ASEC. DE VERA: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, February 5.
Kahapon ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bagong president and chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Makakasama natin ngayon si Dr. Mercado para ibahagi sa atin ang magiging direksiyon ng PhilHealth at mga bagong proyekto sa kaniyang pamamahala. Good morning, Dr. Mercado.
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Magandang umaga po sa inyong lahat. Sa ating mga press corps members, magandang umaga po.
ASEC. DE VERA: Sir, may we ask for a short opening statement from you.
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: So, una po ay nagpapasalamat ako sa tiwalang binigay ng ating Presidente. Napakalaki pong challenge itong aking hinaharap. Ako po ay isang manggagamot, so sanay po ako na maramdaman iyong mga hinaing ng ating mga pasyente. Iyong word nga po na ginagamit namin o ginagamit ng mga pasyente ay “Dok, halos isang poste ho dito sa ospital ninyo ako na ang may-ari.” So, ganoon iyong laki ng inilalabas na pera ng mga pasyente natin.
So, ako bilang manggagamot, parang tinitingnan ko rin po ang PhilHealth na may sakit at inaalam ko rin po, ano iyong lunas. So, iyon po iyong aking unang kailangang gawin – aralin pong mabuti kung ano po iyong mga prosesong kailangang baguhin para po iyong directive po ng ating Presidente, mahal na Presidente na tuluy-tuloy ang serbisyo at palalawigin pa natin iyong benepisyo.
ASEC. DE VERA: Thank you, Dr. Mercado. We’re now opening the floor for questions. Leth Narciso, DZRH.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Dok. Doon po sa sinasabi ninyong nakikita ninyong mga sakit ng PhilHealth, ano po iyong prayoridad na nakikita ninyong kailangang solusyunan, gamutin?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Salamat po sa tanong. Una po ay titingnan natin iyong proseso na kung tawagin ay efficiency dahil mukhang sa ngayon po ay mayroon pa tayong puwedeng i-plug na mga leaks o iyong sinasabing wastage.
So, iyong proseso po, for example, ng pagri-recording po ng mga financial reports, isa-standardize po natin para kapag naglalabas ng regular na financial reports ay hindi po pabago-bago. Mahirap pong mag-analyze kapag ang financial reports ay iba ho iyong definition. Mayroon naman pong standard accounting definitions iyan, so iyan po iyong una naming idi-define para iyong reporting po ay malinis at transparent.
LETH NARCISO/DZRH: Iyon po iyong sinasabi ni Presidente na problema sa PhilHealth ‘no, iyong mabagal na serbisyo at actually hindi iyong pondo. Kasi ang naging isyu po ngayon ay iyong subsidy, hindi binigyan ng subsidy. So, papaano po kayo, paano ninyo po iyon tutugunan?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: So, iyong kaakibat ng efficiency kasi kung anuman iyong makukuha natin from the wastage, iyon iyong gagamitin nating pagpapalawig ng benepisyo. Isa pa diyan ay iyong tinatawag na computerization ng ating sistema. Kasi kapag naipatupad namin iyong digitization ay magagawa rin natin na iyong mga claims ay mapa-flag din iyong mga claims na maaaring sumusobra o iyong maaaring kung tawagin ay may halong kataka-taka kung bakit ganoon kalaki iyong mga claims nila. So, aayusin din natin iyong pagtatag noon through digitization.
MARICEL HALILI/NEWS5: Sir, magandang umaga po. Sir, may we know kung sino po ang kumausap sa inyo? Kailan po kayo kinausap para kunin itong position ng PhilHealth?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Sa pagkakaalam ko po ay matagal po talaga iyong prosesong dinaanan; marami po ang kinunsidera ng mga pumipili. Pero ako po ay may kakaibang, kumbaga, skills siguro dahil bukod sa ako ay hospital administration, ako po ay clinician so ako’y talagang tumitingin ng pasyente.
At ako ay also a researcher. Naging researcher ho ako through Harvard University sa School of Medicine, at ako rin po ay nakapag-aral ng health economics. So, mahaba po ang proseso at marami pong dinaanang mga level of interviews.
MARICEL HALILI/NEWS5: Ano po iyong nakapagkumbinsi sa inyo para po kunin itong posisyon na ito, tanggapin?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Pinagdasal. Pero hindi ko maatim na iyong pasyente ay nahihirapan.
MARICEL HALILI/NEWS5: And nakausap ninyo na po ba si Presidente? I understand kahapon ay nagkaharap po kayo, ano po iyong napag-usapan ninyo?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Maganda naman ang adhikain ng ating Presidente, iyong palawigin at palakihin iyong benefit package. Kasi nga right now, ang out of pocket expenditure ng Pilipinas ay nasa 45 to 47 percent. Ang usual health expenditure for a health system that is mature and also limits the catastrophic spending, kapag sinabi pong catastrophic spending, iyong more than ten percent of your household income net of food expenditures spend on health care ay dapat po mababa ng 25% to 27%
So, ang marching order po ng Pangulo natin ay palawigin ang benefit. Kapag may datos na po tayo kung magkano po talaga iyong gagastusin para i-maintain iyong level of care ay mas madali po nating, palagay ko, maididepensa iyong mga susunod na budget, at definitely ay makakahingi po tayo ng pandagdag kung sakali man base doon sa ating datos.
IVAN MAYRINA/GMA7: Good morning, Dr. Mercado, sir. Nabanggit ninyo po iyong karanasan ninyo bilang isang hospital administrator – kayo po’y bukod sa doktor, kayo rin po ay manager. Ano po ang opinyon ninyo sa pagtatanggal ng subsidy ng PhilHealth as an administrator and as someone who has knowledge of the other health systems in other countries?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Wala hong bansa na ang pondo para sa health care ay sasapat kung hindi ho gagawa ng sistema. So, kumbaga po ang resources are really limited. Marami hong mga nag-aaway-away para sa finite resource ng ating gobyerno. Ang kalusugan po ay isa lang sa napakaraming kailangang pondohan.
So, iyong gagawin po natin ay, again, iyong efficiencies para po mas lumawak kung anuman po iyong natitirang pera; at saka po mas important is iyong data eh. Kapag may data na po tayo ay mapaglalaban na po natin kung magkano po iyong kailangan po to maintain the same level of care in succeeding years.
IVAN MAYRINA/GMA7: Nabanggit ninyo po iyong marching orders ng Pangulo. Mayroon po bang katapat na commitment ito? Halimbawa, sinabi niya sa inyo na kung sakaling kailangan ng pondo, the government is going to bring back the subsidy na sa ngayon, for this year’s budget ay zero?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Mayroon pong commitment na tingnan po muna iyong datos. So, kailangan po na data-driven iyong atin pong mga desisyon moving forward.
IVAN MAYRINA/GMA7: Last na lang po from my end. Nabanggit ninyo po, tinitingnan ninyo ang PhilHealth na may sakit. Nakita ninyo na ho ba ang financial study ng PhilHealth? And how sick or how healthy is PhilHealth sa inyong tingin bilang bagong upo lamang na president/CEO?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Ang mayroon lang ho akong visibility, naka-post doon sa website ng PhilHealth which is a bit dated kasi the latest audited financial statement is 2022. So, bigyan ninyo lang po ako ng oras para aralin po iyong mga subsequent years at babalikan ko po kayo ng mas klarong sagot doon sa tanong ninyo po.
IVAN MAYRINA/GMA7: Thank you, Doctor. Good luck po.
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Thank you.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning, sir. Bale, sir, i-clarify ko lang po: Hindi pa po nila alam kung ano po iyong current na financial statement ng PhilHealth? Wala pa po silang idea ng parang latest budget ng PhilHealth?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Mayroon pong tinatawag na corporate budget, so iyon po ay pag-aaralan ko. Iyon po ay naipasa na noong nakaraang taon so, ako po ay recipient na ng budget na na-approve noong nakaraang taon. Iyong actual financial statement usually ho ang filing niyan ay hanggang mga Abril ng taong ito kasi ino-audit pa po iyan, so iyan po ay kumbaga may interim, iyon po iyong titingnan ko. Pero iyong final po ay aabutin pa po ng filing date po ng mga income taxes or ng mga financial reports.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Bale sa ngayon, sir, wala pa po kayong idea kung ilan iyong direct payment at saka indirect payment na nari-receive ng PhilHealth, iyong latest na data?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Wala pa po.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Tapos na-mention din nila, sir, kanina na mayroon kayong wastage na gustong ma-address. Mayroon po kaya silang idea kung magkano iyong wastage sa PhilHealth? At saka kung paano ito magagamit para doon sa na-mention ninyong enhancement ng benefits ng members?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Wala pa akong eksaktong datos. Ito ay base lang doon sa karanasan ko bilang isang provider kasi iyon na lang pagpa-process ng claim ilang libo-libo araw-araw – ilang percentage doon ang return to hospital which malaki ang nakukuha namin, may gastusin ho ulit iyon ng pagri-refile.
Pagkatapos po, kung mayroon namang halimbawa wrong spelling o mayroon lang kulang na kaunting attachment na hindi naman siya fraudulent eh baka ho gagawin naming proseso ay titingnan natin kung mapapa-improve o mapapabilis iyong filing ng claims at saka po ang benepisyo noon ay agaran ding ang hospital ay mababayaran at hopefully nga makakapag-deal din tayo as strategic purchaser with the hospitals na ano naman, iyong rates nila ay medyo preferentially for PhilHealth patients ay ma-adjust kasi may early payment naman eh iyong may tinatawag kaming custom money – kapag matagal iyong payment pina-factor namin iyong custom money, so, kung maiigsian natin iyo palagay ko naman ay matutuwa ang ospital at makakapag-negotiate tayo na maibaba ang kanilang billing.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Last na lang po for my part, sir. Ano po iyong timeline natin pagdating doon sa digitalization effort ng PhilHealth at saka will it also include AI?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyon po ay pag-aaralan pa namin kaya po bukas nga ay agaran kong binigyan ng instruction ang ating IT VP na mag-present sa akin noong detalye. So, kapag medyo may clarity na rin ako I will go back to you.
PCO ASEC. DE VERA: Eden Santos, Net 25.
EDEN SANTOS/NET 25: Sir, good morning po. Isa po ba doon sa binabanggit ninyo na sakit sa PhilHealth iyong corruption na titingnan ninyo rin po at saka po iyong mainit na issue po ngayon ay iyong kinukuwestiyon na inilipat na pondo from PhilHealth na 89.7 billion or almost 90 billion pesos. Under your watch, kaya po bang maibalik ulit ito sa PhilHealth para mas lalo pong maibaba iyong mga programa na gusto pong maibigay sa mga miyembro nito?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Siguro i-divide ko iyong question mo into two topics ‘no, una iyong issue na paratang ng corruption. So, may proseso naman pong dinadaanan iyan, hindi ho puwedeng basta na lang natin iaakusa nang walang pruweba. But moving forward po, kapag nag-digitize or na-digitalize iyong sistema medyo po mas mapa-flag natin iyong mga potential opportunities dahil hopefully nga magka-AI as was stated earlier magkakaroon na po ng red flagging – so, at least the system itself will self-correct or will prevent or at least mitigate any opportunities for those allegations.
Sa issue po noong 89.7 billion ho na binanggit ninyo, sa kasalukuyan po ay mayroon na pong proseso na nangyayari sa Supreme Court. We respect the process that the Supreme Court is undergoing and we will abide by whatever ruling the Supreme Court will have.
EDEN SANTOS/NET 25: Thank you po.
PCO ASEC. DE VERA: Tuesday Niu, DZBB.
TUESDAY NIU/DZBB: Hi. Good morning, Doctor. Iyong sa usapin po noong mga panawagan na ibalik sa 3.5 percent na lang iyong contribution ng members instead of the kasalukuyan po na ini-implement na five percent. Ano po ang posisyon ninyo dito?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Again, iyon po ay pending na sa Congress ano po at I think na-approve na on third reading sa Mababang Kapulungan at magba-bicam na. So, iyon po ay ipapaubaya ko muna po doon sa ating mga mahal na mambabatas dahil mayroon naman po tayong mga advocates doon sa loob na talaga pong healthcare ang focus po. Pero gaya po ng sinabi ko kanina, wala pong bansa na ang resources ay infinite, so talaga pong ang unang gagawin po namin is efficiencies.
TUESDAY NIU/DZBB: All right. Another one, Doctor. Sa ngayon po ba mayroon na kayong grasp on magkano pa ba iyong utang ng PhilHealth sa mga ospital at ano ang plano ninyo rito para mabayaran na sila dahil matagal na rin pong nananawagan iyong mga private hospitals at iyong iba pa para sila ay mabayaran na po ng PhilHealth?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Gaya po nang nabanggit ko kanina ang una po naming tututukan ay ano ho ba iyong pinaka-reason bakit nari-return to hospital at ano ho iyong reason bakit bumabagal iyong claims processing.
Hopefully nga po ay makapaglabas kami ng mga panibagong procedure para iyong mga causes ay ma-identify at iyong mga minor lang naman ay maituloy kaagad. So, iyon po ay hindi lang prospectively kung hindi also retroactive – so, iyong mga datihang denied claims ay aaralin po namin; kung ano po naman iyong puwede nang mabayaran kung ang basehan po ay mai-set namin na in compliance din po siyempre sa COA rules.
TUESDAY NIU/DZBB: Thank you, sir.
PCO ASEC. DE VERA: Pia Gutierrez, ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hello, doctor. Nabanggit ninyo po kanina na iyong in a mature healthcare system, ang out-of-pocket spending ng isang pamilya ay dapat mababa ng 25 to 27 percent. Do you see that as a target po within your administration? At do you see that as a doable po given na nasa 45 to 47 percent ang current rate ng out-of-pocket spending ng isang ordinaryong Pilipino?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Actually po, nakapaloob iyon doon sa medium-term plan ho ba ng hindi ko lang po matandaan iyong acronym. Pero nakalagay po doon na ibaba ng 30 percent in the medium term po at iyon po ay si-net noong parang general roadmap for the Philippine economy. So, iyon po muna pero kung mahihigitan po ay mas maganda.
PCO ASEC. DE VERA: Cleizl Padilla, PTV.
CLEIZL PADILLA/PTV: Good morning po, Doctor. Follow-up ko lang po how urgent po kailangan ma-implement iyong digitization and is it safe to say po na masisimulan po ito this year under your watch po?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: So, gaya ng sinabi ko kanina mayroon nang procurement process or bidding na isinasagawa. Hindi ganoon kadali ang pag-shift to a new system kasi na-experience ko iyan even when I was running chain of hospitals kasi po iyong go life kung tawagin na talagang lahat ay magsi-shift na sa bagong system marami pong debugging na ginagawa – so, iyon po ay umaabot minsan ng taon; pero iyon pong mga puwede nang agaran like claims adjudication for example ay ipa-prioritize po namin iyon.
So, marami pong aspeto ng digitization po eh hindi lang iyong pag-process ng claims, mayroon pa ho diyan na membership portal para ho alamin natin which is again a direction that we’re going to do kung sino po iyong mga namatay na po for example kasi iyon po ay kasama pa rin doon sa mga binabayaran na subsidiya or doon sa mga tinatawag na informal sector.
So, I hope mayroon pong enabling environment that we can also work with other agencies na mas robust na iyong IT systems na puwede na ho naming pagbasehan noong listahan noong mga dapat mag-fall within the informal sector.
PCO ASEC. DE VERA: Alexis Romero, Philippine Star.
ALEXIS ROMERO/PHILIPPINE STAR: Doc, lilinawin lang namin kasi nabanggit ninyo po kailangan ninyo pong i-address iyong mga sinasabi ninyong illnesses noong PhilHealth. Can you elaborate, ano po iyong nakikita ninyong mga kailangang gamutin or kailangang ayusin sa PhilHealth na mga sakit?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Ang objective po natin ay mapalawig iyong benepisyo at hindi ma-deter o hindi ho maapektuhan iyong pagbibigay ng ating serbisyo.
So, ang una pong kailangan gawin nga po is the financial reporting para po mas malinis, mas standard – iyon po, medyo mas madali po iyon dahil parang chart of accounts ang idi-define. Kapag mayroon na ho tayong datos iyon na po iyong pagbabasehan natin – apple to apple po tayo moving forward.
Iyon pong benefit management na kailangan pong alamin natin kung ano po talaga iyong very impactful. We will already leverage on what ex-president Manny Ledesma has initiated na mayroon ho tayong 50 percent across the board na ginawa noong January. Puwede ho naming kausapin iyong mga ospital na iyon namang 50 percent ay ibawas natin doon sa mga existing PF at saka hospitals – hospitals po usually naman talagang binabawas.
So, iyon po iyong kailangang gawin iyong whole-of-nation approach na lahat tayo may responsibilidad. Iyon pong digitization ay talaga pong ipu-push namin kasi iyon po ang long-term solution natin for claims adjudication, at saka iyong data para malaman po natin magkano po talaga ang kailangan nating pondo na pagbabasehan natin ng pagba-budget.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: So, ang mga sakit, kung hindi ako nagkakamali, base sa sinabi ninyo, issues on financial reporting and benefits management, tama po?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Yes po.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Alam po natin na iyong posisyon ng PhilHealth, mainit po sa iba’t ibang sectors ito and your predecessors have faced criticisms with the way they managed, kasi nga napaka-vital po ng trabaho ng state insurer ‘no. So, ano po iyong different approach na i-employ ninyo this time given na iyong position po ninyo, talagang tinututukan? Ano po iyong magiging pagkakaiba ninyo bilang pinuno ng very sensitive na post na iyan?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Salamat po sa tanong. Kagaya ng opening statement ko, ako ay doktor eh, kaya medyo ang approach ko palagay ko dahil na-experience ko on the other side of the fence, how it is to be dealing with PhilHealth. So, iyong pain point po ay identified so, iyon po iyong una nating ia-address. Pangalawa po, iyong benefit management, bukod po doon sa sinabi ko kanina na initial 50% across the board at saka iyong, I think mayroon pong mungkahi, ito naman ay nasa pahayagan na, na iyong mga top diseases based on occurrence.
Pero ang imumungkahi ko po, kasi iyong mga 20 or 30 diseases na mas malimit ay hindi po necessarily na iyon ang nagko-cause ng catastrophic spending. So, titingnan ko rin po ang datos kung ano iyong mga sakit na malimit na nagko-cause ng catastrophic spending at probably iyon po muna iyong ating ipo-focus. So, iyong targeted or differentiated benefit management ay gagawin din po natin.
ASEC. DE VERA: Jean Mangaluz, Philippine Star.
JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR: Good morning, Doc. So during the Supreme Court oral arguments yesterday regarding the PhilHealth transfer, one justice noted that, PhilHealth, prior to your term, prioritized investment over expanding the benefits. So, what‘s your priority? Can we expect that on your term wala ng reserved funds or hindi na ganoon kalaki iyong reserved funds ng PhilHealth?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Palagay ko, again, may ongoing case sa Supreme Court and we will just abide by their rules and their decisions. Pero for now po, ang unang nasa priority areas ko rin po is actuary. So, kailangan po ay ma-estimate actually ano po ba talaga ang benefit cost vis-à-vis the collection, so iyong actuary po ay napaka-importante noon. So, palalakasin namin iyong actuarial capacity ng PhilHealth para makita rin natin kung ano po iyong tamang pondo na kakailanganin, doon po tayo magbabase ngayon and hopefully kung magkano po talaga iyong reserved fund, kung magkano po iyong dapat na nakapaloob doon sa benefit fund. Pero iyon po ay aaralin pa, so kailangan po muna datos.
JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR: Sir, pero can we expect na hindi ganoon kalaki ulit iyong reserved funds or are you trying to avoid that – ballpark?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Depende pa nga rin po doon sa datos na makukuha natin. Pero just to give you again a health economic theory or practice, usually po iyong tinatawag na medical loss ratio accounts for 85% of your premium collection, iyon po iyong ginagamit na pang-cover ng benefits. So, iyon po iyong isa ko ring titingnan kung ano po iyong porsiyento ng nalilikom na premium na talagang ginagamit sa benefits which kapag pinalawig po iyong benefit coverage ay hopefully ma-reach din po natin iyong ganoong stage.
ASEC. DE VERA: Christian Yosores, Radyo 630.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning po, Doctor. Isa rin po sa na-flag sa PhilHealth last year was iyong magarbong budget para sana sa anniversary ng PhilHealth. So, how do we make sure, sir, na this year maa-allocate ng tama iyong pondo ng PhilHealth lalo na at mayroon ngang isyu sa zero budget sa subsidy?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyon nga iyong unang-una kong hiningi ko kahapon noong pumunta ako sa opisina, kung paano iyong budget na na-approve at ano na iyong bagong budget. So, iyon po ay tinitingnan ko pa ngayon. Pero sa unang tingin po ay malaki na po iyong dinowngrade na mga gastusin. But again, kakaupo ko lang kahapon, kailangan ko pong in-inin pa iyong detalye.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: One last, sir. Magpapatupad pa po ba kayo ng balasahan sa mga officials ng PhilHealth?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Magkakaroon po tayo ng review ng mga staff. Pero sa ngayon po ang atin pong ipinapahayag is we are here to heal and to bridge. Hindi po tayo nagwi-witch hunt kumbaga. At iyon din po ang hinihiling ko sa press kung puwede ring maipaabot sa ating mga mamamayan na kami po ay nandito para mag-heal, mag-bridge at tingnan din po kung ano pa iyong puwede naming mai-contribute ko sa pagpapalawig ng benepisyo at sa pag-improve ng proseso.
ASEC. DE VERA: Alvin Baltazar/Radyo Pilipinas.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Dr. Mercado, magandang umaga po. Dr. Mercado, kanina nabanggit ninyo na hindi ninyo maatim na mayroong nahihirapang mga pasyente doon sa unang bahagi ng statement ninyo. Ano ba iyong nakikita ninyong nagpapahirap sa mga pasyente sa tuwing may kailangan sa PhilHealth na ipa-prioritize ninyo?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Number one nga iyong support value na tinatawag. So, again, titingnan nga namin kung ano iyong pinakamalimit na nagko-cause ng catastrophic spending ng mga sakit. At titingnan namin kung magkano talaga iyong actual cost noong mga sakit na iyon kung susunod ka doon sa standard of care na tinatawag. Standard of care is mayroon namang mga evidence-based data na nagsasabing ‘for this certain disease, ito iyong mga gagawin mo dapat na mga lab test, ito iyong gagawin mong procedures’ iyon po muna iyong aming aaralin.
And then, again as a whole-of-nation approach, kakausapin po namin iyong mga providers na ito iyong standard of care, ito iyong pagtulungan natin as a whole-of-nation approach at dahil pabibilisin naman iyong payment cycle ninyo eh, gusto ko nga po i-incentivize iyong mga nagko-comply doon sa standard of care, maganda iyong outcome of treatment ay bibigyan din po ng differential claims adjudication; mas mabilis ang bayad kung ikaw ay nagko-comply doon sa standard of care.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Dr. Mercado, may we know kung ano iyong possible incentives na maibibigay doon sa mabilis?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Kanino po ibibigay?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Iyong incentive na binabalak ninyo, na pinaplano, anong klaseng incentive ang pupuwedeng matanggap nila?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Sa mga provider hospital ang una nga ay iyong speed or ease of claims adjudication or claims sa payment. So iyon po, kasi again, kagaya ng sinabi ko kanina may cost of money component ang ospital, kapag matagal ang payment, pina-factor po iyon doon sa mga bills, sa mga charges nila. Kapag ikaw ay nag-comply, ito po ay nagawa na rin naman nung mga datihang panahon, in particular under Dr. Dodo Banzon, na nagkaroon po ng bench book na tinatawag at klinasify po niya iyong hospital ayon sa degree or level of compliance doon sa standards na sinet ng PhilHealth. Iyon po ay nakasaad din doon sa mga circular na bago at iyon po ay mas paiigtingin pa namin.
So, iyon po ang isa sa incentive bukod po doon sa—of course, kapag kayo po ay nag-comply at kayo ay center of excellence for example ay iri-recognize po kayo through a very public process.
ASEC. DE VERA: Michelle from All TV.
MICHELLE/ALL TV: Good morning, sir. Sir, sa inyong experience po, being a—you are from private hospital po ‘no. Sa experience po ninyo, gaano po ba katagal mabayaran ng PhilHealth iyong mga unpaid claims at bakit po kaya umaabot ng taon o umaabot ng bilyon iyong mga unpaid claims sa hospital?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyong huling datos po na nabasa ko ay naibaba na po ng 25 days iyong payment cycle eh. Iyong unpaid claims ko kalimitan ay iyong sinop ng pagpa-file po ng mga hospitals, kaya nga baka kailangang i-revisit din iyong processes. Dahil po napa-flag down kung, gaya ng sinabi ko kanina – mali iyong spelling ng pangalan, kulang iyong attachment, hindi nagma-match iyong diagnosis doon sa lab tests na ginawa. Sinop din po ng pagpi-fill out noong claims form kaya hindi naman po iyon lahat ay problema dahil sa PhilHealth. Mayroon din pong katungkulan ang mga providers na ayusin po iyong kanilang claims processing. So, iyon po ang kakausapin natin ang mga providers.
MICHELLE/ALL TV: Bale ang pagkakaintindi ko po, one factor na nagpapa-delay sa pagbabayad ng claims ng PhilHealth ay iyong parang incorrect na mga documents na naipapasa sa PhilHealth?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyon po. Pati iyong, halimbawa pirma ng doktor, napakahirap hong habulin ng mga doktor. Eh, iyon ho ay pinipirmahan bago i-discharge ang pasyente. Titingnan po natin kung ano po iyong puwedeng paraan para mabawasan natin iyong mga RTH o Return to Hospital.
MICHELLE/ALL TV: Sa inyong experience po, sir, gaano po ba katagal bago mabayaran ng PhilHealth iyong unpaid claims sa hospitals?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyong unpaid claims kasi iba doon sa current claims mo. Iyong current claims kasi, iyon ang kaka-file mo lang eh. So, like kami, may metrics kami – from the time of discharge to the time of completion of chart, may pirma ng doktor; tapos from the time of completion ng chart and doctors, kailan nilo-load or kinu-complete ng billing clerk iyong data. So, iyon po ay kailangang pantayan ng mga hospital until ma-file.
So, iyong claims, usually po mabilis iyon kung wala pong rejection. Kapag may rejection po, iyon po ang again aaralin namin dahil ang RTH nga po ay tumatagal depende po doon sa cost, kung may kakulangan, kung may napa-flag down na potential fraud, depende po iyon, iyon po ang aaralin pa namin.
MICHELLE/ALL TV: Just another concern, Doc. How do you plan to go after po iyong mga employers na hindi nagri-remit ng contributions ng kanilang employees?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Ito ay social contract eh, kaya ang obligasyon natin lahat tayo ay mag-ambag doon sa risk pool. Wala hong police power ang PhilHealth, sa pagkakaalam ko, pero puwedeng halimbawa iyong mga employer under DOLE rules kailangan ho nagri-remit iyan. Mga Kasambahay Law ho, tingin ninyo ho ba ilang porsyento po ng kasambahay ang binabayaran po ng kanilang employer ang kanilang PhilHealth. So, iyong po ay aapela kami doon po sa lahat ito dapat may partisipasyon tayo kasi pondo natin ito eh.
MICHELLE/ALL TV: Sa tingin ninyo po, Doc, kailangan na ng police power ng PhilHealth doon sa ano na iyon, go after the employers na hindi nagri-remit ng contributions – additional power?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: We file cases din for fraudulent claims, for unpaid claims, but unremitted premiums. Pero, again po, kasi with the current ano, kung lalagyan natin ng ano iyong pinaka-important at pinaka-ano, kailangan po muna nating—pag-uusapan pa po namin as you as asked me earlier, ano ho ba iyong priority ninyo na number one, number two, number three, number four. So, baka po in the immediate future, iyon po muna mga nabanggit ko kanina – claims adjudication, paglawig ng benefit payment na strategic ang mga pipiliing kaso, processes sa loob as financial statement reporting, so iyon po ‘yung—actuary, iyon po ang aming uunahin.
Q: Thank you po.
PCO ASEC. DE VERA: Next question, Eden Santos, Net25.
EDEN SANTOS/ NET25: Sir, ano na lang po, after po ninyong tingnan lahat ng mga datos ano po, gaya ng sinabi ninyo, ikinukonsidera rin ninyo po ba sa inyong palagay iyong pagre-rekomenda sa Pangulo na ibalik po iyong almost 90 billion pesos na itinaransper (transfer) po sa National Treasury para naman magamit under your watch sa pagbibigay po noong mga health benefits at saka po mga serbisyo sa ating mga kababayan?
PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Again po, may proseso nang nangyayari sa Supreme Court po eh, hindi ko na po—it’s an ongoing process that we respect. We will just abide with whatever decision the Supreme Court will have.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you, Dr. Mercado. And that wraps up our press briefing this morning. Again, thank you very much sa Philhealth President and CEO Edwin Mercado. Thank you, Malacañang Press Corps, and good morning.
###