SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Work from home po tayo ngayon dahil mayroon po tayong isang staff member na nag-test na positibo ‘no. Bagama’t negative po tayo kahapon noong tayo po ay nag-PCR para sana sa pagpupulong kay Presidente mamaya, kinakailangang sumunod pa rin po sa mga protocols. So work from home at isolation po muna tayo.
Simulan po natin ang ating press briefing sa isyu ng pork holiday. Nabalitaan po natin na may dalawang grupo na nagdeklara ng pork holiday ‘no.
Iyong sa parte po ng mga nagtitinda, sila daw po ay hindi magtitinda muna dahil napakababa daw ng price ceiling; at sa parte naman ng mga consumers ay mayroon po silang advocacy na kumain muna tayo ng alternative protein sources.
Well, sinusuportahan po natin iyong advocacy na alternative pork sources pero nakikiusap po kami sa ating mga nagtitinda, sana po ay ipagpatuloy ninyo ang pagtitinda ng baboy.
Ano naman po ang ginagawa ng gobyerno ‘no? Gaya ng sinabi po natin noong nakaraang linggo, mag-aangkat muna po tayo ng mga baboy galing sa Mindanao, sa Visayas at sa ibang parte ng Luzon na wala pong ASF. Sa katunayan, nakipagkasundo na po tayo sa isang grupo ng swine producers sa South Cotabato na magsu-supply sila ng 10,000 heads of hogs kada linggo para po dito sa Metro Manila. Gobyerno na po ang mag-aangkat niyan at gobyerno na rin po ang magpapakalat niyan sa merkado, so hindi naman po tayo magkukulang. At ang presyo po ng baboy na inaangkat natin sa South Cotabato ay nasa 145 per kilo.
Bukod pa po doon sa ating pag-aangkat ay gobyerno na po ang nagbibigay ng transportation subsidy ‘no. Iyong mga manggagaling po ng Mindanao gaya nitong galing sa South Cotabato, mayroon na po tayong bente uno pesos na subsidy na binibigay para sa transportation. Mayroon po tayong kinse pesos para sa mga baboy na manggagaling sa Visayas at mayroon din po tayong diyes pesos para sa mga baboy na manggagaling sa iba’t ibang parte ng Luzon na wala pong ASF.
Now, bukod pa po rito ay mayroon din po tayong financial or loan assistance na ibibigay sa mga vendors ng baboy. Karaniwan po kasi ang mga wholesalers ang nagbibigay ng pautang na ito, ngayon ay gobyerno na po. At gaya ng aking nasabi dati, kung hindi pa po sapat talaga iyong pag-aangkat sa Luzon [Mindanao] at Visayas, at sa parte ng Luzon na walang ASF, pupuwede rin po tayong mag-angkat sa abroad pero iyan po ay as a matter of last recourse.
Now, pinirmahan din po ng ating Pangulo, Presidente Rodrigo Roa Duterte, ang isang Executive Order na nagki-create ng National Amnesty Commission ‘no. Kasama ito sa ating hakbang tungo sa kapayapaan kung saan inalok natin ang kamay ng kapayapaan sa ilang mga grupo para sila po ay bumalik sa normal at payapang buhay. Ang komisyon ay bubuuin ng pitong miyembro kasama ang chairperson at dalawang regular members na ia-appoint o itatalaga ng Pangulo. Magsisilbing ex-officio members po ang kalihim ng Department of Justice, National Defense, Department of Interior and Local Government, and Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, samantala ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang magiging secretariat po ng commission.
Ang primary task po ng National Amnesty Commission ay tumanggap at magproseso ng mga aplikasyon ng amnestiya at tukuyin ang mga aplikanteng puwedeng mabigyan nito in connection with the recent amnesty proclamations pending concurrence of Congress. Naipadala na po sa Kongreso ang mga amnesty proclamations para sa kanilang concurrence or pagsang-ayon. Oras na maging available ito ay bibigyan namin ng kopya ang miyembro ng MPC.
Ano ba ho itong amnestiya? Ang amnestiya po ay isang kapangyarihan ng Presidente na nagbubura sa mga pangyayari. Iyong iba po ay binubura lang ang parusa gaya ng probation and parole; pero ang amnesty po, parang hindi nangyari ang mga bagay-bagay na nagawa ng ilang mga grupo ‘no na usually po ay isang krimen na magiging krimen ang rebelyon. Kaya po kinakailangan din ang concurrence sa Kongreso ito dahil binubura hindi lang iyong pangyayari kung hindi pati po ang parusa. Bagama’t ito po ay isang katungkulan ng Ehekutibo, kinakailangang mag-concur din po ang ating Kongreso.
Well, ilang tulog na lang mga kaibigan, at darating na po ang unang batch ng ating bakuna. Sa katunayan, ready or not ready, handang-handa po ang ating gobyerno para magsimula ang ating vaccination drive itong a-kinse ng Pebrero. Pero samantalang hindi pa po dumarating at dahil may panahon pong lilipas bago tayong lahat ay mabakunahan, kinakailangan po habang naghihintay: MASK, HUGAS, IWAS. Naku po, ngayong nandito na ang bakuna, ngayon pa ba tayo magpapahawa sa COVID-19.
Kaugnay nito, base sa desisyon ng IATF, inanunsiyo na po ng Department of Health at Department of Transportation ang guidelines sa pagsusuot ng facemask sa loob ng mga pribadong sasakyan. Dahil nga po nagkaroon ng kaunting kaguluhan doon sa ilang anunsiyo na ginawa po ng ibang opisyales ‘no, lilinawin ko po: Kapag kayo po ay nagbibiyahe mag-isa sa sasakyan, pupuwedeng tanggalin po ang facemask. Pero kapag mayroon kayong kasama sa sasakyan, talagang required po na magsuot ng facemask kahit na sila ay mula po sa iisang pamamahay.
Pag-usapan naman po natin ang law enforcement agencies kung ano ang nararapat na fines or penalty kung ang isang indibidwal o grupo ay mahuling lalabag dito. Kinakailangan po iyan ay nakabase sa ordinansa. Alam natin na may kahirapang i-implement ito lalo na’t milyun-milyon ang sasakyan sa daan. Hindi kayang itsek ng LTO, Highway Patrol Group or MMDA ang lahat ng sasakyan para makita kung ang mga sakay nito ay mayroon o walang facemask. Kaya naman hinihikayat natin ang ating mga kababayan na sumunod at magsuot ng facemask oras na sila ay lumabas sa kanilang mga tahanan kahit na sila ay hindi paalalahanan, para rin po ito sa inyong kaligtasan.
Sa balitang IATF, naanunsiyo na po natin na mas maraming dayuhan na ang maaaring makapasok sa Pilipinas. Pinapayagan ng inyong IATF ang pagpasok sa Pilipinas ng mga dayuhan na may visa na na-issue as of March 20, 2020 at valid pa at existing sa oras na pagpasok or at time of entry. Basically, lahat po ng mga dayuhan na namuhunan or mayroon pong long-term visas dito kaugnay sa kanilang mga trabaho ay pupuwede nang pumasok. Ang hindi lang po pupuwede ay iyong mga turista at special resident and retirees visas na kinakailangan pa rin ng exemption document sa Bureau of Immigration upon arrival. Magkakabisa ito po sa 16 of February.
Inaprubahan din po ng inyong IATF iyong request ng Baguio City, ating siyudad, na i-accommodate ang leisure travelers sa kanilang hotels at iba pang accommodation establishments habang nasa General Community Quarantine, subject of course sa strict health protocols at contact tracing measures. Kasama ito para muling sumigla ang turismo at ekonomiya ng ating Summer Capital at talaga naman pong pinakamalaking pinagkakakitaan ng ating mga kababayan sa Baguio ang turismo.
Pinayagan din ng inyong IATF ang pagbiyahe ng mga opisyal na mga kawani ng gobyerno, hindi na sila kinakailangang sumailalim sa mandatory testing at quarantine protocols sa mga local na pamahalaan sa kanilang pupuntahan basta makakaprisenta sila ng valid IDs na inisyu ng kanilang tanggapan at ng original or certified true copy ng kanilang travel authority or order. Kailangan pumasa rin sila sa symptoms screenings sa port of their arrival or in the case of public transport upon boarding at sumunod sa minimum health standards.
Inaprubahan din po ng IATF ang resolusyon ng Interim National Immunization Technical Advisory Group, iyong iNITAG, at ng DOH Technical Advisory Group na naglalaman ng sumusunod na mahahalagang punto: Siyempre po nandiyan iyong ating prioritization framework para sa national, local and private distribution at prioritization criteria para doon sa mga tinatawag na priority group A1; at recommendations kung sino talaga iyong mabibigyan o matuturukan ng first batch ng Pfizer-BioNTech; at saka iyong recommendations on health profiling, screening and informed consent in the patient pathway; at iyong rekumendasyon sa vaccination cards.
Sinu-sino po ang ating mga population groups? Well, gaya ng dati, frontline health workers pa rin po sa national at local private at public health facilities; health professionals at non-professionals kasama na po iyong mga nagtatrabaho sa mga ospital gaya ng mga estudyante, iyong mga interns, mga nursing aids, mga janitors, mga barangay health workers. Prayoridad din po as A2 ang senior citizens mula edad 60 pataas.
Iyong mga comorbidities na hindi kasama sa unang nabanggit na kategorya ‘no, alam ninyo po talagang pinaglaban ko po ito dahil mayroon tayong comorbidity at gusto na nating mabakunahan ‘no. So alam naman natin na sa siyensiya lahat iyong mga diabetes, may mga high blood, may mga heart disease eh matindi po ang tama ng COVID kaya naman pinaglaban din natin na talagang mabigyan sila ng prayoridad, at pinagbigyan naman po tayo ng NITAG at ito ay nakabase pa rin sa siyensiya.
A4 priority po – mga frontline personnel sa mga essential sectors tulad ng uniformed personnel, at sa working sectors na tinukoy ng IATF na essential noong panahon na may Enhanced Community Quarantine – kasama po diyan ang mga magsasaka, mangingisda, mga minero, at pati po mga mamamahayag dahil ang mga media facilities po ay pinayagang magbukas bagamat ECQ;
(A5) Iyong mga mahihirap o mga indigent na hindi nakasama sa mga naunang kategorya.
At iyong B1 priority po, mga guro at social workers. Bakit po? Eh kinakailangan kasi nating mabuksan na ang mga eskuwelahan. Iyong mga bata po kasi kaya hindi natin pinapapasok kasi sila iyong mga potential spreaders pero kung mabakunahan naman po iyong mga guro eh baka magkaroon na tayo ng kumpiyansa na magtuloy ulit ng ating pag-aaral na face-to-face;
Tapos, B2 priority po, iba pang mga government workers; at
B3, iba pang mga essential workers. Diyan po papasok iyong mga tricycle drivers, mga jeepney drivers at iba pa;
Tapos B4 po, iyong mga socio-demographic groups na may mataas na panganib o significantly higher risk liban sa mga lolo at lola at mga indigenous people;
B5 po, iyong Overseas Filipino Workers;
(B6) Iyong iba pang mga nasa workforce;
Tapos po (c), lahat na po ng mga Filipino na hindi nakasama sa mga nabanggit.
Ang pangako naman po natin, gagawin natin ang lahat para mabakunahan ang singkuwenta hanggang 70 million population natin. Iyan po ay 100% ng adult population sa taong 2021.
Samantala, sa pagpili ng geographic areas para sa sub-prioritization, ito po ay nakabase sa:
Unang-una, COVID-19 burden of disease. Ito po iyong mga aktibong mga kaso; attack rate per 100,000 population sa nakaraang apat na linggo; at population density. Dahil po diyan, sigurado naman po ang Metro Manila, Cebu, Davao at iyong ilang probinsiya ng CALABARZON, lalung-lalo na ang Batangas.
Iyong vaccination site at kahandaan ng mga lokal na pamahalaan tulad ng sa supply chain capacity.
Tungkol naman sa alokasyon ng mga first tranche ng Pfizer BioNTech na para sa healthcare workers, ito ang susundin na allocation framework:
Una, iyong mga COVID-dedicated hospitals, tapos iyong COVID referral hospitals, other DOH hospitals, LGU hospitals – iyon po iyong makakakuha ng unang Pfizer at unang AstraZeneca.
Sa COVID update naman po tayo. Ito ang world ranking by country ayon po sa World Health Organization at Johns Hopkins as of February 8:
Sa total cases, number 32 pa rin po ang ating bansang Pilipinas. Sa active cases, number 45 po tayo. sa COVID cases per one million, nasa number 134 po tayo, at sa case fatality rate, nasa number 69 po ang Pilipinas.
Mayroon po tayong 26,333 na mga aktibong kaso ayon sa February 7, 2021 datos ng DOH. Sa mga aktibong kaso, 93.5% ay mild at asymptomatic; nasa 3% ang critical, at 2.9% naman po ang severe.
Halos kalahating milyon or 499,798 na po ang kabuuang bilang ng mga gumaling o 93% recovery rate. Samantalang nalulungkot po kaming ibalita na nasa 11,179 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus, nakikiramay po kami. Bahagyang tumaas po ang ating fatality rate to 2.08%.
Kumustahin naman po natin ang lagay ng ating mga ospital.
Sa ICU beds, mayroon pa po tayong 62% available. Tumaas po ito dahil noong isang linggo naging 59% po iyan ngayon, 62% available pa rin. Ang isolation beds, 66% available; ang ward beds, 77% available; at ang ventilators ay 79% available.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.
Ngayon, bago po tayo pumunta sa ating open forum, siyempre po, dahil nandiyan na ang bakuna, ang mga lokal na pamahalaan po ang talagang magpapatupad nang pagbabakuna natin. At ngayon po kasama natin ang tatlong mayor. Unahin ko na po by order of arrival in the Zoom, kasama po natin ang tatlong mayor, si Mayor Toby Tiangco ng Navotas, Mayor Oscar Malapitan ng Caloocan, at Mayor Joy Belmonte ng Quezon City. Pero simulan na po natin by order of arrival in Zoom. So, Mayor Oscar Malapitan of Caloocan, you are the third most populous city po in Metro Manila, ano na po ang kahandaan natin para magbigay bakuna sa ating mga frontliners at iba pa nating mga mamamayan?
The floor is yours, Mayor Malapitan
CALOOCAN MAYOR MALAPITAN: Bilang tugon po, Mr. Secretary laban sa pandemya, ang Caloocan City ay naghanda na ng mga vaccination plan at ngayon ay nasa proseso na para masiguro ang efficient administration ng vaccine.
By the end of the year, we aim to vaccinate at least 60% of our citizen. This will be made possible to our dedicated COVID-19 vaccine deployment task force which has been tasked to formulate our vaccination plans and ensure its implementation.
To reach our goal, our task force has identified priority eligible groups. They have been identified as priority groups due to their vulnerability for their occupation as being essential in our fight against COVID-19.
Naka-display ngayon sa ating screen ang tinatawag nating priority eligible group A. Kabilang dito ang ating mga frontline health workers sa mga pampubliko at pribadong ospital; LGU contact tracers, at maging mga barangay health workers.
Kasunod dito ay iyong ating mga indigent senior citizen, other indigent citizens at maging mga uniformed personnel sa city, tulad ng mga miyembro ng pulis, BFP, at iba pa.
Aabot po ito sa estimated na 336,446 na katao o 19.58% ng kabuuang populasyon ng Caloocan. Upang maisagawa ang vaccination, magkakaroon ng 481 vaccination teams na magsasagawa ng 100 vaccination sa loob ng pitong araw. Makikita rin sa screen ang aming mga logistic na kailangan upang maisagawa ito.
Narito naman ang ating priority eligible group B. Kabilang dito ang mga teachers, social workers, government workers, barangay officials at iba pa. Aabot naman ito sa 780,207 na katao o 45.2% ng populasyon ng Caloocan.
After identifying our priority vaccine recipients, we are now in the midst of preparing our logistic for the vaccination, particularly our human resource, logistic, and supplies.
As of February 2, figures, we have 165 vaccinators available. This estimate to about one vaccinator to one hundred citizens per day for seven days. Kasalukuyan po tayong nagdadagdag ng vaccinators para maitugma ito sa ating projected vaccination rate kada araw. Bukod sa hiring, nagsagawa rin tayo ng volunteer programs na humihikayat sa mga doktor, midwife at nurses sa lungsod na makiisa sa vaccination program.
We have also identified a total of 54 vaccination sites. Majority of them are schools turned into a vaccination area in coordination with the Department of Education and Division of City Schools.
Para po sa ating kaalaman, narito ang ating mga identified implementation units. Upang lalong maging efficient ang aming vaccination, nagbigay ang pamahalaang lungsod ng orientations na bahagi ng ating capability development para sa mga vaccinators. Kabilang dito ang mga health centers, physicians and nurses, at mga vaccinators mula sa mga ospital at national government agency.
Kasama po sa logistics and supplies consideration are our vaccine refrigerators, vaccine transport and vaccine carriers. The city government is currently procuring this. Binibili na po ng pamahalaang lungsod ang mga kailangan dito.
Makikita din natin na sa kasalukuyan ay nagsasagawa na tayo ng hakbang upang sa lalong madaling panahon ay maitayo ang ating mga vaccine storage facilities.
Narito naman ang ating mga logistics at ang alokasyon status ng mga ito. Makikita na katuwang natin ang DOH na magbibigay ng alokasyon para sa ilang mga pangangailangan natin.
Ito po ang ating step by step procedures ng vaccine administration: Magsisimula ito sa delivery ng mga vaccine at susundan naman ng dispensing ng mga health centers o implementing unit. Iintayin ang tuwirang matapos at dadalhin sa vaccination sites.
Nagkaroon na tayo ng vaccination simulation ng pagbabakuna at napag-alaman natin na mula registration hanggang aktuwal na administration ay aabot lamang ito nang siyam na minuto. Madadagdagan ito nang tatlumpung minuto kung kabilang ang monitoring sa mga babakunahan.
Upang mas maintindihan ang proseso, narito po ang isang maikling video bilang gabay: [AVP]
SEC. ROQUE: Okay. Mayor, maraming salamat ‘no. Ang tanong ko lang po: Ano po iyong numero ng sinisikap nating mabakunahan sa Caloocan at gaanong katagal pong panahon ang kinakailangan ninyo para mabakunahan po lahat ng mga taga-Caloocan?
CALOOCAN MAYOR MALAPITAN: Ang populasyon ho namin sa Caloocan ay 1.7 million. Kung aalisin ho natin dito ang 17 years old below na nasa 600,000 ay mayroon ho tayong 1.1 million na tina-target na mabakunahan.
SEC. ROQUE: Gaanong kabilis po natin mababakunahan ang lahat noong mga adult population ng Caloocan kung readily available po ang bakuna?
CALOOCAN MAYOR MALAPITAN: Kung makakapag-produce ho kami ng 1,600 vaccinator, pitong araw matatapos ho namin ang Caloocan.
SEC. ROQUE: Wow, napakabilis po pala. Maraming salamat Mayor at please join us in our open forum po maya-maya lamang.
Ngayon naman po, si Mayor Toby Tiangco ng Navotas, nauna na po nating na-feature ang Navotas being an example of best practices pagdating po sa contact tracing. Mayor Toby Tiangco, kumusta na po ang kahandaan natin para magbakuna diyan sa Navotas?
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Ready na po tayo ‘no. Unang-una is last Saturday nandoon po iyong CODE Team, bumisita po sila at nag-inaugurate po sila doon sa ating cold storage facility na nandoon sa Navotas Polytechnic College. Tayo po ay naghanda ng ultra-low freezers doon para doon sa Pfizer ‘no kasi alam naman natin iyong Pfizer, ang pinakaimportante dito is ultra-low freezer ‘no.
Since nasa dulo po kami ng Metro Manila, it’s important for us na magkaroon kami ng siguradong facility namin for the ultra-low freezer at bibili rin tayo ng [garbled] for coolers para masigurado na iyong temperature is maintained from the cold storage site to the 20 vaccination facilities ‘no.
Aside from that, bumili po tayo ng—pumirma po tayo doon sa 100,000 doses ng AstraZeneca and we have already informed Moderna of our intent to purchase. Doon naman sa Pfizer, ang inaasahan of course natin is iyong last week of February or first week of March na manggagaling sa COVAX Facility ng WHO through the national government. But aside from that, once puwede na po bumili sa Pfizer, bibili rin po ang local government ng Navotas sa Pfizer.
You want us to make a presentation?
SEC. ROQUE: Yes, po. Yes po. Go ahead, please. The floor is yours.
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Okay. Irish, paki-pakita lang iyong ating video presentation:
[AVP]
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor, same question lang po, ano po iyong total adult population natin sa Navotas at gaano katagal po nating inaasahan para mabakunahan lahat po ng mga taga-Navotas?
MAYOR TIANGCO: Sa amin medyo matagal ‘no, 20 vaccination sites po tayo. Sumulat na po tayo sa DepEd, nagri-request tayo na gamitin iyong mga schools as vaccination sites, dahil maliliit po ang health center namin sa Navotas, ang malalaking space namin is iyong mga school. So we will use 20 schools, ang conservative estimate namin ng mababakunahan per vaccination site is 100 per day. So, 20 times 100, 2,000 per day. Ang estimate po namin na mababakunahan is over 100,000 plus. So, kung masusunod iyong 100 per day nasa 50 days tayo, Pero ang ginagawa po namin, naka-third dry run na po kami, so tuluy-tuloy po po ang dry run namin para mapag-aralan kung papaano pa maiigsi. But as of now, ang kaya lang po namin is 100 per day, per vaccination center. Kasi wala na ho kaming mahanap na vaccination site dahil iyon na po iyong kalahatan ng ating public schools. Iyong 20 po na iyon.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Toby. Please join us for our open forum. And last but not the least, the only rose among the thorns, my mayor here in Quezon City, Mayor Joy Belmonte. Ma’am, dito po sa ating siyudad, handang-handa na po tayo para sa bakuna. But please share with us po kung ano po iyong mga plano ng ating lokal na pamahalaan dito sa Quezon City pagdating po sa usaping bakuna. The floor is yours, Mayor Joy Belmonte.
MAYOR BELMONTE: Marami pong salamat, Secretary Harry Roque. Ako po ay magpiprisenta ngayon ng atin pong COVID vaccine plan ng Quezon City na tinatawag po nating “Quezon City Protektodo, Sa Bakunang Sigurado”. Ito pong planong ito ay ipinakita na po natin sa atin pong CODE team at inaaprubahan po ito noong January 28 of this year.
So, ang atin pong implementation plan ay nahihiwalay sa tatlong bahagi, iyong pre-vaccination phase, vaccination phase and post-vaccination phase. And I will discuss very briefly each of the various components of these phases.
So, dito po nakikita naman po natin na doon sa priority listing, batay po doon sa pinakahuling ibinigay po sa ating kautusan ng IATF, we have 1,066,000 individuals belonging to the priority list. So, 23,000 frontline workers in health facilities, 300,000 senior citizens, 20,000 with person with comorbidities – and it’s nice to know, Sec. Harry kayo po pala ang nag-lobby para dito. At iyong 20,000 other essential workers and 703,000 indigent population, iyan po ang aming priority listing.
So, at the moment, Sec. Harry and I would like to encourage you, as a resident of our city, to please sign up sa atin pong Quezon City ID card ‘no. So we rolled this out last January, because this is a program of the city, not related to the city not related to the vaccine program but we decided na kailangan na rin nating i-integrate, since sabay naman natin itong iniro-rollout. So sa Quezon City ID, we want to give every QC Citizen their own special identification card with specific identification number at doon po makikita po natin na ito po ay integrated sa digital or automated data base at nandoon po iyong datos ng ating mga mamamayan kung sila po ay senior citizen, PWD at kung ano po iyong kanilang occupation, address etcetera. So what we did was we are rolling this out right now if you signed up for that, later on the data there will be transported or integrated doon sa EasyVac system, ito iyong system naman po ng Zuellig Pharmacy na siyang partner po ng lungsod Quezon.
So, later I will show you that if you sign or you answer yes, oo willing ka bang magpabakuna kasi naka-integrate po iyan sa pag-apply po ninyo sa Quezon City ID. Mayroon diyan “Are you willing to be vaccinated”, yes, no., undecided. Kapag yes po automatic po magda-drop down iyong EasyVac questionnaire na nandiyan naman po iyong mga health data na itatanong sa inyo. So, integrated po ang sistema ng QC at ang EasyVac sytem ng Zuellig Pharma.
So, based on the individuals who have already registered sa ating QC ID, 74, 793 respondents as of last week. 37,899 ang nag-yes, 26,725 undecided at 10,169 po ang no. so, makikita po natin na marami naman pong willing magpabakuna dito po sa Lungsod Quezon at kailangan pa po natin kumbinsihin ang mga undecided at kung nakumbinsi po natin iyan, maabot po natin iyong herd immunity kung lahat po ng mga iyan ay magpabakuna.
So, in order to convince the undecided, tayo po ay naglunsad ng isang programa, ito iyong vaccine confidence campaign ng atin pong lungsod, upang ang mga undecided ay mawala ang kanilang mga pangamba dahil doon din sa survey tinanong natin
‘Bakit ba ayaw ninyong magbakuna?” So, ang kanilang mga sagot natatakot, wala silang sapat na kaalaman o kaya ang dami kasing kumakalat na balita sa social media, hindi na nila alam kung ano iyong totoo at hindi totoo.
So, this campaign is meant to debunk fake news and is meant to inform the public about what is the truth about our vaccines and our vaccine campaign. So dito po sa kampanyang ito, we have webinars and fora, this is held every week sa amin pong livestreaming, sa ating pong FB. We already have Dra. Gloriani ng atin pong vaccine expert panel, we have had Dr. Eric Domingo ng FDA and we have had various individuals as well na napabakunahan na sa Amerika, sa UK pero Pilipino sila at nag-i-explain ng iba’t ibang mga side effect, etcetera para makumbinsi iyong mga undecided na magpabakuna. So ongoing po ito, we also have special fora for the church, kasi we want the church to help us convince our people. We have special webinars as well for our barangay officials, as well as for our priority groups like our senior citizens, etcetera. So our goal is to get everyone to be vaccinated here in Quezon City.
So, dito naman po sa vaccine rollout, ito po iyong phase 2 natin, ang atin pong partner ay iyong Zuellig Pharmaceutical. So with the help of Zuellig and the DOH, we have identified at the moment 24 vaccination sites.
Ang amin pong mga vaccination sites ay mga health centers, gymnasiums at covered courts ng atin pong mga barangay at ng atin pong mga paaralan. We chose these particular vaccination sites because malaki sila at we can assure the public of the free flow of people but at the same time we can maintain social distancing.
Because ang pinakagusto po natin ay maging ligtas ang ating vaccination sites at ayaw po natin na maging super spreader events ang vaccine process po natin ‘no so kailangan pa rin observe the proper health protocols.
And we’ve been in touch with the Diocese of Cubao and the Diocese of Novaliches, both of whom have about 48 parishes and kung magkasundo po kami, we will have additional vaccine sites to this current list of ours nga ‘no with the help of the church.
So here, hindi ko na po pag-uusapan nang malalim ito ‘no. Ito iyong supply chain management of the COVID-19 vaccines ‘no and this has to do with, ‘ayan iyong sa storage nito, ano ba iyong temperature, paano ba tina-track iyong mga bakuna, etcetera ‘no. Tapos hanggang sa transportation or logistics, hanggang sa umabot na tayo sa vaccination sites, tapos surveillance ‘no of how to destroy the vials to make sure they’re not used again and to dispose of them properly. Lahat po nito, iyong supply chain management ng atin pong bakuna will be taken care of by our partners Zuellig Pharma.
So nainggit nga po ako kay Mayor Oca saka kay Mayor Toby kasi nakapagbili po sila ng cold chain facilities. Dito po sa Quezon City hindi po namin kinaya sapagkat sa laki po ng aming lungsod, sa dami po ng babakunahan at sa dami po ng aming vaccination sites, iyong overhead po was just beyond our budget that’s why we decided to just partner with Zuellig because they have all the necessary cold chain facilities that we will be needing from the .70 or negative 70 degrees hanggang po sa 8 degrees, kumpleto naman po sila ‘no. So we partnered with them sa warehousing po ng atin pong mga bakuna.
So ito naman po iyong proseso pagdating po sa vaccination center. So we have 3 minutes sa ating registration, 3 minutes po sa atin pong counseling, 5 minutes po sa assessment, 3 minutes po sa vaccination process at 30 minutes po for observation for any adverse effects. So 45 minutes po ang haba ng proseso para sa isang babakunahang pasyente.
So ito po at the moment, we have a total of 600 personnel – 336 ang medical, 264 po ang non-medical, mga marshals and encoders and itong 336 na medical, kakatapos lang po ng training nila about vaccination. And the total personnel that we have is 600 divided by 24 so we have about 25 personnel per vaccination site.
So ito iyong mga tanong mo kanina, Sec. Harry ‘no. So pag-uusapan natin iyong population na dapat bakunahan sa Lungsod Quezon. If you take away the below 15 years old—rather 15 and below, tapos 80% noon for herd immunity – we will vaccinate 1.6 million residents of Quezon City.
And ito, so if we vaccinate for 30 days a month and then 8 hours per day with the capacity of 70 per inoculators, we will have 5 inoculators per site, a total of 350 per site times 1 month, 10,500. So we hope to be able to vaccinate per month 254,000 residents of Quezon City and kung mabagal po tayo magiging 8 months iyon, kung mabilis naman po tayo, magiging 6 months iyon.
But I anticipate the first month lagi naman po tayong nagkakaroon ng logistical problems, etcetera based on the experience doon sa US, sa Europe nakita natin na medyo may problem sa first month pero after that smooth sailing na, bibilis din naman ang proseso. So actually, I’m thinking if the church gives us more sites and we are able to get more personnel from our schools and private hospitals, baka mas mabilis pa sa 6 months kung maging expert na tayo sa proseso after the first few months ‘no.
So ito naman po iyong emergency response plan po natin, mayroon po tayong mga doctor sa atin pong inoculation sites, dalawa po yata per site. Mayroon po tayong nakahandang mga barangay health emergency response teams at DRRMO vehicles and ambulances per site at mayroon po tayong establishments malapit po sa bawat site and that was one of the reasons why we chose these sites kasi malapit sila sa mga ospital at suwerte naman ang lungsod dahil napakarami pong ospital sa Lungsod Quezon para sa mga adverse effects ‘no kung saka-sakaling kailangan silang dalhin sa ospital. And every site will also have an epinephrine auto-injector para kung may allergic reactions, agad-agad nating matutugunan po ang mga ito.
So mayroon din po tayong dashboard, again through the help of Zuellig Pharma para ma-track po natin, hindi lang po kung saan ang mga bakuna, ilan ang mga bakuna, ilan ang nagamit, ilan ang napanis o nasira, nasaan na po iyong mga bakuna in the transport phase, logistically nasaan po… that dashboard will help us keep track of our vaccines but the dashboard will also help us keep track on the various patients that have been inoculated ‘no.
So both patients and vaccines ang iki-keep track ng dashboard ng Zuellig and Zuellig also will be in charge of informing every patient where they should go to be vaccinated, when they should be vaccinated, what time etcetera through their automated system which is linked up to the Quezon City ID system ‘no.
So last slide po. Ito po kung mayroon po kayong nararamdaman, even after you’ve gone home, mayroon po tayong dedicated line, ang QC 122 na puwede po ninyong tawagan at may set of call center agents na po tayo na sasagot sa inyong tawag at trained na rin po sila na sumagot ng mga katanungan patungkol sa after effects or side effects ng pagbabakuna.
Mayroon din po tayong telemed system, malawakang telemed system na po ito sa buong lungsod na puwede nating gamitin for this particular purpose. At iyong ating barangay health workers naman po ay papaikutin din po natin sa iba’t ibang mga tahanan ng mga taong nabakunahan para i-checkup naman po itong mga mamamayan na ito.
So Sec. Harry, thank you very much. Ito po in a nutshell ang atin pong programa dito po sa Lungsod Quezon.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor Joy. And dahil kasama tayo sa priorities having co-morbidities, I expected to go to the nearest vaccination center soon. At maraming salamat din po dahil iyong ating staff member na nagpositibo will be spending time in our HOPE Center here in Quezon City.
So pumunta na po tayo sa open forum. Huwag po kayong mag-alala members of the Malacañang Press Corps, we have until 1:30 to answer all your questions.
Usec. Rocky, let’s start the open forum.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Ang una pong tanong mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN. Gusto lang po niyang malaman iyong tentative or specific date kung kailan darating ang unang batch ng COVID-19 vaccine at kailan daw po maibibigay iyong pinakaunang recipient?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ang magsasabi po niyan talaga ay ang COVAX Facility kasi ito po ay arranged for us by the COVAX Facility, hindi po ito iyong binili talaga natin ‘no. So we expect na mabibigyan po tayo ng notice na isasakay na sa eroplano lalung-lalo na iyong Pfizer ‘no at siguro mga 2 to 3 days bago po talaga maisakay iyan sa eroplano para tayo naman po ay makapaghanda sa pagsundo sa airport.
Mayroon po kasing limitation and Pfizer dahil subzero iyan, kinakailangan talaga ng dry ice at ang dry ice po ay mayroong limitasyon ‘no na international regulation kung ilang kilo lamang na dry ice ang pupuwedeng mailagay sa eroplano.
Ang sabi po ng COVAX Facility sa kanilang liham, it will be made available, it will come to us by mid February.
Kaya nga po ang sinasabi ko, handang-handa na po tayo by mid February or February 15 at importante po na inimbita natin ngayon ang mga alkalde ng mga lokal na pamahalaan lalo na dito sa Metro Manila kung saan parating ang Pfizer para malaman naman po ng ating mga kababayan na handang-handa na tayo.
So what I will say is, the COVAX Facility said it will arrive mid February and as far as we’re concerned, nakita ninyo naman po sa mga ulat ng ating mga mayor, handang-handa na po nating simulan ang pagbabakuna and we are ready to do it by February 15. At gaya po ng sinabi ng IATF, mauuna po muna iyong mga COVID referral hospitals—at iyong mga COVID referral hospitals nga po ang mauuna.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Si Mela Lesmoras po ang susunod via Zoom, Secretary.
SEC. ROQUE: Okay, Mela. Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV4: Secretary Roque, good afternoon po. My first question lang, sir, since nabanggit ninyo nga po na February 15 iyong pagdating ng bakuna. I understand na-explain ninyo na ‘to sa mga past briefing ninyo pero para ma-remind ang ating mga kababayan, mula pagdating po ba ng bakuna, ano iyong pagdadaanang proseso bago naman mai-turnover sa ating mga LGU at sa ating mga ospital?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, iyan po’y nakalagay sa special packaging o facility sa mga eroplano na mayroong dry ice. Susunduin po iyan ng refrigerated vans natin na mayroong subzero capability. Dadalhin po muna iyan sa DOH warehouse at from the DOH warehouse, dadalhin na po iyan doon sa mga lugar kung saan gagamitin itong bakunang ito ‘no.
Now kung hindi po ako nagkakamali eh ang Pfizer po ay responsable rin sa pagdadala nitong mga bakunang ito doon sa lugar kung saan ito gagamitin.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Roque, bilang … iyon nga, palapit na nang palapit iyong pagdating ng bakuna, si Pangulong Duterte po kaya may schedule na rin kung kailan siya magpapabakuna? Kasabay po ba ito sa February 15 and how about the First Family po kaya, sir?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang Presidente will enjoy priority dahil nga po siya ay senior citizen. Pero siyempre importante rin po na magpabakuna siya para sa vaccine confidence ‘no. So inaasahan po natin na isa siya sa pinakauna – whether it is done publicly or privately, will be his decision ‘no.
Ang First Family po, well ang masasabi ko lang po ‘no, unless mayroong co-morbidity ay hindi po talaga sila mabibigyan ng prayoridad pero dahil mga public officials po ang mga anak ng ating Pangulo eh baka naman po makipagtulungan din sila para ma-boost po ang vaccine confidence. Pero wala pa pong petsa kung kailan at kung sila po ay papayag na mangunguna. I can only speak for the President po.
MELA LESMORAS/PTV4: And my last question, Secretary Roque. Nabanggit ninyo na rin po kanina, ito’y follow up lamang po. May public address po ba tayong inaasahan mamaya at kayo po ba ay hindi po makakasama sa IATF meeting nang personal?
SEC. ROQUE: Opo, mayroon po. I will be joining online ‘no kasi nga po mas mabuti na—bagama’t ako po’y nag-PCR test kahapon at negative for the meeting today, eh dahil nga po mayroong exposure, we need to give the example and I will follow the protocol. So I will be joining online po.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Willard Cheng of ABS-CBN: On Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro’s case, Secretary Locsin says the ball is now with the Palace. What has DFA recommended and what action will the Palace take?
SEC. ROQUE: Well, I can assure you po na as soon as the President has reached a decision, we will announce it as soon as possible. Sa ngayon po, wala pa po akong balita.
USEC. IGNACIO: Ang susunod po ay si Triciah Terada ng CNN Philippines via Zoom, Secretary.
SEC. ROQUE: Go ahead, Trish.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Spox Harry. Sir, sorry ha, further clarification lang po doon sa February 15. By February 15 sir, tama po ba, start na officially ng pagbabakuna or iyon pa lang po iyong—
SEC. ROQUE: Well, oo. Let me clarify nga ‘no kasi ang sabi ng COVAX Facility mid February darating. So tayo handang-handa na tayo mag-start by February 15. So if it arrives and we only need a day or two naman to start the vaccination, we will proceed. At ito naman pong mga Metro Manila mayors ang nagpapatunay na handang-handa na tayo.
Basta tayo po, regardless of when it actually arrives, we will be ready by February 15. In fact, we’re ready now as you heard from the mayors ‘no. Pero it’s just a matter of when the plane carrying the Pfizer vaccines will actually land in NAIA.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: No exact date yet, sir, that’s what you mean ‘no?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po, wala pa pong exact date but even now we are 100% ready to start the vaccination campaign.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, another topic. In a radio program, si Vice President Leni Robredo po expressed that she feels that some government officials are ganging up on her and nabanggit niya po na para sa kaniya, hindi daw deserve ng mga Pilipino iyong public servants na bastos, hindi raw deserve iyong ubod ng yabang. And she pointed out that some government officials who speak before the public even say unnecessary words. Does Malacañang want to respond to this?
SEC. ROQUE: Well, I can only quote Winona Ryder, “Reality bites.” Hindi po matanggap talaga na nagtatagumpay ang gobyerno sa lahat ng kaniyang mga programa, kasama na po sa laban natin dito sa COVID-19 and reality bites. Kung talagang may genuine issue po na ilalabas sa gobyerno, ilabas na po iyong totoong issue na iyan. Tama na po iyang mga pasaring na ganiyan. Reality bites is all I can say.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, doon po naman sa nangyayaring pork strike or iyong pagtigil po ng pagbibenta ng ilang sellers po ng pork, nakita po ba ‘to ng Pangulo or ng Malacañang before issuing a price cap?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, lahat ng economist will say na one of the effects of a price cap is malilimitahan ang supply kasi hindi magbibenta iyong iba kung mas mababa ang presyo. Pero gumawa naman po ng hakbang ang gobyerno nga ‘no, pinadami po natin ang supply, ang patunay po diyan iyong 10,000 heads of pork every week na manggagaling sa South Cotabato alone ‘no. Mayroon pa pong mga inaayos na iba pang source of supply ang ating Department of Agriculture.
So sa tingin ko po, anticipated naman po iyan as the effect of a price cap pero kinakailangan gawin naman po iyan ‘no. At meanwhile, ini-encourage din natin na habang pinaparami rin natin ang supply ng baboy ay we should have alternative sources of protein ‘no gaya po ng isda at gaya po ng gulay na mataas po ang protein content.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right, Spox. Salamat po, that’s all.
SEC. ROQUE: Salamat, Trish. We go back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Sa susunod na linggo daw po ay inaasahan na sisipa ang pagsisimula ng vaccination program para sa mga frontline healthcare workers. Aside from pagiging gaano kahanda ang pamahalaan simulan ito, kumusta daw po iyong ginagawang paghikayat ng pamahalaan sa mga Pilipino na hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip na mabakunahan at duda pa rin sa bakuna laban sa COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, ginagawa po natin ang kaya nating gawin. Si Dra. Bravo at Dr. Solante, kasing sikat na po si Dr. Fauci at palagi naman po natin silang pini-feature para sila na po ang magsabi sa publiko na bilang tunay na eksperto, mga vaccinologist at infectious disease specialists, walang dapat ikatakot pagdating sa bakuna. At siyempre hindi naman po papayagan ng gobyerno na magamit kung hindi po ito napatunayang ligtas at epektibo. At hindi lang naman po ang gobyerno ang Pilipinas ang nagkaroon ng desisyon na itong mga bakunang ito ay ligtas at epektibo, halos ang buong daigdig naman po ay nagkaroon na rin ng desisyon na ligtas at epektibo iyong mga naisyuhan na natin ng Emergency Use Authorization.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya, patuloy daw po ninyong sinasabi ang mask, hugas, iwas para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Pero ilang araw na lamang po ay ipagdiriwang na naman ang Chinese New Year. Ano po ang panawagan ninyo sa mga makikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
SEC. ROQUE: Well, okay lang pong magdiwang pero huwag po nating kakalimutan, alam na po natin kung papaano kumalat ang COVID, kinakailangan mask, hugas, iwas pa rin po. Bagama’t siguro pupuwede ko na ring inanunsyo na dahil nga po sa Chinese New Year pinayagan naman po ng IATF ang isang mall, by Manila Bay na magkaroon ng fireworks display. So, ating panawagan po, pupuwede naman pong magdiwang nang hindi po magkakasakit lalung-lalo na nandito na po ang bakuna. Alam po natin karamihan ay mild and asymptomatic, pero ngayon po may kaunting pagtaas doon sa mga numero ng namamatay. So, sana po pangalagaan natin ang ating mga buhay ng tayo ay tunay na makapagdiwang even beyond Chinese New Year.
USEC. IGNACIO: Opo, question naman daw po para kay Mayor Toby Tiangco at Mayor Oscar Malapitan, although si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay sinabi na po ito sa kaniyang presentation: Ano po ang ginagawa ninyo o ang inyong tanggapan para mahikayat po ang inyong mga constituents lalo na po daw iyong mga senior citizens na hanggang sa ngayon ay nangangamba sa bakuna. Unahin ko po si Mayor Toby Tiangco.
MAYOR TIANGCO: Yes. Last Saturday in-invite po namin si Dr. and Dra. Dan sa isang Zoom from 6:00 pm to 8:30 PM, sila po ay nagsalita doon, sinagot lahat ng question ng ating mga constituents. And aside from that, tuluy-tuloy po iyong pag-post ng information at iyong mga barangay health workers at iyong mga barangay captain nag-iikot sila para sagutin iyong mga tanong ng ating mga residente. So, sa tingin ko, ito iyong magandang paraan and I think later on, iyong mga wait and see, kapag nakita nilang may nagbabakuna na at hindi naman nagkakaroon ng adverse effect, mas madami po iyong mahihikayat kasi madami din iyong wait and see. Hindi naman sila totally ‘no’, but they just want to see ano iyong epekto noong mga nauna, ayaw lang nila mauna. So, sa tingin ko, once we get this rolling, mas madami pa iyong makukumbinsi.
USEC. IGNACIO: For Mayor Malapitan, please.
DRA. RACHEL BASA: Good afternoon. I am Dra. Rachel Basa in behalf of Mayor Malapitan. He is currently in a meeting right now. So, to answer your question, Ma’am, thus far, we have done three things: Number one, we have met with Caloocan City Medical Society to tally all the doctors and the medical personnel because it is hard to listen to the medical people if their opinions are fragmented and so divided. So, kailangan pong magkaroon kami ng iisang boses at iisang mensahe nang sa gayon, makinig sa akin, na kahit kanino sa amin na kahit sa kanino sa amin ang taumbayan.
Ikalawa po, sinimulan na po namin ipulong ang mga punong barangays, all 188 of them, para po nang sa gayon sila po, maliban sa profiling at master listing ay siyang maging boses, voice of reason sa kanilang mga constituents. The message we sent them was to lead by example and that means manguna sila, lalo na po iyong mga senior citizens. Nakita po natin na sa target population group A po ang BHERT or Barangay Health Emergency Response Team na pinamumunuan po ng punong barangay. So sinabi po namin na maging halimbawa sila sa kanilang constituents and that they start advocating for the vaccines in their areas.
Lastly, we have also spoken with the Diocese of Caloocan and Diocese of Novaliches, both to encourage. Kasi po mayroon po kaming Konseho de San Roque, isang counseling mechanism para po sa mga COVID positive. So we realized na mayroon po tayong hidden gems sa katauhan ng mga nagpositibo, because they can give testimonials as to the difficulty, how difficult it is to get severe COVID. Alam po natin na ang pangunahing pangako ng mga bakuna ay hindi magkaroon ng severe COVID. So hinihikayat po namin ang lahat ng nagpositibo na mag-testimonial nang sa gayon, pangunahan din nila iyong pagpapabakuna at magkaroon po ng daily announcements sa mga simbahan patungkol po doon sa ating activity. Thank you po.
USEC. IGNACIO: Mayor Belmonte, baka po may idadagdag kayo?
MAYOR BELMONTE: Doon sa nabanggit ko, iyong vaccine confidence campaign, dito po tayo naka-concentrate sa kasalukuyan, trying to convince the undecided to become decided to have themselves vaccinated. So all out iyong campaign namin ngayon sa lahat ng sectors like I mentioned. So iyong mga binanggit ko sa inyong mga videos, and webinars, lahat iyan ay nasa website po ng Lungsod Quezon and everybody who goes to the website and the Facebook page can just keep watching and watching this to convince themselves and tuluy-tuloy po iyan. And I think, nakikita naman natin sa bilang ng mga na-survey sa Quezon City there are more yeses than no’s here in Quezon City and they are even more yeses than undecided here in Quezon City. So, I think more or less the people of Quezon City want to be vaccinated.
USEC. IGNACIO: Thank you, Mayor Belmonte. Secretary susunod na po si Joseph Morong ng GMA News.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, good afternoon. Mayors, good afternoon. Sir, question ko muna for you and then I will go to the mayors. Sir, sa inyo, so we are just saying na iyong interview ninyo yesterday sa BB, we are just prepared on February 15. But that is not the date that we are expecting the vaccine ‘no, tama?
SEC. ROQUE: Well, the COVAX communications says po, it will be mid-February. I think this week, COVAX will communicate to tell us exactly when and let’s see po baka mamayang gabi ma-report na ni Secretary Galvez kay Presidente iyong exact date. But we are expecting COVAX to contact us anytime now, because they will have to ship the Pfizer vaccines via airline.
JOSEPH MORONG/GMA 7: So, it’s also possible, sir, na on the 15th, we will really start the vaccination? Meaning makikita na natin sa PGH and some other hospitals na may mga tinuturukan tayong mga health workers, as of now, right?
SEC. ROQUE: Tama po iyon, handang-handa na po tayo by February 15. And as the mayors have discussed today, even now handang-handa na po tayo.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, the first batch we know, 117,000 probably next week, pero iyong second batch sir that would cover iyong mga senior citizens, mga comorbidities at saka iyong mga essential workers under ECQ before, kailan iyan?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo ang ating frontliners, pero ito po iyong medical frontliners is around 1.4 million. So, hindi ko po ngayon alam kung ilan iyong bilang ng expanded medical frontliners. Pero mayroon po tayong sapat na supply na darating kasi ang AstraZeneca up to 5 million po ang makukuha natin diyan at two doses per person that is 2.5 million and a further 50,000 plus. So, we have about 2.550 individuals that can be readily be vaccinated ito pong inaasahan nating pagdating ng dalawang vaccines.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Pero wala pa, hindi pa iyong AstraZeneca na vaccination, sir?
SEC. ROQUE: Opo. Also beginning this month of February.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, this question, I will throw to all the mayors. I don’t know if si Mayor Malapitan would be there. Mayors, good afternoon po. Sir and Ma’am, we are vaccinating mid-February, iyon po bang ganiyan na vaccination natin, does that give you a level of confidence such that we can relax iyong ating community quarantine mid-February? Because I understand, tama po ba, na ang initial decision ninyo is GCQ until February 15? Tama po ba iyong narinig ko na information na iyon?
MAYOR TIANGCO: Yes. Unang-una, doon sa forum namin noong Saturday, naliwanagan that the vaccine is not a replacement to the present health protocols that we doing such as face mask, handwashing, social distancing; it is not a replacement. Niliwanag po nila Dr. Dan that it is an added protection. So, ibig sabihin, kahit nagpabakuna ka, tuloy pa rin ang pagsuot ng facemask, tuloy pa rin iyong social distancing, tuloy pa rin iyong handwashing.
Ngayon, pagdating doon sa pag-ease ng quarantine measure, we have been very consistent na we will still listen to the expert ‘di ba. For example, nagbakuna tayo ng February 15 so sabihin na natin February 20 magtatanong kung ano ba iyong new quarantine guidelines. Ang tatanungin namin ulit, ako, for example, I’m speaking for myself and for Navotas, ang tatanungin po namin, ng mga taga-Navotas: Ano ba ang rekumendasyon ng ating health expert vis-à-vis itong pagbabakuna. Okay, nakapagbakuna na, ano ba ang rekumendasyon ninyo, puwede bang mag-MGCQ or delikado pa rin? So iyon po ang pagbabasehan ng [garbled].
Of course, all of this is in support of the economy. Kasi iba lang kami ng pananaw, gusto ng economic managers ay lumawag para mabuhay ang ekonomiya. Ako naman, ang tingin ko, dapat bubuhayin ang ekonomiya sa pamamagitan sa pagsigurado na hindi na babalik doon sa paghihigpit. So ibig sabihin, ang iiwasan lang natin is huwag magkaroon ng surge that is uncontrolled and we will be forced to go back to stricter protocols dahil lang hindi na kaya ng lahat – hindi na kaya ng gobyerno, hindi na kaya ng mga trabahador, hindi na kaya ng negosyante. Iyon lang po.
JOSEPH MORONG/GMA7: Mayor Belmonte, please. Thank you, sir. Thank you. Mayor Belmonte?
QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Well, in my opinion ‘no. First and foremost, we can only say that we are safe, I believe, when herd immunity has been achieved and that’s why we are here, campaigning to achieve herd immunity. And if we just are able to vaccinate a few or not reaching 70 or 80% then that would not have been achieved.
And I would like to say that based on my readings, there is no correlation between having started the vaccination program and safety from the virus. Because as you know, the most successful country in terms of having vaccinated their people is Israel and they already say they’ll be done in March ‘no with their nine million residents, but they are actually on lockdown or [garbled] lifted from lockdown. So they were actually on lockdown when the vaccination process started, same with some countries in Europe.
So again, I don’t think there’s a correlation between having started or starting, kapag sinabi mo kunwari mag-i-start na tayo sa Feb., it doesn’t mean that automatically magri-relax na tayo. I think not like here in Quezon City, I say that we can probably finish herd immunity by six to eight months, I would say that then we can just say we’re safe after that has been achieved.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Thank you, ma’am. Mayor Malapitan, is he here? Sir, same question po: Kapag po nag-vaccinate tayo, mas magiging kampante tayo na magluwag or mag-iingat pa rin, meaning we will be going to be more—I mean, at least we’re on the side of caution?
CALOOCAN MAYOR MALAPITAN: Depende pa rin sa recommendation ng IATF. Siyempre susunod tayo sa recommendation ng IATF. At hindi naman yata ibig sabihin na kapag nabakunahan ay safe na tayo one hundred percent.
So kapag nabakunahan, required pa rin natin iyong pagsusuot ng facemask at iyong social distancing hanggang totally ma-eliminate natin itong COVID.
May nagtanong kanina, nabasa ko lang sa text, papaano raw kami nag-arrive ng seven days doon sa 1.1 million? Sasagutin ko lang. Ito prini-presume namin na 1,600 vaccinators ang aming madyi-generate, ang makukuha. So kung 1,600, iyong 1.1 ay makakaya namin. Pero kung hindi kami makakakuha nito, halimbawa, 800 lang ang makuha naming vaccinators, eh ‘di two weeks. Kung 400 ang makukuha naming vaccinators lang, four weeks. So depende sa… ang sagot ko, depende doon sa vaccinators na makukuha namin.
Ngayon, nananawagan na kami sa mga simbahan, Catholic churches at iba pang sekta ng lipunan, na kung mayroon silang mga nurses, sana ay mag-volunteer.
May nagtatanong naman kung mayroon daw ibibigay sa mga nagbo-volunteer? Wala ho. Papakainin namin, pagmimeryendahin namin pero hindi ho namin bibigyan ng suweldo – volunteer nga eh.
JOSEPH MORONG/GMA7: Mayors, can I just ask one more question? When do you expect the vaccines, iyong mga inorder ninyo to arrive? And when are you going to start your vaccination in your respective cities? Mayor Malapitan, since you’re on the screen already. Sir, kailan ninyo po ini-expect iyong delivery and then start ng vaccination?
CALOOCAN MAYOR MALAPITAN: Well, kami ay nakipag-usap na sa AstraZeneca, mayroon mga negotiations ongoing. Ang pangako nila sa amin is this June or July doon darating ang vaccine namin, iyong inorder sa AstraZeneca.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Mayor Belmonte, kailan po natin ini-expect and when do we start? Same question for Mayor Tiangco.
QUEZON CITY MAYOR BELMONTE: Yeah, iyong binili po ng city government, that’s again through AstraZeneca, same with Mayor Malapitan, the second semester, we were told. However, we can start vaccinating as soon as our allocation from the COVAX Facility arrives in Quezon City, then puwede na kaming mag-start.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, ma’am. Thank you. Mayor Tiangco?
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Yes, same, kasi sabay-sabay kaming pumirma doon sa AstraZeneca. So iyong first batch ng AstraZeneca will arrive second semester. First tranche iyon ha, hindi lahat ng inorder namin. So ang una talagang aasahan naming lahat is iyong galing sa COVAX Facility ng national government. Iyon iyong pinaghahandaan namin lahat. Pare-pareho naman kami.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Thank you very much po for your time. Secretary Roque, thank you for your time, sir.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Let’s go back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Sam Medenilla of Business Mirror: May na-sign na po kaya na supply agreement ang government for COVID-19 vaccines? If yes, for what vaccines kaya ang mga ito sakali?
SEC. ROQUE: Antayin po mamayang gabi ang report ng technical [garbled] kay Presidente.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Si Melo Acuña po ng Asia Pacific Daily.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Thank you. Sa nakalipas pong tapatan sa Aristocrat kanina, nabanggit po ni Ginoong Roberto C.O. Lim ng Air Carriers Association of the Philippines na maaaring umabot na sa animnapung bilyong piso ang nalugi sa local air carriers dahilan sa onslaught ng COVID-19. Magkakaroon daw po kaya ng uniform protocol para sa domestic travelers para makabawi-bawi naman sila?
SEC. ROQUE: Naku, napuputol ka, Melo. Hindi ko nakuha iyong first part of your question. Pakiulit lang.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Doon sa idinaos naming forum kanina, nabanggit po ng Air Carriers Association of the Philippines na aabot sa animnapung bilyong piso ang nawala sa air carriers – local, domestic operators. Mayroon daw po kaya pagkakataon na magkakaroon ng uniform protocol for domestic travelers para makabawi-bawi naman sila?
SEC. ROQUE: Well, iyan po iyong ating hinihikayat, ang mga lokal na pamahalaan na bumuo ng common protocol ‘no dahil mahirap po talagang magbiyahe kung paiba-iba iyong mga requirements. Pero hinihikayat po natin sila hindi lang po sa IATF kung hindi pati doon sa panig DOTr at sa panig ng CAAP.
Sa tingin ko naman po, ngayong mayroon na tayong bakuna kasama iyong ating mask, hugas at iwas, eh talaga pong lalo pang dadami iyong mga bumibiyahe at magiging dahilan para maengganyo ang iba’t ibang local government units na magkaroon na nga ng common national protocol.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. May kahilingan din po iyong Provincial Bus Operators Association of the Philippines dahilan sa may biyahe na sa Region VI, Region VIII at Region XI pero walang biyahe sa Bicol Region – kaya hindi rin ako makauwi. Ano raw po kaya ang gagawin ng LTFRB dito?
SEC. ROQUE: Ganoon din po ‘no, habang bumababa po iyong mga kaso ng COVID at kapag nagkaroon na po tayo ng bakuna, tingin ko po ay maibabalik na natin sa 100% ang transportasyon. Sa ngayon po ay nag-iingat lang tayo. At saka ang katotohanan, iba’t iba kasi nga iyong protocols ng iba’t ibang mga LGUs so hindi naman pupuwede na isang biyahe from Manila to Bicol at dadaan ka ng iba’t ibang local government units ay iba-iba iyong mga requirements,
So one way of facilitating the resumption of all land travel is iyong sinasabi nga natin na common protocol.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Para po sa ating mga panauhing mayor, ang tanong ko po ay—nauunawaan ko po ang inyong mga cards, mga QR approaches para magkaroon ng contact tracing. Ang tanong ko po sa inyo mga mayor ay gaano kaligtas iyong datos na isusumite namin sa inyo at hindi ito mapapariwara at kung kani-kanino mapupunta? How safe are these data that we submit to the LGUs? Thank you.
SEC. ROQUE: Mayor Belmonte, perhaps you can answer first.
QC MAYOR BELMONTE: Yes, kasi marami po tayong mga automation initiatives ngayon, so what we’ve done is we hire a cyber security company to make sure that there’s data privacy here in Quezon City. Tapos ang kailangan lang kasi, alam mo every time you have innovation, kailangan mapagbantay ka lang talaga because these hackers are also innovating. So, kailangan lang talaga lagi kang mapagbantay and always develop new systems to watch over your existing systems. Iyan ang lesson na na-learn ko while automating.
And second, as we work also very, very closely with the Cybercrime Unit of the PNP and I just released an EO a few weeks ago saying that the full force of the law pertaining to data privacy and cybercrime will be implemented here in Quezon City should there be any breach in data privacy here in our city. So you can rest assure that here, this is something that is very important to us and if by some chance something has happened to any of your information, trust that the local government will really make sure that the full force of the law is imposed here.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Thank you. I’m also a resident of Quezon City.
SEC. ROQUE: Thank you, Mayor. Mayor Tiangco? Mayor Tiangco?
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Lahat naman tayo w are bound by the Data Privacy Act hindi ba, so that local government will have to ensure the privacy of all these data. We are committed to that.
Ngayon, Sec. Harry, I would like just to make a suggestion. Sana ma-discuss mo mamaya sa IATF, baka makalimutan kasi and I would like to take this opportunity.
SEC. ROQUE: Go ahead.
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Kasi hindi ba iyong importante diyan iyong vaccine passport hindi ba? I would like to request na iyong DOH na ang mag-issue ng vaccine passport para uniform. Kasi there’s 1,500 local governments, if each will issue a vaccine passport hindi na namin alam kung peke iyong iba at saka kung alin iyong tunay.
That is in relation with the question of Melo na sana uniform policy. Siyempre, kapag nabakunahan magkakaroon ng uniform policy pero sana DOH na, huwag na kami individually ang mag-issue ng vaccine passport. So, kahit saan ka pumunta sa Pilipinas isa lang iyong form. So, iyon lang iyong request, Sec. Ikaw na mag-ano… kung puwede i-bring-up mo mamaya.
SEC. ROQUE: Ang alam ko, Mayor Tiangco, talaga naman pong mag-iisyu ang DOH ng vaccine passport, ang nililinaw lang ng DOH, hindi ibig sabihin na mayroon ka ng vaccine passport ay hindi ka na kinakailangan sumunod doon sa ‘Mask, Hugas at, Iwas.’ So, ngayon po, magiging apat na iyan – ‘Mask, Hugas, Iwas at Bakuna.’
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Thank you, Sec. Thank you.
SEC. ROQUE: So, iyon lang ho ini-emphasize, ‘no, magkakaroon ng passport but it is not a license na tumigil sa ‘Mask, Hugas, at Iwas.’ Thank you very much, Mayor.
NAVOTAS MAYOR TIANGCO: Thank you very much. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you.
SEC. ROQUE: Balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Cedric Castillo ng GMA News: Reaction po sa Bayanihan 3 Bill filed by Speaker Velasco. Mayroon po bang pera ang gobyerno? Kabilang dito iyong P100-Million na panibagong ayuda sa taumbayan?
SEC. ROQUE: Well, we appreciate the policy initiatives of Speaker Velasco. Pero ang consistent position po natin diyan ay mayroon po tayong sapat na fiscal stimulus ngayon sa ating annual budget at ipinapatupad pa po natin iyong Bayanihan 2. Pero siyempre po, we appreciate the filing of Bayanihan 3 dahil kung kulang po talaga, then we will of course resort to Bayanihan 3. Sa ngayon po, tingnan po muna natin kung anong mangyayari sa pagpapatupad ng 2021 Budget at iyong pagpapatupad pa rin ng Bayanihan 2 na extended po hanggang taon na ito.
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Vanz Fernandez although may part na po nasagot kayo: With the vaccination program of the government to start this February targeting first priority medical frontliners of the pandemic, when can the average Filipino get access to the vaccine?
SEC. ROQUE: Basta ang ating goal po, matapos lahat ang adult population within the year of 2021
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Pia Gutierrez of ABS-CBN: Pareho po sila ng tanong ni Cedric Castillo: Does the Palace think that the third stimulus package is necessary to help the country recover from the pandemic? About the Bayanihan 3 Bill po.
SEC. ROQUE: Titingnan po natin dahil hindi pa nga tapos po iyong pagpapatupad ng Bayanihan 2 at saka iyong pagpapatupad po ng 2021 Budget.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Leila Salaverria although may nabanggit na kayo nang kaunti nito, Secretary: Will the President play a role in the launch of the COVID-19 vaccination drive? If the President does not plan to be vaccinated in public, what does he plan to do to convince people to be vaccinated? Does he think he has to play a role in this or is he leaving it up to health experts or healthcare providers?
SEC. ROQUE: Unang-una, sinabi naman ni Presidente, talagang gustong-gusto na niyang magpabakuna. The issue is if he will do it publicly or privately and that is his right. Pero iyong pagpapabakuna po niya is intended to tell everyone na ang bakuna ay ligtas at epektibo kapag inisyuhan po ng EUA ng ating gobyerno at ng iba’t-iba pang mga government agency.
USEC. IGNACIO: Opo. May question po si Mylene Alfonso ng Bulgar para daw po kay Mayor Oca Malapitan ng Caloocan City: Paano po ang mga residente ng Caloocan City na ayaw magpabakuna and kumusta daw po iyong SAP sa Caloocan City? Marami pa rin po kasi ang hindi nakatatanggap ng ayuda? For Mayor Malapitan po.
SEC. ROQUE: Is Mayor Malapitan still on the house? Mukhang lumabas na po si Mayor Malapitan dahil mayroon po siyang meeting. Anyway, we’ll see if he can come back po. Next question, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, last question na po ito. From Mylene Alfonso ng Bulgar for Spox Roque: Double standard daw po ang naging desisyon ng IATF na payagan ang mga empleyado ng gobyerno na huwag nang dumaan pa sa testing at quarantine sa mga local government units para sa kanilang official business na dapat unang maging halimbawa ayon daw po ito kay Senator Imee Marcos.
SEC. ROQUE: Wala naman pong double standard diyan dahil unang-unang, hindi talaga pupuwedeng maantala ang pagbibigay serbisyo ng national government sa iba’t-ibang mga lugar ng Pilipinas.
Pangalawa, may sari-sariling protocol din po ang mga gobyernong opisina. Kami po, regular testing po kami sa Office of the President kaya nga po kapag mayroong nagkakasakit eh nalalaman namin kaagad.
So, magtiwala naman po tayo na hindi naman papaya na maging spreaders ang mga empleyado ng national government at mayroon pong mga hakbang na ipinatutupad nang makatulong din sa containment ng COVID ang iba’t-ibang ahensiya ng national government.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay, wala na po tayong tanong! So magpapasalamat po tayo sa ating mga alkalde. Mayor Joy Belmonte, Mayor Toby Tiangco at Mayor Oscar Malapitan, maraming salamat po sa inyong diskusyon ngayon. I’m sure po naintindihan na ng ating taumbayan, ng inyong mga constituents na talagang handang-handa na tayo magbakuna, hinihintay na lang po natin iyong pagdating ng COVAX facility.
Maraming salamat po, Usec. Rocky at maraming salamat sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.
At hanggang bukas po, sa ngalan po ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Hay naku, sa awa ng Diyos ay magkakaroon po ng katapusan din o matatapos din itong problema natin sa pandemya dahil nandiyan na po ang bakuna. Hang in there at sana po mag-Mask, Hugas at Iwas nang abutan po natin ang bakuna ngayong buwan na ito.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)