SEC. ROQUE: Magandang gabi, Pilipinas—gabi tuloy. Late na kasi natapos kagabi ang Talk to the People kaya medyo nahihibang tayo ngayon.
Magandang tanghali pala po. Ngayon po ay ikadalawampu’t dalawang araw ng Disyembre, ilang tulog na lang po ay Pasko na.
So gaya ng ating nakasanayan na, nagbigay po ng Talk to the People ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte kagabi mula po sa Davao, at ito po ang ilang mahahalagang punto na kaniyang sinabi:
- Nagbigay ng pahayag ang Pangulo sa shooting incident sa Tarlac kung saan mariin niyang sinabi na hindi niya pinapayagan ang mga maling gawain ng mga abusadong pulis. Sabi nga ng Presidente, “You do it right, I’m with you. You do it wrong, and there will be hell to pay.”
- Muling inulit ng Pangulo ang kaniyang posisyon tungkol sa mga firecrackers o paputok. Binanggit niya ang isyung tungkol sa kalidad at kaligtasan ng mga produktong nabibili sa merkado, at pinagalitan ang mga manufacturers dahil hindi naglalagay ng mga tamang labels at mga babala sa kanilang mga produkto.
- Inatasan din ni Presidente Duterte ang Department of Interior and Local Government na bantayan ang pagbibenta ng mga explosives bilang bahagi ng laban kontra New People’s Army.
Nagbigay kagabi ng presentation ang ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, kung saan kaniyang ini-report sa Presidente na ibinababa na sa level ng lokal na pamahalaan ang guidance ng Pangulo tungkol sa COVID-19 na we are not safe until everyone is safe. Kasama sa guidance, which was cascaded to the LGUs, ang tungkol sa equitable access for the poor and indigents ng bakuna, ang pagbibigay prayoridad sa frontliners, health care workers, sundalo at pulis at essential workers; at lahat ng mga Pilipino ay dapat may bakuna, walang exemption.
Binanggit din ang istratehiyang gagamitin – geographical at sectoral. Sa geographical, kasama sa focus areas ang NCR, Region IV-A, Region III, Davao City, Cebu City, Cagayan de Oro, Baguio City, Bacolod, Iloilo, Zamboanga City, Tacloban, General Santos City at iba pang apektadong mga lugar.
Pagdating naman sa multiple access, ito ay magiging public-private partnerships. Sa public, magku-concentrate sa mga lugar at mga sektor na prayoridad. Sa private: sa workers, consumers market, donasyon. Sa LGUs, sa share ng national government burden.
Pinaaalalahanan natin ang lahat na umiiral na po ang 60-day price freeze sa mga essential goods sa Luzon pagkatapos magdeklara ang pamahalaan ng state of calamity dahil sa sunud-sunod na mga bagyo noong nakaraang buwan. Kasama sa basic necessities ang mga delata ng sardinas, locally manufactured instant noodles, bottled water, mga tinapay, processed milk, kape, mga kandila, sabong panlaban, detergent at asin. Nag-a-apply ito sa lahat ng mga supermarkets at grocery stores. Ang deklarasyon ng state of calamity for Luzon noong November 18 ay epektibo hanggang January 17, 2021 kaya ang presyo ng pangunahing bilihin sa listahan ng DTI ay hindi maaaring gumalaw sa loob ng panahong ito.
Para naman sa ating pang-Noche Buena, mayroong nilabas ang DTI na suggested retail prices or SRP sa Noche Buena products na karaniwan nating hinahanda kapag Pasko at Bagong Taon noong November 9, 2020 tulad ng hamon, fruit cocktail, keso, queso de bola, spaghetti, macaroni, tomato sauce, sandwich spread, mayonnaise at creamer. Naku, lahat iyan diretso sa bilbil ko. Anyway, ang presyo ng mga produktong ito sa listahan ng DTI ay nasa presyong 2019 simula noong November 15 hanggang December 31, 2020.
Nagpapasalamat ang DTI sa lahat ng mga manufacturers ng mga produktong ito sa pagpayag na bumalik sa presyong 2019 para makatulong sa mga mamimili. Maraming salamat po. Makikita ninyo po ang listahan na ito sa website ng DTI.
Sa mga consumers, kung may nakikita kayong pagtaas, maaaring i-report ang mga ito sa 1-DTI, 1-384 hotline or mag-e-mail sa consumercare@dti.gov.ph.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang global updates sang-ayon sa Johns Hopkins: Higit 77 million or 77,307,971 ang tinamaan na po ng COVID sa buong mundo. Nasa 1,701,085 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.
Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos, mayroon na po silang 18 million na mga kaso at 319,25 5 deaths. Pumapangalawa po ang India – 10 million cases; 145,000 deaths. Pangatlo po ang Brazil – 7,000,263 cases; 187,000 deaths. Pang-apat po ang Russia – 2,000,850 cases; 50,000 deaths. At ang France po ay panlima – 2,535,000 cases; 61,000 deaths.
Dito naman po sa ating bayan, ang ating active cases po ay 23,341 or 5.06%, sa numerong ito ay mayroon pong 21,252 or 91.1% na asymptomatic, mild or moderate. At mayroon po tayong 2,089 or 9% na severe or critical.
Okay, mayroon po tayong recoveries na 492,207 or 93% recovery rate. Samantalang nasa 1.94% po ang case fatality rate or 8,957 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami.
Makikita naman po sa susunod na infographics ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 by adjusted onset of illness as of December 21, 2020. Bagama’t pababa po ito, nakikita ninyo po na iyong decreasing trend is slowing down; cases have … iyong bumabagal na po iyong pagbaba ng mga kaso. Cases have plateaued and are showing initial signs of an increase in more regions. So makikita ninyo, overall pababa pa rin pero bumagal na po iyong pagbaba at nagpa-plateau na nga po. So iyan po ay indikasyon na baka sumipa muli ang COVID-19 – huwag naman po sana tayong magbagong taon sa ospital na naka-ventilator. Kaya naman pong gawin iyan sa pamamagitan ng mask, hugas, iwas.
Ito naman po ang daily attack rate sa buong bansa: Sa buong bansa po, sa Pilipinas, it’s 1.4% ang attack rate natin, iyong previous three to four weeks between November 22 and December 5. Bahagyang bumaba po ito sa buong bansa nitong recent two weeks between December 6 at December 19 – from 1.4, naging 1.32.
Pero, mga taga-NCR, bahagyang tumaas na po ang attack rate natin ha. Dati po 2.86, ngayon po ay naging 2.89 – maliit pero pataas na po. Kaya ang suggestion ko, kapag kayo ay mamimili sa Divisoria o saan mang maraming lugar, iganun ninyo ang kamay ninyo nang hindi lumapit sa inyo ang katabi ninyo dahil baka maya-maya, ventilator ang abot.
Ito naman ang health care utilization rate sa buong bansa as of December 19, hindi pa po tayo umaabot doon sa moderate ‘no, so low pa rin po tayo. Pero makikita ninyo sa graph na may dalawang lugar na na malapit na po sa moderate, ito po ang CAR at ang Region XI. So mga taga-CAR, Region XI at humahabol din po ang IV-A, naku po, anong gagawin? Mask, hugas, iwas.
Ito naman po ang temporary training and monetary facilities or TTMFs: Wala pa rin pong lumalampas sa moderate. Sa national po, mayroon pa tayong 32% lamang ang ginagamit na TTMF; at sa NCR, 21% po.
Pagdating naman po sa health system capacity indicators, makikita ninyo po na mayroon tayong 24,019 beds, iyan po iyong 22% na authorized bed capacity. Mayroon po tayong ward beds na 7,024; nadagdagan po iyan ng 111 beds. Mayroon po tayong isolation beds, 14,965; nadagdagan po iyan 3,060 beds. At mayroon po tayong 2,030 ICU beds; nadagdagan po iyan—o hindi. Nabawasan po iyan ng 62 beds. Pero ang mechanical ventilators natin po, 2,099; nadagdagan po iyan ng apat na units. Pagdating po ng isolation, mayroon po tayong 11,551 TTMFs; nadagdagan po iyan ng 18. Pero ang national po ay 167,485 beds; nadagdagan po iyan ng 2,826 beds.
Okay. Ito naman po ang—well, sa testing po ‘no. Ayan po ang ating labs ngayon, 198 labs; nadagdagan po ng lima. Accumulative tests na nagawa po nila ay 6,475,870 ‘no. Ang positivity rate po ay 8.5%. Pero kung titignan ninyo iyong seven daily DMA, tayo po ay nasa 33.574 or one percent – five percent po ang acceptable.
Panghuli po, eh nakita ninyo ba ho kagabi ang tinatawag na Christmas Star? Naku, masuwerte tayo sa henerasyon natin dahil lumitaw pagkaraan ng walondaang taon or 800 years. Matapos pong makita iyang Christmas Star na iyan, mag-aantay na naman ng 800 years. Nawa’y hudyat ito ng bagong pag-asa sa gitna ng magulong daigdig na dala ng pandemya at mga trahedya, tulad nang isilang si Hesus sa Bethlehem. Kung inyong matatandaan, magulo ang bansang Israel na kapanahunan ni Hesus at ang mga Israelite ay naghahanap ng Messiah na magliligtas sa kanila. Nawa’y ang Christmas Star of 2020 ay simula po ng isang mapayapang Pasko. May handog po kami mamaya sa inyo ha, panoorin ninyo ito maya-maya pagkatapos po ng Question and Answer.
So dahil ang request po na Christmas Party ng Malacañang Press Corps ay no more guests, wala po tayong guest ngayon so diretso na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque, and advance Merry Christmas.
Tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Sa ginawa pong krimen ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, sa tingin ninyo maaaring ikonsidera ni Pangulong Duterte ang pagbuhay sa death penalty at ano daw pong leksiyon ang maaaring makuha ng mga pulis sa ginawa ni Nuezca?
SEC. ROQUE: Well ang pagpapasa po ng death penalty, ‘pag bubuhayin po ay sa mula’t mula prayoridad ng ating Presidente pero nakasalalay po ang mangyayari diyan sa batas na iyan sa kamay siyempre ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan at ng ating Senado.
Ang puwede pong leksiyon diyan: naku mga pulis, it takes only one, one of you to destroy the reputation and integrity of the institution.
Bagama’t sinasabi po natin ngayon sa lahat na nag-iisang bugok lang naman iyang pulis na iyan eh nakita ninyo naman ang epekto. Kaya nga importante na sa inyong mga buhay, alalahanin ninyo po, hindi lang kayo si Juan Dela Cruz, kayo po’y kabahagi ng institusyon ‘no, isang institusyon na ‘pag nawala po ng tiwala ang taumbayan, ang resulta po eh magkakagulo.
So kinakailangan po mag-ingat sa ating mga pang-araw-araw na buhay, maging ehemplo na—at ipadala ang mensahe na dito sa bayang ito, dahil tayo po ay kumikilala sa rule of law, ang nagpapatupad ng batas ay siyang susunod sa batas.
USEC. IGNACIO: Question mula po kay Virgil Lopez: PNP Chief Debold Sinas said he would not suggest taking photos or videos during crime incidents. Sinas warned that taking photos or videos could put witnesses at risk. Does the Palace agree with this?
SEC. ROQUE: Well, may posibilidad po talaga na magkaroon ng… kumbaga danger doon sa buhay noong kumukuha ‘no. Pero ganoon pa man ‘no nandiyan po ang teknolohiya para mapabilis po ang paglilitis noong mga lumalabag sa batas. Kaya nga po may ilan nagsasabi dapat magkaroon ng body cam ang pulis para makita natin kung ano ang nangyayari bago gumamit ng dahas ang pulis ‘no. Kaya rin po tayo napakadaming CCTV sa lansangan para makita natin kung sinong gumagawa ng krimen lalung-lalo na iyong issue ng identification.
So sa akin po, mas mabuti pa rin na nagkaroon tayo ng ganiyang video dahil napakadali pong patunayan ang pananagutan nitong pulis na ito dahil i-authenticate lang po iyong video na iyan kung sino ang kumuha at puwede na pong matanggap iyan bilang ebidensiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question ni Virgil Lopez: Sa Davao City po ba magpa-Pasko at New Year si President Duterte?
SEC. ROQUE: Ang Pasko po sigurado pero hindi ko pa po alam ang Bagong Taon.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, USec. Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes. Good afternoon, Secretary. I wish you Merry Christmas, I’m in Manila. Dalawang tanong lang, Secretary. May kinalaman ito doon sa binanggit ni Pangulong Duterte kagabi na baka kailangang suriin iyong pamamaraan ng recruitment sa pulis para maiwasan iyong mga may kalokohan na makapasok sa serbisyo. Ano po kaya ang irirekomenda ng Office of the President para mabago ang recruitment policies at mayroon din po kayang update doon sa mga na kinasangkutan ng mga pulis sa nakalipas na sampung taon? Nagkaroon po ba ng resolution itong mga ganitong kaso? Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Well ang sabi po ni Presidente kagabi, dapat siguro paigtingin pa iyong neuro examination ng mga pulis ‘no, ito iyong neuro-psychiatric tests dahil sa pamamagitan ng test na ito makikita natin kung sino iyong mga bugok ‘no at iwasan na natin na makapasok iyong mga bugok gaya nito ‘no. So tingin ko naman po pag-aaralan pa kung papaano mapapaigting nga po na masala na ang tanging mga magagaling lamang ang makakapasok sa kapulisan.
Pero uulitin ko po ‘no, napakalaki po ng ating Philippine National Police, by and large respetado po sila dahil talagang buhay ang kanilang kapital sa kanilang trabaho, huwag naman po nating lahatin. Talagang walang hiya, bugok, gago at talagang gusto nating batukan at talagang… naku, hindi lang batok siguro ‘no, pero kinakailangan dumaan sa proseso pero hindi naman po sila lahat ay gaya nitong sira-ulong ito.
Okay, wala kang audio. Ano na po iyong updates doon sa mga kaso ‘no. Well, binigyan po ako ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana ng statistics. Ang mga na-dismiss na po from the service from July 2016 to December 16, 2020 ay 4,784; ang total demotion po – 890; ang total suspension – 8,349; ang forfeiture of salary – 658; ang reprimand – 1,803; ang restriction ay 129; ang withholding of privileges ay 226. Ang grand total po ng mga naparusahan ay 16,839.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you. Merry Christmas, Melo. Usec. Rocky, again.
USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula po kay Miguel Aguana ng GMA-7 pero nasagot ninyo na iyong ano, baka may bago lang po daw sagot kayo dito: Following the double murder incident in Tarlac, some lawmakers for calling for the reimposition or revival of the death penalty. Ano daw po ang stand ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Malinaw po ang stand ng Presidente diyan – pabor po ang Presidente sa death penalty lalung-lalo na po sa wide-scale drug trafficking pero nasa kamay na po iyan ng mga mambabatas.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Ano po talaga ang plano ni President Duterte sa firecrackers industry? Iba-ban ba ang firecrackers?
SEC. ROQUE: Sinabi po niya na sa huling taon na Pasko na habang siya’y nanunungkulan, iba-ban na po niya ang firecrackers.
USEC. IGNACIO: Kung ang reklamo daw po kasi is safety and packaging, hindi po ba option ang stricter regulation of the industry?
SEC. ROQUE: Well, inihalintulad po ni Presidente iyong ginawa niya sa Davao na absolute ban talaga sa firecrackers. So iyan po ang nasa isip ng Presidente bagama’t dahil nga po maraming naghahanapbuhay at nakasalalay ang hanapbuhay sa industriyang ito, binigyan niya ng one final year para po sila ay magbenta ng firecrackers. Pero sang-ayon po sa mga Metro Manila Mayors, bawal po iyan sa Metro Manila; at sang-ayon din po sa DILG, kinakailangan iyong mga centralized paputok lamang ang magkakaroon – ibig sabihin iyong designated firecrackers area na idi-designate ng ating mga lokal na pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: If [garbled] ban, can the government afford to shutdown an industry and handle the resulting joblessness that will result from this?
SEC. ROQUE: Well, pinagbigyan naman po nga itong mga manggagawang ito isa pang taon ‘no. So sa loob ng isang taon na ito inaasahan natin na hahanap na po ang mga apektadong manggagawa ng alternatibong hanapbuhay.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you. Trish Terada, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, ito pong brutal killing noong mother and son ‘no and involving ito pong pulis, you will say that this is an isolated case. But is Malacañang or the government interested to find out how many could have been undocumented kasi, sir, there’s public clamor ngayon dahil nakita iyong brutal na pagpatay pero paano naman daw po iyong mga kaso na hindi natin napanood o hindi nalitratuhan o na-video-han?
SEC. ROQUE: Well, kapag mayroon pong nabalita na patayan, nasa police manual po natin iyan na nagkakaroon po ng imbestigasyon. Iyan po’y kabahagi na ng SOP ng PNP. So huwag po kayong maabala bagama’t marami tayong mga kalaban na sinasabi na ito’y ebidensiya na mayroon talagang state-sponsored killing. Eh ano ba naman po state-sponsored diyan, eh buwang naman talaga iyong pulis na iyon. Ginawa po niya iyang double murder na iyan hindi dahil siya’y pulis, dahil siya po’y buang at binabalewala ang batas. Pero ang obligasyon ng estado – imbestigahan, litisin at parusahan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, itong naganap na ‘to in broad daylight, sabi po isolated case pero, sir, in the past parang napapansin natin medyo dumadami or at least nagkakaroon ng increase ng cases or incidents na nangyayari in broad daylight. Ano pong ibig sabihin nito to the government because some are interpreting this as hindi natatakot iyong mga kriminal ngayon gumawa ng mali o ng krimen? At saka sinasabi rin ng mga critics na itong brutal killing happened dahil lumakas iyong loob nila with the President’s encouragement although kagabi, sir, nilinaw naman ng Pangulo na hindi iyon ‘yung ibig niyang sabihin and that he will not tolerate it. Still, the incident happened and hindi po maihiwalay iyon sa mga previous pronouncement ng Pangulo.
Ngayon, sir, the question is: Does Malacañang realize the weight of the President’s words? And will the communication advisers of the President consider recalibrating his tone or maybe language at that?
SEC. ROQUE: Well, unang-una ‘no, I disagree po na dumadami ang krimen in broad daylight. Ang statistics po talaga na galing po sa kapulisan at sa NBI, pababa po nang pababa ang ating mga krimen dahil nga po sa naganap na mga lockdowns natin ‘no. So hindi po totoo na tumataas ang numero ng mga krimen.
Pangalawa po, sa mula’t mula po, malinaw ang Presidente dahil siya ay isang abogado, piskal pa nga po. Sinasabi niya na poprotektahan niya ang mga pulis kung tama ang ginagawa, kung mali eh talagang parurusahan. At ang sinasabi niya, ang tanging test para gumamit ng dahas ang pulis ay kung mayroon talagang banta sa kaniyang buhay. Anything short of a banta doon sa kaniyang buhay at gumamit ng dahas maybe a crime.
So, wala pong dapat i-recalibrate dahil malinaw pong sinasabi ng Presidente. Ang dapat sigurong i-recalibrate eh iyong oposisyon kasi para na silang sirang plaka.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, follow-up lang po doon sa sa question kanina na kumbaga kailangan daw pong i-reconsider iyong qualifications ng mga pulis. Sir, this one incident, is this enough to trigger a review of the policies na kung paano tayo mag-a-admit ng mga pulis natin? Kasi, sir, ‘di ba tumaas iyong suweldo and the pay became more attractive, so naturally mas marami pong gustong pumasok. So is it high time to be the… just because of this incident, high time na po ba na tingnan natin iyong quality ng existing policemen natin and at the same time iyong mga papasok? Do you agree with that?
SEC. ROQUE: Hindi naman kinakailangan itong insidenteng ito ‘no. Palagi naman talaga tayong gumagawa ng pamamaraan para makakuha ng the best and the brightest para maging mga pulis. Kagaya ng sinabi mo, mula noong dumoble ang suweldo, parang market-driven na iyong ating selection process. Dahil mataas ang suweldo, mas marami ang nag-a-apply; at dahil mas maraming nag-a-apply, mas selective tayo, tumataas ang ating standards.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, maiba lang po ako, iyon din namang sa virus, sir. Kasi, sir, palapit nang palapit na iyong Pasko and magbabagong-taon yet we’re hearing stories na some people have yet to understand the virus. So, maybe your message to the public, iyong mga hindi pa po naiintindihan iyong gravity or iyong intensity nitong virus. Kasi mayroon pang iba who tend to under estimate the virus na ang akala nila it’s just an ordinary cold or cough, regular flu symptoms na mawawala din naman po. Your message po?
SEC. ROQUE: Maraming salamat sa tanong na iyan, ‘no. Mga kababayan, ngayong panahon ng pagdiriwang ang nais po ng Presidente eh lahat tayo ay buhay at malusog matapos ang ating mga pagdiriwang. Totoo po na karamihan ay asymptomatic at mild, pero hindi po natin malalaman o masasabi na palibhasa karamihan ay asymptomatic na kapag tinamaan ka hindi ka mamamatay.
Napakadami na po na namatay, napakadami na po na sinunog nang wala na pong burol, na hindi na nakita ng mga mahal sa buhay. Sana po huwag kayong sumapi diyan sa napakaraming numero na iyan dahil ang nais nga ng Presidente – Mask, Hugas, Iwas. Kinakailangan lahat tayo ay buhay; kinakailangan lahat tayo ay abutan ang bakuna na parating na.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Spox. Maraming salamat po. Merry Christmas
SEC. ROQUE: Merry Christmas, Trish! Joseph Morong, please?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hold on, hold on. Ayan…
SEC. ROQUE: Okay lang.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hello, sir!
SEC. ROQUE: Merry Christmas!
JOSEPH MORONG/GMA 7: Magandang gabi din, sir!
SEC. ROQUE: Alam mo kung anong oras ako nagising ‘no. Go ahead, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Anyway, sir, [unclear] ko po. Sir, in what instances is a defense or a plea of insanity effective and what happens when an accused pleads insanity and he is successful, mawawala iyong kaso? I mean, possible na maabsuwelto siya?
SEC. ROQUE: Para naman itong Crim. Law 2 class, ‘no. Tinuro ko lang iyan siguro mga tatlong beses, so hindi ko memoryado. Pero iyong insanity na tinatawag na exempting circumstance o iyong depensa para hindi magkaroon ng pananagutan, dapat wala pong consent, wala talagang pag-iisip na hindi na niya alam kung anong tama at mali, iyon po iyong test diyan. Pero kung siya ay conscious kung anong tama at mali at ginawa pa rin niya, hindi po puwedeng ma-invoke iyan.
Of course, any accused can invoke that pero kumukuha po tayo ng mga expert witnesses, ng mga psychiatrist na nag-e-examine para magbigay ng expert testimony kung talaga ngang baliw at walang konsepto kung anong tama at mali. Pero pagdating naman po dito, siya ay isang pulis, siya ay isang sumuweldo na pulis. Nakita naman natin na ang kanilang pinag-aawayan ay right of way, siguro alam naman niya na talagang mali na gamitin ang baril ng gobyerno para patayin ang kalaban niya sa isang property dispute. Hindi po niya magagamit na depensa.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, he cannot invoke that, sir?
SEC. ROQUE: Wala po.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, can I go to COVID?
SEC. ROQUE: Yes, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong OCTA has a new study. Iyon muna, sir, R naught, it’s increasing – NCR is at 1.15 from 1.06; NCR is 1.03 from 0.96. There are nine of seventeen municipalities and cities in NCR that have increasing number of cases but what is more worrisome is the utilization of some provinces, of hospital utilization. For example, Batangas – 87% na iyong used nila; La Trinidad is at 76; Cainta is at 82. My question, sir, is—All right, ang sabi natin kahapon is that the quarantine classification will remain until maybe at the end of the year but what happen, sir, if in the middle these two weeks may surge? What are we going to—what can we do?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ‘no., mayroon po tayong One Hospital Command Center. Kung mapupuno po ang hospital sa isang lugar eh magri-refer po tayo sa hospital sa mga karatig na lugar, so there is no such thing as mauubusan po ng espasyo, ‘no dahil sa critical care capacity tinitingnan po natin—na iyan nga po ang ating critical care capacity, iyan po makikita ninyo na malayo pa po sa moderate ang pagpuno ng ating mga hospital bagama’t tatlong area nga po ang papalapit na sa moderate. Ito po iyong CAR, iyong Region XI at saka Region IV-A at kabahagi ng IV-A ang Batangas na sinasabi mo.
So, iyong pagtaas po ng quarantine classification isa pong aspeto diyan ay iyong daily attack rate; two-week average rate, at saka itong hospital care utilization rate. Kung magpapatuloy po ang trend siguro po sa Enero titingnan natin. Hindi lang naman tinitingnan iyong capacity ng isang probinsiya lamang tinitingnan iyong regional at saka titingnan din natin iyong karatig na region. Kasi for example, iyong IV-A puwede naman silang pumunta ng Metro Manila kung hindi rin masyadong mataas sa Metro Manila.
So, ang aking kasagutan sa iyo eh talagang unang-una, this is data driven; number two, hindi po iyan pag-aaral ng OCTA, iyan po ay datos ng DOH; at number three, kapag tumaas nga po iyong regional healthcare utilization at tumaas ang attack rate, iyan po ang dahilan para mabago ang quarantine classifications sa isang lugar.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Can we change it this December?
SEC. ROQUE: Hindi na po, pang-Enero na po iyong susunod na classification natin. At ang tingin ko nga po dahil hindi naman po—malayo pa tayo sa moderate sa Metro Manila, ang mga lugar na titingnan natin ay iyong CAR, iyong IV-A at saka ang Region XI, iyan po ang mga candidates na baka mabago pa ang classification.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last na lang. From the Presidents statement last night on Pfizer. Ang sabi niya if I remember it correctly, wala tayong bakuna from Pfizer because America is using it, I mean na-corner nila iyon pero when he said na wala na tayong bakuna sa Pfizer, what does he mean by that?
SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, wala noong Enero, walang darating sa Enero kasi nga po kinuha na ng Amerika at iba pang mga mayayamang bansa kasama na po diyan ang Singapore. Siya lang po iyong hindi talaga European o American state na nakakakuha pero alam naman natin na mayaman na po ang Singapore.
Magkakaroon din po tayo diyan, in-assure po tayo ni vaccine czar Galvez na itong buwan na ito hindi bababa sa apat na kumpanya ang magpipirmahan na para sa supply. At ang Pfizer kampante pa rin po ang ating Secretary Galvez na pagdating ng third week ng taong darating eh magkakaroon pa rin tayo ng Pfizer.
Pero hindi ibig sabihin na wala tayong bakuna dahil ninanais nga po natin at sinisiguro na sa first quarter pa lamang magsisimula na tayo ng pagbabakuna.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Sir, thank you for your time. Merry Christmas in advance!
SEC. ROQUE: Merry Christmas, Joseph! Thank you very much.
Okay. So, kung wala na tayong tanong—mayroon pa bang tanong, Usec. Rocky? Kung wala na, mayroon bang round two na gustong magtanong? Well, talagang nakabakasyon na po tayong lahat, ‘no.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, wait lang, isa pa!
SEC. ROQUE: Ayun! Siyempre, habol pa si Joseph. Go ahead, marami ka pang oras.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Naalala ko lang. Okay, sir, sorry ha! Sir, iyong mga APOR, I texted you before pero parang medyo kailangan nating i-unify. Iyong APOR na IDs effective siya hanggang December 31, pero…
SEC. ROQUE: Hindi po. Ang lahat pong IATF IDs valid po iyan for as long as mayroong Presidential declaration of public emergency. Matagal na po dapat napaso iyang mga IDs na iyan pero napagkasunduan habang hindi pa po nali-lift ang state of national health emergency may bisa pa po iyan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Yes, because I know one colleague ‘no, sir, na mayroon siyang IATF, obviously, IATF ID pero he still … he was required to obtain iyong travel pass from the PNP, iyong sa COVID Shield.
SEC. ROQUE: Well, ako po kapag umuuwi ako ng probinsiya, kumukuha pa rin po ako ng travel shield. Mamaya po ay palipad ako ng Cebu, mayroon po akong travel shield. So being an APOR does not exempt you from requirements na dapat kukuha ka pa rin ng travel shield. Kasi bago ka makakuha ng travel shield, kinakailangan magpakita ng med cert; bago ka makakuha ng med cert, dapat mayroon kang PCR test.
So hindi naman po ibig sabihin na palibhasa APOR ka, hindi ka na susunod doon sa requirement na hindi ka dapat magkalat ng sakit. So siyempre po, required pa rin iyang travel shield.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, phoned in question sa desk lang. Galing kay Jena Balaoro: Sir, iyon pong sa UK, there’s a new strain and yesterday ang sabi ni SOH is that they’re thinking of banning flights from the UK. Do we have a final decision as to that matter?
SEC. ROQUE: Well, kakalampagin po natin ang DOTr because that’s within their jurisdiction. Pero sa ngayon naman po, basta sumunod po sa ating protocol na quarantine bago lumabas ang PCR test, sa tingin ko safe naman po tayo.
Pero tama po kayo, panahon na para ikunsidera iyang temporary travel ban sa UK. Bagama’t pakinggan din po natin ang sinabi ng WHO na hindi naman dapat ikabahala iyan dahil ganiyan po talaga iyong progression ng mga viruses. Pero dapat mag-ingat nga din po, so kakalampagin po natin ang DOTr.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Thank you for the extra time. Thanks.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Secretary, may pahabol na tanong si Sam Medenilla. Ang tanong po niya: Ano po kaya ang legislation na pipirmahan ni President Duterte tomorrow kung sakali?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po, parang wala na bukas ‘no. Puwede akong magkamali po, pero ang alam ko kahapon ay nilinaw na ang pagpirma ng budget po ay sa 28th. So mayroon po kasing sinabing petsa ang ating Senate President, pero kahapon po ay nilinaw, 28th ang pirmahan at iyan po ay gagawin sa Davao. Mayroon pong limang mga taga-Kamara de Representantes at limang taga-Senado na dadalo doon sa signing ng budget.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. So, mga kababayan, tapos na naman po ang isa nating press briefing. Nagpapasalamat po ako sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Nagpapasalamat po ako kay Usec. Rocky at nagpapasalamat ako sa inyong lahat po, sa inyong patuloy na pagtangkilik ng ating presidential press briefing.
At dahil ito na po ang huling briefing natin bago mag-Pasko, hayaan ninyong iwanan namin kayo ng isang munting regalo. Ito po ay isang awitin, ito po’y sinulat noong panahon ng Pangalawang Pandaigdigan [Digmaan]. Bombahan po sa Manila noon pero nagkaroon po ng pagtigil bombahan at napakatahimik po ng lugar noong panahon na iyon, noong Paskong iyon. Sinulat po ito ni Nicanor Abelardo, “Payapang Daigdig.”
Merry Christmas to all of you and I hope you enjoy our simple gift to all of you from the Office of the Presidential Spokesperson, from all church members who participated in doing this jingle. Mapayapang daigdig. Merry Christmas to all of you.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)