Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE: Maayong hapon, Pilipinas.

[Dialect] sa PTV Davao para sa atong presidential press briefing. Mamayang gabi ay dadalo tayo sa regular Monday Talk to the People Address ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Usaping bakuna muna tayo. Binabati natin ang lokal na pamahalaan ng Pasig at Las Piñas dahil nabakunahan na nila ang 100% ng kanilang eligible senior population as of July 18 report ng National COVID-19 Vaccination Operation Center at ng Metropolitan Manila Development Authority. Ang eligible senior population po ng Pasig ay nasa 45,158, lahat ay nakatanggap na ng first dose. Ganoon din sa Las Piñas, nasa 38,615 ang eligible senior population, lahat din po ay nakatanggap na ng first dose. Congratulations po!

Kaya naniniwala tayo na aabutin po natin ang population protection basta tayo ay sama-sama at tulung-tulong. At patuloy nga na dumarami ang ating nababakunahan. As of July 18, 2021, lumampas na po ng labinlimang milyon or 15,096,261 ang total vaccines administered ayon sa National COVID-19 Vaccination Board; nasa 4,708,073 ang nakakumpleto na ng dalawang doses.

Tara na po at magpa-schedule ng inyong pagbabakuna! Walang bayad po first dose at ang second dose. Kailangan natin ng dagdag-proteksiyon para sa ating sarili, sa ating pamilya at sa ating komunidad. Maging bahagi ng solusyon!

Pagdating naman po sa supply ng bakuna ay sunud-sunod po ang dating ng bakuna mula noong huli tayong nag-briefing, Biyernes, July 16, dumating ang unang shipment ng AstraZeneca vaccine na nasa 1,150,800 doses na binili ng local government units at pribadong sektor. Sa parehas na araw, July 16, dumating ang unang batch ng single shot Johnson & Johnson vaccine na nasa 1,606,600 doses. Ito ay donasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Sabado, July 17, dumating naman ang latest batch ng Sinovac vaccine na nasa isa’t kalahating milyong doses na binili ng ating pamahalaan. Sa parehas na araw din, July 17, natanggap natin ang karagdagang 1,606,600 doses na Johnson & Johson vaccine na donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Inaasahan natin na sa Miyerkules, July 21, ay darating ang mahigit kalahating milyon or 562,770 doses ng Pfizer na ating binili.

Balitang IATF: Kung inyong matatandaan, effective immediately, itinaas ng inyong IATF ang community quarantine classification ng probinsiya ng Iloilo Province at Iloilo City mula Modified Enhanced Community Quarantine hanggang July 22, 2021 sa Enhance Community Quarantine hanggang July 31, 2021. [Garbled] ang nangyari sa Cagayan de Oro mula sa naunang MECQ classification na hanggang July 31, 2021 effective immediately, ang Cagayan de Oro ay nilagay sa ECQ hanggang July 31, 2021. Samantala ang siyudad ng Gingoog sa Misamis Oriental ay nilagay sa ECQ katapusan ng buwan.

Makakasama naman natin ngayon po hindi lang po si DOH Usec. Maria Rosario Vergeire kung hindi pati po si Usec. Vega at si Dr. Audan para bigyan po ng karagdagang detalye.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins:

  • Number 23 po tayo pagdating sa total cases
  • Number 31 sa active cases
  • Number 131 po tayo pagdating sa cases per 100,000 population
  • Number 87 pagdating sa case fatality rate na 1.8%

Sa Southeast Asia, nasa panlima po ang Pilipinas sa bilang ng active case. Nasa 47,190 ang mga aktibong kaso as of July 18, 2021. Sa parehas na petsa, according sa World Meter COVID-19 data, una ang Indonesia na mayroong 542,236 na mga aktibong kaso; pangalawa ang Malaysia na may 124,593 na mga aktibong kaso; pangatlo ang Thailand na mayroon 116,135 na mga kaso; pang-apat ang Myanmar na mayroong 62,662 na mga kaso.

Ipagpatuloy po lang natin ang ginagawang mask, hugas, iwas at bakuna, at iyong ating prevention, detection, isolation at treatment. Sa mga bagong kaso, ito ay nasa 5,411 ayon sa July 18, 2021 datos ng DOH. Samantala, mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 95.1%, nasa 1,433,851 na po ang bumilang ng mga gumaling. Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 26,714 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.77% po ang ating fatality rate.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa buong Pilipinas:

  • 55% lamang po ang nau-utilize na mga ICU beds
  • 46% po utilized ang ating isolation beds
  • 43% utilized ang ating ward beds
  • 35% utilized ang ating ventilators

Sa NCR:

  • 42% lamang po ang utilized ICU beds natin
  • 39% utilized ang ating isolation beds
  • 33% utilized ang ating ward beds
  • 33% din po utilized ang ating ventilators

Sa iba pang mga bagay: Inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Department of Education na ang pagbubukas ng klase para sa school year 2021-2021 ay sa September 13, 2021. Samantala, maaari nang magsimula nang mas maaga ang mga klase ang private schools at non-DepEd schools provided walang face to face classes at ang mga nasabing paaralan ay istriktong magpapatupad ng distance learning modalities.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon on live in Davao City, unang-una po, si DOH Undersecretary and Treatment Czar Leopoldo Vega; DOH Usec. Rosario Vergeire via Zoom; Iloilo Governor Arthur Defensor via Zoom; and Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno via Zoom. Kasama rin po natin si Dr. Audan, siya po ang director ng Southern Philippines Medical Center, ang pinakamalaking ospital dito po sa Southern Mindanao.

Unahin ko na po muna si Usec. Vega. Usec. Vega, as Treatment Czar, ano pong mga hakbang ang ginagawa natin para paghandaan po itong nakapasok na Delta variant na sadyang mas nakakahawa at mas nakakamatay? Usec. Vega, the floor is yours.

DOH USEC. VEGA: Thank you, Spox Harry, and good afternoon to all. Alam ninyo itong COVID-19 lalo na ang pagpasok nitong Delta variant, ito ay nagbigay ng big concern sa Department of Health at saka sa buong agency ng government.

In fact, kung titingnan natin, since last year at saka iyong surge of April this year, nagkaroon na kami ng mga lessons learned ‘no, kung ang treatment nito, ng COVID, at saka kung paano paghandaan natin kung may surge itong taon na ito.

Ang tinitingnan po naming una ay iyong talagang pagpalaki ng kapasidad ng mga hospitals lalung-lalo na sa mga Level 3 hospitals na magkaroon sila ng sapat na intensive care units at saka resources kagaya ng mga ventilators, high-flow oxygen and definitely iyong mga medicines na pangangailangan talaga ng COVID-19 severe and critical patients.

Ito po ay binigyan namin ng mga private at saka government hospitals ng isang contingency plan kung aakyat ang bilang ng number of cases natin ng COVID-19. So in totality po, ang pinapalakas namin ay ang staffing ng hospitals, makasiguro kami ng mga deployment coming from other agencies; at pangalawa, iyong mga emergency hiring po namin sa Department of Health.

At saka naghahanap na rin kami ng mga resources kagaya ng mga high-flow oxygen machines na puwedeng maibigay namin sa mga areas na may high-risk. Iyon nga ho, since two months ago, we have been deploying a lot of this equipment lalung-lalo na sa mga provinces that would be in need of these machines especially for the management of critical and severe cases.

So iyon, Spox Harry, we are now on the preparedness stage. We will soon … we will move to a later stage if there is a surge, and that’s going to be the response stage.

And then finally, if ever na magkaroon talaga ng mataas na surge kagaya noong April, then we move towards our plan for the surge situation. So, maraming salamat po, Spox Harry.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Undersecretary Vega, joining us live here in Davao. Puntahan naman natin by Zoom ang gobernador po ng probinsiya ng Iloilo, Governor Defensor. Governor, ano po ang mga hakbang na ipinapatupad ninyo ngayon, ngayong tayo po ay naghahanda sa nakapasok na bagong Delta variant? The floor is yours, Governor Arthur Defensor.

Okay. Balikan natin si Governor Defensor. Kasama rin po natin on Zoom—nandiyan na ba siya, si Governor Defensor?

Okay. Go ahead Governor Defensor, the floor is yours. Ano po ang mga hakbang na ginagawa ng probinsiya ng Iloilo para paghandaan po at palakasin ang ating health care capacity ngayong alam natin na naririto na ang Delta variant sa ating bansa? The floor is yours, Governor Arthur Defensor.

ILOILO GOV. DEFENSOR: In line din po sa sinabi ni Usec. Vega, we are really trying our best so that we can have a health care system na sanay sa COVID-19 prevalence, sa surges at saka lalo na sa pagdating ng Delta variant.

So, ang una nating ginagawa talaga dito sa probinsiya kasama iyong Iloilo City and the DOH is talagang to make a significant increase, a concrete increase in the capacity of our tertiary hospitals to attend to our severe and critical cases kasi naniniwala kami dito na kung maaasikaso lang natin ang mga severe at critical cases natin at maiwasan natin ang severity at saka mortality, hindi gaanong malaki ang problema natin.

On [garbled], ang aming facilities like our Provincial Ligtas COVID-19 Center dito which is already DOH-accredited, we have prepared it as a stepdown facility and a holding area sa mga pasyente natin na manggagaling sa hospital and we are prepared to extend this to our establishment accommodations kung kailangan natin. So, iyan talaga ang pinagtutulungan namin dito na masanay namin iyong health care system ng probinsiya at ng siyudad ng Iloilo para maasikaso natin ang prevalence at saka iyong surges natin, especially kung dumating man ang COVID-19.

Again, uulitin ko, iyong pinagtutulungan namin lahat dito kasama ang DOH, iyong konkretong adjustments sa ating tertiary hospital capacity to take care of our severe and critical cases. And in terms of community quarantine measures, we are under ECQ and we are about to impose stricter measures so that we can reduce the circulation of people here in Panay and Region XI kung baka sakali man may mga Delta variants na kami dito sa ibang probinsiya.

SEC. ROQUE: Nagpatayo ho ba kayo o magpapatayo ng mga Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) to free-up iyong mga espasyo sa mga tertiary hospital and to dedicate those rooms for the critically ill?

ILOILO GOV. DEFENSOR: Yes. Sa tertiary hospitals natin, Spox, kasi ang first line of defense namin tulad ng probinsiya like an LGU, like the province na maraming levels, siyempre iyong development ng TTMF namin from the barangay to the municipal level. But of course, in terms of mild and moderate cases and even sometimes severe cases, we have our district hospitals na dini-develop talaga namin na puwedeng mag-asikaso rin ng ating mga COVID-19 patients.

But ang ating third line of defense diyan, the next line of defense insofar as the province is concerned, ay iyong aming Provincial Ligtas COVID-19 Center, our TTMF which we have developed that can serve as a stepdown and holding area. But ang ating district hospital kasi, Spox, we have an existing memorandum of agreement with our government tertiary hospitals na may sharing of resources kami at handa tayo na tanggapin iyong ibang non-COVID-19 patients ng ating tertiary hospitals para ma-decongest namin sila.

So, we are creating this system of capacitating hospitals and TTMFs together with our tinatawag namin dito na health care provider network patient referral system para ma-rationalize namin iyong traffic ng patients at saka ma-regulate namin iyong kanilang admission. Kasi kung ma-regulate siya nang mabuti at ma-rationalize siya, hindi natin mao-overwhelm ang ating tertiary hospitals sa mga patients na minsan puwede nating asikasuhin sa lower levels lang. Kasi minsan may mga moderate tayo na kumakain sila ng bed capacity ng ating mga tertiary hospitals kaso unnecessarily nao-overwhelm iyong tertiary hospitals.

So, that is what we are doing right now, we are developing this system that can rationalize the admission of patients and the traffic.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Governor Arthur Defensor.

Puntahan naman natin si Usec. Vergeire. Ma’am, I will quote Antique Governor, Governor Rhodora Cadiao and she said over the weekend: “What’s the logic behind putting Iloilo and Iloilo City under ECQ? The Delta variant was not found in Iloilo, it’s unfair for Iloilo.” Usec. Vergeire, iyong pagpapalagay po ng probinsiya ng Iloilo at Iloilo City together with Cagayan de Oro and Gingoog did not go through IATF itself, it was directly recommended to the President by the NTF and the DOH. Can you please explain po to Governor Cadiao and to the rest of the our kababayan sa Iloilo Province and Iloilo City why DOH recommended directly to the President to put these areas under ECQ? The floor is yours, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po sa inyong lahat. Magandang araw po Governor Defensor and to all of our media partners and the public.

Gusto po naming ipaliwanag, unang-una po, ang Iloilo City and Iloilo Province even before the Delta variant was detected, tayo po ay nakapagrekomenda na na dapat na-ECQ na po ang level ng Iloilo City and Iloilo Province. This was because of the continuing trend of increase in two-week growth rate and average daily attack rate and these are the primary parameters of our IATF community quarantine classifications.

Aside from that, their health care utilization rate and their ICU utilization remains to be at high-risk and nearing critical risk. And we have implemented MECQ for the past four weeks already but we have not seen an improvement in their parameters. Kaya po noong nag-uusap ang Screening and Validation Committee, napag-usapan na baka dapat mag-ECQ na based on parameters and then we got another information based on the sequencing result na lumabas po ang dami pong Alpha and Beta variants na na-identify sa Iloilo Province and Iloilo City and this has led to the recommendation to IATF to have Iloilo City and Iloilo Province na mag-ECQ po.

But because we have this process for appeals, ang ginawa po, nag-appeal po sila na sana babaan at i-deescalate ng hindi ECQ ang kanilang classification. So, when we discussed in our Screening and Validation Committee, napagkasunduan po ng mga miyembro ng ahensiya na sinabi na okay we can do MECQ but they have to commit to improve their hospital capacity kasi nakikita ho natin kulang pa iyong kapasidad nila to manage the current number of cases. So, it was resolved in the IATF that they will be classified na MECQ pa rin po.

But during the time that we were able to seek the sequencing results came out, nakita ho natin na iyong Alpha and Beta variants ay tumaas at madami po tayong na-detect sa Iloilo City and Iloilo Province and also isa po sa pinag-usapan with the National Task Force Head Secretary Duque, DILG po at saka iyong iba pa pong mga ahensiya na sinabi po na iyon pong gateway for Antique, mayroon hong posibilidad na dumadaan sa Iloilo City or Iloilo Province. Kaya po with all of these considerations iyon po iyong nairekomenda natin so that we can better contain ito pong Delta variant na mayroon sa Region VI.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Usec. Vergeire. So, it was based on science po ano at ito po ay iyong base rin sa genome sequencing na iyong dalawang nasa Antique na kaso ng Delta variant ay hindi naman imposible na mayroon ding koneksiyon sa Iloilo Province or City, bukod pa doon sa tumataas na mga iba pang variants diyan sa Iloilo City and Province.

Okay! Puntahan naman natin ngayon also by Zoom, Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno, na ang kaniyang siyudad po ay nasa ilalim pa rin po ng ECQ. Pero wala pa po yata si Mayor Oscar Moreno. Just to tell our televiewers, nasa Cagayan de Oro po ngayon si Secretary Galvez, NTF Chief Implementer; Secretary Duque, Secretary of Health; at saka si Secretary Año together with Secretary Delfin Lorenzana ‘no.

So, habang wala pa po si Mayor Oscar Moreno and we’re hoping also that Secretary Galvez can possibly join us to give us the latest na mga pangyayari diyan sa CDO ‘no, eh tumuloy na muna tayo sa ating question and answer.

Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque, at sa lahat po nga ating mga bisita. From Joseph Morong of GMA News for Usec. Vergeire: Can you give us a profile of the Delta variant versus the other variants? How easily transmissible is this? Can fleeting encounters infect you? Is this hyper communicable?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. We just want to emphasize that this variant, the Delta variant is highly transmissible at napakita na po ito sa mga experiences across the globe.

Base po sa ebidensiya, sinasabi it’s 43 to 90% transmissible than the UK variant. Matatandaan po natin, ang UK variant was said to be highly transmissible and it can infect about 3 to 5 persons. Pero ang Delta variant po can infect up to 8 persons in just one sitting. Gagawin ko pong example iyong nangyari sa Sydney, Australia, where a limousine driver was infected with the Delta variant. Isinakay po niya iyong mga pasahero niya at dinala lang niya sa malapit lang po na lugar. And with that instance po, madami na po siyang na-infect. So meaning, it’s really highly transmissible, mabilis pong makapanghawa kapag may Delta variant kaya kailangan po nating lahat mag-ingat.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Given the limitation of our genomic surveillance, is it possible that the Delta variant has been spreading and we’re not just able to detect it in the population?

USEC. VERGEIRE: Well, the possibilities are always there. Because as we have said, we do purposive sampling, ang kung saan ang ginagawa po natin, nagsa-sample po tayo doon sa mga lugar na may mga matataas po ang kaso. So ito pong posibilidad na maaring hindi po natin nakita doon sa ibang lugar na hindi natin nakuhanan ng sample.

Pero kailangan lang po matandaan ng ating mga kababayan na kung anuman po ang ginagawa nating safety protocols before, let us just try to implement that. Let us assume na kung sakali may transmission na ganiyan ay mapoprotektahan po tayo kung sakaling tayo ay susunod sa protocols and get yourselves vaccinated.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque and Usec. Vergeire din po: Will there be tightening in our protocols given the threat of the Delta variant? Similar question with Carolyn Bonquin ng CNN Philippines. Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So ngayon po pinag-uusapan iyan. Kung mapapansin po ninyo, noong na-detect po iyong variant na Delta dito noong Biyernes, tayo po ay nakipagpulong na ng mga emergency conferences with our local government officials, local health officials para po makausap natin sila at maiparating sa kanila kung ano ang dapat restrictions ang mayroon. Tiningnan po natin ang mga datos at nakita natin na iyong mga currently inilagay natin sa ECQ have this increase in the number of cases. So we needed to escalate the restrictions.

Ngayon, dito naman po sa City of Manila with analysis of their data at nakipag-usap po tayo kay Mayor Isko, nakita natin iyong mga kaso nila manageable; nakita natin effective naman po iyong ginagawang PDITR. So we guide them. Sabi natin, mag-granular lockdown pa muna but every day, we will be assessing kung kailan nating i-escalate ang restriction. So for now, tinitingnan po, makikipag-usap tayo mamaya sa mga eksperto kung ano pa po iyong mga iba pa hong precautionary measures na kailangan nating gawin for us to contain the spread of this variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Siguro po, idadagdag ko lang na we are aiming to promote total health. Alam po natin there is a necessity na limitahan ang pagkalat ng COVID-19, at the same time, ayaw rin nating tumaas ang hanay ng mga nagugutom dahil sa lockdown. Kaya nga po gaya ng sinabi ni Usec. Vergeire, ang ating istratehiya, hangga’t maaari, we will have localized granular lockdowns nang sa ganoon ay makapagpatuloy na makapaghanapbuhay ang ating mga kababayan. Ang panawagan po ng Presidente – Mask, Hugas, Iwas, at kung pupuwede na po, magpabakuna na po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Michael Delizo ng ABS-CBN, Usec. Vergeire: Kumusta daw po ang update sa intensified contact tracing sa mga nagpositibo sa Delta variant?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Kanina lang po narinig natin si Mayor Isko nagbibigay na ng update. They were able to identify about 36 individuals already who came in contact with three positive individuals in Delta variant in the City of Manila. Kinakalap pa rin po natin ang iba pa hong mga contact tracing results sa iba’t ibang lugar, ngunit masasabi po natin na mukhang nagwo-work na because we were able to identify doon po sa ating mga local cases na mayroon na pong aktibo pa rin at na-test na po natin sila and we were able to quarantine them already.

USEC. IGNACIO: Opo. From Carolyn Bonquin ng CNN Philippines for Usec. Vergeire: Ano na po ang ginagawa sa pagpapalakas ng genome sequencing?

USEC. VERGEIRE: Yes po. So katulad ng lagi naming sinasabi, we are trying as much as possible to expand our capacity. So, iyong kapasidad po natin ngayon is 750 runs or samples na nati-test natin per week. Kapag dumating na po iyong mga extraction machines na binili ng Philippine Genome Center, madudoble na po ang kapasidad natin to 1,500 per week. Also, we are expanding through our sub-national laboratories to increase their capacity so that they can also do genome sequencing, and the Philippine Genome Center is now extending the capacity to their Visayas and Mindanao University of the Philippines Network.

USEC. IGNACIO: Opo. From Lei Alviz ng GMA News for Usec. Vergeire: Ano po ang update sa Delta variant cases? Ilan na po ang namatay? May report from Antique na may isa na ring namatay doon sa Delta variant. Similar question po with Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So katulad po ng sabi natin, 35 total cases of Delta variant in the country. Iyon pong naunang 19, ito po lahat ay Returning Overseas Filipinos. Last Friday we announced that we have detected another 16, kung saan 11 po ay local cases at 5 po ay Returning Overseas Filipinos.

Among these 35 cases that we have right now in the country, tatlo po ang confirmed na deaths na. Ang isa po, iyong namatay na 63-year-old male na kasama sa barko na MV Athens at namatay po noong May 19. Pangalawa po, iyong ini-announce natin noong Friday na namatay from City of Manila, 58-year-old female. It’s a local case and she died June 28 in a hospital here in Metro Manila. And just yesterday, we were able to verify through the validation of the local government that a 78-year-old female, who was also part of the local cases, died last May 30.

So tatlo po ang kabuuang namatay, and the rest, iyong 33 po, some of them were already tagged as recovered. Pero ngayon po, upon verification, inaayos po natin na may mukhang nakikita tayo na positive pa rin doon sa kanilang mga samples at magbibigay tayo ng information in the coming days.

USEC. IGNACIO: Opo, iyong second question po niya, USec. nasagot na ninyo. Iyong ikatlong tanong niya: May mga puna na matagal bago lumabas ang result ng genome sequencing, ano po ang sagot dito ng Department of Health?

USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky ‘no. We have a certain number of days where you process the genome sequence; hindi po siya ganoon kabilis katulad ng RT-PCR kapag prinoseso. Ang genome sequencing po, may ginagawa pang mga bio-informatics, so that we can detect or ma-determine natin iyong mga phylogenetic tree, kumbaga tinitingnan ang linkages.

So, it takes about 5 to 7 days before we complete a cycle, para makapag-isyu and that is every week. Nagkaroon po tayo ng mga kaunting pag-antala or delays in the past weeks because iyon pong reagents na supply natin ay nagka-shortage naman globally, kaya bago po nakarating sa atin ay medyo natagalan. Pero ngayon po, regular tayo. We can also do immediate sequencing. Mayroon po tayong mga maliliit na makina ginagamit natin kapag mayroon tayong mga urgent na samples na kailangan nating i-test.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV 5 for Usec. Vergeire: Kumpirmado ba na may kaso ng Delta variant sa Taguig?  Ano po ang detalye ng kaso? Similar question with Pia Gutierrez at ang follow-up po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Kabilang ba iyong Taguig case sa 16 new cases na ibinalita last Friday?

USEC. VERGEIRE: Hindi po, hindi po kasama. So we are trying to clarify. Wala po tayong local case na na-identify sa Taguig. Wala rin po tayong taga-Taguig na na-identify ngayon pong run natin. Ito pong binabanggit na taga-Taguig ay isang Returning Overseas Filipino and was quarantined in Silver Oaks at kasama po siya doon sa MV Athens case natin ano. But the permanent residence of this Returning Overseas Filipino is from Taguig, kaya po iyan nai-report ng ating City of Taguig. Pero hindi po siya kasama sa mga local cases natin.

USEC. IGNACIO: Usec., i-follow up ko na lang iyong kay Joseph. You mentioned na may nakikita pang positive sa samples, what do you mean? From what samples? You mean there is more Delta variant?

USEC. VERGEIRE: Hindi po, bumalik po tayo. So that is our existing protocol right now. If we detect a specific variant of concern among the population o iyong mga individuals na nag-positive po at na-tagged na as recovered, binabalikan po natin.

So binalikan po natin itong mga local cases natin at ito po ay atin pong kwinarantin [quarantined] muna po sila lahat hanggang lumabas ang kanilang resulta dahil nag-retest tayo sa kanila.  Ang among the initial results that we have received, mayroon po sa kanilang nag-positive pa rin, tsinitsek natin ang CT values and they will remain to be isolated until they turn negative after 14 days.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Pia Gutierrez pa rin po: Ano raw po iyong posibilidad na may community transmission na ng Delta variant sa bansa? Similar question with Aiko Miguel ng UNTV. Ang follow up po niya, may underreporting daw po ng variant cases, tanong pa rin po iyan ni Maricel Halili din ng TV5.

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan nating maintindihan, Usec. Rocky, ano po ba ang objective ng ating paggagawa ng whole genome sequencing and what would be our process. Sa simula’t simula pa ho, sinasabi na natin, our genome sequencing, we do purposive sampling. We’re not covering the entirety of all of those turning positive because of our capacity.

So kapag iyan ang ating objective, we cannot say that we are underreporting because the samples that are purposively collected ay nakukolekta po at nati-test natin. Pero nandiyan po tayo, we recognize that fact na talagang kailangan mag-expand po tayo para mas ma-test pa ho natin iyong iba pa nating mga kababayan na nagpupositibo.

So what we can say right now would be, we are trying to expand pero kailangan ang ating mga kababayan, cautious tayo. So let us assume that there is this transmission so that we will get more protected, we will be more cautious at mas mag-comply po tayo sa protocols kasi highly transmissible po talaga ang sakit na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Gutierrez ng ABS-CBN: The DOH says, it will recommend to the IATF to reconsider allowing children ages 5 and above outside due to the Delta variant. Ano po ang tingin ng IATF dito? Will the IATF recall its order soon? Same question po iyan ni Ivan Mayrina ng GMA News.

DOH USEC. VERGEIRE: Gusto ko lang hong klaruhin, Usec. Rocky, we have not recommended that yet to the IATF. What I said a while ago in one of my interviews, we have a meeting with our experts this afternoon so that we can determine if we are going to continue allowing our children or we will recommend that this be temporarily suspended, pero wala pa ho tayong nairirekomenda. Pag-uusapan ng mga eksperto mamaya, at magrirekomenda pa lang tayo kung sakali.

USEC. IGNACIO: Opo. From Leila Salaverria ng Inquirer: Given the possible community spread of the Delta variant, will the government restore restriction it earlier lifted? How likely is this? Or will it wait to see if there will be higher daily cases before re-imposing restrictions? Similar question with Pia Gutierrez of ABS-CBN.

DOH USEC. VERGEIRE: All of our actions right now is precautionary. We would like to anticipate. We would like to be one step ahead kung anuman po ang mangyayari. Kaya po araw-araw, titingnan natin ang ating mga datos; titingnan po natin kung kailangan na nating mag-escalate agad. Hindi po tayo magwi-wait and see, but we will enforce stricter measures. Kung hindi man natin ma-escalate ang ating mga community quarantine restrictions, we have guided already our local governments that they should do granular lockdowns; they should intensify their PDITR response para po mas ma-contain natin ang pag-spread ng variant na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque, question from Leila Salaverria: What specific directives, if any, has the President given after the detection of local cases of the Delta variant? Will this reduce the number of his activities outside the Palace, especially since there are concerns that vaccines become less effective versus the Delta variant? Similar question with Pia Gutierrez of ABS.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, mabilis po ang naging aksiyon ng Presidente noong nagkaroon ng direktang rekomendasyon ang DOH at ang National Task Force na ipasailalim po ang mga probinsiya nga ng Iloilo at ang Siyudad ng Iloilo kasama ang CDO at ang Gingoog under ECQ ‘no.

Ang Presidente naman po ay nagri-rely sa mga expert opinion ng mga dalubhasa na taga-DOH at mga taga-NTF and will not hesitate, in fact, to increase iyong community quarantines if there are grounds to do so; at napakita na po niya iyan. Ang hinihingi lang po ng ating Presidente, lalung-lalo na sa mga lokal na pamahalaan ay ang kanilang kooperasyon. Hindi naman po tayo mag-i-impose ng ECQ kung wala pong dahilan. Alam po natin mahirap ang ECQ pero pinagdaanan po iyan ng NCR Plus 8, isang bagay na hindi naman po pinagdaanan until now ng mga probinsiya na nadideklara sa ECQ. Mas matagal po iyong naging ECQ at MECQ dito po sa NCR Plus 8, but when we have to resort to it under the goal of promoting total health ay hindi po nag-aatubili ang ating Presidente.

Now, kung makakaapekto po ito sa mga ikot ng ating Presidente, sa mula’t mula naman po, limitado na ngayon talaga ang movement ng ating Presidente. Pero siguro po ay depende rin iyan kung saan pupunta po ang ating Presidente at kung ano iyong kahalagahan ng mga affairs na pupuntahan niya.

Pero ngayon naman po ay consistent naman po ang patterns of movement ng Presidente. Unless mayroong extraordinary affair ay nasa Malago po siya o nandito sa Siyudad ng Davao.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Jo Montemayor po ng Malaya: Approval of comment on call if DSWD Region VI for provision of cash aid to poor families affected by ECQ in Iloilo City and Iloilo Province. Will cash aid also be provided to CDO and Gingoog?

SEC. ROQUE: Magkakaroon po ako ng kasagutan diyan sa Miyerkules, ang susunod nating press briefing ‘no. Dahil iyan po ay pinaalam ko na kay DBM Secretary Avisado at titingnan po natin kung mayroong ganiyang ayuda na maibibigay po.

Pero alam naman po natin na kapag tayo ay nagdideklara ng ECQ ay mayroong ayuda, hindi ko lang po masabi ngayon if definitely kung lalabas siya at kung magkano. Pero by Wednesday, we hope to have the answer po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Trish Terada ng CNN Phils: How does the government plan to address the very slow contact tracing and detection?

SEC. ROQUE:  Well, ngayon po pinabibilis na nga natin iyong proseso ng contact tracers. Humingi na nga po ang ating mga Metro Manila mayors na manatili iyong mga additional contact tracers na kinontrata po ng ating Department of Labor. At tingin ko naman po, with this development ay wala pong hadlang para manatili itong mga contact tracers; at palalawakin pa po natin ito. At the same time, iyong mga iba’t ibang mga LGU po ay nag-i-interconnect na sa kanila ng mga programs at patuloy pa rin po iyong ninanais natin na iyong StaySafe Philippines ay magiging central automated databank para sa ating mga COVID cases.

Perhaps, Usec. Vega, would you like to add anything on StaySafe?

USEC. VEGA: Tama ho iyan, Sec. Harry. Itong contact tracing talaga ay very vital ito sa pag-surveillance at saka tracing ng ating mga index cases. Ngayon, sa DILG, tinuloy po nila iyong mga number of manual contact tracers sa local government unit. Ito iyong isang tracing na hanggang sa second, even to the third degree.

In fact, dito nga sa Delta variant, kailangan sa contact tracing ay aabot sa third degree ‘no para makita talaga natin kung sino ang involve at saka ma-isolated quarantine. At saka pinaigi na rin iyong StaySafe ng mga local government units at saka iyong DICT right now is on top of making sure na iyong integration of all LGU applications can easily sync with StaySafe.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque, tanong pa rin po ni Leila Salaverria sa inyo: What is the President’s basis for saying the Vice President is immune from suit when it’s not mentioned in the Constitution or jurisprudence? Similar question with Llanesca Panti.

SEC. ROQUE: Let’s just say perhaps this is an opportunity to provoke jurisprudence.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Tina Mendez ng Philippine Star for Secretary Roque: Can you please comment on the call of watchdog Kontra Daya for the Comelec to investigate into reports of politicization of the ongoing COVID-19 vaccination program? Kontra Daya convenor Danilo Arao said, the Comelec should look into the underhanded ways of politicians to promote themselves saying, “This is clearly a case of premature campaigning. Comelec should not be too technical and legalistic in refusing to do something about it.”

SEC. ROQUE:  Well, wala pong hurisdiksyon ang Comelec unless campaign period na ‘no. So hindi ko po alam kung gustong gawin ng Comelec iyan. Pero gustuhin man nila o hindi, ang pagkakaalam ko sa batas, kapag hindi pa campaign period ay wala pang hurisdiksyon ang Comelec to implement our election laws. Wala pa rin pong naghahain ng kahit anong certificate of candidacy so I think the statement po is bereft of merit.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow up po niya: Does Secretary Roque feel alluded to?

SEC. ROQUE: Certainly not po. I am spokesperson not just for the President but also for IATF and I consider my role as spokesperson to be very crucial in promoting vaccine confidence.

USEC. IGNACIO: Opo. From Edith Caduaya of Newsline.ph based in Davao for USec. Vega po. Ang question daw po niya: About a patient who was admitted and operated with a negative RT-PCR test but 15 days after confinement the patient tested positive of COVID-19. What is the hospital protocol for this?

DOH USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky. Alam mo, itong mga kasong ganito ito iyong tinatawag nilang nosocomial infection lalung-lalo na kapag nasa hospital ka in more than five days, tataas talaga ang incidence na hospital-borne infection can set in in a patient. Itong nangyari po sa kaniya halos on the 15th day naging positive siya after an operation for COVID.

Ito iyong masasabi po natin, itoý part ng nosocomial infection or infection na nanggaling po sa hospital. So, ang protocol po talaga dito is talagang titingnan, iku-culture sa amin, may blood culture, kailangan may culture pero it’s hard to culture COVID-19. So, ang protocol po dito, lalung-lalo na sa mga healthcare workers, is to make sure na mayroon talaga silang mandatory screening every 14 days.

Kailangan i-check, surveillance po ito ng mga health care workers every 14 days to check whether they have COVID or not. Itong nangyari po sa pasyenteng ito ay dahil ho sa prolonged stay nila sa hospital at nagkakaroon na talaga sila ng hospital-acquired infections at nangyari ito po ay COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: How frequent must a hospital must a hospital undertakes swab test to their frontliners? Is it a case of hospital-acquired COVID-19?

DOH USEC. VEGA: Well, it’s recommendatory talaga at sinabi na namin noon na talagang for health care workers kailangan talaga 14-days surveillance, they need to have a swab and RT-PCR. So, lahat naman ng mga health care workers natin lalung-lalo na sa mga frontliners na after 14 days they should be tested for a swab test or RT-PCR and that’s the recommended protocol.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. Vega, question from Ivan Mayrina of GMA News: How much have we expanded our ICU and COVID ward beds? Is this enough? Sabi po ng Private Hospitals Association hindi lang beds kung hindi mga trained personnel ang kailangan.

DOH USEC. VEGA: Very true, USec. Rocky. Alam mo, itong paghahanda po natin, preparedness for capacity ng hospitals, hindi lang iyong space at saka structure ng hospital na talagang ii-improve natin and making sure na maka-allocate tayo ng mga intensive o critical cases for those allocated beds but also the staffing and the services.

Ang pinakaimportante dito ang staffing at ito iyong tinitingnan po namin parati na kung puwedeng through deployment from other agencies itong puwedeng ma-deploy for certain hospitals na may high-risk or iyong tinatawag ho namin, iyong health care augmentation ng mga health care workers.

Ito iyong mga pamamaraan na talagang magkaroon tayo ng sapat na staffing although challenge pa rin ang paghanap nito or even for health care workers to commit themselves but so far since April, maganda po ang aming experience and track record for health care workers augmentation dahil sa nailabas namin mga 3,500 positions eh nakakuha po kami ng 97% ang nag-commit to work as a health care worker.

USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Vega. USec. Vergeire, may tanong po si Leila Salaverria ng Inquirer: Kailan daw po darating iyong bagong extraction machines and ano po ang ideal number of samples na dapat i-sequence para mas makita ang accurate picture ng presence ng variants?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky ‘no. So, iyong extraction machines po ay undergoing the procurement process already. So, we just need to wait because we know that certain processes of government that takes time.

Pangalawa po, iyong appropriate or the ideal when you do whole genome sequencing is at least you are able to do whole genome sequencing among at least 5% of those being turning positive dito po sa ating bansa.

Sa ngayon po, nasa 1% po tayo ngayon and we aim to expand our capacity so that we can reach this ideal number.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque from Buena Bernal ng CNN Channel News Asia: As President Rodrigo Duterte enters his final year in office, analysis said the single most enduring program of the Duterte Administration without consequences that will outlive his term is his war on drugs which has left a death toll far higher than the killings of dissidents during Martial Law, they said the Admin will be remembered for its human rights violations more than any other thing. May we ask the Palace for a comment on this assessment?

SEC. ROQUE: On the contrary po doon sa interview ni Ana Tabunda ng Pulse Asia kay Pia, our Pia in Rappler, sinabi po ni Dr. Tabunda na mukhang itong war on drugs po is a promise fulfilled by the President to the Filipino people and because of this eh ito yata ang dahilan kung bakit kahit anong bira ang ipinupukol kay Presidente hindi po bumababa ang trust at saka ang satisfaction rating ng Presidente.

So, rather than a legacy of notoriety, I think it will be a true legacy of the President na tinutoo niya iyong pangako niya na mananalo tayo dito sa giyera laban sa ipinagbabawal na droga. And the Filipino people, according to Pulse Asia, apparently agrees.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Cresilyn Catarong ng SMNI News: Mayroon na bang inihahanda si Pangulong Duterte na listahan ng mga posibleng senatorial candidate na kaniyang ie-endorse sa 2022 National Elections? Kailan po kayang posibleng i-announce ng Pangulo ang mga pangalan ng mga ito? Mayroon po ba kayong initial na idea kung sinu-sino ang mga personalidad na ito?

SEC. ROQUE: Wala pa po talagang listahan na nalalaman ako bagama’t nababanggit palagi ni Presidente ay ilang mga pangalan, pero iyong listahan talaga ay wala pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Una na daw po inanunsiyo na posible pa ring ipairal ang blended learning para sa school year 2021-2022 pero may posibilidad ba na in the middle of the school year puwede nang ibalik ang face-to-face classes kung maaabot na ang population protection?

SEC. ROQUE: Well, nakasalalay nga po iyan diyan sa ating pagbabakuna dahil ang sabi naman ni Presidente talaga even the pilot para sa face-to-face ay nakadepende doon sa numero ng ating mga kababayan na nabakunahan.

So, in fact, humingi na naman ako ng—I’m enjoining the public po na para nga po makabalik tayo unti-unti sa normal eh magpabakuna na po tayo. Kapag mayroon na po tayong containment or population protection ay may posibilidad naman po na babalik sa normal iyong ating pag-aaral.

USEC. IGNACIO: From Red Mendoza ng Manila Times for Secretary Roque: Sinasabi ng dating NTF adviser na si Dr. Tony Leachon na may underreporting daw po ng Delta variant at hindi raw naging proactive ang gobyerno sa pagtugon sa variant. Ano po ang masasabi ninyo dito sa banat na ito?

SEC. ROQUE: Kabaligtaran po ano dahil nakita ninyo naman ang bilis ng desisyon at wala ng bureaucratic red tape na pinagdaanaan iyong rekomendasyon na ipasailalim under ECQ iyong mga lugar na mayroong mga nakitaan ng Delta variant ‘no. At masusi po nating sinusubaybayan ang contact tracing at mga bagong kaso ng Delta variant.

We operate within the bounds of our limited resources pero sa ngayon po nakikita natin na nakatutok po ang ating awtoridad dito sa paglaganap ng Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Usec. Vega, tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: With the local detection of the Delta variant, ano po ang mga steps natin to ensure na may hospital facilities tayo? Have we coordinated with the private hospital groups like PHAP to resolve issues that may rise sa Delta surge?

DOH USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky. Talagang itong Delta variant na ito, pagpasok nito eh talagang we are taking the precautionary steps and preparedness especially in the capacity of the hospitals. Ang ginawa po namin eh nanghingi kami ng contingency plans lalung-lalo na sa mga level three hospitals at saka sa private hospitals.

Doon naman sa mga regional or provincial levels, we have asked iyong mga regional health offices to coordinate with the private and public hospitals kasi sila ang talagang mas maganda ang coordination down in the provincial and the city level. So mayroon na po kaming kaugnayan on the national front with all of the big Level 3 hospitals together with the provincial and the city hospitals lalung-lalo na sa Level 2 hospitals, both government and private. So mayroon kaming ano po, we are putting in the system of contingency plans for all hospitals to include government and private.

USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News. For Secretary Roque: On anti-terrorism law. Solicitor General Calida said, organization and individuals tagged as terrorist by Anti-Terrorism Council will retain their terrorist status even if the Court of Appeals issues a ruling clearing them of being terrorists. Is ignoring a CA court order the right way to implement the anti-terror law?

SEC. ROQUE: I have no authority to speak for the Solicitor General. Please ask Solicitor General Calida.

USEC. IGNACIO: From Pia Rañada of Rappler: President Duterte said, he would bring sacks of money when he campaigns for PDP-Laban bets. What is the source of this money? Does he know it’s illegal to use public funds for partisan political activities and distribute money for votes?  

SEC. ROQUE: Of course, he knows it’s illegal to use public funds for partisan purposes. But there is no prohibition in the Omnibus Election Code to raise funds from private individuals for the candidacies of individuals, so that is what the President meant. It’s an assurance to his party mates that not only will he physically campaign for them, he will also raise funds for them; and that’s not prohibited by the Constitution or the Omnibus election code. Unfortunately, democracy can be very expensive.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: If what he said was a joke, why is he joking about acts that violate our laws and degrade democracy and the integrity of elections? Similar question with Maricel Halili of TV5.  

SEC. ROQUE: I do not know where you got the information that funds for elections purposes is illegal – it’s not! Without fund raising, in fact, no candidate can run and only the very rich can run if soliciting funds for election purposes will be declared illegal. So on the contrary, that’s legal. What is prohibited is the spending of public funds.

USEC. IGNACIO: Opo. From Louisa Erispe ng PTV: One week bago po ang SONA ng Pangulo, nagsagawa ngayon ng protesta ang ilang labor groups na tinawag na State of the Workers Address. Nananawagan sila, dahil hindi pa anila napipirmahan ngayon ang anti-endo bill na isa sa unang plataporma ng Pangulo pag-upo niya sa puwesto. Ano na po ba ang status ng bill na ito? Nakikita po ba natin na mapipirmahan ito ng Pangulo ngayong huling taon niya sa puwesto? Maaasahan din po ba na sa huling taon ng Pangulo, isa rin po ito sa nakalatag na solusyon sa unemployment rate na isa sa epekto ng pandemic?

SEC. ROQUE: Well, when I last talked to Secretary Bello and that was, I think, last week in Cagayan eh he reiterated that the anti-endo bill continues to be an administration bill and it has also been certified as urgent by the President. But we leave it to Congress because, unfortunately, no amount of certification can lead to an enactment of the law if the wisdom of Congress is otherwise. But we continue to appeal to Congress to pass this anti-endo law as the term of the President ends.

USEC. IGNACIO: Opo. From Chino Gaston ng GMA News: Iyon daw pong pag-address ng government, iyong PCG na nanaboy daw po ng Chinese Navy warship.

SEC. ROQUE: Congratulations po sa ating magigiting na PCG! I’m sure in due course, you will be given the proper recognition that you deserved.  Saludo po kami sa inyo!

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez of ABS-CBN: Will government limit the number of attendees of the President’s SONA due to the threat of the Delta variant? Will there be changes in the protocols that will be implemented for the SONA because of this?

SEC. ROQUE: Opo, limitado po ang pupuwedeng mag-attend ng SONA. At ang sabi po sa akin personal ni Speaker Velasco noong Sabado ay kapareho lang po ng numero noong nakalipas na SONA. Magkakaroon po siguro ng ilang mga pagkakaiba. Ang pinag-uusapan ngayon ay kung saan gagawin iyong rapid test at saka iyong antigen test. Ang mungkahi daw po ng PSG ay doon na sa north at saka sa south lounge. Samantalang ang mungkahi naman ng Kamara ay doon pa rin sa room where it was held the last SONA dahil mainit daw po doon sa north and south lounge.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kyle Atienza ng Business World: Budget Secretary Avisado on Sunday told Business World that the proposed Bayanihan 3 would be discussed in a development budget coordination committee meeting. The bill which was already passed by the House of Representative would be discussed in a Senate caucus after the SONA, Senate Majority Leader Migz Zubiri said earlier today. Is the President open to tackling the proposed third stimulus law? Will the measure be mentioned during his last SONA?  

SEC. ROQUE: Well, kagaya po ng sinabi ni Secretary Avisado, pag-uusapan po iyan. Kasi nga po, July 15 pa lamang papasok iyong datos kung talaga bang may mga pondo na hindi nagastos under Bayanihan 2. So, depende po kung ano ang assessment. Siyempre po magdi-decision ang administrasyon kung hihingin sa Kongreso ang Bayanihan 3. Ang ating gusto lang pong malaman ay kung sapat na ba iyong pondo na nasa 2021 budget at 2020 budget, at siyempre po iyong issue ng kung mayroon ba talagang hindi nagasta sa Bayanihan 2 dahil kung mayroon po, that would show na baka hindi kinakailangan ng Bayanihan 3. So, hintayin po natin kung ano ang magiging desisyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong last question po ni Pia Rañada ng Rappler. Para po kay CDO Mayor Moreno. Hindi ko lang po alam kung kasama na po natin siya today. Mayor Moreno ang question po niya: The late Nene Pimentel issued messages of support for you before. Do you agree with President Duterte that the Pimentels are not recognizing Cagayan De Oro sa politicians of influence?

SEC. ROQUE: Hindi na nakasama sa atin si Cagayan De Oro Mayor Oscar Moreno. Siguro po   on Wednesday we can have him on board. Dahil nagsimula na po iyong kaniyang press briefing. Ulitin ko po nandoon po iyong mga kasama natin sa IATF sa Cagayan De Oro bago sila pumunta dito sa Davao para tingnan ang sitwasyon sa Cagayan De Oro at ngayon lang po sila nagpi-press conference doon. So we will ask that question po on Wednesday.

So kung wala na pong ibang mga tanong. Nagpapasalamat po tayo sa ating mga naging panauhin. Nakaalis na po sa Zoom si USec. Vergeire. Nagpapasalamat po tayo kay Usec. Vega at kay Dr. Audan. At salamat din po kay Governor Arthur Defensor who joined us also on Zoom.

Maraming salamat, Usec. Rocky. At dahil bukas po Piyesta Opisyal ay wala po tayong press briefing bukas, pero ang briefing po natin ay magiging Miyerkules. And because tomorrow po is a public holiday, nais ko pong batiin ang lahat ng ating mga kapatid na Muslim ng Eid Adha Mubarak.

So, sa ngalan po ng ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Pilipinas, malapit na ang balik-buhay dahil sa ating bakuna. Magpabakuna na po tayo dahil nandiyan na po ang mas nakakahawa at mas nakakamatay na Delta variant.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)