ROCKY IGNACIO/PTV4: Good morning Malacañang Press Corps, welcome sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang umaga Pilipinas at magandang umaga po sa lahat ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps; dahil Lunes po simulan natin ang good news Monday.
Ang una po nating good news, well nagkaroon po tayo ng kumpirmasyon na mas mapayapa at mas ligtas na po ang ating mga komunidad. Sang-ayon po sa Gallup report – sang-ayon po ito sa data na kinolekta sa mga 148,000 responses sa 142 countries – ay ang ating mga mamamayan daw po ngayon ay feeling ligtas kapag sila ay naglalakad na mag-iisa sa gabi ‘no, sa iba’t ibang ating mga syudad at lugar ‘no.
Ang Pilipinas po ay nakakuha ng score ng 82, ito po ay up from 76 in 2014, at this is above the average of 72 for East Asia. So sang-ayon po sa Gallup, itong ating kampanya laban sa kriminalidad nagreresulta po sa persepyon ng ating taong bayan na ligtas sila kapag sila ay naglalakad ng nag-iisa kapag gabi.
Good news din po! Tumaas po ang koleksiyon ng ating BIR, Bureau of Customs and Bureau of Treasury sa unang limang buwan ng taong ito. Ang BIR po ay nakakolekta ng 827.9 billion pagkatapos po ng buwan ng Mayo, this is up by 14.76 percent or 106.5 billion better than the same period in 2017. Ang Bureau of Customs naman po ay nakakolekta ng 229 billion as of end of May, up by 31 percent or 54.3 billion more compared to the same period last year. At ang Bureau of Treasury po ay nagkaroon ng kita na 56.58 billion, up by 18 percent compared to last year.
So ito pong mga karagdagang mga nakolekta ng ating mga ahensiya ay pupunta po sa pagpi-finance ng ating build, build, build infrastructure program.
Mabuting balita po! Eh tumaas po iyong ating exports sa mga bansang Japan, United States, Hong Kong, China and Singapore, ito po iyong mga electronic products ‘no. Sang-ayon po sa Department of Trade and Industry eh mayroon pong 5.4 percent na growth in our electronic exports for the first three months of the year amounting to 8.69 billion compared to 8.24 billion noong nakalipas na taon.
At mayroon din pong isang pag-aaral, technological readiness report, na nagsasabi na ang Pilipinas daw po ay 55 out of 85 countries ‘no—out of 82 countries. Itong latest ranking po is an improvement compared doon sa panahon ng 2013 to 2017 kung saan ang Pilipinas ay 60th place lamang. So ang ibig pong sabihin nito eh handa po ang bansa natin para sa mga pagbabago dulot po ng teknolohiya sang-ayon po sa mga kategoryang access to the internet, digital economy infrastructure and openness to innovation.
Well, report naman po sa Bagyong Domeng: inaasahan po natin na aaraw muli dahil ang Typhoon Domeng po nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility as of 4:00 A.M. ngayong araw. Ang Bagyong Domeng po ay nag-iwan ng 14,096 families na naapektuhan ng—naapektuhan ang 14,096 families dahil po sa pagbabaha; samantalang walumput-isang mga kabahayan po ang nasira ‘no. Ang DSWD po ay nag-provide na ng 1.—353,600,000—1,353,600 pesos worth of assistance sa mga apektadong mga pamilya.
So aside po doon sa pondo na nai-release na natin sa mga biktima ng bagyong ito, ang mga classes po ay naisuspindi na sa lahat ng level dito po sa NCR except po sa Makati City, sa Olongapo, sa Subic sa Zambales, sa Meycauayan Bulacan at sa mga probinsiya Bataan, Cavite and Abra. Question po?
ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi good morning sir. Sir, ano po iyong statement ng Palasyo doon sa pagpatay kay Father Richmond Nilo kagabi? Considering po na pangatlo na siyang pari na napaslang sa loob ng anim na buwan at iyong isa pong pari last week eh in-ambush din po sa Calamba, Laguna.
SEC. ROQUE: Kinokondena po natin iyang pagpatay dito sa pari na taga Nueva Ecija. Talaga pong bibigyan natin ng prayoridad ang pag-iimbestiga nang pagkapatay kay Father at nababahala po ang gobyerno dahil gaya ng pagpatay sa isang mamamahayag, kapag pinatay mo ang isang pari eh nilalabag mo hindi lang ang karapatang mabuhay kung hindi iyong karapatan din ng malayang pananampalataya.
So asahan ninyo po na mabibigyan ng pinaka-top priority ang pag-iimbestiga dito sa pagpatay na naman ng isang pari.
ROSE/HATAW: Follow up lang sir. Sir, tingin ninyo po iyong maaanghang na pagbatikos ni Presidente Duterte sa Simbahang Katolika eh somehow nakaka-encourage doon sa mga taong may masamang balak sa mga taong simbahan para gawan sila ng masama?
SEC. ROQUE: Hindi naman po ‘no. I don’t think there is any empirical basis for that ‘no. Ang masasabi ko lang po itong kultura ng impunity ay naririyan na po bago pa pumasok ang ating Presidente. Kung maaalala ninyo UN special rapporteur on extrajudicial killing Philip Alston as of the time of GMA already confirmed that there is a breach of the right to life as far as extra illegal killings are concerned. Talagang problema na matagal na po itong hinaharap ng ating gobyerno. Ganoon pa man ay nakikita ninyo naman po ang mga hakbang na ginawa ng gobyerno sa patayan sa media, nagkaroon na po tayo ng Task Force na talagang nakatutok sa mga kaso ng pagpatay sa media; mayroon na naman pong namatay sa Davao Del Norte, pero alam ninyo naman po Usec. Egco is on top of the situation ‘no.
So dati rati po palagi na lang concerned, concerned, concerned sa mga killings. Ngayon po mayroon na talagang ahensiya na binuo at least para tumutok sa pagpatay sa mga mamamahayag na hindi po nangyari doon sa mga ibang administrasyon.
So itong pagpatay po ng mga kaparian titingnan po natin kung kinakailangan pa ng Special Task Force or kung ipapasok na lang natin dito ito kay Usec. Egco ‘no. Pero as Presidential Adviser of Human Rights, we will give this top priority po. And I will have a special conference with General Albayalde, Chief Albayalde just to follow up the investigation of this case.
ROSE/HATAW: Sir, nagpa-function pa ba iyong Task Force Usig? Kasi iyon iyong nakatutok dati sa EJKs.
SEC. ROQUE: Well ang EJKs po ay nandiyan pa po iyan pero remember ang definition po na ibinigay ng EJK na hindi pa po nare-revoke ngayon eh pagpapatay po ng aktibista ‘no, at saka pagpapatay ng mamamahayag, iyon lamang ‘no. Pero itong mga kaparian po importante rin ito dahil gaya ng sinabi ko kapag pumatay ka ng isang pari, nilalabag mo rin ang karapatan ng malayang pananampalataya.
ROSE/HATAW: So ano po iyong espesyal na pagtutok ang gagawin ng gobyerno—
SEC. ROQUE: Ako na po ang tututok kay General Albayalde mismo para malaman ko ang estado ng imbestigasyon. Mabilis naman pong gumalaw ang ating kapulisan, iyong kay Prosecutor—iyong kaso po ni Prosecutor Tanyag ‘no, within hours nagbigay naman po ng resulta ‘no, nahuli iyong pumatay at nakadetine na po iyong pumatay ‘no. Itong kaso po ng pagpatay kay Prosecutor Tanyag ay isang kaso rin na tinutukan kaagad ng kapulisan and I would like to see the same results pagdating dito sa pagpatay nitong latest Pari po na naging biktima ng patayan.
ROSE/HATAW: Thank you.
SEC. ROQUE: Well kinukumpirmahan ko po na I represented the three fishermen who were featured in a TV documentary show and I’m referring to three fishermen who have in fact executed their sinumpaang salaysay: Rommel Sihuela, Jurie B. Drio and Delfin M. Igana. Itong tatlo po eh naging kliyente ko noong 2015 noong naghain kami ng reklamo laban sa Tsina noong mga panahon na hindi po sila pinapayagan na mangisda sa Scarborough at ang naging reklamo namin ay iyong paglabag ng karapatang mabuhay at karapatan na magkaroon ng kabuhayan.
Kinukumpirma ko rin po ang report na nagrereklamo itong tatlong mangingisda na ito na noong Mayo eh kinuhanan sila ng isda ng Chinese Coast Guard diumano at kino-confirm ko po nakapag-usap na po si Secretary Alan Cayetano at si Ambassador Zhao tungkol sa insidenteng ito. Nakausap ko rin po si Ambassador Zhao dahil iyong special circumstance na nagkataon naman kliyente ko pala po itong mga nakuhanan ng kanilang mga testimonya at in-assure naman po ako ng Ambassador din na hindi po ito polisiya ng Tsina, na nag-iimbestiga ang Beijing at kung mapapatunayan ang mga sinabi ng mga mangingisda eh mayroong kaparusahan na ipapataw dito sa mga Chinese Coast Guard na ito.
Pero ang importante po maintindihan natin na noong panahon po ni Ginoong Aquino na ang polisiya ay awayin ang Tsina, hindi po nakapangisda itong mga mangingisdang ito, kaya ko nga po sila naging kliyente noong 2015. At sila na po ang magsasabi na sila po ay nakapangisda na lang noong 2017 ‘no noong nagkaroon po ng bagong polisiya sa administrasyon ni Presidente Duterte kung saan itinigil na natin iyong pang-aaway natin sa Tsina, isinantabi ang mga bagay-bagay na hindi pupuwedeng mapagkasunduan at itinuloy iyong mga bagay na pupuwede namang pag-usapan, gaya ng investments at ng trade.
Ang pangingisda po sa Borough ay hindi lang naging ruling arbitral tribunal, ito po ay naging usapin. Nagkaroon po talaga ng usapin sa panig mismo ni President Xi at ni President Duterte na pupuwede na pong mangisda muli ang ating mga mangingisda doon sa tinatawag na ‘Borough.’
So, ang suma tutal po: totoo po na nagkaroon ng insidente kung saan kinuhanan ng isda ang ating mga mangingisda sa Scarborough; pero sang-ayon po sa kanila, merong ibinibigay na kapalit, bagama’t hindi sila pupuwedeng makipag-usap dahil mga…hindi marunong mag-English. Kada kinikuhanan sila ng isda, binibigyan sila ng noodles, ng sigarilyo at pinaka-importante tubig, dahil palagi silang nagkukulang sa tubig.
Gayunpaman, hindi nagkakaroon ng kasunduan kung gaanong karaming isda ang kukunin sa kanila at ito ang dahilan kung bakit nagrereklamo sila ngayon sa gobyerno at humihingi ng tulong na para maitigil na itong mga pangyayaring ito. At gumawa na po nang hakbang ang gobyerno. Naniniwala po kami na hindi po ito official policy, dahil meron nga pong kasunduan sa panig ni Presidente Xi at ni Presidente Duterte.
Napakaliit na bagay po ito para maapektuhan iyong kabuuan ng bilateral relations natin sa Tsina at inaasahan po namin na gagawa ng takbang mga hakbang… tamang mga hakbang ang bansang Tsina.
So meron pong sinumpaang salaysay na ine-execute na itong aking tatlong dating kliyente, dahil hindi na po ako nagpa-practice ng law ngayon being in the Cabinet. Sila po Rommel Sihuela; Rommel, magpakilala ka naman. Si Rommel po ay mukhang action star. Tapos si Jurie Drio, iyan naman po mukha siyang Coco Martin. At ang mukha ng luha si Delfin. Sorry ha, ikaw iyong umiiyak kasi ano eh… sa documentary ‘no.
But anyway, narito po sila, pupuwede silang sumagot sa ilan ninyong mga katanungan.
In the spirit of transparency, wala pong tinatago ang administrasyon, meron pong problema, pero hiningan na po namin ang gobyerno ng Tsina na gumawa ng mga takdang hakbang para bigyan ng solusyon itong problemang ito.
Siguro—Rommel, kung hindi sila magtatanong, tanungin ko lang ano. Kailan ba kayo muli nakapangisda diyan sa Borough?
ROMMEL: Noong ano pa po… 2012.
SEC. ROQUE: 2012. Pero ano ang nangyari doon sa 2012.
ROMMEL: Bale, inaano na kami ng mga Chinese Coastguard.
SEC. ROQUE: Inaano kayo?
ROMMEL: Kumbaga hinaharang-harang na kami pag palapit kami sa bahura ng Scarborough.
SEC. ROQUE: Hanggang ngayon ba, ganyan ang nangyayari sa inyo na hinaharang-harang kayo ng Coastguard diyan sa Borough?
ROMMEL: Wala na po. Libre na po kaming mangingisda riyan.
SEC. ROQUE: Kailan po nagsimula itong libreng pangingisda sa Scarborough?
ROMMEL: Ano po December—ah November 2017.
Q: To Secretary Roque. Is the President aware of this incident? Did he give any specific orders to DFA or the AFP?
SEC. ROQUE: Without the President ordering, Secretary Alan Cayetano on his own has relayed the information to Ambassador Zhao. As you know, over the weekend, this was divulged publicly. Ambassador Cayetano and I, including the Ambassador incidentally were all present in an event that marked the 43rd anniversary of the establishment of the bilateral ties between the Philippines and China. So it was where the matter was in fact publicly raised to Chinese Ambassador Zhao.
Q: But will the President be briefed regarding this incident, sir?
SEC. ROQUE: I cannot confirm if the President will in fact with the fishermen. I would like the President to be able to meet with them, but they are not currently in his schedule. But we are making arrangements so that the President can meet these three fishermen.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kahit sino po doon sa tatlo o baka puwede po si Ginoong Delfin. Sir, pakikuwento sa amin, pagka pupunta kayo doon, ano iyong ginagawa sa inyo? Do you feel na libre talaga kayong makapasok or parang medyo kailangang mangimi kayo sa Chinese Coastguard? Paki describe lang, sir, pagpupunta kayo doon confident kayo na pumunta doon, kahit na may Chinese Coastguard?
DELFIN: Sa ngayon po, okay naman kaming ano ngayon pupunta, kasi kumbaga hinahayaan na nila kaming papasok diyan at mangingisda, libreng mangisda.
JOSEPH MORONG/GMA7: Mr. Delfin, paano n’yo po ide-describe iyong pagpasok ninyo sa bukana?
DELFIN: Iyong pagpasok namin sa bukana may maliliit kaming bangka. Ngayon iyon ang pinapasok doon sa loob. Kasi hindi puwede naman iyong malaki, dahil nahaharang ng… may bantay doon sa loob.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sino po ang nagharang?
SEC. ROQUE: Iyong mga maliliit na bangka ang pinapapasok.
DELFIN: Iyong maliliit lang po ang nakakapasok.
JOSEPH MORONG/GMA7: Bakit po hinaharang iyong malalaki, sir?
DELFIN: Ewan ko lang po.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sino po iyong naghaharang.
DELFIN: Iyong mga barko din—iyong mga Coastguard din.
JOSEPH MORONG/GMA7: Nang?
DELFIN: China.
JOSEPH MORONG/GMA7: Anong sinasabi sa inyo bakit hinaharang iyong mga malalaki?
DELFIN: Hindi ko lang po alam, dahil iyong maliliit lang pinapasok nila.
JOSEPH MORONG/GMA7: Kasi iyong malalaki, can fish more.
DELFIN: Oo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Mas madaming makukuha iyong malalaki, right versus iyong maliliit, ganoon ba iyon?
DELFIN: Hindi naman ho, kasi may dala kaming malaki. Ngayon, iyong mother boat namin naiiwan doon sa malayo. Kami lang ang pupunta sa… mangingisda. Ngayon pagkatapos ng mapuno na iyong cooler namin, uuwi na kami sa bangka dahil yeyelohan na iyong isda namin. Iyon lang po.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, dati ba, kahit malalaki nakakapasok sa bukana?
DELFIN: Iyong maliliit lang po, iyong dati noong hindi pa bawal noon, pero ngayon bawal na eh pumasok sa—
SEC. ROQUE: Pero iyong maliliit nakakapasok.
DELFIN: Iyong maliliit nakakapasok.
JOSEPH MORONG/GMA7: Iyong malalaki, sir, dati puwede. Mga anong year ito?
DELFIN: Hindi ko lang matandaan eh.
ROMMEL: Sir, since 2001 o 2000 libre rin kaming nakakapasok sa loob hanggang 2012. Simula noong ano nga, nagka—hindi nagkaintindihan iyong gobyerno natin, parang iyon na nga hinaharang na kami. Hanggang tuluyan na talagang hindi kami nakakapunta na riyan, hindi nakakapangisda. Ano na lang kami, kumbaga babalik na lang, tapos doon na dito na sa ano… bandang gilid na lang mangingisda, para hindi lang uuwi kaming lugi.
Noon, simula noon, hindi na kami umano diyan, iyong… pumasok kasi nabalitaan n’yo naman siguro iyong ginagawa nila noon, water cannon, ngayon iyong aanuhan ka ng mga malalaking barko, siyempre parang matatakot ka, kasi parang bungguin ka na eh. Simula noon, hindi na kami pumasok. So—iyong sa dala ng kagipitan talaga, iyong parang hirap na iyong pamilya, sinubukan namin uli na pumasok 2013. So, ganoon pa rin iyong ginagawa ng China – hinaharang. Di, lakas loob na lang, parang kapit-patalim na lang din iyong sa amin noon. Lumayo muna kami ng ano… iyong halos hindi kami magkikita.
Noong bandang padilim, iyon na gapangin namin ano, lalapit kami doon sa bahura saka mangisda iyong mga tauhan ko. Pagdating naman ng umaga, aalis na naman kami, lalayo na naman kami, iyong hindi nanaman makikita. Iyon, bale isang ano lang iyon, parang isang beses lang namin ginawa, kasi masyadong magastos sa diesel. Kasi kung sa diesel lang malaki na rin ang konsumo namin.
SEC. ROQUE: Anyway, Rommel iyan iyong 2012. Ngayon, i-describe mo—2013 ‘no. Ngayon, mula noong 2017 na bumalik kayo, i-describe mo kung ano ang nangyayari ngayon. Gaano karami iyong nangingisdang Pilipino sa ‘Borough mula noong 2017.
ROMMEL: Sa ngayon po, halos lahat ng ano na dito sa Subic, Bataan, Zambales, Pangasinan, okay nang nakakapangisda ngayon doon. Ang nagkaka-problema sa amin, iyon nga iyong humihingi ng isda sa amin iyong Chinese Coastguard. Kumbaga, ang gusto lang naming ipaabot sa ating gobyerno, kumbaga limitahan sila na lalapit doon sa amin, iyong manghihingi ng isda.
Kumbaga sa ano… linawin lang namin na wala namang ano, walang ginawang pangha-harass sa amin kumbaga ano lang, parang mapilit silang kukuha ng isda, kasi hindi naman kami totally magkaintindihan, ano lang doon ‘fish,’ iyon lang, tapos aakyat na sila sa amin. Kung—titingnan na nila iyong mga lagayan namin, iyon na pipiliin nila iyong magagandang isda. Wala naman kami magagawa, kasi kumbaga sa ano, nakikisama lang muna kami diyan ngayon, dahil andiyan iyong mga barko nilang malalaki, eh ano ang magagawa naming mangingisda doon kung magtitigas-tigasin kami doon, di para lang kaming anong doon, iyong lata na pinitpit ‘pag magtitigas-tigasan siguro kami doon. Kaya kumbaga, pasensiya na lang pero hindi naman totally na ano…aalis din sila na walang kapalit, minsan nagbibigay sila ng mga noodles, sigarilyo, saka tubig.
Kasi minsan kapag nawalan kami ng tubig din, lumalapit din kami sa kanila, kumbaga barter iyong ano doon, iyong tinatawag na palitan, tubig ang pinakaimportante. So iyon lang ang nililinaw namin sa publiko na sana ano, tigilan iyong pang-aano, kasi ang inaano namin, baka hindi na naman kami makakapasok uli diyan sa Scarborough. So magugutom na naman iyong pamilya namin pag magka-girian iyong gobyerno natin. Iyon lang ang pakiusap din namin sa ano, kagaya sa inyong mga media, iyong hindi lang masyadong… iyong nakukuhang video, kumbaga hindi naman totally ano siguro iyon, harassment. Pero ano lang namin, nirereklamo lang namin na siguro mag-usap sila na anuhin iyong Coastguard nila na maghintay lang sila, kung gusto nilang manghingi ng isda, wag silang aakyat sa bangka namin at maghalungkat, pipilliin pa nila iyong magagandang isda. Maghintay na lang sila kung ano, iyong kami kusa ang magbigay, ibibigay namin. Iyon lang pakiusap namin.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, bakit po, sabi ninyo—ano po ang gusto ninyong ipakiusap ng ating gobyerno sa China muna, iyong wag kayong masyadong lapitan, parang ganoon?
SEC. ROQUE: Wag nang kunan ng isda.
JOSEPH MORONG/GMA7: Parang, sir, may sinasabi siya na—ano po iyong gusto sana ninyong mangyari?
SEC. ROQUE: Ano ang hihilingin ninyo sa amin ngayon? Ano ang gusto ninyong gawin na ipakiusap ng Pilipinas sa Tsina? Ano ang gusto ninyo.
ROMMEL: Ano po limitahan sila. Kumbaga, iyon nga, iyong ano… kung lalapit sila sa amin, hihintayin nila na kung ilan lang iyong ibigay namin. Iyon lang ang pinaka-pakiusap namin.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ilan pong beses nangyayari iyong nangunguha sila ng walang pasabi. I mean, sasampa, parang mamalengke doon, tapos iyong magaganda iyong kinukuha. Ito po ba ay parang ano, laging nangyayari?
ROMMEL: Oo. Halos tuwing lalaot kami doon, ganoon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Kelan po kayo huling lumaot, sir?
ROMMEL: Itong May 18, dumating kami doon, tapos umalis kami noong May 25.
JOSEPH MORONG/GMA7: Kinuhaan po kayo?
ROMMEL: Opo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Ano po ang nararamdaman ninyo kapag ganoon na kinukuhaan kayo, sir?
ROMMEL: Iyon na lang, parang hindi mo naman maano iyong—kumbaga medyo mabigat sa kalooban mo. Pero pilit mong tanggapin iyon dahil nasa ano sila… sila ang parang may power ngayon diyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Paano n’yo po nasabing sila iyong may power?
ROMMEL: Kasi sila ang—nandoon sila. Kumbaga, sila ang nakabantay diyan ganoon, eh wala naman tayong… ang Pilipinas, wala namang vessel naka-antabay diyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Wala po tayong Coastguard na sa atin?
ROMMEL: Oo, wala.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, papano po ninyo nasabi na sila iyong may power doon?
ROMMEL: Iyong barko nila, iyon ang nakikita namin doon eh. Di ibig sabihin, parang sila pa ngayon ang may diyan… may hawak.
JOSEPH MORONG/GMA7: Tapos, sir, iyong sitwasyon ngayon ha, hindi po iyong 2013, 2012. Iyon pong ngayon, pag nagdala ka ng malaki mong barko, puwedeng makapasok doon sa bukana iyon, sir?
ROMMEL: Hindi na po, hindi na.
JOSEPH MORONG/GMA7: Dahil, sir?
ROMMEL: Hindi ko lang alam kung ano, kasi iyong iba nakaka-English sila, sasalubungin ka ng ano, “go out, go out” iyon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sasabihan po kayo ng ano?
ROMMEL: Go out, go outside. Pag kagaya naming mga service, ‘Go out, outside.’
SEC. ROQUE: Service iyong malaki?
ROMMEL: Sir, iyong anak ko lang minsan, nakakapagsalita ng kaunting English, sasabihin niya “why the reason?” Sabi niya, “I don’t know. That’s order.” Iyon lang.
SEC. ROQUE: Pero ulitin natin, mga maliliit lang ang pinapasok nila.
ROMMEL: Oo, iyon lang mga service namin kasi—
JOSEPH MORONG/GMA7: But before they were allowed, even the big one, yes?
SEC. ROQUE: Yes, but now—okay, ang tanong ko ngayon: Dati na natigil kayo, noong 2012 kayong natigil ano at saka ngayon, ano ba ang gusto ninyo? At sabihin ninyo sa taumbayang Pilipino, kasi maraming nagsasabi na dapat panindigan at awayin natin uli ang Tsina.
JOSEPH MORONG/GMA7: No, we are not saying that. We are not saying that—
SEC. ROQUE: Okay. May nagsasabi na dapat mas matigas ang ating pagtrato sa Tsina sa punto na magkakaroon na naman ng hidwaan. Ano ba ang gusto ninyo? Kayo ang magsabi sa taumbayang Pilipino ngayon. Hindi pakisagot lang, ano ang mas gusto ninyo?
ROMMEL: Sa akin siguro parang tama na siguro iyong ganitong ano, kasi kung hahalungkatin na naman natin uli siguro iyong ano, parang lalayo na naman kami sa ano nito, sa panghanapbuhay namin. Kasi iyon nga, hihigpitan na naman kami niyan sa pagpasok diyan sa isla na iyon.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, bakit kayo hihigpitan? Eh dapat po may karapatan tayo doon, bakit kayo hihigpitan, bakit po kayo natatakot na higpitan?
ROMMEL: Kasi di ba noong nanalo tayo sa tribunal, pinag-giitan nila na hindi nila i-respeto iyong desisyon ng UN. Ngayon ang pinalabas nila na sa kanila iyon, kasi meron silang mapa iyong nine-dash line. Kaya siguro kung ipag—kumbaga gusto ng mamamayan na ipaglaban, parang ano na rin iyon eh, parang hihigpitan ng China na kaming mangingisda hindi na siguro muna papasukin diyan, kasi ano na naman eh, malaking usapin na naman iyan. Kaya siguro sa amin okay na muna siguro iyong ganyan, kasi sa dami… madaming mga mangingisda, kaya nga nagpapasalamat kami ngayon kay Presidente Duterte na nakakapasok na kami diyan sa loob, nakakapangisda uli kami diyan na wala kaming—wala silang ano—kumbaga hindi na kami hinaharang.
JOSEPH MORONG/GMA7: Parang pinapayagan po kayo?
ROMMEL: Oo, parang ganoon na nga, pero hanggang ano lang kami… nasa labas lang kami.
JOSEPH MORONG/GMA7: Nasa labas, sir?
ROMMEL: Nasa labas lang iyong ano namin… iyong service, sa labas ng Scarborough.
JOSEPH MORONG/GMA7: Dati po?
ROMMEL: Kasi dati noong ano pa—iyon nga noong umpisa noong nangisda ako diyan 2000 hanggang 2012 nasa loob kami nakaano eh—
JOSEPH/GMA7: Madami pong huli iyong malalaki?
ROMMEL: Oo noon marami pa rin. Pero sa ngayon parang—sa dami na ba namang pumupunta diyan dahil okay na nga, kumbaga sa ano halos ano rin iyong parang nauubos din iyong isda, iyong mga malalaki. ‘Di bale iyong matitira mga maliit na lang, eh alangan namang kukunin mo iyon, sayang din hindi mo rin mabenta kaya—
JOSEPH/HATAW: Just one last question. Sir, tingin ninyo po sino po iyong may control ng shoal?
ROMMEL: Sa tingin ko ngayon, parang Tsina pa rin. Pero dahil sa magandang ano ng Pilipinas at saka China ngayon parang iyon nga… kaya pinapayagan tayo ng ano—iyong patuloy na pagkakaibigan na ng China at saka Pilipinas, doon pinapayagan na ang Pilipino na mangisda diyan.
JOSEPH/GMA7: Sir, salamat po. I have questions for—
ROSE NOVENARIO/HATAW: Magandang tanghali po. Marami po kayong mangingisda doon sa area ng ‘Borough ‘no. Kayo po ba ay organisado? Mayroon po ba kayong grupo na kinaaaniban para po maging mas maayos iyong representasyon kung kanino man pong ahensiya ng pamahalaan kayo puwedeng makipag-ugnayan? Katulad po iyong lokal na pamahalaan po ng Bajo De Masinloc, ine-encourage po… ineengganyo po ba kayong magbuo ng isang organisasyon para po maging mas maayos iyong sistema o kung ano po iyong pakikipag-usap ninyo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para po masabi ninyo ng maayos iyong inyong mga hinaing, iyong inyong mga karaingan, iyong inyong mga demands. Mayroon po ba kayong ganoong grupo? May nag-organize na po ba sa inyo?
ROMMEL: Sa ngayon po, Ma’am, wala pa kaming samahan. Kumbaga ngayon parang tropa-tropa na lang muna na ano—Eh sa ngayon nga suwerte nga kami ngayon na ano… kaming mga mangingisda na naimbitahan ni Secretary Roque na ipahayag iyong katotohanan lang na walang sapilitang ano—iyong paliwanag dito ngayon. Iyon nagpapasalamat ako na naimbitahan kami na ipahayag sa publiko iyong nangyari sa Scarborough ngayon at saka noon na dumaan kami ng kahirapan.
ROSE/HATAW: Ano po kayo—bukas po kayo doon sa halimbawang i-organisa kayo bilang isang grupo para po maging mas matatag iyong inyong paninindigan, halimbawa doon sa inyong—sa pangingisda po ninyo sa ‘Borough?
ROMMEL: Okay po, Ma’am. Okay po sa amin iyon kung mayroong mag-organize ng ganiyan para naman iyong mga gusto naming ipaabot sa gobyerno, mabilis maaksyunan.
ROSE/HATAW: Salamat.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Good afternoon sir, kay Manong Rommel. Sir, iyong grupo ninyo taga saan kayo?
ROMMEL: Sa ano po kami, Masinloc, Zambales.
REYMUND/BOMBO RADYO: Ay Zambales. Halimbawa may taga Bolinao sa Pangasinan, sa Bataan, at ibang bahagi—ibang grupo ng mangingisda kung ganoon din ba iyong parang karanasan nila na nahihingian din or nagkaroon din ng barter ng isda?
ROMMEL: Oo ganoon din sila. Kumbaga kung magkatabi-tabi kami doong mangingisda, parang pupuntahan nila lahat iyon, hihingian nila. Pero iyong iba saglit lang sila doon, iyong iba wala pa kasing isda iyong kararating, hindi lahat nakukunan, iyong may isda lang ang maanuhan nila pero lahat iyon nilalapitan nila.
REYMUND/BOMBO RADYO: Ikaw halimbawa sa grupo mo, Manong. Magkano iyong pagtaya mo iyong presyo ng isda na nakuha in one fishing, sa isang pangisdaan?
ROMMEL: Pakiulit po?
REYMUND/BOMBO RADYO: Magkano iyong pagtaya mo iyong parang hiningi or kinuha ng Chinese Coast Guard, 1,000? 2,000? Iyong halaga ng isda na kinuha?
ROMMEL: Siguro nasa mga ano na iyon, mahigit 4,000 iyon—
REYMUND/BOMBO RADYO: Mga 4,000.
ROMMEL: Kasi inaano mo sa isang banyera, kahit siguro iyong sa palengke tanungin ninyo doon magkano ang presyo ng isda nasa 40 kilos o kung isang daan lang 4,000 na iyon.
SEC. ROQUE: Pero magkano ba iyong pagbalik ninyo sa Masinloc? Magkano iyong nabebenta ninyo iyong huli ninyo? Para magkaroon ng idea. Kung 4,000 ang nawawala sa inyo, magkano ninyo naman nabebenta iyong huli ninyo? Kabuuan kada biyahe ninyo?
ROMMEL: Kasi iyong inuuwi naming ano sir isda, pinaka ano doon nasa 2,000 kilos—
SEC. ROQUE: So magkano nga iyong 3,000 kilos?
ROMMEL: 3,000 kilos.
SEC. ROQUE: Magkano iyon?
ROMMEL: Kung i-equivalent mo sa ano iyon, isang daan lang nasa ano iyon, nasa 200—
SEC. ROQUE: Mga 200,000; tapos ang nakukuha sa inyo mga 4,000?
ROMMEL: Oo ganoon, Eh minsan kung medyo nakaisang linggo kana diyan, minsan dalawang beses ka nilang mabalikan eh.
SEC. ROQUE: Masakit pa rin.
REYMUND/BOMBO RADYO: Siyempre 4,000 is 4,000.
ROMMEL: Dalawang beses ka kukunan ng isda.
REYMUND/BOMBO RADYO: Nabanggit mo rin Manong iyong parang—napanood mo ba iyong buong video, iyong lumabas kaugnay iyong pag—kaya nga napanood mo iyong lumabas kasi parang may nabanggit ka kanina na ilabas iyong buong video o buong senaryo?
ROMMEL: Iyon nga iyong video na iyon hindi ko napanood kasi pida-out nga sa amin. Noong kinabukasan nga noon tumawag si Ma’am Melai sa akin kung napanood ko ba. Kaya sabi ko, hindi ko napanood kasi brownout doon sa amin noon nagkataon pa. Iyon ang inabang-abangan doon sa amin iyong sa mismong Barangay Matalbis… Sitio Matalbis. Eh brownout nga kaya parang—
SEC. ROQUE: Sabi doon sa video hinaras daw kayo? Ano ba nagreklamo ba talaga kayo doon sa video na hinaras kayo?
ROMMEL: Hindi, wala naman kaming sinabi na ano, sapilitan lang silang ano—kumbaga ayaw nilang magpapigil na ano, kung sabihin namin ‘no more fish,’ aakyat lang—
SEC. ROQUE: Eh sinong nagsabi na hinaras kayo?
ROMMEL: Wala naman akong naano sir na hinaras kami—
AC NICHOLLS/CNN PHILIPPINES: For Secretary Roque. Sir, clarify ko lang. So nagbigay na sila ng written statements?
SEC. ROQUE: Yes, there is a written statement. The DFA has communicated with the Chinese Ambassador. We are not taking this sitting down. Our position po… ang posisyon natin dahil mayroong mga usapin sa panig ni President Xi at ni President Duterte na mayroon ng kalayaang mangisda diyan sa ‘Borough ni isang kilo hindi dapat nangunguha ang Chinese Coast Guard at hindi tayo pumapayag sa ganito. Kaya po nagreklamo tayo sa bansang Tsina at inaasahan natin na gagawa ng kinaukulang hakbang ang Tsina para matigil ito ‘no.
AC/CNN PHILIPPINES: Pero sir binigay natin sa kanila iyong statement. So are we planning to leave this for—
SEC. ROQUE: I just got the statement this weekend and it will be formally transmitted to the Department of Foreign Affairs and the Task Force on West Philippine Sea.
AC/CNN PHILIPPINES: Will it be used for another case or a diplomatic protest sir?
SEC. ROQUE: Alam mo sa akin tama nang ipagbigay alam sa Tsina dahil naniniwala ako na kinakailangang gumawa sila ng kinakaukulang hakbang dahil nga doon sa salita na ibinigay ni President Xi kay President Duterte na magkakaroon na ng kalayaang mangisda muli diyan sa ‘Borough. Iyan din ang desisyon ng Arbitral Tribunal ‘no. Pero nagkaroon din ng salita si President Xi. So kung hindi nila kinikilala iyong Arbitral Tribunal mas importante rin na nagkaroon ng pangako si President Xi.
At kaya nga inaasahan natin gagawa sila ng hakbang para matigil ito. Hindi natin ito kinukunsinte, ipinaglalaban natin ang interes ng ating mga mangingisda. Pero ang nililinaw lang po natin sa ating mga kritiko, noong panahon nila nawalan po ng hanap buhay itong mga mangingisdang ito dahilan kung bakit naging kliyente ko sila para magreklamo noong kawalan ng hanap buhay. Ngayon po bagama’t mayroong sigalot na kaunti, may problema, nakapaghahanap buhay po sila. At iyan po naman ang katotohanan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir Rommel, magandang umaga po. Lilinawin ko lang po. So wala po kayong sinasabi na nagkaroon ng harassment?
ROMMEL: Iyong huling ano po, Ma’am. Noong December iyong inaagawan ng pana iyong ano ko… mga ito ay, iyon ang parang harassment sa aming nangyari.
MARICEL/TV5: December po ng 2017?
ROMMEL: Opo December 13.
MARICEL/TV5: Pero nito pong pinakahuling nangyari noong May, wala pong harassment?
ROMMEL: Parang wala na rin kasi ano lang naman iyon eh iyong umaakyat lang sila sa bangka na ano, kumukuha ng isda ganoon.
MARICEL HALILI/TV5: Pero kung wala pong harassment, bakit po hindi ninyo sila matanggihan na mabigyan ng isda?
ROMMEL: Kasi sila na mismo ang aakyat, tapos hahalungkatin iyong lagayan namin ng isda. Ngayon, hindi naman kami magkaintindihan sa pag-uusap. Kumbaga sa ano, nakikisama na lang kami sa kanila kasi baka paalisin na naman kami kapag hindi namin pagbigyan sila na kukuha ng isda.
MARICEL HALILI/TV5: So, nagwo-worry po kayo na baka paalisin, pero ano po iyong actual na posibleng mangyari kapag po tinanggihan ninyo sila na bigyan ng isda na nahuli ninyo?
ROMMEL: Iyon nga, baka paalisin kami doon sa mismong Scarbourough, papaalisin kami doon. Iyon ang nai-expect ko noon, kapag hindi mo sila pagbigyan. Na once na nakasampa na sila sa bangka, eh bubuksan nila iyong lagayan makita nila ang mga isda, ngayon siguro pag pipigilan mo sila na ano—kasi once na ano… noong inupuan ko iyong lagayan ng isda, minsan tinatapik ako eh. Iyong inuupuan ko iyon ang magagandang isda. Talagang hindi ako aalis doon, bahala kayo diyan sa ibang ano, iyong medyo mahihinang klaseng isda, minsan doon sila nakakakuha.
MARICEL HALILI/TV5: Pero may dala po ba silang sandata, hindi naman po kayo sinaktan physically?
ROMMEL: Wala naman po. Iyon lang ano—iyon nga lang iyong nangyari noong December, iyong inagawan sila ng pana, may dala silang sandata noon, pero hindi naman sila tinutukan. Iyon nga lang iyong ano, parang tatakbo sana sila para—kasi andoon sila umaandar iyong ano nila, nilalapitan, parang tatakbo sila, kasi parang natakot din silang matamaan doon sa elise noong ano nila, noong patakbo na sana, iyon nga kinalawit iyong damit para hindi makatakbo.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Mang Rommel, madalas po ba walang Philippine Coast Guard na umiikot sa area na iyon?
ROMMEL: Wala po, walang Philippine Coast Guard na nakakapunta ngayon diyan.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Pero noong 2012, 2013, 2014, mas marami po bang umiikot or ganundin, wala rin?
ROMMEL: Wala rin. Puro Chinese iyong nandiyan.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: So tingin n’yo po ba kung magkakaroon ng mas maraming Philippine Coast Guards na umiikot doon, mas mapapanatag po kayo?
ROMMEL: Mas lalong delikado nga siguro sa amin.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: So, okay lang po na walang Philippine Coast Guard doon?
ROMMEL: Parang ganoon na lang siguro muna. Okay na iyong intelligence iyong pumupunta doon. Kasi minsan may pumupuntang mga Coast Guard, Navy, parang intelligence na lang iyon, kumukuha na lang ng mga balita doon kung ano ang nangyayari. Kasi kung magkaroon man ng ano siguro… ng mayroon tayong Navy diyan at saka Philippine Coast Guard parang palagay ko parang madali iyong pag-ano, kung hindi man magkakaintindihan, kumbaga sa ano, mayroong isang bangka na nilapitan nila. Eh ngayon ayaw magbigay, ngayon sapilitan ding kukuha ng isda, di ibig sabihin iyong bangka na iyon, pupunta doon sa Philippine Coast Guard, magsumbong doon, eh iyon ang ginagawa nila doon sa amin. Siyempre ano ang gagawin doon sa pinagsumbungan na Coast Guard, di doon magkagirian na naman, baka doon pa kami ma—
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: So, okay lang po na walang Coast Guards.
ROMMEL: Siguro okay na muna siguro iyon, habang patuloy naman sigurong nag-uusap iyong gobyerno ng Pilipinas at saka China. Para maayos iyong mga dapat ayusin siguro.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kuya Rommel, bilang lalaki, bilang Pilipino, bilang padre de pamilya, ano po iyong nararamdaman ninyo every time na umaakyat po iyon mga Chinese sa bangka po ninyo at kinukuha iyong mga isda na dapat sana para sa pamilya ninyo?
ROMMEL: Siyempre, parang mabigat sa loob rin namin iyon. Kasi kumbaga isang daan nga lang, parang halos titipirin mo iyon para magkasya lang sa isang araw. Pero hindi naman kaya talagang isang daan lang ang gastusin mo sa isang araw. Kumbaga sa ano, iyong compute nga ng NEDA, ako rin isang ano doon na hindi talaga kaya iyong 10,000. Wala, hindi kayang i-budget iyong—
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero yung pinapalit po nilang tubig, yosi, noodles. Ano po sakto po ba sa pamilya ninyo, tama po ba iyon, parang fair po na kapalit iyon doon sa mga isda na kinukuha nila?
ROMMEL: Wala rin. Kumbaga iyong—kung siguro iyong sigarilyo at saka tubig at saka noodles, hindi pa nga siguro aabot ng dalawang daan iyon, halaga noon. Kumbaga sa ano, hindi kami ano na ganun lang ang kapalit.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero sinasabi n’yo po, mas magandang ganito na lang iyong sitwasyon ninyo kaysa iyong hindi talaga kayo pinapayagan na pumasok?
ROMMEL: Oo, ganoon na lang nga siguro, dahil sa ano, iyong hindi pa gaanong natapos iyong usap-usapan sa ano.
SEC. ROQUE: Actually, they have schedules ‘no. So, I guess my parting words is: hindi po natin tinatanggap ang ganitong sitwasyon, ipinaglalaban po natin ang karapatan ng ating mga mangingisda, dahil meron na pong kasunduan. At inaasahan natin na susunod sa kasunduan ang bansang Tsina, hindi po dapat kinukuhanan sila maski isang kilong isda.
Pero ang punto po, sinabi na rin ng mga manginigsda, mas mabuti na po itong polisiya na nakipag-usap tayo sa Tsina at sila ay nakapangingisda muli, kaysa iyong gusto ng kritiko na ibalik sa dati. May pinanggalingan na nga po tayo.
Ibabalik ko lang kayo sa kasaysayan: Pinadala po natin ang Pio Del Pilar diyan, dahilan po kaya hindi na umalis ang Tsina sa Scarborough.
Kaya ang sinasabi natin, kung merong teritoryong nawala – Scarborough na nawala – hindi po sa administrasyon ni Presidente Duterte iyon.
Mula po noong panahon na pinadala ni Presidente Aquino ang Del Pilar diyan sa Scarborough hindi na po tayo nakabalik, na tayo ang kontrolado.
So ngayon po: totoo po, nandoon ang mga Tsino pero nakapangingisda po ang mga mangingisda ng Masinloc at ibang mga lugar. Okay.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero sir, do you think that they deserve better?
SEC. ROQUE: Of course they deserve better, that’s why we are taking steps to address the issue with the Chinese. We have addressed this issue to the Chinese and we are demanding that the Chinese take ste
ps to stop the Coast Guard from doing this acts. Gumawa na kami ng mga hakbang at ang hinihingi natin, dapat gumalaw ang mga otoridad ng Tsina na itigil itong mga pangyayari. Ang pakiusap namin sa sambayanang Pilipino, kung may bugok na Coast Guard sa Pilipinas, may bugok din ng Coast Guard sa Tsina. So kinakailangan disiplinahin siguro ng Tsina iyong mga bugok na nangunguha ng isda dahil hindi po katanggap-tanggap talaga iyan. Hindi po natin tinatanggap iyan at kaya nga po nagpadala na tayo ng impormasyon. Okay?
PIA/ABS-CBN: Sir, obviously they are forced into the situation but they don’t consider this harassment. But does the Palace consider this harassment?
SEC. ROQUE: This is not acceptable. I would not say its harassment because—you know what harassment is, during the time of President Aquino. Water cannons were used against them. They were rammed; they were the subject of being targeted by live guns. Wala na po iyan. At ngayon po ang talagang kinukuwento naman doon ay lahat po nakapangingisda na to the point na nauubos na nga iyong malalaking isda dahil bumalik na lahat ng mangingisda sa ‘Borough. Whether or not they can enter the lagoon is immaterial po kasi sabi nga nila iyong mga maliliit na mga bangka pinupuno rin nila. At napakadami na ho uli na nangingisda doon na mga Pilipino.
PIA/ABS-CBN: Pero sir they are forced into a situation where kailangan nilang ibigay iyong mga isda nila. Do you think that this is kindness on the part of the Chinese?
SEC. ROQUE: Kaya nga po gumagawa tayo ng—Hindi po katanggap-tanggap iyan! Hindi po tayo tinanggap iyan! Iyan po ay naging dahilan kung bakit ipinaalam na natin ito sa mga Tsino na na hindi tayo papayag na kinukuhanan ng isda iyong ating mga mamamayan. Hindi po natin tinatanggap iyan. Tinututulan po natin iyan bilang isang paglabag doon sa kasunduan na pinasok ni President Xi at ni President Duterte.
PIA/ABS-CBN: So this is kindness on the part of the Chinese kasi at least na pinapapasok sila—
SEC. ROQUE: It’s not. As a matter of right, mayroon na po tayong agreement na pupuwede ng mangisda. And this is the subject of a specific agreement between President Xi and President Duterte.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Sir Rommel, paki detalye po iyong sinasabi ninyong December incident, iyong sinasabi ninyong pinakahuling—
SEC. ROQUE: Nasagot na iyan eh.
ACE/PHIL. STAR: No. Details, details, iyong details noong December—
SEC. ROQUE: I’m sorry but that’s been answered. Can we go to another question, please.
ACE/PHIL. STAR: No, no follow up. So it happened way beyond iyong meeting ni President Duterte and Xi. What’s Malacañang’s take on that?
SEC. ROQUE: Alin?
ACE/PHIL. STAR: Iyong incident na iyon, iyong December.
SEC. ROQUE: The incident was reported. What makes you say it was not reported? It was reported in the bilateral meeting in February. This happened in December and this was one of the issues submitted to the bilateral mechanism in February.
ACE/PHIL. STAR: So that’s reported—
SEC. ROQUE: Yes.
ACE/PHIL. STAR: It’s documented already—
SEC. ROQUE: Yes, documented and reported to the Chinese.
ACE/PHIL. STAR: Okay. Thank you.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, if I get your watch now against your will, that’s not harassment?
SEC. ROQUE: No. Harassment is different—
JOSEPH/GMA7: Stealing perhaps?
SEC. ROQUE: We’ve had experience under the Aquino administration. What happened, by way of harassment happened during the Aquino administration. They are allowed to fish, they are allowed to engage in their livelihood.
JOSEPH/GMA7: Let’s qualify that allowed—
SEC. ROQUE: No. They are allowed. They are able to fish. No one is preventing them from fishing. They have said so and let’s not put words in their mouths. In fact, gusto ko ngang masabi: Sino ba ang naggamit noong word na ‘harassment?’ Ginamit ninyo ba ever iyong word na harassment? Kasi doon sa video ginamit iyong word na harassment. Sino bang nagsasabi sa inyo na harassment iyon kung mayroon?
ROMMEL: Parang wala naman akong nabanggit na ano, sir, harassment doon.
JOSEPH/GMA7: Ano pong tawag ninyo doon sir?
ROMMEL: Ano lang, sapilitan nga ano, sapilitan silang umakyat.
JOSEPH/GMA7: Okay. Sir—
SEC. ROQUE: Fish thievery. [laughs] Kasi wala namang—
ROMMEL: Para sa akin naman iyong harassment—
JOSEPH/GMA7: Sir, he is talking. Ano sir?
ROMMEL: Para sa akin naman iyong harassment siguro iyong haharangin mo sila, hahatakin ka para makakuha lang sila eh, parang ganoon naman iyong harassment eh.
JOSEPH/GMA7: Ito po?
ROMMEL: Iyong itong ano, aakyat sila magtatanong kung may fish tapos kung—kasi nakikisama nga kami, parang hahayaan lang muna namin sila kasi malaking bagay na rin sa—malaking mawawala sa amin kung hindi namin sila ano—
SEC. ROQUE: I’m sorry but you can’t do a documentary on my press briefing.
JOSEPH/GMA7: This is not a documentary (overlapping voices)—
SEC. ROQUE: You know, Joseph you’ve asks 7 questions already—
JOSEPH/GMA7: Because we are not clear yet.
SEC. ROQUE: Thank you very much.
JOSEPH/GMA7: Sir, game.
SEC. ROQUE: No, thank you very much, over.
JOSEPH/GMA7: No, policy on government, actions of the government.
SEC. ROQUE: I’ve already answered the policy is we will—specifically we have brought this up to the Chinese Ambassador. We’ve said this is an acceptable. We want the fishermen to fish freely. We don’t want even a single kilo to be exacted from the fishermen.
JOSEPH/GMA7: Will that include allowing the bigger boats to get into Scarborough?
SEC. ROQUE: That’s not necessary, because as the fishermen has said, iyong maliliit na boats na pumapasok sa lagoon, sa dami po nauubos na rin ang isda. Remember there is also a policy of conservation. In fact, if you will recall the history again of Scarborough Shoal, there was a period when both countries declared it as fishing preserve. That is why I’m even surprised that they are able to enter the lagoon now because both the Philippines and China at one point declared the lagoon as a maritime preserve.
JOSEPH/GMA7: Sir, in 2012 the tribunal said that China violated the traditional fishing rights of Filipinos by restricting access to the Scarborough. Now, they are allowing some mode of access, preventing the big ones but allowing the small ones.
SEC. ROQUE: No, no. That’s misleading.
JOSEPH/GMA7: Why is it misleading?
SEC. ROQUE: Small boats are allowed to enter but they are able to get the same catch, because what happens is that they fill in their container and they bring it to their mother boat—
JOSEPH/GMA7: But before it wasn’t like that right?
SEC. ROQUE: Yeah, it’s not like that but the point is they are able to come home with the full catch of 200,000 worth of fish.
JOSEPH/GMA7: Sir (overlapping voices).
SEC. ROQUE: Pag-uwi ninyo puno na ang inyong barko bago kayo umuwi.
JOSEPH/GMA7: Sir, sinong mas maraming huli iyong—anong mas gusto ninyong ipasok sa loob now? Because they’re asking ano po iyong puwede nating sabihin sa gobyerno natin na request.
SEC. ROQUE: It’s over. I’m sorry.
JOSEPH/GMA7: Ano pa iyong gusto ninyong ipasok, iyong malalaking barko, iyong maliliit?
SEC. ROQUE: I’m sorry, the press briefing is over. They have a schedule, I have to bring them to the Guest House.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Thank you, Presidential Spokesperson Harry Roque. And thank you sa ating mga guest. You can interview Secretary Roque after the press con. Back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)