Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Boracay, Malay Aklan

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Narito po tayo ngayon sa paraiso na tinatawag na Boracay.

Bukas na po ang Boracay para sa mga turista, pati po ang mga tiga-Metro Manila na nasa ilalim ng GCQ ay pupuwede na pong bumisita sa isla na naturingang pinakamagandang beach sa buong daigdig. Kinakailangan lang pong magrehistro sa webpage ng Aklan sa aklan.gov.ph at i-download po ang health declaration form. Matapos po, ibabalik po natin ang health declaration form, isusumite natin kasama po ang ating PCR test na kinuha 48 hours bago po dumating dito sa Boracay. Matapos po iyang isumite online, makakakuha po kayo ng QR code, at matapos po niyan ay pupuwede nang pumunta sa Boracay.

Mayroon na pong mga flights ang lahat ng mga eroplano – ang Philippine Airlines, ang Cebu Pacific at ang AirAsia.

Nagpapasalamat po kami sa taumbayan dahil sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, binigyan po ng 91% trust rating si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at 91% din po sa performance rating ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Pagdating po sa trust rating, pangalawa po si Senate President Vicente Sotto, 79%; tapos po, pumangatlo po si House Speaker Alan Cayetano at 67%. Ang ating VP Leni po ay nasa malayong pang-apat, 50%.

Pagdating po sa performance, pumapangalawa po ang ating Senate President, 84%; si Speaker Cayetano po, 70%; at ang ating VP Leni, 57%.

Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinabi – ayaw yata ng Pilipino ang namumulitika sa panahon ng pandemya. Subukan po nating itigil ang pulitika baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mas mataas pa po sa 57% ang performance rating.

So maraming salamat taumbayan, 91% ang binigay sa ating Presidente sa trust at saka sa performance approval rating.

Well, ngayong araw po, a-singko ng Oktubre, nagsimula na rin po ang pagbubukas ng klase sa pampublikong mga paaralan. Incidentally, ngayong araw din ang World Teacher’s Day ‘no. So sa lahat ng mga guro, gaya ko, gaya ng aking nanay, gaya ng aking lola, Maligayang Araw po ng mga Guro. Maraming salamat sa pagiging pangalawang magulang sa ating mga estudyante.

Mahigit dalawampung milyon na po or 22,525,282 na estudyante sa pampublikong mga paaralan ang nag-enroll ngayon ‘no. Optimistic kami na sa pagbubukas ng klase dahil tiniyak ng DepEd po na handa sila sa school opening ngayon maski po nandiyan pa rin ang COVID-19.

Tulad ng una ko pong sinabi, hindi man maging perpekto ang pagbubukas ng klase eh may mga paghahanda naman pong ginawa ‘no. At kampante po kami na magtatagumpay over-all ang kauna-unahang blended learning natin dito sa ating bayan.

Ang blended learning po, magkakaroon po ng modules na iku-complement po iyan ng TV broadcast, radio broadcast at online learning. So huwag po kayong mag-alala, maski maraming areas na mahina ang internet, kung mahina po ang internet – modular, TV at radio ang gagamitin.

Siyempre po, nananawagan tayo sa Kongreso na madaliin ang pagpasa ng budget ng Department na ito kung nasaan kasama ang budget para sa bagong learning approaches.

Kung may mga tanong, mangyaring tumawag po sa Oplan Balik Eskuwelahan hotlines na makikita ninyo ngayon sa inyong mga screen.

Balitang IATF naman po tayo. Nagpulong ang mga miyembro po ng IATF noong Biyernes at inaprubahan po ang mga sumusunod:

Una po, inaprubahan po iyong rekomendasyon ng economic cluster na unti-unting buksan pa rin ang ating ekonomiya; increments na kinakailangang proportional sa health care capacity sa bansa.

Pangalawa, ang pagpapaigting po sa mga naaprubahang prevent, detect, isolate, treat strategy ng National Task Force-IATF. Tatlong bagay ang nasa loob po nito: Ang patuloy na pagbuti ng hospital care; ang muling pagbubukas ng pampublikong transportasyon na may sapat na bilang at ligtas sa publiko at sumusunod sa minimum public health standards; ang pananatili ng community classification. Ang pag-escalate ng community quarantine levels ay nakareserba bilang last na ma-address para sa mga tumataas na sitwasyon ng COVID-19.

Panghuli, ang pagsusuporta sa pag-endorso sa isang Dietary Supplementation Program para sa mga batang may edad na anim hanggang dalawampu’t tatlong buwan at mga buntis na kulang sa nutrisyon. Ang ayuda ay maaaring pera o food packs.

Sa ibang usapin, pinayagan po ng DTI na itaas ang allowable operations capacity at business establishments sa ilalim ng General Community Quarantine; one hundred percent ang mga ito under GCQ.

Naka-flash sa inyong screen ang business establishments or activities na ito – kabilang ang mining, ang quarrying, domestic, other financial services tulad ng money exchange at insurance, legal and accounting management, consultancy activities, architecture and engineering activities, scientific and development research advertising and market research, computer programing ng publishing and printing services, film, music and TV production, recruitment and placement agencies, photographs, fashion, industrial graphic and interior design, wholesale and retail trade, and repair of motor vehicles, motorcycles and bicycles, malls and commercial centers, construction projects.

Kasama rin ang non-leisure activities na naka-flash sa inyong screen ngayon, kasama po rito ang hardware, ang clothing and accessories, bookstores and schools and other supplies stores, baby or infant care supplies stores, pet shops and food pet shops care, IT, communications and electronic equipment, flower, jewelry, novelty, antique, ang toy stores, ang music stores, ang art galleries, ang firearms and ammunition establishments.

At ang panghuli, ang mga barbershop at salons na 75% na papayagan na po. Ang mga restaurants, 50% na po ang pinapayagang operational capacity sa dine-in sa mga restaurants provided na, siyempre po mayroong physical distancing at compliance sa minimum health standards. Pinapayagan din po na magbukas 24/7 ang mga kainan.

COVID-19 updates naman po tayo. Ito po ang global updates ayon sa Johns Hopkins University: Higit tatlumpu’t limang milyon na po o 35,016,152 kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Mayroong higit isang milyong katao or 1,034,974 ang nabawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po sa kaso ang Estados Unidos, pangalawa ang India, pangatlo po ang Brazil, pang-apat ang Russia at panlima po ang Colombia.

As of October 4, mayroon na pong 3,639,889 individuals na na-test na po natin sa 107 RT-PCR laboratories and 33 licensed GeneXpert laboratories.

Mayroon tayong 43, 642 active cases as of October 4, bulletin ng DOH at sa numerong ito, ang aktibong kaso po ay 85.4% ang asymptomatic, 9.2 ang mild, 1.7 ang severe at 3.8 ay critical.

Parami po nang parami ang gumagaling, mayroon na po tayong 273, 079 na nai-report na gumaling as of October 4 samantalang ang malungkot kong ibinabalita ay as of October 4 ay mayroon po tayong 5, 776 na nai-report na binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Nakikiramay po kami sa mga biktima.

Now, dito po nagtatapos pero mayroon tayong video ng Boracay.

Okay… mamaya na raw.

Kasama natin ngayon sa ating briefing walang iba po kung hindi ang governor ng probinsiya ng Aklan, Governor Florencio Miraflores.

Good morning, Governor!

Kasama din po natin ang mayor/alkalde ng Malay kung saan kabahagi po ang Boracay, si Mayor Frolibar Bautista at si Mr. Henry Chusuey ng Henann Hotels dito po sa Boracay.

Governor, mula po nang magbukas ang Boracay noong October 1, kumusta na po ang pagdating ng mga turista dito po sa Boracay?

GOVERNOR MIRAFLORES:   Una sa lahat, Secretary, maraming salamat sa paggawa mo ng programa dito sa Isla ng Boracay. Kailangang-kailangan namin ito para mapaabot sa ating mga kababayan na bukas na bukas na ang Boracay.

As of October 1, 35 na tourists ang dumating; October 2, 47; October 3, 53. Paunti-unting umaakyat na iyong numero ng mga turista natin, Secretary, but ito naman ay expected natin kasi ang mga tao ngayon ay medyo nahihirapan pang pumunta dito. May kaunting takot pa pero sa tingin namin in the next few weeks or in the next few months, ang mga turista sa Boracay ay babalik kasi sa nakikita ninyo ngayon ang ganda-ganda ng Boracay.

Bumalik sa dating estado iyong Boracay in the 1980s, 1990s, ang ganda ng beach at higit sa lahat, safe na safe ang Boracay kasi hanggang ngayon COVID-free pa rin ang island ng Boracay. So, we’re expecting more tourists in the next few weeks and months, Secretary.

SEC. ROQUE:   Pero, Governor, mayroon ba kayong hakbang na ginawa para mas maengganyo pang ating mga kababayan na bumisita muli sa ‘World’s Best Beach’?

GOVERNOR MIRAFLORES:   Well, nakipagpulong tayo sa mga sector ng turismo dito sa Isla ng Boracay at napagkasunduan na para ma-offset iyong RT-PCR test na medyo may kamahalan ay nag-agree ang mga tour operators at saka tourist establishments na magbibigay sila ng as much as 75% discount on room rates.

Itong Hennan na ito nagbibigay na actually ng 75% room rate, so, kung titingnan mo, Secretary, kung four days, five nights ka dito, iyong gastos mo sa RT-PCR test ay mao-offset sa discount na ibinibigay ng mga hotels natin dito. So, iyon.

Ang isa pang ginagawa natin ay ipinapakita natin sa ating mga turista na handing-handa ang probinsiya ng Aklan at Municipality ng Malay na kung in case man may mangyari na may nagkaroon ng symptoms ang turista, magkaroon ng kailangan natin sila i-treat, we have all the medical facilities. Kumpleto itong ating ospital, kumpleto iyong COVID response natin dito sa Isla ng Boracay. Mayroon tayong hotline na 152 na kung sino mang turista na gustong magpatingin ay ready ang ating mga medical staff.

So, iyon ang ating ginagawa – discounted rates at the same readiness ng ating health facilities dito sa Isla ng Boracay at probinsiya ng Aklan, Secretary.

SEC. ROQUE:   Thank you, Governor and congratulations for a job well done!

Mayor Bautista, hindi ba ho natatakot ang mga tiga-Malay lalo na iyong mga nakatira dito sa Boracay na ang pagbalik ng turismo ay maging dahilan para kumalat iyong COVID-19?

MAYOR BAUTISTA:   Well, una sa lahat, Secretary, maraming salamat at dinala mo dito ang programa na ito at least, para nakikita ng buong mundo, not only Pilipinas, na ang ganda ng Boracay.

Well, sa tanong na iyan, Secretary, kung natatakot ba ang mga tao dito. Ito, ang nangyari dito, Secretary, for how many months since May ay COVID-free ang Boracay at saka iyong mga tao dito sumusunod sa ating minimum health standards eh. Iyong paglabas sa publiko ay nakasuot ng face mask at saka iyong physical distancing talagang ini-implement namin dito sa Boracay at saka iyong paghuhugas ng mga kamay. Kaya nga ang proof niyan is naging COVID-free kami dahil ang mga tao dito ay talagang sumusunod. Kaya nga kahit may turista at saka sinusunod natin iyong mga minimum health protocols, talagang safe na safe ang mga tao dito, Secretary.

SEC. ROQUE:   Oo. Mayor, bago po tayo nagkaroon ng pandemya, mayroong mga 30,000 na manggagawa dito sa Boracay alone bukod pa po iyong mga nagtatrabaho sa Caticlan at sa munisipyo ng Malay, ilan na po iyong mga establishments na bukas dito sa Boracay at ilan na po iyong nagtatrabaho ngayong nagbukas na po ang turismo?

MAYOR BAUTISTA:   Sa nabigyan ng Department of Tourism ng certificate of authority to operate, mga 204 establishments – hotel accommodation establishments at saka iyong aside naman diyan sa accommodations o resorts, ang opisina ko nakapagbigay na ng over 365 certificate to operate. Meaning, marami na rin ang nagbubukas, so, nagko-comply sa checklist ng tourism.

At saka of course, iyong resorts na iyan o hotels na iyan o establishment ay unti-unti ng nagbabalik ang kanilang mga workers pero hindi pa rin masyadong maibigay iyong mga trabaho kasi nakikita naman dito iyong takbo ng turismo ngayon, so kailangan talaga maraming turista para lahat ng mga 30,000 na workers ay makabalik naman ng Boracay.

SEC. ROQUE:   And then finally Mister Henry Chusuey. First and foremost, maraming salamat po for hosting us here in Henann Resorts, sa Henann Regency. This is one out of six po of Henann in Boracay ‘no.

So, sa panig lang po ng mga negosyante rito, hotel owners at restaurant owners, ano pong panawagan ninyo ngayon sa gobyerno at sa publiko in general?

MR. CHUSUEY: Well … thank you, Secretary. What is important to us now, ang employment ng mga workers, mabalik ang livelihood nila. Because ngayon masyado ang hirap na nila. Ang mga resort naman hindi makapagpabalik sa kanila because ang tourist medyo mahina pa.

So, may request sana na kung puwede maging pilot antigen ang Boracay to make it easier for the tourist to come to Boracay. I mean, the antigen test should be at the airport na pagpunta nila before they board mag-antigen test para it’s easy, hindi masyadong hassle.

Because of PCR test pupunta ka pa sa hospital then you have to wait. Kung minsan na-late ang result, hindi na valid. So, kung antigen test at least easy sa turista. Alam mo naman ang tourism is not so essential now. The more you give a hassle to them, the more people will not come.

So, kung ito namang antigen test hoping, slowly mapabalik maraming turista para maraming workers na mapabalik din ang mga resort. Importante ang kabuhayan din eh, huwag naman tayong masyadong matakot. Kabuhayan ang importante… ng mga workers.

SEC. ROQUE:   Mister Chusuey, ilan po ang total number of rooms ninyo dito sa Boracay at ilan ngayon ang occupied?

MR. CHUSUEY: Well, ang room namin is around 1, 600 plus ang total rooms namin sa Boracay. Today, I think ang occupied room is less than twenty, twenty rooms lang.

SEC. ROQUE:   Eh, sa empleyado po? Ilan ang empleyado ninyo dati bago magpademya at ilan po ngayon?

MR. CHUSUEY: Ang empleyado namin noong una mga 2, 200 in Boracay alone. Ngayon, siguro 100 lang sila ditong nakabalik because wala namang turista at saka isang resort lang ang bukas namin ngayon. So, iyon ang problema. Sana, if it’s easier for them tourists, hindi masyadong hassle ang requirement, more tourist I believe would come and more employment would be given to the workers. Kawawa na sila talaga ‘no.

SEC. ROQUE:   Okay. Maraming salamat po. Ang mensahe po ng Presidente, kinakailangan mabihay po tayo sa kabila ng COVID-19. Puwede namang gawin iyan sa pamamagitan ng pag-ingat sa ating mga buhay nang tayo po ay maghanapbuhay.

Panahon na po para tayo naman po ay magbakasyon matapos ang napakatagal na lockdown lalung-lalo na sa Metro Manila. Naghihintay na po ang pinakamagandang beach sa buong mundo – Boracay – open for business.

Pumunta na po tayo ngayon sa ating open forum. Simulan natin kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Ang unang tanong po ay mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune. Ito po iyong tanong niya, iyong kanina rin nabanggit ninyo na: May we get Palace reaction on the September survey of Pulse Asia showing that 9 in every 10 respondents or 91% of respondents trusts President Duterte. According to the survey, trust is the predominant sentiment toward the President.

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po – maraming, maraming salamat po sa taumbayang Pilipino na ang trust at ang performance rating po ng ating Presidente ay napakataas at 91%. Pangako po talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon po tayo sa pandemyang ito at isasantabi po talaga niya ang pulitika. Lahat po ng Pilipino supporter niya, kalaban niya iaahon po niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemya. Ang panawagan po uli ng Presidente sa lahat ng pulitiko isantabi muna natin iyan, 2022 pa po iyan, tulungan natin ang ating kababayan.

USEC. IGNACIO: Secretary, second question ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Will President Duterte send a message to US President Donald Trump and First Lady Melania Trump following their COVID-19 diagnosis?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po malapit na magkaibigan ang ating President at si President Trump at ang mensahe po ng Presidente, he wishes President Trump and his wife, First Lady Melania a full and speedy recovery.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Kay Joyce Balancio, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes. Secretary Roque, good afternoon po. Follow up lang doon sa Pulse Asia survey result. Where do we attribute this 91% trust and performance rating of President Duterte?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga eh, tingin ko gusto ng taumbayan na hindi namumulitika sa panahon ng pandemya. Nakikita naman nila na ginagawa ng Presidente ang lahat ng pupuwedeng gawin para mas kakaunting mga Pilipino magkakasakit ng COVIDI-19. Ginagawa niya ang lahat para iahon sa kahirapan ang ating mga kababayan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan, mahigit 200 billion ang pinamigay natin bilang ayuda sa mga nawalan ng trabaho habang tayo’y nagla-lockdown. At siyempre patuloy pa rin po ang pagbibigay natin ng tulong sa ating mga sa pamamagitan ng iba-ibang programa, pamimigay ng ayuda at ng tulong galing po sa DSWD, sa DOLE at pati po sa Department of Finance.

At tingin ko, naniniwala ang taumbayan natin na talagang ‘pag nagsalita ang Presidente na hindi ngayon panahon ng pulitika, panahon para magkaisa, panahon para magbayanihan at pinapakita naman po niya na totoo siya dito sa mga pangakong ito.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  All right. On a different topic, Secretary Roque. Si VP Leni Robredo over the weekend again urged DepEd to consider face-to-face classes where there are no community transmissions po. She said her office received different concerns from teachers about online classes, iyong iba po namamahalan sa gastos, iyong iba po nabibigatan po sa workload. Is this something that is still being considered by IATF or President Duterte given nga po today is the opening of classes and there are reports na marami pong nahirapan sa blended learning?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, kung nagbabasa lang si VP Leni ng balita, talagang kasama po iyan sa plano na puwedeng magkaroon ng face-to-face sometime in January doon sa mga areas na madideklarang new normal. At papunta na po tayo doon sa punto na magkakaroon na ng deklarasyon ng mga new normal sa mga lugar na walang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang buwan.

So matagal na po iyang nakaplano at iyon pong sinasabi ko, sana review-hin lang ni Vice President kung ano na iyong mga naiplano na ng gobyerno nang sa ganoon hindi na kailangan ulitin. Kasi nga iyan po sinasabi ko ‘no, wala pa po kaming naririnig na bagong suhestiyon galing kay VP Robredo. Siguro po may kinalaman din ito sa kaniyang 50% trust approval and performance levels.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Last na lang po for me, Secretary—

SEC. ROQUE: Venus of PIA. Si Venus po ang ating Communication Officer ng PIA sa lugar na ito. Siya po ang magiging moderator para sa mga tanong ng local media. Go ahead, Venus.

MODERATOR: Thank you po, Mr. Secretary. Welcome to Boracay Island and to the Province of Aklan. From the local media po, ang unang magtatanong ay si Mr. Jun Aguirre ng GMA News TV Iloilo.

JUN AGUIRRE/GMA NEWS TV-ILOILO: Magandang hapon po sa inyo, Secretary. Welcome po to Boracay. Secretary, may gusto lang po sana ipaabot ang PCCI, Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Kalibo na sana daw po ang Kalibo kasi at ang Boracay – although may pandemic po ngayon – is tumataas pa rin po iyong potential. Gusto po sana daw ng PCCI na magkaroon po ng malaking convention center ang Kalibo para po magkaroon po ng venue ang meeting at conferences ng mga negosyante po natin.

SEC. ROQUE: Oo. Well I’m sure ikukonsidera po iyan ng provincial government, local government at ng TIEZA at alam ko naman dito sa Henann, mayroon din silang malaking convention center at mayroon ding mga ibang hotels na mayroon ding mga malalaking convention center. Ikukonsidera po iyan lalung-lalo na kasama natin si Governor at si Mayor ngayon.

JUN AGUIRRE/GMA NEWS TV-ILOILO: Follow up lang po, Secretary. Concern naman po ng mga OFW, mayroong OFW po kasi sa Aklan na hindi pa daw sila nakakatanggap ng assistance from the OWWA pero I understand parang wala na yatang budget pa ang OWWA. Pero mahahabol pa daw po ba sila dito?

SEC. ROQUE: Opo. Bibigyan po natin ng bilyun-bilyon muli ang OWWA para magbigay po ng ayuda doon sa mga OFWs na napauwi at nawalan ng trabaho ‘no at mayroon din po silang makukuhang mga benepisyo at kapital na puwedeng utangin galing din po sa DOLE. May special programs po sila para doon sa mga nawalan ng trabaho ng mga OFW.

Joyce Balancio of ABS-CBN, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  May last question pa po ako, Secretary. Si Labor Secretary Silvestre Bello III is suggesting to increase up to 70% iyong public transportation following po iyong order ng DTI to increase some industries to 100% in GCQ areas. Possible po ba ito Secretary, increase natin to 70% ang public transportation capacity?

SEC. ROQUE: Well, pinag-iisipan po talaga iyan ng IATF dahil alam natin na ang tanging paraan para maiahon sa kahirapan ay ang pagbubukas ng ekonomiya na pupuwede naman pong mangyari sa pamamagitan ng pag-iingat ng buhay para makapaghanapbuhay. At sa tingin ko po it’s a matter of time ‘no bago natin maibalik sa 70% itong transportation natin.

Balik tayo kay Usec. Rocky. Thank you very much, Joyce.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kaya lang ito follow up ulit doon sa tanong about sa Pulse Asia. From Julie Aurelio, iyon daw reaction ng Palace sa Pulse Asia survey and ang tanong niya dito in contrast daw po kasi 91% ang Filipinos approve of President Duterte’s performance in contrast—ito in the middle of pandemic, in contrast daw po kay Vice President Leni Robredo had a 57% approval rating.

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po, siguro patunay lang itong performance level at trust level ni Presidente doon sa katotohanan na ayaw ng mga Pilipinong namumulitika sa panahon po ng aberya gaya ng pandemya. Tigil na po ang pulitika muna.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Trish Terada of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, si Secretary Karlo Nograles mentioned over the weekend that the IATF ordered a technical working group to review the travel ban of foreigners as some Filipinos are urging the government to allow their foreign partners to enter the country. [Garbled] sir [garbled] is it possible for us to be [garbled] an exemption for these Filipinos who are requesting for an exemption from the travel ban for their foreign spouses?

SEC. ROQUE:  Well, ang spouses naman po ay pupuwedeng pumasok. Ang pag-uusapan po siguro iyong mga fiancé(e) visa holders. Kasi sinasabi po ng mga fiancé(e) at totoo naman na bagama’t hindi pa sila nakakasal eh dapat naman hindi pinaghihiwalay ang nagmamahalan. Iyan  naman po ay pinag-aaralan. At sabi ko nga  po sa inyo noong huling press briefing, ako na po ang mag-i-sponsor niyan  doon  sa susunod na IATF meeting; at nasa technical working group naman po iyan, pinag-aaralan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, doon po sa usapin ng budget, does the President have a specific instruction as to when the budget should be passed, specific timeline perhaps? Does the President want it passed on or before October 14, minensiyon (mentioned) po ba niya ito specifically?

SEC. ROQUE:  Ang ayaw po ng Presidente ay magkaroon ng reenacted budget. So kinakailangan mapirmahan po ang budget sa buwan ng Disyembre para maging epektibo sa a-uno ng Enero.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, doon po sa isyu ng beep card. A lot of people expressed their sentiments on the negative, na parang pakiramdam po nila mas pinahihirapan ang tao sa panahon ng pandemya. They are wondering kung may kumita raw po ba dito? Is the Palace or the government keen on ordering an investigation or at least a review of the contract with the supplier of these cards?

SEC. ROQUE:  Ang pagkakaalam ko po ang naging damdamin ni Presidente ay tutol din siya diyan sa binabayaran na beep card at marahil po isa ito sa dahilan kung bakit sinuspinde muna iyong paniningil para sa beep card. So, nahabag po talaga ang Presidente doon sa isang balita na maraming mga naghihirap nating mga kababayan ang nagulat at dahil ang pera nila ay sapat lamang sa pamasahe at sa pagkain para sa araw na iyon. So, nakinig naman po ang ating administrasyon at pansamantalang pinatigil muna iyong koleksiyon ng charges sa paggamit ng beep card.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Will the review of the contract, sir, happen soon or it is in place?

SEC. ROQUE:  Sa tingin ko po the review is ongoing already dahil sinuspinde muna iyong pangungolekta po ng charges for the beep card. So thank you very much, Trish. We go back to Venus.

VENUS/PIA:  Thank you, sir. Ang susunod pong magtatanong ay si Mr. Allan Palma from Yes FM-Boracay and DZRH nationwide.

ALLAN PALMA/YES FM-BORACAY AND DZRH:  Magandang hapon po, Secretary. Iyong Isla ng Boracay po ay dumanas ng mga sunud-sunod na mga krisis po at nanggaling po kami sa closure, nasundan po ng Bagyong Ursula at ngayon po ay nasa panahon ng pandemya. Marami na pong nagsara na mga negosyo, especially po sa mga maliliit po na namumuhunan. Ngayon po ay hirap silang makabangon. Ano po bang tulong o ayuda ang aasahang ibibigay ng gobyerno para sa kanila?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon po tayong P4 bilyon na nasa loob ng Bayanihan II na nakalaan para sa turismo, sa sector ng turismo. Naiintindihan ko po ito, ito iyong mga soft loans na tinatawag, dahil alam natin na nangangailangan ng capital ang mga nag-o-operate po ng negosyo sa turismo para mag-reopen muli. So, hintayin lang po natin ang implementing rules and regulations na iisyu po ng DOT at mayroon naman pong tulong na nakalaan. Ito po ay panimula lamang sa Bayanihan II, mayroon pa ring mga bagong mga tulong na nakalagay po or provided doon sa ating 2021 proposed budget.    

ALLAN PALMA/YES FM-BORACAY AND DZRH:  Okay, follow up lang po dahil napag-usapan na rin po iyong sa negosyo. Punta po tayo sa workers, anong programa po ba ang puwedeng ibigay ng ating Department of Labor and Employment para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa nangyaring pandemya dito sa Boracay? Kahit papaano po iyong assistance na makabalik sila dito sa Boracay, like pamasahe o kung required ba iyong RT-PCR para sa kanila. Ano po kaya ang puwedeng maibigay sa kanila para hindi po sila mabibigatang makabalik dito?

SEC. ROQUE:  Unang-una, libre po ang COVID test para sa mga nagtatrabaho sa tourism sector. Kabahagi po iyan sa expanded PCR protocols na inaprubahan po ng IATF; PhilHealth po ang magbabayad para sa lahat ng workers dito sa sector ng turismo.

Pangalawa po, siguro po imumungkahi ko kay Secretary Bello na kagaya noong nangyari noong nagkaroon ng closure sa Boracay, pumunta po rito ang DOLE para mamigay ng kanilang programa na TUPAD, at sa ngayon po sa panahon ng COVID-19,  iyong CAMP na tinatawag. So, imumungkahi ko po na pumunta siguro sa Malay, sa Caticlan, kasi wala pa namang masyadong tao dito sa Boracay para doon po mamigay ng TUPAD at CAMP ang ating DOLE. Kung maaalala po kasi ninyo noong nag-closure, talagang gobyerno ang pumunta dito para mamigay ng ayuda.

Punta naman tayo kay Maricel Halili.

MARICEL HALILI/TV5:  Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, follow up lang po tungkol doon sa beep card. There are also proposals that maybe government can pay for the beep card especially for those who are indigents and poorest of the poor. Is it what the government is considering right now?

SEC. ROQUE:  Well, pinag-aaralan naman po iyan ng DOTr. At tingin ko, iyong pagsu-suspend ng bayad para sa beep card ay kabahagi ng magiging pinal na aksiyon ng ating DOTr. So ngayon naman po, suspendido na iyong pangungolekta ng bayad sa beep card, tingin ko sapat na muna iyan para ma-address iyong immediate issue na karagdagang pahirap iyan sa ating mga naghihirap nang mga kababayan sa gitna ng pandemic. At tingin ko naman, nakikita naman sa polisiya na pinatutupad ng gobyerno, nakikinig ang gobyerno sa taumbayan. At hindi po natin madi-deny, may puso naman po itong administrasyon na ito.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, follow up lang po doon sa question ni Joyce kanina on the proposal of Secretary Bello to increase the ridership.  Kasi increasing to 70% the ridership means pag-decrease din nang social distancing. Isn’t this too risky to impose to passengers right now? Is it feasible?

SEC. ROQUE:  Ang sabi naman po ng mga doctor na pinangungunahan ng ating mga Department of Health Secretaries – Dr. Dayrit at Dr. Cabral – basta  naman po magsusuot ng face mask, face shield, walang  usapan, walang kainan, may ventilation at sina-sanitize ang mga public transportation ay wala naman pong karagdagan na aberya.

Alam po ninyo, itong pagpunta ko dito sa Boracay ay namulat ang aking mga mata sa katotohanan na talagang napakalaki ng problema natin sa ating ekonomiya. Iyong napakasiglang isla dati ng Boracay na napakaraming trabaho, bagama’t binuksan na po natin, wala pa rin pong tao. Fifty-five pa lang po ang latest na pumasok, kasama na po kaming Office of the Press Secretary at ang PTV 4. Actually, 44 po iyon dahil mga sampu yata kami ngayong nandito. So, puwede naman po talaga, hindi po iyan ‘either or’.  Kaya nga po ang palagi kong sinasabi: Kaya pong mabuhay, pag-ingatan lang ang buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lang po. May we know the activities of
President Duterte? Is he in Manila now?  Tuloy pa rin po ba iyong usual public address niya tonight?

SEC. ROQUE:  Opo, nasa Manila po. Hindi po umalis ang ating Presidente. Mamaya po ay matutuloy po ang kaniyang mensahe sa taumbayan. Galing po Boracay, diretso po ako ng Malacañang.

Maraming salamat, Maricel. Punta tayo kay Venus uli.

VENUS/PIA:  Thank you, sir. Ang susunod na magtatanong ay si Mr. Randy [unclear] ng Kalibo Cable.

RANDY/ KALIBO CABLE:  Yes, good afternoon, Secretary. Ang question ko po ay paano po nakakasiguro ang national government na hindi mangamba iyong mga Aklanon at iyong mga Boracainon na siyempre hindi po natin maiwasan na iba’t ibang tao iyong papasok dito sa Aklan at hindi po natin masasabi na pupunta rin sila sa ibang lugar at baka matulad din sa ibang lugar iyong Aklan, kagaya ng Metro Manila at Cebu na dumami iyong COVID?

SEC. ROQUE:  Well, kaya po may requirement na PCR test. Ang problema nga po, ang tingin ng mga negosyante rito, isa sa dahilan kaya hindi pa rin dinadagsa ang Boracay ngayon ay dahil iyong PCR test na kinakailangan 48 hours. So, ang isinasangguni nila ay i-pilot na dito iyong antigen na mas mabilis, 15 to 30 minutes lamang, at saksakan na mas mura kaysa sa PCR test.

Ngayon, ang IATF naman po, lahat nang lumilipad puwede ng pumasok dito sa Godofredo Airport; hindi po pupuwede ang manggaling sa ibang lugar. At iyong mga manggagaling naman po na by land ay mayroon ding central entry point. So sa tingin ko po, dahil sa mga hakbang na ito, hindi naman po talaga makakapasok ang COVID dito dahil lahat ng papasok ay malinis at walang COVID.

SEC. ROQUE: Si Governor kaya, puwede ninyong dagdagan iyong ating sagot?

GOV. FLORENCIO MIRAFLORESWell, ina-assure namin ang ating mga kababayan dito, especially sa Boracay at saka sa Malay, sinabi na nga ni Secretary na ang mga turista na dadating dito ay dadaan sa isang sistema na para hindi sila magdala ng COVID dito sa atin sa Aklan.

When we recommended sa IATF, kami ni Mayor Bautista, na buksan ang Boracay itong October 1, nakita naman namin ang risk ng ating pagbubukas. Nakita naman natin iyong health issue pero nakikita din natin ang economic issue na dapat balansehin natin. Hindi dapat tayo matakot buong buhay natin dito sa COVID kasi itong COVID is here to stay. Kailangan lang nating mag-ingat. Mag-ingat lang tayo, wear the facemask and face shield at physical distancing, at iyan ay ipinatutupad na ng ating mahal na Mayor, Mayor Bautista, dito sa isla ng Boracay so ma-minimize natin ang danger of transmission dito sa isla ng Boracay.

Q: Okay, sir. Dagdag kong question, sir: Bibisita po ba ang Presidente sa isla upang makita muli ang pagbubukas ng isla at iyong pagkumusta niya sa mga improvement dahil ang isla ng Boracay ay isinailalim na rin sa rehabilitasyon?

SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong mahirap gumalaw ang Presidente ngayon sa panahon ng pandemya. Pero dahil didiretso nga po ako sa Malacañang galing dito, sasabihin ko po na nakikiusap ang mga Aklanon lalung-lalo na ang mga taga-Boracay kung pupuwede siyang dumalaw rito.

Mayor, mayroon ba ho kayong gustong idadag?

MAYOR BAUTISTA: Iyon lang ang aking, Secretary, of course uulitin ko, thank you very much ‘no sa … itong programa na ito at iyon lang. Palagi kong sinasabi na visit Boracay now dahil, ito, ang ganda. Bring your friends and families, and enjoy the beauty of Boracay. Iyan lang po, Secretary.

SEC. ROQUE: Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, good morning. Kumusta po diyan sa Boracay? Sir, first off, iyon munang sa House because I don’t think it’s going to end unless something comes out from the Palace na declarative and very specific. For example, si Congressman Leachon said that you misspoke or maybe even misquoted the President as far as what was discussed in the meeting was concerned ‘no. For the record, sir, was there an October 14 na napag-usapan na palitan?

SEC. ROQUE: Iyong pagpupulong po ni Speaker Alan Cayetano na kasama si Congressman Lord Allan Velasco, wala po ako doon; hindi po ako nagkomento dahil ang naging polisiya ko na, kung hindi ko maririnig sa sariling bibig ni Presidente at hindi ko marinig sa sarili kong tenga, hindi ko po iyan isasapubliko. So hindi po ako nagkomento tungkol doon sa meeting na iyon. At ang sinasabi ni Congressman Leachon, doon daw ako nag-misquote. Eh paano ako magmi-misquote, wala nga akong sinabi tungkol doon sa meeting na iyon.

Naghintay po ako hanggang nakausap ko ang Presidente, at inulit ko lang po ang sinabi niya: Out tayo diyan; no comment tayo diyan; it’s a purely internal matter in the House of Representatives. So iyon po ang naging deklarasyon ko dahil iyon lang po ang sinabi ni Presidente.

Bago po iyon, narinig ko rin ang Presidente na nagsabi, ‘Sana sundin ang kasunduan pero kung walang numero talaga si Congressman Lord Allan Velasco, wala na akong magagawa.’

So iyang mga salita pong iyan, nanggaling mismo sa bibig ng ating Presidente, narinig ko po mismo.

Congressman Leachon, wala po akong minisquote kasi wala akong sinabi tungkol doon sa meeting ninyo. At ang problema nga po kaya hindi ako nagsalita tungkol doon sa meeting na iyon, depende kung sino ang kausap mo, mayroon silang bersiyon na kung anong nangyari. Kaya minabuti ko pong pumagitna, doon lang ako sa binitawang salita ng aking boss, ang ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, since that meeting, hindi po tayo nakapagtanong kay PRRD or whoever was in the meeting kung may October 14 ba na pinag-usapan?

SEC. ROQUE: Hindi ko na po maalala iyong mga dates na iyan ‘no, bakit October 13 ang sinasabi mo eh October ano na ngayon ‘di ba, 5.

JOSEPH MORONG/GMA 7: October 14.

SEC. ROQUE: Ah, iyong October 14, kung mayroong October 14.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Yes, sir.

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po, hindi ako nagkukomento kung anong nangyari doon sa pagpupulong na iyon kasi wala namang sinabi sa akin ang Presidente sa pagpupulong na iyon ‘no. So inulit ko lang po iyong sinabi ni Presidente: It’s a purely internal matter of the House of Representatives.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, going to Boracay. Narinig natin na they’re more comfortable—hindi, for the tourists ‘no most cost-effective iyong antigen. Your response as an IATF Spokesperson, are you guys willing to pilot iyong antigen sa Boracay; and also there was a proposal I think sa Baguio ano?

SEC. ROQUE: Actually po sa huling pagpupulong ng IATF, I also suggested na i-pilot na rin sa Boracay ang antigen. Pero ang naging desisyon po, tapusin na muna iyong pilot sa Baguio, at kung maging tagumpay iyan, ia-apply naman po iyan sa ibang mga tourist destinations kagaya ng Boracay.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last na lang. Sir, some are saying na parang medyo confusing iyong message that the government is saying na parang mayroon tayong on the one hand na stay home na campaign for people and then, here you are in Boracay, na parang papaano ninyo iri-reconcile iyon? And second, sir, matanong ko lang: Sir, alam ba ito ni Secretary Berna Puyat na you’re there and you’re kind of doing her job?

SEC. ROQUE: In isolation po si Secretary Berna. Kung hindi po siya nag-isolation, ang plano po niya ay talagang nandito siya ng October 1. So noong hindi nga po nakarating si Secretary Berna dahil she’s in isolation, minabuti naman po namin na kabahagi ng mensahe ng Presidente na buksan ang ekonomiya, lalung-lalo na ang turismo, na magpunta rito at engganyuhin nga ang ating mga kababayan na bumisita muli dito sa Boracay.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong ano lang, iyong confusing na messaging na parang stay home and then we have travel.

SEC. ROQUE: Ay, hindi na po, ang talagang messaging po natin ngayon doon sa advertisement na prinoduce [produced] po ng Office of the Press Secretary at suportado po ng IATF, ng DOH at ng Department of Finance: ‘Ingat-buhay para sa hanapbuhay.’ Iyan na po ang ating mensahe at iyan din po iyong thrust ng second National Action Plan ng National Task Force on COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, sir. Thank you for your time and keep safe, sir.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Joseph. Inaantay ka ng Boracay dahil ang daming naghahanap sa’yo ngayon dito.

Okay, punta naman po tayo kay Venus ulit.

MODERATOR: Thank you, sir. From the local media, GMA pa rin. Susunod na magtatanong ay si Ms. Lyneth Mendoza ng Barangay RU GMA Super Radyo Kalibo.

LYNETH MENDOZA/GMA SUPER RADYO KALIBO: Magandang hapon po, Mr. Secretary. Itatanong lang po namin iyong personal na pananaw ninyo kasi nag-ikot na kayo ng Boracay for almost two days. Ano po ba, may mga napansin pa kayo na puwedeng recommendations ninyo, kung ano pa iyong mga puwedeng gawin dito sa Boracay kasi you’ve been here pabalik-balik since noong closure hanggang dito nga ngayon sa may pandemya na?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, nagsimula ako na magkaroon ng contact in Boracay since 1987. At noong aking unang sampung taon bilang abogado, tinatanong ako, ano ba ang field of specialization mo, sinasabi ko beach law kasi halos lahat ng aking kliyente ay mga mom and pop resorts dito sa Boracay. Nakita ko na lumaki iyong mga negosyo ng mga tiga-Boracay, lumaki ang kanilang mga hotels hanggang nagbenta na sa mga chain hotels ‘no. So matagal po ang aking karanasan dito sa Boracay.

Ang initial reaction ko po matapos masara ang Boracay at matapos magkaroon ng pandemya, walang kasing ganda po ang Boracay. Kung gaano kaganda ang Boracay noong nakita ko noong 1987 na wala pa pong kuryente rito, ganoon kaganda po muli ang Boracay. Kaya nga lang po ngayon, napakadami ng mga hotels at restaurants na naghihintay ng bisita.

So ang aking personal na pananaw, medyo nalulungkot ako na ang daming nawalang ng trabaho dito siyempre dahil sa pandemya. At ang aking gustong ngang mangyari po, kaya kami naririto, ay engganyuhin iyong ating mga kababayan ‘no; dahil kapag hindi po tayo bumisita sa Boracay, ang mga eroplano na walang laman, ikakansela ang mga flights. Kapag nangyari po iyon, magiging mas mahirap nang pumunta sa Boracay at mas maraming mga negosyong malulugi at baka tuluyan nang magsara. So talagang importante po iyong mensahe natin: ‘Ingat-buhay po para sa hanapbuhay.’

LYNETH MENDOZA/GMA SUPER RADYO KALIBO: Follow up ko lang po. Kasi may mga reports na iyong mga displaced na mga workers ng Boracay ngayon ay nagta-try na mag-apply as contact tracers. Ano po iyon, puwede po bang i-prioritize iyong mga Aklanon dito sa pag-hire ng mga additional na contact tracers?

SEC. ROQUE:   Naniniwala naman po ako na iyong contact tracers para sa Aklan ay manggagaling dito sa Aklan mismo at naniniwala po ako na marami rin namang dating nagtatrabaho sa Boracay ang mabibigyan ng pagkakataon na magtrabaho bilang contact tracers.

LYNETH MENDOZA/GMA SUPER RADYO KALIBO: Follow-up ko lang po kay Mayor Fromy. Mayor, kumusta na po itong five days na pagbubukas ng Boracay at ano na iyong susunod nito?

MAYOR BAUTISTA:   Thank you very much, Lyneth. Anyway, ito nga sabi nga ni Governor iyong figure na iyon na dumating since day one, October 1, of course, with this program na dinala dito ni Secretary baka madagdagan na iyong arrivals natin.

Iyon lang … ituloy lang natin ito at, of course, ang ginagawa natin sa Boracay with the coordination with the Governor na talagang gawin ang Boracay ay COVID-free para maengganyo pa rin natin iyong mga tao na magbisita dito, safe kasi sila.

SEC. ROQUE:   Governor, would you like to add?

GOVERNOR MIRAFLORES:   Ulitin ko na lang, sa ating mga turista na darating dito, you’re safe here in Boracay. At saka nagpapasalamat nga kami kay Secretary Roque na binigyan niya kami ng pagkakataon na makita ulit ang Boracay as it is, maiparinig natin sa ating mga kababayan ang ginagawa namin dito sa Boracay para siguruhin na iyong mga turista na dadating dito ay hindi magkakaroon ng sakit na COVID at ang ating mga residents dito ay talagang aware na aware din sila sa kanilang dapat gawin.

Aware sila na dapat hindi sila makipaghalubilo sa mga turista para ma-prevent natin ang transmission at lahat ng mga safety protocols ay sinusunod ng mga taga-isla. Kaya wala dapat ikabahala ang mga turista na pumunta dito kasi, iyon nga, binigyan na namin sila ng lahat ng privilege, Secretary, a lot of discounts. Maganda na iyong Boracay ngayon, sinasabi nga na it’s like in the 1980s ang Isla ng Boracay.

Ang kailangan lang ay kaunting confidence. Kasi alam ko na ang takot nandiyan pa rin. The fear of travel is still there but kung titingnan ninyo nga, ang sinasabi “Ingat sa buhay para may hanapbuhay,” iyon ang bagong slogan ng IATF at iyan nga ang tamang-tamang messaging. Kasi dapat din tayong mabuhay sa time na ito ng COVID at iyon ang hinihiling namin, inuulit-ulit namin na dapat ang ating mga turista ay huwag mabahala kasi dito sa Isla ng Boracay sila ay ligtas sa COVID.

SEC. ROQUE:   Bago po tayo magpatuloy mayroon lang po akong correction – my mistake! Alam ninyo naman po ako, hindi po ako naghi-hesitate na magsabing nagkamali. Ang sinuspinde po ay ang paggamit ng Beep cards, so, pupuwede na pong gumamit muli ng cash. Pero hindi po ako nagkamali sa tanong, ganoon pa rin ang sagot ko po. Itong pagsuspinde ng gamit ng Beep card altogether ay patunay na nakikinig ang gobyerno sa taumbayan at may puso itong administrasyon na ito.

Now, Mr. Henry Chusuey, ano po siguro ang inyong huling mensahe para doon sa mga kababayan natin na nagpaplano at hindi sigurado kung sila ay pupunta dito sa Boracay?

MR. CHUSUEY: Well, ang importante diyan, if it is easier for the tourist to come, I’m sure ang trabaho ng mga workers natin babalik na. But it has to be easy for the tourists to come here or else the tourist will not come especially tourism now is so essential. So, pahirapan ninyo pa, then parang hindi sila lalo pupunta unless that you make it easier like a pilot antigen nasa airport lang, so it’s easy.

Alam mo, pahirapan mo ang turista ngayon hindi mag-travel. Iyon lang ang maano ko sana government will take into consideration na huwag pahirapan ang tourist in coming to Boracay.

SEC. ROQUE:   Okay. Next question from Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   [off air] during the hospitality [garbled] in Boracay. Thank you very much for showing us what Boracay is. But I just have several points, first: With the two-day validity of the swab tests for domestic tourists and considering the need to book flights, papaano natin mare-reconcile iyong dalawang bagay na iyon? May bumanggit kanina na mag-test na lang sa airport bago sumakay pero kung naka-book na iyong ticket mo valid bang rason para hindi mo ituloy iyong biyahe? Papaano iyong accommodations na nauuna by reservation, Secretary?

SEC. ROQUE:   Well, ang suhestiyon po ng private sector dito na suportado rin ng local na pamahalaan, iyong ginagawa po na pilot study sa Baguio ngayon kung pupuwedeng gawin din dito sa Boracay. Ang antigen po, swab din iyan. Pero ang resulta parang rapid test din. Ilalagay doon iyong swab tapos may ipapatak na solution at lalabas nga po kung positive, negative or IGG positive kung nagkaroon na.

So, sa pamamagitan po ng antigen eh mapapabilis iyong testing at mataas naman po ang accuracy. Ang issue lang eh iyong tinatawag na specificity. Ibig sabihin po niyan, kapag ikaw ay positive, walang kaduda-duda positive ka; pero kung negative, hindi ka pa rin conclusive na negative ka. So, ang sinasabi naman po ng marami, kapag negative ka mag-ingat pa rin. Sumunod pa rin sa minimum health standards at hindi ka naman talaga dapat makipaghalubilo kahit kanino habang nandiyan po ang COVID.

So, pina-pilot po iyan sa Baguio, ang initial results po maganda at kapag naideklara naman po iyan na pupuwedeng gamitin talaga ang antigen testing for tourism purposes, I’m sure ia-apply din po iyan dito sa Boracay.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Papaano po kaya iyong booking, dahil normally kasi advance iyong booking mo sa eroplano at sa resorts?

SEC. ROQUE:   Well, iyan nga po ang problema sa 48 hours na sinasabi ng mga taga-Boracay. Kasi ang 48 hours napakaikling period of time iyan, minsan hindi lalabas ang resulta pero hindi ka makakasakay ng eroplano kung wala iyong resulta kasi may mga—hanggang ngayon, hanggang 3 to 4 days lumalabas ang resulta at kapag 3 to 4 days ang resulta, paso na iyong resulta mo kasi dapat 48 hours.

Tapos ngayon nga po dahil kaunti lamang ang sumasakay sa eroplano, minsan naka-cancel iyong flight. So, kung hindi maaantala ang PCR test result mo, baka naman ma-cancel ang flight mo, so wala pa ring kasiguraduhan. Kaya ito naman daw ho ay masusolusyunan kung gagamit ng antigen at paulit-ulit ko pong sinasabi na bilang tagapagsalita ng IATF, eh pina-pilot naman po, hintayin lang natin ang resulta at matatapos na po iyang pilot study na iyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Final question, Secretary.

SEC. ROQUE:   Nawala na ang koneksiyon.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:   Will you [unclear] welcoming tourists—

SEC. ROQUE:   Venus of PIA, please.

MODERATOR:   Okay. Ang kasunod po na magtatanong from the local media is Mr. Roygien Teodosio, DYIN Bombo Radyo.

Q:   Secretary, magandang hapon po and kay Gov., kay sir Chusuey, and of course, kay Mayor.

Secretary, dito po ako sa mga workers natin dito sa Isla ng Boracay. Kasi po sa joint memorandum circular 20-04 ng Department of Labor and Employment, and ng Department of Trade and Industry, naka-state po dito iyong RT-PCR for workers like iyong sa tourism sectors natin dito sa El Nido, Coron, Panglao, Siargao kasama na po ang Isla ng Boracay. So, dito po—and of course, iyong DOT na kailangan po nila na i-RT-PCR once a month. So, iyong tanong po dito ng mga workers, Secretary, ano po kaya ang magiging set-up nito since kakabukas pa lamang po ng isla natin ng Boracay? Sino po ang magsho-shoulder at ano po ang magiging proseso nito, Secretary?

SEC. ROQUE:   Sinagot ko na po iyan kanina, PhilHealth po ang magbabayad niyan dahil kasama po ito sa expanded protocol ng PCR testing na inaprubahan ng IATF na dahilan para mabayaran po ng PhilHealth iyan.

Q:   Okay. So, ano po, once a month po talaga sila?

SEC. ROQUE:   Opo, opo. Iyan po ang pagkakaintindi ko.

Q:   I see, okay. Last na lang po dito sa assessment ninyo po dito sa Isla ng Boracay, are we ready na po ba na tumanggap ng international tourists, Secretary?

SEC. ROQUE:   Well, tingin ko ready. Ang problema hindi ko po alam kung darating sila kasi karamihan po ng mga bisita dito sa Boracay – Koreans, Chinese, Japanese – kina-quarantine sila pag-uwi. So, iyon po yata ang dahilan kaya maski matagal nang pinag-uusapan iyong travel bubble between the Philippines and Korea in particular, eh kapag naman sila ay na-quarantine pauwi, hindi rin sila pupunta sa Boracay. Siguro, kinakailangan magkaroon tayo ng negotiations sa Korea, Taiwan and China na gayahin na lang iyong proseso natin na quarantine until PCR results are issued kasi ngayon mabilis na ang pag-isyu ng PCR results.

Q:   Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE:   Kay Venus ulit?

MODERATOR:   Thank you, sir. Iyong pang-anim na magtatanong from the local media is Mr. Reynald Bandiola of Radyo Todo.

REYNALD BANDIOLA/RADYO TODO:   Good afternoon, Secretary. Ano po ang opinion ninyo sa creation po ng Boracay Island Development Authority, dapat na po bang tanggalin sa LGU-Malay ang pangangasiwa ng isla?

SEC. ROQUE:   Ayaw ko pong manghimasok dahil ako ay tagapagsalita lamang ng Presidente. Iyan po ay bagay na pinag-uusapan at pinag-aaralan ngayon sa Kongreso, so, nasa hurisdiksyon po iyan ng Kongreso.

Okay… wala ng tanong?

Okay, may isa pang tanong yata.

MODERATOR:   Iyong ipinadala ni Nestor Burgos, puwede po ba iyon, sir? Iyong Nestor Burgos ng Inquirer?

SEC. ROQUE:   Okay, go ahead.

MODERATOR:   Sabi niya: Some business operators believed that RT-PCR test especially for Western Visayas tourists is restrictive and will discourage more tourists to come. Can the RT-PCR test be eliminated and focus on enforcing the wearing of face mask, physical distancing and other health protocols or the antigen test? Iyon po ang kaniyang tanong, sir.

SEC. ROQUE:   Well, narinig ko rin po iyan dito sa Boracay na nanggagaling lalung-lalo na sa mga namumuhunan at nagnenegosyo dito, at ang sabi nga nila noong ni-require po ang PCR test, pati doon sa mga manggagaling sa Iloilo ay ang daming naging cancellations. So, ang sagot ko po ay consistent, pina-pilot test na po natin ang antigen. Hindi naman po natin kasi pupuwede na isakripisyo iyong kalusugan din ng mga taga-Boracay. So, hintayin lang po natin ang resulta ng pilot testing ng antigen at tingin ko po iyon ang magiging solusyon para sa ating tourism sector.

Okay, wala na pong ibang tanong? So, maraming-maraming salamat po sa ating mga panauhin, si Governor Miraflores ng Aklan, Mayor Floribar Bautista po ng Municipality of Malay, and of course to Henry Chusuey, thank you for having us and for hosting us.

Maraming salamat din po sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps at sa miyembro ng Aklan Local Press Corps. Maraming salamat kay Venus, maraming salamat kay Usec. Rocky.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabi: Tara na po sa pinakamagandang isla sa buong daigdig, ang Isla ng Boracay.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)