SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Labingwalong araw matapos po tayo madale nang moderate to severe COVID, nakabalik na po tayo dito po sa ating tahanan sa New Executive Building sa Malacañang.
Unang-una, binabati ko po ang lahat ng Happy Earth Day ngayong April 22. Ito ay isang espesyal na araw para ipaalala ang kahalagahan na alagaan at protektahan ang inang kalikasan para sa susunod na henerasyon. Ang Pilipinas ay isa sa most vulnerable na bansa sa epekto ng climate change, dahil dito ang issue ng climate change ay relevant sa Pilipinas.
Sa panahon ng pandemya, makakatulong ang lahat kahit sa munting paraan tulad ng pagtatapon nang wasto ng pinaggamitan na face masks at face shields – gawin natin ito at ituro sa ating mga bata.
Patuloy rin nating ipinu-promote ang active transport. Kaugnay nito, isang magandang balita ‘no, inilunsad ang isang matagumpay na public-private partnership kahapon – ito ang DOTr-SM bike manual para i-promote ang active transportation, road safety, courtesy and etiquette para sa mga nagbibisikleta, driver at pedestrians. Higit 140,000 na mga manual ang ipinamigay sa buong bansa. Available din po ito for download sa social media pages ng DOTr at ng SM.
Ayon sa DOTr, mayroon nang 296 kilometers bike lanes na may pavement marking, bollards, curves at solar studs ang natapos ng pamahalaan. Ang target natin ay makapagtapos ng 535 kilometers of bike lanes bago matapos ang taon. Happy Earth Day to everyone.
Muling humarap po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan para sa kaniyang Talk to the People Address. Pinatawag ng Pangulo ang mga health experts para sa kanilang opinyon tungkol sa kahilingan ni DOLE Secretary Silvestre Bello na paikliin ang araw ng quarantine ng mga Overseas Filipino Workers sa mga hotel at isolation facilities. Matapos marinig ang health experts, sinabi ng Presidente na hindi siya handa na payagan ang mas maaga na quarantine at testing protocols para sa mga Overseas Filipino Workers. Pero wala pa pong pinal na desisyon sa bagay na ito dahil pag-uusapan pa ito po sa pagpupulong ng ating IATF.
Parating mamaya naman pong hapon, 5:55 P.M. sa NAIA ang 500,000 Sinovac vaccines mula Tsina. Mamaya makakasama natin ang ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez para magbigay ng detalye ukol dito.
COVID-19 updates naman po tayo. Makikita po natin dito sa infographics, sa daily new confirmed COVID-19 cases per million kung nasaan ang Pilipinas. Ang Pilipinas po ay ‘green’, makikita po ninyo na bagama’t talagang tumaas ang kaso sa Pilipinas kung ikukumpara po sa daigdig ay medyo mababa pa naman po tayo ‘no. Ang nakikita po natin ngayon na ang pinakamatataas na mga bilang ay Turkey, France, Brazil, Germany, Italy, Canada, United States, India at Spain.
- Number 26 po ang Pilipinas pagdating sa total cases – 962,307.
- Number 20 po tayo sa active cases, ito po ay bumaba from number 18 ‘no.
- Sa cases per 1 million population, tayo po ay 133 at ang case fatality rate po natin ay nananatiling 1.7%, number 90 sa buong daigdig.
Mayroon po tayo ngayong 9,227 na mga bagong kaso ayon sa April 21, 2021 datos ng DOH. Patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling, nasa 19,699 ang gumaling ngayon. Sa kabuuan ay nasa 829,608 ang bilang ng mga naka-recover. Samantalang malungkot nating binabalita na nasa 16,265 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami sa inyo.
Okay. Puno ba ho ang ating mga ospital sa NCR?
- Well makikita ninyo po na ang ating ICU beds sa NCR ay 82% utilized, bahagyang bumaba po ito ‘no dahil ito dati ay 86%.
- Ang isolation beds po natin 61% utilized.
- Ang ward beds natin 70% utilized.
- Ang ventilators ay 60% utilized.
Sa buong Pilipinas ang ating mga ICU beds ay 65% utilized, isolation beds 49% utilized, wards beds 55% utilized, ang ventilators ay 45% utilized.
Naka-flash po sa inyong screen ang COVID-19 hotline numbers sa Metro Manila na maari ninyong tawagan. Now kasama po dito ang 1555 at kasama rin po dito iyong 0915-777777. Dinial (dial) po natin itong 1555 at ito po ang maririnig ninyo [voice operator] tapos mayroon po kayong mga pipindutin na mga numero para sa serbisyo na kinakailangan ninyo. Pero iyon po dinial ko lang.
Dati-rati po mahirap talagang tawagan, pero noong nasa ospital po ako, isa pong ginawa ko eh nakipag-ugnayan kay Chairman Abalos at sa DOH. So iyong habang nasa ospital po ako, nadagdagan po ng 100 na call center operators ang ating One Hospital Command Center, singkuwenta po ay babayaran ng MMDA at singkuwentang karagdagan ay babayaran po ng DOH. So gumagana na po, nako-kontak ang mga hotlines ng One Hospital Command Center.
Ang aking advice po sa inyo, talagang dial po ninyo ang ating mga hotlines sa One Hospital Command Center ng sa ganoon po, hindi na kayo ang pupunta from one hospital to another para malaman kung saan kayo pupuwedeng magpa-confine.
Panghuli, nakikiramay po kami sa pamilya, katrabaho, kasamahan sa pagkamatay ni former DILG Undersecretary and Special Envoy of the President to Malaysia Atty. Wencelito “Wency’ Andanar, ama po ni PCOO Secretary Martin Andanar.
May God warmly embrace Mr. Wency Andanar as he welcomes him to his eternal kingdom in heaven. Rest in peace, our thoughts and prayers to the family. Matalik po nating kaibigan si Usec. Wency; nakikiramay po kami sa buong pamilya ng Andanar.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon, makakasama natin po ngayon ang ating NTF Chief Implementer at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez at ang ating NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon. Unahin po muna natin si Sec. Galvez.
Sec. Galvez, inanunsyo na po kahapon ni Customs Commissioner Guerrero na pre-cleared na raw po ang pagdating ng 500,000 Sinovac mamayang 5:55 pm. Ano pa po ang mga detalye, pagdating po nitong pangalawang delivery ng Sinovac at ilan pa po ang inaasahan nating Sinovac para sa buwan na ito? The floor is yours, Secretary Carlito Galvez.
SEC. GALVEZ: Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng National Task Force against COVID-19 at ang vaccine cluster, isang magandang araw sa ating lahat na tagapanood at tagapakinig. Sa ngayon po bibigyan po namin kayo ng updates sa ating COVID-19 at saka po iyong tinatawag natin na delivery sa atin pong mga delivery ng vaccine po ngayon.
Patuloy po ang pagpapaigting ng pamahalaang national ang COVID-19 response and mitigation efforts bilang preparasyon sa ating bansa na tinatawag nating long haul. Patuloy po ang pag-ikot po namin sa ibang NCR Mayors at kami po nila Sec. Vince at Secretary Villar ay talagang amin pong pinaigting ang pagpapalakas ng ating ICU at saka ang ating mga bed, additional ward beds for severe and critical cases. Kaya po ang ano po namin, kaya po ang ano natin, iyong enabling the pandemic functions, ito po ang ano po natin, pinaigting po natin iyong ating prevent, find, trace, test, isolation and treatment and recovery efforts.
Kasama rin po dito ang ating tinatawag na iyong building resiliency na patuloy nating bini-build ang mga ICU hospitals para sa moderate at saka sa severe and also iyong TTMFs isolation facilities and then also, we are building up our manpower reserve.
Sa ngayon po, marami pong nagtatanong kung paano na po ang tinatawag nating total budget para sa ating vaccine at inuulit po natin na ang ating vaccine, ang atin pong budget ay 82.5 billion, kasama po rito iyong tinatawag nating collateral loans na 58.4 billion at saka iyong [unclear] na 11.6 billion, with the total of 70 billion plus iyong DOH budget na 2.5 billion at saka iyong Bayanihan 2 funds na 10 billion.
Ito na po ang mga update ng procurement and finance natin sa datos ng mga tinatawag nating sa financing. Sa World Bank po na amount na 24.3 billion ay fully signed na po noong last March 19. At sa Asian Development Bank po sa 19.5, fully signed na rin po noong March 19, at also iyong Asian Infrasstructure Investment Bank na 14.6 ay fully signed na rin po noong March 26 na total 58.4 billion.
At sa ano po, na-deliver na po iyong tinatawag natin na Sinovac. Nakapag-deliver na po noong April 11 ng 500,000 at ngayon pong hapon na 5:55 ay darating din po iyong 500,000 na Sinovac. Sa April 25, ito naman po darating po iyong tinatawag natin na pilot vaccine na galing sa Gamaleya ngayong Sunday. Ito po ay 15,000. Ito po ay first dose po na 15,000.
And then sa April 29, darating din po iyong another delivery na 500,000 na Sinovac and more or less mayroon din sa end of this month, mayroon tayong 480 na Gamaleya, Sputnik na darating. And hopefully iyong ating COVAX Facility ay makapag-deliver din ng 195,000 na Pfizer.
Sa month po ng May, madadagdagan po tayo ng more or less four million doses; two million po sa Sinovac at saka two million din sa Gamaleya. And hopefully iyong Moderna makapag-deliver na po ng kanilang first tranche na 194,000. Sa June po, medyo aangat po tayo ng seven to eight million.
Mayroon po tayong 4.5 million Sinovac, another two million na Gamaleya and more or less 1.3 million sa first tranche ng private sector procurement natin na AstraZeneca and possible din po na magkaroon tayo ng delivery na more or less 2.4 million for Pfizer at saka more or less four million sa AstraZeneca.
Sa ngayon po, ito po ang status ng ating vaccine rollout.
Mayroon na po tayong total na 1.6 million na vaccine administered at saka mayroon na po tayong 1,397,628 Filipinos already vaccinated. Ang atin pong health care workers, mayroon na po tayong one million na na-vaccinate na po sa ating A1 health care workers at mayroon na pong 214,776 na fully protected na po sa second dose. Sa ating mga seniors, mayroon po tayong 184,286 na nabakunahan na po at sa ating mga mayroong comorbidities, mayroon po tayong 210,882.
At sa atin po ngayon, medyo na ano po tayo ngayon, number four pa rin po tayo at ang atin pong standing ay nauuna po ang Indonesia, Singapore, and Myanmar. Ang Philippines po ay pang-number four sa ASEAN; number 42nd po tayo out of 188 countries at rank 15 out of 57 countries sa Asia.
Nakikita po natin na baka po tayo umangat ulit po sa number three or number two kapag once na po nagkaroon tayo ng malaking volume lalung-lalo na po doon sa month ng May at saka June po.
Iyon lang po ang aking ano. Over to you, Sir Spox. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Carlito Galvez.
Kasama rin po natin ang NTF deputy chief implementer at testing czar Secretary Vince Dizon. Sec. Vince, kumusta na po ang ating testing? The floor is yours, Secretary Vince Dizon.
SEC. DIZON: Maraming salamat po Spox. Maikling update lang po sa ating mga kababayan. Ipapakita ko lang po ang pag-angat ng ating actual tests kung ikukumpara natin noong bago mag-surge at ngayong nagsu-surge tayo.
At makikita po natin talagang pinipilit po nating pataasin nang pataasin ang ating test na ginagawa. Kung mapapansin po natin noong buwan ng Pebrero bago mag-surge, nakaka-average po tayo ng mahigit 30,000 per day pero ngayon po na noong nag-surge tayo, simula nang nag-surge tayo eh lampas 50,000 at nag-peak po tayo ng 66,000 nitong nakaraang linggo.
So, pinipilit talaga po natin kahit na po medyo nahihirapan ang iba nating mga laboratoryo lalo na sa NCR Plus dahil marami po sa kanilang mga personnel ay nagkakasakit din, nagkaka-COVID pero talagang sa tulong ng ating mga laboratories at sa tulong ng Department of Health at ng ating mga local government units, na talagang pinipilit po nating itaas nang itaas at nakita po natin mula an average of about thirty plus thousand, ngayon po ang average na po natin ay lampas 55,000 at nagpi-peak na po tayo ng above 60,000/day.
Idinagdag din po natin ang ating mga antigen test. As of today, halos 200,000 po na antigen test ang ating na-deploy sa NCR, sa Pampanga, sa Bulacan, sa Cavite, Laguna, Rizal, at Batangas, at ito po ay maghihintay na lang po tayo ng updates sa ating DOH sa pag-report nila ng paggamit ng ating mga antigen tests.
Maraming salamat po, Spox.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Vince. So, clarify ko lang, iyong antigen po nagagamit na ba ho ngayon at paano po siya mari-report?
SEC. DIZON: Opo. Ito po ay nagagamit at ito po ay niri-report na po ng ating mga CESU, ng mga City Epidemiological Surveillance Units sa iba’t-ibang LGU at ng ating mga iba’t-ibang ospital.
Pero uulitin ko po, itong mga antigen test na ito ay ginagamit natin dito lang sa NCR Plus at ang ginagamit po natin para dito ay mag-test lamang ng mga symptomatic, iyong mga close contact na mga symptomatic, at close contact ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Sec. Vince Dizon.
So, pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque, Secretary Galvez and Secretary Dizon.
Question from Carolyn Bonquin of CNN for Secretary Galvez: On average, gaano daw po karami ang nababakunahan daily nitong nagdaang linggo at ilan daw po iyong ini-expect na daily average pagdating naman ng karagdagang bakuna?
SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin sa ngayon, nag-a-average po tayo nang mga more or less 50 to 60 and even 70 a day. Sa ngayon po medyo limitado po kasi ang ating vaccine pero nagkaroon po kami ng simulation ng private sector na kapag nandito na po ang vaccine this coming June, magkakaroon po tayo ng average na… dito pa lang sa NCR na 120,000. Pero dapat kailangan mayroon tayong bastante na 3.3 million na vaccine per month.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. Secretary Roque…
SEC. ROQUE: Yes. Kay Mela Lesmoras tayo, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque at kay Secretary Galvez at kay Secretary Dizon. Una lang po sa vaccines, may I ask po maybe to Secretary Galvez. Kanino po kaya ibibigay itong 500,000 doses ng Sinovac vaccines na darating?
SEC. GALVEZ: [garbled] po iyong distribution at karamihan dito more or less 100,000 po mapupunta sa Metro Manila. Matatapos po ito within 2 to 3 days ang deployment at inaasahan po natin na iyong administration nito is within 1 week matatapos po kaagad.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And Secretary Galvez, follow up lang din po; Secretary Roque, puwede rin pong sumagot. I understand paigting nang paigting iyong ating vaccination program, iyong supply natin nadadagdagan na. Pero when it comes to the effects po, kailan kaya natin mararamdaman iyong pagbaba ng COVID-19 cases nang dahil naman sa vaccination program po?
SEC. GALVEZ: Ang nakikita natin kapag once nabakunahan natin majority ng mga affected na tinatawag nating highly urbanized cities like Metro Manila, kapag nakuha natin iyan nakikita natin na siguro by October or November nakikita natin iyong epekto niya talaga, na talagang bababa talaga iyong kaso niya. Pero sa ngayon ang ginagawa po natin, ginagamit pa rin natin talaga iyong minimum health standard at saka iyong tinatawag natin na talagang implementation ng tinatawag nating… iyong quarantine ano natin, controls.
SEC. ROQUE: Well, Mela, siguro karagdagan. Doon sa karanasan po ng Israel at saka ng UK, makikita talaga na bababa ang mga kaso kapag nabakunahan na talaga iyong karamihan ng mga mamamayan. At ang strategy naman natin ha, gaya nga ng sabi ni Secretary Galvez, archipelago naman tayo, unahin natin iyong mga matataas na lugar gaya ng Metro Manila Plus, so asahan po natin habang dumadami ang bakuna at maraming nababakunahan ay bababa po iyong ating mga nahahawa ng COVID-19.
Pero siyempre po iyong mga nabakunahan, paalala pong muli – kinakailangan MASK, HUGAS, IWAS pa rin po, karagdagang proteksiyon lang ang bakuna. Hindi po iyan substitute sa minimum health standards.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuli na lamang po, for Secretary Roque. Kasi sa ngayon po may mga ospital pa ring nahihirapan dahil nga sa COVID surge. Sir, may tiyansa po kaya na ma-extend pa iyong MECQ? And sa panig po ng pamahalaan, paano pa kaya mapaiigting; ano pa iyong kulang o ano pa iyong dapat nating gawin para talagang mapababa iyong COVID cases po?
SEC. ROQUE: Well kahit papaano nakikita namin na bumababa ‘no. Hindi na tayo nagti-ten thousand ngayon pero siyempre hindi tayo satisfied diyan ‘no at tingnan muna natin hanggang matapos itong 2-week MECQ ‘no kung gaano talaga bababa ang mga kaso.
Sa ngayon po I think premature na mag-speculate kung ano magiging classification natin. Ang importante po palagi, tingnan iyong daily attack rate, 2-week average attack rate at saka iyong healthcare utilization rate.
Makikita natin, ang problem natin ngayon po talaga sa healthcare utilization ay medyo mataas talaga ang utilization natin sa ICU. Pero kung titingnan ninyo iyong isolation beds, iyong ating mga TTMF eh iyan naman po ay sapat-sapat ‘no. So ginagawan po ng paraan ng gobyerno ngayon na maparami iyong ating mga ICU beds at siguro si Sec. Vince – Sec. Vince, ilan iyong naging additional commitment ng private sector na ICU beds?
Kasi ito po talaga ang problema natin ‘no, iyong kinakailangan pa natin nang mas maraming ICU beds ‘no. Pero iyong commitment Sec. Vince na magbabayad ng 60% ng pagkakautang ang PhilHealth, ilan po naging commitment ng mga public and private hospitals na idadagdag na ICU beds dahil iyan po iyong ating kritikal ngayon? Secretary Vince Dizon…
SEC. DIZON: Salamat po, Spox. Unang-una po kanina pong mga alas diyes, nagkaroon po ng meeting ang mga iba’t ibang public and private hospitals kasama ng PhilHealth. Pinacilitate po namin iyong meeting ni Usec. Bong Vega, ang ating Treatment Czar at maganda po ang naging usapan, marami na pong mga ospital ang mababayaran, mayroon pong mga iba na nag-clarify lang po ng mga requirements. Pero ano po ‘no, nagpapasalamat po tayo sa PhilHealth na iyon pong utos ng ating mga mahal na Pangulo ay kanilang sinunod para po nga magkaroon na nang konting assistance ang ating mga ospital lalung-lalo na ngayong panahon na ito.
Nag-commit din po ang ating mga ospital ng 176 ICU beds dito sa NCR Plus at mahigit isanlibong ward beds sa kaniya-kaniyang mga ospital. Pero hindi po nagtatapos doon, Spox Harry, nag-commit naman po ang ating DOH na tulungan ang ating mga ospital para sa kanilang dagdag na personnel dahil alam ninyo naman po, marami din po sa ating mga healthcare workers ang nagkakasakit at napapagod kaya po kailangan nating tulungan ang ating mga ospital. Tutulong din po ang ating Armed Forces of the Philippines, ang ating Philippine National Police, ang ating Bureau of Fire Protection at ang ating Philippine Coast Guard.
Spox, mayroon din pong mga tinatayo ngayon ‘no, ipapahabol ko na rin po dahil napakaimportante rin po nito. Ang Philippine Red Cross po sa pamumuno ni Senator Richard Gordon ay magbubukas na po ng mga isolation facilities na kaniyang ispinirhead (spearhead) at ginawa sa tulong din ng ating MMDA at ng ating local government units. Ang isolation facility po sa UP Diliman, sa Ateneo de Manila, sa Quezon City at sa De La Salle University sa Maynila ay bukas na at magtatayo pa po nang marami pang mga isolation facilities sa iba’t ibang pribado at pampublikong eskuwelahan.
And mayroon din pong mga tent facilities na idadagdag sa ating mga government hospitals. Magbubukas na rin po ang tent facility ng Philippine Red Cross sa Lung Center of the Philippines, sa National Kidney Institute at pati na rin po sa iba pang mga ospital sa Metro Manila, both mga tertiary hospitals ng DOH at mga LGU hospitals. Kaya po nagpapasalamat po tayo sa Philippine Red Cross, kay Senator Richard Gordon.
SEC. ROQUE: Sec. Vince Dizon, ipa-flash ko sa screen muli iyong ating healthcare utilization rate ‘no at dito po sa NCR, ang nakasulat dito ang ICU beds natin na 82% utilized ay 700 total beds na ICU. So ang tanong ko po, itong 700, hindi pa po kasama dito iyong additional beds na kinomit (commit)?
SEC. DIZON: Hindi pa po.
SEC. ROQUE: Oo. So magkano po iyong additional beds na kinomit na nila?
SEC. DIZON: Ang kinomit po nila ay 176 additional ICU beds.
SEC. ROQUE: So it will become 876 total beds po ‘no for ICU?
SEC. DIZON: Opo.
SEC. ROQUE: Okay.
SEC. DIZON: So roughly po, bababa po siguro ang ating healthcare ICU utilization to roughly about 70 plus percent.
SEC. ROQUE: So tingin ninyo po, makakamit po natin ito bago mag-Mayo? Kasi 70% magiging moderate lang po iyong ating utilization rate para sa ICU beds ‘no which would probably, probably po ‘no justify lower classification. Pero kaya ba hong makamit iyan ng beginning of May, iyong 176?
SEC. DIZON: Iyon po ang ating target, Spox, at nagpapasalamat tayo sa iba’t ibang mga ospital natin kasama na ang mga pribadong ospital sa kanilang commitment. Pero kailangan maintindihan din po ng ating mga kababayan na hindi naman po ganoon kadali na gumawa ng isang ICU facility o ICU bed. Hindi lang po iyan dagdag ng kama dahil kailangan po niyan, ang pinakaimportante ay iyong dagdag po ng mga skilled healthcare workers sa ICU.
Iyan po ay pinagtutulung-tulungan ngayon ng gobyerno at ng pribadong sektor para makakuha tayo ng dagdag na personnel at the same time, dahil din po sa tulong na binigay ng PhilHealth, dahil sa ginawa ng ating mahal na Pangulo, eh ngayon po ay makakapag-purchase din ng mga kailangang equipment ng ating mga ospital para ma-convert iyong mga existing bed nila into ICU beds at ang target nga po natin ay bago ang Mayo ay ma-activate na po ang mga kamang ito.
SEC. ROQUE: So, 876 ICU beds by May. Maraming salamat, Sec. Vince. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. From Jo Montemayor of Malaya, para po kay Secretary Galvez. Iyong unang question po niya update sa delivery ng Sputnik V nasagot na po ni Secretary. Pero ang follow up po niya: Will President Duterte receive the Russian vaccine? Pareho po sila ng tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror.
SEC. GALVEZ: Sa palagay ko po sa next po na volume, iyong mas malaki po, iyong 485,000 end of the month at we will request po iyong at least sila Senator Bong Go at saka po si Presidente.
USEC. IGNACIO: Second question po niya, with the FDA EUA approved, how many Covaxin is the Philippines buying and when it will be delivered?
SEC. GALVEZ: Sa Covaxin po, private sector po ang bumibili sa kaniya at posible rin po sa atin, naka-arangkada na po tayo sa 7 vaccines na ating portfolio. So, sa Covaxin po ang private sector po ang bibili po noon.
USEC. IGNACIO: For Secretary Roque: Palace comment daw po on the May 8 day of prayer for those who died of COVID and the mass to be held at the Manila Cathedral?
SEC. ROQUE: Suportado po natin iyan bilang isang biktima ng COVID din po, nagpapasalamat ako doon sa mga nagdasal para sa ating paggaling at iniengganyo ko po ang lahat na ipagdasal po natin lahat noong ating mga kababayan na mayroon pong sakit na COVID-19. We support all prayer initiatives, because we know that prayers can remove mountains.
USEC. IGNACIO: For Secretary Dizon po: Any comment on suggestion of medical experts to do away with COVID test to save funds and use the savings to complete the 14 day quarantine? How much is the government spending for the OFW testing?
SEC. DIZON: Unang-una po nagsabi na po ang ating Pangulo na hindi siya right now willing magkumpromisyo sa ating mga protocols sa mga incoming Filipinos or incoming arrivals sa Pilipinas. Kaya po ang recommendation po natin ay i-retain ang current na protocols na nagri-require pa rin ng testing sa 6th day ng quarantine. Naniniwala po tayo, dahil ito na rin po ang pakikisuyo na rin ng ating mga local government units na i–retain natin iyon. So, tingin ko naman, mas maganda pa rin na mag-test at iyon naman pong mga protocols natin ngayon ay nanggaling din sa ating mga technical advisers at sa ating mga experts. Kaya ang recommendation po namin ni Secretary Galvez at pati na rin ni Secretary Duque ay i-retain natin iyong current nating protocol sa arrival. Pero iri-review po natin iyan regularly sa mga susunod na linggo at susunod na buwan.
USEC. IGNACIO: How much is the government daw po spending for the OFW testing?
SEC. DIZON: Alam po ninyo, kung roughly na iyan, kung ang dumarating na OFW natin ay umaabot ng 1,500 per day, roughly at an average of about 3,000 eh per day iyan eh 4.5 million iyan na budget ng gobyerno, ng OWWA na nagagamit. Mabigat po siya pero alam ninyo kailangan pa rin natin itong gawin para na rin ma-insure natin na protektado ang ating mga kababayan dito sa Pilipinas at protektado din ang ating mga mahal sa buhay ng ating mga OFWs.
SEC. ROQUE: Dadagdagan ko lang Usec. Rocky. Nasa akin iyong mga datos, ang problema talaga po is, noong pinatagal natin iyong quarantine ng ating mga OFW eh siyempre nadagdagan iyong gastos ng OWWA. Dati-rati one to three days lang po ang bayad nila sa hotel na tig-3,000 a day, ngayon po nagiging 7 to 9 days. So, ang natitirang balanse po as of April 16 na budget ng OWWA para po sa quarantine hotel facilities, transportation, food and meal, cremation on funeral services ay 1.4 billion. At ang sabi po ng OWWA inaasahan nila na maubos ito by mid-May.
Ang sabi naman po ni Secretary Avisado, hahanapan ng pondo dahil kinakailangan ito ‘no. Pero ang additional na pondo na kinakailangan po ng OWWA dahil nga po dito sa mas matagal na quarantine ay tumaas po ng P10,626,370 para lang po sa quarantine hotel facilities. At ngayon po ang kinakailangan ng OWWA na popondohan ng ating gobyerno ay P9,884,000. So ito lang po iyong konteksto ng pag-uusap kahapon.
Pero ang sabi naman ni Sec. Wendel, kung talagang kinakailangang gastusan iyan, hahanapan at hahanapan po iyan ng pondo.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Trish Terrada of CNN Philippines please.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Hi good afternoon, Secretary Roque, Secretary Dizon and to Secretary Galvez. Sir, first question would be on the iyong community pantries lang po. What does Malacañang think or make of the statements of the NTF-ELCAC including that of General Parlade when the Palace already made it clear na sinusuportahan po ninyo iyong community pantries and related question po. Question po ni Maricel Halili of TV 5. Should Parlade be reprimanded after he compared the community pantry to Satan’s apple?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo hindi nagbabago ang paninindigan ng ating Presidente. Lahat po ng makakatulong sa ating mga mahihirap sa panahon ng pandemya, welcome po iyan at ang atin po, bayanihan, hindi bangayan. We think and I will repeat it na itong mga community pantries represents the best of the Filipino in the worst of times. So kung mayroon pong ibang mga kinakailangang gawing katungkulan ang mga taga-ELCAC bahala po sila, pero ang general policy po natin, we welcome these community pantries, lahat ng nakakatulong sa ating mga kababayan. At ito rin po ang naging posisyon ng DILG at ng PNP. We leave it at that.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Pero Sir, with their statements, nagmukhang hindi aligned iyong posisyon ng Palasyo sa ginagawa nila, posisyon ng national government sa ginagawa po nila. At do you agree that their efforts are counter-productive? Kasi marami pong community pantries iyong tumigil dahil sa natatakot sa ginagawa po nila. Iyong mga ganitong bagay, Sir. Doesn’t this merit a conflict instruction from the Palace for them to stop whatever they are doing na nakakapag-sow ng fears sa mga taong ito?
SEC. ROQUE: Trish, I have spoken in behalf of the President, the DILG has spoken also through Secretary Año, the PNP has spoken. Siguro kung mayroon kayong mga tanong, direct it na to them, not to us. But we have spoken and we made a position very clear.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Sir, another question from Maricel Halili. Some lawmakers po kasi said that NTF-ELCAC should be defunded. Ano po iyong tugon doon ng Palasyo doon sa panawagan ng ilang senador na tanggalan ng pondo itong NTF-ELCAC at ilaan na lang po doon sa COVID response iyong pondo?
SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko po iyong pondo ng ELCAC ay para po sa mga proyekto na magbibigay ng asenso at progreso sa mga lugar na mayroon pang mga rebelde. So, sa akin po hindi naman po justified. Hayaan nating gawin nila ang katungkulan nila kung mayroon talaga ilang opisyal na ginagawa diyan. Pero ang polisiya po ay malinaw.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Sir, just one short question. Iyong IATF meeting po, kailan po iyon, at doon po tama, Sir, mapa-finalized iyong protocols? Will you be considering still iyong alternatives na ibinigay ng experts natin last night or are we sticking to the original protocols na mayroon po tayo ngayon?
SEC. ROQUE: Mamayang alas-dos po yata ang meeting, pero hindi ko po alam kung nakasama na sa agenda, dahil ito ay inilabas lang naman ni Secretary Bello itong linggong ito.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: So, for now Sir, status quo po tayo.
SEC. ROQUE: Status quo po at ang status quo nga is kung kinakailangang hanapan ng pondo, hahanapan ng pondo iyan ni Secretary Wendel Avisado.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Sir, just one question please for Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Hi good afternoon, Secretary Galvez. Sir, I just like to ask about the status of Pfizer vaccines. Because I saw in your presentation, parang target arrival hopefully April 2021 po iyong unang batch. Tuloy na tuloy na po kaya ito, Sir this April and if ever, paano po iyong magiging distribution nito?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon, ongoing pa rin ang finalization ng indemnity clause and once na na-finalize namin ngayong susunod na mga araw ay may possibility po. Pero ang nakita po namin considering that after the signing it will take some time, mga 4 weeks or 6 weeks before iyong delivery. So ang nakita namin, siguro mauusog ito ng first week of May. Ang nakikita po natin is talagang iyong ating negotiation team ay talagang halos araw-araw ay talagang nakikipagusap sa mga lawyers ng Pfizer and hopefully we can have this COVAX facility na mayroong 2.4 million Pfizer na darating and at the same time we are negotiating bilaterally sa 25 to 40million.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: All right, thank you so much, Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Thank you, Trish.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Salamat po, Spox.
SEC. ROQUE: Thank you, Sec. Galvez. Back to USec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Question from Llanesca Panti of GMA News Online: The Philippines dropped two places from 138 to 140 in World Press Freedom Index po. Is this drop a reflection on Duterte Administration’s policy on press freedom or otherwise? Similar question with Leila Salaverria of Inquirer.
SEC. ROQUE: Well, unang-una, dalawang posisyon lang po iyan, two positions lower, de minimis po iyan, wala masyadong ibig sabihin.
Pangalawa po, sa buong ASEAN pang-apat pa rin po tayo. We are ahead of Myanmar, Cambodia, Brunei, Singapore, Laos and Vietnam.
Pangatlo po, although ito ang pinakamababang ranking sa panahon ni Presidente Duterte, equivalent po ito sa pinakamataas na ranking noong panahon ni Presidente Noynoy Aquino.
We see nothing wrong with it pero of course, we dispute also the ranking because iyong Reporter’s Without Borders considered as affront to press freedom itong Rappler issue na alam naman natin na dinesisyunan ng SEC na hindi naman appointed ni President Duterte at mga appointees ni Presidente Aquino pa at saka itong ABS-CBN na alam naman natin na kinakailangan talaga ng prangkisa.
So, we also dispute that these two issues should have not led to the decline in our ranking.
USEC. IGNACIO: Second question niya: The US Government warned its citizens against traveling to the Philippines because of our COVID-19 situation that even fully vaccinated travelers may be at risk for getting and spreading COVD-19 variants. What does this action say about the efficiency or lack of the Philippines’ COVID-19 response?
SEC. ROQUE: Wala po, wala pong ibig sabihin iyan. Kasi po sa totoo lang dito sa Pilipinas wala tayong pinapapasok na dayuhan pati po mga Amerikano. So, naiintindihan naman po natin iyan, habang patuloy pa ang pandemya eh entitled naman po ang mga bansa na mag-warn sa kanilang mga nationals. Uulitin ko po, hanggang ngayon, hanggang Abril 30 po hindi tayo tumatanggap ng mga dayuhan dito sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Third question niya although nasagot ninyo na rin po pero ang tinatanong niya dito: Will the Palace, given that the President created NTF-ELCAC, ask Usec. Badoy of NTF-ELCAC to prove her accusations that community pantry organizer Patricia Non is a member of the Communist Party seeking to overthrow the government?
SEC. ROQUE: Ang aking responsibilidad ay magsalita po sa ngalan ng ating Presidente, nagsalita na po tayo. Bahala na po sila gumanap sa kanilang katungkulan.
USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez. Secretary Galvez, ano daw pong brand ng mga bakuna ang darating sa August to December?
SEC. GALVEZ: Halos lahat po darating po ang mga bakuna. Sa ngayon po, ang bakuna po nating natatangap, Sinovac, AstraZeneca, at susunod po ang Gamaleya. Susunod po na tatanggapin po natin, Moderna, Novavax, at itong Johnson & Johnson, and hopefully itong Pfizer po.
So, pitong po iyan, pitong brand po na portfolio po natin. Darating po iyan [garbled]
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Melo Acuña please.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary! Nabalitaan ko po na kailangan magdagdag ang mga ospital ng kanilang kapasidad sapagkat magbabayad na iyong PhilHealth sa kanilang atraso sa mga pagamutang ito. Subalit sina rin ng mga may pagamutan na hindi ganoon kadali na magkaroon ng pasilidad at ganoon kadaling mag-recruit ng mga tauhan. Ano po kaya ang puwedeng gawin dahil sa pinagmumulta sila, pagmumultahin sila kung hindi sila makatugon according to the schedule? Baka po mauwi kasi sa pagmumulta na lang kaysa magtayo pa ng pasilidad at kumuha ng additional personnel. What’s your say on this, Secretary?
SEC. ROQUE: Sinong tinatanong mo, ako o si Secretary Dizon?
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Sa inyo po muna, Secretary Harry.
SEC. ROQUE: Okay. Unang-una po ano po ano – babalik ko kayo sa screen ‘no – ang kinakailangan po talaga nating dagdagan ngayon – ICU beds. Mukhang hindi po kritikal ang isolation beds, ang ating ward beds at saka ang mga TTMF, we have more than enough.
Pero kinakailangan talaga damihan iyong ICU beds, kaya iyong sinabi ni Secretary Dizon kanina na 176 additional, iyan po ay crucial kung gusto nating magbaba ng quarantine classification at magbukas ng ekonomiya dahil kinakailangan mapaghandaan natin iyong mga magkakasakit ng kritikal at magkaroon ng ICU beds.
Sa tingin ko po, that’s not a tall an order; at Melo ‘no, it is the hospitals that volunteered the additional 176. Hindi po natin iyan in-impose, iyan po ay ibinolunteer nila assuming na magkakaron nga sila ng additional na financial support from PhilHealth.
Secretary Dizon, would you like to add.
SEC. DIZON: Opo. Sir Melo, maraming salamat po sa tanong.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po.
SEC. DIZON: Magandang tanghali po! Unang-una po, wala naman pong multa na ini-impose tayo. Tama po iyong sinabi ni Spox na ito pong mga numerong nasabi natin kanina, ito po ay boluntaryong ibinigay ng ating mga pribado at pampublikong ospital sa pagdadagdag ng ICU beds at ng iba pang mga ward beds or regular COVID beds sa ating mga ospital.
At hindi naman din po tayo humihinto sa ating pagtatayo. In fact, kung maaalala ninyo po noong nakaraan lang na Martes eh nandoon po si Secretary Galvez at sina Secretary Berna Romulo sa Luneta at Secretary Lorenzana kasama ni Mayor Isko Moreno para mag-groundbreak ng isang napakalaking field hospital, tulad po ng mga nakita natin sa ibang bansa tulad ng Tsina, sa Luneta mismo ano. Ito po ay maglalaman ng mahigit 300 mga kama pati po mga moderate na kaso ng COVID ay puwedeng ilagay doon ‘no.
Tuloy-tuloy lang po iyan ‘no at tuloy-tuloy din po ang ginagawa ni Secretary Villar ng ating DPWH na paggagawa ng mga iba’t-iba pang mga field hospitals tulad nung kakabukas lang noong ilang nakaraang linggo sa Quezon Institute sa Quezon City. So, hindi po tayo tumitigil, sir Mel.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mabuti po kung ganoon—
SEC. ROQUE: At idadagdag ko na rin, Melo ‘no. Maski nagsimula lang po, noong ako actually nasa sixth floor ng PGH, napansin ko kasi iyong kuwarto ko puwedeng dalawang ICU iyon at napansin ko doon sa floor na mayroon na ngang apat na regular rooms na ginawang ICU. So, tinanong ko kay Dr. Gap Legaspi kung makakaya pa nilang ma-convert iyong iba pang mga kuwarto na mga sampu doon sa PGH into ICU ‘no at sabi niya puwede naman.
So, sinimulan na po natin iyong proseso na pagtatanong sa iba’t-ibang mga government hospitals kung ilang ICU beds ang pupuwede nilang idagdag ‘no, iyong iko-convert iyong mga regular rooms at dadagdagan lang ng additional equipment. At we’re hoping po to finalize the plans within a week time. Pero ngayon po, nasa proseso ng pagkokonsukta sa PGH, sa Jose Reyes, sa Quirino, sa lahat ng mga DOH hospitals, sa Vicente Sotto, at saka sa SPMC. At I will regularly update you on this initiative ‘no.
So, we are aiming to add in addition to the 176 na binolunteer na, additional 200 sana po pero this is at its early stage. Nasa survey stage pa lang kung ilang regular rooms ang pupuwedeng ma-convert to ICU pero talagang nakatutok po talaga tayo sa ICU beds ngayon dahil kapag napalawig natin, naparami natin ang ICU beds, kaya po nating magbukas nang mas malaki pa sa ating ekonomiya.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mas mabuti po kung ganoon. Para po kay Secretary Galvez. Magandang tanghali po, Secretary Galvez.
SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Nabanggit po kasi ni Undersecretary Mark Dennis Joven ng Department of Finance doon sa roundtable with Philippine Press Institute kahapon kung saan ipinadala ninyo si Dr. Nina Gloriani, na ang gagawin na lamang dito ay iyong scheduling ng delivery at managing ng supplies para magkaroon ng continuous feed stocks ng bakuna mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng vaccination program na sa pagtatapos ng December 31, 2021. Sa tingin po ba ninyo ay matutugunan natin itong timetable na ito?
SEC. GALVEZ: Matutugunan po natin kasi sa ngayon po kasama natin ang private sector. Noong last Monday, nagkaroon po kami simulation kasama po natin dito iyong mga magagaling na mga supply chain ng Jollibee at saka ng iba-ibang mga kumpanya at ang mga ospital. At tiningnan po namin iyong simulations ng NCR Plus at nakikita po natin na ang kailangan po ng NCR para nakatugon po ng 120,000 a day, kailangan niyan ay mayroon tayong supply na 3.3 million.
At nakita po natin iyon po ay matutugunan po natin sa month of June kasi sa month of June mayroon na tayong more or less mga eight million kada buwan and then mag-i-increase pa iyon hanggang sa August, magkakaroon tayo ng 15 to 20 million every month ng supply natin.
So nakita namin, sir Melo, sa simulation na ginawa namin, ilan pong vaccination centers ang kailangan, ilang vaccinee ang kailangan, at saka iyong mga ancillary requirement na kailangan na-compute na po namin halos lahat iyong sa NCR Plus. At nakita po namin na maganda po iyong nagsi-simulation.
Doon, makikita mo sa simulation may mga mababagal tayo na tinatawag nating mga municipality at saka tinatawag na cities, iyon po ang titingnan natin at ika-calibrate natin para sunod-sunod po tayo.
So nakita namin doon sa simulation na ginawa namin, sa rate na ginagawa nila ngayon na vaccination, makikita na iyong iba matatapos ng October, iyong iba matatapos ng first quarter ng 2021. So ngayon ang ginagawa po ng private sector natin, mga supply chain expert, kinakausap na iyong buong NCR at saka iyong anim na governor within the area of Region IV-A at saka po Region III.
So sa ngayon ang gagawin natin, Melo, talagang tuluy-tuloy ang simulation natin at magpu-full blast tayo this coming June 1 when we will open iyong ating vaccination sa A4 at saka sa A5.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. So wala kayong nakitang problema na kahit mayroong kakulangan ng bakuna sa world market, makakatugon pa rin tayo sa schedule?
SEC. GALVEZ: Ang nakita po natin, na-anticipate po kasi natin Sir Melo, iyong ibang countries tatlong ano lang eh, tatlo ang kanilang ano eh, iyong tinatawag na portfolio. Ang ginawa natin, pitong portfolio ang ginawa po natin. Aside from there, ang ginawa natin, hindi natin kinount (count) iyong COVAX para at least mayroon tayong flexibility na 44 million this year. So sa aming computation, nandoon na iyong possible slippage ng ibang manufacturer. Kung hindi mag-deliver iyong isa, mayroon pa tayong anim na reserba.
So ganoon po ang ginawa po natin, ang pinaka-threshold po natin basta po ang isang buwan, hindi po tayo bababa ng 10 million at saka hanggang 15 million, hanggang 20 million ay magiging maganda po at maayos po ang ating vaccination program. Kasi ang ating programa sa ating simulation, at least magkaroon po tayo ng 1 million to 3 million per week – which is kaya po natin dahil kasi kinompute na po natin na kung 5,000 ang vaccination center po natin, kailangan natin makagawa ng 500,000 a day na vaccination.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Maraming salamat po. Have a nice day. Thank you, Secretary Harry, Secretary Vince at Secretary Galvez.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Thank you, Secretary Galvez. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. From Leila Salaverria of Inquirer: You have mentioned in the past that the President hasn’t filed libel cases but this is not the only way for the media to be harassed. What does the admin plan to do, if any, about findings of harassment and red tagging against journalists?
SEC. ROQUE: Well, wala po akong alam na ni-red tag ang Presidente ‘no. Ang Presidente po sa tagal niya sa pulitika, alam niya kung ano talaga ang papel ng media, so hinahayaan niyang gawin ang kanilang mga katungkulan. Ang mensahe lang sa media ‘no, siyempre maraming mga maaanghang na sinasabi laban kay Presidente at paminsan-minsan sasagot mismo ang ating Presidente, maanghang din. In the same way na hindi natin inaasahan maging balat-sibuyas ang Presidente, huwag ding balat-sibuyas ang media kapag sumagot ang Presidente.
USEC. IGNACIO: For Secretary Dizon, nasabi ninyo na iyong update about expansion of RT-PCR testing. Ang follow up po niya: Is there a higher daily target for RT-PCR tests?
SEC. DIZON: Yes. Pinipilit nating umabot tayo ngayon nang mahigit 70,000 a day. Right now ang peak natin ay umabot na ng 66/67 thousand o so. Pipilitin natin nang pipilitin. Pero kagaya nga noong sinabi natin, dahil sa kahirapan ng pagku-conduct ng PCR lalo na sa time nang dumadami ang kaso at nagkakasakit ang ating mga med-techs at ang ating mga laboratory personnel, ang nirekomenda po ng ating mga eksperto ay mag-deploy po tayo ng antigen test sa NCR Plus at iyon po ay ginagawa na natin iyon
USEC. IGNACIO: Opo. DOH Undersecretary Vergeire said the high positivity rate could mean the DOH was not testing enough. What is the NTF response to this?
SEC. DIZON: Iyon nga po ‘no, kaya po pinipilit nating magtaas pa. Pero kailangan maintindihan din po na ang pagdami ng kaso ay hindi lamang ang rason niyan ay dahil mataas ang positivity rate. Ang ibig sabihin lang po niyan is dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 eh kailangan paigtingin natin ang lahat ng mga istratehiya sa COVID response. At ang unang-unang pinakaepektibong istratehiya ay ang minimum health standards, ang pagsunod at pag-enforce ng minimum health standards at ang pagpapaigting natin ng ating detection, ng ating isolation at ng ating treatment – na lahat naman po iyan ay pinipilit nating paigtingin lalung-lalo na ngayon na tumataas ang kaso.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Vince.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat. Punta naman tayo kay Joseph Morong please, GMA News.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon po. Sir, start muna po sa inyo before I go to Secretary Dizon and Secretary Galvez. Sir, with regard to ELCAC. Will the President order, itong sila General Parlade to refrain from issuing statements that are not aligned, particularly doon sa community pantries, that are not aligned with the Palace position? Because there is a sentiment, I think from the Senate ‘no, si SP Sotto says that the program may be good but we’re having problems with the way certain officials are conducting themselves. So we may probably just replace the officials and retain the program. So question Sir: Will the President order, sila General Parlade to refrain from issuing particular statements?
SEC. ROQUE: Well, siguro po kakausapin namin ni Secretary Año si Secretary Delfin Lorenzana, because that’s the proper chain of command po ‘no. I think General Parlade reports to Secretary Lorenzana and hindi naman po sikreto na may mga pagkakataon na pinagsabihan na ni Secretary Lorenzana na mag-ingat-ingat nang kaunti si General Parlade sa kaniyang mga deklarasyon.
JOSEPH MORONG/GMA7: And the statement, Sir, do you agree with the previous statements nitong sila General Parlade, the Palace Sec.?
SEC. ROQUE: Now as far as the community pantries are concerned, malinaw po ang posisyon ng Presidente diyan, malinaw ang posisyon ng DILG, malinaw ang posisyon ng PNP – let a thousand community pantries bloom.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you. Can I go to Secretary Vince, please?
SEC. ROQUE: Go ahead, please.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon sir.
SEC. DIZON: Good afternoon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir my question is, iyong atin pong capacity in relation to the decision whether to extend or lift iyong MECQ. Now you mentioned na ang particular concern natin, not so much to the isolation and the quarantine facilities and the ward beds but you did mention about the 1,000 ward beds. Sir, these are ward beds and isolation, iyong 1,000 na iyon?
SEC. DIZON: Hindi po. Ano po iyan, iyong 1,000 po na iyon ay COVID beds sa ospital, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sa mga regular ward bed, iyong mga hindi delikado Sir ‘no?
SEC. DIZON: Yes! Regular o COVID beds, yes.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. And then you mentioned Sir, iyong 176 na ICU will lower the capacity or the utilization rate to 70%, tama po ba iyon at the very least sa May?
SEC. DIZON: Correct, opo. Roughly, roughly po. Iyong current na 82 ay bababa po sa roughly mga 70 plus percent.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right. So ibig pong sabihin Sir, by May, the lowest number that we can—can we say that, that the lowest number na we can reach for occupancy sa ICU is only 70%, or puwede nang isingit diyan iyong sinabi ni Sec. Roque na 200?
SEC. ROQUE: Wala pa siguro iyong 200.
SEC. DIZON: Ah hindi po, wala pa po. Iyong 200 po ay plano iyon PGH kagaya ng sinabi ni Spox Harry pero hopefully po sa mga susunod na linggo o susunod na buwan ay madagdagan pa iyon. Basta Joseph, ang importanteng ano ‘no, priority talaga natin ngayon ay magtaas ng ICU capacity dahil nga sa nakita natin na current surge eh iyon ang pinakakailangan natin.
Pero kailangan maintindihan din natin na hindi ganoon kadali ang pagtaas ng ICU capacity dahil hindi ito simpleng pagdadagdag lang ng kama. Ang importante dito, ang pinaka-urgent dito ay iyong pagdagdag ng personnel – at hindi lang ordinaryong nurse or ordinaryong doktor – iyong mga doktor at nurse na talagang sanay at may skills para sa intensive care ‘no. At iyon talaga ang malaking challenge natin ngayon.
JOSEPH MORONG/GMA7: So by May Sir, we can lower it to 70%. Do you think that percentage can merit a relaxation of the MECQ or parang medyo we need a little more time Sir to extend?
SEC. DIZON: Hindi ko masasagot iyan, Joseph ‘no. Kailangan pag-aralan natin ang datos kapag dumating na tayo sa puntong iyon bago mag-Mayo at ia-assess po iyan ng ating mga technical experts, ang ating mga doktor kung irirekomenda po ang pag-relax nang kaunti pagdating natin ng Mayo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kaunti na lang sa inyo po. Iyong antigen test, sir, papasok na iyon sa data ng DOH? Because kung papasok iyan like the PCR test, that will give you a little bit of a more complete picture of the infection rate in the country ‘no. Papasok na natin iyon Sir or hindi pa rin?
SEC. DIZON: Opo. May sistema po ang DOH para ipasok, pero iyan ay ire-report na magkahiwalay. Kasi tandaan natin, ang antigen test ay ginagamit lamang sa mga area na talagang mataas ang incidents ng COVID-19. Kaya nililimita natin siya sa NCR Plus, kasama na rin ang Pampanga at Batangas, kasi hindi talaga siya puwedeng gamitin sa mga area na mababa ang incidents ‘no. So kailangan talaga—very technical ito Joseph ‘no, at kailangan umasa talaga tayo sa guidance ng ating mga eksperto.
JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Secretary Galvez, since you are here already and this question has been on my mind for quite some time. Sir, when did we start—you were appointed in November, when did we start po negotiating for vaccines?
SEC. GALVEZ: Nag-start po ako noong more or less mga October, November iyan. Iyan iyong una naming na-sign-nan iyong AstraZeneca and then after that noong December, dalawang—another term sheet ang na-sign-nan namin noong December.
JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Almost kasabay po ba natin iyong ibang bansa, because well, the US and UK have pre-ordered as early as I think… sa notes ko August. Wala naman tayong capacity, sir, to pre-order ‘no?
SEC. GALVEZ: Nakita namin, sa nakita natin ngayon sa sitwasyon sa global market, kahit nag-order ka ng mas maaga, nakita natin talaga iyong 80% ay kinuha ng limang bansa. Ngayon ang pinakamataas na mga jabs nakita natin US, India, China, UK at saka EU. So kung titingnan natin iyong kanilang ano, by the hundred millions iyong kanilang mga nakuha at iyong iba talaga nakita natin iyong Canada, even though they bought 6 times its population, nakita natin napakababa ng kanyang tinatawag natin na jabs per day; ganoon din ang Singapore nakita natin na hanggang ngayon 2 million pa lang ang Singapore and also iyong ibang countries na talagang nakabili ng malalaki—katulad noong Indonesia, nakita natin nakabili rin siya ng mas maaga pero nakita natin ngayon 16 million pa lang.
JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Thank you for your time. Secretary Roque. Last na lang.
SEC. ROQUE: Wait bago ka mag-next question ‘no. Unang-una ‘no, iyong tinanong mo ang 70% healthcare utilization rate is moderate risk. Okay. Pero ang problema nga natin is although komportable tayo sa all other forms of beds, iyong ICU bed, kinakailangan talaga dagdagan at madadagdagan naman iyan by first of May.
Now iyong sinabi ko na 200 additional, it’s a plan na mga sampung government hospitals will increase their ICU bed capacities from anywhere 15 to 20. At ngayon nga po, nasa stage pa lang na natatanong isa-isa iyong mga ospital, ilang regular rooms ang pupuwede ng i-convert into two ICU units. So nandoon pa lang tayo sa stage na iyon, pero kinakailangan talagang gawin iyan, expecting na kung magbubukas ang ekonomiya, kinakailangan mas maparami iyong ICU bed capacity. Pero makikita ninyo ngayon ang datos, other than ICU beds ay maluwag naman po iyong mga ibang beds natin.
Pangalawa po, nagsimula pa lang tayo noong solusyon na iyong mga hanggang moderate eh, ililpat natin sa TTMFs at ngayon nga po na-implement iyan sa Tala kung saan nilipat natin iyong mga mild and moderate cases doon sa Clark, New Clark City. Siguro po kapag natapos na itong prosesong ito, maa-amend din natin itong ating mga datos para magkaroon ng reason-decision ang IATF kung ano ang irerekomenda kay Presidente for end of the month.
Pero iyan po iyong twin strategy natin: increasing the actual ICU bed capacity and iyon nga po iyong triaging na iyong mga mild, asymptomatic up to moderate ay pupuwede ng ilipat sa mga TTMFs para ang maospital ay iyong talagang mga serious and critical. Okay.
JOSEPH MORONG/GMA NEWS: So sir, iyong 70% na ICU by May hindi pa iyan kaya na ibaba iyong MECQ, sir ‘no?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam ‘no. Pero ang formula talaga, 70% health care utilization rates warrants GCQ, pero titingnan mo rin iyong daily attack rate at saka iyong 2 week average attack rate ‘no; tatlo kasi iyang kinokonsidera.
JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sir, we extended iyong ayuda by May 15, hindi naman sir ibig sabihin niyan that is because we are prepared in our minds to extend the MECQ until May—
SEC. ROQUE: Hindi po, kaya lang talagang mahirap po sa pandemya na magbigay ng cash assistance dahil iniiwasan natin ang pagtitipon-tipon. I can assure the Mayors po na when I earlier apologized na mabagal iyong proseso, hindi ko po sinisisi ang LGU. Ang sabi ko po talagang mabagal, kasi nga po umiiwas tayo sa pagtipun-tipon, wala pong sisihin iyan, it’s a statement of fact lang, na kapag naman dinamihan natin iyong mga pagtitipon-tipon eh baka lalong magkasakit iyong mga binibigyan ng ayuda.
JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Thank you, sir, Thank you Sec. Vince, Sec. Charlie.
SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Punta tayo uli kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, question fro, Dreo Calonzo ng Bloomberg for Secretary Galvez about Johnson & Johnson: Kailan daw po magkakaroon ng deal, to sign a deal with Johnson & Johnson and for how many doses?
SEC. GALVEZ: Ang nakita ko sa ngayon, baka end of this month makukuha na po natin. I cannot reveal iyong dose na ano natin, pero ang ano po natin at least ang na-negotiate po natin, 5 to 10 million po.
USEC. IGNACIO: Second question niya: Kumusta daw po ang supply talks with Pfizer and why did we increase our target number of Pfizer doses to 40 million. Is this realistic given global supply constraints?
SEC. GALVEZ: Yes, actually iyong figure na iyon, hindi po kami ang nag-dictate, sila po talaga. Nakita po natin na iyon po ang allocation natin sa kanila. Kasi sa mga manufacturer, may mga countries na talagang binibigyan nila na equitable access. So, iyong allocation na 40 million iyon po ang pina-maximum na puwede po nating kunin.
Initially po 25 pero noong nakita nila ang pangangailangan natin at nakita nila ngayon na nagkaroon tayo ng surge, binigay po nila iyong cap na 40 million. Ang nakikita po natin ang Pfizer po ngayon, tumataas po iyong kanilang tinatawag na production line and then nakikita din po namin na kapag natapos po ang US by July ay magi-ease out na ang tinatawag nating supply. Ganoon din po ang nakikita po namin na ibang countries, kapag natapos na din po sila ng mga mid of the year at mataas na rin po ang production sa kanilang countries ay magkakaroon na po ng easing out tinatawag supply, it’s very realistic pa rin po.
USEC. IGNACIO: From Celerina Monte of Manila Shimbun, for Secretary Galvez: There were big companies daw po that signed a tripartite agreement with the government and pharmaceutical companies that allegedly ordered COVID-19 vaccines in bulk with the intention of selling them top other small firms at a much higher price. Nangyayari na raw ngayon iyong pag-o-offer ng big firms to small firms. Is it true, allowed ba ang ganitong scheme or is it legal?
SEC. GALVEZ: Napakaklaro po ang provisions po ng ating Republic Act on National Vaccination Program, nakita po doon na there will be no resale. Considering that ang ano natin, wala pong commercial terms, dahil iyong mga vaccine po natin ay emergency use pa lang po. Ang ginagawa po natin ay ina-allow lang po natin na iyong mga company nagpo-pool in sila ng kanilang mga resources to buy the added volume. Ang nagiging problema lang po dito iyong ibang mga workers ay gusto nila pati iyong pamilya nila ay magkaroon din po, iyon po ng tinatawag nating nagkakaroon ng pool in, na iyong nagbabayad po iyong mga workers para sa pamilya nila, para iyong tinatawag na at cost.
Kaya nga kanina nag-usap kami ng NITAG at saka po ng private sector si Mr. Joey na ang usapan nga namin as much as possible ang lahat po ng vaccine including administration free po sa mga workers, pero iyon po nakikita po natin kasi iyon pong ibang mga workers, parang nakokonsensiya sila na iyong kanilang pamilya ay walang proteksiyon at saka sila may proteksiyon; ang gusto nila iyong kanilang pamilya makasama. Pero hindi naman po makakaya ng isang private sector lalo na po iyong mga nasa medium merchandize lang po at hindi po kaya pati po iyong tinatawag natin na mga dependents. So iyon po ang ina-allow lang po natin at cost.
Pero sana po, sa kontrata po very, very specific sa tripartite agreement that there will be no diversion, there will be no resale at saka talagang ano po natin doon is equitable distribution, no privileged access at ang lahat ng ano po doon, just in case mayroong tinatawag tayo na mga dependents, ang ano po natin is at cost.
USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez po, tanong ni Kris Jose of Remate: May ulat daw po na bumagal na ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila. Ayon sa OCTA Research Group bumaba ito ng 1.01 o halos 1% ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa 1.16 noong nakaraang linggo. Bukod dito bumaba rin daw po ng 7% ang average cases sa Metro Manila sa mga nakalipas na araw. With this masasabi ba natin na after daw po ng April 30 kung saan magtatapos ang MECQ ay puwedeng isailalim ang NCR sa GCQ or sa MGCQ? Pareho po sila ng tanong Daily Tribune.
SEC. GALVEZ: Ang nakita po natin na sa pagsusumikap po ng ating MMDA chairman Benhur Abalos at saka ang ating mga NCR mayors, nakita natin talaga sa pag-i-implement na lang iyong health standard kasama po ng mga barangay captains ay nakita natin talagang bumababa po iyong active cases natin.
Ang maa-advise ko lang is patuloy lang po talaga nating i-implement ang minimum health standard at the same time iyong aggressive testing at saka iyong isolation at saka iyong contact tracing ay talaga po nating paigtingin.
Nandiyan po si Secretary Dizon at talagang umiikot po kami sa buong Metro Manila para at least talagang magabayan at saka matulungan ang ating mga NCR mayors and we’re very, very happy.
Hopefully ay mapag-uusapan po namin sa IATF kung ano po ang next na move po natin at sinasabi nga po ni Secretary Vince na based sa mga datos doon po tayo magagabayan kung ano po ang ating magiging quarantine control natin sa mga susunod pong buwan.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla of Business Mirror para po kay Secretary Dizon: May proposal ang medical experts during the public address ni President Duterte kahapon to allow the quarantine of repatriated OFWs sa quarantine center o sa bahay nila instead in hotels. Kakayanin na kaya ng existing government quarantine facilities i-absorb ang OFWs after nakapag-construct na ng additional similar facilities ang government ngayong buwan?
SEC. DIZON: Kinakaya po natin ngayon pero nasabi nga po ng ating Secretary of DOLE at ng ating administrator ng OWWA na medyo mabigat na sa budget ng OWWA. Pero kagaya nga ng nasabi na kanina, kailangan pangunahan natin ang health and safety ng ating mga kababayan, kaya sa ngayon hindi pa tayo ready na magrekomenda ng pagbabago sa ating quarantine and isolation protocols para sa mga umuuwing mga kababayan.
USEC. IGNACIO: From Neil Jerome Morales of Reuters News: Secretary Roque, is President Duterte attending the ASEAN Summit in Jakarta this weekend? If not, is Foreign Affairs Secretary Locsin or any official that will attend?
SEC. ROQUE: Ang Presidente po hindi personally mag-a-attend but I’m sure that our Department of Foreign Affairs will be there.
USEC. IGNACIO: What does the Philippines expect from the ASEAN Summit especially on Myanmar?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po magsa-summit ‘no, pag-uusapan po nila kung anong pupuwedeng maging common position ng ASEAN.
USEC. IGNACIO: Iyong question po ng Daily Tribune news desk ay kung kailan daw po ipa-finalize ang quarantine and testing protocols for OFWs?
SEC. ROQUE: Hindi ko alam kung maipapasok iyan sa other matters sa meeting ngayon ‘no pero may posibilidad naman po if not this meeting, then the next meeting.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: There is an emerging theory that the variants of concern may prolong infectious period. Is the IATF keen on extending quarantine period for more than 14 days rather than shortening it?
SEC. ROQUE: Wala pa naman po akong nakikita pang official declaration ng WHO na mas mahaba iyong infectious period ng mga new variants ‘no. I think mayroon nga po tayong DOH guidelines na lahat po ng nagkasakit ng COVID-19 after 14 days of isolation is deemed recovered and may be reintegrated at hindi nga po recommended ang testing after the 14-day period kasi very sensitive ang mga PCR test natin and they will test them possibly as positive. Although kung kukuhanin ninyo iyong tinatawag na city values, talagang hindi na po sila infectious.
So, I don’t think there will be a change to the quarantine period. Ang pinag-uusapan lang po ngayon talaga is iyong number one: Whether not to do away with a test and have a longer quarantine period eh ang problema nga po natin kung longer quarantine period mas mahal because that’s 3,000/day for the Philippine Government as far as OFWs are concerned samantalang ang test po ay P3,000 lamang. So, ngayon po ang proseso is on the 6th day tini-test sila ‘no.
So, sa ngayon po, ang mga doktor kagabi ay nagsabi na wala silang nakikitang dahilan para baguhin iyong ating existing protocols bagamat iyon nga po, it’s an issue of economics. Pero kampante po, kung kinakailangan talagang ipagpatuloy ang proseso, hahanap at hahanap ng pondo para sa OWWA.
USEC. IGNACIO: Secretary, clarification lang: Why is the President skipping ASEAN Summit?
SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po diyan it’s the issue of face-to-face. I think, iyong issue lang po talaga could it be face-to-face or could it be virtual. Marami rin pong hindi makakarating na Heads of States from ASEAN, personally.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ng Daily Tribune News Desk: Hindi po nai-detalye ni Secretary Bello how much the government is spending for the quarantine protocols for OFWs. May we know the figures?
SEC. ROQUE: Ito po, as of April 16, ang approved budget ERF COVID-19 – six billion one hundred fifty seven. Ang breakdown nito for quarantine hotel facility, three billion twenty six million; transportation, 1.4 billion; food and meals, 198 million; cremation/funeral services, 540 million. A total of 4,682,000,144. So, mayroon pang balance as of April 16 ng 1.475 billion ‘no. Pero because of the prolonged quarantine, humihingi po ng additional 9,884,000 ang OWWA. Of this amount, 10,626,370, 000 will go to quarantine hotel and facilities.
USEC. IGNACIO: Secretary Galvez, if proven some companies will engage po nang diversion o sale noong vaccines to others, will there a penalty?
SEC. GALVEZ: Yes, definitely kasi iyong ang usapan natin at saka breach of contract po iyon. Nasa contract po na talagang walang resale at saka at-cost ang ano po natin. Iyon po ang pinagmimitingan namin kanina sa NITAG na we are encouraging iyong pinaka-main na ano po natin, negotiators sa mga tinatawag nating vaccine procurement. Dapat they have to police their own ranks.
Pero nakita po namin na ang ano po talaga na nakita namin, sa ngayon na mga kontrata it is in order. May mga iba lang talaga na nakita natin na gustong sakyan iyong kontrata natin at nag-o-offer sila ng additional na tinatawag nating added prices pero noong tinitingnan po namin hindi po sila kasama sa mainstream sa kontrata po na pumirma po sa amin.
So, sa ngayon po talagang inano po namin, talagang tiningnan namin na talagang iyong kontrata na pinirmahan ng tripartite ay talaga pong masusunod at nakita po namin iyong mga pumirma naman po doon ay talagang ang integridad ay hindi po matutularan po.
USEC. IGNACIO: Thank you very much, Secretary Galvez, Secretary Dizon and Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay! Dahil wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat po sa ating naging panauhin, Secretary Carlito Galvez and Secretary Vince Dizon. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps, maraming salamat, Usec. Rocky.
Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong spox Harry Roque nagsasabing malapit na po ang katapusan ng ating paghinagpis sa pandemyang ito. Kaunting hintay na lang po, matatapos na din po ito. Makakabangon din tayo.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)