Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location Eduardo Cojuangco National Vocational High School Paniqui, Tarlac

 

MODERATOR: Good afternoon once again, I am Trixie Manalili of the Philippine Information Agency III, and I will be your moderator for today. So before we proceed to the question proper, may we hear the opening statement of our panelist, Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Good afternoon Philippines, and good afternoon from Eduardo Cojuangco National Vocational High School here in Paniqui, Tarlac. And I would like to thank the Principal of this National Vocational High School for allowing us use of the premises for our press conference.

And I’d also like to thank Executive Director Vitriolo for facilitating an earlier symposium held in Tarlac State University in Tarlac City where we discussed among others the free tuition for state colleges and university, the West Philippine Sea issue, corruption as an agenda of the President, as well as federalism.

I would like also to greet the PDP-Laban led by Atty. Oca and his wife Charo. We also had a federalism forum here in Paniqui before we proceeded to the venue for this press conference.

Now before I take your questions, a couple of good news – We are pleased to announce that the Department of Transportation signed yesterday, March 1, the records of discussion of the establishment of the Philippine Railway Institute with the Japan International Cooperation Agency. Designed to be a certification and licensing body, the creation of PRI will assure the public of the qualifications and service-oriented mindset of the individuals operating and maintaining our railway systems.

In addition, the DOTr signed the Partnership Memorandum of Agreement with the first batch of partner academic institutions including MAPUA University, National University, Polytechnic University of the Philippines, Technological Institute of the Philippines and the University of Sto. Tomas. This ensures that the cooperation between government and universities through technical, human and knowledge resources needed in order to design, build and operate and maintain the massive railways pipeline under the Duterte administration’s Build, Build, Build Program. The DOTr noted that by 2022, we would have about 1,900 kilometers of additional railway system which would be finished by then.

More good news – The Department of Public Works and Highways is right on track in the construction of the Clark-Bamban-Capas Access Road which is expected to be completed by September 2018. Furthermore, the DPWH is targeting another project – the New Clark City-McArthur Access Road and Bridges which will be completed in May of 2029. Of course, these are located here in Central Luzon.

Now, we are also pleased to announce that the Department of Trade and Industry has launched its 11th Negosyo Center in Tarlac, in the Municipality of Pura last 28 February 2018. The facility is the 66th Negosyo Center in Central Luzon and 799th nationwide. Specifically, the Negosyo Center in Pura Town will be providing services such as general business advisory, capability development and business information and advocacy. It empowers and supports our micro, small and medium enterprises and contributes to the economic growth, not only locally but also on a national scale.

This being Women’s Month, and addressing yesterday concerns raised by a female Malacañang reporter on certain language which some women’s group found offensive, let me state, again, let us not take the words of the President literally; but of course, we should take the President’s word seriously.

The President has been serious in advancing the lot of Filipino women in this country, as we celebrate Women’s Month and we wish to reiterate what the President has done in this regard. The President was Mayor for almost 30 years in Davao City, and Davao City is in fact noted ‘no for its pro-feminist policies. When he was City Mayor of Davao City, [he] implemented the local version of the Reproductive Health Bill even before it was legislated nationally. Davao City likewise established the Reproductive Health and Wellness Center that has been providing accessible alternatives for family planning to clients mostly indigents among others.

When he became President, President Duterte signed EO No. 12 to attain and sustain zero unmet need for modern family planning through the strict implementation of the Responsible Parenthood and Reproductive Health Act. The President even banned the deployment of Overseas Filipino Workers in Kuwait to protect our kababayans, most of whom are women who are prone to abuse.

The Davao City’s City Council also passed into ordinance the Women’s Code of 1997, which the President supported paving the way for the massive campaign against gender bias in government offices. Davao City created Council’s for Women from the barangay level, tasked to monitor and report cases of violence against women and children in 182 villages in the city.

Davao City under then Mayor Duterte, also established a Women and Children Protection Unit at the Southern Philippine Medical Center to provide psychological intervention for women and children. Davao City’s Public Safety Command Center put a dedicated 24/7 desk to receive and act on reports of domestic violence through its 911 hotline.

The President does not promote violence against women. Our people, especially the residents of Metro Manila, now feel safe in their place because of the campaign against illegal drugs. Rape per the Philippine National Police figures has gone down by 13.53% to 8,114 in 2017 compared to 9,384 incidents in 2016.

Also many reporters have asked me and our comment showing that according to an SWS survey, most Filipino trusts the US and Japan and they have—and China has neutral trust rating according to the survey. Of course this does not come as a surprise, the Americans and the Japanese have been our traditional allies. It’s only proper that our people have trusted them because of our long and established relationship. We note however that the trust rating of our people towards China is neutral, it is because we have only started our very close relationship with the People’s Republic of China under the administration of President Duterte. That’s actually very good already that the Filipinos had a neutral trust rating for China.

Now questions? The local media first and then we will read the questions from Manila.

AIDA ROMERO DULAY/MUEWS RADIO TARLAC: Yes, good afternoon, Secretary Harry Roque, our Presidential Spokesperson and Presidential Adviser on Human Rights.

So iyon pong human rights na iyon, kanina po na-tackle ninyo na in your speech iyong… about universal, free medicines sa mga—

So kapag sinabi natin… so sabi ninyo lahat-lahat. Ang ano po, sa ngayon ang libre na gamot na tinatawag ay para lang sa mga indigent at kailangan pa, hindi ka nila yata bibigyan – although nabasa ko iyan sa requirement – you need to get a letter of indigency sa barangay captain plus pagdating doon mayroon silang donation na ibibigay. Pagkatapos mangangailangan po ng ID – Comelec ID and then pupunta pa… magpapapirma pa yata doon sa health officer tapos pupunta doon sa barangay kung saan nakalagay iyong clinic iyong health center clinic.

So sa sinabi ninyo po kanina, hindi na ho ba dadaan sa mga ganoong proseso specially itong mahihirap nating mga kababayan?

SEC. ROQUE: Ang tanong po natin kasama sa media ay tungkol po doon sa panukalang batas na ako po ang principal author—

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Yes kayo po.

SEC. ROQUE: At ito naman po ay identified also as a priority legislation by the President and by the leadership of both Houses. Sinigurado ko po na naipasa ko na ito sa Mababang Kapulungan bago po ako tumanggap doon sa pagiging Spokesperson ng Malacañang.

So unang una po, ang bill pong iyan ay Universal Health Care, ibig sabihin ito po ay magtataguyod ng karapatan ng kalusugan. Ang pagtatanggap ng benepisyo ay hindi nakadepende kung ikaw ay nagbabayad ng premiums o kung ikaw ay member ng PhilHealth. Tatanggap ka ng benepisyo dahil ikaw ay Filipino at obligasyon ng estado na gawin ang lahat ng hakbang para tayo po ay magkaroon ng mabuting kalusugan. Ang pagkakaiba po ng PhilHealth dito sa Universal Health Care, bubuwagin po natin ang PhilHealth, bubuo tayo ng bagong opisina, ang pangalan – Philippine Health Security Office. Ang pagkakaiba po niyan, unang una, hindi po ito insurance company kagaya ng PhilHealth dahil ang gagastos po tayo, iyong mga kayang magbayad ng premiums babayaran pa rin pero ang kakulangan po gagastusan talaga ng taong bayan iyan.

Pangalawa, ngayon po 52 pesos for every one hundred pesos na ginagastos natin sa.. pagtayo ay magkakasakit, ay ginagastos ng mga taong bayan, mga bente pesos lang ang ginagastos ng PhilHealth. Babaliktarin po natin iyan. Ang karamihan po ay gagastusan na ng gobyerno at kaunti na lang ang ibabayad ng ating taong bayan.

So ang tanong ninyo po ay mahirap ang proseso—

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Mga proseso, yes—

SEC. ROQUE: Ang magiging proseso pong ganito, susubukan natin na ibigay iyong ilang mga gamot na libre at mayroon naman talagang mga batas na kagaya ng free dialysis law, magpapatuloy po iyan. Pero pabababain po natin ang halaga ng gamot sa pamamagitan ng single purchase. Noong ako po ay nagpunta ng Russia kasama ng ating Pangulo ay diabetic ako, naiwan ko iyong aking insulin, bumili ako sa Russia. Nagulat ako na kaparehong-kapareho ng gamot ko, kaya lang Russian iyong sulat, ay ang halaga sa Pilipinas 3,000, ang halaga sa Russia 300.

Noong tinanong po namin bakit ganoon ay dahil nga doon sa universal health care nila, gobyerno ang bumibili ng lahat ng gamot kaya napapababa nila ang presyo. So umaasa po kami na kapag—dahil ang Philippine Health Security Corporation ay magiging sole purchaser, hindi lang ng gamot kung hindi mga serbisyong medical ay umaasa po kami na mapapababa ang presyo at mapapadali na ang distribution. Na dito po sa panukalang batas na ito, kung ikaw ay may sakit, ang una mong pupuntahan community nurse—

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Yes.

SEC. ROQUE: Tapos iyong community nurse ang magre-recommend kung kinakailangan na pumunta ka sa family physician, kung kailangan mo pa talaga ng doctor. Iyong family physician ang siyang magsasabi kung kinakailangan mong pumunta ng ospital o kung kinakailangang pumunta ng espesyalista.

So iyong kahirapan po ngayon ng pagbibigay ng gamot, magkakaroon na po tayo ng mga health centers na sila na mismo ang magbibigay ng gamot at mabilisan po iyon dahil kung hindi na kinakailangan ng doktor iyong community health worker na lang ang magbibigay at kung kinakailangan mag-refer po doon sa primary physician ay magkakaroon na rin po tayo ng mga drug stores kung saan either libre or mababa ang halaga ng gamot ang pagbibilhan.

Hindi na po kagaya niyan, kasi ngayon po iyong pagkuha ng libreng gamot parang benepisyo, hindi manner of right. So babaguhin po natin ang pag-iisip natin, ang kalusugan hindi negosyo; ang pagtataguyod ng mabuting kalusugan, obligasyon ng estado; ang karapatan ng kalusugan at na magkaroon ng accessible na gamot, karapatang pantao.

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Okay po. So iyong mga prosesong iyon hindi na kailangan sundin o siguro—

SEC. ROQUE: Mababago na po iyan.

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Mababago na—

SEC. ROQUE: Dahil Philippine Health Security Corporation na at magkakaroon talaga tayo ng emphasis sa primary health care, iyong pagbibigay po ng mga maintenance medicine para maiwasan na iyong mga mamahaling paggagamot kapag sumiryoso na ang sakit.

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: So libre?

SEC. ROQUE: Well magkakaroon po tayo ng Philippine Technical Assessment Committee na magsasabi kung ano iyong mga libreng mga serbisyo.

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Ah so hindi pala lahat—

SEC. ROQUE: Hindi pa lahat-lahat ang initially. Pero ang masisigurado po natin iyong primary health care, iyong health promotion at saka iyong mga service na nire-render hanggang district hospital ninanais po natin lahat iyan libre.

AIDA/MUEWS RADIO TARLAC: Okay salamat po. Aida Romero Dulay po, anchor po ako ng Direct to the Point, program host din po ako. At mayroon din po akong diyaryo, the Medium Publication, publisher ang editor in chief. Good afternoon po sa inyong lahat. Marami pong salamat sir.

SEC. ROQUE: Thank you, Ma’am Dulay. Thank you.

Q: Madel Calayan po. Good afternoon from PDI. Lantaran daw na nilalabag ni Duterte ang Constitution at Magna Carta for Women sa kaniyang mga biro tungkol sa mga kababaihan. Kung ang mga katulad ni De Lima, Morales at Sereno ay nakararanas ng hindi patas sa trato, paano na lamang po iyong mga ordinaryong mga kababaihan?

SEC. ROQUE: Unang una po, hindi po totoo na nakakadanas sila ng hindi patas na trato. Si Leila De Lima po ay siya po ngayon ay hindi pa naman siya declared guilty so mayroon pa siyang presumption of innocence pero kinakailangang dumaan siya sa proseso at dahil siya ay nasasakdal sa isang kaso na capital offense ay pagdedesisyunan po ng Korte kung siya ay bibigyan ng bail o hindi. So hindi—wala pong masamang nangyayari kay Leila De Lima. Kung mayroon pong depekto ang ating Criminal Justice System ay kasalanan din po iyan ni Leila De Lima, anim na taon siyang naging Secretary of Justice, tatlong taon siyang naging Chairman ng Commission on Human Rights, wala siyang ginawa para ayusin ang ating Criminal Justice. Ngayon po kung siya ay nahihirapan sa Criminal Justice System sisihin niya po ang sarili niya.

Pagdating naman po kay Melo Sereno, ang Chief Justice, hindi ko po alam bakit ninyo sinasabi na hindi patas ang trato sa kaniya. Wala pong ginagawa ang Pangulo kay Chief Justice Sereno; iyong 13 na kasama po niya sa Supreme Court ang nagsabi, kinakailangan kang mag-indefinite leave. Wala pong kinalaman po diyan ang Malacañang at iyong mga testimonya at ebidensiya laban sa kaniya, ibinibigay po ng sarili niyang kasama sa Kataas-Taasang Hukuman, wala pong kinalaman ang Presidente. So hindi ko po maintindihan bakit ang tanong ng taga Philippine Daily Inquirer ay hindi patas ang trato kay Chief Justice Sereno at kay Leila De Lima.

MODERATOR: And before we proceed to our next question. I have here a question from Malacañang Press Corp., from Ina: “Women’s groups celebrating women’s month are criticizing PRRD’s recent remarks versus women. What does the Palace have to say about their statement saying the President’s remarks and policies aggravate violence versus women from rape jokes to shooting vaginas to his criticisms on women show his misogynous character is vent to control and punish women who challenge male dominance?”

SEC. ROQUE: Naku! Nasagot ko na po iyan kanina, ano. Palabiro po ang bibig ng ating Presidente, pero kinakailangan po husgahan siya kung ako talaga ang ginawa niya bilang Mayor ng Davao City. At kanina po inisa-isa ko na iyong mga innovations na ginawa ng ating Presidente noong panahon na siya pa ay Mayor ng Davao City.

Ang Davao City po is a trail blazer in upholding the rights of women, so there is a distinction between his language and his policies. Pagdating po sa polisiya niya bilang Mayor ay recognized po ang Davao as one of the friendliest cities to women.

HOMER TEODORO/NEWS STRINGER OF GMA: Sec. tuloy na tuloy po ba for the record ang ating barangay election?

SEC. ROQUE: Well, iyan po ay desisyon ng Kongreso. Pero kahapon po nagsalita na ang Presidente na he prefers na ituloy ang eleksiyon. Ang problema po diyan hindi masasagot ng Presidente iyan dahil Kongreso po ang magdedesisyon, kung magpapasa sila ng panibagong batas na magpo-postpone na naman ng eleksiyon. Pero nagsalita na po kahapon sa Davao si Presidente, he prefers na ituloy na iyan.

Pero nakasalalay pa rin po iyan sa kamay ng Kongreso at hindi naman po tayo nanghihimasok.

HOMER TEODORO/NEWS STRINGER OF GMA: Okay dito po kasi sa Tarlac, iyong mga LGU natin dito, local executives nangangamba sila sa ginagawa ng PDP-Laban na sila daw po ay nagbabara-barangay, naglalakad at sinasabing sila na daw po ang appointed.

SEC. ROQUE: Wala pong appointed na mga barangay captains, narinig ko rin po sa isang pagpupulong ng mga Liga ng mga Barangay ng Leyte, si Senate President Pimentel, ang sabi po niya, parang walang suporta ang pagpo-postpone ng eleksiyon sa Senado. So bagama’t meron pong mga panukalang batas na nakabinbin sa Kamara, eh hindi pa po siguradong mapo-postpone iyan, dahil ang sabi nga ni Senate President, mukhang walang suporta ang further postponement. Ang Presidente nagsalita, mas gugustuhin niyang matuloy, pero hinahayaan po namin iyan sa Kongreso.

HOMER TEODORO/NEWS STRINGER OF GMA: So, wala pong mga tinatawag na mga appointed?

SEC. ROQUE: Wala pong appointed, kailangan po ng batas para diyan at nung ako naman ay Kongresista. Eh bumoto ako sa dalawang pagkakataon na i-postpone ang eleksiyon, wala naman pong mungkahi na i-appoint iyan. So ngayon po wala pong ganiyan.

HOMER TEODORO/NEWS STRINGER OF GMA: Okay, so wala pong dapat ikabahala ang mga local executives.

SEC. ROQUE: Eh, bakit naman po sila mababahala ano, dahil kinakailangan ng batas para maging appointive po ang mga barangay officials.

HAROLD/PHILIPPINE WATCHMAN: My question is regarding Federalism. Gaano po magiging effective sa ating bansa iyong ganitong presidential form of government po, iyong regarding sa effectiveness po.

SEC. ROQUE: Well, ang Presidente po naniniwala na kinakailangan talagang magkaroon ng federalism, dahil hindi po uunlad kung lahat po ng kayamanan ng bayan ay nasa kamay lamang ng Metro Manila. Kinakailangan po talaga eh, bigyan natin ng just share iyong ating mga probinsya at ito nga—at saka bigyan din natin ng pagkakataon na iyong mga local na pamahalaan ang magpatupad ng mga proyekto ng gobyerno dahil sila naman po mas nakakaalam kung ano ang kailangan ng kanilang mga kababayan at pangalawa po, nandoon na po sila, so para mas mabilis nila na mai-implement ang mga proyekto ng gobyerno.

Pero ang tanong ninyo, iyong sa Presidente, ‘no. Kasi ang Presidente gusto rin talaga, ang Presidente ay halal, eh under a federalist form of government, may ilang bagay naman talaga na maiiwan sa federal government: Iyong foreign policy; iyong national defense; iyong fiscal policy; iyong Central Bank. So lahat po iyan, naniniwala ang Presidente na mas mabuti na magkaroon ng malakas na Presidente na halal ng taumbayan, kaysa isang Prime minister na halal lamang ng mga miyembro ng Kongreso.

HAROLD/PHILIPPINE WATCHMAN: Sir, follow up question. Ilang percent po sa palagay ninyo mapapatupad itong ganitong klase ng presidential form of government?

SEC. ROQUE: Well, nasa taumbayan po iyan. Iyan po ang minungkahi na ng consultative committee, constitutional commission ‘no. Well consultative committee for Charter Change. At iyan naman po ay tugma doon sa binanggit ng Presidente na gusto niya, parang France na meron pa ring malakas na Presidente.

HAROLD/PHILIPPINE WATCHMAN: So, sir last question. So, what would be the executive power could be exercised by the President under this proposed form of government?

SEC. ROQUE: Well, iyon nga po, foreign policy, national defense, fiscal policy, foreign relations and of course iyong general supervision ang control over local officials. At nandiyan na rin iyong tinatawag na residual powers. Any power not allocated to any branch of government should be exercised by the executive.

MODERATOR: Secretary we have another question from the MPC, from Dexter: Sabi ni PRRD kagabi, “I’d like to announce, ulitin ko, ina-announce ko na iyan noon, na back up ko kayo. Ang pagdating ng human rights o sinumang Rapporteur diyan, ang order ko sa inyo, do not answer, do not bother.” Ibig po bang sabihin, hindi pa rin welcome sa Pangulo, kahit si Agnes Callamard ang ipadala sa Pilipinas?

SEC. ROQUE: Talagang hindi po welcome si Agnes Callamard, full stop. Okay? Humanap na lang siya ng ibang bansang iimbestigahin, at hinding-hindi siya maiimbitahang mag-imbestiga sa Pilipinas.

Q: off mic.

SEC. ROQUE: Eh, bakit naman siya tatanggaping mag-imbestiga rito eh meron na siyang konklusyon, wala pa nga siyang imbestigasyon. Saan ka nakakita ng independence special Rapporteur na magi-imbestiga, na may conclusion na, hindi pa naman nakakatapak dito sa ating bayan. Kaya hindi po talaga siya welcome, doon na lang siya sa ibang bansa kung may tatanggap sa kaniya!

Q: off mic.

SEC. ROQUE: Eh ang sabi po ng Presidente, wag makipagtulungan kahit kanino, pero siguro, ang sabi naman niya, iyong human rights special Rapporteur, so baka naman kung ibang Special Rapporteur eh, pupuwede, dahil siningle out naman ni Presidente, human rights, hindi ba po?

BRIAN LACANLALE/UNTV: Secretary, sabi ni NEDA Secretary Ernesto Pernia, tuloy iyong tulong mula sa EU, taliwas ito doon sa sinabi ng Pangulo last year. Ano po ba, tatanggapin po ba natin ito o hindi? Kasi sabi ni NEDA tuloy daw po.

SEC. ROQUE: I will have to check, baka naman kasi maraming mga aid packages iyan, baka naman iyong tinanggihan na ni Presidente is one form of aid package at iyon baka sinasabi ni Secretary Pernia, eh baka different aid package naman. So, I will find out. Ang tinatanggihan ng Presidente, iyong mga tulong na merong strings attached. Sabi ni Presidente, sa inyo na iyan, kung maapektuhan ang soberenya ng Pilipinas. Pero tatanungin ko po si Secretary Pernia, dahil kailangan ko rin siyang tawagan talaga, okay? So sa susunod ko pong press briefing, bibigyan ko ng kasagutan iyan.

LUCKY TARUC/RADIO CORP. TARLAC: Follow up lang po sa question kanina about Rapporteur Agnes Callamard. Sabi n’yo nga po hindi siya welcome dito sa Pilipinas para sa imbestigasyon, kasi meron na siyang conclusion about – iyon nga na – about the human rights na meron tayong state..?

SEC. ROQUE: Na wala pang imbestigasyon.

LUCKY TARUC/RADIO CORP. TARLAC: Oo. Hindi po ba ang open ang President natin na bakit hindi siya bigyan ng chance na pumunta dito sa Pilipinas baka sakaling mabago iyong laman ng kaniyang conclusion na sinasabi ninyo.

SEC. ROQUE: Hay naku, in the first place, bakit ka magpapaimbestiga sa tao na hindi naman siya magiging patas sa kaniyang imbestigasyon! Ang kinakailangan natin ay isang tao na mayroong katapatan na kapag sinabi niyang mag-iimbestiga siya, siya ay magiging patas, pakikinggan ang lahat at hindi mag-iimbestiga para suportahan ang conclusion na mayroon na siya. Okay?

DES PANGILINAN/RADIO CORPORATION: Since lumabas po iyong isyu regarding sa Dengvaxia, how true po na hinold daw po iyong mga pagkuha natin ng mga gamot, particularly iyong mga ilan pang vaccines sa Sanofi Pasteur, at ilan daw po yata dito ay iyong vaccine for rabies? So ano po iyong alternative po yata ng gobyerno upang ma-ano natin iyong needs ‘no doon sa mga vaccines na ito?

SEC. ROQUE: Ang itinigil lang po nating vaccine ay Dengvaxia. Tuloy po ang lahat ng mga iba pang bakuna na matagal na nating ginagamit. Ang aming pakiusap sa mga nanay, sa mga tatay, ituloy ninyo po iyong iba pang mga bakuna dahil napakatagal na naman nating ginagamit iyong ibang bakuna. Kapag hindi ninyo po itinuloy iyong mga bakunang iyan, mas malaking banta po ang mangyayari sa kalusugan ng inyong mga anak.

Dati-rati po ay wala na tayong measles kasi may bakuna na sa measles. Ngayon, mayroon na pong measles outbreak sa Zamboanga, sa Davao, at kailan lamang, pati sa Taguig ata ay mayroon nang outbreak. Iyan po siguro ay dahil na rin doon sa natakot nang mga magulang sa lahat ng klase ng bakuna.

Huwag po tayong matakot sa mga bakuna na matagal na nating ginagamit. Mas masama po kung hindi natin pababakunahan ang ating mga sakit. Gaya nga po ng measles, dati halos wala na iyan, ngayon po ay dumadami na naman ang mga measles outbreak.

MODERATOR: Another question from MPC, from Deo: Good afternoon, Secretary Roque. In a report, Vice President Leni Robredo has said that she is open to hold a Cabinet post if offered by the President. Will she be considered? May chance po ba? Saan po siya fit, if ever?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam na kinukunsidera siya ng Presidente para sa kahit anong Cabinet position. So to the Vice President, we appreciate her readiness, unfortunately, parang wala naman pong offer ngayon.

MODERATOR: Another question po from MPC. Good afternoon, sir. Question for the briefing. Sir, SWS survey showed that China was the third least trusted countries by Pinoys after Laos and North Korea, while the US was the most trusted.

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Matagal na po kasi nating kaalyado ang Amerika at Japan, at bagong kaibigan natin ang Tsina so hindi po nakapagtataka. Pero siguro, bigyan natin ng pagkakataon ang mga Tsino: Sabi nila, magpapadala sila ng napakadaming turista; Sabi nila, magpapadala sila ng napakadaming kapital at mga negosyo. So tingnan po natin kung ano nga ang mangyayari sa kanilang mga pangako.

Pero bago lang po ang pagkakaibigan, siyempre, kinakailangan ng panahon bago tayo maging BFF forever.

MODERATOR: May follow up question, sir: Is the administration planning to do anything to change or improve Filipino’s perception of China?

SEC. ROQUE: Siguro po nasa Tsina na iyan. Kung bibigyan nila ng katuparan ang kanilang mga pangako, kung hindi tayo magkakagulo dahil sa West Philippine Sea, kung sila’y tutupad sa kanilang pangako na hindi na sila magkakaroon ng mga bagong reklamasyon at bagong mga artificial islands, ang Pilipino ay nasa anyo naman natin na mas nais nating maging kaibigan kaysa maging kaaway.

So like all relationships, this is a two-sided relationship. We want to trust China, but China must also prove herself to be trustworthy.

MODERATOR: Thank you, sir. Are there anymore question from our friends from the media?

SEC. ROQUE: Parang mayroon pa ako ditong mga questions. Dexter Ganibe—okay, according to Dexter: Sabi ng Pangulo, kahit sinumang rapporteur diyan, order ko sa inyo, do not answer. Well, that is the President’s statement. We leave it at that.

“Sir, persona non grata ba si Callamard?” according to Henry Uri. Henry, hindi! But you see, iyong pagiging epektibo ng special rapporteur, nakasalalay din siya kung siya ba ay pagkakatiwalaan ng mga bansa to the point na iimbitahin siya para nga mag-conduct ng investigation. Pero itong si Callamard po kung bibigyan mo ng grado pagdating doon sa puwede ba siyang pagkatiwalaan, bagsak! Singko, singko ang grade! Hindi po siya pinagkakatiwalaan; at dagok po iyan hindi lang sa kaniyang propesyunal na standing, sa kaniyang pagkatao na rin.

Wait! Mayroon pang mga questions dito. Sandal lang po. Joseph Morong: Sir, for later, where does China intend to conduct its joint exploration and exploitation with the Philippines? If it includes areas under EEZ, what would be our response? Jetski comment, who said it was literal.

Unang-una, well, ang alam ko po, mayroong dalawang area na kinukunsidera for joint exploration. Pero lahat po ito ay nasa exclusive economic zone. So dalawang area po iyan, kung hindi ako nagkakamali, iyong tinatawag nilang 57, Service Contract 57 at Service Contract 72.

Now ang alam ko, ang Service Contract 57, hindi po apektado iyan ng any dispute. So diyan po pupuwedeng magkaroon ng joint exploration, walang dispute, so pumapayag lang tayo. Ang problema po, iyong 72 ay may dispute. So kinakailangan ay magkaroon muna ng kasunduan ang dalawang bansa bago po matuloy itong joint exploration na ito. Pero ang joint exploration naman po, gaya nung nangyari ng Joint Maritime Seismic Agreement, it would be implemented by corporations and not by sovereign states.

Second question ni Joseph: If it includes areas under our EEZ, what would be our response? Right now po, we are still in the process of negotiating with China; wala pa pong desisyon.

Jetski comment, who said it was literal. Hindi ko po alam kung sino ang nagsabi.

Follow up from Joseph: But EEZ is solely sa atin. That’s true! Exclusive Economic Zone refers to exclusive right to explore and exploit. But it is your sovereign decision kung gusto mong magkaroon ng joint exploration. Iyon po iyong punto doon.

Si Leila ng Inquirer po: Is the Palace still open to any inquiry by UN Rapporteur? How sincere is the government in welcoming a UN inquiry if police are not allowed to talk to these experts?

Well, ang sabi ko nga po, order po iyan ng Pangulo, let’s leave it be. Pero marami naman pong mga rapporteurs na iba na hindi kinakailangang makipag-ugnayan sa mga kapulisan.

And then Katherine: Good morning, sir. I’m doing a special report on drug war in the Philippines. I would like to ask the Palace’s statement on the claims by a political expert that the international drug cartel of which the Philippines has been allowed to be a transshipment producing/exporting country by the previous administration operates with the financial institutions here. Is the government looking into the money trail of illegal drugs sold by cartels and syndicates in the county?

Definitely! We are using our anti-money laundering law to ensure that drug lords do not benefit from their illegal drug trade. Okay? So I confirm that.

Okay, I have no more questions. Unless there are further questions from the local media! Well, if none, maraming salamat po uli sa mga taga-Tarlac. Maraming salamat po sa pamunuan ng Eduardo Cojuangco Vocational High School. At maraming salamat po sa mga local media and of course to the Malacañang Press Corps. Good afternoon, Pilipinas. Good afternoon to all of you.

###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource