong tinatawag nating sa World Bank, mayroon na po tayong more than 300 million at puwede pa pong iangat po iyon dahil maganda po ang credit rating po natin. At dahil inaprubahan po ng ating mahal na Presidente iyong tinatawag nating tripartite agreement with the business sector, kasi ang mga business sector gusto nila na mauna rin ang kanilang mga workers at saka social workers, at puwede rin po na talagang sila po ay magbibigay po dito sa atin.

At ang pang-apat naman po, puwede rin po iyong bilateral, puwede tayong magkaroon ng bilateral law. So, sa ngayon po nakita po natin na maganda po ang prospect at ating sinasabi po ay talagang masaya po kami sapagka’t nakahanda na tumulong ang mga pribadong sector sa aspeto ng cold storage at logistics na lubhang napakahalaga upang maimbak ng maayos ang mga bakuna a iba’t ibang bahagi ng ating mga bansa. Iyon lang po ang aking pahayag po ngayon at ako po ay handa sa anumang katanungan po.

SEC. ROQUE: Sec. Galvez, ang huling tanong po ay naging declared successful na po ba iyong pilot testing ng antigen sa Baguio? Kasi po ang deklarasyon ngayon ng DOH, gagamitan natin ng antigen test iyong ating mga kababayan sa mga evacuation centers. So ano po iyong status ng pilot study ng antigen sa Baguio?

SEC. GALVEZ: (Unclear) result pero binigyan na po ng ating DOH ang go signal, puwede na po tayong bumili ng antigen, particularly sa mga areas na mayroong outbreak at nakita ko nga maganda nga itong magamit sa mga evacuation centers, dahil nakita natin mabilis po ang kaniyang resulta at puwede pong i-complement iyong PCR test.

SEC. ROQUE: Sir, naputol po iyong una ninyong sinabi. So, iyong status po sa Baguio ng pilot testing, naputol po kasi, hindi narinig iyong sinabi ninyo.

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po wala po akong impormasyon tungkol sa result po sa Baguio dahil (unclear) stock, pero ang pagkakaalam ko po sa IATF ay nagbigay na po ng protocol ang DOH.

SEC. ROQUE: Okay, tama po iyan. In fact, ang naging conclusion po ng IATF ay hindi na po yata kinakailangan ng panibago pang authorization, dahil mayroon na pong authorization na dati nang in-place para sa gamit ng antigen testing.

Okay, maraming salamat Sec. Galvez. Please join us for the questions of our colleagues in the Malacañang Press Corps. Usec. Rocky, next questions please.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po para kay Secretary Galvez ni Sam Medenilla po. Ang tanong po niya kay Secretary Galvez: How will the issuance of the emergency utilization authority affect the government’s timeline in implementing a COVID-19 mass vaccination drive?

SEC. GALVEZ: Maganda po iyong magiging epekto po noon dahil kasi po ang regular, by law, ang FDA is six months po bago magkaroon ng approval. Ngayon po noong nagkaroon kami ng discussion ng vaccine expert panel at saka po ni DG Dr. Eric Domingo, it can be reduced to 20 to 21 days. At iyon pong tinatawag nating emergency utilization authority, ginagamit po ng ibang bansa po iyan katulad po ng Tsina at saka po ng US at saka po ng Australia. Ang pagkakaalam nga po namin, iyong Pfizer ay by December ay magkakaroon na po siya ng tinatawag na emergency utilization operative authority. So, iyong emergency use authority is maganda po ang magiging epekto niyan, mapapabilis po tayo. Mawawala po iyong tinatawag nating red tape.

SEC. ROQUE: Alam ninyo, bago tayo magpatuloy po, I have to read kung ano po ang sinabi ng Spokesperson ni VP Leni, kaya naman pala talagang naghimutok si Presidente. Ang sabi po ni Barry Gutierrez, leaders should be seen and felt in times of crisis in an apparent comment on the government’s response to Typhoon Ulysses. Kaya nga po sabi ni Presidente, sinungaling ka, kasi sinabi mo wala ako; nandoon ako sa ASEAN. Oh ginawa pala ito ni Atty. Barry Gutierrez, sinabi niya ito doon sa lingguhang radio show ng Vice President. Sabi nga Ka Ely, kung talagang gusto, may paraan; pero kung ayaw gawin ay maraming dahilan. Kung tatanungin mo iyong security sasabihin niya, kung maaari huwag na, nandoon na mismo ang principal, kung tutuloy siya o hindi. So, ito iyong sinasabi niya na talagang hindi lumalabas daw itong ating Presidente. Ito pa iyong sabi ni Barry Gutierrez. Alalahanin natin na hindi lang naman physical na tulong ang kailangan, importante sa tingin ko ay pakiramdam na hindi ka nalilimutan noong iyong mismong pamahalaan, mayroon kang gobyerno na patuloy na nagbabantay at suportahan.

So kung totoo, Vice President, na hindi mo sinabi nasaan ang Pangulo, iyong Spokesperson mo did, scold your Spokesperson; do not demand an apology from the President. Iyon iyong trabaho naming mga spox.

Yes, Joyce Balancio, please.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Galvez. On the vaccine lang po. Since mayroon tayong mai-skip na processes because pupunta na nga tayo dito sa emergency use authorization o iyong EUA, ano po ang masasabi natin na to ensure na hindi naman po mako-compromise iyong efficacy, effectivity ng vaccine and also to make sure na angkop iyong vaccine sa mga Pilipino?

SEC. GALVEZ: [Unclear] ang talagang proseso ng vaccine expert panel at saka iyong tinatawag nating ethics review board at saka iyong FDA, talagang very conscientious at saka talagang maganda po ang gagawin nilang evaluations. At ang gagawin po nito, mayroon silang tinatawag na collaborative regulatory evaluation with other countries, so iyong assumption is that kapag na-approve sa US FDA at saka sa stringent FDA commissions iyong isang vaccine. Most likely it will be safe, meaning iyon po ang nakikita po natin.

Pangalawa, iyong atin pong mga vaccine na kukunin as much as possible, we are recommending na magkaroon sila ng clinical trial dito sa atin. At iyong tatlo sa apat na napupusuan nga po natin ay nagkaroon na po ng tinatawag na CDA, iyong confidentiality data agreement with the DOST at baka magkaroon na po tayo ng clinical trial this coming December and January. Iyon po ang isang nakita natin na iyong proseso hindi na po natin iso-shortcut. Kung ano po iyong proseso na ginagawa ng FDA at saka ng ating vaccine expert at saka mayroon pa po tayong tinatawag na [unclear] sa DOH, iyong mga tinatawag na eksperto na titingin pa rin doon sa mga recommendation ng vaccine expert panel.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Secretary Roque, for you po. So Defense Secretary Delfin Lorenzana and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo already apologized to VP Leni for, well, they said they got the wrong information about the Vice President allegedly boarding a military plane to deliver aid. Sir, what do we say to this, sir, na mismong Cabinet members natin ang nagpapalaganap ng maling information against the Vice President? Tayo po sa Palace, we are easy na bumanat sa mga opposition whenever we think ba mayroon silang pinapalaganap na fake news against the President, now we have Cabinet members also doing the same?

SEC. ROQUE: The difference is they apologized. They are true gentlemen because when they are wrong, they acknowledged they were wrong and asked for an apology – big difference!

JOYCE BALANCIO/DZMM: Will the President talk to his Cabinet members regarding this?

SEC. ROQUE: Tapos na po iyon. Nag-public apology na sila; ano pa ang gusto natin, mangisay? Tapos na po iyon.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, on a different topic. PRRD recently granted po iyong additional Active Duty Hazard Pay and Special Risk Allowance to our medical frontliners, okay po iyon, sir. Pero nabanggit po sa Senate hearing na there are at least 16,000 health workers na hindi pa po nakakatanggap ng hazard pay.

On this topic, sir, I have two questions: First, what do we do dito po sa payment pa sa 16,000 health workers na hindi pa po nakakatanggap ng hazard pay? What will be our directives? And second, saan po natin kukunin iyong dagdag pa po na Active Hazard Pay and Special Risk Allowance knowing na marami pa po pala tayong hindi pa nababayaran?

SEC. ROQUE: Kung hindi po ako nagkakamali, mayroong probisyon po ang Bayanihan I at Bayanihan II para diyan. At kung kukulangin naman po iyan, puwede rin iyan kunin doon sa regular budget ng DOH kapag naipasa na po ang 2021 budget.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Any directive, sir, para po makuha kaagad iyong 16,000 nga po na health workers na until now ay wala pa pong hazard pay?

SEC. ROQUE: Ang pakiusap lang po natin, naku, iyong mga tao po na magri-release ng ganitong kabayaran, sana po ay madaliin ‘no. Dahil noong minsan po na na-delay ang mga ayuda na binibigay sa mga namatayan at nagkasakit na frontliners ay talaga naman pong matindi ang naging galit ng ating Presidente. Iwasan na po natin na magalit ang Presidente, palabas na po natin kaagad.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Joyce. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, question from Leila Salaverria of Inquirer para po kay Secretary Galvez. Secretary Galvez, Senator Recto daw po has noted that there was no allocation for sustained contact tracing for COVID-19 in the proposed 2021 budget. What does the National Task Force plan to do with regard to contact tracing next year?

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin is continuous po iyong contact tracing po natin. Ang ginagawa po natin ay puwede po iyon ilagay sa budget po ng LGU kasi ang alam po natin, iyong budget po sa contact tracing ay ibinigay po sa DILG. And I believe, DILG has given some funds to our LGU to maintain and sustain the contact tracing effort of the LGU.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Galvez, may follow up po siya: Will the effort be abandoned or scaled down when a vaccine becomes available?

SEC. GALVEZ: Hindi po. Ang kailangan po ay i-sustain pa rin po natin dahil kasi sa ngayon po ay dapat hindi pa rin po tayo magkumpiyansa dahil hindi po natin alam kung ano po ang magiging epektibo at saka epekto po ng ating mga vaccine. So ang recommendation pa rin natin, palakasin pa rin po natin ang ating tinatawag na active case finding dahil hindi po tayo nakakasiguro sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. For Secretary Roque, tanong po mula po kay Gillian Cortez. Ito po iyong tanong niya: Some officials like Presidential Chief Legal Adviser Salvador Panelo and Defense Secretary Delfin Lorenzana apologized na daw po to VP Leni for false information they released about her and for not verifying claims. Will we expect the President to make a public apology after some statements he made about VP Robredo were found false?

SEC. ROQUE: Well, wala pong maling sinabi ang Presidente. Hindi naman po si Presidente ang nagsabi na gumamit siya ng C-130 at pinalabas na iyong laman ng C-130 ay galing kay VP Leni. Nasagot ko na po iyan, ang nagsabi po ay si Presidential Legal Counsel at si SND. And they have proven themselves to be gentlemen, they have publicly apologized.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Oo. Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, despite the President’s harsh words against Vice President Leni Robredo, the Vice President said that she still hoping that she and President Duterte can work together harmoniously for the benefit of the people. And maalala nga po din kasi natin, sir, if we look back history ‘no, may mga tandem naman po na President and Vice President that come from different parties but they were able to work well. Will we be able to see that in this administration?

SEC. ROQUE: Siguro hindi na po dahil binigyan na ng dalawang pagkakataon ng Presidente si VP Leni. Pero despite the two opportunities, talagang VP Leni listened to her advisers and decided to become opposition, if not obstructionist. So pabayaan na po natin iyan. Naging Cabinet member na siya, naging head siya ng anti-drug effort, eh wala pong nangyari. So dalawang taon na lang eh siguro ganoon na lang po talaga iyan.

But I’m confident na ang Presidente naman kapag nailabas na niya iyong saloobin niya, there will be better interpersonal relations kaysa naman iyong nagkikimkim. So na-explain ko na po kung nanggaling ang galit ni Presidente; hindi naman po magdi-deny iyan ‘no na kung hindi nanggaling mismo kay VP Leni, nanggaling sa pamilya niya, nanggaling sa spokesperson niya. At hindi rin po ako sigurado na walang nanggaling kay VP Leni kasi wala po akong personal knowledge.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, the admin can’t really work with the opposition? Parang it’s a relationship that can’t really work, is that what you’re saying?

SEC. ROQUE: We offered twice. The President gave her two appointments. Two appointments, it didn’t work; I don’t think we need a third one.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, 2022 is relatively far but why did the President bring that up? Ano po iyong kumbaga… ano iyong nagbibigay ng impression sa administration that the opposition and the VP is already looking at 2022? Sa panig po ba ng administration ay napag-uusapan na iyong election?

SEC. ROQUE: Well, ito po kasi iyong sinasabi ko, may advice to VP Leni: Itigil muna ang pulitika sa panahon ng pandemya, sa panahon ng mga sunud-sunod na aberya gaya ng mga bagyo. Si Presidente po, iyan ang paninindigan. Kung hindi naman lumabas iyong mga isyu na ganiyan na nasaan si Presidente, wala naman pong sinasabing masama ang Presidente kay VP Leni. Mayroon ba ho? Wala!

In fact, iyong isang opisyales ay nagpapalakas kay Presidente gustong imbestigahan si VP Leni noong namimigay siya ng assistance sa COVID, ang ginawa ni Presidente, sinibak iyong opisyal na iyon dahil ayaw niyang kahit sino ay hadlangan iyong pagbibigay ng tulong ng kahit sino including Vice President.

So the President’s track record in attempting to have a harmonious working relationship with the Vice President is there. Pero ang ginaganti po ni Vice President, walang tigil na pula. What can we do?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, if I remember correctly, si Vice President Leni Robredo already addressed or responded doon po sa isyu nang pagsagot niya sa mga humihingi ng tulong sa Twitter. She clarified na hindi niya naman po inuorderan iyong AFP and PNP na gumalaw. It’s more of providing answers to the people na ganoon na po ang nangyayari on ground, just to give them an assurance that they were heard, that their concerns have been brought up. Kasi kung ganito po, sir, kung sa tingin po ng Palasyo na mali iyon, wala po bang puwedeng gumawa na mag-respond doon sa mga tao na iyon kung hindi po siya gumalaw?

And isasabay ko na rin, sir, how does the government, kumbaga what does this President’s moves say above how the government values truth and facts? Kasi, sir, on several occasion, this is not the first time naman that the government has acted on unverified information. For example lang, sir, iyong most recent iyong kay General Parlade, when he red-tagged an actress. Wala po bang mechanism to at least verify or do a fact check kasi po sa dami ng pondo and assets, hindi po ba importante na kumbaga iyong mga atake natin kumbaga based on truth?

SEC. ROQUE: Well, unang-una ‘no, we value the truth very much. And I think here in Malacañang Press Corps you know how we operate – we cannot issue a statement without multiple vettings. We’re very careful about what we say. I hope that the VP’s Spokesperson did the same kind of diligence bago niya binitawan iyong mga salita niya. So the President was justified.

Now, hindi na po ako makiki-argue sa’yo kasi nandiyan naman po iyong mga tweet ni VP Leni. Sabi niya, hindi niya inaako na parang siya iyong calling the shots during the typhoon. Iyan ang mga tweets niya, “Asking if possible to deplore air assets now. Waiting for feedback.” Hello! Eh kaya nga po naka-preposition na iyong mga air assets doon. Hindi naman iyong prepositioned para i-display iyan. Lilipad po sila kung pupuwede nang lumipad.

Next, ayan oh, “Our prayer is for Cagayan and Isabela. Reading posts now of people asking for… we deployed our security team to coordinate with AFP.”

Hindi po kinakailangan mag-coordinate sa AFP kasi alam po nila iyong nangyayari. With or without your call, with or without intervention of your security, alam po ng Hukbong Sandatahan ang nangyayari sa ground at gumagalaw po sila. Ito po ang dahilan kung bakit talagang nawalan ng pasensiya ang ating Presidente. So, I hope that’s the last question in this regard. Thank you very much, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last question about po doon sa academic strike whether it’s UP or Ateneo, marami pong nag-react negatively specially the students. Hindi po ba daw mahalaga na mapakinggan iyong boses nila in this Administration?

SEC. ROQUE: Ay, importante! Importante po! Pero kapag sasabihin mo hindi ka magsa-submit ng academic requirements, kung ikaw ay Isko/Iska, isipin mo naman iyong taumbayan nagbabayad sa iyong edukasyon at iyong mayayamang eskuwelahan kagaya ng Ateneo, siguro balewala sa kanilang mga magulang pero that’s well and good for them. But not everyone are as rich as them, so negatibo o hindi, malinaw po iyan. Galing sa isang aktibista, kami po naging aktibista never namin ginamit ang aming pagiging aktibista para hindi po mag-comply sa mga academic requirements, although maraming mga professional aktibista talaga.

Iyong mga kasama ko nga sa mga noong ako ay college sa UP hanggang ngayon yata hindi pa nakaka-graduate, hanggang ngayon hindi na nakapag-move on. Huwag naman po ganoon, lalung-lalo na ngayon na libre na ang tuition sa mga State Universities and Colleges. Negative or not, it has to be said. Isipin ninyo iyong mga OFWs na nagtatrabaho para magkaroon kayo ng libreng tuition. Iyong mga mahihirap na nagbabayad pa rin kung hindi direct taxes, iyong mga indirect taxes na nagbabayad pa rin para magkaroon kayo ng edukasyon, huwag ninyo pong sayangin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary. Salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. Punta tayo kay Usec. Rocky. Thank you, Trish.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Leila Salaverria: Senator Recto po said the budget for health infrastructure was only 1% of the total infrastructure budget for 2021. Why is this the case? Does the Administration believe the allocated amount will be enough to address deficiencies in hospital and health facilities?

SEC. ROQUE: I’ll have to verify that kasi iyong mga infra projects po ng DOH, minsan nakalagay po iyan sa ibang departamento kagaya ng DPWH. So, while I’m not in the position to actually dispute na 1% lamang, let me verify kasi iyong mga paggagawa po ng ospital, iyong mga imprastraktura, nasa DPWH po iyan bagama’t ito ay mga proyekto under DOH. But let me verify kung talagang 1% lamang.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya nasagot ninyo na about kung mag-a-apologize si Presidente kay VP Leni. Tanong naman po ni Johnna Villaviray ng Asahi Manila, kasi may post po sa social media na no used clothing donation policy ayon daw po sa DSWD AO 11 series of 2012 na alinsunod na rin sa RA 4653. Ito po ay para suportahan ang local garment industry at upang maiwasan ang health hazards na maaaring maipasa mula sa mga used clothing. Ang tanong po ni Johnna: Is this regulation against donations of used clothing in effect now and would you recommend private individuals, organizations to stop donating used clothes to flood victims?

SEC. ROQUE: Well, apparently nasa batas po iyan, so kinakailangan maamyendahan ang batas kung gusto nating mabago iyan, but iyan po ay iniiwan na natin sa Kongreso. Let’s leave it to the wisdom of the people’s representatives in Congress.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Celerina Monte: The Bangsamoro Transition Authority led by Chief Minister Ebrahim is pushing to extend the Bangsamoro transition period from 2022 to 2025 to properly implement agreements. Will the Palace support this? Why and why not?

SEC. ROQUE: It’s the first time po na narinig itong request na ito. I’m sure the Palace will consider it and will study options.

USEC. IGNACIO: Thank you Secretary.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. My question has something to do with probably an official reaction to reports this morning by Al Jazeera that rich countries have already pre-ordered vaccines from Moderna and Pfizer and reports said poor countries may be left out with no vaccines at all. May I have your reaction and that of Secretary Galvez, please?

SEC. ROQUE: Sa akin po, hindi naman po mangyayari iyan ano kasi mayroon naman tayong COVAX Facility and the COVAX precisely aims na hindi lang po mayayaman ang magkakaroon ng bakuna at pangalawa, ito nga pong inaprubahan na ng Presidente natin noong isang araw lamang also allows us now to, anong tawag doon pre? Well, anyway iyong term Secretary Galvez can say it. Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: Iyong sa ano po natin marami na po tayong kinakausap na mga vaccine companies at saka maganda po iyong ating relationship sa mga different countries. So, nakakausap na po natin iyong mga countries na China, UK, Singapore, and also kakausapin po natin ang Australia. Iyong mga companies po na talagang ini-sponsor po nila ay mayroon pong naka-allocate po na quota po sa atin. Karamihan po puwede pong ang quota nila is 15 million to up to even 50 million.

Kung ang target po natin next year is 25 million ang babakunahan po natin, kaya po natin dahil kasi po maganda po iyong diplomatic relationship natin sa China. And USA is also giving us a lot of allocations. Even iyong mga companies ng US lumapit na po sa amin and they are more than willing talaga na magbigay ng napakalaking quota po sa atin.

Iyong COVAX po 20%, po kaagad ang puwede pong ibigay sa atin from pooled financing at saka puwede po tayong magkaroon ng social financing na napakababa po talaga ng mga presyo at talaga pong very affordable and equitable for poor countries like us.

So, huwag po kayong mag-alala at kami po ay inaasahan po ng ating mahal na Presidente na talagang magkaroon po tayo ng access sa vaccine. Ginagawa po natin ang lahat ng atin pong mga diplomatic at saka exploratory talks with the Vaccine Experts.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I see. Maraming salamat po, Secretary. Secretary Harry, maiba po ako, darating daw sa Pilipinas itong mga security adviser ni Pangulong Trump na si Robert O’Brien sa a veinte y dos at veinte y tres, makakausap po ba niya si Pangulong Rodrigo Duterte pagdalaw niya sa susunod na linggo?

SEC. ROQUE: Well, all I can say is wala pa po akong nakikitang schedule but I’m sure this can be better addressed by the counterpart, si NSA Esperon.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Thank you.

SEC. ROQUE: Yes, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, huling tanong na po ito. From Alvin Baltazar of Radyo Pilipinas for Secretary Galvez po: Kailan po natin aasahang mayroon na tayong talagang darating na bakuna sa atin? Ang nabanggit ninyo sa nakaraan month of May? Magiging mas maaga po ba?

SEC. ROQUE: Well, si Secretary Galvez please.

SEC. GALVEZ: [unclear] mayroon po tayong tinatawag na advance market commitment ay kaagad po ilalatag po nila iyong kanilang manufacturing supply. Sa ngayon po, sa kinakausap po namin, ang pinaka-earliest po is possibly kung sa Russia po kung tama po iyong sinabi po ng ating ambassador, first quarter puwede pong magkaroon tayo ng ating bakuna pero ang inaano po namin talaga sa mga kinakausap po namin ay ang pinaka-earliest first case scenario is May, June, sa COVAX, in July and even ang ano natin ay malaki po ang ating magiging supply kapag nagkaroon po sa third quarter at saka fourth quarter and even sa 2022 ay malaki po ang supply po natin. Mayroon po tayong more than 17 million na sure from COVAX.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Sam Medenilla para po kay Secretary Galvez: Magkano po ang early payment na gagawin ng government para maka-secure po ng COVID-19 vaccine at ano po kayang mga vaccine ang mako-cover nito kung sakali?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin aside [unclear] ng confidential data agreement, iyong mga presyo po kasi bawal pong i-discuss po sa media at ang ano po namin ay—ang sinasabi nga namin ni Presidente na talagang very negotiable price, mababa po talaga iyong price na nakuha po natin.

At ang nakikita po natin ay talagang kapag nakuha po natin ito, kapag nagkaroon po tayo ng advance commitment this coming November, ang target po namin, before the end of November, dalawa o tatlong kumpanya ang makukuha po natin.

And then mai-extend po natin iyon hanggang December, more or less ang nakikita po natin talaga makukuha po natin sa apat na tinitingnan po namin ngayon, kaya po namin 30 – 50 million po na vaccine.

SEC. ROQUE: Okay. That’s very good news. Thank you very much. Joseph Morong, please. Joseph?

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hello!

SEC. ROQUE: Yes, go ahead.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, kaunti lang. I’m just curious, iyong mechanics lang ng ating online press briefing. Kayo ba iyong nagpapahingi ng topic? Kasi parang hindi mo naman kailangan yatang humingi ng advance topic. Is that for screening purposes or what?

SEC. ROQUE: Wala po! Ako po ay hindi humiling ng topics. Ang request ko lang po, kung ang tanong ninyo ay factual, itanong ninyo ahead kasi hindi ko kayo masasagot kung factual ano.

JOSEPH MORONG/GMA 7: So, that’s what you mean?

SEC. ROQUE: Kapag factual kasi iyan that needs verification, kung hindi ko po verified, ang sagot ko sa inyo itsi-check ko. So, kung ayaw ninyo na ang sagot ko ay itsi-check ko, let me know pero this is already what? I’m going on my second yeas as spox, alam ninyo naman na hindi ko rin feel na questions submitted ahead of time, except for factual questions. So, wala pong screening diyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Exactly, we get that. Kung kailangan ng stats, yeah, ahead of preparation. Pero—so kasi hinihingan kami ng topics, sir, so we’re going to change that rule ‘no?

SEC. ROQUE: Okay, okay. Pero iyon nga po iyong—para lang alam namin kung mayroong factual issues kasi ‘pag binigay mo ang topic at alam namin through our news scanning na mayroong factual issue, malalaman na namin. Tatawagan na namin iyong ahensiya nang hindi sayang ang tanong mo at masasagot ko kaagad.

JOSEPH MORONG/GMA7: Correct, ‘cause that affects the sequence ‘no. But anyway, sir, iyon muna tayong kay Vice Leni ‘no—

SEC. ROQUE: Although teka muna, Joseph, let me go back. Mayroong isang nagsabi sa akin dati na – in a different administration and in past administrations – all administrations require questions to be submitted ahead of time, ako lang daw ang hindi. Totoo iyan [laughs].

JOSEPH MORONG/GMA7: And that’s very good.

SEC. ROQUE: Kaya nga ang sabi ko teka muna, teka muna… Pero anyway, I’m happy with this format. I can live with it. Okay.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yeah. Kasi ‘pag nanghihingi ka ng topic, ano iyon, para mag-spin muna before—

SEC. ROQUE: I don’t think there’s any spinning here. Ako na nga lang ang spokesperson na hindi humihingi ng questions ahead of time ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7: Exactly and we need that to stay that way. Anyway, sir, kay Leni ‘no, kay Vice President Leni. Sir, tama ba na iniisip ni Presidente that Vice President Robredo was behind iyong hashtag na nasaan ang Pangulo?

SEC. ROQUE: Hindi ko naman po sinabi na iniisip ni Presidente iyan at wala rin siyang ganiyang sinabi. Ang sinasabi lang niya is iyon na nga ‘no, iyong mga nakita—pinakita ko naman po ang deklarasyon ng kaniyang tagapagsalita, deklarasyon ng kaniyang mga kamag-anak, deklarasyon—at saka mayroon din siguro siyang access na mga bali-balita ‘no na nanggaling din siguro sa bibig mismo ni VP Leni although I have no personal knowledge ‘no. Kaya ang sabi ko paninindigan ko ang sinabi ni Presidente at today at least naintindihan ng taumbayan kung bakit ganoon nga ang naging damdamin ng ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Why is it, to the President ‘no, it looks like this is a campaign issue?

SEC. ROQUE: Because it is [laughs]. Sa tingin namin it is because it’s not constructive. Iyong mga ganitong deklarasyon, hindi naman makakatulong po iyan na—doon sa pagbibigay ng tulong sa gobyerno. Kaya nga po noong mayroong isa na nagpapalakas sa kaniya na hinahadlangan niya pagbigay ng tulong ni Vice President, sinibak ni Presidente kasi—

JOSEPH MORONG/GMA7: Sino iyon?

SEC. ROQUE: ‘Di ba iyong—sino ba ito? Iyong gusto siyang imbestigahan dahil nangunguna sa COVID response, nakalimutan ko na ang pangalan noong—abogado iyon eh sa PACC. O, sinibak niya kasi kapag may kalamidad, tulong lang nang tulong. Wala nang pulitika.

JOSEPH MORONG/GMA7: Oo. Sir, okay. Iyon pong mga binasa ninyo na mga tweets ni Vice President Robredo, do you think that’s really the basis of why the President was incensed or may mga nakakarating na bulong, text messages kay Presidente kaya siya nagagalit?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam.

JOSEPH MORONG/GMA7: [Overlapping voices] baka mahina sa bulong si Presidente, I mean he must be careful with the people that he listen to. Unless you’re saying that tweets reached the President also.

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam ‘no pero I’m showing to you the overall context of why the President reacted in this manner and ngayong inisa-isa ko naman po eh siguro an average person will understand. Tao rin po naman si Presidente. Alam mo ako nga po ‘di ba, naalala ninyo napikon din ako noong tinanong ako kung nasaan si Presidente samantalang may bagyo at may ASEAN ‘no. Siyempre nagtatrabaho, ano pang gusto ninyong gawin? Nasaan si Presidente…

Anyway, iyon po iyong konteksto. Now if you’re not satisfied, wala na po akong magagawa but all I want to show is kung saan po nanggagaling iyong saloobin ng Presidente. You don’t have to agree with him but that’s why.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yeah. Sir, iyong mga tweets na iyan nakarating kay PRRD?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam ‘no pero ako po’y naghahanap nga ng—bakit kaya ganitong katindi iyong naging reaksiyon nga ni Presidente ‘no. And remember, the overall context is iyong nasaan si Presidente and it could not have come from the DDS.

JOSEPH MORONG/GMA7: But, sir, is it wrong to look for the President in times of need?

SEC. ROQUE: Well, natanong mo rin po iyan ‘no. It is wrong when it is malicious kasi they should know that the President was working in ASEAN and in directing all agencies and departments to be fulfilling their duties amidst a calamity.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Can I go to Secretary Galvez?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, anong gagamitin naming official title mo: Boy Bakuna or Vaccine Czar?

SEC. ROQUE: [Laughs] Ikaw talaga [laughs]… Vaccine Czar. Sa akin lang iyon, terms of endearment ko lang iyon. Only for Harry Roque’s purposes.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sige. Sir ang sabi ninyo po kanina, mayroon tayong napupusuan na mga bansa na. So I’m curious to know kasi baka mamaya nga iyong—iyong UK for example parang advance payment na of 300,000 yata US Dollars, tapos Indonesia December magkakaroon na sila ng vaccination. Sir, sino po iyong mga napupusuan natin na mga countries and their vaccines and at what stage are we in in terms of securing the amount of dosages, para lang sir medyo makampante tayo na teka lang baka naman mahuli tayo diyan ‘pag nag-agawan?

SEC. GALVEZ: [Garbled] mataas po ang level ng kanilang tinatawag na possible na magiging agreement natin. At most likely within November 30 matatapos natin iyong tatlo na kinakausap po natin kasi nakausap na po natin ang embahada po ng Tsina at saka po iyong UK Ambassador. And then nakapag-usap na po kami noong two months ago pa, noong August, noong Ambassador po natin sa US. And then I believe iyong ating mga DOST at saka iyong vaccine of expert, mayroon na po silang tinatawag na CDA, iyong tinatawag na Confidentiality Data Agreement, meaning mayroon tayong tinatawag na clinical trial that will be coming this coming December and January.

Normally itong tatlong vaccine company na magkakaroon po ng clinical trial, most likely ito makukuha natin po ito sa mababang presyo. At the same time maganda rin po iyon dahil kasi dumaan po sa proseso ng clinical trial mismo dito sa ating bansa. So iyon po ang ano, na talagang puspusan po ang aming negotiation, ongoing po ang negotiation ng ating Department of Finance with the Asian Development Bank kasi ang finance po nito, ang ating magiging procurement agent para maging na talagang tinatawag nating very transparent and very sure tayo na talagang pagka ma-hedge natin iyong tinatawag nating risk kasi po nagsabi rin po iyong ibang ano na mga vaccine companies natin na talagang most likely medyo very minimal ang risk natin.

Unang-una, mati-test po nang mabuti iyong tinatawag na mga vaccine sa kanilang mga bansa. Pangalawa, iyong tinatawag na regulatory requirements ay magkakaroon muna iyong bansa na gagamitan nila. And then nakikita po natin iyong mga vaccine companies pong ito, malalaking bansa ang kumuha na. So ganoon po ang ginagawa po natin, na kumbaga sa ano, sigurado po tayo na maganda po iyong magiging vaccine po na makuha po natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. So right now we’re talking to China, UK and then the US. So can I say sir that we are making efforts to secure Pfizer and Moderna because sila iyong medyo promising so far?

SEC. GALVEZ: Actually, kasama ang Novavax, kasama iyong—lima iyong tinatawag natin na companies sa US at lahat po na iyon ay nakapag-sign na ng CDA. So, 17 po lahat ang tinitingnan po natin. Kapag naging maganda ang resulta ng kanilang clinical trials at nai-submit po nila ang kanilang mga requirements—kasi ngayon ini-evaluate pa, continuing ang evaluation. Sinasabi nga natin sa 17 na companies, siyam na po ang mayroong tinatawag na clinical trial at tatlo na ang malapit na halos maano po sa FDA po natin.

At ang ano po nito, lima pong framework iyan, lima pong tinatawag na platform – limang platform ng ano po iyan. Ang sinasabi po ng vaccine expert natin at least mayroon tayo tigi- tig-isa sa platform at tigi-tig-isa bawat bansa para ma-hedge po natin ang ating risk.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong tatlong malapit, Sinopharm—no, Sinovac already has a EUA. So Sinovac, Moderna and Pfizer. Sir, just focusing on the three, we are making efforts to secure those vaccines?

SEC. GALVEZ: Yes. Iyong mga ano, iyong mga nakita natin na magiging effective at magiging maganda iyong evaluation ng ating Vaccine Experts Panel. Mayroon nga silang na-clear na isa na from China.

JOSEPH MORONG/GMA7: Iyong Sinovac iyan sir ‘no? Sir just last one point. Iyong EUA—

SEC. ROQUE: Sobra na ha. Sobra na, Joseph, sobra-sobra na. Five questions na iyan. Pia Rañada, please…Thank you, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Yes, Pia…

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes. Sir, for Sec. first, Sec. Harry. Sir, you’ve explained why the President is angry at the Vice President Robredo. But sir can you explain why he must bring the level of public discourse down to this level where he expresses his anger by making lewd remarks and making falsehoods because like for example he said na walang ginagawa si Vice President Robredo when I think that’s a blatant falsehood. We can see the Vice President naman is doing something for the typhoon victims. So sir, why does he have to bring the public discourse to this level na it has to—he has to make such remarks in that way, he has to make lewd statements. I mean, why is it necessary now?

SEC. ROQUE: I don’t have to explain. Sa mula’t mula ganiyan po si Presidente, tinanggap naman siya ng taumbayan at hindi na po siya magbabago ‘no para lang matuwa iyong ilan sa ating lipunan. No explanations required, ganoon po talaga si Presidente and we accepted him as such.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, I don’t think everyone has accepted him. Because for example, a gender institute and feminine schools, also academe they say that this kind of discourse from the President, it has an effect in society. For example, the rape remarks and they make a model or they become like a standard for others people to follow and it’s just not a good example to set coming from the Chief Executive who is supposed to lead the entire nation. So, I think you do have to explain the President’s remarks.

SEC. ROQUE: No, I don’t. Bago pa siya hinalal na Presidente, binatikos na siya tungkol diyan sa mga rape remarks niya, hinalal pa rin siya ng taumbayan. It’s a political question which has been addressed by the Filipino electorate and of course ratified by 91% of the people who support him. Of course we cannot have 100% support, so iyong mga minensyon [mentioned] mo, they must be part of the 5%. That is how a democracy works.

PIA RAÑADA/RAPPLER: In the same speech he also threatens schools, like, it was asked earlier but I want to ask, is it right for the President to red tag students? Kasi in the same speech he said, walang ginawa itong ano, kung hindi mag-recruit ng komunista diyan. What’s his basis for this and why is he red tagging schools?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po marami na naman tayong kakilala talaga na mga nag-aaral sa mga pampublikong paaralan na talagang namumundok. In fact, ang CPP-NPA, ang founder po niyang instructor pa sa UP – si Joma Sison. So that is something that is known by people, it’s not necessarily say, na lahat kayo komunista, pero marami talagang nagri-recruit diyan and it’s a fact.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yeah, but the President didn’t make a distinction. He sounded like he was generalizing. And then he also said, tapos mag-aaral kayo, ang gusto ninyong binibira ang gobyerno, masyadong namang napaka-swerte kayo. So, parang he is saying, those students don’t have the right to criticize the government?

SEC. ROQUE: They have the right to criticize the government, kaya lang iyong mga gumagamit ng pondo ng bayan, huwag ninyong sasayangin ang pondo ng bayan. Kasi ginawa nga pong libre iyan at iyong mga maliliit na mga mamamayan, mga mahihirap na nagbabayad ng indirect taxes, sila po ang nagpapaaral sa inyo. Huwag namang callus.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But the students are criticizing, they say they are criticizing precisely because they want to serve, it’s for the nation. They want to help the government be better at governing them and criticizing the government could be part of the process. Doesn’t the Palace see this?

SEC. ROQUE: Well, ang sinasabi po ng ilang mga estudyante, hindi sila magko-comply with academic requirements, hindi naman po iyong restriction sa kanilang pananalita at pag-iisip. Huwag mo lang sasayangin dahil kapag hindi ka nag-comply sa academic requirements bagsak ka at iyon ang ayaw mangyari ni Presidente na masasayang iyong pondo na ginagamit sa mga pampublikong mga pamantasan. Iyong mga pribado eh, siguro anak mayaman, bahala kayo sa buhay ninyo, pero huwag din kayong magrireklamo kung itong mga pribadong eskuwelahan na ito ay hindi kayo paggagradweytin, dahil kasama po sa karapatan ng mga pamantasan na huwag magbigay ng degree doon sa mga hindi nakaka-comply ng academic requirements.

Lilinawin po natin, iba iyong freedom of speech, freedom to believe ng mga estudyante doon sa banta nila na hindi sila magsa-submit academic requirements. Pasensiya na po kayo, negatibo man ang tingin ng taumbayan, I have to say it as a former academic and as a former activist iyong panahon ko po, hinding-hindi kami nagpapabagsak at gagamitin naming dahilan ang pagiging aktibista. Hindi po.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, kasi that statement of the President, he was referring not to the academic strike, but to criticism in general – binibira ninyo ang gobyerno. So, he was actually talking about criticism which could be legitimate right. You admitted that the students have a right to express their grievances even it is in the form of criticism.

SEC. ROQUE: Alam po ninyo pagdating sa track record sa malayang pananalita, malinaw po ang paninindigan ni Presidente, wala siyang kahit sinong dinemanda, wala siyang kahit sinong pinahuli. Ang sinasabi lang niya iyong banta na hindi raw siya magko-comply sa academic requirements. We don’t have to agree, but we cannot debate.

Thank you, ma’am. Limang questions na po iyan. Binigyan kita ng lima kasi binigyan ko ng limang question si Joseph Morong.

Anyway, well, balikan lang natin iyong punto po, iyong mga topics kailangan lang po natin iyan para maka-coordinate nga doon sa mga concerned departments ng hindi naman masayang ang mga tanong ninyo nang mayroon din tayong kasagutan na mabilisan. Okay? So, Usec. Rocky, mayroon pa bang mga tanong?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary mayroon pa po tayong mga pahabol na tanong dito. Mula po kay Vanz Fernandez: With DOH Secretary Duque admits first being possible corruption and past corruption daw po sa DOH bills after Senator Gordon threatened daw po to block the DOH budget. May we get a comment from the Palace about this?

SEC. ROQUE: Talaga naman pong problema ang korapsiyon sa lahat ng departamento ng gobyerno. Pangako ng Presidente igugugol niya iyong natitira niyang panahon sa opisina para labanan ang korapsiyon, kasama na po diyan sa DOH at sa PhilHealth.

USEC. IGNACIO: May pahabol rin si Karen Lema po, para daw po kay Secretary Galvez, kung puwede: How can three manufacturers are set to conduct trials in the Philippines next month or January when FDA has only received one application for clinical trial, iyon pong Sinovac? Who are these two other manufacturers and what did he mean by possible arrangement with four manufacturers. Are these supply deals?

SEC. GALVEZ: [Unclear] sa clinical trial kailangan po ng other organizations na magkakaroon po ng mga assessments and evaluation. So may proseso po iyan, kaya po minamadali po natin pati rin po iyong FDA approval, considering that, iyon nga ang ni-recommend po namin na magkaroon po tayo ng emergency use authorization, iyon po ang kailangan po. So, sa ngayon po on going po ang exploratory negotiations para ma-prepare na po iyong tinatawag nating 14 centers at mga testing na requirement this coming December or January. Sa ngayon po, iyon po ang ginagawa po natin at minamadali ko nga po na mapirmahan po ng ating mahal na Presidente iyong emergency use authorization.

USEC. IGNACIO: Opo, last question po, Secretary Galvez mula po kay Vanz Fernandez: May mga nakahanda na po bang cold storage facilities kapag nagkaroon na ng vaccine?

SEC. GALVEZ: Ay ito po ang ginagawa po natin ngayon kaya [unclear] consortium at saka mga logistic supply GeneXpert. Kasama po natin lahat iyan, iyong mga pharmaceutical companies. Iyon po kasama po natin iyong tatlong klase na storage, iyong 2 to 8 degrees, iyong negative 20 at saka negative 80. Mayroon na pong mga ginagawang mga technology na minsan gagawin pong powderized iyong -80 para maano po siya sa room temperature at kasama po iyan sa kontrata po natin. At iyong isa nga ay talagang [unclear] po, ang tawag sa logistic group po meaning doon po diretso sa vaccination center.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Galvez. Secretary Roque, salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Since wala na po tayong mga tanong, maraming salamat po, Pilipinas, sa inyong pagsubaybay sa ating presidential press briefing.

Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Salamat, Usec. Rocky. Salamat, Vaccine Czar, Secretary Galvez. At siyempre po, sa ngalan ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Malapit na po ang bakuna – mask, hugas, iwas para abutin ang bakuna.

Merry Christmas po!

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)