SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Unang araw po out of isolation, happy to be back! Now, simulan po natin sa magandang balita: Sa wakas, bumababa na ang mga kaso sa Metro Manila. Ito po ay sang-ayon sa datos ng mga nasabing mga local government unit. Mula sa 4,083 noong April 15, ito ay naging 3,957 kahapon, April 18, sa Manila. Ganoon din sa Muntinlupa, mula 1,692, ito ay naging 1,578. Ang Pasay mula 480 ay naging 390. Samantala, ang Valenzuela na nasa 1,280 noong April 15 ay naging 1,173 noong April 17.
Kaugnay nito, patuloy lang nating paigtingin ang ating mask, hugas, iwas habang nananawagan tayo na magpabakuna na ang hindi pa nababakunahan.
Magsasagawa ng inspeksiyon bukas sa Luneta para sa nalalapit na pagbubukas ng Manila mega covid field hospital. Kung inyong matatandaan, nakapagbukas na tayo ng sumusunod na modular hospitals:
- Limang units sa Quezon Institute na may 110-bed capacity
- Isang unit sa Lung Center Hospital na may 16-bed capacity
- Isang unit sa Jose Rodriguez Hospital na may 22-bed capacity
Makakatulong itong Manila mega covid field hospital na madadagdagan ang ating mga kama habang patuloy nating minu-monitor ang ating healthcare utilization rate. Ongoing ngayon na ginagawa ang isang unit ng modular hospital sa NKTI na may 60-bed capacity, at dalawang units sa Batangas na mayroong 44-bed capacity.
Usaping bakuna naman po tayo: As of April 18, 2021, 6 P.M. mayroon na po tayong 1,477,757 na total doses na COVID-19 vaccine. Pangatlo ang Pilipinas sa ASEAN sa rami ng nabakunahan. Sa bilang na iyan, nasa 1,164,494 ay naiturok na sa ating mga medical frontliners. Pinakamarami na na-rollout sa NCR na may 573,799 doses. Kasama na rin diyan ang mga seniors at may mga comorbidities.
Samantala sa testing, pangalawa ang Pilipinas sa ASEAN na may mahigit labing-isang milyong test na naisagawa as of April 18, 2021.
COVID-19 update naman po tayo: Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon sa Johns Hopkins – Number 29 na po muli ang Pilipinas pagdating sa total cases; number 18 sa active cases; number 133 sa cases pero one million population; at number 93 sa case fatality rate, 1.7%.
Tingnan naman po natin ang infographic sa daily new confirmed COVID-19 cases per million people. Ikumpara natin ang Pilipinas sa ibang bansa, simula a-uno ng Marso hanggang April 17, 2021. Kung makikita ninyo po, bagama’t ang Pilipinas po – at tayo po ay iyong kulay green ‘no – ay medyo tumaas; iyong pagtaas po natin ay mababa pa rin kung ikukumpara sa mga bansang gaya ng India, Spain, United States, Canada, Italy, Brazil, France at Turkey.
Makikita rin po natin dito sa graph na ito na talagang itong new variants po ay naging dahilan para sumipa ang numero ng COVID-19 sa buong mundo at hindi lang po dito sa Pilipinas.
Mayroon po tayo ngayong 10,098 na mga bagong kaso ayon sa April 18, 2021 datos ng DOH. Mayroong 72,607 na mga bagong gumaling kahapon, nasa 779,084 ang kabuuang bilang ng mga gumaling. Samantala, malungkot nating binalita na nasa 15,960 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami.
Puno pa po ang ating mga ospital sa NCR. Tignan po natin ang ating infographics ‘no: Well, naka-flash po sa ating screen iyong datos sa NCR at sa buong Pilipinas:
- Sa NCR po, 84% ang utilized na ICU beds, 63% ang utilized na isolation beds, 72% ang utilized na ward beds at 63% po ang utilized na ventilators.
- Samantala sa buong Pilipinas po, 68% po ang utilized na ICU beds, 49% ang isolation beds, 56% ang utilized ward beds at 47% po ang utilized ventilators.
Naka-flash sa screen ngayon po ang mga numero na pupuwedeng tawagan para po magtanong kung saan kayo dapat pumunta kung kayo po ay magpositibo sa COVID-19. Makikita ninyo po na iyong One COVID Referral Center natin ay 1555 o ‘di naman kaya ay 0915-777-7777 or 0919-977-3333 or landline 02-886-505-00. May mga numbers din po sa screen para sa mga iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Kung hindi ninyo po makontak ang One COVID Referral Center, tawagan ninyo po ang lokal na pamahalaan, at kung mild at asymptomatic ay dadalhin po kayo sa isang temporary treatment monitoring facility o iyong ating Oplan Kalinga. At kung kayo naman po ay moderate at severe ay sasabihan po kayo kung saan kayo pupuwedeng pumunta.
Sa Bagyong Bising, ayon sa DOTr at CAAP, walang reported stranded passengers sa mga airports. Balik normal ang operasyon ng mga paliparan sa Region VIII. Samantalang sa Region V, maliban sa Virac, balik normal ang operation ng mga paliparan sa Legazpi, Masbate at Naga.
Sa mga pantalan naman, ayon sa DOTr at PPA, walang major untoward incident or damage reported sa apektadong port areas maliban sa Catbalogan. Bilang bahagi ng protocol, in-accommodate sa PPA ports ang lahat ng stranded na pasahero.
Sa iba pang mga bagay, ayon sa DOTr at PPA, nasa 95% nang tapos ang rehabilitasyon sa pantalan ng Maribojoc sa Bohol. Kung inyong matatandaan, malaki ang pinsala na inabot nito matapos ang lindol noong 2013, napabayaan at naiwang kalunus-lunos ang estado nito ng ilang taon. Tingnan po natin ang mga larawan.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon si DepEd Secretary Liling Briones, DILG Usec. Bernie Florece, at DICT Manuel “Manny” Caintic.
Unahin po muna natin si Sec. Briones. Ma’am, congratulations because of your effort, napasama po sa A4 priority list ang mga guro. So, paano po ang mechanics nito? Saan po magrirehistro ang ating mga guro? At within A4, ano iyong magiging priority po ng ating mga guro? The floor is yours, Secretary Liling Briones.
DEPED SEC. BRIONES: Yes. Ang original na estimate ay aabot ng 1.2 million ang teachers at saka mga support personnel. Pero ang mga local governments kasi, maalala mo Spox Harry, nag-umpisa na sila sa kanilang vaccination activities at saka iyong may mga comorbidities na mga teachers, halimbawa, between 60 to nearing 65, nabakunahan na sila. So mababa ngayon, up to 791,000 ito, kasama na sila sa A4; dati B ang classification. Napakalaking jump ito para sa mga teachers. Magandang-magandang balita para sa lahat.
At kami ay tuwang-tuwa dahil ang Presidente ay inaprubahan niya ang ating request na isama ang mga teachers sa babakunahan. Siguro mga June ito mag-umpisa kasi by that time, mag-ano na, mag-start na ng enrollment, marami ng activities sa mga eskuwelahan at saka kailangan protektado ang mga teachers. Tuwang-tuwa kami dito sa balitang ito dahil medyo matagal na amin itong kinakausap, aming kinakampaniya para masama ang mga teaches na mauuna na mabakunahan sa A list galing sa B. And we are very, very happy, tuwang-tuwa kami talaga, Harry.
So ang mga teachers natin, mayroon naman tayong listahan talaga ng mga teachers, hindi naman kailangan mag-register sila. At saka sa schools, etc., mayroon naman tayong mga doktor, mayroon naman tayo sa DepEd na opisina na para lamang sa pag-implement nitong mga policy na ito.
Pero isa lang ito sa mga magagandang balita na aming sinusulong para sa ating mga teachers, Spox Harry. At kami ay tuwang-tuwa dahil Presidente ay pumayag nito, at ni-recommend naman ng IATF. Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Liling Briones, and congratulations! Talagang hindi kayo tumigil hanggang hindi naging A4 ang ating mga guro. Congratulations po!
SEC. BRIONES: Thank you. Congratulations to the President!
SEC. ROQUE: Kasama rin po natin ngayon DILG USec. Bernie Florence – Yes, to the President – and DICT Usec. Caintic.
Usec. Florence and Usec. Caintic, noong isang beses po ang pangako natin sa taumbayan ay ipapakita natin kung paano gumagana o i-illustrate natin iyong feature ng safety.ph. So, now I guess panahon na po para ipakita natin sa taumbayan kung paano gumagana itong safety.ph and the floor is yours DILG Usec. Bernie Florece and DICT Usec. Caintic.
DILG USEC. FLORENCE: Thank you very much, Spox Harry. Nabanggit natin last time na i-explain ngayon iyong technical side ng ating StaySafe which is the application being used by the government. At nagpapasalamat tayo nandito si Usec. Caintic ng DICT. Siya po iyong magpapaliwanag nitong technical aspect na ito pero sa ngayon po gusto ko munang i-introduce sa inyo ang StaySafe.
Ito po ang napili na contact tracing application ng gobyerno at ito po ay nai-turnover na sa pamahalaan at mina-manage ng DILG. Nagpapasalamat din tayo sa MultiSys, sila ang nag-develop ng application na ito pero dinoneyt [donated] po nila sa ating gobyerno. Ngayon po ay dahil pinapaigting natin iyong contact tracing, lalo itong magiging efficient sa pamamagitan ng digital contact tracing.
Ito iyong technical solution sa ating contact tracing. Iyon pong ating mga contact tracer ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pag-monitor at paghahanap ng mga nagpositibo at maging kanilang naging close contacts.
So, dalawang bagay po iyan – isang active contact tracing at isang passive contact tracing. Iyong passive po ay nagdidepende tayo, we rely on some surveys sa ating mga health declarations, pero iyong mas mahalaga iyong active contact tracing sapagkat ito ay very proactive in data collection at sa pamamagitan ng StaySafe, ito po ay makakatulong.
Now, gusto ko lamang i-introduce sa inyo ang StaySafe sa pamamagitan ng isang AVP na ipapalabas ko po ngayon, two-minute AVP lamang po ito, Spox Harry.
SEC. ROQUE: Go ahead, Usec. Florence.
DILG USEC. FLORENCE: Thank you po.
[AVP]
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Bernie Florence, for a very instructional video.
DILG USEC. FLORENCE: Yes. Spox Harry, idagdag ko na rin po na itong ating StaySafe ay mayroong QR code capability. Sa ngayon po kasi kaniya-kaniya tayong QR code, kaniya-kaniya tayong contact tracing app sa mga LGUs, sa mga malls, bawat pasok natin ay mag-ii-scan ng QR code. Kung sa Mandaluyong mayroon tayong MandaTrack; sa Valenzuela, mayroon ValTrace; sa Pasig, may PasigPass tayo; sa Quezon City at sa Manila, mayroon ding sariling contact tracing app.
Pero ito lahat ay i-integrate natin sa StaySafe, so iisa na lamang ho. Kapag ini-scan na ang QR code sa StaySafe kahit saan na ito, kahit saan ka pumasok ay pupuwede na. So, ito po ay ipapaliwanag mamaya ni Usec. Caintic. Ang kagandahan lang nito ay hindi na tayo magsusulat sa ating health declaration form bawat pasok natin sa isang establishment. Iyong QR code na lang po ang babasahin ng ating mga security personnel at doon na po mababasa nila kung tayo ay nag-positive, tayo ay asymptomatic, depende rin sa health declaration mo at kayo ay maaabisuhan kung mayroon kayong nakasabay doon sa mall na iyon o sa establishment na ibang positive, ibang tao na naging positive also.
So, iyon po ang capability ng StaySafe, Spox Harry. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Florence. We also have DICT Usec. Caintic. Sir, more about StaySafe.ph?
DICT USEC. CAINTIC: Thank you, Secretary Harry Roque, Secretary Briones, and Usec. Florence. Para sa lahat ng kawani ng gobyerno, para sa ating mga kababayang Filipino, magandang tanghali po sa lahat.
May presentation lang na ipapakita.
Kailangan pa rin nating mas lalong paigtingin ang pagsasagawa o pag-obserba ng health protocols. Pero kailangan na rin nating lalong palawigin ang paggamit ng contact tracing upang maagapan natin ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Nais ko pong ibahagi ang mga sumusunod upang mas lalo nating maintindihan kung paano nakakatulong ang digital technology kontra COVID-19.
Ang una po nating gustong maintindihan ay ang investigative tracing o iyong sinasabi kanina ni Usec. Florence na active tracing. Ito ang paggamit ng datos upang matulungan ang ating mga contact tracers na kilalanin ang mga nagpositibo at magsagawa ng interview sa mga ito.
Sa kasalukuyan, ang lahat ng datos ng mga laboratoryo ay dinadala sa CDRS. Ibinabato naman sa mga LGUs ang impormasyon na kinakailangan ng mga contact tracers upang magsagawa ng mabilis at matagumpay na contact tracing.
Ipagpalagay na natin na si Juan ay nagpa-test noong isang araw at lumabas ang resulta niyang positibo. Ang datos mula sa CDRS ay ibibigay sa contact tracers sa lugar kung saan nakatira si Juan. Tatawagan o hindi kaya ay pupuntahan ngayon ng ating mga contact tracers ang bahay ni Juan upang makausap ang lahat ng nakatira dito para malaman kung sinu-sino ang may firsthand contact kay Juan na maaaring maging carrier ng virus.
Magsasagawa ng interview ang ating mga contact tracers upang masuri nang maigi ang sitwasyon at upang malaman kung sinu-sino ang maaaring nahawa kay Juan. Mula rito, ipapasok nila ang impormasyong nakuha mula sa interview para ma-track o masubaybayan ng ating LGU ang maaaring paglaganap ng virus sa kanilang lugar.
Ang isa pang paraan upang mas mapaigting ang ating contact tracing effort sa bansa ay ang paglalagay o pagsama ng tinatawag nating exposure notification sa ating contact tracing application. Ito ang magsasabi sa atin kung mayroong isang tao na nagpositibo sa paligid natin.
Ipagpalagay natin na si Juan ay nag-self report na siya ay COVID positive pero lumabas pa rin siya para bumili ng pagkain. Iyong mga tao sa paligid ni Juan na gumagamit ng kaparehong contact tracing application na mayroong exposure notification ay maaabisuhan na mayroong isang COVID positive person sa paligid. Itong exposure notification system or Google Apple Exposure Notification (GAEN) ay isang proyekto ng Google at Apple para mapadali ang contact tracing efforts laban sa COVID-19. Ang GAEN po ay ipinagkaloob na sa StaySafe at nasa loob na po niya.
At dahil nai-report sa contact tracing application ang kondisyon ni Juan at ang lugar kung saan siya pumunta, maibabato ang datos na ito papunta sa command center ng mga LGU upang ma-track o masubaybayan nila ang paglaganap ng virus sa kanilang komunidad. At dahil na-track ng LGU ang kondisyon ng mga tao sa kanilang komunidad, mas mabilis nilang mapapagalaw ang mga contact tracers upang tawagan ang mga close contact kay Juan.
Mahalaga rin na magkaroon ng maayos na information exchange sa pagitan ng mga LGUs upang makita rin kung ang isang suspected case or positive case ay nagkaroon ng close contact sa ibang LGUs. Halimbawa, si Juan ay taga-Quezon City pero ang trabaho niya ay sa Makati City. Makikita ng Quezon City LGU ang mga close contact ni Juan kahit nasa Makati City ang mga katrabaho niya. Magkakaroon siya ng maayos na contact tracing effort ang parehas na LGU dahil sa maayos na palitan ng datos sa pagitan ng isa’t-isa.
Isa rin pong paraan upang mapaigting ang contact tracing efforts ay ang paggamit ng QR codes ng iba’t ibang gusali para mas mabilis at mas ligtas ang pagkuha ng datos ng mga tao. Halimbawa, pumunta si Juan sa mall para mag-grocery. Ipapakita lang ni Juan ang QR code ng kaniyang account sa mga security guard at ito ay ii-scan nila para makuha ang datos ni Juan at para ma-record na siya ay pumunta sa ganitong araw at oras.
Sa pamamagitan ng technology-aided contact tracing efforts, mas mapapabilis natin ang ating tugon kontra COVID-19 at mas mabilis ding mabibigyan ng babala ang mga tao na maaaring nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa virus. Mas mabilis na makakapag-follow-up ang mga contact tracers sa mga Pilipinong nagkaroon ng close contact at makakapag-follow through sa mga nagpositibo sa COVID-19.
Nais din po naming banggitin ang direktiba ng DILG para sa mga LGUs na gamitin ang StaySafe bilang kanilang contact tracing application. At para po sa mga LGUs na mayroong kasalukuyang ginagamit na contact tracing app, atin pong i-integrate ito sa StaySafe sa pangunguna ng DILG.
Patuloy po tayong magtulungan upang malabanan ang pandemyang ating kinakaharap. Sa pamamagitan ng digital technologies ninanais po nating mas mapabilis at mas mapaigi ang ating sitwasyon upang malampasan ang krisis na ito.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat! Maraming salamat, Usec. Florence and Usec. Caintic! Tingin ko mas naintindihan na ngayon ng taumbayan kung paano natin ginagamit ang teknolohiya para dito sa contact tracing.
Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga bisita. From Prince Golez of Abante Politiko: Last Thursday daw po, the Senate unanimously adopted a resolution urging President Duterte to withdraw the EO lowering the tariffs on pork imports. Ano daw po ang reaksiyon ng Pangulo dito?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sabi ko na dati pa ‘no, nakikinig naman po ang Presidente. At alam naman po ng Presidente na sa ating Saligang Batas ang talagang mayroong primary jurisdiction pagdating sa taripa ay ang Kongreso. So, kung magdedesisyon po ang Kongreso natin, ang Senado at ang Kamara, na talagang bawiin iyon Executive Order ng ating Presidente, iyan naman po ay saklaw ng kapangyarihan ng Kongreso at rirespetuhin po iyan ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Does Agriculture Chief, Secretary William Dar still enjoy the President’s trust and confidence despite giving him the wrong advice?
SEC. ROQUE: Mukha pong mayroon pa po talagang kumpiyansa si Presidente kasi pinaniwalaan niya iyong advice ni Secretary Dar na salungat doon sa mga paninindigan ng ating mga senador. Pero kung tama man o mali si Secretary Dar, eh ang Saligang Batas naman po ang nagsasabi na talagang poder naman po ng Kongreso iyang tariff fixing. So, rirespetuhin nga po ng Presidente kung ano ang magiging desisyon ng ating mga senador at kongresista.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Sino naman ang magtatanong sa Zoom ngayon?
USEC. IGNACIO: Si Mela Lesmoras, Secretary.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga guest ngayon. Secretary Roque, my first question is on COVID-19 cases lang po. I understand sa inyong report ay nakikita naman, lalo na sa NCR, na bumababa na iyong cases. Pero I think, may mga nagtatanong lang po na ilang grupo, ilan nating kababayan kung nagkaroon ng drastic na pagtaas ng cases, kailan po kaya natin maibabalik natin—kailan po kaya magkakaroon ng drastic naman na pagbaba ng COVID-19 cases lalo na nga sa NCR Plus? Kailan po kaya natin ito makikita, after MECQ po kaya? At ano po ba iyong paraan para nga ma-achieve ito?
SEC. ROQUE: Well, sa totoo lang, Mela, hindi pa natin nakikita iyong pagbaba ng numero matapos iyong dalawang linggo natin na ECQ. Pero inaasahan pa rin natin na siguro matapos ang tatlong linggo ay makikita pa rin natin iyong naging produkto ng ECQ. So iyan po ang ating binabantayan at bagama’t bahagya lamang ang pagbaba ay ito naman po ay patunay na iyong mga ginagawa ng mga LGUs na intensified PDITR ay mukha naman pong gumagana.
Hindi pa po natin sinasabi natapos na tapos na ang ating problema, dahil talagang ang problema po natin, mas matinding makahawa po talaga itong mga bagong variants. At kung makikita nga iyong comparison ng graphs na pinakita ko kanina, matindi po talaga ang pagkalat nitong mga bagong variant hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong daigdig.
MELA LESMORAS/PTV: And, sir, sa Bagyong Bising naman po. Ano po ba iyong latest order dito ni Pangulong Duterte, kasi—may I ask kung nagpaplano po kaya si Pangulo na bisitahin iyong mga lugar na lubos na apektado nito? Kasi ‘di ba in the past ay talagang iniikot po niya iyong mga lugar na binabagyo. Ngayon po ba ay pinaplano din niyang bumisita sa mga probinsiyang ito o limited pa rin muna iyong kayang magiging public events po?
SEC. ROQUE: Wala po tayong impormasyon ngayon dahil ang requirement po ng Malacañang, bagama’t tapos na ang aking isolation, kinakailangan magkaroon pa ako ng tatlong negative test baka ako magkaroon uli ng access kay Presidente.
So sa ngayon po, wala pang impormasyon at wala rin po sa schedule niya, iyon lang po ang aking masasabi.
MELA LESMORAS/PTV: Panghuli na lang, Secretary Roque. May public address po ba later?
SEC. ROQUE: Yes, mayroon po tayong Talk to the People. At tayo po ay we will be joining via VTR.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque at sa ating mga guest.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Ano daw po ang masasabi ninyo sa kumakalat na mabuting virus ngayong pandemya, ang community pantry?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo iyang community pantry that showcase the best in the Filipino character po. Iyan po ay patunay na buhay na buhay ang ating bayanihan at tayo po ay magtutulungan sa panahon ng pangangailangan.
Saludo po tayo sa lahat ng mga Pilipino at talaga naman po nagpapakita na the Filipino can and will prevail lalo na po kapag matindi ang paghamon.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Reaksiyon sa tweet ni dating Vice President Binay na the message behind the rise of community pantries is simple: When government is absent, we can look after each other. Ganiyan din po ang naging tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer at ni Tina Panganiban Perez ng GMA 7 regarding po sa naging statement ni Senator Lacson.
SEC. ROQUE: Ay naku, we disagree po. Tingin natin itong mga community pantry ay nagpapakita na bayanihan ang umiiral, hindi bangayan. Alam po ninyo sa panahon ng matinding pandemya, sa panahon ng surge na ito, kinakailangan po talaga ay sama-sama tayong mga Pilipino dahil kung hindi tayo magtutulungan, sino pa an magtutulungan.
Itigil na po muna nag pulitika, iyan po ang pakiusap natin. Huwag po sa panahon na nagkakaroon ng ganitong surge. Bayanihan na po muna tayo, huwag bangayan.
USEC. IGNACIO: Third question po niya: Sinabi ng ilang political analyst na kailangang palakasin ng bansa ang partnership at security agreement sa ibang bansa gaya ng India, Japan at Amerika at Australia para matulungan ang Pilipinas sa pagtatanggol ng teritoryo. Tama ba na kailangan ng Pilipinas na magpasaklolo sa ibang bansa kaugnay sa West Philippine Sea?
SEC. ROQUE: Unang-una, mayroon na po tayong mga karanasan diyan sa tinatawag nating collective security arrangements. Kasama na po diyan iyong Mutual Defense Treaty. Pero naging karanasan po natin, bagama’t mayroon doong nakasulat na tayo ay bibigyan ng saklolo kapag tayo ay nalusob, eh nawalan po tayo ng dalawang isla, na wala naman po tayong nakuhang tulong doon sa ating kapartido sa Mutual Defense Treaty na Estados Unidos ‘no.
So leksiyon po natin, kinakailangang tumayo sa dalawang mga paa. Matagal na po taong nagkakaroon ng kooperasyon sa ating mga karatig bansa, matagal na po tayong nakikipag-isa sa ASEAN at saka dito sa mga bansang Australia, Japan, India na para magkaroon po ng kumbaga collective effort para madepensahan iyong tinatawag natin freedom of the high seas. Pero in the end po, we have to assert our national interest at iyan po ang ginagawa ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong magtatanong si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.
SEC. ROQUE: Go ahead, Melo.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Nice to see you up and about.
SEC. ROQUE: It’s my pleasure. It’s been a long dark two-week period, but we prevailed. Ganiyan po talagang kuwento ng mga Pilipino, matitisod tayo pero babangon tayo.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I can understand. I have some questions for Secretary Liling Briones. Good afternoon, Secretary.
DEPED SEC. BRIONES: Good afternoon, Melo. Good to see you virtually.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Nice to see you. I just have question is, my concern is OECD Framework 2030 for education requires the well-being of students. Now, can we still achieve it with the COVID-19 conditions? What strategies have you for implementation, Secretary?
DEPED SEC. BRIONES: Actually, the President decided to close schools on onset ng COVID and this was primarily to protect the learners and also the teachers. Eh ngayon minamanmanan natin kung ano ba talaga ang epekto sa kabataan, ano ang epekto sa mga teachers. So mayroon naman tayong data analytics na continuing.
So kung anumang desisyon ang gagawin ng Presidente, kung papayag siya na mag face to face muli o babalik ang mga bata sa eskuwelahan, depende sa behavior ng COVID, depende sa mga datos na lalabas dito sa ating kampanya.
Pero in the meantime nagmo-monitor tayo, binabantayan natin talaga, mayroon tayong available numbers, statistics, etcetera. Nakita natin halimbawa, Melo, na napakababa ng sinasabi nating fatalities halimbawa sa mga bata which proves our point in the first place na ang mga bata mayroon silang resiliency at saka tinitingnan natin kung ano ang epekto nito at saka napansin din natin tulad ng ibang bansa sa rest of the world, na iyong mga maliliit na isla, mga maliliit na mga lugar halos zero ang record sa COVID. So tinitingnan din natin itong maliliit isla sa atin kung ganoon ba ang sitwasyon. You think of well—you think of now—you think of all the little islands and you will think of Mongolia who claims zero fatality, ito lahat binabantayan natin. Pero ang pinaka-sensitive tayo of course is in NCR and Region IV-A kasi doon talaga ang pinakamaraming concentration ng mga biktima ng COVID. So ito binabantayan talaga, we are continually—at saka ang Education naman, Melo, member ng IATF kaya may access tayo sa latest na analytics tapos nagri-report ang Department of Education sa IATF.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Ang concern ko po kasi ay baka ang epekto nito ay doon sa mga bata na ang mga magulang ay nasawi o nagkasakit at hindi na nakabawi mula sa COVID? Iyong impact nito sa mga bata.
DEPED SEC. BRIONES: Yeah, totoo iyan. Minu-monitor natin iyan mula’t sapul pa. Halimbawa, pagsara ng schools, nakikita na namin na magkaroon tayo ng possible mental health issues dahil the children will be spending so much time, more time at home at saka ang parents na mag-i-expand iyong role nila even as they are also working to keep the families alive and fed.
So nagbago ang papel ng parents, nagbago ang papel ng teacher, nagbago rin ang pamamaraan sa pagturo. Dito, maybe I should mention, Spox, na only the other day, nagpirmahan ang DICT at ang DepEd ng dalawang memoranda of agreement na magtutulungan kami kasi nakikita namin na kailangan talagang gumamit ng technology. If you have 26 million children to monitor and then you have this unpredictable virus, so kailangan ng technology para iba naman iyong paraan sa pagtuturo.
And nakita rin namin – alam mo, Spox, I am a warrior, an advocate for the protection of the environment – nakita natin halimbawa na while preferred talaga ng mga bata, preferred ng teachers ang paggamit ng modules, itong mga printed modules. Nakita rin natin na ito ay ang pinaka-expensive, pinaka-wasteful of the environment. Kasi tuwing may baha, tuwing may lindol, tuwing may natural disaster, kapag masisira iyong mga libro na iyan, ulit na naman ang paggawa, ulit na naman ang pagpatay ng puno, at hindi iyan sustainable. So we will have to be depending on technology, and dito magtutulungan ang DICT at ang DepEd para talagang ipagtuloy natin ang learning process para sa ating kabataan. That’s it.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po, Secretary. Para po kay Usec. Florece. Good afternoon, Usec. Concerned po ako, kumusta po ang kalagayan noong mga napipiit sa mga facilities ng BJMP at provincial jails under the supervision of provincial governors? How are they doing, considering the fact that they are inside the jail, baka hindi natin alam may COVID na sila roon at nadadaluhan ba natin sila, Usec. Florece?
DILG USEC. FLORECE: Melo, nama-manage ito nang husto ng ating BJMP. Sa jail facilities natin ay mayroon tayong tinatawag na isolation facility kung saan kung mayroong nag-positive, for example dahil sa isang bisita ay ililipat ito kaagad sa isolation facility. Ganoon din iyong tino-turnover ng PNP sa ating mga piitan, bago sila ipasok sa loob ay dadaan muna sa halfway house kung saan ay ia-isolate sila doon within 14 days bago ipapasok ito sa ating jails, Sir Melo.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Pero hindi po naman bartolina iyong paglalagyan sa kanila ‘no dahil isolation eh?
DILG USEC. FLORECE: [Laughs] Hindi naman, Melo. Actually, mas maganda ito dahil sila-sila lang iyong nandoon sa loob ng isolation facility.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah, sinisiguro ko lang. Salamat po, Usec. Para po kay Undersecretary Caintic. Magandang araw po sa inyo. Nabanggit po ni Secretary Briones iyong pakikipagkasundo ninyo sa Department of Education. Ano po ang update doon sa pag-upgrade ng ating internet facility sapagkat bukod sa estudyante, pati mga negosyante ay nagrireklamo sa unreliable internet facilities across the country, Mr. Undersecretary? Thank you.
DICT USEC. CAINTIC: Thank you, Melo, sa katanungan. Una, kamakailan, I think mga last month, nagprisenta tayo sa Cabinet at in no uncertain terms, the President has ordered our fellow Cabinet members to help in expediting reducing all the bottlenecks in the digital infrastructure program. Kabilang doon iyong ating national broadband at saka iyong pagpalaganap ng maraming mga fiber build out. Only last year, we focused on the tower build out para mas maraming signals tayo ng cellphone. Ngayon ding taon na ito, ang tutok naman is iyong fiber build out.
Bakit important ang fiber build out? Iyan po ang ating mga highway, national highway, super highways na gagamitin not just for the national government pati na rin doon sa ating mga private sector partners. The telcos are having a hard time building out fibers in areas of the LGUs kasi iba-iba rin ang mga permitting.
Pangalawa, sa national government naman, tuluy-tuloy ang ating national broadband program. Ito iyong the national government highway in partnership with our provincial governments. And then kamakailan, the other day, nagpirmahan din kami with DepEd. Sila po ang ating katuwang naman sa Last Mile [Program] when it comes to public schools and the like. Why are these important? Because iyong Last Mile na iyan, alam naman natin halos lahat ng barangay ay may barangay elementary school, in doing so, magkakaroon tayo ng Last Mile as well to those public schools. And then nagkaroon din tayo ng MOA na pinayagan na rin natin na iyong ating mga public schools ay magiging common tower sites kung saan puwedeng magtayo na rin ng mga signal ang ating mga telco companies.
Iyon lang po, Melo. Thank you.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Maraming salamat po. Thank you very much. Thank you, Secretary Harry. Have a nice day.
SEC. ROQUE: Okay, you too. Thank you very much, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, from Leila Salaverria of Inquirer, for Spox Roque: What are the government’s plans, if any, to improve the provision of assistance to Filipinos who continue to struggle to survive?
SEC. ROQUE: [Garbled] alam ko po na medyo mabagal kasi mga four billion [garbled] na iyan ay ibibigay na po natin sa ating mga kababayan. Paumanhin lang po, medyo naantala pero dahil sa [garbled] pamimigay ng ayuda, makakuha naman ng COVID. [Garbled] ito doon sa mga [garbled] binibigay [garbled] kagaya po ng Department of Labor [garbled] na nakakatuwa at talagang [garbled] para maibsan ang kahirapan ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mukhang nawawala-wala kayo, Secretary Roque. Hindi po naging malinaw iyong sagot ninyo. Kung naririnig ninyo ako at okay kayo, puwede po bang maulit, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, ang sagot doon ay patuloy po nating ipamamahagi iyong ayuda na 23 billion. Sa ngayon po, four billion pa lang po ang ating naipamimigay. Humihingi po tayo ng paumanhin dahil talagang medyo may kabagalan. Pero sa panahon po kasi ng pandemya, hindi natin maiiwasan na talagang mag-ingat dahil baka mamaya ay maibigay nga iyong ayuda ay magkaroon naman ng COVID iyong mga taumbayan.
So 23 billion po iyang ipamamahagi natin, at bukod pa po ito doon sa mga iba pang mga packages na binibigay ng ating DSWD consisting of mga food packs at saka iyong ayuda rin na binibigay ng mga departamento kagaya po ng DOLE na mayroon po silang TUPAD ‘n0, iyong cash for work at napakadami nga pong mga contact tracers na hina-hire ngayon ng DOLE para sa DILG.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Leila Salaverria pa rin po para po kay Secretary Briones: According to the Alliance of Concerned Teachers, the DepEd is profiling teachers who are members of the group or of the Teachers’ Dignity Coalition. What is the purpose of this? And why does the DepEd need to know who are members of these groups? Is it [DepEd] objecting to their [teachers’] membership in these organization?
DEPED SEC. BRIONES: Bago sasagot, tutulong sa pagsasagot ang aking chief of staff na si Atty. Malaluan, gusto kong ipaliwanag ang estado ng mga organisasyon. Alam mo, Spox, there are 11 major, major organizations in DepEd of employees and teachers, non-teaching, at itong dalawang organisasyon na ito constitute, as of our latest count, about ten percent of 847,000 mga employees and mga staff. At itong mga organisasyon na ito ay mga lehitimong organisasyon. Ang mga lehitimong organisasyon, hindi naman sila underground, so they have to register. At saka requirement iyan ng law na kung mag-register ang isang organization lalo na for bargaining purposes, lalo na for negotiation purposes, eh requirement iyan ng SEC na mag-submit ng listahan ng pangalan ng mga miyembro.
That is a standard requirement which we require all organizations whether it’s the association of nurses, Spox, the association of dentists, the association of lawyers. We have an association of lawyers right there in DepEd. Lahat sila nagri-register and especially those na who are engaged in negotiation.
Hind naman underground organizations itong dalawang sinasabi nating mga organisasyon. They are open organization and as open organizations of course they are expected to submit the list of their members. It is standard which is expected of all those who want to be recognized.
And also, may mga dialogues, may mga issues, eh kailangan talagang malaman. Furthermore, itong mga organisasyon na ito nagko-collect, Spox, ng membership fees which we collect for this particular organizations. So kailangan malaman namin iyong mga miyembro kung saan dine-deduct namin iyong kanilang mga membership fees.
These are standard, hindi naman illegitimate itong mga organisasyon na ito, they are perfectly legitimate and therefore they are perfectly required by law to submit what is usefully required of legitimate organizations which deal with the government. Kasi magko-collect kami ng membership fees, magko-collect kami ng kung anong mga payments, etc., nagni-negotiate kami, so it is normal.
The dentists negotiate with us, the nurses negotiate with us, the lawyers of course, you can expect them negotiating with us very frequently, even the clerks negotiate with us, and they are all expected to comply with the requirements of law.
But then Usec. Nepo probably – because he is a lawyer – can explain it better. Ulitin ko: These organizations na sinasabi ninyo ay legitimate and therefore they are subject to the legitimate requirements of law on organizations.
Nepo, baka mas magaling kang magsalita.
DEPED USEC. MALALUAN: Yes, Secretary Briones. Usec. Rocky, we would like to assure organizations and teachers within the Department of Education na walang ginagawang individual profiling ang Department of Education. Ang kanilang mga individual data and information are all part of the officials records that we keep in relation to their employment with the Department of Education. Itong Personal Data Sheet for example that we keep of all of our teachers, personnel, and officials are part of the requirements for their qualifications, their assignments as well as their career progression. And we keep this in a—we safeguard this information. We have a data protection officer in the Department of Education and so any disclosure or sharing of this information complies with Data Protection. So there is no individual profiling that the Department is doing outside of the required submission of information.
As mentioned by the Secretary, we do have an interest to know. Let’s say for example, the membership and the number. In terms of number of the membership of the different organizations because we also need to know how representative they are of what they claim to represent and as part of, example, processes such as negotiation or the collective negotiation with any of these representative organizations.
Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Question pa rin po sa DepEd. What does the DepEd say about concerns that the profiling will pave the way for the harassment of teachers?
SEC. BRIONES: I don’t know if I should say this, Spox Harry. I am the one who feels harassed because I’m told to go to hell, I’m told that I am a whore, and I’m told that some groups are continually praying that I will rot in hell. So if that is not harassment—the trouble is we are not sure to whom they are praying to kasi many of course do not believe in religion and they keep on praying that something will happen to me.
But that is beside the point. We don’t harass. Everything, any action that we have undertaken is always covered by law, because that is my training. We are a government of laws. Organizations which deal with the DepEd of course have to comply with the requirements.
As I said, we have an organization of non-teaching staff and it’s headed, Spox Harry, by a lawyer and there are many lawyers and they are of course monitoring what is happening with the salaries not only of teachers but also of non-teaching staff.
We have organizations of nurses; we have organizations of dieticians and supervisors. Supervisors are organized; principals are organized; superintendents are organized. There are more than 11 big, big organizations of teaching and non-teaching staff and they submit the names, the list of their officers. It is standard, we don’t discriminate and we recognize that these two organizations which have made their observations are legitimate organizations. They are not underground organizations; they are not like Katipunan organizations and so they are open organizations and they submit the names of their members like everybody else.
Thank you.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you. I think ang sagot po diyan, Secretary Liling Briones, res ipsa loquitur – the thing speaks for itself. I don’t know how you can harass anyone. Next question, please.
USEC. IGNACIO: Si Pia Rañada po ng Rappler.
SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, sir! Sir, can you hear me?
SEC. ROQUE: Yes.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just on the community pantries. Kasi, sir iyong founders ng community pantries na ito they said talagang in interviews we put them up because they perceive government’s incompetence. So, does the Palace see the emergence of these community pantries as a sign that its aid programs are not reaching the target communities? And because it’s not naman the first time we’re distributing aid, why is it still so slow?
SEC. ROQUE: Well, as I said earlier, I already answered that ‘no. The community pantry represents the best in the Filipino. I don’t think anyone can claim to be a founder of that. I think this is a spontaneous movement amongst Filipinos. It’s part of our psyche to help one another kapag mayroon talagang mga panahon ng pangangailangan. So, I don’t see that as a condemnation of government, it simply shows the best in us during the worst of times. So, iyon po iyong ating kasagutan diyan ‘no.
Now, as far as the aid is concerned, patuloy naman po namimigay tayo ng ating ayuda and more aid is forthcoming. We acknowledge po na four billion pa lang out of 23 billion ang naibibigay sa mga nangangailangan pero iyan po ay dahil nga po sa pandemya na iniiwasan natin na magkaroon ng hawaan iyong ating mga kababayan.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, did we not learn lessons from the previous distribution of aid? Kasi noong ECQ naman last year we encountered problems, it was still pandemic so we encountered the same problems as before if not worst because that was the first time. So, sir, what lessons have we learned from those first times that we can implement now so that the distribution is faster?
SEC. ROQUE: It’s still the same. The enemy thrives in iyong kumpol-kumpulan, so talagang iyan po ang paghamon sa atin. Kung dati-rati magpapatawag lang tayo sa isang multi-purpose center na punong-puno walang problema eh ngayon hindi naman natin magagawa iyon ‘no dahil that’s the best recipe for disaster.
So ang natutunan natin eh talagang mahirap itong pandemyang ito na pati sa pagdi-distribute ng ayuda eh kinakailangan mag-observe ng social distancing dahilan kung bakit naaantala po iyong pagbibigay ng ayuda.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, next question would be about West Philippine Sea. Sir, how come the President is silent in public about iyong incursion of Chinese ships when his Foreign Secretary and his Defense Secretary have been so vocal about it? Why not speak up, why not the President speak up himself so that the Philippines is more consistent and can send stronger message to China?
SEC. ROQUE: Doctrine of qualified political agency. Kapag hindi po dini-disown ng Presidente ang sinasabi ng kaniyang mga alter egos, parang siya na po ang nagsasalita, hindi na siya kinakailangang magsalita.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Is there a need, sir, na hindi siya nagsalita or you are just saying na walang need? What is the reason for the silence?
SEC. ROQUE: The constitutional doctrine says that the utterances of the alter egos are utterances of the President unless the President renounces them, and he did not renounce them. So those remain official utterances of the highest officialdom of government.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Safe to say, sir, that these utterances by the Defense and Foreign Secretary, the President is in on it? He actually told them to go ahead and be more vocal than before, he is part of this discussion, sir?
SEC. ROQUE: I think he went on record in the UN General Assembly. He said that we will not give away any part of our territory, we believed that the West Philippine Sea dispute should be resolved under UNCLOS and that we stand by the arbitral decision.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Just two small questions lang po for DICT Asec. Manny Caintic?
SEC. ROQUE: Wala na si Usec. Caintic. He had to go because he had…
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sorry, si Usec. Florece na lang po, sir.
SEC. ROQUE: Usec. Florece?
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, has DILG already activated the GAEN, activated na siya, sir?
DILG USEC. FLORECE: Sorry, Pia, hindi ko masyadong narinig.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Iyong Google and Apple Exposure Notification system, it’s already working now? Activated na ng DILG?
DILG USEC. FLORECE: Hindi pa namin na-activate pero mayroon na tayong permission from both Apple and Google na gamitin iyon, kasalukuyan kasi ngayon na inaayos namin iyong datos. Mayroon pa tayong naiwan na datos noong December 16 hanggang March 30 na kailangan pa nating i-upload dito sa StaySafe ‘no. Naputol kasi iyong koneksiyon ng CDRS and then iyong StaySafe. So ina-upload namin ito para kumpleto na and then bago namin i-turn over fully iyong hosting ng database sa DICT. So iyong GAEN ay approved na ito. Mayroon na tayong permiso, ngunit hindi pa namin na-activate, Pia.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So kailan po iyong target date of activation because you are promoting this and saying that it already has the GAEN, which is a big selling point for people? So, sir, when will this be functional already?
DILG USEC. FLORECE: Pinag-aaralan namin nang husto iyong StaySafe, kasi two weeks pa lang naman itong nai-turnover sa amin at pinag-aralan na namin iyong mga features niya. Mayroon lang siguro kaming ibang features na kailangan tanggalin o baka idagdag, i–enhance dito sa StaySafe. So ang timeline naman namin dito ay next month, by May, full rollout na ito sa lahat ng gobyerno at sa ating mga LGUs at sa ating mga establishments, Pia.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, so by May po may GAEN na?
DILG USEC. FLORECE: Yes.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Thank you, sir.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Next question, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, from Rosalie Coz of UNTV: Pinabalik sa NCR ang nasa 150 delivery trucks na papunta sa Visayas at Mindanao, pero na-stranded daw po sa CamSur dahil sa suspended operation sa Matnog Port dahil sa bagyo. Baka magkalat daw ng virus ang mga driver at pahinante matapos magpositibo sa antigen test at ng ilang driver at pahinante. Ano daw po ang epekto sa movement ng supplies at essentials sa pagpapabalik ng CamSur LGU sa point of origin sa NCR?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano itong insidenteng ito. Pero siyempre kung pinabalik po sa kanila, hindi nila made-deliver iyong kanilang dapat idi-deliver ‘no. So, ang nangyari naman po dito, may bagyo kaya hindi po nakatawid no. Kasi magro-RORO po iyan, pero dahil may bagyo, hindi maka-sail iyong mga RORO natin, kaya napabalik po. Pero sa tingin ko naman po dito, kung nag-antigen at napabalik eh maa-isolate lang po iyong mga nag-test na positibo, sa pamamagitan ng antigen.
USEC. IGNACIO: So, hindi ba daw po magkukulang sa supply ng goods sa mga lugar kung saan ito dadalhin?
SEC. ROQUE: Panandalian lang naman po ito, dahil nga ito sa bagyo. I’m sure ngayong wala na pong bagyo ay magpapatuloy na rin iyong mga deliveries na iyan.
USEC. IGNACIO: Pangatlo pong tanong niya: Paano daw po tinitiyak na hindi nakapagdadala ng virus ang mga trucker sa mga lugar na pinupuntahan nila, kailangan ba silang i-test every now and then?
SEC. ROQUE: Alam po ninyo ang mga truckers, kasama po iyan doon sa mga economic frontliners na pupuwedeng bayaran ng PhilHealth ang kanilang PCR test at hindi lang antigen. Pero ngayon pong gumagamit na rin tayo ng maraming antigen test eh puwede naman po silang magpa-antigen para masiguro na hindi sila nagkakalat ng virus.
USEC. IGNACIO: Okay, Secretary ang susunod na matataong si Triciah Terada ng CNN Philippines.
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Spox. Sir, una lang po ano, doon lang sa community pantry, some are worried na panghimasukan daw ng gobyerno iyong community pantries at mahaluan ng pulitika. What do you think about this? And will the government in anyway take part in these efforts of, you know, setting up community pantry?
SEC. ROQUE: I have actually answer that over and over again. We welcome that as the best of the Filipino at iyan po ay boluntaryo, no one can claim credit for it. It was spontaneous reaction of people and we welcome it at nagagalak po kami na sa panahon ng pagsubok nagtutulungan ang mga Pilipino. Pero ang gobyerno po tutulong sa pamimigay ng ayuda at ng iba pang mga relief goods na nanggagaling po sa DSWD at sa DOLE.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, kumbaga, there will be no intervention in these community pantries, kumbaga, hindi makakita for example ng pulis helping out or police regulating iyong mga lines because of physical distancing?
SEC. ROQUE: Depende po kung mayroong pangangailangan dahil panahon po ng pandemya. Kung magiging dahilan naman po iyan ng pagkumpul-kumpulan, siyempre po iyong mga lokal na pamahalaan baka kinakailangan manghimasok. Just to make sure na safe ang lahat.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, just also a follow up on distribution. Hindi po ba, sir, naging option iyong electronic distribution ng ayuda this time around para mas mabilis po sanang maipamahagi iyong ayuda?
SEC. ROQUE: Well, ang iniiwasan yata iyong service fee, kasi ayaw na nating mabawasan iyong makukuha ng taumbayan dahil alam nating hindi naman masyadong malaki iyong P1,000 at P4,000 per family. So hangga’t maaari ayaw nang mabawasan ng Presidente iyong makukuhang ayuda ng mga kababayan natin.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, there is a supposed group of retired military generals who are allegedly working to move against President Duterte for his supposed inaction in the West Philippine Sea issue. What does the Palace think of this?
SEC. ROQUE: Kuwentong Kutsero lang po iyan. Naniniwala po kami na lahat ng ating kasundaluhan ay tapat sa Republika at alam po nila na hindi po talaga panahon para sa pulitika ngayon. Isang taon naman po mag-eeleksiyon na pupuwedeng halalin kung sino ang gusto nating halalin. Kung tingin nila na hindi karapat-dapat ang polisiya ng Presidente, huwag iboto ang magiging kandidato ng Presidente. Pero sa demokrasya po talaga ay mayroong mandato na binibigay ang taumbayan at ang ating Hukbong Sandatahan po nirirespeto ang mandatong iyan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right, Spox. Thank you very much. Salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Yes, USec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Nakapag-submit na kaya ang DBM ng recommendation nito for austerity measure? If yes, ano po ang salient points ng nasabing recommendation?
SEC. ROQUE: Wala pa po akong balitang nakakalap sa DBM. Although this is a continuing inquiry. Matagal ko na ring hinihingi sa DBM iyan.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: May update na kaya kung kailan expected mai-implement ang proposed higher minimum access volume for pork?
SEC. ROQUE: Well, ang pagkakaintindi ko po, dalawa iyan, iyong MAV na ibinato ng Presidente sa Kongreso at saka iyong lower tariff na sa pamamagitan po Executive Order. I could be wrong ‘no, pero sa akin po, it all depends on Congress. Until mabaligtad po iyan ng Kongreso that will be implemented upon publication in the official gazette and in the UP Law Center.
USEC. IGNACIO: Ang susunod na magtatanong, si Pia Gutierrez ng ABS-CBN.
SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Good afternoon.
SEC. ROQUE: Yes, go ahead.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, follow up lang doon sa question ni Trish. Kasi the DND and the AFP have denied that there is an impending withdrawal of support of generals for Presidente Duterte. Pero do you think that there is a need na for a loyalty check for our generals sa AFP?
SEC. ROQUE: Hindi po nababahala ang Presidente. Alam po ng Presidente na tapat siya sa Saligang Batas at alam po niya na nirirespeto din ng ating mga kasundaluhan ang ating Saligang Batas. Sabi nga po niya kung talaga siya ay inutil, matagal na siyang pinatalsik ng militar. So alam po niya na kung gugustuhin ng military, kahit sino ay pupuwedeng ipatanggal ng militar, pero kampante po siya na walang dahilan para naman umakto ng ganiyan ang ating kasundaluhan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, itong mga usapin na ito is apparently due to the silence of the President on the issue of West Philippine Sea. Does the President see this as compelling reason to already speak up against China’s incursion in our Exclusive Economic Zone?
SEC. ROQUE: Hindi ko maintindihan kung ano pa ang gusto ng mga kritiko ni Presidente ‘no. Nagsasalita na po ang Kalihim ng Foreign Affairs, nagsasalita na ang Kalihim ng National Defense. Hindi ko po alam kung ano ang gusto nila.
Kasi nga po doon sa sinabi ko kanina, doon sa sagot ko kay Pia, doctrine of qualified political doctrine ‘no. Lahat po iyan, until renounced by the President ay declarations coming from the President himself.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, on another topic. You noted kanina na bumaba na iyong bilang ng COVID-19 infections in some Metro Manila areas. Can you put this in context, is this the result already of the interventions of the government or because of the number of tests lang being conducted daily, sir?
SEC. ROQUE: I think it’s a combination—I don’t know how the test can matter in this instance ‘no. Kasi the test until you do about a hundred fifty of which ay talagang hindi naman bababa iyong positivity rate natin. So parang the tests don’t really matter. I think the tests continue as we have been conducting them, pero tingin ko ito iyong resulta ng pinaigting na PDITR ‘no – Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration ‘no – lalung-lalo na ng mga lokal na pamahalaan.
Now, these are modest decreases. Pero for the first time, bumaba. So that is significant ‘no. Modest as they may be, for the first time siguro in about a month ay at least nagkaroon ng signal na bumababa kahit papaano.
Yes, nag-freeze. Hello? Nag-freeze. Hello? Yes, Usec., habang naka-freeze, next question. Balikan natin maya-maya.
USEC. IGNACIO: From Vanz Fernandez: With the Chinese territorial incursion in the West Philippine Sea still ongoing, will the Philippines invoke the support of fellow ASEAN counties in particular those which also have territorial claims with China? Would we look to finalizing the Code of Conduct with other ASEAN states or will the Philippines move towards forming an ASEAN coalition against China’s outrageous claims?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung anong pinupunto ng tanong na iyan. Pero unang-una, matagal na pong mayroong common stand ang ASEAN pagdating dito sa West Philippine Sea. At isa po sa common stand ng ASEAN diyan ay kinakailangan magkaroon nga po ng Code of Conduct para maiwasan ang hidwaan. At iyan po ang ninanais pa rin natin ngayon, masulong iyong proseso ng pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: If the Philippines were looking for fellow ASEAN support, what diplomatic support could the Philippines expect? And how could it help the Philippines leverage itself in protecting its territorial integrity and sovereignty?
SEC. ROQUE: Well, kaisa naman po natin ang ASEAN na dapat hindi gumagamit ng dahas, dapat nirirespeto ang freedom of navigation at dapat maresolba ang hidwaan under the rule of law specifically sa UN Convention on the Law of the Sea.
USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Briones po: Iyon daw pong appeal sa Comelec to raise the benefits of teachers, kumusta raw po ito?
DEPED SEC. BRIONES: [Garbled] … Usec. Rocky and Spox, in addition to the fact that our teachers are now have been upgraded to A4, we are now negotiating with Comelec to increase the compensation, the honoraria of teachers who participate in the elections. Nag-survey kami, at halos lahat gustong mag-participate, mag-serve sa elections.
Ngayon, nandito si Usec. Alain kasi siya ang nag-head ng grupo namin na nakikipag-usap sa Comelec. And very ano naman sila, very reasonable naman. Kasi ang original na bayad halimbawa sa chief ng grupo ng teachers na nagma-man ng elections is 6,000; ang request namin ay very humble increase up to 9,000.
Pagkatapos iyong member naman, ‘di ba may mga panels-panels iyan, 5,000 dati, kung puwede i-increase to 8,000 because the risks are higher, mataas ang cost of living.
Tapos iyong support staff na dating 4,000 ay kung puwedeng gawing 7,000. Iyong mga talagang nasa bottom na mga support staff pa rin, additional support staff, from 2,000 kung puwedeng gawing 5,000. Mina-match natin ito, Spox, sa consumer price index at saka sa inflation rate para lang makahabol ang mga teachers natin sa pag-survive.
Kanina may tanong about how we are helping our respective constituencies survive, ito iyong ginagawa natin, na iyong nagsi-serve sa Comelec, sa elections, puwedeng pataasin iyong kanilang compensation. And we believe it is perfectly reasonable dahil tumaas na ang price indices, tumaas na iyong inflation rate at saka, of course, the risks are higher. Tapos may request pa kami na kung puwedeng ma-allow nang… halimbawa, may transport and so on, protection, security para masigurado natin na safe ang teachers. But at the same time, Spox, we keep on reminding our teachers not to engage in partisan political activities because we have issuances already on that dahil nandiyan sila mismo where the action is. So ito, mga additional benefits ito na hinihingi namin para sa teachers.
And you know, Spox, halos lahat ng teachers ay mag-benefit nito dahil noong nag-survey kami, halos lahat naman sila ay gustong mag-serve sa elections.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Secretary Briones. Balik tayo kay Pia Gutierrez for her second question.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Sorry, naputol kanina. Sir, follow up lang: When do we expect to see the full effect of our interventions? And if that happens, ano iyong projections natin sa decrease ng cases?
SEC. ROQUE: Well, ang sinasabi po nila is anywhere from third to fourth week ‘no. At mayroon kasing model na sinunod naman iyong FASSSTER na tinatawag. And if I’m not mistaken, iyong model na nakita natin na one week travel bubble, two weeks ECQ and two weeks MECQ will result in around 4,000; pero that’s after two weeks of ECQ and two weeks of MECQ ‘no. So hindi ko alam kung kailan talaga makikita iyan pero I think it should be second or third week after iyong second week of MECQ.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: And then, our average daily cases would be around 4,000 na lang, sir?
SEC. ROQUE: Iyon po iyong model na naaalala ko sa FASSSTER.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, last question na lang. Ito po question ni Sherrie Ann Torres. Reaksiyon lang, sir, kasi humihingi na ng tulong iyong Private Hospitals Association of the Philippines sa Malacañang para pabilisin daw po iyong hospital reimbursement ng PhilHealth. Kasi nakikita nila iyong problem daw is because hindi raw nagtutugma iyong submitted records galing sa regional PhilHealth hospitals sa records naman sa PhilHealth central office. Because of this, nangangamba raw sila na iyong mga hospitals puwede raw pong magsara dahil wala na raw silang pambili ng gagamitin lalo na para sa COVID patients. Can you respond to this, sir?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, sayang na hindi pa ako pupuwedeng mag-attend in person ng Talk to the People, pero isang bagay ito na gusto kong i-discuss kay Presidente bilang awtor nga ng Universal Health Care ‘no. Talagang hindi po katanggap-tanggap na natatagalan ang reimbursement ‘no.
Although lately po ay nagbayad nga po ng nine billion no less ang PhilHealth. Pero apparently, hindi ito sapat or baka hindi na talaga na-release. So importante talaga na lahat ng mga pangangailangan ng private hospitals ay mai-release ng PhilHealth dahil diyan naman po talaga manggagaling. At saka iyong buong scheme ng Universal Health Care ay gobyerno talaga ang magiging single purchaser ng lahat ng goods and services.
Mayroon na pong mga inirekomenda na hakbang, for instance, ang DBP ay nag-offer na po na sila po ang mag-a-advance ng mga receivables ‘no subject to submission of documents ‘no. So sa akin po, panahon na siguro para pag-aralan talaga ng PhilHealth itong suhestiyon ng DBP ‘no. Bills purchase po ang tawag diyan at ang importante lang naman na pagkasunduan ng DBP at ng PhilHealth ay kung ano iyong mga dokumento na dapat iprisenta para ma-recover or masingil na ng mga ospital na pribado sa DBP muna, at DBP ang kukobra/kukolekta sa PhilHealth.
So hayaan ninyo po, sa susunod na pagtitipon ko kay Presidente, although tatlong negative PCR tests po ang hinihingi sa akin, so medyo matatagalan iyan eh I will discuss this po. Pero titingnan ko po baka mamaya, even on VTR dahil nga po tayo naman ang nagsulong ng Universal Health Care, we can discuss this also with the President.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Thank you, sir. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Pero crucial po talaga iyang isyu na nilabas ninyo, dahil kung hindi kakayanin ng mga hospital na mag-operate, eh sino ang magbibigay ng mga hospital bed capacity na inaasahan natin from the private hospitals.
Maraming salamat, Pia. Back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, iyon na lang po ang mga tanong na nakuha natin.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – Secretary Liling Briones, DILG Usec. Bernie Florece, and DICT Usec. Caintic. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
At dahil ito po ang unang araw na pagbabalik natin, maraming salamat sa mga nagdasal para sa ating mabuting kalusugan at ipagpatuloy po nating ipagdasal ang mga iba pang nagkakasakit.
Ang ating tanggapan po ay nagnanais na makatulong din sa ating mga sambayanan, tayo na po ang gumagawa ng paraan para masigurado na lahat po ng tawag sa ating One Hospital Command Center ay may sasagot ‘no. Ito po ang dahilan kung bakit noong weekend ay nagkaroon po ng karagdagan ng singkuwentang mga call center operators ang One Hospital Command Center. Alam po natin na kulang pa rin ito, at daragdagan pa rin ng singkuwenta galing naman po sa DOH, at iyong singkuwenta ay galing po sa MMDA.
Alam po natin na matindi ang pagsubok natin sa COVID. Nanggaling po ako diyan having experienced moderate to severe COVID, alam ko po na iyong mga nagkakasakit at the height of their sickness ay nawawalan ng pag-asa. Pero lahat po ng pagsubok ay lumilipas din at huwag nating kalimutan na we are proud of the fact that we are the only Christian country in Asia and let us trust in the Lord.
Maraming salamat po. Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing: Pagpalain tayo ng Maykapal. Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)