ROCKY IGNACIO/PTV4: Good afternoon, Malacañang Press Corps. Let’s now have Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Magandang Huwebes ng umaga Pilipinas, at magandang umaga sa mga miyembro Malacañang Press Corps.
Bago po tayo magre-regular press briefing, mayroon po tayong panauhin. Siya po ang Spokesperson ng Department of Energy – walang iba po kung hindi ang dating Congressman at ngayon po ay Undersecretary ng Department of Energy, si Undersecretary Felix William B. Fuentebella or ‘Wimpy’ for short. Siya po ay magbibigay ng updates kung anong mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para po maibsan ang kalagayan ng ating mga kababayan ngayong tumataas po ang presyo ng langis at krudo sa pandaigdigang merkado.
So ladies and gentlemen of the Malacañang Press Corps, let us all welcome Usec. Wimpy Fuentebella.
USEC. FUENTEBELLA: Maraming salamat Spox Harry, dating kasama ko noong kami ay gumugulong-gulong sa mga daan.
First of all, we would like to introduce what the Department of Energy is; and what the Department of Energy is doing for our consumers and for the oil industry to ensure that there is sufficiency of supply. Dahil paano nga naman umaandar ang ating ekonomiya kung wala iyong energy natin, iyong energy requirements na kailangan natin pang-araw-araw.
Ang role ng Department of Energy ay parang tatay – minsan pinapakinggan, minsan hindi; pero ito ang naglalabas ng mga polisiya. At kung proteksiyon sa ating mga consumers ang pinag-uusapan, ang una niyang ginagawa ay tsini-check niya kung nadadaya ba ang ating mga consumers. So tinitingnan niya ang presyo – is it reasonable; nagkakaroon ba ng predatory pricing; nagkakaroon ba ng tamang kompetisyon sa merkado. Pangalawa, tinitingnan natin iyong tamang quantity ng ating binibili. Pangatlo, iyong quality; at ang pinaka-importante iyong safety – kasi mas magandang huwag tayong gumamit ng enerhiya kung hindi ito safe.
Energy is there to help us build, to help us grow, to help us produce more. So mapa-kuryente man ‘yan o mapa-gasolina ‘yan… or mapa-LPG ‘yan, iyon ang role ng Department of Energy.
Iyong Department of Energy, nawala siya for some time. Iyong Ministry of Energy ay nawala, nilagay under the Office of Energy Affairs at nagkaroon tayo ng shortage of power supply. When I was in grade school, I think we were experiencing that. So binalik sa Department of Energy para mapabilis at mabantayan iyong energy requirements natin. So pinalakas siya at hiniwalay siya sa Natural Resources Department dahil kailangan natin i-develop iyong sariling atin.
Pero sa ngayon, ang oil requirements natin lampas 90% ay imported. Ibig sabihin, ‘pag gumagalaw ang world prices pataas or pababa, nandoon tayo. Tinanggal natin iyong Oil Price Stabilization Fund na nagkukutson ng pagtaas at pagbaba dahil nagagamit iyong pondo, parang middleman ‘no, nagagamit iyong pondo sa ibang bagay, kinukuha siya. So nagkaroon tayo noong polisiya na true cost. Ibig sabihin, kung ano iyong presyo niyan, iyon talaga. Pangalawa, user’s pay – ayaw natin na iyong ginagastos ng isang tao dito sa kanan ang magbabayad buwis noong tao dito sa kabila.
So because of that, nagkakaroon tayo ng monitoring ng presyo araw-araw sa world market. Ang presyo na ‘yan, tataas-bababa, dinidikta ng supply at demand. Kung marami ang supply, nagkakaroon ng pagbaba sa presyo. Kung kulang ang supply, nagkakaroon ng pagtaas sa presyo. Sa demand side, kung nag-aagawan ang mga mamimili sa produkto; kung tumaas ang demand, tumataas ang presyo. Kung bumababa din, bumababa ang presyo. Ano ang ginagamit natin na pambayad sa produktong petrolyo? Ang ginagamit natin ay dolyar. So ‘pag lumalakas ang piso, mas bumababa ang presyo. ‘Pag humina ang piso – ang ating currency – tumataas din iyong binabayaran natin.
So these are the factors that are affecting, and in the last two days nagkakaroon ng – surprisingly sa iba – reduction of prices sa international market… in the past two trading days. Pero ngayon parang bumabawi na naman. So ganoon ang paggalaw niya.
So pagdating dito, tinitingnan ng Department of Energy iyong landed cost. Pagpasok ng produktong petrolyo, kung finished product man ‘yan o kailangan pang i-refine, kailangan pang i-process para magamit na sa ating mga sasakyan, sa ating mga equipment.
So dahil diyan, gumagalaw ang Department of Energy para maisiguro na iyong mga presyo na bumabagsak sa ating mga retail stations ay patas. Sa anong paraan? Mayroon tayong partnership with the Department of Justice, dahil kung nagkakaroon ng manipulasyon, pandaraya, cartelization, dito sa mga lugar… sa mga paglalaro na ‘to, nandoon iyong Department of Energy and Department of Justice task force – nakalagay ‘yan sa oil deregulation law.
Mayroon din tayong tinitingnan sa Section 82 ng TRAIN kung papaano maibsan at magandang naipasa iyong National ID System – papaano maibigay iyong tamang subsidy sa dapat talaga at nangangailangan. So mayroon tayong partnership with the DOTr para ma-identify kung papaano ibibigay or kung magbibigay siya, part of the TRAIN. Dahil ang gusto natin, ang binibigyan ng subsidy iyong talagang mga nangangailangan.
So ito po ay kasama sa ating information/education campaigns na ka-partner natin ang Philippine Information Agency, ang office ni Secretary Roque at ang PCOO, office ni Secretary Andanar. Mayroon tayong E-Power Mo campaign na gagawin regionwide; nakatutok ito sa energy efficiency dahil ang disenyo ng ating mga economic managers, the design is, to have a more fair tax system. Iyong mas maraming kinikita, mas malaki ang buwis; iyong mga konti ang kinikita, mas konti ang buwis; iyong iba, exempted.
Kaya lang, kailangan nating tustusan iyong ating mga gastusin sa gobyerno tulad ng enrollment ngayon, mayroon tayong free tuition, ‘di ba, sa ating mga college… sa ating mga universities na hawak ng estado. So, saan natin kinukuha iyon? Dito pumapasok si energy efficiency. Si ‘Asiong Aksaya,’ iyong mga hindi marunong gumamit ng enerhiya, nape-penalize siya. So iyong benepisyo halimbawa ng mas mababang income tax eh babalik din sa gobyerno kung hindi tayo mahilig mag-carpool; kung mahilig tayo sa malalaking sasakyan na malakas ang gastos sa gasolina; kung hindi tayo marunong magplano, babalik ‘yan sa gobyerno.
At kung hindi natin tinatanggal iyong ating mga saksakan ‘pag hindi ginagamit, tulad ng tinatawag nating ‘phantom load’ iyong mga TV’ng de-remote control; if we turn off or if we—tanggalin iyong ating mga plug, i-unplug natin siya. Halimbawa, sa water dispenser na nakita ko sa likod, natuwa ako dito sa Malacañang dahil hindi nakasaksak iyong water dispenser, iyong cold tsaka iyong hot. Bakit? Eight hundred pesos per month ang natitipid doon. Kung nakasaksak kasi siyang 24/7 pero 3 hours lang naman siya ginagamit talaga sa isang araw; breakfast, lunch at dinner… eight hundred ang natitipid doon, pesos. Pero nakakatulong siya sa sistema, dahil hindi masyadong nape-pressure iyong ating mga power plants na mag-produce ng kuryente.
So mayroong balita… tapusin ko muna iyong sa oil. Mayroon din tayong pino-promote na alternative vehicles. Why? Kasi alternative nga siya, ibig sabihin hindi tayo masyadong malalagay sa… at the mercy of the volatility or paggalaw ng world market prices. So mayroon tayong mga e-jeepney, e-trikes, e-buses na ini-introduce. Kaya lamang, hindi natin ito isa-subsidize in the sense na, again the policy is, hindi dapat napupunta sa subsidiya doon sa mga hindi nangangailangan. Dapat kasi diretso.
So power of choice of pino-promote natin sa pag-promote, sa paglabas, pag-rollout ng E-vehicles. Pero ang ating mga oil companies, hindi lamang natin sila binabantayan. Kinakausap din natin sila. Dahil meron silang corporate social responsibility na puwedeng makatulong dito, in line with sa pagbigay ng mga discounts doon talaga sa mga nangangailangan.
So halimbawa, nagbibigay ang isang istasyon ng discounts sa lahat ng, sinasabi rin natin, baka mas maganda makatutok tayo ng mas malaking diskuwento sa public utility vehicles para maibsan iyong pagtaas ng pamasahe at matulungan ang ating mga operators, drivers na lehitimo.
So, meron ding mga fuel discounts na ini-encourage natin, kasi pag patuloy na tumataas iyong ating mga petroleum products, di ba may one week inventory, meron din silang ganansiya. Kaya minsan, mas maganda nga na nagde-discount sila, dahil nagbabakbakan iyong magkakatabi.
Nagtatanong ang iba, bakit doon mura, dito mahal? Dito kasi sa mahal, i-observe natin, obserbahan nating maigi, malamang wala siyang katabing kalaban, walang kakompetisyon. Pangalawa, logistics-wise ang delivery ng produktong petrolyo, papunta diyan sa lugar na iyan, halimbawa Baguio na walang refinery, walang storage facility at ia-akyat mo sa Kennon Road at bawal pala iyong truck doon, doon sa kabila, ia-akyat mo doon, may dagdag siyang gastos. So may logistics issues.
Pero para magkaroon, maibsan, palakas ang kompetisyon, iyong pagpapa-utang sa retail stations, iyon ginagawa rin na programa ng ating departamento. Because we have to ensure that there is a high level of competition.
So, nandoon na tayo at diniscuss natin iyong TRAIN, diniscuss natin iyong ating mga tinatawag na mitigating measures at pag-explain na hindi dapat lahat may subsidy. Kasi kailangan nga natin, ibigay iyong build, build, ibigay iyong free tuition, kung saan whether oposisyon o administrasyon, kailangan suportahan ito.
So, merong huling balitang pumasok. May yellow alert, pinapalitan na po namin iyong mga pangalan na yellow alert, kasi parang nakakaalarma, na pupunta sa red alert. Ang ibig sabihin lamang po niyan, ay iyong reserba natin sa kuryente numinipis. Kulang po ba? Hindi. Hindi siya kulang. Pero sinasabi lang natin, pag yellow alert, eh manipis iyong supply, kailangan iyong demand babantayan na natin. Ibig sabihin iyong paggamit natin ng ating kuryente, babantayan na natin.
Iyong puwedeng mag-boluntaryo, na parang unplug sa system, iyong tinatawag nating interruptible load program. Halimbawa, ako ay isang mall, meron akong sariling power plant ko or generator, sasabihin ko sa ating distribution utility, okay lang ako paandarin ko iyong generator ko, para saluhan na lang doon sa iba.
Bakit po nangyayari ito? Sa 24/7 na pagtakbo ng mga planta, mayroong naka-schedule na i-maintain, parang sa talyer, kotse mo regular maintenance at merong tumitirik sa gitna ng daan na planta. So iyon ang binabantayan rin ng Department of Energy. Ano iyong mga nangyari, pero binabantayan din natin iyong demand.
Ang peak natin o tinatawag nating mahilig tayong mas malakas gumamit ng kuryente, nakikita po natin iyon. Madalas 11:00 o’clock, 2:00 o’clock at 7:oo P.M. sa Luzon. Bakit ganoon, eh kasi pagpasok natin sa opisina, turn on, turn on, turn on. Pag-lunch time, medyo mainit, nilalakasan iyong mga aircon lalo na sa mga opisina. Pagdating sa gabi, pag sunset, eh kailangan rin magbukas ng mga ilaw. So iyon iyong mga specs.
So, mina-match din natin iyon na mga planta. Iyong mga kakayahan ng mga planta ay iba-iba. Iba ang kaya ng coal, iba ang kaya ng natural gas, iba rin ang kaya ng renewable energy. So kailangang i-match siya. So para i-rollout natin kung sino ang first five natin, sa first five ng demand, kailangan match, kung guwardiya-guwardiya, based load-based load, 24/7-24/7 na planta. Kung forward, forward din, kung medium range, 12 to 18 hours na pagtakbo, para saluhin iyong mga fluctuations na iyan, ganundin sa supply. Kung peak load o sentro, center to center din.
Kaya sinasabi ng Department of Energy na technology-neutral tayo. Tapos meron pa tayong tinitingnan na mas marami or iba pang mga sources, dahil kailangan bukas tayo sa lahat ng teknolohiya. Kung bukas tayo sa E-vehicle, bukas din dapat tayo sa iba’t-ibang mga sources ng ating energy. Pero ang pinaka-importante na maintindihan nating lahat bilang isang bansa. Eh ano ba iyong attitude natin sa pag-develop ng ating sariling energy-resources na sinasabi natin indigenous?
Bilang Tatay ng Energy Sector, sinasabi ni Secretary Cusi that we have to encourage the development of indigenous. Renewable energy kung mayroon tayong mga oil deposits, kung meron tayong coal deposits, lahat iyan dapat nade-develop. Because iyong ating ekonomiya nakasalalay sa energy, para po itong pera. Iyong mga nanggugulo halimbawa sa Marawi, iyong mga terorista, hindi sila makakagalaw kung hindi sila nag-withdraw ng pera.
Hindi rin sila makakagalaw o makakapaghasik ng terrorism kung hindi sila nag-withdraw ng gasolina, hindi nag-charge ng mga radyo o cellphone. Ganiyan ang energy, dapat free flowing, dapat available when needed.
So, ganundin ang pag-rebuild. Mayroon tayong iba’t-ibang teknolohiya na ginamit sa Marawi. Doon sa most affected area, kung saan bagsak lahat ng poste, linya, walang tao, walang demand, nalalagyan natin ng ilaw sa papaanong paraan? Donations solar lumps, solar street lights. To spark hopes in the most affected area.
Kinausap natin ang oil industry para buksan kaagad iyong mga gasoline stations doon sa palibot ng most affected area. Hindi pa nagagawa iyong mga resettlement areas available na iyong mga kuryente sa resettlement areas. So ito po ang mga ginagawa ng Department of Energy.
I hope as a Department we were able to explain kung ano ang kanyang kahalagahan at kung ano ang dapat direksiyon natin. The Department is technology-neutral, the department is willing to protect the consumers; the department is also willing to coach the consumers so that we become more energy-efficient, because we need this in our global competition.
Thank you very much.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, just to refresh, mga good for how many months iyong inventory, iyong stocks ng mga imported petroleum products ng mga oil companies?
ASEC. FUENTEBELLA: 30 days for refineries; for importers, its 15 days.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: 15 days.
ASEC. FUENTEBELLA: Now, kasi di ba mayroon ng nandiyan sa mismong sa retail. Tapos meron tayong minimum inventory requirement, 30 days refineries, 15 days dito sa importers at 7 days sa LPG. Mayroong dinirekta si Secretary Cusi sa PNOC Exploration Corporation para magkaroon tayo ng third level of reserve. Ito iyong tinatawag nating stock filing. Iyon iyong sinasabi nating pakikipag-usap sa iba’t-ibang mga oil producing countries tulad ng Russia, para magkaroon tayo ng ‘in any event additional supply’.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Natanong ko iyan Undersecretary kasi… namo-monitor ba ng Department of Energy na iyong actual na buying price ng—halimbawa good for 15 days, iyong stocks ngayon iyon ay ganoon iyong presyo na ipinapatupad, kasi lagi nilang ginagawang dahilan iyong movement of the world market. Kasi parang nagtaas ngayon or the market moves last night and then after few days lang parang nararamdaman when in fact iyong binili naman nila ng good for 15 days way back 15 days ago ay hindi pa naman iyong movement of the world market last night. So namo-monitor ba natin na hindi nila sinasamantala iyong kesyo world market movement para mag-hike ng kanilang petroleum products, prices?
USEC. FUENTEBELLA: Ang pagmo-monitor natin ay nagkakaroon tayo ng based times ‘no kung kailan nagkakaroon ng movements, it’s every Tuesday. Pero tama po kayo kapag pataas iyan, iyong stocks nila ay dati ng nabili, mas mataas so ganansiya sila, correct. Pero kapag bumaba din iyan the next week, loss sila. So iyon iyong rules natin, ganoon siya nakadisenyo. May risk sa kaniya kasi next week halimbawa bumaba at malamang ganoon nga iyong direksiyon dahil sa past two days na trading, although third day natin binabantayan natin baka mag-iba na naman ng direksiyon eh tinatawag na—iyon nga iyong nangyayari na risk for you kung bumaba din siya. So we are able to monitor that.
At saka mayroon tayong monitoring doon sa kung kailan ito nag-withdraw at kung saan ito pupunta. Aside from that, moving iyong mga inventory natin. But nonetheless nandoon iyong ating mga paraan, kasi noong natatandaan natin sa January 1 eh kasama tayong nagsabi, old stocks hindi dapat sampahan ng excise tax na bago. So nabantayan naman natin sila at sumunod naman sila at hundreds of millions naman iyong natipid natin dahil kapag nahuli natin lalong-lalo na malakihan iyong kanilang pandaraya, sinabi naman natin sa oil companies, ‘Hindi kami magdadalawang-isip na kakasuhan natin ng estafa, large scale estafa.’ So klaro naman iyon, aside from administrative penalties na puwede nating ma-impose. So the good thing is they are cooperating, and they should really cooperate because at the end of the day kapag nawala ang tiwala sa kanila mismo ng consumers mawawalan din sila ng benta.
REYMUND/BOMBO RADYO: Sir, last point. Where are we now in the process with regards to our plan to instead of the other markets now, we are now—we will be buying or importing from Russia and other oil suppliers?
USEC. FUENTEBELLA: We are setting it up para magkaroon tayo ng mas siguradong benepisyo, kasi kung matatalo rin lang naman eh huwag na, hindi ba? Pero kailangan talaga mas mataas po talaga iyong mandato that we have to secure supplies. Mas maganda ang may suplay, mahal o mura, may suplay kaysa walang suplay.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, follow up lang. So ibig sabihin sir pinag-aaralan pa natin iyong possibility that the Philippines will be importing diesel from Russia?
USEC. FUENTEBELLA: No, we have already—the Secretary has already directed PNOC Exploration Corporation to go to that direction. The PNOC has already – according to Admiral Lista’s report to the Secretary – he has already secured some of the storage facilities that will be utilized for the stockpiling. What is the importance of stockpiling? In any event, we have to secure supplies so we have that third level of security.
PIA/ABS-CBN: So how soon can we expect iyong stocks from Russia to be coming to the Philippines sir?
USEC. FUENTEBELLA: The Secretary said as soon as possible with a warning that it will be closely scrutinized every step of the way so that we will ensure na talagang benepisyo at hindi disadvantageous iyong mangyayari sa ating transaksyon.
PIA/ABS-CBN: Pero does the DOE have a target?
USEC. FUENTEBELLA: Yes, ASAP. Ganiyan naman kapag nakipag-usap iyong mga Secretary sa amin eh. Now na, ganoon.
PIA/ABS-CBN: Sir, can you discuss iyong benefits ng pag-import natin ng diesel from Russia? Gaano po kalaki iyong matitipid po natin?
USEC. FUENTEBELLA: Hindi natin masasabi kung ano mismo iyong presyo na matitipid kasi iyong—kung pagbabasehan natin iyong pribadong presyo sa Russia, mahal. So ta-timing-an talaga natin kung kailan siya magmumura. Pangalawa, tinitingnan natin iyong anggulo na hindi siya pribado sa pribadong usapan. Gobyerno sa gobyerno ang usapan nito at hindi ito negosyo, ito ay energy-security function. So nandoon iyong anggulo ng pakikipag-usap. Kaya sinasabi natin that we are talking to Russia and all the other partners natin sa industry, because what’s happening in Venezuela, what’s happening in the Middle East, we should be prepared at any situation.
PIA/ABS-CBN: Sir, aside from Russia mayroon pa po ba tayong kausap na ibang non-OPEC member countries?
USEC. FUENTEBELLA: Thailand is non-OPEC right? So mayroon, mayroong mga nakalista doon. Yeah.
PIA/ABS-CBN: Diesel din sir sa Thailand?
USEC. FUENTEBELLA: Diesel, lahat po.
PIA/ABS-CBN: Thank you sir.
INA ANDOLONG/CNN PHILS.: Hi sir. Sir, well itong reports of us trying to import cheaper diesel from Russia is seen by the public as part of efforts to… kumbaga magkaroon ng immediate relief from the rising cost of fuels. So right now what you’re saying is we don’t know yet really when this cheaper, supposedly cheaper supply is coming and hindi pa po natin masasabi na magkakaroon ng immediate relief from the rising cost of fuel. Tama po ba iyon?
USEC. FUENTEBELLA: Oo correct. But ang emphasis diyan is we are exploring all options. We want to have more options available already. Pero kung bukas na ang epekto niyan, Tuesday pa ang pag-uusapan natin. Pero sa Tuesday this coming eh pag-usapan natin, well prices pa lamang iyon. Wala pa iyong pakikipag-usap natin sa kahit anong bansa. Pangatlo, hindi naman ganoon kalaki iyon, so maliit lang ang epekto noon. Ang sinasabi pa rin natin iyong mga factors na controlled natin, doon tayo dapat nakatutok. Hindi dito sa… while the boxing match is ongoing, because this is global competition. While the basketball game is ongoing, we cannot say or talk to the referees: ‘We change the rules muna para maka-shoot kami’, hindi po ganoon iyon. Kailangan lumalaban tayo, handa tayo. Kung tingin natin mabigat ang pagbanat natin sa kaliwa, iwas muna, diskarte muna. Kapag nakita nating magaan na, sunod-sunurin mo na.
So iyong e-diskarte sa e-power mo ang pinakamahalaga dahil dito sa e-power mo hindi lamang suplay ang binabantayan, ang binabantayan din natin, iyong demand. How do we play the games so that we are able to compete globally, because in watching the Gilas matches, in watching Pacquiao’s fights, we don’t want complaining na kinakausap iyong referee, eh baka lalo kang matamaan. So ang kailangan dito habang nakikipag-usap iyong ating mga government officials, iyong grit ng Pilipino, iyong sinasabing, ‘Laban, laban, laban,’ nandoon.
INA/CNN PHILS.: Sir just to be—just have brief answer. Sir, so when the Secretary said that he wants the process done or import it, the importation process done ASAP. What is the realistic time when it could actually start coming in, the supply could actually start coming in?
USEC. FUENTEBELLA: I could not say.
INA/CNN PHILS.: Okay, and sir lastly. You mentioned itong bagong—I mean, us exploring other sources of supply is parang third level of security. Is it right sir? So even if they do come in, they will not be the ones to be—
USEC. FUENTEBELLA: The one?
INA/CNN PHILS.: Ilalabas kaagad, uubusin pa rin iyong-
USEC. FUENTEBELLA: Sa the one selling dito sa retail?
INA/CNN PHILS.: Yeah.
USEC. FUENTEBELLA: Hindi kasi para siyang—
INA/CNN PHILS.: Hindi sila din iyong unang ilalabas?
USEC. FUENTEBELLA: Kasi para siyang, ito iyong supply mo dito sa kanan. Nandito siya sa gitna. Ito iyong bansa, dito siya sa gitna. Ito iyong retailers mo, hindi pa rin.
INA/CNN PHILS.: So even if the supplies are actually here, it will take even more time because you’re gonna have to—
USEC. FUENTEBELLA: Kaya nga kailangan mag-scrutinize tayo kung talagang advantageous siya. Pero advantageous na siya at one point – energy, supply, security – so nandoon siya. Kung price ang pinag-uusapan natin, hindi siya immediate.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, gaano karami iyong bibilhin sa Russia?
USEC. FUENTEBELLA: Iyon nga eh, iyong volume pa lang eh wala pang pinag-uusapan. At saka hindi lang po Russia ha.
CHONA/RADYO INQUIRER: At kung bibili sa labas like how many days na magla-last iyong supply na iyon, good for how days?
ASEC. FUENTEBELLA: It will depend on the storage facility, it will also depend kung papano iyong logistical requirements at saka kung ano iyong pricing. Pero bago tayo pumunta sa logistics, ang timing din ng pagbili at importante. So, ibig sabihin you have to also time it na iyong market prices worldwide mababa. So, halo-halo po iyan. Ang sinasabi lang natin dito is – there’s a problem in Syria, there’s a problem in Iran, there’s a problem in other nations. So, we have to have supply security.
Now, for prices it moves up and down, there are other mitigating measures that I have mentioned but we do not wish for a miracle na mangyayari ito immediately. No, it’s an ongoing thing. We have to continue to be energy efficient so that we can grow more as a country – mataas ang growth ng Pilipinas, mataas ang liquidity ng mga bangko, ang GDP to debt ratio natin ay mababa. We need more projects, this is the time for build, build, build. This is the time for human capital development that is why the free tuition should be supported.
So the Department of Energy is there to remind everyone we pay our taxes, we become energy efficient and we will be the winners under the TRAIN Law.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: Sir, based on the projections of the DOE. So we need to buy iyong that alternative—iyong cheaper oil from Russia and—
ASEC. FUENTEBELLA: Stockpiling. Yes, we don’t have that level of energy security yet.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: But you have already parang come up with like figures on how much we have to get from this… iyong mga cheaper oil?
ASEC. FUENTEBELLA: Versus the resources that are available ng PNOC-EC. Because as much as possible, we don’t want to touch on the taxpayers’ money, we want to use Government Owned and Controlled Corporation funds.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: Sir, you said kasi kanina government-to-government negotiations.
ASEC. FUENTEBELLA: That is part of the strategy that we are pursuing.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: So like Russia has a national oil… parang company and we are dealing with that… parang counterpart of PNOC?
ASEC. FUENTEBELLA: No. What we are saying is we are using the personality of the Philippines, not as a private corporation na like Shell Philippines siya or kung Caltex or whatever… Petron. We are saying this is government, yes.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: Directly to the Russian government?
ASEC. FUENTEBELLA: That why it’s a different kind of transaction, it’s not.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: Oo nga eh. It’s the first time—
ASEC. FUENTEBELLA: It’s out of the box in a way. That is why we really have to closely scrutinize this, because sinasabi natin ang personality nito gobyerno; hindi pribado, so iba iyong usapan dito.
CHRISTINE AVENDAÑO/INQUIRER: So, it’s the first time if ever, iyong this route that we’re taking, iyong exporting oil via the government.
ASEC. FUENTEBELLA: Because the stockpiling should be developed already, should be started, yes.
KRIS JOSE/REMATE: Sir, nabanggit ninyo iyong manipis na iyong reserba ng kuryente. Is it alarming or mai-experience ba natin iyong brown out?
ASEC. FUENTEBELLA: Kaya nga dapat palitan iyong pangalan – yellow, red – baka mapulitika pa ‘no, hindi siya ganoon. Kaya—ayaw kasi nating maging alarmists. Why? Why is it that we don’t want to say that this is a big issue, when it is not. Kasi kapag sinasabi natin na natatakot iyong publiko na manipis, nakakatakot, eh di siyempre iyong mga nagbebenta ang bid price sa Energy Spot Market eh di siyempre mataas. So we don’t make news out of all this na mga manipis siya, tapos naapektuhan iyong prices. Bakit? Eh kasi maingay tayo, kasi takot tayo.
So, we would want to say that if it’s yellow alert, it means we have to be energy-efficient and that’s it. Huwag na tayong magsabi, “hahhhhhh.” Hindi naman ganoon, relax lang.
KRIS JOSE/REMATE: And this is the right time for us to save—
ASEC. FUENTEBELLA: To be energy efficient all the time. We have to be energy efficient all the time. Dahil talagang ang Pilipinas nga naman, kapag na-relax ay nakakalimutan na iyong mga dapat gawin sa bahay, sa opisina man iyan o we have to have more energy managers. Ang pinakamagagaling na manager iyong mga istriktang mga nanay – patayin ang ilaw, kung hindi kailangan; itutok ang electric fan sa iyo; iyong thermostat dapat ganito; tanggalin sa plug iyong mga iyan. Ganoon.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, ano po iyong posisyon ng DOE doon sa petisyon ng Meralco na P1.55 power rate hike po per kilowatt hour considering po iyong sinasabi ninyo na parang tagilid iyong ating supply or stockpiling may problema tayo. Ano po iyong ano doon?
ASEC. FUENTEBELLA: Sa lahat ng rate issues, ang Nanay ang nakabantay diyan. Kung Tatay si Department of Energy; si Energy Regulatory Commission si Nanay. Baon ang usapan, so ang rates nandoon kay Mommy.
Pero ang sinasabi ng Department of Energy, kailangan bilisan iyong pag-develop ng mga power plants. Pangalawa—kaya nandoon iyong EO 30. Pangalawa, kailangan hindi lamang per mating system ang bibilisan natin. Pag nangongontrata ang mga katulad ni Meralco at ibang mga distribution utilities, merong dapat representasyon sa consumers.
Kasi ang contracting – ito si Meralco or si distribution utility, ito naman iyong power plant sila ang mag-uusap. Ang tawag diyan power supply agreement. Ang magbabantay si Mommy, si DOE nandoon din to ensure na may supply nga. Pero hulaan mo kung sino ang magbabayad. Ma’am, ito? Iyong pangatlo, si consumer.
So, under our competitive selection process policy na inilabas, may representation si consumer dito sa distribution utility pag nagpo-purchase ng kuryente.
Pangalawa, ang pangalawang sinasabi natin ay hindi ang nagdidikta ng terms of reference itong supplier. Ang sinasabi ng polisiyang ito na pinirmahan ni Secretary Cusi ay ang nagdidikta iyong nangangailangan. This is what I need and not an unsolicited proposal from the supplier. So, nandoon tayo.
So tinitingnan natin iyong sinasabi ng Meralco, iyong generalized na P1 whatever kilowatt hour. Anong transaction iyon? Kasi kung hindi siya sumunod sa competitive selection process na inilabas ng Department of Energy, hindi kami papayag.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So, kailan po malalaman ng taumbayan kung papayag kayo o hindi? Kasi immediate po iyong—
ASEC. FUENTEBELLA: Hindi ko nga alam kung ano iyong tinutuon mong transaksiyon. Kasi sinabi mo lang, ito iyong impact P1. I have to know what transaction is that.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Hindi po iyong petition po nila iyan sa dagdag-singil sa kuryente, Meralco.
ASEC. FUENTEBELLA: Sa ERC po iyon.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Opo. Pero sa parte po ng DOE pabor ba kayo o hindi, kasi di ba under n’yo naman iyong ERC?
ASEC. FUENTEBELLA: No, no. Iyong ERC is independent from the Department of Energy. We have coordination with the ERC. It’s not under the DOE.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Pero puwede po ninyong impluwensiyahan?
ASEC. FUENTEBELLA: Hindi—ang disenyo ng ating EPIRA ay hindi ini-impluwensiyahan si ERC. Iyon po ang disenyo ngayon. Merong mga panukala na ibahin iyong disenyo, pero sa ngayon at sa ibang mga jurisdiction, the ERC is independent, because that serves as the second eye. Pangalawang pagtingin dito sa mga detalyadong transaksiyon na ito. Iyan ang nagbabantay sa rate issues.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Iyong PSA po na papasukin nitong Meralco, mababantayan ba ito ng DOE?
ASEC. FUENTEBELLA: Sa competitive selection process, yes. Humihingi sila minsan ng mga meetings, para ma-explain kung ano iyong competitive selection process – puwede ba ito, puwedeng hindi, doon namin sila sinasabihan. At bago sila mag-file sa ERC, tinitingnan namin iyong proseso kung sinunod nila – may say ba si consumer, ito bang Terms of Reference na ito ay disenyo ng demand, hindi supplier. At kung sinunod nila lahat ng alituntunin doon, nandoon ang Department of Energy.
CELERINA MONTE/MLA SHIMBUN: Good morning, sir. Since the government is looking for sources, possible sources of energy, may we know what’s the development regarding this supposed exploration of this Service Contract 57 and 72 sa West Philippine Sea?
ASEC. FUENTEBELLA: Pag West Philippine Sea ang usapan hindi pa masyadong umaandar siya, because we had to have close coordination with the Department of Foreign Affairs.
CELERINA MONTE/MLA SHIMBUN: Have you lifted already this moratorium?
ASEC. FUENTEBELLA: Again, we defer to the President and the President has designated before the Secretary of Foreign Affairs for all those issues. Although the department of course is very much willing to into it already but there are other factors that the department should consider and as the Secretary would continuously emphasize – safety is first. Whether it’s exploration or utilization – safety first.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: Is it possible to know what are these factors that still hamper or prevent the government from entering with this activity to the—?
USEC. FUENTEBELLA: There are foreign affairs issues.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: On another issue, regarding the Bataan Nuclear Power Plant. What’s the development on that? I believe before Secretary Cusi mentioned that there’s a possibility to revive it. So what’s the status right now?
USEC. FUENTEBELLA: The options are open, but nonetheless if the community will not support any project within their backyard, it will not push through. But what we are saying is this: it’s a nuclear policy that we are open; and Bataan Nuclear Power Plant is just one project. Whether we handled it correctly or not… obviously hindi, dahil binayaran natin hindi umaandar, eh bata tayo ay nandoon na iyon, hindi natin napakinabangan, ang mahal-mahal. So that was what happened, but we have to put closure to that issue, and that is what the Secretary is pushing for.
Nonetheless, the policy of nuclear should be open not—kasi kung ayaw ng Luzon, other islands may be open to it. So if they are open to it, what will be the structure; what are the requirements by the international organization overseeing the atomic energy, the nuclear energy? So iyong steps na iyon, ang first step ay national position. We have submitted the same to Malacañang already, but there will be steps and it will probably – and as a former legislator, it will need amendments in the law.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: But right now, sir, may nag-signify na ba na any local government units na they are willing to have this nuclear power plant in their area?
USEC. FUENTEBELLA: Yeah.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: Like what?
USEC. FUENTEBELLA: Sulu.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Sulu?
USEC. FUENTEBELLA: Maliit nga eh, saka modular iyong tinitingnan. Yes…
CELERINA/MANILA SHIMBUN: So how soon could this—
USEC. FUENTEBELLA: This is what the Secretary informed me.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: So mga kailan… can we see that?
USEC. FUENTEBELLA: Masyado pa siyang malayo, kasi mismong iyong framework natin, iyong national position natin sa nuclear ay wala pa.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir, going back lang sa pagkuha ng fuel from Thailand or Russia. Sir so ito, may marching orders pa lang para pag-aralan? So with—
USEC. FUENTEBELLA: No, no, no. Nag-uumpisa lang makipag-usap. Kasi iyong pag-aaral, sabay na siya doon sa negosasyon, what are the options that will be available.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Pero sir, wala pa tayong storage facilities? Mayroon na po ba?
USEC. FUENTEBELLA: Sabi ni Admiral Lista mayroon na, dalawa. Kung gaano kadami… sa Clark yata—Clark or Subic. Subic, sorry… Subic.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir regarding po sa budget, saan natin kukunin? Sabi ninyo sa GOCC, kailangan pa po ba ng Congressional approval for this or—?
USEC. FUENTEBELLA: No, it’s the board who will approve. The Board of the GOCC concerned.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: So, how much is involved?
USEC. FUENTEBELLA: Ah, hindi ko pa nakikita iyong terms na pinag-uusapan. Nandoon pa lang tayo sa negotiation portion.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: So, do we expect within six months kung may dumating na for—supply sa Philippines?
USEC. FUENTEBELLA: Actually, hopefully earlier than that. Yes.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: You have estimate volume po kung gaano karami?
USEC. FUENTEBELLA: Wala pa.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir, ba’t wala pa?
USEC. FUENTEBELLA: Wala pa iyong—wala pa akong nakikita sa results ng negotiations. Pero siyempre, mali-limit na nga tayo doon sa storage facility na makikita natin, iyon na iyong maximum.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Anong capacity po noong…?
USEC. FUENTEBELLA: Hindi ko pa alam po.
TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Thank you very much.
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Hello, sir. Sir briefly lang, please elaborate the fuel subsidy program for PUV drivers to ease the impact of TRAIN. How much iyong subsidy program? How frequent can they benefit from the subsidy?
USEC. FUENTEBELLA: Okay. Ang setup natin ay, the Department of Energy will monitor the retailers, the suppliers doon sa pag-i-implement nito. Ang pag-a-identify ng mga beneficiaries, ang may listahan niyan ay ang Department of Transportation, specifically LTFRB, dahil sila ang nakakaalam ng lehitimo sa hindi lehitimo. Pangatlo, kung ano iyong magiging disenyo, kasama po ang Department of Budget and Management dahil ang sa pagkakaalam ko, sa Section 82, siya ang Chair. So sila ang magdidisenyo doon sa how much will be available, how much should be given.
And I am certain that, as far as DOE is concerned, we will use our economists there to compute. But also I’m sure that the other departments will also do that, as far as kung how much. And iyon nga sa targeting, it’s DOTr. Sa amin, dito sa supply.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Okay. Thank you, Usec. Wimpy Fuentebella. Presidential Spokesperson Harry Roque…
SEC. ROQUE: So, thank you very much Usec. Let me begin with the good news for this Thursday.
Mayroon po tayong eleven thousand job vacancies sa ating programa ng gobyerno sa Build, Build, Build – at ito po’y tinatawag nating ‘Job, Job, Job’ ‘no. The government through the implementation of its flagship Build, Build, Build infrastructure program has just launched Jobs, Jobs, Jobs online portal. The online portal which is accessible via www.build.gov.phhome/jobsjobsjobs will serve as a job-matching platform to serve Filipinos. It will address the demands for workers to ensure the fast and timely delivery of high-impact infrastructure projects of the country.
It allows for Overseas Filipino Workers to return home to their family. It also consolidates all jobs opportunities for high-impact development and infrastructure projects of the Department of Public Works and Highways, the Department of Transportation, Bases Conversion and Development Authority. As of this writing, over eleven thousand vacancies are now posted at the site for carpenters, masons, steel men, skilled laborers, office workers among others.
So nananawagan po tayo sa lahat ng nangangailangan ng trabaho, maraming trabaho po ang available dahil dito sa Build, Build, Build. Iyong mga Pilipinong gusto na pong umuwi, iyong mga skilled, marami na pong trabaho dito sa ating bayan.
The drive against abusive motorists and traffic violators has intensified nationwide. The Inter-Agency Council for Traffic reported a 99.9% increase in the number of traffic violation apprehensions. Specifically, the I-ACT apprehended a total of 4,132 violators from January to 24 May 2018, compared to only 1,379 recorded from September to December 2017.
Now furthermore, magandang balita po sa residente at mga turistang papunta ng Catanduanes. Ito po iyong jump off point para doon sa… ano nga ba iyong maganda? Caramoan ‘no…So the Department of Transportation and the Civil Aviation Authority of the Philippines will inaugurate tomorrow, June 1, the newly rehabilitated passenger terminal building of Virac Airport, the only airport serving the island province of Catanduanes. Expect passengers capacity to increase from its current 100 passengers to 300 passengers after tomorrow’s inauguration which involves the expansion of the ground floor and second floor pre-departure area, and rehabilitation of the ground floor arrival area. If you recall, construction was last suspended in December 2016 due to damages brought by typhoon Nina. The rehabilitation project was completed on May 24, 2018.
Questions po, on the Malacañang Press Corps?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. President Duterte yesterday declared Boracay to be a land reform area. What does it mean exactly, especially for existing businesses in the island?
SEC. ROQUE: Hindi naman po bago ‘yan, ilang beses niyang sinabi ‘yan. ‘Di ba po sa atin, siguro tatlong beses na iyong bilang ko. So kung mayroon pong beneficiaries ay mabibigyan sila ng lupa. Ang problema po, hindi natin alam kung gaano magiging beneficiaries. Ang ibig sabihin ng Presidente po, ang Boracay ay para sa lahat, para sa mga Pilipino. Hindi po ‘yan para sa mga mayayamang nagmamay-ari ng mga resorts diyan sa Boracay.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: But if you have a—kasi he mentioned yesterday that he is suggesting to Congress na there be a like a 30-meter easement area. So if your business or your establishment is located outside of that area, ano pong ibig sabihin noon?
SEC. ROQUE: The 30 meters, according to the law is public easement – no one can claim ownership over that. It’s for the public enjoyment. Kaya nga iyong setback is important, so that everyone can enjoy the beach. So no one can own the 30-meter area. It’s called the public easement.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: And also sir, he said—he mentioned about talking to Congress with that. So ibig sabihin sir, it will be through a law or the declaration will be through a presidential proclamation? Paano po na—
SEC. ROQUE: Remember, there is a Supreme Court decision declaring that the entirety of Boracay or at least those without titles constitutes public land. So there are pending legislation in Congress that would enable some inhabitants to obtain land titles ‘no. So I think that’s part of the legislative agenda for Boracay, for Congressmen, ultimately to determine who gets what to own what in Boracay. But the President – for the third time in my count – reiterated that it should be for the common individual. Para po sa ordinaryong mamamayan, para sa lahat ng Pilipino ang Boracay – hindi po sa mga mayayamang nagmamay-ari ng mga resorts.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ito na lang sir, last na lang po. If you are a business owner in Boracay, is there a reason to be concerned?
SEC. ROQUE: Wala naman po, because the President was also very clear… mayroon pong mga vested rights, binanggit po niya ‘yan. He’s a lawyer, so he knows what he talks about.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi sir, good morning.
SEC. ROQUE: Yes, Rose.
ROSE/HATAW: Sir mula po noong naupo po si Secretary Berna Romulo-Puyat sa DOT halos araw-araw po may nauulat na mga anomalya sa DOT ano. Pero hanggang ngayon po wala pang nasasampahan ng kaso kahit isa doon sa previous leadership po ng DOT. Ano po iyong marching order ni Presidente sa kaniya? Mag-initiate ba si Ms. Puyat ng kaso laban sa grupo ni dating Secretary Wanda Teo? Dahil kahapon ho mayroon na naman, hindi ba iyong 105 million world’s strongest man na hindi dumaan sa public bidding na irregular iyong kontrata?
SEC. ROQUE: Ang mandato po ng Presidente eh talagang labanan ang korapsiyon, pero ang Secretary of Tourism po talaga walang kakayahan na siya ang magsampa ng kaso. So nandiyan po ang Ombudsman, nandiyan din po iyong Presidential Anti-Graft Commission. So siguro po ay kung hindi agad aaksiyon ang Ombudsman, ang pupuwedeng gawin i-refer ang bagay na ito doon sa Presidential Anti-Corruption Commission, PACC. So hayaan ninyo po at ipagbibigay alam ko rin iyan kay Commissioner Greco Belgica noong minsan ay naging panauhin din natin dito.
ROSE/HATAW: At saka sir iyong 60 million po na diumano ay isasauli noong mga Tulfo pero hanggang ngayon po may umeere pa rin silang programa sa PTV. Ano po—parang hindi yata nagre-reconcile iyong ganoong mga hakbang?
SEC. ROQUE: Well, nasa Tulfos na ho iyan kasi sila naman iyong boluntaryong nagsabing isasauli nila. So we’re counting on their word of honor na kung ibabalik nila at sinabi nila eh talagang ibabalik nila.
ROSE/HATAW: So ipapabusisi po ng Palasyo iyong kontrata ng mga Tulfo sa PTV?
SEC. ROQUE: Well sa ngayon po inimbestigahan na ng Ombudsman, iyan po ang naging deklarasyon na ni Ombudsman Conchita Morales.
ROSE/HATAW: Thank you sir.
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Hello sir. The two Houses of Congress have passed the Bangsamoro Bill. Are you pleased with the versions and are you confident this would stand any questions of constitutionality?
SEC. ROQUE: We are pleased that both Houses passed the respective versions of the BBL. The certification was a signal that the President considers BBL as absolutely indispensable in the search for peace in Mindanao. We’re pleased that both Houses of Congress agreed to come up with a final version of the bill during the break. We are very pleased that they are aiming that the President can sign the final BBL on the day of the SONA itself. So iyon lang po and we are hoping that you know Congressmen will also exert all efforts to make sure that this BBL will withstand judicial scrutiny, having learned already from the lessons of the earlier MOA-AD.
MAV GONZALES/GMA7: Hi sir, Mav Gonzales po, from GMA. Sir, si Speaker Alvarez said he is worried na baka nga daw po unconstitutional iyong BBL even if pumasa na nga po siya doon sa House. Sir, your reaction lang po?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po kinakailangan repasuhin iyan sa bicam; iyan po ang huling pagkakataon para masigurado that it will withstand the test of judicial scrutiny.
DHAREL PLACIDO/ABS-CBN: Hi sir, good morning.
SEC. ROQUE: Yes.
DHAREL/ABS-CBN: MILF’s Ghadzali Jaafar said that their group is hoping that more of their inputs will be include in the consolidated bill and the reconciled version. How do we allay the concerns of the MILF?
SEC. ROQUE: The President allayed everyone’s concerns because in the last meeting that he had with the transition members of the BTC – members of the House, members of the Senate – he basically told everyone, ‘People, we need to work together.’ I know that they are respective versions that each sector is pushing, but we need a version that acceptable to all and that will withstand the test of judicial scrutiny otherwise baka wala talaga tayong BBL. So talagang it’s a process of give and take.
Ang sabi kasi ng Presidente, eh kung ibibigay nga natin kung gusto ng isa lamang for instance iyong BTC, hindi naman papasa sa Korte Suprema, para que? Or alternatively, kung papasa naman ng Kongreso iyong BBL na gusto ng isa lamang, for instance the BTC, ang mga pulitiko naman eh lalabanan pagdating sa plebisito at hindi mara-ratify, wala pa rin. So ang apila ng Presidente, mayroon tayong kaniya-kaniyang mga interest, humanap tayo ng common ground at iyon ang ating pagkasunduan and we are moving towards that direction.
CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: So sir during the meeting between the President and the Congressmen and the President and the MILF. Ano iyong compromise na na-reach in order to come up with an acceptable BBL?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po kasi si Presidente acted as mediator. And I participated in mediation. He actually did a mediation, separate rooms. So he was moving from room to room. Hindi ko nasubaybayan kasi siyempre doon lang ako sa House, iyong mga dati kong kasama ano. So ang alam ko isa sa contentious issue na talagang the President decided was ‘hindi pupuwedeng magkaroon ng separate Bangsamoro police at separate Bangsamoro Armed Forces’ na ginugusto ng BTC pero parang napapayag naman ang Presidente na hindi talaga pupuwede, because that is his bare minimum na hindi talaga pupuwede. Other than that ang mga ibang issues pa is iyong number of plebiscite for the op-in. Iyon iyong parang second contentious issue na I know that one of them, Congressman Lobregat only wants one. BTC wants five over a period of 25 years. So iyon yata po iyong dalawang pinaka-contentious na provisions.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: So nag-agree naman na isa lang dapat iyong op-in, kasi sinasabi magiging creeping something iyong if ever—
SEC. ROQUE: Abangan ang pinal na version ng bicameral. Alam ninyo sana maintindihan ninyo kapag ako ay hindi sumasagot ng conclusive kasi hindi po natin hawak iyan sa kamay natin dito sa Malacañang. So I can only express the hope that there would be an agreement that will be acceptable to all. But please understand that we do not know what they will agree upon in the bicam.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: Sir, since mag-a-adjourn na iyong Congress—
SEC. ROQUE: Adjourned na po. Recess na.
CELERINA/MANILA SHIMBUN: So will there be a need for the President to call for a special session?
SEC. ROQUE: Hindi naman po kasi hindi nila aaprubahan iyong bicam report during the recess. They will just be working in the bicameral committee itself which does not require a special session.
JOPEL PELENIO/DWIZ: Sir, regarding po doon sa Bangsamoro military at saka Bangsamoro police yata na bubuuhin, hindi po pumayag si Pangulong Duterte na bumuo ng sarili iyong MILF. Ano po iyong tugon dito ng MILF? Okay po ba sila na mag-a-apply muna sila sa PNP para maging—
SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko bagama’t gustong gusto nila iyon eh dahil ang sinabi ni Presidente iyon ang bare minimum ko, hindi ako papayag diyan, eh sumang-ayon na rin sila. So ang tingin ko po ang kanilang manlalaban eh baka ma-absorb po ng PNP at ng hukbong sandatahan
JOPEL/DWIZ: So may qualification po ba sir na kinakailangan para—
SEC. ROQUE: Siyempre kung anong nakasaad sa batas, iyon ang susunod.
JOPEL/DWIZ: Dadaan din ng training?
SEC. ROQUE: Of course, opo. Lahat po kasi wala namang special police force, applicable lang para sa Bangsamoro entity.
JOPEL/DWIZ: Thank you Secretary.
ROSALIE COZ/UNTV: Good noon, Secretary. Reaction po ng Palace sa petition ni former CJ Sereno kahapon seeking the reversal of majority decision ng SC on her ouster?
SEC. ROQUE: Well may proseso po iyan, sundan ang proseso and we wish her the best.
ROSALIE/UNTV: How about her statement po na saying nagpapatuloy po iyong persecution ng Duterte administration dahil ngayon ay iniimbestigahan na po siya ng BIR which is illegal daw po?
SEC. ROQUE: Well, I think for now she should worry whether or nor his own colleagues will uphold their rulings against her.
VIRGIL LOPEZ/GMA NEWS ONLINE: Sir, for reaction also. Yesterday the opposition Senators filed their resolutions seeking for an investigation on SolGen Calida’s—I mean iyong contracts bagged by the security firm of the families of SolGen Calida. Do you think there’s a need for the Senate to investigate him over this?
SEC. ROQUE: I can’t tell the Senate what they want to do. They can do so if they can wish. The President has said he will not fire Secretary Calida because of this controversy, which sustains my earlier legal view that Solicitor General Calida is not guilty of conflict of interest. But I understand that the Secretary of Justice has relented and has agreed to open formal investigation which I think is the better course of action para malinaw na ones and for all kung talagang nagkaroon ng conflict of interest.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, reaction lang po iyong sa petition ng TUCP for the three hundred peso across board wage hike and lieu of iyong mga pagtaas ng presyo ng krudo at basic goods po?
SEC. ROQUE: Well, tama po ang ginawa ng TUCP, naghain sila ng panukalang batas dahil iyong batas na umiiral po ngayon ay regional wage increases po. Pero kung maipapasa po iyan eh gagalangin naman iyan ng Palasyo. But right now po ang pinag-uusapan ay iyong pagtaas ng regional minimum wage po na dedesisyunan ng mga regional wage boards.
JULIE/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir would you agree—follow up lang po. Would you agree doon sa sinabi ng isang Cabinet Secretary na huwag daw maging masyadong cry baby ang mga Pilipino over the oil price hikes?
SEC. ROQUE: Let’s just say that the President perhaps ‘no—the President does not consider the Filipinos as crybabies. The President recognize na kinikilala po ni Presidente na talagang nagkakaroon ng pagsubok dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng krudo na nagresulta sa pagtaas ng mga produkto ng lahat halos ng mga bagay-bagay. At dahil siya ay Presidente na hinalal ng mga maliliit na tao, hindi naman pupuwedeng talikuran ng Presidente iyong mga naghalal sa kaniya.
ROCKY IGNACIO/PTV4: Okay maraming salamat. Thank you MPC. Thank you Presidential Spokesperson Harry Roque.
SEC. ROQUE: Thank you and see you on Monday.
ROCKY/PTV4: Thank you Usec. Fuentebella.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Fuentebella.
ROCKY/PTV4: Back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)