Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Huwag ninyo pong kakalimutan, ingat buhay para sa hanapbuhay.

Nalagdaan na po bilang batas ng ating Pangulo noong Biyernes lamang ang RA 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act or iyong tinatawag nating Bayanihan II. Ngayon po, simulan po natin ang pagdi-discuss ng ilang sa mga salient points ng batas. Medyo mahaba po iyong batas, mas mahaba kaysa sa Bayanihan I. So para ngayon po, lilimitahan namin iyong salient points doon sa, number 1, saan mapupunta ang pondo; at ano iyong mga benepisyong maibibigay natin sa mga health workers.

So ano po iyong ilang sa mga salient points natin ‘no, well, simulan po natin muna dito sa mga COVID-19 responses ‘no. Una po, magkakaroon po tayo ng 13.5 billion na ilalaan para sa health-related responses, kasama rito ang tuluy-tuloy na employment at hiring ng emergency human resources for health.

Pangalawa, ang augmentation ng operasyon ng DOH hospitals. Ang pagbibigay ng COVID-19 special risk allowance sa mga public at private health workers na may direktang contact sa mga pasyenteng may COVID-19 sa bawat na sila ay nagsilbi sa panahon ng state of national emergency na idineklara ng Presidente. Ang COVID-19 special risk allowance ay in addition po sa actual hazard duty pay na ibinibigay sang-ayon po sa Magna Carta for Health Workers.

Ang pagbibigay po ng life insurance, tirahan, transportasyon at pagkain sa lahat ng public at private health workers sa panahon ng state of national emergency na idineklara ng ating Presidente regardless po sa quarantine status.

Ang pagbibigay ng kompensasyon sa public at private health workers na nagkaroon ng COVID-19 habang naka-duty. Kung sakaling binawian ng buhay ang health worker, isang milyong piso po ang ibibigay sa mga naiwan ng health worker. Kung sakaling magkakasakit na severe o kritikal, hundred thousand ang nakalaan sa health workers. Para naman sa mild or moderate cases, mabibigyan po sila ng 15,ooo pesos. Ang mga nabanggit po ay retroactive application mula sa a-uno ng Pebrero ng taong kasalukuyan.

Ang mga nasabing kompensasyon ay exempt po sa buwis at matatanggap ang nasabing kompensasyon na hindi lalagpas ng tatlong buwan pagkatapos ng petsa na pagkaka-hospital or pagkamatay. So hindi po natin sila paghihintayin nang matagal.

Kasama rin sa Bayanihan II ang pagbibigay ng personal protective equipment or PPEs tulad ng protective suit, facemasks, shoe covers, face shield at goggles sa public at private COVID-19 referral hospitals both national or local, mga barangays at iba pa pong mga indigent persons. Tatlong bilyon naman po ang inilaan para rito.

Mayroon po tayong 4.5 billion na nilaan para sa pagpapatayo ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, mga dormitory para sa frontliners at pagpapalaki ng kapasidad ng mga ospital ng gobyerno sa buong bansa.

Mayroon pong 13 billion naman po ang nilaan para sa cash-for-work program para sa mga na-displace na mga manggagawa. Unemployment or involuntary separation assistance para sa mga na-displace na mga manggagawa o empleyado.

Mahigit na 39.4 billion para po sa mga sumusunod na government financial institutions: Limang bilyon para sa Credit Guarantee Program ng Philippine Guarantee Corporation; 18.4 billion para sa low interest loans ng LandBank; 6 billion para sa low interest loans ng Development Bank of the Philippines; 10 billion para sa COVID-19 Assistance to Restart and Reprises or CARES Program ng Small Business Corporation – pautang po iyan.

Mayroon ding 24 billion para sa direct cash assistance or loan interest rates subsidy sa ilalim ng Department of Agriculture – Agricultural Credit Policy Council.

Mayroon din pong nilaang 9.5 billion para sa mga programa ng DOTr kabilang ang three billion para sa public utility jeepney drivers.

One hundred million po para sa training at subsidies ng tourist guides.

Three billion para sa pag-develop ng smart campuses ng mga state universities and colleges para sa pagpapatupad ng flexible learning modalities.

Six hundred million para sa subsidies at allowances ng mga kwalipikadong mag-aaral sa private at public elementary, secondary at tertiary education.

Three hundred million para sa subsidies at allowances para sa mga na-displace na teaching at non-teaching personnel, kasama ang part-time faculty or non-permanent teaching personnel sa private institutions at part-time faculty sa SUCs.

Isang bilyon po bilang karagdagang scholarship funds ng TESDA.

Anim na bilyon para pondohan ang mga programa ng DSWD kasama na rito ang emergency subsidy ng mga lugar na mapapasailalim po ng granular lockdown. So may ayuda po ang mga nasa granular lockdowns.

Four billion po para sa digital education, information technology and digital infrastructure and alternative learning modalities ng DepEd.

Hundred eighty (180) million po para sa allowances ng ating national athletes at coaches.

Eight hundred twenty million para sa repatriation-related expenses kasama rin ang shipment ng remains at cremation ng mga kababayan nating namatay dahil po sa COVID-19.

Apat na bilyon po para sa sektor ng turismo.

Four point five (4.5) billion po para sa pagpapatayo at maintenance ng isolation facilities.

Mayroon ding nilaan na 10 million para sa COVID-19 research, 15 million para sa pagpapatayo ng computational research laboratory ng UP Department of Mathematics. Makakatulong ito sa pagpuproseso ng big data analysis para sa COVID-19 at iba pang mga pandemic research.

Sampung bilyon naman po ang nilaan para sa COVID-19 testing at pagbili ng COVID-19 medication at vaccine.

Pinapayagan ang Presidente na mag-realign at mag-reprogram ng pondo from programs, activities, projects na hindi nagagamit dahil sa COVID-19. Puwede itong gamitin sa mga sumusunod na priority programs: Pagbibili po ng PPEs para sa health workers at iba pang frontliners; pagtayo ng isolation at treatment facilities; pagtayo ng field hospitals; pagbili ng vaccine o gamot para sa COVID-19; pag-hire ng health workers at pagbibigay ng mga benepisyo; pag-test po sa COVID-19; subsidy para sa COVID-19 positive patients na in-admit sa mga isolation centers.

Tungkol naman po sa deployment ng critical Information and Communications Technology, ICT infrastructure, pansamantalang sinuspinde ang requirement na pagkuha ng permit at clearances para sa pagtayo ng telecommunications at internet infrastructures. Ibig sabihin po, mapapabilis iyong pagtatayo ng mga telecoms towers para po magkaroon ng malaking improvement sa cellular at sa internet service natin.

Sa mga susunod na mga press briefing po, hihimay-himayin pa rin natin ang laman po ng Bayanihan II Act.

Samantala, balitang IATF naman po tayo. Ito po ang ilang mahahalagang punto na inaprubahan ng mga miyembro ng IATF noong Huwebes, 10 ng Setyembre: Una, ang pag-adopt ng mga rekumendasyon ng Department of Information and Communication Technology. Ilan sa mga ito ay ang pag-amenda sa mga sumusunod na napagkasunduan kaugnay ng paggamit ng StaySafe.ph. Kapag naisapinal na po ang memorandum of agreement o iba pang agreement na sa pagitan ng Multisys Technologies Corporation at ang Department of Health, ang DOH ang magiging designated personal information controller.

Ang GPS function para sa contact tracers ay dapat puwedeng ma-enable at lahat at iba pang agreement ay valid at binding pa rin. Kaugnay nito, ang training, integration at paggamit ng StaySafe PH at ang COVID-19 data repository system ay dapat i-incorporate sa COVID-19 response partikular sa response ng local government units.

Pangalawa, ang rapid pass technical working group ay inaatasan na na mag-reconvene at gumawa ng mga polisiya at procedures ng enhanced rapid pass system.

Inaprubahan din po ng IATF ang standardization ng reporting at accountabilities para sa management ng COVID-19 cases at reporting sa DOH information system. Ito po iyong specifics ‘no, ang pag-report at pag-manage ng COVID-19 cases ay dapat nakabase sa current address sa oras ng konsultasyon saanman ang kanilang permanent address.

Ang locally stranded individuals ay dapat i-tag, i-report at i-manage ng tatanggap na LGU; at ang magpapadalang LGU ay dapat sabihan na tumulong sa contact tracing.

Sa mga pagkakataon na may COVID-19 cases na nakatira sa higit isang current address, ang mga ito ay dapat i-report at i-manage ang address kung saan ito currently isolated or quarantined. Ang pag-report ng mga kasong walang full address ay base sa lokasyon ng Disease Reporting Unit at ang impormasyon ay dapat i-update ng DRUs sa case management.

Panlima, ang mga kaso ay automatically tagged sa official information system ayon sa mga nabanggit na mga patakaran. Kung may conflict sa reporting, dapat makipag-coordinate ang LGU sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) o Department of Health para matugunan ang reporting ng cases.

Pang-anim, dapat siguraduhin ng lahat ng DRUs ang timely updating ng patient information sa DOH information system especially ang pag-update ng current address, health status kung asymptomatic man, moderate, severe, or critical, or outcome active, death, recovery ng case sa health facilities o LGU at updating test results at status bilang confirmed case.

Pampito, tiyakin ng DILG na ang LGU ay susunod sa tagging, reporting, at management ng COVID cases.

Binigyan din ng ratipikasyon ang mga sumusunod na desisyon ng ITAF-Technical Working Group: Una, in-adopt ang antigen screening protocols for domestic air travel ayon sa rekomendasyon ng Department of Transportation subject sa approval ng paggamit ng antigen for travel purposes at subject sa alignment ng final DOH protocols. Kaya ang DOH ay inatasan na i-incorporate ang suppletory use ng antigen testing sa lahat ng domestic travel.

Pangalawa, in-endorse ng IATF ang pagsasagawa ng measles/rubella and oral polio vaccine supplemental immunization activities ng DOH, iyong bakuna po. Kaugnay dito, pinapayagan ang mga health personnel na magsagawa ng immunization activities regardless kung anuman ang community quarantine status sa lugar kung saan ito isasagawa. Ang LGUs ay hinihikayat na suportahan ang immunization activity para masiguro na mapigilan ang transmission ng tigdas at polio.

Inamyendahan po ang Omnibus Guidelines for the Implementation of Community Quarantine at isinama o idinagdag ang market of specialized programs ng Department of Tourism sa mga exempted sa mga hotel or accommodation establishments na pinapayagang mag-operate. Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOT tungkol dito pero kasama po dito iyong tinatawag na “staycation” sa Metro Manila bagama’t tayo po ay nasa GCQ.

Idinagdag din na ang operation ng ancillary establishments sa loob ng premises kagaya ng restaurants, cafes, bars, gyms, spa, etc., sa mga hotels po ay govern ng omnibus guidelines at issuances ng iba pang national agencies.

Pumunta naman po tayo ngayon sa ating COVID-19 updates. Ito po ang global update sang-ayon sa Johns Hopkins University.

Mahigit 28 milyon ay 28,884,553 kaso ng COVId-19 sa buong mundo na po ngayon. Mayroong mahigit na siyam na raan or 922,212 ang binawian ng buhay dahil dito. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos, pangalawa ang India na sinusundan ng Brazil, Russia at Peru.

Ang Amerika po ngayon – 6,517,327 cases; 194,036 deaths.

Ang India – 4,754,356; 78,586 deaths.

Ang Brazil po -4,330,455; 131,625 deaths.

Ang Russia po – 1,059,024 with 18,517 deaths.

Ang Peru ay 722, 832 with 30,526 deaths.

Sa Pilipinas po, ang kaso natin ay 261,216; ang mga namatay po ay 4,371. Bahagyang tumaas po ang ating mortality rate from 1.6, naging 1.7.

Mayroon na po tayong 2,885,672 na mga indibidwal na na-test sa pamamagitan po ng PCR. Ito po ay isinagawa sa 92 licensed RT-PCR laboratories at 29 licensed GeneXpert laboratories.

Ang aktibong mga kaso po ngayon sa bansa natin ng COVID ay 49,277, 8.8% po ay asymptomatic; 87.6 o talaga naman pong overwhelming majority are mild; ang severe po ay 1.4 lamang at ang critical ay 2.2% lamang. Ang recoveries po natin, tumaas muli – 207,568; ang deaths ay 4,371.

Now, sa iba naman pong mga balita, ikinukonsidera po ng Pag-IBIG Fund na i-delay ang pagpapatupad ng January 2021 P50.00 increase sa one hundred monthly contributions or savings ng mga miyembro ng Pag-IBIG. Kukonsultahin ng management ng Pag-IBIG Fund, ang stakeholders, para pag-usapan ang posibilidad na pagpapaliban ng pagtaas ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro dahil sa kasalukuyang pandemya.

Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon si Secretary De La Peña. Medyo naputol po tayo noong huli nating naging panauhin si Secretary Boy De La Peña. But Secretary, siguro po in about five minutes kung pupuwede po nating ulitin o ibigay iyong mga major points tungkol po doon sa mabuting balita na ipinarating natin noong hindi po maganda iyong ating broadcast.

Secretary De La Peña, the floor is yours.

Sir, Secretary, sandali lang po wala po tayong audio, sandali lang po. Baka naka-mute ka, Sec.? Okay, subukan po natin kung hindi na kayo naka-mute.

Yes, ayan na po. Okay na po. The floor is yours, Secretary De La Peña. Thank you for joining us again.

SEC. DE LA PEÑA:   Oo. Gusto ko lang share iyong aking update kung puwedeng i-project sa screen.

SEC. ROQUE:   Oho.

SEC. DE LA PEÑA:   Pahingi ngang kopya ano… Okay. So, gusto kong magbigay ng updates on Philippines vaccine bilateral and multilateral collaborations. Ang una ay tungkol doon sa WHO Solidarity Vaccine Trials.

So, ang Pilipinas po ay according to our IATF Resolution No. 47 ay nag-decide na magpa-participate tayo sa WHO Solidarity Vaccine Trials at ang magiging main—[signal lost]

SEC. ROQUE:   Sec., naputol po ang audio ninyo ulit. Sec. De La Peña, naputol po ang audio. Sec., nawawala po ang audio lang pero kagaya po ng sinabi ng ating Kalihim, nasa screen po natin ngayon… ipakita natin iyong screen tungkol po sa bilateral and multilateral collaborations para sa vaccine.

Ayan… Sasali daw po tayo sa WHO Solidarity Trials, ito po ay sang-ayon sa IATF Resolution 47. Ang chief implementer po nito ay ang Philippine General Hospital, mayroon pong pondong 89 million galing po sa DOST at hinihintay po natin ang release ng WHO list of protocols tapos inaasahan po natin na by October, the WHO has already released the list of protocols.

Secretary De La Peña, are you back? Naku, talagang nawawala.

Anyway, siguro habang hinihintay natin muli si Secretary De La Peña, pumunta muna tayo sa ating mga tanong galing sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Unahin po natin si Usec. Rocky. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Ang unang tanong from Arianne Merez ng ABS-CBN Online. Una niyang tanong: Has the DOJ-led task force submitted its report on its PhilHealth investigation to the President? Can you share some details about this?

SEC. ROQUE:   As of twelve o’ clock, pagsisimula ng press briefing, hindi pa po. At inaasahan naman po natin that the report will be submitted by the end of working hours today.

USEC. IGNACIO:   PGH’s Doctor Edsel Salvaña said the easing of physical distancing protocols in public transport is problematic. What is the Palace’s response to this and how can the government allay public concerns that they might catch the virus due to easing of physical distancing protocols?

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, iyong pagbabawas ng space o espasyo between passengers eh inaprubahan po iyan ng IATF dahil hindi natin mabubuksan ang ekonomiya kung hindi po natin dadagdagan iyong ating transportasyon. Pero siyempre po, hindi naman tayo magbibingi-bingihan sa mga opinyon ng ating mga medical frontliners, so bubuksan po uli ang usapin tungkol dito bukas po, sa susunod na meeting ng IATF.

USEC. IGNACIO: Ang third question ni Arianne Merez: Where is the President and will his public address push through tonight?

SEC. ROQUE: Nandito po ang Presidente, at inaasahan po nating magmimensahe siya sa taumbayan ngayong gabi galing po sa Malago Clubhouse.

Now, bago tayo magpatuloy, nakabalik na po ‘ata si Secretary dela Peña. Secretary dela Peña?

SEC. DELA PEÑA: Opo, opo.

SEC. ROQUE: Yes. Please join us again, baka medyo minamalas tayo sa connection [laughs].

SEC. DELA PEÑA: Nandoon na ako sa pangalawang ishi-share kong slide tungkol sa ating vaccines at pangalawa ng slide ito. Dito naman ay tapos na itong update na ito tungkol sa WHO Solidarity trials, iyong susunod ng slide po—ah okay.

So noong last September 3, ang IATF ay nag-approve ng Resolution No. 68 na kung saan iyong zoning guidelines for COVID-19 vaccine trials ay inaprubahan at dito nakasaad din na mag-e-execute ng memorandum of agreement ang Department of Science and Technology at ang Department of Interior and Local Government para nang sa ganoon ay masiguro ang effective implementation ng zoning guidelines partikular na po sa Metro Manila area.

Ang Sub-Technical Working Group po na pinamumunuan ng DOST ay magrerekomenda rin – although hindi pa po ito na-take up sa IATF – na mag-create ng Safety and Monitoring Committee na ito ay magiging independent from the sponsor of the trial. At itong tinatawag nating Safety and Monitoring Committee or DSMC, katuwang ay iyong sponsor ng vaccine trial at saka iyong clinical trial team ay together they will monitor the safety of the vaccine while they are being trialled. At obligado rin itong tatlo na ito, iyong Safety and Monitoring Committee, iyong sponsor noong vaccine trials at saka iyong trials team na regular na um-attend sa virtual meetings ng WHO for updating of protocols.

Mayroon po tayong susunod na slide kung saan nakalagay diyan iyong mga zones na inaprubahan doon sa nirekomenda namin at inaprubahan doon sa IATF. Ang una po ay doon sa Manila, kasama diyan ang PGH at ang Manila Doctors; sa Quezon City ay mayroon tayong Lung Center of the Philippines at St. Luke’s Medical Center; sa gawing south naman po ay ang RITM at ang Makati Medical Center; sa gawing Pasig, San Juan, Pateros, Taguig ay St. Luke’s Medical Center sa BGC kasama niyan iyong The Medical City; at doon naman po sa Cebu ay mayroon tayo doon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at sa Chong Hua Hospital; sa gawing CALABARZON ay kasama ang De La Salle Health Sciences Institute at sa Davao ay ang Southern Philippines Medical Center. Ayun, ang hindi ko nabanggit ay Manila pa rin, iyong San Lazaro Hospital. Walong zones po iyan, ang lima ay sa Metro Manila; ang isa ay sa CALABARZON; ang isa ay sa Cebu at ang isa ay sa Davao.

And lastly po, tungkol naman sa mga bilateral—una muna, iyong tinatawag nating—next slide po, iyong COVID-19 vaccine landscape na tinatawag. As of September 10, ito po iyong walo na nasa phase 3 na o kaya naman ay tapos na sa phase 3: Ang AstraZeneca ng University of Oxford; ang CanSino ng Beijing Institute of Biotechnology; Gamaleya Research Institute of Russia; ang Janssen Pharmaceutical ng USA; ang Sinovac ng China; ang Sinopharm ng China; ang Moderna ng USA; at ang Pfizer ng USA.

Doon naman po sa mga nakipag-agreement na tayo tungkol sa Confidentiality Data Agreement, mayroon tayong lima at ito po ay ipapakita doon sa susunod. Iyong Seqirus ng Australia pirmado na po ang Confidentiality Data Agreement niyan pero sila po ay nasa phase 1 pa lamang. Ang susunod po ay ang Gamaleya ng Russia at iyan po ay pinirmahan na iyong Confidentiality Data Agreement so nagpapadala na sila ng mga datos at iyong kanila pong nagawa ay iyong phase 1 and phase 2 combined trial. At iyong tatlo pa na kung saan mayroon tayong pinirmahan nang Confidentiality Data Agreement ay iyong Adimmune ng Taiwan, ang Sinovac ng China at ang Sinopharm ng China rin.

So iyan po ang ano… Doon naman sa mga local trials natin para sa mga gamot – ito na po iyong last two slides ko. Next slide ay iyong mga clinical trials po natin for therapeutics na tinatawag. Ang una dito ay iyong Virgin Coconut Oil for suspects and probable cases. Ginagawa po ito sa Sta. Rosa Community Hospital at inaasahan nating matatapos na ng Oktubre. Iyon naman pong para sa mga VCO for hospitalized moderate and severe ay recruitment stage pa lang sa PGH.

Iyon naman pong Lagundi together with the standard treatment for mild COVID-19 vaccines ay kasalukuyang screening ng mga pasyente doon sa Quezon Institute Quarantine Center. At doon naman po sa Tawa-Tawa as an adjunctive treatment for mild to moderate COVID-19 patients, kasalukuyang niri-review ng apat na research ethics board dahil ito po ay isasagawa sa apat na Department of Health hospitals.

And finally, the last slide that I would like to share is on the WHO Solidarity trials for additional treatments for COVID-19 hospitalized patients – 980 subjects na po ang sumali diyan pero wala pa pong update kung kailan matatapos. At doon naman po sa Favipiravir para sa COVID-19 patients na may pneumonia, ito po iyong—actually, Avigan ito eh pero ito iyong generic name – Favipiravir at ito po ay sa third week ng September magsisimula. Iyon namang melatonin study na gagawin ng Manila Doctors ay kasalukuyang pino-process na ng FDA ang kanilang application na makapagsimula ng trial.

So iyan po ang updates natin na may kinalaman sa vaccines at sa mga gamot. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Salamat, Sec. Dela Peña. But I have a clarification po ‘no at ito nama’y nanggaling po sa mga doktor din ‘no. Ang clarification po nila, sang-ayon po sa IATF resolution natin, binibigyan natin ng prayoridad ang WHO Solidarity trial bagama’t iyong mga private pharmaceuticals can conduct also their independent clinical trials.

Ang tanong lang po: hindi ho kaya na magreresulta na pumunta sa ibang mga bayan iyong mga independent clinical trials dahil medyo po may katagalan iyong WHO Solidarity trial natin gaya ng sinabi ninyo, parang hindi pa nagsisimula ‘no? Eh samantalang iyong mga bakuna po na lalung-lalo na iyong galing sa Amerika ‘no ay mabilisan silang nagki-clinical trial. So, how do we respond to that po na baka mamaya hindi na mag-clinical trial sa Pilipinas lalung-lalo na iyong American vaccine dahil ang gawain po ng mga American pharmaceuticals, mabilis pa po iyan ‘no sa alas dose ‘no kung sila’y magki-clinical trial?

SEC. DELA PEÑA: Doon naman po sa IATF resolution, nakasaad doon na ang WHO ay may prayoridad sa zoning pero sisiguruhin na magkaroon ng zones iyong mga independent trials. Doon naman po sa sinabi ninyong trials mula sa vaccines sa America ay so far ay wala pa kaming natatanggap na ganoong intensiyon.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Sec. Dela Peña. Please join us still, baka mayroon pong tanong iyong ating mga members ng Malacañang Press Corps.

Okay. Joyce Balancio ng ABS-CBN.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes po. Good afternoon, Secretary Roque. Regarding lang doon sa nabanggit ninyo na rin kanina, pag-uusapan pa ng IATF iyong reduction of physical distancing sa public transportation. First and foremost, sir, when it was approved by IATF, ito’y approve din po up to the level of President Duterte? And you’ve mentioned na pag-uusapan pa, so ibig sabihin hindi pa rin po ito final, it can still change.

Kasi po sa panahon ngayon, Secretary Roque, if we were going to hear the news, mas marami rin po iyong nagrereklamo dito sa protocol na ‘to especially iyong mga transport groups na nagsasabing bakit hindi na lang daw damihan iyong ruta kaysa bawasan iyong physical distancing. And then you have Vice President Robredo also asking the scientific basis for such implementation.

SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking nasabi, since pag-uusapan naman natin ito bukas sa IATF, antayin na lang po natin kung anong magiging resulta noong pagdidiskurso uli sa IATF tungkol dito. Bukas din naman po iyan.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Opo. Was that approved by President Duterte noong una po na nilabas ng IATF nga, iyong pagpapatupad po ng ganito?

SEC. ROQUE: Well, kaka-approve lang po niyan last Thursday, if I’m not mistaken. So hindi pa po iyan napipresenta kay Presidente dahil mamaya po iyong pagpupulong ni Presidente sa ilang mga miyembro ‘no bagama’t iyan po’y talagang na-approve ng IATF ‘no. In fairness, na-approve po talaga iyan ng IATF at noong in-approve po iyan wala naman pong nag-object; because I was present in that meeting. So the objections came after it was announced by DOTr ‘no.

In fact, sa resolution itself, wala pong nakalagay kung ano iyong mga distancing requirements kaya doon sa release na ginawa ko po ay wala rin po ‘no. Pero since DOTr stated kung ano iyong mga bagong spaces in between, nagkaroon po ng mga observations ang mga medical frontliners na hindi naman po pupuwedeng isantabi. So, pakikinggan po natin sila bukas.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  All right. Secretary, on a different topic. Makabayan bloc, they criticized the allotment of 16.4 billion pesos for National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, ito po’y para sa 2021 National Budget and some lawmakers are saying this is pork barrel and it can be also be used for elections. Ano po ang ating masasabi dito?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po lahat po iyan ay projects related to the anti-insurgency campaign ng ating gobyerno and that’s a valid expenditure ‘no. In any case, hindi po para sa Makabayan bloc alone na kuwestiyunin iyan. Sana po makuha nila ang suporta ng mas maraming kasama nila sa Kongreso para po mawala iyang ganiyang entry ‘no. Pero as of now, that is the budget proposal coming from the Executive and we bow to the wisdom of Congress but not just to the Makabayan bloc.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Last na lang po from me, Secretary. Ang Department of Tourism, they said this weekend na inaprubahan din po ng IATF itong staycation for GCQ areas. Hindi po ba ito encouraging people to, you know, go out of their homes and hindi po ba ito cause of concern that it can increase the risk of COVID-19 transmission? Instead of, you know, encouraging people to stay at home at lumabas na lang if it’s work-related or essential activities like accessing important goods and services.

SEC. ROQUE: Well, sang-ayon po sa second National Action Plan po ng ating National Task Force ‘no, talagang unti-unti po nating binubuksan ang ating ekonomiya. At itong pinaplano po ng DOT ay alinsunod naman po doon sa unti-unting pagbubukas ng sektor ng turismo. So kumbaga po, that marks the beginning of the reopening of our tourism industry here in Metro Manila. Let’s give it a chance dahil gaya po ng ating ad campaign, kinakailangan naman po—puwede naman pong pag-ingatan ang buhay para po makapaghanapbuhay ang lahat.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  That’s all for me, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Joyce. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Question, Secretary, from MJ Blancaflor of tribune.net.ph: Did President Duterte break his promise with the family of Jennifer Laude that US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton will stay in jail for as long as he is in power?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po unlike iyong iba kong kliyente, for instance iyong mga kliyente ng Maguindanao Massacre, hindi po na-meet ni Mrs. Laude ang ating Presidente. Ang alam ko po, walang ganiyang promise ang Presidente. Ang pangako po ni Presidente ay bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Jennifer Laude, at nakulong naman po si Pemberton nang halos anim na taon.

USEC. IGNACIO: Yes. According to Mrs. Julita Laude, the President even gave them financial aid as he was apparently happy that they pursued the case against Pemberton.

SEC. ROQUE: I can confirm only because Mrs. Laude already said na nakatanggap sila ng financial aid. Pero ang pagkabilin-bilin po ni Presidente, hindi ko pinangangalandakan kung sino ang tinutulungan ko ‘no. But since nanggaling naman po iyan kay Mrs. Laude, I can confirm the President gave them financial aid 3 times, pero iyong halaga bahala na po ang—huwag na nating isapubliko dahil ayaw ngang ilabas sana ni Presidente iyong tulong niya sa Laude Family. Pero ang tulong po niya ay tulong naman po sa lahat ng nangangailangan ‘no at gaya ng aking sinabi, nakulong po nang halos anim na taon naman po itong si Pemberton.

USEC. IGNACIO: Can the Palace daw po say that the country remains a safe space for the LGBTQ+ community despite the President’s decision?

SEC. ROQUE: Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien. In fact, sapilitan natin siyang itinapon sa ating bayan, iyan po iyong ibig sabihin ng ‘deportation’. Sapilitan po iyan, hindi po siya voluntarily lumayas. Pinalayas po natin siya as an undesirable alien dahil siya po’y convicted killer. Ang binura lang po ng Presidente iyong balanse ng kaniyang pagkakakulong kung mayroon pa pero hindi po nabura iyong katotohanan na convicted killer po si Pemberton. Kahit saan po siya makarating sa mundong ito, mayroon pa ring bansag sa kaniya – convicted killer, Pemberton.

Yes. Punta naman tayo kay Trish Terada of CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Secretary, good afternoon po. Sir, my first questions are for you, kasi tuloy po iyong deadline noong report ng Task Force PhilHealth. Will Malacañang release it to the public and will the President have or still need to amend it or revise it prior to the actual filing of charges?

SEC. ROQUE: I will have to confer with the President if he wants it publicized. Pero alam ninyo, independent of having it publicized, may mga kaso naman talagang isasampa eh. So I think the filing of the cases is the information na relevant to the public already dahil ang rekomendasyon naman po eh sampahan ang ilang mga personalidad.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  But will the President, sir, amend it or revise pa iyong charges before the actual filing or will he just be reading or reviewing the report from Task Force PhilHealth?

SEC. ROQUE: Of course, only the President can answer that question. But I doubt it kasi binigyan niya nga po ng kapangyarihan na maging fact-finding iyong task force na binuo niya ‘no. And I think dahil siya naman ang bumuo diyan, he will accept the factual findings of his own task force. But of course the final say will have to the President’s and we cannot limit his options.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Secretary, si Senator Lacson po sabi iyong intel fund ni Pangulo ay, I’ll put it, too much. It’s more than 4 billion pesos. Sir, ano po iyong paliwanag ng Malacañang dito and paano po nagamit iyong intel funds ng Pangulo noong nakaraan and bakit po kailangan dagdagan ito ngayong taon?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po kung sasabihin natin kung ano iyong pinaggagamitan ng intel fund, it will not be intel fund anymore. So I don’t think I’m at liberty to actually discuss kung ano iyang mga bagay-bagay na iyan ‘no. Pero needless to say, although they are intel funds, mayroon pa rin pong proseso na dapat sundin sang-ayon na rin sa mga guidelines na ini-issue ng COA.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, magkasama po ba doon iyong COVID response? May nagamit po kaya doon sa intel funds? A general overview lang, sir.

SEC. ROQUE: Siyempre po, ginagamitan po ng Presidente iyan para tustusan iyong mga pangangailangan na gastusan na hindi po naka-provide din sa ating Saligang Batas.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary. Sir, may I ask Secretary dela Peña po?

SEC. ROQUE: Yes. Secretary dela Peña…

SEC. DELA PEÑA: Go ahead.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Secretary, doon po sa VCO clinical trials, nabanggit ninyo po na patapos na po siya. Sir, can you give us a general overview of the outcome nitong clinical trials natin? Because I read somewhere that there is a good recovery seen in the patients who used this. Anong klaseng patients po nag-work itong VCO natin?

SEC. DELA PEÑA: Dalawang klase kasi ang ating trial. Isa sa PGH, iyong moderate and severe na binanggit ko kanina na nasa recruitment phase pa lang sila. Ang malapit nang matapos ay iyong ginagawa for suspect and probable na nako-confine din naman sa Sta. Rosa Community hospital sa Laguna, at diyan malapit na nating abutin – kasi 56 ang target na patients na isasagawa iyong trial – last weekend ay nandoon na tayo sa 47. So, siguro naman madali na lang iyong 9 at least na patients ano. And out of this, mahigit ng 30 po ang nakauwi.

So, hindi ko naman masabi na iyon nga ay—Wala pa, wala pang conclusion. Basta kung nakauwi na, ibig sabihin, bumuti na. Pero ang proseso kasi diyan, iyong mga volunteers, hinahati iyan sa dalawang section: Iyong kalahati ay binibigyan ng VCO; iyong kalahati ay hindi.  Lahat sila, sa unang araw pa lang ng kanilang pag-volunteer ay ieksaminin na ang iba’t ibang indicator sa katawan nila, may laboratory test ano. Tapos on the 14th day, gagawin din iyong analysis na iyon, iyong kanilang medical laboratory, and on the 28th day ganoon din. So, kahit sila umuwi na, tuloy pa din ang pagbibigay sa kanila ng VCO doon sa kalahati na kailangang bigyan ng VCO. At lahat niyan ay ia-analyze kapag tapos na iyong 56 patients a nabigyan ng VCO.

So, umaasa ako na sana naman bago matapos itong September ay matapos na iyong 56 patients, at iyon ay siguro mga isang buwan nilang gagawin iyong lahat ng analysis. So, hopefully by end October or early November ay mayroon na silang conclusion kung anuman ang nangyari. Pero so far, umaasa na mabuti naman ang magiging outcome.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary Dela Peña. Salamat din po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online: Tuluyan na pong nakalaya at nakalipad pagbalik ng America si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton matapos siyang bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Duterte. Ano po ang masasabi ninyo sa sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may mga aral na mapupulot na dapat ay pag-isipan sa nangyari pagdating sa Philippine-US Visiting Forces Agreement at ang paggamit ng Pangulo ng kaniyang kapangyarihan sa ilalim ng Saligang Batas?

SEC. ROQUE: Wala po. I take it for what it’s worth, iyong sinabi po ni Secretary Guevarra.

USEC. IGNACIO: Reaksiyon din po sa sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes na talo na naman ang bansa sa paglaya ni Pemberton. Panahon na raw para suriin ang epekto ng kasunduan sa soberenya ng bansa at siguruhing hindi na mauulit ang mga krimen laban sa mga Pilipino?

SEC. ROQUE: Medyo huli sa balita siguro si Renato, pero tinerminate po ni Presidente iyong VFA bagama’t pansamantalang pinostpone po ang actual abrogation for an initial period of   six months.

Ang next one naman po ay si Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon. Sir, doon lang po sa PhilHealth. Will the President in his address tackle the findings of the DOJ Task Force tonight?

SEC. ROQUE: Most likely, hindi po, kasi hindi pa nasa-submit iyong findings. So, kung makikita po niya iyan, hindi ko po alam, if it will be the first time he will see it. Hindi ko po sigurado kung mamayang gabi isa-submit ni Justice Secretary Meynard Guevarra iyong kaniyang report.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, remember the President in his address, I think last Monday, sabi niya kung negligence lang naman iyong kasalanan nitong si Secretary Duque is that he can let it go. Given that statement, sir, does that not have an effect of absolving Secretary Duque ahead of the findings of the DOJ such that medyo nakatali na iyong DOJ sa sinabi ni Presidente na if it just being negligence, then there’s probably no case against Secretary Duque? And can we expect the DOJ task force to be objective in his investigation given the President’s statement?         

SEC. ROQUE:  Hindi po, dahil inatasan naman ng Pangulo ang Task Force para nga mag-conduct ng fact-finding activity to recommend charges against individuals. So, sa tingin ko naman po rirespetuhin ni Presidente kung mayroon mang ebidensiyang mahanap ang task force regardless of who is involved.

JOSEPH MORONG/GMA7:   All right, sir.  Doon po sa Bayanihan II, you mentioned, I would like to focus on this, iyon pong 13 billion na pondo for cash  for work and then also may ayuda for granular lockdown  ng mga cities. I scanned through the copy of the Bayanihan II and just for sound bite purposes, P8,000, sir, per household iyong ibibigay for those cities that are under a granular lockdown. And can you give us a little more details on the 13 billion na available for cash for work? How is this going to work and how are the people going to avail of this provision?

SEC. ROQUE:  Magbibigay po tayo ng P5,000 to P8,000 na ayuda doon sa mga mamamayan na mapapasaloob po ng granular lockdown na idideklara ng mga lokal na pamahalaan. At bukod pa po dito, iyong balanse po ng 13 billion ay ibibigay po natin iyan para sa mga nawalan ng trabaho at iyan po ay ibibigay po ng DOLE. At magbibigay din po tayo ng tulong doon sa mga nais na magkaroon ng training para magkaroon uli  ng  mga bagong trabaho.

JOSEPH MORONG-GMA7:   Effectivity, sir, after publication? When can we avail the money?

SEC. ROQUE:  Well, as soon as it is published po in newspapers and in the Official Gazette. Bagama’t ang sabi nga po ng ilang mga mambabatas, pupuwede na sigurong ilabas iyan ng DBM pero to be safe po ay hintayin po natin when it becomes effective pursuant to the ruling of Tañada versus Tuvera, it has to be published.

JOSEPH MORONG-GMA7:  Sir, last question. This is a little bit off-tangent ‘no, but this is something to do with the live events industry. We are moving towards some areas in GCQ, we’re opening up the economy for tourism.  Now, is the live events industry in the radar screen of the IATF, of the government, as to when they can open? Because in the UK, si Andrew Lloyd Webber said to their government, “Give us the time because the theater industry is at the point of no return.” Meaning, if they don’t open now, they might die. So, in our country, if we ask that same question to you as IATF Spokesperson, when can we allow theaters, our live industry to open, given the present circumstances, sir?

SEC. ROQUE:  Well, sang-ayon po sa guidelines ng IATF, ang mga areas under MGCQ ay pupuwede na pong magkaroon ng live events kaya lang po subject to 50% capacity.

JOSEPH MORONG-GMA7:   Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE:  Thank you, Joseph. Balik tayo kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Question from Gillian Cortez of Business World: Will the President extend Proclamation 929 which announced a national state of calamity in the country for six months due to COVID-19? This was issued last March 16, and it is almost September 16, which is exactly six months. The Proclamation said, the state of calamity status can be extended if the circumstances warrant. So, will there be a new proclamation announcing the extension or no need?

SEC. ROQUE:  Most likely po, dahil habang wala pong bakuna, habang walang gamot sa COVID, patuloy po ang epekto ng pandemya.

USEC. IGNACIO:  Question from Sam Medenilla of Business Mirror: What is the position of President Rodrigo Duterte on the installation of communication towers in military camps?

SEC. ROQUE:  Hindi naman po nagma-micro manage ang ating Presidente, iyan po ay importante para makapag-operate na po iyong ating pangatlong telecoms provider. And the way I understand it, hindi lang naman  iyong  third provider ang gagamit po ng mga telecoms tower; the two other telecoms providers can also lease these powers para sa sarili nilang mga cell sites. So ang ating intension po talaga ay pabutihin ang telecommunications connectivity. At in-assure naman po tayo ng ating DND na wala naman pong magiging security breach sa pagtatayo ng mga towers na iyan.

USEC. IGNACIO:  Second question po niya, recently po na-report ng Department of Finance na bumaba ang government revenues by 12.7% from January to August year-on-year. Ano po ang kino-consider kaya na new sources of revenues na government aside from borrowing?

SEC. ROQUE:  Well, kaya po tayo nagbubukas ng ekonomiya, kaya natin hinihikayat ang ating mga kababayan na pag-ingatan ang kanilang kalusugan para makapaghanapbuhay ay dahil nakasalalay din iyong ating mga buwis na makukolekta kapag mayroon pong hanapbuhay ang atin pong mga kababayan. So tayo po ay makipagkapit-bisig; tayo po ay mag-mask; tayo po ay maghugas, at tayo po ay umiwas.

Melo Acuña?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Secretary Roque, magandang tanghali po. Nabanggit ko po noon sa nakalipas nating panayam na gusto kong mabatid kung ano ang profile ng karamihan ng mga tinamaan ng COVID-19 sapagka’t mahalaga ito para malaman kung mayroon bang mga komunidad na talagang matitindi ang dagok ng COVID-19. Ito ba ay doon sa mahihirap? Ito ba ay doon sa middle class? Nang sa ganoon ay higit na maging maliwanag sa publiko kung ano ang ating sitwasyon.

SEC. ROQUE:  Well, Melo, siguro pakitanong na lang iyan sa DOH. Pero ang alam ko po, seniors, iyong mga may comorbidities, mga buntis ay kinakailangan po na manatili kayo sa inyong mga tahanan dahil hindi lang naman sa Pilipinas napatunayan na sila po talaga ang matinding matamaan ng COVID. At ang mga kabataan naman napruwebahan na din po iyan, sila ay napakabilis magkalat ng sakit. Kaya iyan lang po ng alam ko. And the rest, the details of the breakdown, please ask DOH.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I will. I will. Para po kay Secretary Dela Peña. Magandang tanghali po, Secretary.

SEC. DELA PEÑA: Magandang tanghali naman.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Let me just ask you, gaano po kalaki ang bahagi ng Department of Science and Technology sa ating gross domestic product especially for research and development? Mayroon po bang marked increase para sa inyong budget mula nang maluklok si Pangulong Duterte? At ang isang pahabol ko, gaano na po kayo katagumpay na makumbinsi iyong mga miyembro ng Philippine-American Academy of Science and Engineering na umuwi na at tumulong sa ating bansa. Secretary Dela Peña, with your indulgence, please.

SEC. DELA PEÑA:  Sige po, isa-isa kasi sunud-sunod iyon ano. Unang-una, ang atin pong ibibigay kong figures, unang-una ay ang porsiyento ng budget ng DOST against the total national budget. So iyon pong budget namin na 23.8 billion, kung ihahambing sa around 4.3 trillion is nasa between 0.4 to 0.5 percent o kalahati ng isang porsiyento.

Iyon naman pong tinatawag na government expenditures for R&D, hindi lang naman po ang DOST ang gumagasta ng research and development. So ang iba’t ibang departamento po katulad ng DA, ng DENR, ng DOE, ng DOH, ng CHED, pati DND, may mga budget din po iyan sa R&D. At kapag po pinagsuma-suma mo iyong expenditures ng gobyerno sa R&D as a percentage of our GDP ay mas maliit po; nandoon pa lang po sa around 0.15%. Malayo po iyon sa international or universal average na one percent.

Doon naman po sa PAASE, ang PAASE naman po ay matagal na naming ka-collaborate – ang Philippine-American Academy for Science and Engineering. At marami na rin po sa kanila ang nakabalik bilang mga balik-scientist. Kung hindi po sana nagkaroon tayo ng mobility problems ngayon, ini-expect namin na mami-meet namin iyong aming 50% increase ng pag-uwi ng mga balik-scientist ano; kasi mula nga noong mapirmahan ng Pangulo at maging batas iyong Balik-Scientist Act ay maraming nagkaroon ng interes. At saka lalo pa nga ngayon po at naririnig nila iyong mga ginagawa ng DOST na mga researches sa iba’t ibang sektor, kabilang na nga itong ginagawa natin sa COVID-19, marami po ang nag-i-indicate ng kanilang intention na tumulong. Iyong iba sabi nila, kahit naman kami ay nandito sa ibang bansa ay puwede rin naman kaming tumulong basta kami ay bigyan ninyo ng pagkakataon.

So halimbawa po, iyong mga pag-i-evaluate ng projects, isinasama na po namin sila bilang mga evaluator ‘no, iyong mga proposals. At marami po iyong nag-umpisa lang ng pailan-ilang linggo, ngayon ay mga nag-uwian na. Hindi naman po sa Amerika lang galing ang ating balik-scientist, mayroon po tayong galing sa Japan; mayroong galing sa Australia; mayroong galing sa Europe, at natutuwa naman po kami at sila ay talagang nagpapakita ng interes.

Iyon naman pong increase ng budget namin, akin pong matatandaan, kasi kasabay ko din namang nag-assume ang Pangulo noong 2016, so kami po ay naglalaro sa 20, 21, 22 billion ano. Iyon pong pinakahuli naming GAA allocation, nasa 20.3 or 20.4 ganiyan; ngayon po ang budget namin, according to National Expenditure Program ay 23.8. So hindi po masyadong malaki bagama’t nagpapasalamat na rin kami at mayroon din namang improvement lalo na po iyong para sa mga scholarships.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Kung ihahambing po iyong ating gastos para sa science and technology research and development, gaano po natin ito maihahambing sa mga kalapit-bansa natin sa Asya?

SEC. DELA PEÑA: Naku eh, kaya nga po ayaw ko nang pag-usapan iyan dahil tayo ay nandoon sa bandang ibaba. Dahil po ang ating mga original na kasama sa ASEAN, kung ihahambing natin, talagang mas mababa na tayo sa kanila. Ang original po ay Singapore, Thailand, Malaysia, Indonesia at Philippines, siguro po halos nakakapareho natin ang Indonesia dahil malaki rin ang kanilang populasyon at kapag dinivide-divide mo, alam po ninyo kahit mag-increase iyong numerator kung malaking lumaki iyong denominator, iyong percentage ay hindi rin nagbabago. Pero ang medyo malungkot ay ang, halimbawa, ang bansang katulad ng Vietnam na bago rin sa ASEAN compared doon sa atin ay nauuna na sila pagdating diyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Maraming salamat po. Iwan na muna natin doon baka sumama pa ang loob ninyo. Thank you very much.

SEC. DELA PEÑA: Opo, opo. Kaya ako po, ang tinitingnan ko ngayon ay iyong ating performance sa innovation index. Kung iyon pong mga traditional indicators ng UNESCO, parang ayaw ko nang pag-usapan dahil nga noon pa pong 1982 ako nagsimula sa DOST, hindi masyadong nagbabago iyang mga ratios-ratios na iyan.

Pero mula po noong magkaroon ng Global Innovation Index na itinatag ng World Intellectual Property Office ng INSEAD of France at ng Cornell University ng US, ito po ay tumitingin sa walumpung indicators both input and output. At doon nga ang magandang balita naman natin na ito po ang mga pinakamamagandang statements na galing sa organizers ng Global Innovation Index, number one, “The Philippines, together with three other economies,” referring to China, Vietnam and India, “has made the most significant progress in the Global Innovation Index ranking overtime. It ranks number 4 in the class of lower and middle income group economies which are 29.” Out of 29, we rank 4th. “And then for the second consecutive year, the Philippines performs on innovation above expectations for each level of economic development.” And then, they say that the innovation outcomes produced by our investments compared to the level of outcomes, it remains even above some high income economies. And lastly, they say that the Philippines continues to lead by example to other developing countries in setting innovation as a national priority.

So kung mayroon naman pong mga magagandang balita, iyon na siguro ang magandang tingnan kasi iyong mga ratios-ratios po na iyan, gaya nga ng nasabi ko, 1982 pa ako naging planning chief ng DOST, hindi po masyadong nagbabago. Kahit tumaas po iyong numerator, mabilis tumaas iyong denominator.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: [Laughs] I can imagine. Salamat po, Secretary.

SEC. DELA PEÑA: Salamat, salamat.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you, Secretary Harry.

SEC. ROQUE: Okay. Salamat, Melo. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, may pahabol po na question si Gillian Cortez: When can we expect a new proclamation that will extend the state of calamity in the Philippines due to COVID-19? This week ba daw po and will it be longer than six months this time? Kasi there is a proposal daw for this to be one year instead of six months. Many bayanihan grants to LGUs are dependent on the proclamation po and were asked by DBM to use their funds by September 16.

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kung kailan iyan. Pero ang sabi ko nga po kanina, most likely, habang wala pa pong bakuna, habang wala pang gamot dito sa COVID-19, magpapatuloy pa rin po ang state of health emergency dahil wala pa rin pong lunas sa pandemyang ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Kung wala na pong mga katanungan, siguro naman it will not be out of order kung siguro po ay in the furtherance of my advocacy to promote information on matters affecting the public interest that I share with you a matter which I don’t think is covered by privilege ‘no since ako po ay naging lawyer ng Laude Family noong na-convict po si Pemberton.

Noong mayroon pong pre-trial, as a pre-trial po, pupuwedeng mag-areglo ‘no. Pinag-uusapan po ang possible areglo bagama’t wala pong napagkasunduang areglo at dahilan kaya po nagpatuloy ang paglilitis at iyong conviction ni Pemberton ay mayroon pong pinangako ang mga authorities ng Amerika kasama po iyong representante ng Marine Corps. Ang pangako po nila, kung makakalabas si Pemberton, ibig sabihin matatapos lang ang proseso sa Pilipinas. Pero pag-uwi raw po ni Pemberton, tuloy pa rin iyong kaniyang court martial proceedings at doon po malalaman kung mayroon pang additional na parusang ipapataw sa kaniya at iyong kaniyang qualification to remain in service.

So iyon lang po, para doon sa ating mga Pilipino na sumusubaybay sa isyu na ito.

So maraming salamat sa Secretary Dela Peña. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat po sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng atin Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing: Please stay safe. Pag-ingatan po natin ang buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)