Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Nagbigay ng kaniyang regular Monday Talk to the People kagabi si Presidente Rodrigo Roa Duterte. Ito ang ilan sa mga salient points:

  • Inanunsiyo ng Pangulo ang mga lugar na mapapasailalim sa General Community Quarantine, ito po ang mga lugar ng NCR, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte. At sabi nga ni Presidente, ang Davao del Norte doon sa kanilang lugar, Davao lang ang tawag. Lahat po ng mga hindi nabanggit na mga lugar ay mapapasailalim po sa Modified General Community Quarantine or MGCQ.
  • Ini-report po ni Secretary Duque ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa ngayon, ang Pilipinas ay nasa pandalawampu’t pito o 27thsa bilang ng total na kaso na naitala; at pang-apatnapu’t apat or 44th sa mga bilang ng aktibong kaso.
  • Unang araw po Disyembre ngayon, dalawampu’t apat na tulog na lang, Pasko na. Alam ko marami pong excited, nagsalita po si Secretary Año tungkol sa Christmas party at Christmas caroling. Dagdag ni Secretary Año, ang family reunion ay considered din as mass gathering. Ngunit pinapayagan na ang mga bata na makapag-mall basta kasama ang magulang sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ. Maglalabas ng kani-kaniyang mga lokal na pamahalaan ng rules tungkol dito at saka magkakaroon din po ng guidelines ang Metro Manila Council.

Pag-usapan naman natin po ang isyu ng PITC: Alam ninyo po ang sabi ng Presidente, wala naman pong isyu diyan. Eh ano kung 33 billion iyong nakabinbin? Pero iyong 33 billion, hindi po ibig sabihin na idle lang po iyan, iyan po ay undergoing different stages of procurement. At kagabi nga po, sinabi ni Secretary Lorenzana na ang DND ay mayroong 11 billion po na binigay sa PITC pero hindi po ibig sabihin iyon na walang nangyayari; iba’t ibang stages of bidding nga lamang.

Pero ano ba ho ang napagkasunduan dahil kahapon po buong araw ay talaga pong nakapag-usap tayo kay Secretary Dominguez, Secretary Lopez at saka kumonsulta kay Secretary Wendel [Avisado]. Unang-una po, naanunsiyo na po ni Secretary Lopez na bagama’t sa legal charter  po ng PITC ay pupuwede nilang kunin iyong interest doon sa 33 billion at ang binibigay lang ngayon sa national government ay 50% dahil nga po kinakailangan natin ng pondo para sa COVID, ibibigay na nila 100% na interest na tinubo ng 33 billion.

Pangalawa, makikipag-ugnayan po ang DTI at saka ang DOF at kasama na rin po ang DBM, iisa-isahin po iyong mga pondo na ibinigay sa PITC at aalamin kung alin doon ang tuloy pang proyekto at hindi. Iyong mga hindi na tuloy na proyekto, iyan po iyong ibabalik ng mga ahensiya nagbigay ng pondo sa PITC sa national treasurer nang magamit po ng Presidente sa ibang pamamaraan.

Pero ang Presidente naman po, sabi niya, tatanggapin niya rekumendasyon ng mga ahensiya pero sisiguraduhin niya na talagang hindi na tuloy ang proyekto, kasi gaya nga po noong 11 billion ng DND, hindi po pupuwedeng maantala iyan.

Punta naman tayo sa COVID-19 update. Ito po ang global update sang-ayon sa Johns Hopkins: Higit 63 million or 63,159,o49 ang tinamaan na po ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,466,346 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong mahigit 13.5 million na mga kaso at 267,888 deaths. Pangalawa po ang India na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo, sinusundan po ng Brazil, Russia at France.

Mayroon po tayong 431,630 total COVID-19 cases as of November 30. Sa bilang na ito, 5.69% po aktibo or 24,580. Sa mga aktibo, 22,445 or 91.3% po ay asymptomatic, mild or moderate; samantalang 2,135 or 8.7% lamang po ay severe or kritikal. Ito naman po ang bilang ng mga gumagaling, halos apatnaraan na po or 398,658 ang gumagaling or 92.36% recovery rate. Samantalang nasa 1.94% po ang ating case fatality rate or 8,392 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami.

Makikita sa susunod na infographics ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 by onset of illness date. Makikita ninyo po na ang graph ay pababa. Sana po ay mapagpatuloy nating pababain maski Pasko na at kaya naman ito sa pamamagitan po ng mask, hugas, iwas.

Patuloy din po ang pagbaba ng daily attack rate ‘no sa buong bansa. Mula 1.63 noong November 2 to 15, naging 1.45 noong November 16 to 29. Ganoon din po sa NCR na mula 3.27 last November 2 to 15, naging 2.79 last November 16 to 29.

Ito naman po ang ating health utilization rate ‘no sa buong bansa: 28% lang po ang ginagamit nating ward beds, 36% lang po ang ginagamit nating isolation beds, 41% po ang ginagamit nating ICU beds at 17% po ang ginagamit nating mga ventilators.

Pagdating naman po sa temporary training and monitoring facilities or TTMF utilization rate, mababa rin po ‘no, 28% lang po ang ginagamit natin nationally. Sa NCR – 18%; sa Luzon, outside Metro Manila – 27%; sa Visayas – 31%; at sa Mindanao ay 30%.

Pagdating naman po sa isolation, makikita po natin na mayroon po tayong 11,459 TTMFs na ginagamit na isolation. Sa Luzon po – 2,384; sa NCR – 78; sa Visayas – 4,294; at Mindanao – 4,801.

Health care capacity indicators po, mayroon na po tayong 184 PCR labs nationwide. Sa Luzon po – 127 ang labs natin; sa Visayas – 29; at sa Mindanao ay 28.

Ang suma total po na na-test na nating mga kababayan natin ay 5,739,752. Ang positivity percent po ay nasa nine percent; ang seven daily average ay 32.211.

Pagdating po sa treatment, mayroon po tayong bed capacity na 21,947. Ang ward beds po natin ay 6,297, dumami po iyan ng 39 beds; ang isolation beds ay 13,809, dumami po iyan ng 12 beds; ang ICU beds ay 1,841, dumami po iyan ng 35 beds; at ang mechanical ventilators ay 1,980, nadagdagan po iyan ng 19 units.

Okay. Today rin po, December 1, the Philippines joins the rest of the world in observing World’s AIDS Day. Bilang isa po sa principal author ng House Bill 6617 na naging batas na Republic Act #11166, pagkatapos mapirmahan ni Presidente noong December 2018, masaya ako na finally mayroon po tayong konkretong hakbang na ginawa ang pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng HIV/AIDS sa Pilipinas. The passage of RA 11166 or An Act Strengthening the Philippine Comprehensive Policy on HIV and AIDS Prevention Treatment, Care and Support serves to strengthen the Universal Coverage Act – which I also authored in the Lower House – given that Universal Health Care covers preventive health services.

As we commemorate World AIDS Day, we must not only help end the stigma of HIV/AIDS, but we must also work together to increase the capacity of our country for early warning, risk reduction and management of national and global health risk such as HIV/AIDS.

Sang-ayon po sa batas na ating sinusulong, mayroon pong pinapataw na parusa doon sa magdi-discriminate laban sa mga biktima ng AIDS, doon sa magsasapubliko ng estado ng isang tao na mayroong AIDS, at mayroon din pong papataw na parusa kung ikaw ay mayroong AIDS at kinalat mo na alam mong kinakalat mo ‘no sa ibang tao.

Dito po nagtatapos ang ating presentation ‘no. Pero bago po tayong magpunta sa ating open forum with the Malacañang Press Corps, kasama na naman po natin ang aking paboritong PGH professor emeritus, Dr. Lulu Bravo. Ma’am, congratulations! I understand since our last interview with you, you have been included in the panel of experts on vaccines na nag-aaral po ng safety and efficacy ng mga bakunang gagamitin laban sa COVID-19. Apat na po sinabi ni Secretary Galvez na gagamitin natin, ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer at Gamaleya.

Ang unang tanong ko po is: As far as the expert is concerned, bakit po ito iyong apat; at pangalawa po, paano ba ho nagkakaiba itong mga bakunang ito? At siyempre po nasa isipan ng marami, dahil alam ninyo naman ang Pilipinas, maraming may colonial mentality pa – safe ba ho itong Sinovac? What makes it very safe compared doon sa mga ginawa mismo ng mga western nations?

The floor is yours, Dr. Lulu Bravo.

DR. BRAVO: Hi! Good afternoon, Secretary Roque. And good afternoon to all our people there, mga press people sa press conference natin ngayon.

Actually, ang vaccine development ay ongoing iyan and definitely hindi isang tao, hindi dalawa o apat lang ang kailangan nating konsultahin when it comes to the vaccine. As I said last October 26 when we were talking about a complete, independent, national, technical immunization, technical advisory group ang kailangan natin because there are many, many kinds of vaccine development ongoing.

Such that we need to really see ano ang pinaka-appropriate sa ating mga tao, sa ating mga Filipino. Hindi madaling desisyunan iyan and that’s the reason why we need a group of experts and I have been doing vaccine development trials for the last 35 years. I’d really want to share the screen, maybe, if I can have the share of this.

Okay, just to give you a few minutes, what do we want to see when we are doing this vaccine development? Truth to tell, what we need now is not to discuss what vaccine development is all about but more so to actually do address vaccine hesitancy. Because a lot of Filipinos and I can see that from social media—can you see my slide now?

Hello? Can you see my slide?

SEC. ROQUE:    Yes, ma’am, we can see your slide at least from my screen. Hindi ko po alam—ayan, nakikita na po, nakikita na.

DR. BRAVO: Okay. I’ll just make sure with this important aspect. I just have two or three slides here.

What we need is like an ideal vaccine. People want an ideal vaccine ‘di ba? And it should be safe even in immune-compromised people maski na iyong may mga sakit na let’s say, may HIV for example, dapat safe din sana.

Dapat lahat ng ibibigay nating vaccine ay safe and highly effective at nakaka-induce ng immunity for at least a long period of time, hindi lang for two months or three months. Dapat makikita natin na at least naman eh one year sana iyong magiging immunity protection natin ‘di ba, matagal-tagal.

And then secondarily, dapat available naman iyan at affordable iyong cost and maybe madaling ibigay. Kaya nga iyong oral mas madali kung minsan ‘di ba at saka stable iyong ating refrigeration kasi ang hirap magbigay ng mga bakuna na kailangan mo ng mahabang… ‘di ba iyong mga refrigeration na deep freeze, naku, masyadong mahal na iyon. And of course, kung puwede talaga eh makikita natin iyong long immunity.

Ngayon, walang 100% na safe na vaccine as we all know. Kailangan talaga titingnan mo, ano ba talaga iyong pinakamasidhing side effect at kung talagang masidhi iyan at makakagawa ng harm eh hindi natin gagamitin iyan, ‘di ba.

And of course, wala rin namang bakuna na 100% effective. But at least when you say na, “Wow, 90!” Ang taas na niyan. In fact, if I remember, ang sabi ni Dr. Fauci at saka sa US, a 50-70% vaccine efficacy sa COVID will already be acceptable, ‘di ba? Eh, ngayon nakakakita tayo 90%, ang taas noon, maganda iyon. But of course, iyong safety pa rin titingnan mo.

And then, we should remind everyone ano iyong values nila. Kasi, alam mo nakikita natin sa mga social media parang takot na takot ang mga tao doon sa bakuna dahil hindi nila naintindihan pa, ano ba iyong risk. Kung ikaw ay kukuha ng bakuna, mayroong risk eh! Malakas ba iyong risk na iyon? So, we have to explain to our people na kapag iyan ay inaprubahan ng FDA, right? We have experts sa FDA, we have a Vaccine Expert Panel na tumitingin sa pagsasagawa ng pananaliksik diyan, and definitely, kapag lumabas na iyan commercially, naaprubahan ng mga FDA ng kani-kanilang country, dumaan iyan sa mahabang pananaliksik at mahabang imbestigasyon. Sinusuri talaga iyan, detalyado, and you know dito sa atin iyong aming vaccine trial ginagawan ng inspeksiyon iyan. Ini-inspect din iyan ng FDA ng US at saka ng Europa, iyong mga flu trial, iyong mga polio trial, ginagawa iyan.

So, it is important that we assure our people na kapag ang bakuna ay lumabas na at naaprubahan ng ating FDA eh mayroon na talaga iyang certain safety mechanism in place. So, the benefits that you will get from that vaccine will far outweigh the risk. It would be a small risk. Sabi ko nga, walang bakuna na 100% safe, so may risk na makikita ka, pero iyang risk na iyon is tolerable. Puwede nating ma-manage iyong ganoong risk and if you know what the risks are, alam mo rin kung papaano ia-address iyong risk na iyon.

So, definitely, ito ang sinasabi natin, we need everybody’s help to spread the correct information and champion vaccination because it is the most effective way to prevent illness. Ang dami ng namatay na sa COVID, ang daming may sakit sa COVID, kailangan tayong makagawa ng paraan para maibigay ang bakuna sa ating mga mamamayan.

And here, we need a collaboration of everyone. Ito, Secretary Roque, ito ang alam kong kayang-kayang gawin ng ating pamahalaan – restore public trust, confidence and acceptance on vaccine, the health care workers and the institutions. At ito ang gusto ko talagang sabihin sa ating media, i-communicate ninyo ang value ng bakuna and the consequences of non-vaccination, kasi iyon ang kinakatakutan natin na maraming mamamatay kapag hindi nabakunahan, ‘di ba. At iyong benefits na makukuha sa bakuna iyon ang dapat i-heightened natin, dapat nating palakasin. Iyong understanding natin sa safety and efficacy of vaccine, and last but not the least, increase the appreciation for our scientists. Alam mo, iyon ang nawala noong ating nakaraang dalawang taon. Nawala ang trust ng mga tao sa ating mga scientists, sa ating mga doktor pero hopefully unti-unti maibalik natin iyan upang makuha natin ulit ang trust ng ating bayan sapagka’t alam ko na marami pa rin ang duda. Pero sana kapag lumabas na ang tunay na kahalagahan ng pagbabakuna at ng vaccine, sana naman mawala iyong tinatawag nating agam-agam.

So, iyon lang, Secretary. Iyon ang gustong-gusto kong sabihin sa ating mga press at media and everyone else. Thank you very much for this opportunity to talk with you again.

SEC. ROQUE:    Thank you, Dr. Lulu Bravo and I hope you can join us for our open forum dahil I’m sure our colleagues in the Malacañang Press Corps would have questions.

Punta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Good afternoon, Secretary Roque. Question from Sam Medenilla of Business Mirror: Since December, kailan po kaya gagawa ng assessment si President Rodrigo Duterte kung na-improve po ng mga Telco companies ang services nila? Does the President still intend to take over the operations if they failed the said assessment?

SEC. ROQUE:  Well, tinatawagan po natin kanina si NTC Commissioner Cordova, so nanawagan po ako sa kaniya kung nanunood po siya, kinakailangan po natin ang kasagutan dito dahil NTC ang regulatory agency ng ating mga Telcos para malaman natin kung nagkaroon na nga ng improvement.

Pero sa aking eksperyensiya po, ang aking cellphone impossible pa rin, hindi ka talaga maka-contact sa cellphone ang ginagamit ko ngayon Viber or WhatsApp, iyong voice over internet protocol. So sa tingin ko po wala pa ring malaking improvement—para nga pong wala pang improvement.

Kaya nga po importante, Commissioner Cordova, kung nanunood ka, please get in touch with my office dahil may karapatan din naman talaga ang taumbayang malaman if despite iyong assistance ng Presidente at pinagbigyan na ni Presidente iyong sinabi ng telcos na ang problema ang mga lokal na pamahalaan hindi nag-iisyu ng mga permits kaya kulang sila ng towers, eh ginawa na po ni Presidente. Binalaan niya ang mga lokal na pamahalaan, huwag kayong maging balakid, at ang tingin ko naman lahat naman po ay sumunod, nabigay na ang lahat ang permits na kinakailangan nila. Pero sa ngayon po, ang personal experience ko, wala pa rin pong pagbabago.

So kinakailangan naman po talaga na makita natin ang pagbabago at kinakailangan talagang pumasok na iyong ating third telecoms player – ang DITO.

USEC. IGNACIO:  Ang second question po ni Sam: Mayroon din po kayang update regarding po sa reforms and investigation sa PhilHealth, hanggang kailan po this month po will President Rodrigo Duterte give PhilHealth President and CEO Dante Gierran to submit his accomplishments?

SEC. ROQUE:  Naiintindihan ko po iyong tanong na iyan kasi nagbigay nga po ng deadline ang ating Presidente na Disyembre. Pero in fairness po sa PhilHealth, napatupad na po iyong sinabi in Presidente na balasahin ang lahat po ng regional vice presidents at senior vice president ng PhilHealth dahil alam naman natin na familiarity somehow, iyon nga, affects accountability. So lahat po iyan nabalasa na.

Pangalawa, nagkaroon na po ng consultations with medical professionals kung paano nga maiiwasan iyong fraudulent claims at nagkaroon na rin po ng dayalogo sa mga panig naman po ng mga dialysis owners.

So, patuloy naman po iyan. Pero siyempre po ako rin bilang pangunahing author ng Universal Health Care ay nais ko ring makita iyong malawakang pagbabago po sa PhilHealth. Pero ngayon naman po, mayroon, naparami na po ang ating libreng dialysis. Hindi na lang po iyan 80 dati, ngayon parang 133 plus na. So nakikita naman po natin na kapag binabawasan ang korapsyon, napapadami po ang benepisyo para sa ating mga mamamayan.

USEC. IGNACIO:  Last question po ni Sam: May new commitment na po kaya ang Senate and Congress when they will submit the 2021 national budget sa Office of the President?

SEC. ROQUE:  Well, it has to be this month. Kasi ipa-publish pa po iyan at siyempre kinakailangan din ng kaunting panahon naman ng Presidente natin para busisiin at tingnan kung siya po ay mayroong mga linya o iyong mga line veto na gagawin sa budget. Pero we hope po, if not this week, then the next week, because otherwise baka maubusan po ng panahon na rirebyuhin din naman po natin iyong binuong budget.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  I just want to find out, data from the Philippine Chamber of Commerce and Industry disclosed that for the third quarter, 50% of Micro and Small Medium Business have closed, while 20% managed to keep their employees on rotation basis. The figure of the unemployed does include those in the informal sector. What intervention has the government implemented because there is this perception that the delivery of assistance is bit slow?

 SEC. ROQUE:  Alam po ninyo, talaga iyong assistance kumbaga panacea po iyan ‘no, hindi po iyan talaga ang solusyon. Ang solusyon ay buksan ang ekonomiya. At iyan po ang ginagawa natin dahil kapag bukas and ekonomiya, makapagtatrabaho ang mga tao, may negosyo, may kikitain ang lahat.

So iyong limitado pong pondo ng gobyerno binigay po natin lahat iyan, bilyun-bilyon po ang binigay natin lalo na sa small and medium scale pero ang katotohanan po niyan ang talagang solusyon diyan eh mas magbukas pa ang ekonomiya. At kaya naman pong gawin iyan kung tayo po ay mag-iingat ng ating mga buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  For Dr. Bravo, good afternoon. Marami pong mga kumpanya ang may ginagawang bakuna. Ano po iyong pinaka-requirement natin bago tayo maglagak ng salapi in earnest money kumbaga sa mga kumpanyang ito? Will you require them to submit their third phase noong kanilang pagsusuri sa kanilang mga bakuna?

DR. BRAVO:  Thank you very much for that question, Melo. Actually, importante dito na nakikita mo talaga iyong scientific data ng phase 1, phase 2. Iyong phase 3 ang nakikita natin sa Amerika, dahil gusto nila talaga na mapabilis ang development, iyong Amerika naglagak na kaagad ng 2 billion sa Moderna eh para mapabilis iyong kanilang—sila iyong unang-una eh, March pa lang nag-umpisa na silang mag-trial. Ang US nagbigay na agad hindi pa tapos iyong phase 1 kasi gusto nila talaga na mapabilis ang development. Ngayon nasa phase 3 na at nag-a-apply na lang emergency use iyong Moderna at saka Pfizer di ba.

So sa atin naman, medyo hindi naman tayo ganiyan kabilis; hindi tayo industrial country. So tayo susunod na lang muna, ‘di ba. Makikita natin siyempre iyong ginagawa ng ibang kumpanya, whether it is Moderna, Pfizer, Astra, J & J.

At ang ating FDA, iyon ang sinasabi ko lagi puwede bang pagkatiwalaan natin ang ating mga scientist sa FDA na bago sila magbigay ng kanilang go signal sa isang bakuna ay i-investigate nila iyan. At ito pa hindi naman porke’t nabigyan ng go signal ng FDA eh kukunin na natin as the national immunization program. Pagkatapos iyan aprubahan ng FDA, dadaan na iyan sa what we call national immunization technical advisory group. Okay? Para sila nag magdesisyon kung iyan ang bakunang nararapat para sa ating bayan.

Ngayon iyong una mong tanong: Dapat bang bigyan ng advance market commitment kung hindi pa tapos? Nakasalalay iyan sa ganda noong phase 1, phase 2, sa mga advice na makukuha mo sa eksperto sapagka’t sa ngayon ay nag-uunahan ang mga bansa na makakuha ng unang lalabas na bakuna. Dahil sa danger at dahil sa dami ng namamatay at nagkakasakit, nag-uunahan. So hindi natin alam, kapag nahuli ka sa pagbibigay ng iyong advance market commitment, possible kang mahuli. At ako naman naniniwala doon dahil nakita ko na rin iyan sa buong mundo, talagang even WHO is trying give an equity. Sabi nga niya, sige tigti-ten percent na lang muna sa bawat country, kapag may nakita na silang bakuna.

Ibig sabihin niya talagang dapat vigilant ka, dapat advanced ka talagakasi kung hindi ay kawawa ka naman kapag ikaw na lang iyong natitirang walang bakuna, lahat sila nakakuha na ‘di ba? Iyon lang.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Kumustahin ko lang po iyong status kaya ng Russian vaccines at iyong Chinese vaccines, ano po ang impormasyon ninyo?

DR. BRAVO:  Okay, lahat iyan ay dumadaan sa phase 1, phase 2, phase 3, ‘di ba. Alam na alam na natin iyan, madalas kong i-lecture iyan. Ang Gamaleya at Sinovac ay nakapag-produce na ng phase 1 at phase 2 nila, okay, iyon tinitingnan lang iyong nauunang safety at saka iyong first two to three months of efficacy. Meaning to say, okay first three months pa lang iyan na effective siya. Pero first three, doon mo makikita gaano katagal iyong efficacy at iyong safety.

So iyong phase 3, hindi pa nila pinapakita, iyon ang hindi natin ngayon masasabi, ‘Okay, gusto mo na ba iyan?’ Pero sa phase 1, phase 2 mukhang maganda. Pero sabi ko nga, hindi madaling desisyunan iyan kung hindi mo talaga nakikita iyong full scientific data, doon tayo magtitiwala sa mga eksperto na tumingin noong phase 3 data. Pero phase 3 naka-advance talaga, advanced talaga masasabi natin ang Pfizer, ang Moderna, okay ang Astra at J & J.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Okay.

DR. BRAVO: As far as we know, iyon ang nakapag-produce ng Phase 3 data na nakakapagbigay nitong efficacy na ito. Iyong sa Gamaleya eh nandoon pa lang sila sa Phase 2 to 3.

Kasi alam mo, kaya napabilis ang vaccine development, hindi kagaya noon na tatapusin mo muna iyong Phase 1, mga dalawang taon tapos Phase 2 gagawan mo na naman ng another two years, tapos saka ka pa lang gagawa ng Phase.

Ang ginawa dito sa COVID, pinagsasabay iyong Phase 1, after two months pasok agad ang Phase 2, okay, tapos iyong Phase 2 hindi pa tumatagal nang six months ilalagay na nila agad iyong Phase 3. Ibig sabihin, parang nagsa-simultaneous para mapabilis at makita kung gaano ang efficacy at least, at safety.

Kasi iyong safety, usually first six months alam mo na agad eh kung mayroong masamang mangyayari and then iyong efficacy at least kung makapag-protect ka ng at least six months, biro mo, ang daming namamatay in six months lang. Eh kung makapagbigay ka ng bakuna na makakapagligtas ng buhay nang six months, o ‘di ang dami na noong nailigtas.

Iyon ang sinasabi natin kung bakit napapabilis ang vaccine development. Plus, be sure o kailangan maliwanagan din natin na iyong Coronavirus 2 mayroon na iyang previous vaccine development sa Coronavirus 1.

So, hindi iyan porke’t sinabi mong ngayon lang lumabas ay talagang napakabilis, eh hindi! Mayroon ng ginawang development doon pa lang sa 2003, iyong tinatawag na mRNA na ginawa ng Pfizer at Moderna, sampung taon nang pinag-aaralan iyong genetic type of vaccine. So, ginagawa na rin iyan sa iba kaya lang ngayon talagang parang napakabilis dahil kailangang pabilisan.

SEC. ROQUE:    Okay… Oo—

DR. BRAVO: So, huwag tayong magsabi na, “Ay, naku! Napabilis iyan masama iyang bakunang iyan!” Hindi po, sapagka’t nakikita na natin iyan. Mabilis talaga dahil mayroon ng mg previous na mga bakuna na ginagawa. 230 years na po ang vaccine development sa buong mundo, nauna pa ang bakuna kaysa sa mga gamot.

SEC. ROQUE:    Ma’am?

DR. BRAVO: Kaya sana naman pagkatiwalaan natin iyan.

SEC. ROQUE:    Pasensiya na po at marami pa pong magtatanong. So thank you very much, Melo, but nagti-text sa akin iyong mga kasama natin, gusto na nilang magtanong. Sorry po.

Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Sir, first question tungkol po doon sa sinabi ni Secretary Año kagabi na there will be strict observance of protocols during the holidays. First question on this, sir, if this is the case what’s the reason or rationale behind po doon sa further easing of age restrictions when we are worried about a possible post-holiday surge? What’s the Science that was considered behind this? Hindi po ba potential carriers, as what has been mentioned before, ang mga bata?

SEC. ROQUE:    Well, alam ninyo po, lahat naman talaga eh kinukonsidera. Alam natin na habang wala pang bakuna eh patuloy pa rin ang problema natin pero kagaya po ng tinanong nga ni Melo Acuña kanina, talagang tayo na po ang pinakaapektado pagdating po sa hanapbuhay sa buong rehiyon, ano. Tayo kasi iyong pinakamabagal magbukas din.

Ito naman po ay subject pa rin sa guidelines ng bubuuin ng Metro Manila Council at ng mga iba’t-ibang lokal na pamahalaan. So, pangangalagaan din natin na hindi magiging super spreaders nga ang mga bata kaya nga po ang isang basic requirement dapat kasama nila ang kanilang mga magulang.

Pero talaga pong napakadami ng walang trabaho dahil dito sa pandemyang ito. Ang kinakailangan po natin habang hinihintay natin ang bakuna eh we need to live with the virus at kaya po natin iyan kung pangangalagaan natin ang ating mga buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Kumbaga, sir, it’s a way of reviving the children’s industry? Iyong mga apektadong industry?

SEC. ROQUE:    Hindi naman po industry but it’s really to invite families to visit the malls again dahil ngayon po talaga maski tayo ay nagluwag na, maluluwag po talaga ang mga malls. Talagang hindi po lumalabas pa rin ang ating mga kababayan and it has gotten to the point nga, na alam ninyo naman, na we’re now worst off, ano.

Lahat naman ng buong mundo eh kinakatakutan ang virus pero tayo talaga ay naging super restrictive pagdating sa movement kaya po binubuksan na po at ito po ay nanggaling mismo kay Secretary Año kagabi po ano.

So, kaya naman po, kaya nating magkaroon ng hanapbuhay, pag-ingatan lang ang mga buhay.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Sir, second. Clarification lang po doon sa Christmas parties. Tama po, prohibited po ano and even mass gatherings but how are we going to reconcile this with the provision under GCQ that mass gatherings are allowed up to a certain capacity? Will this be suspended in light of the holidays and is it really realistic, sir, to prohibit mass gatherings?

SEC. ROQUE:    Well, unang-una po, this is number one,  kapag indoors po, limited pa rin tayo to ten pero pagdating po doon sa mga commercial establishments dahil mayroon na tayong established na na mga guidelines, we can go up to as much as 50% of the capacity.

So, sa akin, wala naman pong inconsistency roon, we just have to balance – kabuhayan with iyong pag-iingat laban sa COVID-19.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Sir, just to set the record straight, banned po or prohibited ang Christmas parties?

SEC. ROQUE:    Well, ang Christmas parties po na malawakan, prohibited po iyan. Iyong mga pagdidiwang, sana nga po maliliit na pamilya lamang. Tapos ngayon po ang suhestiyon ng ilan, iyong mga restaurants magsimula na rin ng outdoor tables kasi mas safe po talaga kapag outdoors. So, parang feeling Paris. I think I agree with that suggestion.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Sir, third question regarding the Bantayan incident lang po. I understand in your statement that you mentioned that you did not violate quarantine protocols in the event and that the officials were caught by surprise with the turnout of guests. You’re getting a lot of reactions for this, how do you wish to respond, sir, doon po sa mga nali-liken ng incident sa mañanita ni General Debold Sinas in a way or in a sense that he was also just caught by surprise?

SEC. ROQUE:    Well, unang-una po ano, apat na events po iyan sa Bantayan: The opening of the airport; pagkatapos iyong Santa Fe, umikot po kami. Ano bang tawag doon? Suroy-Suroy Santa Fe where people also observed social distancing; tapos ito pong Madridejos.

Ang tingin kong nangyari sa Madridejos, unang-una, diyan lang po kami pinagsalita ni Governor Gwen, so I think people were excited, overtly excited. At pangalawa, medyo umambon po noon, although, ang hindi po naa-underscore eh sa beach po ito nangyari; at pangatlo, iyon nga po pinaalalahanan ko po ang crowd.

Pinagalitan ko sila kasi sabi ko kinakailangan abutan ninyo ang bakuna, iyan ang kagustuhan ni Presidente, anong gagawin? Ibinigay ko iyong mic. Okay… “Mask, Hugas, Iwas.” So, sabi ko kayo hindi kayo sumusunod sa iwas. But in any case, alam ninyo, ang ikinasasama ng loob ko po, eh naku, ako po ang pinuruhan! Pinuruhan ako ng – hindi ko alam – hindi naman CNN, because CNN’s reporting was fair because you actually had a reporter there, okay.

So, Sabado walang incident iyan doon sa CNN report and I commend you for that. Lumabas po ang adverse coverage noong Monday na and the Inquirer asked for my statement on a Sunday na and the incident happened on Friday.

Ang ikinakasama ko ng loob, bakit ako pinupuruhan palagi ng Inquirer at ng ABS-CBN? Bakit noong nakikita ninyo sa screen si VP Leni nakipag-handshake-handshake pa, o hindi ba violation ito ng restriction on social distancing? Ang tanong ko naman sa mga media na mga kasama natin, patas sana.

Ako, on record ako sinabi ko sa kanila, hindi kayo sumusunod sa pag-iiwas at ang ginawa ko na nga lang, sinabi ko doon sa Mayor, let’s end this program; and true enough, in less than an hour naman natapos iyong program.

Pero bakit ako nga purong-puro pero si VP Leni, ayan, bakit ni isang mention in any of the mainstream media wala? Wala ang Inquirer, walang ABS-CBN, hindi ba? So sa akin lang, let’s be fair.

There’s going to be an investigation – well and good! Para maipakita na pinaalalahanan ko pa iyong mga tao na mag-iwas. Siguro po ang hindi ko lang na-realize is I’ve come to a point na talagang ang mga tao lalabas para makita ako. So ngayon siguro po hindi na ako lalabas kapag may mga crowd ano, as much as possible ano.

Pero malayo kasi sa isip ko iyon, hanggang ngayon hindi ko pa tanggap iyon kaya nga tuwang-tuwa iyong mga vloggers ng dilawan. Pero anyway, iyon lang po, let’s be fair.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:   Sir, while we do not know the circumstances surrounding iyong sa events ni Vice President Leni, I think the main consideration is that there was indeed a mass gathering with protocols violated. But, sir, in another topic, sir, naalala ko lang, sir, kasi last time when you had Congressman Suarez as your guest, he called you Senator Roque and then he took it back, sabi niya sa 2022 pa raw pala. So, the question is, will you be running for senator in 2022, Secretary?

SEC. ROQUE: After what I’ve seen with the kind of media reporting and the kind of trolls that the opposition has, I’m looking forward to retirement from government service.

Alam ninyo po, buong buhay ko, I’ve always been a private person. I only became a government employee when I became a congressman in 2016. And I’m happy to say that actually I have been there and done that, and I look forward to having my privacy again come 2022.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Pa-clarify po what exactly is the President accusing the so-called legal fronts of doing since being affiliated with the communist party is not by itself a crime? What crimes did these legal fronts commit, if any?

SEC. ROQUE: Well, if it may not be a crime but they have consistently been lying. Kasi nga sinasabi nila iyong mga legal fronts nila have nothing to do with the CPP. Eh ako naman, hello, since the time of Cory, na-decriminalize na nga iyong pagiging member ng CPP. Come out with it and admit, “Oo, member kami ng Communist Party of the Philippines.”

But the crime is, the New People’s Army because that is a crime of rebellion, taking up of arms against the government, killing civilians and soldiers. So, ang hirap kasi sa kanila, hindi mo naman kasi mahihiwalay talaga iyong CPP sa NPA kaya nga ang mga statements nila always signed, CPP-NPA. So iyon po iyong iligal doon. The fact is, kung ikaw ay member ng CPP, puwede kang maging ligal but you have to renounce the use of arms.

Eh magagaling naman sila sa parliamentary politics, nai-elect naman sila, pinakamarami sila sa partylist groups, bakit hindi pa nila i-renounce iyong use of arms. Iyon lang po ang hinihingi. Pero habang hindi nila niri-renounce at habang sila ay nakikibahagi pa dito sa paggamit ng dahas at sandata laban sa Republika, kriminal po iyan.

Pero first and foremost, let’s be honest. Itigil na iyan na nagsisinungaling pa sila na red tagging – eh red naman talaga sila sabi ni Presidente. Totoo naman po iyan eh. Ang hinihingi lang natin, you can be a red without necessarily endorsing the use of arms.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Leila Salaverria: Now that he has branded several groups as communist fronts, what does he plan to do about them?

SEC. ROQUE: Well, iyon lang po – unang-una, to expose their lies. Personal knowledge po iyan ha. Si Congressman Zarate cannot deny that; matagal na silang magkakakilala. At saka ang Presidente mismo admitted more than once na he was part of the legal front. Iyon precursor ng Karapatan, he was head of that group in Davao. So alam niya iyong link between these legal fronts—kaya nga legal po para kunwari hindi sila kasapi doon sa CPP-NPA.

Ang problema nga po kasi, the communist party does not stand alone in this country; otherwise they will run for partylist. Palagi nilang kadikit iyong ‘dash NPA’ and that becomes criminal.

USEC. IGNACIO: Question from Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Please clarify po the government’s ban on Christmas parties, caroling and large family reunions. Will the government enforce these restrictions across the country? What will happen to those who violate the ban on mass gatherings?

SEC. ROQUE: At the very minimum, they will be asked to disassemble, okay. Pero depende rin po sa ordinansa kasi wala po tayong pang-nasyonal na batas tungkol rito. Pupuwede po sigurong fine kung iyan po ay provided in a local ordinance; pupuwedeng iba pang parusa na nakalagay po sa local ordinance. We’ll have to check iyong ordinance in effect po.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Now that the President openly po tagged militant partylist group as legal fronts of CPP-NPA, what will happen next? Please elaborate daw po on the alleged involvement in the grand conspiracy to bring down the government? Will sedition charges be filed against them?

SEC. ROQUE: Hindi nga po pupuwedeng sedition, na-decriminalize na po iyan during the time ni Presidente Cory and I agree na mere membership alone should not be criminal. Pero iyon nga po, hindi ko nga maintindihan na nanalo na nga sa eleksiyon bakit hindi pa i-renounce ang violence. Iyon lang ang hinihingi ng Presidente, renounce it kasi hindi po tama na Pilipino, pumapatay ng kapuwa Pilipino.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir!

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hindi ka tatakbo sa Senate, sir?

SEC. ROQUE:   Ay naku, okay na ako sa buhay ko. For 54 years of my life, 50 years of it I was a private citizen. Para bumalik ako doon sa dati kong role na kakalabanin ko na lang iyong mga presidente. [Laughs] Mukhang mas masaya iyon.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Depende kung sino. Sir, anyway, okay, doon muna tayo sa topic na iyon. Okay, iyong kay Vice President, puwede rin naman na—iimbestigahan ba iyon ng IATF?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo, hindi naman hiningi ng Inquirer at ng ABS-CBN iyan eh. So ang sa akin lang is, bakit nga ako iyong pinuruhan. Hindi ko maintindihan. Ako, nakita ko na iyong picture na iyan. Hindi naman namin pinapansin iyan because alam naman namin kasi, kaming mga may karanasan sa pulitika na anong magagawa mo ‘no eh binibigay iyong kamay. Sa akin parang let’s just be fair. It’s an appeal to our colleagues in the media ‘no – let’s just be fair.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, your comment: Sabi ni SOH kahapon, ni Health Secretary Francisco Duque III, na for the Christmas holidays, he would rather that the public defer iyong travel plans nila. Your comment first?

SEC. ROQUE: Well, ang sa akin po, marami na pong nagbubukas talaga ng mga tourist spots sa Pilipinas. At siyempre po, hinahayaan natin magbukas iyan dahil kinakailangan din ng ekonomiya. So I think we really have to balance it ‘no. Bigyan naman natin ng hanapbuhay iyong mga nasa sektor ng turismo. Pero gaya ng aking sinasabi ‘no, puwede naman po. At ito ang sinasabi ni Presidente: mag-mask, maghugas, mag-iwas.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, I understand sila Secretary Galvez has already draft ‘no parang Christmas guidelines just to harmonize and put together once again as a reminder for the people iyong mga things that they should be doing and not be doing. For example, probably you could input iyong mga guidelines on testing when they travel, when go out. Would you be releasing such a thing? And then, sir, baka kasi the reason why there’s a focus on you is that, you are advising mask, hugas, iwas and  yet you will be found in… for example, your golf teams or iyong mga public events. I mean, the onus is higher probably for you because you’re the ones convincing the public to follow certain rules. So those two aspect, sir.

SEC. ROQUE: I disagree po, that’s absolutely no basis. Itong pinapakita ko po is proof. Pinupurahan lang ako dahil ako ang mukha ng Presidente, na once a week ang Presidente nag-a-address, ako thrice a week. So I’m the face of the government as spokesperson.

At siyempre po, iyong mga Pinoy Ako Blog, siyempre hindi nila sisitahin si Leni, si VP Leni dahil ang gusto lang nilang gustong sitahin ay iyong mga taong gobyerno to discredit the government. So malinaw iyon, Joseph. Ikaw naman, oo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong guidelines, do you think that this is necessary for the public to have, you know, parang a harmonized guidelines just to guide them in the coming holidays?

SEC. ROQUE: Mayroon naman po tayong omnibus guidelines ‘no. So siguro po we will come up with dissemination materials in time for Christmas para mas madaling matandaaan at maalala ng ating mga kababayan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, short na lang. May difference pa ba, sir, MGCQ at GCQ? Kasi parang, well, mukhang in name is GCQ but in essence it’s like MGCQ already.

SEC. ROQUE: No, big difference. Big difference kasi talagang ang GCQ, limited pa rin ang gatherings at bawal pa rin talaga iyong mga theaters, iyong mga mass gatherings. Samantalang sa MGCQ, where Bantayan was, eh mas relaxed ‘no.

And what I would suggest nga is guidelines in open air venues ‘no. Alam ko dapat ma-observe talaga ang social distancing, and I reiterate, I reiterated this to the people ‘no pero dapat siguro talaga linawin talaga iyong mga iyan. So iyon po iyong big difference – wala pa rin talagang mass gatherings except for the increased capacity in restaurants pagdating po sa GCQ.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last: Iyon pong Makabayan, ang sinasabi nila is iyong mga tirades ni Presidente is to discredit them in the coming elections?

SEC. ROQUE: Alam mo, katotohanan lang iyong sinasabi ni Presidente. Alam ko rin iyan, having spent more than, what, 15 years in UP as a student and another 15 as professor there. Alam po natin iyan, bakit pa kasi dini-deny. Hinihingi lang natin, buwagin ninyo na iyang mga partylist ninyo, tawagin ninyo nang CPP. Pero huwag na kayong susuporta sa NPA, dahil iyong pagsuporta sa NPA makes it illegal.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE: Thank you po. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, tanong mula kay Virgil Lopez ng GMA News: Can we ask for clearer guidelines daw po on allowing minors to go to malls? Do we have a specific age group for this? Won’t this imperil the safety of the children?

SEC. ROQUE: Gagawin pa po iyan ng Metro Manila Council at ng mga lokal na pamahalaan. Kapag lumabas na po iyan sa Metro Manila Council, that will be applicable to the entire Metropolitan Manila Area.

USEC. IGNACIO:  May we know if family reunions are banned or just discouraged? Interior Secretary Eduardo Año said yesterday that family reunions are mass gatherings which remained banned under community quarantine protocols?

SEC. ROQUE:  Under GCQ, limited po iyan, kung talagang up to ten. Pero kung  gagawin nila sa restaurant, up to 50% capacity.

USEC. IGNACIO:  Tanong po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online. Reaksiyon po sa sinabi ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate na diversionary tactic lamang ang mga pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga mambabatas para mawala ang mga mahahalagang isyu sa mata ng publiko. Inilarawan pa niya si Pangulong Duterte bilang dumi ng aso. Sinabi pa ni Zarate na hindi bago ang pag-take ng Pangulo sa kaniyang mga kritiko sa weekly address at kahapon nga ay sila naman ang target ng mga tirada nito.

SEC. ROQUE:  Magpakatotoo ka. That’s all I can say and I have to say to him.

USEC. IGNACIO:  Tanong po ni Kit Calayag ng Manila Times:  In his SONA last July, President Duterte challenged telcos to improve their services before December or they may face closure. December na po, marami pa rin pong nagrireklamo sa mabagal na internet connection sa bansa, lalo na ngayong marami pong work from home at nag-o-online class. Ano po ang pinaplanong gawin ng administrasyon to solve internet problems in the country?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, nasagot ko na po iyan at kinumpirma ko na ang karanasan natin ay talagang ganiyan din ang nararamdaman ng buong bayan, at si Presidente rin siguro napapansin niya wala pa ring improvement. So hinihimok ko po ang ating mga telcos: Ano naman po ang isusukli ninyo matapos kayong pagbigyan ng Presidente doon sa hinihiling ninyo na mas mapabilis iyong pag-approval ng mga telecom towers? Tingin ko naman siguro dahil nakuha na nila iyong mga approval, it’s a matter of installing the telecoms towers. Pero I would like to invite both companies to submit to us, iyong mga bagong towers na naitayo na nila and I really want them to commit kung kailan sila magkakaroon nang mas mabuting serbisyo.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, first doon po sa IATF resolution on StaySafe. Sir, can we just get the confirmation, has StaySafe developer MultiSys entered into a MOA with the DOH?

SEC. ROQUE:  Yes. That’s in place.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Sir, can we know what date the MOA was signed?

SEC. ROQUE:  Naku, hindi ko na maalala! But that settled the issue of privacy kasi eh because they assigned all the data to the DOH. Oo, If I am not mistaken ‘no, that was that MOA that enabled DOH to be satisfied as far as data privacy is concerned. Now, iyong specific guidelines, iyan po according to DICT, binubuo pa nila. Pero iyong agreement is in place, kaya nga po walang objection as far as data privacy is concerned.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  But, sir, if you can follow up on the date, we would really appreciate the actual date of the MOA signing.

SEC. ROQUE:  I will verify with the DOH. But thank you for that question. Let’s look for that signed MOA. Basta ang alam ko, the last time we launched it, it could not have been launched without an agreement with the DOH that they will have ownership of all the data to be gathered by StaySafe. Because I was there at the launch eh.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  With the relaxing of the rules, is it safe to say that in GCQ areas people can now go out for leisure purposes as long as they follow minimum health standards? Ganoon na po ba iyon? 

SEC. ROQUE: Well, puwede po silang mag-malling. Ang mga parks, I think are, hindi ko alam kung bukas na ang Rizal Park, hindi pa yata bukas ang mga parks. Pero at least sa restaurant at saka sa mga malls ‘no and then there’s a significant increase na in the number of people that can attend religious services indoors. Pero hindi pa po talaga balik kasi iyong mga sinehan, sarado pa; iyong mga kids’ industries sarado pa. Wala pa rin tayong mga provincial buses except for limited ones. So, tight pa rin po ang restrictions somehow.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  And, sir, last question. Sir, last night doon sa outburst ni Presidente. Sir, why doesn’t the President wait for the courts to decide whether or not these progressive groups or terror groups are guilty of any kind before red tagging them? Kasi, sir, what does they say about how the government respects for example their right to be presumed innocent before guilt is proven and  also, sir, due process?       

SEC. ROQUE:   Alam mo, number one, lilinawin ko, being a communists is not criminal. Mayroong personal na knowledge si Presidente na si Zarate at mga partylist group na kaalyado ng Bayan Muna ay talagang mga komunista. Uulitin ko po, ang problema lang diyan, iyong CPP-NPA. So there is no need for the President to wait for a court judgment kasi iyong mere membership sa CPP, hindi naman po iyan makakarating sa hukuman. It’s the fact that there is really a tie that binds the CPP with the NPA.  So, hindi po iyan red-tagging.  It’s a statement of fact dahil may personal experience po si Presidente, lalung-lalo na kay Congressman Zarate.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  In that case, sir, if hindi naman problema iyong being part of the CPP, then why is the President so angry? And if then you say that the issue at hand is membership in the NPA – hindi ba, iyong renouncing armed struggle – then why doesn’t the government first prove that they actually are involved in armed struggle before railing about them and parang labeling them as parang co-conspirators of the NPA?     

SEC. ROQUE:  Nakakabuwisit kasi nga nagsisinungaling pa na hindi sila mga komunista. Komunista sila talaga, hello. Kaya nga naiinis si Presidente. Now, as to whether or not we need to prove that NPA is engaged in an armed struggle, again, hello, sino ba naman ang kailangan pa ng pruweba that the NPA is engaged in armed struggle ‘no.

PIA RAÑADA/RAPPLER: No, sir, that these people are engaged in armed struggle. [Overlapping voices]  

SEC. ROQUE:  Kaya nga po ang hinihingi ni Presidente, ni SND, i-renounce lang nila iyong armed struggle, walang problema.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Sir, iyon nga, nag-renounce na po sila sa Senate hearing. For example, si Teddy Casiño was saying that Bayan is not engaged in armed struggle or violent overthrow of the government, I mean, is this not enough?

SEC. ROQUE: They should say that the NPA should not engage in armed struggle, okay? Okay, thank you very much, Pia. Back to Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Question from Joey Guillas of PTV: After the President’s announcement po of NCR being under GCQ until po the end of the year, can we at least expect a greater relaxation of restrictions in various business sectors to further boost economic activity? And which economic sectors may expect more relaxations under the end of the year?

SEC. ROQUE:  Halos lahat naman po ng industriya ay binuksan na. Ang hindi lang ina-allow sa GCQ nga po, iyong mga sinehan, iyong mga kid industries, iyong mga maramihang pagtitipon ng tao. Pero halos lahat po ng industriya binuksan na, if not 100%, then 50%.

USEC. IGNACIO:  From Kit Calayag of Manila Times: Ipapasara po ba ng Pangulo iyong mga telcos na hindi po nagpo-provide ng reliable internet service sa publiko?

SEC. ROQUE:  Hayaan po ninyo, binibigyan lang natin ng pagkakataon na magpakitang gilas ang telecoms dahil pinagbigyan naman ng Presidente ang kahilingan nila. Natatandaan ko po iyong pagmi-meeting na iyan, dumating iyong presidente ng Globe, pero ang hinihingi niya ay dapat mapabilis ang pagtatayo nila ng tore – pinagbigyan po ng Presidente. Pero if you ask me po, iyon na nga, ano naman ang kapalit niyan? Baka naman hindi tore talaga ang problema dahil hanggang ngayon po, parang hindi nag-improve.

USEC. IGNACIO:  From MJ Blancaflor of Daily Tribune: How will the Palace respond to the fresh reminder of the CHR that red tagging endangers lives and that there must be a delineation between those who think differently against government and those who have taken up arms against government?

SEC. ROQUE:  Alam mo, that’s a naivety at its best. Alam po ng President na kung sino ang mga taong iyan ‘no. At alam na po ng Presidente na hindi po red tagging iyan, red talaga sila! Siguro it’s for CHR to do its own research.

USEC. IGNACIO:  Pahabol po ni Trish Terada:  Si Sir Popoy De Vera daw po was quoted saying the IATF already approved limited face-to-face classes and it is now allowed in low risk areas. Is this confirmed, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Hindi po, naghihintay pa po tayo ng instruction sa Presidente. Bagama’t mayroon pong paghahandang ginagawa ang DepEd, hindi pa po allowed yan dahil hindi pa po pumapayag ang Presidente. Nilinaw nga po ni Secretary Briones na iyong programa ni VP na mayroong face-to-face, wala po iyang approval ng DepEd at iyan po ay ipinagbabawal pa.

Ito po iyong IATF Resolution 45 – for the benefit of Pia – IATF Resolution number 45, dated June 10, 2020, Memorandum of Agreement between MultiSys Technology Corporation and the Department of Health is forged regarding the donation and use of StaySafe.ph which shall include the source code, all data, data ownership and intellectual property of MultiSys to DOH. It is also agreed that DOH shall accept the StaySafe upon issuance of a certification for the Department of Information Communications and Technology that the donation is technically feasible and secure, systems are compatible and arrangement is compliant with data privacy laws.

USEC. IGNACIO:  Question from Raffy Ayeng of Daily Tribune: DTI Secretary Lopez po said there is no problem in remitting the balance of interest income earned from the funds of the PITC. He has explained in last week media interviews that this allegedly parked funds are ongoing projects. If so, what will happen to those projects? Mahihinto na po ba ang implementation nito since dumaan na ito sa bidding process and deemed on-going na siya?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Nilinaw nga po kagabi, hindi na lang pinakita, pero ang sabi ng Presidente, tama na isa-isahin kung ano iyong itutuloy at hindi itutuloy. Pero iyong mga pinapatupad na at different stages of procurement, hindi po iyan makakansela, kasama na po diyan iyong P11 billion plus na pera na nanggaling po sa DND for the AFP modernization.

USEC. IGNACIO:  Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:  Okay, wala na tayong katanungan? So anyway, dahil wala na pong katanungan, nagpapasalamat po kami kay Dr. Lulu Bravo. Ma’am, thank you very much. I hope you can join us again in the future and I agree na kinakailangan talaga na magkaisa lalung-lalo na ang media at lahat ng disseminators na hindi naman po papayagan ang mga bakuna kung hindi po ito safe at hindi po epektibo, and we hope you can join us again.

Of course, I would like to thank also the men and women of the Malacañang Press Corps, as well as Usec. Rocky.

So hanggang sa Thursday po, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, salamat po sa inyong pagsubaybay. And, Philippines, we will heal as one. Kinakailangan mask, hugas, iwas para abutan ang bakuna. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)