SEC. ROQUE: Magandang hapon po Pilipinas. Narito po kami sa Jordan sa huling araw ng pagbisita ng ating Presidente; halos isang linggo po siyang bumisita sa bansang Israel at sa Jordan.
So siguro po, ire-recap lang natin kung ano nangyari doon muna sa pagbisita ni Presidente sa Israel.
Nagkaroon po sila ng pagpupulong ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, at importante po ang relasyon ng Pilipinas at Israel; binalik-tanawan nila iyong ginawang desisyon ng ating mga presidente mula kay Presidente Quezon, iyong tinatawag na Open Doors Policy kung saan hinayaan nating pumasok sa Pilipinas ang hindi bababa sa 1,300 na mga European na mga Jews na umalis po ng Europa ‘no para hindi mapasama doon sa Holocaust na ginawa ng mga Aleman noong mga panahon na ‘yun ‘no. At dahil po diyan, eh tinatanaw naman po talaga na malaking utang na loob ng bansang Israel sa Pilipinas iyong ating pagbibigay ng asylum doon sa kanilang mga kasama ‘no. At siyempre po, kasama po ni Presidente Duterte ang kaniyang anak, si Mayor Sara, na isang descendant po ‘no doon sa ilan doon sa mga Hudyo na nagpunta po sa Pilipinas para nga makaiwas sa mga Nazis.
Nagkaroon po sila ng pagpupulong tungkol sa defense and security cooperation, at siyempre po kinikilala natin ngayon ang Israel bilang isang major partner sa AFP modernization program. At tayo po ngayon ay isa sa pinakaimportanteng merkado para po sa mga armas na gawa sa Israel. Nagkaroon din po tayo ng kasunduan, isang labor cooperation na kasunduan na makikinabang po ang 29,000 na mga caregivers sa Israel.
Nagkaroon po tayo ng Memorandum Of Agreement on temporary employment of home-based Filipino caregivers between the Philippines and Israel ‘no, para naman po malimitahan iyong napakataas na placement fee na binabayad ng ating mga kababayan para lang makatrabaho bilang caregivers ‘no. Inaasahan po natin na mapapababa, kung hindi tuluyang mawawala na iyong 12,000 US Dollars na placement fee na binabayad para makapagtrabaho dito sa bansang Israel ‘no.
Nagkaroon po tayo ng business forum sa Israel, kung saan tatlong Memorandum Of Agreement, 11 na Memorandum of Understanding at 7 na LOIs ang napirmahan; at iyong mga bagong puhunan po ‘no na makakarating sa ating bansa bilang resulta noong business meeting ay nilagay po sa 82.9 million US Dollars.
Dito naman po sa Jordan, kahapon po nagkaroon ng mga pag-uusap sa panig ni Presidente Duterte at ni King Abdullah II bin Al-Hussein doon po sa Al Husseinieh Palace ‘no. Dito po sa kauna-unahang pagbisita rin ng isang presidente ng Pilipinas sa Jordan, eh nagkaroon po ng ilang kasunduan, kasama na po rito ang mga kasunduan on political consultation, defense cooperation, investment and framework for the employment of domestic workers. Mayroon pong 49,000 humigit-kumulang na mga Pilipinong nagtatrabaho dito sa Jordan ‘no.
Now, nagsimula po ang Presidente ng pagpupulong sa pagbibigay pasalamat doon po sa initiative ng Jordan para mag-host noong tinatawag na Aqaba Process Meeting on Southeast Asia which is an initiative for international cooperation on counter-terrorism.
Nagpasalamat din po tayo kay King Abdullah dahil mayroon po silang donasyon na dalawang helicopter, iyong AH-15 Cobra Attack Helicopters, ilang mga baril at mga bala.
Nagkaroon din po tayo ng business forum kahapon, kung saan nagkaroon po ng dalawang MOUs na nalagdaan at walong LOIs ‘no. Ang bagong puhunan po na makakarating sa Pilipinas, dahil dito po sa ginanap na pagbisita dito lang po sa Jordan ay 60.675 million US Dollars.
Sa iba naman pong mga balita, we welcome po the remarks made by the United Nations applauding the Philippines for being in the forefront in disaster risk reduction. The national government as well as the private sector was lauded for the efforts in continuously improving the country’s preparedness in any disasters and making the country one of the most disaster resilient countries ‘no.
Mabuting balita rin po, iyong Subic Bay Metropolitan Authority approved new investment projects worth 2.85 billion pesos in the first semester of 2018; this represents a 290% increase in total commitments compared to the same period in 2017. According to the SBMA, the first semester investment projects are to generate 2,439 new jobs in the Subic Freeport Zone. On top of the said projects the SBMA-approved 13 expansion projects which were also projected to create 286 new jobs.
Kahapon po, binigyan ko ng kumpirmasyon na nagkaroon po ng pagpupulong si Presidente sa lahat po ng Gabinete na sumama sa biyaheng ito. Pinag-usapan po nila kung ano ang magiging posisyon ng administrasyon tungkol po dito sa pag-revoke ng amnesty kay Senator Trillanes. At matapos po ang mahabang talakayan, nagdesisyon ang Presidente that he will abide with the rule of law; aantayin po niya ang desisyon ng hukuman, ng Regional Trial Court kung sila ay mag-i-issue ng warrant of arrest. So uulitin ko po, desisyon ng Presidente is he will allow the judicial process to proceed, and he will await the issuance of the appropriate warrant of arrest if there is indeed one to be issued ‘no before Senator Trillanes is arrested and apprehended.
Questions, please…
CHRISTINE AVENDAÑO/PHIL. DAILY INQUIRER: Sir, pero why was the case of Senator Trillanes discussed by the Cabinet? Mayroon ba crisis pa?
SEC. ROQUE: Hindi naman po krisis ‘no, ako po ay isa doon sa… I understand two Cabinet members who asked to speak on the President on the Trillanes issue. My only concern was, baka hindi naman naririnig ang gobyerno, kasi ako mismo, as Spokesperson was here and I have very limited opportunity to comment on the matter. So I wanted to find out ‘no, how we will proceed and kahit papaano, how to have the government’s side heard by the public ‘no. So I understand I was not alone, may isa o dalawa pa and so the President called for the meeting, but it was not as if it was high up the priorities of the President. It’s just that there was time, and I asked for a meeting and a couple of other members of the Cabinet asked for meeting – so he called for a meeting ‘no.
CHRISTINE AVENDAÑO/PHIL. DAILY INQUIRER: Sir, was there a consensus last night na the government has a strong case against the senator?
SEC. ROQUE: Definitely. I have since been furnished with what Trillanes filed in the Supreme Court. As usual po, ‘pag sinasabi niya na siya’y nag-apply ng amnesty, hindi po niya inappend o ikinabit sa kaniyang petisyon sa Korte Suprema ang received copy ng kaniyang application form ‘no. Ang aming paninindigan po, dahil siya naman ang nagpunta sa Hukuman, kinakailangan sumunod siya sa rules of evidence; kinakailangan iprisinta niya iyong received application niya for amnesty, dahil according to the best evidence rule na tinatawag ‘no, kung ang dapat patunayan ay iyong existence ng isang dokumento na magpapatunay ng isang bagay, at with this case na siya nga iyong nag-apply, the best evidence is the duly received application form.
At hindi ko nga maintindihan kung bakit wala siyang kopya noon. Hinahambing ko nga ang importansiya niyang mga application form for amnesty na ‘yan na duly received to one’s birth certificate or marriage contract ‘no. That’s very important for someone who allegedly applied for amnesty for a capital offense ‘no. Dapat po ‘yan ay may kopya talaga, and I find it hard to believe na wala siyang kopya ‘no. So the original document must be presented, that’s pursuant to the rules on evidence – and that rule is known as the best evidence rule.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, good morning. Sir, may mga statement iyong political analysts sa Pilipinas na iyong pending arrest kay Senator Trillanes ay isang squid tactic ng gobyernong Duterte para po pagtakpan iyong epekto noong mataas na inflation at iyong somehow ay hindi ma-control na pagtaas na presyo ng bilihin; hindi raw po hawak na ng gobyerno iyong ekonomiya ng bansa—hindi na dapat hahawakan iyong ekonomiya.
SEC. ROQUE: Well, I beg to disagree ‘no. Unang-una po gumawa na tayo ng hakbang para maipababa ang presyo ng diesel. Lalung-lalo na, tayo po ay umangkat na gaya ng ating nirekomenda noong ating mga naunang press briefing. That idea was born in our press briefing po ‘no. Iyong pag-angkat ng mas murang diesel sa mga non-OPEC countries. Pangalawa po, parating na po at nandiyan na po sa Pilipinas ang napakadaming bigas na inangkat natin.
Mayroon pong 135 na dapat parating. That’s thousand metric tons at nagkaroon pa ng additional authority to import 250,000 metric tons at ito ay in addition pa po doon sa pupuwedeng angkatin ng mas maliliit na mga volume, basta bayaran po ang taxes na nanggagaling po sa Malaysia, intended for the ZAMBASULTA market.
So, pangatlo po ay gumawa na nga po tayo ng hakbang para engganyuhin iyong mga traders natin na mag-angkat ng baboy at tinanggal na po natin iyong special safeguard measures pagdating po doon sa pag-import ng manok.
So, ibig sabihin po, ina-address po natin ang issue ng inflation. It will not happen overnight, kasi itong inflation naman po, maraming masyadong pera na umiikot sa ating ekonomiya ngayon. At the same time, the Central Bank have to spend taking steps to rein-in interest rates, which will also have an impact on inflation.
So, hindi po totoo na kinakailangan ng diversionary tactics, hinaharap po natin iyan and the President has also said that the buck stops with him. So ang pangako niya dito sa bigas, bukod sa pag-angkat, eh binalaan na niya iyong mga traders at ito po ay napagkasunduan din, lumabas din kahapon sa Cabinet meeting na talagang totohanan na ni Presidente iyong pagbubukas ng mga warehouse para mapalabas iyong mga tinatagong bigas ng mga hoarders para hindi manatiling mataas ang presyo ng mga bigas.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Eh, sir iyong possibility na mag-impose po ng price control sa basic commodities iyong gobyerno, kasi po iyong apparently iyong SRP, wala naman nagiging epekto iyon at patuloy pa rin sa pagtaas ng presyo iyong mga negosyante?
SEC. ROQUE: Hindi kasi pupuwedeng, basta-basta lang magde-declare ng price control. Under the price control act, kinakailangan mayroon munang declaration of state of calamity or mayroon munang martial law o mayroong suspension of the writ of habeas corpus. Sa Mindanao po, pupuwede sigurong magawa iyan, pero sa Mindanao, hindi po kasing lala ang kaso ng inflation, lalo na sa presyo ng mga pagkain.
So, kinakailangan mayroon pong precedent act before we can resort to price control. At naniniwala po naman ang buong gabinete sa Presidente na itong pagbaba ng mga presyo ay makakamit sa pamamagitan ng mga pag i-increase ng supply at hindi sa pamamagitan ng price control, dahil kapag ikaw ay nag-price control, under law of supply and demand, bababa rin ang supply at lalo pa rin tataas ang presyo.
At siyempre nakasalalay iyan doon sa kakayahan ng gobyerno na implement iyong price control. So, mas maniniwala po ang gobyerno na mas epektibo, na i-increase ang supply ng mga bilihin para bumaba ang presyo, not necessarily through price control.
Q: Sir, sinabi ninyo po kanina, no to price control unless mayroong state of calamity, hindi pa ba ito basehan, para magde-declare ng state of calamity iyong mataas na inflation rate?
SEC. ROQUE: Hindi pa po, mataas po ang inflation rate, but tingnan ninyo naman historically, it’s high but it’s not actually–not ridiculously high. Nakita ninyo naman kung ikukumpara ninyo, even President Gloria Macapagal Arroyo has said that during her time, it was double-digit inflation rates and we did not have to resort to any calamity of sorts ‘no. so, it’s under control.
Nagiging political issue nga lang po, dahil malakas talaga ang usaping pulitika ngayon, mag i-election na. Pero iyon po ang huwag kakalimutan ang taumbayan, marami po talagang magsasamantala dito sa isyu ng inflation, pero marami pong dahilan kung bakit may inflation, pagtaas po ng presyo ng krudo, pagtaas po ng—iyan ang unang-unang dahilan kung bakit tumaas ang mga bilihin.
Iyong pagtaas ng presyo ng tobacco na kasama din doon sa basket ng mga bagay-bagay kino-consider nasa inflation, pero tumaas iyong halaga ng tobacco dahil nga na i-implement na correctly iyong sin taxes law. At saka siyempre napakadaming pera po na umiikot, iyong pera na galling sa 4Ps, pera na galing sa iyong unconditional cash transfer because of TRAIN 2, iyong libreng tuition na ginasta rin ng taumbayan, iyong buwis na dapat sana binayad ng mga kumikita ng within 250,000 na ngayong po ay hindi na kinakailangang ibayad sa gobyerno ano. So, hinay-hinay lang po tayo, normal pa po iyan, it’s higher than usual, but it’s nothing to be worried about.
Q: Are you saying sir, na ginagamit ito ng opposition against the administration?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko obvious naman iyan, obvious na obvious po iyan. At saka isa pa pong dahilan, kaya hindi kayo dapat mag-worry ano. Although tumaas ng kaunti ang inflation, iyong employment naman natin had better indications. So, kung talagang may disaster tayo, mataas ang inflation, tumataas din ang unemployment – everything negative. Pero talagang ito po, nagpapakita na talagang masigla ang ekonomiya, malakas ang demand, limited ang supply, kaya tumataas iyong mga presyo ng bilihin.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sec, good morning po, hihingi po ako ng reaction ninyo, sir. Sinabi ni Senator Trillanes na mayroon daw, apparently, active military personnel expressing support sa kaniya at naghihintay na lang daw ng sentiments ng taumbayan, which iyon nga, it would lead to another EDSA 1, EDSA 2, iyon po iyong kanyang sinabi sir, your reaction please?
SEC. ROQUE: Siguro po, guni-guni niya iyan, good luck po, dahil siya naman napakatagal na niyang naging senador, wala naman siyang nagawa para sa mga kasundaluhan natin. Si Presidente, dalawang taon pa lang nakaupo bilang Presidente, nadoble na niya ang suweldo ng ating mga kasundaluhan. So, good luck Senator Trillanes, believe in your myth, pero kami po sandal pa lang ang ginugol ni Presidente panahon sa paglilingkod, ang unang nakinabang po, ang ating kasundaluhan.
Oo nga pala po, marami kaming kasamang mga sundalo dito sa Israel, mayroon po silang pagpupulong ngayon with their counterparts dito sa Jordan, nagkaroon din sila ng pagpupulong sa Israel at hindi po namin itinatago pati po iyong mga sugatan na nakipaglaban sa Marawi, kasama po namin, we see nothing wrong with that. Kaya nga po kampante kami dahil sa pinakitang pangangalaga ng Presidente sa mga kasundaluhan, eh baka nananaginip po si Senator Trillanes na maraming sasama sa kaniya.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, allow me to ask for your response again. Iyong sinabi ni Senator Trillanes na iyong dare niya na kung ipapahuli siya, ipapaaresto, do it on live camera daw.
SEC. ROQUE: Naku, hindi po kami sasapi sa drama ni Senator Trillanes. Mag-drama na lang po siyang mag-isa.
CEDRIC CASTILLO/GMA7: Yesterday we talked, sir. Have you asked President Duterte if during his time sa local government, did he support or ano po iyong pananaw niya doon sa mutiny?
SEC. ROQUE: Well, kahapon, he was saying, at some point, siyempre hahangaan niya iyong mga tropang Magdalo, dahil handa silang mamatay para sa kanilang kaalsa. Pero ang naaalala talaga ni Presidente, bago mag-eleksyon ay pumunta sa kaniya si Senator Trillanes at nagpresenta bilang maging Bise Presidente niya sa halalan. Hindi naman siya tinanggihan ni Presidente, dahil iyong mga panahon na iyon, talagang wala siyang desisyon na tumakbo bilang Presidente at pinost ko ito sa Facebook ko iyong larawan nilang dalawa. Iyan po ay kinuha sa Linden Suites at doon sa pagpupulong na iyon ay nag-apply si Senator Trillanes to be his Vice President. So, ang tanong ngayong kung talagang sa paningin ni Senator Trillanes is Duterte was the worst President that we ever had. Eh bakit noong minsan gusto niyang tumakbo bilang Vice President ni Presidente Duterte.
So may itinatago talaga si Senator Trillanes at mayroon din siyang inconsistency. Tinatanggap ko naman na pupuwedeng mag-iba ang mga pananaw; dahil ako minsan tinrato ko rin siya bilang kaibigan, naghiwalay kami ng landas noong siya ay sumuporta kay Noynoy Aquino. Pero ang malinaw po, as late as 2016 nais tumakbong Bise Presidente ni Trillanes kay President Duterte. Siguro po isa sa dahilan kaya galit na galit siya ngayon kay Presidente Duterte, hindi siya napagbigyan.
Q: Pero sir pabor po siya during that time?
SEC. ROQUE: Hindi naman, ang sinabi lang niya kinikilala niya iyong katapangan at saka iyong prinsipyo na nais magpakamatay ‘no. At mayroon din namang ilang mga miyembro ng Magdalo na naninilbihan ngayon sa gobyerno ni Presidente Duterte ‘no. Pero—so iyon po ang kaniyang sinabi kahapon. Hindi naman niya kinu-consider na completely masama, hinangaan ang katapangan, pero hindi po niya inaprubahan iyong—kumbaga, iyong means ng kanilang paghihiwatig ng kanilang kalooban.
Pero ganoong pa man, ang matter of record is kahit ano pang sabihin ngayon ni Senator Trillanes, aminin po na pinuntahan niya si Presidente Duterte at siya po ay nag-apply para maging Vice President ni President Duterte.
Kung talagang evil ang ating Presidente gaya ng sinasabi ngayon ni Trillanes, ang tanong ko senator: ‘Eh bakit gusto mong tumakbo bilang Bise Presidente niya?’
MARICEL HALILI/TV5: Hi sir, one quick lang. During a Mass for Senator Trillanes, Father Noel Gatchalian parang nag-joke siya na nagdasal daw siya para magkasakit si Presidente. Your reaction to that?
SEC. ROQUE: Kakaiba po iyan, galing po sa isang Pari. Hindi ko po alam kung anong pananampalataya ng Paring iyan. Pero Kristiyano po, hindi magdadasal para magkasakit ang isang tao. Nakakahiya ka po, Father. Siguro po umalis kana sa pagiging Pari. It does not speak well to the Christian faith.
MARICEL/TV5: Sir, I know you already answered this question. But just to reiterate, mayroon po kasing lumalabas uli ngayon, iyong sa viral na showing your statements several years ago acknowledging the heroism of Magdalo including Senator Trillanes. What can you say about that?
SEC. ROQUE: Hindi ko po dine-deny iyon na isinulat ko iyan. In fact, that was part of my column, when I was a columnist in one of the broadsheets ‘no. Hindi ko po dine-deny na hinangaan ko rin ang mga Magdalo. Pero hindi po nagtagal iyon, nawala iyong paghanga ko noong pumayag po siya na maging stooge ni President Aquino ‘no. At ito nga iyong dahilan kung bakit siya nabigyan ng amnesty maski wala siyang application. So doon po kami nagsimula noong paghihiwalay ng landas, naghiwalay din po kami ng landas doon sa kaniyang ginawa kay Jojo Binay. At siyempre po ngayon, we are an opposite political caps, because I’m Spokesperson of President Duterte and he hates President Duterte even if he wanted to be his Vice President.
Ang tanong: eh kung talagang hindi tamang Presidente si President Duterte, bakit kaya niya ninais na maging Vice President noong minsan? So huwag niyang ibabato sa akin noong sinuportahan ko siya, kasi siya nga naghangad maging Vice President ni President Duterte. So talagang nag-iiba ang mga relasyon ng tao, wala pong masama doon sa pag-iibang iyon. Pero ako hindi ako naghangad maging Vice President niya kahit kailan.
Q: Sir, can we get your reaction: the peso is almost at 54 pesos per dollar, it’s the weakest in 13 years. Can we get the Palace reaction on this, sir?
SEC. ROQUE: Well, iyan po ay dahil nga po doon sa ating mga programa lalo na iyong ‘Build, build, build’ na marami po talaga tayong dapat i-import para sa mga mega construction projects natin. That’s a natural consequence po dahil we are allotting for the first time the biggest bulk of the budget towards public infrastructure. Pero that’s not a reason to worry po. Ultimately in the long run, ang tingin namin iyong trabaho at saka iyong mga negosyo na madede-generate ng ‘Build, build, build’ will make up for the weaker peso. And also po siyempre dahil mayroon naman tayong 14 million OFWs sa Pilipinas ‘no, hindi rin po masama para sa lahat ang weak peso. This is also a reason why Philippine exports will become more competitive because it would be cheaper in dollar terms. So in the long run po magkakaroon po iyan ng equilibrium.
Now kaya po naman talagang sumadsad na ganito, it’s because lahat po ng importation ngayon ginagawa. Iyong importation for ‘Build, build, build’ ngayon po ginagawa kasi ngayon nagsisimula. Pero after all importations have been made, we see that the peso will stabilize to a softer rate.
Q: So in the next few weeks or months to expect to weaken further—
SEC. ROQUE: Traditionally, the peso becomes strongest in December because of the remittances. So hindi po magtatagal iyan dahil ‘ber’ months na tayo. As soon as the remittances come in for December, tataas po muli iyang peso, makikita po nating lahat iyan. Tried and tested po iyan.
Q: So it’s not a manifestation of the government’s weak economic—
SEC. ROQUE: Hindi po, kasi nga po ang GDP tumaas, ang manufacturing output tumaas, ang unemployment bumaba. Ibig sabihin po talaga demand driven lang iyong mga pagbaba ng peso at pagtataas ng dollar. Marami pong kinakailangang angkatin dahil sa ‘Build, build, build’ at kaya mataas ang presyo ng dolyar ngayon.
Q: Pero sir, sa market like iyong cabbage is 300 per kilo. So it’s still no—you said there’s no need to worry?
SEC. ROQUE: Oo, well in the sense po na, number one, itong 6.4 hindi po ito unprecedented in our history. We have had inflation rates of 70 percent. During GMA’s time it was double digit; and in GMA time it was only what? 8 years ago? So it’s not a reason to be—to have any sort of panic. It’s not that we are ignoring it, we are addressing. Kaya lang hindi naman overnight iyong resulta ng mga anti-inflationary measures na ginagawa ng gobyerno.
Q: Pero last night during the Cabinet, was the inflation problem also discussed?
SEC. ROQUE: Not really. It was somehow mentioned kasi siyempre the opposition will take advantage of the high inflation and make it into a political issue. Pero talagang ginagawa naman talaga iyan, that’s expected of course.
Q: So it was discussed na iyong possibility of the opposition…?
SEC. ROQUE: It was a given because they’re doing it now. That’s what Vice President Robredo said ‘no. So of course they will take advantage of this.
Q: So walang additional measures as of last night?
SEC. ROQUE: Well, lahat naman po ng measures are being implemented now. Siguro iyong additional measures siguro they agreed upon was for the President to make do his promise na bubuksan na iyong mga warehouses na mga nagho-hoard ng bigas.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, follow up lang ulit doon kay Trillanes. Sir, iyong sinasabi ninyo kanina na minaliit ninyo iyong kakayahan niya na mag-instigate ng People Power. Sa palagay ninyo po maliban doon sa weak pagiging posibleng leader niya sa People Power. Ano po iyong mga salit sa sitwasyon ngayon para masabi ninyo pong hindi uubra o hindi magaganap ang isang People Power revolution?
SEC. ROQUE: Well, unang-una hindi naman po kapit-tuko si Presidente. Paulit-ulit sinasabi ni Presidente, kung ayaw na ng taong bayan sa kaniya, good bye, balik na lang siya sa Davao. And I think that’s one big difference ‘no, alam ng taong bayan na kung ayaw ng tao sa kaniya, aalis si Presidente. Hindi na kinakailangang makipaglaban, hindi na kinakailangan ng People Power.
Pangalawa po, eh iyong wala nga po siyang suporta sa militar dahil tanging Presidente Duterte lang ang nakagawa ng nagawa niya na doble ang suweldo ng military. At pangatlo, sa taong bayan, tingin ko naniniwala pa rin ang taong bayan na walang personal na agenda ang Presidente. Nakikita nila na tuloy ang kampanya laban sa korapsyon, tuloy ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot at tuloy ang kaniyang pangako na mabigyang ng mas komportableng buhay ang lahat.
Q: Sir, sabi noong mga kritiko, binabago ng Duterte administration ang rule of law mula doon sa pagpapatalsik kay Sereno at ngayon naman sa revocation ng amnesty kay Trillanes?
SEC. ROQUE: Wala pong saysay iyan, iyan po ay pula na walang basehan. Uulitin ko po si Chief Justice Sereno only has to blame herself. Sino ba naman ang Chief Justice na matatalo sa kaso na nakabinbin sa sarili niyang Korte, that’s her own doing. At pagdating naman dito kay Trillanes, that’s what the President decided on last night. He will abide with the rule of law, aantayin niya ang desisyon ng Regional Trial Court. To tell you the truth, ako mismo felt that we should ask the military court to issue a warrant of arrest, ayaw ni Presidente.
Q: May idea po ba kayo kung bakit—
SEC. ROQUE: Ang gusto niya civilian courts; iyong talagang abide with the rule of law because siya mismo fiscal, so he knows what the procedure will be and he says maski mas matagal iyan, let it be because that’s the rule of law.
PART 4 – PRESS BRIEFING, SEPT. 7, 2018
Q: May idea po ba kayo kung bakit nasabi ni Senator Trillanes na iyong pilit na pagpapaaresto sa kaniya ay gustong iregalo sa pag-uwi ni Pangulong Duterte?
SEC. ROQUE: Naku, ewan ko po, talaga namang marami namang naiisip lately si Trillanes. Dati, marami na rin siyang naiisip; mas marami sigurong pantasya ngayon. And as I said, talagang mahilig sa drama.
Q: Sir, paki-explain lang po the reason bakit mapapaaga si Presidente sa pag-uwi niya?
SEC. ROQUE: Well, dahil napakahaba po ng trip na ito ‘no. Wala po kaming kinansela na kahit anong appointment or event; pinagkasya na lang natin dahil pupuwede naman pa lang ipagkasya. One day shorter means one day less expense for the tax payers, bakit naman po hindi.
Of course, pagod na pagod po kaming lahat. Pagod na pagod si Presidente. Pero if it means being with his family a day earlier and sparing taxpayers from another day of expense, eh minabuti na po ni Presidente kayanin na iyong bugbog sa katawan, umuwi nang mas maaga.
Q: Sir, can you give us details what happened during the visit of the President to the military center last night with King Abdullah?
SEC. ROQUE: Well, okay, kagaya ng sinabi ko sa inyo, I cannot confirm meetings that are not in the schedule. But as part of freedom of information, I would confirm that in Israel, before the wreath laying there was also a trip to a facility where they displayed Israeli military hardware. And likewise yesterday, the President was shown the best of Jordanian military hardware.
Wala pa pong desisyon kung bibili ang gobyerno. So we just saw what was available in the market. And I think the decision what to buy will be left to the top brass of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police.
Q: Sir, follow up lang doon sa sinabi ninyo on Trillanes. Ibig sabihin po ba that’s the President’s decision to wait for the RTC issuance of arrest warrant, ibig sabihin basically the President is asking the military to back down?
SEC. ROQUE: Well, the instruction is to abide with the rule of law. Kung walang warrant of arrest issued by any court, do not apprehend Senator Trillanes. That is what he means by abiding with the rule of law.
Q: So ano po ang directive ni President Duterte sa military?
SEC. ROQUE: Sundin po ang proseso; hintayin ang warrant of arrest.
Q: Sir, ang pagkakaintindi ko iyong doon sa Proclamation na order is arrest na?
SEC. ROQUE: Well, no. You have to comply with existing procedures before you can arrest. Because as you know, the President does not have the power to arrest unless a crime was committed within his presence, which is an instance of valid justification of a warrantless arrest. So he recognizes that only the courts can order the warrant of arrest. And he has made it very clear that although a military tribunal could order his arrest, he prefers and he has ordered that authorities wait for the decision of the Regional Trial Court.
And he explicitly said that he made this decision because he himself a part of the judicial process when he was a fiscal. So he knows criminal procedure. He knows what will happen, and he wants the process to continue. So drama-drama lang po iyan iyong sinasabi ngayon ni Senator Trillanes na anytime ipapaaresto siya. Puwede pong mangyari iyon kung mayroon nang warrant of arrest. Pero until the hearing in Branch 150, I don’t think there is any possibility that he will be arrested.
Q: On another topic. Dito po sa Jordan, was there a chance for President Duterte to meet the former UN High Commissioner?
SEC. ROQUE: Of course not, wala.
Q: He’s not here.
SEC. ROQUE: I do not know where he is and neither is there any intention to meet with him.
Q: Hindi po ba iyon napag-usapan sa meeting with the King?
SEC. ROQUE: No, we did not figure at all. He is irrelevant.
Q: Sir, Trillanes issue pa rin, sir. Sir, kasi iyong argument ng camp niya is inconsistent daw po iyong Proclamation itself because iyong void ab initio versus revocation. Sinasabi nila, those are two different thoughts.
SEC. ROQUE: I will make it very clear, if they have difficulty understanding. It is void ab initio because he did not comply with the requisite requirements of applying and acknowledging his guilt. The best evidence to prove this is the duly received copy of the application. Ang dami nilang pinapakita; ang dami nilang sinasabi, it all boils down to nasaan iyong duly received copy mo ng application. Ganoon lang po kasimple iyon. Wala na pong paliguy-ligoy.
Wala pong kaduda-duda, binigyan siya ng amnesty dahil malapit nga siya kay Aquino, dahilan nga po kung bakit kaming dalawa ay nagkahiwalay. Pero hind po iyon ang isyu – nasaan iyong duly received application mo?
Q: Pero, sir, ang sinasabi kasi nila, revocation ng amnesty. Pero iyong body naman po ng Proclamation, ang sinasabi doon, there is no amnesty in the first place to revoke.
SEC. ROQUE: That is the position because he did not comply with the requisites, so it is void ab initio.
Q: All right. Sir, pahabol lang doon sa arms deal—
SEC. ROQUE: There’s no arms deal.
Q: Supplier pala, sir, sorry. Ano po ang impression ni Pangulo doon sa Israeli at saka sa Jordanian na military hardware?
SEC. ROQUE: I take it he was equally impressed. And I take it also that the costs of the hardware were a lot cheaper compared to where we to buy it from other countries.
Basta sabi lang nila, they were impressed by it and it was a lot cheaper compared to what they have seen from other countries.
CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: Sir, iyong duly received na application, it should be with the Senator?
SEC. ROQUE: He should have a copy of it. Parang marriage license iyan or birth certificate ‘no. Napakaimportante naman iyon, binubura iyong, iyong capital offense, not one but three counts, so bakit naman hindi mo itatago iyon.
CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: Sir, di ba you said parang you saw it doon sa … iyong mga documents that he passed?
SEC. ROQUE: No, I did not say anything. Ang sinabi ko, pinapakita niya lahat. In fact, what he appended to his Supreme Court petition was a blank copy of the application form. But he could not attach his application form duly received by authorities.
CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: Kung wala iyon, tama na?
SEC. ROQUE: Best evidence eh. Tama na iyang dakdak, tama na iyang drama. Ipakita mo nasaan iyong duly received application form mo, kung mayroon.
CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: Sir, last na lang. So what were the other recommendations given to the President last night doon sa Trillanes case because you said, President opted to follow the rule of law?
SEC. ROQUE: Well, the other alternative was to invoke the military court proceedings, and for the military to immediately re-acquire jurisdiction over him. Dahil ini-explain naman na pupuwedeng gawin iyon dahil, unlike civilian courts, pending pa rin iyong mga proceedings sa court martial. Wala pong kahit anong kaso na na-dismiss in the pending court martial.
And of course, the rule is, once a tribunal had jurisdiction at the initiation, it does not lose jurisdiction until the case is finally terminated; at wala pong final termination ang court martial proceedings.
CHRISTINE AVENDAÑO/PDI: So the President just opted na iyong—
SEC. ROQUE: The President opted to go and wait for the civilian court’s decision.
ROCKY: Okay, may question lang, sir. Basahin ko lang ang question ni Pia Rañada ng Rappler. Ang sabi niya dito: The DND said it just cannot find the application of Trillanes. And that he hasn’t exerted all efforts to find it. Why then didn’t President Duterte wait for all efforts to be exerted? Albay Representative Edcel Lagman also said, the application could have been maliciously concealed. What does the Palace say to this?
SEC. ROQUE: Well, kung mapapakita po niya na mayroon siyang duly received, siguro pupuwedeng sabihing itinago. Eh siya mismo, wala rin siyang kopya eh. So ang conclusion talaga, malapit lang talaga siya kay Presidente Noynoy kaya binigay na sa kaniya in a silver platter.
At saka remember ha, look at the January 6, 2011 video of Trillanes, and this was supposedly after he already filed – ayaw talaga niyang umamin. Ayaw niyang umamin. Tingnan ninyo po iyong video interview niya. Sayang wala ako dito na kopya noon ‘no. But it’s on the internet – July 6, 2011, tingnan ninyo, when he supposedly filed. So even after he supposedly filed, talagang hindi siya umaamin.
Now, I repeat: Amnesty is an act of generosity on the part of the sovereign state, on the part of the President in exchange for umamin ka naman bago namin burahin. Eh mayroong video na sinasabi niyang hinding-hindi talaga siya aamin.
ROCKY: Salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Thank you very much. At see you po again in Malacañang on Monday.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)