Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Location Presidential Guest House in Panacan, Davao City

MODERATOR:  Welcome to the Press Conference of the Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque. Sir, may we hear your opening statement first…

SEC. ROQUE:  Maayong buntag sa inyong tanan – Davao at sa buong Mindanao. Naririto po tayong muli sa Panacan at para sa regular Palace briefing. Kahapon po, tayo po ay nasa Cagayan De Oro kasama po ang ating Presidente; mamaya po tayo po’y patungo ng Zamboanga Del Norte.

Unang-una po, inaanunsiyo ko po na tinalaga po ng Presidente ang inyong abang lingkod kasama po si Boy Saycon at saka si Usec. Ernie Abella para maging komite na makikipag-usap at makikipagdayalogo po hindi lang sa Simbahang Katolika, kundi po sa lahat ng grupo na nais magkaroon ng dayalogo sa panig po ng gobyerno. Kahapon lang po ito nadesisyunan ni Presidente, at ngayong araw po nakipag-ugnayan po ako kay Mr. Boy Saycon na simulan na ang proseso para magkaroon na ng dayalogo. Siyempre po, unahin natin sa Simbahang Katolika bagama’t bukas din po ang pinto para sa mga Born Again churches ‘no.

Pangalawa po, mayroong tayong dalawang good news dahil tayo po ngayon ay nasa Davao. Ang unang good news po ay tumaas po ang ating rice and corn output ng first quarter ng 2018. Magandang balita po sa lahat, ayon po sa latest Rice and Corn Outlook Report ng Philippine Statistics Authority, tumaas po ang produksiyon ng palay at mais mula Enero hanggang Marso 2018. Palay production was at 4.62-million metric ton, surpassing the January to March 2017 output of 4.42-million metric ton; equivalent to a 4.61% increase.

Likewise, the January to March 2018 corn output was at 2.48-million metric ton which is also 4.66% higher than 2.37-million metric ton record in January to March 2017. According to the Philippine Statistics Authority, the increase in palay and corn production were largely attributed to the improved harvest areas due to the early onset of rainfall, constant use of high yielding varieties of seeds and technical and financial assistance from the government and private sectors.

More good news po dito sa Davao region: tumaas po ang produksiyon ng kape. With the increase in demand for Philippine coffee, the Duterte administration is expanding the coffee production areas to 1,000 hectares in Davao region which according to the Department of Agriculture is one of the top producers of coffee in the country with the total area of 2,300 hectares. At present, a total of 185,500 trees were rehabilitated regionwide which includes 13,000 trees in Davao City; 82,500 trees in Davao Del Sur and Davao Occidental; 15,000 trees in Davao Oriental; 15,000 trees in Davao Del Norte; and, 60,000 trees in Compostela Valley.

So, we will now accept questions. As it has been our practice already, unahin po natin ang questions from the local media and then babasahin po ng ating moderator ang questions from the Malacañang Press Corps.

Good morning Malacañang Press Corps, miss ko na rin kayo but definitely we will have a Palace briefing in the Palace on Thursday. So, questions please.

MODERATOR:  Sir, I’d like to ask sir if what’s the purpose of talking to the groups ng church and other groups?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon po kasing tinanong last week – kung bukas ba ho ang Palasyo sa dayalogo; unang-una sa Simbahang Katolika at ngayon po ay nag-issue rin po ng panawagan ang Philippine Council for Evangelical Churches na magkaroon ng dayalogo nang mabawasan daw po ang maaanghang na salita ano sa panig ng simbahan at ng gobyerno. At sumang-ayon naman po ang ating Presidente, at kagabi nga po binuo niya itong three-man committee para po makipagdayalogo sa mga simbahan.

Q:  Sir, anong mga points na i-tackle sa dialogue and what kind of dialogue will that be between the churches and…?

SEC. ROQUE:  Well pagkakasunduan pa po ‘yan ng gobyerno at ng mga iba’t ibang simbahan ‘no. Pero siguro po, ang tema ng mga pag-uusap ay paano mabawasan iyong hidwaan sa pagitan ng gobyerno at ng simbahan. Alam ko po mayroong separation of church and state, hindi po kinakailangan makipagdayalogo; pero minabuti na po ng Presidente – sige, buksan natin ang proseso ng dayalogo. So hayaan po natin na iyong agenda ay ma-define ng mga simbahan at ng gobyerno as the dialogue proceeds.

MODERATOR:  Kailan ito mag-i-start, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well I actually notified Mr. Boy Saycon to contact first the CBCP about the formation of this three-man committee, and of the willingness of government to open the dialogue. So as of today po, Mr. Saycon knows about the formation and has been given the marching order to communicate with the CBCP – even today.

Q:  Good morning, sir. Ian Mellijor (?) from the Philippine News Agency. Sir, iyong desisyon ng Presidente to talk with the church leadership, does it something to do with the recent statements or… na open na ang Presidente to talk with the church?

SEC. ROQUE:  Well, I would be lying if I were to say it has absolutely no relation ‘no. Mayroon siguro pong relasyon din ‘yan, at ninanais naman ng Presidente dahil parehong kabahagi ng lipunang Pilipino ang simbahan at ang gobyerno. Siguro po, walang mawawala kung mas mabuti ang samahan sa panig ng simbahan at ng gobyerno.

Q:  Ano po iyong specific instruction?

SEC. ROQUE:  Well kasi po, humingi ng dayalogo eh. Naalala ko po ang nagtanong nito si Rose Novenario sa Palace, mayroon daw proposal na magkaroon ng dayalogo at tinanggap naman po ngayon ng Presidente itong dialogue. Ganiyan din po iyong panawagan if I’m not mistaken, kahapon lamang ng PCEC ‘no and which is why we’re accepting the invitation for dialogue.

MODERATOR:  Sir, I’d like to get your comment, because Lingayen Archbishop Socrates Villegas said in his statement, hindi na siya nagre-react doon sa sinabi ni President. But he said, he is asking for the Filipino people to love na lang the President daw.

SEC. ROQUE:  Well I think we appreciate that call, but as I said nga, the process of dialogue will now proceed.

MODERATOR:  Wala pa tayong invitation sir para sa mga churches?

SEC. ROQUE:  It was just formed last night ‘no, and Mr. Boy Saycon I believe will contact the CBCP leadership. We will of course—I will contact the PCEC myself ‘no, but I’m here now and I will be in Zamboanga later. So siguro tomorrow, I will contact formally the PCEC; Boy Saycon will contact the CBCP.

MODERATOR:  Okay, thank you. Any statement right now ng CBCP sir if they’re willing to…?

SEC. ROQUE:  I do not know yet, because I have just asked Boy Saycon to contact them – just to inform them that there is now a committee formed for this purpose.

Q:  Sir, iyong… the relations ng Presidente at saka ng church ay nagsimula noon noon pa, even noong sa eleksiyon pa…

SEC. ROQUE:  Sa kampanya po, kasi ang persepsiyon, may pinanigan ang simbahan.

Q:  Yeah. Do you think may space pa for the President and the church leadership to address or ma-resolve iyong mga issues na laging nire-raise ng Presidente?

SEC. ROQUE:  Tingin ko naman po. Kasi pansinin ninyo naman po… iyong talagang birada ni Presidente, ngayon lang po ‘yan, halos dalawang taon matapos siyang manungkulan. Pero sa loob ng dalawang taon, wala rin pong tigil ang pula sa kaniya ng Simbahang Katolika. So tao rin naman po ang Presidente, and of course it’s a two-way street. Ang palagi ko ngang sinasabi, batuhin ninyo si Presidente, tinatanggap po niya ‘yan dahil kapag ika’y Pilipino, alam niya na dapat tanggapin niya ang mga pagbabatikos ng mga Pilipino na nagbabayad ng kaniyang suweldo ‘no.

Pero at the same time dahil bumabato rin, eh huwag namang balat-sibuyas ‘pag binato rin ‘no. Pero ngayon po, minabuti na ni Presidente – sige, buksan ang dayalogo ‘no. Siguro dahil nasabi na ni Presidente ang gusto niyang sabihin, tingnan natin kung paano mapapabuti ang samahan dahil iisang lipunan naman ang pinaglilingkuran ng gobyerno at ng simbahan.

MODERATOR:  I’d like to ask you sir, what’s the position really of the President on arming itong mga taong simbahan, sir?

SEC. ROQUE:  Well [laughs]… mayroon po tayong mga alituntunin, mayroon tayong mga guidelines. If any priest will qualify, then I’m sure the PNP will issue the corresponding gun license. In other words, hindi po naman sila bibigyan ng armas because they are members of the priesthood ‘no – bibigyan sila ng armas if they qualify under the requirements provided by law, specifically iyong mga taong may banta po sa kanilang mga buhay.

MODERATOR: Okay, some more questions? Rudolf – ABS-CBN.

Q:  Sir, good morning. Sir, matanong ko lang po regarding dito sa comment ni—sa speech ni Duterte last night. So ano po iyong… parang explanation niya po sir regarding dito sa pagtukoy sa—iyong ni-refer niya iyong Bible po sir na—

SEC. ROQUE:  Well, ang usapin po noong mga sinabi ni Presidente, paninindigan po niya iyan, iyan ay personal. Sinabi ko na po ito kahapon, uulitin ko lang: No one can question a person’s faith, lack of faith or his own interpretation of his—of the God that he believes in. Iyan po ay karapatan ng lahat, pati po ang Presidente may ganiyang karapatan.

Pero at the same time po, ang tinatawag nating freedom of religion at separation of church and state, dalawang aspeto po iyan – iyong tinatawag na freedom to believe, which is absolute. Kahit sino po pupuwedeng magkaroon ng kahit anong pananampalataya at hindi po pupuwedeng panghimasukan ng gobyerno iyan; hindi pupuwedeng ipagbawal ang pananampalataya. Kaya nga po iyong paniniwala at pananampalataya ni Presidente, hindi rin naman pupuwedeng pagbawalan ng kahit sino.

At pangalawa po, iyong tinatawag na ‘anti-establishment clause’ – hindi po dapat pumapabor ang estado sa kahit anong relihiyon. So lahat po ng sinabi ng ating Presidente, iyan po ay sang-ayon sa kaniyang paniniwala, wala pong dapat kahit sinong mag-question diyan. May mga nagrereklamo na nasasaktan sila. Alam ninyo po, naging abogado rin po ako, isa rin akong abogado ni Carlos Celdran. Kung naaalala ninyo iyong ‘Damaso’ na nilabas niyang parang banner ‘no sa isang religious activity na nangyayari sa Simbahan and he was accused of offending religious feelings ‘no. Naabsuwelto po namin siya diyan pero one of the grounds that we we’re ready to use in the Supreme Court kung nagkaroon ng oral argument is that offending religious freedom is a crime which we inherited from the archaic Spanish Criminal Code and which has been superseded also by freedom of expression ‘no.

So sa akin po, lahat po iyan, iyong pananampalataya at saka iyong pananalita, protektado po iyan. Paulit-ulit namang sinasabi ng Presidente na nirerespeto niya ang kalayaan ng malayang pananalita at malayang pag-iisip. So tanggapin po natin ang mga sinasabi ng Presidente within the context of these freedoms in the same way na walang wala po siyang pinagbabawalan para sa kahit sinong Pilipino na magkaroon ng pananampalataya or hindi magkaroon ng pananampalataya at siyempre po para panindigan ang karapatan ng paniniwala at pag-iisip at pananalita.

MODERATOR:  Sir, here’s a question from PIA Davao del Norte from Michael Uy: Ano raw iyong move ng Malacañang on the killing of a Panabo based journalist Dennis Denora?

SEC. ROQUE:  Well, bago lang po ito ‘no. Iyan po ay will be investigated by the Task Force on Media killings headed by Undersecretary Egco. At I’m very pleased to note that the Duterte administration is the only administration that has formed a regular task force to take charge of the investigation and prosecution of the killings of media workers ‘no. So kasama po iyan sa mga trabaho ngayon ni Usec. Egco.

Q: Good morning Secretary. Itatanong ko lang sir iyong misencounter noong AFP at saka iyong PNP at may anim na PNP member na namatay. Ano po ang reaksiyon ng Presidente at ano pong assistance na maitulong doon sa mga PNP member or may mananagot ba dito sir?

SEC. ROQUE:  Unang una, wala pa po akong impormasyon sa misencounter na iyan ‘no. So hayaan po muna natin umusad ang imbestigasyon, dahil kung mayroon na pong imbestigasyon iyan I’m sure mayroong report sa Palasyo ‘no. So hintayin po muna natin ang imbestigasyon pero lahat naman po ng naging biktima nasasaktan sa labanan na taong gobyerno iyan po ay pinangangalagaan ng ating gobyerno ‘no.

Kahapon po matapos ang kaniyang talumpati sa Cagayan de Oro, nagpunta po sa isang hospital ang ating Presidente, binigyan po ng mga awards iyong mga wounded in action na ating mga mandirigma na kasapi po ng Armed Forces of the Philippines.

So paulit-ulit po sa mga public pronouncements ni President ang kaniyang concern sa buhay at sa well-being noong ating mga men in uniform ‘no, dahil iyan naman po talaga ay paninindigan ni Presidente na mahalaga ang papel na ginagampanan ng ating kapulisan at ng ating Hukbong Sandatahan.

MODERATOR:  Follow up? No more? Sir, I’d like to ask if my details na tayo para sa Kuwait trip ni President Duterte?

SEC. ROQUE:  It will be subject to the availability of the Emir and that is why we are looking at August or September this year. Iyon po iyong preliminary information on when the Emir will be available to receive the President.

MODERATOR:  Any question from the Malacañang Press Corps?

SEC. ROQUE:  Actually maraming questions ang Malacañang. So I will hand you my phone kasi nasa akin ang mga question parang they have eight (8) questions.

MODERATOR:  First question from the Pala—

SEC. ROQUE:  Naging Panacañang na ang Malacañang, baliktad na.

MODERATOR:  Malacañang Press Corps. From Rose Novenario: Good a.m., pahingi reacts kay Spokes Roque. Bishop Virgilio Pablo David on PRRD: Igagalang naman siya ng mga Katoliko kahit hindi siya sumang-ayon sa mga pananampalatayang Katoliko pero ang hindi pagsang-ayon ay hindi lisensiya para mang-insulto. Iginagalang ng mga Katoliko ang tungkulin ng Pangulo at ang mandato niya bilang Pangulo, sana igalang din niya ang mga Katoliko kahit hindi siya sumang-ayon sa doktrina ng Katoliko.

SEC. ROQUE: Well, ngayong mayroon na pong dayalogo ‘no, ayaw ko na sanang magkomento diyan at hayaan na natin iyong proseso ng dayalogo. Pero gaya ng aking sinabi kanina, eh mayroon din namang napakamaanghang na binitawang salita ang mga taong simbahan laban kay Presidente na hindi po sumagot ang Presidente sa loob ng dalawang taon. So ngayon pong sumasagot siya eh intindihin po ng ating mga taong simbahan, it’s a two way street. Hindi naman po pupuwedeng kapag sila ay pumula kay Presidente, okay lang, kapag siya ay sumagot hindi okay. Pero ngayon po magdayalogo tayo.

MODERATOR:  Sir, follow up. May ikinuwento ang Pangulo sa Korea na nang-abuso sa kaniya noong bata pa siya. Baka kailangan niya ng tulong para ma-process iyong trauma na naranasan niya at nagiging dahilan para maging ganoon ang pananaw niya sa relihiyon. Sa Katoliko, sa mga Pari, mayroon naman talagang mga makasalanan sa simbahan pero mayroon ding nabubuhay sa tunay na kabanalan at kabutihan. Ang mga nang-abuso ay dapat pananagutin pero hindi tama na kondenahin ang buong simbahan sa ‘pagkakasala ng ilan.

SEC. ROQUE:  I don’t know if the people know that there’s a pending case also against the Pope in the International Criminal Court for the crime of—for a crime against humanity of sexual abuse committed against minors, which according to the complainants in the ICC is widespread, systematic and has not been investigated by the Church.

So ang sinasabi ko lang po, well the incident must have been traumatic to the President. And I’m sure tama iyong sinasabi ng ating taong simbahan na perhaps there’s a need for some kind of intervention dahil obviously matagal ng panahon ang nakalipas, dinadamdam pa rin ni Presidente iyong naging mapait niyang karanasan. But at the same time—

I think this is a blessing na rin in disguise kung if we will call it that way na isang Presidente nga ang tumanggap sa publiko na siya ay naging biktima. Kasi alam mo sa ating kultura kinahihiya iyan. Hindi po pangkaraniwan na mga biktima ng ganitong bagay ay aamin and the President has said it openly.

If we are to have anything productive out of this public admission it’s probably also a position to be taken by the Church, that they will take steps to investigate and punish perpetrators of this act. Pareho po silang may demanda ngayon sa ICC. So tingnan po natin kung ano po mangyayari diyan ‘no. Pero as I said, tama po siguro iyan but it’s up to the President ‘no.

MODERATOR: Another question from MPC, from Bernadette Nicolas: When you said that the President observed that there is a weaker implementation of BBB projects in the provinces does this mean that the President is not contented with the pace of the implementation of this projects?

SEC. ROQUE:  He is never contented. He wants it faster and he wants the projects, the BBB projects in the provinces implemented faster. Now, pero iyong clarification din po talaga ni Secretary Pernia, there’s specific region na talagang dapat mapabilis ‘no, amongst them is ARMM ‘no and a couple of—two other regions that Secretary Pernia mentioned.

MODERATOR:  Sir, did the President name specific BBB projects that were delayed or being slowly implemented? What are the reasons?

SEC. ROQUE: Wala naman po but he is just—alam ninyo talaga ang BBB, hindi ‘yun build, build, build ‘no. Pero—I guess what the President is saying, ‘Naiinip na ako, I want to see na actual implementation.’ So far po maraming nasa drawing board. He wants to see more groundbreaking and he wants to see these projects implemented particularly outside of Metropolitan Manila.

MODERATOR:  Question from Rosalie ng MPC pa rin. Some are questioning if the President is violating the concept of the separation of the church in his tirades against the Catholic Church. Aren’t you always saying that he is the chief implementor of the law. What is your take on this?

SEC. ROQUE:  Wala pong violation diyan, dahil kagaya ng sinabi ko kanina, dalawang aspeto po iyang freedom of religion – freedom to believe, which is absolute; and the anti-establishment clause, which is a commitment that the government will never endorse a particular faith.

Now take note, what is absolute is only a freedom to believe. Pero kapag meron kayong overt acts na ginawa in support of your belief, iyan ‘yung mga ginagawa noong mga pumapatay, mass suicide, hindi na po nagiging depensa ang freedom of religion, dahil hindi na po paniniwala iyon, meron ng aksyon.

So sa tingin  ko po, ang ginagawa ni Presidente, hindi po iyan lumalabag sa freedom  of religion, hindi po natin ipinagbabawal ang kahit sinong maniwala sa Simbahang Katolika; wag rin nating pagbawalan ang ating Presidente na isapubliko ang kanyang nasa loob ng damdamin niya.

MODERATOR:  Sir, follow up majority of those who voted for him are Catholics. Is the President not afraid of losing his supporters because of his attacks?

SEC. ROQUE:  I don’t think so, kasi noong eleksiyon pa lang naman, nalaman ko—kung naalala ninyo, meron siyang maanghang na salita na sinabi doon kay Santo Papa dahil sa trapik ‘no at tanggap naman siya ng taumbayan for who he is. Iyan naman po siguro ang gusto ng sambayanang Pilipino, wag ka lang plastic, puwede kang tanggapin.

MODERATOR: From Ms Pia Gutierrez: nakakarating na ba sa Malacañang ang report ukol sa halos 2,000 pisong halaga ng bawat razor na binili para sa senior high school sa Northern Mindanao para sa techvoc, ang livelihood course ng senior high school po. Ano po ang masasabi ng Palasyo dito?

SEC. ROQUE:  Well, I saw that particular news in the presidential news brief. Kasi po, isa iyan sa gawain ng aking opisina, naghahanda po kami ng presidential news briefer, morning and afternoon to keep the President abreast of news as it is being reported by both print and media ano. So wala pa po immediate response, but I will ask Secretary Briones for her comments as well. So, on Monday, I should have the comment of Secretary Briones.

MODERATOR:  Sir, another one, question pa rin from Pia Gutierrez: Any comment on the proposed amendments to the Philippines Human Security Act of 2007 which a group says could give the government license to commit human rights violations?

SEC. ROQUE:  Well, iyong paninindigan na ito po daw ay magiging dahilan para labagin ang karapatang-pantao ay galing rin sa Kongresista; samantalang ang mga amyenda po sa  Human Security Act ay trabaho rin ng Kongreso. So hayaan po nating debatehan iyan ng Kongreso dahil iyan naman ang trabaho nila.

Q:  Iyong sa Mindanao Railway daw po, kasi sabi June daw mag-umpisa iyong bidding hanggang wala pa po and also iyong Samal beach po kung magagawa po siya ngayong term ni President?

SEC. ROQUE:  Well, kagaya ng sinabi ni Presidente, siya mismo naiinip. So, I am sure po that the President will remind all the Cabinet members na kinakailangan talagang bilisan iyong implementation ng mga projects under build, build, build. So sa akin po wala pong masama dito sa attitude ni Presidente, because he wants to make sure that everyone will do their job under the build, build, build.

Si Joseph Morong, may tanong pala siya, ang haba naman kasi Joseph. Gusto niya ng komento doon sa sinabi kagabi ni Presidente na i-apprehend daw ang mga menor de edad na nasa kalye.

Tama po iyon, dahil ang sabi naman po ng Presidente, pupuwede silang damputin ng police, ibibigay sa barangay o sa DSWD hanggang sunduin ng mga magulang.

In other words ang hindi po tino-tolerate ng Presidente, iyong mga palaboy-laboy na mga menor de edad sa kalsada, lalung-lalo na kapag gabi na. Tama po iyon, in the exercise of parens patriae – at iyan po ay ginamit na rin ng Presidente kahapon – ang gobyerno pa rin ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga bata. Iyong mga palaboy-laboy sa gabi, puwede po iyang i-kostodiya ng kapulisan, dalhin sa barangay, dalhin sa DSWD at ipagbigay-alam sa mga magulang na hindi dapat palaboy-laboy ang kanilang mga anak sa mga kalye at pampublikong mga lugar. Iyan po iyong sinasabi ni Presidente na in the exercise of parens patriae.

Q: Sir, may plano iyong Congress to look into the saan manggaling iyong funds for BBB, sa build, build, build na baka puro utang, wala naman pa lang—connected pa rin doon sa TRAIN. And funding all the projects under the build, build, build program. Will this not delay further all the projects under build, build, build.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, itong build, build, build nakapaloob po iyan sa 2018 national budget. So nakapagtataka po kung merong ilang mga miyembro ng Kongreso na nagtatanong kung paano popondohan ang mga build, build, build projects. Kaya nga po all time high iyong ating budget for 2018, dahil nandiyan po iyong marami, karamihan ng mga build, build, build projects; bagama’t meron din tayong mga foreign assisted or foreign funded projects. Pero I think an overwhelming number will still be paid for using taxpayers’ money, kaya nga po importante iyong TRAIN na tinatawag.

Okay? So kung wala na po kayong questions—Hello nga pala, may nagpapabati my ate from Cebu, kilala niya kung sino siya, thank you for watching.

Q:  Sir follow up question. Secretary Roque, kayo lang pong tatlo ang makikipagdayalogo sa  liderato ng mga religious sector, hindi po ba mas maganda na si President ang humarap sa kanila, para mas masabi ng Pangulo ang kanyang panig at personal na malaman din ang sentimyento ng mga religious sector?

SEC. ROQUE:  I think that’s without prejudice to actually meeting, a personal face to face meeting between the leadership and the President. Pero I do not know—I don’t know if they are objecting to my being a member of the committee, but I think—I rest assure that whatever I get from the churches, I will relay to the President.

We already have established a protocol between the President and myself on how we are able to communicate on matters that will be asked of me by the media and of course on matters that he has personally assigned on me to.

MODERATOR:  Sir, from Tuesday Niu of DZBB: May nagpayo po ba kay President na makipagdayalogo—ano iyong nag-udyok daw sa kaniya para gawin ito?

SEC. ROQUE: Well, sinabi ko lang po na iyon nga po, iyong dayalogo kung papayag po siya. Ang sabi niya, ‘of course, I’m always open to dialogue.’ So sabi ko, ‘sino po ang itatalaga nating members para makipagdayalogo?’ Sabi niya, ‘ikaw!’ Tapos ako naman po sinagest ko si Boy Saycon, tapos siya rin ang nag-suggest kay Usec. Ernie Abella.

Q:  Sir, wala po bang nakapag-isip, what would be the role of CBCP President Bishop Valles who is also a good friend of the President?

SEC. ROQUE:  In fact, his name cropped up, when the President gave this order. Sabi niya, maybe a dialogue is on order, because the President of CBCP is my good friend from Davao.’

And that is why we are very hopeful that we will have a fruitful dialogue, given the very good relations between the current President of the CBCP and the President himself.

MODERATOR:  Sir, your parting shots?

SEC. ROQUE:  Well, wala na pong parting shots. Kung wala na pong ibang katanungan, maraming salamat po uli sa Panacañang Press Corps. It’s always a privilege to be with you; and I will see Malacañang Press Corps again on Thursday and maraming salamat po Mindanao for the hospitality – Cagayan De Oro yesterday, Davao and Zamboanga today. So until Thursday, maayong buntag sa inyong tanan.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource