Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Mask, hugas, iwas po para tayo ay makapaghanapbuhay nang lahat.

Punta muna po tayo sa ating balitang IATF. Nagpulong po ang mga miyembro ng IATF noong Huwebes, October 15, at ito po iyong mga napagkasunduan:

In-adjust po ang age-based stay at home restrictions. Pinayagan nang lumabas ang mga nasa edad 15 hanggang 65. Ngunit maaaring magbigay nang mas mataas na age limit for minors ang mga lokal na pamahalaan depende sa COVID-19 sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan.

Na-streamline din po ang rules ng intrazonal at interzonal travel. Ano ba ang pagkakaiba ng interzonal at intrazonal? Ang interzonal movement po ay galaw ng tao, bagay o serbisyo sa mga probinsiya at mga lungsod na may ibang community quarantine classification. Samantala, ang intrazonal movement ay ang galaw po ng tao, bagay o serbisyo na may parehas na community qualification.

Kaugnay nito, in-update rin po ang listahan ng Authorized Persons Outside of Residence or APOR, kasama na ang returning o repatriated Overseas Filipino Workers at Overseas Filipinos returning to their places of residence at mga taong sumailalim sa quarantine at ngayon ay nagbabalik sa kanilang mga probinsiya at kinakailangang bumiyahe at pinayagan naman ng kanilang lokal na pamahalaan.

Paano naman po ang mga non-APOR, Authorized Persons Outside of Residence ‘no, ang interzonal at intrazonal movement ay pinapayagan sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ subject sa regulasyon ng lokal na pamahalaan o sa kaso ng Isla ng Boracay, subject sa regulasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force.

Kaya nga po ang sabi ni Task Force COVID Shield General Eleazar ay makipag-ugnayan po sa LGU na inyong pupuntahan kung ano ang mga requirements nang hindi po maantala ang inyong pagbibiyahe.

Sa usapin naman po ng curfew, nagsabi ang IATF sa mga LGU na huwag isama ang mga manggagawa, APORs at necessary establishments sa aplikasyon ng curfew ordinances.

Bilang bahagi ng pagbubukas ng ekonomiya, ang IATF ay pinahihintulutan ang DTI na i-adjust ang onsite operational capacities ng lahat na pinapayagang business establishments and/or activities sa ilalim ng GCQ or lower.

Ang mga establishments at mga malls ay maaaring magsagawa ng activities para magkaroon ng economic o business activity subject sa DTI guidelines in the operations of malls and shopping malls.

Binigyan din ng IATF ng awtoridad ang DOT para alamin ang operational capacity ng mga hotels at accommodation establishments, pati na rin ang ancillary establishments malapit sa mga hotel tulad ng restaurants, café, gyms, spas at iba pa.

Binago rin ang test before travel requirement sa Isla ng Boracay. Kung dati ay kailangan ng mga turista na papunta ng Boracay ay kinakailangang magpa-RT PCR test 48 hours prior to arrival, ngayon ay pinalawig ito at ginawang 72 hours prior to the date of travel.

Na-lift na rin po ang restrictions ng non-essential outbound travel of Filipinos effective October 21. Pinapayagan nang lumabas ng bansa pero kinakailangang magsumite ng kumpirmadong roundtrip ticket at sapat na travel at health insurance sa mga bibiyaheng may hawak na tourist visas; pagsulat sa Immigration declaration kung saan sinasabi na alam ng bibiyahe ang panganib na kasama sa pagbiyahe; at negative antigen result 24 hours bago lumipad subject to DOH guidelines.

So apat po iyang requirements ‘no, hindi po pupuwede na pupunta lang sa airport at lilipad. Confirmed roundtrip tickets, declaration acknowledging the risk, negative antigen test at saka iyong pagsusunod po sa guidelines ng IATF kapag bumalik sa Pilipinas which is facility quarantine hanggang lumabas po ang PCR results.

Pinayagan na rin po subject to conditions ang beach volleyball tournament ng Philippine Super Liga sa ilalim ng sports bubble concept. Ilan sa mga kundisyon ay ang pagsunod sa health safety protocols; pagkakaroon ng safety and health officer; pagsasapinal ng matitirhan; at pagsunod sa Joint Administrative Order #2020-001 ng DOH, Philippine Sports Commission at Games and Amusement Board.

Puwede na rin ang operation ng off-track horse bet racing stations sa mga lugar sa ilalim ng GCQ or lower subject sa health at safety protocols.

At panghuli, pinapayagan na po ang operation ng licensed cockpits at mga sabong sa mga lugar sa ilalim ng MGCQ or lower basta sumunod sa health at safety protocols at implementing guidelines ng DILG. Pero bawal pa rin po ang in person audience, online or remote na pagtaya at live broadcast or telecast ng mga sabong. Ang lokal na pamahalaan ang may huling desisyon kung itutuloy niya ang sabong sa kanilang lugar.

Kaugnay po rin ng pagbubukas ng ekonomiya, naglabas ang DTI ng Memorandum Circular #20-53 kung saan pinapayagan na magbukas ng 50% operational capacity ang mga travel agencies, tour operators, reservation service at iba pang related activities sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, samantalang 100% naman sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ. Ang lahat ng mga ito ay subject sa mandatory minimum public health standards.

Sa DTI pa rin po, naglabas din po ang DTI ng isa pang Memorandum Circular # 20-54 na nag-aalis ng quantity limits ng disinfecting alcohols, hand sanitizers, disinfecting liquids at facemasks – N95 at N88.

Inilabas ng Mababang Kapulungan po ang Committee Report # 560 na naghihikayat sa IATF, NTF at DOTr na i-extend ang motorcycle taxi pilot study program.

Sa iba pang usapin, lumabas na ang resulta ng panibagong survey ng Social Weather Station tungkol sa aksyon ng pamahalaan laban sa COVID-19. Apat na areas of concern ang kinunsider [considered] ng SWS sa pagtukoy sa aksyon ng pamahalaan. Ito ay ang pagsisiguro na may tamang impormasyon kung paano labanan ang COVID-19; pagsisiguro na may malawak na contact tracing; pagsisiguro na mura ang COVID-19 testing sa buong bansa; at panghuli, pagsisiguro na may sapat na tulong para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Pito sa sampung Pilipino or 71% ang nagsabi na may sapat na aksyon ang pamahalaan pagdating sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko kung paano labanan ang COVID-19. Kaugnay nito ay nagpapasalamat po kami sa inyo at ang IATF ay nagpapasalamat din po ‘no. Ito ay isang pagkilala sa amin na mabigyan kayo ng tama at napapanahon na impormasyon tungkol sa paglaban sa coronavirus.

Pagdating sa contact tracing, nasa 67 naman po ang nagsasabing may sapat na contact tracing na isinasagawa ang pamahalaan sa buong bansa. Ayon sa DILG, mayroon na tayong 35,345 contact tracers as of October 16. Mayroon pa pong 15,000 contact tracers tayong kukunin para sa ating target na 50,000 contact tracers.

Nasa 54% naman po ang nagsasabing may sapat na mura or affordable na COVID-19 testing. At 44% ang nagsabi na ang aksyon ng pamahalaan para makatulong sa mga nawalan ng trabaho ay sapat. Ito ang dahilan kung bakit binubuksan natin po ang ating ekonomiya dahil naniniwala tayo na kailangang matuto ang mga Pilipino na mabuhay bagama’t nariyan po ang COVID-19. Hindi pupuwedeng magtago tayo sa kuweba habang may COVID-19 tulad ng gusto ng ilan. Ito rin po ang dahilan kung bakit binubuksan pa po natin iyon sektor ng transportasyon dahil siyempre po, kung sarado pa rin ang transportasyon, talagang hindi makakapasok pa rin sa trabaho ang mga mayroong trabaho.

Kilala na natin po ang kaaway na virus. Napaghandaan natin ito sa paglalagay ng karagdagang doktor, nurse, kama, ventilators, kuwatro at PPE. Alam natin paano ito maiiwasan sa pamamagitan ng mask, hugas at iwas. Nandito na tayo sa puntong ingat-buhay para po sa hanapbuhay.

COVID-19 updates po tayo. Ito po ang global update sang-ayon sa Johns Hopkins, higit tatlumpu’t siyam na milyon na po o 39,876,764 ang COVID-19 sa buong mundo. Mayroong higit na isang milyong katao o 1,112,426 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos; pangalawa ang India na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo; sinundan ng Brazil, Russia at Argentina. Ang mga numero po ay eight million, seven million, five million, one million, and 989,000 respectively.

As of October 18, lampas apat na milyon or 4,106,475 na pong mga Filipino ang na-test natin sa 112 licensed RT-PCR laboratories and 35 licensed GeneXpert laboratories.

Mayroon po tayo ngayong 39,808 na active cases ayon sa October 18 case bulletin ng DOH at sa numerong ito, 82.8% ay mild; 11.5% ay asymptomatic; 1.9% ay severe at 3.7% ay critical.

Parami nang parami po ang gumagaling, mayroon na po tayong 310, 158 na nai-report na recoveries as of October 18. Samantala, malungkot ko pong ibinabalita na as of October 18 din, mayroon na po tayong 6,652 ang na-report na binawian ng buhay dahil sa COVD-19. Nakikiramay po kami.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon, walang iba kung hindi si DOE Secretary Alfonso Cusi para bigyan-linaw ang inprubahang desisyon ng ating Pangulo na payagan muli ang paghahanap ng tanging-yaman dito o sa karagatan na kabahagi ng ating exclusive economic zone lalung-lalo na diyan sa Reed Bank.

At kasama rin po natin si MMDA General Manager Jojo Garcia para sa pinakahuling rekomendasyon ng ating mga mayor.

Secretary Cusi, the line is yours po.

SEC. CUSI: Magandang tanghali, Secretary Harry Roque at magandang tanghali po sa ating lahat, sa ating mga kababayang na nakikinig ngayon.

Tama po iyon, nai-lift na po natin ang moratorium sa West Philippine Sea, so, ibig pong sabihin puwede na pong magsimula ng exploration iyong mga kumpanya na nabigyan natin ng lisensiya para po mag-explore. At ito po ay isang pangunahing hakbang, isang konkretong hakbang ng gobyerno para po tugunan ang pangangailangan natin sa isang seguridad ng enerhiya para po magkaroon tayo ng resiliency, security sa ating energy supply para sa seguridad po naman ng ating mga next generation.

SEC. ROQUE: Okay. Sir, ang tanong lang po ng marami: ibig sabihin po ba nito, iyong mga pribadong kumpanya na mayroong service contract diyan sa lugar na iyan pupuwede nang mangalap muli ng tanging-yaman diyan sa area na iyan?

SEC. CUSI: Tama po iyon, Secretary Harry. Kasi po noon pong 2012 nag-issue po ang pamahalaan ng moratorium na pinatitigil pansamantala iyong pag-explore ng mga resources diyan po sa West Philippine Sea.

Ngayon po, nagpapasalamat po tayo sa ating Pangulong Duterte na pinahintulutan na po niya na magsimula tayo ng exploration at binigyan na po natin ng notisya iyong mga kumpanya na mayroon na pong mga lisensiya diyan na iniisyu naman po ng pamahalaan ng Pilipinas na magsimula na po sila sa lalong madaling panahon para po tayo makatuklas ng bagong supply ng ating mga petrolyo at natural gas, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Sec. Cusi, huling tanong na lang. Tama ho ba ako na parang positibo rin po ang naging official response ng Tsina dito sa naging balitang ito?

SEC. CUSI: Sa nabasa ko po sa reaction po ng Tsina, wala naman po akong nakikitang adverse reaction po nila, ano po. Ang sinasabi nila ay ang tuluy-tuloy na pag-uusap para po magkaroon ng joint development ang Pilipinas sa China sa West Philippine Sea, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: So, sa panig po ng Pilipinas, can we confirm po na tuloy pa rin ang pag-uusap doon sa joint exploration natin with China?

SEC. CUSI: Opo, tuluy-tuloy po naman. Iyong atin pong unilateral action to lift the moratorium, hindi po naman natin isinasantabi iyon pong ating MOU with China to do a joint development. Alam po naman natin lahat na ang hangarin po ng ating Pangulo sa simula pa lang eh makuha na po natin, ma-tap po natin iyong mga resources po diyan sa West Philippine Sea para naman po mag-enjoy ang ating mga mamamayan, ang Filipino, para po naman mapabuti ang kabuhayan at ekonomiya ng Pilipinas.

SEC. ROQUE: Last na last na po talaga. Iyong mayroon pong service contracts ngayon na mga Pilipinong kumpanya, dahil nag-uuusap pa po ang Pilipinas at Tsina sa Joint exploration, pupuwede naman po na iyong joint exploration ay sa pamamagitan nitong mga service contractors?

SEC. CUSI: Kahit naman po magkaroon ng joint exploration ang Tsina at Pilipinas, kailangan pa rin po natin ang service contract because tayo po, Pilipinas po, diyan sa West Philippine Sea, we are talking of the West Philippine Sea, ay ang DOE po under our Constitution, binigyan ng kapangyarihan para po mag-regulate ng activities sa as far as oil and gas exploration diyan sa lugar na iyan po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat sa pagbibigay-linaw po dito sa naging anunsiyo ninyo noong isang araw.

Kasama rin po natin si MMDA General Manager Jojo Garcia.

GM, ano pong mga bagong rekomendasyon ng ating mga mayor?

GM? GM, wala kang audio, baka naka-mute.

GM GARCIA: Magandang tanghali po, Secretary Roque and Secretary Al Cusi. [indistinct] magandang tanghali po sa ating lahat.

SEC. ROQUE: Good morning po! The floor is yours.

GM GARCIA: Opo. Kagabi po nagkaroon kami ng pagpupulong ng ating mga mayors po, kumpleto po iyong 17 mayors natin ng Metro Manila. Ang naging first topic po namin is— (technical difficulties)

SEC. ROQUE: Tuluy-tuloy lang po kayo.

GM GARCIA: Opo, ano. Nagpapasalamat kami kay Secretary Tugade at kay Chairman Delgra po at nadinig po iyong mga suhestiyon ng ating mga mayors at aayusin po nila ang public transportation sa NCR ito pong week na ito. After po noon, nagkaroon kami ng pagpupulong sa IATF Secretaries po – kay Secretary Año, Secretary Lorenzana, Secretary Galvez, Secretary Dizon and Secretary Mon Lopez at nagbigay po ng mga suggestions ang ating mga mayors.

Unang-una po, in-adjust na natin iyong curfew nang 12 A.M. to 4 A.M., at ito po ay mangyayari itong linggong ito dahil aayusin pa po iyong mga ordinansa o EO ng ating mga mayors pero expected po within the week, 12 to 4 na po ang ating curfew except Navotas. Ang Navotas po is 8 P.M. to 5 A.M. dahil ang [garbled] si Mayor Toby, na ang Navotas po, iyan iyong dulo ng Metro Manila at mas more po sila na mga residential ano. Iyong mga industrial sites naman nila allowed naman ang APOR diyan na magtrabaho, so, dito po para lang maiwasan iyong mga naka-standby, mga nag-iinuman, nakikipagtsismisan sa kalsada kaya binigay pa rin ni Mayor Toby iyong 8 P.M. to 5 A.M. sa Navotas.

Ang second pong napag-usapan ay iyong mga APOR po iyong sa age bracket po at ang sabi naman po, gradual naman ang pag-increase ng mga lalabas. So, ang in-approve po so far ng ating NCR mayors is from 18 to 65 ang Metro Manila po ano; iyong 15 to 65 po, ito po iyong sa buong Pilipinas na MGCQ pa. Alam naman po natin ang Metro Manila nasa GCQ pa rin kaya gradual na lang po iyong increase, so, 18 to 65 po ang recommendation ng ating NCR mayors.

At pangatlo po, iyong tungkol po sa attendance sa Simbahan. Nag-suggest po ang ating mga mayors, unanimously, 17 – 0 po ang score diyan, na payagan na rin ang 30% capacity sa mga Simbahan po, pero of course, approval pa rin po ng IATF iyan, iyong sa amin po recommendation lang ano. Ang naging reason po ng mga mayors natin, iyong psychological moral issues po ng ating mga kababayan kailangan na po ng tulong na face to face na makapagsimba po, kaya iyan po ang naging dahilan nila para at least eh baka mapagbigyan po na 30% ang capacity.

Pangalawa po, nakita naman po natin sa mga Simbahan kapag 10% capacity sa labas po nagkukumpulan at madaming tao which is mayroon namang safe distance sa loob as long as na iyong minimum health protocols po eh susundin. At lastly po, by December 1, baka mag-adjust muli— (technical difficulty)

SEC. ROQUE: Nawala po.

GM GARCIA:—and 3 A.M. na lang (choppy audio) 12 A.M. to 3 A.M. po para bigyang daan po iyong Simbang Gabi sa December, by December 16 po iyan kasi nga po ang katuwiran ulit is baka ang ating mga Simbahan po magdagdag na lang ng misa para iyong capacity po madagdagan dahil sa 30% po hindi po kakasya talaga iyong mga may pananampalataya sa Simbang Gabi. So, by 3 A.M. po sisimulan ang mass, next po 4 then 5, then 6 para ma-solve po lahat ng gustong magsimba.

SEC. ROQUE: Okay. Well, GM, lilinawin ko lang. Ang desisyon po dahil may karapatan kayo magdesisyon ay 18 to 65 ang pupuwedeng lumabas. So, tinaasan ninyo iyong 15 dahil binigyan naman po ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na itaas iyong edad ng mga bata na pupuwedeng makalabas at saka ang curfew po ay 12 to 4 dahil iyan naman po talaga ay magiging epektibo lang kung sumasang-ayon ang mga lokal na pamahalaan.

Ang rekomendasyon ay itaas sa 30% pagsamba sa mga Simbahan. So, mayroon pong dalawang desisyon at isang rekomendasyon kasama na rin po iyong rekomendasyon na pagdating ng December 1 eh babaguhin na nga o iyong desisyon na po ito dahil curfew naman ito, pagdating ng December 1 magiging 12 to 3 na lang ang curfew. So, ang rekomendasyon lang po ay iyong 30% na pagsamba sa ating mga simbahan.

GM GARCIA: Tama po iyon at irirespeto po namin kung ito po ay papayagan o hindi ng IATF but we trust also the wisdom of the IATF regarding po sa mga ganitong matters po. At ang sabi rin ng mga mayors natin, hindi porke’t nagbubukas tayo eh malilimutan natin iyong mga health protocols ‘no. Nandiyan pa rin po iyon at paigtingin lalo ng ating mga mayors. Napakaganda po ng numero ngayon ng NCR, bumaba na po tayo sa 6,112 iyang— (technical difficulties)

SEC. ROQUE: Nawala po kayo.

GM GARCIA:—So, more than 70% na po ang nawala sa active cases. Maganda po ang numero, so, we want to maintain it kaya nga gradual po talaga iyong increase ng mga lumalabas at sinisiguro po ng ating mga mayors na iyong health protocols po ay masunod.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, GM. I hope you can join us for our open forum.

So, buksan na po natin ang ating open forum with our colleagues dito sa Malacañang Press Corps. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] Good morning, Secretary Roque. Question from Rose Novenario of Hataw: Reaksiyon po sa sinabi ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago sa issue ni Reina Mae Nasino.

SEC. ROQUE: [OFF MIC] naman po kasi—oops. Like as I said, tingin ko po personal na opinyon niya iyan. Hindi naman po kasi related sa MMDA iyang issue na iyan. So hayaan po natin na magkaroon ng personal na opinyon si Spokesperson Pialago.

USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong: A court decision was issued last week directing the government to proceed with projects to computerize the Bureau of Customs’ system which was canceled by BOC Commissioner Bert Lina before. What is the position of government on this court order? Will it comply with the directive?

SEC. ROQUE: Well, kinausap ko po si Commissioner Jagger ‘no, ang sabi po niya tatanungin po niya sa Solicitor General dahil ang Solicitor General ang abogado ng Pilipinas sa kasong iyan. For further queries on that issue po, paki-direct na po directly either sa OSG or kay Commissioner Jagger kasi may conflict of interest po ako diyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Joyce Balancio, ABS-CBN please.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon, Secretary Roque. Sinabi po ni DTI Secretary Ramon Lopez kanina sa Laging Handa na perfect balance na po for NCR ang extension ng GCQ until December pero with more sectors being opened at mahalaga daw po nakakabalik na sa trabaho iyong ating mga kababayan. Is this a better option na pinag-aaralan po ng IATF, i-extend na lang ang GCQ until December?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ang parang nabubuong consensus pero siyempre po hindi ko pupuwedeng pangunahan ‘no because it is a collegial decision. Pero ang nangyayari po kasi ngayon bagama’t naka-GCQ ang Metro Manila eh nagkakaroon po tayo nang mas malawak na pagbubukas ng mga industriya na iyan naman po ang kinakailangan ‘no at iyan po ay kabahagi po noong ating mensahe na kinakailangan pag-ingatan ang buhay para makapaghanapbuhay po.

JOYCE BALANCIO/DZMM: But also, Secretary, you mentioned sa interview mo this weekend na possibly ready na rin ang NCR for MGCQ. So, either options pupuwede?

SEC. ROQUE: Well, tingnan po natin kasi ang sinabi ko naman po pupuwede kung patuloy na bumaba ang numero ‘no. Bumababa po talaga ang numero ‘no pero monthly naman po ang ating desisyon so hindi pa naman tapos ang Oktubre at bagama’t mayroon na tayong mga initial data po ‘no na pinag-aaralan ng mga eksperto natin para sa classification ng buwan ng Nobyembre.

So pagpatuloy lang po natin ang mask, ang hugas at ang iwas at tingin ko naman po anything is possible. Bagama’t ang non-negotiable na po, kinakailangan talaga makapaghanapbuhay na tayo kahit anong classification pa iyan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: All right. Sir, on a different topic. Since 2019 our research team in ABS-CBN has been trying to get hold of copies of President Duterte’s SALN since 2018 and iyong mga succeeding SALNs po niya. Unfortunately, sir, pinagpapasa-pasahan po iyong aming research team ng Office of the Ombudsman and also ng Office of the President until inabutan na nga po ng stricter rules ng Office of the Ombudsman. To be categorical about it, Secretary, and also in the spirit of transparency, makikita pa po ba ng publiko ang SALN ng Pangulo from 2018 and onwards?

SEC. ROQUE: We leave that to the Office of the Ombudsman which is a constitutional body tasked with implementation of our laws relating to public officers.

JOYCE BALANCIO/DZMM: In relation to that Secretary, since pinagpapasa-pasahan nga po iyong aming research team, can you give us a clear process kung papaano po kami makakakuha ng SALN since nakalagay po doon sa regulations ng Office of the Ombudsman na kailangan po ng permission ng taong subject of that SALN. Should we write to the Office of the President? And will you—will the Office of the President give us permission to access those SALN?

SEC. ROQUE: Well, if that is what the Ombudsman said, I advise you to comply with it.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Joyce. Back to Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Kris Jose of Remate: Reaksiyon po sa naging rekomendasyon ng Metro Manila Council sa IATF na iklian po ang curfew sa Metro Manila from 12 to 4 na po siya ng umaga na dating 10 P.M. to 5 in the morning? At ano na po ang masasabi ninyo sa apela ng Catholic Church na mas iklian pa ang curfew hours para raw po mas maraming mass services ang magawa sa Simbang Gabi na magsisimula po sa December 16? Ang apela po ni Manila Bishop Broderick Pabillo ay gawin itong 3 A.M. mula po sa 5 A.M.

SEC. ROQUE: Well, hindi lang po rekomendasyon iyan ng mga Metro Manila mayors, iyan po’y kasunduan na na kanilang ipatutupad dahil nakasaad po sa IATF resolution na talagang mga lokal na pamahalaan naman po ang magpapatupad ng curfew. So kasama na rin po iyan iyong sinabi ni GM Jojo na pagdating ng first of December 12 to 3 ang curfew.

Ang rekomendasyon lang po na aantayin natin na aksiyon ng IATF eh pagdating po doon sa pagtataas ng porsiyento ng pupuwedeng magsimba na face-to-face ‘no dahil ngayon po kasi sa GCQ 10%. Ang rekomendasyon ng mga mayor ay itaas po sa 30%. Iyan naman po ay tatalakayin ng IATF.

USEC. IGNACIO: Question from Aileen Taliping of Abante Tonite: Tanong po ng mga pribadong manggagawa tungkol sa 13th month pay, makakatanggap pa rin ba sila ng buong 13th month pay sa kanilang kumpanya kahit hindi sila pinapasok nang halos limang buwan? Ang iba kasi skeletal force lang ang operation sa panahon ng pandemic at ngayon lang muli sila pinapasok ng kanilang kumpanya.

SEC. ROQUE: Okay. Tinanong po natin si Usec. Benjo Benavidez, Usec for Labor Relations ng Department of Labor. Ang sagot po niya, “Pro-rata based on the actual salary earned.” Iyan po iyong kaniyang kasagutan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Happy birthday to you…

JOSEPH MORONG/GMA7: Salamat, sir. Salamat.

SEC. ROQUE: So for that, you are entitled to half additional question [laughs].

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, in terms of statistics ‘no, last time ang tiningnan ninyo is iyong attack rate, daily attack rate and iyong two weeks na increase ‘no. Right now, anong mayroon tayo na statistics in terms of those numbers?

SEC. ROQUE: Well, ngayon po wala pa akong hawak ‘no, kasi ang mayroon ako was as of last week. Pero mamaya po ipiprisenta ni Secretary Duque kay Presidente ang numero kaya kung napapansin ninyo nailalabas ko iyong numero kasi iyan iyong numero na prinisenta kay Presidente. So bukas po ilalabas ko po iyang numerong iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. ‘Cause the reason why I asked is, okay, ito iyong mga ginawa natin the past couple of weeks ‘no. You want to increase iyong transportation, binaba natin iyong age ng mga bata na puwedeng lumabas, tinaasan natin iyong mga seniors and other things. Taken all together at saka iyong number of businesses that are opened, sabi ni Sec. Mon 95%. Our present community quarantine, you call it GCQ but in essence it looks likes, sounds likes, talks like MGCQ. Ba’t hindi ninyo na lang sabihin, sir, na MGCQ, in essence ganoon din naman siya?

SEC. ROQUE: That’s a decision of the IATF ‘no pero tama po kayo, mas maluwag na GCQ ang pinapairal ngayon sa Metro Manila.

JOSEPH MORONG/GMA7: Or are we afraid that you may say MGCQ, iyong mga tao biglang magri-relax?

SEC. ROQUE: Well, kasama na po iyon ‘no, kasi ngayon naman po tingin ko kaya ang numero ay bumababa dahil sumusunod sa health protocols ang ating mga kababayan at isang dahilan na rin dito eh si Presidente na ngayon ang humihingi sa ating mga kababayan na mag-mask, maghugas at mag-iwas.

JOSEPH MORONG/GMA7: Where is the confidence coming from, sir, to relax all of these things?

SEC. ROQUE: Well, it’s a combination of the fact that the indicators are getting better and the fact na iyong riyalidad, kinakailangan nang magkaroon ng hanapbuhay dahil habang sarado po tayo eh wala pong hanapbuhay ang marami sa ating mga kababayan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, short lang. Iyon pong recommendation ng MMDA na 18 to 65 and then curfew of 12 to 5 A.M., approved iyon? Power naman nila iyon eh.

SEC. ROQUE: That’s a rule already because according to the IATF resolution, the local governments may increase the age of young people that are allowed out and the MMDA already decided it is 18 to 65. So in Metro Manila, it’s 18 to 65.

Number two iyong hours ng curfew, again that’s up to the local government, that’s a recommendation of both the Cabinet and IATF at nagdesisyon na po ang Metro Manila na 12 to 4 except pagdating ng December 1, it will be 12 to 3 to accommodate Simbang Gabi.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Sir, can I go a little bit to Secretary Cusi?

SEC. ROQUE: Yes, please, because it’s your birthday.

JOSEPH MORONG: Sir, iyong service contract na pinag-uusapan na i-resume is iyong service contract number 38 ba iyan?

SEC. CUSI: Ano po iyon, I’m sorry?

JOSEPH MORONG: Sir, iyong service contract, sir, na iri-resume natin because of the recent order of the Presidente, is that the service contract number 38?

SEC. CUSI: No, service contract 38 that pertains to Malampaya that is presently operating.

JOSEPH MORONG: So, anong mga service contract, sir, iyon? Are you offering or they are already offered?

SEC. CUSI: Iyong suspended ang operation sa West Philippine Sea, lima iyong service contract. Isang service contract 72, 75,54,58 and 59. So, limang service contract po iyon.

JOSEPH MORONG: And, sir, doon sa service contracts na iyon, may Chinese company?

SEC. CUSI: No, those service contracts were issued to Filipino and Malaysian. There were two that with foreign companies.

JOSEPH MORONG: But this is not precluding maybe involvement of the Chinese government in the future? Other service contracts for example?
SEC. CUSI: We are open to all nationalities na mag-apply for service contract at the West Philippine Sea. In fact, we just had the first round of the PCECP or what we call the Philippine Conventional Energy Contracting Program na mayroon doon ang mga nominated areas and iyong identified areas already, pre-determined areas. Iyong mga pre-determined areas nakuha na halos lahat iyon. Tapos doon sa nominated areas, there were three companies that nominated, that are presently under evaluation now.

JOSEPH MORONG: Sir, last na lang. Iyon po bang joint exploration with China, does it not compromise our position in the context of our win in the arbitral tribunal?

SEC. CUSI: Is it what, sorry?

JOSEPH MORONG: Does it not compromise, sir, iyong ating posisyon given iyong arbitral award? Meaning, does it weaken our position in terms of the arbitral ruling?

SEC. CUSI: No, no way. In no way it weakens. First, this lifting of the moratorium is an exercise of our sovereign rights, ginagawa na po natin iyan. So, in no way it weakens the arbitral decision, and our MOU to explore a joint development program or cooperation with China, in no way that it weakens or giving away our sovereigns.

JOSEPH MORONG: Thank you for your time, Secretary Roque. Thank you. Regards kay GM Garcia.

SEC. ROQUE: Happy birthday and if I my add, Joseph. Although, it’s a sovereign right is defined as the exclusive right, that exclusive right may be shared by others, the decision to share it is part of the sovereign rights.

USEC. IGNACIO: Secretary from Leila Salaverria of Inquirer: It’s been three years since the liberation of Marawi. How will the government describe the phase of rehabilitation efforts? Is it satisfied with how it’s going?

SEC. ROQUE: Well, let’s just say that we are satisfied but the President of course would appreciate if it can be hastened.

USEC. IGNACIO: Second question niya: What is the government planning to do about the complaints of the Moro Consensus Group which said many continue to suffer as thy are still being prevented from returning to their homes even of the search and retrieval of unexploded bombs has been completed? They also said, they have not received compensation from the government.

SEC. ROQUE: We will confer po with Secretary Del Rosario on this matter. Please, ASec., remind me, we will confer with Secretary Del Rosario. Thank you.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, first two question for you then I will go to Secretary Cusi. Sir, I’ll begin iyong sa travel po. Bakit daw po antigen test ang magiging basis for outbound travelers kahit wala pa raw pumapasang antigen test sa local screening? Hindi raw po ba ito risky na mag-export tayo ng COVID cases?

SEC. ROQUE: Hindi naman po. Kasi, chances are kung saan kayo pupunta, iri-require pa rin kayo ng PCR test. So, hindi po ganoon kadali pa rin magbiyahe maski nag-liberalize na tayo ng outbound travel kasi halos lahat ng daigdig pa rin ay nagri-require ng PCR test kagaya ng ginagawa natin sa mga pumapasok sa ating bansa.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong doon po sa case ni Baby River Nasino. Sir, what does Malacañang think of the setup, the situation that could play especially noong burol and libing po ni Baby River? Do you think that it was an overkill? And ano pong mensahe kaya ang pinaparating nito sa mga tao? Don’t you think that it’s instilling fear among the people?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, the President does not micro-manage. And in matters of securing an accused facing a non-bailable offense, the President can never substitute its judgment from that of the commander on the ground. So we respect po whatever decision of the commander may have been on the ground. If he felt that such security arrangement was necessary, so be it! Pero [garbled] para ang isang Presidente manghimasok sa mga ganiyang factual determination na wala naman po siya doon sa lugar na iyon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Salamat, Secretary. Sir, may I go to Secretary Cusi please?

SEC. ROQUE: Yes, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary Cusi. Sir, regarding din po ito siyempre sa lifting po ng moratorium ‘no. What does that timeline po na tinitingnan po natin on the decision about the sale of Shell’s 45% in Malampaya? And does Odena have the edge here since it already has 45% of the Malampaya and has advantage of right matched to the right to offer to other interested parties?

SEC. CUSI: Well, iyong sa pagbibenta ng Shell on their rights to the consortium of 45%. Sinasabi nga po namin that is a proprietary transaction, so Shell is offering to sell their rights. And there are buyers, I believe, that there are buyers that are negotiation with Shell.
Now, ang question is that, does Odena or does Odena have one edge? The members of the other consortium have the right to match the proposal. So, that is a built-in advantage, not only for Odena, but also for PNOC-EC, the Philippine National Oil Exploration Company. PNOC-EC is a member of that consortium.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, doon po sa exploration. How soon can the exploration resume? At ilan po iyong volume of possible gas that we are expecting? And isasabay ko na rin, sir, ano po iyong naging proposal from China and iyon nga po, kailan po natin makikita na magsisimula ito?

SEC. CUSI: Iyong sa timeline, regarding the timeline, we have given notice to the service contract holders, the five service contract holders, nabigyan na namin sila ng notice to resume their exploration activities. Under that notice, nandoon po iyong kanilang work commitment na dapat gawin, at investment commitment. So, those are two important things that would help prime our economy in this pandemic na magkakaroon, papasok po ng investment at magkakaroon ng activities.

Ngayon po, doon sa work program na iyon po, I think they have five or six years na work program that has been lined up. So they should resume that immediately, because time will be against them kapag hindi sila nagtrabaho kaagad. Now, ano po naman iyong sa China wala po, ito pong action na ito is a unilateral action by the Philippine government to lift that moratorium para nga po magsimula uli ng exploration iyong mga companies po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, last question. Nabanggit po ni Senator Lacson that he is opposing or he opposed the lifting of moratorium only in certain areas and specific to certain service contract. The question is, bakit hindi na lang daw isinama iyong mga service contracts na nasa disputed waters because apparently within EEZ lang po iyong ni-lift na moratorium, tama po ba?

SEC. CUSI: There must be a misunderstanding sa lifting. Ang lifting is not only on the five (5) service contracts; the lifting is on the entire West Philippine Sea. Iyong ating Exclusive Economic Zone ‘no, doon iyon sa buong iyon. In fact, aside from the five, there are three applicants that DOE is now evaluating. So baka nagkaroon lang ng misunderstanding po na hindi lang po iyon sa – and I want to make it clear – na iyong ating lifting ng moratorium is for the entire area and not just for the five service contracts.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right, sir. Salamat po, Secretary Cusi at salamat po, Secretary Roque.

SEC. CUSI: Salamat po.

SEC. ROQUE: Salamat, Trish. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, from Einjhel Ronquillo ng DZXL/RMN: Paki-confirm po kung hindi na kailangan ng quarantine pass sa National Capital Region lalo na’t pinalawig na ang age group na maaari nang lumabas ng kanilang tahanan.

SEC. ROQUE: Usec. Jojo, perhaps you can answer that. General Manager Jojo Garcia, please.

GM JOJO GARCIA: Yes. There are some LGUs pa rin, like for example, Pateros na may tinatawag pa rin tayong localized lockdown na ginagamitan pa rin ng mga quarantine pass. So depende po talaga sa LGU, allowed naman po sila mag-localize lockdown sa mga certain zones or streets. Kapag ganiyan pong naka-lockdown, hinahanapan pa rin po ng quarantine pass.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya ay naitanong na iyong about sa apela ni Manila Bishop Broderick Pabillo. Iyong third question po niya, ano raw po ang reaksiyon ng Palasyo sa napagdesisyunan ng Metro Manila Council na panatilihin ang GCQ status sa Metro Manila hanggang end of the year?

SEC. ROQUE: We respect that po ‘no kasi nakikipag-usap naman po palagi ang mga IATF secretaries sa mga Metro Manila mayors in particular si Secretary Lopez is always engaged in dialogue with the Metro Manila mayors. And correct me if I’m wrong, GM Jojo, but I think they are in agreement na pupuwede naman talaga na mas maluwag na GCQ allowing for the opening of more business establishments. GM?

GM JOJO GARCIA: Yeah, Secretary. Actually, iyong ginawa po nating plano diyan is GCQ hanggang end of the year. Kasi parang ang sabi po ng mga mayors natin ay mas madali iyong magluwag unti-unti kaysa MGCQ kaagad na one hundred percent saka tayo magbabawas ‘no. Ibig sabihin, gradual po lahat ng increase ‘no depende po sa sitwasyon at nakita naman po natin, lahat po ng hiniling ng economic team, binibigay po ng NCR mayors.

Ang talagang ‘no-no’ lang sa atin is iyong mga sinehan, concerts, or including ‘no the Christmas party – napag-usapan na rin po namin iyan. Sa amin po sa ahensiya, si Chairman din po ay nag-declare na nawala kaming Christmas party. So we’re encouraging even the private sectors na wala na ring mga Christmas parties.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you po, GM. Thank you, Usec. Maricel Halili of TV 5, please.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, the Commission on Human Rights has criticized the DepEd’s module for Grade 12 students, discouraging them to attend protest rallies and demonstrations. Sabi po ng CHR, blind obedience is not love for the country. Your thoughts on this, sir?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, ang initial reaction ko is we defer to the DepEd ‘no. Pero remember, ang DepEd naman po, ang supervision niya, elementary and high school. So siguro ang sinasabi lang ng DepEd ay iyong mga elementary at high school ay siguro huwag munang mag-attend ng mga rallies.

Pero as I said, DepEd will be in a better position to address this. Hindi naman po ito para sa mga matatanda ng mga estudyante; ito po ay para sa mga bata.

MARICEL HALILI/TV5: But to be clear about, sir, just so maklaro rin po iyong sa statement ng CHR, the government is not discouraging anybody to join any demonstration, even if it’s against the government?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, that’s already in the Bill of Rights and, of course, ang pinag-iingatan lang natin ay iyong mga wala pang sapat na pag-iisip, iyong mga menor de edad at mga bata.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, one last question po. Follow up lang po doon sa question ni Joyce about sa SALN ni President. Because PCIJ also released an article, they also published an article showing iyong SALN from the time of former President Cory Aquino until PNoy’s time, na-publish siya or nagkaroon ng disclosure sa public ten days after they submitted it to the Ombudsman.

Now, the PCIJ is saying that it seems that President Duterte is breaking a long tradition of President’s making their annual wealth disclosures public. Isn’t this contrary to the policy of the government for transparency, Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro dahil may bago pong guidelines na sinusunod ang Office of the Ombudsman, siguro naman po dahil co-equal—hindi naman co-equal kung hindi constitutional body iyong Ombudsman ay dapat naman sundin natin iyong kanilang mga guidelines.

MARICEL HALILI/TV5: Maraming salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po, Maricel. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay MJ Blancaflor of Daily Tribune: Will the IATF approve the recommendation of the Metro Manila Council to adjust the curfew hours in Metro Manila from 12 A.M. to 4 A.M? Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez said this will allow the observance of Simbang Gabi.

SEC. ROQUE: Already answered na po.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: May response na po ba ang DBM at DOF sa proposal to subsidize the 13th month pay of workers employed in micro and small enterprises?

SEC. ROQUE: Pinag-aaralan pa po iyan. Before the press briefing, ang sagot po sa akin ng someone from DOF is they’re waiting more information from DOLE.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Punta po tayo kay Melo Acuña.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Para po sa inyo, mayroon lang mga ilang seniors na nag-message sa akin na hindi raw po nila natatanggap iyong kanilang pension mula sa SSS. Will you please look into this because doon sila umaasa ng pambili ng gamot at kanilang subsistence? Maganda po sigurong masuri iyan.

SEC. ROQUE: Promise po I will—right after the program, we will call the President of SSS and inquire bakit ganito po ang nangyayari. It’s a promise.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, salamat po. For Secretary Cusi. Secretary Cusi, magandang hapon po. Matapos po ang inyong midday press briefing kamakailan, naglabas po iyong spokesperson ng Ministry of Foreign Affairs ng China na nagsasabi na ang Tsina at Pilipinas ay mayroon ng consensus tungkol sa joint exploration ng oil and gas resources in the South China Sea. At ang sabi niya, magsi-set up din ng relevant consultation and cooperation mechanisms. Would you able to give us details of this statement dahilan sa mahalaga ito para sa atin?

SECRETARY CUSI: Magandang hapon po, Ka Melo. Iyon pong—if you a referring to the MOU na consensus, tama po iyon na nagkaroon po talaga tayo ng MOU to find ways how we can find a joint exploration at West Philippine Sea. At iyon po naman ay pinu-pursue natin. And in fact, we had meetings late last year kaya nga lang po ay naantala ang pagsusulong nito dahil nga po dito sa pandemic.

Ang napapag-usapan po natin noon is that iyong katulad po ng service contract 72 or the forum, they are looking for counterpart na Chinese company that would be interested in farming in or investing or joining or making a JV with a service contract holder to pursue exploration in the area. And that is being pursued.

So tuluy-tuloy po rin iyong ating pinag-usapan, tuluy-tuloy iyong MOU kaya sinabi ko nga po kanina, itong unilateral lifting natin, this is just to give others also the time to or the chance to start operating already, Ka Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Maraming salamat po. Para po kay GM Jojo Garcia ng MMDA. Ano na po ang assessment ninyo sa bike lanes? At ano na rin po ang pagtrato ng MMDA sa electric bikes? Makakatulong po kaya ito sa atin? Mayroon po kayang kaukulang safety measures to assure everyone na ligtas sa paglalakbay ang motorista at ang nakasakay sa e-bikes at bisikleta? Salamat po.

GM JOJO GARCIA: Okay. Good afternoon po. Unang-una [garbled] katuwang po namin dito ang DOTr at DPWH. Sabi ko nga, madami tayong sinisimulan ‘no. Ang mga local governments natin, may mga bike lanes na rin. Kasama po sa napag-usapan namin iyan kagabi.

Kung mapapansin ninyo iyong sa San Juan, iyong Ortigas Avenue, didiretso na ng Mandaluyong iyan hanggang Pasig. So ang ibig sabihin lang po, ang ating mga LGUs po ay may kaniya-kaniya ng bike lanes, ang problema ay iyong connectivity. That’s why pagpasok po ang national government, may plano po tayo sa EDSA. Pero hindi naman po natin ito ilalagay nang basta-basta pintura lang, kailangan talaga may safety. At alam naman po natin, madaming pasaway din na mga drivers. So we want to protect the riders.

Malaking tulong po ito, ito iyong ating pinu-promote po ngayon, ang paggamit po ng bisikleta para iyong movement po ng tao ay at least kahit papaano ay mapadami ang mga mode of transportation po nila.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Maraming salamat po, Secretary Harry, GM Jojo at Secretary Cusi. Thank you. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for SECRETARY CUSI: Has the DOE issued guidelines to the industry to ensure energy reliability amid potential coronavirus impact?

USEC. IGNACIO: Guidelines to the industry to ensure energy reliability amid potential coronavirus impact?

SEC. CUSI: Tama po iyon, Usec. Sa simula pa lang po ng pandemic last March, we already met the industry players – the GenCos (generation companies), the petroleum companies, the gas stations. Ang unang pangunahing concern po natin is the business continuity, making sure that supply of energy is not compromised because alam po naman natin that energy defines economy, defines life, so, importante na hindi maantala iyan.

And ako, I’m very thankful po sa mga industry players. Sabi ko nga, iyong mga GenCos, the oil companies, very thankful for them for their cooperation making sure that the supply of energy is uninterrupted. If you will notice, Usec., that even at the height of the pandemic, ang gas station, ang small gas station is open serving the public. So, ang kuwan noon ay nakakapasok iyong tao natin, nag-a-attend doon sa gas station, iyong ganoon, ay nakakapasok.

At saka iyon namang sa mga GenCos, iyong mga GenCos natin, sabi ko nga, tawag natin sa kanila, ‘backliners’ ng mga frontliners dahil sila quiet na nagtatrabaho making sure that the plants are operating and supplying energy. Siyempre, these people also risked being infected and doon kami natatakot na magkaroon ng infection, na matitigil ang operation ng ating electricity market, ang ating generating companies and even the distribution companies, malaking problema iyon. And that’s why it was very important, I’m thankful to them for providing us business continuity program even at the height of the pandemic, Sec. Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Usec. and Secretary. May question pa? Go ahead.

USEC. IGNACIO: Yes. Sir, medyo marami-rami pa po tayong question dito sa ating mga kasamahan. Ang second question po ni Evelyn Quiroz para kay Secretary Roque: The Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases recently decided to ease the age range of those allowed to go out amid quarantine restrictions and you were quoted to have said that the decision is based on Science and hard data. May we know the exact basis for the decision? What scientific body and hard data, from where?

SEC. ROQUE: Tiningnan po ng inyong IATF iyong case fatality rate ng iba’t-ibang mga edad ‘no at lumalabas po na iyong mga from zero to five years old, 1% ang case fatality rate pero iyong 6 to 20 is just 0.3%; even lower than the 30s to 60s. Ang pinakamataas po talagang case fatality rate at hawak ko po itong case fatality rate figures, ang pinakamataas po talaga ay iyong edad na simula po sa 66 to 70 – 9.48; 71 to 75 – 12.35; 76 to 80 – 15.05. So, talaga pong seniors po talaga ang pinakamataas na case fatality rate. So, 0.3 lang po ang case fatality rate ng ages between 6 to 20.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong mula kay Sam Medenilla for Secretary Roque: Last July ay nag-suspend po ang IATF ng outbound non-essential travel dahil isa lang pong insurance provider na may package covering the health and travel expenses of travelers in case they are infected with COVID-19. Currently, ilang insurance firms na po ang nag-o-offer sa nasabing package?

SEC. ROQUE: Quite honestly po, hindi ko po alam. Pero ang bagong requirement ngayon for outbound travel is the antigen test which was not included in the earlier resolution. But I will find out po kung ilan na iyan para alam ng Filipino kung sinong pupuwedeng magbigay ng medical travel insurance.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Nabanggit po ni Labor Secretary Silvestre Bello III last week na nag-submit na daw po sila sa IATF ng proposal na kailangang amount for possible government subsidy for distressed small and medium companies to pay the 13th month pay of their workers. May action na po kaya dito ang IATF or DOF?

SEC. ROQUE: Mag-aaksiyon po diyan DOF kasi kung wala talaga tayong pagkukuhanan ng pondo, kahit aprubahan po iyan ng IATF walang mangyayari. So, kinakailangan aktuhan muna iyan ng DOF and before the press briefing tinanong ko po ang DOF, may mga impormasyon pa raw po silang hinihintay sa DOLE. Siguro I will bridge para malaman na natin ang kasagutan – yes kung yes; no kung no.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Chino Gaston, GMA 7 for Secretary Cusi. Ito po ang tanong niya: After the President lifted the moratorium against joint exploration in the Recto Bank area, will this pave the way for future engagements in other areas?
SEC. CUSI: Tama po iyon. Noong ma-lift po natin iyong moratorium sa West Philippine Sea, aside from the five service contracts, it will encourage others to nominate and invest at the West Philippine Sea.

USEC. IGNACIO: Second question po niya para pa rin kay SECRETARY CUSI: Also, does this mean isinuko na natin ang karapatan natin exclusively over Recto Bank or hiwalay ba itong issue sa legal na usapin sa arbitral ruling?

SEC. CUSI: Katulad po ng sinabi ko kanina, this is an exercise of our sovereign rights. Ini-exercise po natin iyon na para po sa ganoon ma-tap po natin lahat ng resources doon at magamit po ng ating bansa, ng ating mamamayan. So, iyon po eh sa kuwan na nga po na ito po ay in the exclusive economic zone ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Question for MMDA GM Jojo Garcia. Ang tanong po mula kay Meg Adonis from Philippine Daily Inquirer. Ito po ang tanong niya: You mentioned that Metro Manila mayors want NCR cities to remain under GCQ until the end of the year. Does this mean na hindi na po magkakaroon ng monthly meetings ang Metro Manila Council to discuss the recommendation on quarantine status? Plano pa lang po ba ito or final decision na ng mayors ang GCQ recommendation until December 31st?

GM GARCIA: Okay. Unang-una, lagi kaming may meeting. Every Sunday or sometimes twice a week nagmi-meeting po ang Metro Manila Council at iyan po ay napag-usapan, I think, two weeks ago, ano, previous meeting. So, so far naman hangga’t wala pong bagong development, iyon pa rin po ang napagkasunduan. So, it still depends po kung anong mangyayari pero sabi nga ng NCR mayors natin, sumusuporta tayo sa economic teams sa pagbubukas unti-unti. So, it’s not a matter of MGCQ or GCQ, ang sa atin lang is gradual ang pagbubukas at iyong restrictions natin lumuluwag unti-unti din.

USEC. IGNACIO: Opo. Para pa rin po sa inyo, GM Jojo. Tanong po mula kay Johnna Villaviray ng Asahi Manila: Why there is a need to employ 70 administrators for the MMDA Facebook page or for the MMDA Spokesperson’s page? Since when were they employed? Are they employed solely to manage the MMDA FB page or the MMDA Spokesman’s page?

MMDA GM GARCIA: Hindi po, hindi po MMDA employees iyan ‘no. I don’t know kung saan po nanggaling iyong 70 na iyan pero definitely under po sa office ko ‘no, si Asec. Celine Pialago, wala ho siyang ganiyang staff. Ang staff niya lang po isang secretary at isang EA niya, iyan lang po ang staff ng Spokesperson. At katulad ng sinabi nga ni Secretary Roque, I think she is responsible and [garbled]. Mayroong negative at positive comments doon sa sinabi niya pero ito po’y personal opinion niya at hindi po MMDA.

USEC. IGNACIO: Opo. Question po for Secretary Cusi. Secretary Cusi question from PTV: With the lifting of the moratorium in West Philippine Sea, ano po ang epekto nito sa ordinaryong ‘Juan’ at paano kung manggulo daw po ang China?

DOE SEC. CUSI: Okay. Again, ano po ang epekto nito sa ordinaryong Juan? Una, itong pag-lift po ng moratorium, makakapag-start po tayo ng exploration. It gives hope for all of us to find a new source of energy that would ensure our energy security in the future.

Ngayon po sa mga ordinaryong Juan because po magkakaroon ng mga investments po, magkakaroon po ito ng mga employment needs ‘no, magkakaroon po ng—or employment opportunities para sa mga ordinaryong Juan ano po and it will help our economy to recover in this pandemic.

And because mayroon pa rin po ito aside from employment, there are investment requirements to these service contract holders ‘no. If I remember it right, these 5 service contract holders within the span siguro of 5 years, they need to put in something like—for exploration only, something like 80 million dollars so that will help pump prime our economy.

Ngayon kung manggugulo naman po ang Tsina, sa issue na manggugulo… because of our unilateral lifting ng moratorium, unang-una hindi naman po bawal, wala naman pong—wala po namang regulasyon na nagbabawal na ang unilateral lifting is bawal. Pangalawa po, iyon pong ating relasyon, ang relasyon po ng Pilipinas at Tsina nag-improve na po iyan since President Duterte came into power ‘no and it has reached a new maturity. Mahusay po, it is based on mutual respect as countries and si Pangulong Duterte po naman ay ginagalang po rin ang Tsina.

So sa ngayon because of this maturity ng atin pong relasyon, kung magkakaroon man po ng protest o reklamo ang Tsina, it will be done diplomatically. And the Philippines, tayo po naman under our constitution, iyon pong ating mga different agencies ‘no, we have our obligation to respond accordingly po.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Cusi. Secretary Roque, ito po ang huling tanong po mula sa kasamahan nating si Ace Romero para po sa inyo: Paki-elaborate po Secretary Roque iyong pro rata based on salary earned para daw po maging mas klaro. Regarding po ito doon sa 13th month pay.

SEC. ROQUE: Ang pro rata po ibig sabihin niyan 12 months iyan ‘no, kapag nagtrabaho ka ng 12 months mayroon kang 1 month/13 month. Kung nagtrabaho ka ng anim na buwan, kalahati lang makukuha mong 13th month.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. Since wala na po tayong question maraming, maraming salamat po ‘no. Bago tayo magtatapos eh siyempre nagpapasalamat po tayo sa mga kasamahan natin sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat kay Secretary Cusi at saka kay GM Jojo Garcia at maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky.

Bago po tayo magtatapos ay mayroon po tayong DOTr video tungkol po sa seven commandments na kinakailangang sundin natin sa mga pampublikong transportasyon.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox nagsasabi: Pilipinas, we will heal as one. Please stay safe. Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

 


SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)