SEC. ROQUE: Maayong udto sa inyong tanan. [DIALECT] sa Davao City kung saan magkakaroon pong muli ng Talk to the People ang ating Presidente kasama po ang ilang mga miyembro ng IATF. Narito rin po tayo sa bagung-bagong Mindanao Media Hub ng PTV 4 na na-inaugurate lang po ni Mayor Sara Duterte noong buwan ng Marso. Napakaganda po nito at talagang napaka-impressive po.
Muling nagsalita na naman po si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na handa raw siyang makipagdebate sinumang i-designate ni Presidente tungkol sa ayon sa kaniya factual claim and adverse legal implications of the President’s repeated claim that China is in possession of the West Philippine Sea.
Well, alam ninyo po, speaking of factual accuracy, ano ba ho ang totoo at ang tama? Alam ninyo po, ang katotohanan, doon sa mga pagdedebatihan ay nagpapakita na ayaw talagang magdebate ni Justice Antonio Carpio. Bakit po? Kung matatandaan ninyo, ang gusto niyang debatihan, wala raw siyang kinalaman doon sa pagpapaalis mga sundalo noong mga panahon na mayroon tayong standoff sa Scarborough Shoal. Eh bakit, sino ba hong nagsabing mayroon siyang kinalaman doon? Makikipagdebate siya sa sinabi na hindi naman sinabi ni Presidente. Mamaya-maya po babasahin natin iyong transcript.
Eh ngayon naman ang gusto niyang pagdebatihan ay iyong China daw ang mayroong control sa West Philippine Sea. Alam ninyo po, napakalawak niyang West Philippine Sea na iyan, talaga pong wala naman kahit sinong makapagsasabi na isang tao lang o isang bayan lang ang naka-control diyan ‘no.
Sa laki po ng West Philippine Sea o iyong South China Sea eh iba-iba po ang mga claimants diyan pero wala pong limang claimants sa iisang West Philippine Sea. Depende kung nasaan kayo ay mayroon pong dalawang claimants diyan. Ang problema po ay iyong konteksto ng mga sinasabi ni Presidente doon sa kaniyang mga Talk to the People, iyong pagpapaalis ng mga sundalo na naging dahilan na nagkaroon ng possession ang Tsina ay doon po sa Scarborough Shoal. Paulit-ulit po iyang sinasabi ng ating Presidente na ang nagpaalis sa ating mga kasundaluhan, sa ating Coast Guard noong panahon ng standoff ay walang iba kung hindi si dating Secretary Albert del Rosario.
Now, tingnan po natin ha, ano ba talaga ang mismong nanggaling sa bibig ng retiradong Mahistrado, and I quote, “It is pointless to debate about Scarborough Shoal and Mischief Reef.” Dagdag pa niya, “There is no factual debate that China seized Scarborough Shoal during the Aquino administration and Mischief Reef during the Ramos administration.” Ano pong ibig sabihin nito? Inamin na po ni Mr. Carpio, si Atty. Carpio, na nawala sa possession ng Pilipinas ang Scarborough at Mischief Reef bago pa man umupo bilang Presidente ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Tama si Attorney Carpio na pointless na pagdebatihan ito dahil sa kaniyang pag-aamin. Pero ang punto po ng Presidente, huwag ninyong sasabihin na siya ang namimigay ng teritoryo dahil hindi po iyan nangyari sa kaniyang administrasyon. Tapos na po ang boksing, sabi nga. Ang tanong: Sa halos limang taon ng administrasyong Duterte, may nawala bang isla ang Pilipinas? Ang sagot, wala! Sa administrasyong Duterte tayo ang nagpapalayas tulad nang nangyari sa Sabina Shoal, west of Palawan; malayung-malayo sa nakaraan.
Ito ang sinasabi na kahit isang pulgada ay walang mawawala sa teritoryo ng Pilipinas habang ang namumuno ay si Presidente Duterte. Pero malinaw na lumiit ang scope ng ating internal waters, in fact, nawala ang ating internal waters at napakalaking nawalang territorial seas dahil nga po sa isang batas, RA 5446 na idineklarang naaayon sa Konstitusyon sa isang desisyon na mismong si Atty. Carpio ang sumulat nang siya ay nasa Korte Suprema. Siguro po nalilito lang po si Justice Carpio. [Garbled] Albert del Rosario ang dahilan kung bakit nawala sa ating ang Scarborough, dating Associate Justice Carpio naman ang dahilan kung bakit nawala sa atin ang ating internal waters at ang ating territorial seas. At ang naging justification pa ni dating Justice Carpio na doon sa kaniyang desisyon sa kaso ng Magallona vs. Executive Secretary ay kinakailangan daw talaga natin itong mga baselines na ito para lumakas iyong ating claim sa pinag-aawayang mga isla.
Well, ano po ang sabi ng Arbitral Tribunal ‘no? Pati po iyong probisyon ng batas na archipelagic baselines law kung saan diumano ay ginagawang bahagi ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Islands ay mali at hindi raw ito sang-ayon sa UN Convention on the Law of the Sea.
Sa sinasabi ni Mr. Carpio na nagsisinungaling ang Pangulo at kailangan nitong mag-resign to keep his word of honor, well, wishful thinking po iyan ‘no. Ang hamon ng pagbibitiw ay nag-ugat sa sinabi raw ni Presidente na may kinalaman ang dating Justice sa withdrawal ng Philippine Navy sa West Philippine Sea. Sabi ni Mr. Carpio, “I was never involved in the decision to withdraw Philippine Navy ships from the West Philippine Sea during the 2012 Scarborough standoff.” Eh wala naman pong ganoong sinabi ang Presidente. Naghahamon ng debate ang subject matter, hindi naman po binanggit ng Presidente eh bakit makikipagdebate sa kaniya na mali ang subject matter.
Balikan po natin ang transcript ng huling dalawang Talk to the People address ng Pangulo. Noong May 5 Talk to the People address, sinabi ni Presidente, and I quote, “So nag-atras tayo. Tayo umatras because Albert called maybe the ships, ordered it to withdraw.” Malinaw na hindi binanggit ni Pangulo ang pangalan ni Atty. Carpio.
Na-mention ang pangalan ng dating mahistrado nang sinabi ng Pangulo, and I quote, “Itong Carpio naman, sulat nang sulat ng mga desisyon. Mga dalawa o tatlong tanong ko, sino ang nagpa-retreat at ano ang ginawa ninyo after the retreat? Nag-file ng kaso muli.” Malinaw na ang tinutukoy ni Presidente na ang may kinalaman sa pag-atras ng ating Navy ay si dating Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario, hindi si dating Justice Antonio Carpio. Nasaan ang nagsisinungaling ang Presidente? Pero siyempre po alam namin, bilang pangulo ng bagong partido eh siyempre gusto ni Justice Carpio na mag-resign ang Presidente dahil gusto niya iyong kakampi niya ang makaupo, para sa eleksiyon ay may tiyansa iyong mga kandidato niya kung hindi siya mismo.
Balikan naman natin po ang May 3 talk to the People address. Ito ang sinabi ni Presidente and I quote: “Para sa akin, iyong taong nagpapasok sa China Sea, ang lahat na, including ang West Philippine Sea, ang mga taong nagpapasok sila at iyon ang nagpapasok kasi umatras ang Pilipinas at pumasok upon orders.” It was the order as a matter of fact of Albert. Sad to say that he never got the permission from the President at that time, President Aquino.
Malinaw pa rin sa sikat ng araw na hindi po si Mr. Carpio ang sinisisi ni Presidente sa pag-withdraw ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal at malinaw din po na bagamat ang binanggit ng Presidente is that China is in possession of West Philippine Sea, ang tinutukoy niya ay iyong pag-atras ng ating Navy doon sa ating Scarborough Shoal at ito nga pong Scarborough Shoal ay nawala na ang possession sa atin.
Okay. Sa susunod po siguro ay ipapakita ko sa inyo iyong larawan ng Scarborough Shoal para alam ninyo kung ano talaga itong pinag-uusapan natin. Pangako ko po, siguro bukas po ipapakita ko sa inyo ang Scarborough Shoal.
Sa usaping bakuna naman po, mayroon tayong mga mabuting balita. Ang first good news, sunod-sunod na po ang pagdating ng mga bakuna. May 7, Biyernes, dumating ang isa’t kalahating milyong doses ng Sinovac vaccine mula Tsina. May 8, Sabado, nasa higit 2 milyong doses naman po ng AstraZeneca ang dumating mula sa COVAX Facility at inaasahan din natin na darating naman ngayong araw, May 10, ang nasa 193,000 doses ng unang batch ng bakuna mula po sa Pfizer.
Kaugnay nito, habang dumarami ang supply ng bakuna ay lalong tataas ang matuturukan. Sa ngayon, nasa 2,395,494 ang na-administer na COVID-19 vaccine as of May 8, 6 P.M. ayon sa datos ng DOH. Sa bilang na ito, pinakamarami pa rin siyempre ang A1 front-liners na nasa 1,508,146. Pangalawa na po ang Pilipinas sa bilang ng may pinakamataas na naturukan ng bakuna laban sa coronavirus. That is our second good news.
COVID-19 updates naman po tayo. Mayroon tayong nai-report na 7,174 na mga bagong kaso kahapon ayon sa DOH May 9 COVID-19 case bulletin. Suma total, mayroon na tayong 61, 294 na mga aktibong kaso.
Ang third good news, lampas isang milyon na or 1,022,224 ang suma total ng mga gumagaling.
Ang fourth good news, pangatlo ang Pilipinas sa ASEAN COVID-19 recovery rate at 92.76% sa Singapore at Brunei as of May 9, 2021 ayon sa global COVID-19 statistics ng Worldmeter. Nagpapasalamat tayo sa ating mga medical front-liners at siyempre, nagpapasalamat tayo sa kooperasyon ng lahat sa pagma-mask, hugas, at iwas.
Samantala, nasa 18,472 naman po ang bilang ng mga nasawi; nasa 1.68% po ang porsiyento ng mga namatay, nakikiramay po kami.
Kumustahin naman natin ang ating mga ospital, tingnan po natin ang ating infographic ‘no. Patuloy po na bumababa ang active COVID cases. Huwag na natin hayaang masayang ito pati na ang improvement sa ating hospital utilization rate.
Kahapon ay nakita natin na ilan sa ating mga kababayan ay nagkumpulan para mag-swimming. Naku, bawal pa po ang mass gathering sa NCR plus, nasa ilalim pa po kasi tayo ng MECQ. Now, ayon sa huling balita, pinapakasuhan ng Caloocan Mayor Oscar Malapitan ang pamunuan ng Gubat sa Ciudad kasama na ang barangay na nagpabaya sa tungkulin.
Naiintindihan po natin na mainit ang panahon at marami ang sabik maligo, lumangoy at magpalamig ngunit hindi naman dapat ito maging dahilan para hindi natin sundin ang guidelines. Uulitin ko po, bawal pa po ang pagtitipon-tipon, ganito ang nangyari sa India. Huwag natin hayaang mangyari ito sa mahal nating bayan.
Well, balik po tayo sa ating infographic. Isa-isahin po natin iyong ating availability ng health care facilities.
[Pakibalik lang po iyong ating infographics, please. Iyong ating health care utilization rate—paki balik lang po sa power point at saka iyong COVID cases natin. Kaya ba hong ibalik? Hintayin lang po natin ano. Oo, iyong COVID-19 po at saka iyong health care utilization rate.]
Well, anyway, habang hinihintay po natin iyan pumunta na muna tayo sa ating open forum—Ayan! Okay.
Ang tanong po natin kanina eh sapat pa ba ho ang ating mga kama sa ating mga ospital? Ang mabuting balita nga po ay tingnan ninyo po sa NCR, 68% na lamang ang utilized na ICU, so, siya po ay nasa moderate na. 46% naman po ang utilized na isolation beds; 51% po ang utilized na ward beds; at 51% po ang utilized na ventilators.
Sa buong Pilipinas po, 62% na lamang po ang utilized na ICU beds; 44% ang utilized na isolation beds; 49% ang utilized na war beds; at 42% ang utilized na ventilators.
Dito po nagtatapos ang ating briefing, pumunta na po tayo sa ating open forum.
Usec. Rocky.
Pero bago po tayo pumunta sa open forum, kay retired Justice Antonio Carpio [inaudible] matuloy ang aating debate. Pero ang pag-usapan natin [inaudible] palagi ninyong sinasabi na iyong polisiya ng Pangulo na pagiging kaibigan sa lahat at wala tayong kalaban ay nagdulot ‘di-umano sa nawawalang teritoryo o hindi naman kaya po ang pag-surrender ng ating soberenya.
Iyan po ang pagdebatihan, kasi malinaw naman po na walang kahit anong teritoryong nawala sa administrasyon ni Presidente Duterte. Bakit walang tigil ang pagsasabi ninyo na ang Presidente ng Pilipinas ngayon, Presidente Duterte, ang siyang dahilan kung bakit nawawala ang soberenya natin diyan sa pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea? Iyon po talaga dapat ang pagdebatihan. Kapag pinipilit ninyo po iyong gusto ninyong pagdebatihan na hindi naman sinabi ng Presidente eh para baga hong talagang [inaudible] magdebate.
[Inaudible] kung bakit natin binibigyan ng halaga ang karapatan ng malayang pananalita? Dahil nga po sa mga pagdedebate diyan po natin nalalaman kung ano ang katotohanan, kung sino talaga ang nagsisinungaling, kung sino ang namumulitika lamang. I look forward to debating with you, retired Justice Antonio Carpio.
Okay! Punta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Ang unang tanong mula po kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na nagkaroon sana ng magandang diskurso sa publiko kung natuloy ang debate sa pagitan Pangulong Duterte at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio patungkol sa isyu sa West Philippine Sea. Bukod kay VP, marami ang nadismaya na hindi natuloy ang one on one debate.
SEC. ROQUE: Ang importante po debate, VP. So, kung papayag po si retired Justice Antonio Carpio, magdebate po kami. Mayroon bang polisiya ang ating Presidenteng Duterte na namimigay ng teritoryo sa Tsina, dahil ang pag-amin nga po ni Justice Carpio at nawala ang Scarborough Shoal sa administrasyon ni Presidente Aquino dahil nga po sa mga order na ginawa ng dating Secretary of Foreign Affairs Albert Del Rosario.
So pagdebatehan po natin iyon, kung talagang ayaw ni Associate Justice na makipagdebate sa ordinaryong abogado kagaya ko dahil siya ay retiradong mahistrado ng Supreme Court. Tayo po magdebate po tayo, kasi gaya ng sinasabi ni Associate Justice Carpio, wala pong tigil ang pagsabi ninyo na namimigay ng teritoryo ang Presidente. Once and for all, mayroong dapat tumayo sa hanay ng oposisyon para magdebate kung talagang ang Presidente Duterte ang namimigay ng teritoryo sa Tsina or kung ibang mga administrasyon iyan. Iyan po ang importanteng pag-usapan dahil paulit-ulit po ninyong sinasabi na ang polisiya, ang independent foreign policy ng ating Pangulo ay surrender ng soberenya natin.
Ipakita po natin sa taumbayan sa pamamagitan ng debate, paano masu-surrender ang soberenya ng Pilipinas na wala naman pong nawawalang teritoryo sa administrasyon ni Presidente Duterte.
USEC. IGNACIO: Reaksiyon na kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo at sinabi na pinalalabas raw ninyo, ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na si Carpio ang naghamon sa Pangulo na ang totoo naman ay si Pangulong Duterte ang naghamon. May ilang memes din sa social media na tila si Carpio ang umatras sa debate.
SEC. ROQUE: Kasi nga po ang hamon ni Presidente magdebate tayo kung sa administrasyon ko nawalan ng teritoryo ang Pilipinas o hindi. Iyon po ang topic, ito namang si Justice Carpio, ang ginawang topic kung mayroon siyang kinalaman sa pagkawala ng Scarborough Shoal. Eh bakit naman makikipagdebate iyong Presidente doon sa personal involvement niya ano. Doon po tayo sa isyu: Sino ang namigay, sino ang nawalan ng teritoryo, administrasyon ba ni Presidente Duterte o ibang administrasyon?
USEC. IGNACIO: Question from Joee Guilas ng PTV: May pag-asa ba na mag-ECQ na sa May 15? And may follow up po si Einjhel Ronquillo, reaksiyon daw po ng Palace sa pahayag ng OCTA Research na dapat ay mayroon pong two weeks or one week pa rin pong MECQ at dapat daw po ay mabakunahan muna ang mga nasa NCR bago makamit ang herd Immunity.
SEC. ROQUE: Nirerespeto po namin ang mga rekomendasyon ng OCTA. Pero ni minsan po hindi kami nagdedesisyon base sa rekomendasyon ng OCTA. Dahil ang datos naman po nila galing din sa DOH, ang lahat po ng desisyon ng IATF upon recommendation ng mga experts na kasama po natin sa IATF, kasama na po iyong mga eksperto na nasa DOH.
So wala pa pong desisyon, ang desisyon po talaga is a collegial decision, pero kung ia-apply po natin iyong formula, tingnan po ninyo nasa moderate na iyong ating health care utilization rate. Tapos iyong ating attack rate eh bumababa na rin po, iyong ating R0 less than one na po ‘no. Ang importante po makamit natin ang total health, kasi kung ang iiwasan lang iiwasan lang po natin ay iyong mga magkakasakit sa COVID o mamamatay sa COVID mas marami po kasi ang posibleng maghirap dahil sa kahirapan habang tayo po ay nakasarado ang ekonomiya.
Uulitin ko po, maraming salamat po sa OCTA Research sa inyong mga rekomendasyon pero ang katotohanan po ang pinakikinggan talaga eksperto ng DOH. At sana po maintindihan ninyo iyan dahil hindi lang po DOH ang nagbibigay ng recommendation, it’s an entire government approach po. So pati po iyong mga economist ng NEDA pinakikinggan natin dahil sila po ang nagsasabi na sa cost benefit analysis, in the end baka mas marami pong mamatay sa gutom o mas marami pang mahirapan dahil po sa pagkagutom kapag pinahaba po natin ang lockdown.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Susunod po si Mela Lesmoras ng PTV.
MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Napakaganda ng Mindanao Media Hub ninyo dito sa PTV 4 ha baka dapat makita ninyo ito at gawin rin ninyong ganito ang PTV studio sa Manila.
MELA LESMORAS/PTV: Opo, unahin ko lang, Secretary Roque, since nandiyan po kayo sa Davao City. Diyan na rin po ba ia-announce ni Pangulong Duterte iyong bagong quarantine classifications o kung hindi man po ay kailan po kaya ito iaanunsyo lalo na at hanggang May 14 effective iyong MECQ sa NCR Plus?
SEC. ROQUE: Well, sigurado po ia-announce niya iyong bagong quarantine classifications bago po mag May 15; dahil nga May 14 iyong last day ‘no. Pero tingin ko po, hindi pa pupuwede kasi wala pa po iyong rekomendasyon ng IATF sa kanya, hindi pa po nagpupulong ang IATF para po sa final recommendation on quarantine classifications.
MELA LESMORAS/PTV: Opo, and my question lang, Secretary Roque kasi nabanggit nga po ninyo na darating tonight iyong Pfizer, ibig sabihin po ba nito hindi sasalubong si Pangulong Duterte sa pagdating ng Pfizer. At can you just give us little background gaano po ba ito karami at kani-kanino po, saan-saang lugar po ilalaan?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng binasa ko po kanina, ang darating po mamaya ay… to be accurate, basahin ko na lang po 193,000 doses ng unang batch ng bakuna mula po sa Pfizer at ito po ay galing sa COVAX Facility. So muli po tayong nagpapasalamat sa mga bansa na nag-donate ng pondo para makakuha po tayo ng mga bakuna galing sa COVAX Facility at sa Gavi. So ito po dahil nga po -20 ito po ay ipamimigay doon sa mga lugar na mayroong kakayahang mag-handle ng -20. Ito po ay sa Metro Manila, sa Cebu at sa Davao. Pero gaya ng aking sinabi kanina, napakadami na po nating iba pang mga bakuna, so huwag po kayong mag-alala, magkakaroon po tayo ng bakuna para sa lahat.
MELA LESMORAS/PTV: Secretary Roque, about naman sa quarantine protocols, follow up lang po doon sa nabanggit ninyong incident sa Caloocan. Sa tingin ninyo, sir, paano po kaya nangyayari iyong ganitong incidents lalo na MECQ pa iyong Caloocan, is there a gap po sa communications, sa mga order ni Pangulong Duterte at ano po kaya iyong kumbaga pananagutan ng LGU dito lalo na po iyong barangay na nakakasakop sa lugar?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, sinabi na po ni Mayor Along na paiimbestigahan niya ito at parurusahan niya at parang pinasarado na nga niya iyang resort na iyan. So nakita naman po natin na umakto naman po ang lokal na pamahalaan ng Caloocan noong naipagbigay-alam sa kanila itong mga pangyayaring ito; siyempre po MECQ bawal po ang turismo at bawal iyong mga pagtitipon-tipon.
So iwan na lang po natin doon, dahil talaga naman ang pagpapataw ng parusa ay nasa kamay naman po iyan ng lokal na pamahalaan.
Pero ang ating mensahe sa taumbayan: May nakita rin po tayong ganiyang pagtipun-tipon doon sa India, iyong sila po ay naligo doon sa isang hindi ko ba alam parang ilog iyon ano, eh tingnan po ninyo ang nangyari ngayon sa India, disaster po. Sana po kung nais nating maiwasan iyong disaster na nangyari sa India, eh huwag po nating gayahin.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Rose Novenario of Hataw: Reaksiyon daw po sa tila panghihimasok PHILRECA Party-List group sa trabaho ng National Electrification Administration na pagtatalaga sa General manager ng Benguet Electric Cooperative o BENECO kahit dumaan sa proseso ang rekomendado ng Board of Administration ng NEA, Secretary.
SEC. ROQUE: Naku, hindi ko po alam kung talagang nanghihimasok iyong party list, pero ang aking panawagan po sa mga electric cooperatives, mayroon pong proseso na sinusunod at doon sa proseso po mayroong isang mas malaking body na nagno-nominate po kung sino ang maa-appoint na mga members ng Board of Directors at nakaupo naman po diyan ang representante ng ating Pangulo na Secretary of energy, si Secretary Cusi. Ang panawagan lang po natin eh lahat naman po ng mga korporasyon na may kinalaman ang gobyerno, lalung-lalo na iyong under regulation ng gobyerno, eh dapat naman po sinusunod ang proseso kasi importante po iyong pananagutan. At kung dumaan naman po sa proseso, walang kahit sino na dapat maging hadlang para mapatupad ang tamang proseso.
Nabasa ko lang po sa diyaryo, sa pahayagan na mayroong isa na talagang napakataas ng score na nakuha – 90 plus ‘no. Opo, kilala ko po siya, kasama po natin siya sa government communications, si Asec. Rafael. Pero since ganiyan naman po ang naging resulta ng proseso, dapat naman po igalang.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Puwede bang hilingin ng Palasyo na isailalim sa special audit ng NEA ang electric cooperative sa ilalim nito upang mabatid kung may mga anomalya na posibleng nais ikubli?
SEC. ROQUE: Well, siguro po kapag na-appoint po iyong nirekomenda sa board of directors ng BENECO ay mangyayari po iyan kasi si Atty. Rafael po na ngayon ay isang assistant secretary ng PCOO ay isang abogado at dating special investigator ng Ombudsman. So kung mayroon pong kababalaghan diyan sa BENECO eh siguradong lalabas po iyan, at sana hindi naman ito ang dahilan kung bakit mayroong mga humaharang sa kaniya.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: In-accept na kaya ni President Duterte ang resignation ni Nayong Pilipino Executive Director Lucille Karen Malilong-Isberto? If yes, itutuloy na kaya ang construction ng mega vaccination center in the Nayong Pilipino sa Parañaque?
SEC. ROQUE: Wala po akong balita kung in-accept ang resignation. Pero ang panawagan po natin sa board ng Nayong Pilipino, lahat po ng GOCC ay nasa ilalim pa rin ng supervision ng ating Presidente. At sana naman ang mga desisyon nila ay huwag kukontra doon sa napakahalagang misyong na pangalagaan Ang buhay ng ating mga kababayan. Iyong pagtatayo po ng mega vaccination facility diyan sa Nayong Pilipino, iyan po ay pursuant to inherent police powers ng ating Presidente, at iyan naman po ay para itaguyod ang karapatan ng kalusugan ng lahat.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Susunod pong magtatanong, si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary. Good afternoon and nice to see you in Davao.
Can you please update us doon sa vaccine rollout kung papaano na, sapagka’t milyun-milyon na po iyong dumating? Ano po ang sistema ng pamamahagi nito according to regions sa ngayon?
SEC. ROQUE: Well, I think in the last appearance of Secretary Galvez here, hindi nga lang po siya makadalo rito dahil mayroon din siyang meeting as head of his office. Sinabi po niya na mayroon na pong agreement o strategy na uunahin natin iyong mga areas na matataas po ang insidente ng COVID. So nandiyan po iyong Metro Manila plus iyong mga karatig na probinsiya. Nandiyan din po ang Metro Cebu, nandiyan din po ang Davao at down the list, depende po kung ano ang sitwasyon ng COVID.
It makes sense po dahil siyempre hindi pa naman dumarating ang lahat ng bakuna na kinakailangan natin. Pero kung mapapababa po natin ang mga incidence ng COVID doon sa lugar na talagang mataas ang numero eh nationally, bababa rin po ang ating mga figures.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Secretary, ano po ang katuturan at magtatayo pa ng ospital para sa OFWs? Mayroon po kasing Veterans Memorial Medical Center para sa mga beterano, pero may mga pagamutan sa mga lalawigan na mayroong nakalaang mga kama para sa mga beterano. Baka pupuwedeng ganoon na lang iyong set-up sa halip na magkaroon pa ng OFW hospital nang mapalakas na lang natin iyong existing health facilities natin ngayon?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, iyong pagtatayo po ng OWWA hospital ay isang hakbang para nga po mapalakas ang ating health care capacity. Unang-una, hindi lang po ito plano; this is now under construction – nasa third floor na po sila. At nandoon po ako, kasama ni Secretary Bello doon sa inauguration. Naroon din po ang PAGCOR na donor at saka nandoon din po iyong Bloomberg na also a donor to it.
So ito naman po, halos lahat ng pondo ay donated at ito naman po ay pagkilala doon sa pagkabayani ng ating mga Overseas Filipino Workers. Pero at the time of COVID, alam ninyo ba ho, kinakailangan pa natin ng 52,000 beds, sa totoo lang po, para tayo po ay talagang masabi na malakas ang ating health care capacity.
So ito naman po ay welcome development dahil this is a, if I’m not mistaken, 200 additional hospital beds po sa panahon ng pandemya. Sana nga po matapos kaagad para mas maparami pa iyong mga kama natin na gagamitin sa mga COVID patients.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Hindi po kaya mangangailangan ito ng paglalaan ng dagdag na pondo para sa MOOE sapagka’t samantalang may donasyon, pagkatapos ng inagurasyon, kailangan muna ng MOOE?
SEC. ROQUE: Kailangan po iyan. Lalagyan po natin ng budget iyan. Sa ngayon nga po, dito sa Metro Manila, ‘di ba tayo po ay nagmamadali na magpatayo ng mga modular hospitals. So iyan po ay quick solution. Pero ang permanent long-term solution, iyang pagpapatayo po ng additional hospitals; at iyan naman po ang ginagawa natin.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Paki-update na lang po ako doon sa naganap sa Datu Paglas noong Sabado. Ano po bang istorya doon?
SEC. ROQUE: Nakausap ko po diyan si Secretary Delfin Lorenzana na kasabay kong magpunta rito. Ang istorya po diyan ay nag-retreat po iyong mga armadong manlalaban ng BIFF at doon po sila nagpunta sa bayan na iyan. Pero hindi naman po sila nagtagal ‘no, oras lang po ang tinagal nila at sila naman po ay napaalis din ng ating mga tropa sa hanay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
So nagkaroon po ng putukan, nag-retreat ang kalaban, at hindi naman po nagtagal doon at umalis din.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, dahil nabalita ko rin na magkakamag-anak iyong nasa BIFF at iyong doon sa panig ng MILF kaya hindi magkakaroon ng matagalang putukan dahil magkakamag-anak.
SEC. ROQUE: Well, posible po iyan dahil iyong ating involvement nga po sa Maguindanao massacre prosecution ‘no, iyon po ang problema. [Laughs] Magkakamag-anak ang lahat diyan sa lugar na iyan kaya maski mayroon isang wanted, dahil nga sa Maguindanao massacre, nagtatago sa MI, nagtatago sa BIFF, napakahirap po dahil blood is thicker than water.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po, Secretary. All the best. Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. From Leila Salaverria of Inquirer: As someone who had been given Remdesivir during his COVID-19 treatment, what do you think of the call of two lawmakers saying that the Department of Health should stop using and importing Remdesivir after the WHO rejected it for the treatment of the coronavirus disease?
SEC. ROQUE: Nagulat po ako diyan dahil ang totoo po, nagpaalam na ako sa daigdig na ito noong pangatlong araw ng aking pagkakasakit. Ganoon po kasama iyong aking pakiramdam. Pero noong binigyan po ako ng dalawang dosage ng Remdesivir, pang-apat na araw ay nakatayo na po ako. Hindi po full-blown press brief ang ginawa ko noon pero kung maalala ninyo noong araw ng linggo, binasa ko na iyong quarantine classification. So ganoon po kabilis ang aking recovery after two dosages of Remdesivir.
Anyway, hindi lang naman po WHO ang tinitingnan natin. Tinitingnan din po natin talaga iyong actual clinical trials na ginagawa on Remdesivir. Pero dahil ang tanong naman po sa aking personal na karanasan, iyon po ang karanasan ko: Matapos akong bigyan ng dalawang vials ng Remdesivir, nakatayo na po ako. Samantalang bago ako bigyan ng Remdesivir, akala ko po ay papunta na ako sa langit – iyon po ang katotohanan.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: What is the administration’s policy about the purchase of drugs for COVID treatment where these have no approval from the WHO?
SEC. ROQUE: Well, hindi naman po requirement ang WHO approval. Ang importante po ay iyong EUA or compassionate special permit na iniisyu ng ating Food and Drug Administration (FDA). So iyon po ang tinitingnan natin. Kung mayroon pong EUA or CSP issued by the WHO, iyan po ay magpapabilis lang ng proseso ng pagbigay din ng EUA. Pero hindi naman po iyan conclusive sa ating FDA. At sa katunayan, may mga ilang droga na tayo na po ang nagko-conduct ng clinical studies na pinupondohan pa ng ating gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. I’m sorry, Secretary, medyo kasi magulo iyong linya na naririnig ko sa kabilang linya. Ang pangatlo pong tanong niya: Could you provide us an update on the President’s order to return the donated Sinopharm doses? Have these been sent back? And what did China say to the government about the President’s decision?
SEC. ROQUE: Hindi pa po, sa aking pagkakaalam ‘no, kasi kakabigay lang naman ng order ng Presidente at kinakailangan ayusin ang logistics diyan. Pero alam naman po natin na over the weekend nag-issue po ng EUA ang WHO at nagsalita na rin po ang ating Kalihim ng Department of Health na ang DOH na mismo ang mag-a-apply ng EUA sa bisa nga po ng EUA na inisyu rin ng WHO. So, sa tingin ko puwede naman pong mabilisan ang proseso dahil po sa WHO pronouncement on Sinopharm baka mapabilis rin po ang pag-issue ng EUA sa Sinopharm dito sa ating bayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang fourth question po niya: Last Thursday daw po you said there’s only so much the President can regarding The Hague ruling and that he doesn’t have to do anything because the award speaks for itself. Is the President’s assertion of the ruling before the United Nation General Assembly last year going to be the extent of his action about this?
SEC. ROQUE: Isa po iyon ‘no na opsyon natin at actually ang hamon nga natin kung mayroon pa silang naiisip na ibang pamamaraan, pakinggan natin. Pero iyong sinasabi ni Justice Carpio na General Assembly, hindi po iyan uubra; non-binding po ang General Assembly Resolution unless it is evidence of a customary norm.
Ang importante po eh doon sana sa Security Council, doon pupuwedeng magkaroon ng non-military at saka military options to implement iyong mga desisyon that will prevent threats to international peace. Pero ang requirement po sa Security Council eh lahat ng mga permanent members na may veto ay sasang-ayon, eh paano naman sasang-ayon ang Tsina sa isang resolusyon na magpapataw ng military options laban sa sarili niyang bayan ‘no.
So, iyon po ang ating quandary at iyon po iyong sinasabi ni Presidente na it could be a paper victory. Pero sa akin nga po, long term, iyong existence of the decision under international law is the form of enforcement kasi nga po sa totoo naman, wala namang bansa na nais na mabansagan ng isang lumalabag sa international law. So, kung pakikinggan ninyo po ang Tsina, hindi niya aaminin na lumalabag siya sa international law, ang sinasabi niya, sang-ayon sa international law ang kaniyang asta samantalang mayroon na ngang ganiyang desisyon.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong si Triciah Terada ng CNN Philippines.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox Harry! Sir, just a follow-up lang din po doon sa kay former Justice Carpio na he said that the President’s action in the West Philippine Sea issue is considered a betrayal of public trust and a betrayal of national interest and ito pong mga bagay daw na ito constitute an impeachable offense although he also said na it won’t prosper dahil nga po numbers game naman ang impeachment. Any reaction po from Malacañang on this?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, ang taong bago sa pulitika sasabihin ang lahat para mapansin and this is yet another instance of Justice Carpio saying things just for the attention.
Himay-himayin po natin iyan: Bakit betrayal of public trust? Mayroon bang nawalang teritoryo sa administrasyon ni Presidente Duterte? Wala!
Mayroon ba siyang ibinigay na teritoryo sa Tsina? Wala!
Kung ang sinasabi niyang betrayal of public trust eh iyong polisiya niya na isantabi ang hindi pupuwedeng mapagkasunduan at isulong iyong mga bagay-bagay gaya ng kalakalan at pamumuhunan habang hindi pa nareresolba itong territorial dispute ay impeachable offense, ang totoo niyan, it’s not just because it’s a numbers game, it is because it is utterly bereft of merit because the President is the sole architect, primary architect of foreign policy.
Kung mayroon pong nilalabag ang Presidente sa Saligang Batas, mayroon pong remedyo, pumunta doon sa hukuman kung saan siya umupo bilang associate justice dahil ako po ang naghain noong kaso noong panahon na ini-impeach si Chief Justice [garbled] which for the first recognized iyong tinatawag na citizen standing that ang mga ordinaryong mga mamamayan kapag mayroon nalalabag sa probisyon ng Saligang Batas ay pupuwedeng magdemanda.
Hindi lang po impeachment ang remedy. Huwag po nating linlangin ang taumbayan, puwede po kayong magdemanda sa hukuman kung saan kayo umupo na napakatagal na panahon, kung sa tingin ninyo mayroon talagang nilalabag na probisyon ng Saligang Batas ang Presidente. Iyan po ang hamon ko. File the suit pursuant to your standing as a citizen.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Spox, just on the community quarantine classifications. Since nabanggit ninyo nga po kanina, I’ll just press on that, iyong formula on the factors that we’re considering. So, we’re seeing 68% ICU occupancy in Metro Manila, that’s moderate; 46% isolation, that’s also moderate for Metro Manila. Sir, does this mean malaki po iyong possibility that we shift to GCQ after May 14?
SEC. ROQUE: Hindi ko po—I will not second guess po the IATF but pursuant to the formula, it is possible. Again, the final decision rest with the IATF.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right, sir. Sir, but if the situation continues to improve and iyon nga po with the direction that IATF is moving considering all the factors, if for example, sir, we ease the lockdown, is the IATF also considering maintaining the strict border controls, the travel bans? Kasi, sir, for example sa United Kingdom although they eased restrictions parang minintain po nila iyong strict border control dahil nga po sa pagkalat ng new variants. Is the IATF looking into that as well?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, ang tingin ko kahit anong classification ang irekomenda ng IATF, hindi pa po tayo magbubukas ng ating borders. Bawal pa rin po ang turismo at tanging ilang mga dayuhan lamang na mayroon pong mga investors visa ang papayagang pumasok. So, hindi po magbabago iyan, our borders will remain closed lalung-lalo na po doon sa mga bansa gaya ng India, Pakistan, na kailan lang po ay nag-impose ng absolutely no entry policy.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So, sir, there’s also a possibility na ma-extend pa iyong ban with our current situation?
SEC. ROQUE: Opo, opo. As far as our borders are concerned, I think worldwide ang tendency or ang phenomena is to continue with the travel ban dahil nga po dito sa double variants na nanggagaling po sa India.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox.
SEC. ROQUE: Salamat, Trish. Let’s go back to USec. Rocky. please.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Tanong mula kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Reaction on retired Supreme Court Senior Associate Justice saying the President’s statement that the Arbitral Tribunal ruling is just a mere scrap of paper is dangerous because it can bind the Philippines to this if accepted by China based on the Unilateral Declaration Doctrine of International law.
SEC. ROQUE: Mali po kayo. Unang-una, laos na po iyong view na ang Unilateral Act is a source of international law, laos na po iyan. Ang kinikilala po is Estoppel. Now, how can we be in estoppels eh ang sinabi lang ni Presidente “it’s a piece of paper” dahil nga po walang enforcement mechanism ang international law lalung-lalo na ang mga bilateral arbitration.
Alam ninyo po, iyong mga arbitration between states, iyon iyong problema diyan. Iyong mga arbitration nga between a state and an investor mayroon po tayong mga treaties na mayroong enforcement machinery kapag hindi nagbayad ang isang estado sa isang foreign investor. Pupuwedeng iilit iyong mga ari-arian ng bansang iyon ‘no pero wala pong ganiyan kapag interstate bilateral na ad hoc arbitration.
So, talagang ang enforcement po niyan, kung kikilalanin voluntarily ng bansa o kaya sa pamamagitan po ng Chapter 7 Enforcement Measure. Hamon ko po kay Justice Carpio para matigil na po itong walang tigil ninyong mga statements, sabihin ninyo po, paano ninyo naiisip na maipatupad iyan? Dahil ang sinabi ko na nga po iyong sinabi ninyong General Assembly hindi po pupuwede talaga. Sa tagal ko pong pinag-aralan ang international law at itinuro iyan, hindi po talaga pupuwede. Nangyari lang po iyan iyong Uniting for Peace Resolution which I don’t see happening in the case of the arbitral award involving China and the Philippines.
USEC. IGNACIO: Secretary, my apologies. Retired Supreme Court Senior Associate [Justice] po, my apologies po. Ang question po mula ay Rosalie Coz of UNTV.
SEC. ROQUE: He was retired Senior Associate Justice, yes.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Kasi mahina ang dating ninyo sa akin, Secretary. From Rosalie Coz of UNTV. Hindi daw po katangap-tanggap sa marami na si Secretary Harry Roque na lang ang haharap kay Retired Associate Justice Carpio instead sa Pangulo na nag-trending pa iyong #Duterteduwag, reaksiyon daw po ninyo dito?
SEC. ROQUE: Unang-una po, si Presidente po ilang beses na nakidebate noong presidential elections, wala na pong kailangang patunayan ang Presidente. He has nothing to prove, dahil unlike Associate Justice Carpio, he has never debated publicly. Si Presidente po tapos na siya diyan, hindi ko nga maalala kung ilan iyan, kung hindi ako nagkakamali limang beses nga silang nagdebateng mga presidentiables noong 2016. Pangalawa, eh pag-aralan po nating mabuti iyong mga legal na dahilan at sinabi po ni Executive Secretary Medialdea: As President everything that he can say, lahat po ng bagay-bagay na puwede niyang banggitin sa debate na iyon, becomes presidential proclamations and binding. So, mahirap naman po iyon at pangatlo po, mayroon talagang mga bagay-bagay na should remain confidential pursuant to executive privilege dahil ang mga desisyon ng Presidente, dapat tamang desisyon maski hindi po iyan popular na desisyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Ayon daw po kay Carpio pointless pagtalunan, dahil walang factual dispute na inagaw ng China ang Scarborough Shoal sa Pilipinas sa panahon ng Aquino administration. Ano ang masasabi ninyo na dapat daw po ang debate issue ay ang false claim ni President Duterte na China is in possession of the West Philippine Sea. Reaksiyon din sa sinabi niyang naniniwala ang Presidente na si Chinese President Xi Jinping ay personal protector niya laban sa military kung magkakaroon ng coup? Similar question from MJ Blancaflor of Daily Tribune and Pia Gutierrez of ABS-CBN.
SEC. ROQUE: Iyan nga po ang problema kay Justice Carpio, dedebate, tapos sasabihin niya non-debatable. Eh sabi niya, si Presidente Duterte ang namimigay ng teritoryo, ang katunayan, ni minsan walang teritoryong binigay si Presidente Duterte dahil sa panahon ni Presidente Aquino na nawala sa atin ang Scarborough Shoal. Nais makipag-debate pero dapat iyong subject matter ng debate, debatable nga, hindi puwedeng paratang lang. Kaya nga sabi ko kanina bagama’t naghahamon siya ng debate. Ayaw niya talagang magdebate dahil imposibleng pagdebatehan iyong gusto niyang pagdebatehan.
So, pangalawa, iyan na naman, kasinungalingan na naman ang sinasabi niya na protector si President Xi. Sinasama pa si President Xi, samantalang ang pronouncement ng Presidente, paulit-ulit na, “Kung ayaw na sa akin ng military, uuwi na ako dito sa Davao”, ‘di ba po, hindi siya magtatagal isang minuto man lang kung ayaw na sa kaniya ng militar dahil pointless na magpatayan ang sundalo laban sa kapwa sundalo. So huwag po nating linlangin ang taumbayan, panlilinlang na po iyan at pagsisinungaling na po, huwag naman po. Sa panahon ng pandemya kung ginagawa lang ninyo iyan para sa pulitika, huwag naman po.
USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May we get an update on the turnover of the free Wi-Fi program to DICT; do we have an estimate as to how much the government should receive from the foreign contractor?
SEC. ROQUE: Okay, napakalaki po ng ating hinihingi. Ang hinihingi po natin, iyong gobyerno na ang magpapatuloy at hindi po bababa sa, kung hindi po ako nagkakamali, hindi bababa sa US$21,855,481.63, kaya nga po kinailangan kong basahin iyong exact amount. Ang hinihingi po nating pagbabalik ay ang halagang US$21,855,481.63. At kaya po natin hinihingi iyong refund na iyan dahil hindi naman nila nakabit iyong mga Wi-Fi spots na iyan ano. Samantalang napatunayan na natin ngayon na kayang-kaya na po iyan ng DICT. Sa isang taon, DICT succeeded po na mag-install ng 500% more Wi-Fi hotspots compared doon sa apat na ibinigay doon sa foreign contractor. So ang kinakailangan po, ibalik ang pera at iyong kontrata, DICT na po ang magpapatupad.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Ang susunod pong magtatanong si Ivan Mayrina ng GMA 7.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec. magandang hapon sa inyo. Sec, itatanong ko lang, linawin ko lang: Hinahamon rin ninyo ng debate si VP Leni?
SEC. ROQUE: Kung gusto po niya kasi isa rin po siyang maingay. Ang problema po, baka sabihin na naman ni Justice Carpio, hindi ako pupuwede, dahil abogado ka lang ordinaryo, ako naging mahistrado. Si VP Leni wala rin pong tigil sa pagpupula kay Presidente pagdating sa West Philippine Sea. Magkadormitoryo po kami ni VP Leni, magkaibigan po kami, puwedeng magdebate ang mga kaibigan. So kung ayaw po ni Justice Carpio, kasi ang tingin ko iyong subject matter ni Antonio Carpio talagang ayaw niyang madebate, kasi imposibleng pagdebatehan iyong mga hindi naman sinasabi ni Presidente. So dahil wala ring tigil po si VP Leni, baka gusto niya kaming dalawa na lang, para dorm mates versus dorm mates.
IVAN MAYRINA/GMA 7: So anong paksa po ang pagtutuunan ng inyong debate?
SEC. ROQUE: Gawin doon sa dormitory namin sa UP ang debate.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec, nakuha po ba ninyo iyong tanong. Sa anong paksa po gusto ninyong pagtuunan ng debate ninyo ni VP Leni kung sakali?
SEC. ROQUE: Kung gusto niya doon sa Kalayaan dormitory, kung saan kami nanirahan ng isang taon.
IVAN MAYRINA/GMA 7: No, I mean, on what particular topic, Secretary, kasi apparently there are certain topics na gusto ninyo doon umiikot ang debate.
SEC. ROQUE: Same topic, okay, same topic po. Has the President’s foreign policy, independent foreign policy resulted in derogation of sovereignty or the loss of territory? Ito bang polisiyang panlabas ng Presidente, na independiyenteng panlabas na polisiya, ito ba ay nagresulta sa pagkabawas ng soberenya ng Pilipinas o di naman kaya nagresulta sa kawalan ng teritoryo, iyan po ang proposition. Kasi paulit-ulit na nilang sinasabi derogation of sovereignty, giving away territory, iyan po ang pagdebatehan. Puwede rin po silang dalawa ni Justice Carpio magkasama. Tatlo pa sila, isama na nila si Albert Del Rosario.
IVAN MAYRINA/GMA 7: Ilang beses din po ninyong binanggit na in the last five years sa termino ni Pangulong Duterte ay wala pong nangyaring pagkawala ng teritoryo sa Pilipinas. Matanong ko Secretary, what do you make of reports na hindi malayang nakakapangisda ang ating mga mangingisda sa area at ganoon din po ang patuloy na militarization ng China sa area?
SEC. ROQUE: Well, unang-una doon sa pangingisda, you have to be too specific, kasi hindi naman nangingisda ang ating mangingisda sa entire West Philippine Sea, mayroon lang iyang mga specific bahagi. Now, dito sa Scarborough Shoal, I guarantee you nakakapangisda po sila. Bakit? Hindi sa dahil sa sinabi ni Presidente, kung hindi dahil nga doon sa arbitral award at kliyente ko iyang mga iyan, malalaman ko kung tumigil na silang mangisda diyan sa Scarborough kasi titigil na silang magpadala sa akin ng libreng isda. Hanggang ngayon ang aking Attorney’s fees diyan eh libreng isda galing sa mga mangingisda sa borough. So patuloy po sila na nakakapangisda diyan.
Now, hindi nga malinaw kung saang lugar pa sa ilang bahagi ng West Philippine Sea sila pinagbabawalan, pero 7% lang po ng ating mga isdang nakakalap ang nanggagaling sa West Philippine Sea. So linawin po natin kung saan pa iyong lugar na pinagbabawal ang mga Pilipinong mangisda, kasi hindi naman po buong West Philippine Sea sila nangingisda.
At iyong last point mo, ay ano iyong last point mo?
IVAN MAYRINA/GMA 7: Militarization, patuloy ng construction ng mga military installation.
SEC. ROQUE: Okay, ito pong mga artificial islands na unsinkable warships, ginawa po iyan noong panahon ni Presidente Aquino. Ginawa po iyan at natapos sa administrasyon ni Presidente Aquino at mayroong ibang nagsasabi, iyan daw iyong kasagutan ng Tsina noong naghain nga po ng arbitration ang administrasyong Aquino. So wala pong bagong na nagawa ang Tsina sa panahon ni Presidente Duterte so, the militarization happened in the previous administration.
IVAN MAYRINA/GMA7: And none during the current administration, sir?
SEC. ROQUE: None. [overlapping voice] po iyan, nang pumasok po ang Presidente Duterte.
IVAN MAYRINA/GMA7: Panghuli na lamang po. Sa panayam namin kay Secretary Avisado ng DBM, wala pa raw pong malinaw na pagkukunan ng pondo iyong 400 billion para sa Bayanihan III, gayun din po iyong 9.2 billion na karagdagang pondong hinihingi ng OWWA para sa quarantine ng mga returning Overseas Filipinos. Ano hong status nito, Sec.; saan po tayo kukuha ng pondo?
SEC. ROQUE: I can confirm for—oo, well, hiwalayin po natin iyan. Iyong Bayanihan III talaga, ang posisyon ng economic managers, antayin muna natin gastusin ang 2021 budget kasi maraming pondo diyan na nakalaan para sa COVID. So nag-aantay pa, tinitingnan pa ng economic managers kung talagang kinakailangan ng Bayanihan III.
Iyong nine billion na hinihingi ng OWWA kasi nga mas matagal na ngayon ang ating quarantine, iyan po ang naparating na through a memorandum ni Secretary Avisado kay Presidente Duterte, at ang isyu nga, saan kukunin iyan ‘no. Pero mayroon naman pong mga planong pagkukunan iyan, at ngayon po, siguro mamaya sa pagpupulong namin ay itatanong ko na po kung mayroon na siyang reaksiyon doon sa memorandum ni Secretary Avisado.
Pero kung kinakailangan po talagang gastusan iyan dahil iyan naman po ay para sa ating mga bagong bayani, mga Overseas Filipino Workers, hindi po mag-aatubili ang ating Presidente.
IVAN MAYRINA/GMA7: Salamat, Secretary. Usec. Rocky, thank you.
USEC. IGNACIO: Thank you, Ivan.
SEC. ROQUE: Salamat, Ivan. Welcome aboard.
IVAN MAYRINA/GMA7: Salamat po.
SEC. ROQUE: Punta tayo uli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, question from Kyle Atienza ng BusinessWorld: Kung may proclamation na ba ang Malacañang for the observance of Eid’l Fitr?
SEC. ROQUE: Well, thank you ‘no. Palaging tinatanong sa akin iyan. Alam mo kasi mamayang gabi pa lang titingnan ng mga religious leaders po ng ating mga kapatid na Muslim iyong buwan. Kasi kinakailangan nakadepende po iyan sa posisyon ng buwan. So mamayang gabi sisimulan na po nilang pag-aralan kung kailan talaga ang pagtatapos po ng kanilang—anong tawag dito? Kung kailan po magiging Eid’l Fitr.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong—
SEC. ROQUE: Kung kailan po iyong pagtatapos ng Ramadan.
USEC. IGNACIO: Okay, Secretary. Ang second question po niya: Is the national government now eyeing to ease the quarantine restriction in NCR Plus? You said last month that the economy would only re-open if the country had enough beds for coronavirus patients. Handa na ba ang hospitals natin? Same question po ni Ace Romero, iyon daw pong likelihood ba na mapunta na tayo sa GCQ given iyong current data natin?
SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin na hindi ko pupuwedeng pangunahan ang IATF. But if we are to follow the formula eh mayroon naman pong posibilidad.
USEC. IGNACIO: Pangatlo po niyang tanong: Will the national government implement austerity measures to help finance the proposed third stimulus law?
SEC. ROQUE: Alam ko po talaga na kapag hindi po sapat ang 2021 budget, ang unang-unang ginagawa po ni Secretary Avisado is to ask the departments for a certain percentage of funding na nakalaan sa kanilang budget at iyan po iyong tinatawag nating austerity measure. So iyan po ang unang-unang gagawin natin, kung maghahanap po tayo ng pondo para sa mga OFWs natin at para sa iba pang gastusin para sa COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Are you really up to a debate against Justice Carpio or it is just all talk? When will it take place if ever?
SEC. ROQUE: I am very keen. At ang pakiusap ko po sa ating mga kasama diyan sa Philippine Bar Association, magkaroon lang po tayo ng kasunduan kung ano talaga ang pupuwedeng debatihan dahil hindi naman puwedeng pagdebatihan iyong mga hindi sinabi ni Presidente. Ako po, iyon ang proposition ko. Is the Duterte’s current independent foreign policy resulting in derogation of sovereignty or the loss of territory in the West Philippine Sea conflict? Iyan po ang aking proposal. Iyan po talaga ay debatable. At iyan naman iyong palagi nilang binabato, namimigay daw ng teritoryo ang Presidente Duterte at binibigay ang soberenya ng bansa. So tama po iyan para debatihan. Anytime po I’m ready.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: President Duterte keeps on saying na China is in possession of the West of the Philippine Sea. Naniniwala ba ang mga Cabinet members na China is in possession of the West Philippine Sea?
SEC. ROQUE: [OFF MIC] ko po ‘no, iyong konteksto ng pagsabi ni Presidente in possession, he was referring to Albert del Rosario and Scarborough. So he was actually referring to China is in constructive possession of Scarborough which according to Justice Carpio is a fact.
Pero ang isyu nga, ang sabi ni Justice Carpio, China seized Scarborough. Si Presidente, it was Albert del Rosario that gave possession of Scarborough to China kasi inorder nga niya na lumabas at umalis doon ang ating mga Navy.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sherrie Ann Torres ng ABS-CBN: Dialysis patients are urgently appealing to the government daw po to expand the medical help being extended to them especially during emergency cases. Many of them also need to wait for days even during medical emergencies which more endanger their lives. The group is also appealing to the government to increase their PhilHealth dialysis coverage from the current 90 sessions to 144 sessions. What can you say about this?
SEC. ROQUE: Dinagdagan na po iyan ng 144. Parang nahuli po kayo sa balita. So ngayon po ang PhilHealth will pay for up to three times a week dialysis, at ang dialysis naman po ay maximum of three times a week lang po iyan. Hanggang isang taon po iyan. So mayroon na po kayong 144, matagal na po iyang naanunsiyo ng PhilHealth.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Next question, please.
USEC. IGNACIO: Iyon na po ang mga nakuha nating tanong, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Wala na po tayong mga katanungan. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa ating press briefing ngayon.
Mamaya po ay dito nga po sa Davao gagawin ang Talk to the People ng ating Presidente. At iyong tanong po natin tungkol sa pagpupondo na kinakailangan ng OWWA at ng iba pang COVID-related expenses ay ipararating po natin sa ating Presidente.
So maraming salamat po, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. At maraming salamat din po dito sa Mindanao Media Hub para sa kanilang facilities ng PTV 4.
Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Mga kritiko ng Presidente, tigil na ang pagtago sa kasinungalingan – magdebate. Ang proposition: Sa independent foreign policy ng Presidente, mayroon bang derogation ng ating soberenya, mayroon bang nawalang teritoryo? Kahit kailan po haharapin ko kayo.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)