Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Malacañang Press Briefing Room, New Executive Building

ROCKY IGNACIO/PTV: Good morning, Malacañang Press Corps. Welcome sa Press Briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Good morning Pilipinas, and good morning ladies and gentlemen of the Malacañang Press Corps.

May we first offer a moment of silence for the victims of the mass shooting that occurred in Florida. I’d like to reiterate that violence has no place in society. We condole with the families and friends of the victims. Five seconds, moment of silence please…

Let me proceed with some good news. Good news on our Foreign Direct Investments – We are pleased to announce that we have topped our 2017 Foreign Direct Investment target as of November figures of the Bangko Sentral ng Pilipinas. The BSP recorded an amount of 8.7 billion dollars in net inflows of Foreign Direct Investments in the period of January to November 2017, which is 20.1% higher compared to the same period of last year. In addition, the month of November last year recorded a growth of 16.9% in Foreign Direct Investments net inflows amounting to US 859 million dollars compared to the previous year.

Another good news – The country’s export of agri-based products increased from 3.987 billion dollars in 2016 to 4.225 billion in 2017 according to the Philippine Statistics Authority. Coconut products had the largest contribution. As one of the top farm product exports of the Philippines, coconut oil recorded a 35.59% of total receipts from agro-based shipments in 2017, while revenues from coconut oil exports amounted to 1.504 billion in 2017 compared from 1.51 billion in the previous year.

Another piece of good news – We welcome the forecast of ING, a global financial institution with strong European base on the Philippine GDP growth for 2018, stating that it is expected to grow at a rate of 6.7%. According to ING, this positive outlook can be attributed to household and government spending which is seen to sustain its growth for the year. ING particularly mentions the increase in public works construction activities as the government rolls out major infrastructure project. The Duterte administration continues to sustain the country’s growth through its Build, Build, Build program which will boost infrastructure investment and generate more jobs for all Filipinos.

Secretary Alan Peter Cayetano is back in the country. He will be meeting with the Kuwaiti Ambassador this afternoon, and that is why I did not issue my prepared statement yesterday. However, I was also tasked to inform the nation that the marching orders of the Secretary Cayetano is to ensure that Filipinos are protected in Kuwait, and Secretary Alan Cayetano was tasked to get a commitment from Kuwait on how it will protect Filipino nationals in Kuwait.

I’d like to remind Kuwait authorities of the standards by which aliens should be treated in their territory. And under international law, each country is bound to give to the nationals of another country in its territory the benefit of the same laws, the same administration, the same protection and the same redress for injury which gives its own citizens neither more or less provided the protection which the country gives to its own citizens conforms to the established standard of civilization.

And of course, there is also—let me restate, okay. The basis for state liability when it fails to protect aliens in its territory, and this is found in the Neer claim: “The propriety of government act should be put to the test of international standards the treatment of an alien in order to constitute at the international delinquency should amount to an outrage, bad faith, willful neglect of duty, or to insufficiency of governmental action so far short of international standards that every reasonable and impartial man would readily recognize its insufficiency.”

I know you would want a reaction on the condemnation of the Iraqi Foreign Minister. The Secretary of Foreign Affairs will react to that statement. He will hold a press conference in the DFA after his consultations with the Kuwait Ambassador.

Questions please…

MARICEL HALILI/TV5: Hi sir, good morning. But sir, how will this affect the diplomatic relations of the Philippines and Kuwait—diplomatic and trade relations, sir?

SEC. ROQUE: Well as I said, the Philippine President has expressed his concern for the manner by which Filipino nationals are being treated in Kuwait. I have restated the obligation of the Kuwaiti government and that is to treat Filipino nationals in the same manner as it treats its own nationals. And of course, in terms of when there will be a breach of its international obligation, it must amount to an outrage, bad faith or willful neglect of duty.

I’d like to think that the long term Philippine-Kuwaiti relations will not be affected. However, this consultation between the Secretary of Foreign Affairs and the Kuwaiti Ambassador as we all know is a very important consultation.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, what are our other options just in case na magkaroon ng problem when it comes to trade relations?

SEC. ROQUE: I would rather wait for the outcome of the bilateral meeting between the Secretary of Foreign Affairs and the Kuwaiti Ambassador.

LEILA SALAVERRIA/INQUIRER: Sir, you mentioned the basis for state liability. Are we contemplating any legal action or any action that will involve international organization with regards to Kuwait—

SEC. ROQUE: As I said, there will be consultations. I think the President’s message is very clear: he will not tolerate abuses to be committed against Filipino nationals.

As to whether or not we will actually resort to any action, everything is premature. Let’s wait for the bilateral consultations between Secretary Cayetano and the Kuwaiti Ambassador.

HENRY URI/DZRH: Secretary, anong assistance ang ipo-provide ng Malacañang sa pamilya nitong si Ms. Demafeliz pag—maliban lang ho doon sa assistance na maiuwi iyong bangkay, may ibibigay ba kayong kabuhayan assistance doon sa pamilya?

SEC. ROQUE: Mayroon po tayong standard na binibigay ang OWWA sa mga ganitong mga nakakalungkot na pangyayari, na namamatay sa ibang bansa ang ating mga kababayan. So mayroon pong panghanap-buhay, mayroon pong educational benefits para sa mga naiwan, at titingnan pa natin kung madadagdagan pa iyong standard na tulong na binibigay sa mga biktimang gaya ni—

HENRY URI/DZRH: What about special assistance coming from the President?

SEC. ROQUE: I will not foreclose that, bagama’t wala pa po akong impormasyon. Pero ang Presidente naman ay kung mayroong mabibigay, ibibigay po.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Sir, there were reports that the family of this Filipina were asking the assistance of the DFA or the Philippine government to look for this household worker, and yet, they did not receive like any sufficient assistance to locate nga itong Filipino. Will there be any action to be taken against those who are responsible na hindi nila ginawa iyong kanilang trabaho?

SEC. ROQUE: Let’s see if there’s a formal complaint, and of course if there’s a formal complaint, it will be investigate.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Kailangan ba ng formal complaint? Like for instance iyong motu propio na investigation doon sa mga officials ng embassy or sa DFA na in-ignore iyong—or hindi nila ginawa iyong trabaho nila.

SEC. ROQUE: Kinakailangan naman may mabigay sa atin ng reklamo ano, kasi kung wala namang reklamo, anong iimbestigahan natin? So let’s see kung anong reklamo nila, at pag-aaralan naman ‘yan. Dahil kung ang iniisip natin ay kaparusahan doon sa mga empleyado ng gobyerno, ay mayroon din namang due process. So malaman natin kung ano talaga ang reklamo nila.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi sir, good morning. Sir, dahil po sa mga nangyayaring ganito sa—mga nangyayari sa OFWs natin, magkakaroon po ba ng performance audit? Iuutos kaya ng Malacañang iyong performance audit ng mga embassy officials, employees or POLO sa ibang bansa? Para ho maiwasan maulit iyong mga ganitong pangyayari.

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po talaga alam kung ano na iyong nangyari dito sa naging biktima na Pilipinang kababayan natin na nakita sa freezer. Pero ang alam ko po, ang mandato ngayon ng DFA ay parang napakalaki na ng nabago, hindi lang po panglabas na relasyon ang kanilang inaatupag, ang number one na kanilang inaatupag ngayon ay iyong kapakanan ng ating mga OFW. Dahil sa katotohanan, na napakadami nating mga kababayan na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa. So nabago na po ang anyo ng DFA, hindi na po siya tradisyunal na panglabas na relasyon lamang, kung hindi talagang ang kanilang numero unong mandato ay manilbihan sa ating mga OFWs.

ROSE /HATAW: Pero iyong mga nakaraan po, hindi po ba natin sila singilin sa mga naging pagkakasala nila sa ating OFWs?

SEC. ROQUE: Well, dapat naman po case to cases basis, tingnan lang po natin kung ano iyong specific na reklamo at kinakailangan magkaroon ng due ng process naman iyong mga tao na pinagbibintangan na naging pabaya sa kanilang katungkulan.

ROSE/HATAW: Sir, kasi po sa performance audit, kailangan po bang may reklamo? Di ba po titingnan natin iyong performance evaluation kung ano po iyong halimbawang ano…

SEC. ROQUE: Alam n’yo po ang performance evaluation naman po talaga ay talagang meron pong routine evaluation na ginagawa sa lahat ng nanunungkulan sa gobyerno. Pero meron din pong evaluation ang Kamara dahil doon sa paggagawa ng kanilang pangtaunang budget. Noong ako po ay nasa Kongreso, iyan po ang aking na-crash na katungkulan na siguraduhin na ginagawa ng lahat ng binibigyan ng public funds ang kanilang mga trabaho. Pero ipaparating ko po iyong performance audit kay Secretary Alan Cayetano, nandito po sila nagpupulong po sila ngayon dito sa Malacañang.

ROSE/HATAW: Pati po kay Labor Secretary Silvestre Bello III at sa OWWA rin po, kasi may mga opisyal din sila doon.

SEC. ROQUE: Opo, ipararating ko po.

ROSE/HATAW: Para po maiwasan iyong mangyaring ganito.

SEC. ROQUE: Opo.

CEDRIC.GMA7: Good morning sir. Sir, in the event that the Philippine-Kuwaiti ties in fact, if it deteriorates, sir, what do we stand to lose maliban po doon sa job opportunities ng OFWs natin, sir?

SEC. ROQUE: I will not speculate, pero sa ngayon po, ang binitiwang salita ng ating Presidente, kapakanan muna ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa iba’t-ibang mga bansa.

GENALYN KABILING/MLA BULLETIN: Hello sir. Sir may we know the reason behind the appointment of INC leader Manalo as the President’s Special Envoy for OFW concerns and will he be part of efforts to address this OFW abuses in Kuwait and somehow improve ties with the Gulf state?

SEC. ROQUE: Ay salamat po sa katanungan na iyan. Unang-una po, may nagtanong na rin sa akin kahapon kung naba-violate ba raw ang separation of church and state, hindi po. Kasi ang separation of church and state dalawa po iyan: iyong kalayaan na magkaroon ng pananampalataya; at saka iyong kasiguraduhan na ang estado mismo ay hindi magi-endorso ng isang pananampalataya.

Ang pagtatalaga po kay Mr. Eduardo Manalo ay dahil meron po naman talagang network si Mr. Manalo, lalong-lalo na sa iba’t-ibang mga Pilipino na nagtatrabah0 sa iba’t-ibang mga bansa. Meron po silang 6 na milyon na kongresgasyon at matagal na po sila na gumagalaw sa hanay ng mga Overseas Filipino Workers.

So iyon po ang nais nating ma-tap, iyong network at iyong napatunayan nang kakayahan nila ng kanilang organisasyon na pangalagaan iyong kapakanan ng ating mga kababayan sa iba’t ibang mga bansa.

Iyon po ang dahilan kung bakit siya natalaga.

GENALYN/MB: Sir, kasama iyong sa OFW abuses sa Kuwait?

SEC. ROQUE: Wala naman pong distinction ‘no. Iyong sinabi kong 6,000 congregation, eh siyempre hindi naman pupuwedeng isama diyan iyong mga aktibidades nila sa Middle East dahil ipinagbabawal iyan, pero meron pong established network na sila at meron na silang mga proyekto na nakikinabang po ang ating mga OFWs. Iyong mga binibigay nilang serbisyo, hindi lang naman para a kanilang mga kasama sa kanilang pananampalataya kung hindi sa lahat ng mga Filipino.

CELERINA MONTE/MLA SHIMBUN: Sir, I am just wondering, meron bang special allotment or budget for a Special envoy like si Mr. Manalo and if so, how could we ensure na… the budget won’t be used like for…hmmm, doon sa kaniyang another work, which is iyong pagiging ministro niya?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po wala tayong budget sa special envoys, iyan po ang katotohanan. So kaya nga po, tayo po ang makikinabang sa kaniyang network at hindi naman po natin siya popondohan sa kaniyang trabaho.

Kumbaga ginagawa na nila iyon. Sa pagtatalaga sa kaniya eh siguro nire-recognize na rin natin iyong kanilang ginagawa na boluntaryo sa mga nakalipas na taon na at pinapaigting pa natin na sana mas maging malawak pa ang kanilang tulong na ibinibigay sa ating mga OFWs.

CELERINA/MLA SHIMBUN: So no honorarium also.

SEC. ROQUE: Wala po iyan, mga special envoy, wala po iyang budgetary allocation.

HENRY URI/DZRH: But how will you defend his appointment. Is it not a just political accommodation considering the fact na noong eleksiyon sinuportahan ng Iglesia ang Pangulo, so hindi po ba ito bayad-politikal?

SEC. ROQUE: Hindi po iyan bayad-political. Siguro po itong mga pangyayari ngayon na nagiging biktima ng pag-abuso ang ating mga OFWs ay naging udyok na matalaga itong si Mr. Manalo, dahil nga doon sa kaniyang – sinabi ko na kanina – malawak na network at iyong kanilang serbisyo na sa ating mga kababayan abroad.

HENRY/DZRH: Sa tingin po ninyo, may competency naman si Ginoong Manalo, dito po sa bagay na ito?

SEC. ROQUE: Siyempre po hindi naman sila itatalaga kung wala siyang napatunayan nang serbisyo doon sa ating mga kababayan na nakatira sa iba’t-ibang bansa.

HENRY/DZRH: Anong standing order o anong sinasabi ng—marching order ng Pangulo sa kaniya, para makatulong sa problema ng OFWs.

SEC. ROQUE: Siguro po ang naging marching order sa pagtatalaga sa kaniya sa panahon na nangyari nga itong mga pag-abuso sa ating mga kababayan sa Kuwait ay mas paigtingin pa ang paninilbihan ng ating mga OFWS.

HENRY/DZRH: Tinanggap na ho ng Kataas-taasang tagapamuno ng Iglesia itong appointment niya?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko po tinatanggap naman po ni Mr. Manalo ito.

ROSALIE COZ/UNTV: Hi sir, nabanggit n’yo po na udyok ng mga kababayan, particularly anong sector po?

SEC. ROQUE: Ano po, iyong question.

ROSALIE/UNTV: Iyong nabanggit n’yo po kanina na ang pagkakatalaga kay Mr. Manalo ay through udyok ng mga kababayan?

SEC. ROQUE: Hindi naman, iyong udyok ng mga pangyayari sa ating mga kababayan, kasi ilang araw pa lang, isang araw pa lang ang nakalipas mula noong nadiskubre natin na iyong Pilipina na nasa freezer ay natalaga po itong si Mr. Manalo. So, udyok ng mga pangyayari po!

Kumbaga there is the urgency to provide additional assistance to our OFWs and that urgency can be filled in through the appointment of Mr. Manalo.

MARICEL HALILI/TV5: Sir just a clarification about the budget for Manalo. Paano iyon, Sir, does it mean na wala silang sarili as special envoy?

SEC. ROQUE: Ang alam ko walang salary ang mga special envoys.

MARICEL/TV5: But how about, sir if there’s a need for him to travel especially na OFW concerns po iyong focus niya. So, where will he get the budget?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ang alam ko naman, pati iyong ibang mga special envoys, they spend, so it’s actually something that they spend on. They have a title, but kung hindi ako nagkakamali, they actually spend even on transportation. But I will verify if in this instance, kasi OFW concerns marami iyan, kung aasahan natin na lahat ng travels niya eh siya ang magbabayad o magbabayad din ang gobyerno. I will clarify that, because this is a special appointment for OFWs.

ROCKY: Follow up question from Lei Baguio: “Ano daw po ba ang masasabi n Palasyo sa iminumungkahi sa Kamara na bumuo ng task force ang pamahalaan para bantayan ang mga Pinay na pumupunta sa Kuwait, dahil posibleng samantalahin ito ng mga illegal recruiters?”

SEC. ROQUE: Well, nandiyan naman po iyong ating mga mekanismo laban sa human trafficking. Ang problema talaga is iyong pangangalaga doon sa ating mga kababayan na legal ang pag-alis, paano masisiguro na hindi nga sila magiging biktima ng mga karumal-dumal na pag-aabuso.

So ang sa akin talagang ang Presidente, ninanais na magkaroon ng sapat na trabaho para wala nang Pilipinong pupunta pa sa ibang bansa para magtrabaho lamang. Pero habang hindi pa natin nakakamit iyon.

Unang-una kinakailangan ay siguro itaguyod iyong pagtatrabaho ng mga kababayan natin doon sa mga bansa na kapartido sa mga kasunduan na nangangako na mangangalaga sa kapakanan ng mga migrant workers at hindi kasi kasama ang Kuwait dito sa bansang ito.

Pangalawa, eh magkaroon nga ng bilateral agreement kung hindi sila partido sa mga multilateral conventions na kikilalanin naman nila iyong mga karapatan ng mga migrant workers at sa ngayon nga ang pagkakaintindi ko, anim na taon na ay hindi pa lumalagda ang Kuwait sa isang bilateral agreement sa ating bansa.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Secretary, the President assured justice for the family of Demafeliz, will this involved seeking extradition of the Lebanese and Syrian employers?

SEC. ROQUE: We cannot exercise extraterritorial jurisdiction. We can only hope that pursuant to established international law standards that the Kuwaiti government will accord the victim the same rights enjoyed by its nationals, meaning they will conduct an investigation, a speedy and honest to goodness investigation. They will prosecute and punish the perpetrator for this act.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Sir, pinapatanong lang and concern ko na rin. Any update daw on inter-governmental committee looking into the comfort women statue and may reason ba daw ang Japan to get concerned about it? So mananatili ba doon iyong statue?

SEC. ROQUE: Ibabato ko na lang po sa inyo ang sagot ni Presidente doon sa interview niya sa Mindanao Times. It’s an issue of freedom of expression and the statue is not a project of the national government. He leaves it to the City government of Manila.

CELERINA/MANILA SHIMBUN: So as of now, walang move to remove that?

SEC. ROQUE: Iyan po ang kasagutan ni Presidente doon sa MindaNews interview.

DEXTER GANIBE/DZMM: Good morning, Sec. Sir, nakarating na ba sa kabatiran ng Pangulo iyong reports na kasama pati iyong utility clerk, make-up artists sa mga official trip ng Tourism Secretary?

SEC. ROQUE: Siguro po mas mabuting tanungin ninyo si Secretary Wanda Teo kasi hindi naman ako puwedeng magsalita on her behalf. She has her own Spokesperson. Please direct questions on this regard to Secretary Teo.

DEXTER/DZMM: Pero mayroon pong utos ang Pangulo sa lahat ng kaniyang mga Gabinete po na iwasan iyong mga sobrang dami ng mga biyahe na kung hindi naman kailangan. So papaano po iyong—

SEC. ROQUE: Well unang una, hindi pa natin alam kung hindi kailangan iyan kasi Secretary of Tourism iyon. Talagang trabaho niya na ibenta ang Pilipinas bilang isang travel destination. Pero kung ang isyu ay nagdala ng make-up artist, pakitanong po sa kaniya. I cannot answer for Secretary Teo because I have no authority to answer on her behalf.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: But Secretary, will there be at least an effort by Malacañang to verify whether this report is true?

SEC. ROQUE: Well if it’s been published, I’m sure the President will ask. It’s in his nature always to ask.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Do you see him, you know, asking the Secretary of Tourism about this report?

SEC. ROQUE: I don’t want to second guess the President but for now all I’m saying is as an issue of fact, please verify with Secretary Teo.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Iyong pagsasama noong mga maraming tao. Is it—do you think it’s consistent with the policy of the government again iyong sinabi niyang starvation (0verlapping voices)—

SEC. ROQUE: Mayroon naman pong established guidelines ang COA diyan. So basta sumunod ka sa established guidelines ng number of personnel na kasama mo at iyong legitimacy ng trip mo ay siguro naman po iyan ay allowable. At saka even under the guidelines set by the President, ang unang guideline is it must be related to your function. So maintindihan naman natin siguro kung bakit maraming biyahe abroad ang Secretary of Tourism because she has to sell the Philippines as a destination. Pero kung sino iyong mga kasama niya, mayroon din pong guidelines diyan at iyan po ay binubusisi din ng COA. So kung mayroon pong violation ng pertinent rules and regulations, ilalabas at ilalabas po iyan ng COA.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So definitely no one is exempt from this guideline including Secretary Teo?

SEC. ROQUE: No one is exempt. Because as government employees, we’re all subject to existing COA rules.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Thank you, Secretary.

LEILA SALAVERRIA/PDI: Good morning. Sir, on the Philippine Rise. Sir, when exactly did we raise our objection with China on their naming of the undersea features and may response na po ba?

SEC. ROQUE: Well we raised it; I was the one to raise it. I think I was the first on behalf of the entire government machinery to raise it. But the way I understood it is kailan lang din natin nalaman na China will actually insist on naming the underwater features. So nabalita rin natin iyan na una, nagsabi nga ang China na gusto nilang magpangalan tapos nagpangalan na nga sila.

Now lilinawin ko lang, bagama’t ang posisyon ng Presidente ay dahil walang kontrobersiya sa ating sovereign rights sa Benham Rise, at para sa Pilipino na ngayon ang Benham Rise. Iyong naming naman po, mayroon kasing proseso iyan na sinusunod pagdating sa UN system. Now basically ito po ay hindi political na proseso, ito po ay scientific na proseso, kung hindi po ako nagkakamali, kung sinong nakadiskubre, sila iyong nagbibigay ng pangalan.

Ganoon pa man, ang sinabi ng Pangulo ay wala akong pakialam kung ano iyan, basta ito ay na-award sa Pilipinas, kahit anong sabihin ng Tsina, maglalagay din tayo ng Pilipinong pangalan diyan. Kaya nga po iyong pangalan ng Philippine Rise ay Philippine Rise, ang Benham po mga Amerikano ang nagbigay niyan pati iyong pangalan na ibinigay ng Amerikano binale-wala na natin.

So kung babalewalain natin ang pangalan na ibinigay ng Tsino, we’re just being consistent kasi binalewala na rin natin iyong pangalan na ibinigay ng mga Amerikano sa Benham Rise, ginawa na natin Philippine Rise. Kung ano man ang tawagin ng mga Tsino doon sa underwater features na iyon babalewalain na rin natin.

LEILA SALAVERRIA/PDI: Sir you mentioned that the naming was a scientific process. So you don’t see any—we don’t see any bad faith in China’s action?

SEC. ROQUE: Wala naman po, kasi ang nangyari diyan hindi tayo miyembro noong body na iyon. Pero ngayon po ang alam ko sa DFA magno-nominate na tayo ng sarili nating eksperto sa body na iyon, hindi lang ako at authority to say kung sino ang ino-nominate natin pero siya po ay isang scientist. At ang nangyari po kasi, sang-ayon sa proseso hindi binibigyan ng notisiya (notice) iyong bansa na nagkakaroon ng naming. Pero gayun pa man, ang stand natin: bahala kayo kung anong ibigay ninyo diyan basta kami magtatalaga kami ng Filipino pangalan, gaya ng ginawa namin sa pagbalewala doon sa pangalan na ibinigay ng mga Amerikano diyan sa lugar na iyan, ngayon Philippine Rise na iyan.

LEILA SALAVERRIA/PDI: Sir how does this issue affect our relationship with China and our trust in China?

SEC. ROQUE: Well siguro naman po hindi sila maapektuhan dahil wala nga pong kontrobersiya sa Philippine Rise. Siguro po makakaapekto ito kung ang ganitong bagay ay nangyari doon sa lugar na mayroong ongoing dispute. Pero dahil malinaw na malinaw naman po ang Benham Rise is under our sovereign rights, we do not see any basis for China to be alarmed with our position that we will insist on naming rights.

DEXTER GANIBE/DZMM: Follow up lang po, Sec., doon sa Philippine Rise. Mayroon bang effort ang pamahalaan para kilalanin sa ano mang international body iyong pangalan na Philippine Rise? Dahil ang China ay dumulog sila sa isang international body para ibigay iyong pagpapangalan doon sa limang feature sa Benham Rise. Kasi kung tayo-tayo lang, baka mamaya hindi kikilalanin ng ibang bansa na walang international body na kumikilala na ito ay Philippine Rise.

SEC. ROQUE: Ang sagot ko ho diyan, dahil mayroon tayong sovereign rights, mayroon tayong kapangyarihang magbigay ng pangalan. Kaya nga po uulitin ko, hindi lang naman, huwag magagalit ang Tsina sa atin dahil hindi lang naman mga pangalan ng Tsino ang pinalitan natin, iyong pangalan ng Amerikano pinalitan din natin. Sang-ayon po iyan doon sa tinatawag na independent foreign policy ng ating Pangulo.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Secretary, if I’m not mistaken. China already promised that they will recognize the Philippines’ ownership—

SEC. ROQUE: They have said so. It’s not ownership, its sovereign rights.

ACE/PHIL.STAR: Okay sovereign rights but then they are naming the features—

SEC. ROQUE: Hiwalay naman po kasi iyan.

ACE/PHIL. STAR: Hiwalay ba iyon?

SEC. ROQUE: Hiwalay yan.

ACE/PHIL. STAR: Hindi iyan inconsistent?

SEC. ROQUE: Hindi naman inconsistent iyan. Mayroon talagang proseso na sinusunod ang International community and we’re not attributing any bad faith to China but we’re just saying respect us too, that we will give Philippines names to them.

ACE/PHIL. STAR: Okay, thank you Secretary.

VIVIENNE GULLA/ABS-CBN: Sir I just would like to follow up on the question on the response to your protest or to the Philippine government’s po—

SEC. ROQUE: It’s an objection, it’s not a protest.

VIVIENNE/ABS-CBN: Or objection, what was the response to that and an expert is saying that it may be too late for our protest because the process has already been completed?

SEC. ROQUE: It’s not a protest, it’s an objection.

VIVIENNE/ABS-CBN: Objection.

SEC. ROQUE: And as far as I am concerned, we will recognize the Philippine name in the Republic of the Philippines.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir just to be clear sir, iyong naming nila doon sa features, giving it na—giving them the Chinese name. It does not entail sovereign rights to China?

SEC. ROQUE: Hindi po. Ang sovereign rights – exclusive rights to explore and exploit, conducts scientific research, lay submarine cables and build artificial islands, including the right to overfly.

CEDRIC/GMA7: So it’s basically sir tagging lang for their reference?

SEC. ROQUE: Well it’s a scientific process which we hope China will understand. We will not recognize for purposes of our domestic affairs.

CEDRIC/GMA7: Kailan po tayo sir maglalabas noong own names natin doon sa features may—

SEC. ROQUE: Kanina nga sa pagpupulong ang suggestion mga pangalan na lang namin ang gamitin. Gusto ko iyan, Island ng Herminio, submerge feature na Herminio. Kaya lang kaiinggitan na naman ako.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Sir follow up doon kay Leila na—iyong answer ninyo kay Leila. You have mentioned that China should not be alarmed about our action. So on her part naman, should we be alarmed with what is China doing right now?

SEC. ROQUE: Hindi rin po. Kasi nga po kinikilala ng China na wala silang kahit na anong karapatan doon sa Benham Rise at kinikilala nila ang sovereign rights natin sa Benham Rise.

ROSALIE COZ/UNTV: Hi sir. Bukod po sa usapin ng pangalan doon po sa Philippine Rise at sa mga features nito. Ano po ang stand ng Malacañang doon sa matagal na pong proposal na i-declare ng Pangulo as ‘no take zone’ iyong Benham Bank, iyong shallowest part po ng Philippine Rise? And bukod po diyan mayroon na raw pong budget ang Office of the President na 100 million to develop the Philippine Rise. Ano na po ang update?

SEC. ROQUE: Iyon nga po inanunsiyo ng Pilipino—ng Presidente na tanging Pilipino lang ngayon ang mangangalap ng tanging yaman diyan, tanging Pilipino lang ang magka-conduct ng scientific research diyan. Mayroon pong pondo, gagamitin iyon ng mga Pilipino mga siyensiya at gagamitin po iyan ng mga Pilipino para mangalap ng tanging yaman diyan sa Philippine Rise.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Secretary for info lang. Bakit po pinangangalanan ng isang bansa iyong mga features na ganoon?

SEC. ROQUE: It’s a scientific process kasi na—mayroon kasing mga specialized test diyan to determine the existence of this underwater features and parang kapag ikaw ay nakadiskubre ng isang insekto, puwedeng ikaw ang magbigay ng pangalan. Pero iyon lang po, may proseso lang talaga iyong international scientific community kung sino ang magbibigay ng pangalan, pero naintindihan naman po ng mga kaibigan nating Tsino kung sa Pilipinas hindi natin gagamitin iyong kanilang pangalan.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: So linawin lang. Hindi necessarily kapag pinangalanan mo ito hindi mo iyon inaangkin—

SEC. ROQUE: Hindi, hindi po. Wala pong ganoon po.

ACE ROMERO/PHIL. STAR: Okay, thank you, Sec.

SEC. ROQUE: Hindi po inaangkin kapag nagbigay ng pangalan. Gayun pa man, maintindihan ng mga kaibigan nating Tsino kung tayo ay magbibigay ng sarili nating pangalan.

CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir iyong Office of the Ombudsman, tinigil na nila iyong investigation doon sa case na fi-nile (file) ni Senator Trillanes. Ano pong sinabi ng Presidente? Was he informed about it, and what were the reasons why the Ombudsman opted to terminate their investigation?

SEC. ROQUE: Alam mo, iyon nga po ang medyo masama ang loob ng Palasyo. Na-terminate na pala iyong imbestigasyon because of lack of evidence, bakit hindi inanunsiyo? Para bagang maski tapos na iyong imbestigasyon at nabasura na, bakit hindi in-announce ng Ombudsman nang hindi na paulit-ulit si Senator Trillanes. Kasi nangyari ngayon, lumang tugtugin, binubuhay na naman ni Senator Trillanes… tapos nalaman na lang natin na tinerminate (terminate) na pala ng Ombudsman ang kaniyang investigation tungkol dito.

Dapat naman iyon inanunsiyo ng Ombudsman na due to lack of evidence, terminated ang imbestigasyon nang matigil na iyong kontrobersiya sa ‘di umano ay tagong yaman ng Presidente. Pati pala po Ombudsman na alam natin na malayo sa pagiging kaibigan ng Presidente ay binasura na ‘yang imbestigasyon niya sa ill-gotten wealth ni Presidente, so wala na po dapat issue ‘yan.

CHONA YU/RADYO INQUIRER: Ano pong sinabi ni Presidente, sir?

SEC. ROQUE: Well, nagtataka nga po bakit hindi inanunsiyo eh. Parang ayaw mamatay iyong issue ni Senator Trillanes. Pero ngayon po na lumabas naman ‘yan, malinaw na po sa buong Pilipinas – binasura na po pati ng Ombudsman ‘yang imbestigasyon diyan sa ‘di umano’y tagong yaman ni Presidente Duterte.

CHONA YU/RADYO INQUIRER: Sir, iyong suspension ni Deputy Ombudsman Carandang has nothing to do with it, iyong termination?

SEC. ROQUE: Wala po. Wala…

CHONA YU/RADYO INQUIRER: Still on Ombudsman—

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Tanungin ninyo si Ombudsman, oo!

HENRY URI/DZRH: If Senator Trillanes is watching right now, what do you wanna tell him?

SEC. ROQUE: Well Senator, pati po Ombudsman na hindi namin kakampi ay binasura na ‘yang paratang na may tagong yaman ang Presidente. Hayaan na po natin ‘yang issue na ‘yan, humanap naman tayo ng bagong issue.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, ano ho iyong reaksiyon ng Palasyo sa parang demolition campaign na nilulunsad ni Senator Trillanes sa Amerika laban kay Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Eh karapatan niya ‘yan ‘no. Ang karapatan naman ng malayang pananalita ay ginagalang sa buong daigdig. Pero sa ating mga botante, huwag sanang makalimutan na may isang Pilipino na nagkakalat ng hindi naman katotohanan sa iba’t ibang parte ng daigdig para masira lang ang ating Presidente.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Wala hong ano iyon—as a Senator, wala bang ano iyon… may violation ba siya or…?

SEC. ROQUE: Well, iniiwan ko na po sa taumbayan kung mayroong magrereklamo diyan. Pero ang Presidente, sanay na sanay naman siya sa pula. Napakatagal niya sa pulitika. Sabi nga niya noong Mayor siya, hindi na siya nawalan ng pula ‘no dahil hindi naman siya nawalan ng kaaway.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Sir while the Senate is a separate body, will you urge Senate na not to continue with its own investigation also on the alleged ill-gotten wealth of the President considering this resolution filed before?

SEC. ROQUE: Well, bahala po ang Senado diyan, hindi talaga nanghihimasok ang Presidente diyan, nakikita ninyo naman ‘yan. Pero kung magtutuloy pa rin ang Senado, bagama’t binasura na nga ng Ombudsman ‘yan, hindi ko na po alam kung ano pang ebidensiyang hahanaping nila. Eh iyong Ombudsman na mayroon nang kakayahan para magbukas ng mga bank accounts, sinabi lack of evidence – eh paano pa sila magpapatuloy?

Eh kung maalala ninyo iyong impeachment case ni dating Chief Justice Corona, ang nagbukas ng mga bank accounts, Ombudsman. So kung gugustuhin ng Ombudsman, puwede rin iyon. Pero, tinerminate (terminate) na ang imbestigasyon, so ano pa ang gusto ninyong mahanap diyan?

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: So sir kung ipagpapatuloy, it would be just a waste of resources and time?

SEC. ROQUE: Ay, iniiwan na po namin ‘yan sa diskresyon ng mga Senador. Pero, ito po ay mabuting balita na ang Ombudsman mismo, sinarado na ang kaniyang imbestigasyon dito sa isyung ito.

CELERINA MONTE/MANILA SHIMBUN: Sir sorry, na-effect na ba iyong suspension kay Mr. Carandang?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam when he actually received it. So hindi ko po alam, but I will check that. As far as we’re concerned, it is effective upon receipt because it is immediately executory.

DEXTER GANIBE/DZMM: Sir, sa lighter side lang. Mayroon ba tayong balita, saan nag-Valentines ang Pangulo kahapon?

SEC. ROQUE: Sa Davao po.

DEXTER GANIBE/DZMM: Any other details?

SEC. ROQUE: Naku, kayo naman… Palibhasa namigay ako dito eh, gusto pati iyon tanungin ko (laughs). Sa Davao po siya. Sa Davao lang po

DEXTER GANIBE/DZMM: Kasi last year, may ni-release na photo together with their family sa isang rest house. Ngayon…

SEC. ROQUE: Wala po ‘atang ganoon na-release today, this year, oo. Pero alam ko po, sa Davao siya nag-Valentines.

HENRY URI/DZRH: Sir, update lang sa ASEAN-Australia Summit. Dadalo ho ba ang Pangulo? Pupunta ba siya sa—

SEC. ROQUE: Wala pa pong desisyon ‘yan. Pero alam ninyo, talagang kinakailangan mayroong ‘urgent’… urgent reason for the President to go!

BERNADETTE/BUSINESS MIRROR: Hi sir, Bernadette po from Business Mirror. Tanong ko lang po iyong sa consultative committee meeting po ni Duterte with the—iyong sa Constitution po. What happened po there, sir? Did the President give any marching orders po?

SEC. ROQUE: To tell you the truth, I was not there. So… but I will ask. Sorry, I intended to be there but l was held up in another interview.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir sabi po ng Department of Tourism, mayroon daw dalawa pang locations na puwedeng possibly be ordered closed if proper sewage disposal system is not observed in the resorts, particularly sir sa Siargao Island and sa Coron sir. May we get your reaction on this, sir?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo, I should have actually reported on what the President said on Boracay, because this was discussed in the last Cabinet meeting. What the President announced in that Cabinet meeting was he was giving Secretary Cimatu 6 months to give a final recommendation on the possible solution to avoid the further deterioration of Boracay. He did mention that Boracay was very dirty, and that he was putting the blame on local government officials, because it is the local government officials that implement relevant laws and regulations on the protection of the environment.

So nauhanan po tayo ng Presidente, at ang kaniyang naging deklarasyon ay mas malakas. So anyway, I should have announced that. I think I intended to announce it on either Tuesday or Thursday of last week ‘no, and I was coordinating with Secretary Teo ‘no, but naunahan na kami ng Presidente ‘no. But I have not heard about these 2 additional islands, but I think what the President said regarding Boracay is equally applicable to all other islands. It is a wakeup call to all local government officials to do your job to protect the environment in all our tourist destinations.

Ang motibo naman ng Presidente hindi lang para sirain ang imahe, kung hindi pangalagaan iyong mga tourist destinations natin para sa susunod na mga henerasyon. Siguro naman pong ganiyang katindi ang panawagan ni Presidente ay gagalaw na ang lahat ng taga-Boracay para pangalagaan ang Boracay – dahil ang Boracay naman, hindi lang para sa henerasyon na ito, para sa mga darating na henerasyon pa.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Hi, sir. Sir was the Kuwaiti Ambassador summoned, or just a regular meeting or scheduled meeting between the Secretary of Foreign Affairs?

SEC. ROQUE: I understand, they will just meet, there was no mention of a summon.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir I understand, iyong meeting nina Secretary Cayetano and Ambassador ng Kuwaiti, medyo hiwalay, kasi ang kinokondena ni foreign affairs ng Kuwaiti ay iyong statements of the President, iyon ang kinokondena. So being the Spokesperson of the President, what can you say to the condemnation of the Kuwaiti Foreign Minister to the statements of your principal?

SEC. ROQUE: Well, hindi po pupuwedeng tanggalin sa ating Presidente ang panawagan na dapat protektahan ang katauhan, ang karapatang mabuhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang mga daigdig. Paulit-ulit ninyo pong kondenahin ang ating Presidente, pero katungkulan po ng Presidente na bigyan ng proteksiyon ang mga mamamayang Pilipino kahit man nasaan sila.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Any stand by to the statements of the President on how he described the maltreatment and abuses of Pinay domestic helpers by their employers?

SEC. ROQUE: Of course, we stand by what the President said.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: And last, sir. Will the President watch the attendance of SAP Bong Go on to the Senate hearing on Monday, on the frigate deal?

SEC. ROQUE: I would think so. He would be very curious as to what will happen to that hearing. I’m sure it will be televised. I will be there in the Senate.

So for Monday, we may have a later briefing or we may have to cancel for Tuesday. But I will also be joining SAP Go in the Senate on Monday.

ROCKY IGNACIO/PTV: Okay. Thank you Malacañang Press Corps. Thank you, Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Thank you.

###


Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource