SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Naku, balik Malacañang po kami. Narito na po kaming muli sa aming Press Briefing Room dito sa New Executive Building matapos po ang mahigit [signal cut].
Kasama po natin ngayon sa ating press briefing, walang iba po ang ating Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19 Secretary Galvez; at via online po, kasama rin po natin mamaya si Secretary Liling Briones ng Department of Education.
Umpisahan po natin ang ating press briefing sa Philippine government response to COVID-19 outbreak ‘no. Ito po ang ilan sa mga key points:
Una, habang ang iba ay nakatutok po sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nakakalimutan po sigurong bigyang-pansin ang nananatiling mababa ang ating mortality rate at ang mga severe at critical cases na nasa 1.2 to 1.3 percent lamang.
Pangalawa, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng test na naisagawa na po sa South East Asia. Sa katunayan ‘no, mas marami pa po tayong test na nagawa kaysa sa bansang South Korea at Japan. Now mula 17,414 tests noong Marso, umabot na po sa 1.7 million o halos 2 million tests na po ngayong Agosto.
Ang Metro Manila rin po, sa kaalaman ng lahat ang may pinakamataas na population density sa South East Asia. Problema po ito pagdating sa social distancing. Ang Metro Manila po ay may 21,000 people per square kilometer. Ang Jakarta na capital ng Indonesia ay mayroon lamang 14,000 people – halos kalahati – per square kilometer samantalang ang Bangkok na capital ng Thailand ay mayroon lamang 5,300 people per square kilometer.
Isa pong bagay ay ang Pilipinas po ang isa sa mga bansang may libu-libong umuuwing mamamayan o mga OFWs, galing po sila sa mga bansang may mga kaso ng COVID-19 ngunit nakababalik po sa ating bansa. At sabi nga po ni Presidente, lahat ng gustong umuwi, kinakailangan pauwiin.
On the basis of total cases per million population, ang Pilipinas ay mayroon lamang pong 1,272 infected per million at sa bilang na ito, 1.2% at 1.3% nga lang po ang severe at critical. At tulad ng sinabi ko sa aking briefing, hindi po nag-iisa ang Pilipinas sa nagkakaroon ng surge ng mga kaso ng COVID-19. Ayon nga po sa report ng Nikkei, 70% ng mga bansa sa buong planeta ang nakakaranas ng resurgence ng virus – that’s 120 countries po, hindi po tayo nag-iisa.
Bagaman nagkaroon ng surge, hindi po nag-exceed ang ating mga health capacity. Ibig sabihin, hindi po tayo nagkukulang ng mga bed capacity o iyong kakayahang magbigay ng medical attention sa mga nagkakasakit. Sa katunayan as of August 11, ayon sa case bulletin ng DOH sa buong bansa na 1,500 ICU beds, 55% lang po ang occupied at 45% pa po ang available. Sa 11,500 isolation beds naman po, 49% lamang po ang occupied at mayroon pa pong available na 51%. Sa mga 4,500 ward beds naman po, 51% ang occupied and 49% pa po ang available. At sa 2,100 ventilator units, 30% lang po ang ginagamit at 70% pa po ang available.
Ibig sabihin po, nahanda po talaga natin iyong ating hospital capacity noong tayo po’y nag-ECQ at MECQ at sa nakalipas na halos isang linggo o more than one week ay pinaghahandaan pa po rin natin iyan. Dahil pagdating po ng Agosto 17, eh mayroon nga pong 250 COVID dedicated beds na bubuksan diyan po sa East Avenue Medical Center.
Ang pinakapatunay na we are able to manage COVID-19 ay naiwasan nga po natin ang UP forecast ‘no na laging tumatama. We proved the UP forecast wrong nang in-estimate nilang magkakaroon tayo ng 1.3 million to 3.5 million na mga kaso sa katapusan ng Hunyo – hindi po nangyari iyon.
Kaya naman naniniwala ako na tulad ng ibang mga krisis na pinagdaanan ng ating bansa at tayo naman po ang pinakamaraming krisis na pinagdadaanan – bagyo, bulkan na sumasabog, lindol ‘no – eh malalampasan din po natin ang COVID-19. At dahil nga po sa numero ng calamities na dumadalaw sa atin taun-taon, sigurado po ako, we will rise sa one; we will heal as one as we’ve always done despite the many calamities that we faced as a nation.
Muli, mga kaibigan, hindi po kakayanin na gobyerno lang po ang gagalaw ‘no; kinakailangan ng suporta at kooperasyon ng pribadong sektor at kailangan po natin ang suporta ninyo. Nakakatuwa naman po talaga na sang-ayon sa survey, nagsusuot na po tayo ng face masks pero kinakailangan ilagay po natin sa tama – natatakpan po ang ilong at bibig, hindi po sa baba at itaas ng leeg. [Laughs]
Tungkol naman po sa Gamaleya vaccine ng Russia, ito po ang mahalagang pangyayari: Sa Setyembre magkakaroon ng review ng vaccine expert panel ng resulta ng clinical trials phase 1 and phase 2 na ginawa po sa Rusya. Mula Oktubre naman po hanggang Marso ng susunod na taon ay magkakaroon ng clinical trial phase 3, simultaneous po iyan sa Russia at sa Pilipinas. Sabay po itong gagawin nga po ‘no sa Russia.
Ang Russia po ang magpopondo ng clinical trial na gagawin dito po sa Pilipinas. Sa Abril, inaasahang marerehistro po ang bakuna ng Russia sa Food and Drug Administration at ibig sabihin po, sa Mayo a-uno 2021 pa lamang na pupuwedeng magpasaksak ng bakuna galing sa Russia ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Uulitin ko po: Inaasahan natin na pupuwedeng magpabakuna ang ating Presidente dito po sa Russian na bakuna sa Mayo a-uno 2021.
Well, masaya ko pa ring binabalita na bukas po ang Russia sa transfer technology para sa local manufacturing of the vaccine. Sa katunayan po, hinihikayat nila iyong iba’t ibang mga bansa na tumulong para mag-manufacture ng kanilang bakuna. Iyong aking target date po na May 1, ito po’y sang-ayon nga pala sa DOH at sa DOST po, Department of Science and Technology.
Isa pa pong mabuting balita ‘no, ang Confederation of Philippine Manufacturers of PPE ay naglalagak po ng 35 million US Dollars in investments para po made in the Philippines na ang PPE at ang ating mga masks. Ito po’y nagbigay ng trabaho sa hindi bababa sa 7,450 na mga manggagawa. Mayroon na po tayong 3 million pieces of PPE medical grade overalls at isolation gowns ang nagagawa kada buwan at mayroon na po tayong 57.6 million pieces of PPE medical grade N88, N95, KN95 surgical masks ang nagagawa kada buwan. Mayroon din po tayong PPE medical grade fabric, 20 tons of meltdown na pupuwedeng makapag-produce ng 20 million masks bawat araw.
Well mga kaibigan, it is with pride and pleasure that I show to you made in the Philippines surgical masks. Made in the Philippines po N88 surgical masks; made in the Philippines 3-ply face masks at made in the Philippines PPEs. Ang galing talaga ng Pilipinas po, sa sandaling panahon nakagawa po tayo ng kinakailangan natin para labanan itong COVID-19. Congratulations Philippines.
Now—well, gusto ko lang pong ipakita ngayon iyong ilang video na nagpapakita po kung saan ginagawa itong mga Philippine-made PPE at masks. Ito po ang planta nila, ang mga planta po nila ay nasa Cavite, Laguna at Clark. Ang nakikita po natin ay iyong mga kabahagi ng mga manggagawa, 7,950 na ang ginagawa na po ngayon ay mga PPEs at mga masks.
Now, nangyayari po ang sinabi ni Presidente sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address na ‘buy local’. Pinag-utos po ni PRRD sa Department of Budget and Management ang pagbigay prayoridad sa mga local PPE producers lalo na kung ang presyo ay competitive at ang standard ay high quality.
May ipalalabas po kaming video—well, naipalabas na po natin iyong video ‘no.
Balitang IATF naman po tayo ‘no. Una, hinati-hati ang mga miyembro ng IATF para magbigay ng ibayong paggabay at suporta sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at mga karatig probinsya kung saan mataas ang pagkalat ng COVID-19.
SEC. ROQUE: So, nagtalaga po ng isa o dalawang miyembro ng Gabinete para magbigay suporta po sa ating mga lokal na pamahalaan dito sa Metro Manila. Hindi ko na po babasahin iyan, pero ang assignment ko po ay Pasay dahil ako naman po ay lumaki sa Pasay.
Iyong mga malalaking lugar po, sa Quezon City, dalawa po ang natalaga – si Health Secretary Duque at si CabSec Nograles. Ang Maynila po, dalawa rin po ang nakatalaga sa Maynila. Si Anti-Red Tape Authority Belgica po ay na-assign po sa Manila at saka si Secretary Greg Honasan po ang naka-assign sa Manila.
Okay, sa mga karatig na probinsiya po, mayroon din po tayong in-assign na mga Cabinet members. Sa Bulacan, si Secretary Menardo Guevarra – taga-roon po siya; sa Cavite po, si Secretary Delfin Lorenzana; sa Laguna, Secretary Martin Andanar; at sa Rizal, si Secretary Al Cusi.
Okay, pangalawa po, balitang IATF: Tuloy na po ang Part 2 ng testing activities for the qualified assessment for foreign medical professionals na nakatakdang ganapin sa September 19, provided kung saan gagawin ang exam ay sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ or MGCQ. Kailangan din mag-observe ng strict health protocols during the exams.
Inindorso ng IATF din po ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na maglabas ng joint memorandum circular, kasama ang Department of Interior and Local Government, para sa pagbubuo ng local rice task force.
Okay, COVID-19 update naman po tayo. Mapunta po tayo sa worldwide cases ‘no: Mayroon na po tayong 20,550,481 kaso sa buong mundo. Nangunguna pa rin po ang Amerika, mayroon po silang 5,195,195 cases at ang mga namatay ay 165,975. Pangalawa po ang Brazil – 3,164,785; 104,201 po ang namatay. Pangatlo po ang India – 2,329,638; 4,691 po ang namatay. Pang-apat po ang Russia – 900,745 cases; 15,231 po ang namatay. At ang South Africa po ay ang panlima – 568,919 at 11,010 po ang namatay. Iyan po ay South Africa ‘no, panlima.
Sa Pilipinas po, mayroon po tayong suma total na mga kaso na 143,749 at mayroon na pong namatay na 2,404. Sa suma total na mga kaso, 72,348 po ang active cases natin. At sa numerong ito, karamihan po naman talaga ay asymptomatic at mild. Ang mild po ay 91.3%, ang asymptomatic ay 7.3% at tanging 0.6% lamang ang severe at 0.7% lang po ang kritikal. Ang recoveries po natin ay patuloy na tumataas, 68,997; and deaths po, kagaya ng aking nabanggit kanina, 2,404 – nakikiramay po kami sa mga namatayan.
Sa other matters, sa balitang lay-off nang mahigit isandaang empleyado ng LRT 1: Ipinag-utos na po ni Secretary Tugade sa PNR, LRTA and MRT 3 na kunin ang mga natanggal na qualified personnel ng LRT 1. Dagdag pa po ni Secretary Tugade na ipapasailalim niya sa swab testing ang mga taong ito.
Marami po tayong good news, ito pa po ang isa pa ‘no: Naka-online na po ang PAGIBIG Fund cash loan application. Hindi na lalampas ng dalawang araw ang pagpuproseso ng cash loan application kung ipinasa gamit ang online service platform.
Okay, diyan po nagtatapos ang ating mga balita. Kasama po natin ngayon, walang iba po kung hindi ang ating Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, Secretary Galvez. Sec., mahigit isang linggo na mula nang tayo ay nag-MECQ. Nasaan na po tayo doon sa mga nais nating makamit pagkatapos po ng dalawang linggo na MECQ? Secretary Galvez, the floor is yours.
SEC. GALVEZ: Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19, magandang tanghali po sa inyong lahat.
Mahigit na isang linggo na po matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at ang mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ang pamahalaan ay nagsagawa po ng maraming mga programa at pag-visit sa ating mga LGUs nang mga nakaraang linggo para po mapaigting ang ating istratehiya sa ating prevention, isolation, treatment at saka po iyong testing.
Under po sa prevention, officially, we have launched the initial distribution of the 30 million facemasks for the general public as promised by our President. Yesterday, DOH Secretary Francisco Duque at saka iyong member po ng ating IATF at saka NTF ay nagsagawa po ng ceremonial distribution of reusable, washable facemasks sa Barangay San Roque, Antipolo City which signals the launching the government’s community distribution of facemasks in key provinces in the country. Napag-usapan po namin ng ating mahal na Presidente, ang bibigyan po natin nito ay ang mga tinatawag na poor of the poorest, more or less, 20 million to 30 million po.
At nagsagawa rin po tayo ng series of orientation sa mga LGUs about iyong tinatawag nating LGU tool kits. We explained the zoning and the containment strategy under the second phase of the National Action Plan against COVID-19. Ito po ang ginagawa po natin para maiwasan po natin ang malaking collateral sa ating economy kapag nagkaroon po tayo ng tinatawag nating masyadong mataas na lockdown or iyong tinatawag nating regional lockdown at saka iyong provincial lockdown. So ang gagawin po natin dito ay magkakaroon lang tayo ng tinatawag na surgical, granular lockdown sa mga barangay at saka sa mga karatig-pook.
We also continue the aggressive communication campaign to ensure the strict implementation of the minimum health standard down to the community level, in the public and the private establishment. Nakita po namin sa lahat po ng ating pag-study, karamihan po ng naano po ngayon ay talagang nakita natin ang mga naano po sa ospital ay pami-pamilya na po. So nakita po natin na vice versa iyong galing po sa community papunta po sa kanilang trabaho, ma-infect po iyong mga kasamahan po nila sa workplace, at the same time, iyon naman sa workplace ay kinu-contaminate naman po iyong nasa community.
So iyon po ang ginagawa po natin. Just recently, DOTr and the DOLE have issued guidelines on the mandatory use of the face shields in public transportation and in the workplace. Kanina nga po ay nagkaroon po kami ng malawakang pagpupulong via Zoom ng mga taga-Laguna kasama po ang lahat ng mga mayors, si Governor Hernandez at saka lahat ng mga locators at business establishments at saka mga economic zones dito sa Laguna. At maganda po ang napagkayarian po namin na kailangang matibay ang koordinasyon at ang tinatawag nating partisipasyon ng lahat ng mga stakeholders, lalo na ang mga workers at ang mga tao sa komunidad.
Sa testing naman po, sa ating ginagawa po ngayon ay nagra-ramp-up po tayo ng testing. Ang nakikita po natin ngayon iyong ating mga Testing Czar at saka iyong ating testing at saka iyong ating Isolation Czar ay talaga pong gumagawa po sila ng mga maraming hakbang upang mapalaganap po natin ang massive at saka iyong targeted testing. Nagawa na po natin ito sa mga areas na Navotas at saka sa mga areas na affected ng COVID-19.
Sa contact tracing naman po, talagang si Mayor Magalong po ay pumupunta sa iba-ibang lugar – sa Region IV, NCR. At noong isang araw po, nagkasama po kami sa Region XI at nagbigay din po siya ng mga tinatawag nating mga tips at mga lessons learned sa Baguio City.
Sa isolation naman po ay inaayos naman namin po ang lahat ng mga ospital. Nagkakaroon tayo ng mga expansion lalo na po dito sa East Avenue. Nabisita naman po namin kahapon ang East Avenue Medical Center at nagkakaroon po sila ng expansion ng annex na 250-rooms na magiging COVID-dedicated po ito. Ito po ay i-inaugurate po natin this coming August 17.
Sa pag-ano rin po ng ating Sec. Vince Dizon at saka Sec. Mark Villar, nakipagtulungan po sila sa ating private sector, kay Mr. Razon at ngayon po ay ating itinatayo ang more than 500 isolation beds dito sa Nayong Pilipino. So, ito po ay matatapos—mayroong 300-beds ay matatapos more or less this coming third week or fourth week of August. Ini-expand na rin po natin ang ating Quirino Memorial Hospital, magkakaroon na rin po tayo ng mga mega-ER at additional ICU.
Kahapon po ay bumisita ako sa Philippine General Hospital at saka po doon sa Lung Center at ito pong East Avenue at saka po doon sa Tala, doon sa Caloocan. Ito po ay tinitingnan po natin kung ano pong mga pangangailangan ng mga kasamahan po natin sa mga ospital at ako’y natutuwa po, akala ko po ay pumunta po kami doon para ma-inspire po sila pero kami po ang na-inspire dahil talaga pong ang ating mga doktor at ang ating mga nurses ay talagang dedicated po talaga sila na masugpo ito pong COVID-19.
Kahit na po limang buwan na silang… talagang nakita natin na halos hindi po natutulog sa paglaban po sa COVID-19 ay ipinakita po ng ating mga doktor dito sa ating mga public hospitals ang kanilang katapangan at ang kanilang kagitingan para sa paglaban po na ito. At kami po ay natutuwa, we are very happy na nakita po namin na talagang maganda po ang ginagawa ng ating mga ospital para sa paglaban po sa COVID-19.
At iyon lang po at marami pong gagawin pa ang ating mga ano po natin at nagpapasalamat po kami kay Sec. Liling dahil pinayagan na po niya na magkaroon po tayo ng 50% na isolation facility. Malaki pong tulong po ito para po sa atin na iyong lahat ng mga LGUs ay puwede na pong gamitin ang ating mga eskuwelahan bilang isolation facilities – 50% po, sa lahat po.
Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Salamat, Sec. Galvez at salamat po kay Sec. Liling Briones din. Iyong singkuwenta porsiyento po ng lahat ng ospital sa Metro Manila na gagamiting isolation centers, iyan po I think is a game changer dahil habang pinapaigting po natin ang testing, kung mayroon tayong nadiskubreng 5,000 a day na positibo, kinakailangan natin ng lugar kung saan po sila ia-isolate dahil karamihan po sa kanila ay siguro walang sariling kuwarto at walang sariling banyo.
Sa ngayon, mayroon po tayong 50% ng lahat ng mga paaralan natin sa Metro Manila, hindi po bababa sa 80,000-bed capacity iyan for isolation; pero linawin po natin kay Sec. Briones kung ilan talaga ang pupuwedeng magamit.
So, ngayon naman po ay hayaan natin si Sec. Briones ang magsabi kung ilan kayang mga kuwarto iyan na ipinahiram ng DepEd para sa isolation facilities. At gaya ng ating pangako noong nakalipas nating press briefing, ipapakita na po natin, ide-demonstrate natin kung paano ipatutupad ang blended learning nitong pagbalik po ng pasukan sa August 24.
So, Sec. Liling Briones, the floor is yours. Joining us via Skype.
SEC. BRIONES: Good morning, Sec. Harry! Good morning, Sec. Galvez! Kino-confirm namin na nagkasundo na kami sa Department of Health, kay Sec. Galvez at saka ng IATF na 50% ng ating mga classrooms sa National Capital Region ay puwedeng gamitin as isolation centers as well as quarantine centers. This can translate to 17,910 classrooms; kung isama natin ang mga private schools na nandito rin sa NCR at kung papayag sila ay lalong lalaki itong numerong ito. We are now working out the numbers with the Department of Health para ma-correlate naman sa kanilang capacity dahil kung may quarantine centers, kailangan naman Sec. Harry na may magbabantay na galing sa Department of Health at saka magmo-monitor.
Going on to the opening of classes, tuloy pa rin! Tuloy na tuloy talaga on August 24 ang opening ng classes. Sa mga areas like NCR and Region IV-A na under close monitoring pa at hindi sila masyadong apektado dahil lahat ng mga classes natin ay online; walang face-to-face until next year and until the President so declares.
So, we have now, as of this morning, Sec. Harry, 23.2 million learners, so that would translate roughly to 46 million parents na handa na, pumapayag na sila na iyong kanilang anak ay papasok sa August 24. Na-surpass na natin iyong targets natin for 80% of last year’s enrollment at saka sa pagre-recover ng economy, we look forward na lalong lalaki ang enrollment sa mga private schools as well.
Mahalaga na mag-open ang ating mga private schools dahil marami tayong mga teachers sa private schools ngayon na walang trabaho kung wala man silang contract under no work no pay principle; so, ang importante ito. Now on the assignments of the various places na binibisita ng members ng IATF, pinili ko ang Pasig, Sec. Harry at saka Sec. Galvez, dahil very high performer ang Pasig City National High School.
Alam na ba natin, sinabi namin ulit-ulit na ang Pasig ay ang score nila sa Mathematics mas mataas pa kaysa average score ng OECD countries. Ito iyong mga donor countries sa Europe at saka Amerika, mataas ang Pasig. Kasama na diyan din ang Region VI o ang Iloilo kaya mahalaga sa amin na talagang i-continue itong record na ito. Mataas sila sa reading, mataas sila sa Science, mataas sila sa Math kaya may interest talaga ako sa Pasig.
At isa pa, ang local government ng Pasig ay very cooperative, nakiki-cooperate sila sa paggamit ng mga classrooms. Kapag sasabihin naming itong classroom na ito ay hindi puwede ay nagko-cooperate naman sila.
So, iyon ang balita. More than 500 simulations ang ginawa namin, tine-testing namin iyong blended education kung ito ay uubra ba at nakikita natin na ito ay uubra maski walang face-to-face at this time. So, iyan ang mga developments natin ngayon.
Ang mga teachers naman ay nag-u-undergo ng upskilling; ang mga bata naman, hinahanda na natin. Dini-distribute na iyong kagaya ng sa Navotas, iyong school in a box nilang mga materyales inihahanda na ng mga various regions. Talagang everyday may goal kami, ang target talaga is August 24. Lahat sabay-sabay pero iba’t-ibang paraan depende sa sitwasyon ng isang rehiyon.
So, maraming salamat, Sec. Harry, maraming salamat, Sec. Galvez sa inyong cooperation at saka pag-encourage sa amin sa Department at magbigay ng full support sa efforts natin na iyong kabataan ay hindi maiiwanan.
Also, alam naman natin na ayaw natin maiiwanan ang mga kabataan natin compared to the other Southeast Asian countries, sa ating mga karatig bansa. Kasi May pa nag-umpisa na ang Vietnam; June ang Singapore ay naghahanda na sila para sa national assessment exam. At this time, ang mga ibang bansa – Thailand, Indonesia, Malaysia, etc., July pa sila nagbukas. Hahabol tayo by August 24 at kaya nating habulin as shown by the Pasig City Science High School; as shown by Region VI in Iloilo.
20 na schools. Sec. Harry, ang scores nila PISA, sa global assessment, mas mataas pa kaysa sa OECD schools. Ito ang sinasabi namin dahil ang nakikita natin iyong ibang may problema pero actually we have first rate schools as well in the country.
So, maraming salamat and we’ll be happy to share with you the video in a barrio in San Pablo kung saan ipinapakita kung paano ginagawa ang blended education.
Thank you, Sec. Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Briones. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Ang unang magtatanong po, Maricel Halili of TV 5.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, just quick follow up on the Russian vaccine. You mentioned earlier na by May 2020 pa po pala puwedeng makapagpabakuna si President Duterte. So, does it mean that the people should not have high hopes to have a COVID-free Christmas on December, just like what Presidente Duterte mentioned during his last public address or does the President has other basis for saying that?
SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang natin na ito naman pong Gamaleya vaccine is only one. Marami na pong mga vaccine na nasa third phase na of clinical trials. So baka mayroon naman pong mauna pa dahil itong Gamaleya ay sisimulan pa lang ang third phase.
MARICEL HALILI/TV5: So there is still a chance for a COVID-free December, sir?
SEC. ROQUE: Puwede po dahil alam ko po iyong sa Tsina, sa Oxford at sa Amerika, nasa third phase na po sila ng clinical trial.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, last question po before I proceed to Secretary Briones. Sir, iyong ibang mga PhilHealth officials already stated that they are willing to sign a waiver to open their bank accounts for the scrutiny of AMLC. Will you also encourage the other three top officials of PhilHealth, including PhilHealth President Ricardo Morales to do the same? And do you also agree with some senators na dapat ay i-suspend muna nila iyong interim reimbursement mechanism following the issues on corruption?
SEC. ROQUE: Dalawang bagay po iyong tanong ninyo. Iyong una po, well, siguro po kaya lang naman hindi nakapagbigay ng consent si General Morales, naiintindihan ko na masama ang kaniyang pakiramdam at umalis na siya nang maaga. I’m sure General Morales will also sign such a waiver. But in any case, lahat naman po tayong taong gobyerno, kapag tayo po ay nagpa-file ng SALN, mayroon po tayong pinipirmahan sa ating SALN na pumapayag tayo na buksan ang ating mga bank accounts ng Ombudsman.
Sa pangalawang tanong po ninyo, iyong interim reimbursement na tinatawag, well, noong nagpulong po sa Malacañang iyong board ng PhilHealth, isa po iyan sa bagay na inilabas ko at ang sinabi ko po, bakit ang daming binigay na pera doon sa mga rehiyon na wala namang COVID. At ang aking naging suhestiyon, kinakailangan bawiin ang mga iyan at ibuhos doon sa mga lugar na mayroong COVID. So ang kasagutan ko po, hindi po ako tutol doon sa ginagawang advance na ginagawa ng PhilHealth, basta ilagay po natin doon sa mga lugar na nangangailangan talaga ng salaping ito dahil hindi naman pupuwedeng maghihintay pa sila ng cash disbursement bago sila makagalaw. Pero ilagay po iyan sa Metro Manila at iyong mga karatig-probinsiya na nasa MECQ sa ngayon.
MARICEL HALILI/TV5: Thank you, sir. Sir, for Secretary Briones po. Ma’am, magandang hapon po. Ma’am, natanggap na po ba ninyo iyong sulat in Vice President Robredo stating iyong mga concerns ng ilang teachers on the opening of classes? Kabilang po doon sa mga concerns na sinayt [cited] ni VP Leni, iyon daw pong mass testing or teachers, who will shoulder the reproduction of printed materials, mga brochures. Ano po iyong tugon ninyo dito, ma’am?
SEC. BRIONES: Iyong sa isyu ng mass testing, ang Department of Education ay bahagi ng kabuuang sistema ng government. Kaya kung ano ang policy ng IATF na chaired by the Secretary of Health tungkol sa isyu ng mass testing, kami ay sumusunod through taking every precaution. Kasi, halimbawa sa dalawang rehiyon which are under very close scrutiny, eh hindi naman namin ina-allow na pumapasok iyong aming mga staff, iyong skeletal forces, lahat iyan sinusunod namin.
At saka kung may mga kaso naman ay naghahanap naman, nakakahanap naman ng paraan para matulungan itong mga nagiging biktima ng COVID pero iilan lang. Hindi natin masasabi with confidence na ito ay galing sa DepEd dahil wala pa namang kaso sa DepEd at ang mga teachers natin, hindi pa naman pumapasok lahat. We asked them to help out sa pag-trace ng students sa enrollment. Pero sa mga lugar na talagang matindi ang COVID, hindi naman namin sila pinapayagan. Kaya we are doing everything to protect them and also protect the children as well.
Nandito sa ating panel ngayon si Undersecretary Ann na siya din ay magpaliwanag tungkol sa isyu na tinatanong ni Vice President about the hazard pay. Kasi kami, hindi kami pumapalya sa pagbabayad ng benepisyo, ng suweldo, lahat ng benefits which our teachers have been continually, continuously receiving since the close of classes. Twelve months a year iyan, iyong kanilang benefits, salaries, which we always prepare for even in advance and make sure na there are funds available. Kaya tutulong sa pagsasagot niyang tanong ninyo si Undersecretary Ann.
USEC. SEVILLA: Good afternoon to everyone. Yes, Ma’am Liling, sa atin pong DepEd Department Order ay kasama po iyong testing protocols. At may mga guidelines po tayo ditong sinusunod na tama po iyong pagkakasabi ninyo, ito po ay guidelines na galing sa Department of Health. Although, iyong testing protocols na nakalagay sa ating Department Order no. 14 ay hindi tinatawag na mass testing.
Ito po ay required health standards na ating sinusunod sa ating mga eskuwelahan, sa ating mga opisina at iyong protocol po dito ay nakasulat o nakasaad kung sino ang mga dapat na i-test at papaano magpo-proceed ang testing na ginagawa. Iyong testing protocol din po natin na hindi natin tinatawag na mass testing, kung hindi tinatawag natin na “required testing” ay dahil po may mga symptoms or may mga history na nakapaloob po doon sa Department of Health guidelines.
Iyon din pong ating testing protocol ay in coordination with our Department of Health and local government units, kaya po ang procedure at iyon pong gastos para po doon sa testing ay nandoon po nakapaloob sa Department of Health at sa mga local government units. Ang assignment po ng DepEd ay iyong pagbigay ng referral at iyon pong pag-trace ng mga contacts na papasok po doon sa mga guidelines ng testing protocol.
SEC. ROQUE: Usec. Rocky? Thank you, Maricel.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon din po kay Secretary Briones and Secretary Galvez. Questions from Francis Wakefield of Daily Tribune: IATF Resolution 62 where members of the Task Force will be assigned to the 16 cities and one municipality in the National Capital Region and the provinces of Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna earlier identified with high community COVID-19 transmission. Is this already an admission that LGUs are really having a hard time in dealing with the virus in their respective areas? And can you also walk us through, paano daw po napagdesisyunan ang pag-assign sa mga IATF members? Will they be holding offices/areas or just act as advisers sa mga LGUs?
SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko po na wala pong problema ang mga lokal na pamahalaan. Pero naiintindihan din po natin na as we enter the second phase of our National Action Plan na mas matindi na po ngayon ang involvement ng mga lokal na pamahalaan. Nag-assign lang po ng mga miyembro ng Gabinete kada siyudad, unang-una, dahil doon sila nakatira; pangalawa, para lang po mabigyan ng kahit anong suporta na kinakailangan ng mga lokal na opisyales galing po sa pangnasyonal na gobyerno. So, hindi po iyan mensahe na may problema ang mga LGUs. Ito po ay mensahe na kung ano pa ang kinakailangan ng mga lokal na pamahalaan, narito po ang national government, narito po ang national IATF para tumulong.
Secretary Galvez, would you like to add?
SEC. GALVEZ: Iyon po ang napagkasunduan po dahil kasi talaga pong nakita po natin na pataas nang pataas ang kaso. At ang ano po natin doon ay talaga pong magkaroon ng close coordination ang national at saka po iyong local, ito po ay para po maging parang iyong ownership din po ng mga IATF na talagang bumaba na rin po. Kasi ang nakita po natin, ang IATF ay isang policy-making body, kailangan po talaga nakakarating din po siya, on the ground din po siya nang makita po ninyo talaga ano ang nangyayari sa lugar para magkaroon po ng magandang ugnayan iyong ating operation sequence doon sa policy na ginagawa po natin.
Iyon lang po ay para ma-harmonize iyong ginagawa nating policy doon sa taas at saka po iyong operational framework natin na ini-implement dito sa baba. Ang importante po rito kasi ang nakita po natin na talagang kailangan po nating i-balance iyong tinatawag na ‘health’ at saka po iyong tinatawag nating ‘economy’.
And nakita natin iyong karamihan po dito sa ating mga IATF members ay karamihan po ay may kaniya-kaniya po silang gabay sa mga economic ano po natin …they are more knowledgeable sa mga economic recovery natin. And with this, iyong kanila pong expertise ay puwede pong maipahayag sa ating mga mayors at puwede po silang gumabay na parang big brother ng ating mga mayors.
Ito po ay nakita po natin na iyong mga mayors po talagang ginagawa po nila ang kanilang mga tungkulin. At ito lang po ang gagawin po natin na parang tinatawag po natin na parang big brother natin at big sister iyong ating mga Cabinet members kasi ito, ginawa rin po natin po ito sa different regions. Ang tawag po nito dito is iyong CORDS.
At nakita po natin para po maganda po ang implementation at harmonization ng operationalization ng ating IATF National Task Force Plan ay mas maganda po talaga na mayroon po talagang mayroong tinatawag nating closely nagsu-supervise po sa baba para po ang ano po natin, mapaigting po natin hanggang po sa barangay.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Sec. Galvez. Trish Terada of CNN, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary. Good afternoon po. Secretary, clarification lang po muna siguro on our timeline because if you will remember, prior to our shift to MECQ ay nai-announce na po ng Pangulo na malalagay sa GCQ iyong ibang bahagi ng bansa, and this takes effect from August 1 to 15. So iyong Metro Manila and Rizal, Bulacan, Cavite, nalagay po tayo sa MECQ August 4 to 18. So clarify ko lang po, Secretary, paano po magkakaroon ito ng effect doon sa magiging announcement ni President? When will the President make his announcement? Sa August 15 po ba or isasabay na lang din po iyon sa magiging bagong quarantine classifications after August 18?
SEC. ROQUE: Well, inaasahan po natin na magmemensahe sa taumbayan muli ang ating Presidente sa August 17 kung saan iaanunsiyo rin niya kung ano iyong mga bagong classification.
So ang ending po sa Metro Manila ng MECQ ay sa 18, 17th po asahan ninyo po ay sasabihin ng Pangulo kung anong classification sa Metro Manila at sa mga karatig na probinsiya.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So kumbaga, sir, iyong mga nalagay po sa August 1 to 15, in a way ay extended po iyong kanilang current quarantine classification until August 18 as well? Tama po ba?
SEC. ROQUE: Hindi naman—well, in so far as Metro Manila is concerned. Pero sa totoo lang po, iyong sa pagmi-meeting sa IATF ay mayroon na pong rekumendasyon for all other areas except for Metro Manila and the four provinces under MECQ.
So I think it is without prejudice na hanggang 15th lang iyong all other areas other than Metro Manila and the four provinces.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Okay. Thank you, Secretary. Sir, may I please talk to Secretary Liling po.
SEC. ROQUE: Yes, please. Secretary Liling, question for you.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary Briones. Good afternoon po. Ma’am, there’s this recommendation from Senator Win Gatchalian, i-postpone na lang daw po iyong opening ng classes especially in areas under MECQ due to safety concerns. Iyong point niya po is, kahit kasi magkaroon ng distance learning, mayroon pa ring movement, kumbaga mayroon pa rin daw pong interactions especially among teachers na nagdi-distribute ng modules. So it means daw po, higher exposure, possible na a higher chance of catching the virus.
Ma’am, possible pa po ba itong movement ng … or pag-postpone ng classes?
SEC. BRIONES: Alam mo, only recently, alam naman ninyo iyan na nagpasa ng batas ang Senado at ang Kongreso na binibigay sa Executive Branch ang desisyon kung kailan magbukas ang klase, iyon ay under recommendation of the Secretary of Education which will be the basis of the decision also of the President. Maliwanag na maliwanag iyan. So, very likely this will be an executive decision but taking into consideration kung ano ang mga advice, ano ang mga reaction na kailangan.
Now, ang concern natin kasi kailangan talaga iyong face-to-face, etc. Lahat na blended learning types ay mayroong partial na face-to-face. Singapore, one or two days, etc., ganoon ang mga practice. Ngayon, ang schedule natin, mayroon naman tayong calendar of activities. Iyong sa first week, starting August 24, mga orientations iyon. So in each region, makaka-work out ang regional director kung anong paraan, anong magagawa nila within the limitations of what IATF and the Department of Health tells them. Like, hindi puwedeng maggala-gala ang aming mga tao, hindi sila puwedeng maggala-gala.
At kagabi, may nagtanong nga sa akin isang Congress person, sabi niya, “Paano na iyan, Ma’am Liling, iyong mga teachers ay hindi sila makalabas?” Sabi ko, nandiyan naman ang kanilang—I know that many of them have their own laptops. They have their own tablets. So puwede naman silang maka-inquire at saka maka-connect. Sabi niya, “Eh kung walang cellphone?” Sabi ko, nandiyan naman ang telebisyon, nandiyan naman ang radyo. Karamihang local governments ay mayroong television stations, may radio. At saka sinubukan din natin iyong sa radio, medyo uubra naman. Sinubukan natin sa TV, uubra naman.
So hindi—for the first week—alam natin ang value ng face-to-face; all of us know that. Pero alam din natin na hindi puwede ngayon. So, without prejudicing, like I said kanina na we have certain schools which are very, very high performing at saka certain schools which also need assistance and catching up. Kaya kailangan natin iyan na ipagpatuloy ang ating proseso ng edukasyon sa kung anumang paraan which is available. And we will take of course the advice of the good Senator especially since he heads the committee also on basic education. Pero iyan, as they themselves graciously turned over, I mean emphasized, hindi naman kasi nandiyan naman talaga sa executive iyan. And they passed a law specifying that it will be the Executive branch who will make that decision. And that’s, I believe, a very … it’s a correct way of looking at lawmaking vis-à-vis implementation of law.
Thank you. And thanks also to Senator Gatchalian, to his advice.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you po. Ma’am, final question. Magkakaroon daw po or nagkaroon ng dagdag ang out-of-school youths natin maybe around four million out-of-school youths in this school year. Ano raw po ang plano ng gobyerno natin dito?
SEC. BRIONES: Right now, apektado ito ng downturn ng economy kasi ang malaking reduction sa enrolment are from those who go to the private schools and mga anak ng OFWs, etc., at saka sa Alternative Learning System because these are workers. So, nag-pick up kami ng kampanya namin and we also have the Alternative Learning System, hinahanapan natin ng paraan na ipagpatuloy pa rin iyong learning classes nila maski—at saka iyong iba, hindi nila alam. Akala nila, sarado na iyong mga eskuwelahan dahil hanggang ngayon ay dinidebate pa maski sinasabi na namin right from the start that it’s August 24. So mayroong a little bit of confusion. So we are stepping up our communications and information ano.
At saka itong mga workers, umuuwi sa probinsiya. Eh kung dito sila sa Maynila nag-a-ALS o kung saang lugar, umuuwi sila sa probinsiya, hindi pa nila alam na mayroong mga ALS alternatives also mismo where they are.
At makikita din natin sa numero na dumadami na din ngayon iyong sa ALS, iyong sa Alternative Learning System para sa mga workers who don’t go to the regular school the way our learners and our children do. Aware na aware kami nitong challenge na ito.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Trish. Thank you, Sec. Briones. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Kinumpirma po ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na on medical leave siya sa susunod na linggo. Sino po kaya ang tatayong OIC sa PhilHealth habang naka-medical leave siya? Posible kayang si Dr. Jaime Cruz na malapit at mapagkakatiwalaan daw pong kaibigan ni Pangulong Duterte ang tumayong OIC?
SEC. ROQUE: GOCC po ang PhilHealth ‘no, hindi naman po si Presidente talaga ang nagtatalaga diyan. Even in terms of appointment mayroon lang siyang “I wish to elect” doon sa mga board. So hayaan po natin na umusad iyong proseso. Bagama’t ang tanong, pupuwede ba ho itong tao na sinabi ninyo? Anything is possible.
USEC. IGNACIO: Second question po ni Kris Jose: Reaksiyon sa sinabi rin ni Morales na naghahanap lang siya ng tiyempo para sa isang heart-to-heart talk kay Pangulong Duterte sa gitna ng kautusan nito na imbestigasyon sa mga umano ay anomalyang lumalabas sa PhilHealth.
SEC. ROQUE: Well, bukas naman po ang pinto ng Malacañang para kanino pero umuusad na po iyong imbestigasyon at sigurado naman po ako na dahil binuo iyan ni Presidente, eh magkakaroon na po iyan ng sariling buhay at sariling identity ang task force na iyan.
Joseph Morong of GMA. Thank you, Usec. Rocky.
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon po. Sir, first question ko sa inyo and this is about the Russian vaccine. Iyong Gamaleya you’re talking about, the Sputnik and then you mentioned iyong—I’m interested about the mechanics because you mentioned some clinical trials that will also involve Filipinos. Papaano iyong mechanics niyon, sir? Sino iyong isasama natin na mga Pilipino? And then iyon pong sinabi ninyo na May 2021 iyong earliest time. This is an actual commitment from the President na talagang makikita natin siya na, you know, vaccinate and this is not just a metaphorical expression of support to Russia, sir?
SEC. ROQUE: Well, the May 1 is when the PSG may allow him kapag natapos na po lahat ng mga tests na kinakailangang gawin dito sa Gamaleya Vaccine although ang sinasabi ko nga baka mayroon pang ibang mauna kasi marami na pong nasa third phase of clinical trials at matagal na po silang nasa third phase ‘no. So there is a possibility na mas mauna pa iyong iba.
As far as the President is concerned, ang tanong niya, “Puwede ba akong magpabakuna more than once?” Eh ang sagot po initially eh isa lang po siguro kasi nga titingnan natin kung ano iyong pinakamabisa at pinakaligtas ‘no. So it’s not a metaphorical statement, he’s willing to undergo it, kaya lang kagaya ng aking sinabi sa nakalipas eh hindi naman po papayag ang PSG until and such time na nasunod po iyong probisyon ng ating batas dito sa Pilipinas kung kailan pupuwede talagang magpasaksak ng bakuna.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong kanina, iyong related question. Iyong mechanics, kasi ang sabi ninyo po kanina ay iyong clinical trials sometime between October to March, and may mga Pilipino na kasama?
SEC. ROQUE: Well, ako po, dahil mayroon akong diabetes, palagi po akong sumasali sa clinical trials. Ang aking karanasan po, lahat po iyan ay boluntaryo ‘no. So wala pong sapilitan iyan, kung sino lang gustong mag-volunteer, pupuwede pong magpasaksak.
JOSEPH MORONG/GMA7: And then the information of course is coming from—officially communicated by Russia to us?
SEC. ROQUE: Yes, nagkaroon po ng pagpupulong sa bahagi po ng Gamaleya at ng isang komite na nandoon po ang Department of Science and Technology at kung hindi po ako nagkakamali, nandoon din po ang DOH.
JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, question is to you and to Secretary Galvez. Sir, okay, you’ve been mentioning iyong mga projects of the government as far as iyong COVID response natin is concerned. But how do you address na parang iyong situation on the ground, perception on the ground on the public is that parang we’re not under control because we’re using hospitals that are being filled, mga pagod na mga hospital healthcare workers? So, sir, how do you address the disparity between what the government is saying and what the people are actually feeling on the ground?
SEC. ROQUE: Alam ninyo transparent naman po tayo rito ‘no. Noong mga panahon na nasa danger level na ang ating hospital capacity, kinilala po natin iyan at kaya nga po pinagbigyan naman natin iyong ating mga frontliners noong tayo ay nagdeklara ng MECQ. Pero sa ngayon po, mukhang wala na po tayo sa danger zone at ang sinasabi nga po natin pagdating ng August 17, mag-i-inaugurate na tayo ng 250-bed capacity.
Now, isa rin po sa dahilan kung bakit pinaliban din ng IATF iyong desisyon kung anong magiging classification sa Metro Manila at sa karatig na probinsiya, kasi kapag na-inaugurate na iyong 250-bed capacity, mababago na po iyong critical care capacity ng Metro Manila. Ang aking prediction po, huwag lang lumala iyong case doubling time, mag-improve pa sana nang konti baka mayroon pang possibility na mag-MGCQ na dahil napakalaki na ng critical care capacity ng Metro Manila with the additional 250-bed capacity to the existing 1,500 lang naman na ICU ‘no, I’m talking of ICU ‘no.
So, I think makikita naman po ng taumbayan na kung ang basehan ay case doubling rate at saka critical care capacity at iyong ginawa nating ECQ at MECQ ay para mapalawig natin iyong kakayahan na gamutin ang magkakasakit ng kritikal at ng severe, eh nagagawa po iyan ng gobyerno hindi lang po sa additional mega centers natin na isolation centers, hindi lang doon sa mga lokal na isolation centers, pati na rin po iyong paggamit ng mga DepEd facilities at siyempre po iyong additional critical care capacity, additional ICU beds na mabilisan nating ginagawa.
Fantastic po itong mangyayari ha na 250-bed capacity, napakabilis po nating naitayo iyan sa East Avenue at saka iyong 500-bed capacity na tinatayo po ng Razon Group eh napakabilis din po niyan. Ang estimate natin, two weeks lang itatayo na iyan. At mayroon pa po tayong plano ‘no, ang ambisyosong plano po na narinig ko na, is even a thousand bed ICU capacity na puwede naman pong gawin dahil napakita na natin, basta naman po may political will sa pamamagitan ng liderato ng ating Pangulo eh nagagawa po iyong mga bagay-bagay na iyan.
So wala pong disparity between reality and perception. Ina-assure po natin na bagama’t hindi bumababa ang mga kaso, sa ngayon ang pinaghahandaan po natin maalagaan iyong kakaunti lang naman po na magkakasakit na severe o ‘di naman po ay kritikal.
Secretary Galvez…
SEC. GALVEZ: Ang nakita natin po na kaya po dumami ang nakita nating new cases, may problema po tayo sa isolation. Karamihan po sa LGU po natin ay hindi po nag-i-implement ng tinatawag nating strict isolation. Karamihan po is tinatawag natin na home isolation. Nakita natin sa Cebu, 1,900 ang naka-home isolation, pero noong ginawa natin na nagkaroon tayo ng strict implementation ng isolation, nakita natin nag-improve ang Cebu.
Ito po, talagang hindi po ano ito kasi ang mismong UP-OCTA ang nagpapatunay na bumaba po ang talagang critical care—iyong tinatawag nating—naging maganda na po iyong kanilang critical care facilities, bumaba po iyong tinatawag nating severe cases; pati po iyong death bumaba na rin po at ang nakita po natin iyong ating R0 (pronounced as R naught) o iyong reproduction sa Cebu ay naging .5. Meaning, ang ano lang natin, iri-recalibrate lang natin ang ating strategy kasi nakita natin karamihan po sa ating mga tao na naging positive ay talaga pong nandoon lang po sa home quarantine. Nakita po namin iyan sa ibang mga lugar, hindi na po namin sasabihin pero talagang iyon po ang isang nakita naming culprit.
At ganoon din po noong nagkaroon po tayo ng GCQ, nag-open po tayo ng economy, I believe marami ding violation doon sa mga workplace. Unang-una doon sa mga canteen at saka sa mga tinatawag nating shuttle buses, at saka sa smoking area – doon nagkaroon ng mga contamination. So ngayon ang ginagawa po natin ay kinu-correct po natin ang mga tinatawag natin na mga pagkakamali at sa nakikita po namin, kapag naayos na po ang tracing at saka iyong isolation at saka more testing ay gaganda na po ang ating istratehiya at saka gaganda na po ang ating sitwasyon.
Nakikita po natin ang mga pagkukulang po na ito ay tinatama po natin at iyong mga tinatawag na mga comment at saka mga suggestions ng ibang health workers at saka mga ibang professionals ay we are taking it into consideration. So ngayon, niri-recalibrate po natin ang ating strategy at kapag naitama po natin ito ay magiging maayos na po tayo.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, comment lang. MGCQ and sabi ni Sec. Roque after August 18?
SEC. ROQUE: Well, let me correct ‘no, I was just speculating ‘no. It’s a decision of the IATF pero on the basis of critical care capacity, if we proceed with the inauguration and use of the 250 additional bed capacity, baka pupuwede. Kaya lang iyong isa pang factor ‘no, iyong case doubling rate ‘no. Kinakailangan humaba din iyong case doubling rate, eh sa ngayon nasa 9 po ‘no pero ang kinakailangan para sa MGCQ is at least 28 days ‘no. So okay, fine, it’s remote possibility pero magkakaroon na ng tremendous improvement pagdating po sa critical care capacity.
JOSEPH MORONG/GMA7: So we extend the MECQ, sir?
SEC. ROQUE: I’ve already said it’s unlikely unless Congress provides for ayuda… because the President said so. Eh iyan naman po ay hindi ko pinangungunahan ang IATF pero sinabi po talaga iyon ng Presidente ‘no, unless we find out that Bayanihan II will provide for ayuda, in which case why not ‘no. Pero iyon po ang issue eh, paano natin papakainin iyong mga taong hindi pupuwedeng magtrabaho for the next two weeks at one month na silang hindi po nagtatrabaho.
JOSEPH MORONG/GMA7: Yes sir, last question for our Secretary Briones, just a little bit kung okay lang.
SEC. ROQUE: Sige na nga…
JOSEPH MORONG/GMA7: Ma’am, sabi ninyo payag kayo sa 50%, papaano po iyong mechanics noon? Will we have mga hospital beds there and then paano po iyong pagpo-provide ng service doon? How do we select the schools that will be used as quarantine facility?
SEC. BRIONES: Kami mismo sa Department, may standards kami kung which schools are appropriate for quarantine or isolation. Kailangan hindi sa mga crowded places na near communities, etc., etc. Kailangan may tubig, kailangan may supply of medicines, ng mga emergency preferably malapit sa isang health facility. Pero ang ano dito, ang source dito of course is the World Health Organization and the Department of Health.
So, ang sabi ko kay Sec. Duque, sila ang mag-decide kung aling mga schools ang appropriate because definitely, hindi naman lahat ng schools namin puwede for… lalo na iyong isolation at saka iyong even for quarantine. But we schools which they might also find appropriate. Ang bottom line diyan is the Department of Health and the IATF dahil that’s their area of competence, basta mag-usap kami which ones they find useful or responsive kasi we might be worsening or exacerbating the problem if we just give any school that we like to give in the light also of our own needs kaya sila ang magde-determine niyan and iyon ang agreement namin.
Kasi you cannot just pick any school although theoretically, in NCR, we would have 17,000 classrooms there. There are big schools with as many as 60 classrooms. Iyon nga sana ang ano namin na mas mabuti iyong mga big schools kaysa two classroom building na one floor lang at saka make sure na iyong availability ng tubig nandiyan for the washing and so on and so forth. Sila ang magde-determine kung maka-comply sa tinatawag nating minimum health standards which we are also circulating among our schools.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Joseph. Thank you, Sec. Briones.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Thank you for your time. Thank you.
SEC. ROQUE: USec. Rocky, please?
USEC. IGNACIO: Sec. Roque, questions from Tina Mendez of Philippine Star on secretaries deputized to cities, provinces: Do they have the power to counter the decision of respective mayors or governors when it comes to dealing with COVID-19? What are the problem areas that need to be addressed which cannot be done by LGUs or implemented by mayors, governors?
SEC. ROQUE: Wala naman po ‘no dahil wala naman pong mandato ang mga Gabinete na susuporta lang sa mga local government units. Having said that, tanging Pangulo lang po ang exercising supervisory powers over the mayors. So, kung talagang may problema po, it will require Presidential intervention pero iyong mga big brothers nga po and big sister na sinasabi ni Sec. Galvez, suporta lang po kami sa mga lokal na pamahalaan. Sila pa rin po ang mamumuno sa kani-kanilang mga siyudad at munisipyo.
USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez of GMA News Online for SEC. ROQUE: There is mounting skepticism about the effectiveness and safety of Russia-made COVID-19 vaccine since clinical trials were not yet complete. Will the country’s participation in the clinical trials help overcome those doubts?
SEC. ROQUE: Definitely po at ang napagkasunduan naman po ng Gamaleya at ng ating DOST at DOH eh magko-conduct talaga sila ng stage 3 clinical trial dito funded by the Russians. Pero tayo po, mayroon din po tayong gagawin on our own, ito po ay separate study pa na gagawin ng DOST na pupondohan din po ng DOST.
USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez pa rin for Sec. Briones. Ito po ang tanong ni Virgil: Nag-viral po ang grammatical error sa isang Grade 8 English lesson na umere po sa DepEd TV. Ano ang ginagawa ng DepEd to ensure and guarantee that the learning materials that will be rolled under the Learning Continuity Program are error-free?
SEC. BRIONES: Na-trace na namin kung anong nangyari sa dry run na iyon. Ang material, galing sa aming curriculum group tapos in-input ng aming mga technical people. Nagkaroon doon ng error sa pag-transfer at saka sa pagkopya. So nalaman na namin. Kaya mabuti na mayroon tayong dry run para makikita kaagad kung anong mga possible problems ang lalabas.
So, nag-institute na kami ng mga control measures na hindi na iyon mauulit. It was in inputting to the system or whatever na nag-result sa error na iyan pero originally, ang gumawa noon ay ang ating curriculum group under Undersecretary Dads. Ang original, walang error, it was the transferring to the video form, the digital form, na there was this typographical error and it should not be allowed to happen again.
That’s the usefulness of dry runs and rehearsals and simulations.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Sec. Briones. Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, sir! Good afternoon.
SEC. ROQUE: Good afternoon.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. Sir, first question: The President said last Monday, I will tell President Putin that I have great trust in your studies in combatting COVID and I believe that the vaccine that you have produced is really good for humanity. Sir, what impact will this Presidential statement have on the review of the expert panel?
SEC. ROQUE: Wala naman po. This is conducted by scientists not politicians. So, I think they will be following strict scientific protocols.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then sir, can you give concrete ways that the Cabinet Secretaries will provide support to the LGUs. How exactly? And let’s say, there are many violations that IATF rules in an LGU, what powers do the Cabinet Secretaries have to rectify the situation?
SEC. ROQUE: Well, ako po taga-Pasay ako, tutulungan ko po iyong aking Mayor, si Mayor Emi Calixto na naging kasama rin natin sa Kongreso. Unang-unang gagawin ko po, pupukpukin ko ang DOH para mabuksan iyong aming PCR testing facility diyan sa siyudad ng Pasay.
Pangalawa po ay titingnan po natin na sapat iyong isolation facilities at kung ano pang kinakailangan galing po sa DOH at titingnan ko din po iyong kundisyon ng Pasay City General Hospital at kung anong kinakailangan na facilities na makukuha sa DOH, eh pupukpukin ko po ang DOH para maibigay doon sa aking siyudad.
Now, majority of the Cabinet members assigned to the different cities and municipalities are locals of the area po. So, you can expect the Cabinet members to push for the interest of their respective cities and one municipality in Metro Manila.
So, iyon po. Iyon iyong naiisip ko ‘no, tulungan lang iyong Pasay na makakuha noong mga kinakailangan nila galing po sa national government.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, sir, last question. Sir, this is about hazard pay for health workers. Sir, a nurse in Cainta died before getting her hazard pay and her hazard pay amounted to only P64 a day instead of the P500 promised by the President. Is this acceptable to Malacañang?
SEC. ROQUE: Hindi po! Kaya nga po pinabibilis natin iyong one million na ayuda na dapat matanggap po ng nurse na iyan dahil sang-ayon po sa batas, entitled siya. Bagama’t napaso na po ang Bayanihan 1, eh iyong pondo po na one million secured po iyan ng SARO, so pupuwede pa ring maibigay po iyan doon sa nurse.
Pangalawa po, sisiguraduhin natin na ang ganitong delay ay hindi mangyayari, unfortunately po, ito po ay isang local hospital na pinatatakbo po ng isang lokal na pamahalaan. So, ang delay po ay sisiguraduhin na lang po siguro ng DOH na sa mga lokal na ospital hindi na po mauulit ito.
Pagdating naman doon sa halaga, talaga naman pong iba-iba kasi iyong kakayahan ng mga local hospitals kung magkanong hazard pay na maibibigay nila. So, siguro po ay titingnan natin ang survey, magsu-survey kung ilan talaga iyong mga nakaka-comply sa mga lokal na ospital at titingnan po natin kung pupuwedeng maibsan iyang kakulangan na iyan ng DOH, kung mayroong pamamaraan dahil mayroon din pong mga legal restrictions siyempre.
Pero I wish to condole with the family of the deceased nurse; bagama’t hindi po nakuha on time at iyong ini-expect nilang hazard pay, sisiguraduhin ko po ngayon personally na makukuha iyong ayuda na ibinibigay po sa mga health frontliners na namatay po dahil sa COVID.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, you mentioned LGU hospital ito. So, sir, are you holding Mayor Kit Nieto accountable for the delay and the very small amount?
SEC. ROQUE: Hindi naman po, kasi iyong AO ay kinikilala rin iyong kakayahan ng mga iba’t-ibang lokal na pamahalaan na magbigay ng ganitong hazard pay. So, nagkataon po siguro na talagang hindi kaya na magbigay ng siyudad ng Cainta ng five hundred but we will still see within the framework of the law and within the framework of the budget of the DOH how to avoid iyong mga future events na kagaya nito. Okay?
Thank you, Pia. We now go to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Sam Medenilla of Business Mirror, nasagot na po ni Sec. Briones iyong una niyang tanong about quarantine facilities and temporary quarantine facilities. Iyong second question niya for SEC. ROQUE: Aside from the reported retrenchment from LRT, may data kaya ang Malacañang kung ilang government employees ang na-displace or madi-displace because of COVID-19?
SEC. ROQUE: Wala pa naman po dahil wala pa naman pong ahensiya ng gobyerno na nagli-layoff. It’s mostly private po kaya po ang ginagawa natin maski dito po sa ating opisina tinitingnan po natin kung ano iyong mga posisyon na pupuwedeng maibigay natin sa mga nawalan ng trabaho.
So, just for the information of those who need jobs lalung-lalo na doon sa mga taga-ABS-CBN na nagsarado, we are hiring writers, cameramen and other production crew po dito sa Office of the Presidential spokesperson.
USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez po. Ano ang status ng supplies ng government ng test kits for COVID-19, after nag-ramp up ng testing ang government? Sufficient pa rin daw po kayo ito until mapasa ang Bayanihan II Bill?
SEC. GALVEZ: Iyong sapat na test kits sa ngayon nakabili po tayo ng more or less 8 million test kits at mayroon pa pong parating na another 2 million. Ang nagkakaroon po tayo ng problema ay doon sa GeneXpert po kasi po mayroon po tayong laboratoryo na mayroon pong GeneXpert. Mayroon po tayong 24 na laboratories and most of these laboratories, ito iyong tinatawag po natin na rapid-PCR, ito po kasi 45 minutes makukuha na po natin ang PCR test. Sa ngayon po iyong supply po na binigay po sa atin is only 5,500 a week. So gumagawa po tayo ng negotiations sa supplier at saka po doon sa nagbibigay po ng instructions kits na madagdagan po iyong ating instruction kits at ongoing po ang negotiation po natin at sumulat na po tayo sa embassy po ng US for us to access iyong supply po ng GeneXpert.
Sana PPE naman po, mayroon na po tayong naka-stock po na 1 million at mayroon din po tayong 5 million na for procurement. Mayroon po tayong mga supply n binibili rin po hanggang ngayon, iyong high-flow nasal cannula. Ito po ay tinatawag natin na treatment therapy na ginagamit po para po hindi ma-intubate iyong ating mga pasyente. So, ito po ay tinatawag nilang magic oxygen na nakakabigay po ng oxygenation at maganda po ang naging result, kasi nag-deploy po tayo ng 25 high-flow nasal cannula doon po sa Cebu noong kalakasan po ng contamination po doon. At ngayon po bibili po tayo ng 250, may donation po ang San Miguel Corporation na 105, at iyong Singapore at South Korea rin po ay tatanggapin natin ang ibang mga donation.
May mga iba pong mga supply tayo na binibili ngayon, iyong Remdesivir, binibili po natin iyon, iyon po ginagamit po sa mga severe cases. At iyon po bababa po iyong magiging presyo po noon kapag nagkaroon tayo ng tinatawag na stock na more or less 33,000 good for 3,000 severe cases. At iyong iba pang mga supply ay inaano po namin at nakipag-ugnayan po kami sa ibang pharmaceutical companies para maging maganda po iyong supply chain ng ating mga testing facilities at saka iyong tinatawag nating mga consumables at pine-prepare na din po namin kung ano po iyong mga incidental expenses kung just in case magkaroon na po tayo ng mga vaccine. So, malaking bulto po ito, so nagpapaturo po tayo sa mga supply chain managers.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. Question from Rose Novenario of Hataw for Secretary Briones: Marami daw pong paaralan ang ginagamit na quarantine facilities. Paano ang sistema sa mga eskuwelahang ito sa pagsisimula ng klase sa August 24? Magkakaroon ba ng mass testing sa mga guro at non-teaching personnel bago ang Agosto 24 para malaman kung sila ay fit to work, sagot po ba ng DepEd ang swab test nila?
SEC. BRIONES: Sinabi na namin paulit-ulit na walang face-to-face na klase starting August 24. At kung mayroon mang face-to-face na lalabas at haharap ang teachers sa mg estudyante, this will be in 2021 when a vaccine will be available. Kaya iyong August 24 natin na pinalabas namin sa iilang memorandum na at ilang circular na ay walang face-to-face. Kasi ayaw naming ma-endanger ang ating mga learners at ang ating mga teachers.
Mahaba na itong debate kung kailan mag-umpisa ang klase. Ang nagdedebate ay ang mga adults, siguro mabuti ding tanungin natin ang ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga pamangkin kung ayaw ba nilang mag-go to school o nasa bahay lang sila, ayaw ba nilang makita o makipag-usap virtually ng mga teachers nila at mga classmate nila.
Iyong survey namin kasama ang mga learners at ako mismo, mga 9 year olds, 8 year olds sumusulat sa akin, gusto nila talagang pumasok, gusto nila mag-school. At sabi ng isa, tiisin niya maski virtual lamang, basta may school lamang. Kasi mag-lose ka ng one year nang walang pag-aaral ng bata ay that’s equivalent already two years of lost, naiiwanan ang ating mga bata at ayaw natin iyang mangyayari at sila mismo, mga bata, karamihan ng aming na-survey at natanong during the enrollment period gusto talaga nilang mag-aral sila. Mayroong iba gusto nila ang teacher ng magturo, mayroong iba gusto nila na ang mother ang magturo.
Kaya itong issue about mass testing, etcetera, sinusunod lang namin ang guidelines ng Department of Health at saka ng World Health Organization. Pero kung may mga instances man na iilan pero hindi nanggagaling sa Department of Health na infected ng COVID for other causes tinutulungan naman ng Department of Health, dahil hindi naman monster ang Department Health, hindi naman walang puso. Ang mga department heads tinutulungan naman nila iyong kanilang mga empleyado kung saan man sila maka-generate ng fund o ng support from outside or from within their own savings, etcetera para ma-guarantee ang safety ng kanilang mga teachers, learners at saka staff.
Ulitin ko walang face-to-face hangga’t walang vaccine, iyon ang sinasabi ni Presidente. Therefore, the teachers will not be exposed from virus as a result of teaching. If they will be exposed there might be other causes which IATF is very much interested in. Thank you.
SEC. ROQUE: Salamat Rose at maraming salamat, Sec. Briones.
USEC. IGNACIO: Question from Kenneth Paciente of PTV, nasagot na po ni Secretary Briones iyong unang tanong niya. Ang second question po niya: May panukala rin ang ilang mambabatas, kung maaari raw po ay wala munang mga batang babagsak sa anumang asignatura sa ilalim ng distance learning, kino-consider ba ito ng DepEd?
SEC. BRIONES: Iyong isyu na iyan, hiwalay na isyu iyan. That was proposed as early as March, iyong end ng academic school year. Na sabi, ay dahil nagkaroon na tayo ng pandemya, eh puwede bang ipasa lahat. Pinag-uusapan natin iyan dahil medyo mahalagang tanong iyan, kasi gusto natin na ang ating learners at matutong mag-compete sa iba’t ibang klaseng trabaho, sa iba’t ibang profession, sa kanilang mga kasamahan. Eh kung tanggalin natin iyan, iyong pagbigay ng rating at ito iyan wino-work out nandito naman ang ating Undersecretary for Curriculum na wino-work out nila kung paano i-assess halimbawa ang isang estudyante under the distance learning mode.
Dahil may mga eskuwelahan na alam ko, mga unibersidad na pribado, na ginagawa na nila iyan sa kanilang distance learning. They have developed ways by which malalaman nila kung ang yaya ba ang gumawa ng homework o ang lola ba o ang mother ba at hindi ang bata. May mga assessment tool sila na ginagamit at saka kung dapat ba talagang tulungan pa ang bata na para magiging handa naman siya sa tunay na buhay.
So siguro I will ask Assistant Secretary Alma to answer that question, pero wala pa kaming definitive policy on that na todo-pasa lahat ang ating mga eskuwela, hindi pa tayo dumating sa stage na iyan. Dahil ang gusto nating ma-establish iyong continuity ng education para sa ating mga bata. Asec. Alma?
SEC. ROQUE: Secretary Briones, pasensiya na po, we only have five minutes of airtime left ‘no.
SEC. BRIONES: Asec. Alma is Assistant Secretary for curriculum.
ASEC. TORIO: Maraming salamat po, Ma’am Liling. Magandang hapon po, Secretary at sa lahat. Maraming salamat po doon sa tanong.
Tama po iyong sabi ni Ma’am Liling po dito sa upcoming school year po natin dahil po may iba’t ibang pamamaraan po tayo ng pagtuturo. Gumawa rin po kami ng interim guidelines para sa assessment po natin. Ito po, kinokonsulta po namin ang ating RDs at pagkatapos po ay ito po ay ipi-present po namin sa ExeCom. Naka-schedule po iyong consultation namin sa mga RDs before the week ends ‘no at sana po mapalabas na po namin iyon next week.
So ang mahalaga po ay kung anuman iyong policy po natin sa assessment ay mapapakita nito iyong holistic assessment at saka authentic assessment na ginagawa ng mga bata. So yes, kinu-consider pa po rin namin iyong natutunan nila, iyong based doon sa performance standards at saka mga written outputs ng mga bata. Yes po, ipapalabas po namin iyon ‘pag ito po ay dumaan na po sa masusing konsultasyon sa mga RD po natin at sa ExeCom po natin. Maraming salamat po.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Asec. We have four minutes left to go, Usec. Rocky. We have extended by 15 minutes already. Usec. Rocky please, quickly…
USEC. IGNACIO: From Kenneth Paciente pa rin po: May update na ba sa letter ni Vice President Leni Robredo kung saan sinabi niya sa DepEd na dapat i-realign ang 29 bilyong budget ng ahensya for rehabilitation ng schools at procurement ng gadgets and other equipment for distance learning maging sa hazard pay for educators amid the COVID-19 pandemic?
SEC. ROQUE: Secretary Briones…
SEC. BRIONES: Yes, thank you for the question. We cannot make a significant policy realignment sa budget without consulting the Department of Budget and Management at saka mayroon namang—in many instances nababayaran naman ang hazard pay. We have been paying hazard pay even before COVID for teachers who are in places na malayo ang sasakyan o malayo sa mga urban centers, etcetera. May standards kasi iyan for the payment, ang tawag nga diyan in the case of teachers, hindi lang ordinaryong hazard pay kung hindi special hazard pay pa, special hardship pay.
So binabayaran naman iyan, we have been paying special hardship pay for teachers who have to make sacrifices. So hindi natin—kailangan ibalanse natin iyong need for facilities and at the same time to take care of our teachers whom we are already taking care of. We provide for these special difficulties that they undergo in these very different and special places. Hindi naman lahat exposed sa hazards na sinasabi ninyo.
Halimbawa sa mga zero COVID, so the risk there would probably be very minimal. You have islands, you have mountain schools, you have places na zero talaga, isang buwan na walang bagong cases and you have places na that never even heard of COVID. We have an island which started opening its school June pa dahil reding-ready na sila ang they did not totally appreciate what the problem was all about since they don’t have COVID at all. So may standards iyan, may policy iyan, hindi natin sasabihin everybody gets hazard pay but niri-review iyan only in consultation with the Department of Budget and Management.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Secretary Briones. Okay, we have two minutes left. Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong question ni Jaehwa Bernardo of ABS-CBN News Online nasagot na po ni Secretary Briones, about face-to-face classes at saka iyong quarantine facilities until December. Iyong tanong din po ni Ace Romero nasagot na ni Secretary Roque about Russian vaccine and Celerina Monte natanong na po ni Joseph Morong.
Ito na lang po kay Julie Aurelio po, question for Secretary Roque: Dr. Nina Gloriani, Chair of Philippine Vaccine Expert Panel says priority for phase 3 clinical trials will be given to people aged 18 to 59 and are at high risk of COVID-19 infection including health workers and contacts of COVID-19 patients, elderly and immunocompromised people may be included later but their participation would depend on the results of the priority group. Will President Duterte still push through with his intention to be the first to be vaccinated even if he is not among the qualified priority group for the clinical trial?
SEC. ROQUE: Well, iyan po ang sinabi ni Presidente. Eh iyan naman po ay bilang pagbigay ng assurance sa taumbayan na hindi naman siya papayag na pasaksakan ng bakuna ang kaniyang mga kababayan kung hindi po ito ligtas. So I don’t think one person constituting an exception to instill confidence will actually violate any law. But in any case, tama naman po si Doktora, susundin po natin iyong priority na matagal na pong in place kapag mayroon na nga po tayong bakuna.
So, time is up. I would like to thank Secretary Galvez, Secretary Liling Briones and her undersecretaries, Usec. Rocky and the members of the Malacañang Press Corps.
Again sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi, ingat po tayong lahat. Good afternoon, Philippines.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)