Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas.

Umpisahan po natin ang press briefing ngayon sa pamamagitan po ng ating COVID-19 update: Mayroon na po tayong 32,845 na aktibong kaso ng COVID; ang total cases po natin ay 46,333; ang mabuting balita po naman ay mahigit 12,185 ang gumaling.

Pinapakita ng susunod na graph na kahit dumami po ang kaso, ang percentage ng nagpositibo ay bumaba po ‘no. Sa Pilipinas po, ang tinatawag nating mga taong nagpositibo kada 100 katao ay 7% at ang prescribed po na porsiyento ng World Health Organization ay 10%.

Now, ano naman po ang nai-report na namatay kahapon ‘no? Well, ang namatay po kahapon ay 1,303 deaths [sic] ‘no. Patuloy po naman na mababa ang mga numero ng namamatay. Ito po ang tinatawag na COVID-19 mortality rate ‘no, makikita ninyo po na pababa nang pababa ang mga namamatay. Ang Pilipinas po ngayon, ang mortality rate po natin ay 2.9% lamang, ang global average po ay 5.5%,

Now, pumunta naman po tayo sa estimate po ng UP. Ang estimate po ng UP nga, kung hindi daw tayo gumalaw at gumawa ng mga hakbang para pigilan nga ang pagkalat ng sakit ay dapat po mayroon na po tayong 3.6 million cases ngayon, na naiwasan po ng ating lockdown at iyong ating kampanya na magsuot ng mask, social distancing at maghugas ng kamay.

Ito naman po iyong naging epekto ng ECQ: Noong tayo po ay nag-lockdown sa ECQ, nabigyan po tayo ng panahon para mapalakas po natin ang ating tinatawag na health system capacity. Makikita po natin sa infographics unang-una ‘no iyong ating lab testing capacity, nagsimula po tayo ng iisa lamang laboratoryo, lumaki na po tayo ngayon at ngayon po mayroon na tayong 74,304 na test capacity ‘no. Nagsimula po tayo niyan iisang lab lang natin at 2,000 po iyong ating nati-testing.

Now, ito naman po iyong health system capacity at ito po iyong quarantine facility bed occupancy over time. Nababalita po kasi na nagkukulang daw po tayo ng hospital beds. Well ito pong graphs na ito nagpapakita na hindi po totoo iyan.

Now tatlo po ang kulay nito: Iyong dark blue po, iyan po iyong okupadong mga kama; iyong light blue, iyan po iyong bakanteng mga kama; at iyong gray po, iyan po iyong mga unreported na pupuwede pang gamitin nga po kung kinakailangan.

Makikita ninyo po, napakadami pa po nating hospital bed capacity dito sa graph na ito, ito po iyong sumatotal ng light blue at ng gray. Kung ipagsasama ninyo po iyan, makikita ninyo na halos kakaunti nga lang po ang mga beds na ginagamit ngayon sa ating mga ospital. So pinabubulaanan po natin iyong mga naulat na mga fake news na wala na raw po tayong hospital bed capacity.

At ito naman po ang ating PPEs ‘no. Iyong end of April mayroon po tayong 1 million PPEs at ngayong end of June, mayroon na po tayong 3 million na mga PPEs.

Now, dito po sa NCR, ito po iyong ating COVID bed capacity sa NCR. Mayroon po tayong sumatotal na 28,000 NCR hospital bed capacity at dito sa numerong ito, 8,400 po ang allotted specifically po para lang po sa COVID-19. Dito sa 8,400 ang okupado lang po ay 3,602. So wala pa po sa kalahati ang occupied na hospital bed exclusively devoted for COVID-19.

Now, kaya nga po ang sinasabi natin po ngayon pagdating po sa quarantine facilities bed occupancy, ngayon po mayroon pa tayong 72% na mga available bed capacity. Hindi po tayo nagkukulang ng mga hospital beds kung tayo po ay magkakasakit.

Now, ang sinasabi lang po natin—ng gobyerno ngayon ‘no, dahil kinakailangan na nga natin pong magkaroon ng hanapbuhay at kinakailangan buksan na ang ekonomiya, eh alam naman po natin ang ating mga sandata laban sa COVID-19 para mapabagal ito – social distancing, pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay.

At kinakailangan po eh iyong pananagutan eh kinakailangan pong mas malaki na po ang responsibilidad ng ating mga LGUs dahil sila nga po ang mag-i-implement ng mga granular o localized lockdown. Kinakailangan ang indibiduwal, magkaroon ng mas malaking responsibilidad dahil wala na nga tayong ayuda, eh kinakailangan gumawa ng mga hakbang para mapabagal po ang pagkalat ng sakit. At siyempre po, nandiyan naman po iyong ating mga ka-partner na private sector na talaga naman pong hindi lang namimigay ng mga pangangailangan natin, pero talagang tumutulong po para mapalawak pa iyong ating targeted testing sa ating lipunan ngayon.

Eh, kasama naman po natin sa istratehiya na pagbubukas ng ekonomiya bukod dito sa basic minimum hygiene, eh iyong pag-aalaga po sa ating mga vulnerables – iyong mga buntis, mga may sakit na co-morbidities na tinatawag at iyong mga elderly. Kung ang mga vulnerables po ay mananatili sa tahanan, kung lahat tayo ay mag-o-observe ng minimum health standards at kung ipagpapatuloy ng mga lokal na pamahalaan ang localized or granular lockdowns, pupuwede po talaga nating buksan ang ekonomiya, pupuwede na tayong maghanapbuhay at mapapababa rin po natin ang mga namamatay dahil po sa sakit na COVID-19.

Balitang IATF naman po tayo. Naaprubahan po kahapon ng IATF ang Resolution No. 52, lumabas po ito kahapon sa ating press briefing na nalathala na may mga nagkasakit na raw po sa depot. At dahil dito po, inaprubahan po ng IATF iyong rekomendasyon ng DOTr na suspendehin muna po ang operation ng MRT3 sa loob po ng limang araw simula po ngayong araw na ito. Ito po ay para ma-test ang lahat ng mga empleyado sa pamamagitan ng PCR at bukod pa po doon ay para po magkaroon sila ng mga minimum requirements na magtatrabaho, na lahat po ay negatibo sa testing.

Now pangalawa, mayroon pong pagbibigay ng prayoridad sa disinfection ng mga pasilidad ng MRT3 ‘no. Kinakailangan po talaga eh pansamantalang itigil ang operasyon hindi lang po para ma-testing kundi para rin magkaroon ng disinfection ang ating mga tren.

Pangatlo magkakaroon naman po tayo ng bus augmentation, ito po ay ipinangako ni GM Jojo ng MMDA para naman po iyong mga pasahero ng MRT3 ay hindi naman po mahirapan humanap ng kanilang mga sasakyan. Mayroon po tayong siyamnapung buses para sa MRT3 Bus Augmentation Program at may fixed sa dispatching interval na kada tatlong minuto, ito po ay ayon sa DOTr.

Dagdag pa po ng DOTr, 190 buses ang idi-deploy para sa EDSA bus way service na nagsisilbi sa mga pasahero mula Monumento hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange. Isang mini loop naman po ang magsisilbi sa mga pasahero mula Timog Avenue hanggang Ortigas kung saan pinayagan ang shuttle mini-bus service na mag-pickup at mag-drop off ng pasahero sa curve site.

Inaprubahan din po ang mga rekomendasyon ng Department of Agriculture para sa pagpapatupad ng whole-of-nation approach para mapigilan ang pagkalat ng bagong strain ng G4-H1N1 o ang Swine Flu Virus. Ang unang rekomendasyon po, ang paglalagay ng inter-agency surveillance mechanisms para sa mga swine farm at mga manggagawa lalo na sa mga regularly exposed sa mga baboy.

Pangalawang rekomendasyon, ang mga may kinalaman na ahensiya ng pamahalaan, partikular ang DOH, DA at ang Bureau of Customs ay inatasan na mahigpit na ipatupad ang Republic Act No. 10611 o ang Food Safety Act of 2013.

Inaprubahan din po ng mga miyembro ng IATF ang mga sumusunod na rekomendasyon ng Technical Working Group on the Entry of Foreign Nationals. Mayroon din pong nagtanong nito kahapon ‘no. Una, ang pagbuo po sa Sub-Technical Working Group on Travel; pangalawa, ang pag-alis sa suspension ng non-essential na mga biyahe ng mga Pilipino. Kaugnay nito, lahat ng travel restrictions na may kinalaman sa outbound travel ng mga Pilipino ay inalis na rin po.

Huwag muna po tayong tumalon sa tuwa, bawal pa rin ang turismo. Pero ang mangyayari po ay pagbibiyahe, mayroon po tayong mga requirements na dapat ipakita sa ating Bureau of Immigration. Lahat ng mga non-essential na mga biyahe ng mga Pilipino ay isasailalim po sa mga sumusunod na kundisyon: Unang-una po, pagbigay ng confirmed roundtrip tickets sa mga biyaheng mga may tourists visas; pangalawa po, may sapat na travel at health insurance para sagutin ang mga gastos sa rebooking at accommodation kung sakaling ma-stranded at magpapagamot sa ospital kung sakaling may impeksiyon, kung saan ang halaga ay sasabihin po ng Department of Tourism.

Pinapayagang makapasok o allowed entry sa papuntang bansa na ayon sa travel, health at quarantine restrictions. Ibig sabihin, wala pong ban para po sa mga Pilipino iyong mga pupuntahan natin.

Tapos po, pagbigay ng isang deklarasyon kung saan nakasaad ang risk na kasama sa pagbibiyahe tulad ng delay na biyahe pagbalik ng bansa, pagbalik sa—iyong magsa-sign po sila ng declaration na alam po nila iyong risk ng kanilang pagbibiyahe.

Pagbalik sa Pilipinas, sundin ang guidelines ng mga returning oversees Filipino of the National Task Force. Ito po iyong magpapa-PCR at quarantine muna habang hindi pa po lumalabas ang resulta ng PCR test.

Naglabas din ng updated guidelines for barbershops and salons ang DTI – ito po ang aking sinabi kahapon ‘no. Kung matatandaan po natin na noong Biyernes na hindi na limited sa basic haircutting services ang serbisyong maibibigay ng mga barbero at mga parlors. Well, sabi ko po, antayin natin ang guidelines na kanilang ilalabas; at ito na nga po iyong mga guidelines.

So ano po iyong salient points ng DTI Memorandum Circular # 2038? Well, una po, ang mga barbershops at salons ay pinapayagang gumawa ng lahat ng haircutting services at hair treatment services sa ilalim ng GCQ.

Sa mga lugar na nasa MGCQ, pinapayagan na ang haircutting, ang hair treatment services pati na din po ang nail care services, basic facial care tulad ng make-up, eyebrow threading, eyelash extension at facial massage, at iba pang basic personal care services tulad ng waxing, threading, shaving, foot spa at hand spa. Ipatutupad ang mga ito sa ilalim ng mahigpit na protocol sa hand sanitation, facemasks or face shield, guwantes at sterilized equipment.

Pumunta naman po tayo sa operating capacity ‘no. Sa ilalim po ng GCQ, 30% ang operating capacity sa barbershops at salons, at 50% naman po sa MGCQ. Ito ay hanggang a-kinse ng Hulyo ng taong kasalukuyan.

Simula ng disi-sais ng Hulyo, ang operating capacity sa GCQ ay magiging 50% na po, samantalang 75% naman po ang capacity ng MGCQ. Ngunit kinakailangan pa rin pong sundin ang physical distancing at prescribed minimum health protocols.

Ito po iyong mga tinatawag nating mandatory health standards and protocols para sa po sa mga barbero at mga parlor:

Mahigpit na pagpapatupad ng No Facemask, No Entry policy;
Paglalagay o pag-i-spray ng rubbing alcohol bago po pumasok ang mga empleyado at mga parokyano;
Pagpaparehistro sa safepass or staysafe.ph o pag-administer ng health declaration checklist – ito po ay para sa tracing;
Ang pag-thermal scan bago makapasok ang mga tao. Iyong mga taong may temperature po na mas mataas sa 36.5 ay hindi po papapasukin;
Lahat ng mga sintomas tulad ng may lagnat, may ubo, hirap sa paghinga ay hindi po dapat papasukin;
Ang mga empleyadong may sintomas ng COVID-19 o na-expose sa mga pasyenteng may COVID-19 ay hindi po papapasukin;
Ang mga upuan ay may layong isang metro sa isa’t isa;
May tamang bentilasyon at exhaust system;
Na-sanitize ang mga restroom at walang kalat ang mga basurahan;
Sterilized ang mga gamit bago at pagkatapos ng bawat serbisyo;
Hindi pinapayagang pumasok na may kasama unless absolutely necessary.

Okay, mayroon lang po akong dagdag ‘no. Ito po iyong other modes of transport na tutulong habang hindi po nag-o-operate ang MRT-3 simula ngayon po hanggang July 11: Number one, iyong MRT 3 bus augmentation, 90 bus units with 3-minute regular dispatch system; pangalawa, sa EDSA bus way, 190 buses from Monumento to Q. Avenue, and Estrella to PITX, passenger pick-up and drop-off will be at the curbside. Tapos four additional median bus stops will be open starting tomorrow po ‘no – sa main avenue Santolan, Ortigas and Guadalupe. Tapos Timog to Ortigas mini-loop, magkakaroon po ng pick-up and drop-off at the curbside.

Okay, I hope nalinaw po natin iyang bagay na iyan. So simulan na po natin ngayon ang ating open forum. Parang palagi ‘atang buena mano si Joyce Balancio ng ABS-CBN. So buena mano, Joyce.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po. Good afternoon po, Secretary. According po sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, with the additional 2,900 cases natin recorded kahapon, ang Pilipinas na daw po ang pangalawa sa Southeast Asia with the most number of COVID cases. Is this a cause of concern for the government; and will the IATF be implementing adjustment or changes sa mga sistema natin ngayon? Alam ko po paulit-ulit na natin pinapaalala iyong minimum health standards, iyong health protocols, iyong localized lockdowns but still we see large numbers of reported COVID cases. Can we expect drastic adjustments or changes po before July 15, kasi medyo matagal pa po iyong July 15?

SEC. ROQUE: Well, gaya nang nasabi ko na po kanina ‘no, hindi na po nakapagtataka iyang pagtaas ng kaso ng COVID habang wala pa pong bakuna, habang wala pa pong gamot.

Pero mabuting balita naman po, karamihan po talaga ng aktibong kaso ay mild or asymptomatic. At ang binabantayan po natin ay iyong magkakasakit ng severe or critical, at sinisiguro po natin na sapat ang kakayahan natin na bigyan sila ng lunas. Iyan po iyong critical care capacity na sinasabi natin.

So sa akin po, wala naman pong dahilan para mabahala, kinakailangan lang po talaga ipatupad natin iyong siguradong mga armas natin laban sa COVID-19 kagaya nang sinabi mo – wearing of mask, social distancing and paghuhugas ng kamay, at pananatiling malusog.

So importante rin po na alam na natin sa karanasan ng ibang bansa na ang talagang namamatay nang napakarami ay iyong mga vulnerable groups – mga matatanda, mga seniors, mga buntis, at mga kabataan at may mga sakit. So itong mga vulnerable populations, kung ayaw po nating masama sa datos ng mga namatay, manatili po tayo sa ating mga tahanan.

At huwag naman po tayo mag-alala dahil kahapon po ay nag-meeting kami ng mga mayors ng Metro Manila, alam naman po nila kung nasaan iyong mga areas na nagiging marami na naman ang kaso ng COVID-19 at aktibo po nilang sinasarado ito sang-ayon po sa ating polisiya na instead of community lockdowns, magkakaroon po tayo ng localized and granular lockdowns.

So siguro iyan po iyong malaking pagbabago sa ating istratehiya ‘no, iyong sinabi ko kanina na kinakailangang mas aktibo na ngayon ang LGUs dahil sila na ang magpapatupad ng localized lockdowns; mas aktibo na po ngayon ang pribadong sektor, ating mga employers, ipa-test na po natin ang ating mga empleyado. At ang gobyerno naman po ay gumagawa ng lahat na hakbang para mapalawak iyong ating testing, tracing, treating, isolation capacity, at siyempre iyong pangangalaga po sa vulnerables – iyan po ang ating istratehiya.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Ang Quezon City government, Secretary, the LGU noted na iyong increase and numbers po sa siyudad ay dahil daw po sa unauthorized activities gaya daw po ng mga boodle fights, videoke sessions, birthday parties. Any reaction from the Palace, sir, and perhaps reminder, kasi nakikita na nga natin tumataas ang number and yet may mga reported incidents pa po na ganito?

SEC. ROQUE: Kaya nga po sa ating bagong istratehiya ay binibigyan din natin nang mas malaking responsibilidad na ang mga indibidwal – nasa kamay ninyo na po ang mangyayari sa inyong kalusugan. Talaga pong iyang mga boodle fights, iyong mga pagtitipon, sure recipe po iyan sa pagkakasakit. At bagama’t konti ang namamatay ay baka malasin kayo at masama kayo sa datos. Huwag naman po sana.

So, panawagan po, tayo po ang naghahawak ng susi sa ating kalusugan. At siguro po pagdating naman sa gobyerno, magpapatuloy pa rin iyong mas aktibong pag i-implement po sa pagbabawal sa pagtipun-tipon, hinihingi lang po natin ang kooperasyon ng lahat. Dahil kaya naman dapat talagang ipatupad iyong mga ordinansa laban po sa mga pagtipun-tipon ay dahil nga po dumadami rin ang mga kaso.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Iyong team po ni Director Joyce Bernal, they went to Sagada to supposedly shoot for a video footage for SONA and they were given authorization letter naman po, from no less than the Malacañang Presidential Broadcast Staff (RTVM), but they were rejected by the Sagada LGU because of their policy of non-entry of non-residents ng Sagada to prevent virus from coming in. May panawagan po ba ang Malacañang sa Sagada LGU and idugtong ko na rin po, since you have mentioned that we will be expecting a public address from Presidente Duterte from Davao City today, until when po mananatili si Pangulong Duterte sa Davao City? And will be having some activities there po?

SEC. ROQUE: Well, doon sa tanong mong una – eh nirespeto naman po ni Joyce Bernal at ng RTVM ang desisyon ng Sagada. Inuulit ko po mayroon naman pong health certificate at travel authority po si Joyce Bernal at iyong mga kasama niya. Pero noong hindi sila pinapasok, hindi naman po sila nagpumilit, umuwi na rin po sila. – Iyan po iyong una.

Ang pangalawa po, magtatalumpati nga po at magme-mensahe ang Presidente galing sa Davao. Ang inaasahan ko po ay for the rest of the week ay nandoon po si Presidente. Ang susunod pong niyang press briefing sa Huwebes ay galing po sa Davao.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Ano po ang activities po ni President Duterte that is why he has to stay for a week sa Davao po?

SEC. ROQUE: Well, mayroon po kaming pagpupulong at inaasahan ko rin po na mayroon kaming separate na pagpupulong sa Wednesday kung maipapasok po ako sa schedule, pero puno nga po iyong schedule. But I will give you an update on the President’s schedule, siguro po pagdating na ng Davao dahil paalis naman po kami right after this press briefing.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary. Tanong mula kay Francis Wakefield ng Daily Tribune, natanong na po ni Joyce ito about iyong visit po ni Direk Joyce Bernal sa Sagada. Iyong second question po niya, you said earlier that President Rodrigo Duterte will address the nation Tuesday night. Ano po iyong ini-expect na magiging ng kaniyang address? Will he also be joined by other members of the Cabinet, IATF – sinu-sino daw po sila?

SEC. ROQUE: Well, inaasahan po natin na magre-report muli sa bayan ang ating Chief Implementer – Secretary Galvez, si Secretary Duque po magre-report din po at kasama din po si Secretary Año na magre-report din at si Secretary Lorenzana po at ang inyong abang-lingkod po. So, iyon naman po iyon usual na nag-uulat sa bayan, kapag nag-uulat sa bayan din po ang ating Presidente.

USEC. IGNACIO: From Hannah Sancho ng SMNI: Inaasahan ang magiging desisyon ng Kamara sa ABS-CBN franchise hearing ngayong linggo. Ano po ang nais iparating na mensahe ng Palasyo sa mga mambabatas na boboto kaugnay nito matapos iyong ilang hearing na isinagawa sa Kongreso?

SEC. ROQUE: Nasabi ko na po iyan at talaga naman ang posisyon po ng Presidente, neutral po siya pagdating sa ABS-CBN. Humingi na po ng tawad sa kaniya, pinatawag na niya, neutral po siya, vote according to your conscience.

Thank you very much, Usec. Si Maricel Halili po ng TV 5…

MARICEL HALILI/TV5: Sir, follow up lang po doon sa study ng Johns Hopkins na number two po iyong Philippines sa South East Asia. Do you think this time, it’s a fair assessment na pumapangalawa tayo sa Indonesia. And aside from this sir, you mentioned kasi last week that we are winning the battle against COVID, especially hindi natin na-meet iyong 40,000 na target or the prediction rather, ng UP? But then they have another prediction – 60,000 by July and 100,000 by August – so, ano po iyong tingin ninyo dito, sir?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po ha, naniniwala po rin ako at nais kong maniwala na tayo po ay nagwawagi pa rin. Dahil nga po napababa natin ang mga namamatay sa sakit na ito, napababa natin iyong pagkalat ng sakit na ito, nag-plateau po tayo at seven days, sana po mas mapahaba pa natin iyong ating case doubling rate. At siyempre po iyong positivity rate na pinakita natin ‘no, 6 to 7% lang po ang nagpa-positive for every 100,000 na tine-test natin. At napakalaki pa po ng ating capacity to provide hospital services doon sa mga magkakasakit. So, I will always say, we are winning against COVID-19.

Siguro po doon sa mga ayaw maniwalang nananalo tayo, sige po sa inyong mga personal na paninindigan, tanggapin po ninyo iyon. Pero habang hindi po namamatay ang tao, habang mayroon po tayong kapasidad na magbigay ng medical na lunas sa mga nagkakasakit, hindi ko po matatanggap na tayo po ay hindi nananalo dito sa sakit na ito.

Pasensiya na po, dahil nakikita naman natin ang datos, hindi po tayo nag-iimbento ng datos, pero buhay pa po tayo, karamihan ng mga nagkakasakit. At sa akin po, dapat ikatuwa iyan na natuto na po ang ating frontliners at nagpapasalamat tayo sa mga frontliners kung ano ang dapat gawin sa mga nagkakasakit na kritikal.

Kaya nga po gaya ng mga bansang Singapore, bagama’t hindi kasing-baba ang death rates natin ay hindi po ganoon kalaki ang ating death rate, 2.9% po ang ating death rate kung ikukumpara sa worldwide na 5.5. So, sa akin po pagwawagi po iyan at kung sa tingin po ninyo talaga na tayo ay hindi nagwawagi, sa inyo na po iyon. Pero sa akin po, habang kakaunti, compared to the rest of the world ang namamatay, nagwawagi pa rin po tayo. And kung talagang hindi ninyo matanggap iyon, sa inyo na po iyon.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, iyong sa Johns Hopkins po, is it a fair assessment and iyon pong considering the number of cases now in NCR. Is NCR back as being the epicenter, hindi na po uli Cebu?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo iyang usaping epicenter, sa akin hindi ko masyado binibigyan ng importansiya, which is the epicenter. Hindi naman tayo nakipag-contest sa Cebu, ang importante nga po tingnan natin iyong case doubling rate, mortality rate, hospital bed availability, critical care capacity.

Now as to numbers, siguro that’s accurate, because nagtutugma naman sa numero natin at ang datos naman po ng Johns Hopkins galing din sa ating Department of Health. Pero kung makikita nga ninyo, maski doon sa malaking numero na nagkakasakit, eh mahigit kumulang naman kalahati ang mga aktibo. At sa aktibo nga, eh karamihan ay either minor or asymptomatic at kakaunti lang din ang critical or severe.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, last na lang po. Inflation rate, base po sa PSA, rose to 2.5% ngayon pong June primarily because of the increase on fare. How do we balance this, sir, especially now na marami pa rin po iyong unemployed?

SEC. ROQUE: Well, napakababa pa rin po niyang 2%. Inaasahan po natin na kahit papaano tumaas, kasi nga po nanggaling tayo sa complete lockdown. So, siyempre po habang nagbukas iyong ekonomiya, mas tataas po ang supply dahilan kung bakit tumataas din ang inflation rate, dahil iyan naman poi ay supply and demand. So, mas mataas ang demand at siguro po limitado pa rin ang supply kaya medyo bahagyang umakyat po ang ating inflation rate. Pero hindi naman po nakakabahala iyan, dahil 2% po iyan.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla of Business Mirror: May official request na po kaya si Presidente Duterte for Congress to hold a special session, if yes, kailan po kaya ito gaganapin?

SEC. ROQUE: [static]… and I will find out tonight when I meet with the President.

USEC. IGNACIO: From Sam: Kailan po mag-start ng pag-hire ng additional 50,000 contact tracer ang DILG at magkano po ang budget para dito?

SEC. ROQUE: [unclear] pa rin po, July. Nasabi ko na po iyong budget pero let me get right on Thursday, pero nasabi ko na po iyong budget, pero minimum 50,000 additional contact tracers this month.

USEC. IGNACIO: Huling tanong ni Sam Medenilla: May appeal po ba ang IBON Foundation for the government to realign some of the funds for Build, Build, Build Projects for the government’s Social Amelioration Program o SAP? Mayroon na po bang BBB Projects ang hindi itutuloy o na-defer ang construction because of COVID-19?

SEC. ROQUE: Ang huling balita ko po kay Sec. Vince Dizon, tuloy naman po ang BBB. Kung mayroon pong mga pagbabago sa plano, it is a matter or reprioritization o iyong tinatawag nilang for future release. So, tuloy naman po iyan, subject to reprioritization and for future release.

Punta tayo kay Trish Terada. Sorry, Maricel ha, palagi ko kayong—para kayong magkapatid kasi ni Pia kaya palagi akong nako-confuse kayong dalawa but sorry. That was Maricel Halili kanina and now it’s Trish Terada of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi, Secretary! Good afternoon po! Sir, as early as now dahil po doon sa nakikitang pagtaas ng mga kaso, mayroon po bang (garbled) o nag-e-express ng takot (garbled).

SEC. ROQUE: Well, medyo choppy ka ‘no pero parang ang tanong mo ay dapat bang matakot sa increase ng numero?

Well, ang sagot ko po, hindi naman po dahil unang-una, nakikita po natin an overwhelming majority of the cases involve mild or asymptomatics at ang ating kapasidad napakalaki pa po na magbigay ng medical care, 72% pa po ang available natin na bed occupancy pero karamihan po ng mild at asymptomatic hindi na po kinakailangan i-ospital. So, hindi naman po dapat ikabahala iyan; pero dapat pa rin magpursige – social distancing; wearing of mask; and paghuhugas ng kamay.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, sorry, my line was quite (garbled). Mayroon pong mangilan-ngilan na nananakot o nag-e-express ho ng takot na dahil doon sa iba’t-ibang information na kumakalat na baka daw po bumalik tayo sa ECQ (garbled) sa mga nagpapakalat (garbled).

SEC. ROQUE: Well, ang masasabi ko diyan is established po ang ating criteria pagdating sa mga classification. Case doubling rate ngayon po plateau ho tayo at 7 and critical care capacity; pero ngayon po, tingnan ninyo po, 72% ang hospital bed availability natin.

So, kung nagpa-plateau naman po ang ating case doubling rate na 7-day stable siya at marami po tayong critical care capacity, kaya nating gamutin. Hindi naman po dapat tayo bumalik sa mas istrikto pang quarantine dahil dumating na po talaga tayo sa punto na kinakailangan na nating maghanapbuhay lahat.

So, sabi ko nga po—

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, on another—

SEC. ROQUE: Yes po, go ahead. Another?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Another topic po. (garbled) ask for Malacañang (garbled) sa pagkakapatay and pagkaka-rape nitong fifteen years old na babae sa Ilocos Sur involving two policemen. Nationally, sir, it sparked outrage, maraming nagagalit (garbled) to express concern (garbled) mga policemen and I think sir, what’s also quite bothering is aside from dito sa dalawang policemen na nang-rape, hindi po sila nabigyan ng karampatang tulong when they sought help from the police. Sir, ito po bang kaso na ito alarming po ba siya (garbled) nitong mga nakaraang araw considering, sir, na nasabi nga po sir, nababanggit na mas mataas ang suweldo nila ngayon or is this just a case of bad apples po?

SEC. ROQUE: Well, I think, unang-una, hayaan muna nating imbestigahan ang pagpatay na ito ng NBI. Kapag pulis po ang akusado, NBI po ang nag-iimbestiga para patas po ang imbestigasyon, so, huwag po kayong mag-alala.

Nagsimula na po ang imbestigasyon and I will personally communicate with the OIC NBI Director Distor for the details of their investigation pero as you can imagine habang nag-iimbestiga po, wala po munang detalye na pupuwedeng mailabas hanggang masampahan po ng kaso ang mga akusado.

So, ang tingin ko naman po, marangal po ang PNP by and large, sila po ay propesyunal. Siyempre po, sa dami ng mga pulis sa kanilang hanay siguro po may ilan diyan na bad apple kagaya ng sinabi mo pero hintayin po muna natin ang resulta ng imbestigasyon ng NBI.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Back to USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, iyong tanong po ni Tuesday Niu ay natanong na po ni Triciah ng CNN. Ito na lang pong tanong ni Vanz Fernandez: With Presidential Spokesman Harry Roque stating we cannot afford another lockdown, does this mean the IATF is no longer considering re-imposing lockdown restrictions once again if the situation called for it?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, hindi lang po ako nagsabi niyan, ang Presidente na po ang nagsabi niyan. Ilang beses na pong sinabi ng Presidente iyan, we cannot afford a second wave kaya nga po pinag-iingat natin ang lahat.

Now, hangga’t maaari po, ang nais nating gawin ngayon ay buksan ang ekonomiya dahil kinakailangan na po talaga ng hanapbuhay ng lahat. At mayroon naman po tayong mga natutunang pamamaraan na habang wala pa pong bakuna eh pupuwede natin kumbaga mabuhay amidst the threat of COVID-19 – minimum health standards; pagbigay ng proteksiyon sa mga vulnerable; at iyong pagpapaigting po ng ating testing, tracing and treatment.

Okay. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon! Sir, iyong muna sa ano… iyong non-essential travel abroad, when is this going to start? And papaano iyan sir, kasama ba diyan iyong mga nurses who have pending contracts abroad?

SEC. ROQUE: Hindi po, kasi hindi napa-process pa rin ng POEA ang mga papeles ng mga nurses intending to work abroad. So, that’s the answer po. When is it effective? Well, it will be published in the Official Gazette and there will be fifteen days after which it becomes effective.

JOSEPH MORONG/GMA 7: So, this should be around August?

SEC. ROQUE: Yes.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Anyway, iyong sa COVID issue. You said nag-plateau tayo nang seven day doubling rate but we had in the past two days 2,000 cases and 2,000 cases. Where do you attribute this and remember I have a question about the profile of these new infections? Do we have that idea, sir? And also sa bed capacity, 72%. Are you including all the beds in the hospitals or just referring to the 30% allotment in any hospitals?

SEC. ROQUE: Well, malinaw po iyong ating graph na ipinakita kanina, mayroon pong 30% allotted for COVID, so iyon po ang ating ipinakita, iyong suma total ng allotted beds for COVID at malaki pa po ang available na mga beds.

Secondly, pagdating doon sa mga datos. Well, alam ninyo naman po ang datos, mayroong fresh, mayroong delayed, so kasama po diyan ang fresh at ang delayed. So nandiyan din po iyong mga bagong kaso diyan sa mataas na 2,000 na na-delay po dahil nga po sa verification na ginagawa ng Epidemiological Bureau; bagama’t halos maliit lang po ang delay galing po sa mga laboratoryo.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, sa SONA, what is the inclination of the President, does he want to physically go to the House of the Representatives with a minimum number of audience? Ano po iyong mga so far na ilalatag na natin na mga plano?

SEC. ROQUE: Dalawa lang naman po iyong pinagpipilian nga: Pupunta sa Kongreso na kaunti lang ang mga kongresista at senador na present or galing na lang sa Malago via online. Pero kung makikita ninyo po, pati ang ASEAN Summit ngayon online na tapos iyong mga pagpre-present ng credentials ng mga ambassadors online na rin. So, either way it does not matter, ang importante lang naman, mag-ulat sa Kongreso and the Constitution does not require from where he will make the report.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Would you say sir na ang inclination natin is online na lang so far?

SEC. ROQUE: Well, I will say that’s a safe fallback position.

Okay? Thank you very much, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, just one last? Can I have one last, sir?

SEC. ROQUE: Okay.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, iyon pong magbubukas tayo ng capacity sa GCQ, 30 to 50%. This is—we’re doing this in the face of increasing number of cases. Papaano sir iyon natin ire-reconcile?

SEC. ROQUE: Well, nasagot ko na po iyan kanina. The cases, puwede pong dumami sila pero habang pinoprotektahan natin ang mga vulnerable; habang lahat po tayo nag-o-observe ng minimum health standards at habang pinalalawak po natin ang T3 natin eh kakayanin po nating mabuhay amidst COVID-19. Iyan po ngayon ang dapat nating gawin.

Some will say kinakailangan nating sayawan ang COVID-19. Kasi sa Pilipino, when you have to live with something, sayawan mo na lang pero… iyan po ang gagawin natin. Sasayawan po natin, we have to deal with COVID-19; we have to resume with our economy; and at the same time, protect our people.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much! Thank you, Joseph. Back to USec. Rocky

USEC. IGNACIO: Secretary, from Jopel Pelenio of DWIZ: Maliban po sa ibinigay na subsidy ng pamahalaan, humiling din po ang mga contractual na health workers sa Cebu na baka puwede daw po silang mabigyan ng pagkakataong ma-regular. Posible po bang pagbigyan ang hiling nilang regularization lalo na’t buhay po nila ang nakataya araw-araw?

SEC. ROQUE: I take it ang sinasabi ninyo po eh mga government; kasi kapag private naman po iyan, desisyon po iyan ng mga pribadong ospital kung magbibigay sila ng regular position.

Sa government po they would need to pass a law either in the Budget Bill or a separate law for it to create more plantilla positions sa Cebu. Pero I’m sure po, ang mga kongresista na taga-Cebu already know this and they know what to do kung kinakailangan magbukas ng additional plantilla for nurses.

USEC. IGNACIO: From Louell Requilman of Banat Pilipinas News: Reaksiyon po ng Palasyo sa tanong ni Congresswoman Bernadette Herrera-Dy na maaaring kumita na sa bangko ng interest na aabot sa 160 million pesos ang pondo ng SAP na nakadeposito sa loob ng dalawang buwan na. Ito po ay nagkakahalaga ng 100 million pesos, if kumita po ito ng ganoon kalaki, she is suggesting na puwede po bang idagdag na tulong at ayuda that could benefit another 20,000 beneficiaries?

SEC. ROQUE: Thank you po sa suggestion ng aking matalik na kaibigang si Cong. BH ‘no. Pero ang totoo po niyan, alam naman ni Cong. BH na kapag ang Kongreso ay nag-allot ng pondo, hindi physically binibigay ang pera sa line agencies to implement it – ang binibigay po ay notice of cash allotment. Ang pera po, nasa Treasury pa rin, so kung mayroon pong interest iyan, sa Treasury po iyan.

Now, sang-ayon po sa ating batas, lahat po ng kita ng Treasury ay pupunta po sa general fund at kinakailangan pa rin po ang Kongreso maglaan ng kinitang pondo for a specific purpose dahil nga po sa Saligang Batas, hindi pupuwedeng gastusin ang pondo ng bayan na walang batas po na binuo ng representante ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Louell: May 27 pa daw po inutos ng Palasyo sa pamamagitan ninyo as Spox ang distribution ng SAP almost 2 months after. Hindi pa rin daw po ganoon karami ang nabibigyan ng ayuda. Taliwas ito sa layunin ng Relief Agad app na mapabilis ang distribution at mukhang ito pa ang nagiging cause of delay sa distribution.

SEC. ROQUE: Ay naku, sa tingin ko po eh mas mabuti na tayo po ay gumamit ng teknolohiya ‘no. Ang balita ko po ngayon ay nakakatanggap na po sila ng mensahe sa mga cellphones nila. Mayroon po tayong larawan na ipapakita kung ano iyong mensahe na matatanggap ng beneficiaries ng second tranche ng SAP ‘no sa kanilang mga cellphone ‘no. Makakatanggap po sila ng mensahe kung nakapasok na iyong P8,000 sa kanilang designated bank account ‘no.

So kaunting pasensiya lang po at pagpapaumanhin po, pero tingin ko naman mas maganda na na ginamit natin ang teknolohiya. Malay natin sa mga susunod na mga buwan, sang-ayon sa ating stimulus package, baka kinakailangan na naman tayong magbigay ng ayuda sa taumbayan, eh mabuti nang nandito na itong teknolohiyang ito para magamit natin ‘no. So huwag po kayong mag-alala, mas mabilis naman po ang proseso kapag gumana na nga po iyong kanilang electronic transfers, pero paumanhin din po.

Thank you. Punta naman tayo kay Melo Acuña.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Magandang araw po, Secretary. Gaano na po kaligtas ang ating information communication technology facilities upang maiwasan ang potential ng hacking dahil nga sa dinadaan na rin natin sa mga ganitong paraan iyong ating pagbibigay ng amelioration sa ating mga kababayan?

SEC. ROQUE: Well, ginagamit po natin ang established companies na in the business of remittance. So inaasahan po natin na ang kanilang mga computer systems ay well protected otherwise po, sila mismo ang malulugi. Hindi po nagbuo ng bagong kumpanya ang gobyerno, ginagamit na po natin ang mga existing companies ‘no. So we trust po that being in the private sector, they will take steps to protect their computer systems.

Ito po ngayon sa screen, pina-flash po natin iyong matatanggap na mensahe galing po sa DSWD kung available na iyong ayuda nila. Ganiyan po iyong matatanggap nila at mayroon naman pong ilang nakatanggap na – pinaplantsa lang po nang husto – ganiyan po iyong mensaheng makukuha ninyo. Okay?

Yes po. Next question.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Mabuti po naman kung ganoon. May pahabol po ako, mayroon na po ba tayong impormasyon tungkol sa ginagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation sa barilan o pamamaril na naganap sa Jolo kamakailan?

SEC. ROQUE: Mayroon po, kumpleto po ang status report na pinararating ng NBI kay Presidente pero hindi pa po iyan pupuwedeng isiwalat dahil it’s an ongoing criminal investigation.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Opo. May pahabol sa akin, pinadala lang dito. Doon daw po sa mga OFWs na walang trabaho ngayon, ano raw pong imumungkahi ninyong hanapbuhay ang para sa kanila? Salamat po…

SEC. ROQUE: Mayroon pong pautang at livelihood program ang OWWA mismo, mayroon pong mga livelihood program at pautang din ang Department of Agriculture, ang Department of Trade and Industry at mayroon din po tayong mga micro finance livelihood entities na pupuwedeng magbigay po ng pondo para sa mga maliliit na negosyo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC: Okay, salamat po. Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat, Melo. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose ng Remate: Marami na pong naiinip na taga-National Capital Region na matanggap iyong second tranche na ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim po ng SAP. Mayorya po ang tanong ng mga ito kung may hihintayin pa ba sila sa second tranche na ayuda mula po sa gobyerno?

SEC. ROQUE: Pinaplantsa pa po, pero malapit na po iyan at dahil nga po electronic, 2 days tapos naman po lahat iyan. But I’ve answered the question, thank you po.

USEC. IGNACIO: Hinikayat po ng Evangelical Churches si Pangulong Duterte na suportahan ang franchise renewal ng ABS-CBN Corporation. Ang apela po nila kay Pangulong Duterte, ibigay nito ang kaniyang crucial support para sa renewal ng prangkisa ng media firm. Sinabi po ni PCEC National Director Bishop Noel Pantoja na naipakita naman daw po sa pagdinig ng Kongreso na legally [garbled] ABS-CBN sa [garbled]. Mapagbibigyan po kaya ng Pangulo ang apela na ito ng Philippine Council of Evangelical Churches?

SEC. ROQUE: Kasama ko po sa aking online bible study si Bishop Pantoja. So Bishop, siguro po i-address po natin ang appeal sa Kongreso kasi desisyon po iyan ng Kongreso. Ang Presidente naman po sinabi niya, the members of Congress can vote according to their conscience dahil siya po ay neutral.

USEC. IGNACIO: Iyong tanong po ni Virgil, natanong na rin po ng ibang kasamahan natin. Tanong po ni Catherine Valente ng Manila Times: More than 200 scientists from over 30 countries say there is evidence that coronavirus in smaller particles in the air can infect people. Sapat po ba ang ating health protocols and quarantine measures to further prevent the spread of the disease?

SEC. ROQUE: Kung airborne nga po siya at hindi pa naman binibigyan ng kumpirmasyon iyan ng WHO, iyong pagsusuot po ng mask, iyan po iyong pinakamahusay na preventive measure na pupuwede nating gawin. At siyempre po, patuloy naman tayong nagpaparami pa ng ating mga We Heal As One Centers para iyong mga malala at mga seryosong kaso lang po ang pupunta sa ospital.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya natanong na rin po kanina ng ating mga kasamahan.

Iyong third question niya: Another petition po was filed by BPO industry employees’ network before the Supreme Court urging Malacañang to conduct free mass testing, efficient contact tracing and isolation and effective treatment of positive cases. They say the effective and fast conduct of these 3Ts is crucial to keep workers and our community safe from COVID-19. What’s the Palace take on this?

SEC. ROQUE: Nakabili na po tayo ng 10 million PCR test kits, 250,000 RPT rapid test kits at mayroon na po tayong 800,000 na na-test sa ating bayan – so, 10 million plus 800 plus 2.5 that’s 11 million – that’s already equivalent to 10% of the population that we seek to test. Mas mataas na po iyan sa 2 to 3 percent na una nating ninais. So ang sagot ko po diyan, talaga naman pong pinalawak na natin iyong targeted testing natin to include 10% of our population.

USEC. IGNACIO: Iyong question po ni Kris Jose, nasagot ninyo rin po about Fabel Pineda, iyong 15-year old na allegedly pinatay at ni-rape ng pulis.

Iyong tanong po ni Arianne Merez ng ABS-CBN: Has the IATF discussed the guidelines on back riding or angkas? When will this be issued and what are the guidelines?

SEC. ROQUE: Well, in principle na-approve po iyan ng IATF, pero iyong guidelines i-issue po iyan ng DOTr at saka ng NTF. So ang napupusuan na po nila ay iyong disenyo po ni Gov. Yap, iyong paggamit po ng parang shield para maghiwalay po iyong driver at saka iyong kaangkas. Hintayin lang po natin ang guidelines, ang final guidelines po ng NTF at saka ng DOTr. But in principle po, basta mayroong ganoong shield na dinisenyo ni Gov. Yap, eh wala pong objection, pinaplantsa lang po iyong final guidelines.

USEC. IGNACIO: Iyong tanong po ni Arianne nasagot ninyo na rin, about hospital bed capacity.

Tanong po ni Rose Novenario from Hataw: Ano po ang reaksiyon ng Palasyo sa mga lumutang na personal na interes ng mga mambabatas kahapon sa ABS-CBN franchise hearing na tila dinidiktahan ang isang media outfit kung ano ang dapat ibalita na nagmumukhang hostage nila ang ABS-CBN na kapag hindi sumunod sa gusto nila ay hindi iri-renew ang kanilang franchise? Mas prayoridad po ba ng mga kaalyado ng Palasyo sa Kamara ang isyu ng ABS-CBN franchise kaysa magpasa ng batas para magkaroon ng resilient community-based healthcare system sa Pilipinas lalo na at panahon ng pandemya?

SEC. ROQUE: Sabi ko nga po neutral ang Presidente pagdating sa ABS-CBN franchise, respetuhin na lang po natin ang kapangyarihan ng Mababang Kapulungan dahil sa kanila po talaga dapat magsimula ang panukalang batas na magri-renew ng franchise ang ABS-CBN.

USEC. IGNACIO: Last question Secretary, from Angel Ronquillo of DZXL: Hindi po ba napaghandaan ang MRT3 operations? Bakit may mga tauhan silang nagpositibo sa COVID-19? Hindi po ba dapat isinailalim muna sila sa RT-PCR test bago nagbalik-operasyon para sana daw po naiwasan ang ganitong aberya at paano ang sistema ngayon ng contact tracing lalo na’t labing isa sa mga nagpositibo ay ticket sellers?

SEC. ROQUE: Well unang-una po, iyong guidelines naman po natin noong nagbukas po ang MRT ay hindi naman po niri-require. Alam ninyo naman po iyan – ang COVID testing as a pre-requisite para sa pagbabalik-trabaho. Pero noong pumutok nga po na may mga nagkasakit, minabuti na po talaga na testingin lahat iyong mga empleyado.

Now, inaasahan naman po natin na kung kayo po ay sumakay ng MRT, siguro kami na po ang nananawagan – kung pupuwede po, kung kayo po ay nagkaroon ng physical contact doon sa mga nagbebenta ng ticket, although mayroon naman tayong polisiya na dapat no cash at minimum contact, pero kung kayo po ay somehow nagkaroon ng contact, eh kayo na po ang mag-quarantine ‘no dahil hindi na po natin malalaman kung sino kayo.

Kung kayo po ay mayroong sintomas, puwede naman po kayong magpa-PCR test dahil kasama naman po iyan sa guidelines ng DOH, iyong sintomas at saka kung kayo ay nagkaroon ng exposure, babayaran naman po iyan ng PhilHealth.

That was the last question, so maraming salamat Usec. Rocky. Maraming, maraming salamat sa lahat ng miyembro ng Malacañang Press Corps. Ang next press briefing po will be from the City of Davao, so sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng kaniyang mensahe sa taumbayan mamayang gabi, ako po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Philippines, let’s keep safe.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)