Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang Lunes na tanghali, Pilipinas!

Lumabas na po ang latest report ng OCTA Research na isinagawa ng isang research group na kinabibilangan ng faculty members ng University of the Philippines at University of Sto. Tomas. Ito ang ilan sa mga salient points ng kanilang nasabing research:

Makikita natin sa infographics na pababa po ang bilang ng mga bagong kaso mula 4,300 ng mga kaso noong August 12 at hanggang August 18 ay naging 2,988 ang mga kaso mula Setyembre 16 hanggang Setyembre 23.

Bumaba rin po ang R0, ito po iyong pagkalat ng sakit, iyong mahahawa ng isang positibo ‘no. Nanggaling po tayo sa 1.14 noong August 12 to 18, bumaba po ito ng 0.82 noong September 16 to 23.

Pumunta naman po tayo sa epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas, ang National Capital Region. Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay bumaba rin po sa 1,200 bawat araw noong September 17 to 24 mula sa 2,676 noong August 13 to 19. Mahigit singkuwenta porsiyento po ang binababa compared to five weeks ago.

Nakikita rin ang pagbaba ng R0 sa NCR. Aba’y, 0.74 na po noong September 16 to 23 mula 1.14 noong August 12 to 18.

Bumagsak din ang positivity rate ng NCR mula 16% noong August 12 to 18, naging 10% na po ito ngayong September 16 to 23. Kung inyong matatandaan, ang ideal rate ng World Health Organization ay five percent. So good work pero patuloy pa po nating pababain.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 hospital occupancy sa NCR, sa COVID-19 beds ay nasa 57%, samantalang ang occupancy for COVID-19 ICU beds ay nasa 65%. Habang ang mga pigura pong ito ay medyo mataas, they are still below the 70% critical level.

Tingnan naman po natin ang graph ng occupancy ng total COVID-19 beds sa Metro Manila. Ang Valenzuela, Muntinlupa at Makati ay may occupancy rate na more than 70%, the rest ay nasa less than 70%.

Ito naman po ang mga lungsod sa Metro Manila na may more than 70% ang occupancy ng total COVID-19 ICU beds, kabilang ang Parañaque, Makati, Las Piñas, Muntinlupa, Marikina, Valenzuela, Taguig, Quezon City at Pasig; samantalang less than 70% naman po ang Manila, Mandaluyong, Pasay, Pateros at Caloocan City.

Tumuloy naman po tayo sa balitang IATF. Iyong huling meeting po ng IATF last Huwebes, September 24, ipinasailalim po ang Iloilo City sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ simula September 25 hanggang October 9, 2020. Ito ay dahil sa biglang pagtaas ng confirmed cases po sa lungsod.

Nag-ratify din po ang IATF, ang mga sumusunod na desisyon ng technical working group: Una, para sa confirmed asymptomatic at mild COVID-19 cases, kailangan ng facility-based isolation. Mayroon pong mga exceptions ‘no, iyong mga pasyente na considered vulnerable or may comorbidities as confirmed by the local health officer, kinakailangan po sila ay minor, senior citizens, may mga underlying health conditions, mga buntis, persons with disability na hindi kayang alagaan ang sarili at immunocompromised na pasyente ‘no; at ang kaniyang tahanan ay sumusunod sa conditions para sa homecare checklist ng Department of Health and Department of Interior and Local Government, ibig sabihin po, may sariling kuwarto, may sariling banyo at walang kasamang mga mayroong comorbidities or mga buntis or seniors; ang Ligtas COVID-19 Center sa lugar ay fully occupied as confirmed by the local regional task force at ang local government unit ay walang sapat na isolation facilities. Siyempre naman po, kung wala talagang available, eh exception po iyon to the rule.

Mabuting balita po sa gusto nang pumunta ng Boracay, ang isla ng Boracay ay binuksan sa ilalim ng mga sumusunod na protocols po ‘no: Simula a-uno ng Oktubre 2020, ang Boracay Island ay puwede nang tumanggap ng turista sa mga lugar na may quarantine classification na general community quarantine o GCQ o mas mababa apart from travelers from Western Visayas.

Pangalawa, ipatutupad ang test before travel requirement na kung saan pinapayagan ang travelers pumunta sa Boracay Island kung sila ay may negative RT-PCR test result pagkatapos sumailalim nito ng test na hindi bababa sa 48 hours bago ang araw ng pagbibiyahe. Ang travelers ay pinapayagan na i-observe ang strict quarantine pagkatapos magpa-test hanggang sa petsa ng kanilang biyahe papuntang Boracay.

Pangatlo, ang age restrictions ay naka-relax – puwede po ang mga bata, puwede po ang mga seniors. Ang restrictions sa mga persons with comorbidities ay patuloy na mahigpit na ipatutupad.

Pang-apat, pinapaalam sa mga airlines na ang Godofredo P. Ramos Airport lang sa Caticlan ang port of entry para sa mga turista na bumibiyahe by air. Ini-establish din ang control point para ma-screen ang mga turista ang mga bumibiyahe by land, air or sea.

Panlima, dapat ma-set in place ang minimum health and safety guidelines kasama ang emergency response protocols at ang COVID-19 laboratory sa locality ay dapat operational na.

Dumako naman po tayo sa labindalawang provincial bus routes na binuksan ng LTFRB simula sa Setyembre 30 or bubuksan mula Setyembre 30. Naka-flash sa screen ngayon ang mga ruta. Ito po ay iyong mga papuntang Pampanga, papuntang Batangas, papuntang Cavite at papuntang Laguna. So mayroon na po tayong mga provincial buses papunta po ng Region IV-A – Batangas, Cavite, Laguna.

Okay, para sa mga pasahero, kinakailangan nilang ipakita ang mga sumusunod na mga dokumento before boarding – ito naman po ay requirement sa lahat ng biyahero: Una po, iyong travel authority or pass na inisyu ng PNP mula sa lugar ng kanilang pinanggagalingan. Pangalawa, valid ID; pangatlo, written consent na nagsasabing pumapayag ang pasahero na mag-undergo ng COVID-19 testing o quarantine kung kinakailangan; panghuli, iba pang mga dokumento na required ng IATF at lokal na pamahalaan. Tandaan na ito ay mga inisyal na ruta pa lamang at maaari itong dagdagan o mabawasan depende po sa mga restrictions na itinatalaga ng mga local government units.

Good news naman po tayo. Pormal na binuksan noong Huwebes, September 24, ng Philippine Ports Authority ang kanilang dedicated RT-PCR Molecular Testing Laboratory na kayang mag-test ng dalawang libong seafarers na may turn-around time from 24 to 48 hours for results.

Punta naman po tayo sa ating COVID-19 updates, ito po ang global updates sang-ayon sa Johns Hopkins University, halos tatlumpung tatlong milyon na or 32,969,955 ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Mayroong halos isang milyong katao naman or 996,096 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na mayroong 7,110,781 cases, ang mga deaths ay nasa 204,750. Pumapangalawa pa rin po ang India – 5,992,532; ang mga namatay po doon ay 94,503. Pangatlo po ang Brazil – 4,717,991; 141,406 po ang mga namatay. Russia po ang pang-apat – 1,146,273 cases; 20,239 po ang mga namatay. Panlima po ang Colombia—bago yata ito ‘no—813,056; at ang mga namatay po ay 25,488.

Dito naman po sa ating bayan, mayroon na po tayong 3,405,136 na mga kababayan na na-test sa 103 RT-PCR labs at 32 licensed GeneXpert laboratories.

Ang aktibong kaso po natin ngayon ay 46,372. Sa numero pong ito, ang asymptomatic ay 8.8%; ang mild ay talagang nakakarami po, 86%; ang severe ay 1.6% at ang critical ay 3.7%. Marami na po ang gumaling – 252,510; ang mga namatay po ay umakyat po ng bahagya – 5,344. Pero ang ating mortality rate po ay nanatiling 1.7%.

Okay, on other matters, naglabas ang Palasyo ng Memorandum Circular no. 80 na nagdideklara ng araw na ito bilang “Kainang Pamilya Mahalaga Day”. Ang trabaho ng opisina sa gobyerno, sa Executive Branch, ay isususpinde simula alas-tres y media ng hapon, pero hindi po kasama diyan ang miyembro ng IATF, tuluy-tuloy po ang ating meeting mamaya simula mamaya simula ng ala-una. Let us enjoy some private moments with our beloved family, take a lot of photos and post them on social media. Indeed, we have a government that truly cares for the Filipino family.

Magandang balita pa rin po galing naman po sa Pag-IBIG Fund. Bilang pagtugon sa Bayanihan to Recover as One Act, nagbigay ang Pag-IBIG ng 60-day grace period sa lahat ng mga loan payments. Kasama sa loan payment ang multi-purpose loan, calamity loan, housing loans, at kung saan babagsak ang due mula September 15 hanggang November 14. Mayroon din ang Pag-IBIG na special housing loan restructuring program para sa home loan borrowers kung saan pupuwede nilang i-renegotiate ang terms ng loan para makakuha ng mas affordable payment terms. Puwedeng mag-apply online para sa restructuring program hanggang December 15, 2020.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Mayroon po tayong dalawang panauhin ngayon. Unang-una si Commissioner Belgica. Sir, Commissioner Greco Belgica, ang tanong ng marami: Matapos po lumabas ang Task Force PhilHealth report, ano naman po ang aasahan ng taumbayan galing sa PACC tungkol pa rin dito sa mga katiwalian ng PhilHealth? At kasama din po natin maya-maya lamang, mayroon lang inaatendan na press forum si Undersecretary Vergeire ng Department of Health. So, Commissioner Belgica of the Presidential Anti-Corruption Commission, the floor is yours.

COMMISSIONER BELGICA:  Magandang araw po sa inyong lahat, especially sa atin pong idol, Secretary Roque. Puwede lang po ako magbigay ng maikling presentation para sa lahat.

Update lang po sa PACC. Mayroon po akong prinipeyr (prepare) na slide. Okay, ang Presidential Anti-Corruption Commission ay itinalaga po ng Pangulo para tulungan siyang mag-imbestiga at magrekomenda sa kaniya ng mga  appropriate action laban sa mga opisyal that will fall under salary grade 26 or mga presidential appointees. Puwede rin po, upon instruction of the President na kami ang mag-imbestiga sa mga AFP at PNP personnel, puwede rin po kami at ginagawa pa rin namin ang lifestyle check and fact finding inquiries. Kami po ay authorized din to enlist the support of the NBI or Philippine National Police or other law enforcement agencies and we have the authority and the power to recommend preventive suspension, administer oath, issues subpoenas and submit report and recommendations to the President.

Ito po ang proseso sa PACC: It starts with a formal complaint. Tapos dadalhin po iyan, titingnan po ang jurisdiction; kung wala pong jurisdiction, iri-refer po sa appropriate agency. Kung mayroon naman po, titingnan ang sufficiency ng form and substance; at kung wala, dadaan po sa fact finding para kumpletuhin ang mga kinakailangan. Pagkatapos po, ia-assign na po ito sa commissioner or investigator para po imbestigahan and then magkakaroon na po ng investigation, magpapadala na po ng subpoena. And then, pagkatapos po ng investigation, ibibigay po iyan sa en banc. So, the en banc will decide whether what to recommend to the President or other appropriate actions.

Iyan po. Ang total po na naaksiyunan na as of October 2019 to September 20, 2020 ay 9,356 concerns and complaints na po ang naaksiyunan ng PACC. Ang pending na lamang po diyan under investigation are 102 cases at ang under evaluation po is 273 cases. From 2019, October po iyan hanggang September 2020.

Okay, ito po, mayroon kaming mga pending investigation sa PhilHealth. Bagaman natapos na po ang submission natin sa Task Force, tuloy po ang investigation namin sa PhilHealth. Una doon sa overpriced COVID-19 testing package, nag-imbestiga po ang PACC diyan.  Pangalawa doon sa overpriced IT projects, nag-i-imbestiga pa rin po kami diyan. Pangatlo doon po sa PhilHealth common stock investment scam, ito po ay nakitaan ng P865,927,169 of the P1 billion initial investment na inilagay ng PhilHealth sa common stock. Nakita po namin na sa kanilang charter wala po silang karapatan o kapangyarihan na maglagay ng common stock, doon lamang sa mga preferred stocks. And then there are allegations na iyon pong mga kinikita daw po ay pinagpaparti-partehan allegedly ng mga Board of Directors. So patuloy po ang imbestigasyon namin diyan – sa PACC itself – iba pa ho sa Task Force ng composite teams. Wala po kaming pinaliligtas, hindi pa tapos ang aming imbestigasyon, tinitingnan po namin lahat.

During the process of our investigation marami pa po kaming nakitang mga leads na amin pong pinu-pursue right now, dahil ang dami pang mga dokumento ang amin pong na-subpoena. Naglabas po kami ng PACC hotline, puwede na po kaming kontakin ng publiko sa text, sa email, sa telegrams, sa Viber at iyan po ang naging sanhi kung bakit ang dami-dami pong narespondehan ng PACC. Puwedeng sa email, iyong ni-report ko po kanina.

Isang example po ay nang si RJ, isang estudyante, humingi ng tulong sa PACC through text sa amin po dahil iyong kaniya pong TES (Tertiary Education Subsidy) na siya po ay qualified ay lumapit na daw po siya sa kada-daming ahensiya, subalit hindi daw po siya natutulungan. So noong ma-receive po namin ang text, agad po naming pinagbigay-alam sa CHED at ngayon po tinugunan na po ng CHED ang kaniyang scholarship or subsidy. Siya po ay qualified na, natanggap niya na po ang kaniyang hinihingi.  Iyan po ang ilan lamang sa libu-libo na pong natulungan namin doon sa mga kasong lumapit sa amin na wala naman po kaming jurisdiction, pero in the interest of public service, amin pong ginaganapan.

So maraming salamat po, Secretary Roque, at sa atin pong mga media na naririto.

SEC. ROQUE:  Commissioner Greco, aasahan ba natin po ang further filing of cases laban sa mga tiwaling opisyales ng PhilHealth bukod pa po doon sa naging rekomendasyon ng Task Force PhilHealth?

COMMISSIONER BELGICA:  Definitely po. We have, I think, around 40 as I checked noong nakaraang linggo, 40 names being investigated ng PACC pa lang po na kasama na po doon iyong mga regional officials, executive and board of directors. Alam ko po maraming nagtatanong, bakit hindi raw na-include iyong iba pang mga opisyal? Dahil iba po iyong isyu ng ini-expose mo, it’s one part to expose; it’s another part to file cases and really prepare file cases. Kung anu-anong affidavits iyan, kukunan mo ng mga ebidensiya po iyan that will stand in court. So, tuluy-tuloy na po ang investigation namin and yes, we will be filing cases to the Ombudsman in person po.

SEC. ROQUE:  Naalala ko po iyang pag-i-invest sa mga ordinary stocks, pero iyan po talaga ay parang nakalimutan ng ibang ahensiyang nag-iimbestiga. Tanging PACC lang po ang naka-uncover nitong investment in ordinary stocks. So kailan po maasahan ng publiko iyong pagsasampa ng mga kaso on the part of the PACC?

COMMISSIONER BELGICA:  We will bring this up sa en banc. Nagbuo na po kami ng task group namin to specifically concentrate on this cases.  Pag-usap namin sa en banc, we will see if we can handle at least kahit mga dalawang buwan matapos namin iyong isang kaso. Ayaw po kasi namin, Sec., iyong magpapa-file ka tapos itatapon lang ng korte dahil walang ebidensiya, walang substance. Kaya po we want to get the right document in place before we submit it sa Ombudsman.

SEC. ROQUE:  Okay. Thank you, Commissioner Greco, please join us for the open forum. Simulan na po natin ang open forum habang hinihintay natin si Usec. Vergeire. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Secretary, unang tanong po mula—sandali lang, Secretary. Unang tanong po mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune, ito po Secretary iyong kaniyang unang tanong, iyong concern po ng business sector: Will the IATF consider the proposal of business groups to exempt factory and office workers from wearing face shields?

SEC. ROQUE:   Well, alam ninyo po kasi ang pagsusuot ng face shields napatunayan na po iyan sa siyensa na nakakatulong doon sa pagpigil ng kalat ng COVID-19. Kung hindi po ako nagkakamali, ang pagsusuot ng face shields (masks) ay 94% effective in preventing COVID, ang face shields po additional 3%, so, 97% protection po ang ibinibigay sa mga mamamayan.

Eh, considering bumagsak na po ang presyo ng face shield hindi po unreasonable na requirement iyan ng IATF.

USEC. IGNACIO:   Opo.  Secretary, iyong  second question ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: How will the government respond to concerns that mandatory isolation rooms in workplaces for every 200 employees pose major issues? Business groups argue that there is the problem of space on where to locate these rooms. They also asked why is the government passing the responsibility to the private sector on this matter?

SEC. ROQUE:   Well, dalawa pong punto: Una pong punto, kung space po ang problema, makipag-ugnayan lang po ang ating mga employer sa lokal na pamahalaan at pupuwede naman pong bigyan ng espasyo ng lokal na pamahalaan.

Pagdating naman po doon sa responsibilidad, alam ninyo po, shared responsibility po natin ang laban sa COVID-19. Hindi po natin pupuwedeng sabihin na ang mga employers dahil sila ang may-ari ng workplace kung saan marami ring mga transmission ng COVID-19 ay walang responsibilidad ‘no.

Kung titingnan ninyo po ang ating Labor Code, talaga namang may requirement po talaga sa lahat ng employers na magkaroon ng clinic depending on how big iyong kanilang operation is; at sa panahon ng pandemya, hindi po unreasonable iyon na i-require ang mga employers dahil ang sabi ko nga po, shared responsibility naman po iyang laban na ito.

And uulitin ko po, kung espasyo ang problema, makipag-ugnayan lang po sa local government unit dahil pupuwede naman pong magkaroon ng isolation facility doon sa barangay mismo kung nasaan iyong factory.

USEC. IGNACIO:   Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Punta naman tayo kay Joyce Balancio, ABS-CBN.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Yes… Good afternoon po, Secretary, and to our guests. Sir, ang Iloilo City was recently placed under MECQ nito lamang Friday supposedly until October 9 but their Mayor, si Mayor Jerry Treñas is already asking the IATF to lift the MECQ and revert the city to GCQ starting today dahil nga po nakita na nila there’s a decrease already in COVID-19 cases. And after considering the appeals of businessmen in the city, ito po ba ay babaguhin ng IATF? Will this be studied by IATF today; and kailan po natin inaasahan si Pangulong Duterte na magsasabi ng bagong quarantine classifications for October?

SEC. ROQUE:   May pagpupulong po ang IATF ngayon, ala una nga po. So, sana po mas maaga tayong matapos para masimulan ko iyong meeting.

Pero nag-submit naman po ng sulat si Mayor Treñas, I’m sure aaksiyunan po agad iyan ng IATF.

Sana po… sana po, hindi ko lang sigurado ‘no, mayroon po kasing address sa taumbayan ang ating Pangulo mamayang gabi, so, sana po iyong classification eh mapasama na nga sa kaniyang address.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Alright. Sir, on a different topic. In the recent SWS survey, it appears that 7.6 million Filipino households experienced involuntary hunger in the past three months, the highest hunger incidence daw po since 2014. What does it say about the effectiveness of our programs and projects, especially when this survey is conducted September 17-20 at the time when we are opening the economy, marami na po ang nagbukas na businesses, ini-increase po natin ang ating public transportation? Some are saying this proves that kulang iyong ginagawa pa po ng gobyerno para labanan ang tag-gutom at kahirapan sa Pilipinas.

SEC. ROQUE:   Well, Joyce, unang-una, nakakalungkot itong balitang ito at kaya nga po tayo nagbubukas ng ekonomiya para mapababa iyong mga numero lalung-lalo na ng mga nagugutom.

Pero alam ninyo po, ang Metro Manila where 60% of our GDP comes from matagal na po tayong naka-GCQ at hindi ko po alam ang magiging classification for the next month pero kapag GCQ po kasi bahagya lang po bukas ang ekonomiya, mga 50% lang po ang bukas. Under MGCQ, mga 75% po ng ekonomiya ang bukas.

So, naiintindihan na ito po ang dahilan talaga kung bakit iyong mga karpintero, mga drivers, mga konduktor, iyong mga limited pang transportations sila po talaga ngayon siguro ang nakatikim o naka-experience ng kagutuman ‘no.

Pero ang pakiusap po ng gobyerno natin ngayon sa lahat ‘no, pitong buwan na po tayong nabubuhay na nandiyan ang COVID-19. Mabait naman po ang Panginoon sa atin, karamihan ng mga kaso ay mild, asymptomatic, 1.7% mababa po iyan iyang ating death rate.

Ang pakiusap natin puwede naman pong magtrabaho habang nandiyan ang COVID-19, doon nga po sa ad campaign natin ngayon, ang Presidente na ang nakikiusap: Mask, hugas, iwas, dahil kinakailangan po nating pangalagaan ang ating kalusugan para tayo po ay makapaghanapbuhay.

Now, hindi naman po tayo pabaya doon sa obligasyon ng estado na magbigay ng tulong dito naman sa mga sektor na ito ‘no. Unang-una, kaya nga po pinatataas natin iyong sector ng transportasyon dahil alam natin na talagang hindi tayo pupuwedeng lumampas ng 50% kung walang transportasyon, kaya pilit nating pinalalabas ang mas marami pang transportasyon.

Kaya nga lang with one meter distancing, talagang hanggang 30% lang po talaga ang ating transportasyon, hanggang hindi mababago iyang distancing requirement na iyan ‘no. Kahit patakbuhin pa po natin lahat ng bus, lahat ng jeepney dahil nga po may one meter distancing hindi pa rin mabibigyan ng sapat na transportasyon ang lahat gustuhin man nating buksan na mas malaki pa ang ating ekonomiya.

Pero nagbibigay po tayo ngayon ng ayuda sa mga lugar na subject to localized lockdown or granular lockdown. Patuloy po ang pagbibigay ng tulong doon sa mga nawalan ng trabaho, may dalawang programa po ang DOLE tungkol dito – iyong COVID-19 Adjustment Program at saka iyong TUPAD, iyong work for cash program; at nandiyan din po iyong Small Business Salary Subsidy ng Department of Finance at nandiyan din po ang Bayanihan 2 kung saan nagbibigay tayo ng pautang sa lahat ng mga nawalan ng trabaho na gustong magsimula ng sariling negosyo.

At siyempre po, nandiyan din iyong ating 2021 budget, 4.5 trillion at nakapaloob po diyan sa budget na iyan iyong mas marami pang trabaho para pa nga po mapababa pa natin nang husto ang numero ng mga nagugutom.

Okay, nandito na pala si—

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Mayroon po ba tayo, sir—

SEC. ROQUE:   Yes, next question please.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Opo. Last na lang po from me, sir. Given nga po doon sa mga nabanggit ninyo na what we are doing in the government to address poverty and hunger, mayroon ba tayong estimate as to when we can see improvement pagdating sa number of people who are experiencing involuntary hunger?

SEC. ROQUE:   Nakadepende po talaga iyan sa kung pangangalagaan natin ang ating kalusugan para makapaghanapbuhay tayo ano. Kaya nga po matindi ang debate sa IATF, maraming mga doktor na nagsasabing huwag munang buksan, ang kontra naman ng marami ring doktor hindi lang naman po mga ekonomista ay paano naman iyong magugutom dahil nga tayo ay patuloy na nakasarado.

Pero malinaw po, alam na natin kung paano mabuhay despite and in spite of COVID-19, kinakailangan lang po mag-ingat para sa ating kalusugan at ito naman po ay pupuwedeng gawin sa pamamagitan ng mask, hugas at iwas.

Thank you, Joyce.

JOYCE BALANCIO/DZMM:   Thank you Secretary.

SEC. ROQUE:   Oo, sabi ko kanina kina Tony at Henry magagalit ka dahil inubos na nila lahat ng tanong sa kanilang programang On the Spot. Congratulations sa kanila.

Yes… punta naman tayo sandali kay USec. Vergeire.

Ma’am, do you have an opening statement? Alam ko po talagang gusto ninyong sagutin lahat ng tanong ng ating mga reporters but if you have an opening statement, the floor is yours.

USEC. VERGEIRE:   Yes. Magandang umaga po, Spokesperson Harry Roque—magandang hapon pala and good afternoon to all of you.

Amin lang pong pinapaalala pa rin that whatever community quarantine measures that will be decided on and announced later on or the coming days, tayo pa rin po has to remain vigilant at tuloy-tuloy pa rin po iyong ating minimum health standards na pagpapatupad. Atin pa rin pong iisipin na kasama po tayo doon sa solusyon para po ma-battle o malabanan po natin itong COVID-19.

Marami po ang lumalabas ngayon, Spokesperson Harry, na mayroon nga daw po tayong ganitong kadaming kaso at ito nga po ay may mga assumptions na rin kung ilan pa by the end of October. Ang atin lang pong gustong ipaalala sa ating mga kababayan kung ano man po ang may mga numero tayo sa ngayon nakikita ho natin kailangan po titingnan natin ito as kabuuan.

Hindi lang po iyong mga numero, kailangan ding tingnan natin iyong kapasidad ng ating health system kung paano po tayo nakakaagapay. And whatever the numbers would be let us try to remain vigilant as I’ve said and continue practicing minimum health standards for us to further prevent infection here in the country.

Over to you, sir.

SEC. ROQUE:   Thank you very much, USec. Vergeire. Maricel Halili of TV 5, please.

MARICEL HALILI/TV 5:   Hi, sir! Magandang hapon po. Sir, Representative Arroyo has mentioned to consider the postponement of election amid problem on the pandemic. You already mentioned in your statement na hindi ito in line with the Constitution. Does it mean that this is not an option as far as Malacañang is concerned?

SEC. ROQUE:  Well, it can never be an option for Malacañang unless the Constitution is amended. At, I understand, the Comelec which is a constitutional body tasked with the supervision of elections has already announced that they are considering kumbaga a modified form of elections na less contact, less physical contact.

So, under the new normal, under the situation po, mukhang ang magbabago iyong paraan kung paano mangampanya pero patuloy po ang eleksiyon.

MARICEL HALILI/TV 5:   So, does it mean, sir, that Malacañang supports iyong proposal na maging open doon sa mail in voting at saka postal voting especially for senior citizens and PWDs?

SEC. ROQUE:  Of course, the decision lies with the Comelec at hindi po namin pinapangunahan ang Comelec. Pero as I said, baka kailangan po iyong pamamaraan ng pag-conduct ng election considering also what you have mentioned, which have been used in other countries widely. So baka po for the first time, baka makonsidera iyan ng ating Comelec.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, on other issues. Si Vice President Leni Robredo lang po has raised concern about doon sa possible na influence daw ng Chinese government doon sa paggamit ng social media in the upcoming elections following iyong pag-take down ng ilang mga FB post. Is there a reason to be concerned on this? Should we be afraid?

SEC. ROQUE:  Sa akin po, wala. I have been a strong adherent for freedom of expression and the free market place of ideas; at ang Pilipino naman po, napakatalino na natin, hindi po lahat ng nababasa sa Facebook ay pinaniniwalaan.

MARICEL HALILI/TV5:  Okay. Maraming salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE:  Thank you, Maricel. Trish Terada, please?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Good afternoon, Secretary. Sir, reaksiyon na lang po sa assumptions na nag-uugnay doon sa speakership issues sa 2022 elections. Ano po ang masasabi ng Malacañang tungkol dito?

SEC. ROQUE:  Ano pong assumption?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Assumption na iyong speakership issue/squabble, may kinalaman daw po sa 2022 elections?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam, hindi ko po nababasa iyan. Ako po ay nag-iingat pagdating sa speakership kasi nga po iyan ay poder talaga ng Kamara. At what I have said is literally what the President has said on the matter. So, alam naman po ninyo ang posisyon ni Presidente. He wishes that the two leaders will honor their words, however, kung wala talaang numero po si Congressman Lord Allan Velasco ay wala na pong magagawa ang Presidente. Meaning, ultimately, he leaves it with the members of the House of Representatives to choose their leader. Wala pong kinalaman iyan sa kahit anong postponement of any elections kasi nga po nasa Saligang Batas iyan. Unless we can amend the Saligang Batas on or before elections, it will have to be scheduled on the day specified in our Constitution.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Secretary, si Vice President Leni Robredo po pinuri iyong speech ni Pangulong Duterte before the UN General Assembly At ang sabi rin po niya, she is expecting the administration to keep its commitments citing other countries having relations with China, they have deteriorated due to the conflicting claims but haven’t resorted to war. Ano po ang reaksiyon ng Malacañang?

SEC. ROQUE:  We thanked her for the praise, but we leave it to the President on how to proceed, henceforth, dahil ang Presidente naman po ang chief architect of foreign policy.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Secretary, we are expecting the President to announce iyong quarantine classifications maybe today or within the week. Sir, what are the chances of Metro Manila moving to Modified General Community Quarantine factoring-in everything, like ito pong healthcare system natin at ito pong sinasabi ng ating mga experts na puwede pang tumaas iyong kaso kung posibleng mas bubuksan o mas luluwagan pa po itong opening ng economy?

SEC. ROQUE:  Please understand that as Spokesperson for both the President and the IATF, I cannot second guess how both the President and the IATF will decide on the matter. I can only stick to facts.  As far as critical care capacity is concerned, we are on moderate risk; as far as case doubling rate is concerned, malayo pa ang tatahakin. Pero nagbago na po ang basis ng classification natin ngayon, it will be on the basis of two-week growth rate. And bukas po idi-discuss po in detail kung ano itong two-week growth rate na sinasabi.

Perhaps, Usec., would you like to comment on that question as well?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Katulad po ng sabi ni Spokesperson Harry, kapag po nagdidesisyon ang Inter-Agency Task Force regarding the easing of community quarantine, pinag-uusapan po natin iyong kumpleto na mga indicators. It’s just not the number of patients, but also we look at the other factors like the health system, iyong critical care utilization, nakikita po natin maganda po ang mga indikasyon na ipinakita. Ngunit kapag tiningnan po natin, mayroon pa rin pong iilan-ilang mga puwesto or areas in Metro Manila na mayroon pa rin po tayong tinatawag na clustering of cases.

Mayroon din po tayong tinatawag na mga indicators for social, for security and for economic. So it is not just health that we look at; we also look at the other sectors kung paano naman po ito nakakaapekto rin sa ating kalusugan bilang isang populasyon. So, lahat ng ito po ay pinag-aaralan, tinitingnan at saka po nagkakaroon ng desisyon.  So, with this decision for the quarantine level, for Metro Manila, ito po ay pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force, base po dito sa mga sinasabi nating indicators na ito.

SEC. ROQUE:  Usec.  Vergeire, I think you will be in a very position to explain po kung ano na iyong bagong basis natin for classification. We have move the way from doubling rate to a two-week attack rate, if you can discuss po, ever so briefly kung no iyong tinatawag nating two-week attack rate. Two-week growth rate pala, hindi attack rate. At saka iyong daily attack rate, kung pupuwede pong i-discuss ninyo. Kita ninyo, pati iyong tawag nagkakamali na ako. Talagang mas mabuti pong doktor ang mag-explain niyan.

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Ang atin pong case doubling time and mortality doubling time na  tinatawag, iyan po iyong mga unang ginagamit natin para maging indicators for us to decide  kung anong klaseng community quarantine level and bawat lugar. Ito pong case doubling time at saka mortality doubling time, mula po nitong mga July and August, napansin po and because noted officially by our experts na hind na po siya ganoon ka-sensitive na magamit at ma-track natin kung ano po iyong estado natin sa ngayon when it comes to the number of cases at saka para magamit po para magdesisyon for these community quarantine levels.

So, ang ginawa po, nag-aral po iyong ating mga eksperto, pinag-usapan doon sa Sub-Technical Working Group for data analytics at napagkasunduan po na papalitan po lang mas sensitive na indicator, which is the growth in the number of cases for the past two weeks. So ang ibig sabihin po, kung ano po iyong ating mga numero ng kaso for this current two weeks na mayroon tayo, ikukumpara sa previous two weeks para makita iyong growth change sa bawat lugar dito sa ating country.

At ito ang pagkakasabi nga, this is more sensitive, kasi nakikita natin iyong true picture of the community. Nakikita din natin at tinitingnan din iyong daily attack rate, para makita nga iyong ating pag-increase or decrease ng mga kaso dito sa mga lugar na ating binabantayan.

The case doubling time and mortality doubling time will still be used, but this will be used as an overall guide and it can be used for analysis for the overall trends of the country. Pero sa ngayon para masabi natin kung ano iyong ating pagbabasehan, kung anong quarantine level, aside from the other indicators, ito pong growth rate na sinasabi natin for this two weeks and also the attack rate na tinitingnan natin daily para po sa piling mga lugar dito sa ating country.

SEC. ROQUE:  Usec. Vergeire, I hope you don’t mind, pero ano po iyong daily attack rate, para maintindihan lang po ng taumbayan?

USEC. VERGEIRE:  Ito po iyong numero po ng kaso na tinitingnan over a certain period of time, over a certain number of population. So tinitingnan po iyan nang mas sensitive comparing to case doubling time. Kasi po iyong case doubling time po, we get the numbers that are cumulative tapos tinitingnan din natin over a period of time. Ito pong attack rate na ito, makikita natin specifically per day over a certain area, over that certain that number of persons in that specific period, makikita na ho natin kung tataas o bababa doon sa lugar na iyon, iyong mga kaso.

SEC. ROQUE:  Well, Usec,. Vergeire with your permission, siguro tomorrow we can invite Usec. Lilibeth. Kasi, for everyone’s information, it is Undersecretary Lilibeth David who actually discusses in the IATF this analytics and recommends for the classification. So, anyway, thank you, Usec. Vergeire. And thank you, Trish. Next question is from Joseph Morong of GMA 7 please.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sec., good afternoon. Usec. Vergeire, good afternoon po, Ma’am, and Sir Greco. Sir, sa iyo muna. Iyon pong mga tourist spots – Boracay will open on October – do you have the list of other tourist spots that will open in the coming weeks or until the end of the year, sir? Sir, why are we opening, are we out of the woods?

SEC. ROQUE:  So far, Baguio, they are opening on October. Na-move iyong Baguio, I think it is October. Minove (moved) nila from September 22 to October. And then, there’s October 1 also for Boracay. I understand Bohol might be opening soon ‘no, within the month of October, if I’m not mistaken. So unti-unti naman pong nagbubukas ang ating mga tourist spots.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, what does that mean, are we out of the woods?

SEC. ROQUE: Well, it means that kinakailangan balansehin talaga natin iyong katotohanan na kinakailangan magtrabaho na iyong mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo na pupuwede namang mangyari kung pangangalagaan natin ang ating kalusugan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Can I go to Usec. Vergeire, please?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, ma’am. Good afternoon po. Ma’am, related question: Kapag po ba itong mga tourist spots natin ay binuksan, hindi po ba tayo nag-aalala na this will bring up the number of cases parang iyong nangyari doon sa mga LSIs natin when we allowed them to go home to their provinces?

USEC. VERGEIRE: Yes. Good afternoon, Joseph. So katulad po ng sabi ni Spokesperson Harry, nagbubukas tayo ng iba’t ibang sectors of society at iba’t ibang mga businesses like this tourism ‘no. Bago naman po natin bigyan ng ganiyan desisyon iyan, pinag-uusapan po iyan sa Inter-Agency Task Force at pangunahin talaga po ang kalusugan ng mga mamamayan kapag pinag-usapan iyan, iyong safety.

Kaya there are safeguards para po hindi magkaroon nitong pagkalat ng impeksiyon kung saka-sakali. That’s why there are pathways that have been developed, there are specific strategies for testing and isolation that had been discussed at gagawan po ng guidelines para kapag binuksan po iyan ay may safeguard tayo.

Katulad po ng sabi ni Spokesperson Harry Roque, hindi naman po tayo puwedeng to remain in lockdown forever. We need to survive and we need to live with this virus, ang tinatawag nating new normal. So we just need to enforce these health standards that we have para lang masiguro po natin na hindi kakalat ang impeksiyon kung sakaling tayo ay magbukas ng ating mga sectors of society.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ma’am, you mentioned po iyong bagong consideration natin, iyong two-week growth rate and daily attack. Would you have the figures already? Since when did we start implementing these two factors?

USEC. VERGEIRE: Well, pinag-aralan po iyan ng IATF ‘no, iyong Sub-Technical Working Group and Data Analytics. Ngayon nga po, ito pong mga bagong indicators na ito ay ito na po iyong kanilang pinag-aralan for the specific decision that will be made.

So I cannot give you the figures right now. I do not like to preempt also decision of IATF. Pero masasabi lang po natin, ginamit na po siya ngayon sa pagdidesisyon po dito sa round na ito, for this community quarantine levels.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last na lang kay Usec. Ma’am, staying po doon sa data natin so far, kasi we just have two days ‘no before October 1st. Mayroon tayong positivity rate na 10% and then .74 na R0 and below critical utilization ng ating critical care facilities. Kung ito po ba ang pagbabasehan, makakampante po ba ang DOH na buksan sa mas maluwag na community quarantine ang Metro Manila to MGCQ based on this data right now?

USEC. VERGEIRE: As I’ve said ‘no, ang lagi ko naman pong sinasabi, kapag nagdidesisyon po ang IATF it’s collegial ‘no, lahat po ng sektor ay kasama diyan ‘no, pinag-uusapan, kinukonsidera.

Kapag tiningnan natin ang indicators natin ngayon, like for example, we have less than one transmission rate, our critical care utilization is at that level na moderate or nasa warning zone tayo. Ang atin pong iba pang indicators, maganda rin ang ipinapakita pero mayroon pa ho tayong ibang tinitingnan. We have to look at the clustering in an area or in a region. Kailangan din po nating tingnan iyong average trend of cases that we are getting or had been reported para makita po natin sa kabuuan kung talagang worthy na na mag-ease tayo ng restriction o kailangan pang ituloy ang mas mahigpit na restriction.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Ma’am, thank you. Secretary Roque, puwede pong isang question for you?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong—well, idea nitong si Congressman Arroyo to postpone the elections, that would require an amendment of the Constitution or can Congress come up with a law to postpone the elections? And can we say categorically that the President is not interested in extending his term and will not support any measure to postpone the elections?

SEC. ROQUE: The only way it can be postponed is if the Constitution is amended. Kasi sa Saligang Batas ay naka-specify iyong petsa ng halalan para sa presidente, bise presidente, kongreso at senador. Ang pupuwede lang ma-postpone ng Kongreso ay iyong mga eleksiyon na hindi nakasaad sa Saligang Batas kasama na diyan iyong mga barangay elections.

The President is not interested in extending his term. And he leaves it to the Filipino people, the sovereign people to decide if they want to amend the Constitution to postpone the elections.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Thank you for your time. Thank you po.

SEC. ROQUE: Anyway, thank you, Joseph. Thank you, Usec, Vergeire. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang hapon po, Secretary Harry. I just have two questions – one is for you. Kanina po, kausap ko iyong mga kamag-anak ng mga nawawalang mandaragat doon sa Gulf Livestock 1. Nakikiusap sila na baka puwedeng kumilos ang pamahalaan to tap our friendly relation with other countries like China, Korea and Japan na ipagpatuloy ang paghahanap sa kanilang mga kamag-anak.

Number two, sabi rin nila, eh kung hindi raw po kakayanin na makipag-ugnayan, baka raw pupuwedeng gastusan ng pamahalaan ang paghahanap sa kanilang mga kamag-anak. Secretary?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po gagamitin natin ang lahat ng pupuwede nating gawin para mahanap iyong nawawala nating mga kababayan – I can assure the families of that ‘no. So we will explore how to further the process of tracing kung nasaan iyong mga mahal nila sa buhay; hindi pa po tapos.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay, mabuti po kung ganoon. Para po kay PACC Commissioner. Magandang hapon po, Commissioner.

COMMISSIONER BELGICA: Good afternoon, sir Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, magandang hapon. Nabanggit po ng ating Ombudsman na hindi na muna ipasusuri iyong SALN sapagka’t ginagamit daw po ng ilang mambabatas at tiga-media ang SALN para mangikil sa mga taong nasa pamahalaan. May karanasan po ba kayong ganoon na ginagamit na pangingikil iyong mga SALN ng ating mga high ranking government officials?

SEC. ROQUE: Commissioner Greco? Commissioner Greco, narinig mo iyong question? Commissioner?

Anyway, ano po iyong susunod ninyong tanong, Melo, habang—

COMMISSIONER BELGICA: Go ahead.

SEC. ROQUE: Ayan na, ayan na si Commissioner Greco.

COMMISSIONER BELGICA: Sorry.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Hindi po kaya magkaroon ng problema kung ginagamit iyong SALN para makapangikil iyong mga ilang mambabatas at iyong ilang media men? How will it impact on your role as PACC Commissioner?

COMMISSIONER BELGICA: Hindi ko na-pick up lahat ng tanong. Pero ang dinig ko po ay kung magkakaroon ng problema doon sa difference ng posisyon namin ng Ombudsman regarding sa SALN.

Ang amin po namang primary submission ng report and recommendation ay sa Office of the President so hindi naman po magkakaproblema sa aspetong iyon.

As to the Ombudsman, of course, the Ombudsman can speak for himself at nasa kaniya naman po ang—well, it is a constitutional body so I would not want to touch that. Pero kami sa PACC, naniniwala kami na mahalaga po ang lifestyle check sa pagdi-determine o at least man lang ay pag-prevent ng korapsyon sa pamahalaan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, maraming salamat po. Iyon lang po. Nagmamadali si Secretary Harry. Thank you, Secretary.

COMMISSIONER BELGICA: Thank you, sir Melo.

SEC. ROQUE: Hindi naman ako nagmamadali ‘no. Bibigyan ko pa nga kayo ng next round kung gusto ninyo pa ‘no. [Laughs]  But thank you, Melo.

Next, please. So wala na? Sinong gustong mag-second round of questions? Wala yata si Pia Rañada. Paging, Pia Rañada. Joseph Morong, yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa Twitter, kasi iyong mga #loveisnottourism. ‘Di pa remember, sir, I had a question before, when are we going to allow iyong mga fiancé visa into the Philippines kasi we’re kind of relaxing everything already?

SEC. ROQUE:  Well, love is not tourism, I agree po. I will bring this up to the IATF because it is the IATF that will make that decision. Pero sa ngayon po, ang pinapayagang pumasok ay mga Pilipino, iyon mayroon pong long-term visas at saka case to case basis naman po ‘no.

So subukan ninyo po, sumulat po kayo kay Undersecretary Dulay ng DFA, at pupuwede naman po siguro iyong mga fiancé visa ay pupuwedeng makiusap kay Usec. Dulay because it’s within the power naman po of DFA to grant entry permits on a case to case basis.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ah, so kapag DFA okay, puwede silang dumaan doon, sir?

SEC. ROQUE: Yes po, kasi ang mangyayari diyan, DFA will inform CID ‘no. So iyon po iyong naging karanasan ko na diyan.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ah, okay. So kahit wala pa pong parang decision iyong IATF whether to allow them or not to allow them?

SEC. ROQUE: Kaya nga po ‘no. It can be on a case-to-case basis, it can be humanitarian in character or whatever ‘no. Pero you can try that habang wala pa pong established policy ang IATF.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Thank you, sir, for the bonus round.

SEC. ROQUE: Joyce Balancio, please. Thank you, Joseph.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes, sir. May pahabol lang din ako na question kanina, hindi ko lang natanong. Greenpeace Philippines is urging President Duterte to declare a climate emergency as part of honoring our commitments daw po in the Paris agreement. Wala daw po kasing bansa sa Southeast Asia ang naka-meet nito, nang kanilang global targets to prevent the planet’s temperature from rising. Will the President he heeding the call of the Greenpeace group?

SEC. ROQUE: Well, that will be a decision of the President. Pero the fact na sinama po ni Presidente iyong climate change sa kaniyang talumpati nang kauna-unahang pagkakataon sa UN General Assembly ay nagpapakita na talagang binibigyan ng prayoridad ng ating Pangulo ang problema ng climate change. Isa kasi tayo sa parang to 5 o top 10 countries na pinakamaaapektuhan ng climate change ‘no at kung hindi nga po maaabatan ang climate change baka lumubog ang malaking teritoryo ng Pilipinas ‘no pagdating ng panahon.

So ang masasabi ko lang po, top of the agenda po ng ating Presidente iyan, and the President will consider the suggestion made by Greenpeace.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay. Last na lang po for me, Secretary, na pahabol. Si House Speaker Alan Peter Cayetano ay lumipad po over the weekend sa Davao City and met with Deputy Speaker Paolo Duterte. Do we have any information if he also met with President Duterte? Was there a chance that the two talked over the weekend?

SEC. ROQUE: Well, wala po sa nakita kong schedule ang meeting with Speaker Cayetano but I cannot be 100% sure on this dahil wala po ako sa Davao ‘no. What I do know is the President is back in Manila, he returned last night ‘no and siyempre po kay Speaker Cayetano, nag-hihintay po tayo ng durian.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  That’s all for me, Secretary.

SEC. ROQUE: Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Mayroon pong labing-isang seafarers sa Port of Dongzheng sa China sakay noong Ocean Star 86 at [unclear], mayroon naman dalawang seafarers. Paano raw po kaya matutulungan ng DFA na pababain muna sa puerto sa Dongzheng at mapauwi na itong mga mandaragat na ito? Thank you.

SEC. ROQUE: Well, kasama po iyan doon sa naging talumpati ni Presidente sa taumbayan na humihingi sa lahat ng bansa ng daigdig na on humanitarian grounds eh tulungan naman iyong mga stranded na mga Pilipinong mga seafarers ‘no na hindi nakakababa sa kanilang barko and yet hindi sila makauwi ‘no. So siguro po, if you send us the names of these individuals, we will send it to our consulate at saka sa OWWA ‘no nang makipag-ugnayan po sila sa Tsina para mapababa at mapauwi po sa bayan natin ang mga seafarers na iyan.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Yeah, we will do so, Secretary. Thank you. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Thank you, good afternoon. So Usec. Rocky, do you have questions pa Usec?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Mula po kay Julie Aurelio: Totoo ba na may meeting bukas between House Speaker Cayetano and Representative Velasco and President Duterte in Malacañang about the term sharing agreement?

SEC. ROQUE: I cannot say for certain because in my schedule that I have, nakasulat lang po mga private meetings. Pero I intended to call the appointments office ‘no. What I can say is in the last address to the people sa Davao po, sinabi ni Pangulo na siguro kakausapin po niya si Speaker Cayetano at si Congressman Lord Allan Velasco. But I cannot say if it is scheduled for this week but I will find out po ‘no. Usually po kasi I’m not allowed to divulge the schedule ahead of time pero I think by way of compromise naman on the same day before the meeting or right after baka payagan naman po ako. I will see po kung papayagan tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman ni Henry Uri ng DZRH: Sa interview ko kanina kay Congressman Rufus Rodriguez kanina, sinabi po niya na si President Duterte lang ang makakaresolba ng term sharing issue sa Congress since si Presidente naman ang author nito. Any reaction po?

SEC. ROQUE: Well, I understand reading the papers too that 202 congressmen have signed the resolution ‘no. Ang sabi po ng Presidente and again because I’m very careful about this issue, ulitin ko lang po iyong sabi ni Presidente, “I wish both parties will honor the agreement pero wala akong magagawa kung walang boto si Congressman Lord Allan Velasco.” I will only repeat what I have heard with my own two ears come from the mouth of the President himself.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. Since wala na po tayong mga tanong, maraming salamat sa ating mga naging panauhin – Commissioner Greco Belgica, si Undersecretary Vergeire. Maraming salamat po sa men and women of the Malacañang Press Corps. At maraming salamat din sa iyo, Usec. Rocky.

So sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, abangan po natin ang mensahe niya, baka po mamaya po iyan ma-air, pero ako po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Pilipinas, kaya nating mabuhay maski pa po nandiyan si COVID-19. Kinakailangan lamang ingatan natin ang ating buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

Watch the President’s act. Good afternoon to all of you.

 

###

  

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)