SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Tama po ang ating Presidente, dapat po gumawa tayo ng mga hakbang para makaiwas sa second wave. Tayo po ngayon ay nasa first wave. Kapag sinabi nating ‘wave’, ano ba iyan sa Tagalog? Iyan po ay alon: Ang alon tumataas, bumababa. Kung titingnan ninyo po ang wave ng graph ng mga kaso dito sa Pilipinas, nagsimula po ang first wave natin nang dumating iyong tatlong Tsino na mayroon na pong kasong COVID-19. Pero hindi po community acquired iyan, ganoon pa man, diyan po nagsimula ang first wave.
Nagpapatuloy po ang first wave. Sa katunayan, nagpatuloy ito sa buwan ng Pebrero na mayroon tayong konting mga kaso na nai-report at lumobo sa buwan ng March. Patuloy pong lumobo iyan hanggang sa buwan ng Mayo kung saan nakikita nga natin ngayon sa graph na ito na bumababa na. Kaya nga kung sinasabi natin bagama’t hindi pa po fully flattened and curve, nagsisimula na po ang pag-flatten ng curve.
Eh bakit nasabi po ng ilang tao sa gobyerno na tayo po ay nasa second wave na? Eh alam ninyo po ang medisina para ring mga abogado iyan, iisa lang ang batas namin, iba-iba ang interpretasyon. Ganiyan din po siguro sa medisina ‘no, iisa ang siyensiya, iisa ang datos, iba ang basa. Mayroong ibang bumasa na iyong tatlo na mga Tsino na imported cases ng COVID ay first wave na. Pero sa tingin ko kung titingnan natin ang depinisyon ng kurbada, iyong wave na tinatawag, it is the number of cases over a period of time of community acquired cases, eh dapat po siguro simula lamang iyong tatlong kaso ng mga Tsino. Sana po nalinawan kayo dito.
Nagpapasalamat din po ako sa mga dalubhasang ating kinonsulta. Sila po ay kapareho ring mga dalubhasa na tumulong po sa atin noong isinulong natin ang Universal Healthcare Law. Sino po sila: Well, si Dra. Espie Cabral, dating Kalihim ng DOH; si Dr. Ernesto Domingo, Magsaysay Awardee for Medicine; at si Dra. Minguita Padilla ng UP-PGH.
Doon naman po tayo sa issue ni General Sinas. Eh napanood naman po natin kung anong sinabi ng ating Presidente ‘no, sagot na po niya ang pananatili ni General Sinas sa kaniyang puwesto. Tanong: Anong mangyayari sa mga imbestigasyon dahil mayroon na nga pong kasong kriminal at mayroon na ring mga kasong administratibo na hinahanda?
Sa tingin ko po malinaw ang sabi ng ating Presidente: Mananatili po siya sa puwesto sa ngayon. At dahil dati namang piskal din ang ating Presidente, alam po ng ating Presidente na kinakailangan umusad iyong proseso ng kasong kriminal. Ito po ay isinampa na sa piskalya, magkakaroon ng preliminary investigation, magkakaroon po ng desisyon kung isasampa sa korte; at kung isasampa sa korte, kinakailangan depensahan niya ang kaniyang sarili.
Pagdating naman po doon sa mga administrative cases, well, uusad din po iyan. Kung ang rekomendasyon ay magtuloy ang administrative cases o anuman ang nasabi ng Presidente sa ngayon, dahil ang sabi po niya huwag muna tanggalin ngayon, manatili sa puwesto ngayon, that is without prejudice po kung anong magiging desisyon ng administrative cases kung ito nga po ay papayagang ihain ng Palasyo.
At pangatlo po, sinabi po ni Senator Risa Hontiveros na dapat kong bawiin ang sinabi ko na wala tayong mass testing sa Pilipinas. Senadora kung ako po ay nagkamali, babawiin ko. Pero hindi po ako nagkamali dahil wala akong ganoong sinabi. Ang sinabi ko po, hindi natin ginagawa ang ginagawa ng Wuhan kung saan tini-testing po ang lahat ng kanilang mga mamamayan. Ang atin po ay expanded targeted testing kung saan tini-test po natin ang 1 to 2 percent ng ating populasyon. At sa mga epicenters gaya ng Metro Manila, iti-test po natin ang 10%. Gusto ko man pong bawiin iyon, eh ano pong babawiin ko? Hindi ko po sinabi iyon.
At Nagpapasalamat naman po ako sa ating partner, ang CNN Philippines dahil binago naman po nila ang kuwento, nilagyan ng konteksto, kinorek po nila. Ang tanong, eh baka naman nag-overreact ako noong tinawag ko ang atensiyon ng reporter ng CNN. Sa tingin ko po hindi. Unang-una, grabe pong nag-trending iyong tweet na wala tayong mass testing. Nagalit, natakot ang taumbayan… Hindi po tayo ordinaryong panahon ngayon, panahon ng pandemic.
So iyong aking reaksiyon po, angkop naman po sa sitwasyon na national emergency na mayroon tayo ngayon dahil hindi dapat matakot, hindi dapat malungkot, hindi dapat maabala ang mga tao dahil lamang sa mga maling istorya. Ganoon pa man, nagpapasalamat nga po ako at na-correct naman po ang istorya… At ako naman po, bilang isang propesyunal, nagawa ko na po ang mga hakbang upang maisatama po ang relasyon namin ng reporter na si Trish ng CNN Philippines. Hanggang doon na lang po iyon, let’s move on. Pero hindi ko po puwedeng bawiin ang hindi ko sinabi.
Pang-apat po, ang mabuting balita po ay mayroon na pong 121 tayong mga kababayan na nakauwi po sa probinsiya sang-ayon sa ‘Balik Probinsya, Bagong Pag-asa’ program. Mayroon po tayong mga 121 na mga kababayan na nakauwi nga po sa Palo, Leyte kahapon lamang at sila po ay binigyan ng tulong ng national government, lahat po ng ahensiya ng gobyerno. Bibigyan din po sila ng livelihood Pagdating sa Palo, Leyte. Ito po ay panimula pa lamang at ang pangako po natin, lahat ng gustong umuwi sa probinsiya, mabibigyan po ng pagkakataon dahil alam natin na ang Balik Probinsya ay nagbibigay ng bagong pag-asa.
Simulan na po natin ang tanong galing po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Joyce Balancio?
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. So are we saying mali po iyong naging interpretation ni Secretary Duque Pagdating po doon sa sinabi po niyang second wave? Nakausap na rin po ba natin si Secretary Duque as we had consultations also with other medical experts? What did he say dito sa sinabi po ninyo na we’re still on the first wave?
SEC. ROQUE: Tatlong beses ko na pong nakausap si Secretary Duque. Gaya ng aking sinabi ‘no, lahat po ng propesyunal, iba-iba naman ang tingin, ang opinyon sa mga parehong siyensiya at parehong datos. So siguro po iyong naging consultant ng DOH ay ang tingin niya iyong tatlong kasong iyon ay sapat na para maging wave or wavelet. Pero ang tingin naman po nang marami ‘no at marami naman po tayong kinonsulta ‘no, tatlong dalubhasa rin, eh kinakailangan po basahin iyan na kabahagi ng iisa lamang wave.
Kasi nga po ang tinitingnan natin ay iyong number of incidents ng community acquired transition over a period of time. At alam ninyo naman sa siyensiya, mayroon tayong de minimis ‘no; iyong tatlo naman iyong, napakaliit po para maging isang wave din. So sabihin na lang nating hindi nagkamali kundi nagkaroon ng kakaibang opinyon.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. So, how do we appease, sir, iyong public confusion and public alarm because of contradicting statements from DOH and also from some members of the Cabinet din po? Because ang naging interpretation ng marami nating mga kababayan, biglaang may surge of cases ng COVID-19 when he mentioned there is a second wave. So, what is our message to the public who are now confused about this?
SEC. ROQUE: Ay pasensiya na po kayo ‘no mga kababayan, pero nagsalita po ang Presidente at pinaninindigan po natin ang sinabi ng Presidente – kinakailangan gumawa pa rin tayo ng mga hakbang upang maiwasan ang second wave. Nagpapaumanhin po kami kung kayo ay naalarma. Pero ang katunayan po, ang siyensiya naman po at saka importante iyong pagbasa sa mga waves para alam natin ang gagawin na response. Whether be it a wavelet or a first wave, ang katunayan naman po, ang importante maiwasan natin ang second wave na mas maraming kasong magkakasakit.
Dahil kung titingnan po natin ang kasaysayan, iyong Spanish Flu pandemic na iyan po iyong huling pandemic na sumalanta sa buong planeta, mas malaki po, mas marami pong namatay doon sa second waive. Ingatan po natin iyan, stay home, practice social distancing, wear your mask and observe proper hygiene.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Secretary, doon po sa accusation ni Senator Franklin Drilon na overprice daw po iyong COVID-19 testing being shouldered by PhilHealth. Ang sabi daw po niya, DOH allegedly purchased twice the price or twice as expensive iyong mga napi-purchase po ng private groups and there are calls for the President to look into these alleged irregularities. May balak po ba ang Palace to look into this at may panawagan po ba tayo since we are talking about huge government funds here?
SEC. ROQUE: Paumanhin po ‘no, pero kaming mga abogado may tinatawag kaming conflict of interest. May conflict of interest na po ako diyan dahil ako mismo nagsampa ng mga kasong kriminal laban sa mga kurakot sa PhilHealth. Hindi na po ako magkokomento. Ang gagawin ko na lang po, ipo-forward ko itong bagong akusasyon sa office po ni Secretary Quitain, iyong Office of the Special Assistant to the President dahil si Secretary Quitain din po, siya iyong gumawa ng naunang imbestigasyon sa PhilHealth na nagresulta sa pagtanggal ng ilang mga miyembro ng Board of Directors ng PhilHealth. Ipo-forward ko po lahat po noong transcript ng Senate proceedings, lahat pong Power Point kay Secretary Quitain. Pero ako po, hindi na po ako magkokomento – conflict of interest.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. Sir, last question na lang po from me. May apela po si Governor Jonvic Remulla sa IATF. Baka daw po puwedeng payagan iyong back riding sa mga motor kung mag-asawa naman po iyong magkasama. Mayroon po siyang sulat, ang sabi po niya kung ang mag-asawa magkasama naman daw po sa kama natutulog, magkasama sa mesang kumakain, baka puwedeng payagan naman po sila ‘no. They’re willing to issue couple pass sa kanilang LGU kung papayagang po ng IATF.
SEC. ROQUE: Ipaparating po natin iyan sa IATF lalung-lalo na galing po iyan kay Governor Jonvic Remulla. Ang tawagan po namin ni Governor Jonvic, “kamukha.” Rocky?
USEC. IGNACIO: Opo. Good morning, Secretary. Iyong pong tanong ni Kris na una ay natanong na po ni Joyce about doon sa second wave na statement ni Secretary Duque. Iyong second question na lang po: Sinabi po ni Secretary Duque na hindi raw po malayong magkaroon ng third wave ng coronavirus disease 2019 kapag isinailalin Sa General Community Quarantine ang Metro Manila.
SEC. ROQUE: I think malinaw na po iyan ‘no dahil wavelet, na hindi naman dapat bilanging wave iyong tatlong kaso ng mga Tsino. Ang sinasabi ni Secretary Duque ay kapareho rin ng sinasabi ng Presidente: Kinakailangang gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang pagdating ng second wave ‘no.
Kaya nga po naka MECQ pa rin ang Metro Manila at hindi naman po tayo magmamadali para mai-lift ito kung hindi tayo sigurado na, number one, ang kurbada ay napa-flatten; at number two, sapat po ang ating kakayahan na magbigay ng critical care. Dahan-dahan, unti-unti, hinay-hinay, ganiyan po ang ginagawa natin sa pagbukas ng ating ekonomiya.
USEC. IGNACIO: (OFF MIC) … medical society and DOH said it is not cost efficient and would give false results if companies and LGUs use rapid testing to employees and people amd communities. There are still LGUs who are doing this and some are planning to conduct rapid testing. What is your comment on this po? Is it better if an order be issued to make it clear that rapid testing is not applicable especially to asymptomatic people who have no exposure to confirmed COVID-19 cases?
SEC. ROQUE: Alam ninyo, gaya ng aking sinabi, wala namang pagkakaiba ang mga doktor sa abogado – iisang siyensiya, ibang opinyon. Isa pong opinyon iyan na huwag na tayong mag-aksaya ng panahon sa rapid testing kits. Pero iyong kabila naman po sinasabi, eh kapag positive naman ang resulta sa rapid testing, puwede naman pong i-verify sa PCR.
Pero sa ngayon po dahil wala pa tayong sapat na kakayahan dahil tayo po ay nagbi-build up pa rin ng capacity ng PCR testing eh siguro naman walang mawawala kung ira-rapid testing natin iyong gustong magpa-rapid testing, at iyong mga positive ay ipa-verify natin through PCR.
Maricel Halili?
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, clarification lang po iyong kay General Sinas. So you mentioned na diretso pa rin po iyong administrative and criminal case against kay General Sinas. So does it mean that he is not yet off the hook?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po, ang sinabi ni Presidente ay malinaw: Sa ngayon po ay mananatili siya. Pero hindi po natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod ng mga araw dahil patuloy po ang proseso.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, doon naman po sa isyu ng PhilHealth. Sabi ninyo nga po baka magkaroon ng conflict of interest so hindi ko na ididetalye iyong ibang isyu, sir. Pero just the protocol, kasi po ang sinasabi ni former Health Secretary Janet Garin na ang naging reason daw kung bakit probable na nag-twice iyong presyo is because hindi nakadirekta iyong government doon mismong supplier ng test kits. Parang mayroon daw couple na humaharang. So without going into detailed information, paano po ba iyong protocol? Hindi ba nakadirekta naman po talaga iyong government in buying doon sa supplier mismo?
SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung sino itong couple na ito. Pero ang alam ko po, kinausap ko po si Usec. Lao ng PS-DBM dahil sila nga po ang bumibili. Ang sabi po niya, totoo naman na noong araw ay mataas ang bili ng DOH; pero ngayon po, napababa na nila dahil dumidiretso na sila sa manufacturer.
So mayroon pong katotohanan doon sa sinabi ni [former] Secretary Garin. At ang sabi po ng PS-DBM, ginagawa na po nila iyan, dahilan kaya nga po napababa ang halaga ng mga binibili ng PS-DBM.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po, iyong tungkol lang sa SAP. Na-mention po kasi ni President Duterte na magiging in-charge na ngayon iyong AFP and PNP na katuwang ng DSWD. So in this case, what will be the role of the barangay officials? Does it mean na totally hindi na sila kasama mismo doon sa distribution o kumbaga ay magiging supporting na lamang ba sila ng AFP at PNP?
And number two, kasi po 98% pa lang iyong nadi-distribute doon sa first tranche, does it mean na hindi na rin natin mami-meet iyong ating target na mid-May ay masimulan na iyong second tranche? So what will be our next target po, new target?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, sa tingin ko iyong pagtawag sa ating mga sundalo para tumulong sa pamimigay ay hindi naman ibig sabihin ay itsapuwera na ang mga barangay, siyempre mayroon pa rin pong importansiya dahil kakilala nila iyong mga tao sa lugar. Pero naniniwala po ang Presidente na kung tutulong ang mga sundalo, mas magiging mabilis po ang proseso. At saka siyempre ‘no, isipin ninyo na lang iyong mga nandadaya diyan, iyong mga kumakana diyan ay maiiwasan dahil wala na pong hihingi ng… anong tawag doon? Iyong parang tong ‘no, parang hati doon sa mga tao na binibigay sa mga beneficiaries.
Now, kinakailangan po bago magsimula ang second tranche na mag-liquidate iyong mga local government units. Marami naman pong mga naka-liquidate na diyan at inaantay na lang po ang kumpas galing nga sa Office of the Executive Secretary kung kailan masisimulan ito ‘no. Ang importante po ngayon, iyong limang milyon na additional na bibigyan natin sa second tranche eh as much as possible, lahat nang dapat nakakuha ng first tranche ay makakuha ngayong second tranche. Iyan lang po ang sinisigurado natin.
Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, from Jopel Pelenio ng DWIZ: May ilang security guards po na nagtatanong dahil niri-require daw po sila na magpa-COVID test ng kanilang agency. Pero nagtataka po sila kung bakit sila daw po ang pinagbabayad nito.
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po nakipag-ugnayan na tayo sa DILG, hindi po tama na iyong mga LGUs ay nagri-require ng rapid testing kasi hindi naman po talaga requirement iyan; that must be done voluntarily.
Baka na naman po tayo ay hindi magkaintindihan: Kung iyong mga employers ay sila na iyong magbibigay at magbabayad ng rapid test o di naman kaya ay PCR test, hindi po natin sila pinipigilan. Ang hindi po pupuwede ay mag-require ng test para ikaw ay makabalik sa trabaho.
So nakikipag-ugnayan po ang DILG doon sa mga LGUs na nag-i-impose ng rapid test at sinasabi na po nila, hindi kayo dapat mag-require ng ganiyan, unless voluntarily iyong employer ay magbibigay at magbabayad ng ganiyang test.
USEC. IGNACIO: Opo. From Rose Novenario of Hataw: Kaniya-kaniya po bang bayad ng rapid test kit ang mga pulis considering na frontliner sila at PhilHealth members?
SEC. ROQUE: Ang pulis po ay libre; binayaran na po ang rapid test kits ng gobyerno.
Si Triciah Terada.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary. Magandang tanghali po. Sir, follow up lang po doon sa Social Amelioration Program. Sir, kasi ‘di ba iyon nga po, nabanggit naman ni Presidente and then Secretary Bautista po noon na idadaan na through digital iyong pamimigay ng second tranche at least for the urban areas. But, sir, when can we possibly get the complete the guidelines? Kasi po marami po iyong nagtatanong kung kailan po talaga maru-roll out itong second tranche given na it’s too late in the game and we’re just have less than ten days dito po sa MECQ naman po natin.
SEC. ROQUE: Well, unang-una, Trish [gives peace sign] at hindi lang iyan [gives finger heart sign]
Anyway, malalaman po natin iyan sa darating na lingo ‘no. Pangako ko po talaga, tatanungin na natin kung ano iyong guidelines dito sa automated transfer ng mga pondo dahil the people have a right to know naman as soon as possible. So I will inquire personally and I will give a report on this on Monday.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, doon naman po sa transportation concerns. Babalikan ko po, I think, natanong ko na ito noong Monday but, iyon nga po, marami pa ring empleyado iyong walang capacity na makapunta sa kanilang mga trabaho. Eh ang concern naman po ng mga employers, not all employers are capable of providing transportation for their employees kasi po iyong iba ay maliliit na negosyo. Is there any chance that the government would provide transportation assistance, magbibigay ng libreng sakay para po doon sa mga empleyado and even health workers, sir, na apektado?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, parang mapagbigyan na nga ang mga employers na hinayaan silang magbukas doon sa ilang mga industriya dahil alam nating napakasakit sa kanila ang nangyayari. Pero ang aming assumption po ay gagawa rin sila ng hakbang para matulungan iyong kanilang mga empleyado na makapasok.
Alam ko po may mga ilang LGUs na nagbibigay din ng shuttle ‘no. Pero hindi pupuwede nating obligahin ang gobyerno na magbigay ng ganiyang transportasyon. The rule is po, kung talagang hindi kaya magbigay ng shuttle, huwag na po tayong magbukas ‘no dahil iniiwasan pa rin naman natin ang pagkalat ng COVID-19.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, siguro last topic on my end, about the illegal health facility na natagpuan po exclusive for Chinese nationals. Nakarating na po ba itong balita kay Presidente Duterte? And we’re interested to know, how did the President react about this? And may marching order po ba to look further into possible illegal health facilities na nag-e-exist pa po? Isn’t this alarming, sir, na may mga (garbled) underground medical facilities na ganito?
SEC. ROQUE: Siyempre po, naaalarama po ang Palasyo diyan ‘no. Unang-una, mayroon po tayong batas na tanging mga kuwalipikadong doktor lamang ang puwedeng mag-practice ng medisina rito, at mayroon pong pinapataw na pagkakakulong doon sa mga magpa-practice ng medisina na wala pong lisensiya galing sa PRC.
Pangalawa, iyong mga gamot po na ginagamit, dapat aprubado po iyan ng ating FDA. At nagpapataw rin po tayo ng parusa kapag ikaw ay gumamit o di naman kaya ay nagbenta ng mga gamot na hindi po aprubado ng FDA.
Well, pangatlo, well, kinikilala din natin na maraming mga Chinese medicine ‘no, kaya nga po ang sabi ng Presidente sa FDA noong isang pagpupulong, mayroon lang kayong 48 hours to act on all these submissions and all these applications dahil sa panahon ng pandemiya kung talagang mayroong mga gamot na available dapat mablis ang pag-akto natin. Iba po kasi iyong proseso na ginagamit sa western type of medicine sa traditional type of medicine. So, kung traditional type of medicine, mas mabilis pong maparehistro iyan sa FDA.
So, kakasuhan po iyong mga nahuli sa Fontana dahil nilabag po nila iyong dalawang batas na nagsasabing hindi puwedeng mag-practice ng medisina ng walang lisensiya; hindi puwedeng mag-dispense ng gamot na hindi rehistrado sa FDA.
USEC. IGNACIO: Secretary, ang tanong ni Francis at ni Bella halos pareho lang din tungkol doon kay Secretary Duque na comment niya about second wave. Pero ang follow up po ni Bella, kumpiyansa pa rin ba ang gobyerno na tama ang ginagawa ng Department of Health?
SEC. ROQUE: Well, sa akin po ang pag-iiba ng opinion ay doon sa first or second wave. Ang importante maiwasan po iyong pagbabalik ng malawakang numero ng magkakasakit sa COVID-19 at nagkakaisa po ang gobyerno na gagawin ang lahat ng hakbang para maiwasan nga itong second wave.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second na tanong naman ni Bella Cariaso tungkol pa rin po doon sa SAP na hindi nabigyan sa first tranche. Ano na lang daw po iyong dapat nilang gawin para matiyak na mapapasama sila doon sa susunod na tranche ng ayuda, sir?
SEC. ROQUE: Kausapin po ninyo ang iyong mga barangay captain dahil sila naman po ay mayroon ding papel sa paggagawa ng pangalawang listahan. At kung hindi kayo satisfied doon sa response ng inyong barangay captain, pumunta po kayo sa DSWD dahil talaga mayroon naman pong appeal procedure na diretso na sa DSWD.
JOSEPH MORONG/GMA7: Good afternoon. You said, okay, fine – different interpretation. My question is, prior to appearing at the Senate hearing, Secretary Duque had a meeting with the IATF and the President. Did he inform the President that he had this kind of interpretation as far as the wave is concerned?
SEC. ROQUE: Hindi po. Kaya nga nabanggit na ni Executive Secretary na wala pong ganiyang impormasyon na nakarating kay Presidente na galing kay Secretary Duque. Kumbaga, mayroon po tayong protocol na sinusunod, lahat po ng impormasyon, dahil mayroon nga po tayong Kalihim sa DOH, ipararating muna sa Presidente; at ang Presidente ang magsasabi sa taumbayan, either personally or through our office. Pero hindi po dumaan sa protocol na iyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, what is the President’s reaction on it?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po siya nakikita, pero nakipag-ugnayan na po ako kay Executive Secretary, kay Senator Bong Go. Pero ito naman po ay paglilinaw, maliit na bagay lang po ito, dahil hindi naman pinagtatalunan kung dapat iwasan iyong pagkakahawa nang mas maraming numero ng ating mga kababayan. It is just on the terminology, on when is ‘the big wave coming?’ Nagkakaisa po tayo na dapat maiwasan iyong panibagong napakadaming numero na magkakasakit na naman, ngayong bahagyang napababa na natin iyong numero.
JOSEPH MORONG/GMA7: Remember si NEDA Secretary before said when he quit ‘no, sabi niya the orchestra is not being orchestrated very well. Ito po bang differences in opinion or interpretation is something to worry about, kasi mukhang hindi naka-sync kayo?
SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro, medyo sintunado lang siguro ang isa, pero okay naman po ang orchestra.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir, another one that Secretary Duque made. Iyon daw pong mga asymptomatic carriers are not carriers?
SEC. ROQUE: Well, kinunsulta ko rin po iyan doon sa dalubhasang kinausap ko ngayong umaga. At siyempre po, the better view is mag-ingat pa rin, kaya nga po importante ‘testing- testing-testing.’ Kasi maraming asymptomatic, ito po iyong anyo ng sakit, at dahil bago itong sakit na ito ay kinakailangan mag-ingat pa rin. Let’s veer towards the conservative side and let’s consider the person next to you as a possible carrier. Ganoon na lang po isipin natin.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, just one last.
SEC. ROQUE: Sabi nilang lahat oh, last question … Okay, totoo naman last question nga.
JOSEPH MORONG/GMA7: As far as the data is concerned, ang sabi po ni Secretary Vince, mayroon tayong 7,000 na backlog. Do you have an update on how many have gone in the system?
SEC. ROQUE: Well, siguro abala lang kasi lahat dahil sa Senate hearing. Pero nakapag-agree na po kami ni Secretary Galvez na from now on, I will give the figures in my daily briefings. So alam naman po ng aking opisina na kasama na po iyan sa ating reporting, sa ating mga press briefings, iyong number of OFW tested, iyong number of OFWs released, at kung kakayanin po, iyong number of backlog ng PCR testing.
JOSEPH MORONG/GMA7: Kasi, sir, hindi iyon real time, iyong waves na ating nakikita ng DOH data, right?
SEC. ROQUE: But you can make conclusions naman on the basis of the numbers that we already have. Ang tingin ko naman, wala namang nagsasabi na completely flatten na iyong curve; sinasabi lang natin eh talagang nagsisimula na iyong proseso kaya nga po hindi pa natin ili-lift ang MECQ sa Metro Manila at ECQ sa siyudad ng Cebu at Mandaue.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Pia Rañada, natanong na po iyong tungkol doon kay Secretary Duque’s statement ng second wave. Si Racquel Bayan naman po natanong na rin iyong tungkol sa Clark, Pampanga na underground hospital na ni-raid po. Ang tanong na lang po mula kay Sam Medenilla: May new IATF resolution na po kaya regarding po sa appeal to allow more participants in religious gatherings?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Hindi po kami natuloy mag-meeting sa IATF dahil umatend nga po sa Senado. Inaasahan ko bukas po, Biyernes ay magkakaroon kami ng pagpupulong. Ako na po mismo ang magri-raise po nito.
USEC. IGNACIO: Ang tanong pa niyang kasunod, sir: Is the IATF considering lifting or relaxing ban for tourism activities after May 31?
SEC. ROQUE: Hindi pa po siguro, dahil malinaw na even if mayroon ng GCQ ay hindi pa rin po allowed ang turismo.
USEC. IGNACIO: Mayroon na po kayang update sa Build, Build, Build projects which are set to resume in the coming weeks?
SEC. ROQUE: Well, ang pangako po sa amin ay itong buwan na ito ay ibibigay sa amin ang mga listahan ng mga proyektong nagsisimula na.
USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero: Base daw po sa DTI, DOLE Interim guidelines issued on April 30, 2020, testing for returning employees is not mandatory. But some LGUs have issued executive orders that require business establishments to have all returning employees undergo rapid testing as a precondition before operating. What is the position of the IATF on this?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan ‘no, hindi po nire-require ng IATF. At ang DILG ay makikipag-ugnayan na po sa mga LGUs na nagri-require ng testing as a precondition for employment.
USEC. IGNACIO: Based pa rin daw po sa IATF Omnibus Guidelines issued on May 15, 2020, most manufacturing distributions and delivery services have been allowed to resume operations. But there have been reports that some personnel or employees of these industries are prevented or restricted by barangay officials to enter their localities to serve costumers of sari-sari stores, mini-groceries and households. Are barangay officials authorized to impose such restrictions? What are the repercussions for barangay officials who implement inconsistent measures?
SEC. ROQUE: Ang mga nagtatrabaho po sa mga authorized businesses to open be it ECQ or MECQ or GCQ are authorized persons outside of residence. Dapat po huwag silang bawalan dahil kung hindi naman po sila magtatrabaho, sino ang magpapakain sa ating lahat, so dapat po payagan sila.
USEC. IGNACIO: Last question na lang po, pero iyong unang tanong ni Mylene Alfonso about sa appeal ni Cavite Governor Jonvic Remulla. Iyong second po niyang tanong: Dahil sa wala pa ring pangontrang bakuna sa ngayon, mismong mga guro na at magulang ang nananawagan sa gobyerno at sa Department of Education na makabubuting buksan na lang sana sa susunod na school year ang klase sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kabilang sa mga nananawagan ang Teachers Dignity Coalition, National Parents Teachers Association-Philippines at Alliance of Concerned Teachers (Act). Ano daw po ang take ng Palace dito?
SEC. ROQUE: Well, bagama’t mayroon na pong petsa ang DepEd ‘no, iyan po ay subject pa rin na dapat nasa GCQ na iyong lugar bago magbukas ang pasok. Hinding-hindi po natin ilalagay sa aberya ang ating mga kabataan. Kung kinakailangan pong huwag buksan dahil mataas pa ang mga kaso o nagkaroon ng second wave, eh siguro po ay magkakaroon ng ganyang desisyon.
Pero sa ngayon po, for purposes of planning, we are assuming that with the cooperation of everyone, pupuwede na po na ang buong Pilipinas ay mag-GCQ by August 24, which is the mandated date para magsimula ang mga public schools ay nasa GCQ na po ang buong Pilipinas. Kung hindi po, we will take the appropriate action.
USEC. IGNACIO: Secretary, may pahabol pong question si Ace Romero. Ano daw po ang stand ni President Duterte sa barangay-based lockdown? Okay daw po ba sa kaniya iyong gawing national policy na kahit allowed na LGUs can put barangays under lockdown?
SEC. ROQUE: Ginagawa na po iyan ng mga lokal na pamahalaan. At ang IATF, binigyan po sila ng kapangyarihan, lahat po ng siyudad ay binibigyan ng kapangyarihan na mag-impose ng ECQ sa mga critical areas na tinatawag at iyong mga surrounding areas.
USEC. IGNACIO: Secretary, iyon po iyong ating mga tanong mula sa Malacañang Press Corps.
SEC. ROQUE: Naku, maraming salamat po at maaga tayong natapos ngayon – hindi ako masyadong na-Tom Jones, makakakain nang maaga. So hanggang sa Lunes po, Philippines, stay safe. Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque. Good afternoon to all of you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)