Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Humarap muli po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan kagabi para sa kaniyang regular Wednesday Talk to the People Address. Hiniling ng Pangulo sa Tsina na kanselahin ang isanlibong Sinopharm vaccine na donasyon nila bagama’t nabigyan ito ng compassionate special permit ng Food and Drug Administration.

Ipinag-utos naman ni Presidente na arestuhin ang sinuman na hindi tama ang pagsuot ng face mask.

Sa ibang balita, naglabas ng memorandum ang Office of the Executive Secretary kahapon kung saan ipinagbawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga pasahero na galing sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa loob ng labing-apat na araw bago dumating ng bansa. Ito ay epektibo simula May 7, 2021, 12:01 A.M. hanggang May 14, 2021, 11:59 P.M. Effective immediately, maaari pang pumasok ang lahat ng mga pasahero na galing sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka o bumiyahe sa mga ito sa loob na labing-apat na araw bago dumating sa bansa na dumating bago Mayo 7, 2021, 12:01 A.M. Ngunit kinakailangan nilang sumailalim sa absolute facility-based 14-day quarantine period kahit sila pa ay nagnegatibo na sa RT-PCR test.

Samantala, sa lahat ng mga Pilipino at dayuhang pasahero na nagta-transit mula India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh at nananatili lamang sa airport ay hindi na kinakailangang makumpleto ang 14-day facility-based quarantine. Ngunit kailangan nilang sumailalim sa testing at quarantine protocols ng pamahalaan.

Lahat nang nagpositibo sa mga pasahero mula India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh ay kailangang sumailalim sa whole genome sequencing. Lahat ng kanilang close contacts ay kinakailangang sumailalim din sa facility-based quarantine sa loob ng labing-apat na araw. In-expand din natin ang contact tracing hanggang sa third-generation contact.

Sa usaping bakuna naman po: Mahigit dalawang milyon or 2,065,235 doses na ang na-administer ayon sa May 4, 2021 na datos ng National Task Force.

COVID-19 updates naman po tayo: Mayroon tayong nai-report na 5,685 na mga bagong kaso kahapon ayon sa DOH May 5 COVID-19 case bulletin. Suma total, mayroon na tayong 62,713 mga aktibong kaso. Halos isang milyon or nine hundred ninety-three and forty-two ang mga suma total na gumaling na po, samantalang nasa 17,800 ang bilang ng mga nasawi; nasa 1.66% na porsiyento ng mga namatay – nakikiramay po kami.

Makikita naman po sa infographics ang pag-improve ng ating average daily attack rate kung saan bumaba po ito mula 34 sa Metro Manila noong April 4 to 17 ay naging 25 noong April 18 to May 1. Ganito rin ang nangyari sa ating two-week growth rate, mula negative five noong April 4 to 17, ito ay naging negative twenty six percent noong April 18 to May 1. Ang mga datos po ay galing sa DOH.

Tingnan naman po natin ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines, as of May 5, 2021, makikita po na nag-peak ito sa unang linggo ng Abril; at ngayon po naman ay patuloy nang bumababa.

Ito naman po ang infographic na nagpapakita ng improvements ng ating healthcare utilization rate sa Metro Manila: Mula 64% noong March 27 na nag-peak sa 68.3 noong April 7 to 16, bumaba na po ito sa 56% noong Mayo a-kuwatro. Ganito rin po ang makikita sa isolation beds, COVID-19 ward beds, ICU beds. At tingnan ninyo po ang ating ICU beds, nadagdagan na po, hindi lang 700 na; mayroon na po tayong 1,172 kaya po nasa 71% na po ang ating ICU utilization rate. Kung mapapababa po natin ito to 69, magiging moderate na po ang ating use ng ICU beds.

Sa iba pang mga bagay, binabati namin si Police Lt. General Guillermo Eleazar sa kaniyang appointment bilang susunod na hepe ng ating Pambansang Kapulisan. Mataas ang ekspektasyon sa inyo ng Pangulo, maging ng taumbayan, at naniniwala kami na kaya ninyong harapin ang anumang pagsubok na darating. Mabuhay po kayo!

Magandang balita: Ini-report ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang ating unemployment sa 7.1% noong March 2021. Ayon sa PSA, and I quote, “This is the lowest reported rate covering the period of COVID-19 since April 2020. This is from a high of 17.6% last April 2020 at the height of the ECQ.”  Tuloy lang po natin ang pag-iingat natin sa ating mga buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

Isa pang magandang balita: Binuksan kahapon ng DOTr sa pangunguna ni Secretary Art Tugade ang bagong passenger terminal building ng Calbayog Airport na kayang mag-accommodate ng 450 passengers mula sa dati itong 76 passenger capacity.

In-unveil din kahapon sa Cebu naman ang bagong taxiway ng Mactan-Cebu International Airport pati na ang bagong gusali ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa loob mismo ng airport complex. Tuluy-tuloy po ang ating Build, Build, Build!

Dito po nagtatapos ang ating briefing. Makakasama po natin ngayong tanghali si ARTA Director General Jeremiah Belgica. DG, kumusta po ang Pilipinas sa 2020 World Bank Doing Business Report? The floor is yours, DG Belgica.

ARTA DG BELGICA: Maganda at ligtas na hapon, Spox Harry. Marami pong salamat. At sa lahat po ng ating mga kababayan, ngayong umaga lamang po ay nagkaroon ho kami ng Ease of Doing Business Summit na kung saan ito po ay dinaluhan ng iba’t ibang mga government offices/entities at ng mga private sectors. Kasama rin po sa Summit na ang pinag-usapan ang iba’t iba po nating mga goals at mga challenges that we were able to hurdle through the implementation of the ease of doing business. Mayroon din ho tayong mga invited na mga speakers from the aforementioned different government agencies na nag-share ho ng kanilang iba’t ibang mga practices sa atin pong mga doing business indicator.

Puwede hong makita ho ang ating slides, please? Can I share my slides? Okay, so sa atin pong—ang Anti-Red Tape Authority po ay nagtatrabaho para mas maging efficient po at ma-expedite ang mga government transaction. Nakita po natin ang napakadami pong mga progreso dahil sa mga doing business indicators na atin hong inaayos ay nagkakaroon ho ng magandang mga resulta.

Noong nakaraan taon po ay ang atin hong bansa nagkaroon po ng 62.8 na score at nagkaroon po tayo ng 95th placing or ranking po sa ating World Bank Doing Business Report noong 2020; ito po ay isang malaking talon from our previous 124th place to 95th. Ibig sabihin, 29 notches or places ang atin hong itinaas. Sa pamamagitan po na ito, maaari po nating makita na ang pagtugon po ng mandato ng ating Pangulo na pabilisin at mas pataasin po ang ranking at ang score po ng atin pong bayan sa global market.

Nakikita rin po natin ang mga positive results as we exert efforts and work together sa atin pong mga importante at key agencies.

However, marami pa rin hong mga kinakailangan at kailangang pagtulungan sa nalalapit pong mga araw. [Next slide, please.]

Ito nga pong nakaraang taon dahil ho sa ilan hong … hindi lang po sa pandemya, ay nagkaroon ho ng delay sa 2021 World Bank Doing Business Report dahil nagkaroon po ng iba’t ibang mga data irregularities sa iba pong mga bansa. Hindi ho Pilipinas ito, pero ito po ay sa ibang mga bansa kung kaya minarapat ho ng World Bank na bisitahin po muli ang kanila pong proseso at tingnan ho nang sigurado ho na maging mas accurate ang reflection po ng mga service nila. [Next slide po].

Isa ho sa mga challenges na atin pong kinakaharap ay iyon nga hong nabanggit natin ang atin pong mas kinakailangan sigurong paigtingin ang mga proseso po nila sa World Bank na para ma-capture ang mga reforms na ginagawa po ng mga bansa katulad ho ng Pilipinas. Next slide po.

Pero may mga ilang concerns at issues na ibinahagi rin po natin sa World Bank group, the survey team, and that there are some inconsistencies doon sa mga resulta ng mga customer satisfaction survey doon din po sa mga agencies at iyong assessment po ng sa atin pong mga doing business respondents.

As to the counting of processing days, there needs to be a clear distinction between the preparation time of the applicant and the processing time of the agencies. Kung minsan po kasi binibilang po ang pagtagal na kung nasaan ho doon sa nag-a-apply at hindi ho nila kinukumpleto ang kanilang mga requirements, so, that also has to be clarified.

Para ho ma-fix din po ang issues ng inconsistencies with the results noong mga agency satisfaction or customer satisfaction survey, ang amin pong recommendation ay mas i-filter po nang mabuti ng survey team ng ipinapadala po ng World Bank para ang makuha po talaga ay iyong mga respondents na tunay pong naka-experience noong mga reporma na ginagawa po natin sa atin pong mga iba’t-ibang ahensiya.

Isa rin ho dito ay nabanggit ko na rin po, na sa [Ease of Business Doing], ang isa pong recommendation po natin is magkaroon ho ng malinaw na distinction on the time that it takes the applicant to prepare and send all the necessary documents and the time that it takes the agency or the LGU to approve the issues and permits dahil mayroon din hong ibang mga exporters at importers na based ho sa Quezon City, na kung saan ay the country’s largest city, pero ang basis po ng selecting ng area kung saan dapat po ina-assist ay doon ho sa Manila pagdating po, normally, sa atin pong pagta-transport po ng mga goods.

Marami pa ho tayong ginagawa at isa ho rito, mabilis lamang, is iyong nakalipas po na Joint Memorandum Circular na pinirmahan po ng Anti-Red Tape Authority, ng Department of Interior and Local Government at ng Deparment of Finance. Ito po iyong JMC No. 2021-01, ito po iyong Omnibus Guidelines on the Suspension of LGU Imposition and Collection of Illegal Fees and Taxes Relative to the Transport of Goods and Products.

Ito po ay napakahalaga para po doon sa mga truckers, doon po sa ating logistic sector dahil ito po ay in response doon sa—[technical glitch]

SEC. ROQUE:   Nawala, DG, ang iyong audio.

ARTA DG BELGICA:   Yes, Spox?

SEC. ROQUE:   Anyway, nawala po iyong siguro mga last five seconds ng inyong audio. Paulit lang po iyong last five seconds ninyo.

ARTA DG BELGICA:   Salamat po, Secretary Harry. Mabilis na lamang po. Ang atin pong JMC ay makakatulong sa ating mga truckers na kadalasan ay nagkakaroon ho ng mga mahahabang pagho-hold ng iba’t-ibang LGUs na kanilang dinadaanan at ito po ay atin pong inilabas kasama ang DILG at Department of Finance para ho mapigilan ang mga practices ng pag-i-exact ng mga fees at paglalagay ng mga stickers kada LGUs na dinadaanan upang sa ganoon maging tunay na unhampered ho ang pagtakbo ng atin pong transportation of goods and iba hong mga pertinent materials lalo na ho sa panahon ng pandemya.

Nais ho namin, to discuss further, as we hope that our efforts to improve and expedite government services ay tuluy-tuloy po. Tandaan ho natin, ang sinabi ho ng ating Pangulo, sa oras ho ng pandemya ang red tape po ay nakamamatay. Pabilis nang pabilis po ang ating laban sa red tape at kung sino man po ang humarang sa tren ng reporma ng ating Pangulo ay tiyak pong masasagasaan.

Maraming salamat po, Spox Harry. Mabuhay po kayo! Mabuhay po tayong lahat!

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, DG Belgica. Please join us for our open forum.

So, punta na po tayo sa ating open forum. Simulan na po natin with Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque and kay DG Belgica.

From Argyll Geducos ng Manila Bulletin: Secretary, sino daw po iyong Crown Prince na tinutukoy ni President Duterte? Siguro po ito iyong sa last night na Talk to the People.

SEC. ROQUE: Opo. Ito po iyong Crown Prince ng Saudi Arabia, si His Excellency Mohammed bin Salman Al Saud ‘no, siya po ay ang Crown Prince and Deputy Prime Minister po ng Kingdom of Saudi Arabia.

USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong, from Bruce Rodriguez ng ABS-CBN: Are we seeing significant strides for the Philippines’ ranking in the World Bank Doing Business Report as the pandemic fast track digitization efforts across various industries? Are we ramping up our goals in terms of climbing up the ranking? What key changes, improvements are in store ahead?

ARTA DG BELGICA: Salamat po, Usec. Rocky. Salamat Bruce for the question. Yes, of course we are seeing na ang pagtaas po ng ating mga scores bagama’t binanggit ho ng World Bank na ang focus po nitong darating hong mga panahon ay hindi ho sila magtitingin sa ranking pero doon sa mga scores po at ay bunga na rin po yata noong mga naging irregularities nitong nakaraan pong mga panahon. So they are now going to focus and release the scores instead of the ranking po ‘no.

Ang sagot po diyan, mayroon ho ba tayong nira-ramp up? Yes Bruce, marami tayong nira-ramp up. Ang isa diyan is iyong ating compliance sa National Single Window na mayroon na rin tayong automation program diyan na kung saan 80 trade regulatory agencies, government agencies ang siyang puwede nang gumamit at pumasok diyan sa ating automated platform. Kapag ito’y nangyari Bruce, makikita natin ang streamlining at automation ng ating trading across borders so magkakaroon ito nang magandang impact doon naman sa trading cross borders na ating indicator.

Ang isa pa rito is noong January 28 ay inilabas na rin natin, nag-launch tayo ng ating Central Business Portal at noong Phase 1, pero itong Phase 2 ay mas maganda kasi papasok na iyong iba nating mga LGUs na ngayon nag-automate na rin. There are about—ating inaabangan mga 500 LGUs na ang siyang nag-u-automate ng kanilang proseso at ikakabit na rin natin sa Central Business Portal. So maka-cut down din natin ang starting a business na dati 33 days at hopefully ay magawa natin iyong goal namin talaga nila Secretary Lopez na maging isang araw na lamang o kulang pa ‘no. Ilan lamang ito sa mga nakikita ho natin na magiging mga significant na mga mangyari at patuloy lamang po nating itulak.

USEC. IGNACIO: Thank you, DG Belgica.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque at kay DG Belgica. May I go first po kay DG Belgica, Secretary?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: DG Belgica, just a quick follow up about po sa nabanggit ninyo na JMC sa past trophies. May I ask lang po sir kung mayroon na tayong LGU naman na nakitang talagang may paglabag dito at gaano po ito so far nakakatulong sa atin ngang mga biyahe ngayon?

ARTA DG BELGICA: Salamat Mela sa question. Ayon sa DILG, mayroong mga 30 kasi na mga LGUs na na-identify na mayroon silang existing na tinatawag na ordinansa. Kasi kaya natin klinassify kasi may mga LGUs na nag-i-exact sila ng [garbled] tawag na past trophies, minsang exit phase, minsan entry phase na wala naman silang ordinansa. So iyong mga LGUs na iyan dito sa NCR, mayroon na tayong schedule na makipag-usap doon sa ating mga mayors diyan at nakikita natin na mas madali ito.

Kasi iyong mga mayroon naman na mga tinatawag na ordinansa, ang amin hong inilagay diyan sa JMC ay suspendihin ang kanila pong implementation po noong kanilang ordinance at mag-conduct po ng regulatory impact assessment na ito po’y kaayon at kaalinsunod rin sa batas po ng Anti-Red Tape Authority na bago para ho kanilang tanggalin at rebisahin. Kasi nandiyan pa rin kasi iyong unending na discussion on local autonomy versus doon sa mga binibigay na mga memorandum circulars ng mga national government agencies.

However, nakikita naman natin lalo na sa panahon ng pandemya ngayon and iyong directive pa ng IATF ay consistent ang JMC namin na ito na unhampered dapat ang pagtakbo ng mga goods at services sa panahon ng pandemya. So we really do not see that there would be mass resistance diyan pero the ruling out ‘no, Mela, ay naka-schedule na rin sa pakikipag-usap sa mga iba’t ibang LGUs.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay, sige. Thank you po, DG Belgica. Kay Secretary Roque muna po uli.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Secretary Roque, iyong about sa pag-aresto lang po ng violators. May I clarify, ito po ba ay para lamang sa mga hindi nagsusuot nang tama ng face mask or even pati iyong sa mga ginagawang headband iyong face shield, sa mga hindi sumusunod sa social distancing? Can you just please elaborate po iyong kautusan ni Pangulong Duterte.

SEC. ROQUE: Well siyempre po ang mensahe ni Presidente ay kinakailangan ipatupad ang minimum health standards kasama po iyong tamang pagsuot hindi lang po ng face mask kundi pa rin po iyong face shield. Pero kinakailangan din po siyempre ‘no eh sumunod doon sa lahat ng iba pang hakbang na binubuo ng national at ng mga lokal na pamahalaan para nga po mapabagal ang kalat ng COVID-19 kasama na rin po diyan ang curfew ‘no.

So iyong pag-aresto naman po, dapat po sang-ayon po iyan sa ordinansa o sang-ayon sa batas. Kung wala pong ordinansa ay nakasaad naman po sa Revised Penal Code ‘no na maximum of 12 hours ‘no at kung hindi makasuhan ay kinakailangan pawalan.

Pero ang mensahe po ng Presidente sa ating kapulisan at sa taumbayan, para po sa ating kapakanan ang pagsunod sa minimum health standards at ipapatupad lang po natin iyan dahil sa panahon ng pandemya kinakailangan po sumunod ang lahat lalung-lalo na po sa pagsusuot ng face mask at ang face shield.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuling question na lang po, Secretary Roque, about po sa Sinopharm. Doon nga sa may mga nanghihinayang sa pag-withdraw ni Pangulong Duterte sa Sinopharm vaccines kung nandito naman na sa Pilipinas. Instead Secretary Roque may mga nagtatanong lang po, bakit hindi na lang po natin ipa-expedite iyong EUA nitong Sinopharm or i-convince nga iyong mga nag-a-apply ng EUA dito na makapag-submit na ng documents?

SEC. ROQUE: Alam ninyo ang problema po kasi sa Sinopharm, it is a state-owned corporation. Hindi gaya ng Sinovac ‘no na it is a private corporation. So kaya po nahihirapan na—o natatagalan iyong proseso kasi kinakailangan magtalaga ng representante ang Sinopharm kung sino talaga ang maghahain ng mga papeles dito sa Pilipinas ‘no, sa FDA. So wala naman po itong prejudice to Sinopharm appointing an agent and complying with all the requirements of the FDA.

Panatag naman po ang loob natin na maaaprubahan din ang EUA ng Sinopharm dahil Sinopharm is in use po in 25 countries worldwide ‘no at nakakuha na rin siya ng EUA in 25 other countries. It’s a matter of Sinopharm po appointing a representative to submit iyong mga papeles sa FDA dahil hindi naman po pupuwede na wala pong representante dito sa Pilipinas.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Sir sorry, quick follow up lang po. So ibig sabihin po kapag nagkaroon ng EUA ang Sinopharm in just a matter of time nga po ay puwedeng hindi matuloy naman iyong pag-withdraw doon sa donation nga po na 1,000 doses po?

SEC. ROQUE: Well ang sabi ni Presidente para mawala na ang kontrobersiya dahil marami ngang nagreklamo na kinuha niya ang Sinopharm maski mayroon naman po itong compassionate use eh para mawala na iyong ganiyang mga kritisismo at habang siya pa lang ang gumagamit noong 1,000 na pagbakuna ‘no, siyempre mas mabuting ibalik na muna sa Tsina. Pero tingnan po natin kung anong mangyari because who knows ‘no dahil since the EUA naman has been given to Sinopharm in 25 other countries, baka tama po kayo, mapabilis naman iyong proseso ng pagkuha ng EUA. But substantially ang sabi ng Presidente, huwag na muna natin gamitin ang Sinopharm kung wala pa talagang EUA.

MELA LESMORAS/PTV4: Thank you so much po, Secretary Roque at kay DG Belgica.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: On free WiFi controversy, do we have an estimate for how much the DICT could get from UNDP after terminating its Free WiFi Bill?

SEC. ROQUE: Well nakipag-ugnayan po tayo kay Usec. Caintic ng DICT at ang nalaman po natin unang-una, iyong contractor po has until tomorrow ‘no to respond to their demand letter. Ang demand po nila ay itigil na ang proyekto dahil DICT na po ang gagawa ng proyekto at iyong mga pera na naibayad na sa kaniya na hindi naman niya naikabit by way of WiFi spots ay dapat ibalik. Nasa proseso pa lang po sila ng accounting at sa ngayon po hindi tayo makapagbibigay ng halaga pero in due course po ‘no lalung-lalo na dahil tomorrow is the end of the 3-day na nasa kanilang demand letter eh maku-compute na po ng ating mga state accountants kung magkano ang dapat na ibalik na pera ng foreign contractor na ‘yan.

USEC. IGNACIO:  Opo, second question niya: Do we have timetable as to when the UNDP should turn over the remaining funds or other deliverables to the DICT?

SEC. ROQUE:  Ang demand letter po natin is to turn over both the project and the funds within three days and that’s tomorrow.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Usec. Punta po tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Good afternoon, Mr. Secretary. I just have two short questions for DG Belgica before I ask you some questions.

SEC. ROQUE:  Go ahead.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  DG Belgica, good afternoon.

ARTA DG BELGICA:  Good afternoon, Sir Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Salamat po. Gusto ko lang po malaman, ano ang naging impact ng COVID-19 sa inyong misyon na matapos ang red tape. At puwede ba ninyo kaming bigyan ng best practices ng LGUs sa ngayon?

ARTA DG BELGICA:  Salamat, Sir Melo. Una ang naging impact niyan is naging mas prioritize ang streamlining at saka ang automation ‘no. And it has been one of the priorities, not only by the Presidente but also by the LGUs. But I think dahil po sa COIVD-19 ang impact po na ito ay hindi lang po streamline, pero ang direksiyon ng mga LGUs din ay mag-automate. So ito po iyong kinakailangan nilang gawin, Sir Melo, dahil hindi lang po basta-basta ang automation, dahil bago ka mag-automate kinakailangan mo kasing mag-streamline muna. So, ang nakita namin diyan, kapag nag-automate ka na hindi na nagi-streamline papasok ang red tape sa automation, so kinakailangan mong i-unbundle ulit ang system mo. So, that’s actually the key on the automation system.

So, ang ilan sa mga best practices na nakita natin dito pa rin, Sir, is iyong isa, iyong integration ng mga barangay doon sa business one stop shop ng mga LGUs, dahil po sa batas natin ngayon ay hindi na po si barangay chairman ang dapat nag-iisyu ng barangay certificates para mag-negosyo. Puwede na po sa city hall at marami na po ang gumagawa na LGUs ng ganito ‘no.

Ang pangalawa po is iyong tinatawag po na paggamit po ng electronic business one stop shop. Iyong one stop shop op nila 100% online, ito po iyong tinutulak namin ngayon together with DICT at DILG. Kasi mayroon na po tayo nito, Sir Melo, na gagamitin na libre po ng mga LGUs. Kaya sa mga LGUs na nakikinig, kung wala po kayong budget para mag-automate po ng inyong business one stop shop, mayroon po tayong available, libre po. Makipag-ugnayan kayo sa ARTA, sa DICT at sa ngayon mayroon po tayong bilang na around 446, almost 500 na na LGUs na gumagamit po nitong ating automated system.

So, ang mahalaga pa pala, Sir Melo, diyan is iyong integration din noong Bureau of Fire permits na tinatawag doon sa one stop shop nila, kasi ito po ay ibang ahensiya, this is a national government, ang BFP. Pero mahalaga po sa mga LGUs ang mayroon din po silang memorandum of agreement with the local BFP para mag-integrate din po iyong BFP doon sa kanilang one stop shops. So natalakay po namin ito, Sir Melo sa recent na Joint Memorandum Circular na inilabas po namin kasama ang DILG, DICT at DTI doon sa streamlining po ng business permit, kaalinsunod din po doon sa green lane na ginagawa namin ngayon para sa mga vaccines manufacturers na gustong  magtaguyod at malapit na rin pong mapirmahan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good! Congratulations! Mabuti po hindi na mapupuwersa ng mga bumbero na bumili ng fire extinguisher na gusto nila, iyong mga may business, ano po.

ARTA DG BELGICA:  Or sprinklers, Sir. S0, bawal na bawal na po iyan, may mga nakasuhan na po tayo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Very good. Secretary Harry Roque, good afternoon again. Doon po sa binanggit ni Pangulong Duterte na ipapasauli na iyong 1,000 doses ng Sinopharm. Ano po ang gagamitin ngayon ni Pangulong Duterte sa second dose, hindi po ba magkakaroon ng cocktails diyan? Iyan na po ba ang bagong norm natin, we can use any vaccine na?

SEC. ROQUE:  Hindi po, siyempre po, hindi ibabalik iyong pang-second dose ni Presidente para matapos niya ang second dose niya.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, maliwanag po iyon. Nagtanong po ako sa DFA kanina kung magkakaroon ba sila ng pagsisiyasat based on what the Presidente said last night na ipasisiyasat si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, pero  wala pa pong sagot. Ano po kayang ahensiya ang magsisiyasat based on the order of the President?

SEC. ROQUE:  Well, the Executive is still the chief implementer of the laws, so it applies to all offices under the Executive.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  So, even the Department of Justice?

SEC. ROQUE:  Well, that is without prejudice po. Let’s wait for further developments.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Thank you very much, Mr. Secretary. Have a nice day.

SEC. ROQUE:  Thank you very much, Melo. Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary question from Miguel Aguana of GMA News: In his column, Carpio enumerated several unconstitutional pronouncement of the President setting aside of the arbitral award, ordering Navy not to patrol EEZ, verbal fishing agreement saying China is in possession of West Philippine Sea. Saying he is in inutile when it comes to defending West Philippine Sea. The statement speaks for itself, a betrayal of national interest. President Duterte gave his full trust and confidence to President Xi Jinping, whom Mr. Duterte trumpeted, had promised to protect him from mutinies by Philippine Military. Obviously, the wily President Xi hood the weak Mr. Duterte. Any reaction daw po?

SEC. ROQUE:  Well, ang reaksiyon po diyan kung talagang labag sa Saligang Batas, bakit hindi siya magdemanda? Abogado po siya, founder ng isang pinakamalaking law office sa Pilipinas, dating mahistrado ng Supreme Court. Itigil na po ang dakdak lang! Kung sa tingin ninyong nalabag ang Saligang Batas, mademanda po kayo.

Pero malinaw po ang posisyon ng Presidente diyan. Unang-una, anong sinasabi niya na walang ginagawa ang Presidente, eh sa administrasyon ni Pangulong Duterte kauna-unahang pagkakataon tinaboy ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisdang Tsina diyan po sa 72 nautical miles from Palawan. At ano ang sinasabi niyang isinantabi ang arbitral award, iyan po ay hindi totoo. Dahil sa UN general Assembly mismo sinabi ni Presidente, pinaninindigan niya ang arbitral award. Ang problema lang talaga, wala pong mekanismo sa larangan ng international law para mapatupad o ma-enforce iyang ganiyang arbitral award.

Ang tanging pamamaraan po talaga sa Security Council, under chapter 7 of the UN council – collective security measures. Pero para po maaprubahan ang collective security measures, the use of force, legally, ay kinakailangan po bumoto ang Tsina. Unfortunately China is one of the five states with the veto power at hindi po iyan mangyayari.

Iyan po ang konteksto ng polisiya ni Presidente na isasantabi muna ang hindi pupuwedeng mapagkasunduan, isusulong ang mga pupuwedeng isulong, kagaya ng kalakalan at ng pamumunuhan.

USEC. IGNACIO:  Question form Triciah Terrada ng CNN Philippines, iyong first question po niya about Sinopharm ay nasagot na ninyo, iyong second dose ni Presidente. Ganoon din po iyong naging tanong ni Tina Mendez ng Philippine Star, pareho sila ng tanong ni Triciah. Ang second question po niya: Did the President mean na no Sinopharm at all for the Philippines or hinihintay lang po niyang magka-EUA muna? Would he still consider fast tracking the EUA of Sinopharm?

SEC. ROQUE:  Nasagot ko na iyan ‘no. Na ang importante magkaroon ng EUA, kasi iyong mga nagrereklamo po ay bagama’t mayroong compassionate use, ang sinasabi nila dapat maghintay ng EUA. At ang sabi ni Presidente, para walang ayaw – ako lang naman ang nagpabakuna, buhay ko ito – sige hintayin natin ang EUA.

USEC. IGNACIO:  Iyong third question po niya, nasagot na rin po ninyo kung mag-o-order ng investigation si Presidente doon sa supposed mishap of former DFA Secretary Albert Del Rosario. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat Usec. punta naman tayo kay Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS:  Sir, good afternoon.

SEC. ROQUE:  Good afternoon.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS:  Good afternoon DG. Sir, my question is for you. Sir, last night si Presidente issued a challenge to debate kay Justice Carpio. Is he serious about a debate? Does he mean a face to face debate with former Justice or it’s a figurative speech to mean that his position is stronger than the Justices?

SEC. ROQUE:  I think it’s both. I think they have been conducting this debate in public already at ang hindi masagot-sagot ni Justice Carpio – ano ang pinamigay niyang teritoryo? Wala! Dahil ang unang-unang kasunduan niya sa Tsina, status quo – walang kukunin na isla sa Pilipinas, walang bagong reclamation. Samantalang sa panahon po noong administrasyon na nakalipas sa pamumuno ni Del Rosario, diyan po nawala ang Scarborough Shoal at diyan po nagpalaki ng mga base militar, ng mga artificial islands ang Tsina doon sa tatlong isla.

At siyempre kung maalala po ninyo, 1995, kung kailan Presidential Legal Counsel si retired Justice Antonio Carpio, doon din po nawala sa Pilipinas ang Mischief Shoal. Para bagang may pattern na kapag sila ay nakaupo sa kapangyarihan ay nawawala ang mga isla. Wala po ni isang isla na nawala ang ating bayan sa administrasyon ni Presidente Duterte!

JOSEPH MORONG/GMA 7:   I’m just interested, anong shape and form itong debate na mangyayari if ever kung ko-call si Justice Carpio?

SEC. ROQUE:   Ang sinasabi ko po, the debate has been ongoing as far as the Filipino is concerned pero if he wants a formal debate, kahit kailan po iyan welcome naman po ni Presidente iyan.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   All right, sir. With regard to the PCA ruling, sir, from the President’s perspective what advantages does the PCA ruling did the Philippines?

SEC. ROQUE:   Hindi mo mabubura kasi iyan eh, nandiyan na iyan eh. In international law, ang desisyon po ng mga arbitral tribunals gaya ng ITLOS is that it is evidence of the applicable customary norm of international law at siguro po ngayon bagamat there is no such thing as stare decisis in international jurisprudence ‘no, number one, ia-apply po iyang arbitral decision na iyan for the purpose of achieving uniformity in international rulings.

At pangalawa po, nagsasabi po diyan na walang basehan talaga iyong claim to historical waters na nine-dash line at ito po ay napaka-importante bagamat hindi nga po solusyon iyong arbitral award na iyan dahil ang pinag-aagawan po natin ngayon, mga isla. At ang desisyon ng International Tribunal on the Law of the Sea only refers to maritime matters. At sa international law po, maritime matters follow land territories dahil nga po ang maritime territories po are reckoned always from land territories.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, iyon pong statement ni Presidente last night na, “Sa usapang bugoy, sabihin ko sa’yo ibigay mo sa akin, sabihin ko sa’yo papel lamang iyan. Itatapon iyan sa waste basket.” Does it not negate, sir, the PCA ruling?

SEC. ROQUE:   Well, because all of the report—

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Will it render it useless?

SEC. ROQUE:   Alam mo, this is televised and you can play it again. Ang konteksto ng sinabi ni Presidente, “That is as far as China is concerned.” I-play ninyo po ulit. In other words, iyan ang reaksyon ng Tsina kaya binabalewala po iyan ng Tsina pero ang katotohanan naman eh kahit papaano sabihin man ng Tsina na binabalewala niya iyan, the fact na nakakapangisda muli ang ating mga mangingisda sa Scarborough na kabahagi ng arbitral award eh talagang nagpapakita na kahit papaano ang Tsina sumusunod din doon sa ganiyang arbitral award. Pero ang konteksto ng sinabi ng Presidente, iyan ang perspektibo ng Tsina, papel lang iyan na itatapon sa waste basket kasi nga hindi sumapi sa arbitration itself iyong Tsina.

Ang sinasabi niya na walang hursdiksyon over China ang Arbitral Tribunal na ang sabi naman ng Tribunal, “Kami ang magdedesisyon kung mayroon kaming hurisdiksyon” at ang sabi nila nila ay mayroon silang hurisdiksyon dahil noong naging kabahagi ang Tsina ng UN Convention on the Law of the Sea eh pumayag siya na lahat ng kontrobersiya na sang-ayon po sa UN Convention on the Law of the Sea ay pupuwedeng maresolba sa pamamagitan ng ICJ o kung hindi naman ng ITLOS at kung hindi po pinili iyon ng bansa na iyan, it will fall under arbitration at kaya nga po nag-arbitration.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   What does the President done to capitalize on the PCA ruling?

SEC. ROQUE:   There’s only so much that you can do eh because iyan nga po iyong kakaiba sa international law, walang enforcement mechanism. Sa domestic law kapag mayroon kang desisyon, mayroong sheriff na pupuwedeng tulungan ang kapulisan para ma-enforce ang iyong award.

In international law, mayroon din tayong extreme remedy which is I said is under Chapter 7: Collective Security Measure. You can even resort to the use of force although may requirement na dapat non-military means muna gaya ng sanctions. Pero para ikaw ay magkaroon ng ganiyang resolution, kinakailangan bumoto ang mga bansa na mayroong veto power at siyempre, hindi naman papayag ang Tsina dahil isa siya doon sa may veto powers.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   When you said there’s only so much you can do, what do we mean by that? Has he done anything, sir?

SEC. ROQUE:   Well, he doesn’t have to do anything because the award speaks for itself. The existence of the award itself is its own means of enforcement. Kahit anong sabihin ng Tsina na binabalewala niya, naririyan iyan as evidence of the applicable customary norm of international law.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   All right, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Joseph. Punta tayo kay Usec. Rocky ulit.

USEC. IGNACIO:   Okay. Secretary, from Kylie Atienza ng Business World: The President last night said the public cannot choose their own vaccine even if there are available alternatives. Official policy na po ba ito ng gobyerno sa vaccination program?

SEC. ROQUE:   Sa simula’t-mula po ganiyan ang polisiya natin. Hindi po pupuwede na parang restaurant na ang gusto ko ganito, ang gusto ko ganito. Hindi po. Kung ano po iyong naririyan, iyon po ang ibibigay sa inyo at tanging frontliners po ang binigyan natin ng ganiyang karapatan.

USEC. IGNACIO:   Iyong second question po niya, about South China Sea ay natanong na rin ni Joseph Morong pero ang follow-up po niya ay: Kung ibi-bring-up daw po ni President Duterte iyong ruling kay President Xi Jinping saying the talks should begin here.

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, kasama din po ako doon noong nag-usap sila ng kauna-unahang beses, iyong trip na iyon. Congressman pa po ako noon, hindi pa ako spokesperson. Pero narinig ko po sila na talagang at some point kinakailangan pag-usapan talaga itong mga unresolved territorial dispute bagamat ang sabi nga ni Presidente, “Baka hindi nga natin ito maresolba sa ating buhay.”

So, alam naman po natin na mayroon talaga tayong hindi pagkakasunduan pagdating sa teritoryo kaya nga po ang ginagawa natin habang hindi tayo magkasundo ay isinasantabi natin pero importante po ngayon ang talagang binibigyan ng kahalagahan ng ating Pangulo iyong paghahanapbuhay ng ating mga mangingisda at sa ngayon naman po bagamat kabahagi iyan ng arbitral award na dapat mangisda ang lahat doon sa Scarborough ay natutupad naman po iyan dahil iyong mga dating mangingisda natin na pinagbabawalan at mga kliyente ko po iyon ay ngayon po ay nakapangingisda na.

USEC. IGNACIO:   Iyong third question po niya: Does this also mean that the country would no longer use the ruling to strengthen its alliance with traditional partners and forge unity with ASEAN neighbors to deter China’s incursions in the disputed waterway?

SEC. ROQUE:   Hindi ko po maintindihan bakit binundle iyong arbitral award doon sa alliance making ‘no. Kabahagi po tayo ng ASEAN, mayroon pong paninindigan ang ASEAN at sa ngayon po ang paninindigan ay prayoridad iyong Code of Conduct.

Now, kabahagi rin po tayo ng mas malaking community of nations na nagbibigay ng importansiya doon sa freedom of navigation at nanindigan na kinakilangan talaga para magkaroon ng kapayapaan ang maritme territories ng iba’t-ibang bansa ay limitado kung ano iyong nakasaad sa ating UN Convention on the Law of the Sea.

So, iyon po ang pagkakaisa natin, worldwide consensus dahil ang UN po kakaiba po itong treaty. Ito lang po iyong treaty na every provision kinakailangan sang-ayunan ng lahat ng estado na kabahagi.

Kaya nga po maski ang Amerika ay hindi pumirma at nag-ratify ng UN Convention on the Law of the Sea dahil siya naman po ay kabahagi doon sa usapin eh deemed bound po siya ng UN Convention on the Law of the Sea.

As in fact, recognized po ngayon na all states are bound by the UN Convention on the Law of the Sea because it is a restatement of what is known as customary international law.

USEC. IGNACIO:   Question from Pia Gutierrez of ABS-CBN, nasagot ninyo na po iyong about Sinopharm pero ang follow-up po niya ay: Can you tell us why the Chinese donated the Sinopharm vaccines in the first place? Was there a request from the Philippine Government?

SEC. ROQUE:   Wala naman po. Alam ninyo, sa donasyon it is found in all legal systems that’s an act of beneficence, generosity of the donor, so, wala naman pong usapin na requirement para mag-donate.

USEC. IGNACIO:   Ang second question po niya: Kanino ba dapat gagamitin ang Sinopharm vaccines na ito? Is this for the general population? Iba pa po ba ito sa gagamitin ng PSG?

SEC. ROQUE:   It’s intended for use only by the PSG Hospital kasi nga po ang Compassionate Use Permit ay issued sa PSG Hospital. Wala po itong ipinagkaiba doon sa Compassionate Use na ibinigay sa – kung hindi ako nagkakamali – mga limang ospital na para gumamit ng Ivermectin. Iyan lang po ay pupuwedng gamitin ng mga ospital na nabigyan ng permit.

USEC. IGNACIO:   Ang third question po niya: Does this mean that the President does not want the PSG to be inoculated with Sinopharm?

SEC. ROQUE:   Hindi po, nasagot ko na po. Hintayin na lang din iyong EUA para wala ng kontrobersya.

USEC. IGNACIO:   Ang fourth question po niya: The WHO strategic advisory group of experts said that it had a low level of confidence on the effectiveness of Sinopharm in preventing the disease in older adults 60 years old and above. If so, what was the basis of the President’s doctors in recommending the use of Sinopharm to him?

SEC. ROQUE:   That’s for his doctors to answer pero kaya nga po sabi nga po ni Presidente ibalik na muna, hayaan na muna iyong proseso ng EUA for which he also apologized. Malinaw po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. May clarification lang po si Jo Montemayor: So saan daw po kukunin ang second dose ng Sinopharm ni Presidente Duterte na naiturok kung ipinababawi ito? At ilan daw po ang naturukan ng Sinopharm?

SEC. ROQUE: Well, already answered. Hindi po natin ibabalik iyong pang-second dose; tatapusin po natin iyong second dose.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Binalikan ko po iyong transcript because you said, iyong sinasabi ni President about throwing The Hague ruling into waste basket referred to the perspective of China. But re-reading it, parang hindi, Sir, eh. Kasi he was referring to “him”, like iyong kaniyang pronouns were “akin”. So for example, Sir, actually iyong sa usapang bugoy, ‘Sabihin ko sa’yo, ibigay mo sa akin, sabihin ko sa’yo, P.I. papel lang iyan, itatapon ko iyan sa waste basket.’

So, Sir, it really sounds like he is undermining The Hague ruling when last year, in the UNGA didn’t he say that the Philippines would reject all attempts to undermine The Hague ruling. Isn’t he doing that?

SEC. ROQUE: Kaya nga po importante iyong deklarasyon niya sa UN General Assembly; that is his declaration to the whole world. And that is why you have to construe his statement in the proper context, and that context is what he said in the UN General Assembly. It appears, Pia, that we have a genuine difference in appreciation of what he said, and that’s why you need to apply some kind of construction to what the President said. And again, I reiterate ‘no, the context, the proper construction should be pursuant to what he said to the UN General Assembly which is the most authoritative declaration of the Duterte administration policy on the West Philippine Sea.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Well, you’re saying we should just ignore what he said last night given it’s the more recent statements?

SEC. ROQUE: Of course not.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Wouldn’t then possible na nagbago iyong isip niya?

SEC. ROQUE: Alam mo, sinagot na kita. You need to construe it kung ano iyong sinabi niya sa UN General Assembly dahil iyon na ang pinaka-authoritative and pinaka-comprehensive statement of his administration’s policy on the West Philippine Sea.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, Sir, why did he have to make that statement yesterday?

SEC. ROQUE: He was belaboring the point kasi nga paulit-ulit ang sinasabi ni Justice Carpio na hindi raw niya ginagawan ng paraan para ma-enforce. Eh paano mo nga i-enforce iyan, wala ngang mekanismo sa daigdig. Ang sinasabi ni Justice Carpio, pumunta ka sa UN. I have taught international [law] for 15 years and studied it as a specialty – talagang iyan po ang problema sa UN General Assembly. Minsan lang po na nagkaroon ng bisa iyong Uniting for Peace Resolution kung saan nagbuo po ng UN force for the former Congo despite the fact that it was not the Security Council that acted on it. At ang sabi ng ICJ, well, the Security Council has primary jurisdiction for the maintenance of international peace but does not have exclusive jurisdiction which the GA can also exercise.

But there’s only been instance it was done pursuant to the Uniting for Peace Resolution creating nga a peace keeping force for the Congo. Hindi na po naulit iyan. And all other resolutions of the UN General Assemblies are non-binding, except where they restate customary norms of international law.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, Sir, even if that will be the case, let’s say he was just airing his frustration last night, why does he have to make those personal insights known knowing that doing so might signal to China that his heart is not actually in the fight na he doesn’t really see value in The Hague ruling? So why can’t he just keep those thoughts to himself and maybe let the diplomats work with The Hague ruling instead of what sounds like undermining it? Like, hindi kasi klaro rin eh so he could also be misunderstood by China or by other countries. So why does he have to make these thoughts known knowing the consequences of those kinds of remarks?

SEC. ROQUE:  Pia, you asked the same question, I’ve answered. Same answer.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, Sir. Let’s move on, Sir, sana po to what the President said about arresting violators, iyong sa mask wearing. Sir, isn’t this too harsh especially when DOJ Secretary Guevarra earlier said that arresting quarantine violators, he’s recommending to just do community service for them instead of arresting them? Kasi sabi nga niya, mahirap ang buhay sa pandemya. So how come the President is backtracking or going against this? Isn’t this too harsh given nga the suffering that people are going through now?

SEC. ROQUE: Certainly not kasi bago mo mapagawa sila ng community service, kailangan ma-apprehend mo muna sila. And that’s what the President says, i-apprehend iyong mga lumalabag sa minimum health standards. Hindi pa po parusa iyon.

Now, ang konteksto po niyan, siyempre, may karapatan ang pulis na mag-apprehend kapag sila mismo ay nakakita o naging testigo sa paglabag ng batas or ordinansa. At ang paglabag sa ating mga minimum health protocols, dahil mayroon tayong ordinansang nagpapatupad niyan ay nagbibigay-daan para nga magkaroon ng outright apprehension, warrantless arrest dahil a crime was committed in the presence and with the full personal knowledge of the police officer.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But the President also said detain, arrest and detain violators

SEC. ROQUE: Well, because under the law, you can detain them until they are charged in court. If you detain them for more than 12 hours … 12 – 16 or 36 yata iyon ‘no, if you don’t charge them depending on whether or not it’s a light or medium or serious offense ay pupuwedeng makasuhan naman iyong pulis.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So iyong order po is to arrest, detain and then impose community service also on top of all of that?

SEC. ROQUE: Already answered ‘no – apprehend and mete out the proper penalty. But the penalty cannot be imposed without charging them. Okay?

PIA RAÑADA/RAPPLER: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia. Punta tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Mula kay Virgil Lopez ng GMA News Online. Iyong first question po niya nasagot ninyo na about iyong wearing of face mask.

The Food and Drug Administration said it has not received any information from the Presidential Security Group regarding the doses of Sinopharm vaccine the PSG received in 2020. Will the Palace order the PSG to supply the FDA with information to aid its investigation?

SEC. ROQUE: That’s not the role of the Palace. We have investigative agencies for that.

USEC. IGNACIO: Iyong third question po niya: The Saudi Press Agency has reported that President Duterte and Saudi Arabia’s crown prince, Mohammed Bin Salman, had a telephone conversation yesterday. Can the Palace confirm this? May we know the details of that phone call? Pareho po silang nagtanong ni Argyll ng Manila Bulletin.

SEC. ROQUE: Salamat po sa tanong kasi iyong unang tanong kung sino lang iyong kinausap ni Presidente. Sabi ko bakit walang nagtatanong kung ano ang pinag-usapan [laughs]. Anyway, alam naman po natin na ang Saudi Arabia po kasi ay nangunguna doon sa kampaniya na para baguhin iyong tinatawag na khalifa [kafala]. So ang pag-uusap po ay nakasentro doon kung paano po mapapalakas pa ang proteksiyon na ibibigay sa mga manggagawang Pilipino na nasa Saudi Arabia.

Bukod po doon, alam ninyo po iyong laban natin para mabago nga itong khalifa [kafala] system na ito, ito po ay parang modern-day civil rights movement. At siyempre po bagama’t aktibo ang Saudi Arabia dito, isa siguro sa pinakamalakas na sumusuporta dito sa mga initiative na ito ay ang Pilipinas dahil nga sa numero ng ating mga kababayan na nagtatrabaho po sa Saudi Arabia.

Pinag-usapan din po nila na sa panahon ng pandemya, kinakailangan magkaroon po talaga ng sistema na lahat po ng bansa sa daigdig, mahirap o mayaman, ay dapat magkaroon po ng bakuna dahil kung hindi naman po ligtas ang lahat, wala pong ligtas dito sa pandemyang ito.

So iyon po in gist ang mga napag-usapan po ng ating Presidente at ng Crown Prince po and Deputy Prime Minister ng Saudi Arabia.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate/Remate Online. May anim na biyahero, I think lima po ito. May limang biyahero mula sa India—

SEC. ROQUE: Wait, I’m sorry. I’m sorry, sabi ko khalifa – kafala system. Sorry, I stand corrected. Alam ninyo naman ako ‘no, sorry talagang iyong mga detalyeng iyan palagi akong nagkakamali.  Kafala system, okay.

Go ahead, Usec., please. Sorry for interrupting you.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online. Nakalagay dito, anim na biyahero pero kinorek po ito, lima po ito na biyahero mula po sa India ang dumating sa Pilipinas bago pa ipatupad ang mahigpit na border restrictions ang nagpositibo sa COVID-19. Dapat po bang ikaalarma ito ng publiko lalo pa’t matindi ang sitwasyong kinakaharap ng India ngayon laban sa double mutant COVID variant sa kanilang bansa?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, kasi bagama’t tinest sila, ang rule po ay talagang strict facility quarantine sila for 14 days. So kampante naman po tayo na dahil nga sina-subject sila to 14 days quarantine regardless of their PCR test ay mapipigilan po ang pagpasok ng Indian strain. Well, at least, gagawin po natin ang lahat ng hakbang para mapigilan o mapatagal ang pagpasok. Pero sa daigdig na ito po talaga, napakahirap gawin iyan ‘no. Dahil ang sabi nga po ni Dr. Rabi ng WHO, kinakailangan din nating tingnan iyong mga lugar na high traffic, ang bansang India at iyong mga karatig na bansa. At kung titingnan ninyo po iyong pattern ng mga biyahero, ang pinakamalakas na traffic po is between India and the Middle East. So iyan po ang ating problema kasi hindi naman natin mapigil iyong mga kababayan natin na babalik sa Pilipinas galing sa Middle East.

Kaya nga po ang sabi ko, it may not be an absolute guarantee na hindi makakapasok, pero we’re doing our best to contain it po.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Hindi naman po kaila sa lahat na nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19. Ano naman po ang gagawin ng gobyerno para naman po raw maibsan ang matinding init ng panahon dahilan naman po ng heat stroke ng mga mamamayan? May plano po bang magsagawa ng seed rain ang gobyerno?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po talaga, mahirap po talaga iyong tanong ‘no kasi hindi ko alam kung paano magkakaroon ng remedyo sa init ng panahon. Siguro po kasama na iyan doon sa adbokasiya ni Presidente na tawagin ang atensiyon ng daigdig dito sa climate change ‘no, sa global warming. At importante po na talagang makontrol ang ating mga carbon dioxide emission dahil ito po ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng extreme weather kagaya ng matinding pagkainit po.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.  Iyon lang po ang mga questions na natanggap natin.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Ay, tapos na pala! Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat kay DG Belgica. Sir, huwag po kayong magsasawa. Alam ko, isa kayo sa aming mga suki and congratulations for a job well done! At maraming salamat po sa ating mga kababayan na walang tigil na sumusubaybay sa ating press briefing. Maraming salamat din po sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabi: Pilipinas, malapit na ang bagong umaga. Matatapos din ang pandemyang ito.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

##