SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Nakipag-usap pong muli ang Presidente sa taumbayan kagabi at mayroon pong dalawang punto na nilabas ang Presidente sa kaniyang talumpati sa taumbayan.
Unang-una po, in-address po ng ating Presidente ang tungkol sa Cebu, ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Cebu at ang pag-i-impose ng ECQ sa Cebu.
Tinalaga po ng ating Presidente si Secretary Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources para maging representante niya sa Cebu. Ano po ang mandato ni Secretary Cimatu? Gawin ang lahat para masolba ang problema ng pagkalat ng COVID-19 sa siyudad ng Cebu at lilinawin naman po natin ito po ang siyudad ng Cebu. Ang sabi po ng Presidente, gawin niya ang lahat na dapat gawin. Hindi rin po kinakailangan kumuha ng permiso kahit kanino, i-exercise niya ang lahat ng kapangyarihan ng IATF, ipagbigay-alam lamang sa IATF, pero kinakailangan manalo tayo sa laban natin sa COVID-19 sa siyudad ng Cebu.
Bago po itinalaga si Secretary Cimatu dito sa latest assignment niya ay matagal na po talagang tinatalaga ng ating Presidente si Secretary Cimatu bilang Special Envoy for Special Concerns noong mayroon pong mga na-kidnap na Pilipino sa Libya, siya po ang pinadala. Si Secretary Cimatu rin ang inutusan ng Presidente para linisin ang Boracay at ang Manila Bay. Ang kaniyang latest order po kay Presidente, talunin ang COVID-19 sa siyudad ng Cebu.
Ang pangalawang punto po ng Presidente ay pinag-aaralan pa po ng kaniyang legal team ang Anti-Terror Bill. Sinabi po ni Presidente na as a matter of course, lahat po ng panukalang batas, hindi muna niya binabasa at pinapadala sa kaniyang legal office. Ito po ang Office of the Executive Secretary, dahil mayroon po tayong isang opisyales na Deputy Executive Secretary for Legal Affairs o DESLA.
Ang sabi po ng Presidente, isa o hanggang dalawang araw lamang ang kaniyang kinakailangan at magdedesisyon siya kung pipirmahan bilang batas iyong Anti-Terror Law. Ang ini-stress po ng Presidente, titingnan niya po kung mayroong constitutional infirmity ang panukalang batas. Abogado naman po ang Presidente at kaya niyang magkaroon ng kaniyang sariling konklusyon kung mayroon pong paglabag sa Saligang Batas ang panukalang ito.
Pumunta naman po tayo sa report ng National Task Force kay Presidente kagabi. Una, pagdating po sa overseas Filipino arrivals, kasama na po dito ang OFWs at ang mga overseas Filipinos: Mayroon na po tayong mahigit animnapu’t dalawang libo dalawampu’t dalawa (62,022) na mga kababayang dumating na po sa Pilipinas mula Mayo a-tres hanggang June 22, 2020.
Tungkol naman po sa mga Pilipinong dapat mapauwi mula Sabah. Bumuo na po ng isang task force for the handling and management of 5,300 Filipinos in Sandakan, Sabah: Ang DSWD, DOH, OWWA at Bureau of Quarantine ang lead agencies; nagkaroon po ng 400 persons per sortie na may interval na 15 days; ang Zamboanga City po ang magiging processing area at nagpapasalamat po kami kay Mayor Beng Climaco dahil dito; magsisimula po ito mula a-treinta ng Hunyo.
Ito naman po ang report ng mga rehiyon ng localized lockdown as of June 21, 2020. Makikita ninyo po ang sumatotal, mayroon po tayong 113 localized lockdown. Ang Metro Manila po ay mayroong 19 localized lockdown, ang CAR po ay mayroong 67 localized lockdown ‘no.
Dumako naman po tayo sa test kits update ‘no. Makikita ninyo po sa slide, ang PCR test kits na dumadating kasama ang sample release re-agents ‘no.
Nandito po ang mga numero: Mayroon na pong dumating na 43,750 kits para po sa 1,050,000 tests at mayroon po tayong sample release re-agents na 1,047,984; Mayroon din pong dumating na PCR tubes, nasopharyngeal swabs, throat swabs and self-standing screen cap tubes.
Ito naman po ang awarded and procured test kits: Mayroon na po tayong 16 na awarded bids, 239,857 test kits. Ito po ay katumbas ng 8,544,282 tests na pupuwede pong magawa gamit po itong mga test kits na nabili na.
Ito naman po ang ongoing procurement pa, hindi pa po sapat iyong ating mga kinuha ‘no, mayroon pa po tayong limang ongoing bids para sa 15, 750 test kits at ito po ay pupuwedeng gamitin sa 1,293,750 tests.
Sa testing output. As of June 20, nakapagsagawa na po tayo ng 594,817 tests. Ang ating testing capacity po ay mahigit kumulang nasa 50,000 na at ang—goal po iyan ‘no, ang ating testing capacity goal ay 50,000. Ang ating testing capacity po noong Marso 2020, ibig sabihin ilang buwan lamang, ay 1,000 lang po. So ngayon ang goal po natin ay 50,000 tests per day.
So makikita ninyo po iyong mga laboratoryo para sa PCR test na mayroon na pong lisensiya. Well, iyong February 2020, tatlo lang po iyan, ngayon po mayroon na tayong 63 laboratories as of June 2020.
Now makikita po sa laboratory distribution per region, ang Metro Manila ang may pinakamaraming PCR testing centers, mayroon po tayong 27 testing laboratories sa Metro Manila.
Pagdating naman po sa usaping SAP, inulat din po ng ating Kalihim Año na mayroon pong 496 complaints at karamihan ng mga complaints po ay laban sa mga lokal na opisyal tungkol po doon sa distribution ng SAP o iyong ating ayuda. Mayroon na po tayong 728 suspects at nakapag-develop na po ng 264 cases laban sa kanila, 157 na pong mga kaso ang naisampa sa piskalya at 61 ay under investigation pa po. Sa mga admin cases naman, mayroon na pong 153 na naisampa laban sa mga barangay kapitan at mga sangguniang barangay. Mayroon pong dalawampung mga barangay captains na nademanda na po sa Ombudsman.
Full blast na po ang distribution ng second tranche ng SAP ngayong linggo, inaasahan pong matatapos ito ngayong linggo.
Pumunta naman po tayo sa balitang IATF, kung saan nagkaroon po ng pulong ang IATF kahapon.
Ito po ang mga naaprubahan: Unang-una, magkakaroon po ng re-calibration ng current parameters specifically iyong case doubling time, ang critical care utilization, iyong risk classification of provinces, highly urbanized cities and independent component cities. Para po sa high risk classification, ang ipapataw pong klasipikasyon ay Enhanced Community Quarantine o ‘di naman kaya Enhanced Community Quarantine [sic].
Pero magkakaroon po tayo ng mga tinatawag na modifiers. Para sa mga moderate risk, ang classification po ay General Community Quarantine, Modified General Community Quarantine, kung mayroon din pong mga kasamang mga modifiers; Para sa low risk area, ang ipapataw na klasipikasyon ay Modified General Community Quarantine, ibig sabihin po, wala munang new normal.
Now, ano naman po itong mga modifiers para sa MECQ at MGCQ? Well ito po ang mga sumusunod: iyong social, economic and security factors, iyong clustering of cases, iyong health system capacity, iyong continues trend or increasing or decreasing new cases, iyong CUR, case doubling rate-CDT at iba pa.
Ano naman po iyong updated na methodology para sa mga apela ng LGU dahil napakadami pong mga LGU na nag-apela ‘no? Well ito po ang mga kinakailangang impormasyon para sa mandatory submission para sa mga apela.
Unang-una, iyong daily trend of active cases, iyong number and percent of population, iyong percent of close contacts traced and percent of contacts in quarantine, iyong number and utilization po ng community isolation beds, iyong health system capacity targets and utilization at iyong COVID special team investigations and result. Kasama rin po sa impormasyon na hihingin ay iyong mga priority areas for segmental lockdown o iyong localized lockdown.
Pangalawa, para ma-mainstream po ang pag-uulat ng national epidemiologic pictures sa publiko, in-adopt ng IATF ang mga sumusunod na epidemiological curves bilang five (5) basic reporting parameters, ito po iyong pinakita natin kahapon. Ano po ito? Iyong national daily number of cases adjusted for date of report kasama na ang 7-day moving average. Pakita po natin iyong slide niya. Ito po iyan, iyong pinakita natin kahapon ‘no.
Pangalawa po, iyong national daily number of cases sa buong bansa, pinakita rin po natin kahapon iyan.
Iyong association of numbers of daily tests and daily positivity rate, ito po iyan, iyong red po iyong porsiyento na nagti-test positive; at iyong blue ay iyong total test conducted.
Iyong time varying reproduction number, ito po iyan, kung saan ang pula po ay iyong mga kaso; at iyong threshold naman po, iyong parang blue; at iyong parang green po ay iyong CRUL na tinatawag ‘no.
Tapos iyong deaths overtime, iyan naman po ay pinakita natin kahapon, malinaw po, pababa naman po ang mga namamatay sa sakit na COVID bagama’t tumataas talaga ang numero.
Pangatlo, isang Sub-TWG ang binuo para pag-aralan at sagutin ang management ng mga dayuhan na papayagang pumasok sa Pilipinas for specific purposes. Mayroon po kasing nag-request na embahada na kung pupuwede iyong kanilang mga nationals na mayroong work permit at saka iyong mga kinakailangang mga consultants para sa mga flagship projects ay papasukin na; hindi pa po naaprubahan iyan at binigay po sa TWG para pag-aralan.
So ngayon po, ang pupuwede lang pumasok sa Pilipinas ay mga Pilipino, mga asawa ng mga Pilipino at mga diplomats.
Sa usapin ng dine-in ng food establishment industry, mabuting balita po: Hindi lang tayo pupuwedeng kumain na na 30% capacity kung hindi hinabaan pa po ang pagkain sa mga restaurant hanggang 9 o’clock in the evening. Kasi nga po ang curfew ay binago na rin, hanggang 10 [PM] to 5 [AM] na po. So hanggang 9 [PM] na po ay pupuwede tayong mag-dine-in.
Sa tanong naman po sa mga golf. Ang golf po mismo ay isang sport na outdoor, non-contact, so pinapayagan po siya. Kinakailangan lang pong magsuot ng facemask, mag-social distancing and wala pong sharing of equipment, at iba pang minimum public health standards ay dapat pong maobserba.
Now, pagdating po doon sa operation ng mga club houses mismo, well, kung may restaurant po, subject po iyan sa 30% rule.
Pumunta naman po tayo sa COVID-19 updates. Ayon sa pinakahuling datos ng DOH po, ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas ay nasa 30,682 na. Patuloy naman pong tumataas ang bilang ng mga gumagaling: Pumalo na kahapon sa mahigit walonglibo po, 8,143 ang mga recoveries. Samantala, walo naman po ang binawian ng buhay kahapon dahil sa virus. Ang suma total na po na namamatay dahil sa sakit na iyan ay 1,177.
Tingnan naman po natin ang slide ng Cebu. Ito po ay base po sa ulat ni National Implementer Secretary Galvez. Ano po ang mga pangunahing problema sa Cebu? Well, unang-una po ay iyong kakulangan po ng mga medical personnel at ng mga staff, pero ito naman po ay binibigyan na ng kasagutan ng DOH VII. Ang problema po rito ay kulang iyong mga staff ng mga pribadong hospital, at binigyan na po natin ng solusyon iyan dahil mas mataas po ngayon ang suweldo ng mga pampublikong mga nurses at staff. So DOH na po ang magha-hire ng mga kinakailangang nurses at staff bagama’t magtatrabaho po sila sa mga iba’t ibang hospital.
Kinakailangan din po na dahil nga po dumadami po ang severe and critical cases, kinakailangan na magkaroon nang mas marami pang mga bed space for these severe and critical cases. Kinakailangan pong ma-increase iyong kapasidad ng Cebu City habang sila po ay nasa ECQ at MECQ – ito po iyong Cebu City at Talisay.
Kinakailangan pong mag-organize ng National Task Force Response Group in Cebu City to strictly enforce the quarantine protocols. At nagpadala naman po ng karagdagan na kapulisan para ipatupad po ang mga quarantine protocols.
Okay, dito po nagtatapos ang ating—ah, may isa pa pala. Sorry. So, iyong mga current immediate concerns naman po natin, para sa Eastern Visayas, okay. Bibisita po ang NTF doon sa Eastern Visayas itong linggong ito. Magbibigay po tayo ng mga PPEs, mga test kits at saka mga N95 masks. Imu-mobilize po natin ang Regional IATF at saka iyong mga regional task force. Magkakaroon po ng inspection ng mga testing labs and quarantine facilities. At iyong issue po ng locally stranded, ipati-test po sila sa pamamagitan po ng PCR tests.
Okay, puntahan na po natin ang mga tanong ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps – maaga pa po, 12:19. So, si Joyce Balancio po ng ABS-CBN.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary. Update lang po doon or follow up lang doon sa recalibration of parameters sa quarantine protocols. To be simple about it, Secretary, ano po ba iyong pinagkaiba nitong ibinaba ninyong recalibrated protocols doon sa ginagamit na natin? And does this mean po na mayroon tayong nakitang kakulangan or mali doon sa mga ginagawa nating protocols before?
SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po ‘no, na wala na iyong new normal. Sa ngayon po ay wala munang new normal. Ibig sabihin, lahat ng lugar sa Pilipinas ay mayroon pa rin pong community quarantine. So iyan po iyong pinakapagbabago doon sa inaprubahang parameters.
Pero pareho pa rin po ang basehan niyan – case doubling time, critical care utilization at tinitingnan din po iyong ekonomiya.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. Secretary, doon sa message ni PRRD kagabi, delivered in Bisaya pero sa translation, ang sinabi po niya – referring to Cebu – “I will visit you. When I get there, I will be frank with you again because you are hardheaded.” So bibisita po si Pangulong Duterte sa Cebu City, kailan po ba ito; at mayroon po ba itong basbas na ng PSG given na marami po tayong COVID cases doon?
SEC. ROQUE: Hindi pa po siguro ngayon ‘no. Kinakailangang bumaba muna iyong mga kaso ng COVID-19. Pero hindi na po napigilan ng PSG, talagang iikot na po ang Presidente; dadalaw na po siya sa mga kampo ng militar.
Pero sa Cebu po, hindi pa siguro in the near future. Pero talagang taga-Cebu naman po ang ating Presidente, kaya kampante siya na maiintindihan ng mga taga-Cebu kung mayroon man siyang mga sasabihin na galing sa puso at prangka.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Nabanggit ninyo na rin po, Secretary, mag-iikot siya sa military camps. And I believe nabanggit na niya kagabi, gusto niyang sumakay doon sa bago nating frigate, ito daw po iyong pinakamalaki na mayroon tayo ngayon. May schedule na po ba kailan po mag-iikot ang Pangulo at kailan siya sasakay dito sa frigate?
SEC. ROQUE: Wala pa po. Makikipagtawaran muna sa PSG para siya ay payagan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. Last na lang po for me, Secretary. Kakalabas lang po ng SWS survey done May 4 to May 10, 2020 at nasabi po doon na 43% of Filipinos or 4 out of 10 expect their lives to worsen in the next 12 months. Ano po ang reaksyon natin dito?
SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ay kasagsagan pa rin ng quarantine natin. At siyempre po, alam naman natin na dahil nagsara ang ekonomiya ay talagang mahihirapan po ang buong bansa, ang buong mundo, hindi lang naman po ang Pilipinas. Dahil kinakailangan lahat tayo ay bumangon at hindi po madali itong proseso ng pagbangon – naiintindihan po natin iyan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Joyce. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, good afternoon. Tanong mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Clarification lang po if si Secretary Cimatu ba iyong Visayas Deputy Implementer para po sa Visayas, Region VII at ng buong Visayas?
SEC. ROQUE: Siya na nga po siguro iyon ‘no. Pero ang mandato talaga niya ay para sa siyudad ng Cebu, bigyan ng lunas, kinakailangan pabagalin ang pagkalat ng COVID-19, ipatupad po ang mga quarantines at palawigin ang kakayahan na alagaan ang mga magkakasakit ng severe at kritikal ‘no. Pero ang importante po talaga diyan ay makipag-ugnayan sa taumbayan ng sa ganoon, sa pamamagitan ng social distancing, ng good hygiene practices at pagiging homeliners ay mapababa natin ang mga nagkakasakit sa Cebu City po.
USEC. IGNACIO: Question from Bella Cariaso of Bandera: May warning po on possible second wave ng coronavirus kung saan ikinukumpara sa second wave na naranasan noong 1912 Spanish Flu na naging deadlier. Are we preparing for this at kung kakayaning i-handle ng bansa ang possible second wave ng coronavirus?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po tayo ay nag-iingat na habang tayo ay nasa first wave pa ay kinakailangang mapababa muna natin iyong numero dito sa first wave. Kaya nga po, unang-una, nawala na po iyong new normal na tinatawag natin na klasipikasyon, lahat po tayo ay under quarantine pa rin. Pangalawa, ito na nga po, nagtalaga ng representante ang ating Pangulo sa lugar na mabilis ang pagtaas ng COVID – sa Cebu City at saka sa Talisay.
So sa tingin ko po talaga iyan ang iniiwasan natin. Sabi nga ng Presidente po, baka hindi na natin ma-afford ang second wave.
Kaya mga kababayan, kinakailangan po natin ang kooperasyon ninyo – manatili po sa ating mga tahanan; kung hindi naman kinakailangang lumabas – social distancing, maghugas ng kamay, gamit ng disinfectant at pagsuot po ng mga masks.
USEC. IGNACIO: Opo. From Francis Wakefield ng Daily Tribune. Follow up po ito doon sa planong paglilibot ng Pangulo. Sinabi nga niya iyong desire niya to move around the country despite the threat of COVID-19, particularly on his health. Bakit daw po siya nag-decide ng ganoon, sir?
SEC. ROQUE: Well, sinabi naman niya pikang-pika na siya na nakakulong siya. Gusto na rin po niyang malaman ang iba’t ibang kundisyon ng mga iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, at ang pagbisita niya sa mga kampo ay makikita rin naman niya ang kundisyon kung nasaan iyong mga kampong iyon. Parang hindi naman po siya kakaiba sa maraming kababayan na natin na gustong makalabas. Pero siya naman limited at focused po iyong paglabas niya. Titingnan niya iyong kundisyon ng ating mga kasundaluhan at iyong mga lugar kung saan nakalagay o naroroon ang mga kampo.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, last night doon sa public address ng Pangulong Duterte, he did not mention names in Cebu kung kanino siya disappointed. But just to be clear about it, was he referring to the local government? Does he think that the local government in Cebu City has lapses in imposing policies para po tugunan iyong mga COVID-19 issues doon sa lugar nila?
SEC. ROQUE: Ang malinaw pong sinabi ng Presidente, wala pong kuwenta ang paninisi sa puntong ito. There is no need for finger pointing. Kaya ang apela po niya sa lahat po ng kaniyang mga kababayan diyan sa Cebu City at sa Talisay: Alam naman po natin kung gaano kalala at gaano kabilis kumalat ang COVID-19. Sinabi na po natin ang mga pamamaraan para mapabagal na iyan at hindi po nangyari. Ibig sabihin, hindi po tayo sumunod doon sa mga tanging pamamaraan para mapabagal iyong mga sakit na iyan. So hinihingi po niya ang kooperasyon ng kaniyang mga kababayan diyan po sa siyudad ng Cebu at sa Talisay.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, with the appointment po of Secretary Cimatu, how will it affect the authority of the local government? Does it mean that they cannot make decision unless it was approved by Secretary Cimatu?
SEC. ROQUE: He is there as representative of the President, and of course the President continues to have supervisory powers over local government officials. So, ano po iyan, it is powers by virtue of delegated powers of the President to Secretary Cimatu. Siyempre po kinakailangang makipagtulungan pa rin ang mga lokal na pamahalaan, hindi naman po kakayanin iyan ng isang tao. So kinakailangan po ngayon, kapit-bisig, bayanihan. We will heal as one if we move as one diyan po sa Cebu City and Talisay.
MARICEL HALILI/TV5: Iyon pong sa research ng UP, nagkatotoo iyong sinabi nila na 24,000 ng mid-June. And now, sinasabi po nila, 40,00o by end of June. Do you see this happening now, sir?
SEC. ROQUE: Hopefully not. And the challenge, mga kababayan: Let us disproved the prediction of UP na magiging 40,000. Let us stay at home, let us observe social distancing, maghugas ng kamay, gumamit ng mga disinfectants. Huwag po sana nating payagan na umabot ng 40,000 pagtapos po ng buwan ng Hunyo. Challenge po iyan. I hope everyone will accept this challenge.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, can we have an update doon po sa House Bill 6895, iyon pong amendment doon sa opening ng classes para mapayagan na ma-adjust beyond August? It was already passed by the Senate and House, nasa lamesa na po ba ito ng Pangulo? And do we expect the President to sign it right away?
SEC. ROQUE: Wala pa po akong impormasyon tungkol diyan. I will check po.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Sam Medenilla of Business Mirror: Nag-decide na po kaya ang IATF if it will allow the entry of more foreigners in the country? If yes, ilang foreigners po kaya? At anu-ano daw pong flagship project ng government ang makikinabang po sa kanilang pagdating?
SEC. ROQUE: Ang desisyon po, huwag munang papayagan ang ibang mga dayuhan. Bumuo po ng Technical Working Group meanwhile para pag-aralan itong isyung ito, pero hindi pa po tayo magpapasok ng mga dayuhan. Mga Pilipino pa lamang, kanilang mga asawa at pamilya at mga diplomats ang pupuwedeng pumasok po.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Sam Medenilla: Nabanggit po nila earlier that the government can allocate additional funding for PhilHealth for the implementation of the Universal Healthcare Law. Does the President support this measure?
SEC. ROQUE: Yes po. Malinaw po ang Presidente lalo na sa panahon ng pandemya, hindi po siya papayag na hindi magkaroon ng implementasyon ng Universal Healthcare dahil ipinangako po niya sa taumbayan – lahat ng magkakasakit, sagot po iyan ng gobyerno. Kinakailangan din siyempre po ng parehong kapulungan ng Kongreso, dahil kinakailangan po ito ng batas, because it entails spending of public funds.
USEC. IGNACIO: Huling tanong po mula kay Sam Medenilla: May naging posisyon na po kaya si Presidente Duterte when it comes to allowing PITC to import rice?
SEC. ROQUE: Wala pa pong approval na ibibigay ang Presidente para sa pag-angkat ng bigas, wala pa pong approval.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, for almost a month into General Community Quarantine, ano po iyong napapag-usapan sa IATF in terms of assessment ng situation natin dito sa Metro Manila? Do you see an improvement and at the same time, sa tingin po ba ninyo, makakapag-adjust na po ba iyong mga tao dito or population at least, dito po sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: Well, siyempre napakaingat natin pagdating sa Metro Manila because we are almost 15 million and this is really still the epicenter of the disease. So bagama’t successful po tayo sa pag-improve ng ating critical care capacity, dahil napakadami nating ginawang mga isolation places, iyong mga ‘We Heal as One Centers’ kung saan pupuwede nang pumunta iyong mga mayroon lang mild symptoms, para naman iyong mga kama ng ospital ay mareserba para sa mga mas seryosong mga kaso – iyong doubling rate ang tinitingnan.
Kasi nga pasang-awa tayo – the last time 6.9 – so binabantayan po nila iyong doubling rate. Bagama’t mabuti po iyong ating critical care capacity, pero malalaman po natin iyan. Kaya nga po paulit-ulit tayo – matakot po tayo sa COVID dahil habang walang bakuna, tayo lang po ang magdedesisyon kung dadami o kakaunti ang kaso ng COVID.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, doon naman sa Cebu City. Since siyempre naiintindihan natin na hindi pa rin talaga nakakagamay ng gravity ng situation na mayroon po tayo, ano po iyong kumbaga dapat nating natutunan sa sitwasyon ng Cebu City? Saan po posibleng nagkamali?
SEC. ROQUE: Ang sabi po ng Presidente, I’m quoting the President, “naging over confident po ang mga Cebuano.” Sa tingin ko po, well, ang sabi talaga ni Presidente, hindi na siguro na-broadcast, Cebuano rin kasi siya, so alam niya na ang mga Cebuano ay talagang masayahin, sociable. So habang nakakulong ang Metro Manila at talagang nag-i-stay sa kanilang mga bahay ay may mga intelligence reports siyang nakita na talagang parang public markets iyong Cebu City. So, hindi talaga sumusunod sa quarantine at hindi masyadong napapatupad. So isang dahilan po iyan.
Pero sinasabi kasi ni Presidente ay nagkakaintindihan kaming mga taga-Cebu na ganiyan kami talaga. Pero dahil nga itong sakit na ito ay lumalala, dumadami kapag tayo po ay hindi nagkukulong sa ating mga bahay ay kinakailangan siguro po ay malaking pagbabago sa buhay ng mga Cebuano. Alam niyang mahirap po iyan, at siya nga po iyong number one example na talagang nagpakulong ng 67 days dito po sa Bahay Pangarap ‘no. So panawagan po niya, kakayanin po iyan ng kaniyang mga kapwa Cebuano at we will defeat COVID-19 in Cebu City and in Talisay.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last night as the President discussed about terrorism, nabanggit po niya na pinakamalaking banta more than the Abu Sayyaf are the communists.
Sir, recently an Undersecretary for Communications—Communication Undersecretary apparently red-tagged Sister Mary John. Sir, hindi po ba delikado ngayon iyong mga ganitong cases ng pangre-red-tag especially na ikinokonsidera na po ng Pangulo na terorista itong mga communists or mga NPA po?
SEC. ROQUE: Well, malinaw naman po ang desisyon ni Presidente, tanging ako lang po at ang aking tanggapan ang pupuwedeng magsalita para sa gobyerno at si USec. Vergeire pagdating sa mga bagay-bagay na related sa health.
So, that is a personal expression po of kung sino man ang nagsabi niyan at unfortunately, wala rin po akong hurisdiksyon dahil hindi naman po iyan sa aking tanggapan. So, I do not know kung ano na naman iyong inire-refer ninyo lately but if it is an office within PCOO, please direct your question po to the PCOO.
Pero that is a personal opinion po of the writer at sa ating demokrasya hindi naman pupuwede na kapag pupulaan mo lang ang gobyerno mayroon kang kalayaan. Siyempre, iyong mga taong gobyerno na pupulaan ang kalaban ng gobyerno, hayaan din natin sila because the freedom of expression is guaranteed under the Bill of Rights.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Back to USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Leila Salaverria. Iyong una pong tanong niya ay nasababi ninyo na po, iyong tungkol sa atas ng Pangulo kay Gen. Cimatu or Sec. Cimatu sa Cebu. Iyong second question niya po: How long will Sec. Cimatu’s tenure be and is there a need to appoint a temporary replacement for him as DENR Secretary while he oversees the situation in Cebu City?
SEC. ROQUE: Hopefully po, the assignment will be as short as possible para po bumalik sa GCQ man lang ang Cebu City at ang Talisay. Meanwhile po, hindi naman siguro kinakailangan na magtalaga ng kapalit niya sa DENR. Maraming beses na po na binigyan ng special mission ang ating Secretary of DENR at hindi naman po kinailangan na magtalaga ng kapalit sa DENR. So, status quo po, he remains Secretary of DENR.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Virgil Lopez ng GMA News Online, nasabi na rin—natanong na rin po ito ni Sam Medenilla. Ang second question po niya: President Trump is expected to sign an executive order suspending foreign work visas barring hundreds of thousands of foreigners from coming to work in the United States. May we get Palace reaction to this?
SEC. ROQUE: We respect that decision kasi tayo nga po hindi rin natin pinapapasok ang mga working visa holders, iyan po ang naging desisyon ng IATF and sovereign states can decide on this matters po.
Thank you, USec. Si Joseph Morong of GMA, please.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir. Good afternoon po. Sir, first of, doon kay Sec. Duque and the statement of the President. Last night he said that kung tatanungin niya ni Ombudsman Martires ay he would say that he still believes in the honesty and integrity of his people. So, sir, ito po bang statement na ito absolves Sec. Duque from whatever findings the Ombudsman might have?
SEC. ROQUE: Hindi po, tuloy pa rin ang imbestigasyon kaya nga sabi po ni Presidente, with all due respect to Ombudsman Martires, alam po niya na independiente at constitutional office ang Ombudsman at hindi po niya hinahadlangan ang imbestigasyon na ito.
Ang sinasabi lang niya, kampante siya na lahat ng tauhan niya sa Gabinete ay mapagkakatiwalaan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: But do you think, sir, such statements have may be suasion even a moral suasion on the part of the investigators from the Ombudsman? Should they still continue to investigate Sec. Duque when they have this kind of statement from the President?
SEC. ROQUE: Ombudsman Martires is a criminal lawyer, a former RTC Judge, CA Justice, Associate Justice of the Supreme Court, hindi po iyan matitinag. Alam po niya ang batas niya, titingnan lang niya kung mayroong nalabag na batas kung hindi man ang Anti-Graft Law then titingnan niya ang Salonga Law on Code of Conduct for Public Officers.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Yes, sir. Sir, mayroon lang pong statement si Presidente yesterday that’s being [unclear]. Sabi niya that the number one threat are the communists. Some are saying na parang medyo out of focus in terms of priorities ang pamahalaan with regard to what is more important threat in this country [unclear] the COVID.
SEC. ROQUE: Well, although he said number one po iyan, siyempre number one pa rin COVID. Kasi halos lahat naman ng atensyon ng gobyerno ngayon puro COVID. Pero in terms of defense and national security, ang pinakamalaking hadlang o banta ay ang mga komunista. Iyan po ang ibig sabihin ng ating Presidente dahil hindi naman po maipagkakaila na talagang COVID pa rin ang inaatupag ng buong daigdig.
JOSEPH MORONG/GMA 7: All right. Sir, just a short follow-up. Iyong—i-bring up ko lang, iyong loans do you have the data na?
SEC. ROQUE: Naku, akala po natin ay maggi-guest si Governor Diokno but nagpa-reset siya. Pero malinaw po ang nakasaad sa Bayanihan Law: It’s a 30-day grace period and after the 30-day grace period, after matanggal po ang MECQ diyan po magbabayad ang taumbayan. Now, ang maraming tanong kasi kung nag-i-impose ng interest on interest and all that, kaya po hahayaan kong si Governor Diokno ang sumagot ng lahat na iyan.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, I was referring to the government loans to respond to COVID but if you have the data we can proceed but otherwise—
SEC. ROQUE: Ah, okay the government loans. Oo … Wala pa rin tayong… wala pa rin po ‘no. I’ll keep you posted po—but can we actually get it? Can we call now kung magkano na iyong total na napirmahan na ng loans natin for COVID and magkano na iyong na-download actually.
Joseph, wala pang sagot po sa amin, so I’ll follow-up.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last. Sir, sa provincial bus, you talked na gamitin iyong IATF. Apparently, hindi lang iyong mga problems, hindi lang iyong mga na-stuck sa Metro Manila but there are workers in the provinces na nagtatrabaho sa Manila who cannot go because of the ban on the provincial bus. Any updates from the IATF meeting kung may kinabukasan ba iyong pag-a-allow sa mga provincial buses?
SEC. ROQUE: Eventually, ia-allow po natin iyan; pero ngayon nga po ang pangunahing problema natin sa mga stranded individuals, sa mga OFW, ayaw tanggapin ng iba’t ibang mga probinsiya. Can you imagine kapag mayroon na tayong provincial bus kung paano pang… kung gaano mangyayari, kung gaano po iyong mga objections ng mga local government units.
Sa tingin ko po, hintayin muna natin mag-improve ang ating COVID situation nang sa ganoon ay magkaroon din po ng kumpiyansa iyong mga probinsiya na tanggapin ang mga papunta sa kanilang mga jurisdictions.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, sir. That’s it from me for the meantime. Thank you.
SEC. ROQUE: Okay. Baka mayroon pang second round kung may oras pa but thank you, Joseph. USec. Rocky again, please.
USEC. IGNACIO: Sec. Roque, mula kay Rose Novenario ng Hataw: Palace comment daw po on Wirecard scam? Ano ang puwedeng gawin ng government para maiwasang maging daluyan ng laundered money ang Pilipinas mula po sa international syndicate?
SEC. ROQUE: Well, nililinaw po ng Bangko Sentral at nung dalawang bangkong involved – BDO at BPI – na wala pong katotohanan iyong ginawang certificate ng mga junior bankers na mayroong napunta ritong pera galing po diyan, wala po.
At kaya nga po hindi makakapasok iyan ay dahil tayo naman po ay talagang nagpapatupad po ng ating Anti-Money Laundering legislation at hindi na po tayo tagged ng international community as one of the areas na mahina magpatupad ng anti-money laundering regulations. Kinikilala na po tayo na epektibo po ang ating pagpapatupad ng ating batas.
USEC. IGNACIO: Question from Arianne Merez ng ABS-CBN: Until when daw po is the removal of the new normal classification effective? Does this mean that the whole country will just switch between different levels of community quarantine?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po, ganiyan po ang napagkasunduan but that’s not permanent po kasi naman habang nagmi-meeting ang IATF nababago po ang kanilang mga guidelines.
Melo Acuña, please.
MELO ACUÑA: Magandang araw po, Secretary. Good afternoon. Nice to see you. Ipinapatanong po, ano raw po ba ang pinakabasehan ng pagtatakda ng sampung tao sa loob ng Simbahan samantalang mayroon namang social distancing katulad ‘ika sa Manila Cathedral, malaki naman iyong espasyo. Parang hindi raw nauunawaan iyong 50 katao lang ang puwedeng pumasok sa malalaking Simbahan. Ano raw po ba ang dahilan nito?
SEC. ROQUE: Well, iyan nga po ay dahil nga sa pangangailangan ng social distancing at dahil nga po sa separation of Church and State, napakahirap naman na guluhin ang isang religious activity na nagsisimula na para lamang ma-enforce ang social distancing.
Alam ko po na maraming nagsasabi, mga pari ang mag-i-enforce niyan pero ang katotohanan po niyan talaga, lahat po ng Simbahan natin punong-puno tuwing Linggo at kahit anong pananampalataya po iyan; ayaw naman nating madistorbo rin iyong mga religious services.
So hayaan muna nating bigyan ng prayoridad iyong kalusugan at mayroon naman pong mga alternatibo. Ako po hanggang ngayon ay sa internet po nagpi-prayer, nagba-Bible study at sumasamba at pupuwede naman po iyan dahil personal naman po ang ating mga relasyon sa ating Panginoon.
MELO ACUÑA: Mayroon po ba kayong listahan ng mga foreign embassies in Manila na humihiling na luwagan na iyong restrictions sa mga nationals nila at sa mga Pilipinong patungo sa kanilang mga bansa?
SEC. ROQUE: Wala po, isa lang pong embassy ang humingi.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Ah okay, mabuti po kung ganoon. Ano po kayang embassy iyon?
SEC. ROQUE: Siguro po huwag na muna natin banggitin ‘no kasi hindi ko po alam kung nakasagot na formally ang IATF doon sa nag-request.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Opo. Ano po ang mapapakinabang ng Pilipinas sa sinusugang Chiang Mai Initiative Multilateralization na kasunduan ng mga Finance Minister, mga gobernador ng Bangko Sentral ng ASEAN, China, Japan at Korea na nagkabisa ngayong araw na ito?
SEC. ROQUE: Well, siyempre po sa panahon ng pandemya, importante po na nagkakaisa tayo pagdating po sa monetary policies at importante po na magtulungan para magkaroon po ng stability sa ating mga currencies, otherwise po ay talagang magkakagulo ang iba’t ibang ekonomiya ng mga daigdig. So ito po ay isang collective response and collective commitment na magkakaisa po tayo para magkaroon po ng stability in monetary policies and in currency affairs.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Mula po sa Social Amelioration Program hanggang sa paghahatid ng mga OFW sa kanilang mga lalawigan at pagsasaayos ng mga pagamutan, gaano na po kayang salapi ang nagastos ng ating pamahalaan at may pera pa ba tayong magagastos?
SEC. ROQUE: Well, mahigit kumulang 500 billion po naman ang nakalaan diyan at mayroon pa naman pong pondo. At huwag po kayong mag-alala, kapag naubos ang pondo, ang pangako ng Presidente, magsisimula na siyang magbenta ng ari-arian. Hindi po niya papayagan na habang mayroong ari-arian ang gobyerno ay hindi matutugunan ang pangangailangan ng sambayanan.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Opo, pahabol po. Ang bansang Japan ang number one source ng ating ODA, kaibigan naman ng Pilipinas ang Tsina – may pahayag na po ba ang Pilipinas tungkol sa sigalot na nagaganap sa pagitan ng Tsina at ng Japan dahilan sa Senkaku o Diaoyu Islands sa Eastern Pacific?
SEC. ROQUE: Matagal na po iyan at hindi naman naging hadlang ang kanilang sigalot sa pagtulong ng parehong bansa sa ating bayan. They are both—
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Pero wala po tayong statement?
SEC. ROQUE: Wala naman pong downside iyan ‘no. If at all napakabuti po niyan dahil pareho silang parang masugid na manliligaw sa Pilipinas. We like that.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Salamat po.
SEC. ROQUE: Thank you po. Thank you, Melo. Let’s go back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, ito po iyong last question na nakuha natin. Mula kay Randy Cañedo ng DABIGC News Nationwide: Ano daw po kaya ang gagawin ni Gen. Cimatu sa Cebu na hindi kayang gawin ng mga officials doon? Hindi ba daw delikado kasi daw po ay senior citizen na rin si Gen. Cimatu?
SEC. ROQUE: Alam naman po ni Gen. Cimatu na siya mismo ay vulnerable dahil siya ay senior citizen, pero matindi po ang kaniyang eksperyensiya at kakayahan, at ang tingin ko po ay baka kinakailangan nga ng outsider para magkaroon ng mga pagbabago diyan sa Cebu ‘no. Kasi nga ang Presidente na nagsabi, “Cebuano rin ako, alam ko kung paano kami ‘no.” Talagang ang mga Cebuano, talagang they love to live life ‘no, at siguro ngayon i-calibrate lang muna natin, homeliners muna para po bumagal iyong pagkalat ng sakit.
Okay? So second round of Skype. Joseph mayroon ka bang tanong because we have a few minutes left.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Okay I have a couple, pasensiya na, sir. Sa Anti-Terror Bill, sir. Is this a priority for the government given what the President had already …had also said kagabi na terrorism is a problem aside from COVID and the terrorists are taking advantage of the situation?
SEC. ROQUE: It was certified urgent, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA7: Yeah, okay. And then, sir, doon po sa mga contact tracers. Sabi ni Sec. Año, 50,000 ang kailangan pang i-hire. Papaano, sir, iyong method of hiring? Can regular people just apply sa DOH or sa IATF? Paano ba, sir, ito?
SEC. ROQUE: Hindi pa po malinaw sa akin din ‘no kasi nga maraming mga suhestiyon kung sinong dapat ma-hire as contact tracers. Pero hayaan muna natin pong plantsahin mabuti iyong qualification at saka kung ano iyong gagawin ng mga contact tracers dahil alam ko po itong contact tracers will work with an app not only the Safety.PH app but also with the app ‘no offered for free to the world by Google and Apple.
JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Sir, just last two, logistics. Sir, iyong pag-ikot ni Presidente sa mga military camps in the coming days, wala pang schedule, but will you be opening this up to the media for coverage?
SEC. ROQUE: I think—I don’t think the media can actually physically go with the President because I don’t know how you can go with him ‘no. But I’ll bring it up, baka naman pupuwedeng mag-pool ‘no, that’s a possibility but I cannot promise ‘no. I can only suggest it.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, last, sa SONA. May porma na po ba iyong magiging SONA ni Presidente given the situation? Is this going to be a blended SONA as you said?
SEC. ROQUE: I can confirm it will not be the same SONA that we are used to. Siyempre po wala na iyong mga madamihang mga opisyales na nag-a-attend, wala na iyong fashion show na pagandahan ng suot at tingin ko po kakaunti lang ang mag-a-assemble sa Kongreso. Hindi ko pa po sigurado if the President will physical go or will address it online, pero mayroon pa po kaming mga plano na hinahanda. Baka naman sorpresahin namin kayo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, konting clue naman diyan. So, we need to go out of our house now to [overlapping voices] [laughs]…
SEC. ROQUE: Kung may clue, wala na, hindi na sorpresa. Pero we have, in the Office of the Presidential Spokesperson, cooking up something.
JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Sige thank you for your time, sir.
SEC. ROQUE: Okay. Second round of Skype, Melo Acuña.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Yes. Secretary, tatanong ko lang: Ano po iyong pinaka-guidelines ng IATF doon sa mga nag-i-exercise sa umaga, nagbi-brisk walking o nagdya-jogging? Do they really have to wear face masks dahil sabi ng ilang mga manggagamot delikado sa baga ito?
SEC. ROQUE: Yes, po. Ako po nagdya-jogging, talaga po ang ordinansa ng Quezon City, kailangan naming mag-face mask. So gamitin ninyo na lang iyong manipis na face mask kasi kung napapansin ninyo, paiba-iba ang sinusuot kong face mask ‘no. Iyong aking isang face mask na binigay ng mga katutubo, minsan ko lang ginagamit kasi dalawang tela, mahirap huminga. So pag-jogging ko, iyong pinakamanipis na tela ang aking ginagamit na face mask.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Opo. Ano po iyong worst case scenario na nakikita ng Tanggapan ng Pangulo kapag umuwi iyong mga OFWs natin? Dahilan sa COVID-19 maraming nawalan ng trabaho, ano pong impact nito sa ating ekonomiya, Secretary?
SEC. ROQUE: Siyempre po pinaghahandaan natin na bigyan sila ng hanapbuhay kaya nga po mayroong livelihood packages po ang OWWA at ang DOLE at mayroon din pong mga pautang na binibigay ngayon ang DTI at saka and Department of Agriculture para sa mga panibagong hanapbuhay na pupuwedeng simulan po ng ating mga OFWs. Ang pangunahing konsiderasyon po natin, paano sila mabigyan muli ng hanapbuhay dito sa Pilipinas.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Last point for today, Secretary. Have you come up with the list of the best practices in local government units so far in response to COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko lang po, tinanong ko si Secretary Año kung sinong tingin niyang pinakamagaling na mga mayor, pero tatanungin ko muna siya if I can actually share kung sino iyong mga sinabi niya sa akin. Mayroon siyang sinabi na pinakamagaling na mayor sa Metro Manila sa tingin niya at mayroon siyang sinabi na mayor na ginagamit talaga ang political will. Pero I need to get his consent kung gusto niyang isapubliko po iyong kaniyang assessment.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Opo. Sama na rin iyong mga laggards [laughs]. Salamat po.
SEC. ROQUE: [Laughs] Ikaw naman Melo, mayroon din namang mga surveys. Ang taumbayan naman ay naghuhusga na at nakita ko na rin iyang mga survey na iyan kung sino ang paborito ng mga taumbayan at sino sa tingin nila ang pinakamagaling at pinakamahina sa panahon ng COVID.
MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Salamat po. Thank you.
SEC. ROQUE: Okay. So bago po tayo magtapos, ang iko-quote ko naman po ay galing po sa Chapter 65, Verse 7 ng Holy Qur’an: “Allah will bring about ease after hardship.”
Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Ingat po, Pilipinas. At magandang hapon sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)