Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE:  Magandang tanghali, Pilipinas.

Usaping bakuna muna po tayo ‘no: Halos tatlong milyon na po or 2,959,829 doses ang na-administer as of May 15, 2021, 6:00 PM, ayon po sa National Task Force. Nangunguna pa rin po ang mga A1, Workers in Frontline Health Services. Tingnan po natin ang graphics ng mga nabakunahan na from A1 to A4. Makikita po ninyo na sa A1, sa first dose, mayroon na tayong 1,215,974; sa ating mga seniors, mayroon na po tayong 589,943; sa ating mga mayroong comorbidities o iyong A3 – 430,525; at iyong frontline personnel po na nasa A4, mayroon pong 8,955.

Now, iyong mga nakumpleto na po iyong second dosage ‘np sa mga A1 na health workers – 414,467; sa ating mga seniors – 82,999; sa ating mga may comorbidities – 216,774; at sa ating A4 na mga economic frontliners ay 192, or suma total, 714,442 na po ang may mayroong completed two dosage.

Now, sino ba ho ang bumubuo ng A4? Well, alam ninyo po ang A4 ay mga economic frontliners. Sila po iyong mga commuter transportation ‘no; iyong public and private wet and dry market vendors; iyong workers in manufacturing for food, beverages, medical and pharmaceutical products; iyong ating frontline workers in food retail; mga frontline workers in financial services; iyong ating frontline workers in hotels and accommodation establishment; priests, pastors, rabbis, imams, security guards, personnel assigned in establishment offices, agencies and organizations identified in the list of priority industry and sectors; frontline workers in news, media, both private and government.

Naku, Malacañang Press Corps, kapag nabakunahan na kayo, puwede na tayong mag-face to face uli. Customer facing personnel of telecoms, cable and  internet and service providers; mga frontline personnel in basic education; Overseas Filipino Workers; mga frontline workers in law, justice, security and social protection sectors – mga abogado po iyan ‘no; mga frontline government workers engaged in operations of  government  transport system, quarantine inspection, workers city inspection and other activities; mga frontline government workers  in charge of tax collection, assessment of business for incentives; election, national ID data  collection personnel; mga diplomatic community and Department of Foreign Affairs  personnel and consular operations; at Department of Public Works and Highways  personnel in charge  of  monitoring government infrastructure projects.

Ngayon naman po ay napagkasunduan ng inyong IATF na ang mga gobernador at mga mayor ay mapapabilang na rin po sa priority A1.5, ito ang nilalaman ng IATF Resolution 115-B. Sa mga mayors at governors, magpabakuna na rin po tayo.

Nasa anong estado na po tayo sa pagbabakuna? Tingnan natin ng infographic ng simultaneous vaccine administration. Talaga naman pong inuna natin ang A1, A2 at A3, at ang plano po natin hanggang katapusan ng Mayo ay A1, A2 to A3. Pero pagdating po ng third quarter, beginning June or possibly a bit earlier po, ay hanggang A4 at A5 ay mababakunahan na rin natin. Sabay-sabay na po iyan, kaya nga po hinahanda na natin iyong ating mga mega at minsan giga vaccination centers. At pagdating po ng Agosto ay sisimulan na po natin pati ang B, ang buong sambayanang Pilipino hanggang ma-achieve po natin   ang herd immunity dahil magkakaroon na tayo ng mga bakunadong between 50 to 70 million by the fourth quarter of 2021.

Ngayon, ano po iyong istratehiya natin ‘no? Well, siyempre po, sa kahit anong pandemya ay bibigyan natin ng prayoridad o uunahin natin iyong mga lugar kung saan mataas po ang COVID-19. Hindi po iyan badge of honor. Ang katunayan po, malungkot iyan pero dahil naririto po ang mga kaso, dito po talaga natin dapat simulan, pero ito naman po ay paninimula lamang. At ito po ang dahilan kung bakit nagsisimula tayo sa NCR at saka iyong Plus 6 provinces – iyong Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas and Rizal, kasama po ang Metro Cebu and Metro Davao.

Pero hindi po natin kakalimutan ang buong daigdig. Sa isang model po na pinag-usapan kailan lamang, sa kasagsagan po, kapag naririyan na ang mga bakuna, mga 42% po ang iri-reserve natin sa NCR Plus 6 including Metro Cebu at Metro Davao. At iyong balanse naman po na mahigit 60%, pupunta pa rin sa buong Pilipinas. Pero iyong ating expansion areas po, unahin natin iyong Region III, Region IV, Cagayan de Oro, Baguio City, and Zamboanga City, tapos iyong Bacolod, Iloilo, GenSan, Iligan, Region VII and Region XI, tapos Region X, Region VI, Region VIII, Region IX, Region II and CAR, tapos iyong Region V, Region I, Region XII and Region XIII.  So ang suma total po, ang mababakunahan natin ay 83,829,719, at ang 70% po niyan ay 58,660,603.

Okay, samantala nagsimula noong Sabado ang GCQ with heightened restrictions sa NCR Plus at tatagal hanggang katapusan ng buwan. Ulitin po natin kung ano ba ang ibig sabihin ng GCQ with heightened restrictions. Well, tingnan po natin itong info graphics. Mayroon po tayong bahagyang pagbukas ng ekonomiya bagama’t hindi po ito katumbas ng mga binuksan nating ekonomiya sa ilalim ng ordinaryong GCQ. So ibig sabihin, may kaunting binuksan pero mas kakaunti po ang binuksan kung ikukumpara sa regular na ECQ.

For instance, iyong outdoor tourist attractions po gaya ng Fort Santiago, binuksan po natin iyan pero hanggang 30% capacity lang po. Iyong mga beauty salons, barber shops, beauty parlors, medical aesthetic clinics, cosmetics or derma clinics, nail spas, reflexology, aesthetics, wellness and holistic centers and other similar establishments, acupuncture and electrocautery establishments, binuksan po natin iyan hanggang 30% lamang; iyong limited special events at accredited establishment ng DOT – 10% po; iyong outdoor dine-in services, al fresco – 50%; iyong indoor dine in ay hanggang 20% lang po.

Ano po ang hindi pa allowed? Iyong mga indoor, non-contact sports, courts or venues. So iyong mga nagtatanong po sa akin, iyong mga badminton na indoor po, hindi pa rin po allowed.  Ang mga gyms, hindi pa rin po allowed, kasama po iyong mga fitness studios, gyms spa or other indoor leisure centers o facilities and swimming pools, kaya lahat po tayo ay tumataba ngayon.

Indoor visitors or tourist attractions, libraries, archives, museum, galleries and cultural shows and exhibits ay hindi pa rin po pinapayagan. Iyong venues for meetings, incentives and conferences and exhibitions, hindi pa rin po pinapayagan. Iyong entertainment venues, mga bars, concert halls and theaters – bawal pa rin po. Iyong recreation venues gaya ng internet cafes, billiards, halls, arcades, amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides at iba pa – hindi pa rin po iyan pinapayagan.

So ang ating istratehiya po, unti-unting pagbubukas kasi ang hinaharap po natin ay mga new variants na mas mabilis kumalat, mas nakakahawa at mayroon pa pong banta na double mutants na galing po sa India.

So sa GCQ with heightened restrictions, allowed naman po iyong non-contact sports na outdoors ‘no, kasama na po iyong mga games at saka scrimmages basta outdoors po. Ang religious gatherings po natin, allowed po tayo hanggang 10%.

Iyon pong populasyon po, nananatili po under 18 and over 65, manatili muna po tayo sa ating mga tahanan. Bakit po? Kasi, lalung-lalo na iyong mga seniors, kayo po ang mayroong pinakamalaking banta sa COVID-19.

Pero ang transport naman po, lahat naman po iyan ay operational, subject to strict minimum health standards.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang ranking natin in relation to the rest of the whole world, sang-ayon po ito sa Johns Hopkins: Number 24 ang Pilipinas po pagdating the total cases; number 29 po tayo pagdating sa active cases; number 136 po tayo sa cases per 100,000 population; at number 92 po tayo sa case fatality rate, nananatili po sa 1.7%. Salamat po sa ating mga medical frontliners.

Mayroon tayong 5,790 na mga bagong kaso ayon sa May 16, 2021 datos ng DOH. Walang sawa kaming nagpapasalamat sa magagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling. Nasa 1,069,868 na po ang bilang ng mga nag-recover. Samantalang malungkot naman nating binabalita na 19,191 ang binawian ng buhay dahil po sa coronavirus. Nakikiramay po kami; 1.68 po ang ating fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital, bumubuti po talaga ang ating health care utilization rate. Unahin natin sa National Capital Region. 57% na lang po ang utilized sa ating mga ICU beds, ‘no; 42% na lang po ang utilized sa ating isolations beds; 47% na lang po ang utilized sa ating ward beds; at 46% na lang po ang utilized na ventilators.

Sa buong Pilipinas 58% po ang utilization natin ng ICU beds; 43% ang isolation beds; 47% ang ward beds at 40% utilized ang ating mga ventilators. So, wala pa po tayo sa moderate risk sa lahat ng ating health care utilization.

Sa iba pang mga bagay: Mamayang gabi ay magiging panauhin po si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Talk to the People. Sabi nga ng Pangulo, former Senator Enrile was there right at the beginning. Kinakailangan po nating pakinggan ang sasabihin ng dating senador dahil magandang malaman ang papel ni dating Senador Antonio Trillanes at dating Secretary Albert del Rosario sa usapin ng pagkawala ng Scarborough Shoal sa Pilipinas.

Ang pagkawala ng Scarborough Shoal, kung inyong matatandaan, ang naging hudyat ng kaguluhan sa West Philippine Sea na dati naman po ay tahimik. Hintayin po natin mamaya kung ano ang sasabihin ni dating Senador Enrile. Pero ngayon po, ito ang mga larawan ng Scarborough Shoal na hindi ko po naipakita isa-isa. Ito po ay galing sa isang expedition noong aking dating institute na pinangunahan, iyong Institute of International Legal Studies ng UP Law Center.

Ito po iyong ilan sa mga bato na permanently above water sa Scarborough Shoal. Iyong ‘Rock A’, balikan natin sa ‘Rock A’. Tapos ito po iyong ‘Rock B’. Naku! Ilang mga empleyado po iyan ng UP Law Center na nakipag-pose. Wala pa pong ‘selfie’ noong mga panahon na iyon. ‘Rock C’, mayroon pong marker ang NAMRIA doon na ikinabit. At ‘Rock D’.

Now, ulitin ko po ‘no, bagama’t ito po ay parang maliit, ito po ay isla or rocks na tinatawag because it is permanently above waters and can generate up to 12 nautical miles of territorial sea.

Now, bago naman po nagkaroon ng komprontasyon noong 2012, tahimik naman po ang usaping West Philippine Sea. Pero matapos po iyong kontrobersiya sa nakalipas na administrasyon, unang-una, nawala po sa atin ang Scarborough Shoal. Noong mga panahon na iyon, ipinagbawal ang ating mga mangingisda na makapaghanapbuhay doon sa ‘Boro’ (Scarborough) na ginagawa na nila panahon pa ng kanilang mga ninuno. Pero ngayon po sa patakaran ng ating Presidente, pinapayagan na po muli silang mangisda.

Muli po, ang importansiya na malaman ang katotohanan kung ano nga bang pangyayari kung bakit nawala sa atin ang possession ng Scarborough Shoal ay magiging subject ng pag-uusap ni Presidente at ni dating Senate President JPE.

At huwag ninyong kakalimutan ha, bilang ganti ng Tsina nga doon sa ating arbitration, ibig sabihin iyong Scarborough Shoal incident din ang naging dahilan kung bakit nagkaroon po ng mga base militar ngayon ang Tsina doon sa mga artificial islands na karamihan po ay kabahagi ng ating Exclusive Economic Zone.

Ilan po dito ay ang Fiery Cross Reef, natapos po iyan noong 2017, ayan po ang larawan. Pagkatapos po nandiyan din po iyong McKennan Reef at nandiyan din po iyong tinatawag na Mischief Reef, although, ito po 1995 pa nawala sa atin pero nagkaroon po ng ganitong istraktura matapos po iyong kontrobersiya sa Scarborough Shoal.

Okay! Makakasama natin ngayon si Dr. Gap Legaspi, ang medical director ng PGH dahil alam po natin na kagabi ay nagkaroon po ng sunog diyan sa PGH at importante po ang PGH dahil ito po talaga ang puntahan ng mga mahihirap na Pilipino kapag sila ay nagkasakit. Ako po ay ipinanganak sa PGH at noong ako nga po ay na-COVID, ako po ay naging pasyente rin sa PGH.

Dr. Gap Legaspi, ano ba ho ang pinagmulan nitong sunog sa PGH kagabi?

The floor is yours, Dr. Legaspi.

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Good morning, Secretary Roque.

Ang imbestigasyon po ay ongoing pa. Ang ating arson division ng Bureau of Fire is working on the case pero ang paglalahad ng mga pangyayari points to a possible faulty electrical wiring or circuit breaker. So, wala pa pong final, pero iyon po ang initial findings ng ating mga imbestigador.

SEC. ROQUE: Ano pong mga particular section ng PGH ang nadale po ng sunog kahapon?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Ang direktang naapektuhan ng sunog kung saan talaga may apoy na lumabas ay ang aming operating room supply and autoclave room. Ito po iyong support area para sa tatlumpu’t dalawang operating rooms doon sa third floor na iyon kung saan lahat pinu-proseso ang mga instrument para gamitin pang-opera ‘no.

So, very vital siya to conducting operations on a daily basis. Dito rin po naka-store ang aming mga supplies for surgery tulad ng mga linen, tulad ng mga drapes at mga gowns at ang iba pang mga requirements for surgery like chemical disinfectants.  So, hindi man siya malaking area, it’s a very vital part of the operations, so, natigil po ang operasyon sa halos tatlumpung kuwarto na nagdidepende sa sistema nito.

But thankfully the rest of the operating room complex were spared of direct flames. Now, ang nakaapekto po ay iyong makapal na usok na umabot doon.

SEC. ROQUE: So, siyempre po, bagama’t ang sunog ay nandiyan sa area ng operating room, naapektuhan din iyong ibang mga wards at mga floors ng ospital. So, unahin ko na po, ano iyong nabalita po na iyong mga babies – diyan po kasi ako ipinanganak ‘no – eh, binandel (bundled) at in-evacuate ‘no. So, ilan po iyong mga bagong silang na sanggol na ating na-evacuate at saka siyempre po importante iyong mga COVID na pasyente dahil diyan po ako na-confine sa isang COVID floor. Apektado ba ho iyong sixth floor kung saan ako na-confine?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Kaya naapektuhan ang mga newborn babies kasi nasa fourth floor iyong nursery at saka iyong neo-natal intensive care unit. So, ang usok po ay napakakapal at madaling kumalat hanggang seventh floor ‘no. Nasa third floor hanggang seventh floor at bumaba lahat ng pavilion na malapit doon.

So, inilikas po ang nursery at neo-natal ICU. I think almost thirty babies are affected or thirty three were affected at dahil sa ka-sensitibo ng kondisyon noong iba, noong gabi din pong iyon, kagabi, nailipat iyong sampu sa Sta. Ana Hospital. Para hindi sila magdelikado sa sitwasyon na temporary staging areas sa labas ng PGH, minabuti ng ating mga pediatricians na ilipat din sila noong gabi ding iyon sa Sta. Ana Hospital at malaki ang pasasalamat namin doon.

So, iyong mga iba naman po ay stable na at naibalik na sa nursery ulit at sa pediatric wards. Iyong inyo pong nasabing COVID ward ay iyon po ay fifth, sixth, and seventh floors. Malaking bagay rin po na kumakaunti na ang pasyente, so, I think there were only around 30 patients or 34 patients ng COVID sa area na iyon na kailangang ilikas, nailipat naman po sila sa area ng ibang COVID areas sa ospital sa ground floor at sa bagong bukas na emergency room na kinonvert namin na COVID area temporarily.

So, may mga kaunti pong temporarily nahalo sa open area pero hindi lumapit, hindi po sila nagdikit sa mga non-COVID areas while waiting for the preparation of the emergency room complex para ma-house temporarily iyong COVID patients. But for now, lahat po sila bumalik na sa mga kaniya-kaniyang mga wards.

SEC. ROQUE: Well, marami po sigurong hindi nakakaalam na ang PGH po bagama’t ito ay pinupuntahan ng mga mahihirap para magpagamot ay hindi po pinupondohan ng national government, kung hindi ng UP System. Pero Doc Legaspi, please confirm this, noong bago po akong Spox eh nagkaroon po ng tulong ang ating Presidente sa PGH bagama’t ang budget diyan ay nanggagaling sa UP-PGH ‘no, na social fund na galing po sa Presidential Social Fund. Pero sa ngayon po, magkano po iyong Presidential Social Fund? Ang alam ko po, ang na-arrange natin dati malaki, 100 million kaya lang po hindi magamit ng PGH ‘no dahil sa iyong tinatawag na absorptive capacity. Magkano po ang ginagamit ng PGH galing po sa Presidential Social Fund?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Okay. Ang naging regular na monthly support po ay umabot ng 25 million po, so, that’s substantial to our operations. Subject to liquidation and renewal of contracts. Sa ngayon po, hinihintay naming ma-renew iyong contract for the succeeding months to come. Pero in the past years, 25 million a month po ang naibibigay at ito po ay diretso pumupunta sa suporta sa mga pasyente.

SEC. ROQUE: Opo, pero kung kailangan ninyo pa ng Malaki. Talaga namang si Presidente ang ibinibigay sa inyo 100 million, kayo ang sumuko. Pero ito pong nasunog, nakarating na po ang DPWH ‘no at ang sinabi sa akin ng DPWH at saka ni Secretary Charlie Galvez at ni Secretary  Vince Dizon na nanggaling na diyan na DPWH daw po ang magpapagawa sa lalong mabilis na panahon, iyong mga nasunog na bahagi ng ospital, tama ba ho ito?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Tama po ito, pero kukumpletuhin pa ho ang analysis ng mga engineers ng DPWH. But for now I think, may mga questions sa structural integrity kaya importante po talagang espesyalista ng DPWH na makita ito at malaki pong pasalamat namin na maagang intervention ng ating mga secretaries para ma-correct iyong mga infrastructure problems po at I’m sure mas mabilis magagawa ito kapag nandiyan na si Secretary Villar and Secretary Galvez and Secretary Dizon.

SEC. ROQUE: May mga panawagan din po ng mga donasyon. Anu-ano pong muli ang mga bagay-bagay na pupuwedeng i-donate po ng publiko sa PGH kung gusto po nilang mag-donate?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Noong nanawagan po ng donasyon ay noong height noong ating kakulangan kahapon at noong nakaraang araw. So, for now po, dahan-dahan nagsta-stabilize ang operations ng PGH at ang aming mga dietary requirements ay napupunuan na ng dietary section. But still for one more day or probably two days, nangangailangan pa rin ng tubig at pagkain ang ating mga pasyente at mga kawani na maaaring sa mga numerong aming nai-share sa publiko eh maipadala po at may tatanggap na mga units dito sa amin po.

Nagpadala na po ng PPE ang DOH, so, malaking tulong na po iyong mga KN95 mask, mga gowns, na karagdagan naming kinailangan dahil nag-iba po ang health protocol para sa current situation. Siyempre po, mayroon na ring thread ang mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno to support the funding of the equipment that was lost and will be badly needed in the future po.

SEC. ROQUE: Well, Doc, ang laki po ng utang na loob ko sa PGH. Diyan ako ipinanganak, diyan po ako nagpa-confine noong ako ay na-COVID. Alas-tres po darating ako diyan, may dala akong tubig at hamburger para po sa maraming tao sa ospital – mga workers at mga pasyente po, alas-tres po. At bukas, iyong buong pamilya ko po, ang aking mga kaibigan eh nagpa-pass the hat para po sa monetary donation at saka para sa mga diapers, so babalik din po ako bukas. Pero mamaya po, alas-tres. Hindi na po ninyo ako kailangang makita, magtalaga na lang po kayo ng representative dahil alam ko bising-busy po kayo.

Okay, maraming salamat.

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Maraming salamat din!

SEC. ROQUE: Baka may tanong din ang ating media, so, please join us in our open forum. Simulan na po natin. Usec. Rocky, go ahead.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Dr. Gap. Tanong po mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Tinanggap na po ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang imbitasyon ni Pangulong Duterte at nakahanda rin siyang isiwalat, ng dating Senador, ang lahat ng nalalaman nito kaugnay sa issue sa West Philippine Sea. Reaksiyon at details patungkol sa gagawing special meeting sa Malacañang.

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko kanina, bagama’t iyong area po ng Scarborough Shoal ay maliit ay importante po dahil iyon ‘yung pagkakataon na sumiklab ang kontrobersiya ng West Philippine Sea na dati naman po ay nananahimik. At iyan po’y pagkakataon kung saan nawala sa atin iyong hawak natin na Scarborough Shoal ‘no. Alam ninyo iyong aking kinuwento nga dati pa ‘no, iyong beginning ng 1900s eh nagkaroon pa nga ng desisyon ang Korte Suprema sa isang banggaan ng barko ‘no na ebidensiya na talagang tayo ang may titulo diyan sa Scarborough Shoal, pero nawala.

So ang mga tanong na hindi pa nasasagot: Sino talaga ang nagsabi/nag-order na ang Philippine Navy at Coast Guard ay umatras? Bakit kaya naging arbitrator ang Amerikano? At dahil nga po sa karanasan ni JPE, bakit hindi sumaklolo ang mga Amerikano despite the fact na mayroon tayong Mutual Defense Treaty? At siyempre po malaman natin, anong opinyon ng dating Senate President na naging Kalihim din ng Department of National Defense pagdating sa usaping Mutual Defense Treaty at VFA?

Pero ang mensahe po talaga natin, bagama’t mainit ngayon ang usaping West Philippine Sea, hindi po ganitong kainit ang West Philippine Sea kung hindi po dito sa pangyayari ng Scarborough. Kinakailangan naman para malaman ng tao kung ano talaga ang kasaysayan, sino ang dahilan kung bakit nawala sa atin ang Scarborough Shoal at bakit naging ganitong kainit ngayon ang usaping West Philippine Sea.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong mula kay Kris Jose ng Remate: Reaksiyon sa sinabi ni NDF Peace Consultant Rey Casambre na ang totoong target ng Anti-Terrorism Act ay ang mamamayang Pilipino at walang ibang layunin ang ATC sa pagpapalabas nito ng resolusyon kung hindi patahimikin ang mga nagsasalita o sumisigaw ng pagbabago sa bayan.

SEC. ROQUE: Ang pinatatahimik lang po ngayon dahil napasama na nga sa terrorist organization ang CPP-NPA ay iyong organisasyon ni Mr. Casambre – ang CPP-NPA.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Ang susunod na magtatanong ay si Mela Lesmoras please of PTV-4.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at kay Dr. Legaspi. Sir, unahin ko lang iyong sa PGH, kay Dr. Legaspi. May I ask, ano po iyong magiging epekto noong sunog nga bilang COVID-19 referral hospital po ang PGH? Makakaapekto po ba iyong sunog sa ating pagtugon sa COVID-19? At, Secretary Roque, ano pong reaksiyon ni Pangulong Duterte noong nalaman niya iyong naging sunog? Ano po iyong immediate help ng Malacañang sa nangyari?

SEC. ROQUE: Si Dr. Legaspi po muna. Doc?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: [Garbled] ay hindi definitely affected either by the flames or iyong mga [garbled] dependency dito sa area na nasunog ‘no. So tuluy-tuloy po ang ating pagtanggap ng COVID patients. Pero humingi po ako ng isang araw lang kay Usec. Vega, ititigil muna namin ang pag-transfer hangga’t na-stabilize ang paglipat ng pasyente at ang amoy ng usok kasi kahit papaano may amoy pa rin iyong mga wards eh. So kini-clear up namin iyong mga areas na may amoy pa ng usok bago namin punuin pa ng pasyente. So itong araw lang na ‘to baka makakalipat na ang mga pasyente but by tomorrow, we will resume accepting COVID patients to PGH. So wala pong malaking pagbabago except iyong isang araw na paghahanda lang ulit.

SEC. ROQUE: Well, iyong tanong mo naman, Mela ‘no, Doctor Legaspi has confirmed na noong ako po’y bagong Spox pa, talagang sinimulan ni Presidente na mag-offer ng 100 million a month para po sa PGH dahil alam nga niya puntahan iyan ng mga mahihirap. Pero dahil nga po limitado naman ang absorptive capacity, ngayon po 25 million a month ang nagagamit, so ang Presidente po—Doc Legaspi, kung anong kailangan ninyo, sabihin ninyo lang because dati-rati … dati na siyang nag-offer nang mas malaking halaga. So kung anong kinakailangan po ngayon para ma-repair ang mga damage ay puwede pong i-tap iyong Presidential Social Fund dahil iyan po ay dati na pong in-offer sa PGH.

So iyan po ‘yung unang-unang reaksiyon ni Presidente, at pinapunta nga po niya kaagad ‘no iyong ating NTF, si Secretary Galvez, Secretary Vince na nanggaling na po diyan sa PGH. At siyempre po top priority ng DPWH iyong pagri-repair ng mga na-damage sa PGH dahil nga po kinikilala natin na ang PGH talaga is the premier—not only the premier teaching hospital in the country but also importante po sa buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

MELA LESMORAS/PTV4: And on COVID-19 naman po, sir. Can you just elaborate, ano po iyong inaasahan natin magiging epekto sa ekonomiya at kalusugan nitong [garbled] at [garbled] tumataas pa rin [garbled] matutugunan pa rin kahit na nag-GCQ with heightened restriction?

SEC. ROQUE: Oo, nawawala ka, Mela, but I got the gist of your question ‘no. Ang istratehiya po talaga natin ay unti-unting pagbubukas ng ekonomiya. Puwede po tayong nag-GCQ kaagad pero baka naman po mabalewala iyong sakripisyo na naman natin nang dalawang linggong ECQ at isang buwan na MECQ. So ginawa po nating heightened GCQ at kung mapapansin ninyo kaunti lang talaga ang ating binuksan dahil we want to preserve the gains ‘no.

So iyan po ang ating istratehiya ngayon, the goal is still total health. Huwag naman po na dahil pinababa natin ang COVID-19 cases eh napakadami naman po ng nagugutom. So alam po natin marami pa rin nagugutom hanggang hindi natin binubuksan nang tuluyan ang ekonomiya pero mini-minimize din po natin iyong hanay ng mga nagugutom.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And panghuli na lamang po, Secretary Roque, about nga doon sa magiging pagharap ni dating Senador Juan Ponce Enrile mamaya. Bukod po sa West Philippine Sea na usapin, anu-ano po ba iyong mga inaasahan nating tatalakayin pa sa Talk to the People later?

SEC. ROQUE: Well, ang mga constant themes naman po ngayon ay usaping Mutual Defense Treaty, usaping VFA at usaping sino ba talaga dapat sisihin dito sa kontrobersiya ng WPS, at ano ang pinakamagandang polisiya na ipatupad ng ating Pangulo ‘no. Hindi naman po gospel truth siguro ang sasabihin ni former Senate President JPE pero dahil nga sa napakatagal niyang karanasan bilang Secretary of National Defense, alam niya po iyong mga pangyayari dahil alam ninyo naman na itong Kalayaan Group of Islands ay in-append din sa ating bansa sa pamamagitan ng [Presidential Decree] 1596 noong panahon ni Presidente Marcos kung saan iyong mga panahon na iyon kung hindi ako nagkakamali eh Defense Secretary na po si JPE.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Quick follow up lamang po, Secretary Roque, and my final question. Sa ngayon po ba, kasi I understand ito na rin iyong tinatakbo ng mga nakaraang [garbled]. Will you compare the situation sa West Philippine Sea [garbled] this administration and iyong mga nakaraan po?

SEC. ROQUE: Hindi ko nakuha iyong question mo. Basta ako, nililinaw lang natin – hindi po nawalan ng teritoryo ang Pilipinas sa administrasyon ni Presidente Duterte. Hindi po niya isinuko ni kailan man ang soberenya at wala pong basehan ang mga paratang ng mga kritiko na dahil nga sa polisiya ni Presidente na isulong ang mga bagay-bagay sa relasyong Pilipinas at Tsina na pupuwedeng isulong at isantabi itong kontrobersiya na ito ay wala po sa kaniyang mga ginagawa ang paglabag sa soberenya at ng sovereign rights ng ating bansa.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque at kay Dr. Gap Legaspi.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer para po kay Doc. Legaspi at kay Spox na rin, nag-follow up lang po siya tungkol doon sa PGH: Papaano daw po, what will the government do to address the needs of new COVID patients, especially those with severe cases?

SEC. ROQUE: Doc. Legaspi? Ang narinig kong sabi ni Doc. Legaspi, one day lang naman siyang humingi ng reprieve sa pagtatanggap ng COVID. But Doc. Legaspi can you..?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Yes, tuluy-tuloy lang po. We stand committed with our role as COVID Referral Center po.  But as I said, just for today, para lang po mabakante pa iyong mga ibang lugar at safe silang mailagay sa mga areas. Kasi huling check namin, may amoy pa po ng smoke. So, yesterday, Red Cross Emergency Response Unit of Senator Gordon brought in smoke evaporators para po mas malinis iyong amoy sa mga wards na paglalagyan sa mga pasyente. So, I think by tomorrow we will resume our full operations sa COVID.        

SEC. ROQUE: Now, si Dr. Legaspi has to join a meeting I think with the NTF If I am not mistaken ‘no. So, Usec, puwede bang unahin na natin lahat ng tanong para kay Doc. Legaspi, lahat iyong magzu-zoom puwede na po ba ninyong itanong ang mga tanong ninyo at lahat ng submitted questions for Doc Legaspi, pakitanong na po. Tapusin na po natin si Dr. Legaspi in five to seven minutes.  Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Iyong second question po ni Leila Salaverria: How will this fire [incident] affect the health care capacity in Metro Manila?

SEC. ROQUE: Well, on my part, hindi naman po masyado, dahil kung nakikita po ninyo, hindi pa nga  po tayo nasa moderate risk, because ang last figure po natin ay in Metro Manila, we have 57% utilization of ICU beds and 42%  utilization of isolation beds lamang po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang reaksiyon ng Malacañang sa red-tagging sa Office of the Students’ Regent at Tulong Kabataan na nag-oorganisa ng donation campaign para sa PGH?

SEC. ROQUE: Tingin ko naman po, sabihin ninyo sa amin kung sino ang nagri-red tag, kasi ang UP-PGH nga po ay kabahagi ng UP system. So it’s only logical na iyong UP Students’ Regent – kagaya ng aking sinabi na tumutulong din ako dito sa donation drive ng UP-PGH – ay hihingi ng tulong. So sabihin lang po ninyo sa akin kung sino iyong nagri-red tagging and we will call their attention. Pero I reiterate puwede ba ho iyong mga questions kay Doctor Legaspi muna kasi po may pulong po siya sa NTF?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, iyon lang po muna.

SEC. ROQUE: Okay, roll call doon sa mga magzu-zoom, Melo Acuña, Triciah Terada, Pia Rañada questions for Dr. Legaspi please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. My question for Dr. Legaspi. Forward looking, what measures have you or in your pipeline to prevent dislocation of patients? Mayroon po ba kayong programa para maiwasan iyong dislocation ng mga pasyente sa pagamutan?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Ito pong long term program ng PGH is actually to increase its bed capacity. Hindi po kaagad dadami ang pasyente, pero dadami ang lugar para sa pasyente. That is why in our master planning, mayroon doong dalawang buildings that will be coming up soon.  Ang isa po ay mag-uumpisa within the month ang groundbreaking, to prevent the overcrowding in our wards. Ang mga wards po ng PGH, 36 lang ang design na mailagay doon. Ngayon po umaabot ng 60 ang iba. So, the displacement happens because there is less space for them. So in the future, the additional bed space will allow us to move patients more comfortably also for them.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Samantalang kung nailipat ninyo iyong mga bagong silang, iyong mga sanggol, paano po ninyo tinugunan iyong paglilikas naman noong mga ina dahilan sa kailangan din ng breast feeding?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: So, iyong mga mothers, remains with us dito sa aming OB ward.  Marami po kasi sa kanila positive iyong mothers, kaya nandito pa iyong baby. Iyong amin pong milk banking is a very active program of PGH. I think we have the biggest milk bank in the country at ito po ay kasabay naming pinadala sa mga babies sa Sta. Ana Hospital. So tuluy-tuloy naman po ang linkage. Ang breast milk po ay tuluy-tuloy na ipinadadala sa kanila through that linkage.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Pahabol ko na rin, Doc Legaspi. You mentioned in an interview previously na mga 30 to 50 million iyong napinsalang kagamitan. How do you plan to replenish the equipment? You may have the cash, but where will you buy the equipment?

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: So, we already made our surveying of the market. Mayroon pong mga available na units na maaari naming mabili, kaya ang amin pong strategy is to overcome government procurement procedures. Maybe purchase them on an emergency basis, so that we can equip the hospital again. Pero hindi po namin sila mailalagay doon sa pinangyarihan ng sunog, dahil nga po kailangan pang i-renovate iyon. So we have designated two areas in PGH where we can put the sterilizing equipment and maybe to be able to install at least three in the coming month.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you very much, Dr. Legaspi.  Thank you, Secretary Roque.     

SEC. ROQUE: Okay, wala na tayong katanungan kay Dr. Legaspi and Doc, ang huling mensahe po galing sa ating Presidente – ask and you shall receive. Alam naman po ninyo dati-rati pa, kung ano ang kinakailangan ng PGH ay handang ibigay ng Presidente galing po sa kaniyang Presidential Social Fund. Ulitin ko po, mag-designate lang po kayo ng representative. I will be there at 3 for water and merienda for about a thousand frontliners and patients. Maraming salamat, Dr. Legaspi.

PGH DIRECTOR DR. LEGASPI: Maraming salamat din po sa inyong lahat.

SEC. ROQUE: Ipagpatuloy po natin ang ating open forum. Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Tanong po ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Why did the President invite daw po former Senate President Juan Ponce Enrile to a discussion on the South China Sea. Is it because Mr. Enrile also criticized the supposed backdoor negotiation of former Senator Trillanes with the Chinese government?

SEC. ROQUE: Hindi po. It’s for Philippines History. Kasi hanggang ngayon, hindi natin alam kung ano ang naging papel ni Senator Trillanes, kung ano iyong nilalaman ng tinatawag na ‘Brady notes’ na binigay po sa kaniya noong siya po ay Senate President.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: Did Mr. Enrile accept the President’s invitation and what advice/insights can we expect from him?

SEC. ROQUE: Siyempre, po tinanggap kaya inanunsiyo na namin na darating siya ano.  At iyon nga po, we need also his insights dahil siya po ang longest serving secretary of National Defense ng ating bansa at during the Marcos administration nagsimula iyong PD 1596, ang pagkabit sa Kalayaan Island Group sa ating teritoryo.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Punta uli tayo kay Melo Acuña for other questions, please?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Secretary Harry, I hope the PGH fire is an isolated incident. But forward looking, will there be programs from the government through the IATF and the Department of Health na magkaroon ng networking ng mga ospital in cases of emergency – God forbid – magkaroon ng lindol, magkaroon ng pinsala ang mga gusali. Mayroon kaya tayong mga programa para sa ganitong emergencies?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ang ginagampanang papel ngayon ng One Hospital Command Center. We are treating all the hospitals as part of one command nga at least for COVID purposes at nakita naman po natin na because of this nagkakaroon ng mas malapit na kooperasyon sa mga ospital at naging dahilan kung bakit iyong mga bagong silang na mga sanggol ay nailipat kaagad sa Sta. Ana Hospital. So, I think this is one good thing that came out of this health emergency, iyong closer cooperation amongst all hospitals, private or public. Wala na pong distinction ngayon, basta ang hinahanap natin, espasyo para sa mga nagkakasakit.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: What about the assessment of the structural integrity of hospital buildings? Will the government take a lead role in checking how safe these buildings are?

SEC. ROQUE: Well, noong ginawa po iyang mga building na iyan, lahat po iyan  ay dapat nag-comply doon sa Building Code at ang Building Code po natin lalo na sa mga ospital ay intended na iyong mga hospitals will be the last building standing even in case of an earthquakes, so ganiyan katindi po iyong requirements for building a hospital. Pero of course, it’s subject of course to regular assessment at ang ginagawa nga po ng DPWH  ngayon, ina-assess ang structural integrity ng buong building ng PGH dahil nga p0 dito sa sunog na ito.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah, I hope we can also get the update from the DPWH as to the assessment of other buildings aside from PGH. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Usec. Rocky again?

USEC. IGNACIO: Yes. From, Haydee Sampang of DZAS: League of Provinces of the Philippine’s President and Marinduque Governor Velasco has called on the national government to send more vaccines in the provinces, especially those placed under MGCQ. Velasco is aware of the limited vaccine supply in the country, but he still saw the need to add more vaccine supplies in the MGCQ areas to provide more protection to the people. Reaksiyon daw po?

SEC. ROQUE: Huwag po kayong mag-alala, tama po si Governor Velasco, hindi naman po natin sinasabi na palibhasa nagkakaroon tayo ng focus areas na NCR Plus 6 – Metro Cebu at Metro Davao – eh hindi na makakakuha iyong rest of the country.

Sa isang simulation po na naipresenta lately lamang, up to 42% of all vaccines po ang ilalaan sa NCR plus six provinces, Metro Cebu and Davao, pero clearly, iyong 58% ay idi-distribute pa rin po sa buong bansa dahil nga po we are not safe unless all of us are safe. Kaya lang po iyong prayoridad is because alam naman po natin ito talaga ay hotspots for COVID-19 which is not a badge of honor po ano; it really is just an answer to a fact, to a medical fact.

USEC. IGNACIO: Second question niya: Nagtataka ang isang grupo ng magsasaka – Federation of Free Farmers – sa ginawang pagpirma ng Pangulo sa EO 135 o Bawas-Buwis Rice Importation dahil wala namang emergency sa usapin ng supply ng bigas sa bansa. Anila, sampal sa mga magsasaka ang pagbaba ng taripa sa rice imports sa 35% sa loob ng isang taon mula sa 50% at 40%. Hindi sana pinangunahan ng Palasyo ang Kongreso sa usaping taripa at buwis sa bigas.

SEC. ROQUE: Well, siguro po sinisiguro lang natin na sapat po ang ating magiging supply ng bigas kasi siguro po sa lahat ng ating kinakain, we can afford na magkulang tayo sa ilan pero hindi pupuwede sa bigas.

At nakita ninyo naman po, napakatindi po nitong panahon ng tag-init na ito, so hindi pa natin po alam kung anong epekto nito sa ating mga pananim na palay pero I’m sure mayroon pong epekto iyan.

Now, kung papansinin ninyo naman po, from 40 naging 35, so maliit lang naman po iyong taripa na ibinaba, hindi po ganoon kalaki ‘no. So, ito po ay just to ensure na itong adverse consequences ng climate change ay hindi magdudulot ng kakulangan sa ating supply ng bigas.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Trish Terada for other questions, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Spox Harry. Sir, first question, [garbled] follow-up on the West Philippine Sea issue because I remember the last time [garbled] fishermen na at least ngayon po nakakapangisda na sila. Iyong argument, sir, or the mindset na nakakapangisda na iyong mga Pilipino for example doon sa … at least sa Bajo de Masinloc, hindi po ba lumalabas na very mediocre ang ating standard that we can settle with this agreement when we deserve more?

SEC. ROQUE: Well, kasi pagdating sa usaping EEZ, that’s really right to exploit and explore fishing resources. Doon sa apat na bato ng Scarborough Shoal, ano pa bang makukuha mo diyan kung hindi isda. Iyan lang po ang Scarborough Shoal, so what else do you want there kung hindi po pangingisda? Wala pong mababaw doon sa ninanais natin. Talaga naman pong importante ang Scarborough Shoal sa mga mangingisda na taga-Luzon dahil mga ninuno pa nila iyong nangingisda na diyan, at iyon nga po iyong naging desisyon ng Arbitral Tribunal na mayroong acquired traditional fishing rights ang lahat, hindi lang po ang Pilipino kung hindi ang mga Tsino at mga Vietnamese din.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, do we still see the value or see any benefit in complying with the Declaration of Code of Conduct of 2002 when China itself is keeping on building structures? And are we also capable, would we be able to create our own structures to keep hold of our territories kung ganoon naman po iyong nangyari or at least, sir, iyong outpost na pinu-propose ni SND before po?

SEC. ROQUE: Well, kaya nga, Trisha, kailangan nating malaman kung ano talaga ang katotohanan para sa ating kasaysayan kasi iyong mga artificial islands na ngayon ay nagsisilbing base military ng mga Tsina at iyan naman iyong mga ilang larawan diyan ‘no eh nangyari naman po iyan bilang kasagutan ng Tsina doon sa kontrobersiya na sinimulan ng nakalipas na Administrasyon.

Dati-rati hindi po ganiyan ang mga istraktura diyan, hindi po sila base militar, mayroon lang mga very modest improvements. And in the coming briefings ay ipapakita ko po iyong then and now. Iyong now po is after the controversy of the Scarborough Shoal, kaya importante pong balikan talaga iyong panahon ng ating kasaysayan diyan para mailinaw at huwag na huwag ninyong ituro na ang Presidente Duterte ang nagkompromiso ng soberenya ng Pilipinas dahil hindi po totoo iyan. Babalik at babalik tayo sa kasaysayan, sa katotohanan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: On another topic, doon lang po sa vaccination ‘no. Are we seeing the impact or the effect of vaccination at this time or are the numbers still too low or too small or too early to tell pa, Spox?

SEC. ROQUE: Well, scientists have said that the vaccination drive will have an impact kapag nabakunahan na natin around 35% of the population, at wala pa po tayo doon. Pero ang mabuting balita po ngayon ay mayroon na tayong apat na milyon na available vaccine within the month of May na ibibigay at magiging sapat na po ang ating supply at least to provide about 3.5 million vaccines regularly to Metro Manila and the Plus six areas.

At makakamit po siguro natin itong 35% on or about the month of August kung masusunod iyong simulation na pinaplano po ng gobyerno, but that is subject to IATF approval kaya hindi ko pa po muna ma-discuss. As soon as IATF approves it po, we will discuss it.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, bukod po doon sa ating formula na, for example, growth rate, the daily attack rate tapos iyong health care utilization rate, is the IATF also setting a standard or a goal in terms, for example, sir, kung kailan magdyi-GCQ na fully iyong Metro Manila or MGCQ in terms of the number of vaccines?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, we are discussing the classification also in relation to the vaccination drive. Kaya nga po hindi tayo tuluyang nagbukas kasi hindi pa sapat din iyong bakuna. Pero kapag bumuhos na po iyong bakuna, there will be more confidence na mas buksan pa ang ekonomiya.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Back to USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN, pareho po sila ng tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Reaksyon, San Beda Alumni is asking President Duterte to retract his public statement on the #WestPhilippineSea and uphold the Philippine Constitution. Ang follow-up naman po ni Ivan Mayrina, may signature drive na inilunsad si dating Justice Carpio, ang ilang mga pahayag ng Pangulo partikular halimbawa itong “scrap of paper” remark tungkol sa Arbitral Ruling bagay na sinegundahan po ng San Beda Alumni.

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, ang papel ko po bilang spokesperson ay para linawin nga kung anong sinabi ng Presidente ‘no. Noong sinabi niya when the China was in possession of West Philippine Sea, totoo po iyon but he was referring to Scarborough Shoal. Kasi lahat ng binanggit niya when he mentioned West Philippine Sea, kadikit iyong pangalan ni Secretary Albert. Meaning, he was referring to the loss of Scarborough Shoal at iyong katotohanan na kontrolado ngayon ng Tsina iyong Scarborough Shoal.

Noong sinabi niya it’s a piece of paper, kasi nga po, gaya ng sinabi ko under the international law, unless mayroon kang Chapter 7 Collective Security Measure, wala talagang pamamaraan para ipatupad iyan ‘no. You can only hope that China as a member state of the UN and as a permanent member of the Security Council will of course comply with its obligations under international law. But beyond that, talagang wala pong ibang pamamaraan.

So, ilagay po natin lahat iyan sa konteksto. At perhaps ‘no, sa lengguwahe ni Presidente, he may not be as accurate pero consistent po ang sinasabi niya. So, iyong “China in control of West Philippine Sea,” that refers to Scarborough; iyong “It is a piece of paper,” it’s because under international law, wala pong established enforcement mechanism.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question ni Pia Gutierrez: The government earlier projected that COVID cases would go down to only 4,000 cases per day by May 15 due to the implementation of stricter community quarantines, but cases right now are around 6,000 or 2,000 more than the projected number. How does the Palace regard this? Saan kaya nagkulang? What is the government’s target number of cases by the end of the month?

SEC. ROQUE: Well, that’s the nature po of projections – they remain as projections, you can never tell. Kasi hindi po natin alam talaga kung gaanong mas nakakahawa itong mga new variants. We are in new territory at kaya nga po nag-iingat tayo at unti-unting binubuksan natin ang ekonomiya kasi nabalita nga po nandito na iyong Indian variant pero wala pa namang – thank goodness ‘no – wala pa namang impormasyon na ito’y community acquired na ‘no. So, kinakailangan maging konserbatibo tayo sa pagbubukas ng ekonomiya.

Pero ayun po ano, siguro iyong model na ginawa dati that was based on the prevalent variant na galing po sa Hong Kong ‘no at we don’t know enough of the UK variant, talaga po sigurong mas mabilis kumalat itong UK variant na ito.

USEC. IGNACIO: Ang third question ni Pia: The DILG says, prevention and not contact tracing is the weakest link in our pandemic response. Does the Palace agree? How do we intend to strengthen this?

SEC. ROQUE: I’m not in a position to disagree kasi pinakamabuti po talagang pamamaraan ay iyong ‘Mask, Hugas, at Iwas’ which is components ng prevention; at ngayon pong nandiyan na ang mga bakuna, isama na natin ang bakuna.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, just to clarify, iyong A1.5 that you said was the priority group for the mayors and governors, tama ‘no? They come—that means they come after the medical workers and before the senior citizens. If so, sir, bakit—why A1.5 and why not just A4, like, kasi we can call them government frontliners naman po? Why A1.5?

SEC. ROQUE: Kasi po ang mga mayor at gobernador ang nagpapatupad po ng Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Rehabilitation na cornerstone of our COVID program. Sila po ang nagpapatupad ng localized lockdown. Sila po ang nagpapatupad ng vaccination. Sila po talaga ang ating instrumento dito sa paglaban natin sa COVID-19. They may not be doctors but they are equally frontliners dahil lahat po ng istratehiya natin ang humaharap po ang mga lokal na opisyales – si mayor at si governor.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then Sir second question, just on the President’s statements in Maguindanao last week. He was talking about his big disappointment with the fact that there’s been a new spate of violence in BARMM. Does he hold the Bangsamoro Transition Authority responsible for these incidents of violence? And in connection with that, is the President still supportive of the bid of the BTA to extend the transition period?

SEC. ROQUE: Unang-una hindi po niya sinisi ang BARMM. Alam naman po natin na ang nagkakalat ng lagim diyan sa BARMM ay mga bandido, BIFF ‘no, splinter groups of BARMM. So it’s an expression of exasperation at the same time a warning that the state will not tolerate itong mga acts of violence na ito. Pangalawa he continues to be supportive po of the initiative for the transition.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And lastly Sir, the BTA was supposed to have presented a plan on how to address the violence by BIFF during their meeting with the President. We just want to know how the President received it and ano pong thoughts niya on how the BTA can solve the problems of violence to the region?

SEC. ROQUE: I have no information. I’ll check, because that only happened last week ‘no. So I’ll check, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  All right. Thank you, Sec.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong in Ivan Mayrina: While saying that he doesn’t want trouble with China, medyo mas palaban ang pahayag ng Pangulo na hindi patitinag ang ating mga barkong nagbabantay sa contested waters. Can we say that from here on, ito ang magiging stance ng ating gobyerno?

SEC. ROQUE: Ivan, hindi po nagbago ang polisiya ng ni Presidente Duterte. Bagama’t isasantabi niya ang hindi mapagkasunduan sa ngayon at isusulong ang pupuwedeng mapagkasunduan, hindi po nagbago ng posisyon ang Presidente na itataguyod din niya ang soberenya at pangangalagaan niya ang teritoryo ng Pilipinas. Kaya nga po sa kaniyang administrasyon ang pangako niya – walang bagong teritoryong mawawala sa atin.

USEC. IGNACIO: Question from Maricel Halili ng TV-5: Dr. Leachon said we cannot achieve herd immunity by December with the current rate of vaccination. He said we should need at least 300,000 vaccination a day and it’s about time to open vaccination for A4. I understand that the vaccines from COVAX Facility can only be used for A1 to A3 categories. How about other brands like Sinovac and Sputnik? Can’t we start using those vaccines for A4?

SEC. ROQUE: Unang-una po it has always been the plan na kapag dumami na ang supply natin, bubuksan na natin ang A4 and A5. I will correct Dr. Leachon, mali po kayo. Ang COVAX hindi nga po kasama ang A4. Ang COVAX dapat ang susunod na priority A5, iyong mga mahihirap kasi ang gusto nila equitable access to vaccines. Kaya nga po ang gagawin natin kung makita ninyo po diyan sa ating graphics ‘no, isasabay po natin iyong A4 at A5 at ito ay magsisimula na tayo sa Hunyo if not even earlier ‘no, possibly within the last week of May, tingnan po natin.

Now ang mangyayari po diyan iyong COVAX, ibibigay natin sa mahihirap. Iyong mga binili nating vaccines, iyon ang ibibigay natin sa A4 kasi nga po hindi natin puwedeng labagin iyong order of priority ng COVAX at ang order of priority of COVAX is A1, A2, A3 and A5.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Maricel Halili: 1Sambayanan said that some of the candidates who would like to run under their slate are still hesitant. Does it make the candidates of the administration in better position?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po kung magkakaroon po ng advantage ang mga kandidato ng administrasyon, ito po ay dahil unang-una may pandemya; pangalawa nakita nila na ginawa ng lahat ng gobyerno; at pangatlo, it will really depend doon sa vaccine rollout. Pero sa tingin ko po makakamit natin iyong ninanais natin na better Christmas ‘no at iyan po talaga ang problema ng mga kandidato ng oposisyon. Ngayon po ay nagdadasal nga sila na huwag tayong maging matagumpay dito sa vaccine rollout para sila ang manalo. Huwag naman pong ganoon, kinakailangan bilang Pilipino kapit-bisig po tayo. Ipagdasal po natin na kahit sila’y oposisyon, magtagumpay itong ating vaccine deployment.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate: Ayon po sa interpretation ng OCTA, 77% daw iyong positivity rate sa Puerto Princesa, Palawan. Ayon po sa interview kay OCTA fellow Guido David na dahil umano ito sa mababang testing sa siyudad at sinabi niya na sa bawat sampung mati-test doon, walo ang nagpupositibo sa COVID-19. Ang tanong po, ano po ang tulong na ibibigay ng national government? Isasailalim ba sa mas mahigpit na quarantine status ang siyudad?

SEC. ROQUE: In fact po, inakyat po ang quarantine classification ng Puerto Princesa dahil nag-apela po ang kanilang Mayor ‘no. At ngayon po sila po ay nasa GCQ, dati po sila ay nasa MGCQ. So kung kinakailangan pa po nang additional testing, ang alam ko naman po eh madaming testing facility na dinala sa buong probinsiya ng Palawan nitong si Governor Pepito Alvarez ‘no.

Siguro pupuwede rin nilang hiramin iyong capacity noong mga karatig na lugar sa Puerto Princesa kung kinakailangan ng mas maraming PCR o ipadala sa ibang mga facilities iyong kanilang nakukuhang test. Pero kung talagang kinakailangan, I’m sure si Testing Czar Vince Dizon will send additional antigen kits, if need be, dahil madami po tayong binili diyan dahil nga po sa surge.

USEC. IGNACIO: Opo. From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Your recent statement that the Julian Felipe Reef was outside the Philippines’ exclusive economic zone drew the ire of several senators and DFA Secretary Teodoro Locsin. Where did you get your data of information that the Julian Felipe Reef is outside our EEZ?

SEC. ROQUE: I cited po a specific paragraph of the arbitral award na nagsasabi na it falls within territorial sea. Ang issue lang po, sinong may titulo doon sa mga rocks that can generate territorial sea. It did not come from me, I have a primary source – the decision of The Hague arbitral tribunal.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kylie Atienza ng Business World: Will the President certify as urgent the proposed measure seeking to extend the term of Bangsamoro Transition Authority by another 3 years?

SEC. ROQUE: Umuusad na po iyan ‘no at ang importante palaging inuulit ni Presidente ito ‘no, bagama’t he can certify anything as urgent, kapag naman ang Kongreso hindi talaga convinced eh mahihirapan din po. Alam ninyo po lilinawin ko – iyong certification of urgency, it only means hindi na dadaan sa separate reading iyong second and third reading ‘no, hindi na mag-aantay ng enrolled bill. Kinakailangan kasi i-print iyan bago botohan pero kapag certified urgent, hindi na po dadaan sa ganoong proseso – isang botohan na lang.

Pero kung talagang walang suporta eh problema pa rin ‘no. Although of course a certification itself will be a signal na importante sa administrasyon ito. Pero sa mula’t mula, ang sinasabi ni Presidente, respetuhin din natin iyong right to self-determination ng lahat ng mamamayan diyan sa area na iyan. Kaya kinakailangan makipag-ugnayan sa mga senador, makipag-ugnayan sa mga representante ng mga probinsiyang apektado.

USEC. IGNACIO: Opo. From Abel de Leon ng Manila Bulletin: How long daw po ang quarantine for a fully vaccinated visitor from the US and other protocols?

SEC. ROQUE: Hindi pa po nagbabago. Lahat po mandatory 10 days facility quarantine and the remaining 4 can be home quarantine under strict supervision of the local government unit.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Iyon lang po iyong nakuha nating questions.

SEC. ROQUE: Okay. Again for Evelyn ‘no, kinowt [quoted] ko po iyong specific paragraph ng ruling at ito po ulit, pinapalabas ko – akyat pa kung ano iyong specific paragraph. ‘Ayan po, Paragraph 1203-B3 – iyan po ang aking primary source. As an academic for 15 years,  always I’m guided by primary sources with my conclusions. At iyan po ang aking primary source.

Okay. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat kay Dr. Gap Legaspi. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. At maraming salamat sa inyong lahat po sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ating presidential press briefing.

Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, huwag po kayong mawawala mamayang gabi dahil importante na balikan ang nakalipas nang makarating po tayo sa ating patutunguhan.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)