SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pilipinas. Alam ninyo po, COVID or no COVID, tuloy po ang ating katungkulan na magparating sa inyo ng impormasyon sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa inyong mga buhay bilang mga Pilipino.
Sarado po ang NEB siyam na araw na po, at iyong aming karatig-opisina po ay sarado pa rin. Pero kami po ay nagpupumilit na mabigay pa rin ng impormasyon sa inyo dahil COVID nga o no COVID, kinakailangan tuloy po ang trabaho sa ating gobyerno.
Simulan po natin sa pagbibigay ng mga puntos na nasabi po ng ating Pangulo kahapon po noong State of the Nation Address.
Binanggit po ng Presidente iyong kaniyang mga nagawa sa nakalipas na apat na taon, kasama po dito ang 4.3 milyong pamilya na nabigyan ng tulong sa ating 4Ps; iyong libreng tertiary education sa state universities and colleges; ang Universal Health Care; ang Pantawid Pasada Program; ang Malasakit Centers na mayroon na pong pitumpu’t lima sa buong bansa; ang matagumpay na hosting ng Southeast Asian Games; ang pagsasabatas ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act; ang extension ng validity ng passport at driver’s licenses; ang BBB+ at A- na credit rating na nagpapakita ng tiwala ng international community sa ating kakayahan; ang pagsama sa diversity at inclusion program bilang programa ng national government; ang pagprotekta sa karapatan ng mga bata through Executive Order #42; ang laban sa iligal na droga, kriminalidad, insurgency at korapsyon bilang bahagi ng human rights violation; at ang mga proyekto ng Build, Build, Build.
Ito naman po ang hiningi ng ating Presidente sa Kongreso bilang mga priority acts or administration bills: Ang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers; ang pagbuhay sa death penalty by lethal injection para po sa mga krimen na nasa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act; ang pagpasa ng National Housing Development Bill at Rental Housing Subsidy Bill; ang pagpasa sa Unified Systems of Separation, Retirement and Pension of the Military and Uniformed Personnel; ang pagpasa sa BFP and BI modernization; ang pagpasa sa Coconut Farmer’s Trust Fund; ang pagpasa sa Rural, Agricultural and Fishery Development Financing Systems Act; ang pagpasa ng Land Use Act; ang pagkakaroon ng Boracay Island Development Authority; at ang pag-amyenda ng RA 10912 o ang Continuing Professional Development Act of 2016.
Tungkol naman po sa usaping COVID-19 sa SONA, nagpasalamat si Presidente sa mga taong may kinalaman para magkaroon ng steady supply ng pagkain at utilities at provision of basic services. Kinilala rin po ng ating Presidente ang mga health workers, mga sundalo at pulis na patuloy na nangangalaga sa kalusugan at seguridad ng bansa – salamat po, mga frontliners!
Ipinag-utos din po ng Presidente ang hiring ng healthcare workers lalo na sa mga malalayo at hindi maabot na lugar.
Now, binanggit po ng Presidente ang Executive Order #104 na nagpapababa ng presyo ng gamot; at Executive Order #114 – ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program na nakatulong sa ating mga kababayan sa panahon ng COVID-19.
Inilatag din po ng Pangulo ang kaniyang plano sa panahon ng pandemya. Una rito, ang hiniling niya sa Kongreso na pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Act Part II; at ang pagpasa ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises or CREATE Act. Kasama ito sa Philippine Program for Recovery with Equity and Solidarity o ‘PH-PROGRESO,’ the proposed stimulus package for our economic recovery.
Inatasan po ng Presidente ang TESDA para sa re-tooling ng ating mga OFWs, ang CHEd para sa scholarships ng dependents ng OFWs; at DA at DTI para magkaroon ng agri-entrepreneur programs para sa mga displaced OFWs. The President likewise directed po the Landbank to continue providing low interest loans to OFWs.
Nanawagan ang Presidente na tulungan ang ating MSMEs to recover sa pagbibigay ng grace period sa kanilang mga renta. At sa mga nagpapaupa, pairalin sana po sang-ayon sa ating Presidente, ang malasakit at bayanihan.
Tangkilikin ang sariling atin, ito rin po ang mensahe ng ating Presidente para muling sumigla ang ekonomiya. Buy local and travel local when necessary protocols are in place.
Binanggit din po ni Presidente ang blended learning at ang pagpapataas ng bilang ng mga paaralan na mayroon pong ICT equipment. Kaugnay nito, inatasan niya ang ilang miyembro ng kaniyang Gabinete na magkaroon ng isang integrated program sa paggamit ng frequencies.
Panghuli, nananawagan po ang Presidente sa ating telecoms na pagbutihin ang kanilang serbisyo sa publiko bago matapos ang taon.
Humihingi po ako ng paumanhin sa aking mga kasama sa Gabinete, dapat po mayroon tayong apat na kasama ngayon ‘no. Pero iri-reschedule na lang po natin dahil alam ninyo naman sa panahon ng COVID, kinakailangang sayawan ng COVID, nagkaroon po tayo ng problema at hindi tayo pupuwedeng mag-link up ngayon. Pero gayun pa man, tuloy pa rin po ang press briefing. So ito po ay isang malaking accomplishment po sa kabila ng COVID-19.
Nagpapasalamat po kami kay Secretary Karl Chua, Secretary Wendel Avisado, Secretary Fortunato Dela Peña at Secretary William Dar na dapat sana ay kasama natin ngayon. Pero dahil nga po hindi natin kakayanin na magkaroon ng technical link up at delayed na nga po ang broadcast natin, paumanhin po at sa susunod na araw na lang po – possibly sa Thursday po – kung bumalik na po ang RTVM.
Now, nagpapasalamat din po tayo sa apat na czars na dapat ay kasama natin ngayon ‘no, kasama rin po ang ating Task Force COVID-19 Chair na si Secretary Galvez at dapat kasama rin po ang ating Testing Czar, Secretary Dizon; ang ating Isolation Czar, Secretary Villar; ang ating Tracing Czar, Mayor Benjie Magalong; at si ating Treatment Czar, si Health Undersecretary Vega ‘no. Sa susunod na lang po tayo siguro magkakasama muli, pero patuloy po ang ating press briefing.
Pumunta po tayo sa sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas. As of today po, mayroon tayong 53,649 na aktibong mga kaso ng COVID. Ang mabuting balita naman po, 90% po ng mga kasong ito ay mild ‘no; 9.1% po ay asymptomatic; 0.5 lang po ang severe at 0.4 lang po ang kritikal.
At isa pang mabuting balita po, patuloy naman po ang numero ng mga gumagaling; ang total reported recoveries na po natin ay 26,446. Samantala, mayroon pong karagdagan na labing-anim na nasawi po ang buhay dahil sa virus; ang suma-total na pong namatay dahil sa virus ay 1,945. Nakikiramay po kami sa kanilang mga pamilya.
Now, makikita po natin—again, paumanhin po kasi hindi namin ma-show ang mga graphs ‘no. Pero mayroon po kaming graphs, ipapakita po siguro namin sa Thursday, na bagama’t tumataas po ang kaso ng mga bagong nagkakasakit ay iyong suma-total naman po sa nakalipas na dalawang linggo ay nagpapakita na parang nagpa-plateau po ang mga bagong kaso, at least, dito sa nakalipas na dalawang linggo.
Nawala po ang ating audio, oo. Now, nanatiling mababa naman po ang global average, ang case fatality rate or CFR ng Pilipinas. Makikita ninyo po—well, hindi ninyo po makikita, pero mula po 2.9% noong July 14, bumaba po ang ating CFR or case fatality rate sa 2.37% kumpara po sa 4% global average.
Makikita rin po natin ang total tests na kinondak [conducted] natin ngayon ‘no. Well, hindi po makikita, pero mahigit 1.3 million na po ang tests na nagawa po natin. Ito po ay actual tests ‘no kaya nga po talaga namang tumaas din ang numero ng mga may COVID dahil nahanap na po natin sila at ina-isolate po natin at nagkakaroon tayo ng contact tracing at ipapagamot po natin sila.
Now, ang case doubling rate po – iyong pagkalat po ng sakit – sa buong Pilipinas po, ito po ay 8.6 days. Ibig sabihin, nadodoble siya ng 8.6 days; at sa NCR – mabuting balita po ito – naging 8.9 days. Pagdating po sa case doubling, mas mataas ay mas mabuti.
Okay. Pagdating naman po sa ICU bed capacity—naku, wala po sa akin iyong graphs, pero inaabot na po sa akin. Back tayo to the age of printed documents. Ang ICU bed capacity po natin, ang mabuting balita, umakyat po siya pero bahagya lamang – from 71% noong nakalipas na dalawang linggo, ito po ay umakyat sa 73% lamang.
Okay, so iyan po ang ating COVID report. Siguro pumunta na tayo po sa ating open forum. Unfortunately, wala po tayong Skype so lahat po kayo na miyembro ng Malacañang Press Corps, kinakailangan ipadala po ang inyong mga questions kay Usec. Rocky.
Muli po, nagpapasalamat po kami sa ating testing czars, kasama po ang NTF Chief Implementer Secretary Galvez; ang ating Testing Czar, Vince Dizon; ang ating Isolation Czar, Secretary Villar; ang ating Tracing Czar, Mayor Magalong; at ang ating Treatment Czar, Usec. Vega. Pasensiya na po kayo, talagang ganito po kapag sinasayawan ang COVID-19.
So, maraming salamat din po sa PTV-4 kahit papaano natuloy po ang ating Press Briefing today at nagpapasalamat din po ako sa aking kaibigan, si Mareng Yao(?), dahil ang ginagamit po nating mga cameramen ay mga pribadong cameramen ng aking partner na si Mare Yao(?).
So tumuloy na po tayo sa ating open forum. COVID or no COVID, tuloy po ang ating palitan ng impormasyon.
So Usec. Rocky, ano po ang unang question natin at kanino galing?
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Ang tanong po ay mula kay Arianne Merez ng ABS-CBN. Ito po ang tanong niya: Please clarify the President’s remarks about face-to-face classes. Papayagan pa rin po ba ito sa January o maghihintay na lang muna ng bakuna?
SEC. ROQUE: Well, ang sabi po ng Presidente, kung mayroong vaccine at tingin naman niya sa Enero magkaka-vaccine na, baka naman po magkaroon po tayo ng face-to-face classes. Iyon po ang aking pagkakaintindi. Iyong pagpayag po niya noong nagkaroon ng pagpupulong kay Secretary Briones, pumayag po siya na January pero ang assumption po niya eh baka mayroon na pong vaccine by January.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Arianne: After the President’s SONA, will the Palace still insist that he is neutral on ABS-CBN’s franchise and why?
SEC. ROQUE: Neutral po siya doon sa botohan na nangyari sa Kongreso. Pero mayroon din po siya siguro mga personal na paninindigan at ipinarating naman niya iyan sa publiko. Pero hindi po siya nakialam sa botohan sa Kongreso.
USEC. IGNACIO: Ang third question niya: When can we expect the President to announce new community quarantine measures?
SEC. ROQUE: Well, bago po mag-August 1 ‘no. Bukas po—bukas ba o mamaya? Mamaya pala po ang aming pagpupulong para magbigay ng rekomendasyon ang DOH at matapos po iyan, magkakaroon ng consultations sa mga LGUs at siguro po sa mga mayor muli ng Metro Manila bago po ibigay ang final recommendations sa ating Presidente. As in the past po, before August 1 malalaman po natin ang mga bagong klasipikasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Questions from Genalyn Kabiling: Why is President Duterte convinced Senator Drilon had a hand in the alleged onerous Metro Manila water deals? Will the government run after ACCRA lawyers behind these contracts?
SEC. ROQUE: [off mic] … ang impormasyon siguro po ng Presidente, ang abogado ng dalawang concessionaires, noong pumasok sila sa kontratang ito ay ACCRA. Hindi naman po siguro hahabulin ang mga abogado dahil abogado lang sila. Pero ang punto ng Presidente, nais niyang malaman kung mayroon ngang papel na ginawa po si Senator Drilon dito sa pagpasok sa mga kontrata na alam niya at sigurado po ang Presidente na hindi po sa interes ng taumbayang Pilipino.
USEC. IGNACIO: What are the improvements or conditions that Smart and Globe should meet to prevent a government takeover by December? Why isn’t the government rushing the third telco (Dito) to start its operation as originally scheduled this month? The company has moved its target operations to March 2021.
SEC. ROQUE: Siguro po alam ninyo naman kung gaano talagang ka-miserable ang serbisyo. Ako po, hindi na ako halos gumagamit ng cellular, ang ginagamit ko po voice over internet, iyong Viber, iyong Facetime audio. Dahil halos talaga pong hindi na gumagana—hindi nagkakarinigan maski ikaw magkakoneksiyon sa cellular telephone. At tingin ko karanasan din po iyan ng Presidente kasi hindi naman pupuwede na ang service ay malakas lamang sa Malacañang. So iyon po ang punu at dulo kung bakit sinabi ng Presidente na iyong mga naghahawak ng certificate of public convenience ay dapat magbigay ng convenience sa publiko at hindi dapat nagpapahirap.
USEC. IGNACIO: Questions from Reina Tolentino of Manila Times: After the SONA, some said that wala pa rin daw pong malinaw na plano on fighting COVID-19 or that walang detailed recovery plan. Ano po ang response ng Palace dito?
SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan. Alam po natin na sa buong daigdig, ang ating panlaban sa COVID ay testing, isolation, tracing at treatment kaya nga po pinapaigting natin. Iyong 1.3 million po na na-test na natin, iyan po ang dahilan kung bakit nabawasan natin ang pagkalat o mababawasan ang pagkalat dahil matapos po nating malaman kung sino ang positibo, ina-isolate po natin sila at tinitingnan natin kung sino ang kanilang nakahalubilo para ma-isolate din. Pagkatapos po, ibubukod na nga natin sila sa publiko. Hindi na po natin ini-encourage ang home quarantine dahil alam natin na marami namang walang sariling kuwarto na may sariling banyo.
So ngayon po, mas marami na tayong mga We Heal As One Centers, mga isolation centers at ang sabi po ni testing czar Vince Dizon eh kumuha na nga po raw tayo ng 2,000 hotel rooms para gamitin bilang isolation units. So ngayon naka-isolate na po sila, pupuwede na natin silang pagalingin at makakatutok na ang ating mga ospital para pagalingin po iyong mga nagkasakit nang malubha o kritikal.
Now, pagdating naman po doon sa treatment, ang mabuting balita po, alam na po natin kung paano isalba ang buhay ng mga nagkakasakit. Alam na po natin na mayroong isang makina ‘no, iyong high pressure nasal equipment na mas mabuti daw po kaysa sa ventilators na gamitin kasi ito po ay nagbibigay na ng oxygen doon sa mga pasyente. At alam na rin natin na iyong Remdesivir, iyong Avigan ay nakakatulong din po sa mga nagkakasakit. So ginagamit na po iyan ng ating gobyerno, iyong makina po na sinabi ko, mayroon po tayong order for 200,000 of these machines kasi napatunayan na worldwide na tunay pong life-saving machines itong mga ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Questions from Joyce Balancio – sana po hindi ako nagkamali, Secretary, dahil bigla pong nagdatingan ang mga text ng ating mga kasamahan o Viber ng ating mga kasamahan.
Kay Genalyn Kabiling po ito: Apart from the cash grants already given, what is the government’s clear plan for the millions of displaced workers in the country and where will they get their livelihood?
SEC. ROQUE: Kasama po iyan doon sa Bayanihan II at saka doon sa Stimulus Package na isusulong natin sa Kongreso. At kahapon naman po, nangako iyong liderato ng Kongreso na within the month ‘no, or siguro itong darating na month ng Agosto, maisasabatas o maia-approve nila in third and final reading iyong Stimulus Package at saka iyong extension ng Bayanihan We Heal As One II.
USEC. IGNACIO: Questions from Joyce Balancio of ABS-CBN: Some lawmakers are saying that the President failed to detail the country’s strategic direction and recovery roadmap that everybody was expecting. Si Senator Hontiveros who said that there was no clear perspective on how we will respond to the health and economic crisis. Si Gabriela Representative Arlene Brosas, it appeared daw po ang recovery plan was for the big businesses, kasi ang gusto ng Pangulo ay tax incentives to corporation. Si Congressman Zarate naman daw po mentioned that the President’s long and winding speech was just full of rants and excuses to camouflage his administration’s failure to effectively and efficiently respond to crisis.
SEC. ROQUE: Well, kaniya-kaniyang pananaw po iyan at siyempre galing sa oposisyon, wala naman silang mabuting makikita doon sa sinabi ni Presidente. Pero alam ninyo po itong SONA, nagkaroon na po tayo ng Pre-SONA na tinatawag kung saan iyong ating mga economic managers po, dinitalye po iyong mga hakbang na gagawin natin para tayo po ay makabangon galing nga dito sa sigalot na dulot ng COVID-19.
Well unang-una po, uulitin ko lang ang ilang mga polisiya ‘no. Gagamitin po natin ang public funds ‘no para mag-stimulate ng economy, patuloy po ang ating BBB, patuloy po tayong magbibigay ng ayuda, patuloy po tayong magbibigay ng mga loan guarantees at patuloy po tayong magbibigay ng mga pautang sa mga negosyo dahil alam natin na kapag gumastos ang gobyerno, eh ito po ay iikot sa ekonomiya at magkakaroon po ng mga bagong hanapbuhay iyong ating mga kababayan.
Bukod po doon sa paggamit ng ating pantaunang budget ay ginagamit din po natin iyong monetary policy, pinabababa po natin ang interest rate nang sa ganoon ay makautang nang mura ang ating mga kababayan para sila po ay makapagsimula ng kaniya-kaniyang mga negosyo.
At bukod pa po diyan pinalawak po natin, dinagdagan po natin iyong salapi na nasa ating ekonomiya, trilyones na nga po ang pinump-in ng ating Monetary Board para dito dahil alam po natin na kinakailangan ngang magkaroon po ng mas malawakang money supply ng sa ganoon po ma-stimulate ang ating ekonomiya. So ilan lang po iyan sa plano ng ating gobyerno. At sa sawing-palad nga po hindi natin narinig ngayon ang economic team. Kung nandito po si Secretary Chua, masasabi po niya talaga kung ano ang plano, pero siguro po sa Huwebes ay talagang uulitin natin at tatangkain natin na mag-broadcast muli; at si Secretary Avisado sana ang magsasabi kung paano niya gagamitin iyong national budget para nga tayo po ay makatayo muli, makabangon.
At si Science and Technology naman po, Secretary of Science and Technology, Secretary Dela Peña ay ididetalye sana niya kung paano makakatulong ang siyensiya at teknolohiya sa panahon ng pandemya. Hayaan po sa Huwebes po siguro makakasama na natin sila.
USEC. IGNACIO: Ang second question niya, Secretary: ABS-CBN released a statement yesterday offering the transmission network to broadcast educational programs all over the country; on top of that, they are allowing all the educational programs the network has produced over the past 20 years. Reaction daw po, sir?
SEC. ROQUE: Pero sa ngayon po dedesisyunan muna kung sino po ang gagamit ng mga frequencies dahil nabakante na nga po iyan, kinakailangan ipagamit po iyan gaya ng sinabi ng ating gobyerno. Pero kung gobyerno po ang gagamit, salamat po at baka naman pupuwedeng gamitin iyong transmission at iyong mga materyales ng ABS-CBN.
USEC. IGNACIO: Opo, ang susunod po niyang tanong ay: In his SONA, the President urged Congress to pass bills for the creation of new offices and departments, to name a few Department of Overseas Filipino Workers, Department of Disaster Resilience, Boracay Island Authority and National Disease Prevention Authority, sir, should this be prioritized? Kasi po creation of these new offices will entail daw po big funds, given that we are grappling with the pandemic and perhaps we need to focus our efforts and resources in battling COVID-19 and also our recovery. May pondo po ba na magagamit para sa creation ng mga ito?
SEC. ROQUE: Well, bukod po doon Boracay Development Authority. Iyong tatlong ahensiya po ay may kinalaman din naman sa COVID. Iyong Department of OFW sila po ang magkakaroon ng hurisdiksyon kung paanong pauuwiin iyong mga OFWs na nawalan ng trabaho at ano ang hanapbuhay ang maibibigay sa kanila pagkauwi nila.
Tapos iyong mga ibang departamento, iyong Resilience, naku alam naman po natin kung gaano kaimportante ang resilience, dahil ang COVID naman po, although it’s a disease, it affects also the country’s reliance at para nga pong sigalot na mas matindi pa sa pinakamalakas na bagyo itong danyos na dinulot ng COVID-19.
So lahat naman po iyong mga departamentong iyan, kahit papano mayroon po iyang kinalaman sa ating COVID response; at pati nga po iyong Boracay, kung tutuusin ay kinakailangan po magkaroon ng Boracay Development Authority ng sa ganoon makatulong po ang Boracay na mabuhay muli ang turismo, magkaroon muli ng hanapbuhay ang marami sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: Si Congressman Carlos Zarate mentioned the President’s remarks against ABS-CBN in his SONA speech confirmed that he is indeed not neutral about the network. Any thought, sir, paninindigan pa rin po ba natin na neutral ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Neutral po siya sa butohan sa Kongreso. Malinaw po iyang pina-anunsyo niya sa akin, ‘sabihin mo sa mga kakampi natin sa Kongreso, neutral ako, hindi ako magagalit sa kanila kung papabor sila sa ABS-CBN. Hindi ko naman sila bibigyan ng kahit anong special treatment kung sila ay tututol sa ABS-CBN.’ Bumoto kayo sang-ayon sa kanilang mga konsensiya at iyan po ang ginawa ng ating mga kongresista.
USEC. IGNACIO: Ang last question ni Joyce Balancio: Also, sir, you mentioned before that napatawad na niya ang water concessionaires and that he ordered to drop or filing cases, bakit po binabanatan sila ng Pangulo sa SONA?
SEC. ROQUE: Kinakailangan po kasi pumasok sila doon sa amended agreement. Hanggang ngayon po wala pa iyang ganyang kontrata. Ang sabi naman niya pinatawad na niya iyong mga may-ari niyan, wala na silang kulong, pero kinakailangan magkaroon pa rin ng panibagong kasunduan kung saan bibigyan ng katarungan ang sambayanang Pilipino.
USEC. IGNACIO: Question from Pia Rañada of Rappler: Why did President Duterte say improving Telcos will be his focus in his last two years? Does this mean, this is more of a priority to him than even the COVID pandemic which is a matter of life and death for all Filipinos.
SEC. ROQUE: Hindi lang po Telcos ang sinabi niyang maging prayoridad niya. Lahat po ng mga bagay-bagay makakabuti sa taumbayan, iyon po ang sinabi niyang maging prayoridad. Isa lang po diyan ang Telcos. Alam naman po natin kung gaano kaimportante ang kumonikasyon sa panahong ito, pati nga po internet, karapatang pantao na rin. So iyon pong ninanais ng Presidente, kumikita naman ang mga Telcos dapat mabuting serbisyo ang binibigay nila.
USEC. IGNACIO: Second question ni Pia Rañada: Who will decide if the Telco services are improved by December; what’s the criteria for this? Is Dito Telecommunity also subject to the same quality control or standards set by the President?
SEC. ROQUE: Marami pong mga batayan iyan at alam po ng NTC iyan, mayroon po iyong mga dropped calls, mayroon po iyong mga—kung malinaw nga ba iyong mga tawag, mayroon po silang mga measurement para diyan. At siyempre iyong sariling karanasan ni Presidente, dahil minsan talaga—ako talaga 80% of the time, voice over internet na po ang ginagamit ko. Ginagamit ko lang ang telepono para sabihing mag-facetime audio tayo. Talagang hindi na po tayo nagkakarinigan talaga kapag cellular ang ginagamit.
USEC. IGNACIO: From, Joseph Morong: President said haste makes waste, did we open up too soon and given that—are we tightening to MECQ, because President said when we opened up we had increased in cases?
SEC. ROQUE: Well, I think that is forgone conclusion as we open the economy, talagang dumadami po. Pero hindi lang naman po iyan ang dahilan. Tingin ko mas malaking dahilan iyong pinagigting nating testing capacity. Can you imagine po 1.3 million na ang na-test natin ngayon, eh ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas. Mayroon na tayong 92 or 94 na laboratories, samantalang dati iisa pa lamang.
So sa akin po, habang mas maigting ang ating testing, mas marami tayong positives na mahahanap, mas makakabuti po iyan dahil mai-isolate nga natin at magkakaroon tayo ng contract tracing doon sa mga positibo.
Wala pa pong desisyon, mamaya po iyong pagpupulong ng IATF, titingnan ang case doubling rate, nakita po ninyo sinabi ko kanina na ang case doubling rate, kasama po ang Metro Manila ay mas mataas pa nga 8.9. So it improved; dati po kasi 7 to 9, pero ngayon 8.9. Mas matagal pa ang case doubling rate ngayon sa Metro Manila compared to the rest of the world.
At kung gagamitin po ninyo ang guidelines ng IATF, kapag ganyan pong 8 days ang case doubling rate, GCQ po iyan ‘no; pero titingnan din natin iyong critical care capacity. Naiintindihan ko po – bagama’t hindi ninyo na nakita – na ang ating total hospital bed capacity – wala po, hindi po ninyo nakita ang graph, pero iyan po ay nasa 54%. Bagama’t ang ICU bed capacity po ay nasa dangerous level pa rin at 70%.
So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon, pero hindi po forgone conclusion na babalik tayo sa MECQ, dahil ang case doubling rate naman po ay hindi lumala, bumuti lang ng bahagya.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Joseph Morong: Can we have an update on the number of COVID cases in Malacañang, all officials such PCOO, RTVM, OPS and IHAO; and how are we making sure the President is still safe from COVID?
SEC. ROQUE: Alam naman po ninyo na talagang pinag-iingatan ng PSG ang Presidente, hindi po siya tumatanggap ng mga bisita, bagama’t iyon nga po once a week nakikipagpulong po siya sa piling mga miyembro ng IATF at ng kanyang Gabinete kung saan siya rin po ay nagtatalumpati sa taumbayan.
Pero I can assure you po, bilang isa doon sa regular na pumupunta kay Presidente, I am one of the most tested individuals using PCR at wala pong makakalapit kay Presidente ng wala pong rapid test.
So, lahat po kami na nakikipagkita sa kanya ng regular, regular din po ang PCR at required pa rin ang rapid testing.
Now, hindi ko po alam kung ilan talaga. Ito nga po ang problema namin ngayon sa aming broadcast, ang building po ng NEB ay isinara ng PCOO. Dahil karamihan po ng opisina dito ay PCOO, pero din po kami nag-o-opisina at kami naman po ay nagdesisyon na itutuloy ang aming trabaho dito sa Palasyo.
Medyo mahirap nga po, kasi ang RTVM karamihan daw sa kanila ay naka-isolation. Pero tuloy pa rin po, kumuha kami ng mga private cameraman at bagama’t this is far from being ideal at sorry po ulit sa aking mga kasama sa Gabinete na wala tayong capability para mag-live na linked up eh natuloy pa rin po ang ating press briefing.
So, iyan po talaga ang kuwento ng buong bayan sa panahon ng COVID. Nandiyan po si COVID habang walang bakuna, habang walang gamot pero kinakailangan ituloy po natin ang ating mga buhay. Sasayawan po natin itong sakit na ito.
USEC. IGNACIO: From Tina Mendez ng Philippine Star: PCOO-NEB on lockdown due to at least 21 COVID-19 cases. Ano po ba daw po ang DOH at Civil Service Commission guidelines sa pagpasok ng staff kapag may positive cases of COVID-19 sa workplace?
SEC. ROQUE: Well, kami po, wala po kaming kaso ng COVID sa Office of the Presidential Spokesperson. Ganoon pa man, kami po ay naka-50% workforce kada araw, so alternating po kami na pumapasok.
Itong building naman po, isinara ng nine days eh after five days patay na naman po iyong virus kaya nagpumilit kami na bumalik dito sa NEB kasi tingin ko ang mensahe na ipinararating natin na tayo po ay nagpre-press briefing dito sa NEB, hindi po tayo natatakot kay COVID-19. Mag-iingat po tayo pero ipagpapatuloy po natin ang hanapbuhay, ipagpapatuloy po natin ang ating mga katungkulan.
USEC. IGNACIO: From Triciah Terada of CNN Philippines: Malacañang has always said that it takes a neutral stance on the ABS-CBN franchise issue. But last night, sir, the President named the Lopez’s as oligarchs controlling the media. He says he was a casualty of the Lopezes in the 2016 election. Does this mean he hasn’t forgiven the Lopezes?
SEC. ROQUE: Ang sinabi po ni Presidente, napatawad na niya doon sa personal na sa tingin niyang nagawa sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Pero ganoon pa man, mayroon pa ring mga paninindigan ang Presidente: Hindi po siya nanghimasok sa botohan sa Kongreso; at habang dinidinig po ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN, hindi naman po siya umatake sa ABS-CBN. Nanahimik po siya at hinayaan niyang bumoto sang-ayon sa konsensiya ang mga Kongresista.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Triciah: Some analysts say they didn’t hear a concrete roadmap for recovery, instead the President spent time releasing tirades. What is Malacañang’s reaction to this?
SEC. ROQUE: Siguro po bingi sila pero nakita ko po iyon. Nandiyan po iyong Tax Reform Act, nandiyan po iyong Part 2 ng Bayanihan We Heal as One Act, at nandiyan po iyong stimulus package at nandiyan din po iyong pagpapasalamat ng Presidente sa IATF, sa ating frontliners, at lahat po ng nagbibigay ng pagkain sa siyudad habang mayroon po tayong COVId-19.
USEC. IGNACIO: From Francis Wakefield of Daily Tribune: From 1 to 10 with 10 as the highest, how will you rate PRRD’s State of the Nation Address yesterday? May kulang po ba siya sa sinabi niya or kuntento na kayo sa naging address niya?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po kasi bago na iyong format ng SONA natin, mayroon na tayong pre-SONA na tinatawag kung saan iyong mga detalye ay sinabi na ho ng mga Kalihim ng iba’t-ibang departamento.
So, ang kay Presidente lang po is talaga iyong direksyon at saka iyong broad strokes, hindi na po iyong mga detalye. Kaya nga po wala na tayong litanya ng mga figures na naririnig natin sa mga nakaraang SONA.
So, sa akin po, 9 out of 10 ang grado ng Presidente.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Is the President willing to sit down with executives of both Globe and Smart in case they ask for a meeting following the President’s threat na ishu-shutdown ang dalawang telecom companies?
SEC. ROQUE: Nandiyan naman po ang NTC, ang regulatory body para makausap nila at ang Presidente naman gumagamit din ng telepono, so kapag nag-improve, malalaman po niya. Pero, I don’t think it is without prejudice to meeting with them kung gusto nila pero ang importante, meeting or no meeting, pagbutihin ang serbisyo.
USEC. IGNACIO: Reaction daw po sa Palace after opposition senators reminded the President of the COVID-19 pandemic after the President delivered his SONA without the expected comprehensive plan to address the health crisis?
SEC. ROQUE: Well, ang sinabi po ng Pangulo ay pinasalamatan niya ang IATF. Ang IATF naman po employs the one-government approach kaya nga po ngayong post-SONA sana kasama natin iyong apat na czars para mas magbigay ng mas marami pang detalye. So, unfortunately because of technical glitches hindi po nangyari iyon pero sa mga susunod na araw.
Pero sinabi ko naman po kung anong gagawin natin: Mas paiigtingin pa natin ang testing, mas pagbubutihin natin ang tracing, mas magpapagawa pa tayo ng mas maramihan pang isolation kasi habang mas pinapaigting ang testing, mas maraming positive iyan at siyempre, sisiguraduhin natin na mayroon tayong makukuhang mga gamot.
Sa ngayon po, iyong makinang sinasabi ko at saka iyong Avigan at Remdesivir at siyempre po, iyong pag-uusap ng Presidente sa iba’t-ibang mga lider ng daigdig na bigyan ng prayoridad ang Pilipinas kapag nagkaroon po ng vaccine.
USEC. IGNACIO: From Vanz Fernandez/Police Files: Sen. Drilon said IATF failed. He quoted, one – the Health Secretary must be able to influence better the decisions of the IATF; second – the economic sector should have a strong voice. This problem involves two basic sectors: health and economy. The Secretaries of the DOH and DOF should lead the recovery program, unfortunately, there are so many issues raised against our Secretary of Health that his effectiveness to influence health policies is open to question and is questionable. Honestly, I don’t see the hand of Sec. Dominguez, I know his position about continued lockdowns being harmful to the economy, unfortunately, I don’t hear his voice very often in so far as the IATF decisions are concerned. Questions from Vanz Fernandez.
SEC. ROQUE: Unang-una po, talagang hindi po kami sumasang-ayon sa sinasabi ni Sen. Drilon dahil kung tayo po ay pumalpak ng kagaya ng sinasabi niya, nagkatotoo po sana iyong forecast ng UP na 3.5 million ngayon ang may sakit.
Sabi pa nga ng isang think tank, twenty million dapat ang mayroong sakit, ang tanong, mataas ang numero siguro ngayon dahil ano na… ilan na nga ba ngayon? Pero hindi po tayo umabot ng 3.5 million na finorecast ng UP.
So, hindi ho ba iyan pruweba na mayroon tayong mga hakbang na ginawa na tama naman po. Pangalawa, tapatan na po tayo, ihiwalay po natin ang IATF sa DOH, kung kayo ayaw ninyo ang DOH, ang DOH isa lang po iyan sa ahensiya na kabahagi ng IATF. Ang IATF po employs the whole-of-government approach. Hindi po iyan mga pulitiko, karamihan po diyan ay mga civil servants, iyong mga Usec, level, mga career.
Alam naman po nila ang ginagawa, dahilan kaya nga po hindi tayo pumalo sa 3.5 million na mayroong sakit – 82,040; fifty thousand plus ang active – mataas, of course, pero hindi po 3.5 million. Linawin lang po natin iyan. kung hindi po gumalaw nang tama ang Pangulo at ang IATF, 3.5 million po ngayon ang may sakit.
Pangalawa, hindi naman po dapat ikabahala nang tuluyan itong numerong ito. Bakit? Dahil kakaunti lang po ang nagkakasakit nang severe o nang acute, wala pa po talagang 10% ang nagkakasakit ng mild at acute. At bagamat 80,000 ang ating total nga na kaso – 80,000 more or less – ang death rate wala pa pong dalawang libo. So, 2% lang po mahigit kumulang ang ating case mortality rate.
Ano ba naman ang gusto ninyo pa? Alam ko po oposisyon kayo, pero sa panahon ng pandemya hindi po natin kinakailangan na pinupulitika. Nagpapasalamat po kami kay Sen. Drilon kasi bumoto naman siya sa We Heal as One Act, wala naman pong nag-object diyan. Pero siguro po kung mayroon siyang naiisip na iba pang pamamaraan eh iyan naman po trabaho talaga ng mga mambabatas – magbigay ng polisiya.
Tingnan po natin, ano pong suhestiyon ninyo sa pamamagitan ng panukalang batas. Pero kung mayroon naman pong magandang ideya, bukas po kami, wala po kaming hindi pinakikinggan. Lahat po pinakikinggan pati iyong mga kritiko at ikinokonsidera po sa decision-making process.
USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero: Now that the President himself claimed that he is casualty of the Lopezes family, does the Palace still maintain that the President is neutral about ABS-CBN franchise?
SEC. ROQUE: Hindi po nanghimasok ang Presidente sa botohan. And thank you very much, Usec. Rocky, pero kung mayroon pang ganiyang question… siguro po mga pitong beses ko ng nasagot iyan. Hindi po magbabago iyong sagot ko.
USEC. IGNACIO: My apologies, Secretary kasi nagdadatingan po ang mga tanong talaga nila na hindi ko na rin masyado—basta binabasa ko na lang po.
From Virgil Lopez: A newspaper report said that President Duterte will appoint former President Gloria Arroyo as NEDA Chief. Can you confirm this, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, anyway … Unang-una, iyong kumalat po at lahat naman ng kasama natin sa Malacañang Press Corps ay nag-text sa akin. Ang sabi iaanunsiyo daw kahapon sa SONA, hindi po nangyari. So, hayaan na po natin iyag issue na iyan. Dapat nga kasama natin ngayon si acting Sec. Chua kung hindi lang nagkaroon ng technical failure. So, anyway, wala po akong balita tungkol diyan sa bagay na iyan at kung mayroon man ay ipapaalam ko po sa sambayanan.
USEC. IGNACIO: Secretary, ihabol ko lang po iyong isa sa kadugtong na tanong ni Ace Romero about ABS-CBN franchise: Does this affirm the claims of critics that this administration is behind the worst retrenchment in the Philippine media industry? Your comment daw po.
SEC. ROQUE: Hindi po, kasi hindi naman bumoto ang Presidente doon sa franchise committee at hindi po siya nanghimasok, hindi po siya miyembro ng Kongreso.
USEC. IGNACIO: From Daryll Esguerra of Inquirer.net: Can we get more info on the 200,000 nasal cannula, magkano po ang na-set aside for this and kailan po expected dumating ang equipment?
SEC. ROQUE: Well, napag-usapan po iyan doon sa isang pulong na kasama nga ang ilang member ng IATF at kung saan po diniskas iyong mga epektibong gamot laban sa COVID-19. So ang sabi ng Presidente, hanapan ng pondo kung kinakailangan, nabanggit po iyong 200,000 na numero at ang mabuting balita po ay parang napakamura po niyan kung ikukumpara sa ating mga ventilators. So hahanap at hahanap po tayo ng pondo at ang sabi ng Presidente dapat marami tayong ganyang makina ng sa ganoon matulungan iyong mga malubhang nagkakasakit sa COVID.
USEC. IGNACIO: From Melo Acuña, kung may detalye na po ba ng pag-uusap ni Presidente Duterte and ni Chinese President Xi Jinping?
SEC. ROQUE: Wala po akong detalye, ang alam ko lang nag-usap sila, alam ko kung kailan sila nag-usap, pero dahil nga po panahon ng pandemic ay mahirap pong makalapit sa ating Presidente. Noong mga nakalipas na panahon po nakakasama pa tayo, pero ngayon talaga si Presidente lang po ang nakikipag-usap.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Melo Acuña: Naimbertaryo na po ba ang mga paaralang walang internet at water supply sa public schools nationwide?
SEC. ROQUE: Well una, Melo, hindi pa naman tayo tutuloy ng face to face. Maski naman po si Secretary Briones, ang sinabi niya kung magpi-face to face, Enero pa po. So hindi naman po relevant iyong imbentaryo pagdating ng Agosto, kasi sa Agosto blended learning pa rin po tayo.
USEC. IGNACIO: Question from Prince Golez of Abante Pulitiko. Although nabanggit na po ninyo ito, basahin ko na lang po: Bakit 9 out of 10 po ang rating ninyo sa SONA ni President Duterte, saan po nagkulang ang Pangulo?
SEC. ROQUE: Well, sa akin naman po, siguro iyong sa pagsulat ng speech, number one, mahaba, one hour and 40, eh mayroon na pong Pre SONA ‘no; at pangalawa po, siguro ano pa ba? Iyong mga quotable quotes, kung ako ang nagsulat diyan, mas marami akong ilalagay na quotable quotes sa simula at ending ng speech. Pasensiya na po kayo, pero noong estudyante kasi ako nagtrabaho rin ako as speech writer.
USEC. IGNACIO: Question from Triciah Terrada, CNN Philippines. Over the weekend daw po, we have seen photos of LSIs crammed inside the Rizal Memorial Stadium without social distancing. What can the IATF say about this?
SEC. ROQUE: Well, bulag naman ako kung sasabihin kong walang pagkakamali doon; mayroon pong pagkakamali doon. Dapat po iyon nagkaroon ng sistema na bagama’t maraming tao doon sa Rizal Memorial Coliseum, dapat siniguro po ang social distancing.
Pero intindihin na lang po natin iyong mga LSIs talagang atat na atat ng makauwi at iyong iba nawalan na ng pag-asa na makakauwi, tapos biglang nabuhayan ng loob kaya nagdagsaan po sila sa Rizal Memorial Coliseum.
Siguro po sa susunod kakausapin ko si Asec. Joy na siyang nagpapatupad nitong programang ito at siguro ang gagawin natin ay iyong mga Hatid Tulong, eh gawin na nating regional ng sa ganoon ay hindi magdagsaan lahat at magkaroon tayo ng social distancing habang nag-aantay ng bus na masasakyan ng mga LSIs.
USEC. IGNACIO: May dalawang tanong pa yata, Secretary. Pero sinisilip-silip ko rin baka nagpapahabol sila. Sir, may pahabol po si Ace Romero. Additional question daw po: Your previous briefings clearly state that the President was neutral about the franchise issue not the voting. ‘Di po ba contradicting ito?
SEC. ROQUE: Hindi po, kasi ang franchise is a decision to be made by Congress, wala po talagang hurisdiksyon, wala sa poder ng Presidente iyong magdesisyon kung bibigyan o hindi ng prangkisa ang ABS-CBN. Tanging Mababang Kapulungan po ang may ganyang kapangyarihan na magsimula po ng isang batas na nagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.
USEC. IGNACIO: Hopefully, Secretary, ito na po iyong last question natin. From Joseph Morong, ang tanong po niya sa inyo: May pasok daw po ba sa Friday dahil Eid’l Adha?
SEC. ROQUE: Kapag lumabas na po iyong declaration ‘no, pero antayin po natin ang declaration dahil Tuesday pa lang naman po.
USEC. IGNACIO: Iyon po ang ating mga nakuhang tanong, Secretary. Sana po ay wala tayong nakaligtaan o hindi nabasang mga tanong ng ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corp. Salamat po, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Maraming, maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky. At maraming salamat din sa mga miyembro ng Malacañang Press Corp. At gaya ng sinabi ko noong nakalipas ng linggo kung saan nag-broadcast tayo sa kapitbahay dito sa NEB, balik NEB na po tayo at bagama’t mayroong tayong technical glitch, tingin ko naman po nagpadala tayo ng mensahe na COVID or no COVID tuloy po ang paggana ng ating gobyerno.
Mabuhay po kayong lahat at sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte ito po ang inyong Spox Harry Roque magpapatuloy ng presscon hanggang sa huling hininga. Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)