Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Happy Eid’l Fitr po sa ating mga kapatid na Muslim. Pista opisyal po ang araw na ito, pero sa Office of the Presidential Spokesperson at lahat po ng government communication agencies, tuloy pa rin po ang trabaho.

At tuloy rin po ang pagpupulong ng IATF, nagaganap po ngayon kung saan bago po ako umalis ay nagkaroon po ng rekomendasyon sa susunod na quarantine classification na inaasahan namang iaanunsiyo ng ating Presidente mamayang gabi dahil tuloy rin po ang Talk to the People ng ating Presidente mamayang gabi.

Nagkausap na po kami ni Department of Foreign Affairs Secretary Locsin kahapon nang umaga, at we are fine. Nagkasundo po rin kami na patuloy pa rin na dapat ako ay magsalita sa larangan po ng international law.

Now, kailangan pong linawin natin ang ating posisyon sa Julian Felipe Reef. Mabuti naman po at nag-issue ng statement ang National Task Force for the West Philippine Sea. Ang sabi ng National Task Force, and I quote, “Ang Felipe Reef ay isang low-tide elevation na nasa 175 nautical miles mula Bataraza, Palawan at nasa loob ng 200 nautical miles ng Exclusive Economic Zone.” Pero dagdag po ng NTF, bahagi siya ng teritoryo ng Pilipinas dahil ito ay nasa loob ng overlapping 12 nautical miles territorial seas ng McKennan Reef at isa pang posibleng high-tide feature ang Grierson, ang Sin Cowe Reef na dahil nga po sa PD 1596 ay kabahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Municipality ng Kalayaan.

Tulad ng sinabi ko kahapon na ang Julian Felipe Reef ay appended sa teritoryo dahil nga po sa Presidential Decree 1596.

Now, ano po ang importansiya ng deklarasyon ng ating National Task Force? Ito po iyong sinasabi ko na hindi ibig sabihin na palibhasa nasa 200 nautical miles ay automatic exclusive economic zone. Pupuwede pong magkaroon ng packet territorial seas doon sa ating EEZ. At mas marami pong karapatan ang coastal state dahil ang territorial seas po ay mayroong soberenya at mayroon din pong hurisdiksyon. Samantalang sa exclusive economic zone, ito po ay karapatan lamang para mangalap ng mga tanging-yaman.

So ang aking punto lang po kahapon ‘no ay kabahagi siya sa 200 nautical miles pero malinaw po na mayroong dalawang high-tide elevations doon na magkakaroon po ng territorial sea kung saan kabahagi ang ating Julian Felipe Reef.

Sa totoo lang po, hindi naman po ako ang nagsabi na mayroong dalawang high-tide elevation. Nasa ating screen po ngayon iyong decision mismo ng Hague Arbitral Tribunal. Ang sabi po ng Hague Tribunal, and I quote ‘no: “The Tribunal finds with respect of the status of features in the South China Sea that Hughes Reef lies within 12 nautical miles of the high-tide elevations or features of McKennan Reef and Sin Cowe Island.” So hindi po ako ang nagsabi niyan; iyong Tribunal po ang nagsabi niyan.

Now, totoo pong inaangkin natin iyan pero ang katotohanan po ay ang naka-ukopa diyan sa dalawang bato na iyan ay ang Tsina at ang Vietnam. Ito po ang larawan ng McKennan Reef na ino-occupy po ng Tsina; in-expand na po nila iyong kanilang artificial island. At ito naman po iyong isa pang bato, isla na ino-occupy ng Vietnam, ang tawag po diyan ay Sin Cowe Island. Iyan po iyong konteksto ng sinabi ko ‘no na pupuwede na hindi talaga siya kasama ng EEZ kasi may territorial sea. Of course, inaangkin po natin iyan so posibleng maging territorial sea ng Pilipinas iyan.

Now, doon sa mga ibang nagsasabi na ano ba itong possession na ito? Kapag ba possession, automatically mawawala na sa atin? Hindi po. Kasi ang applicable norm sa international law, sa mga isla ay iba po doon sa karagatan. Ang applicable rule po is: The state that presents the superior claim to disputed territory on the basis of effective occupation shall be granted title. Ano ba ho iyong effective occupation? Ito po iyong mga ebidensiya na mayroong soberenya na sumasakop sa isang teritoryo na pinag-aagawan. Ano po iyang mga ebidensiya na iyan? Kasama na po diyan iyong batas na nagkabit ng isang disputed territory sa teritoryo ng isang bansa; iyong aktibidades ng militar; iyong pag-i-exercise ng legislative at saka judicial jurisdiction.

So, now, lilinawin ko rin po na hindi ibig sabihin na palibhasa 200 nautical ang EZZ eh automatic 200 nautical na po talaga iyan ‘no. Sa katunayan po, hindi lang ang Pilipinas ay mayroong 200 exclusive economic zone on the basis of 200 nautical miles. Lahat po ng ating karatig na lugar ay mayroon din po silang mga exclusive economic zone. Itong susunod na slide ay magpapakita po na bagama’t iyong pinakamalayong delimitation line, iyan po iyong ating 200 exclusive economic zone ay mayroon po talagang overlaps doon sa ating mga karatig-bansa. So according to UNCLOS, itong mga overlaps po ay dapat pag-usapan, magkaroon ng negotiations nang magkaroon ng kasunduan kung paano madi-delimit po ito. Okay? So sana po naging malinaw na iyan.

Now, itong desisyon po ng Arbitral Tribunal na mayroong territorial sea dito sa McKennan ay isa lang po iyan sa mga bagay-bagay na dapat pag-aralang mabuti, lalung-lalo na po ng Kongreso, na bumuo ng Archipelagic Baselines Law kung paano dapat baguhin ang ating batas na nauukol sa ating teritoryo. Noong isang araw po sa ating briefing, pinakita ko po iyong iba’t ibang mga teritoryo ng Pilipinas sang-ayon po sa iba’t ibang mga batas. Iyong kuwadrado po, iyan ang Treaty of Paris. Tapos po kinabit po ng Presidente Marcos, PD 1569, iyong KIG Group of Islands tapos nagdeklara ng EEZ pursuant din po sa isang presidential decree.

Pero tingnan po natin kung ano ang sinabi ng Tribunal, ng Hague Tribunal tungkol dito sa batas nating ito. Nagkaroon po tayo ng Archipelagic Baselines Law na kinuwestiyon nga namin doon sa Magallona, hindi kami nagwagi, pero nawala po talaga iyong ating internal waters at territorial sea na [garbled] natin ‘no.

Now, anong sabi ng Korte Suprema sa ponensya po ni Justice Carpio nga po ‘no, and I quote: “Although the Philippines has consistently claimed sovereignty over the KIG and Scarborough Shoal for several decades, these outlaying areas are located outside the appreciable distance from the nearest shoreline of the Philippine archipelago which any straight baselines loped around them from the nearest base point will inevitably depart to an appreciable extent from the general configuration of the archipelago.”

Ibig sabihin, sabi po ng Korte Supreme doon sa desisyon nila ay iyong KIG ay hindi natin maa-attach sa ating teritoryo sa pamamagitan ng archipelagic baselines kasi masyado raw malayo. So ang ginawa po nila, in-append nila iyong KIG group sa pamamagitan ng regime of islands diumano ‘no at ito po ngayon ang pinag-aralan din ng Tribunal.

Now, balikan po natin ‘no, ang teorya namin doon sa Magallona ‘no ay hindi pupuwedeng mabago iyong teritoryo ng Treaty of Paris dahil iyan naman po ay, unang-una, sang-ayon sa tratado. Hindi po iyan historic claims of water gaya ng Nine-Dash Lines ng Tsina. Pangalawa, ito po ay binding because it is a treaty delimitation. And pangatlo, mayroon po tayong prinsipiyo nga na uti possidetis na iyong mga colonial boundaries para hindi magkagulo iyong mga bagong bansa na naging malaya laban sa mga colonial powers ay conclusive. So mayroon po talaga tayong basehan na panindigan iyong ating Treaty of Paris.

Pero gumawa nga po ng batas ang Kongreso, sinabi namin unconstitutional, kinilala pa rin na constitutional ‘no. At ang sabi nga po nila, and I quote: “The baselines cannot be drawn from the boundaries or other portions of the rectangular area delineated in the Treaty Paris but from the outer most islands and the lying reefs of the archipelago.”

So anyway, para baga hong nawala talaga iyong ating internal waters at territorial seas at ang sabi pa ni Justice Carpio sa decision na iyon, dahil tayo ngayon ay compliant sa UNCLOS, aba, mas malakas ang possibility natin na magwawagi tayo sa ating claims doon sa pinag-aagawang isla.

Tingnan po natin kung ano ang sinabi ng Hague Tribunal, ito po iyong sa arbitration na isinulong natin ‘no. Paragraph 575, and I quote: “In any event, however, even the Philippines could not declare archipelagic baselines surrounding the Spratly’s Islands. Article 47 of the Convention limits the use of archipelagic baselines to circumstances where within such baselines are included the main island and an area which the ratio of the area of the water to the area of the land, including atolls, is between 1 to 1 and 9 to 1.”

Ano pong nangyari doon sa ating domestic na batas? Doon po sa archipelagic baselines ho sinasabi nila na tuloy pa rin ang bisa ng 1569, eh iyong 1569 po in-append natin iyan as an offshore part of the archipelago.

So, tingnan pa po natin iyong ibang paragraphs ng Tribunal award ‘no. Ito naman po, Paragraph 575: “The Convention also provides in Article 7: For States to make use of straight baselines under certain circumstances and the Tribunal is aware of the practice of some States in employing straight baselines with respect to offshore archipelagos to approximate the effect of archipelagic baselines. In the Tribunal’s view, any application of straight baselines to the Spratly islands in this fashion would be contrary to the Convention.”

Ibig sabihin, para bagang iyong ating legal na basehan para angkinin nga itong Spratly ay sinabi rin ng Tribunal na hindi rin sang-ayon sa UNCLOS kasabay ng sinabi niya na iyong nine-dash line ng China ay wala pong legal na basehan. May isa pa pong paragraph ang nais kong i-quote. Final paragraph is 575 ‘no.

“These conditions do not include the situation of an offshore archipelago.”

So, ibig sabihin po talaga eh para bagang kinakailangan repasuhin iyong ating PD 1569 na nagiging legal na basehan natin para idikit ang Spratly sa ating lehislatura. So, uulitin ko po ang aking paghihingi sa ating mga mambabatas, kinakailangan po tayong bumuo ng bagong batas para po magkaroon ng mas malakas na angkla ang ating titulo diyan po sa Kalayaan Islands Group. At ang importansiya nga po nito, iyong batas na ginagamit natin para maging kabahagi ng ating teritoryo ang Kalayaan Island Group ay isa sa ebidensiya ng effective occupation.

Now, kanina po, sasabihin ko po, nagkaroon kami ng virtual debate ni Justice Carpio at panoorin po natin iyan mamaya ‘no sa isang channel. Pero ang importante po, marami ang nagtatanong, eh paano nga iyon, hindi ba dapat paalisin ni Presidente ang Tsina doon sa mga isla na ino-occupy lalung-lalo na doon sa mga lugar na sinasabi na sakop ng ating Exclusive Economic Zone at wala nga pong mga karapatan ang Tsina na gumawa ng isla doon?

Well, tama po at pinapaalis po natin sila kaya lang hindi sumusunod. Ito iyong konteksto na sinasabi na siguro dahil ayaw umalis eh kinakailangang use of force ang tanging pamamaraan para sila mapaalis pero sabi nga ni Presidente sa UN General Assembly, bawal po ang paggamit ng dahas kaya nga po patuloy tayo sa diplomasya.

Pero ang tanong, anong epekto ng mga artificial islands doon sa lugar lalung-lalo na sinabi na ng Arbitral Tribunal na kabahagi natin ang EEZ? Wala po! Kasi matagal na pong prinsipyo sa international law na ang mga teritoryo na nasakop sa pamamagitan ng paggamit ng dahas, “territories acquired through conquest will never ripen into title.”

So, huwag po kayong mag-alala, maski tayo po ay mag-status quo na naririyan sa kanilang mga artificial islands, kung wala naman silang legal na basehan para angkinin iyan, hindi ibig sabihin na palibhasa malakas sila at hindi natin sila mapaalis ay sa kanila na po ang territory. So, in that sense po, sinisigurado tayo ng international law, “might will not always be right” because territory acquired through conquest will never ripen into title.

Okay! Sana po naging malinaw iyan at siguro po mula ngayon iyong mga tanong sa national territory ibato na po natin ngayon sa Kongreso dahil at least ang isang mabuting ibinunga nitong debate pagdating sa Kalayaan Island Group eh ano nga bang epekto ng Arbitral Award na iyan sa batas natin pagdating sa ating teritoryo, at kinakailangan po talaga repasuhin iyan ng Kongreso. Iiwan na po natin iyan sa Kongreso dahil hindi naman po iyan katungkulan ng isang Presidente.

Now, pumunta na po tayo sa mga ibang bagay. Sa usaping bakuna naman po tayo ay dumating kagabi ang 15,000 doses po ng Sputnik V. Ito ang second dose ng 15,000 doses na nauna nang dumating sa Pilipinas. Ano ang ibig sabihin po nito? May mahigit pitong libong katao ang mababakunahan ng Sputnik V habang parami nang parami ang mababakunahan. Pairalin ang kooperasyon sa Mask, Hugas, Iwas, at Bakuna.

Samantala, dahil sa latest official announcement ng World Health Organization tungkol sa Sinopharm na binigyan po ng Emergency Use Listing, well, ang paninindigan po natin dahil sa development na ito ay lalo pang darami ang ating vaccine portfolio habang patuloy nating ini-improve ang access sa ligtas at epektibong bakuna tulad ng Sinopharm.

Iri-reiterate ko po, nauna naman po iyong sinabi ni Presidente na ibabalik iyong 1,000 na Sinopharm na covered lang ng Compassionate Use, eh ilang araw lang po matapos iyon eh nagdeklara ang WHO na kasama na ang Sinopharm sa Emergency Use Listing at nagdeklara na nga po ang Department of Health na sila na ang mag-a-apply para sa EUA. So, ang ibig sabihin po nito, determinado pa rin tayo na idagdag ang Sinopharm doon sa ating portfolio na gagamiting mga bakuna laban sa COVID-19.

Okay. COVID-19 updates naman po tayo. Mayroon tayong nai-report na 4,842 na mga bagong kaso kahapon ayon sa DOH May 12 COVID-19 case bulletin. Sumatutal, mayroon na tayong 53,214 mga aktibong kaso. Nagpapasalamat tayo sa ating mga medical frontliners dahil nasa 1,046,431 na po ang gumagaling sa COVID-19. Samantalang nakikiramay po kami sa pamilya ng 18,714 na pumanaw dahil sa coronavirus. 1.67 po ang ating case fatality rate.

Kumustahin naman po natin ang ating mga ospital sa Metro Manila at sa buong bansa. Nakita ninyo po na bumaba po ang utilization rate talaga ng ating ICU beds. Nasa 66% na lang po iyan sa Metro Manila. Nasa 46% naman po ang utilization ng isolation beds; 50% ang ward beds; at 48% ang ginagamit pong mga ventilators. Sa kabuuang bansang Pilipinas, 61% po ang utilization rate natin ng ICU beds; 44% po ang ating isolation beds; 50% po ang ating ward beds at 42% po ang ating gamit na ventilators.

Uulitin ko po, binabati po nating muli ang mga kapatid nating Muslim sa kanilang selebrasyon ng Eid’l Fitr. Sa kaniyang mensahe para sa okasyong ito, sinabi ng Pangulo and I quote, “As we mark the end of the month-long journey of reflection, prayer and fasting, may Allah continue to instill in you the virtuous if generosity and compassion. Let us welcome a new hope that Eid brings for peace, prosperity, and healing and strength as we build a progressive and brighter future for our people.”

Dito po nagtatapos ang ating briefing. Simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Una pong tanong mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Nagbabalak po si dating Senator Trillanes na kumandidato sa pagka-presidente sa 2022 kapag hindi sasabak sa pagkapangulo si Vice President Robredo. Aniya magiging pinakamahalagang halalan ang 2022 presidential elections sa kasaysayan ng Pilipinas simula noong 1986 dahil hindi lang ang demokrasya natin ang nakasalalay kundi ang survival ng bansa. Ano daw po ang comment ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Una, libre pong mangarap so hayaan po nating mangarap na maging presidente si dating Senador Trillanes; karapatan po niya iyan bilang isang Pilipino. Pangalawa, mukhang hindi naman siya makakatakbo dahil nilinaw po ni Vice President Leni na tatakbo pa rin siya ‘no, at least nandiyan pa rin iyong plano. Pangatlo, wala pong katuturan iyong sinasabi niya na survival dahil wala pong issue na hindi po tayo magwawagi laban sa COVID-19 at wala pong kahit anong banta sa ating mga institusyon na demokrasya.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Anu-ano daw pong tulong ang inihahanda ng pamahalaan para sa mga Pilipino na apektado ng kaguluhan sa Israel? Ganiyan din po ang tanong ni Rosalie Coz ng UNTV, ni Kylie Atienza ng Business World at ni Vic Somintac ng Net 25.

SEC. ROQUE: Dahil alam ninyo pong sanay na ang ating mga embahada at ang ating OWWA sa mga pumuputok ng gulo sa iba’t ibang parte ng daigdig kung saan mayroon tayong mga kababayan, mayorya sa kanila ay nagtatrabaho bilang OFW, alam na po ng ating embahada doon kung ano ang mga posibleng mga pangyayari.

So hinahanda na po iyong posibleng repatriation at binibigyan na po sila ng warning na kung pupuwede po ay iyon nga po, mag–ingat dahil dito sa mga pag-iinit ng mga pangyayari diyan sa Israel ‘no at sa occupied territory. At ang gobyerno naman po natin kung talagang kakailanganin, siyempre po susunduin natin ang ating mga kababayan kung talagang kinakailangan at kung gusto po talaga nila.

Siyempre po ang naging posisyon din ng DFA, sana po malutas sa mapayapang paraan itong tensiyon na nangyayari po diyan sa Gitnang Silangan.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Aileen Taliping ng Abante Tonite: Ang sabi daw po ni dating Senator Trillanes, ipakukulong daw niya si Pangulong Duterte kapag nanalo sila sa darating na eleksiyon dahil sa mga pinagpapapatay sa ilalim ng kaniyang administrasyon at dahil umano sa katiwalian. Ano daw po ang inyong reaksiyon?

SEC. ROQUE: Kung mayroon po siyang kasong maihahain, dapat ihain na niya. Ang problema kay Senator Trillanes, dakdak rin nang dakdak ‘no. Kasi kung mayroon po talaga siyang ebidensiya na mayroong pinapatay ang Presidente, dapat hinain na niya po ngayon. Kasi iyong immunity from suit lang naman ibig sabihin hindi uusad sa korte habang siya ay nakaupong presidente pero wala naman siyang kahit anong kasong hinain limang taon na. So kung wala siyang nahain sa limang taon, hindi ko po alam kung paano siya magkakaroon ng kaso matapos ang anim na taon.

Muli po, wala pong polisiya na magpapatay ang ating Presidente. Siya po’y dating piskal na siyang lumilitis sa paglabag ng Revised Penal Code kasama na po diyan ang krimen nang pagpapatay or murder.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary. Susunod pong magtatanong si Mela Lesmoras.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Spox Roque. Iyong unang tanong ko lang po on quarantine classifications para mas malinaw iyong expectation ng ating mga kababayan. I understand kasi mayroong mga lugar naman sa bansa na until May 30 lang. So mamaya, ano po bang mga lugar iyong ini-expect natin na magkakaroon ng announcement ng bagong quarantine classifications? At anu-ano po iyong ating mga naging basehan kung dapat bang manatili sa MECQ o ibababa na sa MGCQ? Ano po iyong mga naging considerations ng IATF?

SEC. ROQUE: [Off mic] po noong lugar na nasa MECQ ay hanggang katorse lamang ng buwan na ito. So magbabago po ng quarantine classification kung mayroon mang pagbabago ay iyong mga lugar under MECQ. At mayroon na po tayong formula diyan, eksperto na tayo lahat diyan – daily attack rate, two-week average attack rate at saka health care utilization rate.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, about naman po sa, iyon nga, sa Talk to the People kasi maraming mga kababayan tayong nag-aabang. Anu-ano po ba iyong mga expected topics din na mapapasama rito? Iyong travel ban daw po ba na mag-i-expire din ng May 14 or baka madagdagan pa, magiging kasama rin po kaya ito sa ia-announce ni Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Ako, ako po’y nag-attend ng IATF hanggang mga 11:45 ‘no. Umalis na po ako ng 11:45 dahil kinakailangan na mag-press briefing. So—pero I believe na pag-uusapan din po iyan na mapapaso na travel ban ‘no. So puwede pong maanunsiyo rin iyan ng Pangulo.

Pero dahil may Talk to the People nga po ay talagang hindi ko pupuwedeng pangunahan ang Presidente. Tayo lang po nag-aanunsiyo, kung walang pagkakataon na si Presidente na siyang nag-aapruba ng mga rekomendasyon ang siya mismong mag-announce.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang po, Secretary Roque. Ano lang po masasabi ng Malacañang sa mga pumupuna na umano’y mabagal ang vaccination program ng pamahalaan? At ano naman po iyong assurance ninyo lang po sa publiko hindi lang sa vaccination program kundi sa kabuuang COVID-19 response?

SEC. ROQUE: Salamat sa tanong, Mela ‘no. Pinalilinaw lang po ni Secretary Galvez who unfortunately cannot join us today ‘no na iyong 1.5 million na dumating na Sinovac, hindi kasi po magamit ang Sinovac na walang certificate of analysis. Pero doon sa 1.5 po lumabas na iyong certificate of analysis ng 500,000 so lahat po iyon na-deploy na sa Metro Manila pero mayroon pa pong 1 million na undergoing certificate of analysis. Ito po ay para masiguro na kapareho ng kalidad ‘no o quality iyong latest batch ng Sinovac na nakuha natin.

Now mabuting balita nga pala ‘no, sa actual study po sa Indonesia kung saan ginagamit nang malawakan ang Sinovac, aba’y napakataas po ng efficacy ng Sinovac ‘no – mas mataas po doon sa naiulat na efficacy doon sa Turkey. At itong pag-aaral po ay ginawa rin sa healthworkers sa Indonesia.

Now iyong dumating naman pong 2 million na AstraZeneca at saka iyong Pfizer, mayroon po talaga tayong mga subcontractors na sila ang nagdi-deploy dahil nga po mayroong mga temperature requirements ‘no. So sasabihan po natin iyong ating mga subcontractors na pabilisan iyong kanilang deployment dahil istratehiya nga po natin para mabuksan natin ang ekonomiya, na bukod pa sa mask, hugas, iwas ay kinakailangan magpabakuna na.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Very quick follow up lang po, Secretary Roque. So you disagree po doon sa mga nagsasabing mabagal daw iyong ating vaccination program?

SEC. ROQUE: Well, hindi po siya mabagal ‘no pero kung hindi, may mga proseso na dapat pagdaanan at iyon po ‘yung dahilan kung bakit pagdating hindi kaagad magamit. Kasi naman kung naiiba iyong quality, kung hindi naman magbibigay ng proteksiyon eh para ke pa? So nag-iingat po tayo, pinag-aaralan po natin talaga sa pamamagitan ng certificate of analysis.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. From Buena Bernal of Channel News Asia: Something as benevolent as the community pantry is so hotly debated in the Philippines. The community pantry pioneer had already been receiving rape and death threats. Is there official word from the Palace for Filipinos not to discredit this movement and assign malice to organizers?

SEC. ROQUE: Matagal na po kaming nagsalita tungkol diyan. Sinabi po natin na wini-welcome natin ang community pantries as the expression of the best of the Filipino in the worst of times. Iyan po ay isang gawain na bunga ng ating konsepto ng bayanihan at nagpapasalamat po kami sa mga taong tumutulong dito sa community pantries. Ito rin po ang naging posisyon ng DILG at ng hepe ng PNP at ang sinasabi nga lang natin, manghihimasok lang ang gobyerno para masiguro na matutupad po ang minimum health standards – mask, hugas, iwas, social distancing ‘no – dahil ayaw rin naman natin mangyari na iyong pagtulong sa ating kapwa ay maging super spreader events. Matagal na pong polisiya iyan ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: How do you respond to criticism that community pantries emerged as a result of government’s inefficient aid to the needy?

SEC. ROQUE: Ang bayanihan po kinikilala na sa pag-iisip at pagkatao ng mga Pilipino since time immemorial. Hindi po natin kinakailangan nang kahit anong dahilang politikal para tayo po ay magbayanihan.

USEC. IGNACIO: Opo. Question mula po kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: You said the Julian Felipe Reef is not part of our EEZ. The DFA says it is and Secretary Locsin told you to leave this issue to his agency. Given that two top officials have opposing views, how can this affect our claim to the West Philippine Sea? What assurance can you give that China will not be able to exploit what appears to be a discord between officials?

SEC. ROQUE: Wala pong inconsistency, kaya nga po nilinaw ko nang napakahaba. Nasa loob po iyan ng 200 nautical miles pero iyong arbitral tribunal mismo ang nagsabi na may dalawang high tide elevations doon na pupuwedeng magkaroon ng territorial sea. Ang tanong, sino ba ang maa-award-an doon sa lugar na iyon? Eh sa ngayon po wala kasi tatlo tayong nagki-claim. So wala po iyang epekto doon sa ating claim to the West Philippine Sea.

Pero alam ninyo po itong isyung ito, napakalalim po nito, napakakomplikado – pang-PhD o pang-SJJs din na mga abogado.

Bumalik po tayo doon sa isyu. Iyon po iyong kanilang binabatong mga paratang kay Presidente – hindi raw pinoprotektahan ang soberenya, hindi raw pinanindigan ang pangnasyunal interes – again ang kasagutan po natin, hindi po totoo iyan dahil sa administrasyon ni Presidente Duterte wala pong nawawalang teritoryo, status quo po tayo. So iyong kaniyang polisiya na isantabi ang hindi mapagkasunduan, isulong ang pupuwedeng pagkasunduan, iyan po ay epektibo sa pangangalaga sa integridad ng ating national territory.

USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary. Ang susunod pong magtatanong si Triciah Terada ng CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: First question on the anti-terrorism na ni-release na names yesterday. Has this been shared with the Presidente and what did the President say about the initial list of names that were considered as terrorists by the Anti-Terrorism Council?

SEC. ROQUE: Iyong pag-release po kasi, nangyari iyan matapos kami naghiwalay sa Mindanao ng ating Presidente. Ang huling pagkita ko po kay Presidente ay Tuesday at parang Wednesday po iyan na-release. So mamayang hapon po ay tatanungin ko kung ano ANg reaksiyon niya.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, pero na-relay po ba sa Malacañang kung ano iyong naging basis for this list and how verified is this list because in the past for example, iyong sa drug list mayroong mga lapses? Paano po na nasiguro o masisiguro na walang ganoong lapses sa list na ito, because ang fear, sir, of course with the general public, paano kung mapasama iyong pangalan nila? Are we not putting the lives of these people at risk?

SEC. ROQUE: Hindi lang po Pilipinas ang nagbibigay ng depinisyon sa terorismo, lahat po ng mga tao na nagkakalat ng takot or those who instill fear and terror in the minds of the public through violent means, is a terrorist. At pagdating naman po sa mga lokal na terorista, alam po natin kung sino sila, dahil bagama’t mayroon tayong demokrasya, bagama’t mayroong party list system, patuloy pa rin ang paggamit ng armas para makamit ang kanilang mga layunin. So hindi po tayo ang bumuo ng depinisyon na iyan, it’s an international definition. Naka-include po iyan sa UN Security Council resolution at kapag sinabi ko pong Security Council Resolution, binding po iyan sa lahat ng miyembro ng UN, hindi po kagaya ng General Assembly Resolutions na non-binding.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But, sir, is there at least an assurance from the Palace or from the President na kung halimbawa, medyo critical about the government na hindi naman sila mapapasama, kumbaga walang ganoon policy naman?

SEC. ROQUE: Mayroon po. Ang tawag, Bill of Rights. Kasama po sa ginagarantiyang karapatan, freedom of speech and freedom of liberty. Iyong ating tinatawag na due process clause: “No person shall be deprived of life, liberty or property without due process of law.”

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, my final question. So far, ano po iyong naging assessment ng IATF with the entire time that we were under or we have been under MECQ. If ever, sir, is the government ready to ease restrictions sa makikita po ninyo?

SEC. ROQUE: Eh doon sa naabutan kong usapin at umalis naman ako right after sinabi kung ano ang rekomendasyon, eh talaga naman pong napababa natin ang mga kaso. Napababa po natin ang R Naught. Ang sinisiguro lang natin kung paano natin masu-sustain itong ating mga gains. So, needless to say ang rekomendasyon po ay sang-ayon sa ating overall istratehiya na dahan-dahan ang pagbubukas ng ekonomiya para makamit ang health.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you very much, Spox. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish.

USEC. IGNACIO: Tanong mula kay Kris Jose ng Remate: Reaksiyon sa panawagan ni Dr. Tony Leachon sa gobyerno na bilisan ang vaccination program bago mag-expire ang mga bakuna. Aniya, baka masayang ang higit sa 1 million doses ng AstraZeneca na inaasahan daw pong magi-expire sa katapusan ng Hunyo [July]?

SEC. ROQUE: Wala pong problema iyan. Kasi ang expiration date ay July, Mayo pa lang po, isang buwan lang ang ating kailangan para ubusin iyong 2 million, 2 million po iyan na AstraZeneca.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Kris Jose ng Remate: Komento sa sinabi ng ilang senador na iresponsable raw ang naging pahayag ninyo na hindi sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef dahil nagpapakita lamang daw ito ng pagiging atat ng Palasyo na kumampi sa China, tanong din kung sa China din daw kayo sumasahod?

SEC. ROQUE: Wala pong basehan iyan, kasi nga iyong factual finding na mayroong territorial sea na nadyi-generate ang dalawang high tide elevation ay nanggaling po sa Hague Arbitral Panel. Malinaw na malinaw po iyan kaya ko nga kinowt (quoted) po iyong paragraph ng Arbitral Tribunal Ruling. Namumulitika lang po sila!

USEC. IGNACIO: Iyong third question po niya ay nasagot na po ninyo about iyong pag-usap ninyo ni DFA Secretary Locsin. Iyong susunod pong magtatanong, si Melo Acuña ang ng Asia Pacific Daily.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary, and I believe you are still in Davao.

SEC. ROQUE: I’m now in the premises of PTV-4 in Quezon City. Dahil pista opisyal po, sarado ang NEB sa Malacañang. Pero dito po tayo sa premises ng PTV-4. Maraming salamat po sa PTV-4 for accommodating us today.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Akala ko nasa Davao pa kayo eh.

SEC. ROQUE: Before. Napakaganda rin pala ng facility ng PTV-4 Quezon City, kagaya ng PTV-4 Davao.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, mayroon pong 29,473 Filipinos in Israel and 1,273 Filipinos in Burma. Kung hindi naman classified, ano ang balak ng Department of Foreign Affairs para mapanatiling ligtas ang ating mga kababayan sa mga bansang ito?

SEC. ROQUE: Iyon nga po marami ng karanasan ang DFA diyan, at alam na po nila ang gagawin. Simula doon sa pagbibigay warning na dapat mag-ingat, doon sa paggagawa ng hakbang kung kinakailangang tulungang umuwi ang ating mga kababayan. Bihasa na po ang ating mga embahada at ang ating OWWA pagdating sa mga kaguluhan kung saan naroroon ang ating mga kababayan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Ano po ang strategy ng pamahalaan para matiyak na iyong mga bakuna ay makararating sa kinauukulan, sapagkat nabanggit nga ninyo, mayroong mga bakuna na maaring mag-expire by July. Can we have the capacity to generate more vaccination centers across the country to meet the demands ng ating mga kababayan?

SEC. ROQUE: Ang aim nga po natin ay makapagbakuna ng 500,000 daily at hindi pa po natin magawa iyan dahil kulang nga po ang bakuna. So, doon sa mga bakunang dumating po, wala pong problema, ubos kaagad iyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Matanong ko po kayo, pardon my ignorance about international law. Pinag-uusapan po kasi na magkakaroon ng Code of Conduct ang mga bansa na mayroong claims doon sa South China Sea. Ibig pong sabihin nito, kung maipasa itong Code of Conduct na ito wala na tayong magagawa doon sa artificial islands na itinayo ng ibang bansa, di po ba? Ganoon nga po ba iyon?

SEC. ROQUE: Eh talaga naman po na unang-una wala pa po tayong Code of Conduct. Pero bagama’t wala tayong Code of Conduct nandiyan po ang UN charter na nagsasabi na bawal ang paggamit ng dahas. So mayroon po tayong mandatory Code of Conduct, bawal gumamit ng dahas at kinakailangan ang hindi pagkakasunduan nito, itong pag-aagawan ng teritoryo maresolba sa mapayapang mga pamamaraan. Iyan po ay nasa mandatory code of conduct na nasa UN charter.

So hindi po maaapekto kung sino pa rin ang magkakaroon ng titulo diyan kasi mari-resolve lang po iyan sa dalawang pamamaraan: Kung magkakaroon po ng kasunduan, kaya importante na gamitin ang diplomasya para magkaroon ng solusyon sa problemang ito; or kung lahat ng partido ay isusumite for final determination either through the International Court of Justice or through binding arbitration. So hanggang hindi po pumayag iyang mga claimants na iyan na magkaroon ng kasunduan o ihain ang kaso sa ICJ or sa binding arbitration, hindi po talaga magkakaroon ng resolusyon itong agawan ng teritoryong ito.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: But we can have the option to build our own artificial islands in the South China Sea?

SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin na sa ngayon po, mayroon kasi tayong kasunduan na status quo. Ang problema po iyong kasunduan na iyon, eh matapos nakagawa na nga po ng artificial islands, pinalaki nila iyong mga artificial islands nila sa Exclusive Economic Zone. At least sa ilang parte ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. So naririyan po iyan at status quo natin. Ang kamuntik nang mangyari, ito nga po iyong relevance ng Sandy Cay, eh iyong panahon na iyon, ninais sana nating magtayo ng infrastructure sa Sandy Cay at nagresponde ang China na gagalaw din sila. So mas mabuti po para sa ating national interest ngayon na status quo, dahil kapag gumalaw po ang Tsina dadalawa lang po iyong ating bagong pandirigmang barko, hind masyadong magiging epektibo iyan para protektahan ang ating national interest. So sa akin po tama naman po ang polisiya ng ating Presidente Duterte sa status quo – walang nawala, hindi lumalala, bagama’t hindi rin maiibsan ang ating problema.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Tina Mendez ng Philippine Star: How does Malacañang intend to work on the feud between the Nayong Pilipino Foundation and the camp of businessman Enrique Razon, Jr. who reiterated his call to build a mega COVID-19 vaccination facility at the Nayong Pilipino site or Entertainment City in Parañaque City?

SEC. ROQUE: Wala pong feud. Kasi sang-ayon po sa ating Saligang Batas at sa ating administrative code, lahat po ng GOCC ay under pa rin sa office ng Presidente. Hindi po ibig sabihin na palibhasa may board sila ay hindi nila pupuwedeng ipatupad ang mga polisiya ng gobyerno.

Iyong gagawing mega vaccination site po diyan is the exercise of police power dahil kinakailangan pong itaguyod ang kalusugan ng lahat sa gitna ng pandemya. Kinakailangan po sumunod ang Nayong Pilipino.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: Is there a need for President Duterte to step in?

SEC. ROQUE: Well, kung kinakailangan po, pero I think message received.

USEC. IGNACIO: Third question niya: How will the feud delay the government’s vaccination program since this involves the storage and deployment of Moderna and Pfizer vaccines?

SEC. ROQUE: Hindi po makakaapekto iyan ‘no kasi sa ngayon po, kukonti nga lang iyong ating supply. Naghahanda lang po tayo na kapag talagang lahat na ng ating mga kababayan at napakadami na nating supply ay pupuwede nang mabakunahan. So paghahanda po iyan sa mga darating na buwan. [Garbled] walang epekto.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Susunod na magtatanong, si Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Good afternoon. Sir, the National Task Force on the West Philippine Sea said that there are still 287 Chinese maritime militia vessels scattered over various features of the municipality of Kalayaan. How does the Palace see these continued incursions? And how do you reconcile this with Malacañang’s statement, your statement that China did not ignore President Duterte’s demand to pull-out these vessels in the West Philippine Sea?

SEC. ROQUE: Again, alam ninyo po iyong report na iyan dapat ilagay sa konteksto kasi hindi natin alam exactly kung nasaan sila. Marami pong portions diyan, claim ng ibang mga claimant, bagama’t ang common claimant ay Tsina. Ang dapat tayong mabahala ay iyong mga bapor na naruroon na sa mga lugar na sakop ng ating conflicting claims with China.

So huwag nating problemahin iyong buong West Philippine Sea kasi hindi naman buong West Philippine Sea, iyong buong South China Sea na tinatawag na mga Tsina, ay kini-claim din natin. So mas mabuti siguro kung linawin kung ano iyong mga areas na mayroon tayong claim at naruroon iyong mga fishing vessels ng Tsina.

Pero sa akin po, gaya ng aking sinabi kanina, maski sila po ay naririyan, maski sila po ay mas makapangyarihan sa atin, might is not always right dahil kung wala silang basehan para magkaroon ng titulo sa mga pinag-aawayang isla, their occupation will not result in title anyway.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, ngayon ang dami pa ring vessels sa area, sir. So ano na po iyong naging kinahinatnan ng panawagan ng Pangulo sa China? And how does the administration still manage to trust China given these repeated incursions, sir?

SEC. ROQUE: Alam mo, napakahirap sagutin [garbled] naruroon sila ay hindi sakop ng ating claim eh bakit natin pakikialaman. Pero hindi ko po alam talaga kung ilan iyong mga barko na nandoon sa mga lugar na ating sinasakop din ‘no. So siguro po, we should be guided by that.

Now, iyong tanong mo is dapat bang i-trust ang China? Well, alam ninyo po, lahat ng bansa sa daigdig dapat itaguyod ang kanilang pangnasyonal na interes. So sa akin po, iyong pagkakaibigan natin ay isang pamamaraan para nga magkaroon tayo sometime in the near future ng resolution dito sa pinag-aagawan nating teritoryo. Pero, at the same time, sabi nga po ng Presidente, may hangganan po iyan ‘no. Magiging tolerant tayo sa ibang mga bagay pero kapag langis ang pinag-uusapan, eh ibang usapan na iyan.

Pero sa ngayon po, linawin muna natin: Nandoon ba ang karamihan doon sa mga teritoryo or areas covered by sovereign rights na kini-claim din natin? At iyon talaga ang dapat nating problemahin. Iyon iyong dapat na iprotesta muli ng ating DFA. At saka alam ninyo iyong pagpuprotesta, ni hindi na dapat iyan isinasapubliko eh dahil as a matter of course, ginagawa po iyan ng ating DFA. Kaya nga po doon sa Julian Felipe, ginawa natin ang dapat nating gawin – nag-file tayo ng diplomatic protest.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, si Carlo Montehermoso, iyong mangingisda na nagtanong sa Pangulo noong Halalan debate tungkol sa West Philippine Sea noong 2016, sabi niya dismayado siya doon sa sinabi ng Pangulo na joke, joke lang iyong sagot doon sa magdyi-jet ski siya sa West Philippine Sea. Can you speak to these fishermen, sir, and explain the context of the President’s response to that question? Pati iyong sinabi ng Pangulo na tanga lang iyong maniniwala sa kanilang pangako, kasi nainsulto raw itong mga mangingisda na ito at pati raw sila ay nagsisisi na binoto sila si Pangulo over that promise?

SEC. ROQUE: Well, Carlo, unang-una ang tanong: Nakakapaghanapbuhay ka ba ngayon? Hindi ba totoo na noong mga panahon na administrasyong Aquino kung saan tayo po ay palaaway sa Tsina ay iyon po iyong panahon na hindi kayo nakapangisda sa Borough? So huwag po nating kakalimutan na kung hindi po nabago iyong polisiya natin sa Tsina, hindi pa rin po kayo makakapangisda.

Pangalawa, iyong sinabi ni Presidente na magdyi-jet ski at mag-aano ng flag, bagama’t ito po ay sinabi sa panahon ng eleksiyon, ang mensahe niya ay itataguyod niya ang sobereniya ng Pilipinas at iyan po ang nangyayari. Kaya lang alisin natin sa ating mga isipan na iyong pagtataguyod ng sobereniya, ibig sabihn ay makikipaggulo, makikipaggiyera doon sa Tsina. Hindi po. Mayroong iba’t ibang pamamaraan para itaguyod ang ating sobereniya, at sa ngayon po ay mukhang gumagana iyong polisiya ng Presidente, isulong ang mga pupuwedeng isulong na mga bagay-bagay, dahil ikaw po ngayon ay isa sa mga nagbibenepisyo – nakapaghahanapbuhay muli sa Borough.

So kalimutan po natin iyong mga pula ng lahat kasi panahon na po ng eleksiyon, ginagawa po talaga nilang election issue, at ito nga pong si Justice Antonio Carpio ay nagtayo pa ng partido so ano pa po ang gusto ninyo? Malinaw na malinaw na it is all for election purposes. Pero sino po ngayon ang nagbigay ng pagkakataon sa’yo, Carlo, para magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan? Hindi ba po ang polisiya ng Presidente at hindi ang polisiya na awayin ang Tsina.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: The thing is, sir, si Carlo ay na-interview ng ABS-CBN and he actually answered that question. At ayon sa kaniya, sir, wala raw pong nabago doon sa sitwasyon nila doon sa Scarborough Shoal kasi nandoon pa rin daw po iyong Chinese Coast Guard, tinataboy pa rin daw sila doon. At sa ngayon daw, sir, according to him, according to his interview, pinagtitiyagaan na lang daw nila kung ano iyong makukuha nila doon sa gilid sa Bajo de Masinloc.

SEC. ROQUE: Well, ang punto po, dati ni hindi sila makapunta ng Bajo de Masinloc. Malaking bagay po iyon. Huwag po nating i-deny iyan. At hindi ko po alam kung si Carlo ay isa doon sa aking naging kliyente noong kami nga rin po ay nagreklamo. Pero ang pagkakaiba, Carlo, noon at ngayon, ngayon ay malinaw na na ang inyong pangingisda is a matter of right dahil nagkaroon nga ng decision na ang Hague Tribunal. At bagama’t ang sinasabi ng Tsina ay hindi niya kinikilala itong Hague Tribunal na ito eh pinapayagan nila kayong mangisda.

Ang tanong: Bakit hindi sila ngayon gumagamit ng water cannons para palabasin kayo? Bakit hindi sila ngayon tinatakot at forcibly hinaharang? Dahil nga po dito sa kasunduan na bagama’t hindi kinikilala ng Tsina ang Arbitral award eh karapatan ninyo pa rin iyan at mayroon na tayong, kumbaga, normal na relasyon sa ating kapitbahay.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero ang problem, sir, despite these pronouncements of Malacañang, sila rin mismo ang nagsasabi na sila mismo ay hindi raw sila makapasok dahil tinataboy sila ng Chinese Coast Guard. So are you saying na dapat masaya sila na at least nakakalapit sila at nakakakuha pa rin sila doon sa gilid mismo ng Scarborough Shoal?

SEC. ROQUE: Ngayon po kasi ay walang nakakapasok sa lagoon. Wala rin naman pong mga Tsinong nakapangingisda sa lagoon bagama’t mayroon din silang karapatan na mangisda sa lagoon. Pero ang isda naman po, wala namang pinipili iyan eh. Nandoon lang sila sa lagoon, nandoon sila sa katabi. Iyan po ay rich fishing ground, iyong buong area ng Scarborough Shoal.

Alam mo ang katotohanan naman niyan, bagama’t iyang lugar na iyan ay isla kasi may mga ilang bato na permanently above water. Pinakita ko nga dito sa ating press briefing noong nakaraan kung ano iyong ilang bato na iyan ‘no. So ang importante po ngayon, nakakapunta pa rin sila gaya nang ginawa ng kanilang mga ninuno sa area ng Scarborough at nakapangingisda.

Pero iyon nga po ‘no, lilinawin ko kay Carlo, sang-ayon po sa Hague tribunal, lahat ng mangingisda – Pilipino, Tsino, Vietnam – puwedeng mangisda, at ito nga po ang ruling ng Hague tribunal na ito dahil nireklamo natin na pinapaalis ang ating mangingisda.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last na lang ha. Have you been vaccinated against COVID-19?

SEC. ROQUE: Ano po?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Have you been vaccinated already, sir?

SEC. ROQUE: Eh dapat po ‘no kaya lang nagka-COVID nga ako. So ang plano ko po, mayroon daw akong three months na mataas na antibodies so antayin ko po pag-exercise ng three months. At nagpa-test naman po ako talaga, ang dami kong antibodies ngayon dahil sa COVID. So useless po magpa-vaccinate ngayon, sayang iyong aking antibodies.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, last na lang na question iyong sa Sinopharm na donation, isasauli pa rin ba ito o hihintayin na lang iyong EUA?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, iyon ang totoong kasagutan ko kasi ang bilis ng pangyayari. Matapos sabihin ni Presidenteng isasauli bigla namang nagkaroon ng EUL (Emergency Use Listing) ang Sinopharm at tapos, Department of Health na ang mag-a-apply ng EUA. Pero sa kasagutan sa tanong mo, hindi ko po alam kung ano po talaga ang magiging desisyon.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Secretary, iyong question ni Leila Salaverria ay katulad ng tanong ni Jam Punzalan, natanong na po ni Pia Gutierrez. Tanong naman po ni Ivan Mayrina about doon sa Anti-Terrorism Council, mayroon lang po siyang follow-up: Ano na po ang magiging susunod na hakbang ng gobyerno matapos nitong ipalabas ang Anti-Terrorism Council? Pareho po sila ng tanong ni Kyle Atienza ng Business Mirror.

SEC. ROQUE: Well, dahil presumed constitutional po ang Anti-Terror Law, uusad po iyong proseso ‘no. Ngayong sila ay na-classify na as a terrorist group, may kapangyarihan na ang Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang kanilang mga ari-arian at importante po iyan dahil kung sila po ay walang pondo ay hindi na po nila maipagpapatuloy ang kanilang mga terroristic acts among others.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Ang susunod pong magtatanong si Pia Ranada.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

PIA RANADA/RAPPLER: Hi, Sec.! Can you hear me?

SEC. ROQUE: I can.

PIA RANADA/RAPPLER: Sir, there seems to be a very big disconnect between Malacañang’s remarks and the remarks especially in relation to the West Philippine Sea by the DND and DFA. For example, earlier you said the China policy of the President is working but if that’s the case, why do we still have all these reports from the National Task Force on the West Philippine Sea? Why do we still have need to keep filing diplomatic protest even daily protest at one point? And why Secretary Lorenzana telling Chinese ships to go out?

SEC. ROQUE: Well, when I say it’s working, I’m not saying it’s perfect. So, kung mayroon talagang basehan para mag-file ng diplomatic protest, kinakailangan mag-file ng diplomatic protest kasi in international law, isang pamamaraan para mapawalang-bisa ang iyong claim to territory is kung mayroon kang acquiescence ‘no. So, kapag mayroon silang ginagawa na tingin natin labag sa ating claim, kinakailangan iprotesta ‘no para hindi tayo ma-accuse of estoppel or acquiescence ‘no. So, having a working policy does not mean it’s perfect, it’s not a perfect world ‘no. Kaya nga kinakailangan patuloy pa rin nating protektahan ang ating interes.

PIA RANADA/RAPPLER: But, sir, these problems have been there since the beginning of the Administration. Does the Palace consider or does the President consider changing the policy given that it’s been how many years already and we just see the same thing over and over again?

SEC. ROQUE: Again, I will bring you back to the reality. Wala pong Scarborough sa Administrasyon ni Presidente Duterte. Wala po tayong teritoryong nawala at kung gagayahin natin ang ginawa ni Secretary Albert at ni dating Senador Trillanes eh baka mawalan na naman tayo ng isla. So, that is proof that the President’s China policy is working.

PIA RANADA/RAPPLER: Sir, you also keep downplaying the findings of the National Task Force in the West Philippine Sea, for example, iyon nga na hindi daw part of the EZZ iyong Julian Felipe Reef and in earlier you said parang you muddled the remarks of the NTF when they said that over 200 ships are still in the West Philippine Sea. Sir, do you coordinate with the NTF, the DND, the DFA when you make statement like that? How does it go, the communication line, to make sure that you are all in the same page?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, I answer questions. Now, I offered actually to everyone kung gusto ninyo hindi ako sasagot ng tanong, isu-submit ang mga questions para kayo ang sumagot. Ayaw naman nila because that would mean na parang hindi natin alam ang sagot.

Pero wala pong inconsistency eh kasi siguro sa detalye, hindi ko naman alam kung nasaan iyang mga barko na iyan. So, I’m in no position to actually say anything but the policy of the President is consistent and has not changed and as I said, has worked. Now, ang problema you will never agree to that and I’m sure Rappler will never agree to that, so let’s just agree to disagree.

Pero iyong pula mo I don’t think holds water because all of the agencies will have to comply with the policy of the President kaya nga po mahirap na supilin ang pananalita ng Presidential Spokesperson unless talagang magdesisyon si Presidente na mali-mali ang mga pinagsasabi ko, in which case, sisisantehin niya ako. But I’m still talking today hindi ba po ‘no because the President is still the architect of foreign policy.

PIA RANADA/RAPPLER: But, sir, even a detail as simple as how far Julian Felipe Reef is from our baselines, how come that you don’t even know because that’s the basis of saying—

SEC. ROQUE: No, okay. Kaya nga po nilinaw ko eh. It’s the Arbitral Award, regardless of the distance, nilinaw ko eh. Pakita natin iyong slides ulit ‘no. Unang-una, it’s not me saying na hindi talaga siya Exclusive Economic Zone, it’s the Tribunal itself na sinabi na mayroong two high tide elevations.

Ang dapat intindihin ninyo, hindi ibig sabihin na palibhasa 200 nautical miles automatic iyan kasi pupuwede ngang magkaroon ng pockets of territorial sea at mas maraming karapatan ang bansa sa territorial sea, okay? Pupuwede ring mangyari po iyan doon sa pinag-aagawang Scarborough. In the end, mapupunta po iyan sa Pilipinas bagamat in possession of China and yet ang mangyayari po diyan magkakaroon ng pocket of territorial sea.

So, iyan po talaga ay desisyon ng Tribunal kaya nga po siguro it is a very complicated and obscure provision of the UN Convention on the Law of the Sea but as I said, I always have a source and the source is the primary material – the Arbitral Ruling. So, iyon po ang aking nililinaw, hindi po sa akin nanggaling iyon, nanggaling po iyan sa Arbitral Tribunal Paragraph 1203 B3. Hughes Reef lies within 12 nautical miles of the high tide features of Mckennan Reef and Sin Cowe Island and therefore can be enclaved as territorial sea and not just part of the Exclusive Economic Zone.

So, mali iyong sinasabi mo, Pia. I’m sorry to say.

PIA RANADA/RAPPLER: Last question. So, given that iyon nga si DFA Secretary has flagged the remark you made, corrected it and then now you’re saying that, you know, you still have get to speak on these issues, what will be your next step to ensure that these contradictions won’t happen in the future given that the big consequences of different Cabinet members saying different things?

SEC. ROQUE: Kaya nga po sa lahat ng oportunidad eh binibigyan naman po ang Presidente ng access sa kaniya para masiguro na tama iyong pinagsasabi ko at sang-ayon sa kaniyang polisiya. Kaya po napapansin ninyo sa Talk to the People, well, matagal po iyong mga meeting namin pero matagal din iyong usapin namin na primarily on foreign affairs kasi iyon talaga ang importante na tama ang mga sinasabi ko ‘no.

At hindi naman po sinasabi ni Presidente na mali ang sinasabi ko. Kapag sinabi naman niya na talagang mali eh ‘di susunod tayo ‘no. Pero iyan po ang dynamics sa administrasyon ngayon ‘no, kaya maski wala akong sasabihin sa Talk to the People nandoon ako kasi sa panahon ng pandemya iyon lang ang pagkakataon na pupuwede kaming magkaroon ng konsulta.

PIA RANADA/RAPPLER: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong mula kay Kyle Atienza ng Business World—kanina nagkamali po ako, Kyle Atienza/Business World po siya: President Duterte recently signed an order directing all agencies under the Executive Department to identify savings from their 2020 budgets. The DBM shall then recommend to the President the amount that can be declared as savings. Budget items that need to be augmented and excess funds that can be used to provide cash aid for low-income families. Sign na po ba ito for the Congress to pass the proposed Bayanihan 3? Will the government also implement austerity measures to help finance the country’s pandemic response?

SEC. ROQUE: Hindi po siya sign na mag-Bayanihan 3 na. Pero ang sinisigurado natin dito sa austerity measure in identifying kung ano iyong pupuwedeng ma-realign is para makita nga kung magkano ang kakailanganin kung magkakaroon ng Bayanihan 3. Kung sapat naman ang ating mari-raise na pondo sa pamamagitan ng austerity, hindi magiging prayoridad ang supplemental budget. So, tinitingnan lang po natin talaga sa pamamagitan ng austerity measures kung magkano ba talaga ang kakailanganin natin by way of supplemental budget.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Iyon po muna iyong mga questions na nakuha natin sa MPC.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat dahil wala na pong katanungan,

Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Sa ngalan po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Pilipinas, hinding-hindi mamimigay ng teritoryo ang ating Presidente; at sa kaniyang huling hininga, puprotektahan niya ang soberenya ng Pilipinas.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center