Press Briefing

Press Briefing of Press Secretary Trixie Cruz-Angeles with DSWD Secretary Erwin Tulfo


Event Press Briefing
Location New Executive Building, Malacañang

MODERATOR: Magandang araw, Malacañang Press Corps. Kasama po natin ngayon si Secretary Trixie Angeles, ang ating Press Secretary, at si Secretary ng DSWD, Secretary Erwin Tulfo.

DSWD SEC. TULFO: Good afternoon, ladies and gentlemen. And thanks for all of you coming here today. I just want to make some announcements because we have a program that we’ll be executing this coming Saturday and the next six Saturdays until the 24th of September.

This program is aimed to help our indigent students all over the country, which means to say that children coming from poor families will be given cash assistance to buy their school supplies or whatever that they need in school such as school supplies, school fees, uniform, shoes, etc.

This program is under the Assistance for Individuals in Crisis Situation. Ito po iyong programa na uumpisahan po namin, educational assistance po ito para sa mga bata, sa mga anak po ng mga mahihirap nating kababayan simula po ngayong Sabado at anim po na Sabado hanggang Setyembre a-bente kuwatro.

Dito po sa main office, magbubukas po ang aming opisina ng alas-siyete ng umaga at tatapusin po namin iyong mga tao na nasa pila. Sa aming mga field offices po, regional DSWD offices ay magbubukas po sila alas otso ng umaga, ganoon din po sa mga provincial DSWD po natin, ganoon din po sa mga satellite offices po natin nationwide.

Ano po ang mga requirements nito? Ang kailangan lamang po ng bata or ng magulang na dadalhin sa DSWD office ay ang enrollment certificate at ang school ID.

Ngayon, sino po ba ang pupuwede? Lahat po ng mga bata na anak ng mahihirap, hindi lamang po solo parent, halos lahat na ho kasi eh – solo parent, magulang ay PWD, magulang ay may mga sakit, mga ulila na mga bata, mga batang anak ng tricycle driver, labandera, katulong, magtataho, jeepney driver – puwede po kayong pumunta, okay.

Para po doon sa mga bata, puwede po ang mga nanay na lamang ho, iyong mga nasa elementary at high school, magdala lang po ng enrollment certificate ng mga bata or school ID. Para naman po doon sa mga senior high school at college at saka vocational courses, puwede ho kayo na mismo ang pumunta sa aming tanggapan.

Ganito ho ang ayuda: Cash po naming ibibigay sa mga magulang o sa mga estudyante – 1,000 pesos po para sa elementary, P2,000 po para sa high school, P3,000 po para sa senior high school; P4,000 po para sa college or vocational course.

Ilang bata po sa isang pamilya ba? Kasi marami ho ang nagtatanong: How many children? Ako ay may walong anak, limang anak; tatlo pong bata per family. So kung may dalawang kolehiyo kayong nag-aaral – isang first year, isang fourth year – tig-P4,000 po iyon, so P8,000 po iyon. Mayroon kang isang anak na senior high so P3,000 po iyon. So P8,000 plus P3,000 – P11,000 ho iyon.

Ngayon, puwede pong through appointment via internet, puwede po kayong mag-email sa amin; puwede rin pong walk-in sa araw ding iyon. Pero we advise na mas maganda ho siguro kayo po ay mag-email na lamang muna sa amin.

Don’t worry ho, bayan, nakasubi na ho iyong budget. Hindi ho kayo mauubusan niyan kasi we saved around 500 million po na pondo para po sa mga estudyante natin na indigent na kailangan po ng mga gamit – five hundred million po iyan all throughout the country.

So inatasan ko na po ang aming central office, ang mga regional offices namin, provincial offices, satellite offices na magbukas sa araw ng Sabado at every Saturday until September 24 para i-cater iyong pangangailangan ng estudyante.

Kung kayo ay pupunta ngayong Sabado at maraming masyado ang tao, puwede po kayong bumalik next Saturday. Marami pa ring tao, next Saturday. Hanggang 24 po iyan, huwag ho kayong mag-alala, dalhin lamang po ang inyong mga requirements at tutulungan po namin kayo.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon. Sir, clarification: Gaano karami po iyong inaasahan natin na beneficiaries from this particular program?

DSWD SEC. TULFO: Initial po namin, actually dito pa lamang po sa central office, sa may Batasan is about 24,000 po na students.

MARICEL HALILI/TV5: Pero, paano po mai-establish na part sila ng mga indigent families, kasi kung iyong proof lang for enrollment iyong requirement?

DSWD SEC. TULFO: And/or ID – and/or. Ma’am, ang problema ho kasi binawasan ko eh, binawasan ko na iyong requirement because dati it’s very tedious. I heard reports during previous years po ay ang daming hinihingi kaya iyong bata, mga senior high, college students pumipila po ng ala sais ng umaga – alas nuwebe po ng gabi hindi pa ho natatapos.

I want this done immediately. Gusto ko po kapag pumila ho doon, we will try our best po na pinakamatagal na siguro ay pipila ho iyong bata about five hours po para makuha niya or the mom. We do not encourage bringing your children kung kayo po ay parents, hindi ninyo na po kailangang bitbitin ang mga anak ninyo. Kung mayroon kayong anak na college, senior high, grade school – puwede ho na kayo na lang ang pumunta or kung wala naman, kung kayo ay mga high school na at hindi puwede ang inyong magulang, puwede ho kayo basta senior high and then college, puwede pong lumapit. Hanggang tatlo lang ang pupuwede bawat pamilya.

DSWD SEC. TULFO: Ang question is papaano natin malalaman? We are hoping, ma’am, na only indigents. Siguro naman ho iyong may mga pera, hindi na ho magpupumila diyan ng six hours po para makakuha ng pambayad ng ika nga makabili ng uniporme or school supplies. So, we’re hoping and expecting po na mga indigent lang po ang pipila diyan.

MARICEL HALILI/TV-5: Sec, last na lang po. Iyong under AICS Program ninyo, I understand you mentioned that you will run after doon sa mga namemeke ng documents. So far, gaano po ba katalamak iyong mga nagsa-submit sa inyo ng fake documents and how do you plan to do this, sir?

DSWD SEC. TULFO: Hindi naman po lahat, ma’am, na pumupunta or marami, pailan-ilan lang naman pero we’re giving warning na kasi kadalasan nahuhuli namin dito sa Central Office may pailan-ilan. Hindi naman every day at hindi naman siya karamihan pero ganoon pa rin ho kasi gumagamit sila. We find out doon pa lamang sa mga social worker namin, mga assessment officers namin ay nalalaman na namin at nakikita na fake itong documents. Wala silang mga ika nga seal or gawa-gawa iyong dokumento. So, doon pa lamang nahaharang.

MARICEL HALILI/TV-5: Thank you, sir.

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Sir, as you have said ‘no iyong tungkol sa requirements, could it be possible na magkaroon ng isang requirements from the barangay chairman having this certificate of indigency para mawala itong mga fake?

DSWD SEC. TULFO: Dati po may ganoon ho, ma’am. Ang problema ho inaalis na ho natin muna iyon, iba-bypass na ho muna natin iyong mga indigency kasi napupolitika po, ma’am, that is very unfortunate. Mas marami pong nakakarating na reklamo o sumbong sa akin na namimili po iyong ating—huwag naman ho magalit sa atin iyong mga barangay leaders natin at LGU pero mas marami po kasing sumbong sa akin na nakakarating na pinipili po na bibigyan ni chairman o ng barangay kagawad o sa Office of the Mayor ng indigency. Kung hindi po bumoto iyong pamilya, hindi po nabibigyan. Sasabihin na lang “Wala dito si ganito. Balik ka na lang next time.” Ngayon ho dahil DSWD ho ang mangangasiwa natin, ayaw ko hong marinig na “Hindi kami binigyan ng indigency.” Kaya, ma’am, we will take our chances na lang po na tanggapin po iyang mga iyan at ia-assess naman po ng aming mga social welfare officers at saka mayroon naman po silang experience when it comes to that matter, ma’am.

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay. Sir, on another issue. It has been a few weeks since the magnitude seven earthquake that hit Northern Luzon. Since then, how has the DSWD assistance welfare programs been progressing in recovery efforts since the weeks that have passed after the earthquake?

DSWD SEC. TULFO: Actually, ma’am, we’re doing okay with the recovery efforts. Marami na po tayong mga kababayan ang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan pero mayroon pa rin po kaming, I think, mga 900 families who are still in the evacuation centers po because their houses were totally damaged pero the rest po are staying with their relatives in CAR or kung hindi po ay sa Region I. Tuluy-tuloy naman po ang pagbibigay natin ng food assistance po sa kanila which is like per family; family of five is like one box po which will last for about three days, ma’am.

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay. Sir, how about this, sir, does the DSWD have anything new on its agenda or anything na new it would like to announce the public for the first time?

DSWD SEC. TULFO: What do you mean, ma’am?

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Do you have any, I mean, study or any programs na hindi pa alam ng ating publiko like iyong anything na kagaya ng mga bagong agenda ninyo?

DSWD SEC. TULFO: Actually, ma’am, good thing you asked me that. Tatapusin lamang ho namin itong distribution ng educational assistance, after that po we are waiting for the report of the 4Ps leaders, kasi bawat 4Ps po sa mga municipalities may mga leader po. I am waiting for the report, ma’am, kasi from their report ia-identify nila kung sinong mga members na nila ang aalisin or meaning to say graduate na. Itutugma po namin iyong kanilang listahan sa Listahanan po namin na who’s saying na non-poor na sila and then itutugma pa rin po namin doon sa 4Ps namin to make sure na lahat po talaga ng ga-graduate ay talagang makakatayo na po sa sariling paa. After that, ma’am, siguro within the next two months, ma’am, after this or October, November ay bubuksan na naman po namin ang aming mga pintuan, ma’am, para puwede pong magpalista iyong mga hindi nakapagpalista o hindi nadaanan ng Listahanan para makapasok po sila sa 4Ps. We will do that – solo parents, mga mahihirap, farmers, fisherfolks, lalo na po sa mga probinsiya, IPs. Bubuksan po namin ulit iyan para makapagpalista po sila at maipasok po sila doon sa 1.3 na aalisin natin papalitan po natin ng another 1.3 million Filipinos, ma’am.

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay. Thank you very much.

DSWD SEC. TULFO: You’re welcome po.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, magandang hapon po. Secretary, doon sa cash assistance para sa mga estudyante. Paano natin mamu-monitor na iyong ibibigay nating assistance ay gagamitin talaga sa pagbili ng school supplies at hindi magagamit halimbawa sa ibang bagay?

DSWD SEC. TULFO: Unfortunately, sir, wala ho. I have to make a decision now and have to make it quick whether pahihirapan ko po iyong parents or kailangan ko nang ibigay because magpapasukan na po sa Monday and so we have to give it tomorrow entire day and then next Saturday for six Saturdays. Wala po. Wala po akong safety measures, safety net. Pero kung ikaw naman ho siguro ay magulang, kung ikaw ay may kaya naman siguro at may pera, hindi ka naman ho siguro pipila ng six hours para makahingi lang ng pambili ng school supplies ng anak mo.

So, that is the risk that we have to take, sir. Gusto lang ho namin maibigay kaagad iyong tulong ASAP. Ayoko na ho silang pagbalik-balikin pa bukas. Dalhin mo iyong enrolment form, dalhin mo iyong ID, kulang ka pa ng ganito. We don’t like that. Wala kang indigency, so I took that off. Tinanggal ko na ho iyong indigency. Ang gusto ko na lamang po ay enrolment certificate or ID noong bata, present ID po, iyong hindi expired, sir.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, on other matters lang siguro. Update on the transition po doon sa transfer of functions from DSWD to National Commission on Senior Citizens? And ano po ba iyong functions na ililipat na sa NCSC, sir?

DSWD SEC. TULFO: Actually, Sir, kasi ngayon ho ay iyong administrative ay sa amin pa ho. Pero we will transfer that sa kanila po. Pero ongoing po kasi, Sir, ngayon iyong meeting between our officials at saka officials po ng National Commission on Senior Citizens hinggil sa bagay na iyon, pati iyong funding and then iyong mga scope po ng work nila, Sir. Kasi problema rin ho nila ngayon, they need to hire people Sir; wala ho silang mga personnel pa.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Secretary.

ALEXIS ROMERO/PHIL. STAR: Magandang hapon, Secretary. Iyon lang pong total sana ng aid na ibibigay sa educational assistance given na may one thousand, two thousand, three thousand – so magkano po iyong total funding for the six-week program?

DSWD SEC. TULFO: Five hundred million, sir. Half a billion pesos po, sir, na kinuha po namin sa AICS namin, sir, which is around 42 billion pesos po of our national budget. Nakalaan na po talaga ito. Isinubi na ho namin para po dito sa araw po ng pasukan, sir.

ALEXIS ROMERO/PHIL. STAR: Okay. Salamat, Sec.

VINCE LOPEZ/MANILA STANDARD: Sec, good afternoon po. Sa mga kababayan natin from rural areas, provinces and sa mga liblib na lugar, saan po sila pupunta para po makapag-avail ng cash assistance from the DSWD?

DSWD SEC. TULFO: That’s a good question, sir. Marami pong nagtatanong kung sa CSWD (City Social Welfare), municipal social – hindi po; sa DSWD offices lamang po. Malalaman ho ninyo kasi iba po iyong municipal, iba po iyong city – iyon po ay mga nasa local government units at saka mga provincial DSWD.

So PSWD, MSWD, CSWD – hindi po doon. Tingnan ho ninyo sa internet or magtanong ho kayo ngayon hanggang bukas sa inyong mga munisipyo kung saan iyong DSWD na national, mayroon po kaming mga satellite offices po.

Mayroon po kaming mga provincial officers, mayroon din po kaming mga satellite offices so puwede po silang magtanong kung saan po iyong pinakamalapit, sir.

Iniiwasan po kasi natin, sir, na magamit po sa pulitika ho iyong ipamimigay. May mga nag-suggest ho, ibigay daw po, it will be easier kapag i-download ho natin sa mga municipal. Ayaw ko hong mangyari iyong nangyari po sa SAP natin, sir; gusto ko po talaga na makarating po sa mga bata po, doon po sa mga mahihirap.

I’m sorry, sir, I mean, I might offend some people. But then, that’s just the way it is po. Gusto ko pong makarating. Ayaw ko pong makarating na pinili ni chairman, kamag-anak ni chairman ang inuna, mga anak ni chairman – I don’t like that. Gusto ko po na talagang makakarating po sa tao, ibibigay po ng DSWD mismo, mga tauhan po namin. Kaya I have instructed po na lahat po ng mga empleyado po ng Assistance for Individuals in Crisis Situation at saka mga regional heads po natin at field office directors natin, pumasok every Saturday to supervise and make sure na naibibigay nang tama.

At saka, also, paalala ko ho doon sa mga tatanggap kasi may mga nagtatanong, “Baka kulang.” Kung kulang po, tumawag po kayo sa aming hotline. Uulitin ko po, hindi po dapat kulang. Kapag pumirma kayo diyan, cash po ang ibibigay sa inyo. Uulitin ko po: One thousand sa elementary; two thousand po kapag high school; three thousand po, senior high; four thousand kapag college. Kung tatlo ang college student mo, then 12,000 po ang ibibigay namin; hanggang tatlo lang po. Kung sampu po ang anak ninyo, sorry po – tatlo lang po talaga ang pupuwede.

JOPEL PELENIO/DWIZ: Sir, ito po bang cash assistance program para sa mga indigent students, maaari lang po itong i-process sa DSWD offices or branches every Saturday or daily po ito, for six Saturdays?

DSWD SEC. TULFO: Ibibigay po namin, sir. Ang goal po namin, hindi na sila bumalik; ibibigay po namin. Kaya nga po dito po sa central office, at ang directive ko ho sa lahat ng DSWD offices po – hindi po iyong mga kasamang MSWD, CSW at saka PSWD; DSWD lang po – ibigay the same day. I don’t care kung matapos kami ng alas-otso, alas-nuebe ng gabi. Pero we are anticipating the influx po kasi itong sa Saturday po, inaasahan na namin, I was already told na mga two to five thousand ang pipila diyan sa opisina namin.

So ni-red alert ko na po, the entire DSWD AICS program employees are directed to report for work every Saturday para ho maasikaso iyong pangangailangan ng mga bata, including their heads – ‘ika nga, kumbaga sa Navy, all hands on deck – kailangan ho silang tumulong. Ayaw ko hong pabalik-balikin ang mga estudyante dahil mahal ang pamasahe. Kailangan hong ibigay that day; kapag pumila po sila, that day din ho. And there is no excuse.

JOPEL PELENIO/DWIZ: Yes, sir. Follow, sir: Every Saturday lang po, sir? Wala pong Monday to Friday?

DSWD SEC. TULFO: Kasi, sir, ang Monday to Friday po namin ay para sa iba – medical assistance, burial, transportation – ayaw ho naming maghalu-halo, dadami ho, sir. Kasi sa estudyante pa lamang ho ay ina-anticipate na namin about 24,000 po iyan, sir.

ALEXIS ROMERO/PHIL STAR: Patanong lang, Sec. Iyong mga pamilya na 4Ps beneficiaries na, they can also avail of that aid?

DSWD SEC. TULFO: Yes, Sir. Kasama po sila sa programa na ito. At hindi lang po 4Ps, kahit hindi ka 4Ps. Marami po ang nagtatanong – good question po – kung hindi po kayo 4Ps pero kayo ho ay nasa krisis, lahat naman po ngayon ng mga mahihirap ay nasa krisis. May nagtatanong, “Tricycle driver ako, Sir Erwin, puwede ba? Puwede po kayo! “Jeepney driver ako, Sir Erwin,” puwede po kayo. “Labandera ako, Sir Erwin, may anak akong pinag-aaral sa SUC ngayon, puwede ba?” Puwede po. “Grab rider po ako,” puwede po. “Barbero po ako? Puwede po. Okay? Puwede po iyan, mga sir, mga ma’am, kung ano po ba iyong trabaho ninyo ay tutulungan po kayo ng gobyerno. Kasi po, iyon po iyong aming ika nga, mission po ngayon, tulungan po kayo. Kasi instruction din po iyan ni Pangulo na wala pong iiwan, pandemic recovery, lahat po ay kasama pag-angat.

MODERATOR: Maraming salamat po, DSWD Secretary Erwin Tulfo.

DSWD SEC. TULFO: Maraming salamat po and good afternoon.

MODERATOR: Ngayon naman ang makakausap natin via virtual si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Secretary?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Magandang hapon po. Kaninang umaga nagkaroon po ng Cabinet meeting at ang nasa agenda ay tatlo:

Mga inisyatiba ng Department of Agriculture on food security; tapos sumunod sa kaniya ang Department of Energy, iyong part 2 ng presentation ni Secretary Lotilla towards adequate, accessible and affordable energy; pangatlo ay iyong proposed Pambansang Pabahay para sa Pilipino ng Department of Housing.

So, hindi pa po kami nagri-release ng mga detalyeng ito, sapagkat kanina po ay pagkakataon para i-discuss iyong mga proposals na ito. So, may mga revisions at saka refinements pa po. So, iri-release namin iyong mga plano at the convenience of the departments involved.

Pangalawa ay kaninang umaga, nagsagawa ng raid—well, hindi po siya raid, I apologized. Nagsagawa ng exercise of visitorial powers ang ating Bureau of Customs tungo sa orders ni Executive Secretary Vic Rodriguez tungo rin sa direktiba ng ating Pangulo na i-check ang mga warehouses para sa mga smuggled or hoarded na asukal. Kanina, mayroon silang na-padlock sa San Fernando, Pampanga on the suspicion or dahil may intel na na-receive ang BOC na ito ay possibly smuggled or suspected smuggled na asukal.

At ten o’clock this morning, nag-conduct po sila ng inventory at saka dumating din ang mga kinatawan ng DTI at ng Sugar Regulatory Administration to determine kung ito ay hoarded na sugar or ginagamit sa price manipulation.

Iyon lang po. Tatanggap po kami ng ilang katanungan. Pasensiya na po, medyo hindi kaya ng matagalan ngayong araw na ito. Kasi malapit na akong magkaroon ng sintomas doon sa COVID.

MAYRINA/GMA 7: Secretary, magandang hapon.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Magandang hapon po.

MAYRINA/GMA 7: Sa pulong po ng Pangulo with Senate President Migz Zubiri and other stakeholders in the sugar industry, nabanggit po na may consensus na na mag-aangkat ng 150,000 metric tons of sugar. Is the Palace confirming this, ma’am, na iyon na po ang ating i-import na quantity?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Iyan po ang proposed na quantity for importation gawa nga ng pangangailangan ng mga industrials na tinatawag ng ating Pangulo. Sila po ang gumagamit in commercial quantities, in large commercial quantities ng asukal and some jobs are dependent on their continued production. So, yes po, kino-confirm natin na iyon ang proposed amount – 150,000 metric tons.

MAYRINA/GMA 7: As to when we are going to push through with the importation? Do you have that information already?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Wala pa po.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Magandang hapon, Secretary. Hihingi lamang po ng detalye doon sa pulong ni Pangulong Marcos sa Chinese envoy?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Wala pa po tayong impormasyon doon. Tulad ng parati nating sinasabi, kapag diplomatic affairs, hindi po kasi ordinary o mabilis tayong maglalabas ng balita, dumadaan pa po muna iyan sa DFA, well, in accordance with our diplomatic relations and with the constitutional provision on information.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Pero kahit po mga broad topics man lamang, wala pa rin po?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Wala pa po, talagang dumadaan pa muna iyan sa DFA.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Okay, salamat po.

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: Opo.

GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, can we confirm kung mayroon pa daw pong isa pang warehouse sa Bulacan na binisita kanina and do we have details on this po?

PRESS SEC. CRUZ-ANGELES: This is a series of raids, madame. Yes po, we can confirm that there is another warehouse in the vicinity of Bulacan. Hindi ko pa po ma-confirm kasi hindi ko sure kung tapos na po iyong pag-inspect ng BOC. But we can confirm that, yes, there is another one today and possibly more in the coming days.

MODERATOR: Maraming salamat po, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Maraming salamat, Malacañang Press Corps.

##


News and Information Bureau – Transcription Section