Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing

SEC. ROQUE:Magandang hapon sa inyong lahat. Dahil nga po sa tumataas na kaso ng COVID-19, napagkasunduan po ng IATF na ipatupad ang mga sumusunod na hakbang sa mga lugar na ilalim sa General Community Quarantine hanggang a-kuwatro ng Abril ngayong taon, ito po ay epektibo ngayon hanggang a-kuwatro ng AbSEC. ROQUE:driving schools, traditional cinemas, videos and interactive game arcades, mga silid-aklatan or libraries, archives, museums at cultural events, limited social events at sa mga accredited establishments na inaprubahan ng DOT at limited tourist attraction except open air tourist attractions.
• Pangalawa, ang meetings, incentives, conferences at exhibition events ay magiging limitado sa essential business gatherings at 30% venue capacity.
• Pangatlo, ang mga religious gatherings ay kailangang mag-observe ng maximum 30% ng venue capacity na walang pagtutol o objection mula sa lokal na pamahalaan. Binibigyang discretion din ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang venue capacity na hindi lalampas ang 50% base sa mga kondisyon sa kanilang lugar.
• Pang-apat, binabawasan ang venue capacity ng mga dine-in restaurants, cafes, personal care services sa maximum 50% capacity.
• Panlima, hinihikayat ang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan na ipagpaliban muna ang non-critical activities kung saan magkakaroon ng mga pagpupulong-pulong or mass gatherings.
• Sinususpinde ang operasyon ng mga sabong at sabungan. Bawal po ang sabong sa mga sabungan. Kasama sa suspensiyon ang mga lugar sa ilalim ng Modified General Community Quarantine.

Antabayanan lang po ang ilalabas na operational guidelines ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa mga hakbang na aking nabanggit.

Kahapon din po sa pagpupulong ng IATF ay inaprubahan din po iyong tinatawag na rekomendasyon ng National Task Force Against COVID-19 Task Force Group Recovery Cluster on the Priority Groups A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan na naka-base sa necessity of the service provided for the public at level of exposure. Sino ba ho ang mga nasa A4? Ito iyong mga frontline personnel na nasa essential sectors po.

Naratipikahan din po ang rekomendasyon ng IATF Technical Working Group kasama dito ang Memorandum Circular No. 5 na inisyu ng National Task Force Against COVID-19 na kung inyong matatandaan ay aking inanunsiyo noong Miyerkules, ito ay in-adopt with modifications:

  • Una po, lahat ng Filipino citizens, whether Returning Overseas Filipinos or Overseas Filipino Workers, ay pinapayagang makabalik ng Pilipinas. Sa unang inilabas na kautusan ng NTF kung inyong matatandaan tanging OFWs lang po ang pinayagan na makapasok. Ngayon po lahat ng Pilipino.
    • Pangalawa, effective March 22, 2021, 12:01 A.M., hanggang April 21, 2021, 11:59 P.M. pansamantalang sinususpinde ang pagpasok ng mga dayuhan. Hindi po kasama ang mga diplomats at ang mga miyembro ng International Organizations at kanilang dependents, kinakailangan mayroon silang hawak na valid 9E visa or 47A2 visa at the time of entry; mga dayuhan na involved sa medical repatriation na inendorso ng Department of Foreign Affairs, Office of the Undersecretary for Migrant Affairs and Overseas Welfares Welfare Administration, kinakailangan din na mayroon silang valid visa sa time of entry; foreign seafarers sa ilalim ng green lane programs for crew chain, kinakailangan mayroon silang hawak na 9C crew visas at the time of entry; mga asawang dayuhan at mga Filipino citizens na bumibiyahe kasama nila, kinakailangan mayroon silang valid visas at the time of entry; emergency, humanitarian at iba pang mga kaso na inaprubahan ng NTF chair o kanyang representative, kinakailangan mayroon silang valid visa at the time of entry.

Ang aking mga binanggit ay without prejudice sa immigration laws, rules and regulations. Mayroon pa ring exclusive prerogative ang Immigration Commissioner na makapagdesisyon sa waiver of recall of exclusion orders ng lahat ng dayuhang pinapayagang makapasok sa ilalim ng IATF resolutions, subject sa regular reporting sa IATF Secretariat sa katapusan ng bawat calendar month. Ang pagpasok ay subject din sa daily limit ng incoming passengers na ibinigay ng Department of Transportation.

Sa ibang bagay naman po, nasa kamay pa rin ng lokal na pamahalaan ang awtoridad na mag-impose ng higher age limit for age-based restrictions ng mga menor de edad depende sa COVID-19 situation sa kanilang mga lugar. Ang Metro Manila Development Authority ay inatasan na mag-facilitate ng pagpapalagay ng reasonable at uniformed exemption ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region.

COVID-19 updates naman po tayo. Mayroong na-report po kahapon na 5,290 na mga bagong kaso ayon sa March 18, case bulletin ng DOH. Nanatiling napakataas ang bilang ng mga gumagaling, nasa 561,530; samantala 12,887 naman po ang mga namatay, mas bumaba po ang ating case fatality rate at 2.01%. Nakikiramay po kami sa mga nasawi.

Tingnan naman po natin ang ating mga ospital – ito po ay national – National Healthcare Utilization Rate, as of March 18, nasa 51% available pa po ang ICU beds; 60% pa po ang available sa ating isolation beds; 68% ang ating available na ward beds; at 72% ang available sa ating mga ventilators.

Sa usaping bakuna at nagtatanong kung nasaan na ang mga ito, kasabay banggit sa vaccine funds, wala pong opisyal ng gobyerno na may access sa COVID-19 vaccine funds. Ang pagbibili ng bakuna ay of course through sa ating multi-sectoral partners tulad ng World Bank at Asian Development Bank mula pagbili procurement hanggang sa pagbayad ng mga bakuna ay ima-manage ng ating multilateral partners. Ibig sabihin po, bagama’t tayo po ay binigyan ng kumbaga credit line, iyong pag-draw down po sa credit line para sa pagbili ng bakuna didiretso po iyan sa vaccine manufacturer. So hindi po dapat magtanong na sa kanila ng mga nautang na mga salapi ay nasaan ang mga bakuna, mayroon lang po tayong approved loans at iyong mga proceeds po ng loans diretsong ibabayad po iyan sa mga vaccine manufacturers at kasama po natin si Secretary Carlito Galvez ang ating Vaccine Czar para bigyan pa ng detalye ito.

Kasama rin po natin ngayon ang ating Isolation Czar si Secretary Mark Villar, kasama rin po natin si Testing Czar Vince Dizon at ang ating Treatment Czar, si Undersecretary Leopoldo Vega. Okay, simulan na po natin ang ating open forum.

Si Secretary Carlito Galvez siguro po muna to answer the questions asked by a senator: Nasaan daw po ang mga inutang nating mga salapi dahil wala pa raw pong dumarating na mga bakuna, Secretary Galvez?

SECRETARY GALVEZ: May nagsabi po na isang senator na more than 126 billion ang inutang natin, iyon po sa vaccine, gusto lang po nating itama na ang sa vaccine po ang naka-allocate lang po is P1.3 billion, so more or less mga 60 billion po iyon at sa ngayon po ang ating mode of payments ay kapag natapos na po iyong tinatawag na sa supply agreements, may mode of payments po doon na kapag nagkaroon po ng tinatawag nating requirement ang ating World Bank—ang World Bank po ang requirement po niya ay dapat po mayroon po tayong tinatawag na pre-stringent regulatory authorization from different countries like US, UK, EU, so iyon po ang requirement niya. And then also iyong ADB naman ay mayroon isang stringent requirements or mayroon siyang tinatawag na kasama siya sa Emergency Use List ng World Health Organization. Sa ngayon po ang nagka-qualify po sa ating loan ay iyong ay iyong Moderna, napirmahan na po natin iyong 13 million at iyon po ay nakasalang po sa World Bank for their further evaluation. And then wala pa po tayong ibinabayad doon, dahil kasi after pa po ng mga tinatawag na may definitive delivery na, doon po natin babayaran.

Sa ngayon po ang ano po natin sa ADB, ang nilalatag natin sa ADB ay iyong Novavax at saka po iyong ating loan sa J&J. Doon po sa mga inano po natin na mga vaccine, portfolio of vaccine, wala po tayong nababayaran pa po doon; ang nabayaran pa lang po natin ay ang Sinovac, nabayaran natin ng 15% ng 700 million pesos. So iyon po.

And then next na ano po natin ay magkakaroon din po tayo ng, Sir Harry, ng procurement dahil most likely baka magkaroon po tayo ng EUA ng Gamaleya, lumabas po ngayong araw. So ang mangyayari po is magkakaroon tayo ng order for April na 3 million, so gumawa na po ako ng parang warming request to DOH na mag-prepare po ng more or less 1.5 billion para po doon sa tinatawag natin sa 3 million po na dosage ng Gamaleya Sputnik V. And then mag-o-order din po tayo ng additional 2 million for April doon po sa Sinovac at iyon po ay worth 1.4 billion. All in all po, mga 3.9 billion for 5 million doses, iyon po ang ano po natin.

SEC. ROQUE:Okay. Maraming salamat, Secretary Galvez. I’m sure marami pa pong tanong ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Pero I’d like to recognize now our Isolation Czar, Secretary Mark Villar. Sir, siguro po dahil bumaba nga iyong mga kaso ng COVID-19, marami tayong mga mega facilities na naisara. Anu-ano po ito? Kailan po natin sila pupuwedeng buksan muli at ano pa po iyong mga additional na mga isolation facilities na bubuksan ng DPWH? The floor is yours, Secretary Mark Villar.

DPWH SEC. VILLAR: Salamat, Secretary. At nais ko pong i-report na sa ngayon nakapagtayo na tayo ng 602 facilities for COVID facilities at ang bed capacity ng mga facilities natin ay 22,352. Ngayon by next month, ang target po namin is magkaroon tayo ng 720 facilities with 26,099 beds, so tataas talaga po ang capacity natin. Sa ngayon po sa NCR medyo mataas lang iyong usage ng mga quarantine facilities natin at 50%, pero sa ibang lugar hindi pa masyadong mataas. Ang national average natin is about 16%.

Tuluy-tuloy naman ang pagtatayo namin ng mga quarantine infrastructure at with regards to the mega quarantine facilities, iyong iba, iyong tent po natin sa Philippine Arena ay nagkaroon po ng damage pati iyong Ninoy Aquino so iyon po ang iri-repair namin. Kapag kailangan naman talaga natin ng additional facilities, mayroon naman kaming plano para lalong madagdagan po ang mga quarantine facilities.

And also, I’d like to report na malapit na ma-online na po iyong pop-up hospital natin that will allow us to increase the capacity by 110 beds for severe cases of COVID. So magkakaroon po tayo ng additional capacity and we will continue to plan for more facilities as the need arises. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE:Sec. Villar, iyong additional 120 beds for serious, ito po iyong sa Quezon Institute?

DPWH SEC. VILLAR: Opo. Ito po iyong sa Quezon Institute, this is a pop-up hospital, international standards. So designed po talaga siya para sa mga COVID, pati iyong mga features ng hospital ay designed para sa COVID patients. So ito ay will be operated very soon by the DOH and I’m sure si Usec. Vega can also update us on this. But iyong physical structure is already complete.

SEC. ROQUE:Last question na lang po. Iyong sa Nayong Pilipino po, parang nasira daw yata ng bagyo at hindi natin nagagamit to the maximum capacity of 500?

DPWH SEC. VILLAR: Opo. Actually nakikipag-coordinate kami ngayon dahil iyong tent structures ay medyo nagkaroon ng damage dahil sa mga bagyo. Pero kami naman po as needed, makikipag-coordinate kami sa private sector and even ourselves, sa department, we’re willing to help in the repairs of these structures.

SEC. ROQUE:Maraming salamat, Secretary Villar. Please join us in our open forum. Kasama rin po natin si Testing Czar Vince Dizon. Sec, habang dumadami ang kaso, mas importante na paigtingin pa rin natin ang ating testing. Ano na po ang status ng ating testing sa panahon na paakyat po ang mga kaso ng COVID-19?

SEC. DIZON: Salamat, Spox. Siguro po ‘no ang maganda dahil nag-isang taon na rin tayo sa ating laban sa COVID-19, mahigit isang taon, siguro dapat makita natin iyong pinanggalingan natin at kung saan tayo ngayon. Mayroon tayong konting slides, hindi ko po alam kung puwedeng ipakita. So kung maalala po natin noong Pebrero 2020 hanggang bandang early March eh isa lang po ang laboratoryo natin sa buong Pilipinas. Noong panahong ito ay nagpapadala tayo ng mga specimen hanggang Australia, Spox. Pero ngayon po after one year, 229 labs na po tayo, ang nagawa natin both ng national government, ng LGUs at pati na rin ang private sector.

Kaya ngayon po, ang turnaround time natin ay napakabilis na. Kung maalala po natin noong nakaraang taon eh umaabot ng dalawang linggo hanggang tatlong linggo ang paglabas ng resulta. Ngayon po eh minsan wala pang isang araw o minsan nga wala pang dose oras ay lumalabas na. At dahil diyan ang ating actual test per day – noong Abril po 2020 noong tina-track po ito, daily test po ito, tatlong libo lang po – eh ngayon po ay mahigit 50,000 na ang tini-test natin ngayong Marso. Kaya po napakalaking bagay po talaga iyong pagtaas ng kapasidad natin at na-deliver po natin ito at tuluy-tuloy po tayo at talagang pinapaigting pa natin lalo itong ating testing capacity lalo na ngayong time na medyo tumataas ang ating mga kaso.

And finally po, iyong ating mga targets ng total test ay talaga pong pataas nang pataas ‘no. Noong Abril po last year, mahigit 20,000 tests lang po tayo, total sa buong bansa. Ngayon po ay 9.5 million na at kampante tayo na iyong ating 10 million tests by the first quarter of this year ay maaabot po natin. Kaya napakalaki po ng ating nagawa pero hindi po tayo humihinto ‘no, tuluy-tuloy pa rin po tayo, pinapabilis pa po natin iyan. At the same time gumagamit tayo ng mga bago nang teknolohiya tulad po noong napakaimportanteng saliva test na ngayon ay ginagawa na ng Philippine Red Cross, na hindi lang mas mabilis, ito’y mas madali ding gawin, na hindi masyadong masakit sa ating mga kababayan dahil imbes na tinutusok po ang ating mga ilong at ating mga lalamunan, eh tayo po ay dudura na lang sa isang container. At ikatlo po, ito po ay halos kalahati po sa presyo ng normal PCR test.

So tutuluy-tuloy po natin ito, Spox, at paiigtingin pa natin ito sa mga susunod na buwan lalo na ngayon na tumataas ang ating mga kaso. Salamat po, Spox.

SEC. ROQUE:Oo. Sec. Vince ang tanong ko lang po, alam ko po noong simula na kakaunti pa lang ang testing natin, bumili tayo ng sampung milyong testing kits ‘no at halos magsasampung milyon na po tayo, may binili ba ho tayong mga additional testing kits ngayon?

SEC. DIZON: Tuluy-tuloy po ang pagbibigay ng DBM at ng DOH sa mga kailangan nating testing kits. Ang maganda po ngayon is hindi po katulad noong mga challenges natin noong una na napakahirap noong supply, ngayon po mayroon na pong steady supply na nabibili ang ating Department of Budget at ang ating DOH.

SEC. ROQUE:Kapapasok lang ng balita po ‘no. Nag-issue po ng memorandum ang ating Executive Secretary and I will quote: “Please be informed that the President has approved the request to utilize all on-hand COVAX donated AstraZeneca vaccine doses as first dose vaccination in order to protect a larger number of frontline healthcare workers in areas witnessing increased transmission.”

So naaprubahan na po ng ating Presidente iyong paggamit ng lahat po ng 525,000 AstraZeneca na nakuha po natin, donasyon galing sa COVAX Facility para gamitin po bilang first dose para sa ating mga frontline workers.

At finally po, si Usec. Vega. Alam ko po kasama lang namin kayo kahapon Usec. Vega pero ang tanong ko po is, has there been any improvement na po? At alam ko po ang dami nang nagti-text sa akin na mahirap na pong makakuha ng espasyo sa ating mga hospital ‘no. So ano na po ang ating healthcare utilization rate sa Metro Manila at ano po iyong mga numero na puwedeng tawagan ng taumbayan para malaman nila kung saan silang pupuntang hospital at hindi na sila pumunta sa iba’t ibang hospital only to be turned away? Usec. Vega, the floor is yours.

USEC. VEGA: Good afternoon, Sec. Harry. And good afternoon to all the Secretaries.

First of all, nagpapasalamat kami na binigyan kami ng pagkakataon muli na mag-explain tungkol sa treatment side sa laban natin sa COVID.

Now, ang situation natin ngayon, alam naman natin na tumataas ang positive cases natin ng COVID at saka nakakalungkot dito dahil 53% ho ng active cases ay nasa NCR – so Manila, Quezon City at saka Cavite, ito iyong tumataas ngayon.

Ngayon, napapansin din namin ngayon na dahil nga sa pagtaas nitong new cases natin, tumataas na rin po ang usage ng ating isolation beds and saka iyong COVID wards natin dito sa Metro Manila.

So kung papansinin po natin siguro mayroon tayong humigit-kumulang na 7,000 plus na COVID dedicated beds at 54% ho nito ay generally nagamit na. Tapos iyong ICU ho natin eh tumaas na rin ang gamit ho. So, ang ICU po natin nasa mga 64% na po. Ang total ICU po natin dito sa Metro Manila is 672.

So, nakakaalarma kasi may mga areas lalung-lalo nasa Manila, Quezon City, Taguig, and Makati, iyon napapansin po namin na high risk category na po sila, so more than 70% na ho ang usage nila, may iba nga umaapak na sa 83%

So, bilang pa man ganito ang situation po natin, malaki na po ang ating preparedness kung i-compare mo ito last year kasi last year alam mo mahirap talaga magkaroon ng coordination between all hospitals. So last year, buti nga naitayo namin ang One Hospital Command kasi ito ang nagbibigay ng coordinate care at saka medical direction para ho sa lahat ng pasyenteng nangangailangan.

Ngayon po ay hindi lang po sa ospital eh tinutulungan po ang mga pasyenteng ito makahanap ho ng isolation facility sa Oplan Kalinga. So, ito ang coordinated care na nagawa ng One Hospital Command at saka ang laking tulong po ng private sector dito lalo na sa telecommunication at saka iyong PCSO ang DICT together with the Department of National Defense dahil nagbigay po sila ng resources at saka tauhan.

So, malaki iyong ano natin ngayon, at least preparedness, compared of last year. Napansin din natin na last year na alam mo by August or April of last year ang allocated beds lang ho ng private hospitals was 11%. Iyon ang pinaka-challenge talaga last year pero ngayon tumatama na ho tayo sa 20% allocation for private at saka mayroon na po tayong 30% na allocation for government institutions.

At hindi lang iyon po, nagbukas ho tayo last year ng 150 bed na bagong building sa East Avenue ito iyong parang dedicated for COVID na tumulong nga sa atin po ang DPWH ni Sec. Mark and nabuksan po natin itong 150 beds na may ICU beds na idinagdag. At saka mayroon pang construction as of now na magdagdag ulit ng another 15. So, nakaluwang kaunti compared with last year.

Nagtayo din tayo ng sinasabi nga ni Sec. Mark kanina, iyong modular hospital na 110 dito sa QI at i-operationalize na namin ito two weeks from now kasi wala hong kuryente at saka tubig so we have to make the necessary adjustments but two weeks from now or even less than that dapat mabuksan ho natin itong for moderate and severe patients na may COVID.

At saka iyong provision ho ng PPEs natin ngayon mas better off ho together with testing of the health care workers. Alam mo noong last year pahirapan talaga mag-PPEs na nakakatakot nga na magkahawaan sa mga ospital pero we are in a better shape now. We are better prepared and we have greatly improved our health system capacity lalung-lalo na sa pag-testing ng mga health care workers.

At hindi lang iyan, iyong since last year hanggang ngayon ho iyong ating health care augmentation for emergency hiring sa both public and private hospital tinupad po ng Department of Health. We started of hiring emergency medical and paramedical personnel to man iyong mga hospitals with so much COVID patients.

So, nag-hire kami ng 12,000 personnel naka-address all over the Philippines at mini-maintain po namin iyan. Sinasabi nga namin ngayon sa ibang mga hospitals na kung kailangan ninyo talaga ng another augmentation or an increase in your augmentation for the hospitals to make sure na mayroong human resource, gagawin po namin iyan.

At saka iyong experience ho ng health care workers in terms of treatment of COVID, nag-iba na ho, nag-standardize. So, iyong mga dating mga gamot na hindi naman epektibo wala na ho iyon. So, we maintain Remdesivir as antiviral drug, nandoon din iyong pag-use ng dexamethasone at saka tocilizumab. Ito iyong mga anti-inflammatory at saka iyong mga anti- anticoagulants po to make sure na iyong blood flow ho okay. And lastly ho, iyong use of the high-flow nasal cannula or the BiPAP machines as an alternate to the ventilators which lower the mortality.

So iyong standard of care, treatment, our experience in terms of handling the COVID situation last year, ito iyong ano natin ho… ito iyong strength na natin ngayon and we can always say na we are much more prepared; we have improved our capacity and that we are ready whatever happens for this COVID crisis ongoing.

Salamat po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:Sir, ang memoryado ko lang po na number ng One Hospital Command Center ay 0915-777-7777. Ano pa po iyong ibang numbers ng One Hospital Command Center at ini-engganyo ko po ang ating mga kababayan, bago po kayo pumunta sa ospital siguro tumawag muna kayo sa One Hospital Command Center nang hindi na kayo kung saan-saang ospital napupunta only to be turned away dahil walang espasyo ‘no. Ano pa ho iyong ibang numbers natin sa One Hospital Command Center?

USEC. VEGA: Sec. Roque, ibigay ko sa iyo kasi ang daming numbers, ipa-flash later on. Ito iyong gusto naming gagawin na one call na lang po like direct line na 1555, ito iyong wino-workout namin with PLDT. Kasi ngayon right now, we have so much numbers at saka baka malito iyong mga tao pero I’ll give you the numbers later on [signal face].

SEC. ROQUE:Ang sigurado na po ako, sa ating mga nanunood ngayon at nakikinig, ay 0915-777-7777.

Okay, pumunta na tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, at kina Secretary Galvez, Secretary Vince, Secretary Villar and Usec. Vega.

Secretary, unahin ko na lang po muna iyong tanong ni Marichu Villanueva ng Philippine Star para daw po kay DPWH Secretary Mark Villar: If government has more than enough isolation facilities, why then the OFWs and ROFs are being taken to hotels and now OWWA asking for more funds from the national government to pay for isolation of OFWs and ROFs?

DPWH SEC. VILLAR: Well, as of now I’m in charge of augmentation of the facilities with our … by our Heal as One Centers. So based on our monitoring now, we have an existing … mayroon po tayong 22,000 na existing at sa NCR po 50% ang nagagamit. I think si Sec. Vince can also give us—with regards to the OFWs, si Sec. Vince can also update us on the current policies para sa mga returning OFWs.

SEC. ROQUE:Sec. Vince…

SEC. DIZON: Yes, Spox, Usec. Rocky. Thank you, Sec. Mark.

Sa ating returning OFWs, alam naman natin ngayon ay required mag-quarantine ng limang araw. Pagkatapos po noon ay magti-test on the 5th day; kapag negative po on the 6th day kung makuha iyong resulta ay sila po ay ima-mandate na mag-home quarantine ‘no. Makakaalis po sila sa quarantine facility at makakauwi at doon po magku-complete noong 14-day quarantine. Sa ngayon po, naka-quarantine po ang ating mga OFWs sa iba’t ibang mga facilities tulad ng mga hotels sa Metro Manila, sa CALABARZON, sa Central Luzon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince, may follow up—

SEC. ROQUE:May idadagdag ‘ata si Usec. Vega, please.

DOH USEC. VEGA: I-ano ko na, Sec. Harry, baka makalimutan ko iyong mga numbers kanina kasi tatlo iyon eh. It’s 0919-977-3333 tapos iyong pangalawa 0915-777-7777, tapos (02) 8865-0500. Iyon po ‘yung mga numero na ginagamit ng aming One Hospital Command through the call center.

SEC. ROQUE:We will ask also Jovan to flash these on the screen later. Sige, next question Usec. Rocky. Thank you, Usec. Vega.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, unahin ko na rin po iyong tanong naman—follow up kasi po ito ni Dreo Calonzo ng Bloomberg para po kay Secretary Dizon and Secretary Villar: So what loopholes have you seen in our quarantine and testing protocols for OFWs that contributed to the entry and spread of different variants to our country? How are you addressing this?

SEC. DIZON: Gaya po noong sinabi ni Dr. Edsel Salvaña noong mga nakaraang araw, napakahirap po talagang i-control ‘no iyong pagpasok ng mga iba’t ibang variants kaya po kalat na kalat na ito sa buong mundo ‘no hindi lang po sa Pilipinas. Pero ang ginagawa po talaga natin ngayon ‘no, ayon sa ating mga experts, iyong ating current protocols protect us as best as we can from these variants ‘no. Ang sinisigurado lang po ng ating enforcement agencies tulad ng PNP, ng DILG ng Bureau of Quarantine, ng Philippine Coast Guard is sigurado pong sinusundan ang mga protocols nang tama at nai-enforce po nang tama.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, question from Kris Jose of Remate: Reaksiyon daw po sa naging tugon ni Senator Leila de Lima nang tawagin siyang ‘bitch’ ni Pangulong Duterte? Ang sabi po ng senadora sa kaniyang Twitter account ay, I quote: “We still have a severe shortage of vaccines even though we’ve borrowed billions of pesos and I’m the bitch?”

SEC. ROQUE:Well, siguro po dementia na po iyan sa—dahil sa kaniyang pagkakakulong ‘no. Iyong inutang po natin para sa bakuna, hindi po natin nakukuhang cash iyon. Iyong mga inutang po natin sa multilateral lending agencies, diretso pong pupunta iyon sa mga manufacturers ‘no. Kaya po hindi pa napupunta sa mga manufacturers eh wala pa po silang supply na nadi-deliver dito. I’m sure si Secretary Galvez can add something.

SEC. GALVEZ: Katulad po ng niri-report po natin sa Senate at saka po sa ating mga kababayan na talagang ang problema po natin ngayon is iyong global supply. Nakita natin na matagal na nating sinasabi na more or less 85% pa po ng mga tinatawag nating mga western pharmaceuticals at saka mga may EUA na category ay talagang nakuha na po ng mga ibang bansa. So ang talaga pong ano natin kahit na may pera po tayo, kahit na may pera po tayong pambili, hindi po tayo makakuha kasi ano po, kadalasan po kung magkaroon man tayo ng negosasyon, magiging available din po iyon mga third quarter/fourth quarter. Kahit po na talagang kalkalin natin iyong lupa wala po tayong makukuhang vaccine dahil kasi po talagang iyong supply ang problema po natin.

SEC. ROQUE:Pero, Sec. Galvez, can you confirm na itong buwan ng Marso parating pa ang isang milyon na in-order nating Sinovac, ang 400,000 na additional donation ng Chinese government sa Sinovac at mayroon pa pong parating na AstraZeneca within the month; ilan po iyong darating within the month?

SEC. GALVEZ: Ang darating po this month of March, mayroon po tayong 400,000 na donation from China. And then mayroon po tayo na 1 million po na Sinovac na galing po sa procurement po natin na darating naman po iyan March 29, na-adjust po nang konti. And then we are expecting also na mayroon pong 979,000 na AstraZeneca na darating sa COVAX, so more or less 2.3. And then ngayon nag-usap kami kaninang umaga ni Secretary Duque, may limang milyon kaming bibilin sa April – tatlo pong milyon sa Gamaleya at saka dalawang milyon sa Sinovac. And then mayroon po sa May, mayroon po tayong binibili na 2 million sa Sinovac at mayroon din po tayong darating galing sa private sector na 2.6 million at mayroon na rin po tayo sa Moderna.

Spox, ibabalita ko nga pala, kahapon pinirmahan na po natin ang supply agreement ng Moderna. Alam po natin na iyong Moderna, mayroon po tayong tripartite agreement dito also with the ICTSI at saka iyong mga Ayala Group and also the private sector. So mayroon po tayong 13 million na napirmahan at mayroon namang 7 million tayong napirmahan sa tripartite agreement with Sir Enrique Razon. Nagpapasalamat po kami sa ating mga private sectors sa kanilang tulong sa atin po.

SEC. ROQUE:Maraming salamat po, Secretary Galvez. Next question, please.

USEC. IGNACIO: Question pa rin po ni Kris Jose for Secretary Roque: Pahingi daw po ng detalye sa naging pag-uusap nina Pangulong Duterte and Willie Revillame.

SEC. ROQUE:Naku, in isolation po ako. Wala po ako sa meeting na iyon.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez of ABS-CBN for Secretary Galvez po: May mga appeal daw po na gamitin muna ang vaccine to inoculate people sa National Capital Region dahil dito ang mataas na cases. Posible ba ito sa Sinovac donated and Astra from COVAX?

SEC. GALVEZ: Iyon po ang pag-uusapan po namin sa NITAG. Nag-uusap ho kami ni Secretary Duque na pupulungin po namin ang NITAG kasi iyon po ang isang recommendation din ng OCTA at nakikita rin po namin na mayroon pong valid na reason po iyon na mag-concentrate muna po tayo sa mga affected areas lalo na sa NCR, sa Cebu at saka dito sa Region XI. So puwede po iyon, puwedeng gagawin po natin na ang next deployment po ang ating mga ano, na mga vaccine na mga darating, na iyong 2.3 at another 4 million ay iku-concentrate po natin sa mga affected areas.

At nagpapasalamat po kami mahal na Pangulo at inaprubahan niya po ang pagbigay po ng go signal na iyong 525,600 na AstraZeneca ay magiging first dose na. So i-increase po ang ating proteksiyon na from 500 to 57(?) na healthcare workers ang atin pong matuturukan sa ating 1.1 million, magiging 825,200 na po… 825,200 po ang magiging protected na initially… initially protected ng ating first dose vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Galvez, ibigay ko na lang po iyong follow up question sa inyo ni Dreo Calonzo about it ng Bloomberg: Can you confirm daw po if some vaccines will be brought back to Metro Manila from areas where there’s a low take up? Why is this being done and didn’t government properly allocate vaccines among different areas in our country?

SEC. GALVEZ: Ang atin pong allocation, equitable po ang ginawa nating allocation sa mga different hospitals. At napag-usapan namin po ni Usec. Myrna at Usec. Carino at kakausapin namin po si Secretary Duque na iyong tinatawag nating redeployment back to Manila, hindi po—medyo ano po, magkakaroon po tayo ng double handling. So ang recommendation po namin is, just in case na we intend to deploy more sa Metro Manila, gagamitin po natin itong AstraZeneca na iyong ni-reserve natin na second dose at the same time iyong padating na 1.4 million ngayong March.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Secretary Roque, ang susunod na magtatanong ay si Mela Lesmoras ng People’s Television.

SEC. ROQUE:Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon po, Secretary Roque, at sa ating iba pang mga Secretary ngayon. Unang tanong ko lang po, Secretary Roque, follow up doon sa ini-announce natin na new IATF policies. May ilang kababayan lang tayong nagtatanong, hindi po ba ito MECQ-in disguise? At kasabay niyan, ang tanong lang din po ng iba, dahil ba mas mahigpit na iyong patakaran ay inaasahan nating hindi na magkakaroon ng changes sa quarantine protocols for the month of April?

SEC. ROQUE:Well, sinusubukan po nating ipababa talaga ang numero ng COVID cases nang hindi po nagsasarado nang malawakan ang ating ekonomiya. So, ang inaasahan po natin ay ang kooperasyon ng lahat at sa pamamagitan nitong latest decision ng IATF, eh baka naman po mapababa natin. Dahil alam po natin na as a last resort, pupuwede tayong mag-increase ng quarantine classification pero napakadami na nga pong nagugutom kaya kinakailangan eh buksan natin hanggang maaari ang ating ekonomiya.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Pero, sir, bago magtapos ang March, so magdi-declare pa rin po tayo kahit Holy Week na iyong last week of March, magdi-declare pa rin po tayo ng bagong quarantine classifications for the month of April?

SEC. ROQUE:Well, hindi po nasa agenda kahapon ng IATF iyan, normally po because malapit na nga iyong end of the month, eh dapat nagkaroon na po ng briefing. Pero we will see po next week, this is without prejudice naman po, dahil patuloy po ang pagbabantay natin sa pag-increase ng mga kaso at doon sa healthcare utilization rates ng ating mga hospital dito sa Metro Manila.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Another questions, Secretary Roque, kasi sa kaniyang speech kahapon medyo umubo po si Pangulong Duterte and we don’t know if biro, pero nasabi nga niya na baka cancer na. Once and for all, Secretary Roque, kumusta po ba iyong kalusugan ni Pangulong Duterte at ano po ba itong nasabi niya rin kahapon?

SEC. ROQUE:As I said, kaya ako sumasama kay Presidente, para makita kung paano iyong delivery niya so I can say kung seryoso o hindi. Pero on the basis naman of what I also on TV ‘no, I would say, nagbibiro naman po iyong Presidente, kasi naubo nga po siya tapos sabi niya baka cancer na ito ‘no. So I think that is really a joke of the President and should not be taken to mean na may cancer talaga siya.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo, pero walang dapat ipag-alala ang ating mga kababayan, tama po ba, Spox?

SEC. ROQUE:Wala po. I do not have any information na dapat mag-alala tayo. Bagama’t ang last pagkita ko po sa Presidente online last Monday. But ang Presidente naman po ay abogado and susunod po siya sa Saligang Batas, kung mayroon siyang seryosong karamdaman, ipagbibigay-alam po niya iyan sa publiko.

MELA LESMORAS/PTV4: My last question lang po for Secretary Galvez, okay lang po ba, sir?

SEC. ROQUE:Okay, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Secretary Galvez, on national vaccination program lang po, follow up po doon sa inyong statement kanina. Ini-announce kasi ng FDA na may EUA na nga para sa Sputnik V. May I ask kung dahil dito, kailan po kaya inaasahang darating sa bansa iyong mga vaccine supply naman mula sa Gamaleya? And paano po ito makakatulong sa ating vaccination program? Kailan po kaya, anong month po kaya inaasahan naman iyong from Gamaleya para sa Pilipinas?

SEC. GALVEZ: Magkakaroon po kami ng negotiation this coming Tuesday at ang initial request po namin is kung puwedeng makapag-deliver sila ng, more or less, 3 million doses this coming April/May. And then mayroon kaming ongoing negotiation din sa kanila na kung puwedeng pahintulutan nila na makabili iyong LGU. I believe iyong nakita natin na iyong Gamaleya ngayon, marami pong countries ang humihingi na rin po ngayon, more or less, 20 to 30 countries na po ang gumagamit na po ng Gamaleya Sputnik V. And we are requesting na mabigyan tayo ng at least two million man lang this coming April.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque, Secretary Galvez at sa iba nating Kalihim.

SEC. ROQUE:Thank you, Mela. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. Question from Leila Salaverria of Inquirer. Iyong first question po niya, nasagot na rin ni Secretary Galvez about doon sa concern despite the government getting billions daw po of pesos worth of loans, the vaccine supply in the country continues to be low. Ang second question po niya: Is there anything the government could do to speed up the delivery or are completely at the mercy of manufacturers?

SEC. GALVEZ: Yeah, honestly, nasa receiving end tayo. Talagang nakikita natin, considering that iyong nakikita natin, iyong manufacturer, kung saan po nakatayo ang manufacturing plant po doon po talaga nagkakaroon po ng tinatawag na, sabihin na nating holding. Nag-usap kami ng Ambassador ng US, ang sinasabi nga niya parang nagdeklara nga po ang US talaga na iyong na iyong tatlong vaccine, iyong Johnson & Johnson, iyong Moderna at saka po iyong Pfizer ay talagang physically it will be dedicated for the vaccination of all Americans so that they will have independence from COVID by July 4. So iyon ang kanilang target. So ang nakita namin, magkakaroon ng easing up of the vaccine dosage, most likely mga July po.

USEC. IGNACIO: Question from Sandra Aguinaldo of GMA News for SECRETARY GALVEZ: The Philippine Chamber of Commerce and Industry daw po has called on the national government to allow the private sector to directly procure COVID vaccines from accredited sources. The PCCI believes this will speed up the purchase and rollout of vaccine. What is your reaction daw po, Secretary?

SEC. GALVEZ: Wala pong problema dahil kasi puwede naman po silang magkaroon ng access. Kaya lang according to the law, kailangang magkaroon po ng multilateral agreement with the government. Kasi tinitingnan po natin ang ating authorization is emergency and at the same time, kahit na po sila magbili po ngayon, most likely ang mga delivery po niyan is third quarter na rin po. So, kumbaga sa ano po, kung just in case na talagang mag-o-order sila, unlikely ito ngayon na mayroong in-order ang business sector sa Bharat but maybe available by April or May, iyon lang po ang ano natin. Kahit na po ang nakita natin, inaasahan iyong sa ating ipinasa na law, nakikita po doon kahit na iyong LGU at saka po iyong private sector ay puwede pong bumili in coordination with the national government because of the EUA categorization.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. Secretary Roque, ang susunod na magtatanong si Joseph Morong of GMA News.

SEC. ROQUE:Go ahead, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, sa iyo muna. Yesterday, you mentioned that one of the agenda items in the meeting is the concept of circuit breaker. Ito na ba iyon, sir?

SEC. ROQUE:Iyan na po iyong napagkasunduan. There is no lockdown, which is the notion of a circuit breaker as applied in Singapore. Pero binawi po natin iyong mga binuksan nating mga industriya, kung hindi po ako nagkakamali last February 11, at nilimitahan na rin natin ang mga mass gathering to 30%. Again, except for restaurants na 50%. At siyempre nilimitahan na rin natin iyong mga papasok sa NAIA ng maximum of 1,500.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, kasi I was going through iyong mga prinisent mo kanina, this is just the scenario before February, early part of February, wala naman masyadong pagbabago. Do you think that this circuit breaker measures are enough to stem the rise of COVID cases?

SEC. ROQUE:Well, we believe so po ‘no and we are hoping that with increase cooperation sa ating mga kababayan na mag-mask, hugas, iwas at magbakuna ay mapapababa naman po natin ito.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, can I go to Secretary Galvez, please?

SEC. ROQUE:Go ahead please.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, paalalay nang kaunti ha. Kasi hindi ko na-catch masyado iyong mga statistics mo for the vaccines. But first of, would you agree, sir, that the solution now to the rising COVID cases in the country is mass vaccination?

SEC. GALVEZ: Isa po iyon, isama na po natin iyon. Pero ang pinaka-ano natin talaga iyong minimum health standard. Kasi sa vaccine kailangan po talaga para ito ay maging effective, ang tawag po namin niyan is vaccine plus, meaning plus minimum health standard.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, mayroon kang update ng vaccination natin ng mga healthcare workers? Ilan na po so far iyong ating nabakunahan na mga healthcare workers out of the 1.7 million nationwide? Iyon muna, sir.

SEC. GALVEZ: Sa ngayon, as of 18 March 6 P.M., mayroon na po tayong 292,677 na nabakunahan na po at ang nakita natin sa rollout natin nag-a-average tayo ranging from 23 to 30,000 every day.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Ano iyon, sir?

SEC. GALVEZ: Iyong nagri-ranging tayo ng average natin daily is, more or less, 23,000 to 30,000. So ang nababakunahan na po natin na healthcare workers is almost 300,000 which is 292,677.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Medyo mababa pa iyan, sir, sa 1.7 natin. In-explain na ninyo iyan before so I won’t ask it why. Sir, iyong mass vaccination natin, kailan puwedeng mangyari iyon, if you are not finish with the HCW?

SEC. GALVEZ: Most likely ang makikita natin sa mga massive vaccination natin mangyayari this coming May kung darating mga orders from AstraZeneca and also Moderna.

JOSEPH MORONG/GMA 7: May pa.

SEC. GALVEZ: So iyon ang magiging ano natin. Sa ngayon ang magiging targeted vaccination, so first ngayon magkakaroon tayo ng tinatawag na healthcare workers which hopefully matapos natin ng mid-April.

And then, [garbled] transfer sa seniors. Pero mayroon kaming proposal na para at least baka magkaroon tayo ng tinatawag natin … gagamitin natin iyong PERT/CPM model. PERT/CPM model natin will do [unclear] at the same time. Meaning, we will target different targets at the same time. For example, iyong A1 to A3, tatargetin iyon ng national government and LGU; while iyong A4 ay tatargetin ng mga tinatawag na mga private.

So kapag dumating iyong kanilang ano, so simultaneous ng national government at saka iyong private sector na tinatarget nila iyong different allocated population. So with that, hindi natitengga iyong tinatawag natin na resources and capability ng mga ibang stakeholders. Sa ngayon, nakikita natin, ang nag-ano pa lang ay iyong hospital. Iyong hospital pa lang ang nag-aano ngayon. Iyong LGU, wala pa, hindi pa gumagalaw ang kanilang mga vaccination centers. At the same time, ang private sector, with massive resources and also capability, wala pa po siyang nagagawa. So ngayon, kapag pinagsabay-sabay natin iyan, multi-pronged, parang PERT/CPM iyan. Sa engineering, nasasabi namin na PERT/CPM, alam ni Sec. Vince iyan, sa construction model. So gagawin iyan, maganda po iyong simultaneous at magiging maiksi po iyong time with maximum output.

JOSEPH MORONG/GMA7: And the earliest time that we could that is April or May ‘no?

SEC. GALVEZ: Ang ano ko po is, more or less, May, June, kung magkakaroon na po ng influx, na steady supply po tayo. Kasi po ngayon, ang ginagawa natin, by starting April ay mag-stockpile na po tayo ng four million vaccine each month minimum. And we will scale up iyong stockpiling natin so that we can increase [unclear] by May and June.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, konti lang, last na. So March darating tayo 1.4 plus Astra na—ilan nga iyong Astra for April?

SEC. GALVEZ: Nine hundred seventy-nine thousand.

JOSEPH MORONG/GMA7: Nine hundred seventy-nine …

SEC. GALVEZ: Thousand.

JOSEPH MORONG/GMA7: March is 1.4 Sinovac, correct?

SEC. GALVEZ: Yes, plus 979,000 AstraZeneca, most likely coming iyan end of March or early April.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. And this will be dedicated to HCWs yes?

SEC. GALVEZ: Doon dedicated iyan. Mapu-fully covered na natin iyong ating target na 1.7 na healthcare workers.

JOSEPH MORONG/GMA7: By May, sir, is you have five million from Sinovac ba ito?

SEC. GALVEZ: April muna tayo. Mayroon pa tayong four million – two million sa Sinovac at saka two million sa Gamaleya, if we will be able to successfully get the Gamaleya.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. So that’s like four million in April. And May, you have?

SEC. GALVEZ: More or less, ang target natin ay magkaroon tayo ng five to eight million, another five to eight—

JOSEPH MORONG/GMA7: Five to eight. So April and May, diyan pa lang, sir, tayo magkakagalaw sa next sectors? These will be seniors, and then comorbidities and then the essential workers, yes?

SEC. GALVEZ: Yes, yes.

JOSEPH MORONG/GMA7: So between March, sir, and April, mask, hugas, iwas pa rin?

SEC. GALVEZ: Yes, ang ano natin, mostly ang gagawin natin diyan is mag-stockpile tayo ng enough vaccines so that we can move forward sa May and June ano natin, May and June ating massive vaccination.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. So you have the window ng March to April na mask, hugas, iwas pa rin ang strategy, right?

SEC. ROQUE:Well, alam ninyo actually, Joseph, hindi matitigil iyong mask, hugas, iwas ‘no, plus bakuna lang iyan ‘no. Pero habang nandiyan po ang pandemya, mask, hugas, iwas pa rin talaga tayo.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Thank you for your time, sir, and happy weekend to everyone.

SEC. ROQUE:Happy weekend, Joseph. Thank you. Next question, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, ang tanong po ay mula kay Genalyn Kabiling of Manila Bulletin. Secretary, hindi po kasi ako sure kung nasagot ninyo na, nabanggit ninyo ito kanina sa presentation pero basahin ko na lang po iyong tanong niya: On revised travel restrictions, can Filipinos who acquired American citizenship and hold US passports still enter the country?

SEC. ROQUE:Well, kung hindi po ako nagkakamali ‘no, Filipino passports pa lang po muna. Ibig sabihin, kung dual passports sila, dual citizen sila, pupuwede po. Pero sa ngayon po, mga Filipino passports. I could be wrong. Secretary Galvez, tama ba ho ako?

SEC. GALVEZ: Iyon po, sa mga ano lang po, humanitarian purposes lang po tayo [unclear]. Iyong ano po natin talaga iyong ROF, iyong returning overseas Filipinos at saka OFWs and seafarers lang po muna tayo, and other humanitarian considerations.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya, Secretary Roque, ay nasagot ninyo na pero mayroon po siyang follow up dito. Iyong after he joked about having cancer, may we know the President’s health condition? Will he slowdown and reduce his public engagements?

SEC. ROQUE:Well, sa nakikita ko naman pong schedule, wala naman pong further engagement na nakasulat sa kaniyang schedule. Puro Palasyo lang po siya ‘no. He will have his regular Talk to the People on Monday, at marami pong meetings sa Palasyo lang pero wala na po siyang out of town.

USEC. IGNACIO: Question po mula kay Ivan Mayrina ng GMA News para po kay Secretary Galvez. Secretary Galvez, buryong na raw po ang mga senior citizens at gusto na raw pong lumabas. When do we expect vaccination for them to commence? Anong bakuna ang gagamitin; at matitiyak bang ligtas ito sa nakakatanda?

SEC. GALVEZ: Iyon nga po, pag-uusapan po namin ngayon ng NITAG at ni Secretary Duque iyong possible transition natin na magkakaroon na po tayo sa A2 na vaccination, iyong para sa mga seniors. So ano po, pag-uusapan po namin kung ano po ang nararapat na bakuna. Nandiyan na po ang AstraZeneca, at the same time, we will introduce also iyong Gamaleya and we will evaluate kung ano po ang possibility na pag-combine doon para sa senior citizen.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang pong tanong sa inyo si Marichu Villanueva ng Philippine Star. Iyong kanina pong in-announce na Philippine signs supply agreement with American pharma firm Moderna covering 13 million doses. Ang question po niya, how much will this private sector vax procurement expedite, facilitate NTF’s National Vaccination Program? Question for Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin, kinausap po natin and Moderna, and we are very happy that kahit na medyo ano na po, medyo talagang napakataas po ng kanilang requirement at saka talagang kulang po ang kanilang supply ay puwede po silang magbigay ng second quarter. At natutuwa po kami na iyong 13 million na sa government contract plus iyong seven million sa private contract ay naging matupad po na ano, na maganda po na na-sign-an na po namin kahapon.

USEC. IGNACIO: May follow up question lang po si Marichu Villanueva pa rin ng Philippine Star: DFA Secretary Locsin daw po tweeted today, “Vax procurement of FFCCII was blocked.” Secretary Roque and Secretary Galvez.

SEC. ROQUE:Ay, hindi ko po alam kung ano iyong ibig sabihin iyong FFIC na iyan.

USEC. IGNACIO: FFCCII.

SEC. ROQUE:Hindi ko po alam kung ano iyong ibig sabihin niyan.

USEC. IGNACIO: Federation of Filipino Chinese—

SEC. ROQUE:Was blocked? Siguro po si Secretary Galvez will know something about this.

SEC. GALVEZ: Hindi ko po alam ang ibig sabihin ni Secretary Locsin. Puwedeng patawagan ko po. Sa ngayon po ay hindi po ako magku-comment.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Galvez, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong ay si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon. Secretary, I just have several points. First, if the priority of our government is mass vaccination, how have we progressed or what have we achieved in mass testing?

SEC. ROQUE:Mass testing, pero paano po iyan? Ang tanong ninyo po kay Secretary Dizon?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yes, dahil ang priority po ay magbakuna. Pero iyong testing po, ano na po ang nangyari?

SEC. DIZON: Sir Melo, I’m not sure—maybe I can show them again, Spox ‘no. Ito na po iyong ating na-achieve sa isang taon nating lumalaban sa pandemya. Siguro mauna tayo doon sa unang slide. Unang-una po, iyong laboratory natin dumami mula isa hanggang dalawang 229; iyong ating daily testing, actual po ito ‘no, mula tatlong libo kada araw, umabot na po tayo ng lampas 50,000.

Maalala po natin, ito iyong gusto natin talagang mangyari, 30 to 50,000 ang gusto nating testing rate. We have achieved that as early as August, September of last year. And finally, in terms of total test, halos ten percent na po ng population ang ating nati-test ngayon. Mula 24,000 noong Abril last year, ngayon po ay nasa 9.5 million na tayo at well on our way doon sa sinet natin na target na ten million by the first quarter of 2021.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, mabuti po kung ganoon. Next question is: If I subject myself to testing sa isang pribadong testing laboratory or facility, will this agency furnish the DOH and the DILG my results because there is this Data Privacy Act. Papaano po iyon?

SEC. DIZON: Opo. Ang sistema po natin na inaprubahan ng ating National Privacy Commission na ang mga test results ay ipinapadala – lalo na iyong mga positibo – ay ipinapadala sa DOH at pagdating sa DOH, ito ay ipapadala sa DILG, sa mga local government units para sa pagsasagawa ng contact tracing at isolation.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Ano po ang timetable bago magawa ito?

SEC. DIZON: Within twenty-four hours po ang ating target ngayon at iyon po ay more or less nagagawa na ngayon.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much for the update. Secretary Roque, nabanggit po ninyo na bawal ang sabong sapagkat ang sabong po ay isang kinagigiliwan ng mga honestong tao dahil bawal manuba diyan. Papayagan daw po ba ng gobyerno iyong e-sabong?

SEC. ROQUE:Ang ipinagbabawal po iyong mga sabong sa sabungan ano.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Iyon na nga eh.

SEC. ROQUE:Iyon po ang nakasulat sa resolusyon – bawal po iyong mga sabong at dahil nga po iniiwasan po natin iyong pagtitipon ng tao. Actually, nakakita nga ako doon sa ilang mga probinsiya na talagang pagdating sa sabungan, ang dami pa rin talagang nagpupuntahan at sana nga po nagso-social distancing sila doon. Pero ngayon po, bawal muna po iyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Puwede sila sa television, online sabong? Hindi kaya violation ito ng PD 1602 on illegal gambling?

SEC. ROQUE:Alam ninyo po iyan, that’s a very touchy issue. Pero if I’m not mistaken po, PAGCor po ang mayroong hurisdiksyon po diyan sa tinatawag nating online sabong.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, thank you very much. For Secretary Galvez, ano pa po iyong mga gagawin ninyo/priority ninyo para matugunan iyong pangangailangan ng taumbayan – may agam-agam kasi na tumataas iyong bilang ng mga nagkaka-COVID-19 particularly dito sa Metro Manila?

SEC. GALVEZ: Iyon nga po ang napagkasunduan nga po sa IATF na magkakaroon po tayo ng restrictions in terms of iyong inbound travel and at the same time palalakasin po natin iyong PDITR natin na strategy na iyong ating minimum health standard ay ating palalakasin po.

Sa ngayon po nakita natin si Secretary Duque talagang nagbabarangay-barangay siya sa buong Metro Manila and also sa ngayon nagbigay ng atas ang ating mahal na Pangulo na magbigay ng libreng face mask so that mayroon tayong tinatawag na panangga sa transmission.

S0, iyong pinakaano po natin talaga ngayon, talagang hinihikayat po natin iyong strict compliance sa minimum health standard and also iyong sa restriction sa mga movements in terms of iyong doon sa ating mga business establishments na iyong mga protocol pataasin po natin.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Thank you very much, Secretary. Undersecretary Vega, thank you very much. Good afternoon! All the best! Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE:Thank you, Melo. Next question, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Question from Tina Mendez of Philippine Star: In the event that government will impose daw po circuit breaker lockdowns, how long it be and what would be the parameters to lift them eventually? What do we intend to gain from this strategy in terms of public safety and the economy?

SEC. ROQUE:Well, hindi po iyan napagkasunduan kahapon sa IATF, so wala pong circuit lockdown.

USEC. IGNACIO: Susunod na tanong po mula kay Maricel Halili of TV5: SWS survey states that 65% of adult Filipinos believe that it is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration even if it is the truth. What’s your thought on this?

SEC. ROQUE:Well, sa akin po, wala pong dapat magkaroon ng alinlangan ang mga tao sa pag-i-exercise ng kanilang karapatan na malayang pananalita dahil iyan po ay garantisado ng ating Saligang Batas at ang Presidente naman po bilang isang abogado ay sumumpa na ipatutupad ang ating Saligang Batas kasama na po iyong tinatawag na Bill of Rights.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Can any media organization publish or air anything without experiencing the same fate as Rappler and ABS-CBN?

SEC. ROQUE:Ang Rappler po, isang Aquino appointed SEC po ang nagsabi na lumabag sila sa Saligang Batas, hindi po ang Presidente. At ang ABS-CBN naman po, talaga pong napaso ang kanilang prangkisa at tanging Kongreso lang po ang pupuwedeng magbigay ng ganiyang prangkisa at hindi po ang Presidente.

So, wala pong ibang organisasyon na pupuwedeng magkaroon ng ganiyang karanasan except na lang po kung kagaya ng Rappler eh sabihin ng SEC na lumabag sila sa ating Saligang Batas sa pag-iisyu ng mga instrumento na lumalabag doon sa prohibisyon ng foreign ownership ng mass media.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Tuesday Niu ng DZBB: Sabi daw po ni Senator Ping Lacson, dapat daw po may parusa kay Spox Roque at PNP chief Debold Sinas kung may mga nilabag na health protocols sa kanilang mga pagpunta o pagbiyahe sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ano po ang tugon ninyo dito?

SEC. ROQUE:Sa akin po, kung may parusa po, sige po pero wala po akong nilabag ‘no. Iyong lahat po ng biyahe ko ay in support of official duty. Inilunsad po natin iyong vaccination, so lahat ng mga biyahe ko lately nagsimula po iyan sa PGH, nagpunta po tayo ng Cebu sa Vicente Sotto, nagpunta po tayo sa SPMC, nagpunta po tayo ng Laoag.

Lahat po iyan ay para sa rollout ng vaccination program natin at sumunod po tayo sa lahat ng health protocols. Mayroon po tayong PCR test at dumaan po tayo sa triage sa lahat ng lugar na pinanggalingan natin. So, kung mayroon pong paglabag, dapat mayroong parusa pero kung wala pong paglabag siyempre walang parusa.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Tuesday Niu, aniya: Hindi daw po magandang tingnan ang pinapalutang na tambalang Duterte-Duterte sa 2022. A bit too much daw po ito at hindi handa ang mga Filipino sa mala-Davao na sitwasyon o scenario. Ano daw po ang reaksyon?

SEC. ROQUE:Hindi po galing sa gobyerno iyang Duterte-Duterte. Kung mayroon man pong mga taong gobyerno na nag-i-express niyan, iyan po ay mga personal na opinyon po nila dahil ang mandato po ng Presidente natin tutok muna tayo sa pandemya at saka na iyang pulitika.

USEC. IGNACIO: From Sherrie Ann Torres ng ABS-CBN: Nabasa na ba daw po ni Presidente ang isinumiteng recommendation ng Department of Agriculture para daw po sa declaration ng state of national emergency on ASF?

SEC. ROQUE:Na-receive pa lang po ng Palasyo ang rekomendasyon ng DA. Hindi ko po alam kung nabasa na ng ating Presidente but it has just been received.

USEC. IGNACIO: Ano daw po ang nakikitang direksyon ng DA tungkol dito?

SEC. ROQUE:Hintayin na lang po natin ang magiging aksiyon ng ating Presidente dito sa rekomendasyon, pero I don’t think there will be any adverse reaction kasi ang sinasabi naman po ng rekomendasyon na ito iyong paggamit ng ilang mga pondo para sa ASF-related activities at pagri-realign ng ilang mga pondo hindi lang ng pang-nasyonal na gobyerno kung hindi iyong mga lokal na pamahalaan para sa ASF-related matters.

USEC. IGNACIO: Question pa rin from Sherrie Ann Torres pa rin po: What is the President’s take on the stand of the Senate that increasing the minimum access volume on imported pork from 54,000 MT to 400,000 MT and reducing the tariff on imported meat from 30 – 40% to 5% will eventually kill the local hog industry?

SEC. ROQUE:Iyan po ay pinag-aaralan ng ating Presidente. Ang malinaw lang po sa akin at narinig ko nga ay kinakailangan mag-angkat dahil mayroong kakulangan. As to whether or not ito po ay sa pamamagitan ng iyong lower tariff o hindi, iyan po ay pinag-aaralan pa ng Presidente.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Kailan po inaasahang magbababa ng desisyon tungkol dito ang Pangulo – national emergency declaration at MAV at tariff issue?

SEC. ROQUE:Well, iyong MAV po, kinakailangan po iyan ng concurrence with Congress, so it is not a purely Executive act. And while Congress is in session kinakailangan isumite ng Presidente iyong signature niya doon sa request for lowering of MAV or increase of MAV under lower tariff at dapat isumite iyan sa Kongreso ‘no.

So, it will not happen right away even of the President signs it. Pero pagdating naman po doon sa declaration ng national calamity eh puwede naman pong gawin iyan ng Presidente through an Executive issuance, so, iyan po purely executive. So, kung magsasang-ayon po ang Presidente, mas mabilis po iyong declaration ng state of calamity kaysa sa MAV.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong question si Melo Acuña para po kay DPWH Secretary Mark Villar: While the government has funds for isolation facilities, do we have enough funds to maintain them?

SEC. VILLAR: Marami pong tumutulong sa pagmi-maintain ng ating mga pasilidad. Kami, nagtatayo lang kami ng mga facilities pero itinu-turnover din ito sa mga local government o minsan sa national agencies. So, mayroon namang pondo at kaya naman ng ating mga agencies and local governments na suportahan ang mga isolation facilities.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Villar. For Secretary Galvez, question po mula kay Cedric Castillo ng GMA News: OCTA Research recommends na mag-personal voluntary ECQ ng 2 to 4 weeks ang publiko. Posible ba ito sa kabila ng quarantine fatigue? Ano po ang puwedeng gawin ng gobyerno para matupad ito?

SEC. GALVEZ: Napag-usapan po namin hindi po namin iyong recommendations nila. We will discuss kung ano po ang magandang gawin. Sa ngayon po hindi po namin masagot dahil kasi titingnan po natin iyong mga [signal fades].

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up pa rin po. Rekomendasyon din ng OCTA Research sa gobyerno ang hard GCQ dahil ang nangyayari sa NCR ay de facto o parang MGCQ na rin daw. Masasabi ba na pati sa panig ng implementers may fatigue na rin?

SEC. GALVEZ: Nakikita natin iyong ano, we trust iyong ating mga Manila mayors saka mga LGU. Alam nila iyong ginagawa nila at they know that—mayroon na silang nakikitang mga tinatawag na solusyon dito dahil kasi considering that [signal fades] experience as March and also July, August last year, we trust on the capacity of the LGU to [signal fades].

USEC. IGNACIO: Question from Jonah Villaviray ng Asahi Manila para po kay Dr. Vega. Dr. Vega, tanong niya dito: Can he please give a walkthrough how an ordinary family can get the services of the One Hospital Command? Where do they go or what number do they call first? Do they do it themselves or do they have to ask the barangay or the hospital to do it for them? This was asked before daw po pero parang i-refresh lang daw po natin ang publiko.

DOH USEC. VEGA: Okay. Thank you for the question ‘no. Iyong One Hospital Command ho, nag-u-operate with the call center. So puwedeng diretso ho tumawag sila kasi ang call center ang sasagot ho noon. Kung frequently asked questions po, magtatanong lang, puwedeng masagot, puwede ho iyon. Pero ‘pag mayroon nang kailangan itong pasyenteng ito through the call center na kailangan nila ng medical direction – halimbawa eh kailangan ninyo ng transfer from a hospital to another hospital [garbled] beds, eh ano na po iyon, ita-transfer lang ang call ng call center to the One Hospital Command.

Doon ho, mayroon kasi sa One Hospital Command Center natin, nandoon na iyong mga doctors natin at sila nagpu-provide ng medical direction. Mayroon din tayong mga contact person na directly involved, responsible din ho sa mga isolation and treatment facilities. So ganoon ho iyong ano, kung puwedeng indibidwal, puwede ding tumawag iyong hospital ho directly to the One Hospital Command at i-ano ho nila kung puwedeng magpa-transfer sa certain location at titingnan lang naman namin ho sa dashboard kung mayroon pang mga vacancies sa different hospitals in NCR, Region III or even Region IV. So kung ano ho, kinakausap iyong hospital kung papayag iyong pasyente for the transfer to another location.

So it can be a private person who can call, it can be institution – a hotel or a hospital – that can directly access the One Hospital Command and we will provide you the direction on where—and coordination on where you should go.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vega. Secretary Roque, tanong mula kay Raul Dancel, the Straits Time: OCTA’s recommending a hard GCQ to reduce infections and a soft MECQ if cases continue to rise. Hard GCQ entails discouraging all social gatherings and indoor dining, sending workers back to work-from-home arrangements or on staggered hours, re-issuing quarantine pass to limit those going out only to workers and for essential runs. What’s your take on that?

SEC. ROQUE:Lahat naman po ‘to ay kinunsidera ng inyong IATF. Pero napakamaselan po talaga iyong balanse sa pagkakaroon ng hanapbuhay ng ating mga kababayan at iyong ninanais natin na pabagalin iyong pagkalat ng COVID-19. So lahat po iyan nakukonsidera, we have adopted the whole-of-nation approach in coming up with the latest resolution of the IATF na nagri-restrict po ng ilang mga economic activities. This was unanimously approved po, wala pong pagtutol ang DTI, walang pagtutol ang NEDA, walang pagtutol ang Department of Finance at ito po’y nagpapakita na mayroon talagang mga ilang sektor ng ekonomiya na dapat bahagyang isara muli pero iyong karamihan po ng ekonomiya ay kinakailangan manatiling bukas dahil nga po nangangailangan ng hanapbuhay ang ating kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, question from Celerina Monte, follow up lang po: Iyong possible allocation daw po ng padating na vaccine sa areas with high cases of COVID. Would that be used not only to healthcare workers but to senior citizens and other people?

SEC. ROQUE:Secretary Galvez? I think he already answered that ‘no.

SEC. GALVEZ: Napag-usapan po ng NITAG at saka po namin ni Secretary Duque how we will distribute iyong incoming ng mga doses. At nasabi nga po namin na bibigyan po natin ng consideration na magkakaroon po tayo nang massive rollout doon po sa mga affected area’ng ‘yan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla for Secretary Dizon po, Sam Medenilla ng Business Mirror: Will the government consider using its large quarantine facilities instead of hotels as quarantine accommodations for returning OFWs?

SEC. DIZON: Lahat po ng ating large quarantine facilities ngayon ay halos puno lalo na sa NCR. Ito po ay dahil sa pagdami ng mga kaso na nararanasan natin ngayon lalo na sa NCR and kasama na rin iyong pagdating ng ating mga kababayan galing abroad na kailangan ding mag-quarantine. So mina-manage po iyan ngayon ng National Task Force at ng DOH at ng Bureau of Quarantine. Pero ngayon po ay kailangan lahat ng resources natin ay kailangan nating gamitin dahil sa pagdami ng mga kaso ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque: May action na po kaya si President Duterte sa draft—nasagot ninyo na po ito, iyong proclamation of DA for the declaration of state of national emergency due to ASF.

SEC. ROQUE:Oo.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, pasensiya na po. Nagri-request lang po ng last clarification si Joseph Morong.

SEC. ROQUE:Oo. Usec. Rocky, I’m sorry ‘no, pero mayroon po talagang request na magkakaroon po ng event which will feature our President ‘no so we will have to end our press briefing now po.

Pero para sa ating pagpapatuloy po, iniimbitahan ko po ang lahat na samahan kami ngayon tunghayan ang PhilSys ceremonial event ‘no na pangungunahan po ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay upang opisyal na ilunsad ang Phil ID ng PhilSys or Philippine Identification System sa ating bansa. Kasabay ninyo po ritong mapapanood sa PhilSys official Facebook page and attached agencies.

Kaya po tayo nagsimula nang mas maaga dahil po dito at kung mayroon po kayong mga tanong, puwede ninyo pong itanong sa akin iyan by text. Pero sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, unang-una, nagpapasalamat po kami kay Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon, kay Secretary Villar, kay Usec. Vega at salamat din Usec. Rocky. Maraming salamat din po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

At sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang iyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, babangon po tayo dito sa pandemya. Maraming salamat po at subaybayan po natin ang launch ng Phil ID. Magandang hapon po sa inyong lahat.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center