Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacañang

SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas ‘no. Patuloy nating ipinagdadasal ang ating mga atleta ‘no. Nakita natin kanina ang ating women golfer na sina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso. Mamaya may laban ang ating pinakabatang boksingero, ang pride ng Cagayan De Oro, Carlo Paalam sa boxing men’s flyweight semifinals. May laban din ang ating male flagbearer sa Tokyo Olympics na si Eumir Marcial ng Zamboanga. Sabay-sabay po tayong manood at ipagdasal ang kanilang tagumpay. Ang laban po ni Carlo will be broadcasted live at 1:30 P.M. ngayong araw at iyong laban naman po ni Eumir will be at 2:03 so dapat maaga tayong matapos ng ating press briefing nang tayo po’y makapanood kay Carlo.

Mahigit dalawampung milyon na po ang total doses ng COVID-19 vaccine administered as of August 4, 2021. Ito po’y sang-ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Samantala, mahigit sampung milyon ang fully vaccinated na po. Nasa 109 million po ang official population ng Pilipinas ayon sa 2020 census. Nasa 50 to 70 million naman po ang ating target para sa population protection. Kumpiyansa tayo na maaabot natin ito.

Dumating naman po noong Martes, August 3, ang 3 million and 60 Moderna vaccine na donasyon po ng America. Ibibigay ito sabi ni Presidente sa mga Pilipinong walang kakayahan or who cannot afford.

Bago ang aking press briefing ay nagkaroon po tayo ng isang event sa SM Megamall to mark the important milestone of 10 million fully vaccinated Filipinos. Tingnan po natin ang ilan sa mga larawan. Pinapaalala lamang namin na huwag sayangin ang pagkakataon magpabakuna, magpalista sa inyong LGU. At sa mga LGU po ha, gawing maayos at efficient ang pagbabakuna, huwag pahirapan ang taumbayan. Iwasan natin ang pagdagsa ng mga tao, sabihin ang kinakailangang impormasyon tulad ng schedule at ang available slots. Sundin po natin ang curfew hours, siguraduhing may crowd control.

Naku po, kanina po nakakita tayo ng mga larawan sa Manila at Las Piñas pero mayroon ding SM Maasin, nakita ko rin iyong larawan doon ‘no at saka sa Las Piñas. Naku sa Las Piñas po mukhang zombie iyong dami ng tao. Ewan ko lang po kung totoo iyong naka-post ‘no at saka sa Manila rin po ‘no. Naku po, ang pinagbilin po ni Presidente dapat unang-una kinu-control po talaga ang crowd. Pangalawa, kinakailangan makatao po; hindi po pupuwede iyong nagkakagulo ‘no. Huwag naman po natin gawing super spreader events ang ating bakunahan because ang bakuna po will save lives – it should not endanger lives.

Okay. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo ayon sa Johns Hopkins World Meter COVID-19 Data at WHO COVID-19 Dashboard:

  • Number 23 ang Pilipinas pagdating sa total cases;
  • Number 29 po tayo pagdating sa active cases;
  • Number 133 po tayo sa cases per 100,000 population;
  • At number 89 po tayo sa case fatality rate at 1.7%.

Tingnan naman natin po ang mga bansa sa South East Asia at ang kanilang mga aktibong kaso. Ito ay ayon sa World Meter COVID-19 Data as of August 5, 2021. Indonesia pa rin po ang nangunguna, sumusunod po ang Thailand, Malaysia, Vietnam, Myanmar at ang Pilipinas ngayon po ay pang-anim.

At dito po sa Pilipinas, mayroon po tayong mga 7,342 na mga bagong kaso ayon sa August 4, 2021 datos ng DOH. Bahagyang bumaba po ito noong huli tayong nagkaroon ng press briefing. Mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 94.4%. Mayroon na po tayong mga 1,528,422 na mga gumaling. Samantala, malungkot po nating binabalita na nasa 28,231 po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.74% nga po ang ating fatality rate.

Tingnn naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital ‘no. Mapapansin ninyo po dito sa NCR, tumaas na po nang bahagya bagama’t nasa low risk pa rin po tayo pagdating sa ICU beds ‘no. Mayroon po tayong 1,200 na ICU beds; 59% na po ang utilized – tumaas na po ‘yan ‘no. Ang isolation beds natin mga 4,600 po iyan ay mayroon na po tayong 52% utilized. Ang ating ward beds, mga 3,600 po ‘yan eh 48% utilized. Sa mga ventilators po ay 42% utilized.

Naku sa buong Pilipinas po, mas mataas ang utilization natin ng ICU beds, nasa 61% na po. Ang ating isolation beds po ay nasa 53%. Ang ating ward beds ay 52%. Ating ventilators ay 41% po ang utilization rate.

Makakasama po natin ngayon ang ating NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar, Secretary Vince Dizon at si PNP Chief Guillermo Eleazar para linawin ‘no iyong mga patakaran na ipatutupad simula bukas. Unahin po muna natin si Testing Czar Vince Dizon.

Sir, sinasabi po nila na dahil mas nakakahawa nga ang Delta variant, unang-unang panlaban natin ay iyong pagbabakuna at magpapatuloy nga po ito habang nasa ECQ. Sasamantalahin po natin na mas maraming taong pupuwedeng magpabakuna dahil karamihan ay hindi papasok sa trabaho; at pangalawa, mas importante iyong testing ngayon. Ano po ang ating mga updates pagdating po sa ating pagbabakuna unang-una at doon po sa ating testing. The floor is yours, Secretary Vince Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox Harry. Magandang hapon po sa ating lahat.

Unang-una po ‘no sa pagbabakuna, tama po iyong sinabi ninyo Spox, napakaimportante po ng pagbabakuna lalo na sa panlaban natin dito sa Delta variant. Nakikita po natin sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas na kung ikaw ay bakunado lalung-lalo na kung ikaw ay bakunado na nang buo at nakuha mo na iyong dalawang dose ng bakuna eh mapuprotektahan ka laban sa Delta variant.

Ngayon po, kausap ko po kanina, Spox, si Dr. Gap Legaspi ng PGH, 108 po ang ngayong COVID positive sa PGH; 86% po ng 108 na iyon ay hindi bakunado. Doon po sa natitirang 14%, bakunado po ng at least 1 dose pero po mild at moderate lang ang kanilang karamdaman. Iyon pong lahat ng severe at critical ay hindi bakunado.

Ito din po ang nakikita natin sa iba’t-ibang mga siyudad natin sa Pilipinas. Kausap ko rin po kanina si Mayor Francis Zamora ng San Juan, out of the 220 plus cases sa San Juan, ganoon din po, 86/87% ay hindi bakunado. Sabi nga po ni Dr. Fauci ng Estados Unidos, ito po ay nagiging pandemic na ‘of the unvaccinated’ kaya po ang panawagan po natin lalo na ngayon mag-e-ECQ po tayo sa NCR kaya sana po talagang mag-take advantage tayo ay magpabakuna tayong lahat.

So, Spox, noon pong Martes tayo po ay nag-hit ng bagong record noong August 3 – 702,013 jabs in one day, ito po ang pinakamataas natin at dahil po dito talaga pong nalampasan na natin iyong initial target natin na 500,000 at nakikita po natin kung titingnan natin ang susunod na araw, kahapon August 4, umabot po tayo ng 576,563.

So, nakikita po natin eh tuluy-tuloy na po ang pagtaas ng ating pagbabakuna at ngayon pong buwan ng Agosto ang average na po natin ay mahigit 550,000 per day. At dahil po diyan, umabot na po ng halos 22.5 million ang bakunang naibakuna natin sa ating mga kababayan.

At dahil din po diyan, kanina, Spox, magkasama tayo, 10.2 million na po ang fully vaccinated natin sa buong bansa at gagamitin nga po natin, kagaya ng sinabi ni Spox, itong panahon ng ECQ sa iba’t-ibang lugar sa bansa – sa Iloilo, sa Cagayan de Oro, sa Gingoog, sa NCR at iyong ibang area pa na medyo nagiging mas istrikto tayo sa mobility ng ating mga kababayan – gagamitin natin itong panahon na ito para magbakuna pa nang marami at nang mas mabilis.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Vince Dizon.

Kasama rin po natin ang PNP Chief Eleazar. Sir, maraming humihingi ng paglilinaw lalung-lalo na doon sa mga tsuper na mga APORs. Ano bang mga hakbang ang ginagawa na ng ating kapulisan para sa ECQ na magsisimula po bukas dito po sa Metro Manila. The floor is yours, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Magandang hapon sa inyo, Sec. Harry. Kay Sec. Vince at sa lahat po ng mga nakikinig at nanonood sa ating programa at mga friends from the media.

So, bukas nga po ay ECQ na tayo at mamayang hating-gabi. Kung ngayon po ay mayroon tayong NCR Plus Bubble considering na itong NCR pati iyong apat natin na probinsiya na since last week ay talagang hindi na po natin hinahayaan na iyong mga non-APOR ay lumabas at pumasok sa bubble area, starting tonight, ito pong NCR, the individual cities and municipalities eh magiging individual bubble na po sila.

So, meaning to say dahil ECQ na siya, mayroon tayong mga possible checkpoints sa inter-city so that we will not allow itong mga non-APOR na mag-cross dito po sa ating mga cities.

So, dalawang klase po talaga ang major categories ng ating APOR: Ito iyong Worker APOR at saka consumer APOR. Ang worker APOR, ito iyong mga trabahante ng mga permitted industries natin. So, kung kayo po ang travel ninyo is work-related, meaning papunta sa trabaho o pabalik o iyong presence sa labas is trabaho mismo, so, kayo po ay hindi covered ng curfew at saka you can cross itong border o lumabas ng bubble.

The other category is itong consumer APOR. Ito iyong isa sa bawat sa household na mag-a-avail o mag-a-access doon sa mga essential goods and services. At ang atin pong mga LGU naghahanda na, pinamimigay na itong mga quarantine pass doon po sa bawat isa na iyon. So, kayo po ay lalabas at mag-a-avail ng essential goods only during non-curfew hours at only, basically in your locality, in your city or municipality at hindi lalabas doon.

Ngayon po dahil nasa ECQ tayo, pinakamataas na restriction eh supposed to be ang non-APOR hindi talaga puwedeng lumabas pero dahil nga po in spite of the 50% na public transportation na available na tayo ay ang clamor po at ang gusto ay para maiwasan ang pagkahawa-hawa, ia-allow na itong mga worker APOR natin na hindi man marunong mag-drive eh mapag-drive ng non-APOR na driver/fetcher.

So, ako po ay nagkaroon ng konsultasyon with other National Task Force and through our Secretary Eduardo Año ay siya po ay nagbigay ng guidance na ia-allow na po itong mga non-APOR driver para sa mga worker APORs natin. Pero ang iniiwasan po natin diyan, wala pong problema kung sila ay kasama nitong mga worker APOR natin itong mga non-APOR driver/fetcher, ang problema kasi after maihatid iyong pag-uwi niya o kaya iyong pagpunta doon kung susunduin dahil anybody could just claim na siya po ay susundo o naghatid.

Kaya nga po para magkaroon tayo ng hinahawakan, hindi na po sila kukuha ng driver’s pass sa pulis o sa barangay kung hindi ang mismong mga employers ang magbibigay ng certification. Certification of employment na kasama rin po doon iyong pangalan nitong non-APOR driver pati iyong kaniyang vehicle, pati iyong number na iyon and cellphone number, both the employer and the non-APOR driver, at siyempre nakalagay doon iyong pangalan nitong ating worker APOR at mag-a-attach na rin po ng kopya ng business permit para alam natin na itong establisyimentong ito is bahagi sa mga permitted industries.

Ang pulis po natin ay magsasagawa ng random checking kung totoo po itong mga dokumentong ito, puwedeng tumawag tayo, puwedeng mag-check at kung malalaman po natin na mayroong paglabag diyan o pag-abuso, eh puwede po natin na kasuhan at ito pong either the employer or the worker APOR or even ito pong non-APOR driver.

So, ito po iyong adjustment na ginawa natin para magkaroon ng tinatawag nating win-win solution at the same time mapanatili natin na talagang restricted ang labas ng ating mga kababayan. Iyon pong mga shuttle service ay ie-encourage pa rin natin. So the company or the industry, establishment can always avail of the shuttle service. Puwedeng sa kanila rin iyong driver na magsisilbing APOR din naman iyon o kaya puwedeng ibang mga driver na ise-certify din lang na iyon naman is considered na non-APOR driver na mayroong certification.

So, iyon po ang inaasahan natin sa mga susunod na araw at starting po bukas nga, magkakaroon ng kaunting paghihigpit at hindi lamang on the outer perimeter nitong ating bubble plus area kung hindi bawat city and municipality sa loob ng NCR will be considered as an individual bubble na babantayan po ng ating mga pulis.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, General Eleazar. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque at kay General Eleazar; Secretary Vince, magandang hapon din po.

Ang unang tanong mula kay Karen Villanda ng PTV for PNP Chief Eleazar: Ang sabi daw po ay mas maghihigpit sa mga checkpoint bukas. So, ano daw po iyong magiging kaibahan nito sa ipinatutupad nang checkpoint ngayon?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Ang nakikita nating kaibahan doon is kung iyong dating checkpoint ay nasa outer perimeter lang ng NCR Plus Bubble, ngayon ang ating mga Chiefs of Police ay puwede nang maglagay ng mga checkpoint nila doon po sa intercity border natin. So iyon po ‘yung konting higpitan kasi nga kung dati eh hindi po tayo basta-basta na—within the NCR ay puwede po tayong mag-travel, starting po tomorrow ay iyon pong mga consumer APOR natin hindi po sila papayagan na mag-cross na ng intercity boundary.

So malinaw po iyon – only the worker APORs can cross border o iyong bubble na iyan kung ang lakad po nila is work-related. Pero para po sa mga consumer APOR and other non-APOR, hindi po sila dapat nasa labas at matsi-check po sila kung sila po ay lalabas ng city. Iyong sinasabi po natin ay ang mga consumer APOR natin, they can only avail or access the essential goods and services doon lamang sa city na iyon dahil lahat naman ng mga cities natin and municipality inside Metro Manila ay lahat po ay mayroon sila.

By the way mayroon pa tayong isang category o itong tinatawag nating other APORs – ito iyong dahil sa emergency, medical or humanitarian consideration ay puwede pong ma-consider sila – lalo na iyong magpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: Posible ba na manghuhuli na bukas ang mga pulis ng mga pasaway na lalabag sa protocol at ano po ang penalty na nakaabang sa kanila?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Well unang-una po para po doon sa mga non-APOR, ang gagawin po natin diyan, we will just deny them passage doon sa atin pong mga checkpoints kasi nga ang ating mga checkpoints ay nasa boundary ng mga cities. So kung lalabas sila doon tapos ma-check na hindi sila APOR or consumer APOR lang sila, they will not be allowed to pass. So ganoon lang po iyon.

Now for other violation of protocols like, well ito pong non-adherence to the minimum public health standard, depende na po iyan sa mga ordinansa na existing sa mga lugar na iyon ang ia-apply natin. And most of them hindi pa rin naman po ikukulong iyan, maaring magmulta at maaring kunin lang mga pangalan nila and eventually padalhan po sila ng mga subpoena. For other offenses na related doon like traffic violations at iba pa ay iyon po ay depende na sa nature ng offense nila at puwede silang dalhin sa police station for booking and documentation.

USEC. IGNACIO: Thank you, General Eleazar. Iyong pangatlo pong tanong na mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online para sa inyo ay nasagot ninyo na po, tungkol dito sa hatid-sundo, iyong pagri-review na sinabi po ng Commission on Human Rights. Thank you, General Eleazar. Secretary Roque…

SEC. ROQUE: Go ahead, please. Ang susunod na magtatanong ay si Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque, Secretary Vince at kay PNP Chief Eleazar. Secretary Roque for my first question, about ECQ lang po, for you Secretary Roque and kay Chief Eleazar. Secretary Roque, handang-handa na ba ang gobyerno para sa ECQ simula nga bukas at may mga paalala po ba kayo sa ating mga kababayan? At kay Sir Eleazar, itatanong ko lang po since nagkaroon ng Command Conference kay Pangulong Duterte kagabi, mayroon po ba siyang mga naging bilin sa PNP at AFP regarding pa rin dito sa ECQ?

SEC. ROQUE: Well, handa na po ang gobyerno para ipatupad ang ECQ ‘no. Pero ang aking panawagan po, huwag na nating iasa sa gobyerno ang pagpapatupad ng ECQ. Lahat po ng hepe ng pamilya mag-declare na po kayo ng lockdown, walang lalabas sa tahanan. Kasi kung mga hepe ang magpapatupad niyan, sigurado po hindi na mahihirapan ang gobyerno.

Uulitin ko lang po ‘no, kaya naman natin ito ginagawa dahil mas nakakahawa ang Delta variant – tatlong beses mas nakakahawa kung ikukumpara doon sa UK variant na mas nakakahawa na doon sa unang variant na nagkaroon tayo ‘no. So kapag hindi po natin ito ginawa, ulitin ko po – 525,000 case by end of September ang posibleng magkaroon tayo ‘no. Eh wala po tayong sapat na ospital para alagaan iyong mga seryoso at kritikal na magkakasakit out of the 525,000.

So ito po’y para sa kabutihan ng lahat. Masakit alam ko po iyan, mahirap, magastos pero kinakailangan po natin iyan para mapangalagaan po natin ang kalusugan ng lahat. panawagan po sa mga hepe ng ating mga pamilya, family lockdown po nang magtagumpay itong ating ECQ.

General Eleazar, mayroon daw pong mga order ba ang ating Presidente doon sa ginawang Command Conference?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Ah wala—tuloy naman po. Actually ang—we just presented our accomplishment for the 5 years nitong ating present administration at hinighlight po natin doon iyong main function ng ating pulis na crime prevention na bumaba nang 64% for these 5 years compared doon sa first 5 years of the previous administration. And in so far as the second main function of the police which is crime solution ay tumaas po nang 86% iyong ating crime solution efficiency. So prinesent lang po natin iyan at nagbigay siya ng guidance na tungkol po dito sa ating quarantine eh gawin lang po at laging titingnan ang kapakanan ng ating mga kababayan habang pinapatupad nang istrikto itong ating mga protocols.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Chief Eleazar, follow up question lang po from Karen Villanda of PTV regarding po doon sa nabanggit ninyo kanina na hatid-sundo. Kasama raw po ba sa mga APOR na puwedeng ihatid ng non-APOR ang mga magpapabakuna at paano kaya raw iyong requirements na business permit?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Well una po, iyon pong sa mga bakuna kasi binanggit natin siya na kasama siya doon sa mga other APORs kasi ina-announce naman po iyan ng IATF, in fact magma-maximize tayo diyan. So ang atin pong mga chiefs of police sa Metro Manila magku-coordinate po sa mga LGU para alamin kung ano po ba iyong panuntunan o programang gagawin nila. Kung sila po’y magsasabi na ang mga ito ay mayroong manu-notify eh ‘di mas maganda para mas madali ang control lalo na sa mga checkpoint. Kung halimbawa iyong iba naman ay sabihing walk-in, malaman po ng ibang mga checkpoint natin iyan sa ibang lugar para po kahit papaano pagdaan doon, alam na mayroong papunta sa concerned LGU na iyon na may walk-in.

So, at the time isang ibinilin po natin diyan sa ating mga chiefs of police ay siguraduhin na maging conducive sa observance ng minimum health standards itong mga nagpapabakuna. At pagdaan po nila doon, sabihin lang, ipakita kung sila po ay notified, ipakita iyong notice na sila ay pupunta doon at kung pangalawang bakuna, iyon naman pong listahan nila na sila po’y babakunahan. So sila po ay puwedeng may kasama na driver, ia-allow po iyon dahil sila naman ay ihahatid at ganoon din, pagbalik is kasama sila.

Iyon pong—ano ba iyong pangalawang katanungan?

MELA LESMORAS/PTV4: ‘Ayun na po, nasagot ninyo na po Sir Eleazar. Thank you po. And Secretary Roque and Secretary Dizon, speaking of bakunahan lang po. Just a quick follow up about sa opening statement ninyo Secretary Roque and Secretary Dizon can also answer. Isa kasi sa mga itinuturong dahilan ng mga dumagsa nating kababayan sa mga vaccination sites ay natatakot sila na baka raw i-require na na fully vaccinated bago makalabas o makapagtrabaho. Once and for all, Secretary Roque/Secretary Dizon, ano pong masasabi ninyo rito at paano po kaya nga natin maiiwasan lalo na sa ECQ na itong vaccination pa iyong maging super spreader event?

SEC. ROQUE: Wala pa po tayong mga anunsiyo pagdating doon sa mga pagbabawal ng paglabas nang hindi bakunado kasi nga po kinakailangan ma-achieve muna natin iyong population protection. ‘Pag nakarating na po tayo doon eh siguro posible na. Pero lilinawin ko po, wala pa po tayong kahit anong pagbabawal na ini-impose sa mga taong wala pang bakuna. Ang hiningi lang natin ngayong nandiyan na ang bakuna, magpabakuna ang lahat.

Pangalawa po ‘no, wala ring katotohanan na iri-require natin ang bakuna para po sa ayuda. Wala pong katotohanan! Lahat po ng nangangailangan mabibigyan ng ayuda, hindi po kayo hahanapan ng proof of vaccination. So makapag-schedule na po kayo para sa bakuna ninyo nang maging ligtas ang proseso ng pagbabakuna. Baka naman dahil sa pagbakuna at saka pa kayo mahawa ‘no. Eh sigurado po iyan kapag tayo’y nagsiksikan gaya noong nakita nga natin sa Manila ngayong umaga ‘no at Las Piñas ‘no.

Secretary Vince…

SEC. DIZON: Opo. Salamat, Spox. Unang-una po ‘no, ngayon pong araw na ‘to nakakita tayo nang napakalaking pagdagsa ng mga kababayan natin sa iba’t ibang mga bakunahan – hindi lang sa NCR kundi pati sa Antipolo at sa ibang lugar na malapit sa NCR. Kanina pong umaga ay pinulong namin ni Secretary Galvez at ni Secretary ang mga LGUs ng NCR, kasama na rin noong mga NCR Plus LGUs sa Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga at Batangas at ni-remind po namin sila dahil nga sa pagdagsa ng mga tao.

In fact, iyong mga dumating po sa Metro Manila, karamihan po ay galing sa mga karatig nating probinsya, kalapit na probinsiya ng Metro Manila tulad ng Cavite tulad ng Laguna. Pero inaasahan po talaga natin ito, kasi nga po ngayon eh natatakot po ang mga kababayan natin sa Delta variant. Kaya po kinausap namin ng mabuti ang ating mga LGU na maghanda ng mabuti at ilagay ang mga karampatang mga safeguard para maiwasan natin iyong nakita natin sa mga picture kaninang umaga.

Nandito po ang national government para tulungan ang ating mga LGU. Pero naiintindihan po natin na hindi madaling magbakuna ng daan-daang libong tao sa isang araw all over the Philippines. Magtulungan na lang po tayo dito, pero kagaya ng sinabi ni Spox, kailangan pangalagaan din natin ang ating mga kababayan para hindi naman magkaroon ng hawaan sa ating mga bakunahan.

SEC. ROQUE: Mayroong tanong na pumasok dito ‘no. Galing po kay Buena Bernal, correspondent ng Singapore Channel News Asia: Are humanitarian activities including feeding programs and community pantries allowed under ECQ?

Well, ang sagot ko po diyan kay Buena. Buena kinakailangan makipag-ugnayan po, lahat ng mga humanitarian agencies, pati mga community pantries sa LGUs. Kasi ang anyo po ng ECQ, lahat dapat homeliners, except kung bibili o kukuha ng pangangailangan. Naiintindihan natin na importunate ang humanitarian relief para doon sa mga wala talagang pambili ng pagkain, pero they have to coordinate with the LGUs. Papayagan po siguro iyan kung papayagan ng LGU; LGU ang magdi-designate kung saan at LGU ang magsasabi at magpapatupad ng health protocols kung sila nga po ay papayagan.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Roque, last question na lang po from Isabel Reyes of PTV sports: Ano po ang status ng request ng PBA para makalipat sila ng venue mula Pasig patungong Batangas lalo na may isyu na mag-i-ECQ doon sa CALABARZON?

SEC. ROQUE: Well, kaya nga po pipili sila ng lugar sa labas ng CALABARZON. Nandito po ngayon    si Secretary Vince Dizon at ang alam ko ang Clark o ang Pampanga naman po ay walang posibilidad na mapasailalim sa ECQ or MECQ ‘no. MGCQ pa rin ang Pampanga. Dapat siguro doon na sila sa Clark humingi ng permiso, kay Secretary Vince Dizon, di ba ho, Secretary Vince?

SEC. DIZON: Opo, in fact, I think mayroong IATF today, mayroon pong dalawang grupo na humihingi ng permiso at kung MGCQ naman po tingin ko Spox, tama ka, wala namang problema.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque, Secretary Dizon at kay Chief Eleazar.

SEC. ROQUE: Balik tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. From Kris Jose ng Remate/Remate Online: For Secretary Dizon po, target ngayon sa China na bakunahan laban sa COVID-19 ang mga mag-aaral o may edad na 12 to 17 years old? Ang nasabing hakbang po ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant na COVID-19? Dito sa atin sa Pilipinas, may pagtaas na rin ng kaso ng Delta variant. Sa tingin ninyo may pangangailangan na rin ba na maturukan ang mga kabataan na may edad 12 to 17 at makasabay ang mga nasa priority list na A1 hanggang A5?

SEC. DIZON: Alam po ninyo, ganito, mayroon po tayong goal, mayroon tayong objective ngayong ECQ sa NCR. And iyan ay makapagbakuna, makapag-administer ng 4 milyong doses ngayong panahon ng ECQ. Iyan po ang commitment ng ating mga NCR mayors, kaya sila ay humingi sa tulong ng MMDA, ni Chairman Abalos. Kaya po ngayon open ang A4, open ang A5 at siyempre priority pa rin natin ang A2 at A3 lalo na iyong ating mga senior citizens. So naniniwala po tayo na dahil diyan, kung sino po ang gustong magpabakuna, kung iyan ay trabahador o mga kababayan natin na mahihirap, eh dapat bakunahan. Basta gustong magpabakuna, dapat bakunahan para maabot natin iyong ating objective na 50% population protection bago matapos ang buwan ng Agosto.

USEC. IGNACIO: So, Secretary Vince, kapag naabot na natin iyong 50%, puwede na daw po ba iyong mga bata ay maturukan na rin?

SEC. DIZON: Iyon pong mga bata ay aasa po tayo sa mga eksperto ‘no. Iyon po ang kailangan diyan. So ngayon may EUA ang FDA sa Pfizer na puwede ang 12 to 17, pero dahil nga kulang pa ang ating bakuna, ang mga 12 to 17 lamang na may comorbidity ang babakunahan natin. So kailangang i-manage natin ng mabuti iyong mga supply natin. Right now, hindi pa rin kaya serbisyuhan ang lahat ng ating mga qualified na Pilipinong puwedeng magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. From Rosalie Coz ng UNTV: Secretary Roque, isang araw bago ang ECQ, ano daw po ang mga karagdagang paalala at adjustment sa mga polisiya kung mayroon man?

SEC. ROQUE: Well, pinapaalala ko lang po ‘no, homeliners po talaga tayo sa ECQ. Ang objective po natin, hayaan lang po natin iyong absolute necessary na industries na magpatuloy, otherwise, homeliners tayo. Ang buong gobyerno po skeleton force, nagdeklara po ang hudikatura, nauna na nga po sila at nagdeklara na rin po ang ating kongreso na kinakansela ang kanilang mga plenary sessions at automatic naman po iyan sa ehekutibo, kapag ECQ skeleton force lang po tayo. Hindi po titigil ang gobyerno, kaya kinakailangan magkaroon ng skeleton force at saka siyempre iyong mga taga-DOH, kapulisan, Office of the Presidential Spokesperson, tuloy pa rin ang trabaho.

Pero huwag po kayong malungkot, mga taga-Office of the Presidential Spokesperson, parang mayroon naman tayong makukuhang hazard pay dahil tayo ay magtatrabaho sa panahon ng ECQ. At saka RTVM nga din pala at saka PTV4, lahat tayo ay makakakuha ng hazard pay at saka Radyo Pilipinas, dahil tayo po ay patuloy na magtatrabaho. Kaya ikaw Usec. Rocky, patuloy kang magpapaganda at magpapakita sa panahon ng ECQ.

USEC. IGNACIO: Yes, boss. Opo. Secretary Roque, ang susunod po niyang tanong: Kaugnay naman daw po ng contact tracers, sinasabing may lack of funding, kaya hindi ito magawa ng maayos at kulang ng manpower? Ano daw po ang tugon ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Hindi po ako sigurado kung talagang lack of funding, dahil nagsabi naman po ang DOLE na magpapatuloy sila na mag-empleyo ng mga contact tracers lalo na para dito sa Metro Manila. Pero kung kulang man po iyan, eh dadagdagan dahil ang gobyerno naman po ay mayroon puwede pang pagkuhanan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Ivan Mayrina, please.  Ivan, go ahead?

IVAN MAYRINA/GMA 7: Magandang hapon, Sec. Sec. Vince, Sec. Harry at kay General Eleazar Sir. Ang unang tanong ko po para kay Sec. Vince. Primary measure natin para mapigilan itong pagkalat ng COVID-19 ay ito pong pagbabakuna. But where are we in terms of testing? Kasi nabanggit po ng ilang eksperto dati pa at isa rin po sa mga mungkahi ni VP Leni, while we are on ECQ ay we ramp up testing to 100 to 120,000 a day? Right now, we are doing 50,000 on a good day? Nasaan na po tayo sa testing, Secretary Vince? At pagdating naman po sa contact tracing, ano na ang nangyari dito sa ating StaySafe app at hanggang ngayon po may kaniya-kaniya pa ring app ang mga LGU eh?

SEC. DIZON: Opo. Tama po iyon na kailangan paigtingin pa natin lalo iyong ating prevention, detection, isolation and treatment. Tuluy-tuloy po iyan. Right now, tinitingnan ko po ang seven day moving average ng test natin nationwide, nasa 56,000 test tayo on average the past week. Dumadami po ito, pero kailangan maintindihan po natin, in-explain na rin po natin ito noong nakaraang surge. Ang testing po natin ay risk-based. Ibig sabihin noon ay kung sino ang pinakanangangailangan ng test, iyon ang iti-test natin. Unang-una iyong mga may sintomas, ikalawa iyong mga may close contact sa may sintomas at ikatlo iyong mga kababayan natin sa mga area na tumataas talaga ng matindi ang mga kaso ng COVID-19.

Ang rason po talaga dito ay unang-una, lahat po ng ating mga measures katulad na rin testing, ng isolation at treatment, lahat po iyan ay kumakain ng resources sa ating bansa, lahat po iyan ay may cost ano. At hindi po infinite ang ating resources.

So, sa dami ng mga kailangan nating gawin from prevention, detection, isolation, treatment, at pagbabakuna, kailangan po ang national government kasama na rin ang mga LGU eh ma-manage nang mabuti lahat ng mga kailangan nating gawin at iyong kinakailangan nating mga resources para dito. Iyong pondo, iyong personnel, iyong ating mga kinakailangang equipment, kailangan po iyan ay mina-manage ‘no.

Madali pong magsabi kailangan gawin natin lahat ito. Totoo naman po iyon pero kailangan intindihin din po natin limitado po talaga ang resources natin at sa ngayon ima-manage natin ito nang mabuti kaya po sa testing ay risk-based ang ating approach gaya na rin ng rekomendasyon ng ating mga eksperto.

Ngayon po, tuloy-tuloy po iyan, paiigtingin po iyan at kasama na rin diyan ang tuloy-tuloy na pagpapaigting natin sa pagbabakuna natin araw-araw.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Paiigtingin po meaning from 50,000 a day we ramp it up to say 70/80,000 70-80,000 a day sa magiging contact tracing natin?

SEC. DIZON: Tama po iyan. Paiigtingin po natin. Ngayon po ay pati antigen test ay gagamitin na naman natin ulit dahil nagsi-surge tayo. So, tuloy-tuloy lang po tayo pero uulitin ko po ‘no, hindi lang po iisang bagay ang makakapag-solve sa problema natin dito sa Delta variant. Hindi porke’t tataas tayo ng 100,000 tests per day eh masu-solve na natin ang Delta variant. Kailangan po lahat gagawin natin sabay-sabay given our limited resources.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Secretary Roque, sir, doon po sa nangyaring pagdagsa ng mga tao kanina, ang sinasabi po nila katulad ng nabanggit ni Mela eh hindi raw sila makakalabas, hindi sila makakapagtrabaho, hindi sila mabibigyan ng ayuda. Hindi ho kaya mati-trace natin na todo sa messaging kasi po sa mga Talk to the People halimbawa ng Pangulo, ang lagi niyang sinasabi eh kapag hindi kayo bakunado huwag kayong lalabas, ipapa-escort ko kayo sa pulis pauwi. Hindi ho kaya dito nag-ugat ito?

SEC. ROQUE: I don’t think so ‘no. Sa tingin ko po may mga nagpapakalat talaga ng fake news. Mayroon po talagang walang matinong ginagawa sa buhay nila, ewan ko ba ho bakit hindi pa sila ma-COVID ‘no. Pero anyway, huwag po kayong maniwala sa fake news.

Kaya nga po patuloy po ang serbisyo ng lahat ng government communication entities dahil importante po sa panahon ng pandemya, sa panahon ng lockdown malaman ninyo ang katotohanan. Wala pong katotohanan ang sinasabi na kapag walang bakuna hindi makakakuha ng ayuda at hindi makakalabas ng bahay.

Unang-una, lahat po tayo dapat huwag lumabas ng bahay except para kuhanin ang ating mga necessities at except po kung tayo po ay Authorized Persons Outside Residence. So, it does not matter po kung kayo ay bakunado o hindi at the time of ECQ, homeliners lahat dapat!

IVAN MAYRINA/GMA 7: My last question, Secretary. What are the chances na ma-escalate din po ang quarantine classification ng CALABARZON or at least some towns or cities in CALABARZON?

SEC. ROQUE: Well, isa pa po iyan ‘no. Pag-uusapan pa po iyan ng IATF mamayang hapon, kasama po iyan sa agenda natin nang alas dos ng hapon.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Thank you, Secretaries, General. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Ivan. Bumalik po tayo kay USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. From Ina Reformina, unahin ko na po mga questions for General Eleazar. Ina Reformina ng ABS-CBN, ang tanong po niya, General Eleazar iyong sa boundaries ng halimbawa Bacoor – Las Piñas – Muntinlupa. Kapag daw po iyong nakatirang isang tao doon eh malapit lang iyong palengke, grocery, pharmacy na mas malapit sa doon sa lugar nila kaysa doon sa area nila, kung puwede daw po silang tumawid at kung ikukonsidera daw po iyon ng pulis?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, Usec. Rocky. Actually, flexible naman ang mga pulis natin kasi nakita na natin iyan before noong tayo’y nasa ECQ at MECQ doon po sa mga tri-boundary or itong boundary. Kung iyon pong pupuntahan naman nila para mag-avail nitong mga essential goods and services is nasa kabila lang and malapit, ina-allow naman po iyon ng ating checkpoint doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula pa rin po kay Ina Reformina: Ano daw po ang plano sa SLEX sa may bonder control or checkpoint ba doon in reference to Laguna – CALAX – NCR?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Well, actually po, pinauubaya po natin doon sa ating mga unit commanders on the ground kung saan ang deployment na gagawin nila kasi nga from the outer perimeter nitong ating NCR Plus Bubble; meaning to say, ito iyong southern most part nitong Rizal, Cavite and Laguna and sa north naman itong Bulacan eh iyon pong ating mga perimeter, iyan po ay in effect every city within Metro Manila ay iyan po ay magiging boundary na na puwedeng bantayan.

So, nasa kanila po iyan at mayroon po silang plano at iyan naman po ay inaasahan natin na during ECQ talagang magiging kokonti lang ang mga permitted industries; in effect ay talagang kakaunti rin dapat ang mga workers natin, itong tinatawag na worker and consumer APORs na inaasahan natin na kakaunti rin ang mga taong lalabas. Kaya nga po sa atin nga pong experience eh pinakamadaling i-implement itong ECQ dahil mas kakaunti ang mga nasa labas at mas madali tayong magsagawa ng checkpoints.

So, asahan na lang po natin na kung sakali man na magkakaroon ng kaunting congestion dito po sa mga control points na ito, mababawi naman iyan kasi paglampas doon inaasahan natin na parang ghost town kung susunod po ang lahat na mag-i-stay sa bahay unless sila po ay mga APOR.

USEC. IGNACIO: Thank you, General Eleazar. From Rosalie Coz ng UNTV, for Secretary Roque pero nasagot ninyo na, Secretary Roque, about iyong possible declaration ng ECQ sa CALABARZON area. Ang tanong naman po ni Leila Salaverria: How big of a factor is the provision of cash aid in deciding whether or not to put CALABARZON under ECQ? Will the government avoid putting more areas under ECQ just because it may not have enough funds to provide cash assistance?

SEC. ROQUE: Siguro sabihin na lang natin na it’s not an issue of mayroon bang pondo kung hindi maghahanap ng pondo; kasi ang mandato ng Presidente huwag mag-ECQ nang walang ayuda. Now, kung walang budget for ayuda, hahanap naman po tayo at ngayon po may sinabi na nga po si Secretary Dominguez ng ating Department of Finance doon sa mga dibidendo ng mga GOCCs natin kukuhanin. Kung hindi pa iyon po sapat, nandiyan po iyong savings, kung hindi pa sapat, eh ‘di kukuha po tayo ng supplemental budget galing sa Kongreso. Hindi naman po tayo mauubusan ng pondo, iyon lang po ang assurance natin sa taumbayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ikatlong tanong niya: Some lawmakers said iyon daw pong isanlibong assistance is too small and urged the government to look for more sources of funds. What does Malacañang think of this? Is it willing to increase the amount of assistance it will provide?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po eh ang ipinapangako lang natin eh isanlibo hanggang four thousand at inaasahan po natin na huli na itong ECQ natin dahil mataas naman po na ang ating numero ng pagbabakuna.

Sa Metro Manila nga po malapit na tayong mag-50%. Siguro po pagkatapos nga ng ECQ we will have 50% already kaya nga po ang inaasahan natin huli na itong lockdown at least sa Metro Manila ano.

So, huwag po kayong mag-alala dahil hindi naman po forever na ganito ang buhay natin dahil iyong bakuna nga po iyan po ang susi para sa pagbabalik buhay natin.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta tayo kay Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox and to all the guests. Sir, unahin ko lang po nang mabilis iyong questions ko for you. Regarding CALABARZON, when are we going to expect the announcement, will it be tonight or tomorrow po?

SEC. ROQUE: Eh, baka ho ianunsiyo ko na mamayang gabi dahil kinakailangang maghanda naman po iyong mga taga-CALABARZON ‘no. So, as soon as there is a decision po baka i-anunsiyo na natin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, itong nangyari lang na kumbaga kumakalat lang na fake news or misinformation tungkol doon sa iyon nga, no ayuda no bakuna at saka iyon nga naging rason na pagdagsa ng mga tao Do you think someone or someone groups are deliberately doing this para?

SEC. ROQUE: Well, ang kumpirmado po ay mayroon talagang fake news na kumalat. As to whether or not siraulo lang ito or deliberate para guluhin ang ating bayan, your guess is as good as mine pero I think mayroon talagang mga loko-loko.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you, sir. Sir, another question maybe for you or to Secretary Vince. Iyong sa antigen tests po na nabanggit kasi we’re ramping up testing, is the government considering na isama na rin po iyong bilang ng antigen na nagpa-positive doon sa ating official count so we have a better picture of the situation or COVID situation?

SEC. DIZON: Trish, right now the advice of the experts of the Department of Health, the Technical Advisory Group is not to include it and/but I think what is more important than the recording is really the quick action when someone tests positive through an antigen test especially in an area under ECQ.

So, if you test positive under an antigen test kailangan immediately i-isolate ka na at i-contact trace na kaagad iyong mga contacts mo. Iyon ang pinaka-importante kasi mabilis iyong antigen at mabilis din nating maa-isolate in a matter of minutes hindi oras. Pero kailangan siyempre susunod tayo sa advice ng mga eksperto tungkol sa recording.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero sir kung halimbawa ang na-antigen test nag-positive pero iyong policy nga po kasi iyon din ang ina-isolate tapos hindi na po na-RT-PCR, is the government considering na gawin din iyong RT-PCR [unclear] just so you know masama sila sa official count? How important is it, sir, na maisama nga sila doon para magkaroon tayo ng clearer picture or better picture of the situation?

SEC. DIZON: Importante naman iyon, Trish. Pero like I said, susundin natin ang advice ng mga experts. Kami ni Secretary Roque, hindi kami eksperto at dahil doon sumusunod tayo at nakikinig tayo sa advice ng mga eksperto. But like I said, the most important is ma-isolate na agad para hindi na makahawa. Iyon ang pinakaimportante.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you very much, Sec. Vince. Spox, can I please go to General Eleazar po?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, General Eleazar. Sir, first question. So technically, para lang malinaw iyong terms, walang bubble na mangyayari talaga this ECQ? Ang mas better po bang term is within safety border controls iyong mangyayari? Wala tayong NCR Plus Bubble this ECQ?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Because of the ECQ, itong mga individual cities sa loob ng Metro Manila, magiging parang mga bubble na rin. So meaning to say, kung iyong dati eh hindi natin, kumbaga, pini-prevent natin iyong passage ng non-APOR doon sa outer perimeter ng NCR Plus Bubble, ngayon every city hindi na dapat lalabas doon ang mga non-APOR. So talagang restricted na iyong movement, only the worker APORs can pass through that border kung ang lakad nila is work-related.

Itong mga consumer APOR na tinatawag natin, they should avail or access these goods and services doon lang sa loob nila. But of course for other APOR – itong mga emergency, may bakuna – so allowed sila doon naman. Kung for example mayroon kang chemotherapy, lilipat ka ng city, okay iyon. Pero kung bibili ka lang ng gamot, pupunta ka sa bangko or bibili ka ng pagkain, hindi ka na dapat from Pasay pupunta ka pa ng Caloocan para mag-grocery.

So basically, iyon ang sinasabi nating bubble. Dating malaking bubble pero ngayon bawat city, the 17 cities and 1 municipality eh in effect magiging bubble siya. Pero hindi problema iyon doon sa ating worker APOR dahil wala silang curfew, wala silang bubble or restriction sa border as long as iyong kanilang lakad is work-related.

Tandaan po natin iyon ha! Kasi mayroong iba akala nila kasi siyempre they belong to list ng mga establishments or industries na APOR pero iyong lakad naman nila hindi naman related sa work nila so hindi pa rin iyon. Puwede lang sila doon kung for example, ang media for example is 50% sa ECQ eh at least sa… well at most 50% itong skeleton force. So kung ikaw ay nag-work-from-home, definitely hindi ka APOR – dapat nandoon ka pa rin sa loob ng bahay mo at hindi ka lalabas. Only iyong skeleton force, only during the time na papasok ka at babalik ka, iyon lang dapat ang pagiging APOR mo.

Kung tutuusin kasi, kung susundin natin talaga lahat noong mga ito na without the fear na kung hindi ka, kumbaga kung hindi ka susunod is mahuhuli ka, susundin natin lahat ito, talagang kakaunti lang talaga ang lalabas dapat. Kaso mayroong iba diyan nagpapalusot kaya nga even itong mga sinasabi natin na mga non-APOR driver na magda-drive doon sa mga worker APOR, as much as possible mayroon tayong way para ma-check natin dahil ayaw natin iyong aabusuhin. Iyan iyong nakita natin doon sa mga dati noon noong ating implementation ng ECQ at MECQ, iyong mga nagpapalusot iyon ang iniiwasan natin at hinihingi natin ang kooperasyon ng bawat isa.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Uhum. So, Sir, clarify ko lang kasi may nagpapatanong po. Kung halimbawa iyong other APOR, I understand puwede iyong intercity movement kung halimbawang magpapabakuna sila. How about, Sir, interzonal? For example galing Pangasinan but may schedule ng vaccination within NCR city, kunwari Mandaluyong. Puwede po ba iyon?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Well unang-una nga eh kung iyong sinabi nga is bakuna is allowed, pupuwede iyon. Pero ang tanong natin, bakit naman napakalayo naman tapos dito iyong schedule ng bakuna? So while it is true generally nag-announce ang IATF na ia-allowed iyong pagbabakuna kasi nga halimbawa sa Mandaluyong pupunta ng Quezon City so ina-allow natin. Pero iyong napakalayo nga, so well kung mayroon talagang ganoon, I believe na ipakita lang na talagang may schedule ng bakuna eh papayagan naman natin iyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Sir, last question. To make sure na walang mga magpapalusot nga or walang makakatakas you know, para din sa mga IDs makikita naman. Will there be police stationed within the establishments?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Ah unang-una kasi siyempre ang pupuntahan ng mga consumer APOR natin doon sa mga bukas na establishment. Kaya nga tayo, aside from our pulis na magruronda o pupunta diyan, they have direct coordination with the security, well, itong mga force multiplier natin. Sa mga inspection na ginawa natin noong mga nakaraan noon eh mismong mga security guard and even the employees of these establishments, sila mismo ay nagbabantay at tsini-check nila kung mayroon ba silang, well in this case, nakapag-prepare ang ating LGU itong quarantine pass.

Kasi ang puwede lang pumasok, for example iyong sa grocery, ay iyong may quarantine pass na taga-doon ka. Kasi Pasay for example, ang quarantine pass mo naman ay nakikita doon na ikaw ay taga-Caloocan eh dapat hindi ka nandoon and supposed to be dapat naharang ka doon pa lang sa border. So pinapaubaya natin iyan sa ating mga police station kasi hindi naman natin puwedeng bantayan lahat ng mga boundaries na iyan, lahat ng mga dadaanan. Pero the point is, aalamin nila kung saan ang mas magandang magbantay in consideration also doon sa traffic congestion na gusto nating iwasan.

So nandoon pa rin iyong sinasabi natin na random checkpoint, puwede nilang gawin. Kung mahaba na ang pila eh ‘di puwede naman na hayaan nilang i-release muna in the open tapos magkaroon din ng window hour regarding this. Ang bottom line dito random man iyan eh kung halimbawa ikaw ay nahuli so may pananagutan ka kaya iyon ang dapat tandaan ng ating mga kababayan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Sir. Thank you very much to Spox also.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish, punta tayo kay Usec. Rocky muli.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin for Secretary Roque: How will the government daw po address reports of overcrowding in some vaccination sites and avoid coronavirus spread? Will the government disallow walk-ins in the vaccination sites?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po sinabi na po ng Presidente sa Talk to the People, obligasyon po ng mga lokal na pamahalaan na iwasan na maging super spreader event ang ating mga bakunahan. Sinabi rin po niya na dapat maging makatao at iyong overcrowding nga po hindi makatao iyan. Sapat po ang ating resources para magpapatupad ng minimum health standards at ang hindi po pagpapatupad niyan ay isang klase ng dereliction of duty ng ating mga lokal na opisyales.

Nananawagan po kami, kinakailangan ipatupad ang minimum health standards otherwise iyong ating bakunahan na ang objective ay makasalba ng buhay, baka iyan pa ang maging dahilan nang pagkakasakit at pagkakamatay.

Ano pa iyong second question mo? Iyong last part of your question.

USEC. IGNACIO: Kung iyong walk-in daw po. Kung idi-disallow na ng government iyong walk-ins sa mga vaccination sites?

SEC. ROQUE: Now ang alam ko pong naging deklarasyon ng DOH ay iyong mga may comorbidities ‘no ay pupuwede pa rin pong mag-walk-in ‘no. Pero hangga’t maaari nga po para maiwasan nga po iyong ating overcrowding ay kung pupuwede po magparehistro ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question ni Genalyn: Will the President help Olympic silver medalist Onyok Velasco receive the incentives promised to him including a house and lot? Velasco recently said he has yet to receive the rewards offered by the government.

SEC. ROQUE: Napakahirap kasi mangako doon sa mga bigong pangako ng nakalipas na administrasyon ‘no. Pero unang-una po ‘no, iti-trace po natin kailan iyong effectivity ng law na nagbibigay ng 10 million. Hindi ko po kabisado, hindi po kagaya ng ilang malalaking tao diyan na akala know all sa batas. Ako po, I do not claim to know every provision of law; mayroon po kaming mga specialization. Itsi-check ko po ang aking masasabi.

Itsi-check natin kung mayroong retroactive effect iyong 10 million na binibigay ng gobyerno because I am not sure. Pero ganoon pa man, pagbibigay-alam ko po ito kay Presidente kung si Onyok Velasco na nanalo noong silver sa ibang administrasyon ay hindi nakakuha po ng kaniyang pabuya, ipakiusap po natin kay Presidente ito, baka naman mabigyan siya ng pabuya ngayon. Pero kapabayaan po iyan ng gobyerno na hindi nagbigay sa kaniya ng pabuya.

USEC. IGNACIO: From Malou Escudero ng Pilipino Star Ngayon: Iyong mga nakapagpabakuna daw po ng first dose sa NCR pero naipit na ngayon sa mga probinsiya dahil sa lockdown, puwede bang sa probinsiya na lang sila magpa-second dose?

SEC. ROQUE:  Sec. Vince, mayroon ba tayong official policy on this?

SEC. DIZON: Right now ano naman eh, maluwag naman tayo ‘no. Kung saan nila gusto magpabakuna, kung sa kanilang probinsiya o sa kanilang residence kung saan sila nagtatrabaho puwede po iyon ‘no. Pero ang importante lang talaga is dumaan sila sa kanilang mga local government units ‘no – whether iyon ‘yung probinsiyang kung saan sila lumaki or kung saan sila—iyong siyudad o munisipyo kung saan sila nagtatrabaho.

SEC. ROQUE: Well siguro po ang advice ko diyan, tanungin ninyo na lang iyong LGU kasi dapat dala-dala ninyo rin iyong inyong vaccination certificate as to the first dose ‘no. Dahil kung wala kayong rehistro doon sa LGU kung saan kayo maiipit eh hindi ko po alam paano nila mabi-verify na pang-second shot na iyan ‘no. So makipag-ugnayan na lang po sa LGU kung nasaan kayo at hindi naman kayo pagkakaitan kung mayroon pong supply.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question: Requirement ba sa pagpapabakuna na residente lamang dapat ng isang partikular na lugar ang puwede nilang bigyan ng bakuna at kailangan may ID sila na magpapatunay na residente/botante sila kung saan sila magpapabakuna?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po walang ganoon, either doon ka nakatira, doon ka nagtatrabaho ‘no. At mayroong ibang mga LGUs na naka100% na gaya ng San Juan na mayroon po silang kakayahan at sinabi na nila na willing silang magbakuna rin maski hindi nagtatrabaho o nakatira sa kanilang LGU. Sec. Vince?

SEC. DIZON: Tama po iyon, Spox. Ngayon lalo na dito sa NCR na ang mga siyudad naman ay talagang dikit-dikit at iyong galaw ng tao eh pumapasok sa iba’t ibang LGU, open po iyan at hindi na tayo kamukha halimbawa pati sa ibang mga probinsiya open din po tayo.  Importante nga kung second dose ang pinag-uusapan, tama si Spox, dalhin lang po ang inyong vaccination card para lang matatakan at mailagay iyong second dose ninyo.        

USEC. IGNACIO: From Einjhel Ronquillo ng DZXL for Secretary Roque. Pero nasagot na po ninyo iyong unang tanong niya, iyong pagdagsa ng mga gustong magpabakuna. Kung ano daw po ang sistema? Ang second question niya: Paki linaw din po daw iyong rules, starting tomorrow? Puwede bang makalabas kahit hindi pa bakunado? Ang rason kasi ng mga dumagsa sa ilang malls para magpabakuna ay natatakot sila, dahil kapag hindi sila bakunado, ay hindi sila papayagang makalabas sila bukas.

SEC. ROQUE: Ito po ang rule, GENERAL RULE: Bawal lumabas exception, iyong mga nagtatrabaho po, dahil sila ay APOR doon sa mga industriyang bukas, iyong mga medical frontliners natin at iyong mga taong gobyernong nagbibigay ng serbisyo na classified as APOR. Tama po iyon, bawal lumabas ang general rule. Pero kung kayo po ay APOR at magpapabakuna, puwede po kayong lumabas. At saka iyong mga kukuha po ng essentials, pagkain at gamot. Pero tama po, ang general rule, huwag lalabas. Kaya nga po ang panawagan ko sa mga hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng household lockdown at ipatupad po ninyo iyan, kung kinakailangan ng baston, magbaston na kayo sa inyong mga kabataan. Pero huwag na ninyong palalabasin, dahil ang objective po natin mapababa ang pagkalat nitong mas nakakahawang Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Rañada ng Rappler. For Secretary Roque and Secretary Vince Dizon: How much aid can small businesses like restaurants, gyms and the like expect from government during the ECQ in Metro Manila and other parts of the country?

SEC. ROQUE: Wala pa pong datos na naibibigay sa atin ng DTI. Pero nasa 2021 budget naman po iyong iba’t ibang tulong na ibinibigay natin sa Small and Medium, Scale Industry, kasama na po iyan iyong mga pautang sa SB Corp. at sa DTI at galing din po sa DA. At siyempre iyong TUPAD na binibigay po ng DOLE na patuloy pa rin pong ipamimigay ng DOLE. Nagkaroon po ng assurance na bukod pa po doon sa ayuda ay magbibigay pa rin ng TUPAD ang ating DOLE a sa mga displaced workers.

USEC. IGNACIO: Second question po niya:  Many small business owners say, they have not felt government helped them in anyway during lockdown. They feel they are on their own, how can the government rectify this?

SEC. ROQUE: You cannot please everyone po. But the data shows that 660 billion pesos less, sabihin na lang natin 1% ang ibinuhos po natin, para tulong sa lahat sa panahon po ng pandemya. Iyon po iyong sa supplemental budget lamang sa Bayanihan 1 and 2.  Siyempre, iba pa iyong kabahagi ng pantaunang budget ng 2021 at saka ng 2022 at saka iyong bahagi po ng 2020.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV 5. May follow lang po siya tungkol dito sa kabila daw po ng paulit-ulit na paalala ng Malacañang, marami pa rin ang dumadagsa sa vaccination site at dinudumog? May pananagutan ba raw po dito ang local officials?

SEC. ROQUE: Well, sinabi ko na po iyan kanina ‘no. May possibility po talaga na magkaroon ng dereliction of duty; so kinakailangang ipatupad po ang minimum health standards. Pero huwag po kayong—do not misconstrue me. Tama po na excited tayo at gusto nating magpabakuna. Ang sinasabi ko lang, huwag nating gawing super spreader event ang bakunahan, dahil it defeats the purpose po. Pero tama po kayo na gusto na ninyong magpabakuna.  Nanawagan tayo uli lalung-lalo na sa mga alkalde, ipatupad po natin ang minimum health standards.

USEC. IGNACIO: From Maki Pulido ng GMA News: Progressive groups are saying, budget should be realigned for pandemic response, instead Build, Build, Build. It should be used for building hospitals, quarantine facilities, marami naman daw pera for ayuda, dapat daw dagdagan ito.

SEC. ROQUE:  Siyempre po lahat naman noong ating mga progressive groups ay walang mabuting sinasabi sa gobyerno. Sige nga po sabihin ninyo kung kailan sila nagsalita ng tama ang gobyerno. Hindi po nila makikita na mayroong tamang ginagawa ang gobyerno. Ang pakiusap ko sa panahon ng pandemya ay itigil na po muna natin ito ha at tayo po ay magkapit-bisig ‘no. Unang-una sila man ay mga kongresista, so alam nila kung saan nanggagaling ang pondong pinamimigay natin, unless sila ay absent. So nanggagaling din po tayo diyan sa Kongreso. Lahat po iyan readily available.

Ang importante po ngayon ay gamitin natin kung ano iyong mga naririyan na pondo at ang dahilan naman, kaya hindi pa tayo nagsu-supplemental budget ay tinitingnan natin kung tama nga iyong budget natin sa 2021; Kung kulang po iyan ay pupunta at pupunta naman ang ehekutibo sa Kongreso for supplemental budget. Pero iniiwasan din natin na mangako sa taumbayan na wala naman tayong pagkukunan ng pondo.

Puwede ka ngang gumawa ng supplemental budget, puwede kang mangako ng ayuda, kung wala ka namang pagkukunan, eh saan mo kukunin. Hindi naman pupuwede lahat inuutang lang, dahil eventually babayaran po iyan at ang ginagawa nga po ng ating economic team, hinay-hinay ang pangutang, dahil hindi natin alam kung gaano katagal itong pandemyang ito. Sino ba naman ang akalain na magkakaroon ng Delta variant na ganito. Kaya tama naman po na maging very conservative tayo pagdating sa pangungutang, basta ibibigay po natin ang maibibigay at hindi po tayo mangangako ng hindi natin made-deliver o hindi tayo mangangako ng mga tulong na magiging dahilan para mas malaki pa ang problema.

Sec. Vince, mayroon kang maidadagdag?

SEC. DIZON: Segundahan ko nga iyong sinabi ni Spox na. Alam po ninyo kagaya ng paulit-ulit na sinasabi ng ating mahal na Pangulo, kailangan nating balansehin ang ating response. Ito pong mga ayuda na binibigay natin, basta po kailangan nakita naman po ninyo napakabilis po ng desisyon ng ating mahal na Pangulo na ibigay ang kailangang ayuda. Pero, kailangan din po balansehin natin ito at iyon pong mga infrastructure projects natin ay nakakapagbigay ng tuluy-tuloy na trabaho sa ating mga kababayan. Importanteng-importante rin po ito sa paglaban natin sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Vince. Secretary Roque, question from [unclear] ng Manila Times. Vice President Leni Robredo says, the P1,000 to P4,000 cash aid may no longer be enough at sana raw hindi na lang muna nag- allot ng funds sa NTF-ELCAC? At nanawagan din po sa government to double vaccination and testing among others if the government wants this to be the last lockdown?     

SEC. ROQUE: Hay naku, napapagod na po akong sumagot. Sabihin na lang niya ang kaniyang gustong sabihin. Basta tayo magla-lockdown, dahil ayaw nating mamatay ang karamihan ng kababayan natin, ibibigay ang kayang ibigay. Alam ko panahon ng eleksiyon pero hindi po nangangako ng hindi maibibigay ngayon ang ating gobyerno. Iyong ELCAC po, iyan po ay solusyon para mawala na ang giyera dito sa ating bayan. Kaya nga po binibigyan natin ng pondo, para sa mga proyekto na makakabuti sa kabuhayan iyong mga barangays na mayroon pong laban, dahil alam natin na kapag gutom ang pinagmumulan ng labanan. Kung mali po iyan. Bahala na po kayo.          

USEC. IGNACIO: Question from Joseph Morong ng GMA News: How would you describe na daw po the NCR hospital capacity as we head to ECQ?

SEC. ROQUE: Well, ipinakita po natin na ang NCR po eh nasa 50 plus percent ang utilization rate natin, 59% ‘no. So hindi pa naman po tayo umaabot sa moderate risk, pero papunta na po tayo doon. Pero hindi na po natin hinintay na umabot sa moderate risk at tayo po ay magla-lockdown na nga po bukas. Ito po ay para maiwasan nga iyong kakulangan lalung-lalo na ng ICU beds. So, I think iyong timing po natin, tamang-tama lamang dahil nasa 59% utilization rate na tayo ngayon sa Metro Manila ng ICU bed at nasa 52% na tayo ng ating isolation beds na utilization rate.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya, some are nearing their capacity?  What are we going to do? And third question po niya, would you say that Delta variant is the dominant variant in the country?

SEC. ROQUE: Sa unang tanong, mayroon po tayong One Hospital Command Center, may bagong opisina po iyan, mas maraming linya, tumawag po kayo doon ng hindi na kayo pupunta sa ospital na puno na. Pangalawa hindi po ako dalubhasa, marami po kasi ngayon nagiging dalubhasa instantly. Pero I will not claim to be a dalubhasa po, itsi-check po natin ang figures uli ng Genome Center at wala pa po akong sapat na impormasyon para sagutin kung majority variant na ang Delta variant sa ating bayan.

Sorry ha, siguro mali iyong word ko kanina. Mga hepe ng pamilya, pastulin po natin ang lahat ng miyembro ng ating mga pamilya na huwag ng lumabas, diyan po talaga magtatagumpay ang ECQ, kung iyong hepe ng pamilya ang magpapatupad ng household lockdown. Pastulin, hindi bastunin, pasensiya na kayo. Alam naman ninyo trying hard managalog, pero hindi tayo perfect, we are getting there po. Huwag kayong mag-alala.

USEC. IGNACIO: From Leila Salaverria ng Inquirer. For Secretary Dizon: What is the NTF guidelines daw po for LGUs, after a video showed people lining up outside vaccination sites, even before dawn just to get their vaccine? Aren’t LGUs required to follow a scheduling system to avoid scenarios like this and prevent people from lining up at odd hours?

SEC. DIZON: Tama po iyan, mayroon pong inilabas na advisory number 17, inilabas po ng National Vaccination Operation Center. Pero base po sa mga report na nakuha namin kaninang umaga, galing sa MMDA, iyon pong nagpunta kanina na mga kababayan natin, na galing sa iba’t ibang mga probinsya, katabi ng Metro Manila, ay talagang nagbaka-sakali kung puwede silang magpabakuna. Wala silang schedule, hindi sila nag-register.

Kaya kailangan lang talaga ma-manage ng mabuti. Pero kailangan din siguro panawagan din sa ating, unang-una, sa ating mga LGU na makipagtulungan po sa ating PNP. Nasabi na po ni Chief PNP Eleazar kanina, kung kinakailangan po ng dagdag na kapulisan para i-manage ng mabuti ang ating mga bakunahan. Nandiyan po ang ating kapulisan para tumulong.

Pero ikalawa po, tingin ko importante rin po ito, para sa ating mga kababayan. Unang-una po, hindi po totoo na walang bakunahan kapag ECQ. In fact, during ECQ po lalo pa nating paiigtingin ang bakunahan at kung kayo po ay magpapabakuna, sa inyong sariling LGU, kayo po ay mababakunahan during ECQ. Ang nangyari po yata kanina is natakot po ang ating mga kababayan dahil magi-ECQ na bukas, marami pong dumagsa.

Pero sana po, panawagan lang po sa ating mga LGU, tulung-tulong na po tayo sa ating kapulisan. At sa atin namang mga kababayan, huwag po tayong dadagsa ng basta-basta, kailangan po makipag-coordinate tayo sa ating mga LGU at mababakunahan din po kayo kahit na ngayong ECQ.

USEC. IGNACIO: Mayroon pong pahabol na question sa inyo si Celerina Monte ng NHK: For Secretary Dizon, clarification lang po, so 12 to 17 years old with comorbidities ang puwede na po ba bakunahan?

SEC. DIZON: Opo, pero ito lang po ay puwedeng bakunahan ng Pfizer. So kung mayroon pong Pfizer, puwede po iyan. Pero kung wala, kailangan pong maghintay at mag-ingat na lang po muna.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sam Medenilla ng Business Mirror for Secretary Roque: May guidelines na po kayang inilabas ang vaccine expert panel for using possible booster shots for medical workers and other priority sector?

SEC. ROQUE: Wala pa po, wala po tayong nire-recommend na kahit anong booster shot.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque, Secretary Vince and General Eleazar.

SEC. ROQUE: May isang question pa po ako dito. Galing kay Dra. Minguita Padilla, allowed ba raw po ang walking, running and biking sa ECQ? Allowed po iyan, pero dapat diyan lang sa vicinity ninyo or sa inyong barangay, pero bawal po iyong paggamit ng tennis court, bawal po ang basketball, bawal po ang swimming. So, siyempre po, panahon ng ECQ kinakailangan exercise pa rin.

Okay, mga kaibigan huling araw bago mag-ECQ, eh mayroon naman po tayong mga magandang balita. Assured na po ng medalya si Carlo Paalam at si Eumir Marcial. At maraming salamat sa Malacañang Press Corps na nagtatapos tayo ng 1:10, para lahat po tayo ay makapanood ng laban ni Carlo Paalam ng 1:30 at ang laban ni Eumir Marcial, 2:03.

Alam po ninyo ang istorya ng ating mga manlalaro ay istorya ng buong sambayanang Pilipino: Mahihirap, nangarap at nagtagumpay. Kung sila po ay nanalo sa kauna-unahang pagkakataon ng mga gintong medalya sa Olympics, sigurado po, magwawagi rin tayo laban diyan sa COVID-19 na iyan. Magpursige lang po tayo, magtulungan at please tigil muna ang pulitika. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)