SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Dumating po kaninang alas siyete ng umaga ang isang milyong doses ng Sinovac ‘no, at mamaya ay inaasahang darating ang mahigit dalawang milyon or 2,279,160 doses ng Pfizer vaccine. Ito na, ayon sa National Task Force, ang pinakamalaking single-day delivery sa ngayon ng bakuna. Kabilang ang mga ito sa labing-isang milyong doses ng bakuna kontra-coronavirus na inaasahan nating darating ngayong buwan ng Hunyo.
Tiniyak ng ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, na magkakaroon ng steady supply ng bakuna at bibigyan-prayoridad ng ating vaccine deployment ang mga lugar na most vulnerable sa COVID-19 surges alinsunod sa direktiba ng ating Presidente. Sisiguraduhin natin na ang ating mga lokal na pamahalaan ay magkakaroon ng mga bakuna. Kaya sa mga lugar na may report na nagkakaubusan ng bakuna, huwag po kayong mag-alala, may paparating na pong mga bagong supply.
Nagsimula na rin po ang bakunahan ng A4 priority group or economic frontliners ng mga lokal na pamahalaan. Kahapon, June 9, sa San Juan, nagsimula na ang pagtuturok ng mga empleyado kabilang ang store vendors ng business establishments. Pati na ang residents sa San Juan na nagtatrabaho sa nasabing lungsod ay kasama sa listahan ng A4.
Inuulit namin: Libre po ang bakuna ha, first dose at ang second dose. Tara na at magpabakuna para ligtas kayo, ang inyong pamilya at inyong komunidad.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins:
- Number 24 ang Pilipinas pagdating sa total cases
- Number 31 po tayo pagdating sa active cases
- Number 132 sa cases per 100,000
- At ang case fatality rate po natin ay Number 92 pa rin at 1.7%
Mayroon po tayong 5,462 na mga bagong kaso ayon sa June 9, 2021 datos ng DOH. Nagpapasalamat naman kami sa mga magagaling, masisipag at dedicated na medical frontliners dahil patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling dahil 94.1 na po ang gumaling mula sa coronavirus. Nasa 1,210,027 na ang bilang ng mga naka-recover. Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 22,190 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila, nasa 1.73% po ang ating cases fatality rate.
Ano naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa Metro Manila at sa buong Pilipinas. Tingnan po natin ang infographics:
Sa National Capital Region po:
- 53% utilized po tayo pagdating sa ICU beds
- 39% utilized tayo pagdating sa isolation beds
- 37% utilized po tayo pagdating sa ward beds
- At 35% utilized pagdating sa mga ventilators
Sa buong Pilipinas po:
- 58% po ang utilized na ICU beds
- 49% ang utilized pagdating sa isolation beds
- 49% utilized pagdating sa ward beds
- At 38% utilized pagdating sa ventilators
Bagama’t mababa po ang ating utilization rate, naku po, kinakailangan patuloy po ang mask, hugas, iwas at bakuna dahil ayaw po nating ngayon pa kayo madali ng coronavirus matapos ang matagal na pag-aantay para sa mga bakuna – MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA po!
Sa iba pang mga bagay: Nakikiramay po kami sa pamilya ni football player Kieth Absalon at sa kaniyang pinsan na si Nolven na namatay sa isang pagsabog na inako ng CPP-NPA. Uulitin po namin: Ang ginawa po ng CPP-NPA ay isang international war crime. Puwede pong hulihin, litisin at parusahan ang mga taong gumamit ng pasabog na ito kahit saang parte ng daigdig because what they did po is a crime against the international community. Mariin namin itong kinukondena.
Narinig po ni Presidente ang hiling at iyak ng pamilya ni Kieth ng hustisya lalo na at nagsabi ang pamilya na binaril ang mga biktima. Nangako ang Pangulo na masusi itong iimbestigahan at pagbabayaran ang mga may sala.
Hindi lang pangarap ni Kieth ang naglaho sa kaniyang pagkamatay sa kamay ng CPP-NPA, nawala rin ang karangalan na maaari niyang ibigay sa minamahal nating bansang Pilipinas dahil sa pagpatay na ito.
Samantala, magandang balita naman po: Tumaas ang ating exports noong buwan ng Abril by 72.1% ayon po sa datos ng Philippine Statistics Authority. Ito ang pinakamataas sa mga ekonomiya sa Asya, nalampasan natin ang 38% ng Hapon at 32.3% ng bansang Tsina. Mula US, 3.32 billion noong April 2020, ito’y naging 5.71% billion ngayong April 2021. Ito ay matapos pinayagan natin ang one hundred percent operating capacity kahit na tayo ay nasa Enhanced Community Quarantine; hudyat ito ng pagbangon ng ating ekonomiya.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, unang-una, Retired Supreme Court Justice Francis Jardeleza na dati rin po nating Solicitor General. Siya po ang naghain nung nanalong kaso sa International Tribunal for the Law of the Sea ‘no diyan po sa Permanent Court of Arbitration. Kasama po natin si Professor Romel Bagares, isang propesor ng batas, at Dr. Melissa Loja, isang PhD on international law galing po sa University of Hong Kong.
Justice, unahin ko na po kayo, nagpadala po kayo ng liham kay Presidente na bilang paggunita ng panlimang taon ng ating tagumpay diyan sa Permanent Court of Arbitration ay sinabi ninyo na siguro ang pinakamabuting paraan para mapatupad ang desisyon na ito ay sa pamamagitan ng pagpasa ng Kongreso ng batas na alinsunod sa desisyon ay mag-aamenda ng ating kasalukuyang Philippine Baselines Law.
Pakibigyan lang po kami ng konting eksplanasyon kung bakit, unang-una, batas ang kinakailangan? Mayroon po kasi kayong isang kapuwa retiradong mahistrado na sinasabi na hindi raw kinakailangan ang batas. At pangalawa, ano ang magiging hugis ng batas na ito at bakit ito ay magpapatupad ng ating panalo diyan sa Hague Tribunal? Justice Jardeleza, the floor is yours.
FORMER JUSTICE JARDELEZA: Good morning, Harry. At saka magandang umaga sa lahat ng nakikinig.
Ako po ay sumulat kay Pangulo sapagka’t—magbibigay po ako ng isang ehemplo kung bakit kailangan natin ng isang batas. Alam ninyo po, pinapadala natin ngayon na bilang mga … ang tawag sa kanila ay mga frontliners natin sa West Philippine Sea, ang mga kasamahan natin sa Philippine Coast Guard, mga kawani ng Philippine Navy at saka mga opisyales ng Philippine Air Force na magpatrolya sa West Philippine Sea.
Ngayon, ang nangyayari ay halimbawa nakaraang dalawang linggo ay may [technical problem]
SEC. ROQUE: Nawala. Nawala kayo, Justice Jardeleza.
Subukan natin muna si Professor Romel Bagares habang inaayos po ang linya ni Justice Jardeleza. Professor Bagares, quickly lang po, ano iyong nasa desisyon ng Hague Tribunal kung bakit kinakailangan tayong magpasa ng amendatory na batas po dito sa ating existing Philippine Baselines Law? Professor Bagares?
FORMER JUSTICE JARDELEZA: Hello?
SEC. ROQUE: Yes, go ahead po. Go ahead, Justice, as you were saying?
FORMER JUSTICE JARDELEZA: Ang mahalaga po ay kunwari ilagay ninyo ang sarili ninyo sa mga Coast Guard na binibini, mahalaga na sila ay nasa tuwid na lugar. Ano ang ibig sabihin? Kailangan, mahalaga na may batas na nagsasabi na ano ang sukat ng ating teritoryo. Ngayon, ano ang sukat ng ating mga possession sa West Philippine Sea. For ehemplo, ang ating Coast Guard ay nagpapatrolya sa isang islet, kunwari sa Pag-asa. Sasabihin ng mga binibini ng Coast Guard sa dayuhan, “Huwag kayo dito kasi ito ay sa amin.”
Ngayon, paano nila malalaman na ito nga ay sa atin? Ngayon, diyan papasok ang panukala namin na panahon na na sa lahat ng mga posisyon natin sa West Philippine Sea dapat ang sukat, the metes and bounds, sa Ingles ang tawag diyan, ang technical na term ay ‘coordinates.’ Ang coordinates ay klaro na mailagay sa batas para wala ng kuwestiyon. Para – ang ibig naming sabihin – ang mga frontliners natin, ang mga bayani natin na napupunta ngayon sakay sa ating Coast Guard, sakay ng ating Philippine Navy at sakay ng ating Philippine Air Force ay malakas naman ang loob nila.
Now, kung magkakaso man then may klaro na tayong paninindigan na ito, “O, tingnan ninyo ito ang batas namin. Ito ang sukat ng sinabi namin.” So, ang sukat na ito ay gagawin ng NAMRIA at kung may batas na, tayo ay alinsunod na sa tinatawag na treaty na UNCLOS. So, sa madaling sabi, kailangan natin ang batas hindi lang haka-haka, hindi lang—alam ko, maraming mga ideya, hindi ko naman sinasabi na ang panukala namin ay iyon lang ang paniwalaan ninyo.
Ang mahalaga ay ang panukala namin ay maidulog ito sa Kongreso sapagkat ang Kongreso lamang ang makapagtalaga ng batas at kung sabi ng Kongreso ay tama ito, pupunta sa Pangulo, pipirmahan ng Pangulo, may batas na tayo. So, ang argumento namin mas mabuting may batas tayo na klaro ang sukat ng ating mga possession sa West Philippine Sea.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Justice Jardeleza. Para naman po kay Professor Bagares. Bakit sa tingin ninyo po, Professor, kinakailangan tayong magkaroon ng isang batas na nag-aamyenda ng Philippine Baselines Law? Ano ba ho ang nakasaad diyan sa Hague Tribunal ruling na naging dahilan bakit sa tingin ninyo ay kinakailangan magkaroon ng bagong batas? Professor Bagares, please.
PROF. BAGARES: Well, alam po ninyo, sabi po ng Arbitral Court sa kanilang Arbitral Awarding noong 2016, hindi na natin puwedeng itrato iyong tinatawag nating dating Kalayaan Island Group bilang isang unit dahil ito ay ipinagbabawal, ito ay hindi alinsunod sa UN Convention on the Law of the Sea, bagkus ay pinaghiwa-hiwalay na iyong mga nandoon na tinatawag nating features.
Mayroong rocks doon at LTEs (low tide elevations) at iyong sabi ng Korte kailangan nating tingnan based on individual features iyong maritime domain doon.
Ano ngayon ang kahalagahan ng batas? Dahil iyong atin pong RA 9522, bago iyan iyong PD 1596, iyon po talaga iyong pinaka-unang batas na atin pong inilatag para patunayan na tayo ang may-ari diyan sa lugar na iyan ano pagkatapos mayroon po tayong Exclusive Economic Zone Law na na-supersede na rin ng RA 5922. Pareho po ito, iyong PD 1596 at [RA] 9522, general po iyong sinabi ano, iyon pong PD 1596 lahat ng nasa loob ng polygonal lines sa atin. Of course, iyan ay claim to effective control, [unclear] sovereignty po, hindi po alinsunod sa UNCLOS. Sa 9522 naman, ginawang enclave regime of islands pero wala pong binabanggit kung ano po ang nasasaklaw noong regime islands of islands, liban na lang po sa Bajo de Masinloc.
Alam po natin na sa ilalim po ng international law ano lalo na po ngayon sinasabi kailangan specific, pangalanan. Marami po tayong kasong ganiyan ngayon, Burkina Faso v Mali, Nicaragua v Colombia at iyon pong natutunan natin sa klase ni Spokesperson, iyong Eritrea v Yemen. Sinabi po doon kailangan i-identify specifically/pangalanan at ang kailangan pong gawin ay magpasa po ng batas.
Ngayon po, iyong isang Presidential Proclamation po ay Executive Act ano po, iyon pong mga batas natin, 9522 at iyong pong PD 1596, pareho po itong batas na ginawa po ng Kongreso. So, alam po natin na hindi pupuwedeng amyendahan po ng Executive Act iyong Act of Congress ‘no at ayon po sa international law kailangan po ng sovereign acts at ang nailatag po ng mga nabanggit ko na mga kaso ay iyon pong Acts of Congress dahil ito po talaga iyong pahiwatig, malinaw na pahiwatig ng tinatawag natin na acts of effective occupation by a sovereign which is also pursuant to the Island of Palmas arbitration.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Thank you, Professor Bagares. At si Dr. Melissa Loja naman, si Dr. Melissa Loja has a PhD in international law from the University of Hong Kong. Long time no see, Dr. Loja! Ano hong magiging hugis nitong teritoryo ng Pilipinas kung maipapasa po itong batas na inyong pino-propose. Dr. Loja, go ahead.
Dr. Loja, paki-unmute po ang Zoom ninyo. Paki-unmute.
DR. LOJA: Yes.
SEC. ROQUE: Go ahead po.
DR. LOJA: Pasensiya na iyong Tagalog ko kasi Bisaya so I’ll speak in English.
The proposed bill does three things:
First, it identifies the features by coordinates and name; second, it identifies or demarcates the baselines; and finally, it reiterates continuing claim to sovereignty of the Philippines and at the same time continuing claim to maritime zones emanating from the rocks which will have term baselines.
So the function of the first provision would be to exercise territorial sovereignty over specific features consistent with the requirements of Eretria v Yemen, Nicaragua v Columbia, Burkina Faso v Mali, and so on. It is also consistent with what the Arbitral Tribunal said when they hinted or instructed the Philippines to treat the KIG (Kalayaan Island Group) no longer as a unit or as a single entity but rather as individual rocks with individual territorial seas.
So, based on that ruling of the Tribunal, we can now interpret Section 2 of RA 9522 which requires: Number one, the adoption of baselines; and number two, the treatment of the features in the KIG as a regime of rocks in relation to the Arbitral award. So, that’s the function of the first section.
The function of the second section which is to adopt baselines around specific rocks is to indicate the starting point of the territorial sea of each rock which will then push against the EEZ of the Philippines coming from the archipelagic baselines adopted under RA 9522.
Now, why is it necessary for us to delineate the territorial sea of each of these rocks? Number one, the EEZ of the Philippines is defined by our counsels in the arbitration is impeded by numerous rocks inside the zone and each of this rock has a TS (Territorial Sea), has a 12-nautical mile TS.
Now, we acknowledge this particular situation in order to avoid a denial of jurisdiction by the tribunal. Had we insisted on a full 200 NM from our baselines based on PD 1592 then the Tribunal would have said that: Number 1, you have a territorial dispute because then you will be encompassing not only the territorial sea but even the rocks which are considered territory.
Number two, you would have a maritime dispute because then your EEZ would encompass or overlap with the TS of each rock. So, in our definition we said automatically we enclave each rock and we enclave each TS and therefore we avoided a ruling of non-jurisdiction or inadmissibility. So, that’s the function of the second provision.
The other function is that if you look at the map—
SEC. ROQUE: Go ahead po, we’re looking at the map.
DR. LOJA: Yes. The second function is that the Tribunal declared that we have an EEZ in Mischief Reef, Second Thomas Shoal, and Reed Bank. That’s very clearly stated in the Arbitral ruling. At the same time it says that we have to (unclear) that territorial sea and the rocks inside the TS but then at the present junction, we have no knowledge of where the TS of these rocks end and where our EEZ begins or where our EEZ meets the TS of these rocks and therefore we need to know exactly the intersection between these ridges so that our law enforcers would know whether to use enforcement or diplomacy because once they approach the territorial sea of the disputed area or the disputed rock then they should know that they will be covered by the UN Charter on the non-use of force in a disputed territory.
At the same time, we have rocks that we occupy. For instance, Patag and Lawa. Now, if we occupy these rocks and at the same time, of course, it is contested therefore we have full territorial sovereignty over the rocks and over the territorial sea. If we know where the territorial sea is of these two rocks then we will know that whenever there is an intrusion in the same way that, let us say, if we were in possession McKennan and Sin Cowe when there was an intrusion in Julian Felipe then we can say that you are already intruding into our territory and therefore you are impairing our territorial sovereignty and therefore our law enforcers should know what they’re supposed to be doing.
Now finally, the final section reiterates all our claims. There is no disruption in our claim. We are not surrendering anything; we are simply saying we are clarifying these claims so that we can begin to enforce their word as far as our sovereign rights are concerned under international law.
So, of course you can say that the claim as written in our proposed bill is almost incomplete as we actually had a long debate on whether we should consult NAMRIA or we should just go ahead and make a list. But according to Justice and we subscribed to his view, this proposal comes from three citizens, these are not coming from a well-oiled, well-funded propaganda political machinery. This is a proposal is coming from three ordinary citizens who had to come up with a measure to address certain bizarre interpretations of international law as far as the West Philippine Sea is concerned.
And we are not claiming any monopoly over knowledge or over ideas, we’re saying that this is a proposal that looks viable as far as our experience, our study is concerned and we are hoping that the public and the President might take a look at it and consider the merits of this proposal.
Thank you very much.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Dr. Loja. Idadagdag ko lang po sa kaalaman ng lahat, kaya po importante ang batas kasi kapag ang pinag-aagawan po ay lupa, mga isla, kinakailangan magpalabas o magpakita ng ebidensiya ng soberenya at hurisdiksiyon at siyempre, isa sa pinakamalakas na ebidensiya ng soberenya ay iyong batas na kumbaga nagdidikit sa Kalayaan Group of Islands sa teritorya ng Pilipinas sa pamamaraan na sang-ayon po sa UN Convention on the Law of the Sea.
At kung makikita ninyo po dito iyong kontrobersyal na Julian Felipe bagamat siya po ay nasa EEZ eh magkakaroon po siya ng 12 nautical miles territorial sea at pabor po iyan sa atin bagamat ito po ay hawak ng mga banyagang bansa dahil ang territorial sea po mayroong soberenya, mayroong hurisdiksyon kahit sino pa ang may hawak noong isla na iyon.
Okay! Pumunta na po tayo sa ating open forum. I hope the three international law experts can join us for the open forum and I have to say na napakaganda po na mayroong konkretong solusyon na ibinigay ang tatlong mamamayang Filipino at hindi po ito ginagamit lamang sa pulitika. It is very refreshing at this time of politicking. Congratulations to the three of you po. Punta tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.
Ang first question po mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: When the President said that he is resisting calls for his vice-presidential bid, was it an outright rejection of the possibility that he will run for a government post next year?
SEC. ROQUE: Well, the President’s words are clear. I don’t have to construe or interpret. He is resisting – that is the word used ‘no. So ayaw po niya pero hindi pa naman niya sinasabing hindi.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: May we get a clarification on your statement that the President’s decision for 2022 elections may be revealed in October, the deadline set by the Comelec for the COC filing or even a late as December, the cutoff for the substitution period? Does it mean the President can replace a PDP candidate for VP at the last minute just like what he did during the 2016 presidential elections?
SEC. ROQUE: Our Omnibus Election Code allows for that.
USEC. IGNACIO: Third question po niya: Will the President meet with Senator Pacquiao to discuss the issues in PDP Laban as well as the West Philippine Sea dispute? Does the President still trust Senator Pacquiao as an ally and party mate?
SEC. ROQUE: I will have to consult with the Appointments Office po.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Punta tayo kay Mela Lesmoras, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque at sa atin pong mga panauhin. Secretary Roque, unahin ko lang po iyong vaccine distribution. Iyon nga, nabanggit ninyo po na may mga bagong supply na dumating ngayon sa bansa. Itatanong ko lang po kung anong reaksiyon ng Palasyo doon sa ilang lugar na dumadaing na sana magkaroon din sila nang maraming supply ng bakuna? Masasabi po ba natin na may inequality nga sa distribusyon? At kung mayroon man, paano po kaya natin ito matutugunan?
SEC. ROQUE: Hindi naman po inequality kung hindi it is based on science – na talaga pong kung saan iyong kuta, kung saan pinakamataas ang mga kaso ng COVID-19 ay binibigyan po natin ‘no nang karagdagang supply dahil iyong pagbabakuna nga po ay isang depensa laban sa lalo pang pagkalat ng COVID-19. So hindi naman po inequality iyon.
And uulitin ko po, hindi po karangalan na ang Metro Manila Plus, dahil dito ang pinakamaraming kaso ng COVID ay mas maraming nabibigay na bakuna – hindi po iyan karangalan. It is not a badge of honor. It is a sad state of fact na marami po ang kaso rito, indikasyon po siguro na kulang pa sa mask, hugas, iwas at bakuna.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And Secretary Roque, may schedule na po ba si Pangulong Duterte ng second dose niya ng Sinopharm? At hingin ko lang din po sana iyong reaksiyon ninyo, konektado pa rin po dito. May naiuulat sa ilang bansa na majority ng bakunang ginagamit ay Chinese-made vaccines na nagkakaroon daw ng COVID-19 resurgence. Ano pong reaksiyon dito ng Palasyo given na majority din ng ginagamit natin sa bansa ay Chinese-made vaccines? Is this a cause of concern po?
SEC. ROQUE: Mela, wala pa akong alam na schedule sa second jab niya pero I’m sure inantay kasi iyong EUA na naririyan na, so anytime. Pangalawa, huwag muna nating tanggapin po iyang konklusyon na nagkakaroon ng resurgence sa mga bansa na ginamit ang predominantly Chinese ‘no. Kasi pati po sa Inglatera na ang ginamit nila AstraZeneca, halos lahat ‘no, halos 100% dahil doon po gawa ang AstraZeneca eh nagkaroon din po ng resurgence.
I don’t think na may kinalaman iyong bakuna sa resurgence. Kung hindi, siguro nagkakaroon sila nang false sense of security dahil marami nang nabakunahan, eh nagpapabaya na sila sa mask, hugas, iwas. Ang leksiyon po rito, kahit marami nang nababakunahan, hanggang wala pong population protection kinakailangan mask, hugas, iwas pa rin.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuling tanong na lang po, Secretary Roque. Malapit na kasi nating ipagdiwang ang Independence Day at ngayon kasalukuyan din iyong National Flag Day. Ano po ang mensahe ng Malacañang para sa mga okasyong ito? At may schedule po ba si Pangulong Duterte na may kaugnayan sa mga okasyong ito?
SEC. ROQUE: Mayroon po. Dadalo in person ang Presidente sa komemorasyon ng ating Independence Day, ito po ay sa labas ng Metro Manila but I’m not at liberty to say for security reasons. Ang mensahe po natin, talagang ang Pilipino sa mula’t mula iaalay ang buhay para sa kalayaan ng inang bayan.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Roque at sa ating mga guests.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Punta tayo kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, from Jason Gutierrez ng New York Times for Secretary Roque and Justice Jardeleza: Comment on Justice Carpio saying he believe that Jardeleza’s proposed bill was unnecessary because President Duterte could simply issue a presidential proclamation listing the geologic features complete with names and coordinates, and that this would be faster than passing legislation.
SEC. ROQUE: That’s so wrong. Unang-una, the tribunal said na nga, iyong ating domestic law, PD 1596, is inconsistent with the UNCLOS. Now tama po, it does not automatically nullify the domestic law. But pursuant to pacta sunt servanda, we have a treaty obligation and an obligation under customary international law to amend our existing law to comply with the UN Convention on the Law of the Sea.
Hindi naman kasi pupuwede na iyong kaparehong desisyon kung saan sinabi ng tribunal na walang basehan ang Chinese claim to historic waters sa Nine-Dash Line because hindi ito sang-ayon sa UNCLOS eh iyon lang ang kikilalanin natin at babalewalain—i-ignore na natin iyong probisyon ng desisyon na nagsasabi na iyong 1596 natin ay hindi rin sang-ayon.
Totoo po, hindi siya na-nullify. It continues to be valid because the tribunal has no power to nullify our domestic laws. But we need to amend it to conform with it at siyempre po dahil dinala naman natin iyang kaso na ‘yan sa paninindigan na dapat masunod ang UN Convention on the Law of the Sea, dapat sumunod din tayo.
At pangalawa, hindi ko po alam kung bakit mababago ang isang existing na batas ng isang presidential proclamation. Ang alam ko po sa bansang ito, may separation of powers. Tagapagpatupad lang po ang Executive, ang nagbibigay ng polisiya ang Kongreso.
Perhaps si Justice Jardeleza would like to add.
FORMER JUSTICE JAREDELEZA: Thank you. Ang masasabi ko lang ay ako ay natutuwa na napag-uusapan ang issue na ito. Kailangan ba na mag-amyenda ng baselines law? At kung kailangan, kailangan ba ng panukalang batas o kailangan—hindi na kailangan ng panukalang batas ay isang presidential proclamation.
Ngayon, itong mga usapin ay dapat ang sasagot ang Kongreso ngayon. At hindi lang ito ang sinasabi namin na maaring solusyon kasi ang sulat namin sa Pangulo ay—panlimang anibersaryo na po ng panalo natin sa international tribunal. Ngayon, kung tayo ay naniniwala na ang panalo natin ay tama, paano natin ma-enforce, okay.
Ngayon, maraming panukala. Maraming nang mga sinabi iyong mga ibang tao. For example, ehemplo: Mayroong dumulog sa International Criminal Court, okay. Iyon! ‘Pag dumulog ka sa International Criminal Court hindi na tayo magdidebate. So in that sense, it is straightforward. Okay.
Ano ang pakay ng kaso sa International Criminal Court na dinulog ng mga ibang Pilipino para mapanagot ang isang leader na katunggali natin na bansa ng kriminal sa mga pananaw na may mga hindi kasiya-siya na ginawa sa West Philippine Sea; at mananagot siya, ang bansa sa lahat ng pinsala sa West Philippine Sea.
Ngayon, ito ba ang tama na hakbang? Ngayon may ibang variation din na pumunta na lang tayo sa United Nations, okay. Ano ang gagawin natin doon, irereklamo natin ang isang bansa, okay. Ngayon, saka kung pupunta tayo sa United Nations, dudulog lahat ng mga bansa at susuporta sa atin. Ngayon isang paraan din iyan, mayroong mga nagsasabi na sundan natin ang nangyari sa Nicaruaga, sundan ang nangyari sa Arctic Sunrise.
Maraming possible at itong kasamahan ko dati sa Korte Suprema marami nang sinabi puwede ito, puwede iyan. At ang sinasabi lang namin, sa pananaw namin ang pinaka-practical na paraan na ma-enforce ang decision kung ang decision ang tamang paraan ay pag-amyenda. So hindi namin sinasabi na kami lang ang may alam, hindi namin sinasabi iyan.
Ang nagagalak ako na napagdebatehan at alam na at sinabi na namin ang aming pananaw, may pananaw ang ibang ex-justice, may pananaw ang ibang professor. At saka hindi lang pananaw ng abogado ang importante, pananaw natin lahat na mamamayan. Kasi importante na ano ang gagawin natin, iyon lang ang frustration namin. After five years na napanalo natin ang kaso natin, pinaghirapan ng mga mamamayan at nakatulong din tayo ng kaunti, siguro ay magsama-sama na tayo.
So balik sa tanong: Ang mungkahi namin sa Pangulo at ako ay nagagalak na maraming tagisan ngayon ng pananaw – let’s have a bill. Kaya naman sinasabi ko certified bill, kasi matatapos na po ang termino ng Pangulo. Kung ang bill naman ay pag-usapan, I’m sure tayo ngayon sa tagisan ng ano, hindi tayo matatapos. Alam naman ninyo sa Kongreso natin, medyo mas matagal pa ang ano doon, may abogado, may doktor, maraming ano. So iyon ang sagot ko, hindi ko sinasabi na ang panukalang ito, ang isang [panukala], isa lang ang tama. Thank you, Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Justice. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes, may follow up lang po si Genalyn Kabiling: What was the President’s response to Justice Jardeleza’s letter? Will President ask Congress to swiftly pass a new baseline law?
SEC. ROQUE: He immediately asked that it be subjected to complete staff work and he was very appreciative of the suggestion.
USEC. IGNACIO: From Leila Salaverria of Inquirer: What is Malacañang’s position on the BIR regulation increasing the income tax on most private school from 10 to 25%? COCOPEA Ph (Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines), the private school association earlier sought the President’s help on the issue. The school said that could lead to the school’s closure as this would be an added burden to them when they are already struggling to survive amidst the pandemic.
SEC. ROQUE: Nagsalita na po ang ating kalihim ng Department of Finance and we of course support the position of the Secretary of Finance na iyong interpretasyon po ng BIR doon sa non-profit schools na dapat 100% na kinikita nila ay hindi napupunta sa any other purpose other than for the purpose of the school is pursuant to the CREATE law and pursuant to the established jurisprudence lalung-lalo na iyong kaso po ng La Salle versus Bureau of Internal Revenue.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Triciah Terada please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Spox and to our guests po. Sir, iyong interview po ni President with Pastor Quiboloy nabanggit niya that the administration solved the traffic problem on EDSA. Isa nga pong example niya iyong Cubao to NAIA ang travel time is only around 15 minutes na lang. But, sir, we wonder, where did the President get this information? Kasi how can we say that the problem has been solved when we are in a pandemic and Metro Manila has been on a lockdown, strict and moderate lockdowns for more than a year na ibig sabihin, sir, maraming hindi nakakalabas, marami iyong work from home. And kapag na-GCQ nga, sir, iyong makikita naman po natin sa mga reports din na medyo sumisikip na rin po iyong kalsada during rush hour and pre-pandemic, mismong pre-pandemic sobrang bigat pa rin po ng traffic sa EDSA. Could the President be out of touch or maling information iyong nabibigay po sa kaniya?
SEC. ROQUE: Hindi po, tama ang impormasyon ni Presidente. Bakit po, eh hindi naman po magtatayo ng pribadong connector kung wala silang estimate kung ilang kotse ang daraan diyan. So dahil nga po sa kanilang estimate, mahigit kumulang po mga 30 porsiyento po at dumadaan na sa connector at hindi sa EDSA. So hindi po iyan haka-haka dahil iyan naman po ay kabahagi ng negosyo, kung hindi sila makakabawi doon sa napakalaking halaga na ginugol nila, ang paggawa ng connector, na bilyun-bilyones ay hindi po nila itutuloy iyan. So ang riyalidad po, kaya nila itinuloy iyan dahil alam nila na maraming kotse na imbes na dadaan sa—
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, what do we make situation?
SEC. ROQUE: Wait, wait I am not yet done. Itinayo nila iyan kasi alam nila na mayroong dadaan maski magbabayad sila dahil mas mabilis nga at dahil hindi na sila dadaan doon sa EDSA at dahil po diyan nababawasan ang dumadaan. Hindi ko lang po memoryado ngayon kung ano iyong actual volume na dumadaan ngayon. But during the inauguration of the connector, sinabi po iyan ni RSA, hindi ko lang maalala iyong exact number, but if I am not mistaken, it’s something around 30% minimum na instead of passing through EDSA, eh dadaan na po sa connector. Hindi po haka-haka iyan, that is based on a business decision and that is based on projections and actual facts now na mas maraming dumadaan na ngayon, nagkakaroon ng alternative route to the north and to the south not having to pass through EDSA.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, what do we make of the situation na for example ngayon nga pong GCQ nagsisikip pa rin po iyong mga kalsada. Are we confident, sir, na kapag halimbawa ay completely na-open na po iyong economy, kaya po ng mga daan natin iyong volume pa rin ng mga sasakyan?
SEC. ROQUE: What the fact is marami ng nagkaroon ng alternatibo to EDSA, iyon ang hindi natin mabubura. Ako kasi buong talambuhay ko dumadaan ako diyan sa EDSA na iyan, bata pa ako, nakatira ako sa South pumapasok ako sa UP, so araw-araw ng aking talambuhay dumadaan ako diyan. Totoo naman po, nabawasan ang dumadaan sa EDSA at hindi lang naman po iyong connector ang dahilan diyan, nagkaroon din po tayo ng bus lanes na ngayon po hindi na magulo ang trapiko dahil wala ng mga bus na kung saan-saang lanes dumadaan. Nandoon na sila sa dedicated bus lanes.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, doon naman po sa usapin ng VFA. Ano na po kaya ang mangyayari doon, sir, kasi nabanggit din po ng Pangulo sa interview that he is demanding or he want an explanation from the US doon po sa pag-handle nila, pagmi-mediate nila noong 2012 standoff at kung hindi raw po nila magagawa iyan, sabi niya malabo, malabo. So ibig sabihin po ba nito wala ng chance or mas mahina na po iyong chance na matuloy po iyong VFA?
SEC. ROQUE: Again, I think he was clear. Kung makapagbibigay ng eksplanasyon ang Estados Unidos kung bakit Pilipinas lang ang pinaalis nila sa Scarborough at hindi nila hinintay na umalis ang Tsina eh siguro po may pag-asa ang VFA. Pero kung walang satisfactory na eksplanasyon, sabi ng Presidente, “malabo, malabo” and I will just have to quote him on that.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, patanong lang po ng kasamahan natin sa MPC, si Llanesca Panti: Kailan daw po magsa-submit iyong Palasyo ng proposed bill amending baseline sa Kongreso?
SEC. ROQUE: It’s subjected now to complete staff work, kasi ang request is for it to be certified as urgent and I made the additional request that if the President so agrees, then it should also be included in the SONA para malakas ang mensahe sa Kongreso that this will really become a priority bill. But it’s now under staff work.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you very much, Spox.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Let’s go to Usec. Rocky again please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, thank you. Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon ng Malacañang dahil napabilang daw po ang Ilog Pasig at 18 iba pang ilog sa bansa sa listahan ng world’s top plastic polluter?
SEC. ROQUE: Well, nakakalungkot po iyan, that is not something na we should be proud of. Dati nga po ay mayroon pa tayong komisyon just on Pasig River, pero wala ring nangyari. So sa akin po, talagang kinakailangan ipatupad ang ating existing laws, ipatupad iyong obligasyon ng mga water concession agreements na magkaroon talaga ng wastewater treatment at ipatupad talaga iyong pagbabawal ng pag-discharge ng kahit anong nakakasira sa kalikasan diyan po sa Pasig River.
It is a test of our law enforcement capability ‘no, pero ito po ay problema nga that has existed for many, many years now ‘no. Pero I’m hoping that with this badge of dishonor eh baka po maging radikal din ang mga hakbang na gagawin ng ating gobyerno para malinis na once and for all, iyang Pasig River na iyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Bale nasagot ninyo na rin po iyong second question kasi niya, kung ano ang gagawin ng gobyerno para maalis daw po sa listahan. Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta naman tayo ngayon kay Pia Gutierrez of ABS-CBN, please.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir! Magandang hapon. Sir, doon sa interview ng Presidente last Tuesday, sinabi niya na tumanggap siya ng bahay mula kay Pastor Apollo Quiboloy noong mayor pa siya ng Davao at plano niya na doon siya titira after his term. So how does the Palace defend this po, hindi po ba ito malinaw na paglabag sa anti-graft and corrupt practices act?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano ang ibig sabihin ng “tanggap” eh. It could be usufructuary; it could be—hindi ko po alam iyong detalye. I will have to inquire.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kasi sabi po ni Dean Tony La Viña na anything substantial, hindi mo siya puwedeng tanggapin while nasa gobyerno ka and it doesn’t matter kahit sabihin mo na technically magiging sa’yo lang ito pagkatapos ng term mo because that violates not just the spirit of the law but the law itself.
SEC. ROQUE: Alam mo, I know Dean Tony La Viña very well. He is in the same camp as Justice Carpio; nothing good to say about the President – I’m not surprised.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, doon sa Sinopharm, bakit po kailangang hintayin pa ng Pangulo na magkaroon ng EUA para magkaroon siya ng second dose when the donation was already covered by the compassionate use permit? Is this an admission on the part of the President na dapat talaga hinintay niya iyong EUA ng Sinopharm bago niya ito ginamit for the first dose?
SEC. ROQUE: Because some doctors reached out to him and said, ‘Perhaps, you should wait for the EUA.’ And out of respect to our medical frontliners, he complied.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Bakit daw, sir, bakit kailangan he should have waited for the EUA? Ano ang sinabi ng mga doctors?
SEC. ROQUE: Well, I’m not too clear because he has his own personal physicians and he takes advice from a group of doctors who have access to his personal physicians. But I was not present in the meeting. Pero ang sabi nga ni Presidente noong inanunsiyo niya na ibabalik niya iyong 1,000, ‘Para wala nang gulo, sige, ibabalik ko na ‘no.’ So that’s the context by which I’m saying that the doctors reached out to him and said, antayin ang EUA.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Sir, last question na lang, doon sa vaccination of the pediatric sector. Sabi ng DOH, even with the FDA approving the emergency use ng Pfizer for the 12 to 15 years old, susundin pa rin iyong prioritization framework. Pero may mga magulang po na nagtatanong, what about those minors na mayroong comorbidity like, for example, mga teenagers na mayroong asthma, hindi ba sila mapapasama doon sa A3?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, antayin muna natin ang pagdating nang mas maraming bakuna. That’s speculative at this point because alam natin na pagdating po ng Hulyo at saka susunod na mga buwan ay darating na iyong inaasahan nating bulto ng mga supply ‘no. So let’s wait awhile po muna dahil ngayon it’s futile to answer that question habang nagsisimula pa lang po tayo ng A4 at habang tinatapos pa rin natin iyong A1, A2 and A3.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia. Punta tayo ulit kay Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary. From Paul Adrian Samarita of TV5: Nito raw pong nakaraang araw ay may mga nabuong pila sa ilang vaccination sites para sa A4 partikular na sa Maynila kung saan maaga pa lamang daw po ay mahaba na ang pila. And in turn, maaga pa lang ay inabutan na po ng cut-off. Ganito rin ang sitwasyon sa isang mall din sa Maynila. Natanggap na po ba ito ng IATF? At ano po ang maaaring gawin ng Task Force para i-address at masolusyunan ng kanilang LGUs?
SEC. ROQUE: Well, nag-apologize na po si Vaccine Czar Carlito Galvez for the slight delay ng deliveries ng inaasahan nating mga bakuna. Nagkaroon po tayo nang konting shortfall noong buwan ng Mayo pero lahat naman po ay inaasahang dumating ng Hunyo.So again, we will reiterate: Konting pasensiya lang po, talagang nag-agawan po ang buong daigdig sa mga bakunang ito. Pero bagama’t matindi po ang agawan dito ay nakaka-deliver naman po tayo ‘no at inaasahan po natin na in the coming month, we will more supply at lahat naman po tayo ay mababakunahan. Maraming salamat po sa kagustuhan nilang mabakunahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: You said that you will only run in 2022 if Davao City Mayor Sara Duterte will run for presidente. However, yesterday your page on Facebook posted that you attended an even by the League of Mayors of the Philippines – Bulacan Chapter. But pictures suggests that there are ‘Run Sara Run’ materials in the event. This raised the question: Are you supporting the calls for Sara Duterte to run for president? In another note, are you supporting her bid in order for you to run for higher office?
SEC. ROQUE: Unang-una, yes, I support, I support the Run Sara Run movement. But I respect that the decision will have to be made by Mayor Sara herself. But I have added by voice to the voices of many who believe that she should be the next president of the country.
As to whether or not I will run, well, depende nga po iyan sa maraming mga konsiderasyon – funding, health and of course, I don’t want to be presumptuous, hindi ko po alam kung sino ang iimbitahing mga kasama ni Mayor Sara, if and when she decides to run.
USEC. IGNACIO: Third question po niya: Mayroon ba tayong inclination kung ano ang magiging susunod na quarantine classification sa NCR Plus na nasa GCQ at sa mga lugar na nasa MECQ until July 15? Are we seeing some areas in MECQ areas na maaaring ma-retain sa MECQ status or totally i-escalate into ECQ?
SEC. ROQUE: Well, binabantayan pa po natin iyan. For Metro Manila, the numbers are looking good; the hospital care utilization remains very low or at 53 in ICU beds, at iyan po iyong isang importanteng factor for escalation. So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at de-escalation. It might not be to MGCQ but it could be to ordinary GCQ because ang GCQ po natin ngayon ay mayroon pang mga restrictions.
At mamayang hapon nga po, isa sa pag-uusapan ay iyong pagbubukas ng gym dahil talaga naman po iyong mga gaya ko na dati nang mataba ay lalong tumaba dahil wala pong gym ‘no. So iaanunsiyo po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF.
Anent to other areas po na nasa MECQ ay binabantayan po talaga natin iyan, and we are always data-driven po. So I do not want to speculate dahil hindi ko po nakikita iyong datos doon sa mga ibang areas na nasa MECQ. Ang nakita ko lang po ay dito sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Fourth question niya: DTI Secretary Ramon Lopez said that opening of some indoor non-contact sports, as well as some indoor tourism activities, will be decided by IATF today. As of now, does the task force have an inclination on what will be the regulations for these industries?
SEC. ROQUE: Well, mayroon pong naging technical working group meeting kahapon that recommended a course of action sa IATF. Hindi po ako nag-attend noon but we will know what the recommendation of the technical working group will be in a meeting that will commence at 2 P.M. today.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Punta tayo kay Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. Three questions for you, and then one question po sana for Justice Jardeleza. First for you, sir, did you get any feedback on your suggestion that the baselines law amendment be mentioned in the SONA?
SEC. ROQUE: Wala po. It’s subject to full staff work. Okay, ang sagot ni Presidente, “Pakisabi kay Justice ganito, kapag mayroong suggestions sa akin, ibibigay ko muna iyan sa office ng legal ng Executive Secretary, then it will be forwarded to the Executive Secretary for a recommendation for my decision.” So iyon po iyong sinagot niya actually ‘no and asked me to relay to Justice Jardeleza. So it’s just an openness to study the matter.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, are there any developments on the debate regarding face shields? Because some critics are saying that our policies are not keeping up with the science and burdening Filipinos unnecessarily. Ano na po ang naging discussions dito?
SEC. ROQUE: On the contrary, no less than the Philippine Medical Association gave its opinion that mayroon pong utility at mayroon pong dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy iyong pagsusuot ng face shield. Dahil ngayon naman po ay halos lahat na tayo ay mayroong face shield ‘no so iyong economic reason I don’t think holds anymore.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, how about in certain context like outdoors? Some people are saying na at the very least outside, like when people are pursuing activities outside, exercising, jogging, that they wish [unclear] anymore require face shields.
SEC. ROQUE: I think naman law enforcement will also use common sense. For instance, you don’t use mask when you’re in the water swimming ‘no, and swimming is an allowed sport ‘no. In the same way, I don’t think law enforcement will hold it against you if you are running or bicycling na walang shield ‘no giving that you’re engaged in a non-contact sport anyway ‘no. So I think there is also an element of common sense.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, aren’t you going to formalize this? Because without—if you just rely on common sense ‘di ba and it’s not in the law or it’s not in the resolutions anywhere, what’s to stop law enforcers from saying that, “O bawal ‘yan, hindi naman nakasabi sa batas na puwede.”?
SEC. ROQUE: That would really depend on the ordinance ‘no kasi ang IATF power naman, wala kaming legislative powers ‘no. We are relying on the ordinances passed by the local government units.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, sir, lastly for you. What were the discussions now about what fully vaccinated persons can do? I understand there aren’t any guidelines yet but have there been at least movements on talks on what we can allow fully vaccinated people to do?
SEC. ROQUE: That’s in the agenda this afternoon and it’s under executive session. So importante po iyan, pag-uusapan talaga mamaya. A no-holds-barred discussion, that’s why it’s under an executive session.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And, sir, do we expect it by the end of the day mayroon na pong guidelines?
SEC. ROQUE: Well, you know, I will announce whatever is decided upon by the IATF. Normally I wait a day after dahil kinakailangan ko iyong signed resolution. But given the importance of the topics, I will ask for leave to announce even without the signed resolution.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then, last question is for Justice Jardeleza. Justice, do you agree with President Duterte’s remarks that The Hague ruling should just be thrown in the trash can?
JUSTICE JARDELEZA: Excuse me. What is the question again?
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, do you agree with President Duterte’s remarks that The Hague ruling should just be thrown in the trash can because hindi naman daw po siya enforceable?
JUSTICE JARDELEZA: Ah, okay. Tiningnan ko iyong statements ng Pangulo. I think in the first place he did not say na throw it into the trash can, he said something else. And then sinabi niya iyon sa konteksto ng—doon sa context na sinabi niya. So you will remember na ang Pangulo ay dumulog din sa United Nations, sinabi niya na itong napanalunan ng Pilipinas, I don’t know the exact terms, but it’s durable—permanent, I think sinabi niya permanent.
So tiningnan ko rin sa mga State of the Nation Address niya pero ang ginagamit na termino ‘yata ‘permanent’. So, sa kabuuan ay I think the President is supportive of the tribunal’s decision.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, let me just read out the exact quote ha: “Pinursue ko, walang nangyari. Actually, sa usapang bugoy sabihin ko sa iyo, bigay mo sa akin. P***ina papel lang iyan. Itatapon ko iyan sa waste basket.”
SEC. ROQUE: I think the question has been answered ‘no.
JUSTICE JARDELEZA: No, let me answer. Ang konteksto noon sabi niya sa usapang bugoy. ‘Di ba ang ibig sabihin ng usapang bugoy ay usapang bugoy.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So okay lang iyon, sir?
JUSTICE JARDELEZA: If a Filipino defends before an international tribunal, what is the position of the Philippines? Ang magiging importante, ano ang sinabi ng Pangulo sa United Nations. Ano ang sinabi ng Pangulo sa State of the Nation Address, okay. Ngayon ang tanong mo ay mas ninanais mo ban a hindi sana sinabi ng Pangulo ay puwede mong—puwede kang mag-argumento. But ang sabi ko naman sa iyo ay lahat ay nasa konteksto. Everything is said in context.
So ngayon—alam mo ang mahalaga dito ay—alam mo kung tayo ay dudulog ulit sa international tribunal, ninanais ba ng mga Pilipino na iyong mga sinasabi natin will be taken against us? Iyon ba ang ninanais natin?
SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Justice. And thank you, Pia. Let’s move on to Usec. Rocky again.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary. From Jerome Aning of PDI: Senator Pacquiao defended his statement on the West Philippine Sea issues by saying he was just a Filipino voicing out what needs to be said in defense of what has been adjudicated as rightfully ours. Ang question daw po niya: As an international lawyer, do you agree that the arbitration case can be described as an adjudication?
SEC. ROQUE: Well, hindi po strictly speaking adjudication ang isang arbitral ruling in the sense that we know that Philippine courts adjudicate cases ‘no. Justice, correct me if I’m wrong, ano uli ang tawag sa award nila? It’s called an ‘award’ ‘no. It’s an arbitral award, it’s not even a ruling ‘no. So in international law kasi, the weight of an international tribunal’s award is a subsidiary source of international law. It is evidence of the existing customary law of international law.
Justice, would you like to add po?
JUSTICE JARDELEZA: Well, I agree with Secretary Roque. Ang maidagdag ko lang is, again, ang mahalaga siguro ay sa tagisan ng mga pananaw ay igagalang natin ang pananaw ni Senator Pacquiao. Sino ba ang tama? Iyon ba ang tribunal ay desisyon, ano ba ito? Ngayon iri-relate sa topiko (topic/issue) natin is lahat iyan ay pananaw. Ngayon may pulitika na do you agree or not. But ang importante ay mga Pilipino ay makiisa na harapin ang problema na paano natin i-enforce o sa pagbigay ng halaga ang decision ng tribunal – ano man iyon. Ang mga abogado ay magkaiba-iba ang pananaw kung iyon ay… whatever they call it.
Alam mo iyong mga abogado iba-iba eh. You can have 10 lawyers in a room, they will describe it 10 ways differently. Ang importante, ang ibabalik ko, ano ang gagawin ng Coast Guard natin. Ano ang gagawin ng Air Force. Ano ang gagawin ng Navy kung sila ay ating pinapadala at hinaharap ang katunggali in the open seas. Ang topiko (topic/issue) natin, kailangan ba ng bagong batas? Sa pananaw namin, yes. Ang ibang tao, sa pananaw nila hindi kailangan. May iba naman, presidential proclamation. Eh, ipaubaya na po natin sa Kongreso.
Iyon lang po, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat. Go ahead Usec. Rocky, last question.
USEC. IGNACIO: Question po para po kay Justice Jardeleza at sa mga guest daw po: In its memorial submitted to the arbitral tribunal in March 2014, the Philippine government showed a map of the South China Sea showing two of the Philippine occupied islands – Pag-asa or Thitu Island and Loaita or Melchora Aquino Cay, as well as the Chinese reclaimed Subi Reef, Cuarteron Reef and Fiery Cross Reef – all lying outside of the 200 miles EEZ of the Philippines. These features are also outside the EEZ limits of all the other claimant countries. The map appears as Figure 2.5 in the memorial.
Ang question po: What is now the basis of the Philippines’ continuing occupation of Pag-asa considering that it’s outside of our EEZ and that the arbitral award virtually nullified the Kalayaan Island Group polygonal territorial claim of the Philippines?
SEC. ROQUE: Go ahead, Justice.
JUSTICE JARDELEZA: Secretary Roque, siguro either si Dr. Melissa or Professor Bagares…
SEC. ROQUE: Well, we’re running out of time po ‘no. I’ll just quickly answer it ‘no. Well the claim po is because Pag-asa is not maritime territory. Pag-asa is land territory which we acquired and over which we exercised sovereignty and jurisdiction. Magkaiba po kasi iyong mga batas na umiiral sa karagatan kagaya ng EEZ at sa mga isla kagaya ng Pag-asa. So even if it is outside of our EEZ eh hindi naman po siya karagatan – isla po siya. At ang importante, the state that makes the superior claim on the basis of effective occupation, iyong ebidensiya ng soberenya at jurisdiction will be awarded that territory.
Go ahead Usec. Rocky because we’re out of time now – 1:10 – marami pa bang mga tanong?
USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon po tayong tatlo pang tanong dito. Okay lang po, Secretary?
SEC. ROQUE: Go ahead. Pakibasa na po iyong tatlo.
USEC. IGNACIO: Opo. From Kris Jose: Pinatatanggal ng Court of Appeals ang narco-list sa gobyerno ang pangalan ni dating CA Justice at ngayon Leyte Representative Vicente Veloso III. Ang reaksiyon daw po ng Palasyo?
SEC. ROQUE: We leave that for the PNP to comply with because that’s a lawful order from the courts, unless there will be an appeal. Next question, please.
USEC. IGNACIO: Opo. From Joseph Morong: Some provinces have increasing number of COVID cases. What’s the approach of the government?
SEC. ROQUE: The President has said that he will opt for equitable distribution of vaccines. And of course, kaya naman po tayo nagbigay ng priority sa Metro Manila dahil nga po sa mataas na numero ng COVID. So iyong mga tumataas pong numero ng COVID, mabibigyan din po iyan ng karagdagang mga bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. From Marian Enriquez, TV-5: Do you think the Chinese government will acknowledge this proposed new baselines law? Paano po ang ating enforcement when there are intrusions?
SEC. ROQUE: Well, I expect that the Chinese will protest to several aspects of this law in so far as we will claim islands within the area that we’re claiming as ours to be ours ‘no. So asahan naman po natin iyan pero ano naman ang pakialam natin sa mga reaksiyon nila. Basta tayo, mayroon tayong batas at hahayaan na natin ang isang international tribunal when the time comes to rule kung sino talaga ang may superior claim doon sa mga isla na ibabahagi natin sa isang batas bilang kabahagi ng ating teritoryo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na po. From Karen Lema ng Reuters: The Inquirer quoting Secretary Galvez reported that several vaccination sites around Metro Manila will be temporarily closed this week. Mga ilan daw pong vaccination sites ito?
SEC. ROQUE: No idea naman po ‘no. At ang alam ko po eh iyong—hindi po itong dumating kaninang umaga na Sinovac, iyong second to this one eh kung hindi po nakalabas na iyong certificate of analysis ay lalabas na rin – meaning pupuwede na pong mag-resume very soon.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Okay. Wala na tayong Zoom question? Wala na, okay.
Maraming salamat sa ating mga naging panauhin – Justice Jardeleza, Professor Rommel Bagares and Dr. Melissa Loja. Maraming salamat Usec. Rocky and maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps ‘no.
At dahil we’re out of time, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi: Nagpapasalamat po kami sa ating mga nagmamahal na mga kababayan na nagbibigay ng solusyon at hindi lamang ginagamit ang West Philippine Sea para sa kanilang rason na pampulitika.
Mabuhay po kayo at maraming salamat po from a grateful nation.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)