Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location PTV

SEC. ROQUE: Maayong udto, Pilipinas. [DIALECT] PTV Davao para sa atong presidential briefing. Simulan po natin ang ating press briefing sa usaping budget.

Ang proposed budget para sa susunod na taon ay nasa 5.024 trillion – ang pinakamataas na budget sa ating kasaysayan.

Sa ngayon ay pina-finalize na po at pini-print ang fiscal year 2022 National Expenditure Program or NEP at target na maisumite ito sa Kongreso sa Lunes, August 23, 2021.

Ito po ang mga sektor na makakatanggap ng may pinakamataas na alokasyon sa fiscal year 2022:

Una, ang social services sector na nasa 1.922 trillion o katumbas ng 38.3%, at 15.2% na mas mataas noong 2021. Ang social services sector ang magpupondo sa serbisyong may kinalaman sa kalusugan tulad ng pagpapatupad ng ating batas na pinasa, Universal Health Care, pagbili ng COVID-19 vaccines, PPEs at iba pa. Kasama rin sa social services sector ang pagpupondo sa mga serbisyong may kinalaman sa edukasyon tulad ng pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education.

Susunod naman sa social services sector ang economic services sector na makakatanggap ng 1.474 trillion. Ito ay katumbas ng 29.3% ng proposed budget. Tumaas ito ng 11.4% kumpara noong 2021. Kasama sa pupondohan ng economic services sector ang ating Build, Build, Build.

Samantala, ang general public services sector ay may alokasyon na 862.7 billion or 17.2%; at ang defense sector naman ay may alokasyon na 224.4 billion or 4.5%. Ang debt burden po natin ay nasa 541.3 billion or 10.8%.

Having said this, sa ating 2022 National Expenditure Program, ang DepEd, CHED at ang mga state universities and colleges ang may pinakamataas na alokasyon with 773.6 billion. Ang DPWH naman po, 686.1 billion; ang DILG – 250.4 billion; ang DOH – 242 billion; ang DND – 222 billion; ang DSWD – 191.4 billion; ang DOTr – 151.3 billion; ang DA at ang National Irrigation Authority ay nasa 103.5 billion; at ang DOLE po ay 44.9 billion.

Samantala, sa Talk to the People address kagabi ay nai-report ng Department of Agrarian Reform na sa ilalim ng administrasyong Duterte, nagpamahagi ng 516,000 ektarya ng mga lupain sa halos 405,800 na mga magsasaka.

Ang pamamahagi ng certificate of land ownership sa North Cotabato na pinangunahan ng Pangulo ang pinakamalaking pamamahagi ng mga lupain sa kasaysayan ng repormang agraryo. Mahigit labing-isanlibong ektarya ng lupain ang naibigay sa loob lamang ng isang araw.

Usaping bakuna naman po tayo ‘no: Nasa 28,308,493 na po ang total doses administered as of August 16 – malapit na po ang 30 million – ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Samantala, nasa 12,743,082 ang fully vaccinated.

COVID-19 updates naman po tayo ‘no: Nasa 14,610 ang mga bagong kaso ayon sa August 16,2o21 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang ating recovery rate, nasa 92.2%, mayroon na po tayong 1,618,808 na mga gumaling. Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 30,366 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.73% ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ang confirmed cases by report date sa buong bansa. Makikita ang patuloy na pagtaas ng mga kaso kung saan ang average daily reported cases ay tumaas ng 44%. Mula 7,107 noong huling linggo ng Hulyo, July 27, hanggang August 2, ito ay naging 12,824 ngayong linggo, August 10 to August 16. Ang previous peak natin ay noong March 29 to April 4 na nasa 10,431.

Mag-ingat po tayo ha! Kung wala namang gagawing essential, maging homeliners, manatili po tayo sa ating mga tahanan. At kapag lumabas ha, mag-mask, hugas, iwas at magpabakuna kung may schedule na.

Tingnan naman po natin ang case trends nationwide at sa NCR: Nananatiling high-risk po ha classification ang buong bansa at sa Metro Manila. Nasa 9.87 ang average daily attack rate sa Pilipinas from August 3 to August 16, 2021. Samantalang sa Metro Manila, ang ADAR ay nasa 20.43 sa parehas na petsa.

Tingnan naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital: Nasa 71% po ang utilized ICU beds sa buong Pilipinas; 59% ang nagagamit nating isolation beds sa buong Pilipinas; 63% ang utilized ward beds; 50% ang mga ventilators.

Sa Metro Manila, bahagyang mas mataas po ang utilization natin sa ICU ‘no – 72%; 62% po ang utilized isolation beds; 67% po ang utilized ward beds; 53% ang utilized ventilators.

Ito naman po ang total admissions by health status, ito po ay ayon sa NCR DOH hospital census. Ang highest percentage increase in admission ay ang severe case na makikita ninyo sa inyong screen na kulay violet; kung ikukumpara ang admissions noong July 15 hanggang August 15, tumaas ang critical cases ng 109%. Ang critical cases ay 14% ng current admissions. Samantala, tumaas din ang severe cases ng 182%. Ang severe cases sa ngayon ay 26% ng current admissions.

Sixty percent naman ang itinaas ng moderate cases. Ito ang kulay berde sa inyong screen. Forty-one percent or majority ng current admissions ay moderate cases.

Ang mild cases naman po ay tumaas ng ten percent. Ang mild cases sa ngayon ay nine percent ng current admissions.

Panghuli, 124% ang itinaas ng asymptomatic cases, nasa nine percent ng current admission po ito. Kaya nga po ang pakiusap po natin, kung moderate cases po iyan o hindi naman kaya mild, pumunta na lang po tayo sa ating mga temporary treatment at monitoring facilities. Mayroon pong mga doktor din doon nang sa ganoon ay hindi po mapuno ang ating mga ospital ng mga kaso na pupuwede naman pong magamit sa TTMF.

Okay, dito po na nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin ngayon po sina DOH Usec. Rosario Vergeire. At kasama rin po natin ang aking matalik na kaibigan, Cebu City Vice Mayor and Acting Mayor Michael Rama.

Puntahan po natin si Usec. Vergeire. Ma’am, maraming usapin tungkol doon sa tinatawag na istratehiya kung saan puwedeng mabakunahan ang mga kasamang mga matatanda at mga kabataan sa isang pamilya. Ano po ba ang ibig sabihin nito, Usec. Vergeire?

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang hapon po, Secretary Harry. And of course, magandang hapon to Mayor Rama and to the public.

Ito po iyong tinatawag na ‘Cocoon’ Strategy kung saan kung mababakunahan po natin iyong mga nakapalibot sa ating mga kabataan, iyong mga kasama sa bahay, we will also be able to protect the children inside their homes. Secretary, I have a brief presentation if you would allow me to present, sir?

SEC. ROQUE: Go ahead, Usec. Vergeire.

USEC. VERGEIRE: Thank you, Secretary.

So, magandang hapon po uli sa inyong lahat. Kung susundan po natin ang ating presentasyon ni Secretary Harry Roque, titingnan po natin ang ating epidemic curve sa ating bansa, tayo po ay nakakakita ng pagtaas kada linggo. Ang peak na nakita natin nitong pangalawang linggo ng Agosto ay maikukumpara na sa peak na nakita natin noong April 2021.

Dito po sa ating curve, ang National Capital Region with the dark blue bars; ang Region III with the yellow bars; ang Region IV-A with the pale bars; and with the Region VII with the orange bars, ay nagpapakita ng pagtaas. On a national level, sumailalim na rin po sa pagtaas ng kaso nitong nakaraang linggo. Ang mga kaso po mula noong August 10-16, mayroon na po tayong 12,824 cases per day ay tumaas ng 3,894 or 45% cases per day kumpara from the previous week of August 3-9 na mayroon lang tayong 8,930 cases. [Next slide]

Looking at the average cases and percentage change between June and August 1-12, 2021 per age group, may nakikita po tayong pagtaas ng kaso sa lahat ng age groups sa ating bansa. Ang mga kasong naitala sa edad na 0-9 years old ay tumaas ng 1% noong Hulyo at 74% ngayong Agosto. Subalit wala pong malaking pagkakaiba iyan sa kontribusyon ng bawat age group sa total dami ng tao o dami ng kaso dito sa ating bansa.

Kung ikukumpara po ang proportion ng bawat grupo ng edad sa pangkalahatang bilang ng mga kaso ng COVID-19 noong Hunyo hanggang Agosto ng taon na ito, nakikita po na ang grupo ng edad 20-59 years old ay nananatiling may pinakamataas na proportion; ang 0-39 years old ay tumaas ng 1% point samantalang bumaba naman po ng 1% point ang edad na 50-79 years old. Again, there is no large shifts in the proportion of all age groups because most of this remain the same as with the trends in the past months.

Kung titingnan naman po natin ang average na bilang ng mga namamatay sa COVID-19 kada araw noong Hunyo hanggang Agosto ng taon na ito, deaths per day among 0-19 remained at less than 1 death per day, the smallest among all age groups. Deaths from June to August decreased but we noted that it increased from 0.47 to 0.52 per day for the 0-9 years old.

As of August 16, wala pang naitatalang nasawi mula sa Delta variant sa mga edad na 1-9 years old at 10-19 years old for both sexes. Kung ikukumpara po natin ang proportion ng bawat grupo ng edad sa pangkalahatang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 noong Hunyo hanggang Agosto ng taon na ito, makikita po natin ang grupo ng edad 60 years old pataas ay nananatiling may pinakamataas na proporsyon. Ang pagkakamatay sa kabataan edad 0-19 years old naman ay nananatiling 0-1%. Nagpapakita naman po ng pagtaas ang pagkamatay sa mga edad 30-39 years old at edad na 40-49 years old hanggang 3-4% points.

Nananatili pa rin po ang ating national framework for COVID-19 response ang ating Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Reintegrate (PDITR+) Strategy. It works across all settings even among the pediatric population. Alinsunod po sa istratehiya na ito, may ilang rekomendasyon po para sa ating pediatric population para sa prevent strategy ng mga bata lalo na po sa mga edad dalawang taon at less ‘no.

Two years old and older, I’m sorry. Sila po ay maaaring magsuot ng face masks sa labas ng kanilang mga tahanan. Ang pagsuot po ng face mask ay hindi pinapayo or is not recommended: Una, doon po sa mga batang wala pang dalawang taong gulang; pangalawa, kung nahihirapan pong huminga ang bata kapag nakasuot ng mask; pangatlo, kung ang bata po ay may cognitive o respiratory impairments or conditions; pang-apat, kung may panganib po na ma-choke o ma-strangulate ang bata kapag nagsusuot ng mask kaya hindi na po muna natin sila pinagsusuot if they are less than two years old. Ang alternatibo po ay pagsuotin natin ng face shield ang ating mga kabataan kung saka-sakaling sila po ay isasamang palabas for medical reasons.

So, ang mga batang natukoy na close contact at nagpakita ng sintomas ay maaaring sumailalim sa COVID-19 test. Ito ay naka-depende rin sa availability ng test kits at dapat bigyan pa rin po natin ng priority ang mga batang nagpapakita ng malalalang sintomas. Parehong test po ang ginagamit para sa mga kabataan at sa mga adults. Maaari pong RT-PCR or rapid antigen test.

In handling children for testing, maaari pong gumamit ng mga specific techniques upang masigurong kalmado ang bata habang ginagawa ang test upang maiwasang makontamina ang samples at magkaroon din po ng pagkakamali at maapektuhan ang accuracy ng mga resulta.

Para po sa mga batang may mild na sintomas, ang mga magulang o nagbabantay sa bata ay maaari muna pong kumonsulta sa doktor sa pamamagitan ng telemedicine. Ang mga batang nagpositibo po sa COVID-19 at walang sintomas o hindi kaya ay may mild or moderate na sintomas ay maaari munang alagaan sa ating bahay basta titiyakin po natin na nasusunod ang mga gabay for home isolation.

Kung sila po ay nangangailangan nang dalhin sa ospital, ang bata po ay dapat may kasamang nakatatandang miyembro ng kanilang pamilya. Ganoon din naman po kapag kailangan pong ilagay sa isolation facility, kailangan po kasama nila ang kanilang mga magulang. Kung hind po ito puwedeng mangyari ay maaaring sa bahay na lang po mag-quarantine or mag-isolate ang ating mga kabataan. Lagi po dapat may informed consent at saka clearance ng mga doktor ang mga local governments kapag po tayo ay nag-a-advise na sila po ay dapat ma-manage sa isang facility and I emphasize they should be accompanied by their parents.

So, for reintegrate po, pareho po ang criteria natin for letting children who got infected with COVID-19 back into our communities: Katulad po sa mga nakakatanda, for symptomatic patients with mild symptoms, sampung araw po plus 24 hours na clinically recovered na sila, maaari na po silang bumalik o makasalamuha ng kanilang pamilya; For symptomatic with moderate/severe or critical, 21 days plus 24 hours clinically recovered.

Doon po sa mga walang sintomas but immunocompetent, ibig sabihin, may iba pong sakit, kailangan po ten days after positive test for SARS-CoV 2 and for close contacts who remain asymptomatic after 14 days po regardless po iyong mga wala pa ho silang bakuna. So, at least 14 days on the date of exposure. This is for adults po, iyong sa mga bakunado.

Ang rekomendasyon po ng ating mga eksperto ay hindi po muna bakunahan ang ating mga kabataan dahil ito po ay makakaapekto sa supply ng iba pang priority groups kagaya ng ating senior citizens. Mortality and morbidity data across age groups do not support the urgency to prioritize vaccination of the pediatric population as of this time. ‘Cocoon’ strategy at pagbabakuna ng vulnerable adults ay makakapagbigay po ng proteksiyon sa ating mga kabataan.

Patungkol naman po sa administering booster shots, sa kasalukuyan hindi pa rin po inirerekomenda ng ating mga eksperto ang pagbibigay ng booster shots or pangatlo or pang-apat na bakuna sa mga natapos nang bakunahan. Hindi kayang sugpuin ang transmission sa pamamagitan ng bakuna lamang. Ang pagsunod po natin sa minimum public health standards at PDITR strategy ay critical at importante po sa pagsugpo ng pandemyang ito.

So, ang pagbabakuna po ng ating eligible individuals, right now po iyong ating A1 to A5 ay mahalaga para sa proteksiyon ng ating pamilya, kaibigan at komunidad. Ito ang tinatawag po na ‘Cocoon’ strategy, ang mga nakakatanda sa bahay ay bakunado kaya mas mababa ang tiyansa na magka-COVID ang mga bata. Kung tayo pong mga matatanda sa bahay ay protektado gamit ng mga bakuna at palagiang sumusunod sa ating minimum public health standards, tayo po mismo ang magsisilbing proteksiyon sa ating mga kabataan sa loob ng bahay laban sa COVID-19.

And bago po matapos ang ating presentasyon, nais po lamang naming ibahagi ang mahahalagang takeaways sa presentasyon na ito. Una, ang PDITR+ strategy po natin ay epektibo kahit po sa ating mga kabataan. Ang PDITR+ ang tumutulong sa atin upang mapababa po natin ang mga kaso sa ating mga lugar kaya kasama po ang ating mga local governments, dapat po paigtingin natin ang implementasyon upang maprotektahan natin ang ating mga bata.

Sunod, importante rin po ang minimum public health standards upang maprotektahan ang ating sarili at ang ating mga batang kasama sa ating bahay. Sumunod po tayo sa mga palatuntunan, ang minimum public health standards anumang oras at nasaan man po tayo.

Pangatlo ay ang amin pong pakiusap na habang hindi pa ho natin nababakunahan ang mga bata ay dapat magpabakuna na po tayong lahat na eligible. Kung kayo po ay nasa priority groups A1 – A5, tayo po ay magpabakuna na. Kapag tayo ay nabakunahan, ang atin pong mga kasama sa bahay ay naproproteksiyunan din po katulad ng sinabi nating ‘Cocoon’ strategy.

At ang panghuli, ang paalala po namin, hindi pa po tayo nagbibigay ng booster doses. Sa ngayon, ayon po sa pag-aaral at sa siyensiya, epektibo po ang ating mga bakuna laban sa kahit na anong variants. Kuhanin lang po natin ang recommended na doses ng bakuna na nakalagay sa ating vaccination card. Ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Sputnik V ay 2 doses lamang habang ang Johnson and Johnson ay isang dose lamang kaya tayo po ay fully vaccinated na ay huwag na po nating kalimutan—pero huwag po nating kakalimutan na tayo ay mag-comply sa minimum public health standards para po tayo ay talagang maproteksiyunan laban sa mga variants of concern na mayroon tayo ngayon sa ating bansa.

Iyon lamang po, Secretary, and over to you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Vergeire. Kasama rin po natin ang Vice Mayor ng siyudad ng Cebu who is actually the Acting Mayor sa ngayon po ‘no – Acting Mayor Michael Rama.

Acting Mayor, alam po natin na sumipa rin ang mga kaso sa Cebu City at alam ko rin po na mayroon kayong executive order na in-issue para malabanan nga itong pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa inyong siyudad. Ano po ang nilalaman ng executive order na iyan? Acting Mayor Michael Rama of Cebu City…

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Una sa lahat, maraming salamat Secretary Harry Roque. Maayong udto sa tanan sa siyudad sa Sugbo. Executive Order 137 which is very famous in Cebu City as Oplan 8-15-31 – it’s more associated with Oplan Puyo. Sa Tagalog, Secretary Roque – manatili sa bahay – iyon ang general direction ng Executive Order 137. At saka featured iyan, it’s more on the so-called MSAHO which is an acronym: Mandatory Stay At Home Order.

With that, we can easily address kasi alam naman ni Usec. Rosette na this concern of our Delta at saka this coming another Lambda is a behavioral or somehow something that has to be addressed on the community movement. We can readily reduce if walang masyadong tao naku-converge but focus only on essential, Secretary Roque.

Kaya itong executive order na I have brought to the city government, it’s not my executive order alone – it is multi-sectoral more or less supported executive order whereby bottoms up ang approach dito, Secretary.

Iyong from the famous na sinasabi ko which I thank you for highlighting it in our Republic of the Philippines, iyong sinasabi kong ES-HL, parang postscript saka high-low. Anong ibig sabihin ng ES at saka HL? Iyong Parental Supervised Household Lockdown. Doon mismo sa pamilya, doon na – exercise the parental authority; papasok naman doon sa sitio, puwedeng ang punong barangay if the situation warrants with our emergency operation center also being coordinated. And the Mayor’s Office, they can even institute the so-called sitio lockdown.

Then going towards the chapel… involved na naman iyong churches hanggang aabot doon sa barangay kaya nagki-create tayo na mag-i-execute at saka mag-i-enforce itong Executive Order 137, iyong tinatawag kong TFP – iyong Task Force Puyo, parang Task Force Manatili para doon mismo ang National Police including iyong Armed Forces of the Philippines multipliers po, Secretary Roque, tulung-tulungan in the enforcement. Baka mayroon nandoon, imbedded na doon iyong 700 men in uniform including the multipliers right in the barangay on the basis of the data. Doon na sila mismo at sila na ang mag-i-enforce, tulung-tulungan sa Punong Barangay, lahat ng mga multiplier mismo doon sa barangay.

Saka itong Executive Order 137 mayroon ring feature where empowered iyong mga barangay or Punong Barangay. Tawag ko nga sa kanila “mayores”, otsenta na mayors in the City of Cebu saka mayroong Governor iyong ABC President, si Franklyn Ong saka iyong Vice Governor iyong in-charge ng peace and order si Councilor Philip Safra. Doon mag-i-establish sila ng sinasabing protocol or shall we say quarantine points and I call it ‘inter-barangay territorial management’. Saka within, they are also—they are encouraging the establishment of inter-barangay protocol enforcement at saka aabot hanggang doon sa intra-barangay then LGU-to-LGU, shall we say perimeter manning.

In the Executive Order 137 po, nandoon rin iyong ating ini-encourage to address the issue on food production, livelihood and even addressing somehow in alleviating hunger including—included in our shall we say Executive Order 137 po, we are appealing to the court na sana they would not be executed the demolition orders. Kasi ‘pag mayroong demolition order, two weeks lang po ‘to eh then you will have unnecessary movement, stressful situation then vulnerability come. And I wish the court with our executive order would be able to have some breathing space para iyon namang mga tao ‘puyo’ manatili talaga sa bahay saka only those na essential na puwede silang maggawa.

At saka po ang sama dito po iyong sinasabing Task Force Puyo. Itong Task Force Puyo po, it is composed of the Armed Forces of the Philippines, PNP, iyong traffic enforcers natin, iyong [unclear] iyong nagpi-prevent, enhancement beautification, barangay captain or punong barangay, ating mga environmental officer, public information office, the force multipliers at saka other agencies in government. This is headed po by our Chief of Police at saka iyong setup dito, it’s more of clustering – 11 of our schools, Mr. Secretary, are now the house of our 700 men in uniform. And they are attended by our city government [TECHNICAL PROBLEM]

SEC. ROQUE: [Technical problem] …na hindi pa naman nasasagot ng mga ahensiya. Kasi ‘pag nalathala na sa media iyong preliminary observations eh para bagang nagkasala na iyong ahensiya ‘no – na naging personal niyang karanasan at sabi nga niya dalawang beses siyang tumugon sa Kataas-taasang Hukuman at sa Court of Appeals laban nga sa mga preliminary observations na mayroon ang COA.

So talaga naman pong obligasyon ng COA na gumawa ng final report on an annual basis eh siguro iyon talaga ang dapat i-publicize.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: The President said officials should just ignore the COA. Is this going to be the official policy of the administration? COA reports had been a tool to combat corruption. Why would he want officials to ignore this?

SEC. ROQUE: Wala pong issue iyon ‘no. Pero I guess ang sinasabi lang ni Presidente frustrated siya kasi ang basa ng taumbayan sa initial observations eh mayroon nang condemnation. Eh hindi naman po ganoon ang proseso kasi pati sa COA alam nila na initial observations – sasagutin tapos saka sila magkakaroon ng final report.

So ang sinasabi lang po siguro it’s not necessarily just for government ‘no pero huwag muna natin bigyan nang mabigat na halaga iyong initial observations dahil iyan naman po ay sasagutin ‘no. At pagdating po dito sa DOH, ako mismo nag-rely lang ako sa media report ‘no – parang lumalabas na 60 billion hindi nagastos. Pero ang katotohanan pala, 60 billion ay hinahanapan lamang ng MOA ‘no pero ginamit naman iyon pambili ng mga PPEs at iba pang kinakailangan natin.

So iyon lang po ang pakiusap ng Presidente sa kaniyang mahabang karanasan sa panunungkulan sa gobyerno, talagang iyong mga initial observations na ‘yan eh wala naman pong masyadong mabigat na sinasabi iyan dahil pupuwedeng sagutin ng mga ahensiya.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Hospitals are already straining to care for COVID patients. How can government ensure there will be enough health workers to care for patients when nurses are resigning due to low pay and exhaustion?

SEC. ROQUE: Alam ninyo noong nag-inaugurate po kami ng 108 additional beds diyan po sa Lung Center ‘no, kinakailangan siyempre ng mga additional nurses. Pinagpapala naman po tayo ng Panginoon dahil we produced surplus graduates of nursing ‘no at inaasahan po natin na iyong mga bagong graduates natin can be called upon to serve in the additional beds that we have established para nga po pagsilbihan iyong mga magkakasakit ng COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary. Susunod po si Pia Rañada ng Rappler.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just on the President’s remarks last night about COA. Do these threats to COA for doing its job had a place in a democracy like the Philippines? Kasi para naman niyang sabihin iyong criticisms niya in a way that’s not threatening, not—

SEC. ROQUE: I think he made [TECHNICAL PROBLEM]

PIA RAÑADA/RAPPLER: My last question is for Vice Mayor Rama. Vice Mayor, because the holiday, sir, is approaching and we have a question from Ryan Macasero of Rappler Cebu: “Is the Cebu City government considering cancelling or postponing Sinulog next year due to the surge or cases?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: What is incumbent right now, Ryan, is to curb our challenge with this pandemic. It’s not yet a Sinulog matter that we are focusing at. But definitely we cannot just ignore because Sinulog have been a part of the body system of the Cebuanos and even the country.

We can still continue as we did before – with some innovation, virtual or what not. Definitely our focus as the Acting Mayor with the help of the national government and Secretary Roque and Senator Bong Go, we are fighting this pandemic – that is the focus that we have at present.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Welcome.

SEC. ROQUE: Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Kris Jose ng Remate/Remate Online: Secretary Roque, sa Talk to the People daw po ni Pangulong Duterte kagabi sinabi niya na hindi niya tatanggapin ang pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Duque? Ibig bang sabihin nito dedma lang ang Pangulo sa mga kontrobersiya na ikinakabit kay Secretary Duque?

SEC. ROQUE: All Cabinet members serve at the pleasure of the President and Secretary Duque, according to the President last night continues to have his full trust and confidence.

USEC. IGNACIO: Second question po niya, may sinabi si Atty. Matibag, Secretary-General ng PDP-Laban na may anim hanggang pitong Cabinet members daw po ang kinukonsidera na isabak sa senatorial slate? May ideya ba o impormasyon kayo kung sinu-sino daw po ang mga ito at kasama po ba kayo sa sinabi ni Atty. Matibag?

SEC. ROQUE: Hahayaan ko na muna po iyan, dahil ngayon po ay nakatutok pa ako personal dito sa COVID response ng ating gobyerno at sa ating COVID communication. Pero, I will let the PDP-Laban answer that question po kung sino iyong mga naiisip nilang patakbuhin.

USEC. IGNACIO: For Undersecretary Vergeire: Nagbabala po si MMDA Chair Abalos sa mga nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot? Kailan ba ang tamang panahon para magpa-booster shot?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. So sa ngayon po pinag-aaralan pa rin po ng ating mga eksperto. Kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan na ang COVID-19 vaccines natin ngayon, bago po ito. Ito po ay una pa lang na ginagamit sa buong mundo, because of this pandemic. So kailangan kumpleto po ang ating ebidensiya to ensure that we can provide safe vaccines to everybody.

So for this booster shot, ang lumalabas pa lang pong full evidence across the globe will be the platforms for AstraZeneca and the mRNA vaccines. Wala pa po iyong ibang bakuna na commonly ginagamit natin dito sa bansa. Kaya hindi pa po iyan talaga mabigyan ng rekomendasyon ng ating mga eksperto. Pangalawa, looking at that equity side, marami pa po sa ating mga kababayan ang hindi nababakunahan. Kaya po minamabuti ng ating gobyerno and based from our objective of population protection to combat these variants of concern, kailangang mabakunahan as much as of the population that we can vaccinate at this time, para po maproteksiyunan laban sa Delta variant na kumakalat sa ating bansa.  So nakikiusap po tayo na sana wala muna pong magpa-booster, walang mag-hopping from one vaccination site to another. I-reserve po natin iyong mga bakuna doon sa mga taong hindi pa nababakunahan.          

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire.

SEC. ROQUE: Okay, ang susunod na magtatanong ay si Lei Alviz of GMA News.

USEC. IGNACIO: Secretary, I think si Triciah Terada ng CNN.

SEC. ROQUE: At si Trish Terada pala. I’m sorry. Zoom number two is Trish Terada. Go ahead please, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Spox, good afternoon and to all our guests. Sir, first few questions for you ‘no. Where did the President or was the President actually privy into the details of the COA report? If so, sir, how did he react about iyong items that seem to be a little bit overpriced? Like for example iyong purchase of laptops, apat na laptops worth 700,000 pesos. And aside from DOH iyong other report, sir, na for example, does the President know that the LTFRB only used 1% of the P5.5 billion funds meant for drivers’ aid? And how did he react to this, sir?

SEC. ROQUE: Well, sabi nga niya kagabi ‘no. As long-time servant of government, alam po niya na limited ang utility ng mga initial observations ng COA. Kasi ang proseso pakokomentan [comment] naman ang ating mga ahensiya. It is only after the comments are submitted that they finalized their reports. So sa mahabang karanasan niya sa gobyerno, more often than not, these observations are easily answered by the agencies. At iyan nga po ang pananaw ng Presidente pagdating po dito sa naging initial observations sa DOH.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, what does the President reactions say about, kumbaga, sir, iyong behavior na, for example, dito sa COA report, he was very frustrated with how it seems na the officials of government were accused of corruption, when at the same time, sir, kung halimbawa, iyong for example iyong mga drug matrix na nalabas previously were not properly evaluated? Why the President did not react that way to such kinds of evidence in the past na wala talagang proof at all, compared to this one that has been done by a reputable state auditors? Is there double standard?

SEC. ROQUE: Trish, because COA itself came up with a clarification that they were not accusing the DOH of any misappropriations. Naglabas po talaga sila ng clarification ‘no. So wala, COA na ang naglinaw na hindi nila pinaparatangan na nangungurakot ang DOH. So how do you expect the President to react? And of course, COA had to make that clarification kasi naging public opinion is, baka nga nagkakaroon ng kurakutan diyan. Eh wala naman po dahil apparently, what was reported in the media was an instance on nonfeasance, ito po iyong sinabi ni dating Senador Escudero, failure to spend. Eh wala naman palang failure to spend. Ang hinihingi lang naman pala, MOA which are two different things. So makikita natin na ibang-iba iyong naging public perception kapag binasa mo iyong kanilang initial observations sa hinihingi naman pala nila.           

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Does the President still interested to look into the specific details, like the other details in the COA report? To see if there was really deficiency, if there was really corruption or parang does it end there according to what he said last night?

SEC. ROQUE: From his experience, dapat hintayin ang final report and that would, in fact, stand as evidence in Court. 

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, maybe final question for you and kay Usec. Vergeire because later, sir, alam ko po magmi-meet iyong IATF. Ano po, sir, iyong general sentiment ng composition ng IATF? Ano iyong mga points of contention about the possible extension of ECQ or de-escalation? And to Usec. Vergeire po: What would the DOH recommend about the next quarantine classifications especially in NCR from a medical standpoint?

SEC. ROQUE: Well, una Trish wala pa pong kahit anong consensus. Bakit? Eh wala pa po kaming nakukuhang report as far as data is concerned. Pangalawa, again, I will say that our objective is to achieve total health. Hindi naman po pupuwedeng mapapababa ang numero ang mga COVID, samantalang napakataas naman po ang naghihirap dahil sa kagutuman. So, I think we are one in IATF to find that delicate balance of total health, pero sa ngayon po kinakailangan makita ang datos. Because all the decisions of the IATF are data-driven. Perhaps USec. Vergeire, can answer your second question.

USEC. VERGEIRE: Yes, Sec. So, seconding what Secretary Harry Roque has mentioned ‘no so that balance between health and the other sectors in the population. Pero gusto lang nating ipagbigay-alam sa ating mga kababayan na hindi lang po lockdowns or these restrictions ang atin pong niri-rely-an [relied] so that we can stop the transmission of this disease. Kailangan po lahat noong components noong ating response, naikukonsidera natin. So when we talk about the other components, we talk about the community during this time of the restrictions. So we have observed that there is still 39% more mobility compared to the previous ECQ that we have done during March and April of 2021.  Also, we have noted thousands of violators being reported by the Philippine National Police.  So that in itself, if we look at that, this shows us the compliance of people to safety protocols and also the compliance of people to these restrictions.

But we cannot also discount the fact that because there are workers going out, that is why mobility is still there. But what we are trying to say would be that, even though we will have this very strict restrictions katulad ng ECQ, kung hindi po tayo makakapag-comply ng safety protocols like nagma-mask ang mga tao, hindi nagkakaroon ng gatherings. At saka kung hindi po natin mali-limit iyong ating mobility for those non-essentials, hindi rin po magkakaroon ng success or hindi natin ma-achieve ang objectives natin

So for now, what we are discussing and analyzing in DOH will be these different components. Because the projections are saying, even though we will have this kind of restrictions like ECQ, but if we cannot be able to restrict the mobility and the compliance to these health standards plus if we cannot shorten the duration from the time that we have detected a patient with symptoms or are sick of COVID-19 and them being isolated within 24 hours, cases will continue to increase. So that is what we are going to present to IATF and, of course, it will always be the IATF officials to decide on this.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Okay. Thank you very much, Usec. Vergeire and Spox Harry. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Balik tayo kay Usec. Rocky, please

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. From Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: Over 500 days daw po into our COVID-19 lockdown, and as we face the threat of the Delta variant, why does the President’s Talk to the People still air in the wee hours? Kung ang goal po ay kausapin ang mga mamamayan, bakit hindi iniere ang speech ng live kung kailan mas maraming tao ang gising pa?

SEC. ROQUE: Wala naman pong problema maski ma-ere iyan ng gabi kasi kinabukasan ay niri-replay po iyan ng PTV 4. So iyong mga hindi makakapanood ng gabi, makakapanood po the following morning.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: The President says there were no strings attached with China’s delivery of COVID-19 to the Philippines—I think COVID vaccine ito—the Philippines except that their boats are there. Why did he authorize Chinese boats to do in the West Philippine Sea?

SEC. ROQUE: Hindi naman po niya in-authorize iyan, that’s a statement of fact. At kahit palayasin natin sila, hindi naman sila aalis ‘no. Basta ang sinabi ng Presidente, kung mananatili ang mga barko na iyan diyan, ang mga barko ko sa Coast Guard at sa aking Navy ay mananatili rin para protektahan ang aming karagatan.

USEC. IGNACIO: Third question: Why does the President say its pure bullshit to assume that there is no corruption with the COA flagged DOH funds when auditors have yet to make their final report and why did he tell the auditors not to publish the reports when that is their mandate? Similar question with Llanesca Panti ng GMA News Online.

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Ang ayaw niya ay iyong initial publication ng initial observations bago pa matanggap ang sagot ng mga ahensiya na wala naman pong conclusions pa. Kasi even COA has stressed na wala silang conclusion of any malfeasance or nonfeasance.

USEC. IGNACIO: From Kath Domingo ng ABS-CBN News for Usec. Vergeire: Iyong DOH daw po earlier said that portable air purifiers are ineffective in protecting people versus COVID-19. Katulad ba daw ito ng findings ng larger air purifiers na ginagamit sa restaurant [garbled]? Does the DOH recommend the use of these larger air purifiers?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Actually, we have our living CPG [Clinical Practice Guidelines] group, this is a consensus panel of experts kung saan pinag-aaralan ng mga teknolohiyang ganito. Nagbigay na po sila ng rekomendasyon, and even DOH gave that recommendation against the use of these ionizing air purifiers, iyong nilalagay sa ating mga leeg dahil hindi po ito nakakapagbigay ng proteksiyon sa ating mga kababayan.

Now, as compared to these HEPA-filters po siguro ang sinasabi nila for these mga establishments na naglalagay nito especially doon sa mga enclosed spaces, atin pong nirirekomenda iyan because that also provides ‘no, itong filtering mechanism that can help in the air circulation in these large establishments.

So hindi po natin pinagbabawalan ang mga HEPA-filters na ginagamit dito po sa mga restaurants and offices.

USEC. IGNACIO: From Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi ng mga progresibong health workers na sinungaling umano ang DOH dahil ilang beses na raw pong napapako ang pangako nila. Gusto rin nilang paalisin sa puwesto si Secretary Duque at palitan daw ang buong IATF ng mga tunay na eksperto, pero hindi nila nabanggit kung sinuman ang kanilang sina-suggest. Ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. ROQUE: That’s a question for Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Okay, yeah. So unang-una po, nasagot na ho ng Kagawaran ng Kalusugan ‘no lahat po ng mga audit findings namin through our media report yesterday.

Gusto lang ho nating ipaalala sa ating mga healthcare workers na bukas naman po ang aming tanggapan para dinigin ang iyong mga kahilingan o mga complaints ninyo para mas mapaintindi rin po namin ang aming punto na lahat po ng mga benepisyong binibigay sa ating mga healthcare workers should be aligned with what is written in the provisions of the law and existing policies of government.

So sometimes there are delays in the release because hindi pa rin po makapag-comply ang mga hospitals ninyo sa pagsusumite sa ating regional offices.

So just to be clear, ito pong mga benepisyo na pera po na pondo base po doon sa listahang pinadala sa amin who are eligible to be given these benefits ay naibaba na ho natin sa ating mga regional offices and hospitals since June 30 of this year. This is worth about nine billion pesos para po doon sa lahat na eligible.

Kailangan lang po kumpletuhin nila iyong kanilang mga requirements for documentation so that we can be able to provide that because we are also following government procedures and we cannot just release the funds without further validation and evaluation of the submitted documents.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. For Secretary Roque from Red Mendoza ng Manila Times: Kapag na-implement na ba ang digital vaccine passport, iri-require ba ito sa lahat ng establishment? At bakit hindi na lang ma-integrate sa StaySafe ang digital vaccine ID para isang app na lang ang puwedeng gamitin?

SEC. ROQUE: Ang WHO po noong ni-require nila itong digital vax certificates ay sinabi na dapat fully operable iyan. So [no audio] WHO. ‘Interoperable,’ yes.

USEC. IGNACIO: Secretary, I’m sorry, pero mukhang naputol po kayo doon. Puwede pong pakiulit, tumigil po ang video ninyo.

SEC. ROQUE: Okay. Gaya po ng requirement ng WHO, itong ating digital certificates ‘no must be interoperable. So talaga pong magagamit iyan with StaySafe.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Lei Alviz ng GMA News for Usec. Vergeire. Usec. Vergeire, hindi ko po alam kung nabanggit ninyo na rin ito pero basahin ko na lang po: May karagdagang impormasyon bang nakalap tungkol sa unang kaso ng Lambda variant sa bansa? Natukoy na ba kung saan siya nahawa?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So ito pong Lambda case natin was PCR tested last July 3 as a screening done by their health facility, local health facility doon sa lugar nila. Wala po siyang sintomas; she was isolated in a facility last July 17. On July 22, she went into labor because she was pregnant and gave birth to a live baby. She was tested the same day and was positive. So she remained in isolation and has completed isolation last August 6 po. So tinake uli iyong kanilang swab ng kanilang anak, at ito po ay ating pinuproseso ngayon.

So wala pa po tayong nakikita base sa contact tracing reports dito po sa individual na ito na mayroon po siyang nakasalamuha na returning Overseas Filipino o ‘di kaya mga tao ‘no na doon sa mga clustered areas diyan sa kanilang lugar.

So magbibigay ho tayo ng iba pang impormasyon in the coming days as we do the sequencing also of the other members of this community.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Cresilyn Catarong ng SMNI for Secretary Roque: Reaksiyon daw po sa sinabi ni Senator De Lima quoting, “Mr. Duterte, in a pandemic, all dogs must learn new tricks; save lives. Heed VP’s call for improved contact tracing and testing or your pride will be the death of more Filipino.”

SEC. ROQUE: No reaction po. Rumblings of a woman detained of her liberty.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Usec. Vergeire: The Department of Health daw po recently said ang creation of Philippine Center for Disease, Control and Virology Institute will prepare the country for future pandemics through research, coordination and surveillance. Is this not a case of doing something too little and too late considering that resources should be allocated to the immediate vaccination of the general population?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Mayroon tayong pondong nakalaan para sa ating mga pagbabakuna. Mayroon din hong pondong ilalaan kung sakaling ma-finalize na po itong mga bill na ito sa ating Kongreso. Kailangan po nating tandaan na hindi po tayo puwedeng maging reactive lang, kailangan proactive din tayo. That’s why we are preparing for possible future pandemics kaya po natin itinatayo ang mga institute na ito.

Actually, decades ago, mayroon na ho tayong sinimulan sa RITM nitong vaccine institute natin, hindi lang po napunan ng pondo at hindi natuloy. Ngayon po, niri-reactivate natin and we are making it more comprehensive at mas gusto natin ay mas maging rational po ang pagsasagawa natin nito. So, this is really preparing for the future of the country.

USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Vergeire. From Maricel Halili ng TV5 for acting Mayor Rama: Can you confirm reports na may isa daw pong abandoned building sa Cebu City ang ginawang tambakan ng cadaver? Based on initial reports, about 16 bodies were found in the building and three of these were COVID cases. Kung totoo daw po ito, Acting Mayor Rama?

ACTING MAYOR RAMA: I overheard about that matter, and I already instructed Councilor Dave Tumulak to go deeper so that we will be able to bring about what really is happening. But we will look into it and seriously look into it.

USEC. IGNACIO: Thank you, acting Mayor Rama. For Usec. Vergeire galing pa rin po kay Maricel Halili: Can you reiterate the protocols for COVID deaths? Ano po ang guidelines for LGU ngayong dumarami ang kaso ng namamatay dahil sa COVID? Mukhang hindi kasi kinakaya daw po ng ilang crematorium na ma-accommodate lahat ng cases? Advisable ba ang mass grave kagaya ng ginawa sa Aklan?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So, mayroon ho tayong polisiya na ipinalabas na ng Department of Health last year pa, iyong DM No. 2020-0158. Mayroon din po tayong batas na sumasakop diyan na lahat po ng mamamatay ng infectious diseases, kasama po ang COVID-19, kailangan within 12 hours ay mailibing o hindi kaya ay ma-cremate.

So, doon po sa mga perception ng iba kasi akala nila cremation lang ang puwede. Ayon naman po sa ating batas at sa ating polisiya, maaari naman po tayong maglibing basta may tatlong bagay tayong dapat siguraduhin: Ang unang-una, dapat within twelve hours ay mailibing natin sila kung hindi sila kayang i-cremate; Pangalawa, dapat wala pong embalming na mangyayari. So, kung ililibing po ang ating mga kababayang namatay, kailangang ibalot po – this is the third condition – ibalot sa double bags po sila appropriately sealed. At kapag na-seal na po, hindi na ho puwede muling buksan at pagkatapos bawal po tayong mag-embalsamo.

Ang isa lang hong gusto rin naming ipaalala sa ating mga kababayan, iyon pong mga namamatay na mga suspects and probable COVID-19 cases, kahit wala po silang confirmed RT-PCR result we are supposed to treat them as COVID-19 positive cases already. So, they too, should be cremated or buried within twelve hours after dying.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Vanz Fernandez for Secretary Roque: Regarding po sa Afghan government, does the government considering opening the country’s door to accept refugees fleeing from Taliban rule in Afghanistan?

SEC. ROQUE: Since time and immemorial po, the Philippines has had jurisprudence even before the Convention of Refugees welcoming asylum seekers. Sabi nga po ng Korte Suprema sa kaso ng [unclear] vs Commissioner on Immigration and Deportation, the Philippines will not hesitate to admit individuals fleeing their homelands because of fear of persecution.

So, welcome po ang mga asylum seekers sa Pilipinas noong panahon po nang natanggal ang Czar of Russia, tinanggap po natin sila. Noong panahon po ng pangalawang pandaigdigang digmaan, tinanggap po natin ang mga Hudyo sa ating bayan. Lahat po ng kinakailangan ng kalinga dahil sila po ay pini-persecute sa kanilang bayan, mayroon po kayong lugar dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Question po niya: Will the Philippines recognize and open diplomatic channels with the Taliban-held Afghanistan?

SEC. ROQUE: We’ll leave that wholly to the DFA.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero, for Secretary Roque: Given the data daw po ng COVID cases and healthcare utilization rate, you mentioned, how likely is an extension of the ECQ in Metro Manila at what do you say daw po to NEDA statement that ECQ should be eased as scheduled and that localized lockdown should be enforced instead?

SEC. ROQUE: Alam ninyo kasi, ang problema we are a collegial body. May ganiyang obserbasyon ang NEDA, mayroong kontra-obserbasyon naman ang ibang Kalihim ng ibang departamento. So, pag-uusapan pa po iyan and I will not speculate.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Ivan Mayrina ng GMA News: Reaksiyon po na mayroon daw pong naganap na fun run and party sa Camotes Islands noong July 10. May mga nagrereklamo na after noong tumaas ang COVID cases nila.

SEC. ROQUE: Well, dapat pong tingnan natin kung ano iyong quarantine classification sa Camotes Island. Hindi ko po alam kung anong quarantine classification. Hindi ko po sigurado kung anong classification diyan dahil iba po iyong provision na applicable sa MGCQ sa GCQ at sa MECQ and ECQ. So, please check kung ano po ang klasipikasyon ng Camotes Island.

USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV regarding daw po sa 2022 Budget: Bakit po 2.5 times higher pa ang DPWH sa DOH samantalang nasa gitna pa po tayo ng crisis sa kalusugan? Ano po ba ang mas prayoridad ng Administrasyon?

SEC. ROQUE: Hindi po ganoon iyon. Talaga pong prayoridad natin ang kalusugan sa panahon ng pandemya pero huwag po nating kalimutan iyong ating mga TTMFs, iyong ating mga modular hospitals, ang nagpapatupad po niyan DPWH din. So, malaking bahagi po ng budget ng DPWH ay para din po sa ating COVID response.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.

SEC. ROQUE: Okay! Dahil wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat sa ating naging panauhin, ang ating suki si Usec. Vergeire ng DOH; ang ating acting Mayor ng Cebu City, Michael Rama; maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky at maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi: Mga kababayan, isusumite na po ang ating pantaunang budget para sa susunod na taon at malinaw po sa budget na ito na ang pinakamalaki pong budget ay para doon sa social services sector. Ibig sabihin, para sa inyong pangangailangan sa panahon ng pandemya na umaabot po sa halos two trillion pesos. Ito po ay alinsunod sa pangako ng Presidente – walang maiiwan; walang iwanan.

Magandang araw po sa iyong lahat.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)